You are on page 1of 2
REPUBLIKA NG PILIPINAS ) SYUDAD NG MAYNILA ) PINAGSAMANG SINUMPAANG SALAYSAY KAMI, sina JUDELIN T. APA at ERWIN APA, may sapat na taong gulang, mag-asawa, at kasalukuyang naninirahan sa Cebu, matapos mapatalastasan ng aming mga karapatan alinsunod sa umiiral na Saligang Batas ay malaya at kusang loob na nagsasaad ng mga sumusunod: 1. Na, kami ay mga magulang ni EJ CHRISTIAN T. APA, isa sa mga naging biktima ng Dengvaxia, na sa kasamaang palad ay pumanaw noong ika-23 ng Pebrero 2018 matapos na siya ay maturukan ng Dengvaxia vaccine noong Hulyo 2017; 2. Na, noong Nobyembre 2018, habang kami ay nasa aming tahanan ay nakatanggap ako (ERWIN APA) ng tawag mula sa hindi kilalang numero at nang ito ay aking sagutin gamit ang Cebuano dialect ay nabosesan ko ang isang lalake na nakipag-usap din sa akin gamit ang Cebuano dialect at nagpakilala sa kanyang pangalan na hindi ko na magawang maalala. Nagpakilala ang nasabing tao na sya ay diumano mula sa Department of Health ("DOH") — Cebu; & 3. Na, matapos siyang magpakilala ay agaran niya akong tinanong kung may alam ako tungkol sa tulong o alok pinansyal mula sa Office of the President na may halagang Fifty Thousand Pesos (PhP50,000.00); 4 Na, mahinahon kong sinagot ang nasabing tao na kami ay tinutulungan na ng Public Attorney's Office (‘PAO’) matapos na maging biktima ng Dengvaxia ang aming anak; 5. Na, matapos ang ilang araw ay may pumunta sa aming bahay na nakilala namin na nagtratrabaho sa Rural Health Unit ("RUH") at nagsabi na kami ay magtungo sa nasabing RUH Center sa Madridejos; 6. _Na, agad kaming pumunta sa RUH Center at pagdating naming doon ay kinausap kami ng isang nars at tinanong kami kung gusto ba raw naming mag- avail sa isang financial assistance na Php50,000.00 kapalit ng mga requirements at Dengvaxia card ; 7. __Na, sumagot kami na hindi na namin matatanggap ang alok nila dahil iyong mga orihinal na kopya ng mga dokumento na may kinalaman sa pagkamatay ‘ng aming anak dahil sa Dengvaxia, kasama ang Dengvaxia card ay naibigay na namin sa PAO; Dengvaxia #30 8. Na, sumagot ang nars sa amin na puwede silang gumawa ng mga orihinal na Dengvaxia card at hindi pa huli ang lahat dahil wala naman daw expiration date and pag alok nila ng financial assistance; 9. Na, sa kabila ng kanyang mapilit na alok ay hindi padin kami pumayag dahil mas mahalaga sa amin ang makakuha ng hustisya para sa aming anak na nabiktima ng Dengvaxia; 10. Na, ginawa namin ang Pinagsamang Sinumpaang Salaysay na ito bilang patotoo sa mga nakasaad sa itaas. Sa katunayan ng lahat ng ito ay inilagda namin ang aming buo at tunay na pangalan sa gawing ibaba ngayong ika-29 ng Enero 2019 dito sa Li ng Maynila. sued apa IN APA Nagsasalaysay Nagsasalaysay SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayon ie 29 nq Enero 2018 dito sa Lungsod ng Maynila, Mig — + APRCSOKER/PAUL A DE ALA UBLIC ATTORNEY PURSUANT TO RA 9406 Administering Officer