You are on page 1of 2

Retoke

Characters:
Jenny : present Jenny / actress
Alexandra Cecil: future Jenny / actress
Setting: Ang stage na nakaset na parang kwarto ni Jenny/ Alexandra Cecil
Act 1,Scene 1
Jenny: Noon, gustong gusto ko talagang magparetoke. Pero, ewan ko ba ngayon parang nalilito ako kung
itutuloy ko ba ito… ( tumingin sa relo) Hoi! Jenny!!! Mas lalo kang papanget niyan kung matatagalan ka sa
pagtulog mo kaya huwag ka nang mag-isip ng todo diyan… Alas otso na at kailangan mo nang mag beauty
rest… ay este, pangit rest…Basta, bukas ka pa kasi gaganda…
Alexandra Cecil: (bagong gising) O my Gosh!!! Hoi!!!! Sino ka? Ohh my Gosh!!! You look like my old face… Ano
ka ba alien ng ibang mundo at napadpad ka dito pero yung identity mo kamukha ko noon?
Jenny: (nagising ng bigla) Anong… Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Hoi Teka lang… FYI, nandito ka sa kwarto ko
at huwag mo akong pagsabihan ng ganiyan ha na alien ako… Sino ka ba? Ba’t ka ba nandidito ha? Lumayas ka
dito!!!
Alexandra Cecil: O my Gosh!!! Akin ‘tong kwartong to… Don’t be too much possessive… Akin ‘tong kama, akin
‘tong unan… Akin ‘tong lahat!… Kaya bumalik ka na sa mundo mo para di ko na rin matandaan ang
pagmumukha ko noon na talagang nakakahiya!!! EEEWWW!!
Jenny: O my God! Porke’t maganda ka, sayo na to? Ikaw ang dapat sabihan ko ng ‘ Don’t be too much
possessive’ At anong ibig sabihin mong pagmumukha mo noon? Teka..
Alexandra Cecil: O ba’t ka napa ‘teka’? Naalala mo na ba na wala ka sa mundo mo at kailangan mo nang
bumalik doon? Sige tutulungan kita kung paano makalabas rito.
Jenny: Teka, Anong taon na ba?
Alexandra Cecil: 2018… Why?
Jenny: Ehh kanina, 2017 pa ehhh bago lang akong natulog at sigurado akong hindi pa ‘yun midnight ng
December 31 nang matulog ako kaya ngayon January one na ng 2018. Sigurado akong Nov. 17 pa ‘yun ng
2017…
Alexandra Cecil: At lalong hindi new year ngayon…
Jenny at Alexandra Cecil: So… ikaw ako? (Jenny: in the future? - Alexandra Cecil: in the past?)
Alexandra Cecil: No way! Eew! No way para makita kitang muli… I’m sure hindi ako nakaharap sa salamin…
Jenny: Oo nga nakaharap ka sa isang salamin… Salamin ng mga ugali… napakapangit kasi ng ugali mo… Kung
maka- ‘eew’ parang’ di niya to (tinuro ang mukha) pagmumukha noon…
Alexandra Cecil: Bakit? Naging masaya ka ba sa pagmumukha mo?
Jenny: Hindi…
Alexandra Cecil: Edi yun naman pala ehh… Ehh kung pag-usapan na lang kaya natin kung ba’t ka nakarating
dito sa 2018… Ahh By the way, Wait… Ay Ohh my Gosh… It’s November 17, 2018. Ba’t ka nga kaya napadpad
dito?
Jenny: Ewan ko nga ehh… O my God, di parin ako makapaniwala… Nananaginip ba ako ngayon? (sinampal ang
pisngi) Ehh hindi naman pala ehh… Ba’t ganito? Gusto ko ng bumalik…
Alexandra Cecil: Baka may plano ang Lord kung bakit ka nandito…
Jenny: Sa bagay… Pero… Ay teka, baka gusto ng Diyos na maipakita sa akin ang life ko after magpa…
Alexandra Cecil: Magparetoke?
Jenny: Oo kasi kanina, bago ako matulog, I was still deciding kung magpaparetoke ba ako bukas o hindi… Baka
konektado ito kasi pinapakita sa akin ang pagmumukha mo… Pinapadecide nga talaga siguro ako kung ano
talaga…
Alexandra Cecil: Well, para matulungan kita, tingnan mo muna nang maayos ang mukha ko kung agree ka ba
na magiging ganito ang future face mo…
Jenny: Okay naman… Di rin ako makapaniwala kung ganyan pala kagaling si doktora Liza magretoke ng
mukha…
Alexandra Cecil: O, okay naman pala ehh… then alam mo, ngayon, mas dumami yung fans ko kasi maganda
na ako. From five hundred thousand followers sa twitter, ngayon, umabot na ng three million… Imagine!
Talagang amazing, right?
Jenny: Pero si mama at papa, okay lang ba?
Alexandra Cecil: Oo naman! Okay lang sila kasi natupad na daw yung pangarap ko na maging maganda…
Jenny: Wow ha? Ang galing pala… So, mukhang na- persuade mo naman ako… Kasi, alam mo, ay! siguro alam
mo na talaga kasi na-feel mo ‘to noon ehh… Nahihiya na akong lumabas sa bahay dahil pangit nga kasi daw
ang itsura ko na anak naman daw ako ni Karmela Restoye at Carlo Abad na puro magaganda’t gwapo…
Nagpapatunay lang pala daw talaga tung mukha ko na ampon lang nila ako… So, gusto ko ‘yun ma-break na
feeling para magiging maayos na ang buhay ko… Pero, paano ba ako babalik sa 2017?
Alexandra Cecil: ‘wag ka munang umalis…
Jenny: Ha?? Bakit? Ehh kanina nga pinapalayas mo na ako dito…
Alexandra Cecil: Kasi ang totoo talaga, hindi ako naging masaya…
Jenny: Ha? Bakit naman? Akala ko ba…
Alexandra Cecil: Ang totoo kasi, nagkaroon ako ng maraming followers dahil dumagdag yung mga bashers ko
doon… ‘Social Climber’, ‘Pilingera’ at iba pang mga masasakit na salita ibinato sa akin… Sila mama’t papa, okay
lang naman talaga sila kasi ‘yun ‘yung sabi nila sa akin pero naramdaman ko na pumapalayo na sila sa ‘kin…
Jenny: Ehh ano naman kasi ang ginawa mo para ibash ka?
Alexandra Cecil: Aminado naman ako kasi talaga ngang nag-iba na ako…
Jenny: Ehh diba dapat mas maging masaya ka kasi natupad mo na ang pangarap mo?
Alexandra Cecil: (hinarap ang sarili sa salamin) Hindi… Sa tingin mo naging masaya ako sa lahat ng ibinunyag
ko…
Jenny: Sa bagay…
Alexandra Cecil: (kinuha ang gunting sa mesa) Gusto ko na ngang magpakamatay ehh.. dahil akala ko
magiging okay ang lahat pero hindi pala…
Jenny: Hoi!!! Ano bang gagawin mo? Baliw ka ba?
Alexandra Cecil: Papatayin ko sarili ko dahil ano naman kasi ang silbi ko sa lipunan?
Jenny: Hoi! Huwag!!!
Alexandra Cecil: Ay, para mas hindi masakit, ikaw nalang pumatay kay Alexandra Cecil pagbalik mo sa taon
mo…
Jenny: Ha? (collapsed) (gumising at hiningal) Ano ba yun? Alexandra Cecil? ‘Yun ba ang ipapangalan ko pagka
na retoke na ako? Pero… parang ‘di maganda ehh… (humarap sa salamin) Jenny, Hindi masama ang magbago,
pero huwag mong baguhin ang buong sarili mo… Respect yourself… Love Yourself… Kung kailangan mong
magbago siguro,’yang ugali mong di kontento sa buhay ang kailangan mong baguhin… Dapat ipakita mo sa
sarili mo na maganda ka para ang lahat ng tao, maniniwala… You must build confidence inside you para
babago na ang buhay mo na akala mong hindi kaaya-aya… If you need to change, Don’t… but just improve… In
the latter part, matutungyahan mo na tunay kang maganda… Kaya, no need na ang magparetoke… Maganda
ka na. Jenny lang si Jenny… alisin lang ang pimples…
Alexandra Cecil: O my Gosh! Ang galing natin ha? Parang hindi na practice ang ginawa natin… Ang galing mong
umarte Jenny!! Parang totoo talaga.
Jenny: Ikaw rin nohh! Hahaha pero, ba’t ito ang napiling storyline ni direk na wala namang konek sa theme na
“ Social Transformation through Cultural Education” ?
Alexandra Cecil: Ay! Kasi siguro, alam naman natin na ang pamumuhay natin bumabago dahil sa mga
influences pero nakakaligtaan na natin ang ating kultura gaya ng pagkaligta ni Jenny sa kaniyang sarili nang
siya’y naging si Alexandra Cecil… Iba rin yung writer no? Pinareho yung pangalan ng mga characters sa atin…
Jenny: Yeah right! Hahahha pero siguro pinapahiwatig rin sa story na kung magbabago man tayo huwag lang
babaguhin ang ating kultura , dapat iimprove lang. Kilalanin muna natin ang ating kultura at alamin kung ano
ang magandang maidudulot nito sa atin. Gaya ng gagawin ni Jenny ‘na character’ sa kaniyang sarili after
realization…
Alexandra Cecil: At ang pag-alam sa sariling kultura ang makapagbabago sa lipunan mula sa hindi
magagandang katangian nito. Siguro kailangan lang ni Jenny na tanggalin yung mga dirt niya sa mukha para
bago na kung titingnan. Then, gaganda pa siya. ‘Yun lang…