Professional Documents
Culture Documents
Natapos ang nobela sa pagpili ng kaniyang mga anak na sumama na lamang sa kaniya kaysa sa kanilang
mga ama at ang paggradwayt ni Ojie ng elementarya kung saan nagbigay ng talumpati si Lea na
nagpamulat sa mga batang nagsipagtapos na ang pagiging disente at makabuluhan ng isang bata sa mundo
ay hindi nasusukat sa paraan ng kaniyang pagkakabuo, kundi sa kung papaanong kaniyang binuo ang
kaniyang sarili sa kabila ng mapanghamon at mapanghusgang lipunang kaniyang ginagalawan.
2. Implikasyon ng Pelikula
2.1 Sa aking Buhay:
Lahat ng tao ay may karapatang mabuhay, saan man siya nagmula at anuman ang dahilan ng
kaniyang pag-iral sa mundo. Sa panonood ko ng pelikula, aking napagtanto na sa buhay ng isang tao,
hindi mahalaga kung papaanong siya ay nabuo, kung hindi kung papaanong kaniyang binuo ang
kaniyang pagkatao sa kabila ng kakulangan o kuwento sa likod ng kaniyang pag-usbong sa mundo.
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University of the Philippines
San Pablo City Campus
Del Remedios, San Pablo City
GRADUATE STUDIES AND APPLIED RESEARCH
________________________________________________________________________________
Ang buhay ng isang tao ay maikli lamang at hindi dapat sayangin sa panghuhusga at panlilibak ng
isang tao. Natutunan kong mas lalo pang pahalagahan ang aking buhay sapagkat mayroon akong
pamilya, mga kaibigan at mga katrabaho na tanggap kung ano at sino ako.
2.3 Sa Pamilya
Ang pamilya ang siyang pangunahing sentro ng lipunang ating ginagalawan. Malaking bahagi ng
iyong pagkatao ay malaong hinuhubog at nililinang sa piling ng pamilyang iyong kinikilala. Sa loob ng
tahanan, nabubuo ang pagmamahalan ng isang pamilya, ngunit paano nga ba kung sa loob ng tahanan,
hindi mo nararamdaman ang pagmamahal at pagkalinga ng isang magulang? Sa pelikula, si Ogie ay anak
ni Lea sa kaniyang naunang asawa na si Raffy, na dahil nga sa hindi pagkakaunawaan ang kanilang
relasyon ay nauwi sa hiwalayan naging lunsaran upang makahanap sila ng kani-kanilang bagong
makakasama. Bagaman, itinuturing ni Ding, ang bagong kinakasama ni Lea, si Ogie bilang parte ng
kanilang pamilya, hindi maramdaman ni Ogie na ititnuturing siyang anak nito. Pakiramdam niya ay kulang
siya, sapagkat, wala siyang kinikilalang tunay na ama na tulad ng kaniyang nakababatang kapatid sa
kaniyang ina na si Maya. Bilang isang anak na lalaki, may mga bagay at usaping nais lamang ibahagi ng
isang anak na lalalaki sa kaniyang ama, at bilang isang kabataang naghahanap ng pagkalinga ng isang ama,
sinubukan ni Ogie na isiksik ang kaniyang sarili sa amang kaniyang nakagisnan, kahit pa nga minsan na
siyang itinaggi nito sa mga tao, ngunit hindi niya naapuhap ang pagmamahal na kaniyang nais sa loob ng
kanilang tahanan, kung kaya ginugol niya ang kaniyang buong panahon sa kalayawan, upang maibsan ang
sakit na kaniyang nararamdaman, sapagkat sa tingin niya hindi siya importante sa pamilya, hindi siya
kinikilala bilang anak ng kaniyang ama-amahan at palaging abala ang kaniyang ina sa kaniyang
hanapbuhay. Wala siyang mapagbahaginan ng kaniyang mga saloobin at palagay, kung kaya’t binubuhos
niya ang kaniyang oras sa pagliliwaliw upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng kaniyang
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University of the Philippines
San Pablo City Campus
Del Remedios, San Pablo City
GRADUATE STUDIES AND APPLIED RESEARCH
________________________________________________________________________________
kalooban. Aking napagtanto, na ang maayos at malusog na komunikasyon sa pagitan ng bawat miyembro
ng pamilya ang isa sa mga susi ng isang matatag na samahan ng isang pamilya. Kung sa loob pa lamang
ng sambayahan, marupok na pundasyong nabuo, hindi malayong kaagad o madali itong matitinag ng kahit
isang magaang suliraning dumating sa pamilya. Natutunan kong pahalagahan ang bawat miyembro ng
aking pamilya, na kung ako man ay bubuo ng aking sariling pamilya, aking sisikapin na kanilang
maramdaman, sa loob pa lamang ng aming tahanan ang walang hanggang pagmamamahal at pagkalinga
ko sa kanila bilang kanilang magulang. Pangingimbabawan ko sa aking mga anak ang pag-iibigang
magkakapatid, at pananatilihin ko ang maayos at palagiang kominukasyon sa pagitan ng aking mga anak
at naming mag-asawa. Hindi ko ipararamdam sa kanila na sila ay hindi kamahal-mahal at palagi ko silang
pakikinggan at susuportahan sa mga bagay at naisin nila sa buhay. Akin ding pananatilihin ang magandang
relasyon sa aking asawa, sapagkat ayokong ipakita at iparamdam sa aking mga anak na dahil sa mga bagay
na hindi namin napapagkasunduang mag-asawa sila ay madadamay at maapektuhan.Bagaman hindi ko
naranasan ang pagkakaroon ng isang wasak o hindi buong pamilya, ramdam ko ang sakit at pighati na
dulot nito sa mga anak, na nadadala at dinaramdam nila hanggang sa kanilang paglaki, na minsang pa nga
aay nagiging lunsaran ng pagkapariwa ng kanilang buhay at iyon anng ayaw kong maranasan ng aking
mga magiging anak.
ang kaniyang pagsisilbi sa bayan, lalo’t higit sa mga kababaihan at ang pag-aalaga kay Ding at sa dalawang
anak, ngunit sa tagal ng panahong sila ay magkasama ni Ding, pakiramdam niya ay may kulang sa kanilang
pagsasama, at iyon ng ay ang pagmamahal sa isa’t-isa, na kung lilimiin, ang nakapagpapatagal na lamang
sa kanilang pagsasama ay si Maya, sapagkat ramdam at alam ni Lea na hindi lamang siya ang laman ng
puso ni Ding, sapagkat may nauna nga itong asawa. Ibinigay niya ang lahat kay Ding, ngunit pakiramdam
niya hindi ganoon ang huli sa kaniya. Madalas silang magtalo, at madalas din iyong masaksihan ng mga
bata. Madalas na hindi umuuwi si Ding, at ang idinadahilan ay ang kaniyang ina, kung kaya wala nang iba
pang masabi si Lea, sapagkat ayaw naman niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawan ng ina ni Ding.
Hindi lingid sa kaalaman ni Lea na hindi na masaya at malusog ang kanilang pagsasama, ngunit ipinipilit
pa rin niya, sapagkat kaniyang iniisip ang kaniyang mga anak, na musmos pa at nangangailangan ng isang
ama. Sa panonood ko ng pelikula, aking napagtanto na ang buhay may-asawa ay hindi isang biro, nab ago
koi to suungin dapat ko munang isipin ang mga posibilidad na maaaring mangyari sa paglaon ng pagsasama
naming mag-asawa. Hindi ko hahayaang mawala ang pagmamahal namin sa isa’t-isa, pangingimbabawin
ko ang pag-unawa sa pagkakaiba naming dalawa at matututo akong makinig sa mga saloobin at pananaw
niya. Hindi ko hahayaang masira anng aming relasyon ng dahil lamang sa pakiramdam na sinasakal ko
siya at yaong gusto ko lamang ang nasusunod. Babalansehin ko ang oras ko sa hanapbuhay at sa kaniya,
maging sa aming mga anak. Walang perpektong relasyon at pagsasama, lahat ng mag-asawa dumadaan sa
iba’t-ibang hamon ng buhay, may madaling solusyunan, mayroong mahirap, ngunit hindi malulutas ang
mga iyon kung hindi magkasamang lulutasin at sosolusyunan. Matututo akong pakinig, at hindi ko paiiralin
ang aking “pride.” Kung paanong gusto kong igalang ako ng aking asawa, ganoon din ang paggalang na
ibibigay ko sa kaniya. Hindi ko gagawing sangkalan ang aking pagkakababae upang mapailalalim sa akin
ang aking asawa, kung siya ang tama, aking tatanggapin, kung ako ang nagkamali, akin siyang pakikinggan
sapagkat sa buhay mag-asawa, hindi mahalaga kung sino ang kumikita ng malaki, kung sino ang may
malaking ambag upang buhayin ang pamilya, ang mahalaga ay kung papaanong kayong mag-asawa ay
nagtutulungan sa pagpapa-unlad ng inyong buhay at pagpapalaki ng inyong mga anak, sapagkat kung ano
ang nakikita ng mga anak sa kanilang mga magulang kanila itong babaunin at madadala hanggang sa
kanilang pagtanda.
3.2 Noong sa unang pagkakataon ay nagkita si Raffy at si Ogie, masasalamin ang pananabik at
walang kapantay na saya sa panig ni Ogie, sapagkat iyon ang unang pagkakataong nakita niya ang
kaniyang tunay na ama. Masayang-masaya si Ogie.
3.3 Tumatak din sa aking isipan ang eksena kung saan nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap
ng masinsinan ang mag-amang Ogie at Raffy sa tabing-dagat, na sa unang pagkakataon,
naramdaman ni Ogie ang pagkalinga at pagmamahal ng isang ama na handang makinig sa kaniyang
mga saloobin at hinaing sa kaniyang buhay. Kapansin-pansin ang kalungkutan sa mukha ni Ogie,
gayundin sa mukha ni Raffy na damang-dama ang kalungkutang nadarama ni Ogie nonng ikuwento
na nito ang kaniyanng relasyon sa kaniyang ama-amahan na si Ding. Naramdaman ni Raff yang
pagkukulang niya kay Ogie bilang isang ama.
3.4 Isa pa sa mga eksenang tumatak sa aking isipan, ay noong umuwi si Lea galing sa trabaho, at
naabutan niyang nasa labas ng bahay si Maya. Nalaman niya mula sa bata na si Ogie ay hindi
pumapasok sa paaralan at palaging naglalaro ng bilyar, dahil sag alit pinuntahan ni Lea si Ogie sa
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University of the Philippines
San Pablo City Campus
Del Remedios, San Pablo City
GRADUATE STUDIES AND APPLIED RESEARCH
________________________________________________________________________________
bilyaran at kaniya itong pinagalitan sapagkat para kay Lea isa io sa mga dahilan ng ikakapariwa
ng kaniyang buhay. Sa unang pagkakataon ay isiniwalat ni Ogie ang kaniyang saloobin at
damdamin sa kaniyang ina. Sa palagay kasi ni Lea wala siyang ginagawang masama, ngunit para
kay Ogie ay mayroon, at ito nga ay ang labis na paggugol ng kaniyang oras sa trabaho at palagiang
alitan sa pagitan nilang mag-asawa. Napagbuhatan ni Lea ng kaniyang kamay si Ogie. Sa bandang
huli napagtanto ni Lea na ang dahilan ng parerebelde ni Ogie ay ang labis nitong kagustuhan na
sumali sa Boy Scout kasama ang kaniyang ama, ngunit para sa kaniya wala naman siyang tunay
na ama na maituturing. Ipinaliwanag ni Lea sa anak na ginagawa niya ang lahat para matugunan
ang mga tungkulin ng mga magulang sa isang anak, ngunit hindi dapat isisi kaniya ang kakulangan
sa kaniya ng kaniyang ama. Nagkaayos din ang mag-ina na nagpapatunay lamang na walang inang
kayang tiisin ang kaniyang anak, at walang anak na kayang talikuran ang kaniyang ina.
3.5 Pasko noon, hinihintay ni Maya ang pagdating ng kaniyang amang si Ding, ngunit hindi ito
dumating, dumaaan na rin ang Bagong Taon, ngunit hindi pa rin ito nagpakita sa kaniyang pamilya.
Makalipas ang ilang linggo, si Ding ay umuwi sa kanilang bahay, pansin ang bahagyang pananabik
sa mukha ni Lea, ngunit ito ay napalitan nang sabihin ni Ding na mayroon na siyang bagong
kinakasama at matagal na silang nagsasama na dahilan ng hindi nito palagiang pag-uwi sa pamilya,
pinilit ni Lea na itago ang sakit na kaniyang nararamdaman at inaasyos pa rina ng sarili. Ngunit
hindi na rin napigilan ni Lea ang bugso ng kaniyang damdamin ng sabihin ni Ding na tapos na
kanilang relasyon at hindi na ito uuwi sa kanila sapagkat ikinasal na siya sa bago niyang asawa .
Bakas sa mukha ni Lea ang kalungkutan ngunit dahil sawang-sawa na siya sa palagian nilang pag-
aaway, iniiyak na lamang niya ang sakit na kaniyang nararamadaman. Damang-dama ko ang
eksena ng isang babaeng niloko sa kabila ng wagas na pagmamahal nito.
3.6 Isa pa sa mga eksenang tumatak sa aking isipan, ay ang eksenang pinili ng dalawang bata si Lea
kanilang makasama sa kabila ng magagandang buhay na inihahandog ng kanilang mga ama.
Kitang-kita kung gaano kamahal ng magkapatid ang kanilang ina na handa nilang talikuran ang
magandang buhay na kayang ibigay ng kanilang ama ngunit hindi kayang ibigay ni Lea sa kanila,
at kitang-kita rin ang pagmamahal ng magkapatid sa isa’t-isa na kahit pa nga hindi naman sila
tunay na magkapatid, nagibabaw pa rin ang pag-ibig nila sa isa’t-isa. Patunay lamang ito kung
gaano kalahaga ang papel ng isang ina sa paghubog ng pagkatao ng isang anak.
3.7 Tumatak din sa aking isipan ang eksena kung saan, sa huling pagkakataon ay nagkita sia Lea at
Raffy, bago ito magtungo sa Amerika. Bakas sa dalawa lungkot, at makikita rin ang pagsulpot ng
kaunting panghihinayang sa naudlot nilang pagmamahalan sapagkat batid ng bawat isa na naroon
pa rin ang kanilang pagtingin sa isa’t-isa. Pinasya ng dalawa na sa huling pagkakataon, sariwain at
muli nilang balikan kanilang pagmamahalan noong una. Sa huling pagkakataon sila ay nagkasundo
at nagpakaloko, ika nga ni Lea. Sa kanilang muling pagsasama, bagaman bilang ang mga salitang
kanilang sinasambit, damang-dama at kitang-kita ang panghihinayang sa kinahinatnan ng kanilang
pagsasama, gayundin ang naudlot nilang pagmamahalan. Kitang-kita kung gaano ka totoo ang
pagmamahalan nilang dalawa. Naroon din ang pagsisisi sa parte ni lea, sapagkat kung hindi siya
nagpadalos-dalos ng desiyon, hindi sana magiging ganoon ang sasapitin ng kanilang relasyon.
Tunay ngang masasabing pinagtagpo sila ngunit hindi itinadhana.
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University of the Philippines
San Pablo City Campus
Del Remedios, San Pablo City
GRADUATE STUDIES AND APPLIED RESEARCH
________________________________________________________________________________
3.8 Bilang panghuli sa mga eksenang talagang tumatak sa aking isipan, ang eksena kung saan nagtapos
na si Ogie ng elementarya at nagbigay ng talumpati si Lea. Sa kaniyang talumpati, kaniyang sinabi
na noong bata pa si Ogie palagi nitong itanatanong kung papaano ba ginagawa at binubuo ang bata,
na naging lunsaran upang tuksuhin si Ogie. Ipinaliwanag ni Lea, nalahat nman ng tao alam kung
papaanong ang isang bata ay nabubuo, ngunit ang nais niyang iparating ay kung papaanong ang
isang bata ang magiging kapakipakinabang., disente at makatao sa kaniyang paglaki, dahil kung
ang bawat bata ay napalaki ng maayos at sa paraang makatao, sana ay nabuo na rin ang isang
disente at makataong lipunan, na nakapagpamulat sa aking isipan na hindi sukatan ng pagiging
isang disente at malinis na tao ang dahilan ng kaniyang pagkakabuo o pag-iral sa mundo, ang
mahalaga ay kung papaanong binuo ng isang bata ang kaniyang pagkatao sa kabila ng kuwento ng
kaniyang pag-iral sa mundo.
4. Ang senaryong tumagos sa aking puso ay iyon senaryo na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni
Lea at Ogie, dahil nga nalaman ni Lea ni hind pumapasok si Ogie sa paaralan, sa bahaging iyon ng
kuwento, sa unang pagkakataon ay nakapaglabas si Ogie ng kaniyang sama ng loob sa kaniyang
ina na naging sanhi upang pagtaasan niya si lea ng boses na naging bunga naman ng pagbubuhat
ni lea ng kamay sa kaniyang anak, sapagkat noong una hindi pa niya nauunawaan ang
pinangggalingan ni Ogie, ngunit noong nalaman niya ang tunay na dahilan ni Ogie sa pagrerebelde,
nag-usap sila at nagpaliwanagan sa isa’t-isa. Tumagos siya sa akin, sapagkat bilang isang anak,
dumaraan talaga sa puntong nasasagot ko na rin ang aking mga magulang sa mga pagkakataong
pakiramdam ko hindi nila ako nauunawaan at hindi nila naiitindihan ang aking pinagdadaanan, na
sa tingin ko hinhusgahan nila ang kakayahan ko. Nakapagsasalita ako ng masasakit sa kanila,
sapagkat gusto ko talagang ilabas ang sama ng loob ko na matagal ko nang kinikimkim. Marahil
nga malaon na akong namumulat sa realidad ng buhay, natututo na rin akong sumagot sa kanila.
Bagaman ganoon ang nangyayari, sa pagtatapos ng araw, npagtatanto ko pa rin ang aking
pagkakamali at humihingi ng tawad sa aking mga magulang. Lagi ko na lamang isinasaip na ayaw
nilang mapahamak at mapariwara ang aking buhay kung kaya patuloy nila akong ginagabayan at
pinagsasabihan kahit pa nga masasabing kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa, sapagkat
ang magulang hanggat buhay sila, magkaroon man tayo ng sariling pamilya, ang ikabubuti pa rin
natin ang iniisip nila.
paglalaban na alagaan na lamang ni Lea ang mga bata kaysa sa magtrabaho pa ito sa organisasyon
na isa sa mga dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
5.3 Si Ding ang pangalawang asawa ni Lea. Siya ang ama ni Maya. Naging karamay ni Lea sa mga
panahong hindi nabibigay ang nais ni Lea kay Raffy. Siya ay maituturing na mama’s boy sapagkat
lahat ng kaniyang ginagawa ay kinukonsulta pa sa kaniyang ina gayong kanya na niyang
magdesisyon para sa sarili niya, lagi rin siyang sunod-sunuran sa sinasabi ng ina. Masasabing hindi
wagas ang pag-ibig niya kay Lea sapagkat sa bandang huli ay nagawa nitong lokohin si Lea at
humanap ng bagong makakasama, bagaman sa unang taon ng kanilang pagsasama ay naging isang
mabuting ama ito sa kaniyang anak na si Maya at pinakitungahan rin niya ng maayos si Ogie, nga
lamang di niya gaanon kinikilala bilang anak.
5.4 Si Ojie ang panganay na anak ni Lea na nagnanais na makilala at maramdaman ang pagmamahal
ng isang tunay na ama kung kaya nga noong unang beses na nagkita sila ni Raffy, sa halip nag alit
ang kaniyang pangmbabawin sa kaniyang sarili, pananabik at walang kapantaya na saya ang
kaniyang naramdaman Isa rin siyang mapagmahala na kapatid sapagkat kahit na may pagkakataong
kinaiinisan niya si Maya ay mahal na mahal niya ito at nais niyang ipakilala sa kaniyang tatay. Siya
ay isang uri ng tauhang bilog sapagkat noong una ay sumusunod ito kay Lea pero kalaunan ay
naging pabaya ito sa pag-aaral at nakita na lamang ni Lea na nagsusugal ng pool kasama ang
matatanda, ngunit dahil na rin sa paraan ng pagpapalaki sa kaniya ni Lea, napagtanto ni Ogie na
mali ang kaniyang ginawa at piniling ayusin ang takbo ng kaniyang buhay. Isa rin siyang ulirang
anak para sa akin sapagkat pinili niyang talikuran ang marayang buhay na kayang ibigay ng
kaniyang ama, makapiling lamang ang kaniyang ina, na simula pa noong una ay nariyan sa
kaniyang tabi, masaya man o malungkot an kaniyang pinagdadaanan sa buhay.
5.5 Si Maya ang bunsong anak ni Lea. Masayin at madadal at isang batang sumisimbolo sa mga
kabataan sa modernong panahon, sapagkat ang mga kabtaan ngayon kahit na mura pa ang isipan
ay bukas na sa realidad ng buhay. Isang batang may positibong pananaw sapagkat kahit alam
niyang magyroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kaniyang mga magulang, pinipili pa rin
niyang maging masaya at matatag araw-araw. Isa rin siyang mapagmahal na kapatid sapagkat kahit
na hindi sila tunay na magkapatid ni Ogie, hindi nila itinuring ang isa’t-isa na iba.
Ipinabatid din sa nobela ang walang hanggang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang mga anak, na
kahit pa nga hindi niya napaglalaanan ng panahon ang mga ito, kapakanan pa rin ng mga bata ang
kaniyang palaging iniisip. Gayundin ang wagas niyang pagmamahal sa dalawang lalaking naging
bahagi ng kaniyang buhay, ipinakita sa nobela kung gaano siya katotoo at kasinserong magmahal nga
lamang ang nais niya ang nasusunod ang kaniyang nais kung kaya madalas nauuwi sa di-
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University of the Philippines
San Pablo City Campus
Del Remedios, San Pablo City
GRADUATE STUDIES AND APPLIED RESEARCH
________________________________________________________________________________
pagkakaunawan ang kanilang pagatatalo. Aking napagtanto na sa buhay ng isang tao, hindi puwedeng
palaging ikaw ang minamahal at nasusunod, kinakailangang matututo ka ding magbigay at magparaya
upang mapanatili ang magandang ugnayan sa pagitan ng iyong karelasyon.
Ipinamulat rin sa akin ng nobela na iba-iba man ang paraan ng pagkakagawa sa isang bata. Bunga
man ito ng pang-aabuso, bunga ng hindi inaasahang pagkakataon, o kahit na bunga ng wagas at totoong
pag-iibigan, lahat ng batang binigyang-buhay ay may karapatang tamasaan at danasin ang buhay sa
mundo. Madaling gumawa ng bata, ilang miinuto lamang maaari na silang mabuo, ang mahirap ay ang
gaawin silang makatao, disente at makabuluhan sa mundo. Kung sila ay uusigin, dahil lamang sa
dahilan ng kanilang pag-iral sa mundo, tinaggalan na natin sila ng karapatang mamuhay ng naaayon
sa knailang naisin. Lahat naman tayo ay may kani-kaniyang pinagmulan, ang dapat nating gawin ay
igalang, unawain at tanggapin ang pagkakaiba-iba nating lahat.
sa kaniyang ama at mga kapatid na lalaki sapagkat sa kabila ng kaniyang pagiging homosekswal, labis ang
pagtanggap ng mga ito sa kaniya, sa katunayan nga ay itinuturing itong bulaklak at hiyas ng kaniyang
pamilya kung kaya nga mas naging malakas ang loob ni Maxi na isiwalat sa buong barangay ang kaniyang
kasarian. Ang pelikula ay pinamagatang “Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros,” sapagkat ang panahon
kung kailan nagana pang kuwento ay yaong mga panahong si Maxi ay dumaraan sa panahon ng
pagdadalaga o pagbibinata kung saan naranasan niyang sa unang pagkakaton ay umibig sa kaparehong
kasarian. Ito rin ang panahong natututo siyang gawin ang iba’t-ibang gawaing bahay sapagkat itinuturing
nga niya ang kaniyang sarili na isnag ganap na babae, kung kaya masaya niyang ginagampanan ang mga
gawaing ginagampanan ng mga kababaihan. Bilang isang kabataan, hindi rin nawala sa kaniya ang
pakikisama sa mga kabataang kapareho niya ng preperensya, naglalaro, nanonood ng sine o yung tinatawag
na “Betamax” noong mga panahong binuo ang pelikula. Isang karaniwang kabataan na nararanasan at
ineenjoy ang kasiyahan ng kaniyang kabataan.
lugar nina Maximo. Si Victor ang patunay na mayroon pa rin talagang mga alagad ng batas na
totoo sa tungkuling kanilang ginagampanan, marangal na nagsisilbi sa bayan at hindi nasisilaw sa
salapi.
2.2 sa sarili
Lahat ng tao nais mamuhay ng marangya at naaayon sa kanilang nais, sa pelikula, ipinakita kung
gaanong kabukas ang isip ni Maximo sa pagpapahayag ng kaniyang pagkatao, dahil na rin sa taos-
pusong pagtanggap ng kaniyang pamilya sa napili niyang preperensiya. Malinaw niyang ipinhayag
ang pag-ibig na kaniyang nararamdaman kay Victor, na kahit pa nga alam niyang mas matanda ito
sa kaniya, hindi niya iyon inalintana at ipangpatuloy ang pag-usbong ng kaniyang nararamdaman.
Ako, bilang isang taong hindi sanay makisalamuha at walang lakas ng loob na isiwalat ang aking
mga nararamdaman, masaya man o malungkot, natutunan ko mula kay Maxi, na walang masamang
magsiwalat ng nararamdaman, basta wala kang natatapakang sinuman. Akin ring napagtanto na
walang masamang umibig at lahat ay may karapatang umibig at ibigin, nga lamang dapat na iligay
ito sa tamang lugar.
2.3 sa pamilya
Matugunan lamang ang lahat ng pangangailangan ng pamilya, lahat ng paraan ay ginagawa ng
isang ama para maging isang magaling na haligi ng tahanan. Ang kahirapang taglay ng pamilya
Olivero sang nagbunsod sa ama na gumawa ng labag sa batas, nais niyang matugunan at maibigay
ang pangngailangan ng mga anak na katulad ng layunin at responsibilidad ng isang ama, nga
lamang, mali ang kaniyang ginagawang paraan. Dahil na rin sa kahirapang taglay nila, kahit na
mali ang paraan ng pamumuhay nila, sumang-ayon na lamang dito ang kaniyang mga anak,
sapagkat kung maghahanap pa nga naman sila ng trabaho, walang tatanggap sa knaila sapagkat
hindi naman sila nakapagtapos ng pag-aaral. Ipinakita sa pelikula kung gaano ka solido at katatag
ang pundasyon ng pamilya Oliveros, kung kaya nga kahit pa alam nilang mali ang paraan ng
kanilang pamumuhay dinadamayan, tinutulungan at pinagtatakpan pa rin nila ang isa’t-isa.
Humanga ako sa tatag ng kanilang pagsasama bilang isang pamilya, gayundin sa taos-pusong
pagtanggap ng mga ito sa pagiging bakla ni Maximo. Kitang-kita sa kanila kung papaanong
pinapahalagahan nila ang bawat isa, kabilang man sa ikatlong kasarian ang isa sa mga miyembro
ng pamilya, ngunit siyemprebuo at matatag man ang samahan ng pamilya, may posibilidad pa ring
hindi maging masaya ang takbo ng kanilang pagsasama dahil na rin sa paraan ng kanilang
pamumuhay, katulad nga ng nangyari sa pelikula, namatay si Paco, ang ama ni Maximo, dahil siya
ay binaril ng bagong hepe ng pulisya na hindi na niya kabaro pagdating sa mga katiwaliang
kaniyang ginawa. Sa kabilang banda, ang pagkamatay na iyon ng kanilang ama, ay nagpamulat sa
magkakapatid na ang karangyaan sa buhay ay hindi dapat magmula o manggaling sa masama. Ayos
lamang lumaki sa hirap basta marangal ang paraan ng pamumuhay na sa wakas ng kuwento, iyon
ang ginawa ng magkakapatid, nagbagong-buhay sila, sinuportahan ang isa’t-isa, at pinagtulungan
ng dalawang nakatatandang kapatid na itaguyod ang pag-aaral ni Maxy.
2.4 Kamalayang Panlipunan
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na patuloy na dumarami ang bilang ng mga taong kabilang sa
ikatlong kasarian, o homosekswal. Sa isip ng karamihan, sila ay ang mga taong walang alam kung
hindi ang rumampa lamang o mang-akit ng lalaki, ngunit sa pelikula, ipinamulat nito na ang mga
taong kabilang sa ikatlong kasarian, ay may karapatan ding mamuhay nang naaayon sa kanilang
nais nang walang tinatamong panghuhusga sa mula sa ibang taong hindi maunawaan ang kanilang
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University of the Philippines
San Pablo City Campus
Del Remedios, San Pablo City
GRADUATE STUDIES AND APPLIED RESEARCH
________________________________________________________________________________
preperensya bilang tao. Sa panonood ko ng pelikula mas lalo ko pang naunawaan ang mga bakla
at tomboy, at higit sa lahat namulat ang aking isipan na lalo pa silang igalang at pahalagahan. Lahat
tayo ay tao, iba man ang ating kasarian, karapatan nating irespeto at obligasyon nating irespeto ang
lahat ng ating kapuwa.
Isa pa sa mga naging implikasyon nito sa kamalayang panlipunan, ipinamulat ng pelikula ang tunay
na kalagayan ng batas at hustisya sa ating bansa. Sa unang bahagi ng pelikula, Malaya pang
nakagagawa ng mga katiwalaan ang tatay at mga kapatid ni Maxy, dahil kabatak nila ang pulis na
nakedestino sa kanilang lugar, sa bahaging iyon ng kuwento, bulag at silaw ang batas at hustisya.
Sa pagpasok ng karater ni Victor, iyon ang naging simula ng unti-unting pagbabago sa ng kalakaran
sa lugar, dahil si Vitor ay isang tapat na alagad ng batas, bagaman, ayaw niyang saktan ang
damdamin ni Maxy, sapagkat ito ay naging malapit na rin naman sa kaniya, nangibabaw pa rin sa
kaniya ang kaniyang dignidad at tungkuling ginampanan. Isa itong patunay na mayroon pa rin
talagang mga alagad ng batas na tapat at totoo sa tungkuling kanilang sinumpaan. Si Victor ang
nagpamulat sa akin na hindi lahat ng pulis ay parak. Hindi lahat ng pulis, ay alagad ng katiwalaan.
Maaaring mayroon, ngunit hindi lahat, kung kaya nagbago ang pananaw at pagtingin ko sa mga
pulis nang napanood ko ang pelikula.
kaya nga mas pinili nitong saktan ang damdamin ni Maxy kaysa patuloy na mamuhay sa
kamalian. Siya ang kauna-unahang lalaking nagparamdam kay Maxy ng isang romatikong
pagmamahal at siya rin ang kauna-unahang lalaking dumurog ng puso ni Maxy, ngunit nag-
iwan naman sa dalaga ng isang mahalagang aral na: “Hindi masamang magmahal, ilagay
lamang sa tamang lugar.”
5. Anong realidad ang ipinakita sa pelikula?
5.1 Ang realidad na ipinakita sa pelikula ay ang paraan ng pamumuhay ng mga taomng
salat sa pinagkukunang ikinabubuhay. Karamihan sa mga taong salat sa kabuhayan, dala na rin ng
kawalang hanapbuhay dahil sa hindi nakapagtapos ng pag-aaraal, mas pinipili nilang mamuhay ng
labag sa tamang paraan ng pamumuhay ng tao para lamang matugunan ang kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay at upang maipagpatuloy ang kanilang buhay. Alam nilang mali ang kanilang
ginagawa, ngunit dala na rin nng matinding pangangailangan, napipilitan silang kumapit sa
patalim. Ito amg katotihanan ng buhay, na talamak at palasak na sa mga lugar na walang sapat na
pinagkukunanan ng kita..
5.2 Ipinapakita rin ng pelikula ang dalawang mukha ng mga kawani ng pamahalaan; ang
isang mukha ay iyong mga taong nasisilaw at nabubulag sa salapi, kung kaya mas pinipili nilang
isuko ang kanilang dignidad at tungkulin, kumamkam lamang ng malaking salapi. Isa sa patunay
ay iyong naunang hepe ng pulis sa lugar nina Maximo na naging katulong pa ni Paco para huwag
siyang mahuli sa kaniyang gawang pagnanakaw. Sa kasalukuyang lipunan, maoobserbahan at
mababalitaam talagang mayroong mga kawani ng pamahalan, pulis man o may tungkulin sa
gobyerno ang siya pang nagtatakip sa mga kasalanang ginagawa ng ibang tao, kasi nga nasisilaw
sila sa salapi.Ang isang mukha ay yaong mga kawani at alagad ng pamahalaan na tapat at totoo sa
kanilang tungkulin at serbisyo. Bagaman may malaking pagkakataong kumite sila ng malaki, hindi
nila isnusuko ang ang kanilang dignidad at ang katuturan ng tungkuling kanilang sinumpaan.
5.3 Ang isa pang realidad ng buhay na ipinakita sa pelikula ay ang malawak ng pag-ubong
ng mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian. Hindi na ito bagong usapin, sapagkat karaniwang
nakikita ang mga bakla at tomboy saan mang bahagi ng bansa. Ipinakita ang realidad ng paraan ng
mga bakla kung paanong sila ay nagmamahal at nag-aaruga sa mga taong mahalaga sa kanilang
buhay, kung papaanong ibuhos nila ang kanilang oras at panahon para sa taong mahal nila. Ito ang
realidad ng mundo, iba’t-iba ng pananaw ng tao sa kung papaanong sila ay mamumuhay sa mundo.
Malaya tayong makapipili ng kung papaaano natin gugulin an gating buhay. Malaya rin tayong
ipahayag ang ating sarili basta wala tayong natatapakang ibang tao. Ang mga taong nabibilang sa
ikatlong kasarian ay tao rin, dapat na igalang at pahalagahan, sapagkat naiba lamang naman ang
kanilang pagtingin sa kanilang sarili, ngunit iisa rin naman ang ating tunguhin sa buhay, ang
mamuhay ng payapa at masaya, malayo sa panghuhusga at pangungutya ng iba.