You are on page 1of 8

Sa lahat po ng mga kinauukulan,

Ako po ay si, Jonathan Ramos, 40 taong gulang na dating asawa ni


Maryjane Ramos, ako po ay sumulat sa inyo nitong aking salaysay upang mariing
pabulaanan at itanggi ang pinaparatang sakin ng aking dating asawa na si
Maryjane Ramos, Nabanggit nya po sa unang bahagi ng kanyang salaysay ang
kabutihan ko at ng aking pamilya, sa makatuwid po ay pinatutuhanan nya na
naging mabuti ang aking buong pamilya sa kanya. Katotohanan po ang kanyang
nabanggit, Sa katunayan po ay binigyan pa kami ng lote ng aking mga magulang
at doon kami po ay nakapagtayo ng isang simpleng tahanan.

Sa totoo po, ayaw na ayaw ko po talagang mag abroad, sa


kadahilanang mahirap po maghanap ng placement fee, mahirap din po na
malayo sa pamilya. Pero pilit po ako kinumbinse ng aking asawa na mag abroad
kahit mahirap po sa aking kalooban. Dahil po sa tulong ng aking mga magulang
at dahil na rin po sa kagustuhan ko magbakasakali na kumita ng medyo maayos
ay napilitan po ako na mag abroad kahit na labag na labag sa kalooban ko. Sa
tulong po ng aking mga magulang, binigyan po nila kami ng halagang 35
thousand pesos upang maibayad ko sa aking placement fee. Ngunit nong ako po
ay dumating dito sa abroad, halos lahat po ng aking inaasahan ay hindi po
natupad. Gusto ko po sana na umuwi nalang pero andito na ako at nagkagastos
na at nagkautang na, kelangan ko po lumaban at magtiyaga, para sa aking
pamilya. Alam po ng karamihan kung ano ang hirap ng OFW dito sa middle east
lalo na kung ikaw ay walang mataas na pinag aralan na tulad ko na isang
simpleng security guard lamang.

Alam po natin lahat na dito sa Middle East country, pagmababang uri


ng trabaho ay per contract lang at may hangganan ang iyong pagtatrabaho, kaya
kinakailangan po na maging matatag ang loob mo upang makahanap ng bagong
employer para makakuha ng bagong trabaho. Hindi po alam ng aking asawa
kung gaano kahirap ang mga pagtitiis na nangyari sa akin sa tuwing matatapos
ang aking contract at sa tuwing humahanap ako ng bagong mapapasukang
trabaho, lalo pa sa ganitong napakainit na bansa. Hindi po ako nagsasabi kahit
nahihirapan na ako at kung ilang beses din po ako nagkasakit dito ng walang
karamay, at dahil ayaw ko po makadagdag sa paghihirap at pag aalala nila ay
pinilit ko nalang po na tumahimik.

Dumating po ang time na talagang nahihirapan na ako dito sa


pagtatrabaho dahil sobra po talaga ang hirap ng magtrabaho sa labas sa
panahon ng tag init dito, pero naisip ko po na kesa umuwi ako ng Pilipinas at
maghirap ako lalo doon, ay nagtiyaga po ako,nagpalipat lipat po ako ng
employer para lang po may maipadala ako kahit papaano sa aking asawa, at sa
mga time na nabanggit nya na hindi na nagkakapare pareho ang aking padala,
Totoo po yon at hindi ko itinatanggi. Dahil hindi po nya alam na sa mga panahon
nayon ay naghahanap po ako ng bagong employer, kaya kinakailangan ko po
magtipid dahil mahirap mawalan ng pera dito habang wala kang trabaho, pero
ganun pa man, alam ng aking asawa na kahit na papaano ay nakapagpapadala
ako. Hindi tulad ng kanyang sinabi na wala akong pinapadala,

Nabanggit po sa salaysay ng aking asawa na sa haba ng panahon ko


dito ay isang buwan lang po ako hindi nakapagpadala, totoo po yon dahil iyon
po ang mga panahon na humahanap ako ng malilipatan na trabaho at dumating
po ang time na naubusan na ako ng pera at napilitan na humiram sa mga
kakilala ko dito, at lahat po yon ay alam ng aking asawa. Pero gaya po ng nasabi
nya, minsan lang po un nangyari, ibig pong sabihin isang buwan lang,at hindi ko
po yon tinatanggi. At dahil po doon minsan ay nagtatalo kami dahil kung ano
ano na ang kanyang mga sinasabi sakin, kahit masakit ay tinitiis ko ang kanyang
mga salita, hanggang pinaghinalaan nya na ako na may ibang babae, masakit po
sa aming mga OFW na pag isipan ng masama sa kabila ng aming mga paghihirap
na maitaguyod ang aming mga pamilya.

Wala po akong naging babae, yon po ay pawang gawa gawa lamang


niya at kailanman ay hindi nya napatunayan, aaminin ko po na nagkamali ako sa
pamamagitan ng cellphone at mga tex, at yon po ay pawang mga isolated cases
lamang at wala namang nangyaring pagsasamahan. Sinabi po ng aking asawa
na nagpakasal daw po ako nong taong 2009, isa po itong napakalaking
kasinungalingan, Sa batas po ng buong Middle East, kahit napo ang isang
muslim, bago ka po makapagpakasal eh kelangan na may consent o pahintulot
po ang una mong asawa, kelangan may pahintulot din ang mga magulang, at
higit sa lahat kelangan mong humingi ng”certificate of Singleness”” mula diyan
sa Pilipinas na may authentication ng NSO at DFA at ng ating Embassy, paano po
ako makakakuha ng mga nasabing dokumento ngayong ako po ay nakarehistro
sa ating NSO at Embassy na kasal sa aking asawa na si Maryjane Ramos, at
paano po ako makakakuha ng gayong dokumento ngayong andito po ako sa
abroad. Kaya napaka imposible po sa batas Dito sa buong middle East ang
kanyang sinasabi. Lahat po yan ay napaka imposibleng mangyari dito sa Middle
East.

Sinabi rin po ng aking asawa na nagkaanak din daw po ako, mariin


ko po yang itinatanggi, sapagkat sa Batas din po ng Middle East ay malaking
kasalanan at malaking kaparusahan ang sinumang mahuhuli na nagsasama ng
hindi mag asawa at magkaanak ng wala marriage Certicate ang mag asawa, kaya
talaga pong napaka imposible ng kanyang mga bintang at sinasabi.hindi ko po
alam kung bakit gumagawa sya ng mga kwentong walang katotohanan at
walang mga basihan gayong hindi ko naman po sila pinababayaan, sa katunayan
nga po may mga resibo po ako na naitatabi upang patunayan na nagpapadala po
ako kada buwan sa kanila.

Nabanggit din po ng aking asawa na dumating po ang time na pati


ang aking mga magulang ay hindi nakakapagbigay sa kanila ng mga anak ko,
kasinungalingan po lahat yan, dahil ang totoo po ay sa tuwing mag aani ng
palay o Mais ang aking mga magulang ay palagi po nila binibigyan ang aking mga
anak at asawa. Ngunit sa di malamang pangyayari ay pinapasauli po ng aking
asawa ang lahat ng ibinibigay ng aking mga magulang at kung minsan po ay
pinapatapon pa nya, sobra po ako nalulungkot sa pangyayaring iyon.hindi ko
alam kung bakit nya pinapabalik sa magulang ko ang lahat ng palay at kung
minsan ay pera na ibinibigay nila saking asawa, at pagkatapos ay sasabihin nya
na hindi sila binibigyan,talaga pong malaking pagsisinungaling ang ginagawa ng
aking asawa para masira lamang nya ang aking pangalan at batid ko po iyon.

Sa totoo po may utang po kami na pera sa aking mga magulang na


halagang 35 thousand at ang buong akala ko po ay binabayaran ng aking asawa
habang nagtatrabaho po ako sa abroad, sinabi nya po na nabayaran na daw po
nya ang lahat ng utang namin sa aking mga magulang, ngunit huli ko na ng
malaman na hanggang ngayon pala eh kalahati palang ang naibabayad nya,
ngunit ganun pa man ay naging tahimik ang aking magulang at hinayaan na
lamang na hindi sila nabayaran.

Minsan po nagbakasyon ako sa Pilipinas, mga taong 2010 ay naayos


po naming lahat ng problema at gusot sa aming relasyon, nagpatawaran po kami
kung ano man po ang naging pagkakamali namin sa isat isa, naging maayos po
ang lahat lahat sa amin buong pamilya. Ayaw ko na po sana umalis muli dahil
masakit na muling iwanan ang aking pamilya, ngunit mahirap po ang humanap
ng trabaho sa Pilipinas kaya minabuti ko na umalis muli at magtrabaho abroad
kahit na masakit sa kalooban ko.sa loob po ng dalawang taon mula ng bumalik
po ako dito sa abroad, naging maayos po at tahimik ang aming komunikasyon at
relasyon, hanggang isang araw po nong 2011 ay may nalaman po ako mula sa
aking kamag anak na may ibang lalaki na daw po ang aking asawa, sya po ay
nagngangalang” Josie Marie Gonzales” at pumapasok daw po sa aming bahay
sa dis oras ng gabi, napakasakit po para sakin ang malaman ko ang pangyayaring
iyon, tulad nya naisipan ko ring magpakamatay dito sa abroad dahil sa sobrang
dipression.

Noong una hindi po ako naniwala, dahil baka kako gawa gawa
lamang o tsismis lang yon, pero nalaman ko kalaunan na totoo pala, tiniis ko ang
sakit, halos gumapang ako sa lupa, Napakahirap isipin bilang isang OFW na
lokohin ng asawa mo sa Pilipinas.ganun pa man pinilit kong lumaban sa buhay
alang alang sa mga anak ko. Kinausap ko ang aking mga magulang at kinausap
nila ang aking asawa ng sa gayon ay matigil ang lahat ng panloloko nya sa akin.
Nangyari ang gusto kong mangyari napigilan ko ang panloloko nya sakin sa
pamamagitan ng aking mga magulang,

ngunit hindi nagtagal ay naulit na naman ito sa katauhan naman


ng ibang lalaki na nagngangalang “Brendo Baciles” sa pangalawa pong
pagkakataon ay niloko nya akong muli, hindi po ako makapaniwala na mauulit
yon muli, pero dahil kilala ko po ang asawa ni” Brendo Baciles’ ang pangalawang
lalaki ng aking asawa, ay mismong asawa po ni Brendo Baciles ang nagtetex po
sa akin na totoo talaga na kalaguyo po ng aking asawa ang kanyang asawa na si
Brendo Baciles. Pag natutulog po kc si Brendo ay tinitingnan po nya ang
cellphone nito at lahat po ng tex ng asawa ko sa cellphone ni Brendo ay
pinoforward nya sakin, kilala ko po kung paano magtex ang asawa ko, kaya
napatunayan ko po na totoong c Brendo Baciles at ang aking asawang si
Maryjane Ramos ay magkalaguyo.

Muli po sa tulong po ng aking mga magulang at mga barangay


official ay muli pong naputol at napigilan ang panloloko na ginagawa sakin ng
aking asawa, napakasakit po talaga na sa pangalawang pagkakataon ay nagawa
nya muli makipagrelasyon sa ibang lalaki, halos masira na po ang ulo ko sa
kakaisip, nag aalala po kasi ako sa mga anak ko, pero dahil po nasa malayo ako,
ay pinilit ko pa rin po na bumangon at ituloy ang aking buhay sa abroad,
Aaminin ko po na buhat po noon ay nawalan na ako ng gana sa asawa ko, kahit
naman po siguro sino ang makaranas ng ganitong sitwasyon ay talagang
mawawalan ng gana sa buhay.

Lumipas po ang halos isang taon, ng muli ay malaman ko sa


ikatlong pagkakataon na may bago na naman pong lalaki ang aking asawa. Na
nagngangalang “Gary Dizon” tulad ng una at pangalawa nyang mga lalaki na
sila Josie Marie Gonzales at Brendo Baciles, sa hatinggabi po ay pumapasok sila
loob ng aming sariling bahay at doon sila nagtatagpo. At hanggang sa
kasalukuyan po ay karelasyon pa rin po ng aking asawa si Gary Dizon at madalas
nga po ay sa aking naipundar na bahay pa sila nagtatagpo at halos ay nagsasama
na.

Noong March 2015, totoo po na umuwi ako ng Pilipinas at totoo din


po na sa bahay ng mga magulang ko ako tumuloy, dahil hindi ko na po kayang
tumira sa sarili kong bahay dahil pagnaiisip ko po ang lahat ng naging lalaki ng
aking asawa na pumasok at humiga katabi ang aking asawa sa sarili kong
pamamahay, ay hindi ko po maiwasan na masaktan at makaisip ng hindi
maganda, ganun pa man po sa tulong ng barangay officials ay nagkausap kami at
aking mga anak at naibigay ko ang lahat ng aking dala dalang pasulubong, tulad
ng chocolates, mga relos, mga sapatos, mga bags at kung ano ano pa, nagkaroon
din po ako ng pagkakataong maipasyal ang aking mga anak sa Balanga City,
kumain po kaming magkakasama at ibinili ko pa sila ng tig iisang cellphone o
Tablets.

Ang hindi ko po maintindihan ay nong lumipas ang ilang araw ay


bigla nalang nya akong ineraklmo sa PAO office at hindi raw po ako tumutupad
sa mga pangako ko sa barangay, sa kabila po ng aking mga ginawa at binigay
para sa kanila ay sinabi po ni Maryjane Ramos na hindi daw po ako tumupad sa
usapan sa baranggay,ano po kaya ang hindi ko tinupad gayong nasa bakasyon pa
po ako ng mga oras nayon, sa totoo po yong mga panahon na iyon ay bigla
nalang syang nawala sa bahay naming mag asawa at iniwan nya ang aking
tatlong mga anak, tatlong araw po syang hindi umuwi ng bahay at ako nga po
ang nagbantay sa aking mga anak,masakit man po sa loob ko na matulog sa
aking bahay ay ginawa ko po yun alang alang sa aking mga anak dahil wala po
silang kasama sa bahay, at nalaman ko rin po kung saan sya pumunta, kasama
po nya ang kanyang kinakasamang lalaki sa ngayon na si Gary Dizon.

Ganun pa man po ang nangyari ay tinanggap ko na po ang lahat na


hindi na talaga kami para sa isat isa, nabanggit din po ng aking asawa na
nagpunta ako ng Tagaytay, mula po sa pagkabata ko ay hindi pa po ako
nakakarating ng Tagaytay, hindi ko alam kung paano nya nagagawang gumawa
ng kwento na walang basihan at katotohanan.nanatili po ako sa bahay ng aking
mga magulang at lumuwas lang po ako ng Manila at Balanga, pero hindi po ako
napunta ng Tagaytay gaya ng sinasabi nya, wala rin po ako kinakasama na
pawang gawa gawa lang nya at kathang isip lamang para masira lamang ang
pangalan ko, batid ko po na ginagawa nya lahat ito para pagtakpan nya ang
tatlong lalaki na dumaan sa buhay nya, ngunit magpasahanggang ngayon ay
kasama nya.

Galing po ako sa Malaki at kilalang pamilya sa Baranggay Saysain,


Bagac, kaya halos alam po ng buong baranggay namin ang mga ginagawa ng
aking asawa habang ako po ay malayo sa kanila. At lahat po iyon ay
napatunayan ko na, Sana po ay maunawaan nyo rin ako sa aking katayuan,
sapagkat kung kayo man po ang nasa posisyon ko ngayon ay lubos din po kayong
masasaktan. Hindi na po sana ako babalik pa ng abroad, ngunit naisip ko po na
mahihirapan ang aking mga anak kung ganun ang gagawin ko, kaya bumalik po
ako at bago po ako umalis nong April 2015 ay nag iwan po ako ng 4 na libong
piso para sa karagdagang pambili ng gamit pang eskwela ng aking mga anak,
Noong buwan po ng May 2015 habang kababalik ko lang po ng abroad ay
nagpadala po ako ng 5 libong piso para sa dagdag na pambili ng gamit pang
eskwela ng aking mga anak, alinsunod din po ito sa napagkasunduan sa PAO
Office. Sa totoo po ay wala pa po akong sweldo sa panahon na iyon spagkat
kababalik ko lang po ng abroad, kaya nagawa ko po mangutang sa mga kaibigan
para lang makatupad ako sa napagkasunduan.

Ang pinagtatakahan ko lang po ay kung bakit hindi nya nabanggit ang


napagkasunduan namin sa PAO Office, bakit hindi nya sinabi ang tungkol sa
kasunduan, gayong meron akong katibayan na hindi ko sila pinababayaan. Sa
ngayon po ay nangangamba ako para saking mga anak, lalo na po ng malaman
ko na ang kinakasama ng aking asawa na si Gary Dizon ay isang sabungero at
may bisyo, may anak po akong mga babae kaya nag aalala po ako sa kaligtasan
nila. At nag alala din po ako na baka ang mga pinapadala kong pera ay sa iba
napupunta at hindi sa aking mga anak. Muli po ako ay nagpapasalamat sa
inyong malawak na pang unawa, hangad ko po na mapabuti ang katayuan ng
aking mga anak, kaya sa abot po ng aking magagawa at makakaya ay hindi ko po
sila pababayaan. Sana po ay maunawaan ninyo ako. Maraming salamat po sa
inyong lahat.

Lubos na gumagalang,

Jonathan P. Ramos