You are on page 1of 1

Wala Na Akong Balak Umibig

'Di naman sinasadya na mahulog na lang bigla


'di ko naman inaasahan na ika'y masisilayan
magagawa pa bang pigilan ang nadarama

Noon ko pa kinalimutan ang pag-ibig na 'di ko naman matagpuan


'di na ako naniniwala na saki'y may nakatadhana
kung meron man meron na s'yang iba

Wala na 'kong balak umibig


Ilang ulit nang nasaktan ang dibdib
Sanay naman na mag-isa bakit ba nakilala ka
magagawa bang lumayo o lalapit sa'yo

Lagi kitang naaalala, napapa-ngiti nang mag-isa nagmumukhang tanga


magagawa pa bang iwasan, lagi ka sa'king isipan
handa na ba kong mabigong muli at masaktan

Wala na kong balak umibig


ang aking puso'y manhid na sa kilig
hindi pa ba nadadala, lilipas din mawawala
magagawa bang lumayo

Baka ikaw na talaga pero pwede ring hindi pa


pa'no ba malalaman kung di pagbibigyan
malay mo ito na 'to, panghabangbuhay pala tayo
iibig bang muli o ayaw lang na magkamali

Wala na kong balak umibig


ngunit ang puso ko'y wala ring balak makinig
ang bawat araw masaya simula nung nakilala ka
sana ikaw na talaga

Walang kasiguruhan kung may patutunguhan


iaasa na lamang ba lahat sa kapalaran
ngunit baka pagsisihan makakaya bang makitang
ikaw ay masaya na iba na ang kasama

Wala na 'kong balak umiibig


ngunit bakit ba nais marinig ang 'yong tinig
tunay b'ang nadarama ikaw ba ang aking sinta
nahuhulog na sa'yo