You are on page 1of 3

Gamit ang tamang pananda, iwasto ang balita. Isulat ang dalawang posibleng ulo ng balita.

Gayundin, isulat ang panuto para sa printer ayun sa akmang tipo at laki.

Nilalagdaan na ni President Rodrigo Duterte ang executive order sa Freedom of

Information (FI) bill. Ito ang inannounce ni presidential communications office

secretary Martin Andanar sa isang press conference sa Davao City ngayong umaga. Hawak

ang pinal na kopya ng executive order sa FOI, sinabi ni Andanar na pirmado na ito ng

pangulo.

Umabot lamang aniya ng dalawampu’t limang araw sa ilalim ng Duterte

administration ang pagpapatupad sa FOI.

Sakop ng EO ang lahat ng departamento at line agencies na nasa ilalim ng executive

branch.

Kagabi sinabi rin ni Andanar na pina-finalized na lamang ang EO sa FOI.

Matatandaang bigong maisabatas ang FOI bill sa loob ng 6 na taong termino ni dating

Pangulong Ninoy Aquino.

Nilinaw ni PCOO Secretary Martina Andanar na saklaw ng Presidential Order No. 2 o

Freedom of Information (FOI) ang lahat ng ahensiya at tanggapan ng pamahalaan, maliban

sa legislative, judiciary branches ng pamahalaan.
Aniya walang dapat ikabahala dahil patuloy na open ang lahat ng libro o record, hindi

lamang sa medya kundi sa buong sambayanan at ito ay bahagi ng isinusulong na

transparent ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagbukas ng 17 Congress, prayoridad pa rin ang pagbalankas ng FOI, ayon kay

Senator Grace Po.

Kaisa rin ng mayorya ng mga mamamahayag ang Presidential Communications

Operations Office, sa pagnanais na maging bukas ang komunikasyon ng media sa mga

tanggapan ng gobyerno

Binigyangdiin ni Andanar ang mahigpit na tagobilin ni Pangulong Duterte sa safety

ng mga mamamahayag.

Bilang patunay, agad ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbuo ng “Task Force

against Media killings, sa bisa ng Administrative Order No. 1.

Sabi din kay Andanar, mahalagang malaman ng taumbayan, sa pamamagitan ng

media ang mga record ng mga government agencies na direktang nasa tanggapan ng

Pangulo, gayundin ang mga statistic, archives at dokumento mula sa mga government

agencies.

Maliban sa proteksiyon sa media, nais din ng Pangulo na mabigyan ng justice ang

mga napaslang at naabusong mamamahayag sa mga nakalipas na administrasyon.

Pinuri at pinasalamatan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng

CBCP – Episcopal Commission on the Laity si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtupad nito

sa isa sa kanyang mga pangako noong panahon ng kampanya na paglagda sa Executive

Order kaugnay ng Freedom of Information.

Ayon kay Bishop Pabillo, malaki ang maitutulong ng naging paninindigan ng Pangulo

upang tuluyang maisabatas ang panukalang Freedom of Information na layuning

maibalik ang kredibilidad sa pamamahala ng mga opisyal ng bayan na higit
dalawang dekada nang hindi naipapasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at

Senado.

Yun po ay magandang balita na pinanindigan ng Presidente ang isa sa mga pangako

niya nung siya ay nangangampanya na kapag siya ay mahalal na Presidente ay ipapatupad

ang FOI kahit na Executive Order lamang. Maraming salamat diyan at maraming salamat

din kasi matagal na natin itong ipinaglalaban na magkaroon ng transparency sa governance

at ang FOI ay isang paraan para magka-transparency sa governance…saloobin ni Bishop

Pabillo sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, iginiit ng Obispo na dapat magsilbing hamon para sa mga

mambabatas particular na sa mababang kapulungan ng kongreso ang naging inisyatibo at

pangunguna ng Pangulo sa pagpapatupad ng naturang panukala para tuluyang masugpo

ang katiwalian sa pamahalaan.

Lumabas sa SWS survey noong nakalipas na taon na 56- porsyento ng mga

business executives sa bansa ang nagsasabing talamak na ang kurapsyon sa lahat ng

tanggapan ng pamahalaan, sa pangunguna ng Bureau of Customs, Senado at Mababang

Kapulungan ng Kongreso.

“Ito’y isang hamon rin sa mga pulitiko, lalong-lalo na sa Congress na siyang

humaharang nitong FOI na nakaraan yung lower house na hindi makapasa dito. Ito’y isang

dapat panawagan sa kanila na gumawa na ng legislation, ng batas, ng RA, hindi lang sapat

ang EO o Executive Order, kailangan din natin ng R.A o Republic Act na maging batas

talaga ang FOI para ito ay mananatili…” dagdag pa ni Bishop Pabillo.