You are on page 1of 12

1 ( Magsisimula ang maikling dula ng panuluyan sa pagsasayaw ng mga mamamayan

2 sa saliw ng musika ng kumukutikutitap ni Joey Albert)

3 ( Sa pamamagitan ng mga tableaux ay ipapakita ng mga tauhan ang isang eksena

4 ng mga mamamayan na masayang nagkakaisa upang mabuo ang malaking

5 Christmas Tree ng kanilang lugar)

6 Lalaki 1: Mga kasama nandito na si Father Lino

7 Taumbayan: Magandang araw po father

8 Father Lino: Magandang araw sainyo, kamusta naman kayo?

9 Babae 1: ayos na ayos po Father, tamang tama po at dumating na kayo

10 mababasbasan na din ang Christmas tree na ginawa namin

11 Father Lino: Ahh ehh tama ka dyan , oh halina kayo at ng mabasbasan na

12 ang pinaghirapan ninyong Christmas tree

13 Father Lino: Ama naming Diyos nagpapasalamat po kami para sa araw na ito na

14 nagkasama sama at nagkakaisa kaming magkakabarangay upang bumuo ng isang

15 makabuluhang bagay maliit man po ito kung maituturing ngunit dala naman nito ay

16 kakaibang ganda at kasiyahan para sa lahat ng makakakita nito, nawa po panginoon

17 ay basbasan ninyo ang Christmas tree na ito upang ito ay magsilbing simbolo ng

18 kapayapaan pagmamahalan at pagkakaisa naming lahat, magkakaiba man po kami

19 ng pang unawa o pananaw sa buhay nawa po ay magsilbing paalala sa amin ang

20 pagiging matatag ng Christmas tree na ito ay maging katulad ng aming pagmamahal

21 at pananampalataya sainyo, panginoon nalalapit na po ang inyong muling pagsilang

22 sa inyo pong ganap na pagiging tao nawa po ay pagharian ninyo ang aming puso at

23 isipan at iwaksi ang inggit, galit, sama ng loob, tukso at ang lahat po ng kasamaan

24 at sala sa aming pagkatao at maghari ang kapayapaan, pagmamahalan,

25 pagbibigayan at higit sa lahat ay ang inyong ngalan. Yun lamang po ang aming
26 samo at dalangin sa matamis na pangalan ng inyong anak na si Hesus, AMEN

27 Kapitan: Mga ka Brgy. Ano pa ang iniintay natin simula na ang kasiyahan

28 ( Sa pamamagitan ng tugtug na Santa can you here me ni Britney Spear ay sasayaw

29 ang mga tao upang ipakita ang kanilang kasiyahan)

30 Father Lino: ay ano ba ito mukang napakasaya nga ng mga tao ngayon lalo pa at

31 magpapasko, ngunit tila may kulang may isang bagay atang nalilimutan

32 Cris: Father Lino!!,

33 Father Lino: Nye!!, Ay sus maryosep na batang ito, ano naman at ako ay ginugulat

34 mo?

35 Cris: naku! Pasensya na po kung nagulat ko kayo, ehh napansin ko po kasi na ang

36 lalim ng iniisip niyo

37 Father Lino: Ehh papaano naman Cris, oo at napaksaya nga ng pasko dito sa atin

38 ngunit tila may nalilimutan pa rin ang ating mga ka Brgy. At Yun ay …

39 ( Mababali ang usapan sa pagdating ng isang Ale na lalapit kay Father Lino upang

40 ito ay batiin)

41 Babae 2: Pader magandang araw po, pa bless po

42 Father Lino: God Bless you, mukang ang dami mong dala

43 Babae 2: oo nga po, galing po kasi ako sa palengke at namili para po sa noche

44 buena mamaya,

45 Father Lino: Ay ganun ba,

46 Babae 2: opo, ehh nagulat nga po ako at ang mamahal ng bilihin ngayong pasko,

47 ehh hindi naman po pwedeng hindi maghahanda kahit papaano dahil ito po ay

48 inaabangan ng mga anak ko at syempre po padre tradisyun na natin itong mga

49 Pilipino, ohh sige po Pader mauna na po ako upang makapaghanda

50 Father Lino: Oh sya sige, hai naku mabuti pa ang mga bilihin at pagkain hindi ,
51 nalilimutan at sa katunayan pa nga ehh isa ito sa mga bagay na pinaghahandaan

52 natin tuwing magpapasko, pero hindi lang pagkain ang dapat nating alalahanin

53 may nalilimutan tayong mas mahalaga,

54 Cris: ehh ano nga po ba yun pader?

55 Father Lino: Ehh ano pa nga ba, iyon ay ang ….

56 ( Muling mababali ang usapan sa pagdating ng isang babaeng masayang lalapit

57 at babatiin si pader)

58 Babae 3: Pader!!!! magandang araw po,

59 Father Lino: Ohh magandang araw din naman mukang ang saya saya mo ngayon

60 Cris: Oo nga po, ano po bang meron?

61 Babae 3: Pader, papaano po ba naman ako hindi sasaya ehh nakuha ko na

62 yung bagong android phone na ipinadala sakin ni mister galing America, Christmas

63 gift po sa akin , ang mabuti po niyan ehh mag selfie tayo Father

64 Father Lino: Ahh ehh sige halika at tayo ay magselfie,

65 Babae 2: Ay!! Bongga ito pader, don’t worry itatag ko kayo, uhh sya sige po mauna

66 na po ako

67 Father Lino: Ohh sya sige paalam, ( Muling mapapaisip at malulungkot si Father

68 Lino), Hayy naku.. kanina ehh bilihin, ngayon naman ehh mga material na bagay

69 ito na ba talaga ang mahalaga at naiisip ng mga tao tuwing

70 magpapasko?

71 Cris: Pader wag na po kayo magdrama dyan, dapat masaya kayo dahil

72 malapit na magpasko

73 Father Lino: Tama ka naman Cris dapat masaya tayo dahil magpapasko na

74 ngunit sana lang ay huwag malimutan ng mga tao na ang pasko ay ang…

75 ( mapuputol muli ang usapan ni Cris at Father Lino dahil sa pagsulpot muli ng isang
76 Tao)

77 ( Papasok sa entablado ang isang lalaking umiiyak at naghihinagpis)

78 Lalaki 1: ( papasok sa loob ng Entablado habang umiiyak)

79 Father Lino: Ohh anak bakit ka naman umiiyak?

80 Lalaki 1: Ehh kasi ba naman po pader, yung girlfriend ko po nakipagbreak sa akin!!

81 Father Lino: Ganon ba? Ehh ano ba ang naging dahilan?

82 Lalaki 1: Kailangan niya daw po kasing pumunta sa ibang bansa para doon na

83 magtrabaho

84 Cris: Po? Ehh bakit naman po kayo naghiwalay ehh di ba po pupunta lang naman

85 po sya sa ibang bansa?

86 Father Lino: Hai naku batang ito, napaka matanong… Pero bakit nga ba kayo

87 naghiwalay?

88 Lalaki 1: Para po kasi sa kanya ehh mahirap daw po pag LDR kami, bakit ganon

89 pader wala ba syang tiwala sa akin? Magpapasko pa naman mukang member na

90 talaga ako ng SMP Samahan ng malalamig ang Pasko,Hindi ba niya ako mahal?

91 Father Lino: Hindi naman siguro sa ganon, ngunit kailangan din naman nating

92 irespeto ang kanyang desisyon, kung ako ang tatanungin mo ehh ang mainam ay

93 pag usapan niyo munang muli ang inyong pasya at isipan kung ano ba ang

94 makabubuti para sa inyo, at alam mo kung mahal ka niyang tunay at kung kayo

95 naman talaga ang iniadya ng diyos na magsama ehh magiging kayo din naman

96 huwag kang mag alala magiging ayos din ang lahat

97 Cris: Wow pader ang galing niyo naman mag advice mukang may pinagdaraanan

98 po kayo ahh,

99 Father Lino: Ayy!! Pilyong bata ito,

100 Lalaki 1: Naku maraming salamat po padre sa inyong advice kahit paano ehh
101 gumaan po ang pakiramdam ko, uhh sige po mauna na po ako upang muli syang

102 kausapin bago pa sya umalis.

103 Father Lino: Ohh sige iho, Basta tandaan mo lang na sa pagmamahal at kung

104 para kayo sa isa’t isa ehh walang dagat, himpapawid o bundok man ang

105 may kayang mamagitan.

106 Cris: Ui pader tama na po ang hugot, umalis na po si kuya ohh, ehh maiba po ako

107 tungkol nga po ba san yung sinasabi niyo kanina?

108 Father Lino: Ehh teka toy hah! Baka maputol na naman ehh…. Ok…Ganito lang

109 naman kasi ang gusto kong sabihin, pakiramdam ko kasi ehh nalilimutan na ng

110 mga tao ang pinakamahalagang bagay kung bakit tayo nagdiriwang ng kapaskuhan

111 at yun ay ang kapanganakan ng Panginoong Hesukristo

112 Cris: Oo nga po ano, Hindi ba po dahil sa kapanganakan ni Papa Jesus ehh

113 natubos tayong mga tao mula sa kasalanan

114 Father Lino: Oo Cris, at dapat din natin yung pahalagahan at ipagpasalamat kaya

115 naman nalulungkot ako kapag hindi naalala ng mga tao ang mga nangyari noong

116 unang pasko kung saan ipinanganak sa sabsaban ang anak ng Diyos na nagligtas

117 sa tao mula sa kasalanan

118 Cris: Ehh Pader ano po ba ang nangyari noong panahon na ipinanganak si

119 Papa Jesus?, saka bakit po sa sabsaban siya ipinanganak? Wala pa po bang

120 Ospital at mga doctor noon?

121 Father Lino: Hai naku Cris ang dami mo laging tanong, pero huwag kang mag

122 alala halika ikukwento ko sayo ang kapanganakan ng ating Panginoong HesuKristo

123 ganito kasi yun…

124 ( Magsisimulang ikwento ni Father Lino kay Cris ang Kapanganakan ng

125 Panginoong Hesukrsito kasabay nito ay ang pagpasok ng mga tauhan ng


126 panuluyan)

127 Father Lino: Si Maria na siyang ina ng ating Panginoong Hesukristo ay isang

128 dalaga na ubod ng ganda, magiliw, mapagkumbaba at higit sa lahat tunay na

129 kinalulugdan at alipin ng Diyos, ito namang si Jose ay isang payak na

130 mamamayang naninirahan sa Nazareth isang karpintero ,masipag, mabuting tao,

131 nanggaling sa lipi ni haring David at tulad ni Maria isa ring tagapaglingkod ng

132 Panginoon.

133 Jose: Magandang Araw Maria,

134 Maria: Magandang araw naman Jose,

135 Jose: Ahh Maria, mukang mabigat ang iyong dala hayaan mong tulungan kita

136 Maria: Maraming salamat, ngunit hindi na Jose kaya ko na ito ayoko din namang

137 maabala ka pa sa iyong trabaho

138 Jose: Kung gayon ay magiingat ka lagi,

139 Maria: Maraming salamat, mauna na ako

140 Cris: Hindi ba Father si Maria at si Jose ang mga magulang ni Papa Jesus

141 Father Lino: Oo Cris, noong panahong iyon si Jose at Maria ay nakatakda nang

142 ipakasal ngunit bago pa sila maipakasal ehh natagpuang nagdadalang tao si Maria

143 Cris: Po?!! Ehh hindi ba po Father labing apat na taon pa lang po si Maria noon

144 tapos nabuntis po agad?! Naku uso na pala noon ang nabubuntis ng maaga

145 Father Lino: Hindi ganon ang naging sitwasyon ni Maria Cris, ehh saan mo ba kasi

146 naririnig yang mga nabubuntis ng maaga na yan?

147 Cris: Ehh di sa matatatanda po,

148 Father Lino: Ai nakung bata ito, ganito kasi yan Cris si Maria ay nagdalang tao

149 sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

150 ( papasok sa loob ng entablado si Maria at habang siya ay nananalangin ay


151 magpapakita sa kanya ang isang Anghel na may dalang magandang balita)

153 Gabriel: Maria,

154 Maria: Ano ang iyong ngalan? Tila ngayon lamang kita nakita dito

155 Gabriel: Ako si Gabriel, Isinugo ako ng panginoon upang maghatid saiyo ng isang

156 balita, Matuwa ka! Ikaw ay kalugod lugod sa Diyos, Sumasaiyo ang Panginoon

157 Maria: Po?!!

158 Gabriel: Huwag kang matakot Maria sapagka’t kinalulugdan ka ng Diyos.

159 Makinig ka Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki at siya’y tatawagin

160 mong Hesus. Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng kataas taasan.

161 Ibibigay sa kanya ng panginoong diyos ang trono ng kanyang amang si David.

162 Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman at ang kanyang paghahari ay

163 walang hanggan.

164 Maria: Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?

165 Gabriel: Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng

166 kataastaasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos.

167 Natatandaan mo ang iyong kamag anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y

168 baog ngunit naglihi sya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na

169 buwan nang kanyang pagdadalantao sapagkat walang hindi mapangyayari ang

170 Diyos.

171 Maria: Ako’y alipin ng Panginoon mangyari sa akin ang inyong sinabi

172 Cris: Wow!! Ang galing naman po parang magic!!,

173 Father Lino: Oo Cris, Ngunit higit pa ito sa Magic, Dahil nanggaling ito sa

174 Panginoon at tulad nga ng sabi ng Anghel Gabriel walang hindi mapangyayari ang

175 Diyos. Ayan kaya naman patuloy tayong manalig at umasang diringgin ng

176 Panginoon ang lahat ng ating dinadalangin,


177 Cris: Lahat po?

178 Father Lino: Oo Cris, basta tiyak na makakabuti saiyo at sa lahat ang iyong

179 hiling.

180 Cris: Ahh ok, ehh Father Lino ano na pong nangyari pagkatapos magpakita ng

181 anghel Kay Maria?

182 Father Lino: Ahhh.. sa pagpapatuloy ng kwento, Itong si Jose ay isang matuwid

183 na tao kaya naman nang malaman niyang nagdadalang tao si Maria ehh binalak

184 nitong hiwalayan na lamang si Maria ngunit sa dahilang ayaw niyang mapahiya

185 ang magandang dalaga ehh nais niya itong gawin ng palihim, pero sa kalagitnaan

186 ng kanyang pagiisip ay napakita kay Jose ang isang anghel sa pamamagitan

187 ng isang panaginip.

188 ( papasok si Jose sa entablado nang naguguluhan at nagiisip)

189 Jose: Ohh Maria? Papaano nangyari ito… kailangan ng magiging anak ni Maria

190 ang totoo nitong ama, Kailangan ko siyang hiwalayan ngunit pag ginawa ko ito

191 tiyak na mapapahiya siya, alam ko na ang mabuti pa ay gawin ko ito ng palihim

192 bukas na bukas din ay pupuntahan ko sya para kausapin tama ito ang mainam na

193 na gawin.

194 Jose: Sino ka?

195 Gabriel: ako si Gabriel isinugo ako ng Diyos upang ikaw ay paliwanagan, Jose

196 anak ni David huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria sapagka’t siya’y

197 naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at

198 ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan

199 sa mga kasalanan.

200 Father Lino: At yun ang nangyari sinunod nga ni Jose ang balita ng Anghel

201 Pinanindigan niya si Maria at sila ay ikinasal


201 Cris: Kung ganon po ang nangyari, ehh nasan naman po yung sinasabi nila

202 na tatlong hari?

203 Father Lino: Ang tatlong hari kamo, ang kilala natin na tatlong hari ay ang

204 tatlong pantas na nagmula pa sa Silangan, sila ang mga pantas na sinundan

205 ang maningning na tala na nagsilbing gabay nila patungo sa Bethlehem

206 kung saan ipapanganak ang panginoong Hesukristo.

207 (mula sa magkakaibang lugar lilitaw ang tatlong hari kukuhanin ang isang kalatas

208 na nagsasaad ng kasulatan ng mga Propeta ukol sa pagsilang ng tagapagligtas)

209 Melchor: At ikaw, Betlehem sa lupain ng Juda

210 Gaspar: Ay hindi nga huli sa mga pangunahing bayan ng Juda

211 Baltazar: Sapagkat sa iyo lilitaw ang isang pinuno na mamamahala sa aking

212 bayan

213 ( matapos na ito ay mabasa ng tatlong hari mula sa magkakaibang lugar ay

214 magsisimula ang kanilang paglalakbay patungong Betlehem)

215 Cris: ehh pader hindi ba po sabi niyo taga Nazareth sila Jose at Maria, Pero

216 bakit po sa betlehem pupunta yung tatlong hari?

217 Father Lino: Alam mo kasi Cris si Jose ay lehitimong mamayan din ng Betlehem

218 noong panahon na iyon ay nag utos ang Emperador augusto sa lahat na magpatala

219 sa bayan kung saan sila isinilang at dahil si Maria ay asawa na ni Jose kahit

220 na kabuwanan na ni Maria ay kinailangan nilang maglakbay mula sa Nazareth

221 patungong Betlehem upang magpatala.

222 Cris: Malayo po ba yung Betlehem sa Nazareth Father?

223 Father Lino: Oo Cris, at bukod pa dun naglakbay sila kasabay ng kabuwanan

224 ni Maria kaya naman isa itong malaking hamon para kay Jose at Maria bilang

225 mga magulang ni hesus


226 Cris: Kung ganon mahirap po pala ang kanilang pinagdaanan sa pag aalaga

227 at pagprotekta kay Papa Jesus

228 Father Lino: Oo naman Cris lalong lalo na para kay Maria sapagkat siya ang

229 babae, siya ang nagdadala ng sanggol at ito ay napakahirap na pagsubok sa kanya

230 sapagkat ang pagbubuntis ay hindi isang biro, ika nga sa matatatanda ehh parang

231 nakabaon na rin ang isa mong paa sa lupa kapag ang isang babae ay nabuntis.

232 Cris: Kaya naman dapat po talagang alalahanin ng mga tao ang araw ng kanyang

233 kapanganakan.

234 Father Lino: Oo naman Cris, hayaan mong ipagtuloy ko ang kwento ng

235 kapanganakan ni HesuKristo

236 Cris: Ohh sige po Father,

237 ( Ipakikita ang pagdating at patuloy na paghahanap ng tatlong haring mago sa

238 sabsaban at kay Hesus)

239 Father Lino: Malamig at gabi na nang makarating si Maria at Jose sa Betlehem

240 at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakatakda na ring ipanganak ni Maria

241 ang Panginoong HesuKristo ng mga oras na iyon

242 Jose: Maria kaunting tiis na lamang makakahanap din tayo ng matutuluyan

243 Maria: Oo Jose, ngunit kaunting bilis lamang sapagkat malapit nang lumabas

244 ang sanggol

245 Jose: Oo Maria, tulong … tulungan niyo kami, parang awa niyo na tulungan

246 niyo kami,

247 Father Lino: Sa sandaling yaon ay nakakita si Jose ng isang sabsaban ng mga

248 hayop at dahil walang nagpapatuloy sa kanila ay napagpasyahan niyang dito na

249 lamang dalhin si Maria upang mailuwal ang sanggol na si Hesus

250 ( Sa puntong ito ay ipapanganak na ang Panginoong Hesukristo)


251 Jose: Huwag kang mag alala Maria nandito ako hindi kita iiwan at naniniwala

252 ako na sa mga oras na ito ay kasama natin Diyos

253 Maria: nagtitiwala ako saiyo Jose

254 Jose: kaunting tiis na lamang Maria, kaya mo yan

255 Father Lino: Matapang na hinarap ni Maria ang hirap at sakit ng panganganak

256 at sa huli ay nagtagumpay siyang iluwal ang sanggol na magliligtas at maghahari

257 sa sanlibutan

258 Jose: Maria ito na…ang anak natin narito na Maria

259 (Darating ang mga Pastol na pinagpakitaan ng anghel at binahagian ng

260 magandang balita ukol sa pagkakaanak sa dakilang manliligtas)

261 Pastol 1: nagpakita sa amin ang isang anghel dala ang isang mabuting balita mula

262 sa langit

263 Pastol 2: Ayon dito, isisilang ang anak ng Diyos na magliligtas sa ating lahat mula

264 sa kasalanan. At upang matupad ang nasasaad sa propesiya ipanganganak ito sa

265 isang sabsaban ng mga hayop.

266 Pastol 3: Mga kasama may paparating,

267 ( Darating ang tatlong Haring Mago dala dala ang mga bagay na ihahandog nila

268 sa Panginoong HesuKristo)

269 Melchor: Gng. Naniniwala kami na ang iyong anak ang ipinangako ng Panginoon

270 na siyang maghahari sa sanlibutan at magdadala ng kaligtasan at kapayapaan sa

271 ating lahat ano ang kanyang ngalan?

272 Maria: Hesus, Hesus ang kanyang ngalan

273 ( Bilang pagpupugay ang tatlong pantas kasama ng mga pastol ay maninikluhod

274 at susubsob sa lupa sa harapan ng sanggol at ng kanyang Ina)

275 Cris: Wowwwww!!! Ang galing naman po nun father, bata pa lang po sya ehh
276 ganun na sya kung sambahin ng mga tao nung panahong yun.

277 Father Lino: Syempre naman Cris dahil sya si Hesus ang ating Diyos na

278 nagkatawang tao, nagsakripisyo upang tayo ay maligtas mula sa kasalanan

279 Cris: at dapat po natin itong ipagpasalamat hindi po ba Father

280 Father Lino: Oo naman Cris, tama ka dun. Ito ang masasabi kong

281 pinakamagandang regalo ng Diyos para sa ating mga tao. Ang binigyan tayo

282 ng pagkakataon na makasama siya dito sa lupa sa persona ng kanyang mahal

283 na anak na si Hesus, sayang nga lamang at hindi ako nabuhay noong mga

284 panahong iyon upang makita ng personal ang sanggol sa sabsaban ngunit ayos

285 lang naman sapagkat magpahanggang ngayon ay nararamdaman pa rin natin

286 ang presensya ng panginoon gayun din ang araw na siya ay isinilang na hanggang

287 ngayon ay ginugunita pa rin natin, sana nga lamang ay ganun din ang iniisip at

288 inaalala nang mga tao sa tuwing sasapit ang pasko. Sapagkat ang pagsilang ni

289 HesuKristo sa sabsaban ay nagpapaalala sa atin nang napakadaming mabuting

290 mga bagay na magagamit natin sa ating buhay upang tayo ay maging magaling at

291 mabuting tao

292