You are on page 1of 6

B1 Badayos, Aren Brylle R.

11 – Del Mundo

ANG WIKANG FILIPINO


SA MAKABAGONG PANAHON
Ipiniprisinta kay:

Dr. Rañulfo Lanojan

Ipiniprisinta nina:

Jisa Rica Quijote

Michael Jay Terce

Mary Nathaline Sevilla

Vince Isidore Agbones

I. Panimula
Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang
pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang
mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang
bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-
ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. \ito ay talagang napakahalaga
dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunland kung ang mga tao ay hindi
nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya lalong-


lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng wika at
nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad nalang ng mga
ginagamit ng bakla o “beki” na kadalasan tinatawag na “beki language”. Marami nang
nadulot na impluwensya ang mga pagbabagon ito lalong-lalo na sa mga kabataan.

Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating kabataan ngayon, nalipat na ang


kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga.
Nakakalimutan na nila ang pangunahing kaalam kagaya ng wastong paggamit ng mga
salita at ang kahalagan ng pagbibgigay importansya at pagtangkilik sa ating sariling
wika; ang wikang Filipino.

Ayon nga sa sinabi ng ating naturingang bayani, “Ang hindi marunong magmahal sa
sariling wika, ay higit pa sa amoy ng malansang isda”. Ang pag-aaral na ito ay
nakatuon sa paglikom ng iba-ibang persepsyon ng kabataan sa pagkilanlan at paggamit
sa wikang Filipino sa makabagong panahon. Upang makalikom ng mga suhestiyon ukol
sa paano makisabay sa pagbabago ng ating wika at makabigay ideya sa kung paano
mapapaunlad o mabubuhay ulit ang unti-unti na nating nakakalimutang wikang Filipino.

II. Paglalahad ng Suliranin


Pangunahing Suliranin:

1. Ano na ang naging mukha ng Wikang Filipino sa isipan ng ating kabataan?


Mga Tiyak na Suliranin:

1. Anu-ano ang mga salik na nagtulak sa kabataan na makaligtaan ang importansya ng wikang
Filipino sa ating ekonomiya at pagiging Pilipino?
2. Bakit mahalaga ang paglikom ng ideya ng ating kabataan tungkol sa Wikang Filipino sa
makabagong panahon?
III. Mga Kaugnay na Literatura
Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mgak aisipan, damdamin at mihiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na


binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng
kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o
natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal
at multicultural, nabubuklod an gating mga watak-watak na isla n g iisang mithiin na
ipinapahayag hinidl amang sa maraming tinig ng iba’t-ibang rehiyon kundi gayon di nsa
isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng
wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

IV. Mga Pamamaraan ng Pag-aaral at Pagkuha ng Datos


Disenyo ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nauuri sa klasipikasyong deskriptibo o panlarawang
pananaliksik na karaniwang ginagamit sa mga pananaliksik at pag-aaral na ukol sa wika
at kaugnay na disiplina.

Lugar ng Pag-aaral
Isinagawa ang pag-aaral sa St. Louise de Marillac College of Bogo sa seksyon ng
Blessed Giuseppina Nicoli na isang pribadong paaralan sa lungsod ng Bogo.
Napagdesisyonan ng mananaliksik na sa paaralang ito ang isigawa ang survey sa
kadahilanang ang mga mag-aaral sa nasabing paaralan ay may mga pangunahing
kaalaman ukol sa paksa na isinasaliksik ng mga mananaliksik.

Mga Kalahok sa Pag-aaral


Ang mga kalahok sa pag-aaral ay apatnapu’t-anim (46) na mag-aaral na may edad
14-17 sa ikawalong baitang (Grade 8) at tatlo (3) mula sa ikasampung baiting (Grade
10). Ito ay binubuo ng dalawampu’t-apat (24) na lalaki at dalawampu’t-limang (25)
babae. Random sampling ang nangyaring pamamaraan ng pagpili ng mga kalahok
sapagkat ninais ng mga mananaliksik na makakuha ng datos ukol sa persepsyon ng
mga kabataan patungkol sa nasabing paksa.
Mga Instrumentong Gagamitin sa Pag-aaral
Gumamit ang mga mananaliksik ng isang set talatanungan/questionnaire para sa mga

kalahok sa pag-aaral.

Mga Hakbang sa Pag-aaral


Isinagawa ng mga mananaliksik ang sumusunod na mga hakbang upang
maisakatuparan ang kanilang pag-aaral:

1. Pagkalap, paglikom, at pagbasa ng mga kaugnay na artikulo at pag-aaral


Nagsimula ang mga mananaliksik sa pangangalapbng mga teorya o ideya mula sa mga
artikulong kaugnay sa isinagawang pag-aaral. Naghalughog ng mga babasahin ang
mga mananaliksik na maaaring mapabilang sa paglikom at pagbuo ng mga datos.

2. Paggawa ng isang talatanungan na magsisilbing survey-questionnaire


Base sa nagawang paksa at mga suliranin, nakabuo ang mga mananaliksik ng isang
talatanungan na magsisilbing gabay sa pagbuo ng datos.

3. Pakikipanayam sa mga mag-aaral na may pangunahing kaalaman sa Wikang Filipino


Nakipagpanayam ang mga mananaliksik sa isang seksyon ng mag-aaral sa isang
pribadong paaralan sa lungod ng Bogo upang makalikom ng mga sagot sa nasagawang
survey at mabuo ang mga nalikom na datos.

4. Paggawa ng isang talahanayan ng mga nalikom na sagot


Sa mga nalikom na sagot mula sa survey, nakabuo ang mga mananaliksik ng isang
talahanayan kung saan makikita doon ang mga datos na kailangan upang makamit ang
konklusyon ng nasabing pag-aaral/pananaliksik.

5. Pag-analisa ng mga nakalap na datos


Mula sa mga datos, nakagawa ang mga mananaliksik ng isang simpleng statistics.
V. Paglalahad ng Datos at Kinalabasan ng Pag-aaral
Talahanayan 1. Mga Nalikom sa Sagot Mula sa Survey

Oo Hindi

Mga Tanong Lalaki Babae Lalaki Babae

1. Sang-ayon ka ba na
umuunlad/nagbabago ang wikang
Filipino? 22 19 2 6

2. Ang makabagong teknolohiya


ba ay isa sa mga salik na
nakakaapekto sa pag-
unlad/pagbago ng wikang Filipino? 19 18 5 7

3. Mahalaga ba ang pag-


unlad/pagbago ng wikang Filipino? 23 25 1 0

4. Mahalaga pa ba ang wikang


Filipino sa kasalukuyan? 22 25 2 0

5. Ang paglipas ba ng panahon


ay isa din sa mga naging dahilan sa
pag-unlad/pagbago ng wika? 17 21 7 4

6. Nakakaapekto ba ang pag-


unlad/pagbago ng wikang Filipino
sa kasalukuyan? 14 13 10 12

7. Dapat na bang kalimutan ang


mga lumang salita na ating minana
mula ating mga ninuno? 18 25 6 0

8. Nakaimpluwensiya ba ang
panankop ng ibang bansa sa pag-
unlad/pagbago ng ating wika? 7 22 17 3

9. Bilang mag-aaral, may


maitutulong ka ba sa pag- 20 25 4 0
unlad/pagbago ng wika?

10. Naging epektibo ba ang pag-


unlad/pagbago ng wika sa ating
pamumuhay/lipunan? 19 21 5 4

Total 214 181 36 59

Mula sa mga datos na makikita sa talahanayan 1, maoobserbahan na, sa lahat ng mga


kalahok sa pag-aaral, mas marami ang sumagot ng “Oo”. Mula sa teorya ng mga
mananaliksik na umuunlad/nagbabago ang Wikang Filipino sa kasalukkuyan,
sumasang-ayon ang karamihan ng mga kalahok sa nasabing teorya.

Base sa datos sa ikalawang tanong kung saan nakasaad ang teknolohiya bilang salik
sa pagbabago ng Wikang Filipino sa kasalukuyan, 80.43% ng mga kalahok sa survey
ang sumang-ayon sa pahayag. Sa ikallimang katanungan, masasabi rin na ang Wikang
Filipino ay nagbago/umunlad base sa datos sa ibabaw na may 82.61% ng mga kalahok
na sumang-ayon.

Sa pangkalahatang resulta, makikita sa talahanayan na halos lahat ng mga mag-


aaral/kalahok ay sumang-ayon sa pagbabago/pag-unlad ng Wikang Filipino sa
kasalukuyan at ang kahalagahan nito. Base rin sa datos sa ibabaw, masasabing ang
pagbabago/pag-unlad ng Wikang Filipino sa kasalukuyan ay epektibo na nakatulong sa
pamumuhay at lipunan.

VI. Konklusyon at Rekomendasyon


Konklusyon
Sang-ayon o batay sa nagging kinalabasan oresulta ng mga nakalap na datos, narito
ang mga nagging kongklusyon sa isinagawang pag-aaral:

 Sa paglipas ng panahon, umunlad/nagbago at umuunlad/nagbabago ang Wikang Filipino na


kailangan nating tanggapin at gawin itong benepisyal para sa ekonomiya at sa pagiging Pilipino.
 Sa pagtapos ng pananaliksik, masasabing ang teknolohiya ay isa sa mga salik kung bakit
nagbago at nakaligtaan ng karamihan sa kabataan ang Wikang Filipino sa kasalukuyan.
 Masasabing hindi lingid sa kaalaman ng mga kabataan ang imporatansya at kahalagahan ng
Wikang Filipino ngunit ang mga pangunahing kaalaman na meron sila ay dapat pang lingangin
upang mas maunawaan pa nila at mahalin ang Wikang Filipino.
 Mahalaga na makita ng mga kabataan ang importansya ng Wikang Filipino sapagkat sila ang
pag-asa ng bayan at ang Wikang Filipino ang isa sa magiging tulay natin upang mas mapalago
ang ekonomiya ng isang bansa.
Rekomendasyon
Salig sa isinagawang pag-aaral, inilalahad ang sumusunod na mga mungkahing
solusyon, suhestiyon, at rekomendasyon upang mas lalong mapabuti at mapag-ibayo
ang ideya sa paksa ng pananaliksik:
 Patuloy pang paunlarin ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng patuloy na pagbahagi ng
importansya at kahalagahan ng ating wika lalo na sa mga kaabataan sa kasalukuyan.
 Pag-enganyo sa kapwa mananaliksik na magsagawa rin ng mga kaugnay na pag-
aaral/pananaliksik upang matugunan ang mga katanungan na magpahanggang ngayon ay nanatili
pa rin na nakabitin sa ating mga isipan patungkol sa pagpapa-unlad ng Wikang Filipino.
 Gamitin ang mga imporamasyon na makalap sa pag-aaral/pananaliksik na ito bilang gabay sa
paggawa ng mga teorya na maka-ambag sa paggawa ng paksa na pwedeng makatulong sa
pagpapayanong sa Wikang Filipino.
 Pag-aralan at paunlarin pang higit ang ginawang pagsasaliksik ng mga mananaliksik upang mas
madagdagan ang mga datos na kinakailangan para mas mapakinis at mapatibay pa ang
konklusyon at kahulugan ng pag-aaral na ito.
VII. Talaan ng mga Sanggunian
Mga Aklat
Arrogante, Jose A. et. Al. 2007. Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. National
Book Store, Mandaluyong City
Arrogante, Jose A. & Ayuyao, Nunilon G. & Lacanlale, Vilma M. 2004. Panitikang Filipino
(Antolohiya) Binagong Edisyon. National Book Store, Mandaluyong City
Bernales, Rolando et. Al. 2011. Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong
Komunikasyon. Mutya Publishing House Inc., Malabon City
Buensuceso, T.S. et al. 1990. Masaklaw na Filipino. Rex Printing Company, Quezon City
Garcia, Lakandupil et al. 2008. Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcy
Publishing House, Cabanatuan City
Journal sa Internet
Batnag, A. (2001). Kabataan. Kinuha
sa https://christopher1218.wordpress.com/2012/08/19/kasaysayan-ng-wikang-filipino/
Baldon, J. et al. Wikang Filipino, sa Makabagong Panahon. Kinuha
sa http://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-sa-makabagong-panahon

Source: https://vjntwika16.wordpress.com/2016/11/08/ang-wikang-filipino-sa-
makabagong-panahon-isang-pananaliksik/