You are on page 1of 7

Ang Panitikan ng Vietnam

• IKA-11 SIGLO
• NASAKOP NG CHINA ANG VIETNAM

• ANG PINAKAMATANDANG PANITIKAN AY NAKASULAT SA WIKANG


CLASSICAL CHINESE
• TRUYEN-TRADISYONAL NA PASALITANG PANITIKAN
• HAN VIET- CHINESE-VIETNAMESE

• QUOC AM- MODERNONG PANITIKAN NA NAKASULAT SA ALPABETONG


QUOC NGU

• ANG MGA UNANG AKDA AY TUNGKOL SA BUDdHISM UPANG MAGHATID


NG MGA KAISIPAN AT PANINIWALA NG MGA MONGHE.

TULA NI: MONGHE VAN HANH


Liham ay anino, naglaho sa pagsilang
Ang mga puno’y luntian sa tagsibol, hubad kung taglagas.
Ang kagitingan at pagbagsak, bakit kailangan alalahanin?
ang tadhana ng kalalakihan at kaharian ay tulad ng isang hamog sa damo.

TULA NI: vien chieu


Kasabay ng ihip ng hangin,
tunog na dumudulas sa kawayan
Sa paglabas ng buwan sa pagitan
Anino ng kabunduka’y umaakyat sa batuhan

Kuwentong bayan
ANG MGA WATER BUFFALO AY WALANG NGIPIN SA BAG-ANG SA ITAAS
SAPAGKAT NOONG UNANG PANAHON MAY ISANG MAGSASAKA NA NANLOKO
SA ISANG TIGRE AT KANYA ITONG ITINALI SA PUNO AT SINUNOG. NGUNIT NANG
MAKAWALA ANG TIGRE AY NASIPA NITO ANG NGIPIN NG WATER BUFFALO.
ALAMAT
ANG KULAY PULA NA SAI RIVER, PINANINIWALAAN NA NASUGATAN ANG ISANG
DRAGON SA ILALIM NG TUBIG NG MGA VIETNAMESE NANG MAGPASABOG SILA
NG DINAMITA PARA MAPALALIM AT MASIRA ANG LUPA DITO. ANG SABI-SABI AY
HINDI NA MULING NAGHILOM ANG SUGAT NG DRAGON KAYA NAGING MAPULA
ANG TUBIG NG SAI RIVER.

ANG DALAWANG PASO


NG ORCHIDS
Maikling kuwento
Isinulat ni: Phan Du
Isinalin ni: Buenaventura s. medina
Tagpuan: Bahay ng isang matandang iskolar (hardin)
Mga tauhan:
1. nguyen – ang tanyag na matandang iskolar
2. boi-lan- apo ng matandang iskolar
3. ngoc- ang nagsasalaysay sa kuwento
4. mamimili ng orchids
5. matandang utusan
6. hari- ama ni ngoc

BANGHAY:
SIMULA
Pagsasalaysay tungkol sa isang matandang iskolar na matalik na kaibigan ng
kaniyang Ama.

Papataas na Aksyon
Lalong naging malapit si Ngoc sa matandang iskolar at sa apo nito nang
magkasama nilang inalagaan ang dalawang paso ng “pusong walang dumi”
na orchid
Kasukdulan
Pagkakaroon ng sunog sa mga kabahayan ng karatig na nayon na naging
dahilan upang ibenta ng matandang iskolar ang dalawang paso sa isang
mamimili sa murang halaga.

Pababang Aksyon
Kinalaunan ay naintindihan ni Ngoc ang pagbenta ng matandang iskolar sa
alagang dalawang paso ng orchid na napamahal na sa kanilang lahat.

Wakas
Pagkalipas ng 10 taon namatay na ang matandang iskolar at lumisan na si Boi-
lan sa kanilang hardin, doon napag-isip-isip ni Ngoc ang dahilan ng
pagkakasulat niya sa kuwentong ito.

Mahalagang Kaisipan
Ang kakayahang isakripisyo ang sariling kasiyahan upang makatulong sa
kapwa na nangangailangan.

Paraan ng Paglalahad
Ang kuwento ay payak na inilahad ng may-akda. Nagsimula ng may
pagtatanong sa isipan ng pangunahing persona o nagsasalaysay sa akda.
Hanggang sa kinalaunan ay matuklasan niya ang sagot sa lahat ng mga
tanong sa isipan.

Mahahalagang Kaugalian
• Ang pagpapahalaga sa kapaligiran at relihiyon.
• Ang pagiging matulungin sa kapwa.
• Ang pagbibigay respeto sa mga nakatataas.
• Ang pagpapahalaga sa totoong kahulugan ng buhay at kaligayahan
Panitikan at Kulturang Pilipino

KULTURA

Ang Sikolohiyang Pilipino

Virgilio Enriquez

 Utang na loob – pagkakaroon ng moral na pagbabayaran sa isang taong


pinagkakautangan ng pabor
 Bahala na – sa negatibong konotasyon, maari itong pagwawalang bahala sa
maaring kalabasan ng isang aksyon. Sa kabilang banda, nagpapakita ito ng
pagkuha ng pagkakataon at pagsugal sa isang walang katiyakan na
pagkakaton (risk taking)
 Hiya – ito ay ang pagiging mahiyain ng mga Pilipino at pagsisigurong
makasusunod sa kung ano ang nakasanayan o pamantayan upang hindi
maiba sa karamihan
 Puri – ito ay ang halaga ng isang tao na nakikita ng iba para sa kanya. Maaring
makuha o masira ng iba (eksternal)
 Dangal – ito ay ang halaga ng isang tao para sa kanyang sarili. Sya lamang ang
maaring magtakda ng kataasan at kababaan nito.
 Pakikisama – ito ay pagpihit ng isang tao upang makaangkop sa isang pangkat
na kanyang sinasamahan
 Pakikipagkapwa – ito ay ang pagpihit ng isang tao upang maging kaisa sa
pangkat na kanyang sinasamahan

PANITIKAN

Kung Tuyo na ang Luha mo aking Bayan

Ni Amado V. Hernandez

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha


Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,
Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,


Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,


May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

Ang Kura at ang Agwador

Ni Rogelio G. Sicat

Padre Gonzalo – ang Kura

 Gonzalo Manuel, “Along”

 45 na taong gulang

 Payat at maputla; mataas ang buto sa pisngi at malalim ang mga mata

 Buong kaanyuan ng isang pari (banal)

 Dating sakristan ni Padre Felix

Diego – ang Agwador


 “Egong Laki”

 Maglilimampung taong gulang

 Malaki, may anim na talampakan ang taas, maitim, maharot

 Ang “Prinsipe” ng mga agwador sa San Roque

Banghay

 Matagal ng walang pari ang bayan ng San Roque at sa wakas ay dumating na


ang bagong pari nito.

 Tuwang tuwa ang mga taga-San Roque dahil ang bagong pari na si Padre
Gonzalo Manuel ay nagmula rin sa San Roque.

 Nang malaman ni Diego, ang dating kababata ni Padre Gonzalo na agwador


rin, na pari na si "Along" ay inggit na inggit kay Padre Gonzalo dahil maayos na
ang buhay nito ngayon, samantalang siya ay agwador pa rin.

 Dahil sa inggit ni Diego kay Padre Gonzalo ay gumawa siya ng kung anu-anong
kalokohan para pahirapan ang pari.

 Isang araw ay naisipan ni Diego na paglaruan ang scooter ni Padre Gonzalo at


dahil dito ay nadisgrasya ang pari.

 Noong gabing iyon ay pumunta si Padre Gonzalo sa bahay ni Diego at


nanghingi ng tubig. Mula noon ay si Diego na ang nag-iigib at nagdadala ng
tubig na iinumin ni Padre Gonzalo.