You are on page 1of 12

Wastong Gamit ng mga Salita

Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang
pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings alita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay
bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito,
nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag.
Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:

1. MAY at MAYROON
Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng pananalita:

Pangngalan
Pandiwa
Pang-uri
Panghalip na Paari
Pantukoy na Mga
Pang-ukol na Sa
May prutas siyang dala.
May kumakatok sa labas.
May matalino siyang anak.
May kanila silang ari-arian.
May mga lalaking naghihintay sa iyo.
May sa-ahas pala ang kaibigan mo.

Ginagamit ang mayroon kung ito’y:


Sinusundan ng isang kataga o ingklitik
Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?
Mayroon nga bang bagong Pajero sila?
Sinusundan ng panghalip palagyo
Hal. Mayroon siyang kotse.
Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.
Nangangahulugang “mayaman”
Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.
Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid.

2. KITA at KATA
Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan. Ginagamit ito bilang
tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Samantala, ang katanaman ay panghalip panao sa
kaukulang palagyo at may kailanang dalawahan. Ang kitaay tumutukoy sa kinakausap, at
ang kata naman sa magkasamang nagungusao at kinakausap.
Hal. Nakita kita sa Baguio noong Linggo.
Kata nang kumain sa kantina.

3. KILA at KINA
Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.
Hal. Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.

4. NANG at NG
Ginagamit ang ng bilang:
a. Katumbas ng of ng Ingles
Hal. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan.
b. Pang-ukol ng layon ng pandiwa
Hal. Umiinom siya ng gatas bago matulog.
Naglalaro ng chess ang magkapatid.
c. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak
Hal. Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.
Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto.
Ginagamit ang nang bilang:
a. Katumbas ng when sa Ingles
Hal. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting.
Tapos na ang palabas nang pumasok ng tanghalan si Ben.
b. Katumbas ng so that o in order to sa Ingles
Hal. Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y makapasa.
Magsumikap ka nang ang buhay mo’y guminhawa.
c. Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng
Hal. Kumain (na+ng) nang lugaw ang batang maysakit.
Tinanggap (na+ng) nang nahihiyang bata ang kanyang regalo.
d. Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa
Hal. Siya ay tawa nang tawa.
Kumain nang kumain ang nagugutom na bata.

5. DAW/DIN at RAW/RIN
Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig;
at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig.
Hal. May sayawan daw sa plasa.
Sasama raw siya sa atin.

6. KUNG at KONG
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito ang if sa Ingles; ang kong ay
panghalip panao sa kaukulang paari.
Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Nabasâ ang binili kong aklat.

7. KUNG DI at KUNDI
Ang kundi ay galing sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles; ang kundi naman ay except.
Hal. Aaalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.

8. PINTO at PINTUAN
Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Samantala,
ang pintuan (doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto.
Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.
Natanggal ang pinto sa pintuan.

9. HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantala,
ang hagdanan (stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.
Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN


Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin.
Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan.
Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.
Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.

11. OPERAHIN at OPERAHAN


Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin.
Ang operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis.
Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.
Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.

12. WALISIN at WALISAN


Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na aalisin o lilinisin
samantalang ang walisan ay tumutokoy naman sa lugar (to sweep the place).
Hal. Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.
Walisan ninyo ang sahig.

13. IKIT at IKOT


Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob.
Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.
Hal. Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan
palabas.

14. SUNDIN at SUNDAN


Ang sundin (to obey) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral; angsundan (to
follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Hal. Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon sa iyong kabutihan.
Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan.
Sundan mo siya baka siya maligaw.

15. SUBUKIN at SUBUKAN


Subukin (to test, to try) – masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain;
Subukan (to see secretly) – palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng isang tao
Hal. Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko bilhin.
Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-bahay.

16. HATIIN at HATIAN


Hatiin (to divide) – partihin;
Hatian (to share) – ibahagi
Hal. Hatiin mo sa anim ang pakwan.
Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

17. IWAN at IWANAN


Iwan (to leave something or somebody) – huwag isama;
Iwanan (to leave something to somebody) – bigyan
Hal. Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.
Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

18. NABASAG at BINASAG


Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto; ang
salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.
Hal. Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang mga plato.

19. BUMILI at MAGBILI


Bumili (to buy);
Magbili (to sell) – magbenta
Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

20. KUMUHA at MANGUHA


Kumuha (to get);
Manguha (to gather, to collect)
Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

21. DAHIL SA at DAHILAN


Dahil sa – ginagamit bilang pangatnig na pananhi;
Dahilan – ginagamit bilang pangngalan
Hal. Hindi siya nakapaglaro ng basketbol dahil sa taas ng kanyang lagnat.
Ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong pananalita.

22. TAGA at TIGA


Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung
sinusundan ng pangngalang pantangi.
Hal. Si Juan ay taga-Bikol.
Taganayon ang magandang babaeng iyon.
Aralin 3. PAHIRIN, PAHIRAN
Isa pang nakagugulo sa isip ng mga mag-aaral ay ang wastong gamit ng mga salitang pahirin atpahiran.

Pahirin ang ginagamit kung ang nais gawin ayalisin o tanggalin ang isang bagay mula sa isang bagay.

Mga halimbawa:
1) Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
2) Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw.
3) Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina.
4) Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga.

Pahiranang ginagamit kung ang ibig


ipagkahulugan aylagyanng isang bagay ang isang bagay.
Mga halimbawa:
1) Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
2) Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa.
3) Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.
) Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno.
Wastong Gamit ng Salita

Nang at Ng

Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng
marami sa atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung
nabaliktad ang ating paggamit sa ngat nang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng mga
ito.

Sa lesson na ito, ang ituturo ng may-akda ay ang shortcut para malaman kung ano ang dapat gamitin
sa ng o nang sa isang pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung kailan
kailangang gamitin ang nangang sa isang pangungusap:

 Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb).

1. Pag-uulit ng pandiwa
Halimbawa:

Talon nang talon ang mga bata.


Lipad nang lipad ang mga kalapati.

Ibang halimbawa:

Nasaktan si Gorrio nang iwanan siya ng kanyang kasintahan.

Biglang nagkagulo ang mga tao nang lumabas sa pinto si Lovi Poe.

 Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective).


Halimbawa:

Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.


Sumuko nang mahinahon ang mga pugante.

 Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.


Halimbawa:
Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita.
Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente.

 Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at na.

a. Aalis ka nang hindi nagpapaalam? (Aalis ka na na hindi nagpapaalam?)

b. Gawin mo nang hindi nagrereklamo. (Gawin mo na na hindi nagrereklamo.)

c. Ang uniporme ay itiniklop nang hindi pa pinaplantsa. (Ang uniporme ay itiniklop na na hindi pa
pinaplantsa.)

Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin.

Mga Halimbawa:
Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng mga Hernandez.

Si Benedict ang kumuha ng halabas kanina.

Binilisan ng bata ang paglalakad sapagkat siya ay natatakot.

Si Marlon pinag-uusapan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa kabahuan niya.

Kung at Kong

KUNG

Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap

Halimbawa:

Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya sa paghawak ng pera.

KONG

Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.

Halimbawa:

Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking kaarawan.


May at Mayroon

Wastong gamit ng MAY

 Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.

 May pera ka ba?

 Lahat sila ay may regalong matatatanggap.

 Kapag sinusundan ng pandiwa

 May sasabihin ko sa’yo.

 May pupuntahan ako sa Sabado.

 Kapag sinusundan ng pang-uri

 May mahalagang bagay kang dapat matuklasan.

 Maymagandang anak si Mang Jose.

 Kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari

 Bawat miyembro ay may kani-kanilang hinaing.

 Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.

 Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.

Wastong gamit ng Mayroon

 Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.

 Mayroon pa bang magsasalita ukol sa paksang ito?

 Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.

 Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.


 Ginagamit na panagot sa tanong.

 May bagyo ba?–Mayroon.

 May takdang aralin ka ba ? -Mayroonpo.

 May maasahan ba akong tulong sa kanya? –Mayroon naman.

 Ginagamit kung nangangahulugang ng pagka-may kaya sa buhay

 Hindi magandang magpanggap na mayroon sapagkat matutuklasan din sa bandang huli ang totoong
kinatatayuan sa buhay.

 Ang mga Morales ay mayroonsa bayan ng Dolores.

Wastong paggamit ng Subukin at Subukan

SUBUKIN

 Ang subukinay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisi-yasat sa uri,lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.

 Subukinmong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.

 Subukinmong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.

 Susubukinng mga mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalunsod.

SUBUKAN

 Ang subukanay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.

 Subukanmo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.

 Ani Erap noon, “Wag n'yo akongsubukan!”.

 Subukanmo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating sya sa kanyang paroroonan.

Wastong paggamit ng Pahiran at Pahirin

PAHIRIN
 Angpahirinay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay,alisin ang bagay.

 Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.

 Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.

PAHIRAN

Dalawaang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran.

1.Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay na pinahid. Sa ganitong gamit ang
pahiran ay may layon.

2. Nagagamitdin angpahiransakahulugangpaglalagayngkauntingbagayat karaniwanay


sabahagingkatawan.

 Pahiran mo ng vicks ang aking likod.

 Pinapahiran ng langis ng dalaga ang kanyang buhok.

 Bakit mo pinapahiran ng alkohol ang iyong mga kamay.

Wastong gamit ng Operahin at Operahan

OPERAHIN

 Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.

 Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas.

 Kailan nakatakdangoperahin ang iyong bukol sa dibdib?

 Ooperahin na ang bukol sa tuhod ni Ernani.

OPERAHAN

 Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.


 Ooperahanna ng doktor ang naghihirap na may sakit.

 Inoperahanna si Emil kahapon.

 Si Vic ay kasalukuyanginooperahansa pagamutan ng St.Luke.

Wastong gamit ng Rin, Raw, Daw at Din

RIN at RAW

 Ang mga katagang rinat raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa
malapatinig naw aty.

 Tayo ay kasamarinsa mga inanyayahan.

 Ikawrawang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.

 Sasakay rawsiya sa unang bus na daraan.

DIN at DAW

 Angdinatdaway ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa wat y.

 Takotdinsiyang magsinungaling kagaya mo.

 Masakit dawang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa klase.

 Malakas dinang patahian nila katulad ng patahian ninyo.

Wastong paggamit ng kung ‘di, kung di at kundi

 Ang kung'di ( if not) ay pinaikling kung hindi.

 Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.

 Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.

 Kung'di ka sana mapagmataas ay kaibigan mo pa rin si Louela.

 Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.


Wastong gamit ng KINA at KILA

 Angkinaay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina.

 Walang salitang kilasa Balarilang Filipino.

 Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.

 Papunta na kami kina Ms. Katipunan.

 Kina Malou gaganapin ang pagdiriwang.

 Malayo ba rito ang kina Riza at Ronie?

Wastong paggamit ng Pinto at Pintuan

 Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.

 Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok angt lamok.

 Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na
ang pinto.

 Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't hindi niya maisara ang pinto.

Wastong paggamit ng Hagdan at Hagdanan

 Anghagdan (stairs)ay mga baytang at inaakyatanat binababaan sa bahay/gusali.

 Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.

 Ang hagdanan ( stairway) ay bahaging bahay na kinalalagyan ng hagdan.

 Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.
Wastong gamit ng Iwan at Iwanan

 Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama/dalhin.

 Iwan nalang niya ang bag niya sa kotse ko.

 Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.

 Iwanan mo 'kong perang pambili ng pananghalian.

Wastong paggamit ng Tunton, Tungtong at Tungtong.

 Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.

 Hindi Makita niMang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.

 Ang tuntong ay pagyapak sa anumang bagay.

 Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.

 Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas ng anumang bagay.

Hindi komatuntong kung saan na nagsuot ang aming tuta