You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REGIONAL TRIAL COURT OF BULACAN


THIRD JUDICIAL REGION
MALOLOS CITY, BULACAN
(Family Court)

PEOPLE OF THE PHILIPPINES


CRIM. CASE. 143-M-2017
- versus - For: Slight Physical
Injuries

JAMES LUSTRE,
of City of San Jose del Monte, Bulacan
Accused.
X--------------------------------------------X

JUDICIAL AFFIDAVIT

Ako, si ENRIQUE REID, 47 na taong gulang, may asawa, tubong


Manggatarin, Pangasinan at naninirahan sa San Jose del Monte,
Bulacan, makatapos na makapanumpa ng sang-ayon sa batas ay
nagpapahayag ng mga sumusunod:

PRELIMINARY STATEMENTS

Ang nagtatanong sa akin sa wikang Tagalog ay si PO2 Marivic


Santos ng Womens Desk sa himpilan ng pulisya ng San Jose del Monte,
Bulacan. Ang pagtatanong/eksaminasyon ay kanyang ginawa sa
nasabing opisina noong ika-22 ng Mayo 2017 sa ganap na alas 6:50 ng
umaga sa harap ni P/INSP Bernadette Gonzales at sinagot ko ang
kanyang mga tanong ng buong katotohanan lamang:

OFFER OF TESTIMONY

The testimony of Enrique Reid is


being offered to counter the
allegations in the Information of this
case and all relevant matters thereto
and he will also identify the pertinent
documents in this case.

QUESTIONS AND ANSWERS

1. T: Matapos mong malaman ang iyong karapatan, ikaw ba ay


nakahandang magbigay ng iyong malaya at kusang loob na
salaysay sa pagsisiyasat na ito?
S: Opo.

1
2. T: Maaari mo bang ibigay ang iyong tunay na pangalan, edad, tirahan
at iba pang pagkakakilanlan sa tunay mong pagkatao?
S: Ako posi Enrique Reid, 47 na taong gulang, Tubong Manggatiran,
Pangasinan, may asawa, nakatira sa San Jose del Monte, Bulacan.

3. T: Ano ang dahilan at naririto ka ngayon sa himpilan ng pulisya?


S: Para magdemanda.

4. T: Sino naman ang nais mong idimenda?


S: Si James Lustre, tubong Samar, Leyte, nakatira sa CSJDM.

5. T: Bakit nais mong idemanda ang taong ito?


S: Dahil po sa ginawa niyang pananakit sa anak ko na si Nadine Reid.

6. T: Kailan at saan ito nangyari?


S: Noong Mayo 21, 2017 bandang 9:30 ng gabi, sa harapan ng aking
bahay.

7. T: Maaari mo bang isalaysay ang mga pangyayari?


S: Noong oras petsa at lugar ng pangyayari ay kasalukuyan kaming
nanonood ng TV ng asawa ko sa loob n gaming bahay. Ng biglang
kumalabog ang isang flower vase sa loob ng aking bahay at nabasag ang
jalousie window ko (14 pcs/blades). Yun po pala ay tinamaan na sa ulo
ang anak ko na natutulog sa loob ng aming kwarto. Nagkabukol po ito sa
ulo. At ako naman po ay nagkasugat sa kamay at ang asawa ko na si
Liza, ay nagkasugat sa paa dahil sa bubog ng jalousie. Nagulat po ako at
lumabas ng bahay. Bumungad po sa akin si James na lasing na lasing.
Nagsisigaw po ako sa galit sa harap ng bahay ko at minura pa ako at ang
anak ko habang umiiyak ito sa takot. Dumating po ang Brgy. at pulis,
ngunit nagbanto po si James na oras na makalabas daw siya ay
papatayin niya kaming mag anak. Kaya itutuloy ko ang kasong paglabag
sa RA 7610 laban sa kanya.

8. T: May dati ba kayong alitan ni James?


S: Wala po kaming dating alitan. Ngunit napag alaman kop o na ako
po pala ay pinagbintangan niyang nambatosa kanila habnag sila ay nag
iinuman noong gabing yun. Samantalang hindi naman po ako nakaalis
sa loob ng aking bahay at nanonood nga lang po kami ng tv at nakahiga
katabi ko ang asawa ko.

9. T: Pansamantala wala muna akong itatanong sa’yo meron ka pa ba


nais idagdag o ibawas sa iyong salaysay?
S: Wala na po.

2
10. T: Handa ka bang lumagda at panumpaan ang salaysay mong ito
bilang patunay na totoo ang lahat ng sinasabi mo dito?
S: Opo.

Manifestation: Your Honor, this


Judicial Affidavit shall serve as
her direct examination. Thank you.

Bilang pagpapatotoo sa lahat ng aking mga sinabi dito ay akin itong


nilagdaan ngayong ika-22 ng Mayo 2017.

ENRIQUE REID
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this ________ day of


_____________________, 2017.

NOTARY PUBLIC

Doc. No. _______;


Page No. _______;
Book No. _______;
Series of 2017.

ATTESTATION

I, ALDEN RICHARD, of legal age, Filipino citizen, with office address


at Mojon, Malolos City, Bulacan, after having been duly sworn to in
accordance with law hereby depose and state that:

1. I personally conducted the examination of Enrique Reid;


2. I faithfully recorded the questions I asked him and the
corresponding answers that he gave; and
3. Neither I, nor anyone, coached him regarding his answers.

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto affixed my signature this


_____ day of _______________, 2017.

Alden Richard
Asst. Provincial Prosecutor of Bulacan
MCLE Cmpliance No. IV-0004211; 02-2-15

SUBSCRIBED AND SWORN before me this _______ day of


September 2017 in _________________________________ by the affiant,

3
exhibiting to his identification card as shown above, a competent proof of
identity under the Notarial Law.

Doc. No. _______; NOTARY PUBLIC


Page No. _______;
Book No. _______;
Series of 2017.