You are on page 1of 1

Ako si Ma. Veronica S. Isip, nasa hustong gulang at kasalukuyang nag aaral sa St.

DOMINIC COLLEGE of
ASIA at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Physical Theraphy. Na noong Mayo 6, 7 at 8, 2019 ay nag
karoon kami ng school activities team building sa CALIRAYA RESORT sa Laguna.

Noong mayo 7, 2019 mga 2:00 ng hapon habang kami ay nag papahinga ng mga kaklase ko sa kuarto ng mga babae
ay dumating si Ginang Hope Magpantay na aming Program Chair, at nag aya siya na mag mud slide daw kami ng
mg aka iskwela kong mga 1st year student.

Ganap 2:30 ng hapon kasama ko sila Bianca Sotto, Krisha lei Tapalia, Jean Rea, Asia Amasio, Alvaro Miguel Romero
at Joshua Makabutas na mga kaklase ko, nang ako ay maaksidente, nadulas at dumausdos ako pababa ng burol, na
kinagulat ng mga kakalase ko. Agad akong huminge ng tulong at unang dumating si Joshua Magbutas at iba kong
mga kaklase. Dumating din si Ginang Hope Magpantay para alamin ang ngyari sa akin. Agad kaming nag hanap ng
clinic para ipa checkup ang aking kaliwang kamay dahil masakit po ang aking hinliliit na daliri, walang clinic kaya
ang ginawa ni ginang Hope Magpantay ay nilagyan na plastic na may yelo ang aking kamay at pinatawag niya ang
isang 4th year student na Physical Theraphy na may dalang first aid kit. Naduon din ang mga kaklase ko dahil nag
aalala na rin sila sa kalagayan ko. Tinanong ako ng 4th year student na rate 1 to 10 kung gaano kasakit, sagot ko
number 8 ang sakit po, nag salita po yung 4th year P.T. student kay ginang Hope Magpantay na dapat na akong
dalin sa hospital para matignan baka may bali ako sa kamay. Dahil sa walang clinic nilagyan lang ng cotton bud stick
ang aking daliri at binalot, pina inom ako ng mepinamic para maibsan ang kirot na nararamdaman ko.

Mga bandang alas 9:00 ng gabi ay ipinaalam kuna sa mga magulang ko dahil hinde kuna makayanan ang sakit, nag
alala ang mga magulang ko at tinanong ako bakit hinde ako dinala sa clinic o sa ospital para ipa checkup ang kamay
ko. Sagot ko po sa magulang ko na wala pong clinic sa Caliraya resort na ginanapan ng team building namin,
tinanong po ulit ako na bakit hinde daw po ako dinala sa ospital, sagot ko po na binigyan ako first aid kaso masakit
po talaga ang kamay ko. Kaya nag alala ng husto ang magulang ko. kinakamusta rin ako ni ginang Magpantay, ang
sagot ko po ay masakit po talaga mam, pina inom nalang ako ng pain reliever para mawala ang kirot. Halos hinde
po ako naka tulog ng mag damag dahil sa masakit po talaga.

Mayo 8, 2019 ng mga 8:00 ng umaga ay nakisuyo ako sa mga kaklase ko na tawagin po ulit yung 4th year P.T.
student dahil sa namamaga na ang aking kamay at ipa tingin sa kanya, pinalitan po ulit ng cotton bud stick upang
isuporta sa daliri ko, pinainom na lang po ulit ako ng pain reliever dahil sobra na po ang sakit.

Nang kami ay pauwi na pabalik ng maynila, nag kita kami ni gng Magpantay sa bus at tinanong niya ko kung
kamusta yung kamay ko at kung masakit paba? Sagot ko opo mam masakit po. Sinabihan niya ako na alam naba ng
magulang ko? sabi ko opo mam alam na po bat daw hinde ako dinala sa clinic o ospital para ipa check yung kamay
ko sabi ng magulang ko, pinatawagan niya ang magulang ko at kinausap niya, pag dating namin sa paaralan St.
dominic ay agad akong kinamusta ng magulang ko at nag alala dahil sa namamaga na nga ang kamay ko kaya nag
pasya na ipa check ako kagad sa st dominic medical center. si Dr. Ryan Dela Rosa ang siya pong doctor na
tuminingin at nag payo na mag pa x ray ako ng kamay.

Mayo 8, 2019 ng mga alas 4:00ng hapon Nang lumabas po ang resulta ng xray ko sa kamay at duon ko lang po
nalaman pati ng magulang ko at ni ginag Hope Magpantay na kaya namamaga ang kaliwa kong kamay ay may bali
ang daliri ko.

MA.VERONICA S. ISIP