You are on page 1of 1

WIKANG FILIPINO, WIKA NG KAUNLARAN NG BANSA

Ang wika ay isang mahalagang saligan ng isang kultura, isa ito sa nagrerepresenta ng
ating bansa. Tagalog o Filipino? Ano nga ba ang ating pambansang wika . Ang tamang sagot ay
Filipino. Siguro may sasagot ng tagalog pero ito ay mali. Ang tagalog ay isa lamang sa
pangunahing wika ng ating bansa. Ito ay ang wika na ginagamit sa lungsod ng maynila na ating
kabisera kaya naman marami ang naguguluhan at inaakalang tagalog ang ating pambansang
wika. Ang wikang Filipino ay ang modernisasyon ng wikang tagalog. Sinama dito ang mga
letrang f,j,c,x at z. Dahil dito ipinakita ng Pilipinas na tinatanggap natin ang naging impluwensya
ng mga dayuhan sa ating bansa at gagamitin ito upang lalong pang mapagunlad ang ating
bansa.
Ang wikang Filipino ang nagsisilbing midyum ng komunikasyon sa mga mamamayan. Ito
ay ginagamit ng nakakaramihan sa pangaraw araw. Ngunit tayo ay may iba’t ibang dayalekto
gaya ng Ilocano, Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon at Tagalog. Sinasabi ng marami na isa raw
itong malaking hadlang sa atin, pero patuloy na pinatutunayan ng mga Pilipino na hindi ito
makahahadlang sa ating kagustuhan at pagpupursiging umunlad. Kahit tayo ay may ibat ibang
wika pinipilit ng bawat isa matutunan ang wikang Filipino upang magkarong ng ugnayan ang
bawat Pilipino. Sinusuporthan naman ito ng ating gobyerno sa pamamagitan ng pagtuturo ng
Filipino sa bawat paaralan sa pilipinas. Kaya nainiwala ako na ang wikang Filipino ay wika ng
bansang maunlad, dahil sa wikang ito pinapakita na kahit di tayo lahat ay pareparehas ng
kinalakihang wika tayo ay nagkakaisa parin na matutuhan ang ating pambansang wika. Ang
ating wikang Filipino ay nagbabago. Ito ay nagbabago at nakikisabay sa pagunlad ng ating
bansa. Ang ating pambansang wika ng magiging daan upang ang bawat Pilipino ay magkaisa
papunta sa kaunlaran. Kaya naman tayong mga kabataan ay dapat nating mahalin ang ating
sariling wika. Kaya ako ay hindi sumasang ayon sa ibang mga paaralan na ipnapagamit sa
pangaraw araw na buhay sa eskwela ang wikang ingles. Dahil dito maaring mawala ang
pagmamahal ng mga kabataan sa ating sariling wika. Nakakahiya na mas mahusay pa sila sa
lenggwahe ng mga dayuhan kaysa sa sarili nilang wika. Kabataan ang pag asa ng bayan, yan ang
paalala na iniwan saating ng ating bayani na si Jose Rizal. Hindi niya ipinaglaban ang kalayaan ng
pilipinas para lang mawala ang mga kultura n gating bansa sa mga susunod na henerasyon.
Tama na tayo ay wag magpahuli sa ibang mga bansa. Mahalaga na matutunan natin ang wikang
ingles pero mas mahalaga na hindi natin makalimutan ang sariling atin. Dapat tayo ay matuto
pero hindi natin dapat isa buhay ang dayuhang wika. Paunlarin natin ang sarili nating wika.
Lubos natin itong aralin at isapuso. Dahil itong wika na ito ay balang araw ang magiging daan
upang ang ating minamahal na bansa umangat mula sa paghihirap. At pag ang iyong araw na
iyon ay dumating na, tayo ay taas noong sasabihing ako ay Pilipino at Filipino ang wika ko. Kaya
ang wikang Filipino ay wika nga kunlaran ng bansa.