You are on page 1of 3

KALAGAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA KASALUKUYAN

Ang wikang pambansa na “Filipino” ay malawakan paring ginagamit ng mga Pilipino sa

kasalukuyan ngunit ito na ay hindi puro at nahahaluan na ng maraming banyagang

salita. Dahil sa impluwensya ng teknolohiya at pag-aaral ng internasyunal na wikang

Ingles sa mga paaralan ay may mga salitang Filipino na nakakalimutan na ng

marami.

Sa kabila nito, maraming makabayang grupo pati na ang gobyerno ang nagsusulong ng

mga gawain upang panatilihin ang ating pambansang wika tulad ng selebrasyon ng

Buwan ng Wika tuwing Agosto at ilang patimpalak sa pagsulat at

pakikipagtalastasan gamit ang Filipino.

WIKA SA KASALUKUYANG PANAHON


Sa panahon natin ngayon, alam naman siguro nating lahat na mas nangingibabaw ang mga makabagong
teknolohiya na naglipana sa kahit saang bansa sa buong mundo. Kung kaya`t marami na sa ating mga
kababayan ang tumatangkilik dito. Pero kamusta na kaya ang kalagayan ng ating wika sa panahon kung
saan yumayabong ang mass media at teknolohiya?
Sa ngayon nahaluan na ang ating wika ng iba't ibang salita. Isang halimbawa na dito ang pag usbong ng
jejemon.
JEJEMON
GAY LINGO
Dahil sa pag usbong ng LGBT Community sa bansa. Nagkaroon din ng sariling wika ang mga bakla.
KOREAN LANGUAGE
KASALUKUYAN
Dahil sa impluwensya ng K-Pop sa bansa, nawiwili na ang mga kabataan na gayahin ang wika ng mga
Koreano. At naapektuhan na rin ang kanilang pananamit.
Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa isang tao. Ito ay isang uri kung paano papaikliin ang
mensahe na nais mong iparating.
Dahil sa patuloy na pagusbong ng mga makabagong teknolohiya, marami na sa ating mga pilipino ang
hindi gumagamit ng ating sariling wika, sapagkat ginagaya na nila ang kanilang mga naririnig, nakikita at
nababasa sa iba’t ibang media, tulad ng Internet, Telebisyon, Telepono (cellphone) at iba pa. Kaya malaki
ang epekto nito sa kalagayang pangwika ng kulturang pilipino. Ganon pa man, atin paring pagyabungin at
paunlarin ang ating sariling wika, para sa kapakanan ng ating bansa.
ISYU SA WIKA

Ang wikang pambansa natin ay bawat bansa may kanya kanyang wikang pambansa.Ang Pilipino ay
itunuturing na isang malayang bansa ay may sariling wikang pambansa.Ito ay ang wikang pilipino at
malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhin subalit di nag-aangkin
ng sariling wikang pambansa.Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang
pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.Ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na naging Filipino.Ang
kasulukuyang filipino ay ang isang isyong naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga Taga
Cebu.Sabi ng mga Cebuano ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita lamang ng
mga taong nasa katagalugan.Ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad sa Filipino na ang wikang filipino ay
hindi tagalog kundi wikang nabuo at kinilalang "Lingua franca" ng kalakhang maynila na lumaganap na sa
buong kapuluan.Ang pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo.Ito ay pinananahanan sa
kasulukuyan ng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 na iba't ibang wika.Kabilang sa mga
pangunahing wika ay. Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog,Cebuano,Ilocano,Pampanga at iba
pa.Pinaniniwalaang ang mga sinaunang pilipino.Nang dumating ang mga Kristiyanismo kaya't minabuti
ng mga prayle na mag-aral ng iba't-ibang wikain sa pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga
katutubo.Sa ganitong paraan naka-ambag sa wika ang mga mananakop ng kastila dahlia sa pagkakasulat
nila ng aklat gramatika ng iba't-ibang ang mga kababayan nila.Nang panahon na himagsikan ng sumibol
sa mga manghihimagsik na pilipino laban sa mga Kastila ang kaisipang isang bansa,isang diwa
kaya't ngat pinili nilang Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda mga
sanaysay,tula,kuwento,liham at mga talumpati na punung-puno sa damdaming bayan.Kahit si Dr.Jose
Rizal at iba pang propagandista sumulat sa kastila,batid nilang ang wika malaking bahagi upang
mapagbuklod ang mga kababayan nila.Nang dumating ang mga Amerikano biglang naunsyami ang
mithiin ng mga pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa
mga paaralan.At ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan.Ito ang dahilan
kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerkano hanggang bago sumiklab ang pangalawang
digmaang pandaigdig,Hindi umunlad ang ating wika yon lang po ang natutunan ko sa ating wikang
pambansa.

Yosi, jokla, erpats, scoobs, tsekot. Kaaya-aya ba sa inyong pandinig ang mga salitang nabanggit? Ilan
lamang ito sa mga salitang nauuso lalo na sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Nabibilang ang mga
salitang ito sa antas na balbal, pangkalye, panlansangan, o islang – ang pinakamababang uri ng salita.
Kalimitan itong ginagamit ng mga taong walang pormal na edukasyon.

Ano nga ba ang naidudulot ng paggamit ng mga salitang balbal sa ating lipunan? Iba’t ibang masasamang
epekto ang naidudulot ng paggamit ng salitang balbal sa pag-unlad ng ating wikang pambansa. Una sa
lahat, napapatagal nito ang istandardisasyon o ang pagkakasundo sa kung anong pamantayan ang
gagamitin. Kaakilap din nito ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan na resulta ng pagbibigay ng
panibagong kahulugan sa mga umiiral na na salitang Filipino. Hindi rin maiwasan ang paggamit ng mga
salitang pangkalye sa pagsasagawa ng mga ilegal na transaksyon tulad na lamang ng pag-aangkat ng mga
ipinagbabawal na gamot. Higit sa lahat, lubhang naaapektuhan nito ang mga estudyante sa kanilang pag-
aaral. Hindi nila maiwasan na gamitin ito sa mga pormal na komposisyon at talumpati o kaya naman
nagkakamali sila sa pagbaybay ng mga salita.
Sinasabing ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa. Subalit, sa paggamit ng salitang
balbal, ano na lang kaya ang iisipin ng ibang tao sa atin? Papayag ba tayo na ang tingin nila sa atin ay
hindi edukado? Oo, nakakasabay tayo sa kung ano ang uso dahil sa paggamit ng mga salitang ito. Pero
paano naman ang wikang Filipino? Patuloy na lang ba itong magiging kulang sa pansin?

Sa panahon ngayon may mga salitang basta-basta na lamang sumusulpot at sumisikat kahit hindi
natin lubusang alam kung ano ang tunay na kahulugan kahit araw-araw natin itong ginagamit para
makipaguspa sa ibang tao. Hindi man natin sinasadyang gamitin ito, madalas ay nangyayari pa rin ito sahil
na rin siguro sa kasikatan ng mga salita na kadalasang pinapasikat ng mass medya kung saan mas
napapalaganap ang mga Diamanteng Kabute tulad ng (Pak – Tumpak/ Ganern – Ganoon). Sa
kasalukuyan, ang aking napapansin ay mas nabibigyan ng diin o mas nagagamit ang mga “diamanteng
kabute” kaysa sa mga salitang minsang nagging bahagi ng ating kasaysayan at sa aking pananaw, hindi
naman ito mali ngunit kahit paminsan minsan, dapat ay ginagamit pa din natin ang ating sariling wika
dahil ito ay isa din sa pagpapakita ng pagmamahal sa ating bayan.

Masakit man isipin na mismong mga kabatatan ang nagbabago ng mga nakalakhang salita, may maganda
parin namang naidudulot ang mga pagkakagawa ng mga salitang ito dahil kung titingan natin sa ibang
angulo ay nakabuti ito sapagkat madaling nagkakaisa ngayon ang mga kabataan sa kanilang pakikihabilo
sa isa’t –isa sapagkat mas madali silang nagkakaintindihan. Nagiging kaswal lamang ang usapan dahil
hindi malalalim na salita ang kanilang ginagamit. Hindi naman masama ang pag gamit ng mga
“diamanteng kabute” ngunit, pakakatandaan natin na kung hindi man natin magamit ng madalas ang mga
salita noon , irespeto natin ang mga ito dahil hindi lamang ito basta salita ngunit ang mga ito ay nagging
bahagi narin ng ating kasaysayan.

You might also like