You are on page 1of 2

Masusing Banghay Aralin

FILIPINO 9

Grade: Grade 9

Section: MT. HALCON

Date: PEBRERO 10, 2020

Layunin

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang


pampanitikan ng Pilipinas.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer or


storyboard tungkol sa tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian.

Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang katauhan ni Sisa at ng sariling ina.

Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng


tauhan. (F9PN-IVd-58)

Natutukoy ang mahahalagang detalye sa kabanata.

Nilalaman

Paksa

KABANATA XVI

SI SISA

Sanggunian:

Miranda, et.al.(2009) Obra Maestra III- Noli Me Tangere, Maynila, Rex


Printing Company Inc. pahina 117-118

Kagamitan: kartolina, video clips, pisara, yeso, powerpoint, laptop, ispiker

Uri ng Teksto: Nagsasalaysay


PAMAMARAAN

Pang –araw-araw na Gawain

Panalangin

Tumayo ang lahat, __________, maaari mo bang pangunahan ang ating


panalangin?

Pagbati

Magandang hapon sa inyong lahat.

Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago kayo magsiupo ay mangyaring pulutin muna lahat ng kalat sa loob ng silid at
tiyaking nasa maayos na pagkakalinya ang inyong mga upuan.

Kung nasa ayos na ang inyong mga upuan at malinis na ang paligid ay maaari na
kayong magsiupo.

Pagtiyak sa liban

Mayroon bang liban sa araw na ito?

Mabuti kung gayon.

You might also like