You are on page 1of 18

lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur

Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur


Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

KAPANGYARIHAN NG WIKA

1. instrumento ng komunikasyon
2. nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman
3. nagbubuklod ng bansa
4. lumilinang ng malikhaing pag-iisip
5. sumasalamin sa kultura

Babasahin 1: Babae Kami

Babae kami
Hindi manikang
Lalaruin, huhubaran
Bibihisan, ikukulong

Hindi pagkaing
Sa mesa ihahain
Babalatan, hihimayin.

Babasahin 2: Ebolusyon

Tikim lang sa una


hanggang sa dalawa
at ilang kagat
kumatas ang tamis
ang pait
ang sumpa ng unang
pamana ni Eba sa kapwa niya
mapula, matamis
masarap ang bawal
wala ng bawal ngayon kay Adan.

KAHULUGAN NG WIKA

Pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. – Archibald A. Hill

Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo


upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. – Henry Gleason

1
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

KATANGIAN NG WIKA

1. masistema ang balangkas


2. sinasalitang tunog
3. pinipili at isinasaayos
4. arbitraryo
5. ginagamit
6. nakabatay sa kultura
7. nagbabago

Babasahin 3: Pinoy Lessons in Linguistics


(halaw sa isang E-mail)

Noong dekada 40, kapag may bra ang babae, pinagbubulungan na at


mababansagang malandi. Noon din ay may French perfume na ang tatak ay Eclat
(silent T). Kaya ang taong maarte ay tinatawag ng mga Pinoy na eclat (pronounce the
T). Ngayon, kapag maraming tsetseburetse at kaartehan, ganoon din ang tawag kaya
madalas tuloy sabihing “Ang dami mo namang eklat.” Kinalaunan, pinaikli pa ang
eklat at naging ek-ek. Kaya minsa’y maririnig, “Ang tagal mo namang magdesisyon
kung sasama ka o hindi! Ang dami mong ek-ek!”
Noong nasa elementarya pa ako, uso pa ang Wakasan. Sinubaybayan ko
noon ang nobelang Tubig at Langis. Sikat din noon ang komiks na Movie Special kung
saan kapana-panabik ang mga eksena sa buhay ni Zuma na siya namang ama ni
Galema. Sa komiks, ang tawa sa babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw ay
baylerina. Kinalaunan, naging belyas sila, tapos naging English na hospitality girls.
Ngayon, GRO na!
Nasa elementarya rin ako nang makagisnan ko ang batiang Give me five.
Masyado yatang pormal ang hand shake kaya Give me five ang pumalit. Tuwang-
tuwa ang mga magulang kapag natututunan ng kanilang anak na paslit ang mag-give
me five. Tapos, ang Give me five ay naging High five o Give me five up here sa mga
American games. Pero hindi talaga pahuhuli ang mga Pinoy basta galing sa Amerika.
Ang Give me five up here ay ginawa nating Appear.
Halos lahat yata ng batang Pinoy ay ganito ang training: Anak, where is the
light? Where is the moon? Nadagdag ang Appear! Appear! At dahil sa ET ni Spielberg,
nagkaroon ng Align!Align! Again, tuwang-tuwa ang mga magulang.
Noon, kapag nagkakantahan, ang gamit ay gitara at Jingle Songhits. Pero
napalitan ito noong dekada 70 at 80 ng minus one. Tapos, ang minus one ay naging
karaoke. Ngayon, videoke na ang uso! Sa huling talaan ko tuloy, walo na ang
namamatay sa My Way!

2
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

Naaalala ko, noong bata pa ako, nagtayo ang kuya ko at kanyang mga
kaibigan ng isang combo. Ngayon, ang tawag sa isang singing group ay band, hindi na
combo. Ang combo ngayon ay tumutukoy sa mga promo meal ng Jollibee at
McDonald!

2 DIMENSYON NG BARYABILIDAD NG WIKA

1. Heograpiko
2. Sosyal
BARAYTI NG WIKA

1. Dayalekto – likha ng dimensyong heograpiko, tinatawag itong wikain


Ayon kay Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400+) ang dayalek na
ginagamit sa bansa.
a. Sa Luzon - Ibanag ng Isabela at Cagayan, Ilocano ng Ilocos, Pampango ng
Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan, at Bicolano ng Kabikulan
b. Sa Visayas - Aklanon ng Aklan, Kiniray-a ng Iloilo, Antique at Kanlurang Panay,
Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay at Cebuano ng Negros, Cebu, at Bohol
c. Sa Mindanao – Surigaonon ng Surigao, Tausug ng Jolo at Sulu, Chavacano ng
Zamboanga, Davaoeno ng Davao at T’boli ng Cotabato

Ang dayalekto ay nakikilala sa pagkakaroon nito ng:


a. set ng mga distinct na bokabularyo (halimbawa: agsasarita ng mga taga-Ilocos,
agpipinnatang ng mga taga-La Union)
b. punto o tono (wun ng mga taga-Bacarra, wen ng mga taga-Laoag)
c. istraktura ng pangungusap (Kumain ako ng isda ng mga taga-Manila, Nakain ako
ng isda ng mga taga-Laguna)

2. Sosyolek – likha ng dimensyong sosyal sapagkat nakabatay ito sa pangkat panlipunan


a. wika ng mga bakla (halimbawa: I-Dawn Zulueta mo akoh!)
b. wika ng mga kolehyala (halimbawa: You make tusok tusok the fishball!)
c. wika ng mga preso (Halimbawa: Kosa, puga na tayo!)

Maaari ring tawaging jargon ang sosyolek dahil ito ay may okupasyonal na rehistro.
(Halimbawa sa grupo ng mga abogado: pro bono, hearing, exhibit)

Basahin ang sanaysay tungkol sa tatlong pangkat-panlipunan:

Babasahin 4: SUPER-DOOPER NA SLANG-GWEYDS ni Leonora R. Fulgencio

3
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

Over! As in super to the max and mega to the mall talaga ang mga kabataan ngayon.
Imagine, kung anu-anong mga salitang inimbento ang maririnig mo. Ang hirap nang
maintindihan ang takbo ng mga isip mas lalo pang mahirap habulin ang kanilang pagsasalita.
Minsan, akala mo steytsayd o di kaya’y nanggaling sa hindi pa nadiskubreng planeta.
Sobrang strange-sounding ang mga words na sinasabi. Minsan tuloy mahirap alamin kung
katuwaan lang o minumura ka na.
Let’s know them. Tatlong klase sila according to popularity, ika nga. Unang-una na
‘yung mga lalaking binabae na kontodos make-up at pilantik ng kamay pa at pwede na rin
‘yung mga babaeng magaganda pero badap naman kung magsalita.
Makikita natin sila sa mga lugar na pansinin: parke, tindahan, at pinakamarami sa
parlor. Minsan kapag nagsama-sama, ganito ang entrada: ‘’Naku manash, wa etching talaga.
Wiz nyo alam kung sino ang nakita kong may kasamang lalash? At with kasamang taas ng
kilay, tanong ng isa, ‘cynthia?’ ‘e di sino pa si chaka.’ ‘wrangler pa yung ‘dyulakis.’ ‘pa-sos pa
yung isa, bading naman pala ang lokah!’
Swardspeak daw ang tawag diyan. Hindi alam ni Mr. Webster yon ah! Pati nga
pangalan ng artista isinama pa. Gellie de Belen kung nagseselos, Luz Valdez kung natalo,
Lucrecia Kasilag at Brenda (brain damage) naman sa luka-luka at marami pang iba.
Ikalawang grupo ay ang mga tambay sa kanto. Bad boy style, malakas ang arayb,
nakasuot ng itim o kaya’y naka tsaleko na walang t-shirt at namumula ang mga mata. Ganito
naman ang hirit kung magkita sa kalsada: ‘ o tsong, mga tol, hanep kamustamus na (lagapak
ang apiran) hataw sa pagka-sputing a. Siguro marami ka na talagang datung’. Sagot naman
ang isa habang humihithit ng yosi: ‘alaws mga tsong e. buryon na ako sa haybol. Laging
nakasekyu si ermat at sinamahan pa ni erpat. Buti na lang nakabatsi ako.’
Ayaw naman patalo ng pangatlo kaya biglang sulpot itong mga pasosyal na grupo.
Introducing ... mga kolehiyala. Ap en dawn ang mga bakal sa ngipin, kung hindi ka
nakauniporme, contest naman ng paigsian ng shorts o palda. Diyan sila nakabalandra sa mga
syaping mols, geyt ng iskwelahan at mahinhin kunong sasakay sa dyipni.
Minsan kapag nakasakay mo sa dyip, ‘pakiabot naman my bayad, o’. kapag naiabot
mo na, ‘thank you so much ha.’ Nakakatawa talaga. Kapag bababa naman, ‘mama, para to
the side.’ Ano kayang magiging reaksyon kapag tinanong mo ng: ‘why naman you talk like
that?’
Noong papasok na ako sa first class ko, napadaan yung mabilis naming dyip sa isang
tanyag na iskwelahan nang biglang may tumawid na estudyante. Buti na lang nakapreno
yung drayber pero tumaas ang presyon naming lahat. Namumutlang pinulot ng babae ang
mga libro niyang nagliparan. Biglang sumigaw ng ‘it’s your fault, you did not make pot-pot
kasi!’ hindi nga naman bumisina ang drayber, ang bilis pa naman ng patakbo niya. Naging
katawa-tawa tuloy ang isang trahedya.
Ganyan nga siguro ang mga Pinoy, creative at mahilig mag-imbento. Naniniwala kasi
tayo na ‘change is progress’. Binabago at inaalipusta ang salitang Filipino. Mabuti pang
huwag nang umunlad!
Hindi na dapat pang isipin kung saan ito nanggaling. Nandiyan na ang mga barkadang
walang ginawa kundi ang tumambay sa kalye, makipag-inuman at minsan droga ang
napagtitripan. Isama na rin natin ang mga walang kwentang sitcom sa telebisyon.

4
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

Halimbawa, taglish na tineydyer, liligawan ng action star na ang salita’y pangkanto. Hindi na
nga tayo magkaintindihan dadagdagan pa nito. Okey lang sana ito dahil dadaan lang ng
sandali sa mga kabataan pero sana dapat marunong tayong magsalita ng diretsong Filipino.
Hayaan nating ang panahon at mga taong gumagamit nito ang maging hurado sa
pagpili kung ano ang mga salitang magiging bahagi ng wikang pambansa.

3. Idyolek – likha ng kanyang indibidwalidad (Halimbawa: Hindi pareho ang paraan ng


pagsasalita nina Kris Aquino at Gus Abelgas)

ANTAS NG WIKA

Mahalagang maunawaan ng tao ang mga antas ng wika upang ibagay niya sa
kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.

A. PORMAL – istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami


lalo na ng mga nakapag-aral ng wika
1. Pambansa – salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika, sa
pamahalaan at itinuturo sa paaralan (halimbawa: ama)
2. Pampanitikan o Panretorika – matatayog, malalalim, makulay at masining na
mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa panitikan (halimbawa: haligi ng
tahanan)

B. IMPORMAL - salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas gamitin sa


pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan
1. Lalawiganin – mga bokabularyong dayalektal at ng pagkakaroon ng kakaibang
tono o punto (halimbawa: tatang, amang)
2. Kolokyal – pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong
impormal, kung minsan ay maaaring repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Kabilang din dito ang mga pinaikling mga salita. (halimbawa: Itay, ‘tay)
3. Balbal – tinatawag sa Ingles na slang, galing sa mga pangkat na may sariling code
(halimbawa: fudrang, dadoods)

TUNGKULIN NG WIKA

5
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

1. Interaksyunal – nakakapagpapanatili/nakapagpapatatag ng relasyong sosyal


(halimbawang pasalita: pormularyong panlipunan, pangungumusta, pagpapalitan ng
biro; halimbawang pasulat: liham-pangkaibigan)
2. Instrumental – tumutugon sa mga pangangailangan (halimbawang pasalita:
pakikiusap, pag-uutos; halimbawang pasulat: liham-pangangalakal)
3. Regulatori – kumokontrol at gumagabay sa kilos/asal ng iba (halimbawang pasalita:
pagbibigay ng direksyon, paalala o babala; halimbawang pasulat: panuto)
4. Personal – nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon (halimbawang pasalita:
pormal/di pormal na talakayan; halimbawang pasulat: editorial)
5. Imahinatibo – nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan
(halimbawang pasalita: pagsasalaysay, paglalarawan; halimbawang pasulat: akdang
pampanitikan)
6. Heuristik – naghahanap ng mga impormasyon/datos (halimbawang pasalita:
pagtatanong, pakikipanayam; halimbawang pasulat: survey, research)
7. Impormatib – nagbibigay ng impormasyon/datos (halimbawang pasalita: pag-uulat,
pagtuturo; halimbawang pagsulat: ulat, pamanahong-papel)

WIKANG FILIPINO SA AKADEMIKONG LARANGAN

Pang. Manuel L. Quezon – ang naging daan upang maitatag ang pambansang wika
ng Pilipinas (1935)

Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3. – Ang pambansang Kapulungan ay


magsasagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at paggamit ng isang panlahat na wikang
pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi ipinag-uutos ng
batas, ang Ingles at Kastila ay mananatiling opisyal na wika.

Batas Komonwelt Blg. 184 – itinatag ang lupon na tinawag na Surian ng Wikang
Pambansa

Surian ng Wikang Pambansa – inatasang magsagawa ng pananaliksik kung aling


wikang katutubo ang pagbabatayan ng wikang pambansa, napili ang Tagalog bilang batayan.

Batas Komonwelt Blg. 570 – pinagtibay noong 1946 ang wikang Pilipino na batay sa
Tagalog, bilang isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas, ang dalawang iba pang wikang opisyal
ng Pilipinas ay Ingles at Kastila

Filipino – mula taong 1973, ito na ang pantawag sa wikang pambansa ng Pilipinas

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 o Patakarang Edukasyong Bilinggwal –


ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports upang mapabilis ang
pagpapalaganap ng Filipino bilang wikang pambansa

- sa patakarang ito, magkahiwalay na ginagamit ang Filipino at Ingles bilang mga


wikang panturo sa mga tiyak na asignatura sa elementarya, sekondarya at tersyarya.
Gagamitin ang Ingles sa pagtuturo ng Matematika, Agham o Syensya at Ingles. Gagamitin

6
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

namang wikang panturo ang Filipino sa mga asignaturang Aralin/Agham Panlipunan,


Edukasyong Panggawain, Edukasyong Pangkalusugan, Edukasyon sa Pagpapalakas ng
Katawan, Edukasyon sa Wastong Pag-uugali, at Filipino

Artikulo XIV, Sek. 6 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas – Ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay Filipino, samantalang nalilinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa mga iba pang wika.

Atas Tagapagpaganap Blg. 335 – kautusang ipinalabas ni Pang. Corazon C. Aquino


noong Agosto 25, 1988 upang makatulong nang malaki sa pagsulong sa paggamit ng wikang
Filipino. Iniaatas ng kautusang ito na ang lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina o
tanggapan, ahensya, at instrumentaliti ng pamahalaan ay nagsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa mga opisyal na transaksyon,
komunikasyon at korespondensya.

Proklama Blg. 1041 – ipinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos noong Hulyo 1997 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na
magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

PARAAN NG PAGLINANG SA FILIPINO BILANG WIKANG AKADEMIKO

Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng pagpaplanong pangwika at elaborasyon


sa paglinang ng wikang Filipino. Ayon kay Fishman (1974), ang pagpaplanong pangwika ay
nakadepende nang malaki sa elaborasyong leksikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng
intelektwalisasyon ng mga terminolohiya. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag
ng mga dating di-kilalang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon ng mga bagong
terminolohiya.

Ang intelektwalisasyon ay pagpapayaman sa bokabularyo ng wika upang magamit


itong kasangkapan sa talakayang intelektwal o sa matatayog na larangan ng karunungan at
kaalaman (Pineda 2004). Samakatwid, ang Filipino ay masasabi nang
intelektwalisado kung ito ay nagagamit na bilang wikang akademiko sa mga talakayan at
diskursong iskolarli hinggil sa iba’t ibang larangan at disiplina.

ANG ALPABETONG FILIPINO


Ang Alibata ay ang kauna-unahang alpabeto ng mga Pilipino bago pa man dumating
ang mga Kastila.
Ito ay binubuo ng 17 titik: 3 patinig at 14 katinig.

7
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

Ayon kay Padre Pedro Chirino, ang mga sinaunang Pilipino ay sumusulat nang
pabertikal mula taas paibaba at pahorisontal mula kaliwa pakanan. Sumusulat ang ating mga
ninuno sa mga kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato gamit ang
kanilang balaraw o anumang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at
halaman bilang tinta.

Noong dumating ang mga Kastila, napalitan ng alpabetong Romano ang Alibata – ito
ang Abecedario.

A B C CH D E F G H I

/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ /he/ /ache/ /i/

J K L LL M N Ñ O P Q
/hota/ /ke/ /ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/

R RR S T U V W X Y Z
/ere/ /erre/ /ese/ /te/ /u/ /ve/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /seta/

Noong 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag
na Abakada dahil sa tawag sa unang apat na titik nito. Binubuo ito ng 20 titik – 15 katinig at
5 patinig.

A B K D E G H I L M
/a/ /ba/ /ka /da/ /e/ /ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/
N NG O P R S T U W Y
/n/ /nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/

8
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

Noong 1971, nadagdagan ng 11 titik ang Abakada – C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR, V, X, Z.


Ito ay gagamitin sa pagbabaybay ng mga salitang hiram at mga pantanging ngalan.
Ngunit ang Malakanyang ay tumutol sa pagsasama ng digrapong CH, LL, RR, at NG at
iminungkahing 27 na titik na lamang ang gamitin (Enero 11, 1973).
Ang dating Abakada pa rin ang ginamit ng taong-bayan at ng midya at itinuro sa mga
paaralan maging hanggang unang pitong buwan ng 1987.
Ipinalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
81 noong Agosto 6, 1987 na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino. Naging 28 titik na lamang ang alpabeto na tinatawag nang pa-Ingles
maliban sa Ñ.

A B C D E F G H I J K L
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key /el/

M N Ñ NG O P Q R S T U V

/em/ /en/ /enye/ enji/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/

W X Y Z
/dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/

MGA TUNTUNIN SA PAGBAYBAY

Pabigkas na Pagbaybay

Ang pabigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino ay patitik at hindi papantig. Ang


ispeling ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-sunod ng mga letrang bumubuo
sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham at iba pa.

Halimbawa: plano = /pi-el-ey-en-o/


Xerox = /eks-i-ar-o-eks/

Pasulat na Pagbaybay
a. Sa pagsulat ng mga katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na
naasimila na sa sistema ng pagbaybay sa Wikang Pambansa ay susunod pa rin
ang kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.

Halimbawa: kahon (mula sa salitang Espanyol na cajon)

b. Ang dagdag na walong (8) letra: C, F, J, N, Q, V, X, Z ay ginagamit sa mga


pantanging ngalan (tao, lugar, gusali, sasakyan) at sa mga salitang katutubo mula
sa ibang wika sa Pilipinas (halimbawa: pinakbet, bana).

9
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

Panumbas sa mga Hiram na Salita

Mga Paraan

a. Ang unang pinagkukunan ng mga hiram na salitang maaaring itumbas ay ang


leksikon ng kasalukuyang Filipino.

Halimbawa: rule = tuntunin classroom = silid-aralan

b. Maaaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng


bansa.

Halimbawa: pinakbet, dinengdeng

c. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at Kastila, unang


preperensya ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang
pagbabaybay sa Filipino.

Halimbawa: education (Ingles) educacion (Kastila) edukasyon (Filipino)

d. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi


maunawaan ng nakararami, hinihiram nang tuwiran ang katawagang Ingles at
binabaybay ito ayon sa sumusunod na paraan:

1. Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.
Halimbawa: editor (salitang banyaga) = editor (Filipino)

2. Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang
consistent, ayon sa simulain kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano
ang sulat ay siyang basa
Halimbawa: control (salitang banyaga) = kontrol (Filipino)
Gayunpaman, may mga salitang hiram na maaaring baybayin sa dalawang
kaanyuan, ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit.
Halimbawa: kongresista, bingo / konggresista, binggo
3. May mga salita sa Ingles o sa iba pang banyagang salita na lubhang di-
konsistent ang ispeling o lubhang malayo ang ispeling sa bigkas na:
a. Maaaring hayaan na muna sa orihinal na anyo o panatilihin ang ispeling
sapagkat kapag binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mabakas
ang orihinal na ispeling nito.
Halimbawa: coach, sandwich, brochure, rendezvous, jogging
b. Maaaring hiramin nang walang pagbabago ang mga salitang pang-agham
at teknikal.
Halimbawa: calcium, zinc oxide, Xerox, x-ray
4. Hiramin nang walang pagbabago ang mga simbolong pang-agham.
Halimbawa: Fe (iron)

Babasahin 5: Mga Katatawanan sa Medisina

10
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

(Halaw sa isang E-mail)

Sa Philippine General Hospital (PGH), may tinatawag na Central Block. Nandoon ang
Radiology Department kung saan ginagawa ang x-ray, ultrasound, CT Scan at radiotherapy.
Dito ko naobserbahan ang ebolusyon ng mga Pinoy medical terms.

May mga pasyente akong nasasalubong at nagtatanong ng direksyon. Ganito ang kanilang
mga bersyon ng CT scan.

1. Dok, saan po ba ang siete scan?


2. Dok, saan po ba magpapa-CT skull?
3. Dok, saan po ba ang CT scalp?
4. Dok, saan po ang CT scam?
Madalas din akong mapagtanungan ng direksyon papunta sa Cobalt Room. Madalas nilang
sabi’y, Dok, saan po ang Cobal? Oo, walang T. Marami talagang gumagamit ng term na
Cobal. Saan napunta ang T? Marami ring nagtatanong, Dok, saan po ba magpapa-X-tray?
Kongklusyon, ang T ng Cobal ay napunta sa X-Tray!

Minsan isang umaga, nagbigay ng instruction ang kasamahan kong doctor sa bantay ng
pasyente. Mister, punta po kayo sa Central Block at magpa-schedule kayo ng x-ray ng
pasyente ninyo. Hapon na nang dumating ang bantay. Nagalit ang doctor. Ang katwiran ng
bantay ay ito: E, kasi po dok, ang tagal kong naghintay sa gate hanggang sabihin ng
gwardya na sarado raw po ang Central Bank kasi Sabado ngayon. Nasa Roxas Boulevard ang
Bangko Sentral ng Pilipinas at sarado nga naman ‘yon kapag Sabado.

Ang Gamit ng Gitling

a. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.


Halimbawa: araw-araw dala-dalawa

b. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa


patinig. May mga salita na kapag hindi ginitlingan ay nagkakaroon ng ibang
kahulugan.
Halimbawa: nag-isa, nag-ulat, pang-ako

c. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.


Halimbawa: pamatay ng insekto - pamatay-insekto
Kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humigit at kumulang - humigit-kumulang

d. Kapag may unlapi ang tanging pangalan ng tao, lugar, bagay o kagamitan (brand) at
sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.

11
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

Halimbawa: maka-Diyos, maka-Rizal, mag-Ford, mag-Coke

Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa
pagitan ng unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
Halimbawa: magCoke - magko-Coke
magZonrox - magso-Zonrox

e. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.


Halimbawa: ika-3 ng hapon, ika-20 pahina

f. Kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.


Halimbawa: isang-kapat (1/4)

g. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.


Halimbawa: lakad-pagong, bahay-aliwan, urong-sulong

h. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.


Halimbawa: Alma Sierra-Pascual

i. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

MGA INSTRUMENTONG GAMIT NG TAO SA PAGSASALITA

Mayroong tatlong salik na kailangan upang makapagsalita ang isang tao: (1) ang
pinanggalingan ng enerhiya o lakas, (2) ang artikulador o kumakatal na bagay (nasal cavity,
alveolar ridge, nose, lips, teeth, tongue blade, tongue tip, glottis, vocal folds, uvula, velum,
palate) at ang (3) resonador o patunugan (chest, tracheal tree, larynx, pharynx, oral cavity,
nasal cavity, sinuses).

12
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

Mga Instumentong Gamit ng tao sa Pagsasalita

KALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO

PONOLOHIYA

Ang ponolohiya ay ang makaagham na pag-aaral ng ponema. Ang ponema ay


tumutukoy sa mga makabuluhang tunog ng isang wika.

Mayroong 21 ponema ang wikang Filipino, 16 dito ang katinig /p, b, m, t, d, n, s, l, r,


y, k, g, ŋ, w, ᴐ/ at 5 naman ang patinig /i, e, a, o, u/.

Ang ponemang /ŋ/ ay kumakatawan sa titik na ng. Samantala, ang /ᴐ/ naman ay
kumakatawan sa impit na tunog o sa saglit na pagpigil sa hangin.

Halimbawa: /tu:boh/ vs /tu:boᴐ/ /u:poh/ vs upoᴐ/

Ponemang Patinig. Ito ay mailalarawan batay sa kung saang bahagi ng dila


nagaganap ang bawat isa at batay sa posisyon ng dila sa pagbigkas ng bawat isa.

Harap Sentral Likod


Mataas i u
Gitna e o
Mababa α

Ponemeng Katinig. Ito ay mailalarawan batay sa punto ng artikulasyon o ang


pinagganapan ng bawat tunog o paraan ng pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng mga ito.

Paraan ng Punto ng Artikulasyon


Artikulasyon
Ngalangala
Labi Ngipin Gilagid Palatal Velar Glottal
Pasara
Walang tunog P t k ᴐ
May tunog b d g
Pailong

13
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

May tunog m n ŋ
Pasutsot
Walang tunog s h
Pagilid
May tunog l
Pakatal
May tunog r
Malapatinig
May tunog w

 Ang mga ponemang patinig at katinig ay tinatawag ding mga ponemang segmental
dahil may katawaning simbolo ang mga ito.

Ponemang Suprasegmental. Ito ay ang (1) tono/intonasyon, (2) haba/diin, at (3)


hinto/antala.

Halimbawa sa tono/intonasyon:
a. Guwapo.
b. Guwapo?
Halimbawa sa haba/diin:
a. magsaSAka
b. magsasaKA
Halimbawa sa hinto/antala:
a. Hindi puti #
b. Hindi # puti #

Halimbawa sa Ilokano: “ No ta bagim ket isu ti pakatayam, pakatayak met.” 

MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng isang
salita o morpema.
Uri ng Morpema:
a. Isang ponema gaya ng /o/ at /a/ na maaaring mangahulugan ng kasarian
(maestro/ maestra, abugado/abugada)
b. Isang salitang-ugat gaya ng mga salitang walang panlapi gaya ng payong, tuwa...
c. Isang panlapi na maaaring unlapi (gaya ng nag- sa nagpayong), gitlapi (gaya ng –
in- sa binati), o hulapi (gaya ng –hin sa batuhin)

14
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

d. May kahulugang leksikal. Leksikal ang kahulugan ng isang morpema kung ang
salita ay pangnilalaman. Kabilang dito ang mga salitang panawag sa mga
kongkreto at abstraktong bagay o pangngalan (hal. lalake), panghalip (hal. siya),
pandiwa (hal. guwapo), pang-uri (hal. masarap), at pang-abay (hal.
kahapon).
e. May kahulugang pangkayarian. Ang pangkayarian ay walang kahulugan sa ganang
sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging
makahulugan. Kabilang dito ang pang-angkop (hal. na), pangatnig (hal. at),
pang-ukol (hal. tungkol sa), at pananda (hal. ang).

MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


Ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang pagbabago sa
karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay
yaong mga katabing ponemang maaaring makaimpluwensya upang mabago ang anyo ng
isang morpema.

a. Asimilasyong Parsyal o Di-Ganap – karaniwang pagbabagong naganap sa ponemang


/ŋ/ at nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ŋ/ dahil sa kasunod na tunog

Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ/ ay ikinakabit sa isang salitang-
ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, ang /ŋ/ ay nagiging /m/ ang /h/.

Halimbawa: [pang-] + paaralan -→ pampaaralan


[pang-] + bayan -→ pambayan

Ang huling ponemang /ŋ/ naman ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang
kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d, l, r, s, t/.

Halimbawa: [pang-] + dikdik -→ pandikdik


[pang-] + taksi -→ pantaksi

b. Asimilasyong Ganap – ukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sa


punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng
nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema

Halimbawa: [pang-] + palo -→ pampalo -→ pamalo


[pang-] + tali -→ pantali -→ panali
[pang-] + takot -→ pantakot -→ panakot

c. Pagpapalit ng Ponema – mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng


mga salita, kung minsan ang ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng
diin

Halimbawa: /d/ -→ /r/ ma- + dapat -→ marapat

15
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

/h/ -→ /n/ /tawah/ + -an -→ /tawahan/ -→ tawanan


/o/ -→ /u/ dugo + an -→ duguan

d. Metatesis – kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng


gitlaping –in-, ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng pusisyon

Halimbawa: -in- + lipad -→ nilipad


e. Pagkakaltas ng Ponema – ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay
nawawala sa paghuhulapi nito

Halimbawa: takip + -an -→ takipan -→ takipan


kitil + -in -→ kitilin -→ kitlin

f. Paglilipat-diin – may mga salitang nagbabago ang diin kapag nilalapian


Halimbawa: ba* sa + -hin -→ basa*hin

g. Reduplikasyon - pag-uulit ng pantig ng salita

Halimbawa: alis -→ aalis

SINTAKSIS
Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na
himig na ito ang nagsasaad na naipahayag na ng nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais
niyang ipaabot sa kausap. Ang pangungusap ay maaaring buuin ng isang salita lamang o ng
lipon ng mga salita.
Halimbawa: Nanay! (panawag)
Aray! (nagsasaad ng damdamin)
Dito! (utos)
Magandang umaga po. (pagbati)
Paano ba kita makakalimutan? (tanong)
Umuulan. (pandiwa)

Ang pangungusap ay maaaring mauri batay sa layon ( paturo, pautos, pakiusap,


padamdam).

Ang pangungusap ay maaaring payak, tambalan, hugnayan, at langkapan.

Halimbawa :
Payak - Napahiyaw ako. (isang kaisipan lamang)
Tambalan - Napahiyaw ako nang malakas at napatayo ako sa kaguwapuhan ni
Superman. (dalawang magkaugnay na kaisipan
Hugnayan - Napahiyaw ako nang malakas kaya sinita ako ng sekyu. (isang punong
kaisipan at isang pantulong na kaisipan)

16
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

Langkapan - Napahiyaw ako nang malakas kaya sinita ako ng sekyu kung kaya
nagtawanan ang ibang manunuod. (isang punong kaisipan at dalawa o higit
pang pantulong na kaisipan)

Ang pangungusap ay maaari ring mauri batay sa ugnayan ng pandiwa at paksa – ito
ang pokus ng pandiwa.
a. Direksyon - Pinuntahan ni Ana ang Yellow Cab.
b. Ganapan - Nag-order si Alex ng Dear Darla pizza sa Yellow Cab.
c. Tagaganap - Kumain ng pizza si Alex.
d. Layon - Kinain ni Ana ang apat na hiwa ng pizza.
e. Kagamitan - Ipinambalot ni Alex ang puting supot sa natirang Dear Darla pizza.
f. Tagatanggap - Ibinili ni Alex ng Four Seasons pizza si Ana.
g. Sanhi - Ikinabusog ni Ana ang pizza na ibinigay ni Alex.

PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP

a. Paningit bilang pampalawak


Mga paningit o ingklitik ang tawag sa mga katagang isinasama sa pangungusap
upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.

Halimbawa: ba, kasi, kaya, daw/raw, na, naman, nga, pa, din/rin, ho, lamang/lang,
man, muna, pala, po, sana, tuloy, yata

b. Panuring bilang pampalawak


Dalawang Kategorya:
1. Pang-uri na Panuring
Halimbawa:
Batayang Pangungusap: Ang mag-aaral ay iskolar.
Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.
Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar.
Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar sa
pamantasan.
Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan na magaling
magtalumpati ay iskolar ng pamahalaan sa pamantasan.
2. Pang-abay na Panuring
Halimbawa:
Batayang Pangungusap: Umalis ang mag-anak.
Umalis agad ang mag-anak. (pang-abay na pamaraan)
Patalilis na umalis agad ang mag-anak. (pang-abay na
pamaraan)

c. Kaganapan ng Pandiwa bilang Pampalawak


1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang ganapan
Halimbawa: Nagpiknik sina Alex at Ana sa ilog ng Bacarra.

17
lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur Fil 1 lektyur lektyur Fil 1 lekt lektyur Fil 1 lektyur
Fil 1
dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma andres dr. alma andres sierra dr. alma andres sierra dr. alma
andres
mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu cas mmsu
cas mms

2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang kagamitan


Halimbawa: Tinusok ni Alex ang isda sa pamamagitan ng stick.

3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang sanhi


Halimbawa: Sumakit ang tyan ni Alex dahil sa inihaw na isda.

4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang direksyunal


Halimbawa: Tumakbo si Alex patungong damuhan.

5. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagaganap ng kilos ng pandiwa


Halimbawa: Kinagalitan ni Alex si Ana.

6. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang layon


Halimbawa: Bumili ng gamot si Ana.

7. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap


Halimbawa: Nagluto ng sopas si Ana para kay Alex.

Mga Gawain:
1. Human Gallery
2. Pagsusuri sa mga Babasahin (pasalita at pasulat)
3. Recitation
4. Spoken word Poetry (tatlong saknong)
5. Role Play
6. Reaction Paper
7. Quizzes at Long Exam

18