You are on page 1of 3

Panukala sa Pagpapagawa ng Health Center

Para sa Barangay Upper Irasan

Mula kay: Michelle Murro Montillana

Purok Humay, Barangay Upper Irasan,

President Manuel A. Roxas,

Zamboanga del Norte

Ika – 27 ng Oktobre 2017

Haba ng Panahong Gugugulin: 4 na buwan, 3 linggo at 3 araw

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Isa ang barangay Upper Irasan sa mga barangay na nakapaloob sa lalawigan ng President
Manuel A. Roxas. Ito ay binubuo ng humigit kumulang 105 na pamilya at 45% mula sa
kabuuang bilang nito ay mga bata na nasa edad 1 hanggang 17 taong gulang at 10% naman sa
kabuuang bilang nito ay mga buntis at mga bagong kasisilang na sanggol.

Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng Barangay Upper Irasan ay ang mga hindi
mapipigilan at hindi maiiwasang natural na sakit ng pabago- bagong panahon gaya lagnat, ubo,
sipon at maging trangkaso. Nararanasan din nd mga mamayan ng Barangay Upper Irasan ang
pagkabahala sapagkat malayo ang Health Center na siyang pagpapacheck-upan at
pagapatinginan ng mga mamamayan lalong- lalo na ang mga kabataang nagkakasakit at mga
buntis, nahihirapan na din ang mga mamayan dahil sa dagdag gastos sa pamasahe dahil sa
malayong lokasyon ng Health Center.

Dahil dito mas mainam na makapagpatayo at makagawa ng Health Center sa Barangay Upper
Irasan. Kung ito’y mapapatayo tiyak na mas madali na para sa mga mamamayan ang
pagpapagamot at pagpapatingin sa Health Center at bawas na din sa dagdag gastos sa pamasahe
ng mga mamamayan. Higit sa lahat kailangang mapatayo at mapagawa anng proyektong ito sa
mas lalong madaling panahon upang matiyak ang magandang kalusugan at katawan ng mga
mamamayan sa at kaligtasan ng mga kabataan sa Barangay Upper Irasan.

II. Layunin

Makapagpagawa ng Health Center na na makatutulong para matiyak ang kalusugan at


kapakanan maging ang kaligtasan ng mga mamamayan sa ano mang sakuna at sakit. At pati
narin ang mas pagpapadali ng pagpapacheck- up at pagpapatingin ng mga mamaymayan sa
Barangay Upper Irasan.

III. Plano na Dapat Gawin

1. Pagpapasa, paghahanda, paglalabas ng budyet at maging pag- aaproba.

- (1 linggo)

2. Pagbibidding na gagawin sa mga kontaktor at magongontrata sa paggawa ng Health Center.

- (2 linngo)

Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani- kanilang tawad para sa
pagpapatayo ng Health Center kasama ang gagamiting plano para rito.

3. Pagsasagawa ng pagpupulong ng onseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa


at magpapatayo ng Health Center.

- (2 araw)

Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontaktor par asa kabatiran
ng nakakarami.

4. pagsasagawa at pagpapatayo ng Health Center sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng


Barangay Upper Irasan.

- (4 na buwan)

5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng Health Center.

- (1 araw)
IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Presyo o halaga ng pagpapagawa ng Health Center batay sa Php. 4,980,000.00
isinumite ng napiling kontraktor (kalakip na rito ang sweldo ng
mga trabahador at ang lahat ng mga kontraktor)

II. Halaga ng mga gastusin sa pagbabawas at pagpapasinaya nito. Php. 20, 000.00

Kabuuang Halaga Php. 5,000,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito

Ang pagpapagawa at pagpapatayo Health Center ay magiging malaking tulong at pakinabang


ng mga mamamayan sa Ba

You might also like