You are on page 1of 16

1 PANULUYAN2017 : Halina Hesus, maging liwanag at

2 gabay sa mga taong naliligaw!!


3 ( Magsisimula ang dula sa saliw ng kantang Halina Hesus habang unti unting
4 pumapasok ang mga tauhan na sumasayaw ng karakol)
5 Writter’s note: Dapat magmukang Filipino ang style ng Panuluyan na ito.
6 at binubuo ng iba’t ibang tableaux na nagpapakita ng iba’t ibang senaryo sa
7 isang masayang barangay.
8 Tambay 1: Pare pare iba talaga mag celebrate ng pasko dito sa barangay natin
9 ano.
10 Tambay 2: Oo Pare kaya nga ang saya dito ehh
11 ( May isang malungkot na lalaki ang papasok sa entablado malalim ang iniisip
12 tulala at malayo ang tingin )
13 ( Matatahimik ng bahagya ang mga tambay na parang may ayaw pag usapan )
14 Tambay 3: ( Pabulong na kakausapin ang dalawa ) Pero mukang hindi lahat
15 masaya
16 Mang Mel: Hoy! Kayo diyan!
17 Mga Tambay: Ai Mang Mel magandang umaga! Merry Christmas po
18 Mang Mel: Merry Christmas kayo diyan! Ano naman at ang aga aga ng
19 pagtambay ninyo at talaga namang para pa kayong mga CHISMOSA! diyan
20 na nagbubulungan!
21 Tambay 1: Ehh paano po ba naman kasi Mang Mel ( Pabulong na magsasalita
22 kay Mang Mel) Si Mang Ariel ang lungkot at ang tahimik nanaman
23 Tambay 2: Oo nga po at mukhang ang lalim na naman ng iniisip
24 Tambay 3: Ehh kanina pa nga po namin siya nakikitang nakatulala at ang
25 lungkot lungkot paskong pasko pa naman
26 Mang Mel: Ehh ano namang pakielam niyo! Kalalaki niyong tao ehh ang
27 Chichismoso ninyo! Ang mabuti pa ehh magsiuwi na kayo at tumulong sa bahay
28 ninyo!
29 Mga Tambay: Opo uuwi na po kami! ( Nagmamadaling umuwi ang mga tambay)
30 ( Lalapitan ni Mang Mel ang malungkot na si Mang Ariel na tila kilala niya ito)
31 Mang Mel: Pareng Ariel! Kamusta ka na? mabuti naman at naisipan mong
32 lumabas dyan sainyo.
33 ( dahan dahang lilingon si Ariel kay Mang Mel)
34 Mang Ariel: Ito ganon pa din, malungkot sasalubungin ang pasko ng mag isa
35 Mang Mel: Hai ano ka ba naman Ariel maraming dahilan para maging masaya
36 at kalimutan ang problema
37 Mang Ariel: Hindi mo ako maiintindihan Mel, palibhasa ehh kumpleto at masaya
38 ang pamilya mo. Samantalang ako!! (Biglang matitigilan sa pagsasalita si Mang
39 Ariel na tila may bagay na naalala)
40 Mang Ariel: Ayoko na itong pag usapan Mel
41 Mang Mel: Pareng Ariel matagal na tayong magkaibigan at nalulungkot ako sa
42 nangyari sayo ngunit wag mo sana kakalimutan na sinusubok lamang tayo ng
43 Diyos.
44 Mang Ariel: DIYOS?!! Sa totoo lang Mel hindi ko na alam kung maniniwala pa
45 ako na may Diyos. ( Dismayado at malungkot na lalabas si Ariel sa entablado)
46 Mang Mel: Sandali lang Ariel, Hay naku! Umalis na siya. Sana naman ay huwag
47 mawalan ng tiwala sa Diyos ang kaibigan kong si Ariel.
48 ( Lalabas na ng entablado si Mang Mel)
49 Scene 2: Sa Tahanan ni Mang Mel
50 ( Sa tahanan naman ni Mang Mel ay masayang nagkukwentuhan ang kanyang
51 mag anak habang binabalikan ang kanilang mga litrato sa Facebook kung saan
52 makikita ang mga masasayang ginawa nila sa buong taon na nagdaan)
53 ( papasok sa etablado ang dalawang batang dala dala ang kanilang cellpghone
54 at tila may tinitingnan sa kanilang facebook account)
55 Melissa: Ate ate tingnan mo ang saya saya natin sa picture na ito
56 Joyce: Patingin nga, oo nga ano yan yung picture natin noong pumunta
57 tayo sa isang parke sa Maynila
58 Melissa: Kakatuwa naman ito ate hehe
59 ( Sa puntong ito ay darating naman ang asawa ni Mang Mel at makikisali sa
60 kwentuhan ng mga bata)
61 Lea: Oh mga anak ano ba yang tinitingnan ninyo at mukhang ang saya saya
62 niyo
63 Joyce: Ito po kasing si Melissa Nay tinitingnan yung mga pictures natin sa FB
64 Lea: Ehh ano bang mga picture yan anak
65 Melissa: Nay tinitingnan ko lang po yung mga bonding moments natin na
66 magkakasama tayo nila tatay
67 Lea: Ahh ganun ba? Sige nga patingin din ako
68 Joyce: Ayan nay uhh yan naman yung picture natin nila tatay nung nagsimba
69 tayo sa Batangas
70 Melissa: Ang ganda nun Nay
71 Joyce: Oo nga Nay at ang laki pa ng simbahan para ngang ang sarap
72 magpakasal dun
73 Melissa: Sus! Pakasal agad? Ehh wala ngang nagkakagusto sayo ehh!!
74 Joyce: Hoy! For Your Information Crush kaya ako ng crush ko!! ( Tatawa na may
75 halong kilig at pang aasar sa kapatid)
76 Lea: Hai naku nag asaran pa itong dalawang ito alam mo Joyce mga bata pa
77 kayo para isipin ang mga ganyang bagay. Ang mabuti pa ehh ienjoy niyo ang
78 panahon na bata pa kayo dahil minsan lang yan darating ang panahon na
79 tatanda rin kayo.
80 ( Papasok sa entablado si Mang Mel)
81 Mang Mel: Wow talaga namang ang gaganda ng mag iina ko
82 Mga Anak: Tay!, Merry Christmas po!
83 Mang Mel: Merry Christmas din mga anak, oh ano ba yang ginagawa ninyo at
84 kasama niyo pa ang nanay niyo
85 Lea: Ehh yang mga anak mo binabalikan yung mga picture natin
86 Mang Mel: Ohh?? Patingin nga mga Anak
87 Melissa: Ito tay uhh picture natin nung nag swimming tayo
88 Mang Mel: Uhh yan yung summer hindi ba
89 Joyce: Oo nga po, ang gulo nga po namin dyan ehh
90 Lea: Ehh panu ba naman pati nga pinsan ninyo ay kasama natin
91 dyan kaya talagang ang saya
92 Melissa: Ito naman po yung mga picture natin nung kumain tayo sa isang
93 restaurant noong birthday ni ate
94 Joyce: Oo yan yung panahon na nabilaukan ka kasi ang lakas mong kumain
95 hindi naman nataba hahaha
96 Melissa: Tse!! Atleast sexy hindi tulad ng iba dyan
97 Mang Mel: Hay naku nag asaran nanaman ang dalawang ito, Oh ito naman
98 tingnan niyo ohh hindi ba yan yung picture noong nagkaroon ng pasayaw
99 dito sa barangay noong Valentines day ehh talaga namang ang ganda ganda
100 ng Nanay niyo ng gabing yan
101 Lea: Sus nambola pa itong asawa ko
102 Mang Mel: Ehh hindi naman ako nagbibiro Lea talaga namang ang ganda mo
103 lalo na nung nagsasayaw tayo
104 ( Sa parting yan ay kukuhanin ni Mang Mel ang kamay ni Lea at isasayaw na
105 tila inaalala yung gabing nagsayaw sila noong Valentines Party ng Baranggay)
106 Mga Anak: Wow!! Ang sweet naman!!
107 Lea: Hay naku napakarami na talagang nangyari sa loob ng isang taon
108 Mang Mel: Oo nga at ngayon magpapasko nanaman kung iisa isahin natin ang
109 larawan na yan ehh malamang mamaya pa matatapos ang play na ito
110 Lea: Oo nga at talagang marapat lang tayong magpasalamat sa Panginoon
111 para sa isang buong taon na nagdaan
112 Mang Mel: Napakaraming nangyari hindi lang sa atin kahit dito sa brgy natin
113 Joyce: Oo nga po may nawala, may nagbago may mga nagkatampuhan
114 Melissa: May mga nagkakaayos, may mga bagong nagkakakilala, may
115 nagkakaligawan at syempre nagkahiwalayan.
115 Mang Mel: Kaya nga pag nagkakasama sama ang isang pamilya
116 napakadaming pinagkukwentuhan pag ganitong panahon tunay ngang
117 ang pasko ay may kakayanhang pagbuklodin at pagsamahin ang lahat.
118 Lea: Hay naku nagdrama na ang asawa ko, ang mbuti pa ehh balikan ko
119 na ang ginawa ko panu dyan muna kayo
120 Joyce: Ahh ako din pot ay labas po muna ako gagala lang po kami ng mga
121 barkada ko balik din po ako mamaya
122 Mang Mel: Ohh sige Joyce, oh ikaw Melissa aalis ka din ba?
123 Melissa: Opo ehh, samahan ko po classmate ko bibili pang regalo
124 Mang Mel: Ohh sige uwi kayo ng maaga huh
125 Melissa: Opo,
126 Mang Mel: Hay!! Ang bilis talaga ng panahon ehh mga dalaga na ang mga
127 anak ko. Sana ehh lagi kaming ganito masaya at sama sama lalo na tuwing
128 pasko.
129 ( lalabas na sa Entablado si Mang Mel)
130 Scene 3: Sa tahanan ni Mang Ariel
131 ( Papasok si Mang Ariel na may hawak na mga litrato na kanyang tinitingnan
132 WRITTER’S NOTE: (dapat yung pasok niya ay malungkot at mabigat sa loob
133 parang yung entrance niya kanina pero ngayon nakatingin sa picture)
134 Mang Ariel: Hay! Pasko nanaman (malungkot na mapapaisip si Mang Ariel)
135 kamusta na kaya sila? Sana ay masaya sila ngayon… Sobra ko na silang
136 namimiss ( yayakapin ng mahigpit ang mga litratong hawak at mapapaluha)
137 Writters note: ( Sa puntong ito dapat lalong tititindi ang emotion ni Mang
138 Ariel dahil sa puntong ito ay irereveal na natin ang istorya niya!!)
139 Mang Ariel: ( Habang yakap yakap ni Mang Ariel ang mga larawan ng
140 kanyang mag anak ay mas lalong bibigat ang kanyang nararamdaman
141 hanggang sa ibuhos niya ito)
142 Mang Ariel: Kung hindi ko kaya ginawa ang mga bagay na iyon? Siguro
143 ay nandito pa sila, siguro ay masaya din kami katulad ng ibang pamilya
144 siguro ay buo pa kami ( Ang mga susunod na bagsak ng Script ay dapat
145 maging makatotohanan at mabigat) Kung sana naging mabuti akong asawa
146 kung sana naging mabuti lang akong Ama.. Kung sana nabigyan ko sila
147 ng sapat na oras at atensyon hindi sila mawawala Kung hindi lang sana ako
148 nagumon at nagpalamon sa karangyaan at makamundong nasa marahil
149 kasama ko pa sila ngayon.
150 ( Matitigil si Mang Ariel sa pagsasalita at pupunta sa kabilang parte ng
151 entablado, mapapatingin sa mga poon at doon ay tatanungin niya ang
152 Panginoon na matagal na niyang kinalimutan)
153 Mang Ariel: Minsan akong naniwala sayo, minsan rin akong nakinig sa mga
154 turo mo at ng simbahan. Naging mabuti akong anak sa’yo ang sabi nila ay
155 nakikita mo ang lahat ang sabi nila isa kang patas na Panginoon ngunit ano
156 ang patas sa nangyari sa akin? Nawala na ang lahat sa akin ang buhay ko
157 ang asawa ko ang mga anak ko lahat sila iniwan na ako. Hindi ka totoo dahil
158 kung totoo ka? Nasaan na ang awa mo? Nasaan na? nasaan na?
159 Writter’s note: ( Yung part na sinabi niya “nasaan na? nasaan na?” dapat
160 yan yung part na nanghihina at napapaluhod na lang siya sa kakaiyak habang
161 binabanggit niya yung script na yun tapos after nun eexit na sya)
162 Scene 4: Ang Pagkatok ng Panginoon
165 ( Papasok sa entablado si Maria at Jose, sa oras na ito ay nalalapit ng iluwal
166 ni Maria ang Panginoong Hesukristo)
167 WRITTER’S NOTE: Sa part na ito magmumula si Maria at Jose sa gilid ng
168 simbahan sa may pintuan ng choir. Doon sila magmumula papunta sa stage
169 habang naglalakad sila papunta sa unahan kailangan naghahanap na sila ng
170 matutuluyan, magkakaroon sila ng interaction sa mga nanonood doon sila
171 unang hihingi ng tulong hanggang makarating sila sa stage o unahan)
172 Jose: Tiis lamang Maria makakahanap din tayo ng matutuluyan
173 Maria: Oo Jose ngunit kaunting bilis lang sapagkat malapit ng lumabas
174 ang sanggol
175 Jose: Oo Maria, halika dito tayo. Tao po! Tao po! May tao po ba diyan
176 kailangan lamang po namin ng tulong.
177 Mang Ariel: Sandali lang sino ba yan gabing gabi na ahh
178 Jose: Magandang gabi po maari po ba kaming makituloy ng aking asawa
179 sa inyong tahanan kahit ngayong gabi lamang po?
180 Mang Ariel: Ehh teka lang ni hindi ko nga kayo kilala ehh bakit ko naman
181 kayo patutuluyin sa pamamahay ko?
182 Jose: Nanggaling pa po kami sa malayong lugar at wala pong gustong
183 magpatuloy sa amin malamig at patuloy na pong lumalalim ang gabi.
184 Mang Ariel: Pwes! Makakaalis na kayo sapagkat tulad ng iba hindi
185 ko kayo para patuluyin sa bahay ko. Baka mamaya ehh kung ano
186 pa ang gawin niyo
187 Jose: Pakiusap po Ginoo malapit na pong manganak ang aking asawa
188 na si Maria at hindi na po namin kakayanin pa ang maghanap ng
189 matutuluyan sapagkat higit na niyang iniinda ang sakit ng kanyang
190 tiyan, sige na po
191 Mang Ariel: Aba! kung ganon pala ehh pumunta kayo sa ospital hindi ito
192 bahay paanakan,pasensya na ngunit hindi ko kayo matutulungan umalis na
193 kayo gabing gabi na ehh nanggugulo pa kayo ( pataboy na paalisin ni Mang
194 Ariel si Maria at si Jose)
195 Maria: Parang awa niyo na po Ginoo ( kahit nahihirapan at masakit ang tiyan
196 ay lalapit si Maria kay Mang Ariel )
197 Maria: Hindi tulad ng iba nagbigay ka pa rin ng oras para harapin kami alam
198 kong mabuti kang tao ginoo,
199 Mang Ariel: Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo ngunit nagkakamali ka
200 hindi ako mabuting tao. Kaya nga ako mag isa ehh dahil masama ako at dahil
201 doon kaya iniwan na ako ng lahat
202 Maria: Hindi Ginoo, hindi ka iniwan ng lahat sa katunayan ay padating na sya
203 upang pawiin ang iyong dalamhati.
204 ( Matitigilan at mapapaisip si Mang Ariel na para bang may kakaiba syang
205 nadarama at dahil dun ay patutuluyin na niya si Maria at Jose sa kanyang
206 bahay)
207 Mang Ariel: Talagang makulit kayo huh! Sige na pumasok na kayo
208 Jose: Maraming salamat po Ginoo
209 Mang Ariel: Ariel, Ariel na lang ang itawag niyo sa akin
210 (Mas mararamdaman na ni Maria ang sakit ng tiyan at tila lalabas na ang sanggol)
211 Maria: Jose!! Mukang lalabas na ang sanggol
212 Mang Ariel: Dito lamang kayo at hihingi ako ng tulong
213 ( Nagmamadaling tumakbo si Mang Ariel patungo sa bahay ni Mang Mel upang
214 humingi ng tulong )
215 Scene 5: Si Mang Ariel at Si Mang Mel
216 ( Patakbong nagtungo si Mang Ariel sa bahay ni Mang Mel upang humingi ng
217 tulong)
218 Mang Ariel: Mel!! Mel!! Tao po, tao po.
219 ( Lalabas si Mang Mel ng bahay)
220 Mang Mel: Ano ba yun Ariel gabing gabi na ahh
221 Mang Ariel: Kailangan ko ng tulong mo Mel
222 Mang Mel: Huh? Bakit ano bang nangyari?
223 Mang Ariel: Mahirap ipaliwanag teka hindi ba dating midwife si Lea bago siya
224 magdesisyon magretiro at alagaan ang mga anak niyo
225 Mang Mel: Oo ehh bakit ba? Ano bang nangyayari Ariel
226 Mang Ariel: Doon ko na lamang sa bahay ipapaliwanag ang mahalaga ay
227 makasama kayo ngayon sa akin
228 Mang Mel: Kung gayon ay sandali lang tatawagin ko lang si Lea
229 ( Papasok si Mang Mel sa kanilang bahay at tatawagin si Lea )
230 Mang Mel: Narito na kami Ariel
231 Lea: Ano bang nangyayari Ariel at nagmamadali ka
232 Mang Ariel: Ang mabuti pa ay sumama na lang kayo sa akin ng masagot ang
233 tanong niyo sapagkat kailangan na natin magmadali may dala ka bang gamit sa
234 pag aanak?
235 Lea: Oo narito na nabanggit ni Mel na tinatanong mo ang tungkol sa dati kong
236 trabaho kaya naisipan ko na itong dalhin
237 Mang Ariel: Kung gayon ay tara na
238 Scene 6:
239 ( Nang makarating sila Mang Mel sa bahay ni Mang Ariel ay bumungad sa kanila
240 si Maria at Jose)
241 Lea: Diyos ko!! Ariel sino sila?
242 Mang Ariel: Malapit na siyang manganak at kailangan nila ng tulong
243 ( lalapit si Lea kay Maria upang ito ay tingnan)
244 Lea: Tama ka Ariel mukhang mas mahihirapan pa siya kung magtutungo pa
245 tayo sa ospital.
246 Jose: Pakiusap po tulungan niyo po kami ng asawa ko
247 Lea: Buhatin nyo siya kailangan natin sya madala sa maayos na lugar
248 Mang Ariel: Doon na lamang sa kwarto
249 ( bubuhatin ni Jose si Maria patungo sa backstage kasama si Lea upang tulungan
250 na ipanganak ni Maria ang sanggol)
251 ( Maiiwan sa Entablado si Mang Ariel at Mang Mel)
252 Scene 7:
254 Mang Mel: Sino ba ang mga yun Ariel? Ginulat mo naman kami
255: Mang Ariel: Hindi ko alam bigla na lamang sila kumatok sa aking pintuan kanina
256 ang sabi nila ay nanggaling pa sila sa malayong lugar
257 Mang Mel: Aba! Nakapagtataka naman sa ganitong panahon ehh magkakaroon
258 pa ng ganyan?
259 Mang Ariel: Tama ka sobrang nakapagtataka sa dami na ng makabagong paraan
260 ng transportasyon para makapunta sa ospital ay hindi nila nagawa bagkus ehh
261 nakuha pa nilang kumatok sa mga bahay para humingi ng tulong upang sila ay
262 patuluyin ngunit wala man lang daw nagbukas ng pinto para sa kanila ni harapin
263 sila ay walang nakagawa.
264 Mang Mel: Kung ganon pala ehh marami na silang napuntahan
265 Mang Ariel: Iyon ang pagkakasabi sa akin ng lalaki, nakakatawa nga lamang at
266 sa dinami dami ng tao dito sa lugar na ito ehh sa akin pa sila napadpad sa katulad
267 kong halos patapon na ang buhay.
268 Mang Mel: Huwag mong sabihin yan Ariel, hindi patapon ang buhay mo sadyang
269 sinusubok tayo ng Panginoon kung hanggang saan kakayanin natin. Lahat ng
270 bagay may dahilan at gayon din lahat may katapusan maski ang kalungkutan may
271 hangganan din.
272 Mang Ariel: Kung tama ang sinasabi mo hanggang kalian ko pa ba dadanasin ang
273 paghihirap na ito.
274 Mang Mel: Naalala ko pa nung mga bata pa tayo napakang masayahin mo at
275 palasimba ang sabi pa nga ng Nanay mo ehh tamang tama talaga ang
276 pinagkuhanan niya ng pangalan mo
277 Mang Ariel: Tanda mo pa pala yun, sabi ng Inay nagmula daw ang pangalan ko
278 sa Anghel na nagpahayag ng mabuting balita kay Maria tungkol sa pagdadalantao
279 niya sa Panginoon.
280 Mang Mel: Kay Arkanghel Gabriel hindi ba. Gabriel kaya naging Ariel. Gabriel, Ariel
281 nakakalungkot lang isipin na ibang iba ka na ngayon magmula ng iwan ka ng mag
282 Ina mo ay nagkaganyan ka na
283 Mang Ariel: Kaya nga rin noong una ehh labag sa loob ko na patuluyin ang mag
284 anak na yan dito sa pamamahay ko. Dahil alam ko na sa pagsilang ng sanggol
285 nila ay makakakita nanaman ako ng isang buo at masayang pamilya isang bagay
286 na nawala sa akin ng dahil sa katangahan ko.
287 Mang Mel: Matagal ng tapos yun Ariel, pero bakit mo nga ba sila pinatuloy?
288 mukang hindi pa talaga nawawala sayo ang pagiging mabuti ahh
289 Mang Ariel: Hindi ko alam Mel sadyang kakaiba sila noong nakiusap sa akin ang
290 babae na yun ay parang may bagay akong naramdaman sa aking puso na
291 kailangan ko silang tulungan lalo na noong tingnan ko sya sobrang kakaiba talaga
292 Mang Mel: Ehh hindi mo man lang ba naitanong kung ano ang pangalan ng mga
293 bisita mo ngayong gabing ito
294 Mang Ariel: Ang pagkakarining ko kanina ehh Jose ang pangalan ng lalaki at yung
294 babae naman ay ( magugulat at matitigilan sya sa pagsasalita at mapapaisip na
295 parang may isang bagay na hindi niya inaasahan na dumating)
296 Mang Ariel: Maria! Mel Jose at Maria ang pangalan nila
297 ( Magkakatinginan ang dalawa na para bang nagulat at hindi makapaniwala)
298 Mang Mel: Ano?! Sigurado ka ba? Jose at Maria ang pangalan nila? Nanaginip
299 ba tayo huh Ariel?
300 Mang Ariel: Ano ka ba Mel? Ano yun pareho tayo ng panaginip?
301 Mang Mel: Pero ang mga pangyayari ngayon ang mga kasuotan nila at ang sabi
302 mo pa ehh nanggaling sila sa malayong lugar
303 Mang Ariel: Kung ano ano na ang naiisip natin Mel hindi naman pwedeng
304 mangyari ang bagay na yun.Ano yun bibisitahin ako ng panginoon diyos ngayong
305 araw ng pasko! ( Muli siyang matitigilan at mapapaisip matapos niyang banggitin
306 ang linya na yun)
307 Mang Mel: Pasko ngayon Ariel ito rin ang kapanganakan ng Panginoong
308 Hesukristo at tulad ng sinasabi ng simbahan ehh pinili ng Panginoon na bumaba
309 sa lupa at ipanganak ng isang tao upang makapiling at iligtas tayong mga
310 makasalanan
311 Mang Ariel: Naalala ko ang sabi ni Maria kanina, ang sabi niya ay hindi ako nag
312 iisa at sa katunayan ay padating na sya upang pawiin ang aking lungkot at
313 paghihirap
314 ( lalapit si Mang Mel kay Ariel at hahawakan ang balikat ng biglang narinig nila
315 ang malakas na iyak ng bagong Anak na sanggol)
316 Lea: Ariel, Mel tapos na narito na ang baby baka gusto rin itong makita ni Ariel
317 tutal ikaw naman ang tumulong at nagpatuloy sa kanila ngayong gabi
318 ( lalabas ng stage si Ariel, Mel at Lea samantalang kailangan nakalipat na sa
319 kabilang parte ng stage sila Jose at Maria dahil doon naman sila papasok)
320 ( Papasok mula sa kabilang stage si Maria at Jose)
321 WRITTER’S NOTE: ( Uupo si Maria sa may hagdan malapit sa altar table
322 samantalang nakahawak sa balikat ni Maria si Jose at inaalalayan ito, si Maria
323 naman ay kalong kalong ang bagong panganak na sanggol, sila ay medyo
324 nakaharap sa mga manonood)
325 ( Papasok mula naman sa kanang bahagi ng entablado si Ariel,Mel at Lea)
326 ( Masayang nakatingin si Maria at Jose sa kanilang bagong silang na anak
327 nang pumasok sila Mel, Ariel at Lea.Mula sa pagkakatingin nila Maria sa batang
328 sanggol ay mapapatingin sila kila Ariel)
329 ( Pasimpleng kukuhitin sa siko ni Mang Mel si Mang Ariel na nagpapahiwatig na
330 kamustahin man lamang ang kanyang mga bisita)
331 Mang Ariel: ( Mapapatingin kay Mang Mel at mapipilitan na magsalita) Ahh Maria
332 kamusta kayo?
333 Maria: Mabuti ang kalagayan namin Ariel
334 Jose: Maraming salamat sainyo lalo na sayo Ariel.
335 Mang Ariel: ( Mapapangiti na lamang at sabay itatanong ang pangalan ng
336 sanggol) Ahh ano ang pangalang ibibigay niyo sa sanggol?
337 Maria: Hesus …. Hesus ang pangalang ibibigay namin sa kanya
338 ( Hindi nila inaasahan ang kanilang maririnig)
339 Mang Ariel: Hesus? Hindi ba’t ang sabi niyo ay nanggaling pa kayo sa isang
340 malayong lugar?
341 Mang Mel: at ang kasuotan ninyo? Sadyang naiiba sa karamihan
342 Lea: Saka bakit mas pinili niyo ang kumatok sa bawat tahanan kesa dumiretso
343 na lamang sa ospital?
344 Jose: Ang mga tao talaga sobrang dami ng mga katanungan, bakit di natin
345 subukang maniwala na lang kahit na kung minsan ehh wala tayong nakikitang
346 katibayan.
347 Maria: Bakit namin mas pinili ang maglakbay ng malayo at makipanuluyan sa
348 mga taong hindi namin lubos na kilala? Sapagkat iyon ang nais ng Panginoon.
349 Kailaman ay hindi sya nakalimot Ariel kalianman ay hindi tayo iiwan ng Panginoon
350 bumaba siya dito sa lupa upang tayo ay maligtas sa kasalanan at hanguin sa sakit
351 at pighati.
352 ( Hindi makapaniwala si Mang Ariel sa kanyang narinig at mapapaluhod na lamang
354 siya na tila nanghina at nagsisisi)
355 Mang Ariel: Nagkamali ako!! Mali na isinisi ko sa Diyos ang lahat ng nangyari sa
356 akin.
357 Mang Mel: Lahat tayo nagkakamali Ariel, pinagpala tayo dahil sa dami ng tao na
358 pwedeng makarinig ng tawag ng panginoon ay tayo ang nandito ikaw ang tumugon
359 Maria: Iyon ay dahil mabuti kang tao Ariel sadyang sinusubok tayo ng Panginoon
360 ngunit sa panahon ng pagsubok lagi natin tatandaan na kasama natin ang Diyos at
361 hinding hindi niya tayo iiwan sapagkat walang bagay na ibibigay sa atin ang
362 Panginoon na hindi natin kakayanin.
363 Mang Ariel: ( Habang nakaluhod ay magsasalita si Ariel) Panginoon patawarin
364 niyo po ako sapagkat ako ay nakalimot nagumon ako at nagpadala sa sakit at
365 sama ng loob tulungan niyo po ako na bumalik sa mabuti niyong kalooban
366 Jose: Ariel, pagmasdan mo ang sanggol alalahanin mo ang pagiging dakila
367 ng Panginoon ngunit sa kabila noon pinili niyang maging simple at mabuhay
368 dito sa mundo sa katauhan ng isang sanggol .Pagmasdan mo ang pagkainosente
369 at pagkabusilak ng puso ng sanggol, lahat ng ito ay sakripisyong ginawa niya para
370 sa atin ngunit tayo bang mga tao? Ano ang kaya natin isakripisyo para sa Diyos?
371 magsilbi nawang aral ang pangyayaring ito na ang Diyos ay hindi lamang tumitingin
372 sa mga taong naglilingkod sa kanya ngunit binibigyan rin niya ng kalinga at pag
373 gabay ang mga taong naliligaw ng landas.
374 Mang Mel: isa itong himala Ariel,
375 Mang Ariel: Maraming salamat po sa pambihirang pagkakataon na ito tunay ngang
376 mabuti ang Panginoon
377 Maria: Humayo kayo at magpakabuti hindi lamang para sainyong sarili kundi para
378 na rin sa nakararami.
379 ( Tititgil ang background music at lalabas ang lahat ng karakter sa entablado)
380 ( Papasok muli ng Entablado si Mang Ariel at Mang Mel)
381 Mang Ariel: Mel maraming salamat sa tulong niyo ni Lea kung wala kayo hindi ko
382 alam kung paano sila matutulungan
383 Mang Mel: Sobrang kakaiba ng mga nangyari ngayon hindi ko maisip na pwede
384 itong mangyari sa atin Ariel tila napasok tayo sa isang panaginip,
385 Mang Ariel: Panaginip? Kung panaginip man ito ituturing ko pa rin itong biyaya
386 dahil dinalaw tayo ng Panginoon
387 Mang Mel: Nagbalik ka na nga Ariel, Oh sige na nakalipas na ang hating gabi
388 mabuti pa ay magpahinga na tayo
389 ( lalabas na ng entablado si Mang Mel)
390 ( Mapapaupo naman si Mang Ariel sa isang parte ng stage sa mga hagdan malapit
391 sa mg tao sa gitna)
392 Mang Ariel: Panginoon maraming salamat po sainyo maligayang kaarawan po
393 ang tagal ko rin po kayong hindi nakausap ng ganito. Maraming salamat po sa
394 pagbisita at pagpapaalala na hindi niyo kami iiwan kung ako man po ay
395 nanaginip ituturing ko poi tong himala at panawagan para sa aming mga tao.
396 ( dahil sa dami ng nangyari ay nakaramdam na ng pagod si Mang Ariel at
397 nakatulog na lamang sa kanyang kinauupuan)
398 ( May bata at isang babae na papasok sa entablado at gigisingin si Mang Ariel)
399 Anak: Tay!! Tay!! Gising na po kayo
400 Mang Ariel: Anak?!!
401 Anak: Uhh bakit po tay? Kanina pa po naming kayo ginigising ni nanay
401 ilang oras na lang po at sasapit na ang pasko di ba po sisimba tayo
402 Stella: Oo nga Ariel ang sarap ng tulog mo diyan muka ngang ang ganda
403 ng panaginip mo may ngiti ka pa dyan kanina habang ginigising ka namin
404 Mang Ariel: Panaginip?
405 Stella: Oo kanina ka pa kaya tulog dyan nanaginip ka nga ata ehh
406 Mang Ariel: ( Mapapatawa na lamang at magpapasabi ng pabulong) Panaginip
407 lang pala ang lahat ng iyon akala ko totoo na pero ok lang hehe
408 Stella: Ano Ariel? May sinasabi ka ba? Nagsasalita ka mag isa dyan ehh
409 Mang Ariel: Ahh ano ang sabi ko ang ganda ng asawa ko at mahal na mahal ko
410 ang pamilya ko (biglang yayakapin ni Mang Ariel ang kanyang mag ina)
411 Anak: Sus! Ano ba napanaginipan mo dyan tay at parang ang lambing lambing mo
412 Mang Ariel: Ikukwento ko sayo mamaya anak pero bago yun tayo nang kumain at
413 mamaya ay sisimba naman tayo.
414 Anak: uhh sige po, Ahh nana, tatay, Merry Christmas po I love you sabay yakap sa
415 mga magulang
416 Stella at Ariel: Ang sweet naman ng anak namin mahal na mahal ka din namin
417 Anak.
418( lalabas na sila ng entablado habang naghahanda sa courtesy call ang lahat ay
419 may magsasalita tungkol sa aral ng kwento)
420 Courtesy Call
12/21/17 …… 9:53AM