You are on page 1of 3

Noong ika-12 ng Setyembre sa patimpalak ng programang It’s Showtime na Miss Q & A

,
isang paligsahan na maihahambing sa Miss Universe ngunit mga lalaking homosekswal ang
naglalaban para makuha ang korona, ay naging usapin sa social media ang mga naging pahayag
ni Vice Ganda, isang homosekswal na personalidad sa Pilipinas, ukol sa tanong na, “Kung mahirap
ka noon at mas lalong mahirap ka ngayon, sino ang sisisihin mo?” Ang dalawang natirang kalahok,
kahit di narinig ang sagot ng isa’t isa, ay parehas na sarili ang sinagot sa tanong. Nang matapos na
ang dalawang kalahok ay pinuri ng mga hosts na si Vice Ganda at Anne Curtis ang pamamaraan
sa pagsagot ng dalawa, ngunit sinundan ito ng hindi pagsang-ayon ni Vice Ganda sa kanilang mga
sagot na sarili ang palaging dapat sisihin sa estado ng buhay ng tao. Inihayag niya na kahit siya ay
ganoon din ang opinyon dati ngunit ngayon, pagkatapos niyang makapanood at makapagbasa ukol
sa paksang ito, ay napagtanto niyang hindi na rin laging ang tao ang may kasalanan sapagkat may
mga pagkakataon na kaya nanatiling mahirap ang mga tao ay dahil napapagkakaitan sila ng mga
oportunidad upang umasenso.

Ginawa niyang halimbawa sa mga Pilipinong masisipag ngunit hindi umaasenso ay ang
magsasaka, mga nagbebenta ng taho, at mga nagbebenta ng fishball. Binigyang-diin niya na ang
mga taong tulad ng nabanggit ay nanatiling mahirap hindi dahil sila ay tamad ngunit dahil kasabay
ng pag-iipon nila ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kung gagamitin ang konsepto ng “Balangkas ng Pagkataong Pilipino” at ang “Tambalang
lapit ni Covar, upang maunawaan ang pagkatao ng mga magsasaka at ang nagbebenta ng fish ball
at taho, maiihahalintulad din ang balangkas ng tao sa isang banga na mayroong labas, loob, at
lalim. Sa panlabas, ang maliliit nilang tiyan ay maaring magpahiwatig ng kanilang paghihirap na
kumita para may maihahain sa hapagkainan. Sa loob naman, maihahambing din ang lakas ng
kanilang mga sikmura sa kakayahang tanggapin at pagtagumapayan ang lahat ng kanilang
paghihirap sa buhay. At panghuli, mahihinuha din na maaring may magandang kaluluwa ang mga
taong ito dahil sa kabila na sila ay napagkaitan ng mga oportunidad upang umasenso ay mas
pinipili parin nila ang magsikap sa kanilang mga trabaho kaysa manakit ng kapwa at magnakaw.

1. JC Punongbayan, [OPINION] To escape poverty, hard work is not enough, https://www.rappler.com/thought-
leaders/201746-escape-poverty-hard-work-not-enough.
2. Aika Rey, Diokno: 'Kung masipag ka lang, hindi ka magugutom sa Pilipinas', https://www.rappler.com/nation/201634-
philippines-dbm-diokno-overseas-filipino-workers-masipag-di-magugutom.
3. Ma. Teresa Tuason, Those Who Were Born Poor: A Qualitative Study of Philippine Poverty. Journal of Counseling
Psychology, 55. 158-171. 10.1037/0022-0167.55.2.158, (2008).
1
Ang ginawa ni Vice na pagpapahayag gamit ang ating sariling wika sa pambansang
telebisyon na napapanood ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang antas sa buhay ay naging mainam
na instrumento upang mahikayat ang panimula ng pag-intindi sa pantayong pananaw na dapat
pinapairal at pinagyayaman natin sa ating bansa. Napaintindi ni Vice na sa ating lipunang
ginagalawan, hindi sapat ang pagiging masipag lamang upang mabuhay sa araw-araw at unti-
unting makaahon sa kahirapan. Limitado lamang ang mga opurtunidad na inaalok ng lipunan na
makatutulong sa mga ordinaryong mamamayan. Dagdag pa dito ay ang kawalang kaalaman ng
mga maralita o mga nasa mas mababang antas ng pamumuhay sa mga opurtunidad na pwede nilang
pakinabangan dahil wala silang kakayahan na mabayaran ang mahal na edukasyon sa bansa na
dapat sana ay magiging daan nila upang magkaroon ng kamalayan sa mga bagay na ito.

Noong Mayo ng taong ito ay umani ng batikos ang naging kumento ni Budget secretary
Benjamin Diokno ukol sa tanong kung magugutom lang ba ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa
Kuwait kung umuwi sila sa Pilipinas. “Alam mo, sa tingin ko kung masipag ka lang, hindi ka
magugutom sa Pilipinas. Kung masipag ka lang,” Sa kanyang editoryal sa Rappler, inilahad ni JC
Punongbayan, isang propesor sa UP School of Economics, ang kanyang di pagsang-ayon sa
pahayag ni Diokno. Bilang ekonomista, bingyang-diin niya na taliwas sa pinaniniwalaan ni Diokno
ay hindi sapat ang pagpupursigi o kasipagan upang makaahon sa kahirapan.1 Ginamit niyang
suporta ang naging resulta ng kararaang pag-aaral ng World Bank Group kung saan nakita na,
salungat sa pinaniniwaalaan ng karamihan, madalang sa mga mahihirap ang walang trabaho dahil
sa mga taong nasa ganitong antas ay pagtatrabaho lamang ang solusyon para matustusan ang
kanilang mga gastusin. Pinakita rin ng nakalap na datos na mas malaki ang porsyento ng walang
mga tarabaho sa middle-class tulad ng mga kakatapos lamang ng kolehiyo na maaring wala pang
trabaho agad-agad.2 Dagdag pa niya, kahit edukasyon ang itinuturing na magpapantay-pantay sa
mga tao mula sa iba’t ibang antas pagdating sa paghahanap ng trabaho, madalas na ang ang antas
ng natapos ng isang tao ay nakabatay din sa natapos ng haligi ng tahanan o ng antas ng pamilya sa
lipunan.

Maiuugnay din sa perspektibo ng mga Pilipino tungkol sa kahirapan ang naging resulta sa
pananaliksik ni Teresa Tuason. Dalawampu’t limang Pilipino na naglarawan sa kanilang mga sarili
1. JC Punongbayan, [OPINION] To escape poverty, hard work is not enough, https://www.rappler.com/thought-
leaders/201746-escape-poverty-hard-work-not-enough.
2. Aika Rey, Diokno: 'Kung masipag ka lang, hindi ka magugutom sa Pilipinas', https://www.rappler.com/nation/201634-
philippines-dbm-diokno-overseas-filipino-workers-masipag-di-magugutom.
3. Ma. Teresa Tuason, Those Who Were Born Poor: A Qualitative Study of Philippine Poverty. Journal of Counseling
Psychology, 55. 158-171. 10.1037/0022-0167.55.2.158, (2008).
2
bilang ipinanganak sa mahirap na pamilya ang boluntayrong sumagot sa kanyang inihandang
sarbey. Labingdalawa dito ay naging mayaman habang labingtatlo naman ay nanatiling mahirap.
Ang 25 na lumahok ay inuri ang kanilang mga sarili bilang mayaman o mahirap ayon sa kanilang
buwanang kita—P100,000 pataas kapag mayaman samantalang P6,250 pababa kapag mahirap.
Isang pagkakatulad sa sagot ng dalawang grupong ito ay mas nakaangkla sa personal at
pampamilyang suliranin ang rason kung bakit mahirap ang mga tao at hindi sa gubyerno. Hinayag
ni Tuason na ang maaring rason sa pagtingin na ito ng nga rumesponde sa kanyang sarbey ay dahil
ang mga Pilipino ay maaring nakundisyon na na hindi maghangad mula sa gobyerno na akuin ang
responsibilidad na ibsan ang kahirapan ng bansa sapagkat ito na ang kinagisnan nilang lipunan
simula pagkasilang. Marahil ay hindi sumagi sa isip ng mga tao na posibleng maging pinagmulan
ang gobyerno ng tulong upang sila ay umangat sa buhay kaya naman ang tao ay sarili na lamang
ang unang naiisip sisihin sa kanyang estado sa buhay. Ang mga mahihirap ay sumagot na kaya sila
walang trabaho ay dahil hindi sila nakapag-aral ngunit pansin ang kawalan ng pagbanggit na dahil
mahal ang makapag-aral sa Pilipinas kaya kahit makakuha man siya ng trabaho ay malaki parin
ang posibilidad na ang kikitain dito ay kulang pa para matustusan ang pangunahing
pangangailangan ng tao.3

. Nahuhubog sa mga Pilipino ang mentalidad na kapag masipag ka ay aangat ka na sa buhay
at dahil dyan na-itatatak sa mga Pilipino na ang mga tao na hindi naka-aangat sa buhay ay tamad.
Maaring ang kasipagan ay makatutulong upang pagtagumpayan ang kahirapan ngunit dapat din
bigyang pansin na ang iba’t ibang tao ay may iba’t ibang lebel ng pribilehiyo at oportunidad na
nakakaapekto sa magiging estado ng kanilang buhay.

1. JC Punongbayan, [OPINION] To escape poverty, hard work is not enough, https://www.rappler.com/thought-
leaders/201746-escape-poverty-hard-work-not-enough.
2. Aika Rey, Diokno: 'Kung masipag ka lang, hindi ka magugutom sa Pilipinas', https://www.rappler.com/nation/201634-
philippines-dbm-diokno-overseas-filipino-workers-masipag-di-magugutom.
3. Ma. Teresa Tuason, Those Who Were Born Poor: A Qualitative Study of Philippine Poverty. Journal of Counseling
Psychology, 55. 158-171. 10.1037/0022-0167.55.2.158, (2008).
3