My All _____ _____ Emmanuel R.

Caleon

Conceptualized in Short Story on December 22, 2008 Written in Novelette on October 15, 2010 Original Story by Emmanuel R. Caleon

Emmanuel R. Caleon My All Chapter 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 Title Si Ricco Si Alexis Ang Simula ng Musika Para sa Katuparan Awit ng Pag-asa Rhythm of Change Sa Simula ng Pagkakaibigan Kaibigan o Ka-ibigan Sa Bagong Himig Dito sa Aking Puso Ang Tampuhan Ngiting Laan Para Sa’yo Bakit Iba ang Pagmamahal? Ang Lihim, Bakit Dapat Ilihim? Si Rina: Ang Dakilang Eeksena Hanggang Saan Kayang Ipaglaban Ang Kabanatang Magbabago sa Lahat Si Bestfriend Steven Sa Bagong Liriko at Melodiya ng Pag-iisa Ang Himig ng Pagmamahal A – Katapusan ng Awit B – Naibang Himig C – Ritmo ng Bagong Pag-ibig Closing Word Page 4 10 16 25 37 54 65 74 88 96 105 117 124 128 134 144 158 165 171 184 171 193 200 210

Extra
2

My All

“Wag kang mag-alala hindi na mauulit iyong nangyari sa iyo nung nakaraan.” tila isang maamong batang pangungumbinsi ni Steven kay Ricco.

3

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 1 Si Ricco “Aba Ricco, anong oras na, nakahilata ka pa din diyan.” bati sa nagtutulug-tulugang si Ricco “wala ka bang balak pumasok ngayon?” kasunod nito. “Ayan na po, babangon na po ako” kasunod niyon ay ang kanyang pagbangon. “Wala naman talaga akong balak pumasok ngayon” sa loob loob niya “sayang ang baon kung hindi ako papasok. Hay buhay, hirap ng hindi mayaman” dugtong pa ng isip niya. Pagkalabas niya ng kwarto ay agad siyang dumiretso sa kusina. “Sige na kumain ka na” salubong sa kanya ng kanyang nanay. “Bilis-bilisan mo ng masabay ka sa akin pag-alis.” “Opo, heto na nga po” ilang subo pa lang ay agad ng umalis si Ricco sa harap ng pagkain, agad siyang dumiretso sa banyo para maligo. Matapos makaligo at makapagbihis ay dalidali siyang hinaltak na kanyang nanay paalis. “Ano ba Ricco, tatanghaliin ka na naman” halata na ang inis sa mukha nito. Hindi na ito bago kay Ricco, dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, este sa tuwing may pasok lang pala, ay ganito at ganito lang ang nangyayari sa kanila. “Malaki ka na, mauuna na ako sa iyo. Mag-abang ka na lang ng bus diyan at lalo akong malalate sa iyo.” Pagpapaalam ng nanay ni Ricco.

4

My All

“Sige po” tila isang maamong bata na sagot ni Ricco palibhasa nakauto at nakahingi ng dagdag na baon. “Ang tagal naman ng bus, grabe” naasar na turan nito. -------------------------------------------------Ako nga pala si MySon Ricardo delos Reyes, Ricco for short. Astig ung pangalan ko di ba? Laking probinsiya at taong probinsiya pa din. Matangkad ng kaunti sa aso at payat kung itatabi kay Tess Bomb. Seriously, 5‟4 at medyo chubby, kulay Pilipino pero nagpipilit maging kulay Merkano. Si nanay ay titser sa barrio at si tatay ay dakilang mambubungkal ng lupa. Bunso sa apat na magkakapatid at panganay namang lalaki. Tinatawag ding ampon dahil sa layo ng agwat sa mga kapatid, agwat sa edad at agwat sa itsura. Pangit kasi mga kapatid ko, mali pala, ako lang pala ang pangit sa amin. Nakapagtapos sa elementarya at sekundarya sa magagandang paaralan at ngayon nga ay tinatahak ang landas sa kolehiyo. Masuwerte ako at nakakuha ako ng scholarship sa pinakatanyag na unibersidad sa bansa. Ako ay isang dakilang single – single since birth. Wala pang nagkakamali para sagutin ako, este hindi pa pala ako nagkakamali para manligaw. Hindi ko naman talaga ganuon kafeel ang mga bebot, choosy ako sa mga girls, pero sa mga boys, madali akong maattract. Ayan, may clue na kayo kung ano ako. Kung hindi mo magets, slow ka na lang at isa lang ang masasabi ko slowness kills. Walang ibang nakakaalam nito kung hindi ako at si ako. Sa labing-siyam na taon kong nasa ibabaw ng lupa ay hindi ko malaman kung bakit hanggang ngayon ay walang nanliligaw sa akin. Maarte kasi ako, nakakainggit kaya ang mga kapatid ko kapag nililigawan sila, dapat ako din nililigawan. Frustrated killer ako, ay mali, frustrated singer ako, kaso songer lang talaga ang kaya kong maachieve, songer stands for song murderer. Frustrated dancer din ako at frustrated actor din pala. Basta lahat ng bagay frustrated ako. I am the king of frustrations. Hindi masasabing matalino, pero hindi din naman bobo. Consistent ako na Top On(tapon), seriously, consistent honor student, hindi nalalaglag sa top 5 at laging may special 5

Emmanuel R. Caleon
citation sa graduation. Sa ngayon naman dean‟s lister at sana ay running for cum laude. Peste kasi iyong propesor ko sa History, sinira ng tres niya ang transcript of records ko at ang pangarap kong cum laude. Anong magagawa ko kung ako ang type nung target niyang boylet na hindi naman kagwapuhan at maputi lang. Tama na ang intro ko sa sarili ko, balik na tayo sa kwento. Nagpakilala lang ako, wala lang para humaba itong kwento. -------------------------------------------------“Sa wakas, may dumaan ding bus” sabi ni Ricco sa sarili at saka tumakbo para harangin ang bus “anchoge naman, standing ovation na naman ako” tila pagrereklamo ni Ricco. “Nakakainis, walang cute, grrr, boring na naman ang byahe” tila may tama sa ulong napatawa si Ricco ng maisip ang mga bagay na iyon. Ilang sandali pa ay may sumakay na ulit na mga bagong pasahero. “Aba lintik namang” mahinang usal ni Ricco “aba manong, hindi na tayo sardinas, corned beef na tayo, kahit sauce hindi na kasya” sigaw ni Ricco sa kunduktor. Isang tamang paglalarawan sa tunay na itsura ng bus ng mga oras na iyon. Sa mga sinabing iyon ni Ricco ay may dagling humabol ng pagkokomento “tama manong, maawa naman kayo, wag na kayong magpasakay” tila pakiusap nito. “Pasensiya na mga bossing, kawawa naman ung iba, hindi pa nakakasakay” sagot ng konduktor. Sasagutin sana ni Ricco ang sinabing iyong ng konduktor subalit mas minabuti niyang hanapin ang may ari ng tinig na iyon. Sa tingin kasi niya ay iyon ang pagpapaalis ng inis niya para sa umagang iyon. Hindi nga nagtagal ay may nakita siyang lalaking sa may gawing unahan. Agad na napako ang tingin niya dito. “Ay grabe, nababakla na naman ako, uber cute niya” bulong ng utak ni Ricco. “He is perfect” dagdag pa nito “pag ito nanligaw sa akin hindi pa siya nagtatanong sasagutin ko na agad, ay hindi papakipot muna ako, mga five minutes pagkatapos niyang 6

My All

magtanong sasagutin ko na” muli ay natatawa siya sa mga naiisip na iyon “mahirap na, baka madedo na ako, ayokong mamatay ng hindi pa nagkakaron ng karelasyon. Walang iiyak sa akin” Ilang minuto ding tinititigan ni Ricco ang lalaking iyon. Wala siyang pakialam sa kung mahuli man siya nito o kung sa ano pa man, mas gusto niya ay ang matitigan ito kahit na sa malayo. “Pag ito lumingon sa akin ibig sabihin bakla din ito” saad ng damdamin ni Ricco na punung-puno ng pag-asa “lingon lingon lingon” mahihina niyang usal. Ang mga pag-asang ito ay biglang naglaho nang “Manong para po, bababa na po ako” sabi ng lalaking kanina pa niya tinititigan. Biglang napayuko si Ricco. Malungkot man at nanghihinayang ay pinalakas niya ang loob “Ricco, Ricco, Ricco, sa gwapo mong iyan ay dinedma ka, maraming nagkakagulo sa iyo, hindi mo lang pansin, mababa lang ang taste nun kaya hindi ka pinansin” Ilang sandali pa ay bumaba na ito sa bus at sumakay ng LRT para hindi na siya malate sa mga mas late. Maliksi ang kilos na ginawa niya. Ayaw niyang ang umaga niya ay mabahiran ng sobrang sabon at paligo sa laway ng kanyang propesor na lagi at laging siya ang nakikita at pinag-iinitan. “Ui, anjan na ba si Ma‟am” text niya sa kaklase niya bago pumasok ng room. “Wala si Ma‟am, absent” reply nito. Hindi na nagreply si Ricco at dali-dali na itong pumasok. “Anak ng tokwa naman oh, ang hirap magmadali at ito lang ang ipinasok ko, wala pala” kasunod nito ang isang malalim na buntong-hininga. “Don‟t worry Ricco, isasama ka namin sa lakad namin ngayon para naman may silbi ang pagpasok mo.” pamimilit ni Steven.

7

Emmanuel R. Caleon
“Naku, lagi mo akong dinadala sa kapahamakan Steven, ayoko sa mga biglaang lakad, kinakabahan ako.” sagot ni Ricco. “Wag kang mag-alala hindi na mauulit iyong nangyari sa iyo nung nakaraan.” tila isang maamong batang pangungumbinsi ni Steven kay Ricco. Wala talaga siyang planong sumama, mas gusto niyang umuwi sa bahay at pagpantasyahan ang lalaking nakita niya sa bus. Pero dahil na rin sa convincing power ng kaibigan niya at sa sulsol ng mga kabarkada at kaklase niya ay pumayag na siya. “Sige, sasama na ako, basta siguraduhin ninyong magtitino kayo” pangungundisyon ni Ricco. “Opo boss Riccs” sagot ni Steven.

8

My All

“Basta pare mahabang kwento” at sinundan na ito ng ngiti ni Alex “see you at the meeting” paalam ni Alex sa kaibigan at bestfriend niyang si Ahron.

9

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 2 Si Alexis “Syete, Otso, Kinse naman” inis na wika ni Alex “bakit naman kasi ngayon ka pa ayaw umandar” sabay sipa sa kotse niya. “Kuya, kasi naman magcommute ka na lang” sagot naman ng kapatid niyang si Clarise. “Ako magcocommute? Nagpapatawa ka ba? Ayokong makisiksik sa bus.” pag-angal ni Alex. “Anong balak mo? Sipain ng sipain ang kotse hanggang umandar?” sabay ang nakakaasar na tawa mula dito. “Tumigil ka nga Clarise kung ayaw mong pabawasan ko ang allowance mo at hindi kita bigyan ng panglakwatsa.” may pananakot sa tinig ni Alex. “Hay naku kuya, wag na wag mong gagawin yan” tila isang maamong tupang pakiusap ni Clarise. “Kung ayaw mo, kunin mo ung susi ng isang kotse ni daddy. Iyon muna ang gagamitin ko.” utos niya dito. “Sorry ka kuya, dinala ni daddy lahat ng susi niya. Di ba pinagbawalan kang gamitin ung kotse niya? Kasi naman binangga mo.” wika ni Clarise. “Hala, pano na yan?” bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Alex. “Hindi pwedeng hindi ako pumasok. May meeting ako this morning at may auditon ang company mamayang hapon.”

10

My All

“Kasi kuya magcommute ka na” pamimilit ng kapatid niya. “May magagawa pa ba ako?” sagot ni Alex. -------------------------------------------------Alex o Alexis, iyon ang madalas itawag sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak ko. Alexander Pablo Marcelino III ang tunay kong pangalan, mabaho man ang tunog wala na akong magagawa sa iyon ang ipinangalan sa akin. Panganay sa tatlong magkakapatid, kuya sa isang lalaki at isang babae. Anak ng isang kilalang businessman at isang haciendera. Nakapagtapos ng elementarya sa isang kilala at napakagaling na paaralan at ng sekundarya sa pinakamahigpit na kalaban ng paaralan ko nung elementary. Nakatapos sa kolehiyo sa ibang bansa at ngayon ay isa nang businessman kagaya ng daddy ko. Sa dalawampu‟t-limang taon ko sa mundo ay doble pa dito ang mga naging karelasyon ko, mali triple na pala. Lahat puro panandalian lang. Ewan ko ba kung bakit walang nagtatagal sa akin. Lagi akong napapagalitan sa tuwing malalaman sa bahay na may bago akong syota. Pangaral dito, pangaral duon, ano naman ang magagawa ko kung hindi ko pa nakikita si Ms. Right ko. Hindi pa inililigaw ng kapalaran para makilala ko. Masisisi ba nila ako kung madami ang nagkakandarapa at nagmamakaawang maging girlfriend ko sila. Hindi naman sa pagyayabang, ito naman ay madalas mapag-usapan at halata namang talaga sabi nila, mukha daw akong artistahin, sa height kong 5‟11 at katawan kong alaga sa gym at sa kutis kong nakaw tingin kung kayat kahit sino ay handang lumuhod para lang maging syota ko. Inuulit ko, sabi lang nila ito sa akin. Mahilig ako, mahilig ako sa musika. Musika ang bumubuhay sa akin, musika ang nagpapaliwanag sa tunay kong nararamdaman at musika ang paraan ko para makaraos sa arawaraw na problema. Kaya naman una kong hinahanap na katangian ay ang magaling kumanta. Basta manganganta ka, pasok ka sa friendlist ko.

11

Emmanuel R. Caleon
Madalas akong mapagkamalang suplado, pero iba na daw pag nakilala ninyo ako. Kahit gaano man ako kagaling na businessman ay isang napakalaking problema naman ang tingin sa akin ng mga magulang ko. Kung anu-anong gulo na daw ang pinapasok ko. Sa dinami-dami ng nakapaligid sa akin, hindi ko alam kung sino ba sa kanila ang talagang nakikilala na ako. Sa bawat paratang, tanggap na lang ako ng tanggap, dahil alam kong itakwil man ako ng mundo ay may darating na isang taong makakaya akong intindihin ng higit sa kaya kong alamin ang tungkol sa sarili ko. Tama na ang drama, baka mapaluha pa ako. Balik na tayo sa kwento ko. -------------------------------------------------Pagkalabas ni Alex sa may highway ay maswerteng nakasakay agad siya ng bus. Tulad ng inaasahan niya ay puno ito, hindi lang basta puno, punung-puno. Higit pang naasar si Alex ng lalo pang isiksik ng kunduktor ang mga pasahero ng bus. Maya maya pa ay may sumigaw - “aba manong, hindi na tayo sardinas, corned beef na tayo, kahit sauce hindi na kasya.” Bigla namang nawala ang asar at inis sa katauhan ni Alex kung kayat dagli siyang sumagot. “Tama manong, maawa naman kayo, wag na kayong magpasakay” dugtong ni Alex. Agad hinanap ni Alex kung sino ang nagsalitang iyon ngunit sa sobrang siksikan ay hindi na siya nagtangka pang ituloy. Matagal-tagal din ang biyahe niya, sa pagtingin niya sa salamin ng bus ay may nakita siyang taong panay ang tingin sa kanya. Hindi niya magawang magalit dahil sa kung anong bagay ang nakikita niya sa taong iyon. “Sa akin kaya nakatingin iyon o baka sa iba?” sabi ni Alex sa sarili. Binalewala na lang niya iyon subalit paminsan-minsan pa kung siya ay sumusulyap sa salamin para makita ang taong nakatitig sa kanya. Pamaya-maya ay napansin niyang ngumingiti ito – “aba malakas ata ang tama nito sa ulo, parang may sira na ata” agad na komento ng isip niya. 12

My All

“In fairness, may cute factor yun nga lang parang hindi pa nakikila si Mr. Suklay saka si Mrs. Shampoo at hindi pa ata nakakakita ng pang-ahit, malapit-lapit na tong maging ermitanyo.” sa isiping iyon ay bigla siyang napangiti at lalong nawiling sulyapan ito. Pamaya-maya pa ay “Manong para po, bababa na po ako” para ni Alexis. Bago pa man bumaba ay tiningnan niya ang taong iyon sa pinakahuling pagkakataon subalit nakayuko na ito. Tuloytuloy na siyang bumaba at agad ding sumakay ng MRT para mas mapabilis ang late na niyang pasok. “Oi, pareng Alex, himala late ka ngayon?” birong bati ni Ahron. “Pare, basta, sobrang nakakainis ang araw na ito.” sagot ni Alex. “Bakit masaya ka kung nakakainis ang araw na ito?” tila may pagtataka na tanong ni Ahron – “aha, gusto mong ipaconfine kita sa mental hospital? O kaya pupunta tayo ng psychiatrist? Pare, baka tumagas na ang utak mo?” kasunod ang isang mahinang tawa. “Basta pare mahabang kwento” at sinundan na ito ng ngiti ni Alex “see you at the meeting” paalam ni Alex sa kaibigan at bestfriend niyang si Ahron. “Yes bro, and don‟t you forget Mr. Music Lover, may audition tayo para sa kakanta ng themesong ng kumpanya” paalala ni Ahron. “Don‟t worry dude, I‟m more prepared to that compare to our meeting.” pagkasabi nuon ay mabilis na lumakad si Alex palayo. “Hoy Alex bakla!” sigaw ng isang tinig mula sa malayo, agad namang nakapukaw ng atensyon ang tawag na ito sa mga empleyado at bisita “Alex bakla” tawag ulit nito.

13

Emmanuel R. Caleon
Biglang napahinto si Alex at tila namumula sa inis sa kung sino man ang nagsabi nito sa kanya. “Ang bilis mong maglakad kaya sumigaw na ako.” nakangiting bati ni Jeannie. Si Jeannie ay ang isa pa sa pinakamalapit niyang kaibigan, pangalawa kay Ahron. Nahalata nito ang pamumula at inis ni Alex – “sorry dude, nakalimutan kong public place nga pala ito.” kasunod ang isang napakalambing na ngiti. Matagal ng may gusto si Alex kay Jeannie, pero dahil sa ayaw niyang masira ang pagsasamahan ay pinili na lang niyang huwag itong sabihin. Agad namang nawala ang inis ni Alex dito – “di ba sabi ko huwag mo na akong tatawaging bakla” at saka naglakad palayo. Hinabol ito ni Jeannie - “Sorry na naman, eh sa iyon ang totoo” sabay ang takbo palayo kay Alex, sabay sigaw “huwag ka na kasing papalit-palit ng girlfriend para hindi na kita tuksuhing bakla” sabi nito. Wala namang nagawa si Alex kung hindi hayaan na lang itong tumakbo, tutal naman alam niya kung saan ito pupuntahan para gantihan.

14

My All

“That is the voice we are looking for” komento nito “he is the most perfect and his voice is the most suited for the company’s theme” masayang saad nito “I think we found what we are looking for.”

15

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 3 Ang Simula ng Musika “Aba naman, anong ginagawa natin dito?” tanong ni Ricco. “Di ba sabi mo gusto mong mag-apply ng trabaho?” balik na tanong ni Steven. “Oo” sagot ni Ricco “pero ano naman ang kinalaman ng lugar na ito sa trabahong hinahanap ko?” saad ni Ricco “saka wala akong dalang application form at requirements.” dugtong pa nito. “Basta, wag ka na lang magtanong” giit ni Steven “you have nothing to worry. Everything is okay and fixed. Wala ka ng aalalahanin.” sagot naman ni Steven. “Yes tol, inayos na namin lahat ng kailangan para sa trabaho na papasukan mo.” singit ni Mark. “Naku mga pare, sa oras lang na malaman kong ginagago ninyo ako uupakan ko na kayo talaga.” pagbabanta ni Ricco. “At sigurado akong hindi mo kami mauupakan” may kasiguraduhang saad ni Drew sabay abot ng numero kay Ricco “tol, kinuha na kita ng number, malapit lapit na din yang tawagin.” “Bakit may number?” maagap na tanong ni Ricco. “Wag ka nang magtanong pa ng saksakan ng dami” pagkontra ni Steven “mamili ka, trabaho o wala.” “Siyempre trabaho” agad na sagot ni Ricco. 16

My All

“Iyon naman pala, wag ka ng magtanong” sabay ang isang napakahiwagang ngiti mula kay Steven. Ilang sandali pa at may lumalabas mula sa pinto, karamihan ay galit at ang iba ay umiiyak. Iilan lamang ang nakangiti at tila ba masaya, malaki man ang pagtataka ay mas inisip ni Ricco kung anong gulo na naman ang pinasukan niya. Tila nag-iisip sa kawalan ng – “Hoy Ricco” sabay batok ni Drew “umayos ka nga, para kang pulubing nanlilimos” “Iniisip ko lang kung anong panganib ang kakasangkutan ko kasama kayo” sagot ni Ricco “alam na ninyo, the angel should be wise against the devils” sabay ang tawa “baka naman pagmamacho dancer ang trabaho ko dito” sabay ngiti. “Wag ka ngang ambisyoso” sagot ni Mark “kung sa pagmamacho dancer to, sana nasa malayo ka pa lang pinauwi ka na kaagad” “Sa gwapo kong ito, pauuwiin ako?” sagot ni Ricco. “Gwapo? Saang banda? Hindi ko makita?” singit ni Steven “Ricco gumising ka na, tanghaling tapat nanaginip ka. Kami lang ang gwapo, ikaw hindi.” sabay ang ngiti nito. “Number 28” sigaw ng tila door manager “Number 28 pasok na po kayo.” “Hoy Ricco, 28 daw, ikaw na yun” sabay batok ni Steven kay Ricco. “Huh? Nawiwili na kayo kababatok sa akin ah.” tanging nasabi ni Ricco sabay tingin sa numerong hawak niya. Sobrang kaba ang nararamdaman niya. hindi niya malaman kung bakit ganuon kabilis ang tibok ng kanyang dibdib. Tila may isang buong banda ng musiko ang ngayong naglalaro sa puso niya. hindi niya alam kung anong panganib ba ang inihanda para sa kanya ng mga kaibigang may banto sa ulo. 17

Emmanuel R. Caleon
--------------------------------------------------“Wow naman ang aga mo” bati ni Ahron “kaninang meeting late ka, ngayong audition maaga ka.” “Alam mo na pare, ito ang pinakagusto kong gawin ngayong buwan.” sagot ni Alex. “Sabagay tama ka pare, pambalanse sa sobrang hectic na schedules at office works” sang-ayon ni Ahron. “Tama, panahon na para tumawa at manlait ng bonga” sabi ni Jeannie. Silang tatlo ang hukom na kikilatis sa mga nangangarap na maging tinig ng Trio‟s Advertising Group. Agad din namang sinimulan ang audition kahit mas maaga pa ito ng 30minutos sa orihinal na oras. Nang makatapos ang unang nag-audition ang agad namang nagkomento sila Alex. “Alam mo Miss, maganda ka” simula ni Ahron “pero sana sa beauty contest ka na lang sumali” sabay ang isang ngiti mula dito. “Grabe, ang daming flats and sharps” tila may pagsangayon mula kay Jeannie “tama si Ahron, sa beauty contest ka na lang sumali” saad pa nito at sandaling huminto at dinugtungan “pero I bet, matatalo ka din sa beauty contest, kasi di ba may talent portion din duon, I‟m sure you will be the worst.” “Don‟t be too harsh to her. She‟s beautiful and she sings great” tila may pagkontra kay Alex Sa sinabing iyon ni Alex ay ngumiti ang nag-aaudition at nagpasalamat. “Thank you sir for appreciating my talent.” “Sabagay, iba-iba tayo ng taste” sarkastikong komento ni Ahron.

18

My All

“Wait, there is more” pahabol ni Alex “she sings great and better compare to my dog.” Nagsimulang tumawa sila Alex at ginatungan pa ni Ahron – “Miss naghihintay ako sa ulan, para kasing kulog ang boses mo.” Kita sa mukha ng nag-audition ang inis kaya naman dali-dali itong umalis sa harap at agad nilabas ang pinto. Sa pagpasok ng ikalawa ay agad itong tinanong ni Alex “Anong pangalan mo?” “Paciana Macatongtong po” mahinanag sagot nito. “Ano ka mo?” ulit ni Alex. “Paciana Macatongtong po” mahina pa ding sagot nito. Halata sa mukha nila ang pagpipigil sa pagtawa at pinagsimula na nilang pakantahin ito. “Okay pala” papuri ni Ahron “kala ko kasi kasing baho ng pangalan mo ung gagawin mo” dugtong pa nito. Nginitian na lang sila nito at kita ang pagpipigil na huwag mapikon. Sa bandang huli ay nagustuhan siya ng tatlo, bukod kasi sa maganda na ay, magaling pang kumanta, talagang mabaho lang ang pangalan. Sa bawat may papasok ay siguradong makakatikim ng lait at puna mula sa kanila, tipong sila ay mga Diyos at Diyosa na walang kapintasan sa katawan. Si Alex o Ahron ang magsismula ng panlalait na laging may gatong at pahabol mula kay Jeannie. “Number 28 na” sigaw ni Alex nang lumabas ang isa pang biktima sa trip nila. Biglang tumunog ang cellphone niya at may tumatawag “Bro, kayo muna ang bahala dito. Sagutin ko muna si Mr. Ching.” paalam niya sa mga kasamahan. “Okay bro” nakangiting sagot ni Ahron.

19

Emmanuel R. Caleon
“What will you sing for us?” hindi pa man nakakapwesto sa harap ay pambungad na tanong ni Ahron dito. “Ano? Sing? Kakanta as in?” sigaw ng utak ni Ricco. “Just ask me any song then I‟ll try to sing it.” biglang sagot ni Ricco. “Patay, bakit ko ba nasabi iyon?” sigaw ulit ng isip niya. “Good” sabi naman ni Jeannie “Then sing to us My All by Mariah Carey” tila request ni Jeannie. “Awts, mamimilipit na naman ang dila ko nito” dikdik ng utak ni Ricco. “Good Lord, promise hindi na ako lalandi pa, magpapakalalaki na ako, huwag lang ako mapahiya sa harap ng mga ito” tila pagsusumamo ni Ricco. Gayunpaman ay agad na siyang nagsimulang kumanta. Nasa akto na ng pagsisimula si Ricco ng saktong matapos ang tawag ni Alex mula kay Mr. Ching. Sa may gilid ay kita niya at kilala niya kung sino ang nakasalang para kanilang laitin at litisin. Hindi na nga nagtagal ay agad nang sinimulan ni Ricco ang pagkanta. Tila nagbago ang aura ng buong paligid. Tumahimik ang lahat, ramdam na ramdam nila ang emosyong kusang pumasok sa kanilang mga katauhan. Ramdam nilang ang kanilang puso ay nakakaramdam ng pangungulila sa kung anong bagay. Tila natahimik ang lahat. Higit pa ay napako ang mga paa ni Alex sa pagkakatayo habang pinapakinggan ang tinig ni Ricco na tila ba ay galing sa langit na binaba dito sa lupa para sila ay awitan. Nang matapos ang pagkanta ni Ricco ay bumalot pa din ang isang nakakabinging katahimikan sa loob ng silid. Umurong ang mga makasalanang dila nila Alex, Ahron at Jeannie, tila walang lumalabas sa bokabularyo nila para malait si Ricco. Nabasag na lamang ito ng magsalita si Alex – “That is the voice we are looking for” komento nito “he is the most perfect and his voice is the most suited for the company‟s theme” masayang saad nito “I think we found what we are looking for.” 20

My All

Ngiti na lamang ang sinagot ni Ricco. Ang kaninang kaba ay naging mas mabugso pa ngayong nasa harapan niya ang lalaking kanina lang ay pinapangarap niya. Pakiramdam niya ay unti-unting nalulusaw ang mga tuhod niya dahil sa bibig nito mismo galing ang mga papuri. “Totoo ba itong nangyayari? Huwaw sabaw, I can‟t believe this, ang gwapong itong walang taste ang pumupuri sa akin?” bulong ng isip ni Ricco “mahal ko na ata siya” dagdag pa nito. “Hindi pwede, may kasunduan ako sa taas, magpapakalalaki na ako” pamimilit niya sa sarili “pero mabait naman kayo diba Lord, sige na minsan lang naman eh, promise bukas hindi na talaga.” mga sulsol ng utak ni Ricco. Sa kabilang banda ay hindi alam ni Alex kung bakit bigla na lang siyang nagbago at iba ang ikinilos. Karaniwan kasi, kahit gaano kagaling ang isang singer ay lagi siyang may puna dito. Sa pagkakataong ito ay tila ba ang nais niyang mangyari ay mahawakan at makuha ang tiwala ng lalaking pinupuri niya. Hindi din niya maipaliwanag kung bakit dahil sa titig na ibinigay nito sa kanya ay biglang nanginig ang kanyang mga tuhod. Isa lang ang sigurado niya, gusto niyang makilala ang taong ito. “Well, very well said Mr. Marcelino” sang-ayon ni Ahron “we will call you later.” Nanginginig at pagatol gatol namang sinagot ito ni Ricco “saaalllaamaatt po” tila nakain niya ang kanyang dila at ito ay biglang naglaho. Pagkasabi ay nais na niyang lumabas sa silid na iyon. Nais niyang lumabas kahit sinasabi ng puso niyang wag muna at nais pang masilayan ng mga mata niya ang mukha ng binatang nagbigay sa kanya ng ganuong pakiramdam. Nang makalabas na siya ay tila wala sa sariling lumakad papunta sa mga kaibigan. “How ironic, I want to see him more but I refuse to. Gulo, talaga bang ganito pag kaharap mo na ang taong pinapangarap mo?” tanong ni Ricco sa sarili. Naputol na lamang ang kanyang pag-iisip ng maramdaman niyang may bumatok sa kanyang ulo.

21

Emmanuel R. Caleon
“Earth calling Ricco” bati ni Steven “kamusta ba?” tanong agad nito. “Ah, wala, aus naman” nais man niyang magalit sa kaibigan ay hindi niya magawa, kung hindi dahil sa mga ito ay hindi niya makikitang muli ang lalaking nakasabay sa bus at sa tingin niya ay iniibig na niya. Madami mang tanong ay nagawa niyang masagot ang mga ito, natapos nga ang araw na wala silang bukambibig kung hindi ang magandang kapalaran nila ng araw na iyon. Samantalang sa loob ng audition room na iniwan ni Ricco – “Wag ka munang umalis, madami pa akong gustong itanong sa‟yo” tila pagpipigil ni Alex sa paglabas ni Ricco. Ito ang nasa utak ni Alex bago tuluyang makalabas si Ricco. Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Alex sa isang iglap na pagkikita nila ni Ricco. “Alex bakla” sigaw ni Jeannie. Biglang bumalik sa katinuan si Alex sa bating iyon ni Jeannie, imbes na maasar ay hindi na lang niya ito pinansin, mas nanaig sa kanya ang isiping makita muli ang lalaking nasa harap niya kanina. “Grabe pare, isang ermitanyo lang pala ang makakaputol sa dila natin” wika ni Ahron. “Wag ka namang ganyan” kontra ni Jeannie “malapit lapit pa lang namang maging ermitanyo” sabay ang tawa “saka walang ermitanyong mataba – kay taba kaya nun” “Wag naman kayong ganyan, cute naman siya di ba?” pagkontra ni Alex. “Sabi ko na nga ba, bakla ka talaga” wika ni Jeannie “Ahron ingat ka jan sa best friend mo baka pinagpapantasyahan ka na at rape-in ka pa” sabay ang tawa. Hindi na napatulan pa ni Alex ang birong iyon ni Jeannie dahil pumasok na sa loob ang kasunod na mag-auudition. Tulad ng 22

My All

gawi nila sa una ay todo lait pa din ang ginawa nila. Hanggang sa pinakahuli ay tila hindi sila nauubusan ng pintas – pero ganun lang talaga sila, ang pikon talo, pero mababait at matitino naman talaga, malakas lang ang trip sa buhay.

23

Emmanuel R. Caleon

Agad naman itong sinuklian ng mga ngiti ni Alex at sumagot – “wag kang mag-alala bossing, ang alagaan at mahalin ang taong ito ang misyon ko sa buhay.”

24

My All

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 4 Para sa Katuparan “Ricco” tawag ng isang mahiwagang tinig kay Ricco “Ricco, halika dito lumapit ka” at naigaya si Ricco sa ganda ng tinig na ito, tila pamilyar ngunit hindi niya mawari kung saan o kung kanino niya ito narinig at unti-unting lumapit si Ricco. Malapit na siya sa kinaroroonan ng tinig, nagniningning at nakakasilaw ang liwanag na biglang – “Kablog” at namalayan na lang niyang nakasubasob na siya sa sahig at nakikipaghalikan na sa kanyang apat na taon nang tsinelas. “Eew” dagling bangon ni Ricco “kadirdir naman (in straight male accent)” dugtong pa nito. “Anak ng tilapiang bilasa naman oh, kay ganda na ng panaginip ko, andun na eh, lumelevel up na naputol pa.” angil nito. Dagli namang pumasok ang nanay niya at ang maagang pambungad sa kanya – “napapala mo, tulog mantika ka kasi, kanina pa kita ginigising ayaw mong bumangon” at naglitanya na nga ang nanay niya hanggang sa makalabas siya ng kwarto at makatapos kumain. Isipin na lang ninyo kung gaano kabungangera, este katalino pala ang nanay ni Ricco para makapagsermon ng ganuong katagal, lagpas langit na siguro ito ngayon. “Nanay naman, ngayon na nga lang ako ulit matutulog ng mahigit limang oras eh ganyan pa kayo.” tila paglalambing nito sa ina. “Kasi naman tatamad tamad ka, hindi mo gayahin mga kapatid mo, laging maagap at masikap. Ikaw laging rush, kaya 25

Emmanuel R. Caleon
haggard kung haggard.” tila pagkukumpara sa kanya sa mga kapatid “tingnan mo nga yang bikas mo, daig ka pa nung pulubing nakasalubong ko kahapon. Iyon nakagown sa kalye at may pamaypay pa, ikaw naman parang hindi uso ang salamin sa iyo.” “Nanay naman, atleast gwapo ako” sabi ni Ricco. “Gwapo ka diyan, manalamin ka nga” wika ng nanay niya “bilisan mong maligo ng hindi ka malate sa klase mo.” sabay abot sa kanya ng tuwalya. Pagkapasok sa banyo ay agad siyang tumingin sa salamin – “oo nga, tatlong level na ang eyebags ko, what the? Dami ko na namang acne, blackheads at nadagdagan na naman ang pimples ko. Perfect picture na ako ng universe sa dami ng stars sa mukha ko.” mahina niyang usal. Pagkatapos ay agad niyang binuksan ang shower, lumayo dito at umupo sa may toilet bowl at – “Zzzz zzz zzzz” malakas na hilik ni Ricco. Matagal tagal din siyang nakaidlip – “Ricco” tawag ulit sa kanya ng mahiwagang tinig “Ricco, lumapit ka” nagsisimula na siyang lumapit sa may-ari ng tinig at muli pa “Riccccooooooo” biglang napabalikwas si Ricco at agad na napatayo, gulantang siya sa huling tawag na iyon. “Hoy Ricco, bilisan mo diyan” bulyaw ng nanay ni Ricco. “Kainis naman si nanay, andun na eh, bigla na namang bumukas ang mala-sirena ng bumbero niyang bibig” inis na wika ni Ricco. Wala siyang nagawa kung hindi ang madaliin ang paliligo at pagbibihis dahil kailangan niyang magpagood-shot sa nanay niya, sayang din ang dagdag baon na hihingin niya. Pagkababa nila sa sakayan ng bus ay tulad ng nakagawian, iniwan siyang mag-isa ng nanay niya at katulad ng madalas mangyari, may dagdag na naman ulit ang baon niya dagdag sermon, dagdag laway at higit sa lahat dagdag pera. Sandali lang siyang naghintay ng bus at mabilis din siyang nakaupo.

26

My All

“Swerte” mahina niyang wika “konti lang ang tao” matapos siyang bigyan ng konduktor ng tiket ay kanya namang nilingon ang bintana. “Hay, makakasakay ko kaya siya?” tanong ni Ricco sa sarili “ano ka ba naman Ricco, wag ka na umasa. Hindi na kayo magkakasabay, sa liit ng tyansa pinipilit mo pa at umaasa ka pa.” dagling pagtutol din naman nito “hay, mas mainam na iyong umaasa kahit maliit ang tyansa kaysa naman hindi, walang thrill ang buhay” tutol ng kabilang panig “hindi, masakit kung mabibigo ka lang at hindi matupad iyong gusto mong mangyari” kontra ulit ng kabila. Parang ewan lang si Ricco lalo na sa mga reaksyon ng mukha nito. Tila may nagrerebolusyon sa utak niya na hindi niya alam kung sino ang pakikinggan. Isang lingo na din mula ng makita niya ang lalaking hindi niya alam ang pangalan. Isang lingo na din ng makasabay niya ito sa bus subalit hindi na ito naulit pa. Isinandal niya ang likod sa upuan at ang ulo sa headboard. Hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya at nananaginip. -------------------------------------------------“Pesteng kotse ito, kung kelan ko gagamitin saka ayaw umandar.” wika ni Alex sabay sipa sa gulong ng kanyang kotse. “Magbus ka na lang ulit” tila inis na wika ni Lloyd. “Ginamit mo to no, ikaw ang sumira nito di ba?” bulyaw niya kay Lloyd. “Hindi kaya” sagot ni Lloyd. “Bagong gawa ito at hindi ko pa nagagamit, ikaw pa lang naman ang humiram nito ah.” angil ni Alex sa kapatid. “Ano ba yan, kay aga” bati ni Senyor Pablo sa mga anak niyang lalaki.

27

Emmanuel R. Caleon
“Kasi pa si kuya pinagbibintangan akong sumira sa kotse niya” sumbong ni Lloyd sa ama. “Siya pa lang naman ang gumagamit nito Pa buhat ng maipagawa tapos ngayon sira na” reklamo ni Alex sa ama. “Baka naman kusang nasira yan” sagot ng Senyor. “Ano to, may autodestruct ion o kaya expiration ang pagkakagawa?” sarkastikong sagot ni Alex sa ama. “Aba Alexander Pablo Marcelino III” yamot na turan ng ama ni Alex “pinapakita mo naman iyang kagaspangan ng ugali mo. Lumalabas na naman iyang mga sungay mo at umiiral na naman ang pagiging barumbado mo.” sabay balibag kay Alex ng susi ng sarili niyang kotse – “ayan nang tumahimik ka na, gamitin mo muna ang kotse ko” sabay talikod ni Senyor Pablo. Imbes na pulutin ay agad niyang kinuha ang gamit na nakakarga na sa kanyang sariling kotse at lumabas ng gate. Sumakay ng tricycle at nagpababa sa sakayan ng bus. “Peste naman, kinampihan na naman ang sutil niyang bunso.” asar na wika ni Alex. Hindi pa nagtagal ay agad na siyang nakasakay ng bus. Hindi tulad ng nasasakyan niya ng mga nakaraang araw na puno, maluwag ang bus na nalulanan niya. Agad niyang nilapitan ang isang pamilyar na anyo sa may gawing likuran. Nang masilayan na niya ito sa malapitan, nasisigurado niyang ito nga ang taong hinahanap niya sa mga nakaraang araw. Ang dahilan kung bakit kahit buo na ang kotse niya ay pinili pa din niyang sumakay sa bus. Ang taong isang linggo na niyang pinipilit makasabay. Ngayong sumuko na siyang makakasabay itong muli ay saka naman niya ito makakasakay, tila isang paglalaro ng tadhana. Sa pakiramdam niya ay nais niyang pasalamatan ang kapatid na si Lloyd sa ginawang pagsira sa kotse nito. Ngayon nga ay himbing na himbing ito sa pagtulog. Umupo siya sa tabi nito, kumislot ng kaunti kung kayat lalo siyang naging marahan sa ginawang pagkilos. Nakalimutan niya ang lahat ng yamot at inis sa mga naganap kanina, ang tanging alam na lang niya ay ang kasiyahang makita ito. 28

My All

Bumilis ang naging pagtibok ng kanyang puso, sa sobrang bilis ay hindi niya alam kung maabutan pa niya ito. Hindi niya alam ang gagawin. Lalo siyang kinabahan ng bumiling ang ulo nito sa may gawi niya. Kita niya ang maamong mukha nitong hindi naaalagaan. “Sayang ka talaga, kung hindi ka lang pabaya gwapo ko sana.” saad ng isip ni Alex. Nilapitan siya ng konduktor at tinikitan, kinuha na din ang pamasahe niya. “Boss, pasahe po” sabay ang mahinang yugyog kay Ricco. “Bossing, magkano ba ung sa kanya? Wag na ninyong gisingin.” tanong ni Alex sa konduktor. “Gigisingin ko na lang po, pati kayo maaabala pa niyan” sabay nguso kay Ricco. “Ako na magbabayad bossing, boyfriend ko naman ito kasi.” biglang sambit ni Alex sa mamang konduktor. – “Ay syete, bakit iyon ang sinabi ko, nakakahiya kay manong, babawiin ko na lang iyong sinabi ko.” wika ng utak niya. “Bossing kayo ah, joker pala kayo.” sambit ng konduktor. “Hindi iyon biro boss, totoo iyon.” sabay hawak sa isang kamay ni Ricco at ipinatong sa hita niya. “Alex ano ba yang ginagawa mo, baka maniwala sa iyo si manong nakakahiya” sigaw ng isip ni Alex, ngunit tila gustong gusto ng puso niya ang ginagawang iyon. Hindi pa man ay agad na nahilig na din ang katawan ni Ricco sa gawi ni Alex kung kayat lalong naging convincing ang palusot ni Alex sa konduktor. Sa nangyaring iyon ay nadoble pa ang kaba sa dibdib ni Alex. Sa pagkakataong ito ay alam ng puso niyang ito ang gusto nitong mangyari, subalit sa isip niya ay tumututol na hindi ito ang dapat at tama.

29

Emmanuel R. Caleon
Walang nagawa pa ang konduktor kung kayat kinuha na niya ang pamasahe ni Ricco kay Alex. Kahit puno man nang pagtataka ay sinabi nito kay Alex – “bossing, ingatan mo iyan.” at isang ngiti ang binigay nito sa dalawa. Agad naman itong sinuklian ng mga ngiti ni Alex at sumagot – “wag kang mag-alala bossing, ang alagaan at mahalin ang taong ito ang misyon ko sa buhay.” Pinabayaan ni Alex ang ganuong posisyon nilang dalawa. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya maintindihan ang sarili, ang tanging katwiran na lamang niya ay normal na gawin iyon para sa isang kaibigan. Nang malapit na siyang bumaba ay unti-unti niyang inayos sa pagkakaupo si Ricco. May isinuksok ito sa bulsa ng polo ni Ricco, isang maliit na papel. Bago tuluyang bumaba ay binilin niya ito sa konduktor – “manong pakigising na lang pagbababa na yang mokong na iyan ah.” sabay ang ngiti. “Wag kayong mag-alala boss, sa terminal naman ang baba niyan eh.” sagot ng konduktor. Pamaya-maya pa ay nagising na si Ricco, ayos naman at malapit na din siya sa bababaan kung kayat hindi na siya natulog pa. Pinili na lang niyang alalahanin at isipin ang isang magandang panaginip. – “Hay sana totoo ang lahat. Sana nga nakatabi ko siya sa upuan, hawak niya ang kamay ko at nakasandal ako sa mga balikat niya.” wika ng gunita ni Ricco. “ayiee nikikilig ako” kasunod ang isang ubod linamnam na ngiti. Ninanamnam niya ito ng maalalang hindi pa siya nakakabayad ng pamasahe. Kung kayat bago bumaba ay iniabot niya sa konduktor ang bayad. “Bossing, bayad na po kayo ng boyfriend nyo.” wika nito. “Boyfriend?” tanong ni Ricco. “Opo, ung katabi po ninyo kanina.” sagot ng konduktor. “Ah sige salamat manong” pasasalamat ni Ricco sabay lumakad ito palayo. Tila alam na niya kung sino ang sinasabing ito ng konduktor. 30

My All

“Nakikilig ako” susog ng utak ni Ricco. “ibig sabihin totoo iyong kanina, hindi panaginip” dagdag na bulong pa nito. Agad niyang kinapa ang bulsa ng polo dahil ayon sa panaginip niya ay may sinuksok ito sa bulsa niya. Pagtingin niya ay may nakita siyang panyo at maliit na papel – “09157575852 – text me if possible, wala ka kasing nakalagay na contact number sa application form. Here is a hankie, use it para naman mamaya sa pagwash-up mo. Saka ung laway mo kasi tumutulo kanina.” pagkabasa nito ay agad niyang pinunasan ang kanyang bibig at itinuloy ang pagbasa sa sulat. “Uy, pinunasan niya lips niya. Joke lang yun. . By the way it‟s me Alex.” Agad na niyang tinupi ang sulat. “Hala, nakakahiya naman sa kanya kung talagang nangyari iyon” biglang namula si Ricco sa isiping iyon “nikikilig talaga ako, boyfriend daw ako, ayiee” panunudyo pa nito sa sarili “kainis, hindi pa nilubos, sana kiniss na din niya ako” at napatawa na lang siya ng malakas. Biglang lingon sa kanya ang mga tao, dahil dito ay lalo siyang nahiya sa sarili. Binilisan niya ang lakad at pilit umiiwas sa mga nakarinig sa kanya. “Ano ba Ricco, lumalandi ka na naman ng bongang bonga. Lakas talaga ng banto mo, magbagong buhay ka na” pangaral niya sa sarili. Gayunpaman ay masaya si Ricco ng araw na iyon. -----------------------------------------------“Oh pare, ano yang mantsa sa damit?” tanong ni Ahron kay Alex. “Wala ito pare” bigla na lang napangiti si Alex ng maisip kung saan posibleng galing ang mantsa na iyon – “Siguro tumulo yung laway niya” pero imbes na mandiri ay tila may kumiliti sa kanya para makaramdam ng kakaibang saya. “Busy scheds na naman tayo this week” saad pa ni Ahron “by the way here is the list nung pababalikin natin for round 2 ng audition” sabay bigay kay Alex ng mga papel. 31

Emmanuel R. Caleon
“Sige pare, I‟ll check this later” sabi niya “included ba si My All Ricco?” tanong ni Alex. “Wow pare parang endearment lang ah, My All Ricco” tudyo ni Ahron. “My All ung song, Ricco ung pangalan niya sa application kaya My All Ricco.” depensa ni Alex sa kung anong maaring iniisip ni Ahron, pero ang totoo, kung iyon man ang nasa isip nito ay natutuwa siya. “Defensive ka tol, wala naman akong sinasabing iba ah.” bwelo ni Ahron “napaghahalata ka tuloy” sabay ang nakakainsultong ngiti kay Ahron. “Oo na, sige na, ano kasama ba” tanong na pilit ni Alex. “Of course yes, vocally wise, he earned the most.” sabi ni Ahron. “Very good then” sagot ni Alex “to mind you, he is my favorite.” dugtong pa nito. “Same here, just a little make-over” sang-ayon naman ni Ahron Naghiwalay na ang dalawa matapos ang kaunting paguusap. Pakiramdam ni Alex ay napakaligaya niya sa mga oras na iyon, wala siyang pakialam sa kung gaano kalaki at kadaming gagawin niya sa kumpanya, kung gaano karami ang mga dokumentong dapat basahin at pag-aralan. Tila inspirado siyang magtrabaho sa araw na iyon, kaya naman pagkapasok niya sa opisina ay masaya niyang pinadala lahat sa sekretarya niya ang mga dapat gawin. Hindi pa man siya nakakapagsimula ay tumunog ang cellphone niya – “Good Morning, this is Ricco. Salamat Sir sa pagbabayad sa pamasahe ko kanina.” Sa kabilang banda naman ay nagdadalawang isip si Ricco kung itetext ba niya ang number na iniwan ni Alex sa kanya ngunit 32

My All

sa bandang huli ay nanaig ang kagustuhan niyang makapagpasalamat dito. Nakailang ulit din siyang magtype sa cellphone niya subalit lagi at lagi niyang binubura. Tila kay hirap mag-isip sa kung ano ang ilalagay o sasabihin. Hindi niya alam sa kung paano sasabihin ang salamat. Nais niyang sa pagbasa ni Alex sa text niya ay magkakaroon ito ng magandang pagtingin sa kung sino ba siya. Tila ba gusto niyang magpa-impress kay Alex kahit sa pamamagitan lamang ng text. Sa kahuli-hulihan, kung ano ang una niyang tinaype ay iyon din ang lalamanin ng text niya para dito. Hindi pa man nagtatagal matapos niyang maisend ang text na iyon ay nagring ang cellphone niya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at sa gulat niya ay hindi niya alam kung sasagutin ba ito o hindi. “Hello” paunang bati sa kabilang linya. “Good Moornningg po Siirr Allexx” garalgal niyang sagot. “Salamat sa text mo” sagot nito. “Wala pong anuman, basta po salamat sa pamasahe” pinalakas ni Ricco ang loob niya bago sumagot. “Wag ka ng magpo, tumatanda naman ako masyado dun” tila giit ni Alex. “Ganun po ba, sige po.” sagot ni Ricco. “Kasasabi ko lang na huwag ka ng mag-po sa akin” panggigiit ni Alex. “Hindi ko kasi maiwasan.” sagot ni Ricco. “Basta babawi po ako sa iyo sa susunod na magkasabay tayo sa bus” pahabol ni Ricco. “Siguraduhin mong gising ka para makabawi ka” maagap na sagot ni Alex. Tila nahiya si Ricco sa sinabing iyon ni Alex kung kayat tanging tawa na lang ang tugon nito. May katahimikang bumalot sa dalawang linya nang magsalita si Ricco – “Sige po mamaya na lang po ulit, andito na prof ko kasi, salamat po talaga ulit.”

33

Emmanuel R. Caleon
“Ang kulit mo talaga wag ka na sinabing gumamit ng po. Ganun ba? Sige pagbutihin mo ang aral.” sagot ni Alex na halatang nalungkot ang tinig. “Sige po ingat ka po” sagot ni Ricco. “Ikaw din mag-iingat” sagot ni Alex. Natahimik sa pagitan ng dalawa at ilang sandali pa salita si Alex – “bakit hindi mo pa binababa ang linya?” tanong nito kay Ricco. “Ikaw na magbaba.” giit ni Ricco. “Wag mong ibababa please” pagtutol ng puso ni Ricco “Ikaw na lang, hindi kasi ako sanay na ako ang nagbababang una.” sagot ni Alex. Pero – “Wag mong ibababa Ricco, gusto pa kitang kausapin ng matagal” – pagtanggi ng isip ni Alex. “Ikaw na lang, kasi ikaw ang tumawag” giit ni Ricco. “Ganun ba iyon? Ikaw na dapat kasi ikaw ang tinawagan ko” pamimilit ni Alex. “Hindi ayoko nga, ikaw na lang” pangungulit ni Ricco. “Wala ka naman atang prof, niloloko mo ata ako” tila may tampo at paglalambing sa tinig ni Alex. Naalarma si Ricco sa sinabing iyon ni Alex, ayaw niyang mabistong nagsinungaling lang siya kanina, ayaw naman niyang bawiin ang mga sinabing ito kung kayat pinanindigan na lamang niya ang unang sinabi at agad na nagpaalam. “Sige na, baba ko na talaga” sinabi ni Ricco “Ingat ka diyan” at pinindot na niya ang end call. Labis naman ang pagsisisi ni Ricco sa ginawang aksyon, subalit mainam na ding nagkausap silang dalawa. Kung kayat maghapong ganado si Ricco sa pag-aaral. Bakas ang kakaibang aura mula dito. Naging aktibo sa klase at pakitang gilas sa mga gawain. Nagbigay ng mas malaking limos sa mga pulubi at nabakas ang kakaibang ligaya at sigla mula dito. Ang kasiyahang hanggang sa pag-uwi ay nadala niya. Sa opisina naman ni Alex ay bakas din ang pagbabago sa aura nito. Binabati niya ang lahat ng empleyado na hindi naman niya ginagawa. Sinagot ang tanghalian ng lahat ng kasama niya sa team at nagbigay pa ng libreng load sa mga tauhan niyang nasa 34

My All

opisina niya. Ang kakaibang siglang ito ni Alex ay napansin ng mga katrabaho at kaibigan, ang dating maiinitin ang ulo nilang amo ay heto‟t sobrang mapagbigay sa mabait. Hanggang sa bahay ay napansin ang pagbabago kay Alex na kinatuwa naman ng mga kasamahan niya. Hindi na rin niya inaway pa ang kapatid dahil sa pagkakasira ng kotse, ang alam niya magpatawad dahil sa masaya siya.

35

Emmanuel R. Caleon

“Awtz naman, hindi man lang ako pipigilin” sabi ni Ricco “Sige na uwi na ako” sabi ulit nito – “kung hindi ka lang talaga cute Steven magagalit ako sa’yo at baka matagal na kitang iniwanan?” sabi ng isip ni Ricco at kasunod ang isang ngiting napakatamis.

36

My All

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 5 Awit ng Pag-asa Naging regular na magkatext at magkausap sa cellphone sina Ricco at Alex. Isang linggo na din ata o mahigit pa silang nasa ganuong sitwasyon. At siyempre, sa tuwing magtetext o tatawag si Alex ay kinikilig si Ricco. Isang kilig na may halong kaba ang nararamdaman ni Ricco sa mga panahong iyon. Kahit sa sandaling panahon ay masasabing naging magkaibigan silang dalawa kahit na nga ba sa text lang sila nagkakausap. “Pare, I scheduled the second level of audition on Wednesday” sabi ni Ahron “I‟ll inform our finalists by their contacts if you approve the date” pahabol pa nito. Nakaramdam ng kasiyahan si Alex sa sinabing iyon ni Ahron. Hindi sa kung ano pa mang dahilan kung hindi dahil makikita niya ulit si Ricco at maririnig na kumanta. “Well, why not scheduled it tomorrow” sagot niya. “Tomorrow?” nagtatakang tanong ni Ahron. “It‟s a joke” sabi ni Alex “start contacting them for Wednesday‟s.” dugtong pa nito. “Okay, I‟ll do it.” sagot ni Ahron. Hindi na makapaghintay pa si Alex kung kayat siya na mismo ang tatawag kay Ricco. “Masamain kaya ni Ahron pag ako na ang tumawag kay Ricco?” sa isip isip ni Alex, “hindi naman siguro, besides wala namang contact number si Ricco sa application form” napangiti siya sa isipin na ito at dali-daling tinawagan si Ricco.

37

Emmanuel R. Caleon
Nakailang tawag si Alex subalit walang sumasagot sa kabilang linya. Ilang ulit din niyang sinibukan hanggang sa – “the number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.” At may kadugtong pa na “the subscriber cannot be reached” “Talaga naman” laki ng panghihinayang ni Alex na hindi makausap si Ricco. Kasabay din nuon ang isang kalungkutang bumakas sa kanya. Pakiramdam niya ay isang malaking kawalan ang nangyaring iyon. Sa kabila ng kalungkutan ay may sumagi sa isip niyang – “baka kaya nagalit sa akin iyon at pinatay ang cellphone” sa ganuong isipin ay lalo siyang nakaramdam ng kakaibang lungkot. Tila ba hindi siya makahinga sa mga oras na iyon, mabigat sa loob, hindi niya alam ang gagawin kung sakali mang tama ang kanyang iniisip. Pakiramdam niya ay nagalit sa kanya ang isang pinakamamahal. “Naku, huwag naman sanang ganuon ang mangyari.” tangi niyang nasabi. At ang buong araw ni Alex ay tila ba napakalungkot. Paminsan minsan pa ay sinusubukan niyang tawagan ang numero ni Ricco, subalit ganuon pa din at walang sumasagot. Tinetext din niya ito ng “sorry”, “pasensiya na” at kung ano ano pang paghingi ng tawad. Malapit nang matapos ang araw at wala pa ding Ricco na nagtetext sa kanya at hindi pa din niya matawagan ito. ---------------------------------------------“Mr. delos Reyes, what can you say about the existing system of government?” tanong ng prof kay Ricco. “Huh?” tila nagulantang si Ricco sa tanong na ito. Hindi siya handa para sumagot at lalong wala siya sa kundisyon para sumagot. “Anak ng kambing naman” sa loob loob niya “sarap sarap ng tulog ko at pangangarap dito biglang guguluhin” tila sulsol ng isip niya. Sa kamalas-malasan ay nagvibrate ang cellphone niya at alam niyang tawag iyon dahil tuloy-tuloy. Pakiramdam niya ay alam niya kung sino ang tumatawag, subalit dahil sa kailangan niyang pagpasikat ay mamaya na lang niya sasagutin. “Maiintindihan naman siguro ako nun pag nagpaliwanag ako.” saad pang pahabol ng isip niya. 38

My All

“I can say” panimula niyang sagot sa tanong na ito “politics is a neutral institution it means that its effects are simply the manifestation of interest of who runs it. With the present political system in our country, it is indeed bastardized in the light of the first world and we continually serve them in a deceiving manner.” ito ang sagot para higit pa siyang gisahin ng kanyang propesor at lalong tumagal bago masagot ang tawag sa kanya sa cellphone. “Hay, palibhasa kasi tumandang hukluban, kaya ayon at ako ang pinag-iinitan” mahinang usal ni Ricco. “Tumahimik ka nga diyan at baka marinig ka” paalala at saway na din ni Steven “intindihin mo na lang at talagang ganyan ang tumandang tigang” pahabol pa nito. “Kung makalait ka kala mo hindi ka tigang” pagkontra ni Ricco. “Hindi naman talaga ako tigang, andiyan ka naman pag kinailangan ko” sabay ang mahinang tawa. “Anak ng pating, sabi na nga ba pinapantasya mo kagwapuhan ko eh.” ganting biro ni Ricco. “Hindi ka nga gwapo, makulit ka naman, maganda ka nga” sagot ni Steven at tuloy pa din ang tawa nila. “Tumigil ka na nga at baka mapansin tayo ni Ms. Butanding” pagpigil ni Ricco. “Why are you laughing?” hindi nila napansin na nakalapit na pala sa kanila si Ms. Butanding na kanina pa nila pinaguusapan. Biglang natahimik ang dalawa hindi na sila nakaimik pa. Hindi naman nagtagal ang propesor at ito ay nagdismiss na ng klase.

39

Emmanuel R. Caleon
Agad namang kinuha ni Ricco ang cellphone nang maalalang may tumatawag sa kanya kanina. “Anak ng tipaklong, batt empty pala ako.” reklamo ni Ricco. “Tol, kalmado lang” sabi ni Steven “kasi ikaw hindi mo chinacharge sa bahay, napapala mo” dugtong pa nito. “Pasensya naman, tao lang nakakalimot lang” sagot ni Ricco. “Tao ka ba?” tanong ni Steven “di ba baboy ka?” pahabol pa nito. “Lakas mong mang-asar, bakit perpekto ka?” sagot naman ni Ricco. “Hindi” sagot ni Steven “pero kung magkatabi tayo mukha kang yaya ko” saad pa nito “kaya nga gusto kitang kasama kasi feeling ko mayaman ako at napakagwapo” pang-iinis pa nito. “Pag ako pumayat” pagbabanta nito “bullet day, I will giant you” kasunod ang isang malutong na tawa. “Ano daw?” tanong ni Steven. “Makisakay ka na lang, joke kaya yun” sagot ni Ricco. “Joke ba yun? In fairness corny” pambasag ni Steven. “Slow ka lang talaga kaya hindi mo na-getching” may himig ng pagkapahiya kay Ricco. “Sa corny naman talaga” giit ni Steven “eh ano ba iyon?” tanong pa nito. “Bullet day I will giant you, means balang araw maghihiganti ako” paliwanag nito. 40

My All

“Ahh, iyon pala iyon” sabi ni Steven “korni pa din” pahabol ulit nito. “Wala ka lang talagang sense of humor katulad ko” sabi pa ni Ricco. “Kung ang sense of humor na sinasabi mo eh kakornihan, wala talaga ako nun” sagot ni Steven sabay batok sa ulo ni Ricco. “Makauwi na nga.” sabi ni Ricco. “Eh di umuwi ka, walang pumipigil sa‟yo” sagot naman ni Steven. “Awtz naman, hindi man lang ako pipigilin” sabi ni Ricco “Sige na uwi na ako” sabi ulit nito – “kung hindi ka lang talaga cute Steven magagalit ako sa‟yo at baka matagal na kitang iniwanan?” sabi ng isip ni Ricco at kasunod ang isang ngiting napakatamis. “Hoy, magtext ka kapag nasa bahay ka na” bilin ni Steven kay Ricco. “Opo sige po gagawin ko” sagot niya dito. Kita na kinilig si Ricco sa sinabing iyon ni Steven. Kahit na nga ba araw araw na niyang ginagawa iyon at araw araw na bilin ni Steven ang ganuong bagay ay nakakaramdam pa rin ng kilig si Ricco. Isang pakiramdam na kakaiba para sa kanya. Habang nasa byahe pauwi ay patuloy pa ding iniisip ni Ricco si Steven at maging si Alex. Nais niyang makauwi ng maaga para masigurado kung si Alex ba talaga iyong tumatawag kanina. “Hay ang gulo naman, sino ba kila Steven at Alex ang pipiliin ko” sabi ng diwa ni Ricco. “Wala kang pipiliin kasi hindi naman sila nagpapapili, masyado ka lang feeling” kontra naman ng isa pang tinig. “Oo nga pala” sabi ulit ng diwa ni Ricco “paano ako pipili kung hindi naman sila nagpapapili” at isang malalim na buntong 41

Emmanuel R. Caleon
hininga ang pinakawalan niya. “Let us review them” sabi ulit ng isip ni Ricco. “Si Steven, bestfriend ko since first year college. Hindi na kami naghiwalay, ang lakad niya lakad ko na din.” bulong ng puso ni Ricco “mabait sa akin, matino, matalino, nagpapakopya este nangongopya lang nga pala iyon sa akin” at napangiwi si Ricco “pero iyon lang naman ang ginawa niyang medyo hindi maganda, lahat naman siguro ng estudyante nagawa na iyon” tila pagtatanggol niya dito “maliban lang sa akin” pagbubuhat ulit niya ng bangko. “Si Alex, bagong kilala pero napakagaan ng loob ko dun sa walang taste na iyon.” pagsusuri niya kay Alex. “Mabait, galante, maalalahanin at masipag – masipag magtext at tumawag.” Isang buntong hininga ulit ang pinawalan ni Ricco. “Perfect kuya na nga ang tingin ko sa kanya” tila may umilaw sa isip ni Ricco “kuya? Kuya material siya at hindi papa material” tila nakalutas na ng problema ni Ricco base sa mga ngiti nitong binitiwan. “Okay MySon Ricardo delos Reyes” sabi niya sa sarili “kay Steven ka lang magpapacute” sabi pa nito. Nasa ganitong pag-iisip siya ng may makiupo sa tabi niya. “Pwedeng paupo iho?” tanong ng babae kay Ricco. Nagtataka man si Ricco dahil maluwag ang bus at halos walang nakasakay ngunit siya pa din ang napiling tabihan ng babae. “She‟s weird, so weird.” sabi ng isip ni Ricco. “Grabe, akala ko weird na ako pero may mas weird pa pala sa akin” sabi ulit ng isip niya “she‟s wearing blue tops and red skirt. Kahit wala akong alam sa fashion alam ko namang masakit sa mata yong damit nya.” saad pa ng isip niya. “I know what you did last summer” sabay tingin sa kanya. Ilang sandali pa ay biglang huminto ang bus, pagkatapos ay kusang nalock iyong pintuan. Unti-unting lumalapit ang mga lalaking nakaitim, at ang babaing kasabay niya ay may dalang 42

My All

kutsilyo na nakahanda na para siya ay saksakin.” Napasigaw si Ricco sa takot. Tinginan sa kanya ang lahat, huli na ng marealize niyang hallucination lang pala ang iniisip niya. Sa labis na kahihiyan ay hindi niya alam kung paanong hihingi ng tawad sa pang-aabalang naidulot. “Iho” sabi ng babaeng katabi niya “hindi sa lahat ng panahon ay tama ang magiging desisyon mo, darating ang araw na magsasakripisyo ka para sa isang tao” pagkasabi nito ay lumipat ng upuan ang babae. Nahihiwagaan si Ricco sa sinabing iyon ng babae, subalit imbes na sundan ay pinili na lang niyang tumahimik sa isang lugar at isipin kung ano ang nais ipakahulugan ng sinasabing iyon ng babae. Iyon lang ang tanging bagay na tumatakbo sa isipan niya hanggang sa makauwi siya sa kanila. Dagli niyang ichinarge ang cellphone niya at hindi pa man nagtatagal ay binuhay na niya ito. Unang tiningnan kung sino ang tumatawag kanina. Laking katuwaan naman niya ng mapag-alamang si Alex nga ito. Dagli niya itong tinext – “Kuya Alex, I‟m so sorry if I didn‟t answer your call lately. May klase kasi kami at ako pa ang napag-initan ng prof ko tapos nagbatt empty pa ang phone ko” paliwanag nito. Hindi pa man nagtatagal mula ng maisend niya ang text na iyon ay tinawagan na siya nito kaagad. “Hello Ricco” bati ni Alex sa kabilang linya. “Hello kuya Alex” sagot naman ni Ricco. Ang dapat sana ay isang maikling pag-uusap lamang ay humantong sa mahigit kalahating oras ng kamustahan at kwentuhan. Naputol na lamang ang pag-uusap nila ng dumating sa opisina ni Alex si Mr. Ching para sa kanilang joint projects. Muli pa ay bumalik ang sigla ni Alex sa trabaho at ganadong ganado sa pakikipag-usap sa mga empleyado at kliyente. Isang bagay ang

43

Emmanuel R. Caleon
nakalimutang gawin ni Alex, iyon ay ang sabihan si Ricco tungkol sa second level ng audition. Pagkatapos ng tawag na iyon ay dali dali naman siyang nagbuhay ng computer at nag-internet. Una niyang binuksan ang e-mail niya, sumunod ay sinuyod ang Wikipedia, Stanford at IEP para magbasa ng kung anu-ano. Binuksan din niya ang kaniyang mga social network, ang walang kamatayang Facebook pati na ang inaagiw na Friendster. Pati ang blog niya ay binisita na din niya para tingnan kung may bagong nag-komento sa kanyang mga akda. “Talaga naman” sabi niya “walang kahit na anong bago” at isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya. Tapos nito ay nagtype siya sa status niya ng – “May oras na alam kong kaya ko, at mayroon ding pinipilit ko at alam ko darating ang araw na may tutulong sa akin para harapin ang mga oras na hindi ko na makakaya.” Hindi pa man nagtatagal ay inulan na siya ng notifications “yes” sa isip-isip niya “napansin niyo din ako” at bigla na lang siyang napangiti. Bago tingnan kung sino sino ang nauto niya sa status na iyon ay binisita muna niya ang e-mail niya. Isang e-mail ang agad na napansin niya. “Oh, galing sa Trio Advertising ito ah.” Agad niyang binuksan ang message. The Trio Advertising Group of Companies would like to congratulate you for passing the first level of audition as our Company Voice. However, you are still to be judge together with the other applicants for another level of audition. In line with this, the second level will be on Wednesday – two days after this email was sent, one o’clock in the afternoon at the Third Floor, Trio Advertising Building, Quezon City. Look for Mr. Jet Panganiban or Ms. Gelli Miraflor, at least 30minutes before the scheduled time. Prepare two songs of your comfortable genre and another rock or RNB music. We prefer if you will bring your own music materials. 44

My All

In behalf of Trio Advertising Group of Companies; Ahron Miguel Punzalan Tuwang-tuwa si Ricco sa nabasa niya kaya naman sinimulan na niyang isipin kung ano ang ihahanda niya sa araw na iyon. Binalikan niya ang Facebook Account niya at nakahanda na para sa isang bagong shout out. Sa chat box ng facebook ay nabigla siya sa nakita “John Steven Santillan, 43.” Sa isip-isip niya “patay ako kay best friend, nakalimutan ko na siya” nang buksan niya ang chat box ni Steven ay laking gulat niya sa nakita. Agad naman niyang nireplayan ang kaibigan. “Daming message puro „oi‟ lang naman ” reply niya dito. “At least may message, hindi mo katulad” sagot ni Steven. “Sorry naman po, si Bestfriend talaga tampo agad.” tila pang-aamo niya dito. “Hindi ako tampo, sino ba ako sa buhay mo” sagot ulit nito. “Sorry na po talaga” sagot ulit niya. “Nakakatuwa namang magtampo si Bestfriend ko” pahabol pa ni Ricco. Tila kinikilig si Ricco sa nangyayari. Hindi siya makapaniwalang nagtatampo ang bestfriend niya dahil sa ganuong bagay. “Kasi naman bestfriend, nag-alala ako sa iyo.” sagot ni Steven. Nakaramdam ng kilig si Ricco sa nabasa niya na iyon. “Basta bestfriend, hindi naman ako humihiling na mahigitan mo ang pag-aalala ko sa‟yo pero sana kahit kaunti pahalagahan mo. ” dugtong pa ni Steven. “Ayiee, nakakakilig naman bestfriend. Waha. Para tayong magsyota niyan eh.” dugtong pa ulit ni Ricco na lalong nakaramdam ng kilig sa katawan. “Kasi ang tao, kahit gaano ang pagpapahalaga sa isang tao, kung hindi naman niya nararamdamang may pagpapahalaga din ito sa kanya nagsasawa din.” sabi naman ni Steven. “Edi para ng magsyota kung ganuon ito para sa iyo” saad pa ni Steven. Lalong kinilig si Ricco sa nabasa niyan iyon. 45

Emmanuel R. Caleon
“Seryoso si bestfriend ko neun ah” sabi pa ni Ricco na kinikilig at lalong kinikilig. “Basta wag ka nang uulit” sabi pa ni Steven. “Opo” maamong sagot ni Ricco. “” reply ni Steven. “Bati na tayo” sabi ni Ricco. “Hindi naman ako galit, nagtampo lang” sagot ni Steven. “Kita mo, nagtampo ka pala, deny ka pa jan” sagot ni Ricco. “May good news po pala ako” sabi ulit ni Ricco. “Ano iyon?” tanong ni Steven. “Pinapabalik po ako for second level ng audition” sabi ni Ricco. “Maganda iyan” sabi ni Steven. “Tulong naman po, ano ba ang pwede kong kantahin, dalawa daw na ako ang pipili, saka isang rock o RNB” tanong naman ni Ricco. “Ako bahala mag-isip” sabi ni Steven. “Ipaparinig ko sa iyo bukas” sabi pa ni Steven. “Salamat bestfriend” pasalamat ni Ricco. (ganito kagulo silang makipagchat sa facebook kaya bahala na kayong umintindi) Matagal-tagal din silang nag-usap sa chat at matagal din silang nagkulitan at nag-alaskahan sa wall at status ng kung sinusino. At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ni Ricco. Hindi niya maiwasang hindi isipin ang Kuya Alex niya dahil mula ng tumawag ito sa kanya ay hindi na muling nagparamdam. Sa ngayon nga ay dalawa ang gusto niyang mangyari, ang pumasa sa audition at higit sa lahat ang makita si Alex. Maagang nakarating si Ricco sa Trio Advertising Building, iyon nga lang ay nag-iisa siya sa oras na ito. Hindi nakasama si Steven at kahit na sino para suportahan siya. Agad naman siyang pinapasok sa audition room at pinaupo sa upuang may pangalan niya. Nakita din niya na ang ilang upuan din duon ay may pangalan, sa isip niya siguro iyon ay para sa iba pang nakapasa. School uniform lang ang suot niya at tulad ng nakagawian, nalimutan niyang magpagupit ng buhok at mag-ahit. Kahit na ganuon ay kita pa din ang itinatagong kagwapuhan nito. Mula sa pagpasok niya sa kwartong iyon ay hindi na niya maitago ang kaba at panlalamig, higit siyang 46

My All

kinabahan ng isa-isang dumating ang kanyang makakalaban. Lahat ay nakaayos, nakaporma at nakasuot na kakaiba sa suot niya. Naramdaman niya na tila ba isa siyang pulubi sa loob ng isang mansiyon. Iniisip niyang ang lahat ay tinitingnan siya at minamaliit sa itsura niya ng mga oras na iyon. “Pasaway kang Ricco ka” pangaral niya sa sarili “dapat inayos mo muna ang sarili mo bago ka pumunta dito” sabi pa niya. Nasa ganuong pag-iisip siya ng may tumapik sa likuran niya. “Ricco” sabi ng pamilyar na tinig. Nilingon naman agad si Ricco at nakitang si Alex nga ito. Isang ngiti lang ang ibinigay niya dito at tila ba higit siyang kinakabahan. “Tara, bihis ka” aya sa kanya ni Alex. “Wag na, kumportable na ako sa suot ko” sabi niya. “Pilitin mo ako Alex, pilitin mo ako” sigaw ng utak niya. “Do your best” at isang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Alex. Agad itong umupo sa harapan kung saan ito ang upuan ng mga kikilatis at lalait sa mga kakanta. Ang dating tatlo ay naging lima na sa oras na iyon. Kasama nila Alex, Ahron at Jeannie ang galing naman sa kumpanya nila Mr. Ching. Isa-isa nang tinawag ang mga second level auditioners. Sampu silang tinawagan at kuwalipikado, at siya ang pang-sampu. Higit pa siyang kinabahan nang sa bawat kakanta ay may pahabol na panlalait sa mga hurado. Sa kabilang banda naman ay iniiwasan ni Alex ang maging masyadong harsh sa mga aplikante. Ayaw niyang magkaroon ng hindi magandang impresyon sa kanya si Ricco. Ang gusto niya ay makita nitong may kabaitan siya. Subalit, hindi talaga niya mapigil ang sarili. Kaya naman todo lait pa din ang ginagawa niya ngunit hindi tulad sa nakaraan, medyo bumubwelo naman si Alex. Ngayon nga ay pagkakataon na ni Ricco, si Ricco

47

Emmanuel R. Caleon
na ang sasalang, higit pa ay nakaramdam ng kaba si Alex sa kung paano magiging maingat. “I guess, you are the weakest for this batch” sabi ni Mr. Richard Ching anak ng may-ari ng Ching – Yee Company. “Definitely, and I assure you, you will not make it” sabi ni Ms. Linda Yee “you seems to be stupid in front of us” dugtong pa nito. Hindi alam nila Ahron kung paano aawatin ang dalawa. Ayaw niyang masira ang performance ni Ricco subalit ang dalawang Chino na ito ay mahigpit lalo na sa mga do‟s and don‟ts. May sobrang kalinisan sa katawan at lahat ay gustong perpekto. Si Alex man ay hindi na nagawang makapagsalita. Tila ba sa bawat paratang ay siya ang sinasabihan, siya ang nasasaktan. “It was our fault” sabi ni Ahron “I did not inform him about the grooming and the other essential requirements.” sabi pa nito. “It is a must” sabi pa ni Mr. Ching. “And he failed to that matter” dugtong pa nito. Sasagot pa sana si Ahron subalit si Ricco na ang nagsalita “It was not fair to judge me just because of my appearance. You are presenting your arguments without knowing or asking any reasons from me. I am so sorry for arguing with you, but I will not let anybody to judge me as if they really know me. It is very inhumane, and I am not like the others who are letting things to pass by.” Halata sa mukha ng dalawang galing ng Ching – Yee Company ang pagkabigla sa sagot na ito ni Ricco. Magsasalita sana si Ms. Yee subalit pinangunahan na siya ni Alex. “Why not let him sing before we jugde him?” sabi ni Alex. “I know that he has the voice we are looking for” dugtong pa nito “and I am very confident that he will pass your standards” pahabol pa nito Alex. 48

My All

Nakaramdam ng kilig si Ricco sa mga sinabing iyon ni Alex. Pinagtanggol siya nito laban sa mga manunupil na kaaway. “Ang haba ng hair mo Ricco – dalawang cute papa ang nagtanggol sa iyo.” Sinimulan ng i-play ang minus one ni Ricco. Isang kagulat-gulat na pangyayari, hindi iyon ang kakantahin niya. Hindi iyon ang pinaghandaan niya. Higit pa siyang kinabahan at hindi niya alam ang gagawin. Pinilit niyang huwag ipahalata ang nararamdaman niyang iyon. Imbes na ipahinto ay sinimulan na niyang hagurin ang kanta. Isa lang ang alam niya – “huling round na niya sa audition na iyon kayat kailangan niyang galingan para hindi mapahiya at hindi masayang ang tiwala sa kanya ng Kuya Alex niya. Biglang natahimik ang buong lugar. Ang kaninang galit na galit na mga Chino ay kita ang paghanga. Bakas na bakas sa mga mukha nito ang hindi maipintang emosyon na dinadala ni Ricco sa pamamagitan ng pag-awit. Ang melodiyang humahaplos sa kanilang mga puso at humaharana sa kanilang diwa. Natapos na nga ang pagkanta niya. Walang umiimik, walang nagsasalita. Isang tinig ang bumasag sa katahimikang iyon “and I told you, he is the one” kasunod niyon ay masigabong palakpakan. “I thought you are to sing All by Myself for us” sabi ni Ahron “but what you did is Listen” nagtatakang tanong nito. Sasagot na sana si Ricco subalit naunahan na siya ng mga tao sa technical committee. Inaming pagkakamali nila iyon. Imbes na magalit ay hinayaan na lang nila ito dahil muli pa ay napatunayan nilang magaling talaga si Ricco. Dahil sa hiling ng marami ay kinanta din niya ang All by Myself. Sa pagkakataong ito ay mas naramdaman ni Alex ang kalungkutan kay Ricco. Pakiramdam niya ay punung-puno ng pait ang bawat katagang namumutawi sa mga bibig nito. Kasunod pa ang ritmong lalong nagbibigay lumbay sa kanyang katauhan. Hindi niya alam kung ito rin ba ang nararamdaman ng mga kasamahan niya, subalit sigurado siya, gusto niya itong puntahan 49

Emmanuel R. Caleon
sa harap at yakapin ng mahigpit at sabihin ditong – “iingatan kita”. Naguguluhan si Alex sa nararamdaman, hindi niya maintindihan ang sarili, hindi siya sigurado kung tama o mali ba itong umuusbong na emosyon sa kanyang kaibuturan. Ang alam niya, si Ricco lang ang nakagawa ng ganuong uri nang pakiramdam at bumuhay sa isang damdaming hindi pa niya nararanasan. Masigabong palakpakan ulit ang natanggap ni Ricco. Pumasok siya sa lima at ngayon nga ay kakantahin niya ang pinarinig sa kanya ni Steven ang – As If We Never Said Goodbye. Lalong bumakas ang kalungkutan ni Ricco ng maalala si Steven. Nanghihinayang siyang hindi ito nakasama, subalit mas mainam na din naman iyon para sa kanya dahil hindi nito narinig ang mga masasakit na salitang inabot niya. Tulad sa mga unang kanta niya ay parehong reaksyon ang nangyari. Ngayon nga ay pumasok na siya sa tatlo. Dito na masusubukan ang tunay nilang galing, para sa huling round na ito ay kakanta siya ng – We are the Champion. Kitang kita padin ang paghanga mula sa mga taong nakikinig. Paghanga at papuri ang tangi niyang naririnig mula sa mga ito. Subalit ng i-anunsiyo na ang nanalo, laking pagkadismaya ang naramdaman nila, higit pa si Ricco nang malamang hindi siya ang nakuha para sa posisyong boses ng kumpanya. Malungkot na lumabas si Ricco, subalit pinipilit pa din niyang ipakita ang mga ngiti. Tanging “wala po iyon” ang sagot niya sa mga nanghihinayang sa kanyang kapalaran. Hinabol siya ni Alex at inaya na kumain muna sa labas, sino ba siya para humindi. Sa isip-isip niya – “Hindi man ako mapili dapat makalandi muna ako. Lagot kang walang taste ka, kukunsensyahin kita at ibablack mail pa.” napangiti naman siya sa ganitong isipin. “Sorry Ricco” hindi magsisimula ng usapan. alam ni Alex kung paano

“Sorry for what?” tanong nito. “Sorry kasi hindi mo nakuha ang dapat na para sa iyo.” sagot nito.

50

My All

“Wala iyon, siguro hindi lang iyon para sa akin” sabi ni Ricco. “Don‟t worry, for consultations pa din naman kasi iyong desisyon kanina” pagbawi ni Alex “ilalaban ka namin nila Ahron at Jeannie” dugtong pa nito. “No need for that” sagot ni Ricco “hindi pa katapusan ng mundo ko kung natalo ako o hindi ako napili. What is important is that, many people appreciated the talent I have. Sapat na iyon para sa akin para magkaroon ng pag-asa na balang araw, makikita ko ang mga bituin kong abot kamay.” sabi pa ni Ricco “failures are just stepping stone for success, the more stones you have, the stronger foundations you will build.” sabi pa ni Ricco. “But you were deprived to achieve the right that is for you” giit ni Alex. “The right that I need to share for others” sabi ni Ricco “I know that this is not humility but stupidity” dugtong pa nito “why should I waste my time on focusing on one road if I can continue to travel taking more paths.” sabi pa ni Ricco. “Kung ayaw mo, hayaan mo akong gumawa ng paraan para makuha mo ito” pakiusap ni Alex “ayaw kong mawala ang isang gaya mo, at mahirap makatagpo ng isang tulad mo.” hindi alam ni Alex kung ito bang sinabi niya ay base sa kalagayan ng kumpanya o base sa sariling nararamdaman para kay Ricco. Tila may kilig naman ang ngiti ni Ricco at sumagot “Kung sa tingin mo ay dapat ako duon, hinahayaan kitang gawin ang gusto mo, pero iwasan mong makasakit ng ibang tao” sabi ni Ricco. “Karamihan sa mga gagawin nating desisyon ay hindi makakaiwas na makasakit tayo ng iba.” sabi na lang ni Alex. Natapos ang gabi nila na tila ba pinawi ang lahat ng pangamba at pag-aalala. Lumipas ang magdamag na ang nasa isip ni Ricco ay kung paano haharapin ang kinabukasan at kumalag sa 51

Emmanuel R. Caleon
tali ng nakaraan. Ganuon din si Alex, paano haharapin ang kinabukasan upang ipaglaban ang tama at katwiran laban sa kamalian na ginawa ng nakaraan.

52

My All

“Sa ganitong paraan ako maligaya, sa ganitong paraan ako masaya. Bakit pati sarili kong kaligayahan isasakripisyo ko?” tanong ulit ni Ricco.

53

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 6 Rhythm of Change “Kamusta na Ricco?” maagang bati ni Steven. “Eto” panimula ni Ricco “gwapo pa rin” dugtong pa nito. “Ganyan ba talaga ang epekto ng natalo?” saad ni Steven. “Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin” sagot ni Ricco “hindi kita papatulan” dagdag pa nito. “Bestfriend” alam ni Steven ang nararamdaman ni Ricco at ramdam niya ito kagabi pa sa pag-uusap nila sa cellphone “wag mo nang isipin iyon, marami pang nag-aabang na kapalaran para sa iyo, huwag ka lang susuko na maghanap” dugtong pa ni Steven na naging seryoso. “Uto” sabay batok ni Ricco kay Steven “utu-uto ka pala bestfriend” sabay takbo palayo. “Naisahan mo ako dun ah” sagot nito. Batid ni Steven ang pagtatagong ginagawa ni Ricco sa tunay na nararamdaman, kung kaya naman pinili niyang samahan na lang ito at sakyan ang mga trip nito sa buhay. -------------------------------------------------“In behalf of the Trio Advertising, we insist MySon Ricardo to be our company‟s voice.” pagmamatigas ni Alex. “If you will do that, then we will leave your company.” tila nagbabanta si Mr. Ching. 54

My All

“If you were to judge him, he is the most suited for the job. Vocally perfect.” sabi ni Ahron. “We are not looking for talents here. We are looking for the most charming and can sing. Remember, this is not a talent show. We are looking for someone that has charm, charisma and a potential star, headturner.” sabi naman ni Ms Yee. “Then, give us one month and we will show you a transformation from him” tila paghahamon ni Alex. “Yes, just one month or even less than that” pagsang-ayon ni Jeannie. Mahaba pa ang naging diskusyon sa consultation meeting na iyon, madaming tanong, argumento at hindi pagkakaunawaan. Sa bandang huli ay binigyan sila ng isang buwan para tuparin ang hamong sila mismo ang gumawa. “Goodness” usal ni Alex nang umalis ang mga tao sa conference room “napasubo tayo” “I trust you Alex kaya sumang-ayon ako” pahabol ni Jeannie. “Ako man pare, alam ko magagawa mo iyan” sang-ayon ni Ahron. “Anong ako lang, kasama kayo.” sabi ni Alex “haven‟t you heard them, sabi nila the three of you should prove us wrong.” at napangiti ito. “Goodness nga talaga, nalimutan, damay nga pala tayo” sabi ni Ahron. “IMBA ka Alex” pasunod ni Jeannie “sana pala hinayaan na lang kita sa sinabi mo” dugtong pa nito.

55

Emmanuel R. Caleon
“Don‟t worry Jeannie” pangangalma ni Ahron “hindi ka pa ba sanay? Minsan lang gawin ni Alex ang ganito, but at the end, he always succeed.” “But not this time” sabi ni Alex “kasi iiwan ninyo ako at hindi tutulungan” tila pangungonsensiya nito. “Tama bang magdrama” sabi ni Jeannie “tamo, mukha ka na talagang bakla” Nangiti lang si Alex. “Nothing to worry pare, ipagpapalit ko muna si Kamille ko para kay Ricco mo” sabi ni Ahron. “Ricco mo?” nagtatakang tanong ni Jeannie “sabi ko na nga ba bakla ka talaga Alex. Cheap naman ng taste mo.” at napatawa ito ng sobra. “Anong Ricco ko? Ricco natin” pangontra ni Alex “dahil aalagaan natin si Ricco at aayusin ang buhay” pagpapalusot nito. “Hay, gabi nang masyado, uwi na tayo” anyaya ni Jeannie kila Alex at Ahron. Hindi na nito pinatapos pa ang usapan dahil alam niyang sa asaran lang mauuwi ang lahat. “Ako na ang bahalang magsabi kay Ricco” sabi ni Alex “pahinga na kayo at bukas na ang simula ng pagiging yaya ninyo sa batang iyon” nakangiting wika ni Alex. “Yes master Alex” sabi naman ni Ahron “I‟ll make sure that everything will be ready” at umalis na nga ang dalawa‟t iniwan si Alex na mag-isa. Pamaya-maya pa ay idinial na ni Alex ang numero ni Ricco. “Hello” nanginginig na pagsagot ni Ricco. “Good Evening Ricco” sagot ni Alex sa kabilang linya. “Nagising ba kita?” pahabol pa nito. 56

My All

“Hindi naman” sagot ni Ricco “napatawag ka?” tanong nito. “Just like to inform you that the board of directors made their decision” sagot ni Alex. “and?” tila bitin na tanong ni Ricco. “If you are available for trainings and workshops” biting wika ni Alex. “Sure” ramdam ang kasiyahan sa boses ni Ricco. “Great” sagot ni Alex na mararamdaman ang saya sa sagot ni Ricco “are you available by tomorrow afternoon, or evening” tanong agad ni Alex. “Oo naman, 3pm onwards pwede ako, saan?” sabik na tanong ni Ricco. “Punta ka na lang dito sa Office” sagot ni Alex “wear any attire, besides wala namang mga pakielamero na lalait sa iyo.” pahabol ni Alex. “Sige, I‟ll be there with my school uniform” masayang saad ni Ricco. Natahimik ang pagitan ng dalawa hanggang sa magsalita ulit si Alex. “sige Ricco, tawagan na lang kita bukas. Pauwi na din kasi ako” sabi nito. “Ganun ba? Sige ingat ka ah” sagot ni Ricco na bagamat nalungkot ay pinilit pa ding huwag ipahalata. “Oh, nanamlay na naman ang boses mo. Huwag kang mag-alala magkikita naman tayo bukas.” Hindi alam ni Alex kung bakit iyon ang naisagot niya. “Joke lang” pagtatakip niya sa sarili at pagbawi sa sinabi “matulog ka na” bilin pa nito. “Opo, masusunod po” tila nahiya si Ricco sa tila pagsukol ni Alex sa kanyang nadarama. “Goodnight” sabi ni Alex. “Goodnight na din po” sagot ni Ricco “sweetdreams” pahabol pa nito. “Sweetdreams na din” sabi ni Alex. “Ingat ka” dugtong ulit ni Alex. “Ikaw din, ingat ka” sabi ni Ricco. Para silang mga magkasintahang nagkukulitan hanggang sa si Ricco na ang pumutol ng tawag.

57

Emmanuel R. Caleon
“Umuwi ka na, baka gumala ka pa” sabi ni Ricco na may himig ng pag-uutos. “Opo” sagot ni Alex na tila isang maamong tupa. “Goodnight na” sabi ni Ricco “huwag nang sasagot umuwi ka na” wika ni Ricco sabay pindot sa end call. “Naku Ricco, lalo mo akong ikinukulong sa kakaibang damdaming ito” wika ni Alex sa sarili. Kinabukasan… “Oh pare, kahapon emo, trying to be happy ka, pero ngayon masaya ka?” bati ni Steven kay Ricco. “May good news ako” masayang balita ni Ricco kay Steven “pinapabalik ako sa Trio Advertising for trainings and workshops.” “Kaya naman pala masaya ang bestfriend ko” sabay akbay nito kay Ricco. “Kaya nga” sabay ngiti nito kay Steven “sama ka?” aya niya sa kaibigan. “Sorry Ricco, pero hindi ako pwede” pagtanggi ni Steven kay Ricco “alam mo na, ikaw ba naman ang grounded ng 1month” “Oo nga pala” sabi ni Ricco “Ikaw kasi, ayaw mong magpakatino” sisi niya dito. “Hay naku Steven, nagseselos ka lang kay Alex” sa loob loob ni Ricco at bigla na lang siyang napangiti. Kinahapunan nga ay pumunta na si Ricco sa Trio Advertising at ipinagtanong ang opisina ni Alex. Sa wakas, hindi nga nagtagal ay nakita na din niya ang hinahanap na opisina. Pipihitin na niya ang seradura ng tumunog ang kanyang cellphone. “Bestfriend, san ka na? Ingat ka jan” sabi ni Steven 58

My All

“Oo naman bestfriend, para sa‟yo mag-iingat ako” reply niya dito. “Si Steven talaga, ayaw pang umamin kasi” sa loob loob ni Ricco. Kinatok na muna niya ang pinto at saka binuksan. Nagulat siya sa nakita sa loob. Walang tao, kaya naman ay dire-diretso na siya sa pagpasok. “Sabi nung tao sa labas andito daw ung walang taste na iyon” mahina niyang usal. Manghang mangha siya sa nakita sa loob ng opisina. Inisa-isa niyang tingnan ang mga nakadisplay. Samu‟t – saring ngayon pa lang niya nakita. May aquarium na may malaking isda, may mga halamang kitang naaalagaan, mga muwebles na yari sa narra na napapatungan ng puting mga unan. Mayroon ding maliliit na abubot na nakasalansan ng maayos sa isang lalagyan at higit pang pumukaw sa pansin niya ay ang isang lugar na may mga larawan. Kinuha niya ang isa duon at animo‟y kinakausap. “Ikaw na walang taste ka, di ko akalaing maganda pala ang opisina mo. Family man ka pala.” sabi ni Ricco sa mga larawan. “Ito siguro ang nanay mo? Hindi pala nanay, mommy nga pala kasi rich ka” sabay turo sa picture “ito naman siguro ang tatay mo. In fairness, yummy din” at napangiti si Ricco “ano ba Ricco, pati matanda pinagnanasaan mo” bulong ng isip niya. “Ito naman malamang mga kapatid mo” isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya “gwapo mo talaga” at isa pang buntong hininga “ikaw na walang taste ka, bakit ba nuknukan mo ng kagwapuhan? Hindi mo man lang ako inambunan ng kahit kaunti” “Crush mo siguro ako” bigla niyang nasabi. Bigla na lang din siyang napatawa. “Anong nakakatawa?” tanong ng isang pamilyar na boses.

59

Emmanuel R. Caleon
Biglang naputol ang dila ni Ricco at hindi alam kung paano haharapin ang taong iyon. Nakaramdam siya ng panginginig at hiya sa katawan. Gusto na niyang tumakbo palayo at iwanan ang lugar na iyon dahil nasisigurado niyang narinig nito ang kung ano mang pinagsasabi niya. “Ano kako ang nakakatawa” tanong ulit ng tinig. Unti-unti siyang lumingon “Naku naman po, sana hindi ako narinig nito at sana hindi siya ito” sa paglingon niya ay lalo siyang nawalan ng lakas sa nakita. Hindi niya namamalayan at biglang bumagsak ang litratong hawak niya. Sa pagkalaglag nuon ay saka lang siya nagkaroon ng lakas para kumilos at makapagsalita. “Sorry po Sir Alex” sabay upo at dampot sa bubog. “Nothing to worry” sabay ang ngiti at tinulungan siyang damputin ang mga iyon. Natameme si Ricco at higit pang nakaramdam ng hiya ng makitang nakangiti ito at nakatingin sa kanya. Ganuon din naman si Alex, hindi na mapakali buhat ng magtagpo ang kanilang mga mata. Tila isang hipnotismo ang agad na nagpako sa mga iyon. Malakas. Malakas na malakas. Ubod ng lakas. Sobrang lakas. Nakabibingi sa lakas ang tibok ng puso ni Alex ng mga oras na iyon. Kakaiba, bago ang pakiramdam na ito sa kanya. Hindi niya maintidihan kung bakit ganito ang nangyayari sa kanyang katauhan, sa kanyang kaibuturan. Tila napakaligaya niya sa mga oras na iyon. Wiling-wili ang katauhan niyang masdan ang mga mata ni Ricco na ngayon nga ay kanyang inaangkin. Ang panginginig ng kanyang katawan ngayon ay nahaluan ng kakaibang ligaya, kakaibang ligayang ngayon pa lang niya naranasan. Ligayang dala ng malaya niyang minamasdan ang mata ng isang pangarap. Ang kaba ay nahaluan na ng saya, sayang kakaibang kiliti ang handog sa puso niya. Sayang gumising sa natutulog niyang damdamin para maramdaman ang tinatawag nilang pag-ibig. Tila ba napakabagal ng oras, unti-unting naging 60

My All

mabagal ang ikot ng mundo sa mga oras na iyon, tila ayaw na niyang bumitiw sa mga titig na nararanasan niya. Tila ba ay may hatid itong milyong bolrahe ng kuryente para lalong mahulog sa mga tingin na iyon. Hanggang sa – “arayy” sigaw ni Ricco. “Anong nangyari” sabi ni Alex, sabay niyang tiningnan ang kamay ni Ricco. Nang makitang may sugat ay agad niyang kinuha ang mga kamay ni Ricco, itinayo ito at agad na nilapatan ng first aid. “Ayos na ba?” tanong ni Alex. “Saalaamaat” nanginginiig na sagot ni Ricco. Asiwa man si Alex at nahihiya dahil sa nangayari kanina ay hindi na lang niya ito ipinahalata. Ayaw niyang ma-out-ofplace si Ricco kaya naman ang lahat ng kilos niya ay tila walang nangyaring kakaiba. Napansin naman niyang ilag at nahihiya si Ricco kaya naman sinabi niya dito – “wag kang mag-alala, wala akong narinig” sabay ang isang ngiting nakakaloko. Maya-maya pa ay dumating na si Ahron at Jeannie. Ipinakilala ng mga ito si Ricco sa mga kasamahan nilang eksperto para tulungan ang gagawing transformation kay Ricco. “Ricco” sabi ni Jeannie “want you to meet Trina, she will be in-charge to your proper social etiquette” pakilala sa kanya ni Jeannie. “Here is Miguel” pakilala naman ni Ahron “he will give you some advice on how to cloth yourself. Proper grooming indeed.” sabi pa ni Ahron “look, hindi ka pa din nag-aahit.” sabay hawak sa baba ni Ricco. “Also, we‟ve scheduled you for haircut, fitness gym visits, and other maintenance” sabi pa ni Ahron.

61

Emmanuel R. Caleon
“Of course, you still have to master your singing style and improve more vocally” sabi naman ni Jeannie “that is why we scheduled you for a voice lesson and dance and performance trainings and workshops.” Hindi man naiintidihan ay puro ngiti na lang ang sagot ni Ricco. Hanggang sa matapos na nila ang pag-uusap at paggawa ng schedule ay pansin pa din ni Alex ang pagbabago sa aura ni Ricco. “Kalimutan mo na lang ung kanina” sabi ni Alex. “Nakalimutan ko na nga po iyon” sagot ni Ricco. “Bakit malungkot ka?” tanong ni Alex. “Iniisip ko lang kasi ung gagawin kong pagbabago” sagot ni Ricco. “Anong problema duon?” tanong ni Alex. “Bakit ba kailangan kong baguhin ang sarili ko? Ano ba ang masama kung ganito lang ako, kung ganito ang itsura ko, kung pangit ako. May problema ba sa pagiging pangit?” wika ni Ricco. “Walang masama kung pangit ang itsura mo. Isa pa, walang taong pangit, nasa pagdadala iyan at kung paano mo hinaharap ang mga tao sa paligid mo. Hindi ka pangit at lalong hindi ikaw ang may problema, ang mga matang makasalanan ang may problema, agad na hinuhusgahan ka dahil sa pisikal na anyo at hindi nakikita ang kaloobang kagalingan mo. Kung desidido kang maabot ang pangarap mo, dapat kang magbago para sa kanila.” sabi ni Alex. “Sa ganitong paraan ako maligaya, sa ganitong paraan ako masaya. Bakit pati sarili kong kaligayahan isasakripisyo ko?” tanong ulit ni Ricco. Hindi man naitindihan ni Alex ang huling sinabing iyon ni Ricco ay sumagot pa din ito. “Sa bandang huli, may mas magandang maidudulot ang pagbabago mo. Hindi mo pa naman 62

My All

nasusubukang gawin, malay mo mas maging masaya ka sa gagawin mo ngayon.” sagot ni Alex. Tahimik lang si Ricco hanggang sa makauwi ito sa kanila. Patuloy pa din niyang iniisip ang mga sinabi sa kanya ng Kuya Alex niya, patuloy niyang pinag-iisipan kung tutuloy pa ba. Sa ganitong mga pag-iisip siya nang unti-unting panawan ng malay at makatulog ng mahimbing.

63

Emmanuel R. Caleon

Nakaramdam ng kuryenteng may milyong boltahe ang katauhan ni Ricco. Ang tibok ng puso niya ay higit pang bumilis. Ang mainit na palad ni Alex ay sapat nang magpabaliw sa kanyang katauhan ng mga oras na iyon. Hindi pa man ay lalong diniinan ni Alex ang pagkakahawak sa kamay ni Ricco.

64

My All

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 7 Sa Simula ng Pagkakaibigan “Pag-ibig? Kalokohan” sabi ni Alex. “Bakit naman?” tanong ni Ricco “sarap kaya sa pakiramdam pag may nagmamahal sa‟yo.” “Bakit naranasan mo na ba?” tanong ni Alex. “Hindi pa.” tila napahiyang sagot ni Ricco. “Hindi pa pala paano mo nasabing masarap sa pakiramdam?” kabuntot na tanong ni Alex. Hindi alam ni Ricco ang sasabihin. Siguro nga ay masyado siyang nadadala sa mga binabasa niyang nobela at mga kwento ng pag-ibig kung kayat pakiramdam niya ay masarap ang pakiramdam ng may mahal at nagmamahal kahit hindi pa niya nararanasan. “Nabasa ko” mahina at nanginginig na sagot ni Ricco. “Ah, basta alam ko masarap sa pakiramdam iyon” pahabol pa nito. “Tigil na iyan, baka magkatampuhan pa kayo” awat ni Ahron “ganyan lang talaga si Alex, Ricco, hopeless romantic kasi” at isang nakakalokong ngiti ang pinawalan nito sa gawi ni Alex. Palibhasa ay alam nito ang lahat ng tungkol kay Alex kaya alam niya at sigurado siya sa sinabing hopeless romantic ito. “Ahron, tumigil ka nga” pag-awat ni Alex. “Opo, titigil na” sagot ni Ahron.

65

Emmanuel R. Caleon
Dalawang linggo na din ang lumilipas buhat ng mapasubo sila Alex sa pagtatanggol kay Ricco at dalawang linggo na din mula ng magsimula ang pagbabago kay Ricco. -----------------------------------------------“Oh bakit ang tahimik mo?” tanong ni Alex. “Ahhh, ehhh, ano kasi” hindi alam ni Ricco ang isasagot. Pakiramdam niya ay nakain niya ang dila niya. “Sa text, ang kulit kulit mo. Pag kausap kita sa phone ang daldal mo. Sa chat naman masalita ka din” simula ni Alex “Bakit ngayon ang tahimik mo?” sunod ni Alex “hindi ka ata si Ricco” pahabol pa nito. “Hay ewan, bakit ba ganito ako pag kaharap ko ang pangarap kong tao” sa loob loob ni Ricco “bakit naman iyong iba nagagawang magpacute, ako hindi” sabi pa din ng utak ni Ricco “hay Ricco, umayos ka, panahon mo na para akitin ang walang taste na si Alex” dugtong pa din ng isip niya “ahumm, dila lumabas ka, ahuummm, dila magpakita” tila isang ritwal na ginagawa ng utak niya. “Hoy, sumagot ka” sabi ni Alex sabay hawak sa kamay ni Ricco. Nakaramdam ng kuryenteng may milyong boltahe ang katauhan ni Ricco. Ang tibok ng puso niya ay higit pang bumilis. Ang mainit na palad ni Alex ay sapat nang magpabaliw sa kanyang katauhan ng mga oras na iyon. Hindi pa man ay lalong diniinan ni Alex ang pagkakahawak sa kamay ni Ricco. “Lintik kang Alex ka, bakit ba nagkakaganito ako sa‟yo” sigaw ng damdamin ni Ricco. At mahinang nagsalita si Ricco – “Mahal na ata kita Kuya Alex” pagkasabi nuon ay tila binuhusan ng malamig na tubig si Ricco at nakaramdam ng hiya. Bakas din ang pagkabigla kay Alex. 66

My All

“Joke lang” agad na pambawi ni Ricco. “Gago kang Ricco ka, baka mamaya maniwala yang Alex na iyan.” pangaral ni Ricco sa sarili “ilusyunado ka talaga” saad pa din nito. Sa kabilang banda naman ay pinipilit lang ni Alex na huwag matahimik ang pagitan nilang dalawa kung kayat nag-iisip ito ng mga pwede nilang pag-usapan. Pansin niya ang katahimikan ni Ricco. Kahit isang salita ay wala itong nasabi – “Alex, you are so stupid, hindi ata interesado si Ricco sa mga sinasabi mo” sigaw ng isip ni Alex. “Oh bakit ang tahimik mo?” nag-aalangang tanong ni Alex. “Ahhh,ehhh, ano kasi” tanging nasabi ni Ricco. “Sa text, ang kulit kulit mo. Pag kausap kita sa phone ang daldal mo. Sa chat naman masalita ka din” simula ni Alex “Bakit ngayon ang tahimik mo?” sunod ni Alex “hindi ka ata si Ricco” pahabol pa nito. “Lagot kang Alex ka, baka magalit iyan sa‟yo. Bawiin mo. Bawiin mo.” tila pangaral niya sa sarili. “Ricco, bakit ba nababaliw ako sa isang katulad mo. Bakit ba ipinararanas mo sa akin ang ganito. Bakit ba tila minamahal na kita?” tanong ni Alex sa sarili. “Kahit hindi ka magpacute ang lakas ng tama ko sa iyo, at pakiramdam ko lalong lumalakas.” sabi niya ulit sa sarili. “Hoy sumagot ka” tila malambing na utos ni Alex. Nanginginig man at tila wala sa sarili ay hawak na niya ang kamay ni Ricco. “Stupid Alex, bitiwan mo yan. Mahiya ka.” pangaral at utos niya sa sarili. Pero imbis na sundin ay tila may sariling buhay ang kamay niya para lalo pang diinan at higpitan ang pagkakahawak niya dito. “Mahal na ata kita Kuya Alex.” Sabi ni Ricco.

67

Emmanuel R. Caleon
Nakakabigla, biglang huminto ang ikot ng mundo ni Alex. Hindi niya maramdaman ang sariling katawan. Biglang pumanaw ang utak niya, lahat lahat, naglaho ito sa pakiramdam niya. Tila siya ay nabingi sa narinig na nais niyang ipaulit-ulit kay Ricco. Isang bagay lang ang sigurado niya – tumatalon sa tuwa ang puso niya. Sasagutin na sana niya ito ng “Mahal na kita Ricco” ng biglang – “Joke lang” pahabol ni Ricco. Tila naglaho ang tuwa sa puso niya, naglaho ang kasiyahan niya ng gabing iyon. Gumuho ang isa sanang katuparan para sa kanya. Kalungkutan, iyon ang tangi niyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya alam pero sa tingin niya ay nabigo siya – nabigo siya na hindi pa nagsisimula. Malungkot man ay pinilit niya itong itago, itago at hayaang tunawin na lamang ng panahon. Dalawang linggo na buhat ng mangyari ito sa pagitan nila Ricco at Alex. Dalawang linggo na ding pinipigilan ng dalawang puso ang magsabi ng tunay na nararamdaman. Dalawang linggo na buhat ng maudlot ang isa sanang masayang kwento ng pag-ibig. -----------------------------------------------“Tara na” anyaya ni Ahron sa dalawang kaibigan “tama na ang break time.” Paalis na sila galing ng gym at papunta na sa voice coach ni Ricco ng maalala ni Ahron na may nakalimutan pala ito sa opisina at kailangang balikan. Hindi na sumama pa sila Alex at Ricco kay Ahron pabalik sa opisina. Dahil kotse lang ni Alex ang ginamit nila ay nagpaiwan na lang sila Alex at Ricco sa pinakamalapit na mall na pwede nilang babaan. Naisip nilang mas mainam kung mamasyal na lang muna sila habang naghihintay kay Ahron. Inakbayan ni Alex si Ricco habang papasok sa mall. Kahit na sa paglalakad nila ay nakaakbay pa din ito. Ang ganitong mga eksena ay hindi na bago para sa kanila. Ngunit lingid sa kanilang 68

My All

kaalaman ay kapwa pa din silang nakakaramdam ng panginginig, kaba at pagbilis ng tibok ng puso kahit madalas na nila itong gawin. Ganito nga talaga ata pag may pag-ibig kang pilit na itinatago. Habang ikinukubli mo ay tila mas nagiging mapangahas ito na kumawala. Ganito ang nararanasan nilang pareho. “Oi, may sale na libro” sabi ni Ricco sabay hila niya sa kamay ni Alex. “Ano ba, huwag ka ngang tumakbo baka madapa tayo.” sabi ni Alex. Tila hindi siya narinig ni Ricco at ngiti lang ang ibinigay nito sa kanya. “Langhiya, Ricco wag mo nga akong ngitian, natutunaw ako” sabi ni Alex sa sarili. Pagkarating sa loob ay agad na inikot ni Ricco ang mga estante ng libro. May kung ano siyang hinahanap. Patuloy pa ding nakaakbay sa balikat niya si Alex. Kung hindi mo nga lang talaga sila kakilala ay aakalain mong may namamagitan sa kanilang higit pa sa pagkakaibigan. Silang dalawa ay nagngingitian at nagtatawanan kung minsan habang palakad lakad at naghaharutan sa daan. “Gotcha” usal ni Ricco. “Bakit?” tanong ni Alex. “Finally, I found the book” sabi ni Ricco na kita ang kasiyahan. “What is that book?” tanong ni Alex. “Sa Pagbuo ng Pilosopiyang Pilipino” sagot ni Ricco. “So? Bakit masaya ka?” tanong ni Alex.

69

Emmanuel R. Caleon
“Itong libro lang naman na ito ay kasama ang mga essays, short story at piling academic papers ni Nicco.” sagot ni Ricco. “Who is Nicco?” tanong ni Alex. “Dami mo namang tanong” tila asar na sabi ni Ricco. “Si Nicco po ay senior namin sa Philippine University. First year ako ng makagraduate iyon batch nila.” “Tapos?” tanong ni Alex na humihingi pa ng karugtong. “I admire his batch. Sila iyong batch na model talaga sa mga lower years. But, idol ko si Kuya Nicco. Sobrang bait, matalino, humble, cute, so proud na iyong mga academic papers niya andito sa libro na ito.” masayang wika ni Ricco. “Crush mo?” sarkastikong tanong ni Alex. “Alex, stupid Alex. Bakit mo nasabi iyan? Baka magalit iyan sa iyo. Wala kang karapatang magselos dahil hindi naman kayo” pangaral niya sa sarili. “Of course, bibihira na lang ang mag katulad niya, crush lang naman eh, wala namang masama kung humanga ako di ba?” defensive na sagot ni Ricco. – “Nikikilig ako, nagseselos si Kuya Alex” saad ng utak niya. “Saka patay na siya two years na” malungkot na dugtong ni Ricco. “Joke lang, defensive ka” sabi ni Alex. Ngiti lang ang isinukli ni Ricco. Agad na binili ni Ricco ang libro, este binili ni Alex ang libro para kay Ricco. Inikot ulit nila ang mall, tila sila magsyotang namamasyal. Nadaan sila sa arcade kung kayat muli ay inaya ni Ricco si Alex sa loob. Ayaw naman sumama ni Alex pero dahil ito ang gusto ni Ricco at mapilit ito, sinamahan na niya ito sa loob. Tila isang bata si Alex na matagal na inagawan ng laruan. Ngayon nga ay ito pa ang mas masaya kaysa kay Ricco. “Ayaw pala” tila pang-uuyam na wika ni Ricco. 70

My All

“Joke lang iyon” sagot ni Alex “siyempre nagpapapilit lang ako” dugtong pa nito. “Lelang mo” kontra ni Ricco “palusot ka pa” dugtong pa nito. “Tahimik baka magame-over ako” tila utos niya kay Ricco. Agad na kinuha ni Ricco ang panyo sa bulsa at – “Pawis na pawis na ang kuya ko” sabay na pinahiran ni Ricco ang pawis ni Alex. “Ano ba tumigil ka, magagameover ako” tumatawang sagot ni Alex. Sa totoo lang ay kakaibang kilig ang nadarama nito sa kaloob-looban niya. Isang kasiyahan na bukal at taos niyang nadarama. Wala silang pakialam sa kung may nakakakita man sa ginagawa nila. Ang alam lang nila ay masaya sila. “Hala, gameover na” anas ni Alex “konti na lang mabebeat ko na iyong high score” dugtong pa nito. Pero imbes na magalit kay Ricco ay mas lamang pa din ang kaligayahan nito dahil sa ginawa ni Ricco. “Naka-score din sa‟yo” sabi ni Ricco sa sarili “wahahaha, humanda ka, simula pa lang yan” sabi ulit ni Ricco sa sarili. “Oi, nagtext na si Ahron, lumabas na daw tayo” sabi ni Alex pagkabasa sa text. “Sige tara na” nakangiting wika ni Ricco. Ganuon pa din sila, nakaakbay si Alex kay Ricco at pasulyap-sulyap sa isa‟t-isa. Tawanan, ngitian at harutan habang lumalakad. Pagkarating nila sa parking area – “Sweet naman” bati ni Ahron. 71

Emmanuel R. Caleon
“Tumigil ka nga Ahron” sangga ni Alex “tara na at masyado na tayong late” anyaya ni Alex. “Kaya nga kanina pa ako nandito, tagal ko kaya kayong hinintay” angil ni Ahron. “Oo na, kami na matagal” sagot ni Ricco na may kasamang ngiti. Pagkasampa ng kotse ay nagsalita si Ahron “Aalis na tayo” at pinaharurot ni Ahron ang kotse ni Alex.

72

My All

“Nasanay na ako na hanggang sa pagkakaibigan lang tayo. Pero hindi ko kayang lokohin ang sarili kong ibahin ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang ibahin ang bulong ng puso ko lalo pa at sumisigaw itong mahal kita” dugtong pa ni Steven.

73

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 8 Kaibigan o Ka-ibigan? Natapos ang isang buwan, ang isang buwang paghihirap nila Alex, Ahron at Jeannie para sa isang bagong Ricco. Binuo nila ang isang Ricco na magsisilbing boses ng kanilang kumpanya. Binuo nila ang isang Ricco na magugustuhan ng kanilang mga business partners at the same time ng kanilang mga sister companies – 4 kumpanya na pag-aari nila Alex, 2 kumpanya na pag-aari nila Ahron at 2 kumpanya na pag-aari nila Jeannie. Bukas nga ang nakatakda, na muli ay iharap si Ricco kina Mr. Ching at Ms. Yee. Kumpiyansa ang tatlo na isang bagong Ricco ang ihaharap nila sa mga ito at isang bagong Ricco na magugustuhan ng lahat ang isasabak nila. Isang buwan na din mula ng magkasama-sama ang apat – sila Jeannie, Ahron, Alex at Ricco. Isang buwan na tuwing matatapos ang klase ay susunduin na siya ni Alex sa gate ng Philippine University. Isang buwan na hindi na niya nagagawa pang sumama kila Steven at sa mga lakad nito. Isang buwa na laging pagod at hapo na uuwi sa bahay at isang buwan na untiunting nabagong Ricco. Hindi niya pinabayaan ang pag-aaral, sa katunayan ay naisasabay niya ito sa mga trainings, workshops at schedules sa kung saanmang lupalop siya dalhin ng tatlo. Isang buwan na ang lumilipas, heto, isa pa din siyang basang sisiw na hindi na makilala ang bagong siya. Bukas, bukas na malalaman kung ano ang magiging bunga ng pinaghirapan nila. “Pareng Ricco” bati ni Steven “talagang pinagpalit mo na kami ah” may himig ito ng pagtatampo. “Hindi naman pare” sagot ni Ricco “talagang desidido lang silang matanggap ako sa trabaho” nakangiting sagot ni Ricco na may halong pang-aalo. 74

My All

“Baka naman pagnatanggap ka diyan eh lalo kang maging busy?” malungkot na wika ni Steven. “Hay naku, hindi naman” sabi ni Ricco “at siyempre, I will always find time for you” isang ngiti ang binigay nito kay Steven. Sinuklian naman ni Steven ng ngiti si Ricco. Isang ngiting nagpabaliw sa naguguluhang puso ni Ricco. “Nikikilig ako” tukso niya sa sarili “I miss you Steven. I miss your smiles, your eyes, your nose, your voice and everything about you.” sulsol pa ng isip ni Ricco. “Ayieee. Nikikilig talaga ako” ngunit sa isang bahagi ng kanyang pagkatao ay may tumututol – “You should not be doing this Ricco” sabi ng isang bahagi. “Walang masama, nangangarap lang naman ako, wala namang masama, tanggap ko na matagal na hindi ako maaring ibigin ni Steven o kaya ay ni Alex” kontra din niya sa sariling konsensiya. Ang lahat ng ito ay pinilit niyang ignorahin, kalimutan at huwag pansinin. Mas mahalaga sa kanya ang dahilan para maging masaya. “Ricco” sabi ni Mark “may lakad ka ba ngayon?” tanong nito. “Wala naman” sagot ni Ricco “bakit?” “Sama ka naman sa amin” anyaya ni Mark. “Saan tayo pupunta?” tanong ni Ricco. “Basta naisipan ko lang na gumala tayo” saad ni Mark “namiss ka kasi ni Steven.”

75

Emmanuel R. Caleon
Nakaramdam ng kiliti si Ricco sa narinig at bigla ay namula si Steven. “Ikaw Steven, sasama ka ba?” tanong naman ni Mark kay Steven. “Ako, sige sasama ako” sagot ni Ricco sabay tingin kay Steven na para bang sinasabing sumama ito. “Sige, sama na ako” wika ni Steven. “Good, tara na.” sabi ni Mark. Buong barkada silang pumunta ng Manila Ocean Park para mag-ikot at magbonding. Dahil nga sa biglaang lakad ay walang dalang mga pera ang mga ito. Kanya-kanya sila ng withdraw sa ATM. Si Ricco na walang ATM at walang dalang pera ay sinagot na ni Steven ang mga gastos. “Ayan, dahil sa ako ang gagastos sa iyo ngayon” tila pambitin ni Steven kay Ricco “akin ka muna ngayon” sabay ang isang ngiti nito kay Ricco. “Sabi mo eh” sagot ni Ricco na nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na kiliti at kaba. Sa buong paglilibot nila ay nakaakbay lang si Steven kay Ricco, laging magkadikit at magkasama. Kuha ng litrato dito, duon at kung saan saan pa. Nais nilang sulitin ang oras na iyon, ang mga sandali na muli silang nagkasama-sama. Si Steven naman ay todo asikaso kay Ricco. “Pawis na pawis na si Ricco” sabay pinunasan ni Steven ang pawis ni Ricco. “Ayieeee” pang-aasar nila Mark. “Ang sweet naman” bati ni Drew. “Sino ang gay?” tanong ni Mark sabay ang isang tawa. 76

My All

“Mas kinikiliug pa kayo kesa sa akin ah” sagot naman ni Ricco kasunod ang isang ngiti. “Ang dudumi ng isip ninyo” singit ni Steven “siyempre naman, tagal na nating hindi nakakasama si Ricco” “Para niloloko lang” sabi ulit ni Mark “kung makareact kayo” sabay ang isang ngiti. “Tara dun tayo” aya ni Steven para lang maiba ang usapan nila. “Sige kayo na lang papahinga lang ako saglit” sabi ni Drew. “Oo nga, napagod din ako sa pag-iikot” sang-ayon ni Mark. “Biruin more, more than what I expected ang mga nandito” sabi ni Mark. “Sige Steven, tara punta tayo dun” aya ni Ricco. Natuwa naman si Steven sa sinabing iyon ni Ricco. “Basta text-text na lang kung nasaan na kayo” sabi ni Steven sa dalawa. “Tara punta tayo dun sa puro local fishes” anyaya ni Steven. “Maganda yan” sagot ni Ricco. Hindi pa man nakakalayo ang dalawa ay inakbayan na ulit ni Steven si Ricco. Habang tumatagal ay lalo pa niyang hinihigpitan at idinidiin ay akbay kay Ricco. Dinala ni Steven si Ricco sa may dulong bahagi, nasa likuran nila ngayon ang mga isdang makikita sa Pilipinas, iilan-ilan na lang ang mga tao na nasa lugar na iyon at hindi pa ginagawi ang dakong kinalalagyan nila. Umupo muna sila sa may upuang nanduon. Tangi na lang nilang

77

Emmanuel R. Caleon
naririnig ay ang ingay na nagbubuhat sa loob ng aquarium, lagaslas ng tubig at ang hanging banayad na humahagod sa kanila. “Ricco” simula ni Steven “I have something to tell you” Biglang kinabahan si Ricco “what is it all about?” sagot ni Ricco. Nanginginig man ang tinig ay pinilit ni Steven na magsalita – “I Like You and I think I‟m in-love with you” Natahimik ang mundo ni Ricco. Ito ang pinapangarap niya. May isang taong magsasabi sa kanya na mahal siya. Hindi niya alam kung paano sasagutin. May nararamdaman siya para kay Steven, ngunit hindi niya kayang lokohin ang sarili na mahal na niya ito. May taong mas matimbang pa ang nararamdaman niya. Hindi niya makakayang magsabing mahal din niya si Steven higit pa ay naguguluhan siya sa sitwasyon niya. Ayaw niyang lokohin ang sarili at ganuon din si Steven. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makasagot. “I‟m so sorry” wika ni Steven na napansin ang pag-iiba sa mukha ni Ricco. “Nasanay na ako na hanggang sa pagkakaibigan lang tayo. Pero hindi ko kayang lokohin ang sarili kong ibahin ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang ibahin ang bulong ng puso ko lalo pa at sumisigaw itong mahal kita” dugtong pa ni Steven. “Steven” tanging nasabi ni Ricco. “Matagal na pilit kong ikinukubli ang pag-ibig ko sa‟yo Ricco. May mga bagay na dapat itago para maalagaan ang iniingatang samahan. Pero natitiyak ko, panahon na para malaman mo ang pagmamahal ko sa iyo” wika ulit ni Steven. Dahan dahang pumatak ang luha ni Ricco, hindi niya alam kung para saan ang mga luhang ito. Ang alam lang niya ay naiipit siya sa isang sitwasyong lalong nagpagulo sa katauhan niya. Purung-puro ang emosyong isinisigaw ng kanyang damdamin. 78

My All

Purung-puro ang mga luhang dumadaloy sa mga mata niya. Purung-puro ang mga emosyong naghahalo at nagkokontrahan sa kanyang isipan. Dahan-dahang pinunasan ni Steven ang mga luha ni Ricco – “Mahal kita Ricco at karapatan mong malaman iyon” sabi nito “Sorry kung bigla kong sinabi sa iyo, hindi ko na matitiis ang isa pang araw na hindi mo nalalaman ang tunay na laman ng puso ko.” “Steven” pinalakas ni Ricco ang sarili “I also like you but I am not sure if I‟m in- love with you” usal ni Ricco. “Hindi ako sigurado sa nararamdaman ako, at ayokong sabihing mahal din kita higit pa ay pagkakaibigan natin ang nakasalalay. Pero sigurado ako, nandito ka din sa puso ko.” sabi ni Ricco. “Sapat na iyan para sa akin Ricco” sabi ni Steven “Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa pagmamahal ko sa iyo. Ang hiling ko lang ay huwag sanang magbago ang pagkakaibigan natin” sabi pa ni Steven “alam kong mahirap gawin iyon pero sana iyon ang mangyari.” “Hindi mahirap gawin iyon Steven, mapapanatili natin ang pagkakaibigan natin at walang magbabago sa samahan natin” sagot ni Ricco. Agad siyang niyakap ni Steven at hindi nga angtagal ay natuyo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad na nilang hinanap sila Drew at Mark at inaya na para umuwi. Pagkauwi sa bahay ay agad na siyang nahiga sa kanyang silid at inisip ang nangyaring eksena sa pagitan nila ni Steven. “Steven, hindi ko kayang masuklian ang nararamdaman mo para sa akin, higit pa at naguguluhan ako sa nadarama ko kay Kuya Alex. Si Kuya Alex ang dahilan nitong damdaming hindi ko maipinta” sabi ni Ricco sa sarili. Sa ganitong pag-iisip ay hindi niya namamalayang iginupo na siya ng antok at nahimbing sa pagkakatulog.

79

Emmanuel R. Caleon
“Ricco” tawag nang nanay ni Ricco “bumangon ka na diyan.” Dali-daling iminulat ni Ricco ang mga mata at nagsabing “Good Morning Heavenly Father” at isang ngiti ang pinawalan niya patungong langit. Pagkatapos nuon ay tiningnan niya ang cellphone niya para alamin kung anong oras na. Laking gulat niya ng makitang mag-aalas nuwebe na ng umaga. Dali-daling lumabas ng kwarto na hindi man lang inaayos ang sarili. Nahiya naman siyang bigla nang makitang may bisita pala sila at humarap siya ng ganuon ang bikas. Lalo pa siyang nahiya ng makitang si Alex pala iyon. “Hindi ka na nahiya Ricco” sabi ng nanay niya. “Late ka na naman” bati ni Alex sa kanya. “Sorry naman” tanging sagot niya. Nagmamadali na siyang kumilos dahil alas diyes ang simula ng another round of audition para sa kanya. Hindi na nga nagtagal at handa na siyang umalis. Agad niyang kinuha ang cellphone at higit pa, hindi niya napansin kanina ang dami ng textmessages para sa kanya. Karamihan ay galing kay Steven, humihingi ng sorry sa nangyari nung gabi, tulad ng inaasahan, paulit-ulit lang na sinend. Meron ding galing kay Alex at text message ng load. Sa pinakahuling message na binuksan niya ay kay Steven – “Best, hnd n ntn npguspn ung lakad mo neun.. sayang hnd ko nadinig ung kanta mo.. hehehe.. basta best gudluk seu.. kaya mu yn.. ” “Salamat best, the best ka talaga. ” reply niya. “Time check, one minute late” sabi ni Jeannie. “Tara na sa loob at hinihintay na kayo” sabi ni Ahron. “Ricco, stay outside, hintayin mong tawagin ka namin sa loob.” paalala ni Jeannie. 80

My All

“Yes Ate Jeannie” sabay ang isang ngiti mula dito. Matagal-tagal din silang naghihintay sa labas. Sa katunayan nga ay napag-usapan na nila ni Rina ang tungkol sa sariling buhay. Si Rina ang talagang nagustuhan ng Ching – Yee Company. Nalaman niyang anak pala ito ng may-ari ng Crystal Cove Condominium Unit at Presidente ng Margarita Golf Club. Nalaman niyang ang kumpanya pala nila ay partner na ng Ching – Yee at nakaline-up na din para maging alliance ng Trio Advertising Group. Unang pinakanta si Rina, ang inihanda nito ay ang kanta ni Whitney Houston na I Will Always Love You. Iginud-luck pa nga niya ito bago pumasok. Wala pang bente minutos ay siya naman ang tinawag. Tatapatan din niya ito ng Whitney Classic ang One Moment in Time. Palibhasa ang mga kapatid niyang babae ay isang Celine Dion, isang Mariah Carey at isang Whitney Houston. Ang buong bahay ay puro ganuong mga kanta ang umuugong. Sa simula pa lang ay nararamdaman na niya ang kanta. Hindi niya namamalayan na bigla niyang naiba ang paligid. Napuno niya ng pangarap ang lahat ng nasa silid na iyon. Binigyan niya ng bagong kulay ang bawat isang nakakarinig sa kanya. Natapos ang lahat, nagbigay ng komento ang mga anduon sa lugar. Puro papuri ang nakuha niya. Bukod sa kinatawan ng Ching – Yee Company ay anduon din ang CEO nito. Ipinakilala din sa kanya ang mga taong nasa loob. Puro presidente ng mga kumpanya – mga tatay nila Ahron, Jeannie at Alex. Ilang sandali pa ay lumabas na din siya. May katagalan din siyang naghintay na labasin siya ni Alex. Malungkot ang mukha ng tatlo. Si Jeannie na ang nagbalita sa kanya. Malungkot, na sinabi ni Jeannie – “Riccs, so sorry but they prefer Rina for some reasons” Hindi alam ni Ricco kung paano sasagot o ano ang mararamdaman. Nginitian na lang niya ang mga ito.

81

Emmanuel R. Caleon
“O, ako naman iyong hindi natanggap bakit parang kayo ang nalugi?” biro niya sa mga ito “ah alam ko na, nanghihinayang kayo sa ginastos ninyo noh” dugtong pa nito. “Ikaw talaga” sabay batok sa kanya ni Ahron. “Kasi kapatid ka na namin at nasaktan kami dahil kitangkita namin na hindi mo nakuha ang dapat na sa iyo” sagot ni Jeannie. “Naku ang mga bagong pulot kong kapatid” napabuntong hininga muna si Ricco “Hindi ko mo‟t hindi ako nakuha ay nabigo na ako. Ang tagumpay ay hindi nakikita sa material na repleksyon o babase sa resulta. Ang tagumpay ay ang katuparan na tunay mong hangarin. Sa nangyari, ang gusto ko lang na mangyari ay makita nilang nagbago na ako, maipadama ko sa kanila ang kanta at muli ay maging bahagi ako ng buhay nila. Kasama din duon iyong gawin ang lahat ng kaya ko para hindi kayo mapahiya.” dugtong pa nito. “Oo na, hindi na kami malulungkot” sabi ni Ahron. “Sige na uwi na ako” paalam ni Ricco sa mga ito. “Hatid na kita” wika ni Ahron. “Huwag na, commute na lang ako” sinabayan ito ng ngiti ni Ricco. Mabilis na lumakad palayo si Ricco. Mabilis, iyong tipong hindi siya makakayang abutan ng kahit na sino. Mabilis na tipong hindi sumasayad sa lupa ang kanyang mga paa. Pagkadating niya sa bahay ay pilit niyang itinago ang nararamdaman. Walang ibang tao sa bahay. Ang mga kapatid niya ay nasa sari-sarili na nitong mga bahay at minsan na lang dumalaw, ang ama nitong nasa bukid palibhasa ay malapit na ang anihan at ang nanay niyang nasa eskwelahan dahil kahit sabado ay pumapasok pa din ito.

82

My All

Agad siyang humiga sa sofa at unti-unting pumatak ang luha sa mga mata niya. Nakatulog siya sa ganuong ayos. Nagising na lamang siya ng maramdaman niya may yumuyugyog sa kanya. “Ricco” sabi nito “Gising ka” “Bakit?” pupungas pungas niyang tanong at unti-unti niyang dinilat ang mga mata. Laking gulat niya sa nakitang si Kuya Alex niya ito. “Oh” gulantang na bati niya “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. “May pupuntahan tayo” sabi ni Alex. Matapos nito ay agad niyang hinila si Ricco palabas. Isinara muna ni Ricco ang bahay at walang ayos-ayos sa sarili ay hinaltak ulit siya ni Alex. Tahimik ang buong sasakyan hanggang sa marating nila ang pupuntahan. Sa isang bar siya dinala ni Alex. Unang beses pa lang niyang nakatapak sa ganuong uri ng lugar. Maingay, masaya, puno ng mga kabataang kita mo ang antas sa lipunan. “Wahaha, makalandi nga ngayong gabi” wika ni Ricco sa sarili. Agad silang naupo sa may tapat ng bartender. Wiling wili siya sa mga tricks na ginagawa nito. Higit pa, mas wili siya sa tinutugtog ng live band. Hanggang sa nagtanong ang bokalista/host kung sino ang gustong kumanta. Agad siyang tinuro ni Alex. Walang patumangga siyang hinila nito papunta sa harap. “Alex, ikaw pala yan” bati ng bokalista ng banda. “Anak ng tinapa” sa isip isip ni Ricco “kilala pala ni Kuya Alex ang mga „to” “Pare, pakantahin niyo ito” sabay ang turo kay Ricco at sabay tingin na din na tila ba nagmamakaawa ito. “Walang problema pare” sagot ng bokalista ng banda. 83

Emmanuel R. Caleon
Sino ba naman siya para hindian si Alex, sa titig nito sa kanya ay tila natunaw na siya sa kinatatayuan niya. Agad niyang tiningnan kung ano ang pupwede niyang kantahin. Laking tuwa niya ng makita ang isang kantang gustong-gusto niya. “Kuya For Your Entertainment po by Adam Lambert” request ni Ricco. “Good” sagot naman nito. “Dancers ready” saad pa nito “For Your Entertainment daw” sabi naman sa mga kasamahan. Sinimulan na ang tugtugan. Laking gulat ni Ricco nang makitang may dancers na siyang kasama sa stage. Tila lalo niyang minahal ang stage kaya naman ay sumabay na siya sa step ng mga ito. Total performance ang ginawa niya. Natapos ang buong kanta ay nagrequest pa ng isa ang mga audience. Pinagbigyan naman ito ni Ricco kung kayat kinanta niya ang Live Like We‟re Dying ni Kris Allen. Pagkababa niya ng stage ay binati siya ni Alex at agad na inakbayan. “Galing naman, kala ko Whitney, Mariah at Celine lang ang alam mo” tila pang-uuyam nito. “Siyempre may iba akong taste sa kanta” sagot ni Ricco. Isang napakatamis na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Alex. Inaya siya nito sa rooftop ng bar. Pagkadating nila sa taas ay namangha siya sa nakita. Mga puting telang nakabitin na animo ay nililipad ng hangin. Ang mga ilaw na nagpatingkad sa mga pulang telang nakaligid naman. Sa bawat tapakan ay may mga sari-saring bulaklak. Sa may di kalayuan ay nakahanda ang isang lamesang nakaayos na nalilibutan ng mga orkidyas at natatanglawan ng maliwanag na ilaw. Malamig ang hangin, masarap sa pakiramdam, inakay siya ni Alex papunta sa mesa at biglang tumutog ang chorus ng kantang I Can‟t Fight This Feeling Anymore pagdating nila sa mesa. 84

My All

Biglang lumuhod sa harap niya si Alex. May kung anong kinuha ang mga kamay niya mula sa likuran. Pagbukas ng mga palad nito ay nakita niya ang isang kwintas. Nagsalita si Alex – “Tulad ng sinasabi sa kanta I Can‟t Fight this Feeling I have for You Ricco. Pakiramdam ko sa bawat araw na pilit kong nilalabanan ay nababaliw ako.” isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alex “Mahal kita Ricco” Sa pagluhod palang ni Alex ay alam na ni Ricco ang mangyayari, pero iba na, nang marinig na niya mula sa bibig nito ang mga katagang “Mahal kita Ricco” ay nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Bigla siyang napaupo sa sahig, subalit imbes na makadama ng hiya ay sumagot ito – “Mahal din kita Kuya Alex” sagot ni Ricco. Ngayon nga ay nagkapantay na ang kanilang mga mukha at unti-unting inilapit ni Alex ang mukha kay Ricco, ang kanilang mga labi ay naglapat. Mariin at dahan dahan nilang nilasap ang bawat sandaling magkalapat ang kanilang mga labi. Maingat si Alex sa ginagawang paghalik, nais niyang ang halik na iyon ang magsabi kay Ricco kung gaano niya ito kamahal. Samantalang para kay Ricco, ang ganitong eksena ay sa pangarap lang niya nagagawa at hindi makapaniwalang ito na ang nararanasan niya ngayon. Buong pagmamahal nilang ginagawa ang bagay na ito. Buong puso nila hinahayaang manatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Si Alex na ang nagbigay ng huling halik. Naunang tumayo si Alex at dahan-dahang inalalayan si Ricco para makatayo. Pagkaupo nila ay nagbiro si Ricco – “ikaw kasi, hindi mo muna ako pinaupo ayan nabuwal tuloy ako” “Sabihin mo planado mo iyon para mahalikan ako” ganting biro ni Alex. “Hindi kaya” sagot ni Ricco. “Hindi kung hindi” sabay ang ngiti kay Alex “I Love You” pahabol pa nito. 85

Emmanuel R. Caleon
Nangiti si Ricco sa huling sinabi ni Alex. “Walang sagot?” tampong tanong ni Alex “I Love You” “I Love You Too” nahihiyang sagot ni Ricco. “Nahihiya si Ricco ko” sabi ni Alex “huwag ka nang mahiya, dapat masanay ka na” “Ayan na, tayo na mula ngayon” sabi ni Alex na sinagot naman ni Ricco ng tango. Masayang nag-usap ang dalawa, ngayon nga ay malaya na ang mga puso nila at alam nilang haharap sila sa bagong yugto ng buhay na sila ang magkasama. Hinatid ni Alex sa bahay si Ricco. Hindi na siya pumasok pa sa loob, ngunit bago bumaba sa kotse si Ricco ay hinalikan niya itong muli – “salamat at pinakawalan mo ang isang damdaming akala ko ay hindi ko na mararanasan. Ikaw pala ang taong matagal ko ng hinihintay para punan ang kulang sa puso at buhay ko.” at isa pang halik at ginawad ni Alex kay Ricco. Ngiti lang ang sagot ni Ricco at bumaba na siya sa kotse at nagpaalam. Ang batang puso ni Ricco ay natutunang magmahal sa unang pagkakataon at ang mapaglarong puso ni Alex ay sa wakas na naitali na at magtitino sa isang tulad ni Ricco.

86

My All

“Alam ko na DAK na lang” sabi ni Ricco. “Ampangit” sabi ni Alex. “DAK na lang, stands for Dahil Akin Ka” giit ni Ricco.

87

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 9 Sa Bagong Himig Maganda ang naging tulog ni Ricco ng gabing iyon. Napawi ang lahat ng lungkot niya sa nangyaring pagkabigo na makapasok sa Trio Advertising Group. Isang Alex lang ang may kayang paalisin ang lungkot na nadarama ng puso niya. Pagbangon niya ay takang-taka ang nanay niya kung bakit maganda ang aura niya. “Ricco, tamang-tama pala ang gising mo, may bisita ka” bati ng nanay ni Ricco sa kanya. Laking gulat niya ng makitang si Alex pala ang tinutukoy na bisita niya at ngayon ay namamangka at kausap ang tatay niya. Lumulundag ang puso ni Alex sa saya dahil muli ay nasilayan niya ang mukha ng pinakamamahal na si Ricco – “Good Morning Ricco” bati sa kanya ni Alex. “Good Morning Kuya” sagot naman niya dito. “Talagang good ang morning kung ang una mong masisilayan ay ang taong mahal mo” bulong ng isipan niya. “Kumain ka na. Hindi mo sinasabing may lakad pala kayo ni Alex” sabi ng nanay niya. “Lakad?” tila nagtatanong na nilingon niya si Alex. “Di ba magsisimba tayo nila Ahron at Jeannie?” pagpapalusot ni Alex. “Ah, oo nga pala” pagsakay na lang ni Ricco sa sinabi ni Alex. 88

My All

“Alex, pumarini ka na ay sabayan mo na kaming kumain.” aya ng nanay ni Ricco kay Alex. “Huwag na po, kakatapos ko lang po sa bahay.” sagot ni Alex. “Anong kakatapos, sumabay ka na, nahihiya pa kasi.” sabay hatak kay Alex papuntang kusina. Pagkatapos kumain ay agad na naligo si Ricco. Mabilis na nagbihis at nag-ayos. “Sige po Ma‟am and Sir, hiramin ko po muna si Ricco.” at isang ngiti ang binigay niya sa mga magulang ni Ricco. “Sabi ko nanay na lang at tatay” nakangiting wika ng nanay ni Ricco. “Humayo na kayo, mag-iingat lang kayo” sabi naman ng tatay ni Ricco. “Sige po, alis na kami” at nagmano na si Ricco sa nanay at tatay niya “hindi ko na po kayo masasamahan na magsimba.” Saktong papasimula ang misa ng narating nila ang simbahan. “I love you Ricco” kasunod ang isang halik na bati ni Alex. “I love you too Kuya Alex” alangan pa ding sagot ni Ricco kasabay ang isang matamis na ngiti. “Ayos na siguro na dito tayo magpark.” sabi ni Alex “baba na tayo” anyaya ni Alex kay Ricco. Mabilis na natapos ang misa. Pagkatapos ng misa ay nagaya si Alex na mamasyal na muna. Inilibot ni Alex si Ricco sa

89

Emmanuel R. Caleon
buong bayan nila. Nang magtatanghali na ay dinala niya si Ricco sa bahay nila para duon na kumain. “Pa, Ma, this is Ricco” pakilala ni Alex kay Ricco. Nginitian ni Ricco ang dalawang matanda at inabot ang kamay para magmano. “Good afternoon po Ma‟am and Sir” sabay ang ngiti ni Ricco. “Nice meeting you hijo.” sabi ng mama ni Ricco. “The best voice I‟ve ever heard” sabi ng papa ni Ricco “nice meeting you Ricco” “Thank you sir” nakangiting wika pa din ni Ricco. “Good afternoon kuya” nagmamadaling pagbaba ng hagdan ni Clarise. Kasunod ni Clarise si Lloyd. “And Ricco, these are my younger siblings” sabay turo sa dalawang kapatid “this is Lloyd and this is Clarise.” “Lloyd and Clarise this is Ricco. Ka-age lang ninyo siya so don‟t call him kuya” “Hay nikikilig na naman ako, pinapakilala na niya ako sa pamilya niya. Kasalan na kasunod nito. Ayieee Ricco.” buyo niya sa sarili. “Sir, ready na po ang lunch natin” tawag ng maid nila Alex sa kanila. “C‟mon, the table is ready” anyaya ng Papa ni Alex. Naninibago man dahil sa walong kutsarang nakalagay sa harapan niya, limang tinidor, dalawang kutsilyo at dalawang baso ay hindi niya magagawang lokohin ang sariling alam niya kung 90

My All

paano gumamit ng mga iyon. Mas gusto niya ay ang maging totoo sa sarili imbes na magkubli at magpanggap na isa siyang kauri. Alam ni Alex kung ano ang iniisip ng mahal niyang si Ricco kung kaya naman – “Pa, Ma, bakit naman kayo nagprepare ng ganitong set-up? You know so much that I am not comfortable with this and Ricco as well is not comfortable with this set-up.” sabay ang ngiti niya sa mga magulang. “Tama si kuya. Mas gusto ko iyong maging simple lang” sang-ayon ni Clarise. “Sinabi mo kasi na may kasama kang kaibigan, kaya nagpahanda kami ng ganito. Just for him to feel that he is welcome” sagot ng mama ni Alex. “Anyways, I want you to feel comfortable and at ease Ricco” sabi ng Papa ni Alex “get the other utensils, just leave with us the common spoon and fork.” utos ng ama ni Alex sa mga maid. “Nakakahiya naman po sa inyo at nagpalit kayo ng set-up dahil sa akin” sabi ni Ricco. “It is not a big deal Ricco” sabi ni Lloyd. Nagbitaw si Lloyd kay Ricco ng kakaibang titig at nagtapon ng makahulugan at kakaibang mga ngiti. Napansin ito ni Alex. Hindi niya mawari na tila ba gusto niyang sapakin ang kapatid dahil sa tingin nito ay may pagnanasa ito sa Ricco niya. Natapos ang tanghalian, namahinga lang ng kaunti at kwentuhan ng ayain ni Alex si Ricco para pumunta sa kanilang private resort. Agad din namang pumayag si Ricco, bagamat hindi pa gaanong kumportable na kaharap ang pamilya ni Alex ay nagagawa naman niyang makisakay na sa mga biro at hilig ng mga ito.

91

Emmanuel R. Caleon
Pagdating sa private resort ay agad na naghubad si Alex ng damit. Tanging bower shorts lang ang suot nito. Titig na titig si Ricco sa itsura ng kasintahan. – “Yummy. Yummy ng Alex ko. I need some rice” bulong ng isipan ni Ricco. “Hoy!” gulat ni Alex “anong tinitingnan mo?” tanong nito “ah, lam ko na, pinagnanasaan mo ang katawan ko no?” sabi nito. Agad namang namula si Ricco “hindi kaya. Wala namang kanasa-nasa sa katawan mo ah” kontra nito. “Kung gusto mo, sabihin mo lang ibibigay ko sa‟yo ng buong-buo” sabay lapit kay Ricco at inangkin ang mga labi nito. “Ricco, huwag kang bibigay. Pakipot ka muna” – bulong ng isipan ni Ricco. “Ano, gawin na natin?” unti-unti niyang hinuhubaran ng damit si Ricco. “Lumaban ka Ricco” sigaw ng damdamin ni Ricco at hinawakan niya ang mga kamay ni Alex na tila may sariling mga kamay at siniil ng halik ang mga labi nito. May ibinulong ito sa tenga ni Alex – “kung gusto mong may mangyari sa atin, kailangang masigurado kong hindi mo ko iiwan, pag naipakilala mo na akong asawa mo sa mga magulang mo.” sabay tayo ni Ricco. “Good boy Ricco” sabi ni Ricco sa sarili. Naiwan namang bitin at tameme si Alex. Bago pa man makalayo si Ricco ay nahabol niya ito – “huwag kang mag-alala, malapit na.” tila sagot ni Alex sa hamong ibinigay sa kanya ni Ricco. Isang nakakawiling ngiti lang ang iniwan at isinagot ni Ricco sa sinabing iyon ni Alex.

92

My All

Naupo si Ricco sa may gilid ng pool, nakababad sa tubig ang mga paa niya. Sa ganuong ayos ay tinabihan siya ni Alex. Inakbay ni Alex ang kaliwang kamay niya sa balikat ni Ricco at si Ricco naman ay humilig sa sa katawan ni Alex. Hawak ng kanang kamay ni Alex ang kaliwang kamay ni Ricco. Nakababad sa tubig ang mga paa nila at ramdam ang init ng kanilang katawan. “I love you Kuya Alex” sabi ni Ricco. Napangiti si Alex sa sinabing iyon ni Ricco “sabi ko sa iyo masasanay ka ding mag I love you sa akin” sabi ni Alex “I love you too my Ricco” “Kuya, salamat po” sabi ni Ricco. “Salamat din Ricco dahil sa iyo alam ng puso ko kung saan na tutungo.” sagot ni Alex “saka wag mo akong tatawaging Kuya pag tayong dalawa na lang” “Bakit naman?” angil ni Ricco “ano itatawag ko sa‟yo? Alex lang? Parang wala lang tayo kung Alex lang.” kontra ni Ricco. “Baby kasi ang itatawag ko sa‟yo” sabi ni Alex “Daddy na lang para masaya” sagot ni Alex. “Alam ko na DAK na lang” sabi ni Ricco. “Ampangit” sabi ni Alex. “DAK na lang, stands for Dahil Akin Ka” giit ni Ricco. “Ang baby DAK ko nakakaisip pa ng ganuon” sabay halik sa noo ni Ricco. “Kasi naman Daddy DAK para lagi mong maaalala na akin ka na” sagot ni Ricco. Madilim na ng ihatid pauwi ni Alex si Ricco. Ayaw pa sana nilang maghiwalay ngunit hindi pwede. May pasok si Ricco 93

Emmanuel R. Caleon
kinabukasan at kailangang magpahinga. Kaya naman sa susunod na lang sila ulit magkikita. Mahalaga, alam nilang mahal nila ang isa‟t-isa. Pagka-uwi ni Ricco ng bahay ay agad niyang tiningnan ang cellphone na naiwan niya. Laking gulat niya ng makitang 49 messages received. Binuksan niya isa-isa. Sa tantya niya ay 40 duon ang galing kay Steven. Nangangamusta sa nangyari kahapon, nagbibilin at nagpapaalala. Naisip niyang sabihan na si Steven na wala siyang maasahan pa mula sa kanya at buo na ang desisyon niyang ipagtatapat ito bukas. Nireplayan niya si Steven – “best, sorry ngayon ko lang nabasa text mo, hayaan mo kukwentuhan na lang kita bukas. Salamat best. Ingat ka lagi. ” Pagkatapos nuon ay tinext naman niya si Alex – “Daddy DAK, ingat ka sa biyahe” “I LOVE YOU BABY DAK! Opo mag-iingat ako para sa BABY DAK ko. I MISS YOU” agad na reply sa kanya ni Alex. “Love you too Daddy DAK. Sige na mamaya na ikaw reply pag nasa bahay ka na. Miss you too po.” Pagkadating nga ng bahay ay hindi na text ang ginawa ni Alex, tinawagan na niya si Ricco. Nag-usap ng kung anu-ano. Tila ba hindi sila maubusan ng kwento. Kinantahan ni Alex si Ricco sa kabilang linya. Walang anu-ano ay tila ba isang batang hinehele si Ricco ay agad itong nakatulog. Nang maramdamang tulog na si Ricco ay – “Goodnight baby DAK. I love you and Godbless” sabay pindot sa end call.

94

My All

“I am in love with someone” sabay tingin kay Steven “but it is not you” prangkang sinabi ni Ricco sabay ang tingin sa malayo. Hindi niya kayang makita ang bestfriend niya na nasasaktan higit pa ang dahilan ay siya.

95

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 10 Dito sa Aking Puso “Best” masayang bati ni Ricco kay Steven. “Kamusta na, ano nangyari sa lakad mo nung sabado?” bating tanong ni Steven kay Ricco. “Ayun, rejected pa din ako.” sagot ni Ricco. “Ha! Bakit na naman daw?” tanong ni Steven. “Ewan ko, basta, wag mo na lang isipin iyon” sagot ni Ricco at pinawalan ang isang ngiti. “Ah, nga pala best” sabi ni Ricco “punta tayo baywalk mamaya” “Bakit naman bigla kang nag-aya?” sabi ni Steven. “Wala lang, basta punta tayo baywalk” sabi ni Ricco “tayo lang ah” at nginitian niya si Steven. Tuwang-tuwa si Steven sa mga sinabing iyon ni Ricco. Hindi na siya makapaghintay pa na matapos ang klase nang sa gayon ay makasama niya si Ricco. Pakiramdam niya ay iba ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Isang uri ng kabang hindi niya mawari kung ano ang nais ipakahulugan. Sa baywalk, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Steven. Hindi mapanatag, hindi niya maigapos upang mapahinahon. Sa kabilang banda ay kinakabahan din si Ricco sa kung paano sisimulan ang usapan nila ni Steven. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang katotohanan. Maya-maya pa – 96

My All

“Ricco maupo muna tayo” anyaya ni Steven Kay Ricco. “Ah, Best” alangang simula ni Ricco ilang sandali nilang maupo. “Ano iyon best?” tanong ni Steven. “May sasabihin sana ako, pero sana ipangako mo, nothing will change between us.” Nanginginig na boses ni Ricco. Lalong kinabahan si Steven sa sinabing iyon ni Ricco. Hindi niya matukoy kung ano ba talaga ang gustong sabihin ni Ricco. May ideya na siyang tatanggihan nito ang inaalok niyang pag-ibig subalit sa kabilang bahagi ng kanyang pagkatao ay sinasabing ang kabaliktaran ang mangyayari. “Promise!” sagot ni Steven. “Best” simula ulit ni Ricco. “Yes” sagot ni Steven. “I am in love with someone” sabay tingin kay Steven “but it is not you” prangkang sinabi ni Ricco sabay ang tingin sa malayo. Hindi niya kayang makita ang bestfriend niya na nasasaktan higit pa ang dahilan ay siya. “Di ba sabi ko naman sa‟yo nung nakaraan na I like you pero hindi ko sigurado kung love ba iyon” simula ulit ni Ricco “best sigurado na ako, hanggang friendship lang ang kaya kong ibigay sa‟yo. Ayokong mahulog ka pa ng mas matagal sa damdamin mo para sa akin kaya sinabi ko na agad sa‟yo.” “Huwag kang mag-alala best” tila pag-awat ni Steven kay Ricco “I understand” sabi ni Steven na hindi na napigilan pa ang mga luha. Tiningnan ni Ricco ang kaibigan at binigyan naman siya nito ng isang ngiti. Ngiting puno na pait at kalungkutan. 97

Emmanuel R. Caleon
“Best” sabay akbay kay Ricco at hawak sa kamay nito. Wala siyang pakialam sa kung may makakita sa kanila o may mga matang mapanghusga ang tumuligsa sa kanila “tandaan mo Dito sa aking puso, iisang pangalan lang ang laging maririnig. MySon Ricardo delos Reyes, iyon lang at wala ng iba” sabay kuha sa kamay ni Ricco at ginawaran ng isang halik. Hindi na din napigil pa ni Ricco ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata. Ang damdaming kanina pa nais kumawala ay unti-unting naipadama sa pamamagitan ng mga luhang ngayon ay nag-uunahan sa pagdalaoy mula sa kanyang mga mata. “Best, nothing will change between us. I promise.” sabi ni Steven. Isang ngiti lang ang sinagot ni Ricco dito. Dalawang buwan na din ang nakakalipas buhat ng malaman ni Steven ang nilalaman ng puso ni Ricco. Sa mga unang linggo ay nagkakailangan,ngunit hindi naman nagtagal ay naibalik ang dating samahan. Oo nga at mahirap ngunit kung talagang nanaisin ay magagawan ng paraan upang ibalik ang lahat sa dati. “Best, malapit na Christmas” bati ni Steven kay Ricco. “Oo nga best! Ano ba regalo mo sa akin?” tanong ni Ricco. “Wala, bakit naman kita reregaluhan” sabay ang ngiti ni Steven. “Ah, ganun pala” sabi ni Ricco. “Joke lang best, siyempre meron” sabay gulo sa buhok ni Ricco. Napangiti naman si Ricco sa ginawang iyon ni Steven. 98

My All

“Tara na nga at umuwi na tayo” yaya ni Steven. “Una na kayo, wala pa si Kuya Alex, may lalakarin kasi kami ngayon” sagot ni Ricco. “Sige hintayin na natin si Kuya Alex” sang-ayon naman ni Steven. “Maki-hitch nadin tayo para walang gastos sa pamasahe” sabi naman ni Mark. Lahat silang barkada ay kuya na ang tawag kay Alex. Sinabi niya kay Steven ang lahat lahat, ang tungkol sa kanila ni Alex at sa takbo ng relasyon nilang dalawa. Sinabi na din niya kay Alex ang tungkol kay Steven, ang lahat lahat ng tungkol dito, bawat detalye, bawat sulok at bawat pangyayari. Nagkakilala na din ang dalawa. Walang pangamba naman si Alex na hinahayaan niya na manatili ang pagkakaibigan ni Ricco at Steven. Mas mahalaga sa kanya ang paraan kung paano iingatan si Ricco. Ilang sandali pa at – “mga pare, tara na, nasa gate na daw si Kuya Alex” anyaya ni Ricco sa mga kaibigan. “Kuya Alex, pasabay daw sila” bati ni Ricco kay Alex. “Sure” sagot ni Alex kay Ricco “sakay na kayo” anyaya naman niya sa mga barkada ni Ricco. Sa unahan sumakay si Ricco katabi si Alex samantalang ang tatlo ay sa likuran. Palibhasa ay Christmas Vacation na at uuwi ang mga ito sa kani-kanilang mga probinsiya. Si Mark ay sa Laguna, si Drew ay sa Quezon Province at si Steven ay Batangas. Sa iisang terminal nagpababa ang tatlo, lahat sila ay sa South samantalang si Ricco ay sa Bulacan. Dinala ni Alex si Ricco sa Trinoma. Nag-ikot, naglibot, kumain at namili. Namili ng kung anu-ano. Tutol man si Ricco dahil kalahati ng binili ni Alex ay para sa kanya ay wala naman

99

Emmanuel R. Caleon
siyang magawa dahil lagi at laging si Alex ang may control sa mga gastusin. “I want this Christmas terno tayo ng suot” sabi ni Alex sabay ang isang pilyong ngiti. “Ano tayo kambal?” birong sagot ni Ricco. “Nope” sagot ni Alex “mag-asawa” “Cheesy” sabay ang isang nakakalokong tawa mula kay Ricco. Hatinggabi na ng makarating sila Ricco at Alex sa bahay nila Ricco. Sa sobrang bagal ng usad ng traffic dahil nga sa uwian ng mga magbabakasyon. “Good Evening po Nanay.” bati ni Alex sa nanay ni Ricco sabay mano. “Hinatinggabi ata kayo” bating tanong ng nanay ni Ricco sa dalawa. “Kasi si Kuya Alex ang bagal mamili” sisi ni Ricco kay Alex. “Ikaw kasi ang kulit mo” sagot naman ni Alex. “Hala, kumain na muna kayo” sabi ng nanay ni Ricco. “Huwag na po, kakakain lang po namin.” tanggi ni Alex. “Kayo, bahala kayo, basta pag nagutom kayo may pagkain sa kusina” sagot ng nanay ni Ricco “matutulog na ako at maaga pa akong babalik sa eskwelahan bukas” dugtong pa nito “Alex, dito ka na lang matulog” pahabol pa ng nanay ni Ricco. Nangiti lang si Alex at tuloy nang pumasok sa kanilang silid ang nanay ni Ricco. 100

My All

“Tara na kumain na tayo, alam ko namang kanina ka pa gutom” sabi ni Ricco. Tawa lang ang sagot ni Alex. “Kunwari ka pa” sabi ni Ricco matapos nilang kumain “pakipot ka pa ang dami mong nakain” dugtong pa nito. “Sarap kasing magluto ni nanay eh” sagot ni Alex “sige uuwi na ako Baby DAK” paalam ni Alex. “Ingat Daddy DAK” sabi naman ni Ricco. “Babye baby DAK” ulit uli ni Alex. “Babye daddy DAK” sagot ulit ni Ricco. “Bye bye” sabi ulit ni Alex na nasa may pintuan. “Bye bye po” sagot ulit ni Ricco. “Paalam na baby DAK” sabi ni Alex. “Sige na alis na” sagot naman ni Ricco at isang ngiti ang pinawalan nito. “Baby DAK” sabi ni Alex kay Ricco sabay lapit “dito na lang ako matutulog” pakiusap ni Alex “please” “Pakipot ka pa kasi” at ginawaran ni Ricco ng halik sa pisngi si Alex “sinabi na kasing dito ka matulog ba bye ba bye ka pa diyan” “Salamat Baby DAK” sagot ni Alex “I Love You” sabay buhat ni Alex kay Ricco papuntang kwarto nito. Nagpalit na ng damit ang dalawa. Si Ricco ay nakasuot ng orange na boxer short at fit na white sando, kita ang bunga ng isang buwang hirap nila Alex, Ahron at Jeannie, kita sa suot ni Ricco ang lean body nito. Samantalang si Alex naman ay fitted 101

Emmanuel R. Caleon
black sando at black boxer shorts na bakat na bakat ang ganda ng hubog ng katawan nito. Ang maputi at makinis na kutis ay lalong napatingkad ng suot niyang damit. “Wow! Yummy! Felix bakat” wika ng maduming isip ni Ricco “Ricco, be gentle, pakatino ka” saway niya sa sarili. Pagkapalit ng damit ay nahiga na si Alex. Nasa isang gilid siya samantalang ang kamay at paa niya ay nasakop ang buong higaan. “Aba naman” sabi ni Ricco. Pinilit niyang iaayos ng higa si Alex subalit ganuon pa din, pagnaayos ang kamay ay babalik ang paa sa dati. Pag naman inaayos ang paa, ang kamay naman ang babalik sa dati. Walang nagawa si Ricco kung hindi sa mga bisig na lang ni Alex humiga. Inilock na muna niya ang kwarto bago tuyluyang ihiga ang katawan sa kama at ang ulo ay ipatong sa mga braso ng kanyang Daddy DAK. Hindi pa man nakaka-ayos ng higa ay agad na sumara ang mga bisig ni Alex. Napagulong siya palapit sa katawan nito. Ngayon nga ang posisyon nila ay nakayakap siya sa katawan ni Alex, ang kamay niya ay nasa dibdib nito, samantalang isang kamay nitong nakasapo sa ulo niya ay hawak ang kanyang likuran at ang isa pang kamay ay nakahawak sa naman sa kamay niyang nasa dibdib nito. Agad na nagdilat ng mata si Alex – “Huwag ka ng pakipot” sabay ngiti niya “ganito dapat natutulog ang mag-asawa” sabi pa niya. Napangiti na lang si Ricco dahil sa katotohanan ay gusto talaga niyang ganito ang mangyari. Matutulog ng may kayakap hanggang sa pag-gising ay magkayakap pa din. “Tandaan mo Ricco, Dito sa Puso ko, iisang himig lang ang maririnig mo iyon ay ang himig ng pagmamahal ko sa iyo” sabay ang isang halik sa noo ni Ricco. Kinantahan ni Alex si Ricco hanggang sa makatulog na ng tuluyan ang kanyang Baby DAK. 102

My All

Pakiramdam ni Ricco ay ligtas siya sa anumang panganib ng mga sandaling iyon. Iba ang pakiramdam niya na alam niyang nakasandal siya sa bisig ng taong aalagaan siya sa habang-buhay. Masaya ang puso niya higit pa ay umaawit ito ng himig ng pagmamahal para sa kuya Alex niya.

103

Emmanuel R. Caleon

Nawindang ang pagkatao ni Ricco, biglang lungkot ang nadama nito. Ngayon ay naiintindihan niya ang nararamdaman. Nagseselos siya.

104

My All

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 11 Ang Tampuhan “Merry Christmas” bati nila sa isa‟t-isa. Kumpleto ang pamilya ni Ricco na sinalubong ang pasko. Ang mga kapatid niya kasama ang mga asawa nito at ang kanyang mga pamangkin ay kumpleto. Tulad ng nakagawian, tuwing pasko ay wala dapat na kulang sa kanila. Daig pa ang teacher kung mag-roll call ang nanay niya sa mga panahong iyon. Sama-sama nilang pinagsaluhan ang nakahanda sa mesa. Pero bago ang lahat, tinawagan muna siya ng kanyang Daddy DAK. “Kamusta na ang baby DAK ko?” tanong ni Alex sa kabilang linya. “Merry Christmas Kuya Alex.” bati ni Ricco. “Bakit Kuya Alex lang?” may himig ng pagtatampo sa boses ni Alex. “Sorry naman Daddy DAK” sagot ni Ricco “nasa labas po kasi ako kanina” “Ganun ba” sabi ni Alex “I Love You Baby DAK ko, miss na kita” habol ni Alex. “I Love You More Daddy DAK, miss na din kita. Punta ka dito ngayon.” aya ni Ricco. “Hindi pwede, gusto mo bang mapagalitan ang Daddy DAK mo?” malambing na sabi ni Alex. “Siyempre ayaw ni baby DAK na mapagalitan si Daddy DAK niya.” malambing din ang tinig ni Ricco. “Basta gumising ka ng maaga mamaya, sunduin kita.” sabi ni Alex. “Hindi pwede, pupunta kami kila lola bukas” pagtutol ni Ricco.

105

Emmanuel R. Caleon
“Pupunta muna tayo sa mga lola mo siyempre, alam ko namang laking lola ka” sabi ni Alex. “Ang Daddy DAK ko talaga, kilala na talaga ako” sagot ni Ricco. “Siyempre, basta everything about my baby DAK alam ko” sagot ni Alex. “Ricco” katok ng nanay ni Ricco galing sa labas “lumabas ka na at sama-sama tayong kumain” tawag sa kanya. “Opo” sagot ni Ricco. Muli ay kinausap niya si Alex. “Daddy DAK, kita na lang po tayo mamaya. Tinatawag na ako ni nanay” sabi ni Ricco. “Kumpleto kayo ngayon ano?” tanong ni Alex. “Hindi po, may kulang na isa.” sagot ni Ricco. “Hah?” tila may pagtataka sa tinig ni Alex “sino?” tanong pa nito. “Siyempre ang Daddy DAK ko” sagot ni Ricco. “Ang baby DAK ko talaga” malambing na sagot ni Alex “sige na puntahan mo na sila” “Merry Christmas po ulit” at nag-end call na siya. Kinaumagahan, maagang nasa bahay nila Ricco si Alex. Pinasok na niya sa loob ng kwarto si Ricco. Tinabihan, niyakap, hinalik-halikan. Bagamat gising na si Ricco ay natutuwa naman siya sa ginagawa ni Alex sa kanya. Maya-maya pa ay kiniliti na siya nito. Ito ang nagpabangon kay Ricco mula sa pagtutulugtulugan. “Good Morning Baby DAK! Nagtutulug-tulugan pa kasi” bati ni Alex. “Good Morning Daddy DAK” masayang sagot niya dito. Mabilis na nag-ayos si Ricco, maliksi ang kilos, at maingat ang bawat galaw. Pagkatapos magbihis ay nagpaalam na ito sa mga magulang niya.

106

My All

“Nanay, akin na po muna si Ricco” paalam ni Alex sa nanay ni Ricco sabay mano. “Naku hijo, pinagpapaalam mo pa. Basta ikaw ang kasama niyan panatag ako” sagot naman ng nanay ni Ricco. “Nay, alis na po kami” paalam ni Ricco sa nanay sabay mano “Ipagpaalam na lang po ninyo kami kay tatay” dagdag pa nito. “Babye tito Alex” paalam naman ng mga pamangkin ni Ricco na may dala-dalang bagong mga laruan. Tiningnan niya si Alex dahil alam niya kung kanino galing ito at ngiti naman ang sinagot ni Alex sa kanya. “Mga Sis, alis na ako” paalam niya sa mga kapatid. Dumaan na nga sila sa mga lola ni Ricco. Una nilang pinuntahan ay ang mga lolo at lola ni Ricco sa ama. Isinunod naman nila ang lola ni Ricco sa ina. Naipakilala na ni Ricco sa mga ito si Alex at lagi pa nilang dinadalaw pag may oras. Bago mananghalian ay umalis na sila sa lola ni Ricco para pumunta sa bahay nila Alex. Pagdating nila duon ay ready na ang buong lugar na animo ay may malaking salu-salo. “This afternoon is actually our family reunion, I mean clan reunion. For this year, my family is the host” sabi ni Alex kay Ricco. “Nakakahiya, bakit isinama mo pa ako?” tila nakaramdam ng kaba at hiya si Ricco. “Don‟t be shy my Ricco. I will be at your side” sabi ni Alex. Sa sinabing iyon ni Alex ay sapat na para kumalma siya. Pagkababa ng kotse ay sinalubong sila ni Clarise. Agad na inaya 107

Emmanuel R. Caleon
sila sa loob. Nakita niyang natuwang bigla ang mama ni Alex ng makitang kasama siya ng anak, ganuon din naman ang papa nito na agad silang nilapitan kahit na may kausap pa na bisita. Mainit na pagtanggap ang binigay sa kanya, palibhasa ay masasabing parte na siya ng pamilya dahil madalas din naman siyang nasa bahay nila Alex kagaya ni Alex na madalas na nasa bahay nila. Nagsimula na ang programa, nagdatingan na ang mga kamag-anakan ni Alex. Kita sa mga ito na mga mayayaman at kagalang-galang, sa kilos, sa galaw, sa pagsasalita. Lalong nakaramdam ng hiya si Ricco, subalit dahil sa sinabi ni Alex ay nakaramdam siya ng hinahon mula sa pusong nagwawala sa kaba. Lagi silang magkasama ni Alex at ang laging pakilala sa kanya ay bagong kapatid. Napansin din niyang anduon sina Ahron at Jeannie. Binati niya ang mga ito at nakaramdam ng kabawasan sa kaba, dahil may kakilala na siyang pwedeng kausapin. Tinawag si Alex ng papa niya dahil dumating ang isang kaibigan ng pamilya nila. Isasama sana siya ng Alex subalit hinatak naman siya ni Clarise papunta sa umpukan ng mga magpipinsan na sa tingin niya ay kaedad lang din niya. Mula ng oras na iyon ay hindi na niya nakasama pa si Alex, hindi niya ito makita o madaanan ng tanaw. Nagkasya na lamang siya na kausapin ang mga pinsan nito na nakagaanan na niya ng loob. Tinawag naman siya nila Ahron para lumipat sa lamesa ng mga ito. Kasama nila si Rina, sa tingin niya ay kakanta ito kasama ang live band na nasa harap. Mula sa upuan ay nakita niya si Alex, may kasama, may kasamang babae. Nakaramdam ng inggit si Ricco sa nasaksihan. Sa isang bahagi ng puso niya ay sumisigaw ang damdaming ngayon lang niya naramdaman. Nanginig ang kalamnan niya, nais niyang sugurin ang dalawa. Higit pa ay ang ayos nito na nakapalupot na animo ay sawa ang babae sa Alex niya. Pinilit pakalmahin ni Ricco ang sarili at isiping pinsan ito ni Alex hanggang sa nagsalita si Ahron. “Look Jeannie, they are so cute together.” bati ni Ahron sabay turo kila Alex. 108

My All

“Yes, you are right. Bagay na bagay talaga sila” sabay ang ngiti na mula kay Jeannie. Nawindang ang pagkatao ni Ricco, biglang lungkot ang nadama nito. Ngayon ay naiintindihan niya ang nararamdaman. Nagseselos siya. “Akala ko break na sila?” sabi ni Jeannie. “Wala naman na ikukwento sa akin si Alex na in good relation na sila ni Millet” sabi naman ni Ahron “pero alam ko four months ago sabi niya liligawan daw niya ulit si Millet” sabay tingin kay Jeannie. “Baka sila na ulit” kinikilig na sabi ni Jeannie. “Of which that I don‟t know.” sagot ni Ahron. Kung anu-ano ang naisip ni Ricco ng mga oras na iyon, naisip niyang pinaglaruan lang siya ni Alex, na niloloko siya nito, na ang balak nito ay saktan siya, na ipahiya siya sa mga tao. Sa ganuong isipin ay gusto niyang maluha, higit pa sa selos ang nadarama niya. Lungkot, lungkot na baka mawala sa kanya si Alex at lungkot na idudulot kung sakaling iwanan siya ng taong mahal niya. Sa kabilang banda ay may isang bahagi ng diwa niyang iba ang sinasabi – “trust Alex, may explanation iyan sigurado ako. Pagtiwalaan mo si Alex, hayaan mo munang magkausap kayo” sigaw nito, ngunit sa isang bahagi naman ay ganito – “Don‟t be stupid Ricco, sa tingin mo ba pupunta si Millet na iyan kung walang something sa kanila – all the people here are his relatives except Ahron and Jeannie.” Talaga atang kasama na ang positive at negative na naglalaban pagdating sa pag-ibig. Tatayo na sana siya para lisanin ang lugar dahil hindi na niya kaya pang makita ang sitwasyon at pahirapan pa ang sarili ng – “Ricco, can you sing to us at least three songs?” sabi ng papa ni Alex. “Go Tito, we want to hear him sing” sang-ayon naman ni Ahron. 109

Emmanuel R. Caleon
“It‟s been two or three months since the last time and I really miss your voice Ricco” sabi naman ni Jeannie. “Sure Pa, I will be glad” sagot ni Ricco na may kasamang pilit na ngiti. “Habang nagpapahinga si Rina mamaya ikaw muna ang pakakantahin namin” sabi nito. Ilang sandali pa at – “My dearest, I want you to hear the newest member of our family. MySon Ricardo delos Reyes” pakilala sa kanya ng papa ni Alex. Pagkaakyat sa stage, tila napako na ang mga mata niya sa isang sulok ng hardin ng mga Marcelino. Ang mga paa niya ay biglang nangatog. Pakiramdam niya ay bibigay na ang mga tuhod niya. Nagsimula ng tugtugin ng banda ang kakantahin niya. Narinig na niya ang intro music ng Come Together, bigla siyang tumalikod, pinuntahan ang banda at pinapalitan ang mga kanta. Sa pakiramdam niya ay hindi niya makakayang kumanta ng masaya higit pa sa nakikita niya. Sakto sa harapan niya, si Alex at ang sinasabing si Millet, nakadaiti ang Millet na ito sa Kuya Alex niya, nakapatong ang ulo sa balikat at sa kabilang banda ay hawak ni Alex ang kamay nito. Pinapalitan niya ng mga Classics nila Whitney, Celine at Mariah ang dapat sana ay Kris Allen, Adam Lambert at Chris Daughrtry na kakantahin niya. Didn‟t We Almost Have It All ang una. Hindi niya magawang idilat ang mga mata sapagkat hindi niya makakayang makita ang ganuong eksena. Bawat kataga ay alam niyang ito ang nadarama niya. Emo na kung emo, ngunit magagawa ba ng pusong pigilan ang masidhing kalungkutan higit pa at nasa harap mo na ang dahilan nito. Sa bawat pagbukas niya ng mga mata at tuwing masisilayan ang Alex niya ay naaalala niya ang magandang samahan na nangyari sa pagitan nila. Sa pangalawang kanta ay ang Alone, ito ang nadarama niya, sa simula ay pangarap lang niya subalit ibinigay sa kanya ay sa ngayon nga ay tila muling binabawi sa kanya. Sa pangatlong kanta ay ang Through the Rain. Bawat 110

My All

bigkas niya ay galing sa puso, hindi niya alam na tumatagos din ito sa puso ng mga nasa lugar na iyon. Sa kabilang banda naman, nag-alala si Alex nang mapahiwalay si Ricco sa kanya. Pinilit na lang niyang ipanatag ang sarili ng makitang masaya naman nitong kinakausap ang mga pinsan niya. Higit pa, ay nagulat siya sa biglang pagkapit sa kanya ni Millet. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Lalo pa niyang ipinag-aalala sa oras na makita siya ni Ricco. Ang lahat ng paraan ay ginawa na niya para lang makalayo at makaiwas kay Ricco. Ayaw niyang mag-away sila. Gusto lang niyang tulungan si Millet para huwag ng guluhin ng stalker alike niyang pinsan. Subalit anu pa mang tago at layo ang gawin niya ay tila hindi maiiwasang malantad ang katotohanan. Pinakanta ng papa niya sa stage si Ricco at kitang-kita siya nito. Sa bawat kataga ng awit ay ramdam niya ang sakit at pait na nadarama nito ng mga oras na iyon. Hindi naman niya magawang lapitan ito o kaya ay amuin. Kinakabahan man dahil sigurado siyang nasaktan ito ng labis ay inisip na lang niyang matalino si Ricco at magagawa siya nitong intindihin. Sa ganitong pag-iisip ay pinilit niyang ipanatag ang sarili. Pagkababa ng stage ay nagpaalam na si Ricco sa mama at papa ni Alex, kila Ahron, Jeannie at Rina, pati kila Lloyd at Clarise at sa mga pinsan nitong nakilala niya. Natuwa man siya dahil sa papuring ibinibigay sa kanya ay mas lamang ang hapdi at sakit na nadarama niya sa puso niya. Sa likod ng bahay siya idinaan ni Lloyd dahil na din sa hiling niya. Pagkauwi ay agad niyang in-off ang cellphone at natulog. Pagkagising ay binuhay niya ito at nakitang 87 ang messages at wala ni isang text ang galing kay Alex. “Merry Christmas Best. I love you” sabi ni Steven sa 30messages. “Oi, sagutin mo tawag ko” sabi ulit ni Steven sa 5messages. “Bakit unattended?” sabi ulit ni Steven sa 25messages. “Best, I‟m worried” si Steven ulit sa 10messages. At ang iba ay galing na sa mga kaibigan at kaklase niya.

111

Emmanuel R. Caleon
“Sorry best, I love you too best. Emo lang ng kaunti” reply niya kay Steven. Nang tingnan niya ang relo ay malapit na palang mag-alas otso ng gabi at nag-ring ang cellphone niya. “Hello” sagot ni Ricco. “Baby DAK, bakit umuwi ka na?” sabi ni Alex sa kabilang linya. “Masama po kasi pakiramdam ko” pagsisinungaling ni Ricco “masakit po kasi ang puso ko” iyan ang gusto niyang sabihin. “Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?” tanong ni Alex “puntahan kita diyan para ako mag-aalaga sa‟yo” sabi pa nito. “Huwag na, diyan ka na lang” tanggi ni Ricco. “Sige na papunta na akong kotse para puntahan ka” sabi ni Alex. Narinig naman ni Ricco ang pagsara ng kotse mula sa kabilang linya at sumagot ito “huwag na sinabi” asar na sabi nito “magagalit ako pag pumunta ka” “Ayokong magalit ang Baby DAK ko, sige bukas na lang” sabi ni Alex “I love you” habol pa nito. “Sige ingat ka diyan, ayan magbabatt empty na phone ko” sabay patay ni Ricco sa cellphone. Hindi maintidihan ni Ricco ang sarili. Hindi gaya ng dati na kinikilig siya sa mga ganuong banat ni Alex, subalit ngayon ay naiirita siya at may tila ba bumubulong sa kanya na huwag maniwala. Ganito ba ang selos sa tunay na nagmamahal, sa isip isip niya o ganito lang talaga ang selos sa kahit kanino, kumakain ng buong-buo sa tunay na pag-ibig at pinapalis ang tunay na nadarama. Selos na sumisira sa kahit gaano katibay na pagmamahal o kahit gaano kapurong pag-ibig. Baka naman siya ang may problema. Hindi sigurado si Ricco, basta ang alam lang niya ay nagseselos siya. Sa totoo lang ay hindi alam ni Alex na wala na pala si Ricco, napansin na lang niya ito ng kakain na sila ng hapunan. Sa buong akala talaga niya ay kasama ito nila Clarise at Lloyd. Kung hindi pa niya hanapin at ipagtanong ay hindi pa niya malalamang 112

My All

wala na pala si Ricco. Pinili na lang ni Alex na huwag puntahan si Ricco, batid niyang may matindi pa din itong tampo sa kanya at hahayaan na lang niyang mabawasan ito para makausap niya ito ng matino. Pinilit niyang maging masaya, kung nuong umaga ay mga kamag-anak, ngayon naman ay mga business partners ng papa niya at mga malalapit na kaibigan. Kasama pa din niya si Millet at buong araw ay tila isa itong sawa nakalingkis sa kanya. Kinabukasan ay maagang pinuntahan ni Alex si Ricco sa bahay, subalit wala ni isa man ang tao sa bahay nila Ricco. May nagsabing nagbakasyon daw muna ang mga ito at sa bagong taon na ang balik. Sinubukan niyang kontakin si Ricco, tinawagan at tinetext subalit laging unattended. Araw–araw, pinupuntahan niya ang bahay nila Ricco at nagbabaka-sakaling anduon na ang mga ito o kahit si Ricco man lang. Kahit nahihiya man at kinakapalan niya ang mukha na tawagan ang nanay o tatay ni Ricco para lang makausap ito, subalit kung hindi wala sa bahay o tulog na, madalas siyang babaan ng telepono at sabihing magbabatt empty na. Hindi na natiis pa ni Alex ang ganito, tinanong niya ang nanay ni Ricco kung saan sila pumunta at nalamang nasa Ilocos pala ang mga ito. Susundan na niya sana si Ricco duon, ngunit sinabi ng nanay ni Ricco na pauwi na din daw sila, kaya naman hihintayin na lang niya ang mga ito sa tapat ng bahay nila. Laking kabiguan ng malaman niyang dumiretso ito sa Batangas dahil daw may swimming silang magkakabarkada. Desperado si Alex kaya naman susundan na sana niya ito ng may nagtext – “Sorry po kuya Alex. Sorry” sabi ni Ricco sa text. “Baby DAK, I miss you, I love you” naluluhang text ni Alex. Walang naging reply si Ricco, tinawagan niya ang phone nito at unattended na naman ulit. Nag-alala si Alex, susuyurin niya ang buong Batangas para lang makita si Ricco. Ang planong lakad na ito ay hindi natuloy nang tawagan siya ni Ahron. May problema sa kumpanya, kailangan siya para asikasuhin. Kayat wala na siyang nagawa kung hindi ayusin muna ito. Malungkot man ay pinilit niyang maging masaya. Pansin na din ni Ahron kung paano 113

Emmanuel R. Caleon
napabayaan ni Alex ang sarili. Ngayon lang niya napagtanto na nalimutan na niya ang sarili, naisip niyang hindi pwede na makita siya ni Ricco sa ganuong sitwasyon, gusto niya na makita siya ni Ricco na katulad ng dati o mas higit pa sa dati. Inayos ang sarili, at naghahanda. Dumating ang Bisperas ng Bagong Taon. Umuwi si Ricco nang umaga galing kila Steven. Inaya kasi siya ni Steven para sa bahay na muna nila tumuloy at nang makilala niya ang pamilya nito. Masaya si Ricco at higit pa, pinayuhan siya ni Steven. Desidido siya, aayusin niya kinabukasan ang gusot nila ni Alex. Hindi niya magagawang malayo sa piling nito. Hindi siya papayag na masayang ang pag-ibig na ginising nito sa kanyang katauhan. Tatlo lang silang magsasalubong sa bagong taon, wala ang mga kapatid niya sapagkat sa sari-sariling bahay ito sasalubong. 11:30 na ng gabi, may bisita silang dumating – Si Alex. Muli ay nakaramdam ng saya ang puso ni Ricco. Tuwang tuwa siya na muling nasilayan si Alex gayundin si Alex, masayang-masaya. Pagkatapos bumati sa mga magulang ni Ricco ay inaya niya si Ricco sa labas ng bahay para mag-usap., hindi na pinatagal pa ni Ricco at siya na mismo ang nauna sa labas. “Sorry” halos sabay nilang sinabi. Napangiti na lamang silang dalawa. Niyakap ni Alex si Ricco. Matataas ang mga halaman nila Ricco sa kanilang hardin kaya naman nasisigurado nilang hindi sila nakikita sa labas. “Sorry Baby DAK” tanging nasabi ni Alex. “Sorry Daddy DAK, I‟m just narrow minded” sabi naman ni Ricco. “Nothing to say sorry” sabi ni Alex, sabay takip sa labi ni Ricco. “Isa lang ang narealize ko, kahit gaano kalalim ang pagmamahal natin kung hindi naman natin maiingatan at 114

My All

maalagaan ay siguradong masasayang” tugon ni Ricco “hindi ko kayang mawala ka kuya Alex” habol na tugon nito. “Ako rin, hindi ko kayang mawala ka, sa‟yo ko lang nakikita ang bukas ko” sabay ang halik sa noo ni Ricco. “Una at huling away na natin ito ah” sabi ni Alex. “Opo kuya” sagot naman ni Ricco. “Sa susunod, huwag natin na hayaang umabot ng bentekwatro oras ang tampuhan ah” sabi ni Alex sabay pisil sa pisngi ni Ricco. “I love you Baby DAK” sabi ni Alex. “I love you more Daddy DAK” sagot ni Ricco at unti-unti nagliwanag ang kalangitan dahil sa fireworks display. Bagong taon na, at bagong taon na sila ang magkasama. Sandali nilang pinanuod ang fireworks at pagkatapos ay pumasok na sila sa loob ng bahay.

115

Emmanuel R. Caleon

“Tigil mo yan baka mabangga tayo” awat ni Alex “seriously, hindi ako nagseselos, kasi alam ko sa akin ka na kahit ano pa ang gawin mo kaya nga di ba DAK – Dahil Akin Ka” seryosong tugon ni Alex.

116

My All

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 12 Dahilan ng Bawat Ngiti “Baby DAK hatid kita sa school bukas” sabi ni Alex kay Ricco. “Kaw po ang bahala” isang matamis na ngiti ang binigay niya dito. “Ganda talagang ngingiti nang baby ko” sabi ni Alex sabay pisil sa pisngi nito. “Ikaw ah, nahihilig ka sa pagpisil sa pisngi ko” sabi naman ni Ricco. “Sarap kasing pisilin” sabi ni Alex sabay ulit pisil sa pisngi ni Ricco. “Tara, tulog na tayo” aya ni Ricco. “Sige po. Goodnight na! Sweetdreams” sabi ni Alex sabay yakap kay Ricco. Sa bahay nila Ricco natulog si Alex ng gabing iyon. Nais niyang siya mismo ang maghatid dito pagpasok ng sa ganuon ay makaiwas sa mabagal na daloy ng trapiko. Higit pa, nais niyang muli ay matulog na kayakap ang mahal niyang Ricco. Isang bagay na kahit paulit-ulit na gawin ay hindi niya pagsasawaan. Mahimbing ang naging tulog nilang dalawa. Ramdam nila ang init ng katawan ng bawat isa. Ramdam nila ang pagmamahal na nanunulay sa bawat ugat ng kanilang katawan at dala ng dugong dumadaloy sa kanila at naghahatid ng buhay.

117

Emmanuel R. Caleon
Maagang nagising ang dalawa. Maaga ding nakatapos sa paghahanda. Nang ayos na ang lahat ay nagpaalam na sila sa mga magulang ni Ricco. Pagkamano ay sumakay na sila ng kotse at agad na pinatakbo ni Alex ang sasakyan. May nadaanan na fastfood chain ang dalawa sa gitna ng NLEX at dumaan sa drive thru station si Alex. “Anong gusto mo?” tanong ni Alex kay Ricco. “Bahala ka na kuya” sagot ni Ricco. “Tinatanong kita sumagot ka” pamimilit ni Alex. “Ikaw na pumili” sabi ni Ricco “bilisan mo kaya, naghihintay si kuya ng order mo” sabay turo sa crew na nasa window. “Dalawang crispy chicken burger, dalawang cheese burger, dalawang big mac, dalawang fried chicken at dalawang large iced tea” sabi ni Alex. “Saka Coke Float” sabi ni Ricco. “Saka daw dalawang Coke Float” ulit ni Alex. Pagkawika nuon ay dumiretso na ito sa isa pang window para ipick-up ang order nila. “Thank you” sabi ni Alex sabay bitiw ng isang ngiti. “Cute n‟ya” sabi ni Ricco. “Sino? Ako?” sabi ni Alex “matagal ko nang alam, gwapo pa” tinapunan naman niya ng ngiti si Alex. “Hindi ikaw, si kuya na nasa window” sabi ni Ricco. “Aba, kaharap mo na ako lumandi ka pa” sabi ni Alex “ayan pati mga salita mo natutunan ko na” 118

My All

“Selos ka naman?” sabi ulit ni Ricco. “Hindi kaya” sagot ni Alex. “Bakit naman?” tanong ni Ricco. “Kasi type ko din siya” sabay ang mahinang tawa ni Alex. “Malandi ka din” sabi ni Ricco sabay kiliti sa tagiliran ni Alex. “Tigil mo yan baka mabangga tayo” awat ni Alex “seriously, hindi ako nagseselos, kasi alam ko sa akin ka na kahit ano pa ang gawin mo kaya nga di ba DAK – Dahil Akin Ka” seryosong tugon ni Alex. “Ang Daddy DAK ko, lalong gumagwapo pag seryoso” sabay hilig ng ulo nito sa balikat ni Alex. Napangiti lang si Alex sa ginawang iyon ni Ricco. “Tandaan mo Daddy DAK, ikaw na ang pinakagwapo sa buong mundo, wala ng tatalo at hihigit pa sa iyo” sabi ni Ricco “sa bawat ngiti ko, ikaw lang ang dahilan nito, dahil alam kong may nag-iisang Alexander Pablo Marcelino III na nagmamahal sa akin” dugtong pa nito. “Ako rin baby DAK, ang bawat ngiti ko ay ikaw lang ang dahilan dahil alam kong may nag-iisang MySon Ricardo delos Reyes na mahal, minahal, minamahal at lalong mamahalin ko na mahal din naman ako” sagot ni Alex. “Gaya gaya ka naman” saad ni Ricco “pati linya ko kinokopya mo” “Pero ang pagmamahal ko sa‟yo kailanman ay hindi magagaya ninuman” sabi ni Alex sabay halik sa noo ni Ricco.

119

Emmanuel R. Caleon
Pagkahatid sa unibersidad ay dumiretso na si Alex sa opisina. Napagpasyahan niyang sabihin na kay Ahron ang lahat ng bagay ukol sa kanila ni Ricco. “Pare, good mood ka ngayon” sabi ni Ahron nang madatnan niya ito sa opisina. “Siyempre pare” wika ni Alex “I have something to tell you” dugtong pa niya. “Three months na akong in a relationship at malapit nang magpakasal” masayang balita nito kay Ahron. “Ows, then it is good for you” sabi ni Ahron “who is that lucky girl?” tanong ni Ahron. “Ricco” sagot ni Alex na walang pag-aalinlangan “sana pare maunawaan mo ako” malungkot na saad ni Alex nang mapagtantong may problema nga pala ang relasyong gaya ng kanila. Ngumiti naman si Ahron “Don‟t worry pare, naiintidihan kita” sabi pa nito “walang pinipili ang puso kung sino ang mamahalin nito at wala akong karapatang husgahan ka kung iyon ang pinag-aalala mo” dugtong pa nito “hindi ko karapatang husgahan ka dahil hindi ko naman naiintidihan ang tibok ng puso mo” Napangiti naman si Alex sa sinabing iyon ni Ahron “salamat pare” pasalamat ni Alex. “Nothing to worry, sabi ko na nga ba may something na sa inyo” buyo pa ni Ahron “I‟m not stupid para hindi mapansin na iba ang aura ninyong dalawa at lalo na ikaw pero three months? Akala ko four months na kayo kasi sobrang cheesy kayo nuon pa man” sabi pa ni Ahron. “Three months, before I realized that this is really true love” sabi ni Alex “kaso natatakot akong sabihin sa iyo baka kasi hindi mo ako maintindihan” dugtong pa nito. 120

My All

“Pare, bestfriend tayo since highschool, bawat liko ng bituka mo tanggap ko, bawat kanto ng utak mo nauunawaan ko. Masaya ako, dahil alam ko, si Ricco na ang magpapatigil sa malikot mong puso” sabi pa ni Ahron. “Tama ka pare” sang-ayon ni Alex “at si Ricco din ang dahilan sa bawat ngiting nasa labi ko ngayon. Ang dahilan ng paggising ko sa araw-araw. Ang dahilan ng pagtibok ng puso ko at pagpintig nito.” “Huwag kang magagalit pare” tila paalam na tanong ni Ahron “nagkacrush din ako kay Ricco, kaso hanggang crush lang talaga. Nothing more.” “Kaya naman pala pare, isa ka ding bading” tudyo ni Alex. “Bisexual lang pare” tila kontra ni Ahron. “Pinaganda mo pa, bading na din iyon” sagot ni Alex. “Bading na kung bading” sabi ni Ahron. “Mas mahalaga pa din ang nasa puso mo kaysa sa kung anumang katawagan ang ibansag sa‟yo. Dahil pag-nagmamahal ka ng tunay handa mong ibigay ang lahat lahat – kaya nga My All is dedicated to my Baby DAK.” “Amabaho naman ng Baby DAK” insulto ni Ahron “korni. Ano kayo bibe?” sabay tawa ng malakas. “Dahil Akin Ka ang kahulugan nun” sabi ni Alex “walang korni korni sa love, basta tuwing tatawagin namin ang isa‟t-isa ng ganuon, alam naming amin ang isa‟t-isa, walang kahati, walang kasalo” “Talaga yatang nagiging korni na pag tinamaan ni kupido” tawa pa din si Ahron “sige na iwan na kita diyan at isipin mo muna ang Baby DAK mo” paalam ni Ahron. 121

Emmanuel R. Caleon
Masayang naghiwalay ang dalawa, alam ni Alex na bukal silang tinanggap ni Ahron at ramdam din niyang matatanggap din sila ng lipunang ginagalawan nila. Ang kanina na pag-aalinlangan sa kung tama ba ang gagawin na desisyon, ngayon ay napalitan ng saya dahil sa nalaman niya na tanggap sila ng kanyang bestfriend Ahron.

122

My All

“Bakit, ano ba ang kakaiba sa pagmamahalan namin ni Kuya Alex? Ano bang ang iba kung kapareho lang kami ng iba na nagmamahal. Bakit kami naging iba at bakit hindi nila kami maunawaan? Bakit kailangang ilihim at itago ang namamagitan sa amin ngayon?”

123

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 13 Bakit Iba ang Pagmamahal? “Bakit nandito ka?” nagtatakang tanong ni Ricco kay Alex. “Susunduin ka. Di ba uwian mo na?” sagot ni Alex. “Alam ko busy ka sa opisina. Saka di ba sabi ko ayoko na napapabayaan mo ang trabaho mo” sabi ni Ricco. “Free pa ang schedule ko kaya I have more time with my Ricco” sabi ni Alex. “Ang kuya Alex talaga” agad na sumakay si Ricco sa kotse “tara punta tayo sa Quiapo” yaya ni Ricco kay Alex. “Sure” sabi naman ni Alex “basta kasama ang Baby DAK ko kahit saan pupunta ako” nakangiting sagot ni Alex. Kaunti lang ang taong inabutan nila sa simbahan. Sa may unahan sila naupo, ang silyang pinakamalapit sa altar. Lumuhod si Ricco at gayundin si Alex. Matapos nito ay nagulat si Ricco sa sinasabi ni Alex – “Ikaw lalaki, MySon Ricardo Samuel delos Reyes, tinatanggap mo ba si Alexander Pablo Roxas Marcelino III bilang kabiyak ng iyong puso, kakampi sa buhay, sandalan sa lahat ng oras, mapagkakatiwalaan at maasahang asawa, sa hirap at ginhawa ay nangangako kayong magsasama, habang buhay na magmamahalan at aalagaan ang isa‟t-isa” tila seremonya sa kasal na tanong ni Alex kay Ricco.

124

My All

Nakaramdam ng kakaibang tuwa si Ricco sa ginawang ito ni Alex – “ayiee nikikilig ako. Susumpa na kami sa harap ng Diyos” sa isip-isip ni Ricco. “Opo tinatanggap ko po" sagot ni Ricco sabay ang pagharap niya kay Alex at nagtapon ng isang nakawiwiling ngiti. “Ikaw, Alexander Pablo Roxas Marcelino III, tinatanggap mo ba si MySon Ricardo Samuel delos Reyes bilang kabahagi ng iyong buhay, karamay sa lahat ng oras, masasandalang kabiyak, maasahang asawa, takbuhang minamahal, sasamahan sa lahat ng oras, sa hirap at ginhawa, mamahalin hanggang sa kabilang buhay?” sabi naman ni Ricco kay Alex. “Opo, tinatanggap ko po kahit hindi na itanong” sagot ni Alex. Buhat sa bulsa ay inilabas ni Alex ang isang pares ng singsing at isinuot sa mga daliri ni Ricco ang isa. “Isuot mo ang singsing na ito na sumisimbolo sa hindi mapantayang pagmamahal ko sa iyo” sabi ni Alex. Gayundin ang ginawa ni Ricco, kinuha nito ang palad ni Alex at isinuot din ang singsing – “Suutin mo ang singsing na ito na sisimbolo ng wagas, tunay at mas hindi mapapantayan na pagmamahal ko sa iyo” turan naman ni Ricco. Matapos ang ginawa nilang animo ay seremonya sa kasal ay pumunta sila sa likuran kung saan nakalagak ang iba‟t-ibang mga imahe. Naupo sila sa harap ng krus – “Ipinapakilala ko po sa inyo ang minamahal kong asawa. Nawa ay basbasan ninyo ang aming pagsasama.” mahinang usal ni Ricco. “Huwag po ninyo sana kaming pababayaan, lalo pa po sana ninyong pag-alabin ang pagmamahal namin sa isa‟t-isa” dugtong naman ni Alex.

125

Emmanuel R. Caleon
Matapos magdasal ay bumalik na sila sa kotse. Pagkasara ng pintuan ay ginawaran agad ni Alex ng halik si Ricco. “Ayan, tapos na ang kasal” sabi ni Alex “mag-asawa na tayo mula ngayon, kaya ikaw magtitino ka na” sabi niya kay Ricco sabay pisil sa ilong. “Opo” sagot ni Ricco “at ikaw mas dapat kang magtino” sabi naman ni Ricco. “Matagal ko na pong ginagawa iyon” sagot ni Alex. Isang buntong-hininga at ngiti lamang ang sinagot ni Ricco dito. Habang nasa biyahe pauwi ay ikinuwento ni Alex ang ginawa niyang pagsasabi kay Ahron ng lahat. Natuwa naman si Ricco dahil sigurado siyang seryoso sa kanya ang Daddy DAK niya. Higit pa siyang natuwa nang malamang tinanggap sila nito nang walang panghuhusga. Unti-unti, napaisip si Ricco – “Bakit, ano ba ang kakaiba sa pagmamahalan namin ni Kuya Alex? Ano bang ang iba kung kapareho lang kami ng iba na nagmamahal. Bakit kami naging iba at bakit hindi nila kami maunawaan? Bakit kailangang ilihim at itago ang namamagitan sa amin ngayon?” Pagkahatid ni Alex kay Ricco ay bumalik ito ng kumpanya. Masayang tinapos ang trabaho at nag-overtime pa dahil marami itong iniwang dapat asikasuhin. Idagdag pa rito na inspirado siya dahil kay Ricco. Sa tuwing makikita niya ang singsing na nasa daliri niya ay napapawi ang lahat ng pagod niya. Gayundin si Ricco, inspiradong mag-aral at sa tuwing makikita niya ang singsing sa daliri niya ay nangingiti siya at naaalala ang ginawa nilang pag-iisa sa harap ng Diyos. Higit pa, pinapaganda nito ang pakiramdam niya.

126

My All

“Seryoso ako Daddy DAK” giit ni Ricco “kailan kaya tayo pwedeng lumantad sa lahat bilang ganito, iyong hindi na kailangan pang magpanggap na parang iba” sabay buntong-hininga ni Ricco.

127

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 14 Ang Lihim, Bakit Dapat Ilihim? “Alex, ikaw pala” bati ng nanay ni Ricco “ang aga mo namang napadaan dito” kabuntot na tanong nito. “Isasabay ko na po sana si Ricco pagpasok” sagot nito sabay mano sa nanay ni Ricco. “May sakit si Ricco ngayon” pagbabalita ng nanay ni Ricco “hindi ka ba niya sinabihan.” Biglang nakaramdam ng pag-aalala si Alex sa narinig at bumakas ito sa mukha niya – “Ano po ang sakit niya?” tanong nito. “Kagabi pa mataas ang lagnat” sagot naman ng nanay ni Ricco “mainam nga at bumaba na ngayon” “Puntahan ko po muna sa kwarto” sabi ni Alex. “Sige hijo” sagot ng nanay ni Ricco “lumabas ka din kaagad para makapag-agahan ka na muna” dugtong pa nito. “Sige po nanay” sagot ni Alex. Pagpasok ni Alex sa kwarto ni Ricco ay dagli niya itong ini-lock. Agad niyang tinungo ang higaan ni Ricco. Isang linggo din niyang hindi nasilayan si Ricco, Lagi siyang ginagabi kung umuwi at kahit sa bahay ay may tinatapos pang mga problema sa opisina. Tanging sa cellphone at mga social networks lang sila nagkakaroon ng ugnayan ni Ricco. Tinabihan niya ito sa pagkakahiga, masuyo niyang hinaplos ang buhok ng nahihimbing na si Ricco at tinitigan ang maamong mukha nito. 128

My All

“Ricco” tila kinakausap niya ang nahihimbing na si Ricco “mahal na mahal kita.” pagkawika ng mga katagang iyon ay niyakap niya si Ricco at inawitan. I wanna make you smile, whenever you‟re sad. Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do is grow old with you. I‟ll get your medicine when your tummy aches Build you a fire when the winter is near I could be so nice growing old with you. I‟ll miss you, kiss you Give you my coat, when you are cold Need you, feed you Even let you hold a remote control Let me do the dishes in our kitchen sink Put you to bed when you have too much to drink I could be the man grows old with you. I wanna grow old with you. “Alex anak” tawag kay Alex ng nanay ni Ricco “lumabas ka na muna dito para makakain ka na” sabi pa nito. “Opo” sagot ni Alex at pamaya-maya nga ay lumabas na ito ng kwarto. Nakipagkwentuhan saglit si Alex at di naman nagtagal pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na ang nanay ni Ricco. “Alex anak, maiwan na kita diyan” sabi nito “dadaan lang ako sandali sa eskwelahan para maasikaso mga teachers ko dun” paalam nito. “Sige po nay, mag-iingat po kayo” sagot ni Alex “ako na po muna ang bahala kay Ricco” nakangiti nitong turan.

129

Emmanuel R. Caleon
“Naku Alex, pabayaan mo na si Ricco mag-isa” tutol ng nanay ni Ricco “malaki na yan, saka darating na din pamaya-maya ang tatay n‟yo kaya pumasok ka na para hindi ka na malate” “Mamaya na lang po, hintayin ko na lang po muna na magising si Ricco” sagot ni Alex. “Sige na nga, ikaw ang bahala” paalam ng nanay ni Ricco bago ito tuluyang umalis. Pumasok si Alex na may dala-dalang lugaw na niluto ng nanay ni Ricco. Balak niyang gisingin muna si Ricco para makakain at saka tuluyang papagpahingahin. “Ricco” tawag niya dito “Ricco, gising ka muna baby DAK” sabay yugyog kay Ricco. “Huh” tanging sagot ni Ricco. “Kain ka muna” sabi ni Alex. Sa pagmulat ng mata ni Ricco ay laking gulat niya sa nakitang si Alex ang gumigising sa kanya, may dalang tray ng pagkain at nakangiting kaharap niya. “Kain ka muna baby DAK” ulit uli ni Alex. Ngiti lang ang naging sagot ni Ricco. Dahan-dahan siyang tinulungan ni Alex na i-angat ang katawan saka niya tinabihan at dahan-dahan at paunti-unting sinubuan. “Salamat po” wika ni Ricco matapos siyang pakainin ni Alex. “Walang anuman” sagot ni Alex “Bakit hindi mo sinabi kagabing may sakit ka?” tanong ni Alex na pagkalambinglambing. “Kasi naman po ayaw kong mag-alala ka pa” sagot naman ni Ricco. 130

My All

“Kita mo, mas nag-aalala ako ngayon” sabi ni Alex “pakiramdam ko tuloy napaka-walang silbi kong asawa kasi hindi kita naalagaan kaya ka nagkasakit” dugtong pa ni Alex. “Hindi totoo yan, alagang-alaga nga ako sa‟yo eh” tutol ni Ricco “patunay lang „to na tao ako, kasi nagkakasakit ako” tila may pagbibiro sa himig ni Ricco. “Talaga” wika ni Alex sabay punta sa likod ni Ricco. Walang anu-ano ay idiniin ni Alex ang baba niyang may maiikling tubo ng balbas sa batok ni Ricco. Malakas ang kiliti ni Ricco sa gawing iyon kaya naman agad siyang pumalag. Lalong idiniin ni Alex ang baba niya sa batok at sa balikat ni Ricco at saka ikinaskas na lalong kumiliti kay Ricco. Pumipiglas at tumatawa si Ricco sa ginagawang iyon ni Alex. Ilang minuto din silang naghaharutan ng tigilan na ni Alex ang ginagawang iyon kay Ricco. “Ayan” sabi ni Alex “magaling na ba ang Baby DAK ko” tanong nito sabay ngiti. “Hay” sabi ni Ricco “sana lagi tayong ganito at malaya nating magagawa ito” dugtong pa nito. “Ang Baby DAK ko” sabi ni Alex “nagkasakit lang mageemo pa ata” birong sabi ni Alex. “Seryoso ako Daddy DAK” giit ni Ricco “kailan kaya tayo pwedeng lumantad sa lahat bilang ganito, iyong hindi na kailangan pang magpanggap na parang iba” sabay buntonghininga ni Ricco. “Malaki ang problema natin sa bagay na iyan” sagot ni Alex “dahil sa mga mapanghusgang tao, agad tayong lilitisin hindi pa man bumubuka ang mga bibig natin” saad pa ni Alex. “Ang taong hindi marunong umunawa ang problema ng mundo” tila sagot ni Ricco sa saraling katanungan at 131

Emmanuel R. Caleon
pagpapahayag nang pagsang-ayon sa winika ni Alex “at ang problema natin, ang problema daw sa pagmamahalan natin, ang pagmamahal natin sa isa‟t-isa ay ang isang mga problemang ayaw nilang unawain kahit anong pilit ang gawin natin.” “Alam mo Ricco” sabi ulit ni Alex “walang masama kung ganito tayo, ang mahalaga, naging totoo tayo sa kung sino tayo at walang tinatapakang ibang tao.” “Pero paano ang pamilya natin?” tila pagtatanong ni Ricco “sobra silang masasaktan” “Normal lang na masaktan sila Ricco” sagot ulit ni Alex “pero para saan pa at mauunawaan din nila tayo, matatanggap, at mananatili pa din ang pagmamahal nila para sa atin. Darating ang araw na makikita nila kung gaano tayo kasaya sa isa‟t-isa at maiintindihan nila kung bakit natin pinili ang ganitong buhay.” pagtatapos ni Alex. Nabalot ng katahimikan ang kwarto ni Ricco nang muli ay magsalita si Ricco – “alam mo kuya Alex, tama ka. Hindi tayo ang problema at hindi tayo ang talo. Sa lipunang ito, ikaw ang talo kung patuloy ka lang magpapaagos sa takbo ng mga pangyayari” kasunod ang ngiti na ibinigay niya kay Alex. Tulad ng inaasahan, hindi pumasok si Alex sa opisina bagkus ay siya na lang ang nag-alaga kay Ricco. Tinawagan na din ni Ricco ang nanay niya upang hindi na umuwi ng maaga at tapusin na ang mga ginagawa nito sa eskwelahan. Muli, napatunayan nilang ang lahat ng bagay ay kaya mong ibigay para sa taong mahal mo ng buong puso, kahit ano pa man iyan, basta‟t alam mong ikaliligaya ng puso ninyo ay isang malaking kasiyahan sa isang sakripisyo.

132

My All

“I’ll do this to protect our relationship. Dahil sa makasalanang mata ng lipunan kaya kailangan kong gawin ito. Kailangan kong magpanggap na iba akong tao. Kailangan kong ikubli ang tunay na ako. Kailangan kong itago ang tunay na laman ng puso ko.”

133

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 15 Si Rina: Ang Dakilang Eeksena “Huh” nawindang ang mundo ni Ricco sa sinabing iyon ni Alex at ito lang ang tangi niyang nasabi kasabay ang isang malalim na buntong-hininga. Ngayon nga, ito na ang katuparan ng mga plano ng kanyang kuya. “Si Rina na daw at si Sir Alex” ito ang balitang pinaguusapan ngayon ng buong Trio Advertising Company. Isang linggo – isang linggo pa lang ang lumilipas ng pagusapan nila ni Alex ang tungkol sa bagay na ito. -----------------------------------------------“Sigurado ka ba?” tanong ni Ricco kay Alex. “Opo Baby DAK” sagot ni Alex “ito lang po ang naiisip ko na paraan para alagaan ang relasyon natin. Ayokong paglayuin nila tayo pag nalaman nila ang katotohanan.” dugtong pa nito. “Pero” sasagot pa sana si Ricco ng magsalita ulit si Alex. “Nothing to worry about” tila pangangalma ni Alex “I‟ll do this to protect our relationship. Dahil sa makasalanang mata ng lipunan kaya kailangan kong gawin ito. Kailangan kong magpanggap na iba akong tao. Kailangan kong ikubli ang tunay na ako. Kailangan kong itago ang tunay na laman ng puso ko.” “Baka masaktan siya pag nalaman niya na…” sagot ni Ricco ngunit muli ay pinigil siya ni Alex sa pagsasalita.

134

My All

“She can understand. Before everything gets into worst, I‟ll immediately fix it” pag-awat ni Alex sa sasabihin pa ni Ricco. “It seems that everything is ready and planned” matamlay na sagot ni Ricco. “So, payag ka na?” tanong ni Alex na tila humihingi na apruba sa binabalak. Ngiti lang ang sagot ni Ricco. “Does your smile means yes?” tila pagtatanong ni Alex. Nanatiling nakangiti lang si Ricco at walang imik. “Thank you baby DAK” masayang sabi ni Alex “just trust me” nakangiting wika ni Alex. Sa loob loob ni Ricco – “Hindi lahat ng ngiti ay nangangahulugan ng kasiyahan, minsan may mga ngiting mapapait na kinukubli ang sakit na tila nagsasabing huwag mo na akong alalahanin.” Heto na ang balita, ang resulta ng huli nilang masinsinang usapan. Paulit-ulit na umuugong sa tenga ni Ricco “si Sir Alex at si Ma‟am Rina na” – tila kay bilis naman ata. Akala ni Ricco ay makakaya niya – ay mali, pilit niyang iwinaglit sa isipan ang ganuong posibilidad, heto at ngayon nga ay tila dinudurog na ang puso niya. Dinudurog, pinipino at inuunti-unti na siyang pinapatay. -------------------------------------------------“Liligawan ko si Rina” malambing ngunit seryosong turan ni Alex. “Huh” tanging reaksyon ni Ricco. Nawindang ang buo niyang mundo sa sinabi na ito ni Alex.

135

Emmanuel R. Caleon
“Kumakalat na ang balitang may relasyon tayo” wika ni Alex “ayokong dahil dun ay magkahiwalay tayo” dugtong pa nito “sabihin ng mahina ako, pero mas gusto ko na makasiguradong hindi ka mawawala sa akin” dagdag pa nito “sa isang mapangahas na paraang alam ko” Tahimik lang si Ricco na tila inaanalisa pa ang lahat ng sinasabi ni Alex. Ayaw tanggapin ng utak ni Ricco ang ganitong suhestiyon ng Kuya Alex niya. “Don‟t worry, liligawan lang naman” malambing na wika ni Alex. Alam niya at ramdam kung ano mang pangamba mayroon kay Ricco. “Paano kung sagutin ka?” putol-putol na winika ni Ricco. “Edi sinagot ako, pero ang puso ko para lang sa‟yo” dagling sagot ni Alex na may kasiguraduhan. “Panloloko sa kapwa yang gagawin mo.. Manggagamit ka ng iba.” may pagtutol sa tinig ni Ricco. natin.

“I know, but consider this as white lies” sagot ni Alex “I‟m so desperate that I will do even the most risky and evil plan” “Sigurado ka ba?” tanong ni Ricco kay Alex. Isang tanong na hindi humihingi ng kasagutan. Isang tanong na nagpapahiwatig ng pangamba at pag-aalala. Isang tanong na sapat nang iparating kay Alex ang pagtutol niya. “Opo Baby DAK” sagot ni Alex “ito lang po ang naiisip ko na paraan para alagaan ang relasyon natin. Ayokong paglayuin nila tayo pag nalaman nila ang katotohanan.” dugtong pa nito na tila desidido na sa gagawing hakbang. “Pero” sasagot pa sana si Ricco ng magsalita ulit si Alex. “Nothing to worry about” tila pangangalma ni Alex “I‟ll do this to protect our relationship. Dahil sa makasalanang mata ng lipunan kaya kailangan kong gawin ito. Kailangan kong 136

My All

magpanggap na iba akong tao. Kailangan kong ikubli ang tunay na ako. Kailangan kong itago ang tunay na laman ng puso ko.” buong pusong tinuran ni Alex na kita at ramdam mo ang sinseridad sa kanya sa pagmamahal kay Ricco. “Baka masaktan siya pag nalaman niya na…” sagot ni Ricco na may higit pang pangamba nang maramdamang hindi papaawat ang Kuya Alex niya, ngunit muli ay pinigil siya ni Alex sa pagsasalita. “She can understand. Before everything gets into worst, I‟ll immediately fix it” pag-awat ni Alex sa sasabihin pa ni Ricco. Mga katagang binigkas ng may kasiguraduhan at nagpapakita ng – “Ricco magtiwala ka.” “It seems that everything is ready and planned” matamlay na sagot ni Ricco. Hindi niya alam kung tama ba ito, labis ang pagtutol na sinisigaw ng utak niya, labis ang pagtanggi na ituloy ang ganitong plano. “So, payag ka na?” tanong ni Alex na tila humihingi na apruba sa binabalak. Ngiti lang ang sagot ni Ricco. Isang sobrang pait na ngiti, isang pilit na pilit na nguti, isang ngiting binitiwan niya para lang matapos na ang usapan dahil hindi niya lubos isiping hahantong sa ganito ang pagkadesperado ni Alex. Nalungkot ang isang bahagi ng puso niya dahil alam niyang hindi pa siya kayang iharap ni Alex bilang asawa. “Does your smile means yes?” tila pagtatanong ni Alex. Nanatiling nakangiti lang si Ricco at walang imik. “Thank you baby DAK” masayang sabi ni Alex “just trust me” nakangiting wika ni Alex. Sa isip ni Alex – “I will do this not for myself alone, alam ko namang hindi pa natin masasalag ang kutya ng mga tao maging ng iyongf pamilya kaya kailangan kong gawin ito.”

137

Emmanuel R. Caleon
-------------------------------------------------Sino nga ba si Rina? Si Rina o Rinalisa Custodio ay ang anak ng may-ari ng Crystal Cove Condominium Unit. Isa sa mga kumpanyang naging kapartner ng Trio Advertising Group of Companies kung saan siya ang naging tinig ng kumpanya. Tama! Siya ang nakalaban ni Ricco sa titulo. Pinili hindi dahil sa mas magaling siya kay Ricco kung hindi, siya ay pinili para maalagaan at masigurado ng Trio Advertising ang partnership na nakahilera sa kumpanya nila Rina. Sa ngayon ay tinitingala na si Rina bilang isa sa hinahangaang singer. Isang pribilehiyong dapat ay nasa kamay na sana ni Ricco ngayon. -------------------------------------------------“Ano ito?” hindi kaya ni Ricco ang nakikita ng mga mata. Ngayon na nga lang siya ulit bibisita sa T.A.C. pero ano itong nasasaksihan niya, naririnig niya. Si Rina at si Alex na. Si Rina ay nakapulupot na sa kanyang si Alex. Oo, masakit, masakit sa pakiramdam. Tipong nahihirapan siyang huminga, naglaho ang lahat ng nasa isipan niya. Hindi siya handa sa ganito at hindi niya pinaghadaan at walang balak paghandaan. Dali-dali niyang nilisan ang kumpanya. Mabilis, mabilis na mabilis, saksakan ng bilis. Pinipigilang tumulo ang mga luha na nagpipilit nang kumawala sa kanyang mga mata. Nadudurog ang puso niya, hindi maipinta ang damdaming mayroon siya, damdaming gustong kumawala. Damdaming nasa anyo ng kalungkuta, sakit, pait at hinagpis. Hanggang sa – “Ricco” sabi ng tinig “bakit nagmamadali ka?” tanong pa nito. “Kuya Ahron” wika niya pagkakita sa kung sino ang nakabangga niya. “Nagkita na ba kayo ni Alex?” tanong nito sa kanya. 138

My All

“Hindi pa po” sagot ni Ricco. “at ayoko siyang makita, ayaw ng mga mata ko na makita siya na kasama si Rina” – kaisipang sinisigaw ng damdamin niya. “Halika na, samahan mo na ako” anyaya sa kanya ni Ahron. Gusto man niya itong tanggihan ay hindi niya magawa kung kaya‟t sumama na siya kay Ahron. Hindi siya handa na makita si Rina at Alex na magkasama. Hindi niya alam kung kakayanin ba ng munti niyang puso ang mga eksenang maaaring bumulaga sa kanya. Pinipilit niya ang sariling ikalma at patatagin sa kung anuman ang pupwede niyang masilayan at maramdaman sa paghaharap nila ni Alex at Rina. “Anak ng jueteng naman” sabi ng isip ni Ricco “mapapasubo na naman ako sa plastikan” sigaw ng damdamin niya. Sinalubungan niya ng ngiti sina Alex at Rina. Pinilit niya ang sariling kayanin ang mga tagpong ni sa panaginip ay hindi niya nais na makita. “Ricco” bati ni Rina “kami na ni Alex” masayang pagbabalita niya dito. Lahat na ng alam ni Ricco sa pakikipagplastikan ay ginawa na niya para itago ang sariling damdamin – “Congratulations” sabi niya sabay abot sa kamay nila Alex at Rina na may saksakan ng plastic at pilit na ngiti. Masakit – oo masakit, ngunit batid niyang may kasalanan din siya sa sakit na iyon, kung sa simula pa lang ay tinutulan na niya ang plano ni Alex, sana ay hindi niya ito nararamdaman, subalit huli na para magsisi, nandito na ang katotohanang bunga ng pagkakamali niya. Wala siyang karapatang mag-inarte pa man o magsumbat kahit kanino dahil isa siya sa may kasalanan – tanging pwede niyang gawin ay tiisin ang sakit na ipinupukol sa kanya ng sitwasyon.

139

Emmanuel R. Caleon
“Ricco, moment mo na para sa best actor award. Lahat ng alam mo sa pakikipagplastikan ay gamitin mo na” siksik ng isipan ni Ricco na pinipilit pasiyahin ang sarili. “Sige mauna na ako” paalam ni Ricco “I have something to finish.” Ngunit sa kaloob-looban ni Ricco – “I have something to get over. I need to release these tears and finish my melancholic nightmare.” “I‟ll invite you sana para i-celebrate ang araw na ito” malanding wika ni Rina. “I‟m sorry but I really have to go” matapos magpaalam ay umalis na si Ricco. Umalis na tila sasabog ang utak at kaluluwa sa nasaksihan niya. pakiramdam niya na sa bawat tapak niya sa paa ay may katumbas na tone-toneladang ginto na nakakapit upang maging mabigat ang mga paa palayo sa lugar na iyon. -------------------------------------------------Pagkadating nila Ricco at Ahron sa opisina ni Alex ay agad nitong kinausap ng masinsinan si Alex. “Pare!” sabi ni Ahron “ano ba yang tumatakbo sa isipan mo?” tanong nito. “Bakit pare?” tanong ni Alex. “Haven‟t you seen the pain? Ricco is trying to be happy” sabi ni Ahron. “We‟ve talked about this pare and he agreed with this setup” sabi ni Alex. “Pero pare, tingnan mo kung gaano ang pagtatagong ginagawa ni Ricco ngayon?” giit ni Ahron. “Anyways, it is your choice” dugtong pa ni Ahron.

140

My All

“Alam mo, nasasaktan din ako sa nangyayari” simula ni Alex “pero ito lang ang naiisip kong paraan para maalagaan ang relasyon namin ni Ricco” “Hindi lang ito” giit ni Ahron “marami pa diyan” dugtong nito. “Pare, pag nasa sitwasyon na kita maguguluhan ka din. Gusto ko nang ipagsigawan sa mundo ang pagmamahalan namin ni Ricco, walang pagtatago, kaso iniisip ko din ang pamilya niya, kung matatanggap ba nila kami, ayoko namang paghiwalayin kami o kaya ay dumating ang araw na kailangan niyang mamili.” wika ni Alex na punung-puno ng kalungkutan. “I understand” sabi ni Ahron “but you should consult me first, para naman nakatulong ako sa iyo.” “Naisip ko na rin kung itutuloy ko pa, pero nasa kagipitan na ako, hindi ko na alam kung paano pa babaguhin ang naging pagkakamali sa desiyon ko” malungkot na wika ni Alex. “You better talk to Ricco and patch things up” sabi ni Ahron. Narinig ng dalawa na paalis na si Ricco kaya naman mabilis itong hinabol ni Alex. Sa kabutihang palad ay naabutan niya ito. Inaya niya ito sa opisina ni Ahron para duon mag-usap. -------------------------------------------------“Please be strong for me” simula ni Alex. “I will” maikli subalit makabuluhang tugon ni Ricco. “I‟ll break with her up as soon as everything is alright” wika pa ni Alex. Ngiti lang ang sinagot ni Ricco kay Alex. Ngiting sapat na para gumaan ang loob ni Alex.

141

Emmanuel R. Caleon
“Oo kuya Alex, pipilitin kong maging malakas para sa‟yo. Asahan mo yan” wika ng isip ni Ricco “kahit hindi ko na kaya ay kakayanin ko” dugtong pa nito “I will give My All for you” Isang halik sa noo ang ginawad ni Alex kay Ricco na nagtatapos ng maikli nilang usapan. Hindi nila alam kung gaano katagal, pero umaasa silang ang gusot na nangyari ay maayos sa lalo‟t madaling panahon.

142

My All

“oo, inaamin ko, pagkakamali ko ito, pero sana hayaan ninyo akong gumawa ng paraan para maitama ito. Hintayin ninyong makaisip ako ng paraan para maiayos ko ang lahat. Bigyan mo ako ng panahon para patunayang hanggang kabilang buhay ay kaya kong ipaglaban si Ricco sa gitna ng lipunang punung-puno ng mga mapanghusga at makasalanang mga mata.”

143

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 16 Hanggang Saan Kayang Ipaglaban? Tatlong buwan – tatlong buwan na ganuon ang set-up nila Ricco, Alex at ang nakikigulong, naipasok sa gulong si Rina. Tatlong buwan na nagtitiis si Ricco sa bawat araw na malayo sa kanya ang kuya Alex niya. Labis man ang pagsisisi dahil hindi niya tinutulan ang plano ni Alex ay wala na siyang magagawa, nangyari na ang lahat. Ang magagawa na lang nila ay itama ang mga pagkakamaling ito. Tatlong buwan – tatlong buwang sirang-sira ang konsentrasyon ni Ricco sa pag-aaral. Kahit na ganito ang sitwasyon, nasigurado naman niyang naipasa niya ang lahat ng subjects niya at makakagraduate na siya sa kolehiyo. Dalawang araw na lang at aakyat na siya sa entablado para kuhanin ang inaasam-asam na diploma. Ang diplomang dahilan ng apat na taon niyang paghihirap sa kursong pamatay utak at pamatay dignidad. “Ricco” masayang bati ni Steven. Walang pinagsabihan si Ricco sa kung anuman ang nangyayari sa pagitan nila ni Alex. Sa tuwing mapapansin ang kalungkutan niya – lalo na ni Steven, ang tangi lang niyang sagot “emo lang ng kaunti para masaya” “Bakit bestfriend?” nakangiti niyang salubong dito. “Sama ka sa amin” anyaya sa kanya ni Steven “gumala tayo” “Saan?” dagling tanong niya dito. “Makalandi nga ngayon” sabi pa ng isip ni Ricco. 144

My All

“Kahit saan” sabi ni Steven “tagal na kasi nating walang lakwatsa” dugtong pa ni Steven. “Sige, sama ako” sagot ni Ricco “kelan?” “Ngayon na” mabilis na sagot ni Steven “sagot ulit kita” nakangiting turan ni Steven sa kanya. “Pero..” tututol sana ni Ricco subalit hinila na siya agad ni Steven. “Akala mong Alex ka, ikaw lang ang may karapatang lumandi? Haha! Lalandi ako ngayon” sigaw ng damdamin ni Ricco. “Bakit nangingiti ka?” tanong ni Steven. “Wala to!” sagot naman ni Ricco. “Guys” pagbabalita ni Steven kila Mark at Drew “sasama sa atin si Ricco” “Good” sabi ni Mark “sama natin si Kuya Alex” pahabol pa nito. “Oo nga, sama natin si Kuya Alex” sang-ayon ni Drew. Bilang umasim ang mukha ni Ricco sa sinabing iyon nila Drew at Mark. Muli ay naalala niya ang pagtitiis at paghihirap niya sa tatlong buwan. “Hindi sasama iyon, dami kayang ginagawa sa opisina” sabay ang isang pilit na ngiti. “Sayang” sabi ni Mark “sana makakatipid tayo ng malaki” sabay ang isang mahinang tawa. Pumunta sila ng Star City, daig pa nila ang mga batang nakalaya at ngayon lang nakaranas ng paglalaro. Sinulit ang rideall-you-can na stub walang tigil sa pagsakay ng paulit-ulit at 145

Emmanuel R. Caleon
walang sawang inuulit-ulit. Salitan nilang sinasakyan ang Flying Carpet at Anchors‟ Away. Nalimutan ni Ricco ang anumang problemang dala-dala niya ng mga oras na iyon. Ang pag-aagamagam sa puso niyang pilit iwinawaglit. Ang mga pilit na ngiti ay unti-unti nang nagiging matatamis sapagkat kahit sandali ay napawi ang sakit at kirot sa bata niyang puso. “Best” bulong niya kay Steven “gwapo nun” sabay turo sa salamin. “Adik ka ba best?” sabi ni Steven “wala naman akong makita” sagot ni Steven. “Kaya nga nagkagusto ka sa akin” pambasag ni Ricco sa sinabi ni Steven. Bigla namang nakaramdam ng hiya si Steven at namula “Joke lang kaya yun.” “Sabi mo” sabay ngiti naman ni Ricco “pero seriously, ang gwapo nun” sabay turo sa lalaking nakaupo sa may di kalayuan. “Hindi ka lang binabantayan ni Kuya Alex gumaganyan ka na” bati ni Steven “isusumbong kita. Lagot ka” banta pa ni Steven sabay nag mahinang tawa. Bigla namang nalungkot si Ricco ng maalala si Alex subalit hindi na lang niya ito ipinahalata. Pinilit pa din niyang lagyan ang mukha ng isang pilit na ngiti. Itinatago ang isang emosyong nagrerebolusyon sa kanyang kalooban. “Pero best, in fairness” sabi ulit ni Steven “gwapo nga” sabay tingin kay Ricco. “Sabi ko naman sa‟yo” sabay silang nagtawanan. “Oi, si Kuya Alex yun” sabay turo ni Drew sa kinaroroonan nila Alex. 146

My All

“Oo nga, si Kuya Alex iyon” sang-ayon ni Mark “may kasama.” Nilingon naman ni Ricco ang tinurong lugar ng mga kaibigan at tama, si Alex nga. Si Alex at may kasama – kasamang babae. Pilit niyang inaninag kung sino ang kasama ng Kuya Alex niya at tama – tama ang hinala niya. Si Rina, si Rina nga ang kasama ng Kuya Alex niya. Unti-unti, ang pinipigilang emosyon ay mas lalong mahirap ikulong, heto pa at nasa harapan mo na ang taong sanhi niyon. Damdaming nagpipilit kumawala sa kanyang kaibuturan, kahit anong sikap ang gawin ni Ricco ay bumakas na ang lungkot sa kanyang mukha. “Di ba si Rina iyon?” tanong ni Drew “tara lapitan natin, ganda pala niya sa personal” komento pa nito. “Sige, palibre na din tayo kay Kuya Alex” sabi naman ni Mark. Walang nagawa si Ricco at Steven kung hindi ang sundan ang dalawang kaibigan. Nagtataka man ay pinilit intindihin ni Steven kung ano ba ang nangyayari at kung ano ang namamagitan sa dalawa – kay Alex at Ricco at isama na si Rina. “Kuya Alex” bati ni Drew. Nagulat man si Alex sa pagbati nito ay mas lamang naman ang makaramdam ng kaba. Kaba at pagkabalisa na kasama ng mga ito si Ricco. Isang nakangiting Ricco ang bumati sa kanila. Nakangiti ng ubod ng tamis. “Kamusta na?” tanong ni Ricco sa dalawa “matisod ka sana” bulong ng isip ni Ricco sabay tingin kay Rina. “Eto, ayos naman kami” si Rina ang sumagot kasabay ang isang makahulugang ngiti at sabay kapit kay Alex. “Aba, kung makapalupot akala mo sawang nanglilingkis. PDA kung PDA. Wa care sa ibang tao.” sabi ng nag-aalsang damdamin ni Ricco – “Hoy babae ka, sasabunutan kita pag hindi 147

Emmanuel R. Caleon
ka lumayo sa Alex ko” pag-aalsa ni Ricco sa sarili “at eto namang isang „to, ayaw namang awatin si Rina. Gustong-gusto ang panlalandi sa kanya” dugtong pa ng isipan nito sabay ang isang napakaplastik na ngiti. “Sige na, alis na kami” paalam ni Ricco kila Alex sabay aya sa mga kaibigan. “Sama na tayo sa kanila” sabi ni Drew. “Sama ka diyan, nagdadate yan” sagot ni Ricco “hayaan n‟yo na silang makapagdate ng maayos, manggugulo pa kayo” giit ni Ricco. “Nagdadate? Tama ba ang narinig ko? Hiwalay na ba sila Ricco at Alex?” sabi ng naguguluhan at mas lalong naguluhang isip ni Steven. Umigting ang kagustuhan ni Steven para makausap si Ricco sa mga bagay na ito at gusto niya sa lalo‟t madaling panahon. “Langhiya si best ayaw magkwento” komento pa ng utak ni Steven. “Ayos lang, sumama na kayo sa amin” anyaya ni Alex sa mga ito. “Hindi na” sabi ni Steven “nakakahiya naman” giit nito. “Ayos lang iyon, mas madami mas masaya” sabi naman ni Rina. “Aba, naghahamon talaga ng away ang babaeng ito, kala mo naman kay ganda” sigaw ng damdamin ni Ricco. Hindi na humaba pa ang diskusyon nila at hindi nga sila sumama kila Rina at Alex. Pinili nilang humiwalay ng lakad sa dalawa. Naiwang tulala at nag-iba ang aura ni Ricco. Kung kanina ay masaya at masigla ito, ngayon ay tila iniipit na siya ng langit at lupa. Ang mga gumugulo sa isipan niya kanina ay unti-unting nagbabalik at pilit na simisiksik sa kanyang katauhan. “Tara sa Snow World” aya ni Steven. 148

My All

“Sige” sang-ayon ng dalawa. “Hoy Ricco” gulat ni Steven sabay batok “tara kako sa Snow World” “Ah” sabi ni Ricco “kayo, bahala kayo” nanamlay na sagot ni Ricco. Takbuhan silang parang mga bata. “Pwede na” komento ni Mark. “Anong pwede na?” tanong nila Steven. “Pwede nang maging snow kunwari” mayabang na sagot nito. Palibhasa ay madalas na pumunta ng States dahil anduon ang mga kapatid niyang Green Card Holder. “Ikaw na ang may bahay sa Amerika” sabi ni Drew na tila nang-aasar. Inaya ni Steven si Ricco na malayo kila Mark at Drew. Duon niya itatanong ang lahat ng gumugulo sa kanya. Ang lahat ng napansin niya at lahat ng gusto niyang bigyan ng linaw. Hindi naman naging madamot si Ricco. Ikinuwneto niya ang lahat – detalyadong kirot, sakit at pait ng pinagdadanasan niya. Malamig man sa loob ng Snow World ay butil-butil ang pawis na lumalabas kay Ricco sa kanyang pagkukwento. Hindi na napigilan ni Steven ang sarili, niyakap niya agad si Ricco. Hinawakan ang kamay at pinapahinto sa pag-iyak. Ramdam niya ang sakit at pagtitiis ni Ricco. Alam niyang isang kaibigang tutulong at makikinig ang kailangan nito ngayon. Isang kaibigang makakatulong upang magawan ng paraan ang kung anumang problema ang dala-dala nito. Niyakap niya si Ricco. Wala siyang pakialam sa kung may makakita sa kanila, ang mahalaga sa kanya ay iparamdam kay Ricco na hindi ito nag-iisa. Lalo pa niyang hinigpitan ang

149

Emmanuel R. Caleon
pagkakayakap. Hinahaplos ang buhok, pinapahid ang mga luha mula kay Ricco at pilit na ipinapanatag. “Walang kwenta pa lang Alex iyan. Hindi ka niya kayang ipaglaban.” nais sana niyang sabihin subalit pinigil niya ang sarili at baka lalo lang masaktan si Ricco. Hindi nagtagal at pinasya nilang umuwi na. “Mga pare” sabi ni Steven “una na kayo” “Bakit pare?” tanong ni Mark. “Hihintayin ko lang ang pinsan ko” pagsisinungaling niya “field trip kasi nila ngayon at nandito na din pala sila” “Hintayin ka na namin pare” sabi pa ni Drew. “Huwag na, mauna na kayo” pamimilit ni Steven. Dahil sa nagtext na ang nanay ni Ricco at pinapauwi na ito ay iniwan na nilang tatlo si Steven. Ang katotohanan sa ginawang pagpapaiwan ni Steven ay hindi dahil sa pinsan niya. Nais niyang makausap si Alex. Nakita niyang papalabas na din ang mga ito sa loob ng Star City, kung kaya dagli niyang ipinasya na kausapin ito agad. Unti-unti, bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. Nag-aalinlanga kung itutuloy pa ba ang binabalak o hindi na. Sa bandang huli ay wala na siyang nagawa kung hindi ituloy na ang plano, dahil si Alex na mismo ang bumati sa kanya. “Steven” bati ni Alex “nasaan na sila Ricco?” tanong nito. “Nauna na” wika in Steven. “Anong ginagawa mo pa dito?” tila asar na wika ni Alex. “Lintik kang Steven ka, pinabayaan mo na ang Ricco ko.” sabi ng nagkukuyom na damdamin ni Alex.

150

My All

“Hinihintay ko kasi ang pinsan ko” sagot ni Steven sa malumanay na tinig bagamat pansin nito ang pagbabago sa tono ni Alex – “kapal ng mukha mo, masaya ka ngayon samantalang si Ricco ay hirap na hirap” sulsol ng utak ni Steven. “Pwede ba tayong mag-usap” sabi ni Steven kay Alex “ung tayong dalawa lang” sabi pa nito. “Sige ba” sagot ni Alex “tungkol saan?” “May ikukunsulta lang ako sa‟yo” buo na ang loob ni Steven, kakausapin na niya si Alex para kay Ricco. “Ano Rina? Ayos lang ba?” tanong ni Alex kay Rina. Ngiti lang ang sinagot ni Rina. Lumayo sila kay Rina at sinadya ni Steven na ilayo sa maraming tao. Sa pinakaliblib at madilim na lugar sila pumuwesto. Hindi pa man nakakahinto sa paglalakad ay binigyan niya ng isang suntok si Alex. Isang malakas at mabigat na suntok. Isang suntok na nilaanan niya ng buong lakas at pwersa. Isang suntok na hindi naman tumama kay Alex. Sa katotohanan ay hindi sanay sa basag-ulo si Steven. Hindi sanay sumuntok at hindi sanay manakit ng tao gamit ang kamao. Unang beses niyang gagawin ito at para pa kay Ricco. Bigo ang unang pagsuntok niya. “Ano ba ang problema mo ha?! Steven!?” madiin na tanong ni Alex. “Ikaw ang problema” sagot ni Steven “ikaw ang problema at alam mo iyan” sagot pa nito. Tila alam na ni Alex ang nais sabihin ni Steven. Nangalog agad ang tuhod niya, higit pa ng isumbat sa kaniya ni Steven ang mga pagkakamaling ginagawa niya. “Nasasaktan ako para kay Ricco” sabi ni Steven “napakawalang kwenta mo. Hindi mo siya kayang ipaglaban sa harap ng mga tao. Hindi mo siya kayang alagaan, kayang 151

Emmanuel R. Caleon
protektahan. Hindi mo magawang makita ang mga luha niya ngayon dahil sa kagagawan mo.” simula ni Steven at unti-unti tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata – mga luhang pinipilit pigilin. “Hindi mo ba napapansin kung gaanong pagtitiis ang inaalay ni Ricco para lang sa‟yo? Bawat araw na pilit siyang bumabangon at naiisip kung hanggang saan mo siya kayang ipaglaban?” si Steven ulit “nakita mo na ba ang luha niya? Ang pagpapanggap niyang masaya? Ang mga pilit niyang ngiti? Ang mapapait niyang tawa? Narinig mo na ba ang putol-putol na bulong ng puso niya? Ang umiiyak niyang puso? Ang damdamin niyang pilit na tumatawa?” tanong ni Steven “hindi pa” madiin niyang dugtong. “Alex, maawa ka kay Ricco. Ang bata niyang puso na itinali mo sa‟yo, ngayon ay umaasam na muling lumigaya.” sabi pa ni Steven. Nanghina si Alex sa mga narinig. Alam ni Alex na nasasaktan si Ricco ngunit hindi niya inaasahan ang ganito. Matindi ang tama sa kanya ng mga sinabi ni Steven. Pinilit niyang magpakatatag subalit pilit pa din siyang ginupo sa pag-aalala sa kanyang mahal na si Ricco. Nasa gitna siya ng nag-uumpugang mga bato at ang nakasalalay na pain ay si Ricco. Dahan-dahan, kumuha ng lakas ng loob si Alex para masagot si Steven. Mahinahon niyang sinabi – “Kung nasasaktan ka para kay Ricco, mas nasasaktan ako. Dahil mahal na mahal ko si Ricco at alam kong ako ang dahilan ng mga kasawian niya ngayon.” pinigilan ni Alex na umiyak “sa bawat umaga ay iniisip ko siya, sa mga sandaling gusto ko siyang makasama ay hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil sa problemang ako mismo ang gumawa. Sa bawat gabi siya lang ang iniisip ko. Bawat gabi ay umiisip ako ng paraan kung paano ko nagagawan ng remedyo ang nagawa ko. Mas nasasaktan ako Steven, higit ako kaysa sa‟yo” madiin niyang usal. Mabalot ng katahimikan ang buong lugar. Binasag ito ni Alex – “oo, inaamin ko, pagkakamali ko ito, pero sana hayaan 152

My All

ninyo akong gumawa ng paraan para maitama ito. Hintayin ninyong makaisip ako ng paraan para maiayos ko ang lahat. Bigyan mo ako ng panahon para patunayang hanggang kabilang buhay ay kaya kong ipaglaban si Ricco sa gitna ng lipunang punung-puno ng mga mapanghusga at makasalanang mga mata.” pagtatapos ni Alex. “Kuya Alex” tanging tugon ni Steven. “Sana Steven, maintidihan mo ako at bigyan ng pagkakataon. Sana ay tulungan mo din ako at alagaan mo muna si Ricco hanggang hindi pa ako naliliwanagan” sabay tumalikod at lumakad ng mabilis palayo kay Steven. Naiwang walang imik si Steven at tangi lang niyang nasabi bago makalayo si Alex ay – “oo, ako muna ang bahala kay Ricco, tutulungan kita, basta bilisan mo lang at ipaglaban mo na siya laban sa lipunang sarado na ang pag-iisip.” Dumaan muna si Alex sa pinakamalapit na palikuran para ayusin ang sarili. Ayaw niyang maghinala si Rina sa kung ano ang nangyari pagitan nila ni Steven. Pinilit niyang ibalik ang dating aura kahit na kumikirot pa din ang puso niya sa tuwing maiisip si Ricco. -------------------------------------------------Dalawanag araw na ang lumilipas ng maganap ang tagpong iyon sa pagitan nila Alex at Steven. Ito na rin ang araw ng pagtatapos ni Ricco sa kolehiyo at masaya siya sa araw na ito. Wala mang planong pumunta sa graduation ay dahil sa pamimilit ng nanay niya ay pupunta na sila. “Ricco” bati ni Steven “ayos, bagay na bagay sa‟yo ang magsuot ng toga” sabi pa nito. “Lahat ng ipasuot mo sa akin bagay” pagyayabang ni Ricco. “Kahit nga bestida ayos” singit ni Drew. 153

Emmanuel R. Caleon
“Walanghiya ka talaga” birong sangga ni Ricco kay Drew. “Pare, sayang talaga kung hindi dahil sa dalawang tres mo summa ka na sana" sabi ni Mark. “Ayos lang iyon” sabi naman ni Ricco “mas mahalaga makakagraduate tayo” nakangiting turan ni Ricco. Hindi na niya inaasahan pang makakapunta si Alex sa graduation niya. Nagtext kasi ito na madami pa siyang tinatapos. Si Alex sana ang maghahatid sa kanila paluwas papuntang venue ng graduation subalit dahil sa hindi nga ito pupwede ay sa kotse na lang ng panganay niyang kapatid sila sumakay kabuntot ang iba pa niyang mga kapatid na may sari-sarili ding mga kotse. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang palatuntunan. Masayang masaya si Ricco dahil nalusutan nila ang kursong akala nila ay papatay na sa kanila. Natapos ang seremonya, bagay na bagay sa kanila ang suot na white hood. Bago sila tuluyang makaalis ay pinatawag muna sila ng kanilang chairperson para sa ilang pagbati at paalala. “I remember Nicco‟s batch from you” sabi ni Dr. Susana “they created a legacy that 95% graduated from their batch and you did better than them 100%” saad pa nito. Palakpakan ang buong klase sa papuri sa kanila ni Dr. Susana. Palibhasa ay isa ito sa nangunguna sa kaistriktuhan at kahigpitan subalit pinakamalaki ang concern para sa kanila. “And you Ricco” sabi pa nito “you are the Nicco for this batch. I hope that you will make your own name in the future. Kasama ang buong batch ninyo” nakangiting turan nito. “Yes ma‟am” sagot ni Ricco na nakangiti. Agad silang naghiwa-hiwalay at umaasang magkikita pa muli. Nagpaalam sa isa‟t-isa at masayang haharap sa bagong hamon ng buhay. 154

My All

“Ricco” tawag kay Ricco ng isang pamilyar na tinig “Ricco” ulit nito. Labis ang naging kasiyahan ni Ricco nang makitang si Alex ito. Agad siyang lumapit sa kinaroroonan ni Alex dagli itong niyakap. “Kuya Alex” sabi ni Ricco. “I love you baby DAK” sabi ni Alex. “I love you more daddy DAK” sagot ni Ricco “akala ko hindi ka darating” dugtong pa nito. “For my Ricco, anything is possible” nakangiting wika ni Alex sabay pisil sa pisngi ni Ricco. “Nambola pa” sagot ni Ricco na lumuluha sa kaligayahan sabay kurot sa tagiliran ni Alex. Tanging ang sinag lang ng buwan ang tumatanglaw sa kanilang dalawa kung kayat kitang-kita nila ang ekspresyon sa mukha ng bawat isa. “I don‟t‟ want to disappoint you” sabi ni Alex “hiwalay na tayo” sabay nalungkot ang mukha ni Alex “it‟s over” putol-putol na winika ni Alex. Nabigla si Ricco sa narinig. Paulit-ulit na umuugong sa tenga niya ang mga katagang ito. – “Ano daw?” tila tanong ng utak ni Ricco. Ang luha ng kaligayahan ay naging luha na ng kalungkutan. Ang nga ngiti ay unti-unting naglaho at napalitan ng lungkot. “Ikaw” sagot ni Ricco na punung-puno ng hinagpis at sakit “bahala ka” dugtong pa niya.

155

Emmanuel R. Caleon
“Practice ko lang iyon para kay Rina” biglang ngiti si Alex kay Ricco “I‟m planning for our break-up” sabay pisil sa pisngi ni Ricco. Biglang umasim ang mukha ni Ricco at sarakstikong wika niya “Anak ka ng nanay mo” sabay kalas sa pagkakayakap sa kanya ni Alex. “Gago ka talaga. Kung totohanin ko kayang makipag-hiwalay?” asar na wika ni Ricco. “My Ricco” pigil ni Alex at sabay niyang hinarap si Ricco at biglang hinalikan sa labi. Nag-aapoy, nag-aalab, punung-puno ng pagmamahal. Lumulundag ang puso ni Ricco, sapat na ang halik na ito para pawiin ang kung anumang lungkot na dinanas ng puso niya sa mga nagdaang araw. Sulit na sulit naman kay Alex ang ginawang halik para kay Ricco. Sapat ng kabayaran sa mahabang mga araw na nawalay sa kanya si Ricco, sa pangungulila sa mahal niyang si Ricco. “Ano? Hihiwalayan mo pa ako?” malambing na turan ni Alex. “Secret” nakangiting sagot ni Ricco. “Pasecret-secret ka pa, kita mo namumula ka nga” sabi ni Alex sabay hawak sa pisngi ni Ricco “if I know gustong-gusto mo ung halik ko.” Lalong namula si Ricco sa tila nabasang laman ng kanyang puso at isipan “siyempre, bakit ko hihiwalayan ang buhay ko?” sabi pa nito. “Give me less than a week” sabi ni Alex “ipaglalaban na kita hanggang sa kabilang buhay” Ngiti – mga ngiti ng kasiyahan ang ngayon ay nababanaag sa mukha nilang pareho. Alam nilang liligaya na ang kanilang mga puso at magsasama sa mundong kanilang muling gagawin. 156

My All

“Oo naman, walang masama sa ganuon” sagot ni Ricco na may pagpipilit na palitan ng ngiti ang mga luha “besides ung pagmamahal lang naman natin bilang mag-asawa ang kakalimutan natin, hindi naman ang pagmamahal bilang magkaibigan” sabay ang isang ngiti mula kay Ricco.

157

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 17 Ang Kabanatang Magbabago sa Lahat Mahigit tatlong buwan nang tumatakbo ang relasyon nila Rina at Alex at dalawang linggo na buhat ng ipangako niya kay Ricco na aayusin niya ang mga gusot na siya ang gumawa. “Rina” simula ni Alex “it is over.” “Ha!” biglang reaksyon ni Rina “hindi pwede Alex” sabi nito. “I‟m sorry Rina” sabi ulit ni Alex “I thought that I love you, but” putol ni Alex. “Hindi pwede Alex” giit ni Rina “paano na ang magiging anak natin?” naluluhang sinabi ni Rina. Nawindang ang buong mundo ni Alex sa isang katotohanang sumampal sa kanyang buong pagkatao. Nawala ang lahat ng nais niyang sabihin, naputol ang kanyang dila at tila natunaw ang kanyang diwa sa sinabing iyon ni Rina. Hindi niya maramdaman ang sarili, tila pinanawan siya ng ulirat sa sinabing iyon ni Rina, nahihirapan siyang intindihin at ayaw niyang intindihin. “I really love you Alex” sabi ni Rina “I really love you and our future child” humahagulgol na sinabi ni Rina. “But how?‟ tanong ni Alex “can‟t remember anything” sabi pa nito. “Have you forgotten?” sabi ni Rina “pagkagaling natin sa Star City pumunta tayong bar, nalasing ka. Remember? 158

My All

Pagkagising mo you are in the hotel room. I was the one who held you there” paliwanag ni Rina. “And?” nanginginig na tanong ni Alex. “and” putol ni Rina kasunod ang mga patak ng luha “it happened” tuloy pa din si Rina sa pag-iyak. “I can‟t remember anything” giit ni Alex na tila hindi makapaniwala sa nangyayari. “This can‟t be Alex” sabi ni Rina “you promised me that night that you will marry me” sabi ni Rina “kaya bumigay ako, pumayag ako sa gusto mo.” Hindi makapaniwala si Alex sa naririnig. Laman ng isip niya ay - “Oo, nalasing ako, gumising ako kinaumagahan sa isang hotel room. Walang damit – tama wala akong damit! What the hell! Stupid Alex! It‟s true” saad ng utak niya. “Rina” agad niyang niyakap si Rina “I‟ll marry you as soon as possible.” tila pagpapatahan niya kay Rina. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ito ang lumabas sa kanyang bibig. Naguguluhan siya – naguguluhan sa mga takbo ng pangyayari. Natapos ang usapan ng dalawa. Ang isang simpleng solusyon ay naging kumplikado at lalo pang naging kumplikado. – “Oh Ricco. Patawarin mo ako” pilit na sumisingit sa isipan niya. nagdadalawang-isip kung papakasalan ba niya si Rina o hindi. Kung si Ricco ba o si Rina at ang magiging anak nila. Kung ang tunay na pagmamahal ba o ang ginawang panakip butas para alagaan ang tunay na pagmamahal. Nahihirapang mamili si Alex, nahihirapang pumili ang puso at utak niya. Ayaw niyang iwan si Ricco, subalit ayaw niyang ilagay sa kahihiyan si Rina at lumaking bastardo ang anak nila. Tila sasabog na ang isip niya sa ganitong pag-iisip. Kailangang masabi niya ito kay Ricco, masabi niya sa lalo‟t madaling panahon. Hindi niya gustong maunahan siya ng iba na makapagsabi nito kay Ricco. Dagli niyang itinext si Ricco. 159

Emmanuel R. Caleon
“My Ricco, busy ka ba? Kita naman tayo kung hindi ka busy.” sabi ni Alex. “I‟ll always be available for my daddy DAK.” sagot ni Ricco. “Can‟t wait. Sunduin kita sa inyo ng 8pm” agad na reply ni Alex. “Sige po” maikling reply ni Ricco. Hindi tulad dating kinukulit niya si Ricco sa text ay tila iba ang aura ni Alex. Iniisip kung paano sasabihin kay Ricco ang mga katotohanang ikakasira nilang dalawa. Hindi niya alam kung sino ang pipiliin at wala siyang balak na pumili sa dalawa. Sira ang mundo niya, sira ang konsentrasyon niya. Buong maghapon siyang walang imik, walang kibo at malungkot. Kahit kulitin siya ni Ahron sa kung ano ang problema niya ay ngiti lang ang sinasagot niya. Dumating na ang oras, sinundo niya si Ricco. Sandaling nawaglit sa isipan niya ang pag-aagam-agam at muli siyang pinaligaya ng magandang aura ni Ricco. “Nice one” sabi ni Ricco ng marating ang isa sa pinakamahalagang lugar para sa kanya, para sa kanila ni Alex. “Baba ka na baby DAK” anyaya sa kanya ni Alex. Agad na silang pumasok sa bar – ang bar kung saan nagtapat si Alex ng tunay niyang nararamdaman. Tulad ng sa una niyang punta duon ay nagpaunlak siya ng isang kanta, isang Chris Daughrtry song. Gaya ng sa una ay papuri ang ginawad sa kanya. Inaya siya ni Alex sa rooftop. Bumabalik ang alaala niya ng mga panahong iyon. Kung ano ang pakiramdam niya sa bawat tapak sa hagdan, ang kaba sa bawat hakbang ng mga paa. Tulad nung panahong iyon, may nakahandang lamesa sa may gitna ng rooftop, may mga telang pula at puti na pinapatingkad ng ilaw. Halimuyak ng mababangong bulaklak na humalo sa simoy ng sariwang hangin. Ang lagaslas ng mga dahon sa tinatangay sa ihip ng hanging masarap kung dumampi sa kanilang mga katawan. Pagkaupo nila sa lamesa ay nagsalita si Alex –

160

My All

“Salamat Ricco sa pagdating mo sa buhay ko” sabi ni Alex “salamat at ikaw ang taong nakaunawa sa akin. Salamat sa pagbibigay halaga sa isang tulad ko, salamat sa kabutihang naidulot mo, mga naituro mo. Salamat sa pagpaparanas sa akin ng tunay na pagmamahal at sa pagtanggap sa kung sino ako. Higit sa lahat salamat at nakikita mo ang kabutihan sa loob ko” masayang wika ni Alex. “Wala po iyon kuya Alex” sagot ni Ricco “wala naman talagang taong masama, nasa pagtingin iyan ng indibidwal. May kabutihang taglay ang bawat isa, un nga lang, may ibang hindi nila ito nakikita at sadyang itinatago. Pero makikita mo din ito basta ba bukal sa kalooban mo na tanggapin siya at hindi magtatagal makikita mo din ang nakakubling kagandahan sa kanya. Ganuon lang ang ginawa ko kuya Alex” ganting ngiti ni Ricco. Nabalot ng katahimikan ang lugar. sa ngayon nga ay biglang nalungkot si Alex – kailangan na niyang harapin ang katotohanan at ipagtapat ito kay Ricco. “Ricco” pagbasag ni Alex sa katahimikan “buntis si Rina at..” hindi maituloy ni Alex ang sasabihin. “at” bagamat alam ni Ricco kung ano ang kadugtong ay nais pa din niyang sa mga bibig ni Alex manggaling kung ano ang katotohanan. “At” nanginginig na tinig ni Alex “at ako ang ama” pagtutuloy ni Alex “I‟m sorry Ricco” pahabol pa nito. Gumuho ang mundo ni Ricco. Nasira ang mga pangarap niyang kasama si Alex. Pakiramdam niya ay nilalamon na siya ng lupa at hindi makakilos. Hindi niya matanggap ang narinig, ayaw niyang ipasok sa tenga niya. Hindi niya alam kung seseryosohin ba ito o joke lang ng kuya Alex niya. “Is it a joke?” lakas loob niyang tanong. “I hope it‟s yes, but unfortunately it is not” malungkot pa ding wika ni Alex. 161

Emmanuel R. Caleon
“What are your plans?” malungkot na btanong ni Ricco. “I don‟t want to marry Rina but I really have to save her from shame. I don‟t want my future child to grow up not with his father.” sabi pa din ni Alex. “I got your point” sabi ni Ricco na pinilit magpakita ng isang ngiti para pakalmahin si Alex. “I‟m really sorry Ricco” sabi ulit ni Alex “I really love you” “I know and I love you more than you do” sagot ni Ricco. Muli silang binalot ng nakabibinging katahimikan. “You better marry Rina” saad ni Ricco na pinipigil na mapaluha. “Eto na ba ang katapusan ng kwento natin” bulong ng umiiyak niyang puso. “And you?” tanong ni Alex. “I‟ll be fine” sabi ni Ricco “don‟t worry bout me, I can handle myself” dugtong pa nito. “I hope I will be fine.” kontra ng puso ni Ricco. Mabigat man sa kalooban ni Ricco ay hinayaan na niyang makawala sa kanya ang puso ng kanyang kuya Alex. Kinalagan na niya ito mula sa pagkakatali at hinayaan lumipad. Ganuon din naman si Alex, kahit mabigat sa kanyang damdamin ay kinailangan niyang magpaalam na sa damdaming binuhay ni Ricco. Masakit sa una subalit nakakatiyak naman siyang makakaya nilang lagpasan ito. “Salamat Ricco” sabi ni Alex. “Your welcome” isang putol-putol na sagot ni Ricco kasunod ang patak ng mga luha. 162

My All

“Sana maging magkaibigan pa din tayo” sabi ni Alex. “Oo naman, walang masama sa ganuon” sagot ni Ricco na may pagpipilit na palitan ng ngiti ang mga luha “besides ung pagmamahal lang naman natin bilang mag-asawa ang kakalimutan natin, hindi naman ang pagmamahal bilang magkaibigan” sabay ang isang ngiti mula kay Ricco. “Salamat” tanging sagot ni Alex. “Be a good husband to Rina and be a good father to your future children” sabi ni Ricco. Gustuhin man niyang umalis na ay hindi pa din niya magawa, nais niyang kahit sa mga huling sandali ay matitigan ang mukha ng kanyang kuya Alex. Kuntento na siya sa ganuon, sapat na ang titigan si Alex para muling lumigaya ang kanyang puso. Pinilit kalimutan ang sakit, pinilit alisin ang lungkot at pinilit itaboy ang pait.

163

Emmanuel R. Caleon

“I just want to cherish every moment of my life. Isa itong lugar na to sa memorable sa akin kaya naglilibot ako” sagot ni Steven.

164

My All

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 18 Si Bestfriend Steven Pinilit ni Alex na ihatid si Ricco subalit labis-labis ang pagtanggi nito. Walang balak si Ricco na umuwi sa kanila ng gabing iyon, mas nais niyang mapag-isa at gamutin ang sugat na nasa puso niya ng mabawasan ang sakit na pumapatay sa kanyang pagkatao. Hindi umiinom ng alak si Ricco at wala siyang balak na tumikim kailanman, pinasya niyang tumungo sa kung saan mang lugar na walang papansin sa kanya. “Samahan mo naman ako. Nasa Manila ka ba?” text ni Ricco kay Steven. Alam ni Ricco na nasa Batangas ito at nagbabakasyon. Hindi na niya inaasahan pang pupuntahan siya nito para pakinggan o payuhan o samahan. “Saan ka ba ngayon best?” reply agad ni Steven. “Roxas Blvd. Baywalk ung malapit sa Aristocrat. hehe” reply naman ni Ricco. “Stay input. I‟ll be there in 30minutes.” reply naman ni Steven. Nagulat si Ricco sa reply na iyon ni Steven. Sigurado siyang nasa Batangas ito at nagpapahinga. Gusto lang niya talagang magpapansin sa bestfriend niya para na din mabawasan ang dala niyang sama ng loob. “Si bestfriend talaga, JOKER, Alam ko namang nasa Batangas ka. Lokohin mo lelang mo 30minutes. haha” reply niya kay Steven “Ricco” tawag sa pangalan niya buhat sa likod. 165

Emmanuel R. Caleon
“Ricco” ulit pa nito. Hindi ito pinansin ni Ricco. – “Baka kapangalan ko lang. Ikaw ba naman kasi ang magkaroon ng pangalang kalat sa buong daigdig” sabi ng utak ni Ricco. “MySon Ricardo deles Reyes” sabay na may tumabi sa kanya “isnabero! Matapos akong papuntahin dito hindi mamansin.” Nagulat si Ricco nang masiguradong si Steven nga ito. Muli, nakaramdam ng tuwa ang puso ni Ricco sa isiping may makakasama na siya at mapagsasabihan ng kanyang problema. “Akala ko ba nasa Batangas ka?” tanong ni Ricco. “I just want to cherish every moment of my life. Isa itong lugar na to sa memorable sa akin kaya naglilibot ako” sagot ni Steven. “Ganitong oras?” may pagtataka sa tinig ni Ricco. “Bakit? Ano masama?” sabi ni Steven “ikaw nga andito din” dugtong pa ni Steven. Nabanaag ni Steven ang kalungkutan sa mukha ni Ricco – “May problema ka ano?” tila siguradong pagtatanong ni Steven kay Ricco. Unti-unting pumatak ang mga luha ni Ricco. Niyakap naman ni Steven si Ricco para pagaanin ang loob nito. Ginawaran ng isang halik sa noo. Dito na nagsimulang maglahad si Ricco sa mga nangyari at sa tunay na problemang dinadala niya. “Masakit best” tila pagwawakas ni Ricco “sobrang sakit.” “Hindi ko alam kung makakaya ko ba?” sabi pa ni Ricco. “Mahal na mahal ko si Alex” sabi pa ni Ricco. 166

My All

“Best kung nagawa mong masanay na andiyan siya sa tabi mo, makakaya mo din na wala na siya sa tabi mo” tila pang-aalo ni Steven. “Alam ko best” sagot ni Ricco “kaso hindi ko alam kung paano” sabi pa ni Ricco. “Kung magsalita ka parang hindi ka si Ricco” sabi ni Steven “chin up best. Lagi akong nasa tabi mo” dagdag pa niya. “Salamat best” sagot ni Ricco. Nabalot ng katahimikan ang pagitan ng dalawa. Iniyak ni Ricco ang lahat sa mga balikat ni Steven, samantalang si Steven ay pilit na pinatatag ang loob niya at pinigil ang mga luhang naguunahang dumaloy sa kanyang mga mata. --------------------------------------------------Sino nga ba si Steven? Si John Stevenson Santillan ay anak ng Congressman ng District 2 ng Batangas. Palibhasa ay bunsong anak at tanging lalaki sa pamilya ay lumaki sa luho at lumaki sa layaw. Higit pa, biniyayaan din ng katalinuhan at kagwapuhan. Siya ngayon ang may hawak ng titulo bilang Lakan ng Batangas at pinapantasya ng mga kababaihan at … alam nyo na. Matangkad, makinis ang kutis, maayos sa katawan, malinis, laging mabango, matamis kung makangiti na talagang makalaglag ano … basta iyon na iyon. Pinalaot sa Maynila para magkolehiyo, pinapakuha ng abogasya kaya naman ang kurso niya dapat ay Political Science. Sa pag-eenrol ay agad na may tumawag sa atensiyon niya, agad siyang tinamaan ni kupido na direktang tumagos sa puso niya. Nahumaling siya sa isang gusgusing walang pakialam sa sariling bikas, ngunit mababanaag ang naitatagong kagwapuhan. Tama! Lalaki! Sa lalaki siya nahuhumaling at isa siyang kabaro. 167

Emmanuel R. Caleon
Tanggap na niya ang ganitong pagkatao, na siya ay isang bisexual, bakla, bading, beki o kung sa paanong paraan man tawagin. Iyon nga lang, natatakot siya sa magiging reaksyon sa kanya ng lipunang ginagalawan, sa mga pamantayan nito at sa kung paanong itrato ang mga katulad niya. Natatakot siyang higit sa magiging reaksyon ng pamilya niya. Hindi nito nasisisgurado kung matatanggap ba siya. Tama na muna ang drama, sa kwento muna tayo ni Steven at ng gusgusin. Agad niyang nilapitan ang gusgusing lalaking ito subalit may kagwapuhan. Kinausap at tinanong ng kung anu-ano. Hanggang sa nalaman niyang Philosophy pala ang kinukuha nito. Isang kursong hindi niya kilala, hindi niya sigurado kung may ganuong uri ba talaga ng kurso. Dahil sa pagnanais na makasama ang gusgusing lalaki ay agad niyang binago ang application form at ang Political Science na kurso ay pinalitan ng Philosophy. Naging magkaibigan sila ng gusgusing lalaki na ito. Ang akalang pagtingin ay nauwi sa mas malalim pang damdamin o ang tinatawag nilang pagmamahal. Tama! Tama ang iniisip mo kung si Ricco ba ang gusgusing lalaki na ito. – si Ricco na unconscious flirt. -------------------------------------------------“Ricco” pagbasag ni Steven sa katahimikan “huwag mo sanag isiping sumasabay ako.” “Best” tila nahuhulaan na niya ang susunod na sasabihin ni Steven. “Patuloy kitang minamahal kahit na nasasaktan ako. Mahal kita at iyon lang ang alam ko. Hindi ko alam kung hanggang saan o kung may hangganan ba ang nararamdaman ko para sa‟yo. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalin ng pagmamahala na ito.” wika ni Steven na hindi na napigilan pa ang pagtulo ang mga luha. Pinahiran ni Ricco ang mga luha ni Steven. Nakaramdam siya ng awa para sa kaibigan, sa kaibigang sa una pa lang nilang 168

My All

pag-uusap ay inalayan na niya ng lihim na pagmamahal at pinagukulan na ng atensiyon at pagpapahalaga. “Handa akong maging panakip butas para lang mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. Pero sana, hayaan mo lang akong malaya kang mahalin at sana ay hayaaan mo din ang puso mong mahalin ako.” sabi ni Steven. “Ayokong gumamit ng ibang tao para lang pagtakpan ang sakit na dinadala ko.” sabi ni Ricco “kahit ibahin ko man ang ikot ng mundo, alam ng puso kong babalik at babalik din ang kirot.” sabi pa ni Ricco. “Kaya nga hayaan mo akong gamutin at pahilumin ang kirot na dala mo. Hayaan mo akong patunayan na kahit gaano kalalim ang sugat, pupwedeng gamutin at gumaling.” pagtutol ni Steven sa sinabi ni Ricco. Napaisip si Ricco sa sinabing iyon ni Steven. Hindi niya akalaing ganuon katindi ang pagmamahal sa kanya ni Steven at handa itong magsakripisyo para sa kanya. Agad niya itong niyakap – “Salamat Steven” sabi ni Ricco “hindi ko alam kung kaya kong pantayan ang pagmamahal mo sa akin, pero isa lang ang sigurado ko, kaya kong suklian iyan ng tunay at wagas” dugtong pa nito “pero hindi pa siguro sa ngayon” “Masaya ako! Ito lang ang damdaming nakakapa ko sa puso ko. Nagtititwala ako sa sinabi mo at papatunayan kong karapat-dapat din ako sa pagmamahal mo” sagot ni Steven na tila hindi narinig ang huling sinabi ni Ricco. Ang gabing ito ang simula para gamutin ang sugat sa puso ni Ricco. Itong gabing ito ang simula para muli, maranasan ng puso niyang sumaya. Ito ang gabi para muli niyang paliparin ang pusong naikulong sa isang masayang pag-ibig subalit nagdulot ng matinding sakit dahil sa isang pagkakamali. Ito ang gabi para sa bagong yugto sa buhay pag-ibig ni Ricco. Oo, mahirap, subalit kung gugustuhin at pipilitin kayang magawa. 169

Emmanuel R. Caleon

“He will still be part of me” sabi ni Ricco “but letting my heart to fly is the first step of moving on” dugtong pa ni Ricco “at iyon ang ginagawa ko ngayon” pahabol pa nito.

170

My All

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 19 Sa Bagong Liriko at Melodiya ng Pag-iisa Malapit nang mag-isang buwan matapos magkahiwalay nila Alex at Ricco at malapit nading mag-isang buwan na pilit pinaghihilom ni Ricco ang sugat sa puso niya. Malapit na ding mag-isang buwan na sinusubukan ni Alex na mahalin si Rina. Malapit na ding mag-isang buwan na inaalalayan ni Steven si Ricco sa paghilom ng suagt sa puso niya. Higit pa, malapit nang mag-isang buwan na pilit ibinabalik nila Ricco at Alex ang pagkakaibigang nabigyan ng limitasyon. “Ricco” sabi ni Ahron sa kabilang linya “we need you. The company needs you” pambungad ni Ahron sa kabilang linya. “Char!” sagot ni Ricco “kay aga yan agad ang bungad mo” dugtong pa ni Ricco. “I‟m not kidding” giit ni Ahron “kita tayo para malaman mo” sabi pa ni Ahron. “Okay” sagot ni Ricco “when and where?” “Ngayon na!” sabi ni Ahron “lumabas ka ng kwarto mo at mag-usap na tayo” sabi pa ni Ahron. “Anak ng tinapa” sabi ni Ricco sabay takbo sa pintuan ng kwarto niya at biglang labas “wala ka naman sa sala” dugtong ni Ricco. “Talagang wala pa, kasi ngayon pa lang ako nasa pinto” sabi ni Ahron sabay katok sa pinto. “Talaga naman” tanging nasambit ni Ricco sabay bukas ng pinto at pindot sa end call. “Napasugod ka?” tanong ni Ricco kay Ahron. “Importante lang” sagot ni Ahron. “Gaano ka importante” pangungulit ni Ricco. 171

Emmanuel R. Caleon
“I‟ll tell you mamaya” sabay ang ngiti galing kay Ahron “wala man lang alok na tubig” tila may pagtatampo sa tinig nito. “Ikukuha kita mamaya” sabi ni Ricco “just first tell me why you are here” giit ni Ricco. “Bleeding nose ako dun” sabi ni Ahron “gumraduate lang inglisero ka na din” sabay ang nahinang tawa. “Ano ba kasi iyong sinugod mo dito?” tanong ni Ricco sabay batok kay Ahron. “Masakit iyon” sabi ni Ahron “pero seryoso, we need you Ricco.” “Bakit nga?” tanong ni Ricco “kay kulit naman.” “Pwede bang ikaw na ang maging voice ng Trio Ad?” tanong ni Ahron na may paawa ang himig. “How about Rina?” tanong ni Ricco “anong nangyari?” “As if you don‟t know the story” sabi ni Ahron “di ba nga buntis si Rina at malapit na ang kasal” “So?” sagot ni Ricco na muling nakakaramdam ng kirot sa puso niya. “We need you to replace her spotlight” nakangiting wika ni Ahron. “Ayoko nga” giit ni Ricco. “Ricco” pamimilit ni Ahron “please Ricco” lalo pang pamimilit kay Ricco. Alam ni Ricco na hindi magandang desisyon kung tatanggapin niya ang alok ni Ahron. Una, nireject siya ng ilang ulit. Pangalawa, hindi na siya interesado sa pagkanta. Pangatlo, 172

My All

alam niyang mapapadalas ang pagkikita nila ni Alex at Rina at makakapagdulot ito ng sakit sa kanya. At pang-apat, may iba na siyang plano sa buhay. Ilang oras din siyang pinipilit ni Ahron – drama dito at drama duon ang ginawa. Kinonsensiya siya ng todo at todo din kung makiusap. Sa bandang huli ay tinanggap niya ang alok ni Ahron – oo, pumayag siyang maging boses ng Trio Ad kahit na nga ba batid niya ang mga sakit na pwede niyang pagdaanan – isang katangahan. Inayos na lang niya ang sarili sa isiping – “ang sakit na makukuha ko ay pwede ko ding gamitin para palakasin ako” “Salamat Ricco” pasalamat ni Ahron. Ngiti lang ang sinagot ni Ricco. Nabalot ng katahimikan ang dalawa at si Ricco ay nahulog sa isang malalim na pag-iisip. Hanggang sa tanungin siya ni Ahron – “Why did you give up Alex?” bagamat unang beses nilang pag-uusapan ang tungkol sa bagay na ito. “Wala namang masama kung susuko ka na” pinilit ni Ricco na palakasin ang loob para masagot ang tanong na iyon “minsan kasi kung patuloy kang lalaban, pwedeng makalagpas ang isang bagay na dapat sa‟yo kaso hindi mo mapansin dahil sa pinaglalaban mo” pilit ang ngiti ni Ricco. “Mahal mo pa ba si Alex?” tanong ni Ahron. “Oo naman” maikling sagot ni Ricco. “Then” sabi ni Ahron “why did you let these things to happen?” “Mahal ko siya at ang kinabukasan niya kaya ko ginawa ito” sabi pa ni Ricco na pilit itinatago ang sakit. “Pero paano ka?” tanong ulit ni Ahron.

173

Emmanuel R. Caleon
“He will still be part of me” sabi ni Ricco “but letting my heart to fly is the first step of moving on” dugtong pa ni Ricco “at iyon ang ginagawa ko ngayon” pahabol pa nito. Humanga si Ahron sa katapangang pinapakita ni Ricco. Naniniwala si Ahron na magagawang lagpasan ni Ricco ang kung anumang pagsubok na pinagdadaanan niya at naniniwala siyang maibabalik sa dati ang pagkakaibigan nila Alex at Ricco. Kung sa ngayon ay nakakapag-usap na sina Ricco at Alex na tila walang nangyari ay naniniwala si Ahron na isang araw, magagawa ito ng dalawa na wala na ang sakit na nararamdaman nila ngayon. Hindi na nagtagal pa si Ahron sinabi na niya ang lahat ng schedules kay Ricco – kung kailan siya magpapakita sa board para sa approval, ang press conference at first public appearance at sa kung anu-ano pa. Napansin niyang wala na sa isang buwan ang gagawin niyang paghahanda at ang pinakamasaklap sa lahat, bukas na ang decision ng board. Kinabukasan, maagang nagpunta si Ricco sa Trio Advertising para sa sinabing approval ng board. Kasama niya si Steven, at heto, ngayon nga ay paparating sa harap nila si Alex kasama si Rina. Pinilit itago ni Ricco ang sakit na nararamdaman niya sa bawat himaymay ng kanyang laman. – “Ricco, prepare yourself to receive your first best actor award” sabi niya sa sarili sabay tapon ng pilit na ngiti. Agad na pumasok ang dalawa – sina Alex at Rina. Maya-maya pa ay tinawag na siya ni Ahron sa labas. Pinapapasok na siya dahil malapit ng magsimula. Iniwan niya si Steven sa labas para hintayin siya. Sa loob ay masaya siyang binati ng papa nila Alex, Jeannie at Ahron at masayang nakipag-usap sa mga napulot na kapatid. Ito na, dumating na ang oras para siya ay muling magtanghal, hindi niya maintindihan kung bakit sa dinamidami ng pwede niyang kantahin ay Some Good Things Never Last pa ang napili niya at sinundan ng Heaven Knows by request ng Ate Jeannie niya. “Without any objections” simula ni Mr. Marcelino Jr “you are the newest voice of the Trio Advertising” pagbabalita nito. 174

My All

“Let us set the press conference and his first public appearance a week before Alex‟s marriage” sabi ni Mr. Custodio, ang tatay ni Rina. Tila guguho ang mundo ni Ricco sa narinig na iyon – “Bakit naman puro sakit ang nararamdaman ko?” sigaw ng isipan ni Ricco. Napansin ni Alex ang biglang pagbabago sa aura ni Ricco – “Ricco, please be strong. Hindi ko kaya ang nakikita kang ganyan” sigaw din ng damdamin ni Alex na sa katotohanan ay gusto niyang lapitan si Ricco para yapusin at sabihan ng mahal na mahal kita Ricco. “Kamusta na Ricco?” tanong ni Steven pagkalabas ni Ricco. “Good” malambing na sagot ni Ricco na ikinukubli ang sakit. “Ayos pala” sabi ni Steven “this needs a celebration” pagkasabi nito ay tinawagan ni Steven sila Mark at Drew. Masaya na namang nagsama-sama ang apat. Kulitan, harutan at asaran – mga gawing madalas nilang gawin sa eskwelahan na maaaring hindi na maulit pa. Pumunta sila ng bar para duon icelebrate ang tagumpay ni Ricco. Inaya ni Steven sa isang sulok ng bar si Ricco – “Ricco” simula ni Steven. “Bakit best?” tanong ni Ricco. “I‟ll be studying in Europe for my masters degree” malungkot na balita ni Steven. “Maganda pala” sagot ni Ricco. Sa kabilang bahagi ng kanyang pagkatao ay may tinig na hindi niya maintindihan, isang tinig na nagsasabing – “huwag mo akong iwan” 175

Emmanuel R. Caleon
“Ayoko Ricco na iwan ka” malungkot na dugtong ni Steven “hindi ko kayang iwan ka” “Ako rin Steven, ayoko na mawala ka” – sigaw ng damdamin ni Ricco “mahal na ata kita ng higit sa kaibigan” gusto sana niyang sabihin ngunit tila may pumipigil sa kanya para gawin ito. “Ricco” wika ni Steven “sana handa ka nang mahalin ako pagbalik ko” saad pa nito. “Steven” tanging usal ni Ricco – “Bakit naguguluhan ako ngayon?” tanong ni Ricco sa sarili. Nagsisimula ng umusbong kay Ricco ang isang pakiramdam na hindi niya maunawaan, naguguluhan siya sa kung ano ba ang nangyayari sa kanya. Masaya siya para kay Steven subalit sa pakiramdam niya ay may malaking puwang sa pagkatao niya ang mawawalay sa kanya. “Kailan ang alis mo?” tanong ni Ricco. “Eksaktong tatlong linggo mula ngayon” malungkot na sagot ni Steven. “Mag-iingat ka” malungkot na winika ni Ricco. “Tandaan mo” sabi ni Steven “mahal na mahal kita Ricco” saad pa nito sabay kuha sa kamay ni Ricco at binigyan ng isang halik. Nanginig ang katawan ni Ricco sa ginawang iyon ni Steven. Nakaramdam siya ng kaba at pag-aalala. May isang tanong na nabuo sa kanyang isipan – “paano kung makalimutan ni Steven na mahal niya ako? Makakaya ko ba iyon?” “Ricco” si Steven ulit “iingatan mo ang sarili mo at tandaan mo, lagi, ikaw ang nasa puso ko.” 176

My All

“Mahal na ata kita” biglang naibulalas ni Ricco kasabay ang pagpatak ng luha. “Talaga?” biglang umaliwalas ang aura ni Steven. Tango lang ang sagot ni binigay ni Ricco. Agad namang niyapos ni Steven si Ricco ng pagkahigpithigpit. Hinalikan sa noo at tinitigan sa mga mata at sinabi – “Mahal na mahal kita Ricco, higit pa sa buhay ko. Mahal na mahal kita Ricco higit sa anumang bagay. Handa akong mamatay para sa iyo, handa akong ialay ang lahat lahat para sa‟yo” masayang sinabi ni Steven kay Ricco. “Mahal na nga ata kita Steven. Hindi ko maisip kung paano na lang pag nawala ka. Ayokong sa pagpunta mo ng ibang bansa ay hindi mo man lang malalaman ang laman ng puso ko” sabi ni Ricco. Natapos ang gabi na sa pakiramdam ni Ricco ay nakalaya na ngang lubusan ang puso niya sa pagkakatali kay Alex at ngayon ay nakahanap na ng bagong tagapag-alaga sa piling ni Steven. Masayang hinaharap ni Ricco ang bawat araw sa isiping nakatagpo na siya ng taong tunay namang mamahalin. Mabilis na lumipas ang mga araw – dalawang linggo na din ang lumilipas at sa araw na ito ang kanyang press conference at first public appearance bilang boses ng Trio Ad. Tulad ng sinabi sa kanya ni Ahron ay naghanda siya ng limang kanta – Bridge Over Troubled Waters, Himala, Betterman, Time for Miracles at I Wanna Know What Love Is na inialay niya para kay Steven. Oo – nakamove on na siya, hindi na gaanong mahapdi ang kirot na mayroon siya sa tuwing makikita sina Alex at Rina. Hindi na niya kailangan pang magpanggap na masaya dahil tunay na ligaya na ang pinapakita niya. Maganda ang pagtanggap sa kanya ng Press at binigyan na agad ng magagandang titulo at feedback. Pinangakuan ng good publicity at tutulungang pasikatin. Isang linggo din na siya ang laging laman ng centerfold ng mga dyaryo at nakahakot na ng mga 177

Emmanuel R. Caleon
fans. Isang linggo na nga ang lumipas ng press con na iyon at ngayon naman ay may dalawang bagay na magaganap. Umaga, sumama si Ricco sa paghahatid kay Steven sa airport. Ngayon na kasi ang alis ni Steven papuntang Europe. “Mag-iingat ka Ricco ko” paalam ni Steven. “Opo Steven ko” sagot ni Ricco. Hinalikan ni Steven si Ricco sa mga labi, wala siyang pakialam sa kung sino man ang makakita sa kanila, mas mahalaga kay Steven na bago siya umalis ay maangkin niya ang mga labi ng gusgusing iyon na matagal na niyang pinangarap. “Salamat po” wika ni Steven. “Mahal na mahal kita” sabi ni Ricco. “Mas mahal kita” ganti ni Steven “huwag kang lalandi ng hindi ko alam” paalala ni Steven kay Ricco. “Wala akong balak lumandi ng iba maliban kay John Stevenson Santillan” nakangiting wika ni Ricco. “Sabi mo iyan” sagot ni Steven “alis na ako” paalam na ni Steven at pumasok na ito sa loob ng waiting area para hintayin ang eroplanong sasakyan. Umalis na si Ricco sa airport, dahil pagkagaling duon ay didiretso naman siya sa kasal ni Alex. Tama! Kasabay ng pag-alis ni Steven ang kasal ni Alex at Rina. Kahit nakakaramdam ng kirot ay ginagamit niyang sandalan ang pagmamahalan nila ni Steven. Pagdating sa simbahan ay agad niyang binati ang dating nobyo na ngayon ay kaibigan at kuya. “Congrats Kuya Alex” bati nito. “Salamat Ricco” sagot ni Alex na hanggang ngayon ay hindi mapakali. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan kung itutuloy 178

My All

ang kasal o hindi na para piliin si Ricco. Naguguluhan si Alex. Ilang buwan na siyang nagkakaganito. Akala niya ay tanggap na niya ang kapalaran, subalit sa tuwing lumalapit ang araw at oras ng kasal niya ay lalong hindi siya makaramdam ng kapanatagan. “Ayan na si Rina” sigaw ni Ahron na best man sa kasal. Dagli namang umakyat na si Ricco sa may mga choir. Siya ang kakanta para sa kasal ng dalawa. Nagsimula ng tumunog ang kampana na sinundan ng tugtog ng piano na sasaliwan niya ng liriko. “Ikaw ang bigay ng maykapal Sagot sa aking dasal Wala ni kahati mang saglit Na sa iyo‟y papalit Ang ibigin ko‟y ikaw” Isang masayang awit ng pag-ibig subalit taliwas ang nararamdaman ni Ricco. Akala niya ay kaya na niya subalit iba pa din pala pag aktuwal mo ng nakikita na lumalakad papunta sa dambana ang mahal mo at ikakasal sa ibang tao. “Ang lahat ng aking galaw Ang sanhi ay ikaw Kung may bukas man tinatanaw Dahil may isang ikaw Kulang ang magpakailanpaman Upang sa bawat sandali Upang muli‟t-muli Ang mahalin ay… Ikaw” “Patawad Steven ko” sabi ni Ricco sa sarili “hindi ko magawang kalimutan si Alex, hanggang ngayon ay nasasaktan pa ako” saad pa ng isip niya. Sa kabilang banda naman ay nararamdaman ni Alex ang pait na mayroon si Ricco. Sa bawat bigkas nito ay alam niyang galing sa puso at pilit na pinasasayang iyak ng nasugatang 179

Emmanuel R. Caleon
damdamin.- “Kung pwede lang talagang magmahal ng dalawa at kung pwede lang talagang dalawa ko kayong ilalagay sa puso ko” bulong ni Alex sa sarili. Dumating na sa bahaging – “Ikaw lalaki, Alexander Pablo Marcelino III, tinatanggap mo ba si Rinalisa Custodio bilang iyong asawa, magsasama sa hirap at ginhawa?” tanong ng pari kay Alex. Naalala ni Ricco ang ginawa nila sa Quiapo kung saan ay nanumpa din sila ng ganuon sa harap ng Diyos. Subalit, heto, siya ay luhaan sa itaas habang pinapanuod si Alex na nanunumpa sa harap ng Diyos para sa ibang tao. – “Bakit ba hindi ko magawang alisin ang inggit sa puso ko, naiinggit ako kay Rina dahil nasa kanya si Kuya Alex ang lalaking mahal ko” – bulong ni Ricco sa sarili. Hindi niya kaya pa ang sakit kaya naman dali-dali siyang bumaba at tumakbong paalis ng simbahan. Magpapakalayo-layo siya, iyong tipong hindi siya kayang tuntunin ninuman. Si Alex naman ay tila tulala habang tinatanong ng pari. Nakatingin sa kawalan. Iisang bagay lang ang laman ng kanyang isip – “Ricco, isang bagay lang ang pinagsisisihan ko, iyon ay ang araw na hinayaan kong mahulog sa‟yo, dahil dun, nakikita kitang nasasaktan. Higit pa, sinisisi ko ang sarili ko sa kapabayaang nagawa ko. Patawarin mo ako.” “Ikaw lalaki, Alexander Pablo Marcelino III, tinatanggap mo ba si Rinalisa Custodio bilang iyong asawa, magsasama sa hirap at ginhawa?” tanong ng pari kay Alex. Walang sagot galing kay Alex. “Ikaw lalaki, Alexander Pablo Marcelino III, tinatanggap mo ba si Rinalisa Custodio bilang iyong asawa, magsasama sa hirap at ginhawa?” tanong ulit ng pari kay Alex. Subalit wala pading Alex na sumasagot.

180

My All

“Ikaw lalaki, Alexander Pablo Marcelino III, tinatanggap mo ba si Rinalisa Custodio bilang iyong asawa, magsasama sa hirap at ginhawa?” pag-uulit ng pari kay Alex. “Hoy Alex” bulong ni Ahron pagkalapit kay Alex. Nagulat pa si Alex na naging sanhi ng tawanan. Nahihiya man ay sumagot ito – “Opo Padre” agad niyang sinulyapan ang kinaroroonan ni Ricco subalit hindi na niya ito makita pa. biglang nadoble ang kaba sa dibdib ni Alex. Masama ang pakiramdam niya, masama ang kutob niya, masamang masama. Samantalang si Ricco naman ay tumakbo ng pagkalayolayo. Ngayon nga ay naglalakad siya sa tulay. Inilabas niya mula sa bulsa ang panyo ni Alex na ibinigay sa kanya sa bus – ang alaalang akala niya ay panaginip. Matagal niyang itinago ang panyong iyon. Iningatan gaya ng pag-iingat sa puso ni Alex. Untiunti na niyang ibinuhos ang lahat ng sakit. Naalala ang simula ng magandang istorya ng pagmamahal, bawat detalye ay bumabalik sa kanyang guni-guni. Mga tawanan, asaran, inisan, lambingan, kulitan, tampuhan – higit pa ang pagmamahalang inakala niyang panghabang-buhay na. Biglang umulan na tila ba nakikiramay ang langit sa pait na dinadanas niya ngayon. Pakiramdam niya ang nakikiiyak ang langit sa nangyayari sa kanyang buhay. Wala siyang pakialam kung maulanan man siya. Huminto siya sa paglalakad at muling tinitigan ang panyo – “bakit ba ganito ang kapalaran ko? Ano ba ang masama kung nagmahal at nagmamahal ako? Bakit ba ako labis na nasasaktan? Akala ko kaya ko na? Bakit hanggang ngayon hindi ko matiis ang kirot.” Lalong lumakas ang ulan, sumabay pa ang pagbabasa ng pasyon. Dalawang linggo na lang at mahal na araw na, pero iba kay Ricco, ang araw na iyon ay araw na ng pagpapakasakit. – “Panginoon, sasabay atang mamatay ang puso ko sa pagkamatay mo” sabi ni Ricco sa kawalan. Pasyon – isang awiting nagpapakita din ng sakit at mga ritmong akala mo ay humaharap sa matinding hirap at pagsubok. Lalong pinatingkad ng pasyon ang damdaming

181

Emmanuel R. Caleon
mayroon si Ricco. Pinasidhi ang lungkot, pinatindi ang kirot, pinalala ang sakit at lalong tumatagos sa kalooban niya. Ubod ng lakas siyang sumigaw na tila gustong patangay sa anod ng ilog – “Alex.” Isang sigaw para mailabas ang sakit na mayroon siya. Ito na ata ang pagsubok na pinakamatindi niyang haharapin. Nanunuot sa kaloob-looban niya ang pakiramdam na unti-unti siyang namamatay. Pamaya-maya pa ay may nakita siyang babaeng tumatakbo. Tumatakbo ng mabilis na tila may humahabol sa kanya. Naging maagap din sa paningin niya ang isang rumaragasang truck. Patawid ang babae, sasalubungin ng babae ang truck. Oo mapanganib, ngunit wala nang panahon pa si Ricco na mag-isip – mabilis at dali-dali siyang kumilos – “Miss” huling sigaw ni Ricco, tumakbo at saka tuluyang itinulak ang babae palayo sa rumaragasang truck. Kasunod nito ay isang nakakabinging busina ang narinig at nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong kapaligiran at sigaw, malakas na sigaw – “Riccccooooooooooooooooo.”

182

My All

“tandaan mo, ang kasarian ay isang maliit na batayan lamang sa isang mas malaki at di hamak mas malawak na buhay at pakikipagsapalaran mo sa lupa” saad pa nito.

183

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 20 Himig ng Pagmamahal Unti-unting idinilat ni Ricco ang mga mata. Nasisilaw siya, nasisilaw siya sa sobrang liwanag. Pinilit niyang makita ang kung anumang mayroon sa lugar na iyon. “Hello” tawag ni Ricco “may kasama ba ako dito?” tanong pa niya. Ilang sandali pa ay may nagsalita – “Ricco” sabi ng tinig “Maligayang pagdating” dugtong pa nito. “Huh?” nagtatakang tanong ni Ricco na pilit inaaninag kung sinuman ang nagsasalitang ito “Sino ka?” tanong niya dito. “Isang kaibigang laging nagbabantay sa iyo” sagot nito. Nahihiwagaan si Ricco sa sinabing iyon ng tinig. Napakunot ang noo ni Ricco at higit pang nagtaka ng makita ang mukha ng kausap niya. Pinilit alalahanin kung sino ba itong kaharap niya. “Wow!” sabi ng diwa ni Ricco “Yummy” sabay ang isang ngiti. “Alam ko ang iniisip mo. Pati ba naman ako papatusin mo” wika pa nito. “Awtz” saad pa ng diwa ni Ricco – “Sino ka ba kasi?” tanong ni Ricco. “Barrachiel” sagot ng lalaking kaharap niya. 184

My All

“May Facebook ka? Twitter? YM?” tanong ni Ricco. Ngumiti lang ang lalaki – “Wala” “Ah, alam ko na Friendster” sabi ni Ricco “baduy mo. Laos na kaya yun” sabay ang mahinang tawa. “Umayos ka Ricco kung ayaw mong ipatapon kita sa impyerno.” wika ni Barrachiel. “Impyerno? Hot mga lalaki dun. Malalaking muscles, gwapo, topless at.. at..” sabi ulit ng isip ni Ricco “ayiee” “Hot nga sila kaso ikaw din, ang kaluluwa mo magiging alipin habangbuhay” tila alam na alam talaga ni Barrachiel kung ano ang iniisip ni Ricco. “Joke lang iyon” sagot ni Ricco “siyempre ayaw ko dun” saad pa nito “nasaan ba kasi ako?” tanong ni Ricco. “Nasa langit ka” sabi ni Barrachiel “slow ka ba? Hindi pa ba obvious?” pahabol pa nito. “Huwag ka ng magtanong pa Ricco” sabi ng isa pang tinig “narito ka para sundin ang kapalaran mo” dagdag pa nito. Natulala naman si Ricco. Unti-unti ay naaalala niya ang mga nangyari sa kanya. Oo – nahagip siya ng truck. Napuruhan siya sa pakiramdam niya – masakit pero mas masakit pa din ang nasa puso niya. “Anong ginagawa ko sa langit?” tanong ni Ricco “akala ko ay walang lugar sa kaharian ninyo ang mga tulad ko? Makasalanan, isang bakla, isang suwail na anak at isang pilyong tao” tila naguguluhan si Ricco. “Sino ang may sabing walang lugar ang mga bakla sa langit?” tanong ng tinig “ang lipunan mo ba?” dagdag pa nito.

185

Emmanuel R. Caleon
“Mas mahalaga ang puso ng isang tao” sabi ulit ni Barrachiel “mas mahalaga kung gaano mo pinapakitaan ng pagmamahal ang mga kapwa mo. Kung paano mo pinapaunlad ang sarili mo para makatulong sa iba. Kung paano mo hinuhubog ang sarili mong buhay para sa kabutihan ng iba” sabi pa nito. “Hindi magiging hadlang ang kabaklaan para isara ng langit ang pinto sa iyo” sabi pa ng lalaking hindi pa nagpapakilala “tandaan mo, ang kasarian ay isang maliit na batayan lamang sa isang mas malaki at di hamak mas malawak na buhay at pakikipagsapalaran mo sa lupa” saad pa nito. “Kung susumahin, mas may karapatan kang umakyat sa langit kung ikukumpara sa mga nagpapanggap na malinis ngunit kay itim naman ng budhi” sabi pa ni Barrachiel “ngunit higit pa sa lahat, mas mahalaga kung gaano mo pinagsisisihan ang mga pagkakamaling nagawa mo.” “Pero hindi ko po pinagsisisihan ang pagiging bakla ko.” wika ni Ricco. “Makulit kang bata ka!” pigil ng tinig “ang kasarian ay maliit na aspeto lamang ng buhay” Nangiti naman si Ricco sa sinabing iyon ng hindi kilalang lalaki. “Sino ka po ba?” tanong ni Ricco dito. “Hindi na mahalaga iyon” sagot nito “mas mahalaga ang susunod mong gagawin” dugtong pa nito. Pinababa siya ng lupa para tapusin ang mga nakatakda pa niyang asikasuhin. Nakita niya si Alex at Steven – oo, ang dalawang lalaking nasa puso niya. Nakabantay sa kanya ang dalawa, hawak ni Alex ang kanang kamay niya samantalang si Steven ay nasa gawing kaliwa niya na nakapatong ang kamay sa dibdib niya. Natuwa si Ricco sa nakitang iyon. Himbing na himbing ang dalawa. Una niyang hinanap ang kanyang mga magulang, mga kapatid at mga pamangkin. Niyakap niya ang mga ito at hinalikan. Sinabihan din niyang mahal na mahal niya sila. 186

My All

Pagkatapos ay sabay niyang pinuntahan si Steven at Alex. Kitangkita ni Ricco ang kalungkutan ng pamilya niya. “Nanay, Tatay” wika ni Ricco “salamat po at ginawa kayong instrumento para malibot ko ang daigdig, na maranasan kong mabuhay. Salamat po sa pag-aalagang ginawa ninyo sa akin. Sa bawat araw, bawat umaga na lagi kayong nandiyan para sa akin. Mahal na mahal ko po kayo. Kung papipiliin ako ng magulang, kayo pa din ang pipiliin ko. Maraming salamat po at lagi kayong nandiyan pag kailangan ko. Patawarin po ninyo ako dahil hindi ko man lang nagawang ipakita sa inyo kung gaano ko kayo kamahal. Patawarin po ninyo ako dahil labis ang problemang naidulot ko sa inyo, sa mga sakit ng ulo ko naibigay ko at sa katotohanang itinago ko. Mahal na mahal ko po kayo.” mensahe ni Ricco sa kanyang mga magulang. “Mga kapatid ko” sabi ulit ni Ricco “sana alagaan ninyo sila nanay at tatay, sana huwag ninyo silang pabayaan. Mahal na mahal ko kayo – oo mahal na mahal, kaso hindi ko magawang sabihin iyon sa inyo. Salamat sa mga oras na pinagbibigyan ninyo ako, sa mga oras na pinalalampas ninyo ang kasalanan ni bunsong si ako, salamat sa pagtatanggol na ginagawa ninyo sa akin, salamat sa pagmamahal na natanggap ko mula sa inyo. Mahal na mahal ko kayo, alagaan sana ninyong mabuti ang mga pamangkin ko. Patawad dahil lagi ko kayong binibigyang ng sakit ng ulo. Patawad sa napakadaming kasalanan ko.” mensahe ni Ricco sa mga kapatid. “Tandaan ninyo, lagi lang ako na nasa tabi ninyo, hindi ko kayo iiwanan, babantayan at mamahalin” huling mensahe ni Ricco sa kanyang pamilya. -------------------------------------------------“Steven ko” malambing na bati ni Ricco kay Steven. Tumalon ang puso ni Steven ng masiguradong si Ricco nga ito. “Akala ko mawawala ka na sa akin” sabi pa nito. Ngiti lang ang sinagot ni Ricco. 187

Emmanuel R. Caleon
“Pinag-alala mo ako” agad na wika ni Steven “akala ko iiwan mo na ako” sambit pa nito “hindi ko makakaya na mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita Ricco, ikaw na ang buhay ko.” Tahimik ang pagitan ng dalawa – “Mahal na mahal kita Ricco” tumulo ang luha sa mga mata ni Steven. Dahan-dahang lumalapit si Ricco kay Steven at kanya itong niyakap - “Maraming salamat po sa lahat ng ginawa mo para sa akin” sabi ni Ricco. “Wala iyon” sagot ni Steven na bagamat natuwa ay nakaramdam ng kakaibang kaba. “Salamat po sa pagmamahal, sa bawat sandaling pinagsaluhan natin, sa mga bagay na ginawa mo para sa akin. Salamat sa mga oras na tumayo ka sa tabi ko, sa mga panahong kailangan ko ng kaibigan, ng masasandalan.” sabi ni Ricco na may mga ngiti sa labi. “Hindi ko pa makakalimutan ang mga sandaling kasama kita. Ang mga panahong nagsama tayo, ang mga sandaling pinapasaya mo ako” sabi pa ni Ricco. Wala pa ding imik si Steven at sa tingin niya ay may pinapahiwatig si Ricco. “Patawarin mo din sana ako sa mga oras na nasaktan kita, sa mga oras na nagtiis ka at sa mga oras na nagsakripisyo ka” si Ricco ulit. “Sana, sa pagpapatuloy mo sa buhay mo, maging biyaya ka sa iba, sana makatulong ka sa mas madaming tao, magamit mo ang pinag-aralan mo para paglingkuran ang kapwa mo. Sana ay patuloy kang magpakita ng malasakit at kabutihan sa iba. Sana ang buhay mo ay maging mabunga at higit pa, ang pagmamahal sa puso mo ay manatiling nag-aalab” tila pagwawakas ni Ricco.

188

My All

“Tandaan mo, sa puso ko, walang makakagaya sa pagmamahal ko kay John Stevenson Santillan” sabi pa ni Ricco. “Oo Ricco” tanging nasambit ni Steven. -------------------------------------------------“Pssst” tawag ng tinig mula sa malayo “Pssst. Kuya Alex” sabay bumulaga kay Alex ang isang masayang Ricco. Agad na niyakap ni Alex si Ricco – “Ricco, mahal na mahal kita, ayokong mabuhay na wala ka, na hindi kita kasama.” sabi pa nito. Nakangiti lang si Ricco. “Sorry sa lahat ng ginawa ko sa iyo. Sa nasaktan kita, patawarin mo ako.” wika ulit ni Alex. “Bumalik ka lang sa akin, hindi ko na uulitin pa iyon” wika naman ulit ni Alex. Nanatiling nakangiti si Ricco at agad na nagsalita – “Patawarin mo sana ako sa mga pagkakataong naging makasarili ako, sa mga oras na nagiging pabigat ako sa iyo. Patawarin mo din ako kung nakagulo ako sa buhay mo.” Hinawakan ni Alex ang mukha ni Ricco at – “kailanman ay hindi ka naging pabigat sa akin, hindi ka nakagulo sa buhay ko. Ikaw ang nagbigay liwanag at umayos sa magulo kong buhay.” Sinuklian ito ni Ricco ng ngiti – “Maraming salamat at sa maikling panahon, naiparanas mo sa akin kung paano mahalin at magmahal. Isa ka sa hindi ko makakalimutan kailanman. Maraming salamat sa mga panahong naipadama mo sa akin na may halaga ako, sa pag-unawa mo. Maraming salamat sa mga araw na nilalagyan mo ng ngiti ang mga labi ko, ang pagbibigay sa akin ng rason para gumsing sa bawat umaga.” wika ni Ricco.

189

Emmanuel R. Caleon
“Kuya Alex, maraming salamat po, sa pagtanggap sa akin bilang ako” sabi pa ni Ricco “nag-iisa lang ang pagmamahal ko para sa‟yo, para sa isang Alexander Pablo Marcelino III” pagdadagdag ni Ricco. “Umaasa ako na ipagpapatuloy mo ang buhay mo at ipagpapatuloy mo ang mabuhay. Sana ay makatulong ka sa mas madaming tao, makapagbigay ng insirasyon sa iba. Sana, sulitin mo ang bawat sandali ng pananatili mo sa mundo.” tila pagwawakas ni Ricco. Patuloy sa pag-agos ang mga luha kay Alex. Nararamdaman niya kung ano ang nais sabihin ni Ricco. Nasasaktan siya sa naririnig niya. Masakit man ay natutuwa pa din siya dahil inaalala pa din siya ni Ricco. “Huwag kang mag-alala” tanging nasabi ni Alex. ------------------------------------------------Ngayon nga ay isang Steven at isang Alex ang kaharap ni Ricco. “Mahal na mahal ko kayo at habang buhay na mananatili ang pagmamahal ko. Maraming salamat sa inyong dalawa at pinaranas ninyo sa akin na kaya ninyong ibigay ang lahat lahat para sa pagmamahal” sabi ni Ricco at sabay niyang niyakap ang dalawa. Unti-unting lumayo si Ricco sa dalawa hanggang sa tuluyang maglaho. “Riccccooooooo” sabay nilang tawag at sigaw. ------------------------------------------------Sabay na nagising si Steven at Alex at sa pagmulat ng mata nila ay – “tuut.. tuut… tuuut… ttuuut…” 190

My All

Agad silang tumawag ng doktor dahil mahina na at halos wala na ang pulso ni Ricco. Napansin din nila ang luhang nasa mga mata ni Ricco – maaring ito na ang huling pagluha ng katawang tao ni Ricco. “Ricco” nag-aalalang wika ni Alex “wag lumaban ka, mabubuhay ka” hawak pa din nito ang kamay ni Ricco. “Mabubuhay ka Ricco” sabi naman ni Steven “hindi mo kami iiwanan, bawal kang mamatay Ricco” nagsisimula nang mahulog ang mga luha sa mata nito. Naging mabilis naman ang mga doktor sa pagresponde at pag-aksyon. Pinalabas ang dalawa at hanggang ngayon ay hindi sila mapakali sa pag – aalala para kay Ricco.

----------------------------------------------Ang Tatlong Katapusan A – Katapusan ng Awit B – Naibang Himig C – Ritmo ng Bagong Pag-ibig Piliin ninyo kung anong katapusan ang inyong nais na mabasa. Kung ang original ending ang nais ninyong malaman ay A – Katapusan ng Awit. Kung nais ninyong si Alex at Ricco ang magkatuluyan ay B – Naibang Himig. Kung si Steven naman ang gusto ninyo para kay Ricco ay C – Ritmo ng Bagong Pag-ibig. Paalala: Isa lang ang piliin sa tatlo at isa lang ang basahin.

191

Emmanuel R. Caleon

“Salamat Ricco, dahil sa iyo natutunan kong magalay ng buong pagmamahal. Dahil sa iyo, naintindihan ko kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal” si Alex pa rin.

192

My All

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 21 - A (Original Ending) Katapusan ng Awit Lumabas ang doktor mula sa kwarto, lukot ang mukha. Sinundan siya ng mga nurse at iba pang doktor na rumesponde kay Ricco. “Kamusta Dok?” agad na tanong ni Alex “Kamusta na si Ricco? Is he okay?” Nanatili sa ganuong ayos ang doktor, walang sagot. Alam na ng nanay ni Ricco kung ano ang sagot kaya naman agad itong tumungo sa isang sulok. Umiyak – umiyak para ilabas ang lahat ng sakit na dulot ng pagkawala ni Ricco. “Sumagot kayo Dok” singhal ni Steven sabay hawak sa kwelyo ng doktor “What happened to him?” nagsisimula ng umagos ang mga luha ni Steven. Kahit anong gawin nila ay walang makuhang sagot sa doktor. Palibhasa ay malapit ito kay Ricco at sa pamilya niya kaya naman hindi niya magawang sabihin ang balita. Papasukin na sana nila ang silid ni Ricco nang mapansin nilang may inilalabas na sa kwarto. Nanginig ang buong katawan ni Alex. Alam niya kung ano o sino iyon. Alam niyang iyon ang kasagutan sa tinatanong nila sa doktor. Ganuon din si Steven, nabalot ang buo niyang pagkatao ng kaba at pagbilis ng tibok ng puso. Unti-unti nga at lumantad na ito ng buong-buo sa kanila. Balot ng puting kumot ang buong higaan. Ipinahinto ito sa tapat nila – 193

Emmanuel R. Caleon
“Iyan na ang sagot ko sa tinatanong ninyo” malungkot na wika ng doktor at dagling umalis sa harap ng pamilya ni Ricco. Agad itong tinakbo ng nanay at tatay ni Ricco. Niyakap, niyakap ng mahigpit na mahigpit. Isang yakap na tila ay ayaw nang pakawalan ang walang buhay na katawan ni Ricco. Patuloy sa pag-iyak at ang mga hikbi ay napalitan na ng hagulgol. “Ricco anak, ano bang gusto mo?” sabihin mo na “gagawin ko basta gumising ka na diyan” pangako ng nanay ni Ricco. “Anak” pagtawag ng tatay ni Ricco sa kanya “wag ka namang magbiro ng ganito.” “Sige payag na ako, mag-aral ka sa Princeton basta gumising ka na diyan” iyak pa din ng nanay ni Ricco “magjollibee tayo nang sama-sama o kaya McDo, sige kahit magTokyoTokyo pa tayo, KFC at Max. Di ba iyon ang mga gusto mong kainan? Iyon iyong gusto mong gawin natin madalas, magsamasama tayo.” patuloy ito sa pag-iyak. “Kapatid, dumilat ka lang diyan pagbibigyan ko na iyong gusto mo. Mag-family picture na tayo” sabi ng panganay na Ate niya. “Dadalasan na namin ang punta sa bahay” sabi naman ng ikalawa niyang ate “basta huwag ka nang mag-inarte na patay ka.” “Bro” naluluhang sabi ng ikatlo niyang ate “pagkagising mo, promise, madalas na kaming matutulog sa bahay” Hinila na palayo sa kanila si Ricco. “Ricco” wika ulit ng panganay niyang Ate “hindi ko man lang nasabi sa‟yo na mahal na mahal kita, na mahal ka namin.”

194

My All

“Oo nga Ricco” sang-ayon ng ikalawa niyang ate “hindi namin nasabing ipinagmamalaki ka namin, na nagkaroon kami ng kapatid na gaya mo” “Bro” wika ng ikatlo niyang kapatid “kahit masakit para sa amin, kailangan naming tanggapin na wala ka na.” “Salamat sa pagmamahal mo” ang ikalawa niyang Ate. “Salamat sa mga alaala” ang ikatlo niyang Ate. “Sana, naiparamdam namin na mahal ka namin” ang una niyang Ate. “Anak ko” ang tatay ni Ricco “patawarin mo ako at hindi kita nabigyan ng pansin, hindi ko naipakita sa iyo na mahal kita” wika pa nito. Agad naman silang nilapitan ng nanay ni Ricco. Inalo, pinakalma – “Kung nasaan man si Ricco ngayon, panigurado akong masaya na „yon. Masaya na „yon dahil alam niyang mahal na mahal ninyo siya. At malamang ipinagmamalaki na din niya kayo” turan nito. “Kahit mahirap, dapat na nating tanggapin na wala na si Ricco” pagwawakas nito. Hindi magawang lumapit ni Alex sa katawan ni Ricco, gayundin si Steven. Pareho sila ng nararamdaman – hindi nila kayang makita si Ricco sa ganuong kalagayan. Isang bagay na kahit sa panaginip ay ayaw nilang isipin at masilayan. “How could you Ricco?” anas ni Steven “akala ko ba sabay tayong mamamatay. Ang daya mo naman, inunahan mo ako.” pigil ang mga luha ni Steven. “Paano na lang iyong pangako mo na ililibre mo ako sa unang sweldo mo? Aba Ricco, hindi ka pa sumusweldo at hindi mo pa ako naililibre” umiiyak na turan pa din ni Steven na pilit nilalagyan ng mga ngiti. 195

Emmanuel R. Caleon
“Pero salamat Ricco, salamat dahil sa isang ikaw na dumating sa buhay ko” sabi pa din nito “salamat Ricco dahil kahit sandali ay pinakita mo sa akin at ipinaramdam kung paano magmahal at mahalin kahit masama man sa tingin nila” dagdag pa nito. Sa may kalayuan – “Ricco, mahal ko” sabi ni Alex “patuloy kang mamahalin ng puso ko. Ikaw pa din ang tinitibok nito, hanggang sa kahuli-hulihan kong hininga, pangalan mo lang ang aawitin nito” dagdag pa ni Alex. “Salamat Ricco, dahil sa iyo natutunan kong mag-alay ng buong pagmamahal. Dahil sa iyo, naintindihan ko kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal” si Alex pa rin. Tila iisa ang nasa isip ni Steven at Alex nang magkasabay na pumasok sa isipan nila ang mga katagang narinig kay Ricco – “kahit ilang beses mang maiba ang ikot ng mundo, I am willing to give My All to have my life spent with you” LIMANG TAON – limang taon na ang nakakalipas ng mangyari iyon. Limang taon na ang lumilipas nang iwanan ni Ricco ang mundong ibabaw. Saktong limang taon na nang mawala sa piling nila si Ricco, ano na nga ba ang buhay nila sa ngayon? Si Alex – sa ngayon ay dalawang taon nang kasal at may isang anak na lalaki. Dalawang taon! Oo, hindi natuloy ang kasal nila ni Rina, inamin ni Rina kay Alex ang lahat ng kasinungalingang sinabi niya. Matapos umamin ni Rina ay agad niyang hinabol si Ricco – nasaksihan niya kung paano iniligtas ni Ricco ang babaeng iyon. Sobra ang naging pagsisisi niya ng hindi niya naabutan si Ricco – pero tulad nga ng sinabi sa kanya ni Ricco “past is past, what is important is the present.” Dalawang taon na silang kasal ni Rina – kahit na niloko siya ni Rina ay nagawa niya itong mapatawad. Kahit na nga ba si Rina ang masasabing dahilan sa pagkawala ni Ricco ay mabilis din niya itong napatawad. Si Rina ang madalas na nagpapagaan sa kanyang kalooban sa tuwing maaalala si Ricco. Sa limang taon na 196

My All

iyon ay si Rina ang sandalan niya. Tama! Hindi mahirap turuan ang puso na magmahal, nagising na lamang siya isang araw na mahal na niya si Rina at hindi niya gustong pati ito ay mawala sa kanya. May anak na silang dalawa – tulad ni Ricco ay pinangalan nila itong MySon Alexis. Hawak ngayon ni Alex ang panyong nasa kamay ni Ricco ng nahagip ito ng truck. Ang panyong nagpapaalala sa kanya ng isang Ricco na masayahin, at kanyang minahal. Si Steven – malapit nang maging doktor na pilosopiya si Steven. Candidate na siya for graduation sa Frankfurt University para sa kanyang doctorate degree at kasalukuyang tinatapos ang thesis niya na ginawa na ding thesis ni Ricco sa Philippine University. Tulad ng nais ni Ricco ay gagamitin niya ang lahat ng natutunan para tulungan ang kanyang kapwa. Pasakay na nuon ng eroplano si Steven nang kutuban siya ng masama. Agad niyang nilisan ang airport para sundan si Ricco. Sakto namang nakita niya itong patakbo palayo sa simbahan. Tinawag niya ito subalit hindi man lang siya nilingon. Sinundan niya ito, ngunit dahil eskinita ang dinadaanan ni Ricco ay hinabol na din niya ito ng tumatakbo. Nasaksihan niya ang kabayanihan ni Ricco – maabutan na niya si Ricco ng bigla itong tumakbo papunta sa babae para itulak. Pagsisisi – iyan ang nasa puso ni Steven, pero tulad nang sinabi sa kanya ni Ricco “paano ka makakatulong sa iba kung hindi mo kayang patawarin ang sarili mo sa isang kamaliang pinapaniwalaan mo.” Lagi niyang bitbit ang binigay sa kanya ni Ricco na ballpen. Ang ballpen na siyam na taong hawak niya. Ang ballpen na hiniram niya kay Ricco subalit nakalimutan nang kuhanin sa kanya. Siyam na taon niyang inaalagaan ito at pinapahalagahan bilang isang alaala nang mapait subalit magandang yugto ng buhay niya. Sa ngayon ay may bagong love interest si Steven – isang Aleman. Ang pamilya ni Ricco – natupad ang lahat ng gustong mangyari ni Ricco para sa pamilya niya. Nakakalungkot nga lang at wala na siya para saksihan iyon. Natutunan nilang maging 197

Emmanuel R. Caleon
masaya kahit wala si Ricco. Madalas magkasama-sama, magdasal at magsimba ng isang buong pamilya. Ito – ito ang simpleng pangarap ni Ricco para sa kanyang pamilya na ngayon nga ay natupad. Lahat ng nagmamahal kay Ricco ay natipon sa harap ng kanyang puntod. Inalayan ng misa at binuhay ang alaala. Ang dating pait ay napalitan na ng ngiti. Naging masaya na ang lahat para sa kapalarang ito. Tanggap na nilang lahat na ito na ang Katapusan ng Awit ni Ricco sa lupa at gumagawa naman ito ng bagong himig sa langit para bantayan at alagaan sila. END – WAKAS – END

198

My All

“papatunayan niyang kahit pareho silang lalaki ni Alex ay magagawa pa din nilang magsama habang buhay, makakalayo sa tukso at magagawa nilang magmahalan hanggang sa huling hininga ng kanilang buhay at kahit hanggang sa kabilang buhay.”

199

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 21 - B Naibang Himig “I‟m sorry Alex” sagot ni Rina “I‟m sorry, I lied” dugtong pa nito. “What are you saying Rina?” tanong ni Alex. “I‟m not pregnant, I lied to you” naiiyak na wika ni Rina “I heard your conversation with Ahron” tuloy ni Rina sa kwento “I heard your plan of breaking up with me. I don‟t want to loose you Alex that‟s the reason why I created the story.” agad na depensa ni Rina sa sarili. Nangiti naman si Alex sa sinabing iyon ni Rina. “Thank you Rina” sabi ni Alex. “I wish for your happiness. Sige na habulin mo na siya” wika pa ni Rina. Walang pagdadalawang isip niyang hinabol si Ricco. Hinabol at pilit na hinagilap. Hanggang sa ang nasaksihan niya – si Ricco mahahagip ng truck. Binilisan niya ang takbo ngunit huli na ang lahat. Tumilampon na si Ricco at ang panyong hawak nito ay nagkulay dugo na. Nanduon din si Steven na nakasubasob at pilit din sanang ililigtas si Ricco subalit hindi din umabot. Ito ang nasa isipan ni Alex habang hinihintay ang paglabas ng doktor. Hindi mapanatag si Alex, lakad dito, lakad duon. Hindi siya mapanatag, balisang-balisa. Lalo pang nagpagulo sa kanya ang naging panaginip kay Ricco. Ang mga sinabi nitong tila nagmamaalam na. Pinilit niyang punuuin ng magandang 200

My All

vibrations ang isip at magbigay pag-asa na mabubuhay si Ricco hanggang sa lumabas ang doktor kasunod ang mga nurse at ilan pang doktor na tumulong sa pagresponde. Dali-dali niya itong nilapitan – “Kamusta Dok?” tanong agad ni Alex sa doktor “Kamusta po si Ricco?” Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ng doktor. Agad naman siyang sinunggaban ni Steven at hinawakan sa kwelyo. “Sumagot kayo Dok” pilit ni Steven “What happened to him?” tanong nito. “He is fine” nakangiting wika ng doktor. “I can consider this as miracle. He will soon be awake within 24hours.” Nakahinga ng maluwag ang mga naghihintay sa resulta ng emergency na iyon. “Salamat sa Diyos” usal ni Alex. Samantalang nahihimbing pa rin si Ricco at laman ng kanyang isipan ay ang mga huling habilin ng mga nakausap niya bago maganap ang emergency na iyon. “Ricco” sabi ni Barrachiel “may kailangan ka pang gawin sa lupa” nakangiti nitong wika. “Magpakabuti ka at pilitin mong palaganapin ang kabutihan sa mundo” wika ng lalaking ayaw talagang magpakilala sa kanya. “Wag kang mag-alala, lagi akong nakaalalay sa‟yo” sabi ulit ni Barrachiel. Sinuklian naman niya ito ng ngiti. “Salamat po sa ikalawang pagkakataong ibibigay ninyo sa akin.” LIMANG TAON – limang taon na ang nakakalipas nang mangyari ang isang trahedya sa buhay ni Ricco. Limang taon na

201

Emmanuel R. Caleon
din ng mailigtas niya ang babae at ang naging kapalit ay halos ang buhay niya. Masaya, masaya ang limang taon na iyon para kay Ricco, muli nga ay nakasama niya ang kuya Alex niya. Hinaba-haba man ng pinagdaanan nila ay heto‟t magkasama sila. Tama, sila nga ang nagkatuluyan sa bandang huli. Mahirap man sa una, ngunit natanggap nang pamilya nila ang pagmamahalan nila. Kahit na sa ganuong sitwasyon ay malugod pa ding tinanggap si Ricco ng mga tao at patuloy na hinangaan, yun nga lang, may ibang gusto ang puso niya. Plano nilang mag-ampon ng bata para kanilang maging anak. Mamahalin bilang tunay na kadugo at aalagaan na parang tunay na anak. Ipapaintindi ang sitwasyon nila at alam nilang matatanggap din sila nito. Ang naibang himig ay muling bumalik sa dati nitong anyo at pwesto para kamabuo ng isang magandang musika – ang musika nang pagmamahalang Alex at Ricco. Si Ricco – mas pinili ang pagpapatuloy ng pangarap niyang mag-aral kaysa ituloy ang buhay bilang boses ng Trio Advertising at magtamasa ng kasikatan. Nahirapan man siyang mapapayag si Alex ay naisakatuparan niyang makapag-aral sa pinapangarap niyang Princeton. Sa ngayon ay kumukuha na siya ng doctoral sa Frankfurt at nasa huling taon na din niya. Naging mahirap man sa simula pero tiniis niyang malayo sa pinakamamahal niyang si Alex. Balik sa dating buhay si Ricco – si Ricco na walang pakialam sa kung ano ang itsura, ang Ricco na unconscious flirt. Madami man ang lumalapit, pero ito na ang pinakapraktisado niya sa lahat ang tanggihan ang mga ito. Ipinangako niya sa sarili – “papatunayan niyang kahit pareho silang lalaki ni Alex ay magagawa pa din nilang magsama habang buhay, makakalayo sa tukso at magagawa nilang magmahalan hanggang sa huling hininga ng kanilang buhay at kahit hanggang sa kabilang buhay.” Si Alex – bagamat kanya na si Ricco ay hindi pa din nalalayo sa mga tukso. Naritong nilalapitan siya ng kung sino – sino subalit maisip pa lang ang kanyang Ricco ay tila mga estatwa na lang ito sa kanya. Ganuon kalalim ang pagmamahal niya para kay Ricco. Dahil nga sa malayo sa kanya si Ricco ay ginawa niyang tila Pilipinas lang din ang Estados Unidos. Madalas niyang 202

My All

bisitahin ito at kamustahin. Sa ngayon nga ay ang Germany naman ang ginagawa niyang Pilipinas dahil anduon ang kanyang Ricco. Dalawang beses sa isang buwan kung puntahan niya si Ricco duon. Isa na siyang kinikilalang businessman at sa tulong ni Ricco ay madami na siyang natulungang mga tao. Si Steven – kahit na nga ba nabigo kay Ricco ay nakakita naman ng bagong pag-ibig sa Alemanya. Naging masakit para kay Steven na iba ang mahal ni Ricco, kahit na nga ba ganuon ang sitwasyon nila ay patuloy pa din silang naging bestfriend ni Ricco. Takbuhan pag may tampuhan sila ni Alex at ngayon nga ay tagapag-alaga ni Ricco sa Germany. Magkasama sila sa Frankfurt at sabay na kumukuha ng doctoral degree sa kursong mahal nila. Nakakatuwa, hindi siya pinagseselosan ni Alex, may tiwala si Alex sa kanya at sa pagmamahal ni Ricco. Higit pa, ginagamit niya ang lahat nang natutunan para makatulong sa kanyang kapwa. Si Rina – kahit na masakit ay nagawa na nitong makapagmove on. Labis na pinagsisihan ang ginawang kasinungalingan na naging mitsa ng kapahamakan ni Ricco. Gayunpaman, napatawad na siya ng lahat. Ipinagpatuloy ang karera at nanatiling boses ng Trio Ad. Sa ngayon, nakakita na siya ng bagong pag-ibig at nakatakda nang magpakasal. Si Ahron at Jeannie – sino ba ang mag-aakalang ang dalawang ito pala ang magkakatuluyan sa bandang huli? Tatlong taon na silang kasal at may dalawang anak. Tinaggap ni Jeannie ang katotohanang bisexual si Ahron na mas lalong nagpatibay sa pagmamahalan nilang dalawa. Ang pamilya ni Ricco – tama, isang malaking katuparan ang mga pangarap ni Ricco. Madalas na silang magkasama-sama at sa tuwing nasa Pilipinas siya ay kumpleto ang mga ito sa kanilang bahay. Nagpatuloy ang pagiging simple at payak na pamumuhay. Madalas din siyang bisitahin ng mga ito sa U.S. at Germany. Natuto silang pahalagahan ang bawat sandali – dahil ang buhay ay may tyempo, may ritmo at may katapusan, hindi mo alam kung hanggang saan ka pa tatagal kung kayat marapat na pahalagahan mo ang bawat sandali na kasama ang mga mahal mo.

203

Emmanuel R. Caleon
Naging napakahirap man na tanggapin ng pamilya ni Ricco at Alex ang pagmamahalan nila ay para saan pa, pinatunayan nilang maligaya sila sa isa‟t-isa at ipinakita sa kanilang pamilya na tuna yang pagmamahal na kanilang nadarama. Sa bandang huli, kahit mahirap man ay unti-unti silang natanggap na walang pag-aalinlangan. END – WAKAS – END

204

My All

Gusto nilang patunayan na “hindi lang si babae ang ginawa para kay lalaki bagkus maging si lalaki ay ginawa para kay lalaki.” Ito na ang simula ng ritmo nang bagong pag-ibig.

205

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Chapter 20 - C Ritmo ng Bagong Pag-ibig “Tagal naman ng doktor” reklamo ng isip ni Steven. Bagamat hindi mapakali ay pinilit pa ding pakalmahin ang sarili. Nakikita niya si Alex na palakad lakad, paikot-ikot at balisangbalisa. “Kung umabot lang sana tayo Alex” gusto sana niyang sabihin ito kay Alex subalit tila wala sa kundisyon si Alex na makipag-usap kahit kanino. Narito‟t binabalikan siya ng bangungot na nangyari kahapon. Nakasakay na ng eroplano si Steven ng bigla siyang kabahan. Isang kabang hindi niya maintindihan. Agad niyang naalala si Ricco. Dali-dali naman niya itong tinwagan subalit hindi sinasagot ang cellphone niya. Ang kaba ay naging pangamba. Walang pagdadalawang-isip niyang binaba ang eroplano at agad na pinuntahan ito sa simbahan. Hindi pa man siya nakakarating sa simbahan ay nakita niya itong tumatakbo. Tinawag niya si Ricco subalit hindi siya napansin, ni hindi man lang lumingon. Batid niya ang dahilan kung kayat nais niyang patahanin ito at pagaanin ang loob. Sinundan niya ito, subalit sa makikipot na eskinita nagdaan si Ricco kung kayat bumaba siya ng kotse at hinabol na din ng takbo. Nawala ito sa paningin niya, subalit hindi nagtagal ay nakita niya itong muli. Tumatakbong lalapitan na niya ito ng makita niyang patakbo naman ito at tila susugurin at sasalubungin ang truck. Binilisan niya ang takbo. Isang malaking panghihinayang, hindi niya nagawang umabot. Ngayon nga ay nakasubasob siya sa kalsada at heto na si Alex humahangos na papunta sa kanila. 206

My All

Sa isiping ganito ay tumulo ang mga luha ni Steven. Naramdaman niya ang sakit sa isiping mawawala na si Ricco, subalit pinilit niyang alisin ito sa kukote. Binigyang lakas ang sarili para makakita ng pag-asa, pag-asang mabubuhay si Ricco at muli niyang makakapiling. Naputol lamang ang pag-iisip niya ng lumabas ang doktor mula sa silid ni Ricco. Agad itong nilapitan ni Alex – “Kamusta Dok?” sabi ni Alex “Kamusta po si Ricco?” tanong pa nito. Walang sagot ang doktor. Isang malalim na buntonghininga lang ang pinawalan nito. Agad namang sinunggaban ni Steven ang doktor, hinawakan sa kwelyo – “Sumagot kayo Dok” sabi ni Steven “What happened to him?” matigas na tanong ni Steven. “He is fine” nakangiting wika ng doktor. “I can consider this as miracle. He will soon be awake within 24hours” Nakahinga ng maluwag ang mga naghihintay sa resulta ng emergency na iyon. “Salamat sa Diyos” usal ni Alex. Samantalang nahihimbing pa rin si Ricco at laman ng kanyang isipan ay ang mga huling habilin ng mga nakausap niya bago maganap ang emergency na iyon. “Ricco” sabi ni Barrachiel “may kailangan ka pang gawin sa lupa” nakangiti nitong wika. “Magpakabuti ka at pilitin mong palaganapin ang kabutihan sa mundo” wika ng lalaking ayaw talagang magpakilala sa kanya. “Wag kang mag-alala, lagi akong nakaalalay sa‟yo” sabi ulit ni Barrachiel.

207

Emmanuel R. Caleon
Sinuklian naman niya ito ng ngiti. “Salamat po sa ikalawang pagkakataong ibibigay ninyo sa akin.” LIMANG TAON – limang taon na ang nakakalipas nang maganap ito. Limang taon na ang trahedya at ang himala. Pinagpatuloy nila ang buhay, ang mga buhay nila. Si Ricco – matapos ang trahedya ay kinalimutan muna ni Ricco ang buhay pag-ibig. Hinarap muna niya ang sariling mga pangarap. Kinalimutan na din ang pagiging boses ng Trio Ad. Pinayagan siya ng pamilya niya na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Estados Unidos. Kumuha at nakatapos ng masters degree sa Princeton, sa ngayon ay pinagpapatuloy niya ang doctors degree sa Frankfurt. Ito ang talagang kagustuhan ni Ricco. Ang hasain ang kanyang kaalaman sa mga eskwelahan ng kanyang iniidilong si Kuhn at Habermas. Dito sa Frankfurt ay muli niyang nakita si Steven na kagaya niya ay kumukuha din ng doctors degree. Si Steven – dahil sa kawalang pag-asa na mapapasakanya pa si Ricco ay itinuloy na nito ang pag-aaral sa Frankfurt. Ginugol niya ang lahat ng oras sa pag-aaral at nakasentro ang atensiyon niya para matapos ang masters degree na nagawa naman niya. Hindi naputol ang komunikasyon ni Steven kay Ricco. Kahit na patuloy pa din silang nag-uusap ay iniiwasan niyang itanong kung kamusta na ba sila ni Alex. Sinimulan na niyang tuparin ang pangako kay Ricco na gagamitin ang lahat ng natutunan niya para sa ikabubuti ng kapwa niya. Ngayon nga ay kumukuha na siya ng doctors degree sa parehong unibersidad at ikinagulat niyang anduon din pala si Ricco. Si Alex – sinubukang kalimutan si Ricco tulad ng gusto ni Ricco. Kahit na mahirap ay sinubukan ito ni Alex. Tumutok sa trabaho at naging seryoso sa buhay, mapili sa makakarelasyon at liligawan. Si Rina, na naging dahilan ng lahat ay ang naging sandalan niya sa bawat oras. Hindi niya alam na unti-unti na palang lumaya ang puso niya sa pagkakatali kay Ricco at pagkagising niya ay mahal na niya si Rina. Tama! Nagpakasal sila ni Rina at dalawang taon na, pinagkalooban din sila ng isang anak. Pinangalanan nilang MySon Alexis ang anak nila – pangalang 208

My All

hango kay MySon Ricardo. Hindi naputol ang ugnayan nilang dalawa, naging magkaibigan at nagturingang tunay na magkapatid, si Alex ay naging bahagi ng pamilya ni Ricco at gayundin naman si Ricco sa pamilya ni Alex. Si Ahron at Jeannie – sino ba ang mag-aakalang ang dalawang ito pala ang magkakatuluyan sa bandang huli? Tatlong taon na silang kasal at may dalawang anak. Tinaggap ni Jeannie ang katotohanang bisexual si Ahron na mas lalong nagpatibay sa pagmamahalan nilang dalawa. Ang pamilya ni Ricco – tama, isang malaking katuparan ang mga pangarap ni Ricco. Madalas na silang magkasama-sama at sa tuwing nasa Pilipinas siya ay kumpleto ang mga ito sa kanilang bahay. Nagpatuloy ang pagiging simple at payak na pamumuhay. Madalas din siyang bisitahin ng mga ito sa U.S. at Germany. Natuto silang pahalagahan ang bawat sandali – dahil ang buhay ay may tyempo, may ritmo at may katapusan, hindi mo alam kung hanggang saan ka pa tatagal kung kayat marapat na pahalagahan mo ang bawat sandali na kasama ang mga mahal mo. Higit pa, tinanggap ng mga ito ang naging nakaraan niya kay Alex at Steven at ang bumalik na pagtitinginan nila ni Steven. Tama! Sila Ricco at Steven ay nagkamabutihan. Oo, naging mahirap, ngunit dahil na din sa pagmamahal ng kanyang pamilya kay Ricco ay tinanggap nila ito ng buo. Gayundin ang pamilya ni Steven na minahal na din namang tunay na anak si Ricco. Sa dinami-dami man ng pinagdaanan nilang dalawa, ang pagkikita nila sa Frankfurt ay nagbukas para muling ibalik ang ritmo ng pagmamahalan nila para sa isa‟t-isa. Sinigurado nilang mapapanindigan ang pagsasama habang buhay maging sa kabilang buhay. Desidido sila na patunayan sa lahat ng kumukutya sa mga katulad nila na kaya nilang maging tapat sa isa‟t-isa at kayang ipagmalaki ang kanilang relasyon. Gusto nilang patunayan na “hindi lang si babae ang ginawa para kay lalaki bagkus maging si lalaki ay ginawa para kay lalaki.” END – WAKAS – END

209

Emmanuel R. Caleon

My All Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon Extra Chapter Closing Word Life is a matter of choice and we are the one which path to take over. Ito ang naging basihan ko kung bakit binigyan ko ng tatlong endings ang My All. Hindi lang basta para makapili kayo kung ano ang gusto ninyong mangyari kung hindi para para maintindihan na kahit sa anong daan ka man tumungo ay lagi kang may matutunang aral. Iba man ang kwento, ngunit tiyak na may mapupulot kang pwede mong magamit sa buhay. Isa pang gusto kong ipunto ay ang laman ng kantang Some Good Things Never Last – na kahit gaano man iyan kaganda ay kung hindi mo naman maalagaan ay darating ang araw na masisira ang lahat ng pinaghirapan mo. Kailangan lang na maging totoo tayo sa sarili natin, kung sino ba tayo o kung ano ba talaga ang nasa puso at isipan natin. Dapat, hindi lang tayo basta magtiwala sa konsepto ng pag-ibig o pagmamahal, dapat ay bigyang pansin din natin ang ideya ng pagpapahalaga, pag-iingat at pag-aalaga. Hindi mahalaga ang paninisi sa sarili o sa iba dahil sa pagkakamali. Mas mahalaga pa dito kung ano ang gagawin mong paraan para mabago at maitama ang pagkakamaling ito. Ipinapakita din dito na kung gaano kahalaga ang nasasayang dahil sa pagmumukmok imbes na kumilos at gumawa agad ng paraan. Mahalagang konsepto din na kung may kabiguang dumating, huwag tumigil ang mundo mo, dapat ay ituloy mo ang ikot dahil baka mamaya ay may masayang ka na pagkakataon na magiging daan para sa tagumpay mo. Gamiting hagdan ang bawat kabiguan para makagawa ng mas matibay na pundasyon para sa pag-abot sa mga pangarap. 210

My All

Walang masama kung ikaw ay bakla o lesbiana. Isa lamang itong maliit na bahagi nang pakikipagsapalaran mo sa buhay. Mas mahalaga ang pagiging biyaya mo sa kapwa. Mas mahalaga kung paano mo pinapaunlad ang sarili para sa kapakanan ng iba. Hindi kailangan ng mundo ang mga patangay lang sa agos ng buhay, ang kailangan ng mundo ay may mga paang parunong tumayo para ipaglaban ang kabutihang para sa lahat. Laging may two poles sa pag-iisip, laging contradicting sa isa‟t-isa. Hindi pwedeng baliwalain ang isa dahil may mapupulot tayong aral sa parehong panig. Kailangan nating pag-isipang mabuti ang mga bagay na gagawin natin, hindi pupwedeng biglaang bugso ng damdamin. Dapat nating isa-alang-alang ang mga kahihitnan nito. Sa original ending – kaya tragic ay dahil gusto kong sabihin sa lahat na life is mysteriously moving and passing by. Dapat lahat ng pagkakamali ay maitama na ng maaga at kailangan matutunan na natin magpahalaga sa kung anuman at sinuman. Sa endings B at C ay nais kong sabihin na kailangan nating matutunan kung paano magmahal ng selfless at tunay, hindi basta kung anupaman. Pinapakita na basta‟t tuna yang pagmamahal ay kaya nitong magtagumpay laban sa lipunang humuhusga agad sa isang tao na hindi man lang kinikilatis ng tama. Walang masama kung iibig ka sa kapareho mo ng kasarian. Ang pagibig ay isang pakiramdam na pwede mong maramdaman kahit kanino. Kailanman ay hindi mo pwedeng pigilan ang puso mo para magmahal ng taong magpapatibok nito. Higit pa – kailangan pag nagmahal ka, handa kang humarap sa mga pagsubok at kaya mong ibigay ang lahat para sa kaligayahan NINYO. Hinid tama na iisa lang ang nagsasakripisyo, dapat pareho kayong kayang magtiis para sa isa‟t-isa.

211

Emmanuel R. Caleon
Inspirasyon ko para sa pamagat – MY ALL by Mariah Carey I‟m thinking of you In my sleepless solitude tonight If it‟s wrong to love you Then my heart won‟t let me be right Cause I‟m drowned with you And I won‟t pull through Without you by my side. I give my all, to have Just one more night with you I risk my life, to feel Your body next to mine „coz I‟m drowned in you And I won‟t pull through Without you by my side.

212

My All

My All
Emmanuel R. Caleon
Kwentong BS
My All

Dreamer
Episteme Series No Boundaries Bawat Sigaw ng Pagbabago
Bandehado

Retokada
213

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful