You are on page 1of 2

Mga Sanaysay sa Filipino

Halimbawa ng mga Sanaysay sa Wikang Filipino | Mga Iba't Ibang Uri ng Sanaysay sa Tagalog |
Talumpati at mga Halimbawa Nito | Sanaysay Tungkol sa mga Pangyayari, Pag-ibig, Opinyon,
Obserbasyon, Kuro-kuro, Buhay, Sarili, Kabataan Iba pa | Tagalog Articles | Komposisyon o Proyekto at
Takdang-aralin

Home ▼

Sanaysay na Pormal Tungkol sa Kapaligiran


Halimbawa ng Sanaysay

Global Warming sa Pilipinas – (Sulating Pormal)

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng
pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu
tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na
aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi
lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay
nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global
warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na
paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng
mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-
unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na
mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa
kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang
mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan
ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong
paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng
paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone
layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na
mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang
pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na
lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang
problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na
kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating
kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.
at 2:51 PM

Share

2 comments:

Lerry Balid December 30, 2013 at 8:50 AM


tanong lang po. ang pormal na sanaysay po ba ay yung dapat may proof ka sa sinasabi mo.
gaya po ng: Ayon sa NDRRMC nasa 6,100 ang patay sa Visayas blah blah blah..
nalilito po kasi ako kung pormal o di pormal yun.. salamat :)
Reply

Ban Young Ha June 12, 2014 at 7:48 PM


Sabi ng teacher namin sa Filipino IV, ang sanaysay daw na pormal pwedeng manggaling sa opinyon ng
iba.
Reply

Enter your comment...

Comment as: mayannayre@g Sign out

Publish Preview Notify me

‹ Home ›
View web version

Powered by Blogger.

You might also like