You are on page 1of 1

Ayon sa administrador ng NFA na si Jason Laureano Aquino, ang NFA ay agad na kumilos sa pamamagitan

ng pagkuha ng mga bigas mula sa iba’t ibang rehiyon, at ang kabuuang anim na halimbawa ng bigas at
dalawang halimbawa ng kanin ay isinailalim sa pagsusuri sa laboratoryo ng Food Development Center.
Ang resulta ng lahat ay totoong bigas. Ipinaliwanag ng NFA-FDC direktor na si Jocelyn Sales na ang kanilang
mga nakuhang halimbawa ay sumailalim sa tatlong uri ng pagsusuri sa laboratoryo- mikroskopiko, arina
at paghawak. Ito ay upang malaman kung ang mga sinasabing pekeng bigas ay naglalaman ng mga
mapanganib na kemikal. Ito ay suportado ng Grain Retailers Confederation (GRECON) na si Pangulong
James Magbanua. Aniya, “There is no such thing as fake rice… only fake news.” Nabigla ang GRECON sa
kung paano kumalat ang balita tungkol sa pekeng bigas at apektado ang negosyo ng mga nagtitinda ng
bigas. Dagdag pa ni Magbanua, wala silang insentibo na makukuha kung sila ay magbebenta ng pekeng
bigas. Ito ay mas mahal gawin kung maglalagay ng mga plastik. Ang balitang ito ay sisirain lang ang kanilang
negosyo, babahiran ang kanilang reputasyon at gagawa ng pagkalito sa mga tao.