You are on page 1of 2

Noong ika-25 ng Mayo, nagkaroon ng “Talentondo 2019” na ginanap sa paaralang Tondo kung

saan nagpakita ng galing at husay ang mga batang kasapi ng Panitik ng Tondo sa pagkanta, pag-
arte at pagsayaw.

Matapos umawit, inumpisahan ng pangkat ng “Basurang Bangka” ang dula-dulaan. Mga


nakadamit ng panghayop ay napakita nila ang kanilang husay bawat karakter na kanilang
ginampanan. Sumunod ang pangkat ng “Ikaw sa Tingin Mo” na pinapakitaang patungkol sa
mayayaman at mahihirap. Ang ikatlong pangkat naman ay ang pangkat ng “Bakit Ako" na
pinapakita aang istorya ng karanasan ng mga kabataang nabubully. Ang panghuling pangkat na
“Karma” na may halo ng pantasya kung saan ang istorya ay umiikot sa isang batang lalakina
pinarusahan dahil sa kanyang pagkakalat. Maramiang humanga sa kanilang mahusay na pagkanta.

Matapos magpakitang gilas ay umawit at sumayaw naman sila ng “Brigada Eskwela” sa pamumuno ni
Gng. Sheena Mationg. Nakisali ang lahat at masayang umawit ang bawat isa.

Hinding hindi pahuhuli ang mga guro sa Filipino, sila ay umawit at tumula na nagpakilig sa mga
Tondonians.

Matapos ang lahat, kabado na ang bawat isa kung sino ang magwawagi. Nanalo bilang “Best Dancer
Male and Femal” sina James Paul Bunagan at Mavereck Gairan. Sina Romeo Espino at Jillian Gom-os
naman ay nagwagi bilang “Best Singer Male and Female”. Nasungkit naman nina Jade Baranuelo at
Jerrymie Arsenal ang tropeyo bilang “Best Actor and Actress”. Nagwagi rin sina Jayrhie Latinah at Kristina
Sevilla bilang “Best Supporting Actor and Actress”. Nagwagi bilang “Best Director” sina Angelica Cacho at
Jephthah Escala.

Ang pangkat ng “Ikaw sa Tingin Mo” ay nagwagi ng “Best in Stage-design Award”. Ang pangkat ng “Bakit
Ako” ay nagwagi ng “Best Play Award”. Ang gropo ng “Basurang Bangka” at “Bakit Ako” ng “Best in Script
Award”. Ang pangkat ng “Karma” ay nagwagi sa “Best Poster award”. Mayroon ding espesyal na
gantimpala ang mga pangkat ng Panitik ng Tondo. Sina Faye Cuarema at Aron John Vergara ay nagwagi
bilang “Best in Attendance". “Best Discipline Male and Female” ay nakamit nina Jade Baranuelo at Marc
Ace Flores.
Umuwi ang lahat ng pagod ngunit makikita pa rin ang saya sa kanilang mukha. Lahat ng nagsipagdalo ay
may aral at bagong kaalamang natutunan. Talagang nakita ng lahat na ang Tondonians ay may angking
galing at husay sa iba't ibang larangan.