You are on page 1of 3

IKAANIM NA LINGGO

Ikaapat na Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili
bilang Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago

B. Pamantayan sa Pagganap:
Nakapagsasalaysay ng buong pagmamalaki ng kwento tungkol sa
sariling katangian at pagkakakilanlan bilang Pilipino sa malikhaing
pamamaraan

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto:


Code: AP1NAT-If-10
Nakapaghihinuha ng konsepto ng pagpapatuloy sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod.
(halaman)

II. NILALAMAN
Pakilala sa Sarili
III. KAGAMITANG PANTURO

Sanggunian:
1. Gabay ng Guro pah. 34-35
2. Kagamitan ng Mag-aaral pah. 34-35
3. Karagdagang Kagamitan: larawan ng buto, halamang maliit, puno,
at tsart

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Itanong: Ano-ano ang mga yugto ng buhay ng isang paru-paro?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng isang maliit na halaman.

126
Itanong: Sa tingin ninyo, saan nanggaling ang halamang ito?
Anong halaman kaya ito paglaki?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong: Ano kayang magaganap sa isang buto sa pagtagal ng
panahon.

2. Paglalahad:
Sabihin: Nakapagdownload ulit ako ng isang kwento mula sa
"Youtube".
Panoorin na rin natin ang kwento tungkol sa isang buto na
napadpad sa kung saan.

3. Pagtalakay:
Itanong: Naibigan nyo ba ang kwentong ating pinanood?
Itanong: Sino ang bida sa kwento?
Anong nangyari sa kanya sa pagdaan ng mga araw?

Gawain: Batay sa kwentong inyong pinanood, ilagay sa kahon ang


mga cut-outs ng maipakita ang tamang pagkakasunod-sunod.

127
4. Paglalahat:
Saan nagmula ang isang puno? Anong naganap sa buto bago maging
isang mayabong na puno.

Tandaan:
Sa pagsusunod-sunod ng pangyayari, dapat suriing mabuti kung alin
ang dapat mauna at ang mga susunod pa.

5. Paglalapat:
Bumuo ng apat na pangkat.
Bawat pangkat ay bibigyan ng isang cartolina. Iguhit ang mga yugto ng
paglaki ng halaman.
Pangkat 1: sumibol na halaman mula sa buto
Pangkat 2: maliit na halaman
Pangkat 3: buto
Pangkat 4: mayabong na puno
Ipaskil sa pisara ng magkakasunod ang daloy ng buhay ng isang
paruparo.

V. PAGTATAYA
Lagyan ng tamang bilang ang patlang para maipakita ang tamang
pagkakasunod sunod ng kaganapan sa paglaki ng halaman.

VI. Kasunduan
Magdala ng mga larawan na ipinapakita ang sariling paglaki.

128

You might also like