You are on page 1of 1

Ang makabagong kasaysayan o modernong kasaysayan (Ingles: modern history, modern era, modern

age) ay ang kasaysayan ng Makabagong Kapanahunan. Ang simula ng kasaysayan ng makabagong


panahon ay nasa pagkalipas ng Panahong Panggitna.[1] Ang makabagong kapanahunan ay tinatayang
nagsimula sa ika-16 daantaon.[2][3] Na nasundan ng pagtukoy sa kasaysayan ng daigdig magmula sa
pagdating ng Panahon ng Katwiran at ng Panahon ng Pagkamulat noong ika-17 at ika-18 mga daantaon at
sa pag-uumpisa ng Rebolusyong Pang-industriya. Ang makabagong kasaysayan ay mahahati pa sa
maagang makabagong kapanahunan at sa hulihan ng makabagong kapanahunan pagkalipas ng
Himagsikang Pranses at ng Rebolusyong Pang-industriya. Ang kasaysayang kontemporaryo ay
naglalarawan sa maikling panahon ng mga kaganapang pangkasaysayan na kaagad na may kaugnayan sa
pangkasalukuyang kapanahunan.

Maraming mga pangunahing kaganapan ang nagsanhi na magbago ang Europa sa pagsapit ng ika-
15 hanggang sa ika-16 mga daantaon, na nagsimula sa Pagbagsak ng Konstantinople noong 1453,
sa pagbagsak ng Muslim na Espanya at sa pagkakatuklas ng Kaamerikahan noong 1492, at
sa Repormasyong Protestante ni Martin Luther noong 1517. Sa Inglatera, ang makabagong
kapanahunan ay madalas na pinepetsahan sa simula ng kapanahunan ng Tudor sa pagtatagumpay
ni Henry VII laban kay Richard III doon sa Labanan ng Bosworth noong 1485.[4][5] Ang kasaysayan
ng maagang makabagong Europa ay kadalasang tinatanaw na sumasaklaw magmula sa ika-14
hanggang sa ika-15 mga daantaon, hanggang sa Panahon ng Katwiran at sa Panahon ng
Pagkamulat noong ika-17 at ika-18 mga daantaon, hanggang sa pagsisimula ng Rebolusyong Pang-
industriya noong kahulihan ng ika-18 daantaon

Karamihan sa aklat at website na aking na nakunan ng impormasyon and teknolohiya ang


pinakaunang factor sa pagbabago ng wika, sa pag unlad ng panahon kasabay din ng pag unlad ng
wika

You might also like