You are on page 1of 7

Ch.

05 - Seducing Ami
"Red ano ang tingin mo kay Ami?"
"Mukha naman naaalagaan nya nang mabuti si TOP"
"Sira! Hindi yon! Bilang lalaki, ano tingin mo sa kanya? Type mo?"
Nag-isip sya.
"May hitsura naman sya at curvy. Not my usual type pero pwede na rin..."
"Good! May hihingin akong pabor sayo eh.. hehehe!"
"Kapag ganyan ang tawa mo kinakabahan ako" =_____=
"Hihihi! Pwede mo ba syang..."
Lumapit ako sa kanya at bumulong...
Ako - "Kemberlu Chenez Churva Skempertush Achuchuchu"
Sya - =________________=
Pero syempre hindi yan ang binulong ko. ^0^
After 2 minutes of data processing...
TING!
"ANO?!" sigaw nya
"Sige na Red diba expert ka dun?" ^0^
"Ano bang expert ang sinasabi mo?" -___-"
"Expert ka naman sa mga chix diba? Simple lang naman ang gusto kong gawin mo
eh!" >3<
"A-YO-KO" -___-
"Eeeeeeh! Sige na kasi!"
"Hindi ko gagawin yan"
"BAKEEEETT?!" T^T
Di sya sumagot. Nag-patuloy lang sya sa pagkain ng niluto ko para sa kanya. Late-
lunch na nga eh.
"Dahil ba dun sa babaeng kuneho na gusto mo? Ano nga pala ang pangalan nun?"
0-0?
"Abrilata. Wala syang kinalaman dito" -___-++
"Abrilata ang pangalan nya? Ang weird naman, diba yun yung pambukas ng lata?
Eh?" o__0?
"Tsk"
Tumingin sya sakin ng diretso.
"Hindi ako nang-seseduce ng mga inosente, pano kung ma-inlove yun sakin?
Gusot yan Samantha. GUSOT!"
Nag-iiba ng topic. Uuyy! ^-^
"Naman eh! Red naman eh! Minsan lang hihingi ng tulong eh.. Para ka namang
OTHERS! Friends tayo diba?" >0<;
May ibinulong sya sounds like "Sino may sabi?"
Ang sama! =___=
"RED NAMAN EH!!" sigaw ko dala ng inis
"Kahit magpapadyak ka dyan at umiyak hindi ko gagawin yan" sabay subo ng
pagkain
Kinuha ko yung plato nya na may pagkain.
"Oy! Hindi pa ko tapos kumain ibalik mo yan"
"Ayoko, bleh" =P
"Ay! Samantha hwag kang ganyan kanina pa ako nagugutom ibalik mo na yan.
Tsk!"
Ngumiti ako. ^_____^
"Gawin mo muna ang sinasabi ko!"
Nagbuntong hininga sya.
"I cant. May batas ako na sinusunod at isa don ang hindi pagpatol sa mga
inosente"
"Eeeeeeh! Hindi ba pwedeng labagin mo yun kahit isang beses lang?" >3<
"Lalabagin ang sarili kong batas kahit isang beses lang? Kung gagawin ko yan,
lalabagin ko na din yung isang rule na gusto kong labagin matagal na"
"Anong rule?"
"Rule number 3: Never date your friend's girl" seryoso nyang sabi
Huh? Never date your friend's girl? @0@*
Kinuha nya bigla sakin yung plato.
"WAAH! Madaya! Madaya ka!"
"Tahimik! Nagugutom ako, layas! Chupi!"
-____-+++
GRR!! Makalayas na nga!
Tumayo na ako sa silya ko.
Biglang pumasok si Ami sa kusina.
0__0;
Nakupo narinig kaya nya? >__<;
"Pupunta lang ako sa palengke may ipapabili kayo?" Ami
Mukhang wala naman syang narinig.
"Sa palengke? Uhh... Si Red meron daw syang gustong bilhin!" turo ko kay Red
Hehehe! AYOS!
*COUGH.COUGH*
Nabulunan yata si Red.
"Sabi ni Red sasama daw sya sa palengke hintayin mo lang sya ah"
"Uh. Okay" sagot ni Ami
"Goooood!" ^_______^
At bago pa makapagsalita si Red tumakbo na ako papunta sa kwarto ni Timothy.
Hahaha!
***Red's POV
PONYETA.
ANTAE TALAGA.
"Manang Isang kilo nga po dito sa tilapia" Ami
Nasa palengke ako.
POTEK! =_____=
Hindi naman sa hindi pa ako nakakapunta dito kaya ako nagagalit.
Madalas ako sa palengke dahil don ako namimili ng pagkain ko imbes na sa
Supermarket. Mas fresh kasi sa palengke at di frozen.
Ang ikinaiinis ko lang ay naisahan ako ni Samantha.
Ang nagagawa nga naman ng SELOS oh! Ampupu!
Pati ako nadamay eh.
Inabot na nya yung plastic.
Inagaw ko na sa kanya, may dala pa kasi syang gulay.
Nagulat ko yata sya. Kanina pa kasi ako tahimik.
"Ako na ang magdadala, ano pa ang bibilhin mo?" tanong ko
"Bigas, itlog, suka, cooking oil, peanut butter tsaka tinapay nalang ang kulang"
"Okay tara na"
Naglakad na kami.
"Ikaw?" bigla nyang tanong
"Ano?"
"Anong bibilhin mo?"
"Ahh.. May bibilhin ba ako?" wala sa sarili na tanong ko
"Wala ka palang bibilhin bakit ka pa sumama?" mataray na tanong nya
AMPUPU.
Para naman gusto kong samahan ka dito. NEVAH!
"May sinabi ba akong wala akong bibilhin?"
"Eh ano nga?"
"Bakit ba gusto mong malaman? Sakin nalang yun!" -___-
"Bahala ka nga"
"Tss"
***Samantha's POV
"Why are you blind?"
"So all I can see is my Wife"
"Who is your Wife?"
"Miracle"
"Wow! Mummy's name is Miracle!" ^0^
"Yeah she's my Wife" =___=
Yan ang usapan na Angelo at Timothy.
Nakikinig lang ako sa kanilang Man-To-Man TALK.
Bawal daw ako sumingit sabi ng kapatid ko..
Di daw ako man. +___+
"My Mommy is your wife? You are my Daddy? But I have a Daddy already!"
"He's not your Daddy"
"No?"
"He's your Nanny"
"Nanny?"
Tumango si Timothy. =___=
Ano daw?
"But you... you said you are my brother and-and Mommy said you are my Kuya
but you said you are my Daddy and-and Daddy isnt my Daddy but my uhh my
Nanny" 0__0?
Ang talino mo Saviel Angelo mana ka sakin. ^___^
"Just because"
"Because whaaaat?" curiosity kills Angelo
"Because I said so" =___=
Tumalon si Angelo sa kama.
Bounce. Bounce. Bounce. CUTE! *___*
Ginawa nyang trampolin ang kama.
"Angelo stop" utos ni Timothy
Sumunod naman ang kapatid ko. *_____*
Pano nya yun nagawa?! >0<
"Sleepy..." kinusot ni Angelo ang mata nya at lumapit kay TOP
Humiga sya sa tabi ni Timothy at yumakap.
Naka-upo lang si Timothy sa kama.
"Wuy Hubby anong Nanny ang pinagsasabi mo dyan? haha!"
"Tss. Bawal magtanong, Man Talk lang yon" =____=
AHAHAHA!
"Ang cute nyong tignan, para kayong mag-ama" ^____^
". . ."
Ang tahimik niya.
"Anong iniisip mo?" tumabi ako sa kanya
"Kapatid mo ba talaga ang batang to?"
"Oo naman bakit? Anong akala mo?"
"Wala" =____=
"Akala mo anak namin ni Red?"
"Oo"
Silence...
"Anong gagawin mo kung sakaling anak nga namin sya"
Kumunot ang noo nya.
"Hahayaan kitang mgadesisyon, kahit ano pa man tatanggapin parin kita"
"Hahayaan magdesisyon?"
"Kung mananatili ka kasama... sila"
"Bakit masyado kang mapagparaya?"
Hinawakan ko ang kamay nya.
"Anong mangyayari..." bulong nya
"Saan?"
"Anong mangyayari kung mananatili akong bulag sa matagal na panahon?"
"Habangbuhay?"
"Oo"
Napa-isip ako.
"Timothy bakit ayaw mong magpa-surgery?"
Kumunot ang noo nya.
"Pass"
"Anong pass?"
"Iba nalang ang itanong mo"
"Hubby..."
Tinitigan ko sya.
"Dahil ba sakin?" tanong ko
Hindi sya umimik.
"Dahil nga sakin Timothy?"
Huminga sya nang malalim at pumikit.
"Desisyon ko yon."
"Pero... bakit?"
Matagal syang tahimik.
"Anong silbi ng mga mata ko..." Humigpit ang hawak nya sa kamay ko "Kung hindi
naman kita makikita?"
Oh.
*lub.dub.lub.dub*
"Hindi mo magugustuhan kung ano ang mga ginawa ko nung mawala ka kaya
naman hwag mo nang ipa-kwento pa sakin. Basta naging masaya ako kahit
papano nang mabulag ako.."
Huh? Mas naging masaya?
"Dahil sa kabila ng pagkabulag ko... nakikita ko parin ang mukha mo" ngumiti sya
"Timothy..."
"Para sakin hindi ka nawala nang matagal dahil palagi kitang kasama kahit sa
panaginip lang"
***Red's POV
Potek!
Umuulan.
Kapag nga naman minamalas. -___-
Malas yata kasama tong babaeng ito eh.
Tsk!
"Pano yan? May payong ka?" tanong ko
"Wala e"
Ampupu -___-
Sabi na eh malas sya.
STRANDED TULOY KAMI!
Pinag-iisipan ko yung sinabi sakin ni Samantha.
Haay. Ang babaeng yon.
Kung ako nalang kasi eh di walang problema.
HA?
HINDE! POTEK YAN! ERASE!

You might also like