Professional Documents
Culture Documents
Ang Pilipinas, gaya ng ibang bansa, ay may iba’t ibang sagisag. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
bangus na pambansang isda; agila na pambansang ibon; sampagita na pambansang bulaklak; mangga
na pambansang prutas; narra na pambansang puno; anahaw na pambansang dahon; sipa na
pambansang laro; cariñosa na pambansang sayaw; barong tagalong na pambansang kasuotan ng mga
lalaki; at baro at saya naman na pambansang kasuotan ng mga babae.
Nakakalungkot lamang isipin na iilan na lang sa kabataan ngayon ang taos-pusong nakikilala ang
bawat sagisag at nauunawaan ang pagpapakahulugan sa mga ito. Marapat lamang na kilala mo ang
bawat isang sagisag sapagkat ang bawat isa sa mga ito ay itinalaga dahil sa taglay nilang katangian na
siyang sumisimbolo sa ating pagka Pilipino.
Ang mga salitang dito at ito ay tumutukoy sa sagisag ng ating bansa. Ito ay mga panandang anaporik.
Tinutukoy nito ang pangngalan (mga simbolo) sa loob ng pangungusap.
Mahalaga ang paggamit ng pananda. May mga panandang ginagamit sa ating wika upang maunawaan
ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita at kung ano ang ibig ipakahulugan ng mga ito.
Isa sa mga panandang ginagamit sa ating wika ay ang panandang anaporik ng pangngalan. Ang
pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook, at pangyayari. Ito ay
ang tinutukoy o ang inilalarawan sa isang pangungusap o talata.
Ang panandang anaporik ng pangngalan ay pananda kung saan ang tinutukoy o inilalarawan ay nasa
unahan ng naglalarawan.
Halimbawa:
Ito ang pulong may magandang dalampasigan, ang Boracay. Dito madalas bumisita ang mga dayuhan.
Ito ang laging destinasyon ng mga dayuhan.
Paliwanag:
Ang salitang nakahilig ay ang nilalarawan ng panghalip na “ito”. Ang salitang may diin naman ang
humalili sa pangngalang “Boracay”. Naunang binanggit sa pangungusap ang nilalarawan (Boracay) at
sinundan ng panghalip (dito).
Halimbawa:
Sila ang unang mananakop sa ating bansa, ang mga Kastila. Ayon sa kasaysayan marami tayong
kaugalian na nagmula sa Kastila. Sa kanila natin nakuha ang siesta o pagpapahinga pagkatapos
mananghalian.
Paliwanag:
Ang salitang nakahilig ay ang tinutukoy ng panghalip na “kanila”. Ang nakasalungguhit naman ang
humalili sa salitang “Kastila”. Naunang binanggit sa pangungusap ang tinutukoy (Kastila) at sinundan
ng panghalip (nila).
Ang panandang ito ay panghalip na humahalili sa pangngalan upang maiwasan ang pag-uulit-ulit.
Mahalagang Kaalaman
Ang panandang anaporik ng pangngalan ay pananda kung saan ang tinutukoy o inilalarawan ay nasa
unahan ng naglalarawan
3. Si Manny Pacquiao ang kinikilalang “Pambansang Kamao” sapagkat naipanalo niya ang maraming
laban sa boxing mula sa ibang bansa.
5. Ang palagiang paggamit ng internet sa pananaliksik ay may kaakibat na pinsala sa mga kabataan.
Hindi na natututong magbasa ng mga aklat ang mga ito sapagkat nakadepende na lamang sila dito.
6. Isang babae nga si Melchora Aquino at hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral, ngunit ang
kontribusyon niya upang makamit ng ating bansa ang kalayaan ay hindi matatawaran.