You are on page 1of 5

Ang Pagpanggap ni Yan

Tauhan:
Yan
G. Diosdado
Mayor
Trabahante

Tagapagsalaysay: Laganap sa isang bansa na ang mga


kababaihan ay walang karapatan na magtrabaho at
nararapat ay nasa bahay lamang. May isang babae na
nagngangalang Yan ang gustong-gustong magtrabaho.
Napagdesiyunan niyang magpanggap bilang lalaki upang
matanggap sa trabaho.

G. Diosdado: Simple lang naman ang iyong gagawin.


Araw-araw ay dadalhin mo ang mga papeles na ito sa
munisipyo.

Yan: Opo.
G. Diosdado: Pagkatapos ay sasama ka tuwing linggo sa
bundok upang tumulong sa paggawa ng mga bagong
bahay. May problema ba tayo diyan?
Yan: Wala po.
Napansin ni G. Diosdado na balot na balot ang katawan
ng kaniyang magiging trabahante.
G. Diosdad: May sakit kaba’t ganiyan ang iyong suot?
Kung ganon, magsimula ka na lang kung maayos na ang
iyong pakiramdam.
Yan: Ganito lang po ako manamit.
Biglang dumating ang isang trabahante at ang mayor ng
kanilang lungsod na galing sa bundok. Basang-basa sa
pawis ang kanilang damit at madumi ang kanilang mga
kamay. Habang naglalakad sila palapit sa kanila ay
naririnig nila ang kanilang pinag-uusapan.
Trabahante: Narinig ko kanina na pagbabawalan na raw
ang mga kababaihan sa paglabas ng bahay. Kawawa
naman sila. Pero kinakailangan pa rin nilang sundin ang
batas dahil iyon ang nagpapabuti sa ating bansa.
Mayor: Hindi ako papayag niyan. Nararapat na lalaki
lamang ang nagtratrabahao dahil tayo lang din naman
ang may sapat na lakas upang gawin ang mga trabaho.
Trabahante: Sa bagay, ano nga ba naman ang mga
trabahong kaya ng mga kababaihan?
Mayor: Oh! Mukhang may bagong trabahante ah.
Dali-daling lumapit ang dalawa kay G. Diosdado at Yan.
Ngunit habang naglalakad sila ay napansin ng mayor na
parang kamukha ni Yan ang kaniyang kapatid na babae.
Nagdadalawang-isip pa siya dahil baka kamukha lang.
Samantala, hindi alam ni Yan na magkatagpo sila ngayon
ng kaniyang kapatid.
G. Diosdado: Nandito na sila. Si Mayor ay tutulong sa
gagawing proyekto sa bundok.
Trabahante 1: Makakaya niya kaya yung trabaho sa
bundok? Ang payat payat ng katawan niya at ang kinis
ng kamay parang babae.
G. Diosdado: Pansin ko nga. Kumain ka nang kumain
para makayanan mo ang iyong trabaho.
Mayor: Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?
G. Diosdado: Ganiyan lang daw siya manamit.
Mayor: Teka, damit iyan ng kapatid ko ah. Ninakaw mo
iyan ano?
Hindi makapagsalita si Yan dahil mabubunyag ang
kaniyang sikreto kung gagawin niya iyon.
Mayor: Tsaka, sombrero din yan ng kapatid ko.
Trabahante 1: Magnanakaw yata ang nakuha mo G.
Diosdado.
G. Diosdado: Baka naman nagkataon lang.
Mayor: May nakaburdang letra ang lahat ng sombrero
ng kapatid ko. Titingnan ko lang kung mayroon ang
kaniyang sinusuot na sombrero.
Kinuha ng mayor ang sombrero mula sa ulo ni Yan.
Sinubakan ni Yan na pigilan ang kaniyang kapatid ngunit
huli na ang lahat dahil siya’y nabisto na. Kumunot ang
kanilang mga noo at nagulat sa nakita.
Mayor: Yan?! Anong ginagawa mo rito? Alam mo bang
maaari kang makulong dahil sa ginawa mo?
Trabahante 1: Naku! Anong gagawin natin ngayon?
Mabuti na lang at nalaman kaagad natin ito kung hindi
ay malalagot tayo!
G. Diosdado: Bakit mo naman ito ginawa, Yan?
Nanatiling kalmado si Yan habang tinitingnan sila isa’t-
isa.
Yan: Gusto ko lang naman maranasan ang magkaroon ng
pantay na karapatan kahit na limitado lamang ang aking
kalayaan sa pinili kong landas.
Mayor: Ngunit alam mong makukulong ka sa paglabag
mo sa batas!
Galit na galit ngayon ang kapatid ni Yan dahil sa kaniyang
ginawa. Sa sobrang galit, parang umuusok na ang ilong
nito.
Yan: Yun nga yung problema. Hindi pantay ang batas at
nararapat lamang na baguhin.
Trabahante 1: Eh hindi nga kaya ng mga kababaihan ang
mga trabaho namin dahil nararapat lang na nasa bahay
lang sila.
Yan: Tao kayo. Tao rin kami. Kung kaya niyo, kaya rin
namin.
Padabog na kinuha ni Yan ang kaniyang sombrero at
umalis. Naiwan ang tatlo na napaisip sa sinabi ni Yan.
Mayor: Tama si Yan. Bukas na bukas, pupuntahan ko ang
pangulo upang sabihin sa kaniya ang aking hinaing na
ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan.

You might also like