You are on page 1of 17

Ano ang Salawikain?

Ang mga salawikain o kasabihang Pilipino ay binubuo ng mga parirala


na karaniwan ay nasa anyong patula na kung saan ito ay nagbibigay ng
gintong aral. Ito ay mga tradisyunal na kasabihan ng ating mga ninuno
na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating
henerasyon at naglalayong magbigay patnubay sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang bawat salawikain ay naglalaman ng mga karunungan at aral


tungkol sa kabutihang asal, pakikipag-kapwa tao, pagmamalasakit sa
bayan, at pagmamahal at paglilingkod sa Diyos.

Naglalahad din ito ng mga pangkalahatang katotohanan at mga


pagmamasid tungkol sa kalikasan at buhay ng tao.

Narito ang 158 halimbawa ng salawikain na kapupulutan ninyo ng aral


at maaring gamitin bilang gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Kasabihan Tungkol sa Edukasyon


1. Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan.
2. Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Kasabihan Tungkol sa Kabataan


1. Batang puso,
Madaling marahuyo.

Kasabihan Tungkol sa Wika


1. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang
malansang isda.

Kasabihan Tungkol sa Paggalang


1. Ang gawa sa pagkabata,
Dala hanggang pagtanda.
2. Ang magalang na sagot,
Ay nakakapawi ng poot.
3. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.

Kasabihan Tungkol sa Kaibigan


1. Ang matapat na kaibigan,
Tunay na maaasahan.
2. Ang tao kapag mayaman,
Marami ang kaibigan.
3. Ang tunay na anyaya,
Sinasamahan ng hila.
4. Ang tunay na kaibigan,
Karamay kailan man.
5. Ang tunay na kaibigan,
Nakikilala sa kagipitan.
6. Kaibigan kung meron,
Kung wala’y sitsaron.
7. Puri sa harap,
Sa likod paglibak.
8. Turan mo ang iyong kaibigan,
Sasabihin ko kung sino ikaw.
9. Walang paku-pakundangan,
Sa tunay na kaibigan.

Kasabihan Tungkol sa Buhay


1. Aanhin mo ang palasyo,
Kung ang nakatira ay kuwago?
Mabuti pa ang bahay kubo,
Ang nakatira ay tao.
2. Ako ang nagbayo,
Ako ang nagsaing.
Saka ng maluto’y,
Iba ang kumain.
3. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,
Tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.
4. Ang bayaning nasugatan
Nag-iibayo ang tapang.
5. Ang buhay ay parang gulong,
Minsang nasa ibabaw,
Minsang nasa ilalim.
6. Ang bulsang laging mapagbigay,
Hindi nawawalan ng laman.
7. Ang hindi napagod magtipon,
Walang hinayang magtapon.
8. Ang iyong kakainin,
Sa iyong pawis manggagaling.
9. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.
10. Ang lumalakad nang mabagal,
Kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin,
Kung matinik ay malalim.
11. Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.
12. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na
dakila.
13. Ang maniwala sa sabi-sabi’y walang bait sa sarili.
14. Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.
15. Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.
16. Ang puri at ang dangal,
Mahalaga kaysa buhay.
17. Ang tao na walang pilak,
Parang ibong walang pakpak.
18. Ang taong mainggitin,
Lumigaya man ay sawi rin.
19. Ang taong nagigipit,
Sa patalim man ay kumakapit.
20. Ang taong tamad kadalasa’y salat.
21. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.
22. Anuman ang gagawin,
Makapitong iisipin.
23. Anuman ang gawa at dali-dali,
Ay hindi iigi ang pagkakayari.
24. Bago ka bumati ng sa ibang uling,
Pahirin mo muna ang iyong uling.
25. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti,
Kailangan mo munang igayak ang sarili.
26. Daig ng maagap ang taong masipag.
27. Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.
28. Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.
29. Gawin mo sa kapuwa mo,
Ang nais mong gawin nila sa iyo.
30. Hanggang maiksi ang kumot,
Magtiis na mamaluktot.
31. Huwag magbilang ng manok,
Hangga’t hindi napipisa ang itlog.
32. Kadalasan, ang karikta’y ginagawang isang bitag upang siyang
ipanghuli noong ibig ipahamak.
33. Kapag ang tao’y matipid,
Maraming maililigpit.
34. Kapag may isinuksok,
May madudukot.
35. Kung aakyat ka nga’t mahuhulog naman,
Mabuting sa lupa’y mamulot na lamang.
36. Kung ano ang itinanim,
Iyon din ang aanihin.
37. Kung ano ang puno,
Siya ang bunga.
38. Kung binigyan ng buhay,
Bibigyan din ng ikabubuhay.
39. Kung gaano kataas ang lipad,
Gayon din ang lagapak pag bagsak.
40. Kung may tinanim,
May aanihin.
41. Kung pukulin ka ng bato,
Tinapay ang iganti mo.
42. Kung sino ang masalita,
Siyang kulang sa gawa.
43. Kunwaring matapang bagkus duwag naman.
44. Madali ang maging tao,
Mahirap magpakatao.
45. Magandang pamintana,
Masamang pang kusina.
46. Magbiro ka sa lasing,
Huwag sa bagong gising.
47. Magkupkop ka ng kaawa-awa,
Langit ang iyong gantimpala.
48. Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
49. Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad.
50. Matapang sa kapwa Pilipino,
Susukot-sukot sa harap ng dayo.
51. Matutuyo na ang sapa nguni’t hindi ang balita.
52. May tainga ang lupa,
May pakpak ang balita.
53. Nagpapakain ma’t masama sa loob,
Ang pinakakain hindi nabubusog.
54. Nasa Diyos ang awa,
Nasa tao ang gawa.
55. Pag may hirap,
May ginhawa.
56. Pag may kalungkutan,
May kasiyahan.
57. Pagkapawi ng ulap,
Lumilitaw ang liwanag.
58. Pulutin ang mabuti,
Ang masama ay iwaksi.
59. Sa larangan ng digmaan,
Nakikilala ang matapang.
60. Sagana sa puri,
Dukha sa sarili.
61. Sala sa lamig,
Sala sa init.
62. Ubos-ubos biyaya,
Pagkatapos nakatunganga.
63. Walang humawak ng lutuan,
Na hindi naulingan.
64. Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
65. Yaong mapag-alinlangan,
Madalas mapag-iwanan.
66. Kung saan nahihilig, duon din nabubuwal.
https://pinoycollection.com/salawikain/

Ano ang Sawikain?


Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang
patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang
bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari.

Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento


ng isa o grupo ng mga tao. Malalalim na salita ang ginagamit sa
sawikain at pinapalitan ang pangkaraniwang tawag kung kaya ito ay
nagiging matatalinghagang pahayag.

Sawikain Halimbawa at Kahulugan


Narito ang mahigit 100 halimbawa ng sawikain pati na rin ang
kahulugan nito at kung paano ito ginagamit sa pangungusap.

1. Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin


Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng
Panginoon.

2. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi


Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

3. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain


ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.

4. Amoy pinipig

Kahulugan: Mabango, nagdadalaga


Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko

Kahulugan: Lango sa alak, lasing


Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.

6. Anak-dalita

Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.

7. Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Ako ma’y anak-pawis rin.

8. Asal hayop

Kahulugan: Masama ang ugali


Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.

9. Balat-kalabaw

Kahulugan: Matapang ang hiya


Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.

10. Balik-harap

Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.


Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?

11. Balitang kutsero

Kahulugan: Maling balita / Hindi totoong balita


Halimbawa: Magaling sa balitang kutsero si Mang Victor.

12. Bantay-salakay

Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan


Halimbawa: Akala mo’y mabait ngunit bantay-salakay naman pala.

13. Basa ang papel

Kahulugan: Bistado na
Halimbawa: Basa na ang papel ng prinsipal ang inyong ginawa kaya
huwag na kayong magsinungaling.

14. Basag-ulo

Kahulugan: Away
Halimbawa: Mahilig sa basag-ulo si Paking.

15. Bilang na ang araw

Kahulugan: Malapit ng mamatay


Halimbawa: Bilang na ang araw ni Aling Linda.

16. Buhok anghel

Kahulugan: May magandang buhok


Halimbawa: Si Kat ay may buhok anghel.
17. Bukal sa loob

Kahulugan: Taos puso tapat


Halimbawa: Bukal sa loob ni Henry ang pagtulong asa kapwa.

18. Bukang liwayway

Kahulugan: Malapit nang mag-umaga


Halimbawa: Hindi namalayan ni George ang oras kaya
bukang-liwayway na ng siya’y makauwi.

19. Bukas ang isip

Kahulugan: Tumatanggap ng opinyon ng kapwa


Halimbawa: Mabuti na lamang at bukas ang isip ni Abel sa mga
usaping iyan.

20. Bukas na kaban

Kahulugan: Mapagkawanggawa
Halimbawa: May bukas na kaban si Aling Tasya sa mga mahihirap.

21. Bulaklak ng lipunan

Kahulugan: Sikat at respetadong babae sa lipunan


Halimbawa: Si Ginang Milagros ay itinuturing na bulaklak ng lipunan.

22. Bumangga sa pader

Kahulugan: Lumaban sa makapangyarihan at mayamang tao


Halimbawa: Kahit pa bumangga sa pader ay gagawin ni Tonyo huwag
lamang maging sunud-sunuran sa mga ito.

23. Bungang-tulog

Kahulugan: Panaginip
Halimbawa: Bungang-tulog lang pala! Akala ko’y totoo na.

24. Buntong hininga

Kahulugan: Himutok, hinagpis


Halimbawa: Napa-buntong hininga na lang si Mang Ben ng
masaksihan ang aksidente.

25. Busilak ang puso

Kahulugan: Malinis ang kalooban


Halimbawa: Busilak ang puso ng batang si Angel.
26. Butas ang bulsa

Kahulugan: Walang pera


Halimbawa: Butas ang bulsa ni Mang Cesar kung kaya’t hindi siya
nakabayad agad ng kuryente.

27. Buto’t-balat

Kahulugan: Sobrang kapayatan


Halimbawa: Halos buto’t balat na si Boyet ng dalawin namin.

28. Buwaya sa katihan

Kahulugan: Ususera, nagpapautang na malaki ang tubo


Halimbawa: Buya sa katihan naman yang si aling Iska.

29. Di mahapayang gatang

Kahulugan: Sobrang yabang


Halimbawa: Aminado naman si Ruben na siya ay di mahapayang
gatang kaya kaunti lang ang kanyang kaibigan.

30. Di makabasag-pinggan

Kahulugan: Mahinhin
Halimbawa: Sadya namang di makabasag pinggan iyang anak ni Ka
Miling.

https://pinoycollection.com/sawikain/2/

Halimbawa ng Kasabihan
 Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
 Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
 Ang batang iyakin, nagiging mutain.
 Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
 Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.
 Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
 Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat.
 Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
 Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.

 Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
 Ang buhay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsa sa ilalim
 Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
 Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating pagtanda.
 Ang batang malinis ang katawan, ay malayo sa karamdaman.
 Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
 Ang malinis at maayos, malapit sa Diyos.
 Ang kalinisan ng kapaligiran, ay magandang pagmasdan.
 Ang masamang ugali ay isusuka ng lipunan.
 Ang mabuting ugali ay patunay, ang maraming kaibigan
 Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
 Sundin mo ang sinasabi ko, hindi ang ginagawa ko.
 Ang batas ay hindi na kailangan, sa mga taong hindi gumagawa ng kasalanan.
 Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.
 Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
 Ang mayaman ay lalong yayaman, kung sakim at walang pakialam.
 Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
 Kung may tiyaga, may nilaga.
 Kung gusto mong buhay na sagana, laging isaisip ang salitang tiyaga.
 Ang sipag at tiyaga kapag nagsama-sama, asahan mong bukas ay sagana.
 Walang lihin na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
 Ang katotohanan ang magpapalaya sa kasalanan.
 Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan, walang tayong maaasahan.
 Kung ang pagsasama ay walang katotohanan, hindi tatagal ang samahan.
 Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.
 Ang tunay na karangalan, ay nag-uumpisa sa paggalang sa magulang.
 Para igalang ang magulang, anak ay turuan.
 Ang totoong kaibigan ay hindi ka uutangan.
 Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.

https://www.myph.com.ph/2016/07/kasabihan.html#.XPRLgegzbIU

Ang mga bugtong o riddles sa wikang Ingles ay mga pahulaan na


pangungusap na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan. Ito ay isang maikling tula na kalimitan ay patanong at
patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at
katutubong paligid ng mga Pilipino.
Ang mga bugtong ay nagpapatalas sa kaisipan ng mga taong naglalaro
nito. Noong araw, isa ito sa mga pampalipas oras ng mga Pilipino. Ito
rin ay nakapagbibigay saya at sigla sa mga bata at matatanda.

Narito ang mga halimbawa ng bugtong na aming kinalap at


pinagsama-sama na susubok sa talas ng inyong isipan.

Mga Bugtong Tungkol sa Katawan


1. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa
2. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata
3. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga
4. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso ng Ina
5. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Sagot: Ngipin
6. May tubig na pinagpala, walang makakakuha kundi bata.
Sagot: Suso ng Ina

Mga Bugtong Tungkol sa Prutas


1. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
2. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
3. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
4. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
5. Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
6. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
7. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
1. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: Balimbing
2. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Sagot: Niyog
3. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging
4. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
Sagot: Mais
5. Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones.
Sagot: Papaya
6. Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
Sagot: Puno ng Siniguelas
7. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
Sagot: Duhat

Mga Bugtong Tungkol sa Gulay


1. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis
Sagot: Sili
2. Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
3. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sagot: Sili
4. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
5. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa
6. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya
7. Munting tampipi, puno ng salapi.
Sagot: Sili
8. Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Sagot: Dahon ng gabi
9. Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo ay may bunga.
Sagot: Puno ng Kamyas
10. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag
nilaga ay lantang katuray.
Sagot: Talong

Mga Bugtong Tungkol sa Bagay


1. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: Baril
2. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
3. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
4. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting
5. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
7. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
8. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila
2. Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos
3. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw.
Sagot: Sobre
4. Dikin ng hari, palamuti sa daliri.
Sagot: Singsing
5. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
Sagot: Walis
6. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
7. Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot:
Sagot: Singsing
8. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Sagot: Unan
1. Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
Sagot: Kalendaryo
2. Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang
ulo’y parang tagayan, alagad ng kalinisan.
Sagot: Walis
3. Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan.
Sagot: Batya
4. Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan.
Sagot: Kalendaryo
5. Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
Sagot: Yoyo
6. Hindi hayop hindi tao, nagsusuot ng sumbrero.
Sagot: Sabitan ng sumbrero
7. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: Bote
8. Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
Sagot: Bumbilya
1. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: Kampana o Batingaw
2. Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo.
Sagot: Watawat
3. Panakip sa nakabotelya, yari lata.
Sagot: Tansan
4. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
Sagot: Sinturon
5. Araw-araw nabubuhay, taon-taon namamatay
Sagot: Kalendaryo
6. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: Bayong o Basket
7. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: Pluma o Pen
8. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.
Sagot: Sapatos
1. Ang ulo’y nalalaga ang katawa’y pagala-gala.
Sagot: Sandok
2. Bagama’t nakatakip ay naisisilip.
Sagot: Salamin ng mata
3. Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko,
pero mahal din ako ng tao, dahil kinakainan ako.
Sagot: Plato
4. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: Batya
5. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig
6. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: Kubyertos
7. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: Kulambo
8. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
Sagot: Payong
1. Bahay ni Mang Kulas, nang magiba’y tumaas.
Sagot: Payong
2. Sa bahay ko isinuksok, sa gubat ko binunot.
Sagot: Gulok/Itak
3. Kalesa ko sa Infanta, takbo nang takbo pero nakaparada.
Sagot: Silyang tumba-tumba
4. Aling mabuting letrato ang kuhang-kuha sa mukha mo?
Sagot: Salamin (mirror)
5. Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay namulaklak.
Sagot: Posporo
6. Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito.
Sagot: Duyan
7. May bibig walang panga, may tiyan walang bituka; may suso
walang gatas, may puwit walang butas.
Sagot: Bayong
8. Maliit na parang sibat, sandata ng mga pantas.
Sagot: Pluma o Pen
1. Gawa ito sa kinayas na kawayan, lalagyan ng santol, mangga at
pakwan.
Sagot: Tiklis
2. Dalawang patpat, sabay lumapat.
Sagot: Gunting
3. Butasi, butasi, butas din ang tinagpi.
Sagot: Lambat
4. Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi itali.
Sagot: Sapatos
5. Urong sulong, lumalamon.
Sagot: Lagari
6. Lumabas, pumasok, dala-dala ay panggapos.
Sagot: Karayom
7. Walang hininga ay may buhay, walang paa ay may kamay,
mabilog na parang buwan, ang mukha’y may bilang.
Sagot: Orasan
8. Sinakal ko muna, bago ko nilagari.
Sagot: Biyulin
1. Sandata ng mga paham, papel lamang ang hasaan.
Sagot: Pluma o Pen
2. Aso ko sa Muralyon, lumukso ng pitong balon.
Sagot: Sungkaan
3. Isang malaking suman, sandalan at himlayan.
Sagot: Unan
4. Lumalalim kung bawasan, bumababaw kung dagdagan.
Sagot: Tapayan
5. Buklod na tinampukan, saksi ng pag-iibigan.
Sagot: Singsing
6. Ipinalilok ko at ipinalubid, naghigpitan ang kapit.
Sagot: Sinturon
7. Utusan kong walang paa’t bibig, sa lihim ko’y siyang naghahatid,
pag-inutusa’y di na babalik.
Sagot: Sobre
8. Instrumentong pangharana, hugis nito ay katawan ng dalaga.
Sagot: Gitara
1. Banga ng pari, pauli-uli.
Sagot: Duyan
2. Walang paa, lumalakad, walang bibig, nangungusap, walang hindi
hinaharap na may dala-dalang sulat.
Sagot: Sobre
3. Isang panyong parisukat, kung buksa’y nakakausap.
Sagot: Sulat
4. Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang; kapag silay’y
nag papasyal, nahahawi ang daanan.
Sagot: Gunting
5. Pitong bundok, pitong lubak, tig-pitong anak.
Sagot: Sungkaan
6. Halaman ng dunong, walang dilig maghapon, araw-araw kung
bilangin isang taon kung tapusin.
Sagot: Kalendaryo
7. Aso ko sa muralyon, lumukso ng pitong balon.
Sagot: Sungkaan
8. Pinilit na mabili, saka ipinambigti.
Sagot: Kurbata
1. Baboy ko sa Sorsogon, kung di sakyan, di lalamon.
Sagot: Kudkuran
2. Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
Sagot: Alkansiya

Mga Bugtong Tungkol sa Hayop


1. Matanda na ang nuno di pa naliligo
Sagot: Pusa
2. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore.
Sagot: Langgam
3. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: Palaka
4. Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay.
Sagot: Pusa
5. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: Kuliglig
6. Kahoy ko sa Marigundong, sumasanga’y walang dahon.
Sagot: Sungay ng Usa
7. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: Paruparo
https://pinoycollection.com/mga-bugtong/