You are on page 1of 20

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES)

PASIG CITY ) S.S.


x-------------------------------------------------x

KONTRA SALAYSAY
AKO SI Marina Castillo, 46 taong gulang, Filipino, at nakatira sa 8-D S.T.
Santos street , Sta. Ana, Pateros, Metro Manila, matapos makapanumpa nang
ayon sa batas ay kusang loob na nagsasaad ng mga sumusunod:

Ako kasama ang aking asawang si Roberto Castillo ay idinedemanda ng


kasong Estafa ni Ma. Luisa So sa Pasig City Prosecutor’s Office na may docket no.
I.S. No. XV-14-INV-11J-02719;

Na, madiin kong itinatanggi na ako ay gumawa ng kaniyang ibinibintang


sapagkat ang buod ng pangyayari ay ang sumusunod:

1. Si Ma. Luisa So at ako lamang ang naging magkaibigan dahil lagi


siyang lumalapit sa akin tuwing kailangan niya ng tulong pinansyal
noong nag-aaral pa ang mga anak niya sa kolehiyo. Pareho
kaming nagpapaaral ng mga anak kaya tinutulungan ko siya
makautang sa mga kakilala ko na mga nagpapautang, ako ang
kaniyang guarantor. Ngunit kapag maliliit na pera lamang ang
kailangan ay kami-kami ang nagtutulungan. Pinapahiram ko siya
at pinapahiram niya ako.

2. Na, ang aking asawa ay regular na empleyado sa PLDT kaya lagi


siyang gabi na pag umuwi kaya hindi niya alam ang aking mga
ginagawa sa pamamalakad sa bahay.

3. Tungkol po sa salaysay ni Maria Luisa So (Luisa) na dalawang


beses kami nagpunta mag-asawa sa kanyang bahay ay hindi po
totoo dahil isang beses lang po nakapunta ang asawa ko sa
kanyang bahay, iyon ay noong nagpasama ako sa aking asawa
sa bahay niya.

4. Na, pinilit ko ang asawa kong si Roberto Castillo na samahan ako


na maningil kay Luisa noong unang Linggo ng July, 2011
sapagkat kinuha ni Luisa ang mga pera ko na pang enrol ng aking
anak sa pamamagitan ng pambobola at panlalansi sa akin, at
pagkatapos ay binayaran ako ng tseke ng kumare niyang si
Charito Omeres na pinambayad ko sa paaralan ng aking anak
ngunit tumalbog ito kaya napahiya ang anak ko sa kanilang
unibersidad.

5. Na, sa loob lamang ng isang buwan ng June 2011, nawalan ako


ng halagang P20,000.00 at P10,000 dahil sa pangmanipula sa
akin ni Luisa So:

6. Noong Marso 2011, nagpatulong si Luisa So sa akin na humanap


ng mauutangan ng P100,000 kaya inilapit ko siya sa kaibigan
kong si Sarah Yumo na may alam na nagpapautang sa isang
“private lender” sa Rizal, Makati. Na-schedule ang paglabas ng
loan niya sa June 30, 2011.

7. Samantala, noong June 3, 2011 sinabihan ako ni Luisa na


umutang ng P20,000.00 sa kakilala ko para ipautang sa kumare
niyang si Charito Omeres at sa loob lamang ng isang Linggo ay
lalabas daw ang kaniyang loan sa East Rembo at siya raw ang
magbabayad sa akin ng P20,000.00.

8. Na, balak ko rin umutang ng pang-enrol ng anak ko sa kolehiyo,


kaya umutang ako sa kakilala kong Bombay ng P20,000. Ang
Bombay ay nangungupahan sa bahay ng kapatid kong si Lilibeth
Castillo na siyang tumayong garantor sa utang ko sa Bombay.

9. Pinahiram ko muna ang inutang kong P20,000 kay Luisa para


gamitin ni Charito Omeres dahil nangako ni Luisa na ibabalik ito
sa akin makalipas ang isang Linggo. Ngunit pagkalipas ng isang
Linggo hindi naisauli ni Luisa ang P20,000 sa akin.

10. Palapit na ang enrolment, kaya noong June 15, 2011 lumapit
ako kay Sarah Yumo na siyang tumulong kay Luisa na maka-
“loan” ng P100,000 sa Makati. Inilapit niya ako sa nagngangalang
Danny sa West Rembo at nag-aplay ako doon ng loan ngunit
napagbigyan ako ng P10,000.00 lamang na makukuha ko
kinabukasan, June 16, 2011. Bilang collateral ay hiningian ako ng
ATM kaya hiniram ko sa aking asawa ang kaniyang ATM at
“written authority” na siyang isinumite ko. Ito ang “first time” na
ginamit ang ATM ng asawa ko bilang collateral.

11. Kinabukasan, June 16, 2011. Nagtungo ako sa San Joaquin,


Pasig City na kung saan napagkasunduan namin ni Sarah Yumo
na ibibigay niya ang P10,000 loan ko. Nagulat ako na naroon sina
Luisa So at Charito Omeres, bago dumating si Sarah Yumo at
Yolanda Manalo.

12. Hindi ko akalain na umutang din pala kay Danny si Luisa So ng


P10,000. Kinuha ni Luisa So mula kay Sarah Yumo ang P10,000
na inutang niya at pati ang P10,000 na inutang ko. Sabay ng
pagkuha niya ng pera ay sinabi niya na paghati-hatian muna
namin ang nautang naming na tig P10,000.00 sapagkat
nangangailangan din ng pera sina Charito, Yolanda at Sarah
Yumo. Mula sa P10,000 ko ay P3,500 daw muna ang para sa akin
at tig P3,000 kina Yolanda at Charito. Ang P500 na butal daw ay
ipangkain muna namin sa Chowking restaurant na kung saan kami
ay nagtitipon.

13. Na, ayokong pumayag sa mungkahi niya kaya’t sinabi ni Luisa


na bukas na bukas din daw ay ibabalik nila ang kabuuan ng pera
ko at siya ang garantor. Wala akong magawa sapagkat hawak
niya ang pera kong P10,000 at ayaw niyang ipahawak sa akin.
Hinati-hati ni Luisa ang pera ko sa tatlo at ipinamahagi sa aming
tatlo nina Yolanda at Charito. Samantala ang pera ni Luisa ay
hinati niya sa kanilang dalawa ni Sarah Yumo. Sadyang
napakalakas ng kaniyang impluwensya kaya siya lagi ang
nasusunod sa desisyon ng grupo kahit ito ay labag sa aking
kalooban.

14. Kinabukasan, June 17, 2011 tumawag si Luisa sa akin at


tinanong ako kung nasa akin pa ba ang bahagi ng pera kong
pinaghatian. Sa pag-aakala kong isasauli niya ang kabuuan ng
pera ko ay nasabi ko sa kaniya na nasa akin ang pera ko at
nadagdagan ko ng P500 kaya P4,000 na ang hawak ko. Bigla niya
sinabi na hihiramin niya muna ito at ibabalik niya agad mamayang
hapon at kailangang-kailangan lang daw niya ito. Napapayag ako
sa pangakong ibabalik niya ito mamayang hapon kasama ang
kabuuan ng P10,000.

15. Pina hatid pa niya sa akin sa puwesto ng tindahan niya sa San


Joaquin ang P4,000 at nagulat ako na wala siya doon. Sinabihan
ako ng umuupa na ibigay sa kaniya sa utos daw ni Luisa So ang
P4,000 kaya inabot ko ang pera kay Jamaira (nangungupahan sa
pwesto ni Luisa).
16. Dumating ang hapon at gabi ay hindi nagbayad si Luisa sa
akin ng P4,000 na inutang niya o ng P6,000 na binigay niya kina
Yolanda at Charito.

17. Kinabukasan, June 18, 2011 araw na ng enrolment ngunit


walang natupad sa mga pangako ni Luisa. Tinawagan ko si Luisa
So at pinilit ko siya na bayaran ako dahil malapit na ang enrolment
ng aking anak kaya gumawa siya ng paraan. Pinapunta niya ako
sa San Joaquin at naroon silang dalawa nina Charito Omeres. Sa
utos ni Luisa ibinigay ni Charito sa akin ang RCBC Savings bank
check no. E0002123 na nagkakahalaga ng P18,120.00 (eksaktong
halaga ng enrolment fee) na may petsang June 18, 2011. Ito ang
pinambayad ko sa Arellano University ngunit ito ay tumalbog.
(Lakip dito ang Xerox copy ng nasabing cheke bilang Annex “1”);

18. Noong June 22, 2011 umutang ulit si Luisa sa akin ng pera
pambayad daw nila ng penalty ng isa pa nilang cheke na tumalbog
na pinambayad sa ibang tao. Wala akong pera noon kaya ang
sabi nila ay kahit isang libo na lang, kaya humiram ako sa asawa
ko na nagkataon ay nasa kabilang kwarto. Hindi niya ugaling
magpahiram sa kanila ngunit pinilit ko lang siya. Binigay ko ang
P1,000.00 at sinabi niyang idadagdag niya ito sa unutang niyang
P4,000 noong June 17, 2011. Kaya lahat lahat ay P5,000 na ang
inutang niyang personal; P6,000 na ibinigay niyang pera kina
Yolanda Manalo at Charito Omeres mula sa pera kong P10,000,
at P20,000 na inutang ko sa Bombay para ibigay sa kanilang
dalawa ni Charito Omeres.

19. Bago dumating ang June 30, 2011, ang araw ng “release” ng
“loan” na P100,000.00 ni Luisa So, pinaalala ko sa kaniya ang
utang nila sa akin na P20,000 mula sa Bombay, ang P5,000 na
inutang niya noong June 17, 2011 at ang P6,000 na hinati-hati
niyang pera ko mula sa P10,000 loan ko noong June 16, 2011.

20. Pinagbawalan ako ni Luisa na sumama sa release ng loan


kundi magkita-kita na lamang daw kami sa Chowking San Joaquin
sa June 30, 2011 pagkatapos niya akong itex;

21. Sa araw ng June 30, 2011, si Sarah Yumo pa imbes na si Luisa


So ang nagtex sa akin na pinapapunta na ako agad sa Chowking.
Pagdating ko doon sa Chowking, matagal na pala sila nag-uusap
nina Luisa So, Charito Omeres at Sarah Yumo sa mesa. Tahasan
sinabi sa akin ni Luisa So na wala silang maibibigay sa akin na
bayad sa utang nila sapagkat naibayad na nila itong lahat sa
pinagkakautangan nilang ibang tao. Nagtaas pa ako ng boses sa
loob ng Chowking restaurant sa galit ko sa kanila ngunit sadyang
matigas ang puso ni Luisa at Charito. Lumayo ako at lumipat sa
7/11. Doon ako umiyak sa inis at nagpasundo sa aking asawa.

22. Nakalista ang pangalan ng anak ko sa harap ng Accounting


Division ng kaniyang Unibersidad dahil sa tumalbog niyang cheke
ni Charito Omeres kaya ibig kong maalis sa kahihiyan ang aking
anak, kaya noong first week ng July, kahit ganoon ang ginawa nila
sa akin kinumbinse ko ang asawa ko na lumapit kay Ma. Luisa So
at baka sakali pagbigyan kami kapag asawa ko ang haharap na
makiusap sa kaniya na ibalik ang pera ko at hindi kaharap ang
ibang kaibigan namin;

23. Napa-payag ko ang asawa ko na samahan ako kay Ma. Luisa.

24. Nagkuwento lamang nang nagkwento si Ms. So ng buhay nila


upang ilihis ang paksa ng aming paniningil, kaya nagyaya nang
umuwi ang aking asawa;

25. Ang alam ng asawa ko ay enrolled na ang aming anak dahil


inilihim ko sa kaniya ang ginagawa ni Luisa So sa mga pera kong
inutang. Takot ako sa asawa ko dahil iba siyang magalit. Kung
Kaya’t sinabi ko na lamang sa asawa ko na kailangan ko ng
karagdagang pera pang pre-lims ng aming anak. Ang prelims ay
nagkakahalaga ng P9,200 lamang. Siya ang umisip ng paraan.
Isinanla ng asawa ko ang ATM niya kay Danilo Carreon noong
July 17, 201. Ang inutang ng asawa ko ay P15,000 para sa
prelims at bayad sa gastusin sa bahay. Ngunit ang kailangan ko
ay enrolment fee na nagkakahalaga ng P18,120.00, ang halaga
ng tumalbog na cheke ni Charito. Ito ang hindi ko masabi sa aking
asawa.

26. Malapit na ang pre-lims pero hindi pa bayad and enrolment


fee ng aking anak. Nagaalala ako kaya nagtext ako kay Ma. Luisa
So at sinabi ko na di makakuha ng exams ang anak ko dahil hindi
pa siya enrolled, at sinumbatan ko si Luisa na kung naibigay niya
sa akin ang pera na nautang kay Bombay ay wala akong
problema ngayon. Kaya bigla sya tumawag sa landline namin at
tutulungan daw niya ako makautang kaya lang ang kailangan ay
company ATM at hindi puwede ang personal ATM. Sinabi ko sa
kaniya na nakasanla kay Danilo Carreon ang aming ATM ng
P15,000.00.

27. Sinabi ni Luisa na puwede akong makautang sa kakilala


niyang “Emma” ng P30,000.00 pero ikakaltas na agad ang interest
kaya ang matatanggap ko ay P24,000 lamang. Kapag nagkapera
daw sila ni Charito ay sila ang magtatapal o magbabayad ng
P20,000. Ang gagawin na lamang namin ay tutubusin ang ATM
ng asawa ko mula kay Danilo Carreon ng P15,500.00.
Samakatuwid ay P8,500.00 ang matatanggap ko mula kay
“Emma” kung ibabawas pa ang pantubos kay Danilo Carreon.

28. Ang sabi ko ay kulang ang makukuha kong P8,500.00 lang. Si


Luisa rin ang nag-isip na maghanap pa daw ako ng isa pang ATM.
Sabi ko wala na akong ibang company ATM. Sinabi niya na
puwede na rin ang personal ATM kaya lang ay P10,000.00 lang
ang mauutang ko.

29. Ang sabi ko bakit hindi na lamang ang ATM niya (ni Luisa) o ni
Charito Omeres ang isanla namin tutal siya naman ang dahilan
kaya wala na akong pera. Ang sabi ni Luisa ay may paggagamitan
daw siya ng ATM nila. Sa dahilang gipit na ako sa panahon ay
napapayag na ako sa mungkahi niyang ako ang uutang gamit ang
ATM ko.

30. Sumakay kami ng tricykel ni Luisa sa pag-aakala kong tutungo


kami sa sinasabi niyang “EMMA” na magpapautang ngunit
tumuloy ang tricykel sa bahay ni Danilo Carreon sa Tipas at doon
natubos ang ATM ng asawa ko sa halagang P15,000 na galing
kay Luisa. Nagtaka si Danilo Carreon na tutubusin agad ang ATM
na naisanla lamang noong July 17, 2011 ng asawa ko kaya ayaw
na niyang kunin ang interest nito na P1,500. Pinilit ko na lamang
na bigyan ko siya ng P500 bilang pasalamat at tinanggap niya ito.

31. Sa isang kanto sa labas ng bahay ni Danilo Carreon nagulat


ako nang ibinigay sa akin ni Luisa ang halagang P8,500.00 at
hiningi niya ang ATM ng asawa ko at pagkatapos ay ibinigay niya
sa akin ang P10,000.00 at hiningi ang ATM ng aking biyenan.
Nagtaka ako kung bakit mayroon na siyang buong perang
nakahanda samantalang hindi pa kami nakakarating sa sinasabi
niyang Emma na magpapautang sa akin. Ang sabi niya ay
pinagkatiwalaan daw siya ni Emma, sabay papirma niya sa akin
ng papel na tumanggap ako ng P42,000.00 ngunit wala itong due
date na nakasulat at walang nakasulat na Luisa So.

32. Na, walang problema at open ang mga ATM nang ibigay ko
kay Luisa.

33. Kung nalaman kong kay Luisa ako nagkautang at nakasulat


doon ang due date na August 3, 2011 ay hindi sana ako pumirma
dahil ikakaltas ko muna doon ang mga kinuhang pera sa akin ni
Luisa, at alam niya na hindi ko kayang bumayad ng buo sa loob
ng isang buwan lamang. Kaya nga nasa kaniya ang ATM ay
sapagkat ang patakaran ng nagpapautang ay doon iwini-withdraw
ang mga hulugang bayad (payment on installment) ng umuutang
mula sa buwanang sahod ng borrower. Kaya Company ATM ang
requirement ay sapagkat pumapasok sa account ng ATM ang
monthly salary ng borrower;

34. Mapapansin na hindi kahanay ng pirma ko ang idinagdag na


pangalan ni Luisa So. Wala rin hanay ng mga sulat ang due date
na August 3, 2011. Patunay na itong kasulatan daw naming ay
“dinagdagan o dinoktor .”

35. Na, walang nalalaman ang aking asawa noong tinubos ko ang
ATM niya kay Danilo Carreon.

36. Ngunit noong July 23, 2011, sumugod ang kapatid kong si
Lilibeth Castillo sa bahay namin sapagkat guarantor ko siya sa
Bombay na inutangan ko ng P20,000 na binigay ko kina Luisa So
at Charito Omeres. Sinisingil ng Bombay si Lilibeth sa dahilang
hindi na nagbabayad ang umutang niyon. Galit na Galit na nag
iingay si Lillibeth kung kaya’t nagtanong ang aking asawa tungkol
sa ikinagagalit niya.

37. Nasabi ko sa aking asawa na ipinautang ko ang P20,000 kay


Luisa at Charito ngunit hindi sila nagbabayad kaya’t tumutubo ito
ng interest.

38. Ipinagtapat ko na rin sa asawa ko na tinubos ni Luisa So ang


ATM niya kay Danilo Carreon para makautang ako ng mas malaki
pambayad sa tumalbog na cheke ni Charito Omeres. Dahil sa
aking ipinagtapat ay galit nag alit sa akin ang aking asawa at hindi
niya ako kinikibo nang matagal na panahon;

39. Na hindi na kami nag-uusap noon ng aking asawa kung kaya’t


hindi ko alam kung ano man ang ginawa niya sa kaniyang ATM na
hawak noon ni Luisa So.

40. Na, wala kaming natatanggap na demand letter mula kay Luisa
So.

Na, wala akong panloloko na ginawa, at handa akong magbayad


kung anuman ang aking pagkakautang sa kondisyon na ang
patakaran ng pagbabayad ay sang-ayon sa aming kasunduan at
instalment ang pagbabayad gaya ng aming kasunduan at
kinagawian.

Na, ako ay nagbabayad ngunit ayaw itong tanggapin ni Luisa kung


hindi ko ito isasauli nang buong P42,000. Ito ay sa dahilang
gagamitin na naman niya ako para maka bayad sa mga taong
pinagkakautangan din niya at naniningil na sa kaniya.

Na, dapat din bayaran sa akin ni Luisa So ang P18,120.00 na


halaga ng tumalbog na cheke pati ang inutang niyang P5,000.00
sapagkat kung hindi ay idedemanda ko rin siya kasama si Charito.
Dapat din siyang managot sa ginawa niyang pagkuha ng
P6,000.00 mula sa nagpautang sa akin ng P10.000.00 sapagkat
siya ang tumanggap nito mula sa nagpautang at hindi niya
pinarating sa aking kamay bagkus ibinigay ito sa iba sa kabila ng
aking pagtanggi at pagtutol. Na dapat bayaran ni Luisa at Charito
ang ibang utang at interest na ipinatong ng Bombay sa P20,000
na inutang ko para sa kanila at ibinigay sa kanila ni Luisa at
Charito.

41. Na ginawa ko ang salaysay na ito hindi upang umiwas sa


aking bayarin na pananagutan kay Ma. Luisa So, kundi upang
ipaalam ang katotohanan na walang kaming panloloko na ginawa.
Kung tutuusin ay si Luisa So, ang complainant, ang siyang
nanloloko sa akin. Ginawa ko rin ito upang ipaalam sa kinauukulan
na walang alam ang aking asawa na si Respondent Roberto P.
Castillo at aking biyenan sa naging transaksyon naming
magkakaibigan at kami lamang magkakaibigan ang sangkot sa
usaping ito.
BILANG PATUNAY ay inilagda ko ang aking pangalan sa ibaba
nito ngayong ika-6 ng Disyembre 2011 sa Pasig City

Marina Castillo
Nagsasalaysay
42.inutusan ako pinautang ako ni ang utang na iyon sa akin ni Luisa ay
nagkakahalaga ng b At pinilit ko syang pumunta kahit ayaw nya sa
dahilang ginawa nila sa akin nung may usapan kami na babayaran ako
noong June 30 magtagpo kami sa San Joaquin. Sa buong akala ng asawa
ko ay ang singilin ko lang ay ang pagkagamit nila ng pera na 10,000 nung
June 16 na isanla ko ang ATM na pinaghatian nila sa pamumuno ni
Ma.Luisa So na nangako ibabalik kaagad.Di natupad ang pagbalik ng
pera nahiram sa nautang ko gamit ang ATM kaya hinintay ko nalang na
umaasa na mibabalik ang pera na 10,000 pag nakuha ang hinihintay na
loan ni Ma. Luisa So ng June 30. At lingid sa kaalaman ng asawa ko na
naiutang ko pa ang kumare ni Ma. Luisa So na si Charito Omeres sa
bumbay sa halagang 20,000at ginarantoran ni Ma. Luisa So na may
usapan din na ibalik kaagad dahil gagamitin ko iyon pangenroll ng aking
anak na nursing na nagaaral sa Arellano University Pasig ang enrolment
ay sa June 18 umasa ako na maibalik bago dumating ang takdang araw
ng enrolment kaya ang ginawang solusyon nila Charito Omeres at Ma.
Luisa So ay pahiramin ako ng Cheke at ibayad sa tuition ng anak ko para
makaenrolled na. Naenrolled ko ang aking anak ngunit hindi nila
napondohan ang issue cheke sa school kayat tumalbog at sinabi nila sa
aken at ako pa ang siningil sa penalty na dapat hindi ako dahil kasalanan
nila eto. Dahil magkakaibigan kami ay pumayag na lamang ako at walang
pagawayan at ayoko maging sanhi pa iyon at natakot ako na baka di nila
ako mabayaran. Kaya nilihim ko sa asawa ko iyon dahil umaasa naman
ako na mabayaran dahil sigurado na marilisan ng loan si Ma. Luisa So.
Takot ang naramdaman ko na pag nalaman ng asawa ko ay sobra na sya
magalit sa mga kaibigan ko. Ngunit di ko akalain sa sobrang pagbibigay
at pakikisama ay mapahamak pa ako sa kanila. Kaya dumating na ako ay
ipit na at di pa enrolld ang anak ko. Ang ginawa ko nagtext ako kay Ma.
Luisa So at humingi ng awa na resolbahin ang problema ko na kung
naibalik nila ang nahiram nap era kay Bombay ay wala ako problemang
ganito. Kaya bigla syang tumawag. At tinanong kung nasa akin ang ATM
ng asawa ko na tinapat ko sa kanya na naisanla kay Danillo Carreon July
17 na utangan din nila. Kaya sya ang nagpursige na kunin ang aking ATM
at tubusin sa pagkakasanla at isasanla nya sa pangalang Emma sa
halagang 30,000 at babawasan na ng unang tubo na 6,000 di sapat ang
matitira kung tutubusin pa sa pagkakasanla ng halagang 15,000 kaya
sabi nya kung may isa padaw ako ATM na mahihiram at isanla nya sa
halagang 10,000 at nagisip ako at sabi ko panu yan di Company ATM
yung sa biyenan ko gaya ng sabi ni Ma. Luisa So na dapat Company Atm
lamang ang pwede.Ang sagot nya ipapakiusap nalang daw nya. Sabi ko
pwede pala di Company ATM eh bakit di nalang yung kanya na parang
tulong na lang nya sa akin kasi nga nakasanla yung amen total inisip ko
dapat lang na tulungan nila ako. Dahil sa sobrang gipit na sa panahon at
exam ng anak ko prelim at di pa sya officially enrolled dahil tumalbog
cheke nila inissue. Sinabi ko nalang na alam ng asawa ko lahat na uutang
ako kayMa. Luisa So. Kaya dumating ang di inaasahan na bigla dumating
ka
babayaran nya pag narilisan na sya ng loan sa Brgy. Rizal MakatiNgunit
hindi sila tumupad sa pangako na pag nakuha ni Ma. Luisa So ang pera
na 100,000 ay sya muna magbabayad ng nahiram ng kanyang kumare na
si Charito Omeres kaya nagalit ang asawa ko sa nangyari. Napapayag ko
ang aking asawa na samahan ako upang magbakasakali na makasingil na
hindi kaharap ang iba naming kaibigan. Ngunit sa paguusap ay umiiwas
si Ma. Luisa So na pagusapan ang nahiram na pera sa amin. Nang
maramdaman ng asawa ko ay lumabas sya nanigarilyo na lamang at
lingid sa aking asawa na kinakausap ko si Maria Luisa So sa lihim naming
problema na pagkakautang ni Charito Omeres na sya ang nag garantor
na iniutang ko sa Bombay na nangungupahan sa aking kapatid na si
Lilibeth Castillo. Ngunit di rin nya ako nabayaran
43.Na, ang aking asawa ay naghahanapbuhay bilang empleyado sa PLDT at
laging wala sa bahay. Ako ay mayroong maliit na negosyo “processed
meat seller” at sa pamamagitan nito ay tinutulungan ko ang aking
asawa.

44.Noong buwan ng Marso, 2011, lumapit na naman sa akin si Ma. Luisa So


at pinapahanap ako ng mahihiraman niya ng P100,000. Sinamahan ko
siya sa kaibigan kong si Sarah Yumo na may alam na financier at
pumunta kaming tatlo sa financier sa Pembo, Makati. Ginamit niyang
collateral ang commercial unit niya sa San Joaquin na pinapaupahan
niya. Na-schedule ang labas ng loan niya sa June 30, 2011;

45.

46.Habang hinihintay niya ang release ng loan sa Pembo, Makati,


pinakiusapan niya ako na humanap ng paraan na magkapera siya maski
P20,000.00 para ipautang niya kay Charito Omeres (Cherry) na kumare
niya. Sinabi ni Ms. So sa akin na sa oras na ibigay ang loan niyang
P100,000.00 sa Pembo, Makati ay babayaran niya agad ang P20,000.00
na hihiramin ni Charito Omeres.

47.Dahil sa pangako ni Ma. Luisa So na babayaran niya ako at dahil alam ko


na magkakapera siya mula sa loan sa Pembo, Makati ay umutang ako ng
halagang P20,000.00 sa Bombay noong June 3, 2011. Ako lamang kasi
ang papautangin ng Bombay sapagkat ang Bombay na iyon ay umuupa
sa apartment ng kapatid kong si Lilibeth Castillo na magiging guarantor
ko sa Bombay.

48.Tinawagan ko muna si Ma. Luisa So bago ibinigay ko P20,000.00 kay


Charito Omeres para siguraduhin sa kaniya na siya ang magbabayad.

49.Noong June 15, 2011, nangailangan ako ng Sampung Libong Piso


(P10,000.00) pang enrol ng aking anak kaya lumapit ako kay Sarah Yumo
na may kilalang mauutangan, sa West Rembo, Makati o kilala sa
pangalang “Danny”. (Iba ito sa Pembo, Makati na inutangan ni Ma. Luisa
So ng P100,000.00). Kinabukasan ang release ng loan kong P10,000.

50.Kinabukasan, June 16 o June 17, 2011 ay dumating ang araw ng release


ng aking loan na P10,000.00 (Ten Thousand Pesos). Nagkita-kita kami sa
San Joaquin nina Ma. Luisa So (complainant) at boyfriend niyang si
“Omang” at Charito Omeres. Umutang din pala si Ma. Luisa So ------------
-------------------Maya-maya ay dumating sina Sarah Yumo at si Yoly na isa
pang kaibigan na taga process o taga lakad ng loans nina Charito Omeres
at Luisa So. Pumasok kami sa Chowking San Joaquin at doon sinabi ni
Ma. Luisa So sa akin, “Sis kung pwede tulungan muna tayo. Nagsangla
din ako ng ATM ko. Pareho tayo na release-an ng P10,000.00. Kung
puwede iyong nautang mo, hatian mo si Cherry (Charito Omeres) at si
Yolly ng tig P3,000.00 at sa iyo ang P3,500.00. At iyong P500.00, Sis,
pangkain natin, ha? ” Ang P10,000.00 na ni loan niya ay hati naman daw
sila ni Sarah Yumo.

Nagulat ako sa sinabi niya na dinig ng lahat. Hawak niya ang buong
P10,000.00 na inutang ko na inabot sa kaniya ni Sarah Yumo imbes na sa
akin.

Sabi ko, “Kailangan ko iyan pang enrol ng anak ko, kulang pa nga iyan.
Kung tutuusin hindi ko kailangan magsanla ng ATM puwede akong
umutang kay Bombay kaya lang nagamit niyo ”
Iginiit ni Ma Luisa So, “Huwag ka mag alala akong bahala at maibabalik
din sa iyo, Sis.” inabot niya sa akin ang P3,500.00 lamang, “ Bukas
mahahawakan mo na ng buo.” Hindi ako makatanggi dahil nagkahiyaan
na. Sabi ko, “Basta bukas maibabalik para mabuo ang P10,000.00, ha.”

51.Kinabukasan, tinanong sa akin ni Ma. Luisa So sa telepono kung hawak


ko pa ang P3,500.00. Ang sagot ko ay, “Oo” sa pag-aakalang isasauli na
niya ang kabuuan ng P10,000 at nasambit ko pa na nakadilihensya ako
ng P500.00 kaya P4,000.00 ang hawak ko pangmatrikula. Nagulat ako
nang sabihin ni Ma. Luisa So, “Puwedeng mahiram muna at ibabalik ko
din agad ngayon.” Sabi ko sige at sinabi niya na paki-hatid ko raw sa
puwesto niya sa San Joaquin.

52.Sa pangako niya na isasauli rin niya sa araw ding iyon ang pera ko at
dahil sa tunog ng boses niya na nagmamakaawa at malambing
napaniwala niya ako. Hinatid ko ang pera sa puwesto niya sa San Joaquin
at nadismaya ako na wala siya sa puwesto niya kundi ang tindera niya.
Ang sabi ng tindera niya noong hinahanap ko si Ms. So, “Ate, ikaw iyong
kausap ni ate “Oyet? (palayaw ni Ma. Luisa So) Sa akin mo daw iabot ang
P4,000.00.” Nasa banko daw kasi si Ms. So. Binigay ko ang pera sa
kaniya.

53.Natapos ang araw ngunit hindi naibalik ni Ms. So ang inutang niyang
P4,000.00. Tinawagan ko sa telepono si Ma. Luisa So bago mag
enrolment. Tinanong ko siya kung paano na, wala na ang pang enrol ng
anak ko. Ang sagot niya ay “May solusyon diyan, Sis. Mag-issue ka ng
cheke. Humiram ka kay Cherry (Charito Omeres). Kaming bahala
magpondo niyan dahil may utang kami sa Bombay.”

54.Nakahiram nga ako ng cheke kay Cherry na ibinayad ko sa enrolment ng


anak ko bago magkatapusan ng Hunyo . Datapuwa’t tumalbog ang cheke
sapagkat hindi napondohan. Ibinalik sa akin ng paaralan ang cheke (lakip
dito ang cheke).

55.Dumating sa bahay sina Ma. Luisa So at Charito Omeres at humihiram ng


P3,000.00. Dahil wala akong pera, umutang ako sa asawa ko ng
P1,000.00 at ipinahiram ko sa kanila. Sabi ni Ma. Luisa So, “Sis,
P5,000.00 na ang nakukuha ko sa iyo. Paano iyan, tumalbog ang cheke.
Ibabawas ko ang penalty na P2,200.00 sa P5,000.00 na nautang ko sa
iyo.” Sagot ko, bakit ako ang aako ng penalty? Dapat kayo dahil hindi
niyo pinondohan ang cheke na pambayad niyo sa nautang kay Bombay.
Hindi kayo tumupad sa usapan.

56. Ang sagot sa akin ni Ma. Luisa So, “Siyempre, ikaw ang gumamit pang
enrol ng anak mo.” Hindi na lamang ako kumibo. Hinintay ko na lamang
ang release ng pera ni Ma. Luisa So na P100,000.00 sa katapusan ng
Hunyo.

57.Bago dumating ang katapusan, napagkasunduan naming nina Sarah


Yumo, Charito Omeres at Ma. Luisa So na magkikita na lang kami sa
Chowking San Joaquin pagka release ng P100,000.00 loan ni Ma.Luisa
So. Dumating ang katapusan June 30, 2011, araw ng release ng
P100,000.00 loan ni Ma. Luisa So sa Pembo, Makati, naghintay ako ng
text nila kung anong oras ang pagkikita naming. Hindi nila sinasagot ang
mga text ko. Maya-maya nagtext sa akin si Sarah Yumo ng, “Nasa
Chowking na kami. Nasaan ka na, friend? Bilisan mo punta ka na.”
Kinabahan ako sa text niya kaya nagpahatid na ako sa asawa ko sa motor
niya.

58.Pagdating ko sa Chowking, naroon sina Sarah Yumo at anak niya, Charito


Omeres at Ma. Luisa So. Kinukuha ko na ang mga nahiram nilang pera sa
akin gaya ng sumusunod:

a) ang P5,000.00 na utang ni Ma. Luisa So (na pilit niyang


pinababawas ang penalty na P2,200.00 noon sa tumalbog na
cheke. ),

b) ang P20,000.00 na kinuha ko kay Bombay na ibinigay ko kay


Charito Omeres sa pakiusap ni Ma. Luisa So;

c) ang bahagi ng P10,000.00 na loan ko sa “West” gamit ang ATM ng


asawa ko na ipinamahagi kina Yolly at Charito Omeres (tig
P3,000.00 bawat isa nila) sa utos ni Ma. Luisa So.

59. Nagulat ako nang iba na ang tono ng pananalita ni Charito Omeres sa
akin habang si Ms. So ay tahimik at nakasimangot at wala ang atensyon
sa amin. Ang sabi ni Charito Omeres, “Wala nang pera, naibayad na
naming lahat sa pinagkakautangan namin.” Ganoon din ang sinabi ni Ms.
So. Tutal daw “1 month to pay” ang perang galing kay Bombay.
Ang sabi ko ay hindi ganoon ang usapan dahil gagamitin ko sa school ng
anak ko iyon dahil naka-paskel na sa school ang pangalan ng anak ko na
talbog ang cheke na “issued upon enrolment” niya. (Iyon ang cheke na
pinahiram ni Charito Omeres). Anuman ang gawin kong pagsusumamo
at pangangatwiran at halos sumisigaw na ako sa loob ng Chowking ay
hindi nila ako pinakinggan. Si Sarah Yumo ay nakatingin lamang sa akin
at naghihintay ng kaniyang komisyon sa paglapit niya kay Ma. Luisa So sa
lending sa Pembo,Makati.

Sinabi ko rin na bayaran na nila ang kinuha nilang pera sa P10,000.00 na


inutang ko gamit ang ATM ng asawa ko para magamit ko ulit ngunit
ayaw nila at tapusin na lamang daw hanggang due date sa July 15, 2011.
Sadyang hindi nila ako pinagbigyan at damang-dama ko ang
panggagamit at pang abuso nila sa akin. Lumipat ako sa 7/11 at doon
umiyak nang umiyak at nagpasundo sa asawa ko.

60. Noong first week ng July, kahit ganoon ang ginawa nila sa akin
kinumbinse ko ang asawa ko na lumapit ka Ma. Luisa So at baka sakali
pagbigyan kami kapag asawa ko ang haharap para makiusap sa kaniya
na ibalik ang pera ko at hindi kaharap ang ibang kaibigan namin;

61.Napa-payag ko ang asawa ko na samahan ako kay Ma. Luisa So.

62. Nagkuwento lamang nang nagkwento si Ms. So ng buhay nila upang


ilihis ang paksa ng aming paniningil, kaya nagyaya nang umuwi ang aking
asawa;

63. Dumaan ang July 3, 2011 ngunit hindi nila binayaran ang P20,000.00 na
inutang ko kay Bombay para kay Charito Omeres sa pakiusap ni Ma.
Luisa So. Dahil may tubo si Bombay na 20%, hindi nila naibigay maski
ang P4,000.00 tubo ng utang nila;

64. Dumating ang July 15, 2011 at nabayaran din ang utang kong
P10,000.00 sa West sa tulong ni Sarah Yumo sa pagsisingil kina Yoly at
Charito Omeres, kaya nabawi ko ang ATM ng asawa ko;

65. Mga July 16, 2011, umutang kami at isinanla naming magasawa ang
ATM niya kay Danilo Carreon sa halagang P15,000.00 payable in one
month sa pangalan ng aking asawa.
66.Noong July 18, 2011 nagtex ako kay Ms. So at sinabing hindi ko pa
nalutas ang problema ng anak ko sa school nila dahil sa tumalbog na
cheke, kung binigay niya agad ang hiniram niya kay Bombay nalutas ko
na sana ang problema kong ito;

67.Tinawagan ako agad ni Ms. So at tutulungan daw niya ako na makautang


kaya lang kailangan ng company ATM gaya ng sa asawa ko ang
puwedeng isanla bilang collateral. Ang sabi ni Ma. Luisa So ay P30,000
lang ang puwede kong mautang at babawasan agad ng 20% interest
kaya P24,000.00 ang matatanggap ko.

Nasabi kong nakasanla ang ATM namin kay Danilo Carreon na kilala din
niya dahil nailapit ko siya na makautang doon. Ang sabi ni Ms. So ay
tutubusin niya kay Danilo Carrion ang aming ATM sa halagang P15,000
pati interest na P1,500. Kung tutubusin ang ATM kay Danilo Carrion ng
P16,500 ito ay ibabawas sa P24,000.00 na matatanggap ko kaya ang
makukuha ko na lamang ay P7,500. Kaya umatras ako sa alok ni Ms. So.

68.Si Ms. So rin ang nag-isip ng paraan pataasin ang makukuha kong pera
at tinanong niya kung may mahihiraman pa akong isang ATM. Sabi ko sa
kanya meron kaya lang hindi company ATM, nagulat ako sa sinabi niya
na pwede pala.

Sinabi ko sa kanya bakit hindi na lang ATM mo o yung kay Charito


Omeres ang gamitin para tulong na lang nila sa akin. Tutal alam naman
niya na natulungan ko naman sila ni Charito Omeres. Wala sana ang
suliranin kong ito kung isinauli na nila sa akin ang inutang kay Bombay
na P20,000.00 na may interest na 20% para gamitin ni Charito Omeres,
pero binalewala niya ang sinabi ko kaya naisip ko na hiramin ang ATM ng
byenan ko na pwedeng isanla ng P10,000. Hindi ko na pinilit na tulungan
ako na pahiramin nila ako ng ATM ni Charito Omeres. Ang inisip ko lang
ay matugunan ang aking pangangailangan.

69.Nagkasundo kami magkita sa tindahan niya sa San Joaquin Pasig City.


Ang buong akala ko ay pupunta kami sa “lending” o hihiraman ng pera
pero bigla niya ako niyaya na pumunta ng Tipas kung saan nakasanla ang
ATM ng asawa ko sa nagngangalan Danilo Carreon. Tumigil kami sa isang
harapan ng isang bahay malapit sa iglesya na malapit din sa bahay ni
Danilo Carreon at inabot sa akin ang halagang P16,500.00 pantubos sa
ATM ng asawa ko.

70.Nagulat si Danilo Carreon dahil Hulyo 16 isinanla ang ATM at tutubusin


na ng araw na iyon Hulyo 19, 2011, bale 2 days pa lang ang lumipas.
Ayaw akong tubuan pero inabutan ko siya ng P500. Paglabas ko ng
bahay ay bumalik ako kay Ma. Luisa So. Nakiusap ako sa kanya na huwag
muna kunan ng advance 20% interest ang P10,000 sa pagkakasanla ng
ATM ng byenan ko, kaya pumayag siya sa pakiusap ko na huwag alisin
ang P2,000 sa capital na P10,000.

Ang nakuha kong pera ay 34,000.00. Kaya ang nalabing pera sa nautang
ko ay 17,500php. Pagkaabot niya ng pera nilabas niya ang pipirmahan ko
na nakasaad dun ay P42,000 ang balik at may pangako ako na end of the
month of July or first week of August may papasok na loan sa ATM ng
asawa ko.

71.Lumipas ang ilang araw biglang dumating sa bahay namin ang ate ko na
si Lilibeth Castillo na galit-galit sa aming mag asawa dahil sa may utang
ako sa Bombay na ginaranturan ng aking kapatid na si Lilibeth
Castillo.Nagulat ang aking asawa na si Roberto Castillo dahil wala siyang
alam na utang sa Bombay.

72.Nagkakagulo na kami ng asawa ko kaya inamin ko na sa asawa ko na


tinulungan kong iutang sina Ma. Luisa So at si Charito Omeres kaya galit
na galit ang asawa ko sa akin at ang sabi ay nagpauto na naman daw
ako. Nasumbat ng asawa ko ang paggamit nina Charito Omeres, Ma.
Luisa So at iba pa ng kaniyang ATM nang walang pahintulot niya, kaya
napilitan na rin akong ipagtapat sa asawa ko na kinuha ni Ma. Luisa So
ang ATM ko kay Danilo Carreon sa pagkasanla at ikinagalit nya ito ulit.

73.Wala na akong alam kung ipina block ng asawa ko ang ATM nya.
Dumating ang July 29 nagtext sa akin si Ma. Luisa So na nagagalit at
manloloko daw ako dahil na-block ang atm namin. Sinagot ko siya na
dahan-dahan ka sa pagsasalita na manloloko, dahil kahit wala akong
pahintulot kinuha niyo ang perang inutang ko sa pagsanla ng ATM ng
asawa ko noong June 15, 2011 hanggang July 15, 2011. Sabi niyo ibabalik
niyo kinabukasan hindi naman kaya nalagay sa kahihiyan ang anak kong
hindi nakaenrol. Kahit nalaman ng asawa ko ang pagkakasanla ng ATM
nya na ang gumamit ng pera ay sila Ma. Luisa So at Charito Omeres,
hindi nya ginawang ipa block ito noon. Kaya walang alam ang asawa ko
sa transaksyon namin ni Ma. Luisa So.

Na ginawa ko ang salaysay na ito hindi upang lumigtas sa aking bayarin na


pananagutan kay Ma. Luisa So, kung magkano man iyon, kundi upang ipaalam sa
kinauukulan na walang alam ang aking asawa na si Respondent Roberto P. Castillo
sa naging transaksyon naming magkakaibigan at kami lamang magkakaibigan ang
sangkot sa usaping ito.

BILANG PATUNAY ay inilagda ko ang aking pangalan sa ibaba nito ngayong


ika- ______ ng Nobyembre 2011 sa Pasig City

Marina Castillo
Nagsasalaysay