You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa misyon


ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa


pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya

Mga Kasanayang Pampagkatuto: Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa


pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.

Code: EsP8PBId-2.4

Markahan: Unang Markahan


Linggo: Ikaapat na Linggo
Araw: Ikalawang Araw

I. Layunin:
Pagkatapos ng 50 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Matukoy ang kahulugan ng pananampalataya.
2. Maitala ang mga tamang gawi upang lalong mapatibay ang pananamplataya ng
pamilya.
3. Makagawa ng isang sanaysay patungkol sa epekto ng kakulangan o katamtamang
pananampalataya ng pamilya.

II. Nilalaman:

Paksa: Pagpapaunlad ng mga Gawi sa Pagsasabuhay ng Pananampalataya


Stratehiya: Pagtuturong naka pukos sa mga mag-aaral, sama-samang pagkatuto,
Pagtatalakay
Kagamitan: Laptop, Power Point Presentation, Mga Aklat, marker, Journal notebook
Mga Sanggunian: Bognot, R. C., Comia, R. R., Gayola, S. T., Lagarde, M. S., Leono,
M. R., Martin, E. G., . . . Paras, R. T. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (2013
ed.). Pasig City: Vibal Publishing House.
Integrasyon: Filipino – pagbuo ng sanaysay
III. Pamamaraan/Proseso ng Pagkatuto
A. Paghahanda
1. Panalangin
2. Pagtetsek ng mga liban at di liban sa klase
3. Pagsasaayos ng mga upuan
4. Pagbati
B. Pagganyak:
Ang guro ay magpapakita ng larawan ng kahalagahan ng pananampalataya at
pananalig sa Diyos at pagkatapos ay itanong sa mga mag-aaral ang mga
gabay na tanong;
1. Ano ang inyong nahihinuha sa mga larawan?
2. Gaano ba kadalas nag sisimba ang inyong pamilya?
3. Kailan ang huling pagkakataon na sama-sama kayong kumain at nagbigay ng
pasasalamat dahil sa biyayang inyong tinanggap?

C. Paglinang na Gawain
Panuto:
1. Hatiin ang klase sa limang grupo.
2. Bawat grupo ay bibigyan ng “work sheet”.
3. Ang nilalaman ng “work sheet” at ang panuto ay makikita sa pinakahuling
bahagi ng DLP.

D. Pagtatalakay
Epoproseso ng guro ang mga kasagutan ng mga mag-aaral sa katatapos
lang na gawain at ikokonekta ito sa mga araling tatalakayin. Narito ang mga
puntos na dapat bigyang diin sa
pagtatalakay.
 Mga paraan na makakatulong upang mapalapit ang pamilya sa Diyos
 Paano mahuhubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi
nito.

E. Pagpapalalim
Ang guro ay magpapalalim sa kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa
paksa o aralin at isagawa ang kabuuhang konsepto na naayon sa talakayan.
Hahayaan ng guro na magbigay ng mungkahi ang mga mag-aaral.
Mga puntong may kinalaman sa:
 Mga paraan kung paano matugunan ng pamilya ang mga anak sa
paggawa ng mabuting pagpapasiya.
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang nakasulat na pangungusap patungkol sa
pananampalataya. Isulat ang letrang T kung ito ay TAMA, at letrang M kung ito ay
MALI. (5 points)

______ 1. Ang pananampalataya ay isang uri ng relihiyon.


______ 2. Isa sa mga paraan upang mapatibay ng isang pamilya ang kanilang pananampalataya
ay ang regular na pagsamba or pagdarasal.
______ 3. Hindi natin kailangang mangumpisal sa Dyos. Hindi ito mahalaga sa pagpapatibay
ng pananampalataya.
______ 4. Ang pagdarasal sa hapag-kainan ng isang pamilya ay maituturing na pagpapatibay
ng pananampalataya.
______ 5. Ang bawat tao ay may iba-ibang uri ng pananampalataya na naaayon sa kanyang
relihiyon.

V. Takdang Aralin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod sa journal notebook
1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unalad bilang tao?
2. Ano-ano ang maari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa
modyul na ito?

VI. Pagninilay:
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _______________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation_______
C. Nakatulong ba ang remedial? ________
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin ______
E. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation ________
F. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? ____Paano ito nakatulong____
G. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng king punong guro at
superbisor ________
H. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro
_______.

You might also like