You are on page 1of 5

DIWATA NG LINDOL

Kristian Sendon Cordero

Matagal nang nagtitimpi ang diwata ng lindol


sa libak ng diwata ng bagyo.

Wala kasing pangalang ibinibigay


sa balasik ng kanyang mga pagdalaw.

Di tulad ng unos.

Ilang ulit na rin siyang nagparamdam


sa nadiskaril na mga riles,
natuping mga gusali
at pinulbos na moog.

Kinalabog na rin niya ang mga bulkan


pati ang pusod ng karagatan.

Ngunit wala ni isa sa mga ito ang nabibinyagan


ang naganap sa Cabanatuan, Maynila at Baguio
sa San Francisco, Mexico, Kashmir, Phuket at Tokyo

marami pa rin ang nag-aakala na sa tuwing


umuuga ang lupa ay nangangawit lamang
ang braso ni Bernardo Carpio
o naglalaro lamang ang Santo Niño.

• Istruktura/porma
Anyo
Wika
Tayutay
• Imahen
Literal o matalinhaga?
• Persona
Sino batay sa nilalaman at tono?
Edad, kasarian, pag uugali, katayuan sa buhay, prinsipyo, paniniwala
• Paglalahat
Tungkol saan ang tula?
Anu anong katangian at napabilang sa Modernismo + alin sa pitong katangian ng
modernismo (Ihab hassan)?
Bakit sa liwanag?
bakit ito ang pamagat? Anong kaisipan nito?
• Additional:
Sino si Kristian Sendon Cordero?
Tono, punto de bista, epektibo ba sa pagsulong ng muni ng tula?
Bakit babae ang personipikasyon at itinulad sa likas na sakuna?
Bakit walang pangalan? Implikasyon ng hindi pagpapangalan sa lindol kumpara sa
bagyo?
Paghahanda sa “The big one” at paranoyang naidulot sa tula
• Masinsing pagbasa + Peminismong pagbasa
• PAMAGAT
◦ imagery ◦ character ◦ plot ◦ symbol ◦ setting ◦ point of view ◦ language use (i.e.,
denotation, connotation, metaphor, simile, personification, rhythm)

I. Tunggalian ng dalawang babae (feminists) – iba iba ang ipinaglalaban


II. Pareho silang api at nasa ilalim ng lipunang patriyarkal ngunit sa halip na magtulungan
ay nag aaway pa
III. Struggle ng isa upang makilala at manaig kaya naghihimagsik
Sa tuwing umaatake ang isang feminist (right to suffrage, education, no to fixed marriage),
akala ng maraming mangmang na hindi lamang nagampanan ng mga lalaki ang kanilang
tungkulin - nangangawit si B Carpio at naglalaro ang sto nino sa halip na panatilihin ang
kaayusan (lalaki ang namumuno)

Datapwat, Gayunpaman, Kung susumahin, ipinupukol

diwata ng lindol
-walang pangalan
-nagtitimpi
-
diwata ng bagyo
-pakiramdam niya’y siya’y may maipagmamalaki
-nililibak ang diwata ng lindol sa halip na makipagtulungang iangat ang kanilang pagkababae sa
isang lipunang ibinababa sila
-may pangalan ngunit babae ang pangalan noong unang panahon dahil inihahalintulad ang mga
babae sa bagyo na pabago-bago ng isip at posibleng hindi gawin ang plano (tulad ng pagpapalit
ng ruta)
Bernardo Carpio
-nilinlang ng engkantado at ikinulong sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang bato
Santo Niño – batang banal (infant jesus)
Kaliwang kamay – globus cruciger
Hawak ng Diyos ang daigdig
Tagumpay ng Kristyanismo sa paganong bansa
napakaliit ng mundo kumpara kay Kristo
Kanang kamay – 2 kalikasan ni Kristo: divine (banal) at tao
Holy Trinity - 3 persona sa iisang diyos; Santisima Trinidad

pagwasak ng 2 mukha ng kababaihan sa patriyarkal na kalikasan upang makilala

Likas na malapit ang tao sa kalikasan. Sa katunayan, napakalaki ng pagpapahalagang inilalaan ng


tao rito upang ito'y mapangalagaan at mapanatili. Hindi lamang kapaligiran ang may kalikasan,
maging ang lipunan at sinisikap din itong mapanatili ng mga tao. Ang kalikasan ng lipunan ay
patriyarkal na nag-ugat pa sa panahong bago pa man malikha sa imahinasyon ng mga tao ang
iba't ibang nilalang at paniniwala. Isa na rito ang mga diwata, ang mitolohikal na babaeng
nilalang na nagtataglay ng pambihirang kagandahan at siyang tagapangalaga ng kalikasan. Ayon
sa mitolohiya, may kapangyarihan silang magdulot ng kasaganaan o pinsala. Namiminsala kapag
sila'y nagalit dahil sa kawalan ng respeto o paggalang sa kanila. Sa pamamagitan ng imaheng
ito, naipamalas ni Kristian Sendon Cordero sa kanyang moderning tulang "Diwata ng Lindol" ang
paghihimahsik ng isang diwata dahil sa paghahangad nito ng respeto/ paggalang at ng
mapagkalooban ng pangalan. "Wala kasing pangalang ibinibigay/ sa balasik ng kanyang mga
pagdalaw."

Maiuugnay ito sa pag aaklas ng mga kababaihan upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Nagsimulang umusbong ang Feminismo na naglalayong matamo ang inaasam ng pagkilala at
paggalang sa mga kababaihan. Nagsimula ang mga Feminista na atakihin ang lipunan at wasakin
ang kalikasan nitong patriyarkal. Iginiit/ Isinulong nila ang karapatan sa edukasyon, at pagboto.
Ipinamalas nila ang kanilang kapangyarihan. Unti-unting nagugunaw ang kalikasan. "Ilang ulit
na rin siyang nagparamdam/ sa nadiskaril na mga riles,/ natuping mga gusali/ at pinulbos na
moog./ Kinalabog na rin niya ang mga bulkan/ pati ang pusod ng karagatan." "Ngunit wala ni isa
sa mga ito ang nabibinyagan/ ang naganap sa Cabanatuan, Maynila at Baguio/ sa San Francisco,
Mexico, Kashmir, Phuket at Tokyo."

Sa kasamaang palad, hati-hati ang mga kababaihan sa kanilang mga paniniwala bagamat iisa
ang kanilang layunin, ang makalag ang tanikala ng lipunang patriyarkal. Isinakatawan ni Cordero
ang magkasalungat na pwersang ito sa dalawang diwata. Umiinog ang tula sa diwata ng lindol
na may inggit sa pagkilalang natatanggap ng diwata ng bagyo. Isinasantabi lamang ang mga
pagkilos ng diwata ng lindol gaano man katindi ang kanyang pamiminsala, "Di tulad ng unos" na
pinangangalanan.
Aakalaing nakalalamang ang diwata ng bagyo sa pagkakataong ito subalit kung susuriin ang
sistema ng pagpapangalan sa kanyang pananalasa, mababatid na may pag-uyam din sa kanyang
pagkababae. Mula pa noong ika-18 siglo, tanging mga pambabaeng pangalan ang itinatawag sa
mga bagyo. Marahil ay bunga ito ng paghahambing ng pagbabago-bago ng isip ng babae sa
pagpapalit-palit ng tinatahak ng bagyo. Bunga nito ang pagsasangkot ng mga kababaihan sa
pagtubos ng maraming buhay at ari-arian. Nagsimula lamang ihalili ang mga panlalaking
pangalan sa mga bagyo bago matapos ang ika-19 na siglo. Sa kasamaang palad, lumalabas sa
isang pag-aaral na mas nakamamatay raw ang mga bagyong may pangalang pambabae
kumpara sa dahil umano hindi sineseryeso ng mamamayan. Mas pinaghahandaan umano ng
mga mamamayan ang mga bagyong ipinangalan sa lalaki. Maaaring kinikilala nga ang
kababaihan ngunit bilang pagkilala naman sa kanilang kahinaan. Tila isang Peminista na nakilala
sa kanyang pagkilos subalit ibinabato sa kanya ang pangalang iyon hindi bilang paggalang kundi
bilang panlilibak.

Samakatuwid, pareho silang inaapakan, kinikilala man o hindi. Datapwat iisa ang kanilang
layunin, lumalabas na may tunggalian sa pagitan ng dalawang diwata. "Matagal nang nagtitimpi
ang diwata ng lindol/ sa libak ng diwata ng bagyo." Tila may nagaganap na tensyon sa
magkaibang panig ng mga Pemenista at ito ang nagbubulid sa kanila sa kabiguan.

Matibay itong pinatutunayan sa huling bahagi ng tula kung saan lalaki ang nananaig. Marami pa
rin ang nag-aakala na sa tuwing/ umuuga ang lupa ay nangangawit lamang/ ang braso ni
Bernardo Carpio/ o naglalaro lamang ang Santo Niño." Lahat ng pagsisikap ng mga diwata ay
itinuturo pa rin sa mga lalaki na animo'y hindi lamang nagampanan ang tungkulin dahil sa
pangangawit o paglalaro. Maaaring iniisip ng marami na hinayaan lamang ng mga lalaki na
mayanig ang lipunan at sila ang may dulot noon, hindi ang Pemenistang nagpamalas na ng
kanyang kakayahan. Mapapansing ipinasa ang tungkulin ng mga diwatang pangalagaan ang
kalikasan sa mga lalaki.

Sa kabilang banda, kung kikilatisin ang mga imaheng ginamit upang ipakita ang pagkilala at
pagtingalang natatanggap ng kalalakihan, mahihinuhang kapwa sila larawan ng kawalang-
muwang o pagka-inosente. Nilinlang lamang si Bernardo Carpio ng isang enkantado upang
maipit sa gitna ng dalawang nag-uumpugang bato samantalang isang batang banal naman si
Santo Niño na may hawak ng mundo sa kanyang kaliwang kamay. Ibigsabihin, maaaring hindi
naman pala sila ang salarin sa pagdurusa ng kababaihan.

Ang "marami" ang nagtatakda ng kanilang paghahari sa daigdig. Sila ang nag-akala at sila ay
tumutukoy sa idinidiin at idinidikta ng lipunan na lalaki dapat ang maging aktibo at hindi
kababaihan, na lalaki ang sanhi ng mga pagbabago sa lipunan. Sa kabilang banda, hindi naman
tinukoy ng persona kung kabilang ba siya sa karamihan. Isa lamang ang malinaw, ang persona
ay mulat sa suliraning ito at isa lamang tagamasid. Pinapanood niya lamang ang mga kaganapan
at hindi kumikilos. Ipinapakita ng tula ang kaliwanagang tayo ay mulat sa pag-usig sa
kababaihan ngunit wala tayong ginagawa.
Binuksan ang tula sa pagpapakilala ng tunggalian ng dalawang tauhang kapwa babae. Matagal
nang nagtitiis ang diwata ng lindol sa panunuya ng diwata ng bagyo. Isa itong katangian ng mga
Pilipino, ang pagiging matiisin. Mapapansing binibigyang-halaga ng diwata ng lindol ang
pagkakaroon ng pangalan ng mga lindol at nangingimbulo sa pangalang mayroon ang mga
bagyo. Maaaring nanlilibak ang diwata ng bagyo dahil pakiramdam niya siya ay nakalalamang sa
diwata ng lindol. Dito ay ipinakita rin ang isa pang suliranin ng diwata ng lindol sa pagpapakilala
ng dalawang lalaking kinikilala ng lipunan. Sa kabila ng pagpapamalas ng diwata ng lindol ng
kapangyarihan, iniisip pa rin ng iba na ang paglalaro o pangangawit ng mga tinitingalang lalaki
ang dahilan ng mga sakuna.