You are on page 1of 72

YUGTO

BLACK.

FADE IN.

ELOY
(V.O.)
Letse, ako pa napagtripan.

FADE IN.

INT. BUS – DAY

ELOY, isang estudyanteng nasa kolehiyo. Siya ang


nabigyan ng kanyang guro ng isang proyekto tungkol
sa isang pamilya. Papunta siya sa bayan kung saan
nagsimula ang lahat.

ELOY
(V.O.)
Dami-daming dapat makita sa klase ako pa ang
napansin. Nakatulog lang, di ba siya natutulog?

Nilapitan siya ng konduktor upang singilin.

KONDUKTOR
Sir, ticket nyo po. Sir!

Hindi siya naririnig ng binata sapagkat wala pa rin


itong tigil sa pagbulong sa kanyang sarili.

ELOY
(V.O.)
Akala mo kung sino, eh bago…
KONDUKTOR
Sir! Ticket po.

Napansin siya ni Eloy at dali-dali niyang kinuha


ang pambayad sa kanyang pitaka. Malamya niya itong
binukasan kasabay ng panginginig ng kanyang kamay.
Naghihintay na ang konduktor ngunit hindi niya pa
rin makuha ang kanyang pambayad.

ELOY
Saglit lang po ah…

KONDUKTOR
(Pabulong)
Tagal naman, dami pang pasahero eh…

Iaabot na sana ni Eloy ang kanyang pambayad ngunit


ito ay nilipad ng hangin. Mukhang inis na inis at
wala ng pasensya sa kanya ang konduktor.

KONDUKTOR
(Naiinis)
Ano na?

ELOY
(V.O.)
Malas…

FADE OUT.

TITLE SCREEN

BLACK.

INT. CLASSROOM – DAY


Maingay at magulo. Bawat isa ay may baong balita at
kwento. Makikita sa bawat sulok ng silid ay may mga
nag-uusap na mga estudyante habang ang isang binata
ay mahimbing na natutulog. Sa gitna ng ingay,
pumasok ang kanilang guro.

TEACHER
(V.O.)
(Seryoso)
Magandang umaga.

Ang lahat ay tumayo upang bumati pwera nalang sa


isa. Malalim pa rin ang tulog ni Eloy kaya naman
siya ay napansin ng kanilang guro.

TEACHER
(V.O.)
Gisingin ninyo yang gagong yan.

Sumunod sa utos ang isang estudyante at tinapik si


Eloy upang magisinh.

STUDENT 1
(Naiinis)
Gumising ka daw brad. Andyan na si sir.

Gulat na tumayo si Eloy at nagpunas ng bibig.


Halata sa kanya ang pagod at kaba.

STUDENT 2
(Nang-aasar)
Good Morning…Gago!

Bumalik na naman ang ingay dahil sa halo-halong


tawanan. Mapapayuko na lamang si Eloy sa kahihiyan.

L-CUT, laughter continues then turns to echoes.

EXT. BUS TRANSIT, BUS DOOR – DAY


Sunod-sunod ang pagbaba ng mga tao at masaya silang
binabati ng konduktor.
KONDUKTOR
(Masigla)
Thank you po and have a safe trip!

Bumaba na rin si Eloy upang makapagsimula na ng


kanyang araw. Ngumiti siya si konduktor.

KONDUKTOR
Have a sa-

Napawi ang ngiti sa konduktor dahil napansin niya


na ang pasaherong bumaba ay si Eloy. Pumorma ito na
para bang susuntukin ang binata.

KONDUKTOR
Sasakay-sakay pa ng bus tatanga-tanga naman…

CUT TO.

EXT. BUSY STREET – DAY


Naglakad siya upang masimulan ang proyekto ngunit
ang kanyang isipan ay tila nasa alapaap pa. Wala pa
siya sa wisyo at hindi niya pa rin alam kung saan
magsisimula.
ELOY
(Hinga ng malalim)
(V.O.)
Masimulan na nga.

CONTINOUS SHOT.

EXT. STREET 2 – DAY


Magulo ang daan at parang walang matinong tao ang
nakatira rito ngunit nagtanong-tanong pa rin ang
binata sa bawat taong madaanan niya. Ang iba ay
simpleng tumatango at ang iba naman ay walang imik.
EXT. STREET 3 – DAY
Naabutan ni Eloy ang grupo ng mga tambay sa tapat
ng isang tindahan. Ang isa ay may mga hawak na bote
ng beer at ang iba naman ay may mga sigarilyo.
Kinausap ni Eloy ang isa rito at makikita na
pumapayag ang lalaki sa kung ano man ang sinasabi
ng binata.

CUT TO, Eloy was about to sit.

EXT. STREET 3 – DAY


Paupo na si Eloy upang makausap ng ayos ang lalaki.
Ernie ang pangalan nito. Sumipsip ito sa kanyang
beer habang kinakausap siya ni Eloy.

ERNIE
(Kinakamot ang ulo)
Ano nga ba ulit to? Para saan?

ELOY
Para sa proyekto ko ho. Tatanungin ko po sana kayo
tungkol sa mga Garza?

ERNIE
Ah Garza ba ka-

Hindi na naituloy ni Ernie ang kanyang sasabihin


dahil dumating ang galit na galit niyang asawa. Ito
ay may hawak na kawali at sa kanyang inis, ibinato
kay Ernie ang kanyang tsinelas.

ERNIE’S WIFE
Gago ka Ernie! Sabi ko bantayan mo yung niluluto
ko! Wala kang kwenta!

ERNIE
Puta wag! Wag hoy-
Tumakbo palayo si Ernie habang hinahabol siya ng
kanyang asawa. Dismayado at malalim na napabuntong-
hininga na lamang si Eloy.

EXT. STREET CROSSING – DAY


May nakasalubong si Eloy na baranggay tanod kasama
ang iba pang tauhan nito. Mataas ang tindig ng
lalaki at patuloy na nagmamasis sa kanyang paligid.
Tinanong siya ni Eloy habang hawak ng binata ang
kanyang sariling gamit.

BARANGGAY TANOD
Garza ba kamo?

ELOY
Opo, ser.

BARANGGAY TANOD
Mga kurakot yung mga yun, walang ginawang maganda
sa bayan. Di tulad ko, tumutulong sa bayan ko.

ELOY
Ganoon po ba? Nakausap o nakita niyo po ba sila ng
personal?

Nagkagulo ang ilang kabataan sa gilid ng kalsada at


gumawa ng ingay kaya naman ito ay sinigawan at
nilapitan ng baranggay tanod.

BARANGGAY TANOD
Hindi eh, Sandali ah. Hoy! Ang gugulo niyo!

Dahil sa eskandalo, hindi na naman nakakuha ng


maayos na kasagutan si Eloy. Makikita sa mukha niya
ang pagkadismaya at ang kawalan ng pag-asa.

EXT. BEAUTY PARLOR – DAY


Sa labas ng isang paggupitan ay may dalawang
lalaking nakatayo at naninigarilyo. Parehas silang
puno ng kolorete sa mukha.
PRINCESS
Ano nga ba ulet ang iyong questionibells?

NICOLE
Pang miss universe ba yan?

ELOY
Hindi po, proyekto lang po.

Inabot ng dalawa ang kanilang mga kamay upang


magpakilala.

PRINCESS
Princess, nga pa la

NICOLE
Nicole.

ELOY
Tungkol sa mga Garza po, ano po ang alam ninyo
tungkol sa kanila?

NICOLE
Mga gwapo!

PRINCESS
(Sang-ayon)
Ay oo, bet ko si Enrique

NICOLE
Ang landi mo bading!

Lumipad na ang utak at ang usapan ng dalawa at


nalimutan na nila ang katanungan ni Eloy. Hindi na
maipinta ang mukha ni Eloy at tila inis na inis na
ang binata kaya naman ito ay napapikit na lamang.

J-CUT, classroom discussion.


INT. CLASSROOM – DAY – FLASHBACK
Bumabagsak na ang mga mata ni Eloy ngunit ito ay
pilit niya pa ring binubuksan. Maririnig ang
pagtuturo ng kanyang guro at ang ingay ng kanyang
mga kaklase. Ito ay palakas ng palakas.

TEACHER
(V.O.)
Ating masasabi na sa kasaysayan ng Pilipinas,
laging mayroong mga lider na aabusuhin ang kanilang
kapangyarihan. Tulad na lamang nila Erap…

Hindi na maiintindihan ng ayos ang mga itinuturo at


hindi na rin malinaw ang mga naririnig ni Eloy sa
kanyang paligid dahil sa kaantukan.

TEACHER
(V.O.)
(CONT’D)
…Marcos at ang mga Garza. Sa kasaysayan ng bansa
sila ang pinakakilala bilang…

Ang isa sa mga kaklase ni Eloy ay napili na siya


mismo ang pagtripan at lokohin. Para siya ay
magising, binuhusan siya ng tubig sa kanyang likod
kaya naman siya ay gulat na napatayo. Napatigil sa
pagtuturo ang kanilang guro at tumawa ng malakas
ang lahat ng estudyante. Paupo na sana si Eloy ng
bigla siyang sinigawan ng kanilang guro.

TEACHER
(Pasigaw)
Tayo!

ELOY
(Kabado)
Ho?

Lumapit ito sa kanya. Ang buong klase naman ay


natahimik ngunit mayroon pa ring nagbubulungan.
TEACHER
(V.O.)
Eto, eto ang dahilan kung bakit hindi nakakaahon
ang Pilipinas. Kapag kailangan mo ang gobyerno,
tulog.

Lumakas ulit ang tawanan sa paligid. Hindi alam ni


Eloy kung paano maitatago ang nararamdaman. Umupo
sa malapit na upuan ang guro at tinanong siyang
muli.
TEACHER
(V.O)
Ano ang huling sinabi ko?

ELOY
Ho? Tu-tu-tulog po…

Tuluyan nang nabalot ng tawanan ang kanilang silid.


Dinagdagan pa ng guro ang kanyang paghahalintulad
kay Eloy sa gobyerno. Hiya at pagkagulat ang
tanging emosyon na nararamdaman ni Eloy.

TEACHER
(V.O.)
Kaya tignan mo, tatanga-tanga, di alam kung ano
ang totoong kailangan.

Tumigil na ang tawanan at bumalik na rin sa wakas


ang guro sa harapan.

TEACHER
(V.O.)
Inaasahan ko ang mga research paper nyo.
Pasalamatan nyo ang kaklase nyong laging tulog.
Mister Esguerra, maiwan ka pagkatapos ng klase.

Lalong pinag-initan si Eloy ng kanyang mga kaklase


dahil sa sinabi ng kanilang guro. Ang iba ay bigla
siyang tinapunan ng masamang tingin at lukot na
papel.

L-CUT, voice of the teacher echoes.

EXT. STREET INFRONT OF GARZA ESTATE – DAY


Malungkot na naglalakad si Eloy. Halata sa kanya
ang pagod at ang pagtulo ng kanyang pawis.

ELOY
(V.O.)
Sabi ko na nga wala rin patutunguhan ang lahat.
Nang aalaska lang yung buwisit na prof na ‘yon.
Wala na, bagsak na kung bagsak.

Tumigil sa paglalakad ang kayang mga paa sa tapat


ng isang malaking bahay. Lingid sa kaalaman niya na
ito pala ang mansyon ng mga Garza. Makikita sa
labas si ANITA, siya ang matandang tiga-bantay ng
mansyon. Ang lubos na pinagkakatiwalaan ng mga
Garza.

ANITA
Anak, mukhang pagod na pagod ka ah. Pumasok ka
muna at bibigyan kita ng maiinom.

ELOY
(Magtataka)
Ho? Ako po ba?

ANITA
Oo at wag ka na mahiya, pumasok ka na dali.

Hinila ni Anita si Eloy papasok. Wala ng rason ang


binata upang tumanggi kaya sumunod na lamang ito
kay Anita.

CUT TO, Eloy getting ppulled by Anita into the


house.
INT. GARZA ROOM – DAY
Inalalayan ni Anita si Eloy papasok ng bahay.

ANITA
Pumasok ka na anak.

ELOY
(embarrassed)
Ho…? Ah sige ho.

ANITA
Pakisarado yang pinto.

Pinaupo ni Anita si Eloy sa sala habang siya naman


ay dumiretso sa kusina upang kumuha ng maiinom.

ANITA
(V.O.)
Ano gusto mo nak? Kape, Juice, Tsaa gusto mo?

ELOY
Kahit ano po. Ay siguro kape nalang po.

ANITA
(V.O)
Ano ang ginagawa mo sa labas? Naku, pagpasensyahan
mo na ako ah. Masyado na ba akong matanong?

Imbis na maupo ay umikot at iginala ni Eloy ang


kanyang sarili sa paligi. Tinignan niya ang bawat
kagamitan hanggang sa mapansin niya ang mga
litrato. Maririnig pa rin ang pagsasalita ni Anita.

ANITA
(V.O.)
(CONT’D)
…Alam mo kasi iho, minsan nalang ako makakita ng
bagong mukha sa bayan na ito. Simula kasi nung-
Maabutan ni Anita si Eloy na nakatingin sa mga
litrato.
ANITA
(Ibibigay kay Eloy ang kape)
Ah! Kilala mo ba sila? Sila ang mga Garza, dating
may ari ng bahay na ito.

ELOY
(Gulat)
Garza? Kilala n’yo po sila?

ANITA
Oo, katulong na ako dito, dise sais pa lang ako.

Eloy stops looking at the painting, he stares at


Anita.

ANITA
Oh, parang natigilan ka? Bakit? Ah yung tsismis ba?

Kinuha agad ni Eloy ang kanyang kwaderno upang


magsulat. Sa wakas ay nararamdaman niyang may
makukuha siyang kasagutan tungkol sa pamilya.

ANITA
Aba! Parang handa ka mag interview ah. Makikita ba
ako sa tv? Naku, di pa ako nakapagaayos.

ELOY
Hindi po, sa school lang po ito.

Umupo na ang dalawa upang masimulan na ang


pagtatanong.

ANITA
O sige, ano ba ang mga gusto mo malaman? Ay teka
ano nga pala ang pangalan mo anak?
ELOY
Ako ho si Eloy at gusto ko pong malaman lahat ng
alam n’yo tungkol sa mga Garza.

ANITA
Lahat? Oh sige, paano ko ba sisimulan…

INT. GARZA HOUSE PROPER – NIGHT – FLASHBACK


Mga ilaw, musika at punong puno ng mga tao. Iyan
ang makikita mo sa loob ng isang magarbong bahay na
pagmamay-ari ng isang maimpluwensyang pamilya- ang
mga Garza.
ANITA
(V.O.)
Mahilig sila noon sa mga handaan. Halos tuwing
sabado ata ay iniimbitahan nila ang mga tao sa
bayang ito upang makasama sa isang malaking
handaan.

ELOY
(V.O.)
Ang magkakapatid po? Ano po ang masasabi niyo sa
kanila?

ANITA
(V.O.)
Nako, napakababait ng mga ‘yan. ‘Di ko nga alam
kung saan nang galing yung mga pinipintas nila.

ELOY
(V.O.)
Apat ho sila hindi ba? Maari niyo po ba silang isa-
isahin?

ANITA
(V.O.)
Simulan natin kay…
Nagiikot-ikot ang dalagang Anita upang makatulong
sa paghahanda sa bahay ngunit bigla siyang tinawag
ni ARTURO, ang panganay at ang pinaka-aroganteng
miyembro ng pamilya Garza.

ARTURO
(Umiinom ng alak)
Anita! Ayusin mo nga ang paghain mo para sa mga
tao. Tandaan mo, sila ang mga hampaslupa na mga
iyan ang boboto sa akin.

Pagkatapos siyang balaan ni Arturo ay


makakasalubong niya naman si ALEJANDRA, ang
pangatlo sa magkakapatid. Ang ugali ay parang kay
Arturo ngunit mas mabait ang babaeng ito.

ALEJANDRA
(Kumakain ng biskwit)
Napakaganda talaga ng gabi Anita, parang ako. Kay
hirap talaga ng maganda, madami kang papaasahin.

Nilapitan si Alejandra ng mga lalaking gusto siyang


isayaw para sa gabing iyon ngunit mabili niya itong
tinanggihan at biglang umalis. Inalok naman ni
Anita si ENRIQUE, ang pangalawa sa magkakapatid at
ang laging ikinukumpara sa kanyang kuya.

ENRIQUE
(Kumukuha at kumakain ng biskwit)
Ang sarap talaga ng mga pagkaing inihahanda mo
Anita. Pinagtabi mo ba ako? Tiraan mo ako nito
tsaka ire. Pagkatapos niyan ay makisaya ka na
kasama namin.

Biglang dumating ang isang lalaking


pinakahinihintay ni Enrique, si SANTIAGO, ang mayor
at pinakamatalik niyang kaibigan.
ENRIQUE
O, siya, maiwan na kita dahil nariyan na ang bisita
ko. Santiago!

Pinuntahan ni Enrique si Santiago. Sunod na lumapit


naman kay Anita si ISADORA, ang bunso sa
magkakapatid na Garza.

ISADORA
(Tila nang-aasar)
Ayan na! Ang lalaking kayang pakirihin ang sinumang
birhen sa bayan. Mag ingat ka Anita, ikaw na ang
susunod. Sandali, sinabihan ka ba ni kuya Enrique
na mag-ayos? Halika na Anita, sumama ka na sa amin.
Itigil mo muna ang mga ginagawa mo.

Binigyan na lamang ni Anita ng isang matamis na


ngiti ang mabait na Isadora.

INT. GARZA SALA – DAY


Masayang inalala ni Anita ang pangyayari noon.

ANITA
Ay basta! Mababait ang mga yun, iba-iba ang ugali
pero ganun naman talaga ang isang pamilya hindi ba?

Hindi alam ni Eloy kung ano ang mga paniniwalaan.


Patuloy siyang may tanong sa kanyang isip kaya
naman itinanonh niya ang taong si-

ELOY
Nabanggit niyo po si Santiago. Siya ho ba ang mayor
ng bayan na ito noon?

ANITA
Oo.

ELOY
(Bubulong sa sarili)
Hindi ba’t magkakaaway ang mga yun?
ANITA
Away? Naku hinde!

INT. GARZA HOUSE PROPER – NIGHT – FLASHBACK


Enrique is talking with Santiago, all the ladies
they pass through would wave at them. Anita is
peeking through the corner, blushing.

ANITA
(V.O.)
Palagi nga silang naguusap kapag may handaan dito.
Hindi lang politika ang pinagkakasunduan nila, alam
na alam din nila kung paano pakiligin ang mga babae
dito sa bayan.

INT. GARZA SALA – DAY


Anita can be seen smiling. Eloy was only more
curious.

ELOY
May alam pa po ba kayo tungkol kay Santiago?

ANITA
Naku iho, hanggang doon na lamang ang mga
nalalaman ko tungkol sa lalaking iyon. Pasensya ka
na iho ah. Pero, bakit hindi mo subukang puntahan
si Pamela, oo tama iho, puntahan mo ang paboritong
babae ni Santiago.

ELOY
(V.O.)
Kung akalain mo nga naman, sinuwerte pa ako.
Mukhang di ako babagsak. Kapag natapos ko to
iapapamukha ko sa prof. na iyon kung sino ang mang-
mang sa aming dalawa.

ANITA
(Ibibigay ang papel kay Eloy)
Eto, bakit hindi mo subukan ito? Sa pagkakalaam ko
eto parin ang tinitirahan niya.

Ipinakita ni Anita kay Eloy ang papel na naglalaman


ng impormasyon tungkol kay PAMELA, ang kabit ni
Santiago.

ZOOM to Pamela’s face then FADE OUT.


INT. CLASSROOM – NOON - FLASHBACK
Ang lahat ay nag-aayos na ng kanilang gamit upang
makalabas na ng silid. Naiwan si Eloy kaya naman
siya ay napansin ulit ng guro at pinalapit.

TEACHER
Mr. Esguerra, halika dito.

Mabilis na sumunod ang binata at lumapit.

TEACHER
Alam mo na kung bakit kita pinatawag.

ELOY (v.o.)
oho…

Hindi na alam ni Eloy ang gagawin kaya’t siya ay


makikitang tulala na lamang habang ang mga mata ay
nagpapakita ng lubos na kalungkutan. Patuloy na
nagsasalita ang kanyang guro ngunit hindi niya ito
marinig ng malinaw.

TEACHER
Mababa na grades mo, babagsak ka na Mr. Esguerra,
isang nalang bibingo ka na talaga sa akin. Para
makabawi, bibigyan kita ng research. Mag interview
ka ha, gusto ko may boses at gusto ko may masasabi
sila tungkol sa mga Garza.

MATCH CUT, from the ballpen na tinatap ng teacher


to the cigarette ni Pamela.
INT. PAMELA’S HOUSE – NOON
Mauubo si Eloy dahil sa usok mula sa paninigarilyo
ni Pamela. Mapapatingin siya muli sa litrato at
itatanong muli kay Pamela upang makasiguro na tama
ang pinuntahan niya.
ELOY
(Umuubo)
Kayo po ba talaga ito?

Hindi makapaniwala si Eloy dahil malaki ang


pinagbago ng itsura ng babae. Maiinsulto si Pamela
sa tanong ni Eloy.
PAMELA
(Matatawa na parang naasar)
Bakit ka nandito? Masyado ka pang bata para sa
akin.

ELOY
Magtatanong lang ho sana tungkol kay Don Santiago.

Matitigilan si Pamela at matatawa. Ibababa niya ang


kanyang sigarilyo sa lalagyan at magseseryoso.

PAMELA
Ano pangalan mo?

ELOY
Eloy ho.

PAMELA
Eloy, ano ang gusto mo malaman tungkol kay
Santiago?

INT. BEDROOM – NIGHT - FLASHBACK


Papasok si Santiago sa loob ng bahay ni Pamela ng
tahimik. Titingin muna siya sa paligid bago
tanggalin ang kanyang mga butones.
ELOY
(V.O.)
Gaano po kayo kalapit kay Don Santiago?

PAMELA
(V.O.)
(Maarte ang pagkakabigkas na tila nang-aakit)
Malapit…malapit na malapit.

May biglang humila kay Santiago habang ito ay


nagtatanggal ng kanyang kasuotan. Ang babaenh ito
ay si Pamela.
SANTIAGO
(Tinatanggal ang butones ng kanyang suot)
Saglit! Matuto kang mag hintay.

PAMELA
(V.O.)
Kaming dalawa ni Tiago ay may espesyal na relasyon…

Mabilis na tumakbo at binuhat ni Santiago si Pamela


papunta sa kama. Maririnig silang nagtatawanan at
naglalandian.

INT. PAMELA’S HOUSE – NOON


Magsisindi pa ulit si Pamela ng isa pang sigarilyo
habang si Eloy naman ay magugulat at mandidiri sa
mga narinig.
ELOY
(Diring-diri)
Hindi ho iyon, ang ibig ko pong sabihin ay kung
gaano nyo siya kakilala?!

PAMELA
(Maiinis)
Aba, ayoko ng tono mo!

ELOY
Pasensya na ho, gusto ko lang po talagang malaman.
Kung hindi niyo ho mamasamain.
ELOY
(V.O.)
Bobo mo Eloy…bakit ko ba sinabi yun…hay nako…

PAMELA
(Nakataas ang isang kilay)
Sige…kung ganyan ka ka interesado sa istorya ko.

Nakahinga ng maluwag si Eloy dahil itinuloy ulit ni


Pamela ang kanyang kwento.

INT. BEDROOM – NIGHT – FLASHBACK


Maingay at magulo ang galaw ng kama. Makikita rin
ang kalat ng mga damit ng dalawa.

PAMELA
(V.O.)
Si Tiago ang tipo ng lalaki na hindi mo maabutan sa
umaga. Pagkatapos ng gabi ay sa gabi mo nalang ulit
siya makikita. Kilala siya sa pagiging matinik niya
sa mga babae.

PAMELA
(Maarte ang pagkakabigkas)
(FLASHBACK)
Tiago…

SANTIAGO
Ayos ka lang ba senorita?

PAMELA
(Tumatawa)
Ikaw talaga!

ELOY
Bukod po sa pagiging mapusok niya sa mga dalaga,
meron pa po ba kayong masasabi tungkol sa kanya?

PAMELA
(Maiinis)
Ano ba ang pilit mong hinahanap? Si Tiago ay
babaero, nawawala tuwing umaga. Yun na yun.

INT. PAMELA’S HOUSE – NOON


Biglang may maaalala si Pamela.

PAMELA
Puwera nalang noong…

ELOY
(Excited)
Puwera noong?

PAMELA
Noong gabi bago siya nabaril.

ELOY
Nabaril? Paano po nangyari yun?

INT. BEDROOM – NIGHT – FLASHBACK


Ang dalawa ay hindi pa rin maistorbo dahil sa
ginagawa ngunit may taong kumakatok na sa pintuan.

PAMELA
(V.O.)
Nung gabing iyon, dumating si Gomez para sunduin si
Tiago

ELOY
(V.O.)
Gomez? Sino ho si Gomez?

PAMELA
(V.O.)
Matalik na kaibigan ni Tiago. Kanang kamay niya
din. Kasama niya yun palagi.
PAMELA
Sino ba yun Tiago? Bakit katok ng katok? May iba
bang naka toka ngayong gabi?

SANTIAGO
Wala…wag mo nalang problemahin.

PAMELA
Sagutin mo muna!

SANTIAGO
Hindi wag na.

PAMELA
Sagutin mo!

Hindi matigil ang pagkatok kaya naman tumayo na si


Santiago at nagsuot ng pambaba upang buksan ang
pintuan.
SANTIAGO
(Habang sinusuot ang pambaba)
Sino ba yan? bwiset, istorbo naman oh!

Binilisan niya ang pagsuot hanggang sa mabuksan na


niya ang pinto.

SANTIAGO
(Naiinis habang kinakamot ang ulo)
Gomez? Hindi mo ba alam anong oras ngayon? Tangina
naman Gomez, eh.

GOMEZ
Sorry ho…importante lang. Iniintay na po kasi kayo.

Bumangon na rin si Pamela at mabilis na pinulot at


sinuot ang kanyang damit. Tinitignan niya ng may
pagtataka ang dalawa habang nag-uusap nang biglang
lumingon at lumapit sa kanya si Santiago upang
magpaalam. Hinalikan siya ng lalaki sa noo.
PAMELA
O, bakit? Aalis ka na? alas kwatro pa lang ah.

SANTIAGO
Sa susunod nalang, kailangan ko na lumiban.

PAMELA
Oh sige…ganyan ka naman palagi, kapag tapos ka na
sa akin liliban ka na

Paalis na sana si Santiago pero binalikan niya si


Pamela at hinagkan.

SANTIAGO
Pangako, kapag maayos na ang lahat, babalikan kita.

INT. PAMELA’S HOUSE – NOON


Nakatingin lamang si Eloy kay Pamela habang ito ay
walang malay na nakatulala sa may bintana. Seryoso
ang mukha nito.
PAMELA
Matapos nung gabing yun hindi na siya bumalik pa.
Nabalitaan ko nalang na nabaril siya ng mga
madaling araw.

ELOY
Ganun nalang ho? Biglaan nalang? Alam niyo po ba
bakit?

PAMELA
Malay ko ba! Sabi ni Gomez dahil daw sa mga Garza.
Pakielam ko ba sa gagong yun, habol ko lang naman
ang kusing ng mga bulsa niya.

Hindi na sinundan pa ni Eloy ang kanyang mga


katanungan. Bumalik ulit sa katahimikan si Pamela.

PAMELA
(Pabulong)
Tiago…kahit sa huling pangako mo, napako ka pa din…
ELOY
Alam niyo po ba saan matatagpuan si Gomez?

Itinuro ni Pamela ang kanyang mga kamay upang


abutin ang kwaderno at ang panulat ni Eloy.

PAMELA
Papel at ballpen.

Binigyan siya ni Eloy ng papel at panulat. Isinulat


naman dito ni Pamela ang buong pangalan ng lugar
kung saan naninirahan si Gomez. Pagkatapos niyang
isulat ito, hinalikan niya ang papel upang mag-iwan
ng marka.
PAMELA
(Ibinalik ang gamit kay Eloy)
Eto, ipakita mo ito sa kanya kapag natagpuan mo
siya.

Tinanggap ni Eloy ang papel ng may diretsong mukha.


Tinitigan niya lamang ito ng matagal.

PAMELA
Oh, siya, magluluto pa ako ng tanghalian. Dito ka
na kumain.

INT. ELOY’S ROOM – MORNING – FLASHBACK


Inis na inis na nag-aayos ng gamit si Eloy habang
sinisermonan siya ng kanyang ina.

MRS. ESGUERRA
(BACKGROUND NOISE)
Aalis ka nanaman? At saan ka pupunta? Gagala ka
ha? Kapag ikaw naku sinasabi ko sa iyo Eloy ay
napahamak bahala ka sa buhay mo. Ikaw talgang bata
ka! Kung ano maisipan ng kokote mo, gagawin mo.
Bumababa na ng hagdan si Eloy upang makaalis na
ngunit naabutan siya ng kanyang ina na mukhang mya
handa para sa kanya.

MRS. ESGUERRA
O, eto…

She hands out a packed lunch to Eloy. Eloy is


surprised.
MRS. ESGUERRA
Baunin mo ito, kainin mo kapag nagutom ka. Mag
iingat ka ah. Naku ikaw talagang bata ka!

Tinanggap ito ni Eloy ng may ngiti sa kanyang mga


labi.
MRS. ESGUERRA
Sige na layas na, at baka magbago pa isip ko.

EXT. GOMEZ’S HOME – NOON


Hawak pa rin ni Eloy ang papel na ibinigay ni
Pamela. Titig na titig siya rito habang patuloy na
kumakatok sa pinto.
ELOY
(V.O.)
Matatapos ko kaya ito? Napakamalas ko naman.
Mukhang dito na magtatapos ang paglalakbay ko.
Lahat patungo sa-

Bumukas ang pintuan at nagpakita na rin ang taong


hinihintay ni Eloy. Iniluwa ng pinto si GOMEZ, ang
matalik na kaibigan ni Santiago.

ELOY
Patawad ho, patawad ho. Ako nga po pala si Eloy.

GOMEZ
Ano problema mo? Tanghaling tapat nangangalampag ka
ng pinto!

ELOY
Pasesnsya na ho…

GOMEZ
Ano ba iyon? Ah nandito ka ba para sa lupa? Ilang
beses ko bang sasabihin na hindi ko nga ibebenta
magkano man ang halaga.

ELOY
Hindi po, may gusto po sana akong itanong sa inyo
tungkol sa mga Garza.

GOMEZ
Tangina, wag mo nga sayangin ang oras ko.

Isasara na sana ni Gomez ang pinto pero mabilis na


ipinakita ni Eloy ang papel na galing mismo kay
Pamela.
ELOY
Saglit ho, pinadala po ako ni Aling Pamela. Eto ho,
siya mismo ang nagdala sa akin dito.

Ibinigay ni Eloy ang papel kay Gomez. Tinitigan


niya ito at unti-unting na niyang pinapasok ang
binata.

INT. GOMEZ HOME – NOON


Malaki ang bahay ni Gomez ngunit ito ay puno ng mga
bote ng beer. Ang dating maganda at maaliwalas at
nabalot na ng mga kalat at dumi.

GOMEZ
Maupo ka iho, kukuha lang ako ng inuman.

Inilibot ni Eloy ang kanyang mga mata sa buong


bahay.

ELOY
Sa wakas, ngumingiti na ang tadhana.
Gomez comes back after, carrying two bottles of
beer. He puts it down the table.

GOMEZ
Beer?

ELOY
Salamat po.

Hindi matanggihan ni Eloy ang alok ng matanda


sapagkat gusto niya itong makausap pa ng
masinsinan.
GOMEZ
Pinapunta ka ni Pamela?

ELOY
Oho.

GOMEZ
Tungkol kay Santiago ba ang sadya mo?

ELOY
Opo at kung ayos lang po sa inyo, may isa pa ho
sana akong itatanong.

GOMEZ
Ano iyon iho?

ELOY
Alam niyo po ba ang nangyari sa mga Garza?

GOMEZ
(Tawa na may halong inis)
Garza ba kamo? Yung pamilya ng mga salot na walang
dinala sa bayan kundi kamalasan?

ELOY
Maari niyo po bang ikwento ang mga nangyari?
EXT. FOREST – NIGHT – FLASHBACK
Bilang kanang kamay, kasama ni Santiago si Gomez sa
gubat kung saan makikipagkita si Enrique Garza sa
kanila. Mabilis na nilapitan ni Enrique si Don
Santiago.
GOMEZ
(V.O.)
Madaling araw na noon, kakadating lang namin ni
Tiago sa napagusapang lugar. Hindi ko alam kung
bakit ito ang oras at lugar na napili ni Enrique
para makipagkita kay Santiago. Naabutan namin
siyang naghihintay.

ENRIQUE
(Iaabot ang kamay)
Mayor.

SANTIAGO
(Tatanggapin ang kamay ni Enrique)
Enrique Garza, ipagpaumanhin mo at nahuli ako. Nasa
gitna ako ng trabaho.

ENRIQUE
Hindi mo na kailangan itago Tiago, alam ko ang
iyong ibig sabihin.

ELOY
(V.O)
Ano po ang napag-usapan nila nang gabing iyon?

Tinignan ng dalawa si Gomez. Sinenyasan nila si


Gomez na umalis upang makapag-usap ng masinsinan.

GOMEZ
(V.O.)
Hindi ko alam ang pinagusapan nila pero marahil
tungkol iyon sa politika. Diyan naman kilala ang
mga Garza, mga gagong ayaw humiwalay sa
kapangyarihan.
ELOY
(V.O.)
At si Santiago po? Totoo po bang pinapatay siya ng
mga Garza?

EXT. FOREST – NIGHT - FLASHBACK


Tahimik na nakamasid lamang si Gomez sa
nangyayaring usapan ng dalawa. Tahimik ang paligid
nang biglang may narinig si Gomez na mga putok ng
baril. Binaril si Santiago sa harap ni Enrique
ngunit wala man lang ginawa si Enrqiue upang
makatulong.
GOMEZ
(V.O.)
Nang gabing iyon, namatay si Tiago, binaril ng mga
hapon. At nasaan si Enrique? Tumatakbong parang
duwag.

ELOY
(V.O)
At kayo ho?

Pagkatapos barilin si Santiago ay mabilis silang


hinabol ng mga Hapon. Sinubukang balikan ni Gomez
si Santiago upang tulungan ngunit huli na ang lahat
at kinain na siya ng kanyang takot. Patuloy siyang
tumakbo habang palingon-lingon pa rin sa nangyari.

GOMEZ
(V.O.)
Ako…ako…ako ay…nagtago.

INT. GOMEZ’S HOUSE – NOON


Inubos ni Gomez ang laman ng kanyang bote habang
nakatingin na lamang ang binata sa kanya.
GOMEZ
Para akong batang natakot sa putok ng baril. Ang
tanga-tanga ko… ako ay isang taksil… hindi ko na
protektahan si Tiago…

Napayuko na lamang siya dahil sa kahihiyan. Hindi


niya magawang makatingin sa binatang kausap niya.

GOMEZ
Sa huli, kasing sahol ko lang ang mga Garza…mga
duwag…mga duwag…mga duwag.

Hindi na ulit alam ni Eloy kung ano ang kanyang


paniniwalan. Lalo lang siyang naguluhan at hindi
nakatulong sa kanya ang mga sinabi ni Gomez dahil
nag-iba muli ang tingin niya sa pamilya.

[FADE OUT]

[FADE IN]

INT. BUS – DAWN


Tahimik na nakatingin si Eloy sa bintana ngunit ang
kanyang isip ay hindi mapayapa.

ELOY
(V.O.)
Akala ko ngumingiti na ang tadhana sa akin, yun
pala panandalian lang. Kung bakit ba kasi binigay
ito sa akin. Wala naman akong napala, ganun lang
din. Kung ano ang nakasulat sa libro ganoon lang
ang lumabas. Masasama pa rin sila. Pinalayo pa ako
ganoon din naman ang sagot. Hindi ko na alam ano
gagawin ko o mararamdaman ko.

INT. ELOY’S HOUSE - NIGHT


Nakasakay si Eloy at pauwi na. Tulalang pumasok ng
bahay si Eloy habang nakaabang ang kanyang ina
malapit sa pintuan ng kanilang bahay.
MRS. ESGUERRA
Anak, ginabi ka na ah kamusta?

Pumasok si Eloy sa kanyang kwarto. Isinara niya ang


pintuang ito at humiga na sa kanyang kama. Gaga,aw
ang kamera patungo sa pintuan ng kanilang silid
kinabukasan.

INT. CLASSROOM – DAY


Maririnig sa loob ang mga sigaw ng binata.

ELOY
Para saan ang pinagawa mo sa akin kung sa huli
ganun lang din ang resulta? Bakit? Bakit pa? Dahil
ba nakatulog ako? Ano ba ang ginawa ko sa iyo?
Sabihin mo sa akin! Dahil sawang sawa na ako sa mga
pinapagawa mo sa akin.

TEACHER
Mr. Esguerra, huminahon ka muna-

ELOY
Paano ako hihinahon? Bigyan mo ako ng rason kung
bakit mo binigay ito? Para akong tangang nahukay
ang mga nahukay na! Bakit ba kasi ito kailangang
pag-aralan?

TEACHER
Mr. Esguerra, pakiusap, huminahon ka.

Huminahon ng kaunti si Eloy.

TEACHER
Patawad, gusto lamang kitang gisingin. Gusto lamang
kitang imulat sa mundo na iyong tinutulugan.
Patawad kung ako’y sumobra. Kung gusto, maari mo
nang itigil, sapat na na sinubukan mo.
Binalikan ni Eloy ang kanyang kwaderno at ang ilang
mga papeles na naglalaman ng kanyang mga nakuhang
impormasyon.

ELOY
Hindi, hindi ako sumusuko na parang lampa.

Palabas na sana si Eloy ng silid ngunit bigla


siyang napatigil dahil biglang nagsalita ang
kanyang guro.
TEACHER
Kung alam mo ang tama, gawin mo ito hindi dahil
sinabi sayo kundi dahil ito ang nararapat. Yan ang
laging sinasabi sa akin ng tatay ko. Pagkakatandaan
mo iyan Eloy.

INT. ELOY’S ROOM - NOON


Kakagaling lamang ni Eloy mula sa isang mahabang
pag-uusap. Pagod siyang humiga ngunit hindi pa rin
matahimik ang kanyang pag-iisip kaya naman bumangon
siyang muli at kinuha ang kanyang mga papel upang
aralin muli ang mga nakalap niyang impormasyon.

ELOY
(V.O.)
Nandito lang ang sagot…kailangan ko lang mahanap…

Inaral at binalikan niyang mabuti ang bawat


kasagutan. Hinanap niya kung saan nagtatagpo ang
bawat kwento. Bigla siyang tumayo at umalis.

ELOY
Babalik din ho ako.

MRS. ESGUERRA
(V.O.)
Saan ka nanaman pupunta kang bata ka!
INT. BUS – DAY
Eloy sat on the bus, this time he is enlightned. He
would murmur often.

ELOY
Kung balak talagang patayin ng mga Garza si Tiago,
bakit sila mawawala kung nag tagumpay na sila?

ELOY
(V.O.)
Kailangan kong magbalik sa umpisa, baka may
nakaligtaan ako.

INT. GARZA QUARTERS – NOON


Masigla at nagmamadaling naghahanap si Eloy mula sa
mga nakakalat na kahon.

ANITA
(Overjoyed)
Ikaw bata ka para kang kabuti bigla-bigla kang
sumusulpot. Di bale bihira lang naman ako magka
bisita dito. Dalaw ka lang lagi, anak. Magdala ka
naman ng pasalubong sa susunod…haha…Mga tsokolate
ba.

Biglang napatigil si Eloy sa litratong nakuha niya.


Sumulpot si Anita sa kanyang likod na may dalang
kape. Napansin niya rin ang litrato.

ANITA
Oh, si sir Enrique yan ah! At dyan lang yan sa may
kanto. Iyan ba ang hinahanap mo?

ELOY
Sa may kanto po?

ANITA
Oo sa may kanto sa kaliwa. Iba na itsura pero may
pagkaka-
Naliwanagan si Eloy at agad na tumayo.

ELOY
Salamat po! Babalik din po ako!

Mabilis siyang tumakbo palabas at iniwan si Anita


na may dalang kape.

ANITA
Yung batang yun talaga…nagtimpla pa ako ng kape.

EXT. STREETS – NOON,

ELOY
(V.O.)
Sabi na! May nakaligtaan ako. Sa wakas, may
pinatutunguhan na din ang lahat.

Mabilis niyang narating ang bahay at ikinumpara


niya ito sa litrato. Matagal niya itong tinitigan
na para bang hindi aiya makapaniwala sa kanyang
nahanap.

EXT. STORE FRONT = NOON


Nakapila si Eloy hindi para bumili kundi para
makausap ang natitirang nakakakilala sa lalaking
nasa litratong hawak niya. Siya ay si LUCIA, ang
nag-iisang anak ng lider ng rebolusyon.

LUCIA
Sa inyo po?

Mabilis na inabot ni Eloy upang maipakita sa babae


ang kanyang hawak.

ELOY
Kilala niyo po bakung sino-sino ang nasa litrato?

Nagulat ang babae at nagtaka.


LUCIA
Oh, saan mo nakuha iiyan? Bakit meron ka niyan?

ELOY
Maari po ba kayong maabala ng saglit?

LUCIA
(Hesitant pero bigla ring pumayag)
Oh…sige, basta bibili ka ah.

EXT. STORE FRONT – NOON


Hinintay ni Eloy na makaupo ang kakausapin niya.
Kahit may pagdududa ay nakaramdam din siya ng saya
sapagkat nakita na niya rin ang iba pang taong
mahalaga sa proyekto niya.

LUCIA
Tungkol saan ito?

ELOY
Gusto ko po sana kayong tanungin tungkol sa mga
larawan na ito.

Inilabas ni Lucia ang kopya niya ng parehas na


litrato.

LUCIA
Eto ang kopya ko, binigay sa akin ito ng tatay ko
nung bata pa lang ako. Eto siya.

Itinuro niya kay Eloy na ang kasama ni Enrique


Garza ay ang kanyang ama.

LUCIA
Siya ang leader ng rebolusyon, Macario ang ngalan
niya.

ELOY
Rebolusyon?
EXT. FOREST – DAY – FLASHBACK
Makikita rito ang labanang naganap at kung paano
matapang na nakipaglaban sina Macario kasama ng iba
pang miyembro ng rebolusyon.

LUCIA
(V.O.)
Oo, nang mamatay ang nanay, si tatay ay nagtanim ng
galit sa mga hapon. Wala na siyang ibang iniisip
kundi ang paghihiganti. Sabi nila, yun daw ang
pagkamulat ng magiting na si Macario sa
katotohanan.

ELOY
(V.O.)
Macario? Macario Alonalon?

LUCIA
(V.O.)
oo

ELOY
(V.O.)
Narinig ko na ho ang istorya niya, kung gaano ho
siya katapang. Akala ko ho’y isa siyang alamat.
Isang kathang isip lamang?

LUCIA
(V.O)
Hindi, totoo siya, pati ang kalakasan niya. Lahat
daw yun ay utang niya mula sa ating Tagalikha.

Zoom in on Macario’s medallion.

EXT. STORE FRONT – DAY


Zoom out on Lucia’s medallion. She holds it
tightly.
LUCIA
Sabi nila, ito daw ang panangga ng tatay sa lahat
ng bala at kamalasan. Dinadasalan ito sa harap ng
Birhen tuwing linggo ng umaga.

ELOY
Binigay po ito sa inyo ng tatay niyo?

LUCIA
Hindi, ipinagkatiwala ito ng tatay kay kuya Carlos.
Siya na din ang tumulong sa akin at ang nagkwento
ng lahat ng tungkol kay itay.

ELOY
Wala po akong alam tungkol sa mga nangyari sa
rebelyon. Hindi rin ito nakasulat at naikukwento sa
amin. ano ang nangyari dito?

EXT. FOREST – NIGHT – FLASHBACK


Isa sa kanilang samahan ang nakipagkita sa mga
Hapon. Siya ay nakasuot ng sako na may butas sa mga
mata at nakipag-kamay ito sa mga kalaban. Ibinenta
niya ang Pilipinas kapalit ng kanyang pang-sariling
kaligtasan at kayamanan.

LUCIA
May taksil…

ELOY
At dahil po doon, bumagsak ang pag-aaklas?

EXT. FOREST – DAY – FLASHBACK


The rebels are about to attack, leading them is
Macario. They all charge through but most of them
got shot halfway.

LUCIA
(V.O.)
Wala din sa tatay ko ang agimat niya nung araw na
iyon. Marahil kaya hindi siya nagtagumpay.
ELOY
(V.O)
Sigurado po akong namatay ng may dignidad ang tatay
niyo. Namatay ho siya ng may pinaglalaban hindi
lang ho para sa kanyang sarili kundi para sa bayan.

Marami ng tama ang kanyang katawan ngunit patuloy


siyang bumangon. Nilapitan siya ng hapon at
tinutukan ng baril sa ulo at bilang simbolo ng
galit at pagiging matapang hanggang sa huling
hininga, dinuruan niya ito. Magdidilim habang
maririnig ang pagputok ng baril.

LUCIA
Noong ikwinento sa akin ang mga nangyari ay hindi
ko lubos maisip kung paano niya nakayanang
isakripisyo ang lahat para sa nakararami pero
tuwing binabalikan ko ulit ang istorya, aking
napagtanto ko na mali ang sinasabi ng mga alamat.
Hindi niya ginustong maging bayani o maging tampok
sa lahat. Ginawa niya lang kung ano ang nararapat.

ELOY
May nabanggit po kayong Carlos kanina, siya po ba
ang nagkwento nito?

LUCIA
Oo, dati siyang kasama sa rebelyon.

ELOY
Alam niyo po ba kung saan siya nakatira?

LUCIA
Sa may kabilang barrio na siya nakatira. Marami na
din kasing nangyari dito, minabuti na siguro ni
tiyong umalis. Pero yun na yun eh, ang sakit din
kasi ang bumubuo sa iyo.
Isinulat niya kung saan matatagpuan ang isa pang
natitirang miyembro ng rebelyon. Si CARLOS, ang
bulag na may pinsang nagngangalang Marina. Inabot
niya kay Eloy ang papel.

ELOY
Salamat ho

LUCIA
Saglit, hindi mo siya basta-basta makakusap.
Halika,

Pinalapit niya ang binata sa kanya upang magbilin.


Itinuro niya kung sino si Carlos at ang dalaga na
katabi nito.
LUCIA
(Itinuturo si Carlos)
Eto si Carlos. Nakita mo yang katabi niya,
mabanggit mo lang pangalan niya siya mismo ang
kusang magsasalita. Tandaan mo ang pangalan niya.
Marina.

Nagpaalam na si Eloy kay Lucia gamit ang isang


matamis na ngiti. Ito ay kinamayaan niya muna bago
ito pumasok.

EXT. CARLOS NEIGHBORHOOD – DAWN


Pababa na ang araw at unti-unti ng kinakain ng
dilim ang liwanag. Pagod na naglalakad si Eloy
ngunit punong-puno ang binata ng pag-asa at
kaalaman.
ELOY
(V.O.)
Upang mahukay ang katotohanan, kailangan mong
madumihan. Sa haba ng nilakbay ko sana naman ito na
ang huli, ang siyang magdudgtong sa lahat.

ELOY
Alam niyo po ba kung saan ito?
Nagtanong-tanong si Eloy kung saan matatagpuan ang
lugar na nakasulat sa papel. Hindi man siya sagutin
ng mga tao gamit ang salita, iisa ang itinuturo
nilang lugar.
ELOY
(V.O.)
Ang katotohanan, kay hirap halungkatin, kaya pala
marami ang iniiwan itong nakabaon sa
kasinungalingan.

Nakarinig siya ng magandang himig, itatanong na


niya sana sa matandang babae na nakasalubong niya
sa kalsada kung saan ito nanggagaling ngunit
pinakinggan niya nalang ito ng masinsinan. Sinundan
niya ito.
ELOY
(V.O.)
Pero kapag pinagtiyagaan, kaytamis na parang isang
bagong pitas na atis.

INT. CARLOS’ PORCH - DAWN


Sa wakas ay nahanap na rin ni Eloy ang lalaking
kumakanta. May kutob na ang binata na ito ang
lalaking tinutukoy ni Lucia. Nakinig lang siya ng
ilan pang sandali habang inilabas ang kanyang
kwaderno at panulat.

ELOY
Mawalang galang na ho.

Hindi siya pinansin ng lalaki at nagkunwari pa


itong walang naririnig.

ELOY
(Shouts louder)
Mawalang galang na ho magtatanong lang po sana!

Patuloy pa rin ang lalaki sa pagkanta ng malakas.


ELOY
Mawalang galang na ho pinapunta po ako dito ni
aling Lucia para tanungin daw po kayo.

Wala pa rin nagbago. Ganun pa rin ang inaasta ng


matanda sa kanya. Tinignan ni Eloy ang litrato at
naalala ang tungkol sa babaeng katabi ni Carlos
dito.
ELOY
Binigyan niya po ako ng litrato niyo. Kasintahan
niyo po ba itong katabi niyo?

Natigilan ang lalaki sa pagkanta at ibinaba pa ng


gitara.
CARLOS
Pinsan.

Ginanahan si Eloy na ipagpatuloy ang kanyang


pagtatanong.
ELOY
(Smiling)
Malapit po kayo?

CARLOS
Para ko siyang kapatid, ate, nanay, kaibigan.
Ginampanan niya ang lahat ng kinailangan ko.

ELOY
At ano po ang nangyari sa kanya?

Huminto sa pagkukwento ang lalaki. Kita sa kanyang


mukha ang kanyang pilit na ngiti.

INT.INFIRMARY – DAY/NIGHT – FLASHBACK


Maraming sugatan ang ipinapasok sa kanilang munting
taguan. Dito makikilala si MARINA, ang pinsan ni
Carlos at ang pinuno ng grupo ng mga manggagamot.
CARLOS
(V.O.)
Kung nangaling ka na kay Lucia ay alam mo na siguro
ang tungkol sa rebelyon.

Magulo at madugo ang mga pangyayari. Pinamumunuan


ni Marina ang panggagamot sa mga sugatang miyembro
ng rebelyon.
MARINA
Dito yan sa kaliwa!

CARLOS
(V.O.)
Siya ang mga mata ko, gabay ko sa daan. At ako, ang
kalhati niyang walang silbi. Para kaming kambal
tuko. Siya ang mediko at ako ang katulong niya.

EXT. CARLOS’ PORCH – DAWN - FLASHBACK


May ngiti na makikita sa mukha ni Carlos. Uminom
ang lalaki at inalok rin ang binata. Tumanggi si
Eloy.
ELOY
At ano po ang nangyari?

CARLOS
Narinig mo na ba ang traydor?

ELOY
Ang taong may nakasuklob na sako?

CARLOS
(Tatawa ng pilit)
Marami ang sumali sa rebelyon, dahil naniniwala
silang magtatagumpay ito. Matibay ang pundasyon
nito, pero, kapag nawala ang pag-asa dadating ang
tukso.
INT. INFIRMARY – NIGHT/DAY – FLASHBACK
Ipapakita ang naunang pangyayari ngunit iba na anh
pokus nito. Mararamdaman na ang takot at pag-aalala
ni JOSEPHA, miyembro ng rebelyon ngunit siya rin
ang sumira rito.
CARLOS
(V.O.)
Kapag sumilip na ang dilim, lahat gagawin mo para
mailigtas ang sarili mo. Takot, yan ang nagtutulak
sa pagtataksil- teka ano nga ulet ang pangalan mo?

ELOY
(V.O.)
Eloy po, Eloy Esguerra.

Tumulong si Josepha na gamutin ang isang sugatan


nilang kasapi. Tumawag pa siya ng isang mediko
upang matulungan rin siya.

JOSEPHA
Mercy, hali ka dine.

Tumingin muna sa kanyang paligid bago siya


magpatuloy sa labas. Makikita muli si Marina na
nanggagamot. Puno ng pawis at dugo ang kanyang
mukha at mga kamay. Iniabot niya ang kamay ni
Carlos at ginabayan niya ito patungo sa malubhang
bahagi ng sugat.
MARINA
Carlos, bantayan mo.

CARLOS
Sige..

Palabas na sana si Marina nang biglang may narinig


silang putukan. Sinakop at natagpuan na sila ng mga
hapon. Pumasok ang kalaban sa loob kaya naman
hinila kaagad ni Marina ang kanyang pinsan sa isang
ligtas na silid upang maprotektahan. Balot na balot
ang dalawa ng takot ngunit pinilit ni Marina na
magpakatatag para sa kanilang dalawa. Kinantahan
niya si Carlos ng isang pamilyar na himig. Ito ang
lagi niyang kinakanta upang sabihin kay Carlos na
magiging maayos din ang lahat.

MARINA
(Yakap niya ng mahigpit si Carlos)
sa malayong lugar…
ay bukid ng rosas…
langit na asul…
at matamis na dagat…
kaya munting anghel…
tahan na…

Biglang nawala ang ingay mula sa labas. Naisipang


lumabas ni Marina upang mailigtas pa ang mga nasa
labas. Maiiwan si Carlos na walang ibang magawa
kundi takpan ang kanyang mga tenga.

MARINA
Dito ka lang, babalik ako.

Pagkabukas pa lamang ni Marina ay agad siyang


napansin ng mga hapon. Sinusubukan niyang pigilan
ang tuluyang pagkabukas ng pintuan. Binabalaan niya
ang kanyang pinsan na magtago na at tumakbo pero
hindi siya pinakikinggan nito.

MARINA
Carlos! Carlos! Tumakbo ka agad, Carlos!

Hindi na niya mapigilan at napagod na ang kanyang


mga kamay sa kakaharang sa pinto kaya naman
nakapasok ang mga sundalong hapon. Siya ay
pwersahang kinuha ng mga hapos palabas ng silid na
kanilang pinagtataguan.
MARINA
Carlos!

Tuluyan na siyang pinaglaruan at ginamit ng mga


sundalong hapon. Walang awa nilang pinagkaisahan
ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mabuti.
Maririnig ang kanyang mga iyak at mga sigaw.
Samantala ang mga sundalong hapon ay panay ang tawa
lamang ang tunog na kanilang inilalabas. Pagkatapos
ng ilang sandali ay makakarinig ng isang putok ng
baril. Ang kaawa-awang katawan ni Marina ay tuluyan
ng bumagsak. Pagkatapos nila kay Marina ay
binalikan nila si Carlos at pinalibutan. Ang binata
ay patuloy lang sa pag-iyak. Bilang insulto ay
inihian pa nila ang binata.

JAPANESE SOLDIER 1
Hiretsuna!
[imbecile]

JAPANESE SOLDIER 2
(Spits on him)
Anata wa hajirubeki
[you should be ashamed]

JAPANESE SOLDIER 3
Yowai!
[weak!]

Pinagsalitaan nila ang binata ng mga pang-iinsulto.


Sila ay natigil ng biglang may nagsalita.

JOSEPHA
Bayad ko?

JAPANESE SOLDIER 3
(Iaabot ang pera)
Kono kuni wa sore jitai o hakai suru
[this country destroys itself]
CARLOS
(V.O.)
Ang narinig kong boses ay ang kay Josepha, parte
siya ng mga mangagamot. Wala na akong narinig pa sa
kanya matapos noon. At ako?

Huminga siya ng malalim.

EXT. CARLOS’ PORCH – DAY


Lubos na mararamdaman ang kalungkutan ni Carlos.
Pupunasan niya ang kanyang mga luha. Kinuha niya
ang gitara at ang kanyang gabay mula sa sahig.

CARLOS
Duwag, isang duwag na hindi kayang protektahan ang
mga taong mahal niya. Duwag at lampa.

Lumakad na siya paalis ngunit hinabol siya ni Eloy


upang tanungin pa muli.

ELOY
Saglit lang ho, hindi ko pa po natatanong sa inyo!
Ano po ang kinalaman ng mga Garza sa lahat ng ito?

Lumingon si Carlos at nagsalita.

CARLOS
Ang mga Garza?

EXT. COURTYARD – DAY – FLASHBACK


Ipapakita rito ang buong pamilya Garza. [It’s in
slow-mo and would last till Carlos has said his his
last line]

CARLOS
(V.O.)
Sila ang espiya ng rebelyon sa Hapon. Sila ang
dahilan kung bakit may armas, pagkain at kagamitan
ang mga rebelde. Hindi maitatatag ang lahat kung
wala sila.

ELOY
(V.O)
Ano po ang nangyari? Bakit kinamuhian sila ng
kasaysayan?

CARLOS
(V.O.)
Dahil sa isang akala. Ganyan ang kapangyarihan ng
tsismis, iho. Kayang sirain ang isang mabuting
budhi.

EXT. OUTSIDE CARLOS’ HOME – DAWN


Papasok na ng bahay si Carlos habang walang tigil
pa rin ang pangungulit ni Eloy upang malaman kung
doon na nga ba nagtapos ang lahat.

ELOY
Meron pa po ba kayong alam? baka naman po may
masasabi pa kayo. Hindi po pwedeng doon na lang
magtapos ang lahat, Mang Carlos.

Nilingon siya ng lalaki at ngumiti.

CARLOS
Bukas mo na ihanda ang sarili mo, tanungin mo mismo
ang isang Garza.

ELOY
(Gulat at nagtataka)
Ho? Sino ho?

CARLOS
Dito ka na magpagabi, iho.

ELOY
Sige ho. Salamat ho.
Tinulungan ni Eloy na makapasok ang lalaki.

EXT. CARLOS’ HOUSE – DAY


Umaga pa lang ay may babaeng kumakatok na sa
pintuan ng bahay ni Carlos. Ito ay pinagbuksan ni
Eloy.
ELOY
Sino ho sila?

ISADORA
Sino ka?

ELOY
Ho-

CARLOS
(Interrupts them both)
Papasukim mo siya Carlos, kilala ko siya.

Nagtitigan lamang ang dalawa hanggang makapasok ang


babae. Lingid sa kaalaman ni Eloy na ito ay si
ISADORA, ang bunso sa magkakapatid na Garza at ang
pinakamalapit kay Enrique.

INT. CARLOS’ SALA – DAY


Tumabi si Eloy kay Carlos hanggang sa pag-upo.
Lumabas si Isadora mula sa kusina na may dalang
tatlong tasa ng kape.

ISADORA
Sino ito Carlos?

ELOY
Ako po si Eloy.

CARLOS
Gusto ka daw niya matanong eh.
Hindi makapaniwala si Eloy sa sinabi ni Carlos kaya
naman bigla siyang napatitig dito. Inilahad niya
agad ang kamay sa babaeng Garza at tinanggap naman
ito ni Isadora.
ISADORA
Ano ang itatanong mo? Ayokong magsayang ng oras.

ELOY
(Clears his throat)
Ano po ang nangyari sa inyo. Sa pamilya Garza.

ISADORA
At bakit ko naman sasabihin sa iyo?

ELOY
Para maisulat ang katotohanan.

ISADORA
Ano ba ang katotohanan?

ELOY
Kung ano po ang nararapat nailalathala.

Napangiti si Carlos dahil sa sinabi ni Eloy. Nag-


isip ng mabuti si Isadora ng saglit at pumayag ito.

ISADORA
Puwes, sige, pagbibigyan kita.

ELOY
Salamat ho.

Eloy starts his recording device along with his


notes.

EXT. FOREST – DAY - FLASHBACK


May isang amerikanong sundalo na natakbo. Siya ay
isang bihag at maswerteng nakatakas. Ang lalaking
ito ay si FITZGERALD, ang sundalong ililigtas ni
Enrique at ang magpapaibig kay Isadora. Puno ng
sugat ang kanyang katawan.

ISADORA
(V.O.)
dalaga pa ako noon, walang ka muwang-muwang sa
mundo, innosente, at bulag sa pag-ibig.

Lumingon siya at nakarinig ng pagputok. Alam niyang


mahuhuli na siya ng mga hapon dahil sa ginawa
niyang pagtakas. Napupuno na siya ng takot pero
pinilit niya pa rin ang makatakbo. Natamaan siya ng
bala pero hindi niya ito pinansin.

ISADORA
(V.O.)
Naalala ko pa, malinaw pa rin sa akin ang lahat.

Nadapa at napadpad ang kanyang mahinang katawan sa


paanan ni Enrique. Nakita niya itong may baril at
nakasabit na hayop, tila nasa gitna ito ng
pangangaso. Nagmakaawa siya rito at itinuro naman
sa kanya ang mapagtataguan niya. Mabilis siyang
sumunod at pagkatapos niyang makapagtago ay
nasundan na rin siya agad ng mga hapon. Nang makita
ng mga sundalong hapos si Enrique ay ibinaba na
agad nila ang kanilang mga armas. Tahimik na
nagmamasid si Fitzgerald habang ipinapakita ni
Enrique ang kanyang sagisag sa sumisimbolo ng
kanyang pagiging kasapi o kakampi.

ENRIQUE
Amigos, parece que tienes prisa
(my friends, it seems that you are in a hurry)

Hindi maintindihan ng mga hapon ang kung ano mang


sinasabi ni Enrique.
SOLDIER 1
Sore wa sorera no orokana Supeingo o hanasu saru no
hitotsodesu.
(it is one of those stupid spanish speaking
monkeys.)

SOLDIER 2
(Talking to Enrique)
anata, amerikahito o mita koto ga arimasu ka?
(you, have you seen the american?)

Sinagot muli sila ni Enrique gamit ang wikang hindi


nila maintindihan.
ENRIQUE
Hermanos, no podriamos entendernos.
(brothers, we would not be able to understand each
other.)

Inis na sumagot pabalik ang mga sundalong hapon.

SOLDIER 1
(shouting)
Nihongo o hansu!
(speak japanese!)

ENRIQUE
(gesturing an open arm)
Compad-

Tinamaan siya ng isang sundalo gamit ang armas nito


habang ang isa naman ay pinipigilan ang kanyang
kapwa sundalo.

SOLDIER 1
Damare konoyarou!
(shut up you bastard!)
SOLDIER 2
(holding the man)
yameru! Issho ni ido.
(stop! Move along)

Inis na lumiban ang dalawang sundalo habang


pinupunasan ni Enrique ang nataaman niyang bibig
kanina.

INT. CARLOS’ HOUSE – DAY


Malungkot na inalala ni Isadora ang mga naganap.
Tinignan niya ang binata at nagpatuloy.

ELOY
Tapos ano po nangyari?

ISADORA
Ano kamo? Edi siyempre dinala nang mabait kong
kapatid sa bahay yung kano.

Isadora smiles and continues

INT. GARZA HOUSE – DAY - FLASHBACK


Mabilis na pumasok si Enrique habang pasan pasan
ang sugatang amerikano. Natataranta niyang tinawag
si Epifania na nasa loob ng kwarto ni Isadora.

ISADORA
(V.O.)
Naalala ko pa nung una siyang dumating, sugatan,
nanghihina at takot. Sa simula pa lang, alam ko na
na pahamak lang siya sa buhay ko. Alam ko na ito ay
ikasisira naming pamilya.

EPIFANIA
Ano na naman yan Enrique?Anong nangyari?

ENRIQUE
Epifania kunin mo yung lampin at yung mga panglinis
ng sugat. Sumunod ka sa baba.

Tumakbo papasok ng kwarto muli si Epifania.


Nagtanong si Isadora kung ano ang nangyari sa
kanyang kapatid.
ISADORA
Anong meron kay kuya Ique?

EPIFANIA
Mamaya na kami magpapaliwanag. Magbasa ka na lamang
dyan at wag na wag kang bababa.

Agad na bumaba si Epifania upang tulungan si


Enrique.

EPIFANIA
(Gradually lowering volume)
May dala ka na namang peligro dito sa bahay! Hindi
ka na ba nasanay? Sino nanaman yan at saan mo napu-

Naiwan si Isadora sa itaas kaya naman mabilis


siyang sumunod at pumasok sa kwarto kung saan
nakita niya na ginagamot nina Enrique at Epifania
ang isang sugatang amerikano. Napansin siya ng
kanyang pinsan kaya naman bigla siyang nilapitan
nito.
EPIFANIA
(Closing the door)
Isadora, hindi ba’t sinabi ko na wag ka muna
bababa?

Inis na naghintay si Isadora sa labas. Naririnig


niya ang mga sigaw ni Fitzgerald at ang mga pang-
aalo rito ng kanyang mabait na kapatid at pinsan.
ISADORA
(V.O)
Alam ko ang halaga ng pagtago ng kuya ko sa
amerikanong iyon. Hiniling ko na sana panaginip
lang ang araw na iyon. Na sana hindi nalang siya
dumating…

Dala-dala ni Epifania palabas ang balde na puno ng


dugo mula sa sugatang lalaki. Sunod na lumabas ay
ang kanyang kapatid na si Enrique. Nilapitan siya
agad ng kanyang kuya at kinausap.

ENRIQUE
Ayos ka lang ba?

ISADORA
Bakit mo siya dinala dito kuya? Alam mong
mapapahamak tayo dahil sa kanya.

ENRIQUE
Kung alam mo ang tama, gawin mo ito hindi dahil
sinabi sayo kundi dahil ito ang nararapat. Yan ang
laging sabi ng tatay. Pagkakatandaan mo iyan Isa.

Malambing na ginulo ni Enrique ang buhok ng


nakakabata niyang kapatid sabay tayo paalis. Iniwan
niya si Isadora sa malalim na pag-iisip. Sa gitna
ng kanyang pagtataka ay pinili na lamang niyang
pumanik sa taas upang matulog. Kinaumagahan,
nakasalubong niya si Epigpfania na may dalang
umagahan para kay Fitzgerald.

EPIFANIA
O, gising ka na pala, bumaba ka na dun at mag
almusal. Ibibigay ko lang ito sa bisita.

ISADORA
Pakakainin n’yo siya?
EPIFANIA
Oo, ano gusto mo? Mamatay siya dahil sa gutom?

ISADORA
Eh, kamalasan lang dala niyan eh.

EPIFANIA
Isadora, bibig mo, kababae mong tao. Bumaba ka na
doon at mag almusal, sige na, susunod nalang ako.

INT. KITCHEN – DAY - FLASHBACK


Nangaasar na inulit ni Isadora ang mga sinabi sa
kanya ni Epifania. Nagsimula na siyang kumain.
Bumalik na ulit si Epifania sa kusina upang
magligpit na.
EPIFANIA
Pagkatapos mo, iligpit mo at urongan mo. Pati yung
kubyertos ha.

Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Isadora dahil sa


kanyang inis. Ipinagpatuloy niya nalang ang
pagkain.

[MONTAGE]

INT. OUTSIDE OF FITZ’S ROOM – DAY - FLASHBACK


Isadora sits beside the door and reads a book. It
stacks up.

ISADORA
(V.O.)
Alam ko na isa siyang malaking peligro para sa
pamilya ko. Na maaring siya ang maging mitsa na
sisira sa pamumuhay namin. Na siya ang gugulo sa
masaya naming tahanan.
Epifania pases along each time with new plates and
after with used ones. Her clothes and Isadora’s
changes signifying time progression. Till finally…

ISADORA
(V.O)
Pinanood ko kung paano nila pakainin yung kano na
sisira ng buhay namin. Tinatanong ko rin sa aking
sarili kung paano nila nasisikmura na tulungan ang
taong sisira sa kanila. Sakto at binigyan ako ng
pagkakataon ng tadhana para harapin at paalisin
siya.

EPIFANIA
Isadora, ikaw nga muna magdala at baka masunog yung
niluluto ko.

ISADORA
Huh? Bakit ako?

Hindi nagustuhan ni Epifania ang tono at ang sagot


ni Isadora sa kanya. Mas lalo niyang inilapit ang
pagkain na inihanda niya para sa bisita upang si
Isadora mismo ang maghatid.

EPIFANIA
Kunin mo! Ikaw talagang bata ka kapag nasunog yung
niluluto ko ipapakain ko sa iyo.

INT. FITZGERALD’S ROOM – DAY – FLASHBACK


Mariin ang pagkakahawak ni Isadora sa pagkain ng
lalaking sugatan. Ibinaba niya ito upang mailapit
kay Fitz.
ISADORA
(Gesturing her hands as eating)
Iyan, kainin mo. Eat.

ISADORA
(Not looking back)
And please leave us, I beg you. You endanger our
lives.

Isang hakbang nalang ay makakalabas na siya ng


silid ngunit hindi na nakagalaw ang paa niya nung
narinig niya ang nakakaawang impit na sigaw ng
lalaki. Lumingon siya at ang pinakauna niyang
nakita ay ang dalawang matang puno ng pagmamakaawa.

ISADORA
(V.O.)
Aalis na sana ako, kaso nakita ko siyang
nanghihingi ng tulong. Ang mga mata niyang
nakikiusap at sinasabing wala siyang laban. Alam
kong kailangan niya ako…

Mabilis niya itong nilapitan at tinulungan.

ISADORA
(V.O.)
Napaibig ako ng mga mata niya. Mga matang
nagsasabing may nangangailangan sa akin.

INT. CARLOS’ HOUSE – DAY


Tuloy-tuloy lang ang kanilang pag-uusap. Makikita
na sa mukha ni Isadora ang ngiti na gumuguhit sa
kanyang mga labi. Hindi alam ni Eloy kung paano
itatanong pero nasabi na niya. Naging seryoso muli
ang mukha ni Isadora.
ELOY
Ano po ang nangyari noong Mayo 6, 1943?

Natahimik si Isadora.

ELOY
Ayos lang naman po kung hindi niyo pa po kaya.

ISADORA
Hindi, kailangan malaman nila ang katotohanan.
Ipinagpatuloy ni Isadora ang kwento.

INT. ISADORA’S ROOM – NIGHT – FLASHBACK


Mahimbing na natutulog si Isadora nang biglang may
narinig siyang sigawan sa labas ng kanyang silid.

INT. OUTSIDE ISADORA’S ROOM – NIGHT – FLASHBACK

EPIFANIA
Ano ba kasi ang ginawa mo Enrique? Bakit ka pa ba
kasi nakisangkot.

ENRIQUE
Basta tumakas nalang kayo, delikado na rito.

EPIFANIA
Bakit tayo aalis? Bayan natin to, bayan niyo to.

ENRIQUE
Basta delikado na rito.

EPIFANIA
Ano nga kasi ang ginawa mo?

ENRIQUE
Si Sa-santiago. Binaril. Tayo na ang susunod. Kaya
tumakas na kayo rito. Itakas mo na ang kapatid ko.

EPIFANIA
Anong nangyari kay Santiago? Anong kinalaman niya
rito? Anong nakuha mo sa pagtulong sa iba ha?

ENRIQUE
Yung tama, Epifania, nagagawa ko ang tama.
EPIFANIA
At tingnan mo ang dinala sa iyo ng tama mo Enrique!
Tingnan mo!

Hindi na mapigilan ang malakas na hagulgol ni


Epifania. Natatakot siya sa mga mangyayari. Patuloy
niyang sinigawan ang kanyang pinsan.

EPIFANIA
Mabubuhay ka ba ng tama kapag patay ka na? ha?

EPIFANIA
Bakit ba kase ang tanga-tanga mo Enrique? Ganyan ka
ba pinalaki ni tiyo? Na maging tanga?

Sinusuntok at dinuduro na siya ni Epifania. Wala ng


magawa pang iba si Enrique kundi yakapin at
patahanin siya.
ENRIQUE
Tama na, wala na tayong oras. Kailangan na nating
sabihin kay Isadora ang lahat.

Isadora falls speechless from what she overheard.

INT. CARLOS’ SALA – MORNING


Nanginginig na hinawakan ni Isadora ang kanyang
tasa ng kape. Malalim ang kanyang titig dito. Umupo
sa tabi si Carlos na para bang makikisali rin sa
usapan. Lumapit pa lalo si Eloy, kabado ngunit
handang-handa na sa katotohanan.

ELOY
Tapos ho, ano?

ISADORA
(Gloomy)
Tapos hayun, nagpaalam ang kuya. Di ko lubos
akalain na yun na pala ang huling beses na makikita
ko siya ulit.
[DISOLVE]

INT. ISADORA’S ROOM – MIDNIGHT – FLASHBACK


Buong usapang nakinig si Isadora kaya naman sa
pagpasok ni Enrique ay maabutan na siyang umiiyak.

ISADORA
May dapat pa ba akong malaman?

Mapapa-upo si Enrique sa kama at hindi


makakapagsalita.

ISADORA
Ang sabi mo proprotektahan mo ako. Ang sabi mo
maayos mo ang lahat dahil wala ka namang ginagawang
masama di ba? Yun yung sinabi mo eh! Bakit hindi mo
nagawa?!

ENRIQUE
Patawad, nagkamali ang kuya. Patawad.

Hindi tumitigil ang pagbagsak ng luha mula sa mga


mata ni Isadora. Hindi magawang matignan ni Enrique
ang kapatid dahil siya mismo ay nasasaktan din.
Tumayo ang kapatid kaya naman hinagkan niya agad
ito at pinatahan.
ENRIQUE
Kailangan na nating umalis Isadora. Makinig ka na
sa kuya. Maayos niya rin ito. Aayusin ko ito.
Maghanda na lang kayo ni Epifania sa pagtakas.

Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid at nagmadalig


lumabas ng silid.
[J-Cut, Gunshots]

EXT. FOREST – MIDNIGHT – FLASHBACK


Mabilis ngunit sigurado ang bawat takbo ng tatlo.
Sinunod nina Isadora, Epifania, at Fitzgerald ang
payo ni Enrique at kahit labag man sa kanilang
kalooban ay tumakas pa rin sila.

Nakasunod naman agad ang mga sundalong hapon.

JAP. SOLDIER
(V.O.)
Karera no nochi ni isoide
[hurry after them]

ISADORA
(V.O.)
Madaling araw noon, inintay naman si kuya Ique pero
nadatnan kami ng mga hapon.

Hindi pa sila natatagpuan pero alam nilang hindi


nila ito matatakasan. Takot ang emosyong namayani
sa kalooban ni Isadora. Niyakap naman ni Epifania
ang sarili.
ISADORA
(V.O)
(CONT’D)
Kung alam ko lang, kung kaya ko lang, sana ako
nalang ang kumuha nung baril na iyon.

Hindi na matiis ni Epifania ang ginagaw nilang


pagtatago. Kinuha niya ang baril ni Fitz at mabilis
na tumayo at naglakad papunta sa mga hapon.
Pipigilan sana siya ng kanyang pinsan ngunit
hinagkan siya agad ni Fitz. Tuluyan ng naglakad
palayo si Epifania.

ISADORA
(V.O.)
(CONT’D)
(Resentful)
Kung matapang lang sana ako, kung sana hindi ako
naging duwag. Sana pinigilan ko siya. Sana
sinamahan ko siya, hindi ko siya hinayaang mga-isa.

Tumulo na namna ang mga luha ni Isadora. Tinakpan


ni Fitz ang bibig nito upang matigil ang kanyang
paghikbi. Gusto niyang habulin ang pinsan. Gusto
niyang matulungan ito.

Ipinagpatuloy ni Epifania ang paglapit sa mga


sundalo at bumaril ngunit wala itong tinamaan.
Gumawa lamang ng ingay ang kanyang bala kaya siya
ay nakita ng mga hapon. Walang oras ang sinayang at
pinatay agad siya.

JAP. SOLDIER
Kasai!
[fire]

Iniwas ni Fitz si Isadora sa kasuklam-suklam na


pangyayaring iyon. Hindi mapigilan ni Isadora ang
pagtingin pabalik sa kanyang kawawang pinsan ngunit
wala siyang magawa dahil alam niyang maaari na rin
silang mapahamak. Tuloy tuloy na sana ang kanilang
pagtakas ngunit siya ay nadapa at nakagawa ng
ingay.
JAP. SOLDIER
Yori oku no!
[more of them]
Kahit madilim ang paligid ay naituro agad sila nh
sundalo at mabilis na pinaputukan.

CUT TO.

EXT. FOREST – MORNING - FLASHBACK


Patuloy pa rin sila sa pagtakbo. Hindi sila
nagpatinag sa mga balang galing sa mga baril ng mga
sundalong hapon. Maayos silang nakakaiwas ngunit
hindi inaasahang natamaan ng malubha si Fitz.

ISADORA
(V.O)
…Kung sana…sinabi ko sa kanila na mahal ko sila…

Nakahabol ulit ang mga hapon sa kanila. Ramdam na


ni Fitz ang lahat- ang bala na tumama sa kanya at
ang desisyong kailangan niyang gawing upang
maprotektahan si Isadora. Nakakita siya ng
mapagtataguan ng babaeng mahal na mahal niya.

EXT. FOREST, BEHIND A ROCK – MIDNIGHT – FLASHBACK


Fitz was panting, he could feel his wound. Isadora
is still shocked on what happened. Fitz sat beside
her.
FITZGERALD
Are you okay?

Tulala siyang tumango bilang pagtugon.

FITZGERALD
Would you be okay if I leave you here?

Tumango siyang muli, hindi niya alam ang mga


sinasabi sa kanya ata para siyang nabibingi na sa
lahat ng mga nangyayari.
FITZGERALD
(Smiling)
Good, take care of yourself and always be happy.

Matagal at matamis niyang hinalikan ang noo ni


Isadora. Tanda ito ng pamamaalam at ng tunay na
pagmamahal. Tinitigan lamang siya ni Isadora na
para bang isa siyang nawawalang bata. Inabot niya
ang mga kamay ng dalaga, matagal na tinitigan at
hinalikan.
FITZGERALD
Farewell.

Parang natauhan ang dalaga dahil sa salitang


binitiwan ni Fitz. Tumakbo na ang lalaki at kinuha
ang atensyon ng mga hapon upang mailigtas siya.

FITZGERALD
Here, you bastards!

Susundan sana siya ni Isadora ngunit nauna ang mga


hapon sa kanya. Wala siyang ibang magawa kundi ang
magtago at umiyak dahil alam na niya ang sasapitin
ng kanyang minamahal.

MATCH CUT to Isadora crying.

INT. CARLOS’ SALA – DAY


Sariwa pa rin ang sugat. Hindi pa rin nakakalimot
sa mga pangyayari si Isadora. Patuloy ang hikbi
niya, parehas ng mga hikbi niya noong nangyari ang
mapait na araw na yun.

ISADORA
(Umiiyak)
Sana…sana, hindi ako nagsisisi ngayon. Kung nagawa
ko lang silang tulungan.

Napayuko na lamang si Eloy dahil sa mga narinig.


ISADORA
(CONT’D)
(Laughing)
haha…patawad, nakita mo pa akong umiiyak.

Pinunasan na ni Isadora ang kanyang mga luha.

ELOY
Ayos lang po. Sana magawa niyo na ring patawarin
ang sarili niyo. Mahirap, oho, alam ko, pero sana
wag niyong kalilimutan na ang pagkakamali po natin
ang magbibigay daan upang mabuo ulit tayo. Upang
makumpleto.

ELOY
(V.O.)
Sa wakas, natapos na ang proyekto ko.

ELOY
Maari ko po ba itong isulat?

Luhh
Ka ELOY
(V.O.)
Makababalik na ako, mas matalino, mas may alam
sapagkat pinili kong hanapin at pakinggan ang
katotohanan.

ISADORA
Sige. Pero ngayon, hindi ko na yan istorya, istorya
mo na iyan.

EXT. CARLOS’ HOUSE FRONT – DAY


Naunang lumabas si Eloy sa bahay kasunod ni is
Isadora. Makikita sa bawat isa ang mukha ng taong
kontento at payapa. Nagpaalam na si Eloy kasama ang
ngiti na nakaguhit sa kanyang mga labi. Sumunod
naman si Carlos na mukhang kakagising pa lamang.
Naiwan ang dalawa na nag-uusap ng masaya.

ELOY
(V.O)
Bakit nga ba patuloy pa rin tayong bumabalik sa
nakaraan? Bakit nga ba hindi tayo makuntento nalang
sa kung ano ang meron tayo ngayon? Nagsimula akong
mang-mang sa mundo at walang pakielam sa paligid
ko. Bulag-bulagan sa lahat. Bingi-bingihan sa mga
ayokong marinig.

INT. TRICYCLE – DAY


Nakatingin lamang si Eloy sa labas habang nasa
malalim na pag-iisip.

ELOY
(V.O)
Ngayon ko lang napagtanto na ito pala ay kailangan.
Kailangan nating balikan ang nakaraan dahil ito ang
magtuturo sa atin, ang magsasabi sa atin kung paano
nga ba tayo magpapatuloy sa ating kasalukuyan at
kung paano tayo maghahanda sa ating hinaharap.

FADE IN.

INT. OUTSIDE CLASSROOM – DAY


Bukas ang pintuan ng silid. Para bang alam ng
kanyang guro ang kanyang pagbalik.

ELOY
Bumalik ako sa pinakaumpisa. Ang dami kong taong
nakasalamuha at iba iba rin ang kwento nila. Ngayon
naiintindihan na kita. Ito ang tama hindi ba?
Ipinagpatuloy kong gawin ang tama hindi dahil
sinabi sa akin to kundi ito ang nararapat.

CUT TO back of the teacher.

ELOY
(V.O)
(CONT’D)
Bago tayo makapagsimula muli, kaialngan natin
alamin kung ano ang tama. Ngayon maayos na. Alam ko
na ang buong storya dahil ako mismo ang nagsulat
nito gamit ang tulong ng nakaraan at obligado akong
ipalaam ito at sabihin sa lahat.

INT. CLASSROOM – DAY


Ibinaba ni Eloy ang kanyang proyekto sa lamesa.
Hinintay niya ang sagot at reaksyon ng kanyang
guro. Inabot ng guro ang kanyang mga papel at
tahimik na binasa.

TEACHER
Mr. Esguerra,

ROTATING CAMERA SHOT.


Pagkatapos basahin ng saglit ng guro ang papel na
ipinasa ni Eloy ay ibababa niya ito at titingin sa
binata.
TEACHER
(CONT’D)
Ikwento mo at simulan mo sa simula.

FADE OUT.

THE END.
EPILOGUE

BLACK.

FADE IN.

EXT. FOREST – NIGHT


A loud gunshot could be heard followed by japanese
men marching. Santiago falls dead to the ground.
Enrique is able to escape.

JAP. SOLDIER
Sorera o kyatchi!
[Catch them!]

Enrique is running. You could see him Getting


exhausted. Moments later he outruns the soldiers.

INVISIBLE CUT, Enrique runs out of the forest to


the street.

EXT. STREET – NIGHT


Enrique got out of the forest. He was still gasping
for breath. He fixed his clothes and walked
cautiously. Japanese men were talking to each
other, they were patrolmen. They passed by Enrique
but they only glanced at him for a short while.
Enrique smiled at them then layed low.

JAP. SOLDIER
Kono on'nanoko, hijō ni kireidatta
[there was this girl, very pretty]

JAP. SOLDIER 2
Anata wa kanojo o tsurete kita hazudesu
[you should have taken her]

After he have passed them he runs towards the


streets.
CUT TO, Enrique running and looking around.

EXT. INFRONT OF GARZA ESTATES - MIDNIGHT


He looks around then cautiosly goes in.

JUMP CUT, enter right and exit left.

EXT. INFRONT OF GARZA ESTATES – MIDNIGHT


He gets out again cautiosly closing the gate and
runs out.

CUT TO, Enrique running

EXT. INFRONT OF ARTURO’S HOUSE – MIDNIGHT


Enrique hurriedly runs, opening the gate harshly.
He goes in

He peeks through the window.

CROSS CUT, inside the house.

INT. LIVING ROOM – MIDNIGHT


Arturo is dead on the floor. A soldier checks his
body. Alexanra is being dragged from the stairs as
she screamed. A man points his gun at her.

L-CUT, gunshot.

CROSS CUT back to Enrique.

EXT. INFRONT OF ARTURO’S HOUSE – MIDNIGHT


Enrique walks away, shocked. He walks closer and
pauses.

ROTATE CAMERA to Enrique’s back.

DISOLVE to forest scene.

EXT. FOREST – DAWN


Enrique kneels to the ground, gunshots could be
hears.

ENRIQUE (v.o.)
Wala na…wala na akong babalikan pa sa [Insert
Barrio]

FADE OUT.

BLACK.

END.