You are on page 1of 3

Anim na Tungkulin ng Wika Ayon kay M.A.K.

Halliday

Instrumental– Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag- ugnayan sa iba.

Mga Halimbawa:

Patalastas

Regulatoryo– Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.

Mga Halimbawa:

Pagbibigay ng panuto ng guro

Guro: “Sa isang buong papel, sagutan ang pahina apat. Isulat lamang ang titik nang tamang sagot.”

Mga estudyante: “Opo, ma’am.”

mga babala
Interaksiyonal– Ang tungkulin ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.

Mga Halimbawa:

Pick-up lines

pakikipagbiruan

Personal– Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan.

Mga Halimbawa:

Mga talaarawan

Heuristiko– Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman
sa paksang pinag-aaralan.

Mga Halimbawa:

Interbyu

Pagbabasa ng magasins o mga pahayagan


Panonood ng Telebisyon

Impormatibo– Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng
impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o pasalita.

Mga Halimbawa

Pagtuturo

Panayam

You might also like