You are on page 1of 2
REPUBLIKA NG PILIPINAS) CITY OF MANILA ) PINAGSAMANG SINUMPAANG SALAYSAY KAMI sina LYNGIN ALOSTOR ALCANTARA at ERWIN CONDE ALCANTARA, may sapat na gulang, mag-asawa, at kasalukuyang naninirahan sa Baler, Aurora, matapos mapatalastasan ng aking mga karapatan alinsunod sa umiiral na Saligang Batas ay malaya at kusang loob na nagsasaad ng mga sumusunod: 1. Na, kami ay mga magulang ni CLARISSA A. ALCANTARA, isa sa mga naging biktima ng Dengvaxia, na sa kasamaang palad ay pumanaw noong ika-23 ng Pebrero 2018 matapos na siya ay maturukan ng Dengvaxia vaccine noong April, 2016, October, 2016 at June,2017; 2 Na, noong ika 28 ng Pebrero, 2018, sa bisa ng aming hiling, ang katawan ng aming anak ay inautopsy ng Public Attorney's Office sa Dipaculao, Aurora; 3. Na, noong ika-29 Pebrero, 2018, habang nilalamayan namin ang katawan ng aming anak sa aming bahay, dumating ang Mayor ng Baler na si Pilot Bihasa, mga pulis at mga tauhan ng DOH Region Ill. Kinausap po kami kung gusto daw po naming makakuha ng financial assistance, sumulat daw po kami kay Pangulong Duterte at personal na magabot ng sulat sakanya. Pagkatapos daw po, magpunta kami kay Secretary Duque; 4. Na, agad po kaming tumanggi kasi naniniwala kami na baka maapektuhan ang kaso namin na hawak ng PAO; 5. Na, noong March 2018, ang nurse na nagturok ng dengvaxia vaccine sa aming anak at isa pang tao na nagpakilalang director ng DOH ay nagtungo sa aming bahay. Inalok po nila kami ng Php 50,000.00 kapalit ng pagsurrender ng mga original copy ng Death Certificate ng aming anak, Birth Certificate ng aming anak, Medical Certificate na may pirma ng doctor na nakaduty noong namatay ang aming anak, at Dengvaxia Card ng aming anak. Din, sinabihan kami na magopen ng ATM Account para doon daw idedeposito yung 50,000 pesos; Dengvaxia #28 6. Na, sinabihan namin sila na magtatanong muna kami sa aming mga abogado sa PAO patungkol sa kanilang offer; 7. Na, bago sila umalis, nag-iwan sila ng kanilang contact at sinabihan kami na kung buo na ang aming pasya, tawagan lang daw sila para maproseso na agad yung Php 50,000.00. Nagiwan din sila ng isang papel na pipirmahan daw namin kung ayaw naming tanggapin yung alok nila; 8. Na, makalipas ng tatlong ligo, marahil siguro ay hindi kami nagpaparamdam, yung nurse na bumisita sa amin at siya ring nagturok ng Dengxia vaccine sa aming anak ay tumawag sa amin. Nagpafollow-up daw siya patungkol sa desisyon namin. Sinabihan po namin siya na tumatanggi kami sa alok nila dahil kung ginawa namin yung alok nila, ayon sa aming abogado sa PAO, madedehado ang kaso na ihahain namin sa kung sino man dapat managot sa pagkamatay ng aming anak. Din, sinabi namin sakanya na gusto namin ng katarungan at hustisya sa pagkamatay ng aming mahal na anak. 9. Na, kung ayaw na daw namin tanggapin yung alok nila, pirmahan nalang daw namin yung papel na iniwan nila. Hindi po namin pinirmahan sa takot namin na magamit sa ibang bagay ang pirma namin. 10. Na, ginawa naming itong Pinagsamang Sinumpaang Salaysay bilang patotoo sa mga nakasaad sa itaas. Sa katunayan ng lahat ng ito ay inilagda naming ang aming buo at tunay na pangalan sa gawing ibaba ngayong ika-29 ng Enero 2019 dito sa Lungsod ng Maynila. LYNGIN nota aucmnrana ERWIN ZONDE ALCANTARA NagsaSalaysay Nagsasalaysay SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-29 ng Enero 2019 dito sa Lungsod ng Maynila.