You are on page 1of 1

February 7,2019

ANTIPOLO SCIENCE HIGHSCHOOL

Dear Ma'am/Sir,

Ako po si Mila M. factor Ay humihingi ng paumanhin sa kadahilanang


tinanggihan ko po ang pagkakataon na makapagturo sa ANSCI bilang isang
T1.

Isa po sa malaking dahilan kung bakit po ako tumanggi dahil po sa 9


years old kung anak. Ang anak ko po Ay nag-aaral sa Juan Sumulong
Elementary School siya po ay nasa ikaapat na baitang. Hinahatid sundo ko
po ang anak ko pagpasok sa paaralan at pag-uwi. Isa po akong single
mother nasa akin pong pangangalaga ang aking anak. Nakapag-substitute
po ako sa Cupang National High School kahit mlayo noong nakaraang taon
dahil wala pa sa pangangalaga ko ang aking anak. Kinuha ko po ang aking
anak sa pangangalaga ng aking father in law dahil umuwi ng Romblon ang
asawa ko at doon na tumira natakot po ako baka kung ano mangyari sa anak
kung babae dahil gumagamit ng pinagbabawal na gamot.

Nakiusap po ako sa ate ko na siya muna ang mag-aalaga sa anak ko at


maghahatid sundo sa ate ko po ako nakatira. Hindi po pumayag si ate dahil
pumapasok din pong kasambahay ang ate ko. Sabi niya kapag aalis ako dito
sa amo ko paano nman pangaraw- araw natin.Paano ang mga pamangkin
mong nag-aaral. Hindi ko nman po pwede pahintuin ang anak ko kasi
dalawang buwan nalang po magtatapos na ang klase.

Lubos po akong nagpapasalamat dahil kinuha nyo po ako.

Lubos na gumagalang,

Mila M.Factor