PAGHAHANDA SA PAGSULAT. Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga
impormasyon at ideya para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano na binubuo ng paglikha, pagtuklas, pagdebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang hakbang na maghahanda sa manunulat bago niya buuin ang kanyang burador. AKTWAL NA PAGSULAT. Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang mga ideya sa mga pangungusap at talata. Nag-eeksperimento na ang manunulat sa pagbuo ng kanyang sulatin. Malaya siyang gumamit ng iba't ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng kanyang mga ideya. Sa hakbang na ito, malaya niyang inaalis, dinadagdagan o isinasaayos muli ang mga detalye. Gayun paman, hindi parin niya binibigyan ng gaanong pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa gramatika, sa gamit ng wika at sa mekaniks. PAGREREBISA AT PAG-EEDIT. Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat. ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman, sa organisasyon ng mga ideya at sa istraktura ng mga pangungusap at talata. Maaari pa ring baguhin sa hakbang na ito ang paksa, magdagdag ng mga detalye at muling isaayos ang buong sulatin. Ang talumpati ay isang maayos pagbigkas sa harap ng isang madla kung saan ang mga mahahalagang kaisipan ay inihahatid sa mabisang paraan. Ito ay isang sining sapagkat magalang ang pananalita ng isang nananalumpati at piling-pili ang mga salitang ginagamit ukol sa mahahalaga at napapanahong paksa. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati 1. Ang Mananalumpati – dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado, kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanood ng mga tao 2. Ang Talumpati – kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipang nais iparating ng talumpati upang maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakiniG 3. Ang Tagapanood/Tagapakinig – higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig upang makapag-isip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapukaw sa atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga ring malaman kung sino ang tagapakinig upang maibagay sa kanila ang talumpati at maging malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila. Uri ng Talumpati/Pagtatalumpati • Biglaan o Daglian – (impromptu) walang pagkakataong makapaghanda ang mananalumpati; ngunit ang mga pagkakataong ito ay gaya lamang ng mga simpleng okasyon gaya ng mga sa paaralan, kaarawan at iba pa • Maluwag – (extemporaneous) ang mananalumpati ay binibigyang ng maikling panahon para maghanda pagkatapos maibigay ang paksa o tanong • Handa – (prepared) mahabang panahon ay ibinibigay para maghanda ang mananalumpati; isinasaulo na ang isang handang talumpati at pipiliin na lamang ang wasto at pinakamabuting paraan ng pag-deliver Katangian ng Isang Mahusay na Mananalumpati • May magandang personalidad • Malinaw magsalita • May malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay • • May kasanayan sa pagtatalumpati • Mahusay gumamit ng kumpas Mga Katangian ng Mabuting Kumpas • Maluwag at maginhawa – higit na magandang tingnan kung natural ang pagkumpas at hindi naninigas • May buhay at hindi matamlay – iba-ibang sigla ang dapat taglayin ng mga kumpas • Tiyak – tiyak ang pagtuturo sa tao o bagay na itinuturo • Nasa pahanon – nasa tayming ang kumpas, hindi nauuna o nahuhuli sa dapat nitong paglagyan • Angkop sa mga nakikinig – iayon ang mga kumpas sa uri at antas ng tagapanikig at ang laki nito