You are on page 1of 9

HEOGRAPIYA NG ASYA

Aralin 1: ANG KONTINENTE NG ASYA

TALASALITAAN
Kontinente
 Ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig.

Mga Guhit sa Globo


Latitude
 Distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator
Longitude
 Mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian
Equator
 Ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito.
Prime Meridian
 Ang zero-degree longitude na humahati sa globo sa silangan at kanlurang hemispeher nito.

Kontinente Kabuuang Sukat


(kilometro kwadrado)
1. Asya 44,486,104
2. Africa 30, 269,817
3. North America 24,210,000
4. South America 17,820,852
5. Antarctica 13,209,060
6. Europe 10,530,789
7. Australia 7,862,336
Kabuuan 143,389,336

ANG LOKASYON NG ASYA


 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude at mula 11° hanggang 175° Silangang longitude

SUKAT
 44,486,104 kilometro kwadrado
 Katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at Australia
 Halos sangkapat (¼) lamang nito ang Europe

ASYA
 Pinakamalaking kontinente sa daigdig.
 1/3 ng mundo

ANG LIMANG REHIYON NG ASYA

1. Hilagang Asya
 dating Soviet Central Asia
 Central Asia o Inner Asia

Mga Bansa sa Hilagang Asya


1. Kazakhstan 5. Turkmenistan
2. Kyrgyzstan 6. Uzbekistan
3. Tajikistan 7. Georgia
4. Azerbaijan 8. Armenia
2. Kanlurang Asya
 Dito matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europa.
Mga Bansa sa Hilagang Asya
A. Bansang Arabo B. Gulf States
1. Saudi Arabia 1. Yemen
2. Lebanon 2. Oman
3. Jordan 3. United Arab Emirates
4. Syria 4. Qatar
5. Iraq 5. Bahrain
6. Kuwait 6. Iran
7. Israel
8. Cyprus
9. Turkey
3. Timog Asya
Mga Bansa sa Timog Asya
1. India- Bansang Hindu
2. Afghanistan
3. Pakistan Mga Bansang Muslim
4. Bangladesh
5. Nepal Mga Bansang Himalayan
6. Bhutan
7. Sri Lanka
Mga Bansang Pangkapuluan
8. Maldives

4. Timog-Silangang Asya
 Minsang binansagang Farther India at Little China
 Nahahati sa dalawang sub- regions

A. Mainland Southeast Asia B. Insular Southeast Asia


1. Myanmar 1. Pilipinas
2. Thailand 2. Indonesia
3. Vietnam 3. Malaysia
4. Laos 4. Brunei
5. Cambodia 5. Singapore
6. East Timor
5. Silangang Asya
Mga Bansa sa Silangang Asya
1. China
2. Japan
3. North Korea
4. South Korea
5. Taiwan
6. Mongolia

MGA URI NG ANYONG LUPA ASYA


1. Bulubundukin
 Mga hanay ng mga bundok

Mga Bulubundukin sa Asya


a. Himalayas- pinakamahaba sa mundo
b. Hindu Kush (Afghanistan)
c. Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan)
d. Tien Shan (Hilagang Asya)
e. Ghats (Timog Asya)
f. Caucasus (Azerbaijan, Georgia, Russia at Armenia)
g. Ural (Kanlurang Asya)

2. Bundok
 Isang mataas na anyong lupa

Mga Bundok sa Asya


a. Mt. Everest
 Nasa Himalayas
 pinakamataas na bundok sa buong mundo (8,850 metro)
b. K2
 Ikalawa sa pinakamataas na bundok sa mundo (8,611 metro)
 Pakistan/ China
c. Mt. Kanchenjunga
 8,586 metro
 Nasa Himalayas

3. Bulkan
 Mga bundok na may mga butas sa gitna kung saan nagbubuga ito ng abo, bato at lava.
 Insular Southeast Asia nakalatag sa Pacific Ring of Fire (300 aktibong bulkan)

Mga Bulkan sa Asya


a. Semeru at Krakatoa (Indonesia)
b. Fuji (Japan)
c. Pinatubo, Taal at Mayon (Pilipinas).

4. Talampas
 Kapatagan sa itaas ng bundok

Mga Talampas sa Asya


a. Tibetan Plateau
 Pinakamataas na talampas sa buong mundo (16,000 talampakan)
 “Roof of the World”
b. Talampas ng Deccan
 Nasa katimugang bahagi ng Indo-Gangetic Plain ng India

5. Disyerto

Mga Disyerto sa Asya


a. Gobi Desert
 Mongolia at Hilagang China
 Pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo
b. Taklamakan (China)
c. Kara Kum (Turkmenistan),
d. Mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.
6. Kapuluan o Arkipelago
 Pangkat ng mga pulo

Mga Kapuluan sa Asya


a. Indonesia
 Pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo (13,000 mga pulo)
a. Pilipinas
b. Japan

7. Pulo o Isla
 Anyong lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig.
 Umaabot sa 1,994,300 kilometro kwadrado ang kabuuang sukat ng mga pulo sa Asya

Mga Pulo sa Asya


a. Cyprus sa kanluran; Andaman, Sri Lanka, at Maldives sa katimugan
b. Borneo, Java, Sumatra
c. Mga pulo ng Pilipinas sa timog-silangan
d. Hainan, Taiwan, Sakhalin, Kuril
e. Mga pulo ng Japan sa silangan
f. Wrangel, New Siberian, Zemlya, at Severnaya sa hilaga.

8. Tangway o Peninsula
 Anyong lupang nakausli sa karagatan.
Mga Tangway sa Asya
a. Turkey sa kanluran
b. Arabia
c. India
d. Indochina at Malay sa katimugan
e. Korea, Kamchatka, at Chukotsk sa silangan
f. Taymyr, Gyda, at Yamal sa hilaga (bahagi ng Siberia)

9. Kapatagan
 Mga malalawak na patag na lupain
 Halos sangkapat (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan
 Indo-Gangetic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito.

Ang Biyayang Hatid ng mga Anyong Lupa sa Tao


a. Likas na tanggulan o depensa ng isang lugar, at proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa
b. Samu’t-saring yamang mineral - mga metaliko, di-metaliko, at gas
c. Bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na
ng wildlife.
d. Sakahan at pastulan
e. Nakapag- ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan
f. Nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kultura at pamumuhay ng tao.

Mga Anyong Tubig sa Asya


 Ang Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan at mga dagat.

Kahalagahan ng mga Anyong Tubig sa mga Asyano


1. nagsisilbing likas na depensa
2. rutang pangkalakalan at sa paggagalugad
3. pinagkukunan ng iba’t-ibang yamang dagat at yamang mineral.
Mga Ilog sa Asya Naging Lunduyan ng Sinaunang Kabihasnan
1. Ilog Tigris
2. Ilog Euphrates
3. Ilog Huang Ho
4. Ilog Indus

Ang Mga Ilog sa Asya


1. Yangtze River 6. Yenisei River (Siberia)
 pinakamahabang ilog sa Asya 7. Ob River (Siberia)
 China 8. Nizhnyaya Tunguska River (Siberia)
2. Huang Ho o Yellow River (China) 9. Indus River (Pakistan)
3. Mekong River (Vietnam) 10. Brahmaputra River (Timog Asya)
4. Lena River (Siberia) 11. Ganges River (India)
5. Irtysh River (Siberia)
Ang mga Lawa sa Asya
1. Caspian Sea
 Pinakamalaking lawa sa mundo
 Hilagang Asya
2. Lake Baikal
 Timog silangang Siberia
 Pinakamalalim na lawa
3. Dead Sea
 Nasa pagitan ng mga bansang Israel at Jordan na pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong
daigdig
4. Aral Sea
 Nasa hangganan ng mga bansang Uzbekistan at Kazakhstan
 64,750 kilometro kwadrado

ANG MGA VEGETATION COVER NG ASYA


Vegetation
 Uri o dami ng halaman sa isang lugar.

Mga Uri ng Vegetation sa Asya


1. Grasslands- malalawak na damuhan
a. Steppe
 Uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short grasses (maliit na damuhan)
 Makikita sa Mongolia, Manchuria at Ordos Desert

b. Prairie
 Ang lupaing may damuhang mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
 Makikita sa Russia, Manchuria at maging sa Mongolia
c. Savanna
 Lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan.
 Makikita sa Myanmar at Thailand
*Pag-aalaga at pagpapastol ng hayop

2. Boreal Forest o Taiga


 Rocky mountainous terrain
 Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa
anyong yelo o ulan.
 Matatagpuan sa Hilagang Asya partikular na sa Siberia.
3. Tundra o Treeless Mountain Tract
 Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima.
 Matatagpuan sa Russia at sa Siberia at malapit sa baybayin ng Arctic Ocean

4. Tropical Rainforest
 Mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-ulan
 Mayroon itong mga iba’t ibang uri ng halaman at puno
 Marami nito sa Timog Silangang Asya.

MGA URI NG KLIMA SA ASYA


Klima
 Karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon
 Naapektuhan nito ang kapaligirang pisikal ng isang lugar.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Klima ng Isang Lugar
1. Lokasyon
2. Topograpiya
3. Uri o dami ng mga halaman
4. Distansya sa mga anyong tubig

Kontinente ng Asya
 Matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima at panahon
Monsoon
 Mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik
ng pamumuhay ng tao lalo’t higit yaong mga nasa silangan at timog- silangang Asya.
 Maaaring magdulot ng parehong kapakinabangan at kapinsalaan.

Hanging Amihan o Northeast Monsoon


 Nagmumula sa Siberia patungong Karagatan
Hanging Habagat o Southwest Monsoon
 Nagmumula sa karagatan patungong kontinente

MGA URI NG KLIMA SA ASYA

Rehiyon Katangian ng Klima

Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at


maigsi ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa.
Hilagang Asya Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang
lamig.
Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis o di kaya’y katamtamang init o lamig
ang lugar na ito. Bihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon.
Kanlurang Asya Kung umulan man, ito’y kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat.
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre,
taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-
init at tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi
Timog Asya ng rehiyon.

Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng rehiyong ito, ang mga
bansa rito ay nakakaranas ng iba-ibang panahon: mainit na panahon para sa mga bansang
nasa mababang latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng
Silangang Asya rehiyon.

Timog-Silangang Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical. Nakararanas ang mga ito ng tag-
Asya init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.

Ang Pacific Ring of Fire

Pacific Ring of Fire o Circum-Pacific Seismic Belt


 Mga rehiyong Asya Pasipiko nagtataglay na maraming hanay ng mga bulkan, kasama na) ang mga bulkang
Mayon, Pinatubo, Taal at Krakatoa
 81% ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito.
Dahilan ng Pagkahubog ng mga Anyong Lupa at Tubig
1. Lindol
2. Pagputok ng mga bulkan
3. Paggalaw ng mga plate tectonics

Ang Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon sa Asya


1. Hilagang Asya
Anyong Lupa:
 Kabundukang Ural- humahati sa mga kontinente ng Europe at Asya
Anyong Tubig:
 Bering Sea-nag-uugnay sa Hilagang Asya at Alaska.
Klima:
 Pinakama- habang panahon ng taglamig at napakaikling tag-init
Vegetation:
 Damuhan:steppe, prairie at savanna
 Walang punungkahoy
 May kaunting bahagi na boreal forest o taiga

2. Kanlurang Asya
 Nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa hilagang silangang bahagi ng Africa
 Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar ditto
 Sobrang init at walang masyadong ulan

Tatlong Rehiyong Pisikal ang Kanlurang Asya


A. Northern Tier
 Lupain ng kabundukan at talampas
 Dito matatagpuan ang Anatolian Plateau na may matabang lupa.
 Iranian Plateau sa silangang bahagi na may lupaing tuyo.
B. Arabian Peninsula
 Pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig ngunit ang loob na bahagi nito ay salat sa tubig dahil disyerto ang
malaking bahagi nito
C. Fertile Crescent
 nagtataglay naman ng matabang lupa at saganang suplay ng tubig.

3. Timog Asya
 May anyong hugis tatsulok
 Mabundok
 Mga Hangganan:
a. Hilaga- Himalayas
b. Timog- Indian Ocean
 Mga Bansa
a. Hilaga- Nepal at Bhutan
b. Timog- Sri Lanka at Maldives
c. Kanluran- Afghanistan, Pakistan at India
d. Silangan- Bangladesh
 Mga Anyong Lupa
a. Kabundukan
1. Hindu Kush (Afghanistan)- dito makikita ang Khyber Pass
2. Karakoram Range sa Pakistan at China Hilaga
3. Himalayas sa Nepal
4. Ghats
 Western Ghats na nasa panig ng Arabian Sea Timog
 Eastern Ghats na nasa panig ng Bay of Bengal.

b. Kapatagan: Indo-Gangentic Plain


c. Disyerto: Thar Desert
d. Talampas: Deccan Plateau
 Anyong Tubig
a. Ilog
1. Indus
2. Ganges
3. Brahmaputra
 Klima: Mainit maliban sa mga kabundukan.

4. Silangang Asya
 Sakop nito ang malaking bahagi ng Asya (China- 20% ng Asya)
 May mga pisikal na hangganan tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateaus at ang Himalayas
 Nasa silangan nito ang Pacific Ocean
 Matataba ang mga kapatagan, malalalim ang mga lambak at matataas ang mga bundok.

China
 Ang mga naninirahan dito ay nagsisiksikan
 Silangan- kapatagan
 Kanluran- kabundukan at talampas
 Mga Ilog
a. Huan Ho Mahalaga sa pamumuhay ng mga Tsino:
b. Yangtze a. Nagpataba ng lupa
c. Xi Jiang b. Ruta para sa pakikipagkalakalan.
Japan
 Inihiwalay ng Sea of Japan at Korean Strait sa Silangang Asya
 Apat na Pangunahing Pulo
a. Kyushu
b. Shikoku
c. Honshu
d. Hokkaido
 Nasa maliit na bahagi ang populasyon
 80% ay kabundukan

5. Timog Silangang Asya


 Mga Hangganan
a. Hilaga: China at Japan
b. Hilaga-Kanluran: India
c. Silangan: Pacific Ocean
 Kaaya-aya ang klima dito (Kagubatan:hilaga, Lambak-Ilog:timog)
 May matabang kapatagan at ang iba ay latian at matubig

Dalawang Sub-Region ng Timog Silangang Asya


1. Pangkontinenteng Timog Silangang Asya o Mainland Southeast Asia
 Isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at Indian Ocean
 Malaking bahagi ng lupaing ito ay kabundukan
 Manaka-nakang mga nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang katimugang bahagi ng China.
 Kabundukan at talampas-naghihiwalay sa bahaging ito ng Timog Silangang Asya sa iba pang rehiyon.
 Mga Ilog
a. Irrawaddy
b. Salween
c. Chao Phraya
d. Mekong
e. Red River
2. Pangkapuluang Timog Silangang Asya o Insular Southeast Asia
 Binubuo ng mga kapuluang nakalatag sa karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia, at East
Timor.
 Kabilang sa Pacific Ring of Fire

You might also like