You are on page 1of 1

Pagmamalasakit Sa Kapwa

Ang pagmamalasakit sa kapwa ay kusang loob na ibinibigay,hindi


ipinagkakait at higit sa lahat hindi nag hahangad ng ano mang kapalit.
Tumutukoy ito sa isang damdamin kung saan inaalam natin ang mga
bagay na nakakabuti sa kapwa at ang mga bagay na maaaring ikakasama
nito. Nagagawa nating magmalasakit sa kadahilanang ayaw nating maka
panakit ninuman at higit sa lahat malagay sila sa kapahamakan. Ang
pagmamalasakit ay kaugalian na ng mga Pilipino kadugo man o hindi
pinapahalagahan natin ang bawat isa.

Batay sa aking karanasan maraming paraan kung papaano


maipapakita ang pagmamalasakit sa kapwa. Ang sumusunod ay pawang
mga halimbawa ng pagmamalasakit. Ang pagtulong sa nakakatanda,may
kapansanan at higit sa lahat sa nangangailangan. Ang pagbibigay ng payo
ay isang halimbawa din nag pagmamalasakit sa pagkat isa rin ito sa
paraan na pwede mo maimulat ang isang tao na nagaalinlangan. Ang
pagdamay sa kapwa sa ano mang sakuna at pagbibigay ng tulong sa mga
nangangailangan ay tanda rin na ikaw ay nagmamalasakit.

Bilang isang tao ang dapat nating gawin ay maging isang huwarang
modelo dahil isa ito sa paraan kung saan makikita ng lahat kung papaano
ba magmalasakit. Hindi lahat ng nakikita natin ay totoo dahil may mga
bagay sa panahon ngayon na puro pakitang tao.sa pagmamalasakit hindi
kailangan na nakikita ng mga tao kung ano man ang iyong naitulong dahil
kung ang hangarin mo ay makatulong,ginagawa ito ng kusa. sa mata ng
Diyos lahat ng mga bagay na ginagawa ng kusa ay tama at may kapalit na
biyaya. Naniniwala ako ng kung ano man ang iyong na gawa sa kapwa
balang araw aanihin mo rin ito ng sobra pa sa iyong inaakala. Maging
inspirasyon ka sa lahat ng bagay ng sa ganun tularan ka din ng iba.

You might also like