You are on page 1of 3

Medyor 11

(Maikling Kwentong Filipino)

Lo, Maria Marly N. Pebrero 16, 2015


BSEd III-B (Filipino) Prof. T. Elayba

Istilo nang Pagsulat ng mga Manunulat sa Iba’t Ibang Panahon

Panahon ng Kastila

Inigo Ed Regalado

Bilang manunulat ng maikling kuwento at nobela, siya ay maingat sa pagpili ng


mga salitang naglalarawan ng mga tauhan at natural na salitaan at tagpuan. Naging
patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa at guro ng wika sa iba't ibang
Unibersidad ng Maynila. Halimbawa ng Maikling Kwento na isinulat niya ay ang Sa Laot
ng Kapalaran, Damdamin at Ang Dalaginding.

Graciano Lopez Jaena


Ginamit na sandata ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at
makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila. Ilan sa
kanyang mga akda ay ang Fray Botod at ang La Hija del Praile.

Mariano Ponce
Tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang karaniwang paksa ng kanyang mga
sanaysay. Inilahad din niya ang pang-aapi ng mga banyaga at ang karaingan ng bayan.
Ilan sa kanyang mga akda ay ang Mga Alamat ng Bulakan, Sobre Filipina, at Ang Mga
Pilipino sa Indo-Tsina.

Panahon ng Isinauling Kalayaan


Pedro S. Dandan

Si Pedro Dandan ay isang manunulat na may masining at matulaing istilo sa


pagsusulat. Karaniwang paksa niya sa pagsusulat ay mga karanasang malapit sa
damdamin ng tao.

Isa rin siya sa mga premyadong manunulat na naging malaking bahagi ng


panitikang Pilipino. Ang mga akda niya na nagbigay sa kanya ng mga gantimpala ay
Mabangis na Kamay, Maamong Kamay, Sugat at Digma at Lakas.

Panahon ng Ikatlong Republika

Lualhati Bautista
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat.
Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero
nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.
Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka
Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980,
1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa
kanyang mga maikling kuwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang
gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong
gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay
nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film
Academy Awards, at Star Awards.

Amado V. Hernandez

Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at


pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang
sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit",
ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.

Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong


Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa
isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento".
Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang
marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging
tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Iba pang
Maikling Kwento na sinulat niya:
 Wala nang gamot si pepe
 Kulang sa Dilig
 Langaw sa Isang basong Gatas
 Dalawang kiloMetro sa Lupang Di-Malipad ng uwak
 Ipinanganak ang Isang daliri sa Sosyaledad
 Limang Alas, Tatlong Santo