You are on page 1of 2
Dengvaxia #22 REPUBLIKA NG PILIPINAS ) LUNGSOD NG MAYNILA) Ss. x SINUMPAANG SALAYSAY AKO, JENNIFER DELOS SANTOS, Filipino,41 taong gulang, may asawa at kasalukuyang naninirahan sa Maria Aurora Aurora, matapos makapanumpa ng ayon sa batas ay malaya at kusang loob na nagpapahayag ng mga sumusunod: 1. Ako ang ina ng namatay kong anak na pangalan ay si Lea Delos Santos na ang kinamatay ay yung pagturok ng Dengvaxia ng Department of Health (DOH); 2. Nuong February 13, 2018 namatay ang anak ko dahil sa Dengvaxia na three dose ang turok; 3. Nuong February 14, 2018 pinuntahan kami ng barangay captain kasama ang taga Department of Health (DOH) na hinihimok na tangapin ang singkwenta mil (Php50,000) kapalit ng pagurong ng reklamo; 4. May format na binigay na nagsasaad ng requirements para sa pagkuha ng Fifty Thousand Pesos (Php 50,000) dahil magulo pa ang isip namin ay nagpasa kami ng mga requirements katulad ng: a. school id, id ng magasawa, b. death certificate, c. dengvaxia card, at d. Automated Telling Machine Account na pagpapasukan ng pera, at e. Barangay clearance na para alam ng kapitan na tumanggap kami; 5. Napapayag din kami dahil nagpakilala sila na PAU na akala namin ay PAO na Public Attorney’s Office. Nalaman nalang namin na ang PAU na tinutukoy nila ay Public Assistance Unit na katunog ng PAO. 6. Nuong February 16, 2018 dumating si Maricris Montes na kaibigan namin para sa pag assiste ng burol ng anak namin at naikwento namin sakanya na magbibigay ang PAU sa pamamagitan ng DOH ng Fifty Thousand Pesos (Php50,000); 7. Nagulat si Maricris at sinabi na hindi nagbibigay ang Public Attorney's Office ng ganung halagang Php50,000 kapalit ng pagurong ng kaso; 8. Nagulat kami nung sinabi sa amin ni Mari Cris na hindi _ nagbabayad ang PAO ng ganyang halaga at aming inuurong ang aming napagkasunduan sa Department of Health (DOH) para sa hustisya ng aming anak na namatay. 9, Pagdating, sa Maynila, pinipilit parin ng Department of Health Kunin ang mga requirements ngunit naibigay ko na sa aming abogado sa Public Attorney's Office para hindi mawala. 10,Pinatotohanan ko ang lahat ng mga nakasaad dito bilang tunay na mga pangyayari. BILANG PATOTOO, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika 2S, ng Enero 2019 dito sa Lungsod ng Maynila. JENNIFER ELOS SANTOS Nagsalaysay SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 2 day of Enero 2019 I further certify that I have examined the affiant and I was able to ascertain that he has read and understood his affidavit and she has freely and voluntarily executed the same. Atty Kenneth Ray A. Odak R.A. 9406