You are on page 1of 5

Ang Nanay kong Lola

Ni Milagros B. Gonzalez

Ipinasa nila:
Bautista, Katrina Mae
Ramos, Alison
Ydia, Kristianne Dominique
Fruto, Marc
Lee, Laurenz
Luna, John Lawrence
Malaluan, Kristian
Segismundo, Rodel Cedric
Venezuela, Ralph Louisse

ng III-Burgos

ANG NANAY KONG LOLA


Tagpuan: Sa bahay at paaralan ni Susie
Tauhan:
Susie
- -ang pangunahing tauhan at tagapagsalaysay sa mailking kuwento.
- -Isang maganda at matalinong estudyante
- -Ikinahihiya ang ina dahil sa kaniyang panlabas na kaanyuan

Ina ni Susie
- Ang butihing ina ni Susie
- Ang inang ikinahihiya ng anak dahil sa panlabas na kaanyuan
- Isang maintindihin na ilaw ng tahanan

Ama ni Susie
- Mapagmahal na ama ni Susie

Saglit na Kasiglahan:

Labing isang taon na ako. Maganda at maraming nagkakacrush. Dalawang taon na lamang, teen-
ager na ako.
Sabi ni Nanay, huwag daw akong magmadaling magdalaga. Minsan lang daw kasi ako maging bata.
E bakit ba? Gusto ko na nga e. Masama bang magsuot ng sandals na may heels? Maglip gloss at mascara?
Sawa na nga akong maglaro ng Barbie at Bratz dolls e. Mas gusto ko pang magtext o sumama sa mga
classmates ko sa mall.
Kill joy nga sina Nanay at Tatay. Ayaw nila akong gumagala kung saan-saan. Delikado daw kasi ang
panahon.

Ilang buwan na lang gagraduate na ko sa elementary. Bising-bisi nga sa school sa pagprapractice ng


aming graduation number. Sabi ni Teacher, third honor daw ako.
Binalita ko kay Nanay. “Talaga?” , tuwang-tuwang sambit niya. “Naku, dapat maganda ang damit at
sapatos mo. Honor ka pala!”

Tunggalian:
Excited naman masyado Nanay ko. Para namang siya ang gagraduate. Sa totoo lang,
ayoko siyang umakyat sa stage. Kasi mukha na siyang lola.
Tinutukso nga ako ng mga classmates ko, minsang pumunta ang Nanay ko sa school.
“Susie, lola mo?”
“Hanap ka ng lola mo, Susie.”
Bakit kasi si Nanay, mukhang lola na? Ang ibang nanay ng mga classmates ko, seksi at
bata pa. Si Nanay, mataba na, puti pa ang buhok! Ayoko tuloy siyang pumupunta sa school.
“Nanay, magpakulay ka na ng buhok,” minsan kong sabi sa kanya. “Tinutukso na ako sa school
e.”
Tiningnan niya lang ako at tumalikod.

Isang araw, tinawag ako ni Nanay. “Susie, halika. May ipapakita ako sa iyo,” nakangiti niyang
tawag sa akin.
Inalis niya sa malaking supot ng SM ang isang puting damit na may mga rafols.
“Panggraduation mo,” sabay abot niya sa akin.
Itinaas ko ang damit. Inilapat ko sa aking katawan. Hindi ko napigilan ang bibig ko.
“Ayoko nito, Nay. Ang pangit!”
“Pero mahal yan! At bagay mo naman! Isukat mo kasi para makita mong mabuti ang lapat sa
iyo,” pilit ng Nanay ko.
“E, Nay, ayoko talaga ito. Hindi ko bagay,” sabay kong balik sa kanya ang damit at pumunta ako
sa kwarto na mangiyak-ngiyak.
Bakit kasi siya nangingialam? Ang pangit ng taste ni Nanay. Pangmatanda. Pagsusuotin ba
naman ako ng damit na maraming lace at rafols. Hindi na ako bata, ‘no?

Hindi ako kumain ng tanghalian kahit anong pilit ni Nanay. Nagtatampo ako sa kanya. Hindi ako
aattend ng graduation kapag yun ang damit ko. Bakit kasi hindi niya ako isama sa pamimili ng
damit. Ako ang magsusuot nuon.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto matapos ang tatlong oras. Kumukulo na kasi ang tiyan
ko. Kukuha ako ng pagkain sa ref. Narinig kong nag-uusap sina Nanay at Tatay.
“E bakit kasi binilhan mo na siya ng damit? Isinama mo na sana siya sa mall. Alam mo naman
yang anak mo. Pangdalaga na ang taste.”
Sige Tatay, ipagtanggol mo ako sa Nanay kong lola, tuwa kong sabi sa sarili ko.
“Kasi, gusto ko siyang isurprise. Akala ko naman, matutuwa siya. Libo pa naman yang damit na
iyun!”
Yak! Libo na yun? Buti nga sa kanya, pinapangunahan niya kasi ako.

Isinama ako ni Tatay sa mall. Ako ang pumili ng graduation dress ko. Mas maganda, mas bagay
sa akin. Hindi sumama sa amin si Nanay. May gagawin daw siya.

Ilang araw na lang. Graduation na Si Nanay excited Bumili na rin siya ng kanyang damit.
Binilhan na rin niya si Tatay.
Nang binigay na sa amin ang Graduation Program, inabot ko ito kay Nanay.
“Nay, si Tatay ang magsasabit ng medal ko ha? Ayaw kita kasi tutuksuhin na naman ako ng mga
classmates ko. Magpakulay ka na rin ng buhok, Nay, para naman bumata ka naman”. 
Hindi kumibo Nanay ko. Binuklat lang niya at binasa ang Program.

Graduation ko na . Magpapaayos ako sa parlor kasama ko ang classmate at bestfriend ko.


Makikisabay din ako sa kanila pagpunta sa school. Bigtime kaya siya. Pajero ang sasakyan nila.
Sunod na lang sina Tatay at Nanay sa akin sa school.

Kasukdulan:

Pagdating ko sa school, ang daming pumuri sa akin. Ang ganda ko raw. Dalagang-dalaga
na raw ako. Tuwang-tuwa naman ako.

Marami na ang tao sa school. Mga parents, students, teachers, pero bakit wala pa sina Nanay at
Tatay. Kinabahan ako. Wala akong makakasama sa graduation march.
“Where are your parents, Susie,” tanong ni Teacher habang inaayos niya kami sa linya.
“Teacher, ewan ko po. Tinext ko na nga po pero walang reply.”
Talaga itong si Nanay at Tatay, ang bagal-bagal kumilos. Kinakabahan na ako. Wala akong
kasamang magulang.. Nag-uumpisa na ang graduation march. 

Kakalasan:

Maya-maya ay humihingal na tumatakbo si Tatay. Tumabi sa akin.


“Ang tagal-tagal niyo! Saan si Nanay?”, tanong ko kay Tatay.
“Hindi siya makakasama. Dinala ko siya sa clinic dahil nagka-allergy siya sa hair dye na ginamit
sa kanya kanina.”
Nagpakulay ng buhok si Nanay? Bakit siya nagka-allergy?
“Sabi ko kasi sa kanya na huwag na siyang magtina at may allergy siya duon. Matigas ulo ng
Nanay mo, tulad mo rin.”
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa kay Nanay. Ako ang nagsabi sa kanya na magkulay
siya ng buhok.
Nag-iisa si Tatay sa graduation ko. Gustong-gusto pa naman ni Nanay na mapanuod ako sa
stage. Naawa ako bigla sa kanya.

Kakintalan:
Naalala ko na si Nanay pala ang kasama ko sa paggawa ng mahihirap na projects ko.
Nuong Grade 1 hanggang Grade 4 ako, ginagawan pa niya ako ng reviewer sa exam. Siya pa ang
gumagawa ng assignments ko kapag tinatamad ako. Pati pagkopya ng mga notes ng classmates
ko kapag absent ako, siya ang gumagawa. 
Dapat kasama ko si Nanay ngayon dito. Gustong-gusto niya akong makitang makagraduate. Siya
dapat magsabit ng medalya ko
Isa-isa nang tinatawag ang mga honors ng grade six. Nang tinawag ang pangalan ko, kasama ko
si Tatay. Tuwang-tuwa siya. Isinabit niya ang medal ko. Picture, picture, shake hands sa guest at
mga teachers.
“O, bakit, wala kang kibo bigla,”tanong ni Tatay.
“Sana nandito si Nanay,” sagot ko.
Nagpaalam ako pumuntang CR kasi naiiyak na talaga ako. Kawawa naman Nanay ko. Kung
hindi ko siya ikinahihiya, di sana nandito siya.

Wakas:

Uwian na. Pagdating namin sa bahay, maraming tao.


“Naghanda, Nanay mo kaya maraming tao,” sabi ni Tatay.
Binati ako nina Lolo at Lola, mga pinsan, kaibigan at kapitbahay namin. Tuwang-tuwa sila.
Si Nanay… nakita ko siya na suot ang damit na binili niya para sa graduation ko. Magang-maga
ang mukha niya sa allergy.
Lumapit ako sa kanya. Hinubad ko ang medalya ko at inabot sa kanya, “Para sa iyo, Nay.
Pinaghirapan natin it, ‘di ba?.” At saka ko siya niyakap.
Ngumiti si Nanay. Lalong sumingkit ang mga mata niyang maga. Niyakap din niya ako nang
mahigpit.

You might also like