You are on page 1of 2

FAUSTINO S.

AGUILAR
Isinilang si Faustino S. Aguilar sa Malate, Maynila, noong 15 Pebrero 1882. Sumapi
siya sa Katipunan sa gulang na labing-apat at nakisangkot sa madugong paghahamok ng
mga Pilipino at Kastila. Sa panahon ng Amerikano unang nakilala si Aguilar bilang
mamamahayag at patnugot ng pahayagang Taliba. Naglingkod si Aguilar sa iba’t ibang
sangay ng Pamahalaan katulad ng Kawanihan ng Paggawa. Yumao siya noong 1955.

Isang batikang nobelista, tinahak ni Aguilar ang landasin ng realismong sosyal.


Kabilang sa kanyang mga akda ang Busabos ng Palad (1909), Nangalunod sa Katihan
at Sa Ngalan ng Dios (1911), Ang Lihim ng Isang Pulo (1926), Ang Patawad ng Patay
at Ang Kaligtasan (1951) at Pinaglahuan. Makikita sa nasabing mga nobela ang
malawakang pagsusuri sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunang batbat ng
karahasan at kawalang-katarungan.

Si Faustino S. Aguilar (1882-1955) ay isinilang sa Malate,Maynila,at nagaing


pangunahing nobelista,peryodista,at lider-obero ng kaniyang panahon. KAbilang sa
kaniyang mga nobela ang magkakatanikalang klasikong Pinaglahuan (1907),
Busabos ng Palad (1909), Sa Ngalan ng Diyos (1910), Nangalunod sa Katihan
(1911), Ang Lihim ng isang Pulo (1926), Ang Patawad ng Patay (1915), at Ang
Kaligtasan (1915). Naging tanyag na editor at manunulat siya ng mga babasahing
La Patricia, El Renacimiento, Muling Pagsilang, at Taliba, bukod sa pagiging
kawaksing kalihim ng paggawa noong administrasyon ni Pangulong Manuel L.
Quezon. Lumahok si Aguilar sa Himagsikang Katipunan, at naging daan iyon upang
matuklasan niya ang sarili sa dakilang pagsusulat.

Faustino Aguilar
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Faustino Aguilar ay isinilang noong taong 1882. Nasa kainitan ng kabataan si Faustino
Aguilar nang dumating dito at sakupin tayo ng mga Amerikano.

Nasaksihan niya at nadama ang pagmamalabis ng mga dayuhan sa mga manggagawang Pilipino.
Istrikto ang mga Amerikano sa pagpapasunod sa mga batas ng paggawa subalit kulang naman
ang mga manggagawa sa mga kagamitan. Nakita niyang apingapi ang maliliit na manggagawa.
Wala silang mga karapatan at dignidad bilang tao sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano.

Ito ang nagtulak kay Faustino Aguilar upang maisulat ang nobelang Pinaglahuan. Sa nobelang
ito binuhay ni Aguilar ang pagdurusa ng kaluluwa. Naging tagapaglahad siya ng katotohanan at
tagamungkahi ng kalutasan. Sinasabing si Faustino Aguilar ang kauna-unahang sumulat ng
nobelang panlipunan. Ang ilan pang mababanggit na mga nobelang sinulat ni Aguilar ay "Lihim
ng Isang Pulo, Busabos ng Palad, Nangalunod sa Katihan, at Patawad ng Patay.

Siya binawian ng buhay noong taong 1955.

Faustino Aguilar
Faustino S. Aguilar (b. 1882-1955) is a Filipino author whose works were on the
side of social realism. He was a member of the Katipunan.

He was born on February 15, 1882. He was only 14 when he joined the alliance of
Filipinos against the Spanish during the colonization period.

[edit] Career
Aguilar was known during the American colonization period in the Philippines as a
journalist and editor of Taliba. He also worked for the Department of Labor.

He authored the books entitled Busabos ng Palad (1909), Nangalunod sa Katihan at


Sa Ngalan ng Dios (1911), Ang Lihim ng Isang Pulo (1926), Ang Patawad ng
Patay(1951), Ang Kaligtasan (1951) at Pinaglahuan. Most of his novels talked about
violence and injustice in the society during his time.

He died in 1955.

You might also like