You are on page 1of 1

MGA PAGDIRIWANG NA PANRELIHIYON

Ati-atihan- Ito ay tatlong araw na pag-awit at pagsayaw sa kalye bilang


pagpaparangal sa banal na sanggol na si Nino Jesus sa Kalibo,
Aklan.
Mahal na Araw- Isang napakahalaga at natatanging tradisyon ng mga
katolikong Pilipino ang pagdiriwang na ito kung saan inaalala
ang pagpapakasakit ni Hesukristo.
Moriones- Isa itong makulay na kaugalian tuwing Mahal na Araw kung
saan nagsusuot ng mga Romanong sundalo at makukulay na
mascara ang mga namamanata at nagpaparada sa mga kalye.
Pahiyas- Idinaraos ito sa lalawigan ng Quezon bilang parangal sa patron
ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador.
Santakrusan-Isinasagawa ang pagdiriwang na ito tuwing buwan ng Mayo
kung saan sa pamamagitan ng prusisyon ay isinasadula ang
paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus.
Pista ng Penafrancia- Ang kapistahang ito ay idinaraos tuwing Setyembre
17 sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol.
Araw ng mga Patay- Ang Ibang katawagan ng pagdiriwang na ito ay Todos
los Santos.
Ramadan-Ito ay isang buwang pagdiriwang ng mga Muslim tuwing Marso
hanggang Abril.
Hari Raya Puasa-Isa itong pagdiriwang sa pasasalamat ng mga Muslim
pagkatapos ng Ramadan.
Misa de Gallo-Ito ang tawag sa siyam na magkakasunod na simbang-gabi
na nagsisimula mula sa ika-16 hanggang ika-24 ng Disyembre.