You are on page 1of 4

Personal

Naipapahayag ang mga sariling damdamin,pananaw, opinyon at maging personalidad ngisang indibidwal.
Sakop nito ang mga bulalasng damdamin tulad ng pagkagulat, galit,hinanakit at tuwa. Maging ang
pagmumura aymaituturing sa uring ito, kung kaya, angganitong gamit ay nasa ilalim ng alinman saformal
at informal na talakayan.

Imajinativ
Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sapagsulat o pagbigkas ng mga akdangpampanitikan.
Malikhain ang tunguhin nitokung kaya karaniwan nang mapapansin ito samga gawang masining o
estetiko. Sa pasulat opasalita man, nagagamit ito sa mga tula, awit,kuwento at iba pang nangangailangan
ngtalinghaga.

Interaksyonal
Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilangsa pamamagitan nito, pinananatili ang mgarelasyong
panlipunan. Sa mga magkakaibigan,nariyan ang pagbibiruan at panunukso. Samga magkakamag-anak,
nariyan ang mgapaanyaya at pasasalamat. Sa mga pangkatpanlipunan, nariyan ang mga
salitangpangkabataan, wika ng mga bakla, at mgapropesyonal na jargon.

Inf ormativ/Representasyonal
Tulad ng ngalan nito, ginagamit ang wika dahilna rin sa pangangailangang maipaalam angnapakaraming
katotohanan, datos atinformasyong hatid ng mundo. Dahil dito, mashigit na formal ang gamit na ito ng
wika lalopa t gamit ito sa pagtuturo, mga talumpati,pakitang-kuro, pagbabalita o sa simpleng pag-uulat.

Instrumental
Ginagamit ang wika upang magawa ng isangindibidwal ang kanyang nais gawin. Pasalitaman o pasulat,
magagamit ang wika upangmag-utos, makiusap, humingi, magmungkahiat magpahayag ng sariling
kagustuhan.

Regulatori
Madalas na ginagamit ito ng mga taong maynasasakupan o mga taong may taglay nakapangyarihang
magpakilos ng kanyang katawan.Kontrolado ng gumagamit ng wika ang sitwasyonkung kaya, kaya
niyang pakilusin ang sinumanmatapos niyang magamit nang ganap ang wika.Sa pasalita, kapansin-pansin
ito sa mga talumpatio debateng ang layunin ay manghimok tulad saisang halalan. Sa pasulat, mapapansin
ito sa mgamemorandum, patakaran, resolusyon at iba pa.

Heuristik
Gamit ito ng taong nais na matuto atmagkamit ng mga kaalamang akademik at/oprofesyonal. Upang
kanyang mabatid,kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento,magtanong at sumagot, magbigay-
kahulugan,makipagtalo at pumuna.

Panahon ng Propaganda at Himagsikan

Matapos ang matagal-tagal ding pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, namulat ang damdaming
makabayan ng mga Pilipinong natutong maghimagsik sa pang-aabuso ng mga mananakop. Maraming
nasulat na panitkan sa wikaing Tagalog – tula, sanaysay, kwento, atbp mga akdang hitik sa damdaming
makabayan. Napatatag ang Katipunan at naisulat ang Kartilya ng Katipunan sa Tagalog. Bago pa
dumating ang mga banyaga dito sa Pilipinas tulad ng mga Kastila, ang mga katutubong Pilipino ay may
sarili ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na “alibata” o alif-ba-ta sa Arabo.
Ang matandang alpabeto ng mga katutubo ay syllabic at binubuo ng tatlong patinig (vowels) at labing-
apat na katinig (consonants). Ang patinig ay mayroong a, e, at i, samantalang ang o at u naman ay may
iisa lamang tunog na lubhang nakalilito. Bawat isa sa mga katinig ay binabasa na may kasama na patinig
a, kapag ito ay walang marka sa itaas o sa ibaba na mas kilala sa tawag na “kudlit,” o isang uri ng marka
na ginagamit sa mga matatandang sistema ng pagsusulat. Kapag ito naman ay may kudlit sa ibaba, ang
patinig a, ay napapalitan ng patinig o o di kaya ay u. Ngunit kung ang kudlit naman ay nasa itaas, ang
patinig ay nagiging e o i. Panahon ng Propaganda at Himagsikan
Matapos ang matagal-tagal ding pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, namulat
ang damdaming makabayan ng mga Pilipinong natutong maghimagsik sa pang-aabuso ng mga
mananakop. Maraming nasulat napanitkan sa wikaing Tagalog – tula, sanaysay, kwento, atbp mga akdang
hitik sa damdaming makabayan. Napatatag ang Katipunan at naisulat angKartilya ng Katipunan sa
Tagalog.

Panahon ng mga Amerikano

Nang dumating naman ang mga Amerikano sa Pilipinas, ipinatupad ang patakarang alinsunod sa ilang
patakarang ipinatupad ng mga mananakop na Kastila. Ang mga ito ay ang pagyakap sa Kristyanismo at
ang pagiging sibilisado ng mga pamayanan. Ipinalaganap ng mga Amerikano ang pam-publikong sistema
ng edukasyon. Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya ang
Hispanisasyon ng mga Kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon. PANAHON NG MALASARILING
PAMAHALAAN

Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmeña bilang
pangalawang Pangulo, binig-yan pansin ang isyung “nasyonalismo.” Naniniwala ang mga liderato ng
bansa noon na dapat magkaroon ng isang pangkalahatang pambansang wika na siyang mahalaga sa
pagtataguyod ng pangkabuuang unawaan at pagkikintal ng pambansang pagmamalaki ng sambayanan.
Pebrero 8, 1935 – Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935, ang magiging bagong wika ay ibabase
sa mga kasalukyang katutubong wikang meron sa ating bansa.

Nobyembre 1936 – Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng
Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na
magiging batayan ng wikang pambansa. Nobyembre 13, 1937 – Ang Unang Pambansang
Asemblea ang siyang bumuo sa Institusyon ng
Wikang Pambansa. Disyembre 30, 1937 – Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng
Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay saTagalog. Abril 1, 1940 – Ipinalabas ang
Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa
Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas
na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

BARIRALA
Nang kinilala ang Philippine language based-Tagalog, isinulat ni
Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa na siyang
nagpakilala sa Abakada na may 20 letra, na kung saan ang letrang
“a” lamang ang idinadagdag sa dulo ng bawat katinig para sa tunog
nito. Hunyo 7, 1940 – Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4,
1946, ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Marso 26, 1954 – Nagpalabas ng
isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula sa

Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon. Agosto 12,
1959 – Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay
Pilipino ang gagamitin. Nakilala ang wikang tagalog bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan
nito sa mga Tagalog.
Oktubre 24, 1967 – Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng
mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino. Marso, 1968 – Ipinalabas ni
Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga
kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Agosto 7, 1973 – Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting
midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o
pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75. Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel
ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng
kolehiyo at pamantasan.

Hulyo 30, 1976 – Sa pamamagitan ng Department Memo no. 194 na inisyu ng Kagawaran
ng Edukasyon, Kultura, and Pampalakasan, ang 20 titik ng abakada ay nadagdagan ng labing-isang
banyagang-hiram na titik. Ang naturang revised Filipino Alphabet na binubuo
ng 31 na letra, ay kinabibilangan ng mga letrang banyaga tulad ng c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, at z. Ngunit
dahil sa hindi naging malinaw ang paggamit sa mga letrang ito, ang naturang alpabeto ay dumaan uli sa
panibagong pagsususog. 1987 Constitution – Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang
pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma.
Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika.
Artikulo XIV - Wika

Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang
midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong
ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.

Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng
mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanitili. 1987 – Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang pinagbago at pinaghusay na Abakada
at Alpabetong Filipino ng 1976. Ang naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan ang
pagbasa nito ay halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit natin
ngayon—na siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino.

Agosto 25, 1988 – Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong
Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-
aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan sa mga piling asignatura. KARAGDAGANG IMPORMASYON:

LOPE K. SANTOS
(September 25, 1879 – May 1, 1963)

Si Lope K. Santos ay isa sa mga dakilang manunulat sa wikang Tagalog. Siya ay nobelista, makata,
abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na “Ama ng Pambansang Wika at Balarila.”

Pinalitan ni Santos ang unang titik ng kaniyang panggitnang pangalan upang aniya'y isunod sa bigkas ng
Tagalog o Filipino.

Pinarangalang “Paham ng Wika” at “Haligi ng Panitikang Filipino” si L.K Santos, dahil sa kaniyang
malaking ambag sa paglinang ng wikang Tagalog at pagsusulat ng sari-saring uri ng panitikan. MANUEL
L. QUEZON
(Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944)

Si Manuel Luis Quezon y Molina ang unang pangulo


ng Komonwelt ng Pilipinas. Nang manungkulan si
Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt
binigyan pansin ang isyung “nasyonalismo.”
Naniniwala ang mga liderato ng bansa noon na
dapat magkaroon ng isang pangkalahatang
pambansang wika na siyang mahalaga sa
pagtataguyod ng pangkabuuang unawaan at
pagkikintal ng pambansang
pagmamalaki ng sambayanan. Ayon sa
Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935,
ang magiging bagong wika ay ibabase sa mga
kasalukyang katutubong wikang meron sa ating
bansa. ANG HINAHARAP NG WIKANG FILIPINO

Isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng ating wika sa kasalukuyang panahon


ay ang pagiging intelektwa-lisado nito. Pinaniniwalaan na ilang dekada pa ng masin-sinang
pag-aaral at pagpa-patupad ang kinakailangan para maisakatuparan ang adhikaing ito. Kailangan munang
maisalin sa Filipino ang lahat ng kaalaman at mga konsepto na
pinag-aaralan ng mga Pilipino mula elementarya hanggang kolehiyo. Sa ngayon, hindi makakatapos ng
pag-aaral ang isang Pilipino na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming
termino sa agham, matematika, algebra, medisina,
trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o “counter-part” sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang
ito ay hindi rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga
aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa
wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon.
Proyekto Sa Komunikasyon sa Akademikong Filipino