Prologue ―Mine!‖ Takbo rito…Takbo roon… ―Mine! Mine! Mine!

‖ *PRRRRRRRRRRRRRRRT* Napatingin kaming lahat kay coach Vicedo, ang naghahandle ng varsity volleyball. ―Sir bakit?‖ ―Practice is over. Pwede na kayong makauwi. May emergency meeting ang teachers.‖ Aw, pagkasinusuwerte ka nga naman oh. Ayos! Lahat kami tuwang tuwa at dumiretso na sa locker room at naligo na. ―Oh Andy, uuwi ka na agad? Daan ka muna kina Che, may party eh.‖ ―Party? Eh araw araw na yatang may party kina Che eh. Saka, marami pa akong gagawin. Saka nalang.‖ ―Oh sige. Ingat sa pag-uwi.‖ Lumabas na ako sa locker room, at syempre, mabango na ulit. Pagkababa ko eh dumiretso ako sa classroom kasi doon ko pa imemeet yung barkada ko. Sabay sabay kasi kaming umuuwi. Pagdating ko sa classroom eh laking gulat ko na nakikipagtalo na naman si Cheeky kay Kit, ang aming sc president. ―HOY! Mr. Kit! Hindi porket SC president ka eh pwede ka nang manlait ng mga baklang katulad ko. I may be gay! But I‘m a proud gay!‖ Hay, naku, si Cheeky talaga. Oo nga pala, Chester ang tunay na pangalan ni Cheeky. Nakilala ko yan nung 1st year high school pa lang ako. Aba, kakaiba pa yung approach niya sa akin, biruin niyo, makikipagkilala nalang yan eh bibigyan ka pa ng pasa. Sabi niya, remembrance daw. Hmf. Yan nga rin pala ang may kasalanan kung bakit ako natuto ng gay language tulad ng mga ang chaka chaka o kaya mga kung ano pang kaekekan. Basta, nakakatuwa nga eh. ―Oh Cheeky, tama na. Nag-uusok na naman yang ilong mo oh.‖ Yan naman si Cheska. Ang kakambal ni Cheeky. Magkabaliktad sila ng ugali ni

cheeky, dahil siya sobrang tahimik saka ayaw sa gulo. May pagkawar-freak din kasi ang kambal niyan eh. ―Oo nga naman Cheeky, tama na.‖ Ayan si Marla. Mabait yan, elegante. Kaya nga yan nagustuhan ni Stephen eh, yung isa ko pang kabarkada. ―Huy Cheeky ano ba…‖ At syempre, ang kukumpleto ng barkada namin, si Vince. Sa mga kabarkada ko, siya na ang pinakaclose ko. Kilala ko kasi yan mula pa nung bata ako eh. Pareho kaming laking France at pareho ding lumipat dito nung magsimula kaming magaral. Magkaibigan kasi yung pamilya namin eh. As in close talaga. ―Oi Kayo, tara na nga…‖ Lumingon naman sila sa akin at parang gulat pero ngumiti rin. ―Cheeky ah…tama na yan.‖ ―Hmf! Pasalamat ka Mr. Kit at dumating ang friend ko kung di, hmf!‖ Yung Kit naman na sinasabi ni Cheeky eh yung student council president-slashhabulin-slash-soon-to-be-valedictorian (obvious kasi) na kabatch namin. Okay sana siya eh, kaso parang ang laki ng grudge niya sa mga bakla. Ewan ko ba diyan, wala naman ginagawa si Cheeky diyan. Gaya nga ng sabi ko kanina, sabay sabay na kaming umuwi. Pinakamalapit sa school namin si Stephen kaya siya pinakaunang nadaanan. Naglalakad lang kami kasi hindi rin naman ganoon kalayuan ang mga bahay namin. Walking distance lang talaga. Sumunod kay Stephen si Cheeky at si Cheska at syempre pagtapos nun si Marla na. Usually talaga kami lang ni Vince ang natitira kapag umuuwi. Paano, magkatapat ang bahay namin eh kaya nga swerte ko at naging kaibigan ko yan eh, kasi parati akong may kasama umuwi hanggang bahay. Pagdating ko naman sa bahay kumiss lang ako sa mama ko at syempre umakyat na sa kwarto. Grabe, nakakapagod din kasi tong araw na ito eh. Buti nga at tapos na yung exams namin. Oo nga pala, 3rd week of August ngayon at next week na yung foundation week namin, tiyak busy na naman kaming lahat niyan. ―Cass! Andy! Bumaba na kayo diyan at andito na ang tita Edna niyo!‖ Hay, si mama talaga, ang taas taas ng energy. Grabe, tinatamad akong bumaba,

bakit? Kasi ang gagawin lang naman ni tita Edna pag nakita ako eh makikipagbeso beso at papupulahin ang pisngi ko sa kakakurot. Ewan ko ba, biniyayaan ako ng Diyos ng ka-cute-an kaya ayan, minsan nagdudusa ako. ―CASSIOPEIA QUELLISHA! ANDROMEDA YZOBBELLE!‖ Hala patay na, buo na yung pangalan. Tumayo na ako at bumaba. Ayoko ngang mahabol ng walis no. Pagkababa ko naman, nakasalubon ko ang aking evil sister at ayun, inerapan niya ako. Hmf, ang arte niya. Pagpunta ko sa sala namin eh may biglang balyena---este mataba---este babaeng yumakap sa akin. Napausog pa nga ako eh, akala ko katapusan ko na. Joke lang. ―Andy! Ang laki laki mo na oh! Nung dati kong punta dito eh ang liit liit mo pa at wala ka pang dibdib!‖ Tama bang ipagkalantaran ang pagiging flat chested ko dati?! Hmf, sabagay, bata pa ako nun eh. Ano bang magagawa ko?! ―Edna…wag mong hiyain yung bata…‖ “Hanggang ngayon naman eh wala parin.” Aba, mukhang naghahanap ng away to ah. Hmf, bahala nga siya. Teka nga…aray…hindi ako makahinga. ―Tita…hi-hi-hindi ako maka-hi-hi-hinga…‖ Humiwalay naman siya kaagad at tumawa. Umupo ako dun sa kabilang sofa sa tabi ni Mama at si tita Edna naman sa tabi ni Ate. Ayoko ngang makatabi si ate no mamaya kung anong pinaplano niyan at umikli ang buhay ko. ―Asan na ba si Herc at bakit ang tagal ng inumin natin?‖ Napangisi ako dun sa pangalan ng kapatid ko. Herc. Short for Hercules. I know, ang weweird ng pangalan namin. Ewan ko, may pagkaaddict kasi nanay ko sa mga constellation eh. Ang hilig niya dun sobra kaya ayan tuloy, kaming magkakapatid ay may napakaweird na mga pangalan. Isipin niyo ba naman, sinong matinong nanay ang magpapangalan sa mga anak niya ng Cassiopeia Quellisha, Andromeda Yzobbelle at Hercules Rexidor?! Diba? Ang nakakainis pa dun, halatang sariling imbento lang nila yung mga second name namin. At ang sisisihin naman para diyan eh ang daddy ko na napakawide ng imagination. Writer-slash-Psychologist kasi kaya magaling mag-isip ng kakaibang pangalan. ―Andy, puntahan mo na nga yung kapatid mo at baka hirap na hirap na yung sa pagdadala.‖

―Huh? Bakit ako? Bakit hindi nalang si ate?‖ Tumingin sa akin ng masama yung ate ko at yun, inerapan na naman ako. Aba, nakakadalawa na siya ah. ―Bakit mo pinapasa sa akin yan eh sa iyo inutos??‖ ―EH bakit ang arte arte mo?‖ Totoo naman eh, ganyan naman parati yan. Sobra kung mag-inarte lalo na kung inuutusan siya nina mama. Akala mo kung sino magsalita eh siya rin naman pinapasa sa akin o kaya kay Herc yung trabaho niya. Hay, kelan kaya kaming 3 magkakasundo? ―Tama na nga yan. Andy hindi ka ba susunod? Baka naman gusto mong walang cellphone at bawal lumabas next week?‖ Gulp. ―Susunod na po…‖ At yun tumayo na ako at yung ate ko naman nagbelat sa akin. Hmf, nakakapangulo ng dugo talaga. Pagdating ko naman dun sa kusina namin eh andoon nga si Herc pero naglalaro siya ng gameboy niya. Kaya ayun, binatukan ko nga. ―Aray ate! Ano na naman ginawa ko sayo??‖ ―Hoy Herc, kanina ka pa hinihintay ni mama, asan na yung inumin?‖ Nagkamot siya ng ulo tapos tinuro dun sa may lababo. Hay, hindi parin siya nagtitimpla?! Ano ba yan. Nagmagandang loob nalang ako at nagtimpla ng juice tapos nagpatulong na dalhin yun sa sala. Nagkukuwentuhan sina mama at si Ate Cass naman eh nagtetext na naman sa kung sino sino at syempre si Herc eh nag gagameboy. Teka, ano pa bang ginagawa ko dito eh wala naman may kelangan sa akin dito eh. Nagpaalam na ako kay mama na umakyat at yun, pumayag naman. Pagdating ko sa taas eh ginawa ko na yung mga homework para next next week. Ayoko kasi maghabol kapag foundation week na namin eh. Panigurado naman na hindi ako makakaisip ng matino. Tinapos ko yun lahat kaya medyo 11 narin ako nakatulog. ***

Nagising ako ng maaga aga kinabukasan kaya maaga rin akong natapos. Nagulat pa nga si Papa at bakit daw 5:30 pa lang nakahanda na ako. Akala nga niya may field trip kami kaya nagworry pa siya na wala daw akong snacks. Pero syempre, inexplain ko lang na nagising lang ako ng maaga kaya ayun, natahimik din siya. Hindi na ako nagpahatid sa driver kahit na madilim. Actually, tinakasan ko nga lang yun eh, buti hindi ako nakita. Paano, sinasabi ko naman sa kanila na bakit pa kelangan magpahatid eh pwede ko naman lakarin. Kaso yun talaga ang gusto nila eh pero syempre minsan, nakakatakas parin ako. ang swerte ko nga eh. 6 na nun nung umalis ako ng bahay. Nakita ko nga rin na lumabas na si Vince kaya nagsabay na kami. Nagkuwentuhan kaming dalawa kaya mas mukhang napabilis yata yung paglalakad namin. Sabi nga nila, time flies when you‘re having fun. Pagdating namin sa school dumaan kami ng locker at dumiretso na ng classroom. 6:15 pa lang nun kaya wala pa talagang tao. Hindi narin kami nanibago dun. ―Bakit nga pala ang aga ng gising mo ngayon?‖ SA totoo lang kasi, kaya kasabay ko si Vince eh kasi tinext ko siya na maghanda na. Hihihi, tulog pa nga yata yan nun eh pero alam ko namang hindi niya ako matitiis eh. ―Wala lang. Nagising lang ako ng maaga eh. Sorry ah, mukhang nagising yata kita…‖ Ngumiti naman siya sa akin at umiling lang. ―Wala yun ano ka ba. Ikaw pa.‖ Nag-usap pa kami nun at syempre, dumami narin yung mga tao. Hindi nagtagal, bell na at nagsimula na yung class namin. ―Okay class, gusto ko lang I-clarify na yung mga gustong magtayo ng booths nila next week para sa foundation week eh magsign up lang sa akin. Meron narin akong listahan ng mga taken na na booths kaya habang maaga aga pa eh tumingin na kayo para hindi kayo maagawan.‖ Maraming studyante na lumapit kay Miss at tumingin dun sa papel. Kami namang magkakabarkada eh nagsimula na magchikahan at syempre, nasa pamumuno ni Cheeky. ―Losyang. Si Bella yun no hindi si Marsha.‖

Since hindi ako masyadong makarelate dun sa pinag-uusapan nila lumabas muna ako at dun sa tapat ng classroom namin nagstay. May upuan at table kasi dun. Tumigin tingin ako sa ibang classroom, halatang homeroom period talaga kasi halos lahat eh kung hindi nasa hallway eh nag-iingay dun sa loob ng classroom nila. Napalingon naman ako dun sa katabing section namin at nagulat ng biglang lumabas si mr. SC president. Hmf, may atraso pa yan kay Cheeky. Tumingin siya sa direksyon ko at aba, tama bang taasan niya ako ng kilay? Feel naman niya na magkaka----OH MY GOSH! Si…si…si Sasha!! Napansin niya yata yung pagkalaki ng mata ko kaya tumingin siya dun sa tinitignan ko. Pumasok naman ako kaagad kasi baka kung ano pang sabihin niya. Pagdating ko pa nga kina Marla eh nanloko pa. ―Ano bruha? Nakita mo na naman si Sasha?‖ Si Sasha nga pala ang long time crush ko. Mabait yun at cute. Yun nga lang, nerd talaga siya. Kapag kausap mo eh ang parati niyang bukambibig eh science. Kulang nalang nga daw pakasalan niya yun eh. At ang sabi pa ni cheeky dati… “Asus, kung pwede nga lang eh malamang matagal na niyang ginawa.” Pero wala akong pakielam sa mga yun. Basta crush ko talaga siya. ―Ewan ko ba sa iyo Andy, maganda ka naman. Bakit siya pa ang nagugustuhan mo?‖ ―Tigilan niyo nga ako.‖ ―Nagsasabi lang kami ng totoo.‖ Asus, if I know gusto lang niyang sumang-ayon kay Marla. Ewan ko ba diyan, may ibubuga naman pero natotorpe parin. Hmf, guys. Lumipas yung yung oras ng mabilis. Wala kasi kami masyadong ginawa sa mga subjects namin eh, paano pati mga teachers busy narin. Saka ayaw narin nila magturo ng heavy lecture ngayon pa‘t malapit na magfoundation week. Masasayang lang effort nila dahil paniguradong lumilipad mga utak ng students. **** ―Andy bilis, gutom na kami. ―Oo teka lang.‖

Saan na ba yung wallet ko? Argh…badtrip. ASAN NA YUNG WALLET KO!? Pumasok sila tapos pumalibot sa akin. ―ano bang hinahanap mo diyan?‖ ―Yung wallet ko…nawawala.‖ Medyo naluluha pa nga ako nun. Alam kong mababaw pero marami rin nakalagay dun no. May mga pictures. PICTURE! May picture si Sasha dun. Waaa…nakakaasar naman. Please makuha na ng kahit na sino, wag lang ni Sasha. ―Tara na Andy, lilibre nalang kita.‖ Ngumiti ako kay Vince. Grabe, sobrang grateful ko talaga sa lalaking iyan. At ayun, nagpunta na kami ng cafeteria at syempre bumili na ng mga pagkain namin. At syempre pagtapos nun eh dun kami nagstay sa tambayan namin. Sa stairs papuntang gym. ―Nakita mo ba kung paano makatingin yung bruhang yun kay Trek?‖ ―Sino?‖ ―Sino pa ba Andy? Eh di si Keri!‖ Ah, siya pala. Si Keri nga pala yung pinakamaarte, pinakamalandi, pinakaflirt, pinakasuplada at PINAKANAKAKAINIS sa lahat ng kabatch namin. Paano, sobrang landi lalo na sa kung kani-kaninong lalaki. Gusto niya yata na sa kanya mapunta lahat ng lalaki sa mundo. Well of course, hindi nyia yata magalaw mga kaibigan ko dahil sapok ang abot niya sa amin. ―Speaking of the devil. Tignan niyo incoming flirt, 12 o‘clock.‖ Tumingin naman kami sa tinuro niya at tama siya, paparating nga si Keri at ang dakila niyang clone na si Pau. ―Tabi nga. Yuck.‖ Pinigilan naman namin si Cheeky kasi naghahanda nang sumabunot. ―Ano na naman kelangan mo ha bakla? Yung mga tulad niyo eh walang karapatan naman talaga sa school na ito eh. bakit kaya hindi nalang nila kayo paalisin? You‘re making the school look ugly.‖ At yun, ewan ko kung yun ba ang tinawag na adrenaline kasi bigla nalang

lumakas si Cheeky at sinabunutan na si Keri. ―What‘s going on!? Are you fighting?! Kayong lahat, sumama kayo sa akin sa office ngayon na!‖ At pagkaminamalas ka nga naman oh. Yung vice principal pa talaga ang nakahuli sa amin. Hay, gulo na naman ito. Sinama niya kami sa office niya at yun tinanong kaming magexplain. Sabay sabay naman kaming nagsalita kaya pinatahimik kami muna. ―Miss Meridian, ikaw muna ang magsalita.‖ ―Eh kasi naman po ma‘am eh,. yang baklang yan biglang sumugod nalang. Wala naman akong ginagawa sa kanya.‖ ―Anong wala? Ito gusto mo?!‖ sabi ni Cheeky at umarte na parang manununtok. Si Keri naman eh mukhang takot na takot at yun nagtago sa likod ni ma‘am. ―Stop it! Ikaw naman Mr. Oliveros. Bakit mo siya sinabunutan?‖ ―Miss she provoked me! Pinalabas niyang basura lang daw kaming mga bakla dito sa school!‖ ―Bakit!? Hindi ba!?‖ At ayun, sumugod na naman si Cheeky pero syempre inawat na namin. ―STOP! Bawal ang makipag-away sa school and you know it‘s a serious offense. I should even be suspending you from the activities next week---‖ ―Ma‘am wag po!Promise hindi na kami mag-aaway!‖ Nagulat naman kaming lahat at nagkasundo pa yung dalawa. Tumango lang si ma‘am at yun, pinabalik na kami sa classroom. Whew. Muntik na yun ah. Si cheeky naman eh todo ang dada tungkol kay Keri at hanggang sa makarating kami sa classroom. Nakakatulilig na nga sa tenga eh pero hinayaan nalang namin. Mas mabuti na yun kesa sa manakit pa siya at magkaoffense na talaga. Gaya kanina, mabilis parin naman yung paglipas ng oras. Wala na talaga kaming ginagawa sa klase. Buti nga at nag-announce sila na na-cut na daw yung class kasi may meeting ang teachers. Hay, salamat naman. Pagdating ko sa bahay wala pa sina Ate at si Herc. Nagulat pa nga si Mama na kung bakit daw maaga ako. Akala pa nga niya na nag-cutting ako eh, tinawanan ko lang naman siya.

Umakyat na ako kaagad sa kwarto at yun nagbihis. Mag-iinternet na sana ako kaso lang biglang nagring yung telepono. ―Hello?‖ ―Hello? Pwede kay Mrs. Ongpauco?‖ ―Umm…saglit lang po.‖ Lumabas ako ng kwarto at sinigaw kay mama na tawag siya. Agad agad naman niyang sinagot yun kaya binaba ko narin yng phone. *RING* Hai ano ba yan, bakit ba ang daming tumatawag? ―hello??‖ ―Hello Andy! Punta ka dito kina Stephen. Andito kaming lahat eh tapos labas tayo puntang mall.‖ Mall? Nang-aasar ba sila? Eh wala nga akong pera eh! ―Pe----‖ ―And don‘t worry about the expenses. Ililibre ka raw ni Vince.‖ Grabe naman yun. Hindi kaya sobra na? ―Wag nalang…nakakahiya na kay Vince.‖ ―Aba, at kelan ka pa natutong mahiya?‖ ―Sobra ka naman...‖ ―Dali na please?? Di kumpleto barkada pag wala ka eh.‖ Ashu, flattered naman ako dun. Nyahaha, sige na nga. ―Okay.‖ Medyo nilayo ko yung phone ko sa tenga ko dahil biglang sumigaw si Marla. Walang hiya ito, may balak pa yatang basagin ang ear drums ko. Hmf. Nagpaalam narin naman siya at ako eh nagbihis na naman. Nung ready na ako eh

bumaba na ako para magpaalam. Nakita ko naman na nasa phone parin si Mama kaya sumenyas nalang ako sa kanya. Pumayag naman siya basta wag pagabi. Ganun naman parati eh. Lalabas na ako nun nung marinig ko ang… ―Oh? Nasa MPU din siya? Andun din ang anak ko! Baka naman classmates sila? Okay…that‘s a great idea!‖ At pagtapos nun eh lumabas na ako. Ewan ko kung bakit pero I suddenly had a bad feeling.

Chapter 1

Pagkadating ko dun kina Stephen eh umalis na kaagad kami at nagpuntang mall. Ewan ko na talaga kung bakit pero sobrang may naiba bigla yung feeling ko. Kaya nga buong time na magkakasama kami eh sobrang tahimik ko. Napansin na nga rin nila pero syempre, deny lang. Una naming ginawa eh nagtime zone kami. Grabe nga eh, ang kulit. Nagkaroon pa ng ―competition‖ na paramihan daw magshoot. Nanalo nga si Vince eh. Isipin niyo? May talent pala dun yung best friend ko hindi ko man lang alam? Niyahaha. Joke lang. Varsity yata yan. Pagtapos namin magtime zone, kumain narin kami kasi gutom na talaga kami nun. Inabot nga kami ng hapon kasi todo kwentuhan pa kaya ayun, pagtapos namin kumain eh napauwi na kami, bawal kasing magpagabi. Pagkadating ko naman sa bahay, naabutan ko si Ate Cass at si Herc na naghahabulan at si ate naman eh sumisigaw ng… ―WALANG HIYA KANG KUTONG LUPA KA! BUMALIK KA DITO! HOY HINDI PA TAYO TAPOS! AKALA MO PAPALAMPASIN KO YUNG PAKIKINIG MO SA TELEPONO! BALIK!‖ Wow, ang happy family namin no? Hindi ko na tinulungan si Herc, he deserves it. Kasi naman eh, bakit ba kelangan mageavesdrop diba? It‘s really rude. Kahit man magkakaaway kami niyan, minsan may kinakampihan din kami no. Syempre, kinakampihan namin madalas yung deserving. Yun nga lang, bihira ko lang talaga kampihan si Ate Cass, pwera nalang kung may kapalit. Mwahahaha. Umakyat na ako sa kwarto ko at binuksan kaagad yung computer. Nagcheck ako ng friendster at symepre nagym na. Nagulat nga ako ng biglang may nag-im sa akin. Teka, paano nito nakuha ym id ko?

<BUZZ> cuteboi: hey Aba, may pa ―hey‖ pa siyang nalalaman. Hmm, sino kaya ito? sassygirl: hu u? cuteboi: sum1 sassygirl: duh. cuteboi: haha. Hai nako, ang weird niya ah. Pag ako nairita aalis na ako. sassygirl: seryoso, hu u? cuteboi: am cuteboi…you?. Fine, he wants to play a game? Sure. sassygirl: sassygirl cuteboi: nyc 2 mit u sassygirl. sassygirl: same hir. Pnu m nkuha ym id q? cuteboi: I guessed.. sassygirl: lucky guess. cuteboi: haha.. And for some odd reason? Hindi ako nabore na kausap siya. Actually? Inabot pa nga ako ng 2 a.m. na gumagamit ng pc eh. Nasermonan tuloy ako ni papa, pumasok kasi ng kwarto ko kaya ayun. Nung weekend hindi ako nag-online. Syempre, baka sabihin ni ―cuteboi‖ eh interested akong makausap siya. So sabihin na nga nating tama pero he doesn‘t need to know that right? Nung Saturday sa bahay lang ako. Nagpahinga kasi may laro kami sa Tuesday. Opening na kasi ng tournament para sa schools dito sa amin eh kaya ayun. Sayang nga eh, yun pa naman ang opening day ng foundation week namin. Hay, ayos lang yun, hanggang Friday pa naman eh. Nung Sunday naman lumabas kaming pamilya. Nagpunta ng mall, kumain sa labas, nanood ng sine…well the usual. Except for one fun part, nagskating kami. Nagulat nga ako nung nagyaya si mama eh. First time. Paano, matatakutin kasi yang mama ko sa safety namin eh kaya kahit nung bata kami hindi kami pinapatry. Yung magbike nga lang eh ayaw niya. Buti nung tumanda kami eh pinayagan narin, nakakahiya din yun no. To think na mag-16 years old ka na at kelangan mo parin ng training wheels.

Maaga na naman akong nagising nung Monday. Ewan ko ba, sobrang aga nga eh in fact kaya nag-online naman ako, and to my surprise…online siya. Wow, early bird din pala tong guy na ito. cuteboi: hey. Long tym no chat sassygirl: 2 days lng nmn. cuteboi: bat d k oL? I w8ed Ano? Naghintay siya? Weh, hindi nga? sassygirl: weh, di nga. cuteboi: seriously. Kya ur da rison kng mgmukha man aqng zombie okie? Natawa naman ako dun sa sinabi niya at yun. Nag-usap na naman kami. Grabe nga siya eh, ang dami niyang naikukwento. Parang hindi siya nauubusan. Pati nga sa paghihilik ng kapatid niya eh ikinuwento narin niya, now, isn‘t that embarassing? Mga 5:30 siguro nung nagbye na ako sa kanya. Naligo narin ako after nun. Pagkatapos nun eh bumaba na ako para kumain at syempre, gulat na naman si papa sa akin pero this time, hindi siya nagworry na wala akong baon. Mabilis lang ako kumain tapos nun eh nagtoothbrush na at nagtext kay Vince. Pagkalabas ko ng bahay, andoon na kaagad siya sa gate namin. Whoa, bilis nito ah. ―Bilis mo ah, di ka rin excited no?‖ Tinawanan lang niya ako at lumakad na kami papuntang school. Pagdating namin dun medyo may tao na. Mga 6:30 na kasi kami nakaalis eh, kasi nga diba…I lost track of time habang…well…alam niyo na. Dumaan akong locker kaya si Vince eh pinauna ko na. Medyo marami rami din akong dala nun kaya mabagal lang akong nakalakad. Papunta na ako ng classroom nun ng… ―Put a sock in it. Ano naman kung ganoon? Just stay away from him. He‘s mine.‖ Aba, si…si Keri yun ah. Sumilip ako dun sa girls‘ cr, teka may kasama siya at mukhang pinagtutulungan nila. Hmf, hindi tama yun. “Ano bang ginawa ko sa iyo?” ―You annoy me. Ang landi mo.‖ Aba, nagsalita ang hindi malandi. Ewan ko kung anong pumasok sa napakagaling kong kokote at binaba ko yung gamit ko at pumasok dun sa loob.

―Nagsalita ang malinis.‖ Tumingin silang lahat sa akin tapos si Keri nanggagalaiti na. ―Mind your own business freak.‖ ―Why? Are you afraid na baka lampasuhin kita? Yan lang naman ang kaya mo eh. I-outnumber ang mga biktima mo.‖ Nagring yung bell at napatingin si Keri sa labas. Natakot at baka may dumaan na teacher, hmf, duwag naman ito eh. ―Hindi pa tayo tapos freak. Don‘t worry, I‘ll get you back for this.‖ Lumabas na sila at binitawan yung babae kanina. Ako naman eh lumapit sa kanya at tinulungan siya, mabait ako ngayon eh. ―Ayos ka lang?‖ “y-yeah.” ―Wag mo na silang problemahin. Mga walang kwenta naman yang mga yan eh.‖ Ngumiti siya sa akin tapos ako eh tumayo na paalis na sana ako nun ng… “Anong pangalan mo?.” ―Andy. Ikaw?‖ ―M-Myka.‖ Ngumiti ako sa kanya at kinuha yung kamay niya. Nagulat pa nga siya eh. ―nice to meet you Myka.‖ at shinake ko yung hand niya. Pagtapos nun umalis na ako. Waaa! Late na ako! **** ―Hoy babae, balita ko hero ka na ngayon ah.‖ Wow, ambilis naman yatang kumalat ng balita. ―At saan mo naman nakuha yang balita na yan?‖ ―Narinig ko kasi si Keri na nanggagalaiti at namention niya yung ginawa mo. Wow

Andy, ang galing mo naman talaga.‖ Tumawa lang naman ako. Hindi naman kasi big deal sa akin yun eh. Lunch na pala namin ngayon at andoon na ulit kami sa tambayan namin at syempre, ginagawa ang pinakafavorite naming gawin, tsismisan. ―Hoy, pakielamera…you‘re going down.‖ Hmf, ano naman kayang ginagawa ng clone ni Keri dito? Aba, going down? Sige ba! Basta… ―SURE. AND I‘LL MAKE SURE I‘LL PULL YOU TWO WITH ME!‖ Tumingin siya sa akin ng masama tapos umirap. Hmf, akala niya natatakot ako sa kanya? Asa siya! Clone lang iyan ng babaeng napakalandi. What harm can they do? Puro preparation kami nung hapon, syempre dahil nga bukas narin ang start nun. Pero kaming varsity volleyball players eh in-excuse muna para daw may practice game kasama ng boys. Na-attract pa nga attention ng iba kaya ayun, imbis na magprepare, nanood sa game namin. Okay lang naman daw sa teachers basta by the end of the day, tapos ang dapat tapusin. Nagsimula yung game, ayos lang siya, halos naghahabulan lang kami sa score. Natapos yung 1st set at kami yung panalo by 1 point. Nagkaroon kasi ng error yung kabilang team. Magwawater break na sana ako nun ng… ―Hey guys! Listen! Dali! May importante akong sasabihin sa inyong lahat! Ready girls?‖ Nagulat ako nung biglang nagstunts sila dun at nagsisigaw ng… ”WHO‟S THE BIGGEST B*TCH OF THEM ALL?” At pagtapos nun eh sinisigaw nila yung pangalan ko. Hmf, ano naman kayang problema niyan? Teka, bawal yan ah? Bakit walang---kaya naman pala. Walang teacher eh. Hmm…alam ko na. ―HEAD‘s UP KERI!‖ Tumingin siya sa akin at inispike ko yung bola. Sapul sa braso. Tumawa naman yung ibang tao at syempre yung co-cheerleaders niya eh tumingin ng masama sa akin. So? ―Tara na, let‘s not mingle with…those people.‖

Anong ibig sabihin niya dun? Eh dapat nga kami pa ang mangdiri sa kanya eh. ―Nice spike Andy. No doubt mananalo kayo bukas.‖ Napangiti naman ako sa kanila at ayun nung bumalik na yung teachers eh nagcontinue yung game. Wala naman sumbungero dito eh. Actually, tuwa pa nga yung iba na ginawa ko yun kay Keri. Natapos yung game namin, panalo yung boys pero by 3 points lang. Ayos nga yung game eh, nag-enjoy kami. Pinauwi na yung mga players nun para daw magkaroon ng pahinga. Pero syempre yung iba eh andoon parin at nag-aayos ng mga booths at iba pang kelangan para sa opening day. Since wala akong kasabay ngayon pauwi, nagtricycle nalang ako kasi mainit din. Pagdating ko sa bahay nagtaka ako dahil andoon kaagad si Ate Cass. ―Oh, bakit ganyan kang makatingin?‖ ―Nag-cutting ka?‖ ―Ano ako baliw? Hindi no! wala yung prof namin kaya pinauwi na kami.‖ Ay, oo nga pala. Ganoon na pala sa college. Basta wala yung prof niyo eh parang early dismissal kayo. Hay, swerte naman nila. Umakyat na ako sa taas dahil ayoko naman makipagtalo sa kanya. Naligo at at nagbihis tapos nag-internet. Kung anu-ano siguro pinaggagawa ko dun. Nagsearch ako ng mga pics at video ng Mirmo de pon (oo, adik ako diyan.) tapos nun eh pinanood ko yung Meteor Garden series sa isang site. Hay, naaadik na naman ako ano ba iyan. cuteboi: hey! Aba, nakakagulat naman itong lalaking ito! Bigla daw bang mag-im. Pasalamat siya hindi nakakatakot yung pinapanood ko ngayon ah. sassygirl: ei cuteboi: ur early.cutting k? sassygirl: d. pnauwi lng ng maaga. Mei game 2m eh.. Hay, sorry Dao Ming Si, Lei, Mei Zhuo at Ximen, mas matimbang ang reality kesa sa fantasy eh. Kinausap ko na si ―cuteboi‖ nun. Ang kulet nga niya eh. Nasa school daw siya at takas lang. Nung namention naman niya yung school bigla ko nalang natanong kung taga saan ba siya. cuteboi: xri, I dnt give off persnal infos. Haha. Y u wana stalk me? sassygirl: ang hangin…mei bgyo ata…

Mga 4 siguro nun nung nagpaalam na siya. Kelangan na daw umuwi eh kasi dismissal na. Hmm, taga MPU rin kaya siya? Hay, bahala na nga. **** ―Ready? Kumpleto na ba?‖ ―Yes ma‘am‖ Grabe, excited na talaga kaming lahat. Paano first game namin eh away pa. Wow! Ang saya naman talaga. Nagstart nang umandar yung bus nun at yung mga kateam ko eh todo chika na. ―OO I mean yung stunt kahap-----AHHHH!‖ Nagulat naman kami kasi bigla ba namang huminto yung bus. Whoa, ano kayang nangyari? Wag niyong sabihin nasiraan kami eh hindi pa nga kami nakakaalis sa school? Bumukas yung pinto at pumasok yung vice principal namin. ―Ma‘am, anong problema?‖ Tumingin siya ng malungkot dun sa Coach namin tapos huminga ng malalim. ―I‘m sorry to say this pero…Miss Ongpauco cannot join you sa game for she committed a very serious offense.‖ Teka, anong----? ―Inflicting damage against another student is a very serious offense Miss Ongpauco. Nagreklamo si Mrs. Meridian about what you did yesterday. I‘m sorry but you are banned from joining this game. Please leave the bus.‖ Nanlaki yung mata ko at feeling ko nanginginig na ako. Nung mga oras na yun feeling ko maiiyak na ako pero pinigil ko. It‘s all her fault. Kasalanan niya to. Bumaba ako nun ng bus at sumama sa vice principal namin papuntang office. Nilingon ko ulit yung mga kateam ko at nakitang paalis ng yung bus. ―Good luck…‖ Huminga ako ng malalim at napatingin naman yung vice principal. Halatang ayaw niyang gawin yun eh pero kapag parents ang involved…walang pwedeng

lumampas. ―I‘m sorry Miss Ongpauco.‖ Pagkadating namin sa office niya eh diniscuss niya kaagad yung punishment ko. Dang, detention for 2 weeks. Bwisit. Ang saya naman ng start ng September ko. ―Maswerte ka miss Ongpauco at hindi niya hiniling na ipa-expel ka sa school.‖ Truthfully? Mas gugustuhin ko pang gawin yun kesa naman sa pagtiyagaan ko yung Keri na iyon. Pero syempre, naisip ko rin na sobrang magagalit ang nanay ko sa akin. Baka nga itakwil pa niya ako eh. Nah, just kidding. ―Okay Miss Ongpauco…you may leave.‖ Lumakad lakad ako nun sa hallway. Nagulat pa nga yung mga kabatch ko at bakit daw hindi ako kasama sa game. Hindi ko sila kinibo. Sobrang asar na asar ako nung mga oras na iyon. Hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko nung mga oras na yun pero nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa labas ng art room. Pumasok naman ako dun, thinking na walang tao. Pagpasok na pagpasok ko palang eh may isang malaking canvas, siguro kasing tangkad ko, na may nakapaint. It was a girl. Babaeng nakatayo at nakatingin sa araw. Ewan ko, nagandahan ako ng sobra dun sa paintin na iyon at siguro kung sino man yung gumawa noon…idol ko na yun. ―Anong ginagawa mo dito?‖ Anak ng tipaklong! Grabe naman to…may plano ba siyang patayin ako? Napahawak ako bigla sa dibdib ko at tumingin lang sa kanya. ―Napadaan lang.‖ Tinignan ko siya, hmm…hindi naman mukha sa suot niya ngayon na katatapos lang niya magpaint. ―Ikaw ba ang nagpaint niyan?‖ Tumingin siya sa akin at kumunot yung noo niya tapos tumingin ulit sa painting. ―Diba may game kayo?‖ Great. Nakakalimutan ko na sana yun…he just had to remind me about it. Pero wag mong sisihin…hindi naman niya alam eh.

―I was banned for what I did.‖ Yumuko ako at naramdaman ko naman na lumapit siya. Pinat niya yung ulo ko tapos… ―Don‘t worry…it was worth it.‖ Diba dapat akong nagsasabi niyan? Ang weird niya ha. ―Diba dapat ako ang magsasabi niyan?‖ ―Yeah. Pero para sa iba pang inapi ni Keri, marami na ang sumasaludo sa iyo.‖ At pagtapos nun eh umalis na siya. Ako naman nabaling ulit yung tingin ko sa painting. Whoa…I never thought of it that way…maybe…just maybe… It was worth it after all… Chapter 2 ―DETENTION FOR 2 WEEKS?! AT BAKIT NAMAN!?‖ Did I say worth it? Baka masyado lang akong nagandahan sa painting nung mga oras na yun at bigla kong nakalimutan na sasabunin ako ng nanay ko kapag nalaman niyang nagkadetention ako. ―Eh ma…kasi yung batchmate ko sinabi niyang b*tch ako sa harap ng lahat ng highschool students present dun sa gym.‖ Humawak naman si mama sa ulo niya at ako eh napatingin lang sa taas. ―Ano naman ginawa mo?‖ Aba, at bakit yata parang interested itong sister ―dearest‖ ko? ―Ni-spike ko yung bola papunta sa kanya.‖ And to my greatest shock, ngumiti siya. Whoa… ―Nicely done. Pwede ka naman palang hindi ikahiya eh.‖ At pagtapos nun eh umalis na siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi niya o ma-offend dahil parang pinaparating niya na kinakahiya niya ako. hindi narin ako nakapili kasi nagsalita na ulit si mama.

―Hay naku kayo talaga! Parehong pareho kayong magkapatid!‖ ―Ew! Wag mo akong itulad kay Ate Cass ma! Hindi ako maarte‘t malandi!‖ Binatukan ako ng nanay ko nun at yun, pinaakyat na sa kwarto ko. Siguro nga naawa na siya sa akin at hindi na niya ako pinarusahan pa. Pagdating ko naman sa kwarto ko eh nag-internet kaagad ako. Nagdalawang isip pa nga ako kung mag-ym ba ako o wag nalang pero napili kong mag-ym nalang. Ewan ko, may kakaiba kasi eh… cuteboi: hey! Napangiti ako bigla nung nag-im siya. Hay, ang weirdo mo Andy. sassygirl: ei cuteboi: oh, bkt prang d k yata mkulit ngeon?! Natawa naman ako sa kanya. Paano, nung isang araw kasi nakikipagtalo ako sa kanya na mas makulit ako eh, tapos ngayon sobrang iba. Hay, and it‘s all thanks to Keri. sassygirl: ala sa mood eh cuteboi: ashu. Mood dw sassygirl: nvm. So wacha doin? Matagal tagal din siguro kaming nagchat nun. Pagtingin ko sa orasan eh 9 na pala. Teka, bakit parang hindi yata sila nagyaya kumain? Wag mong sabihin parusa ko ito? Bumaba ako at nakita kong may nakahandang pagkain dun. Si ate Cass naman eh nakaupo sa sala. ―Si Mama?‖ ―umalis, may pinuntahan, hindi ko alam kung saan.‖ Aba, kumpleto. Kaya pala walang tumatawag eh. Kumain narin ako nun tapos sinabayan pa ako ni Herc. Hindi kami nagpansinan kasi siya eh nag gameboy habang kumakain at ako naman eh wala sa mood para sermonan siya. Pagkaakyat ko sa taas naligo lang ako ulit at natulog na. Hay, ano naman kayang mangyayari bukas? ****

2nd day ng foundation week. Tuwang tuwa pa yung school namin kasi panalo

kami sa game kahapon. Natouch nga ako sa mga teammates ko kasi inuwi nila yung isang bola mula dun sa school na iyon. Pasaway tong mga to. ―Ano ba yan, bakit niyo dinekwat??‖ ―Ano ka ba, at least man lang kahit hindi ka nakasama eh feel mong nakarating ka doon dahil may bola ka nila.‖ Natawa naman ako sa kanila at syempre nagpasalamat narin. Walang classes ngayon, lahat busy sobra sa mga booths nila. At syempre, kami rin magbabarkada busy sa sarili naming booth. At alam niyo ba kung ano yun? ―Hali na kayo! Lahat ng mga nangangarap pakasalan ang mga crush niyo…dito na kayo! And don‘t worry! May blind fold para hindi nila malaman kung sino kayo!‖ Ewan ko ba. Ang common na ng marriage booth. Pero itong si Cheeky eh…pinagpilitan. At para daw may twist, nakablind fold yung mga ikakasal para syempre yung mga secret crushes will still remain secret. Ayos naman, mula kaninang umaga eh hindi parin kami nawawalan ng customer. Ang saya nga eh. Nung maglulunch na, nag-excuse naman ako sa kanila. Ako na yung nagvolunteer na bumili ng pagkain namin. Actually, ako lang bibili pero pera nila. Ano sila? Sinuswerte? Mwahaha. Pumunta naman ako kaagad ng canteen at pinili yung mga paborito nila. At syempre dahil nga may karamihan yun at mag-isa lang ako, hirap na hirap akong magdala nun. Mas lalo pa akong nahirapan ng… ―HOY! Ano bang ginagawa niyo?‖ ―Sorry Andy, paying customer eh!‖ Piniringan ako ni cheeky at yun, naramdaman kong may kumuha ng mga dala ko at kinaladkad niya ako. Huminto kami at narinig kong may bells na nagring. Teka, ito yung sa booth namin ah. ―---to witness the union of Miss Andy Ongpauco and Mr. Anonymous.‖ Hmf, ano ba yan, bakit pati ako napasama sa kalokohan namin?! Hmf! Naman oh! Pagtapos nung ceremony eh tinanggal na nila yung piring sa akin at syempre, wala na yung guy na kung sino man yun. ―Sino yun??‖

―Sorry Andy! It‘s confidential!‖ Hay, there‘s no point in forcing Cheeky. Baka masabunutan pa ako niyan eh. Kumain naman na kami dun sa booth namin at swerte nalang kasi walang customer nung mga oras na yun. Kesa naman diba habang on going yung ceremony eh may naririnig kang ngumunguya. At malay mo pa tumalsik yung mga kanin sa bibig nung ―pari‖ na nagsasalita. Nakuha rin siguro yun ng iba kaya hindi na nagpunta. Nung matapos kaming maglunch, nagsidatingan na ulit yung mga tao. Ang pinakanakakagulat ngang dumating ay si… ―Oh Sasha! Napadaan ka?‖ Magkakilala pala si Sasha at si Cheska. Kaya ko nga nakilala yan si Sasha eh, dahil diyan sa kaibigan kong iyan. ―Ahh…ehh, mag…request sana…‖ Napatingin lang ako sa baba noon. Grabe, medyo na-hurt ako dun ah. Okay lang yan Andy, kaya mo yan! Aja! ―Sino naman ang maswerteng *cough* babaeng napili mo??‖ Hay naku itong si Cheeky talaga. Pasaway! ―Umm…kung pwede sana…si…si…‖ Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. Naramdaman kong uminit yung mukha ko kaya iniba ko yung tingin ko. Grabe, hindi rin pa-obvious no? Buti nalang hindi ―feeling‖ itong si Sasha. ―Si Pau.‖ Feeling ko biglang nabasag yung puso ko. Wah, corny man pero yun talaga eh. Ouch, ang sakit. Bakit sa lahat pa ng magugustuhan niya…yung masama pa yung napili niya? “Hindi kami nagkakasal ng demonyo…” Si Cheeky talaga… ―Ha? A-ano yun?‖ ―Ah, wala sabi ko saan siya ngayon?‖

Tinuro naman niya kung nasaan si Pau. Hay grabe, ang sakit talaga. Lalo na dito oh *points at her heart*. Matagal tagal ko na kasing crush yang si Sasha eh. Mahal ko na nga yata…hay, matatanggap ko naman sana kung iba yung babae eh…kaso si Pau pa, the evil clone. Nag-excuse muna ako sa kanila at umikot ikot. Napadpad ako dun sa playground sa may grade school tapos nagswing nalang muna ako. ―Selos ka?‖ Si Vince lang pala…tumango lang ako sa kanya tapos siya eh umupo sa tabi ko at huminga ng malalim. ―Ang sakit Vince…‖ ―Alam mo, pag andito si Cheeky ngayon, nasampal ka na nun. Bakit mo ba siya nagustuhan in the first place??‖ Tumingin ako sa kanya ng malungkot tapos huminga rin ng malalim. ―Ewan ko ba…basta alam ko, gusto ko siya. Mahirap explain eh. Hindi mo rin maiintindihan.‖ ―At bakit naman hindi? Alam kong nararamdaman mo no.‖ ―Eh kasi po hindi ka pa na-iinlove..‖ Napatingin ako sa kanya tapos nun eh nakakunot lang yung noo niya. ―Sino naman nagsabi sa iyo niyan??‖ ―Na-inlove ka na?! Ano ba yan, hindi mo man lang sinasabi sa akin…‖ ―Hay naku Andy…‖ ―Paano mo naman nasabi na alam mo nararamdaman ko…? ‖ ―Kasi…yung mahal ko…may mahal din iba. Ang mahirap pa dun, malapit siya sa akin ng sobra.‖ Hmm, kawawa naman pala itong si Vince eh. Hay, magkaibigan nga kami. Pareho kaming sawi. Nagkakuwentuhan pa kami ng husto nun at masasabi kong mas lalo pa kaming naging close sa isa‘t isa. Bumalik narin kami nung mga hapon na. Wala narin ―nagpapakasal‖ kasi uwian na nung mga oras na yun. Nagligpit lang kami tapos nagkayayaan na umuwi.

Ewan ko nga kung bakit pero hindi ako sa kanila sumabay nung mga oras na yun. Una nga eh nagtaka sila at gusto pa akong samahan pero napilit ko rin na wag na. Paano, sinabi kong pupunta akong library. Eh knowing Cheeky at yung iba, madadaldal yan…bawal sila sa library. Nung nakaalis na sila hindi ako dumiretso ng library. Palusot ko lang yun eh. Instead, nagpunta ako ng art room. Ewan, gusto ko ulit makita yung painting eh. Pagpasok ko naman dun ibang painting ang bumulaga sa akin. This time, babae naman siya at may kalarong bata sa isang sandbox. Grabe ang ganda talaga. Lumapit ako dun sa painting at pinagmasdan ng matagal. Ang saya saya nung mukha nung mga tao sa painting…para bang wala silang worries. Hay, sana ako rin maging ganyan. ―Bakit andito ka na naman?‖ Grabe, may plano ata tong lalaking to na bigyan ako ng heart attack eh. ―Gusto ko pa naman mabuhay no…‖ Tumingin siya sa akin ng nagtataka tapos lumapit dun sa may painting. ―Anong pinagsasabi mo diyan?‖ ―Wala.‖ Pareho kaming nakatitig lang dun sa painting. Hindi ko nga alam kung mga anong oras na yun eh basta alam kong matagal din ako dun. ―Ang ganda talaga. Sana balang araw makilala ko rin yung nagpapaint niyan. For sure he/she‘s a great person.‖ Tumingin naman siya sa akin tapos nakakunot yung noo niya. Hmf, bakit ba ang moody niya? Mas moody pa nga yata yan kesa sa babaeng may period eh. ―Don‘t judge an artist by his work. Hindi mo pa kilala sinasabi mo nang great person. What if you‘re wrong?‖ Tumingin ako sa kanya tapos nagtaas ng kilay. ―Ayos lang. There‘s no harm in thinking it anyway. Saka, I doubt naman na makikilala ko siya. Kaya nga ―sana‖ eh.‖ Hmf, ang taray talaga nitong lalaking ito. Bahala nga siya sa buhay niya. Umalis na ako nun at hindi ko na siya nilingon. Wala narin akong pakielam kung ano man gawin niya eh. Bahala siya.

Pagkauwi ko ng bahay eh kumain na kami kaagad at syempre pagtapos nun umakyat na ako. Since wala naman lesson nitong week at tapos ko na yung mga assignments ko, nag-internet nalang ako at naghanap ulit ng pics ni Mirmo. Syempre, kasama narin dun yung pag-online ko sa ym. cuteboi: hey! sassygirl: hey ka rin cuteboi: bkt ngaun k lng? sassygirl: ala. Bkt? Ntay m ba q? cuteboi: uu kya At syempre, nag-usap na kami ng tungkol sa kung anu-ano. Mga 10 narin siguro nung natulog na ako. Nakakapagod din kasing maghanap at maghabol dun sa mga nirequest ng mga gustong magpakasal. The next day, maaga akong nagising. Mga 5 pa lang ang taas taas na nag energy ko. Ewan ko ba, hindi ko nga rin maintindihan sa sarili ko eh. Ano kayang nangyari? Tinext ko naman si Vince na gising na ako, for sure gigising narin iyan at magaayos. Minsan nga wag ko siyang I-text para at least makatulog din ng mahimbing yan. Kahit hindi niya sabihin alam kong nakakaperwisyo din yung gigising ka ng napakaaga no. By 6 am natapos na ako ng lahat ng kelangan kong gawin. Lumabas narin ako ng bahay nun at syempre, andoon na kaagad si Vince sa labas ng bahay nila. ―Ikaw ba eh kumain na?‖ ―Oo naman. Bakit?‖ ―Wala eh kasi pag di ka pa kumain eh maguiguilty na ako niyan…‖ Nginitian niya lang ako tapos nun eh tumuloy na kami sa school. Pagdating namin medyo may tao narin. Unang ginawa namin ni Vince eh nag-ayos ng booth para mamaya eh continuous na yung mga request at hindi na kami madedelay di tulad kahapon. Malapit na magbell nung mga oras na nakarating yung iba naming kasama. Okay naman yung business, naks business talaga eh no? Marami rami ulit yung mga taong nagpaparequest, at ako eh marami rami din ang mga hinabol. Ayos lang naman sa akin yun eh, kasi grade din namin katumbas nun. Saka masaya din tumakbo no. By lunch time, pagod na pagod na kaming lahat. Hindi lang yun, gutom na gutom narin. Sino ba naman and di magugutom diba? Eh daig ko pa yata ang sumali sa

marathon eh. Dumiretso kaming magbabarkada sa canteen at bumili na ng pagkain namin tapos diretso sa tambayan. ―Ei Andy, pinapatawag ka ni Mrs. Asoha.‖ ―Oh? Bakit daw?‖ ―Tungkol daw dun sa detention mo.‖ Ow, muntik ko nang makalimutan yun ah. Nagpaalam naman ako sa mga kaibigan ko at dumiretso na sa office ng vice principal namin. Hay, ano kayang parusa ko? Chapter 3 ―Any questions?‖ Umiling ako at pagtapos nun eh pinalabas na ako ni Mrs. Asoha. Great, just great. Nang dahil dun sa Keri na iyon eh kelangan kong tumulong sa sub-unit head sa mga gawain nila for two weeks! Darn it! Eh alam naman ng lahat na sobrang dami ng ginagawa parati sa sub-unit head. Hay, good luck nalang sa iyo Andy. Matagal din akong kinausap ni Mrs. Ashoa kaya pagbalik ko eh tapos na maglunch yung mga kasama ko. ―OH, anong sabi ni Mrs. Asoha?‖ Umupo ako dun sa tabi ni Vince tapos nun eh huminga ng malalim. ―2 weeks of torture. Kelangan ko magstay everyday starting next week para tumulong sa sub-unit head.‖ Tinapik naman nila yung likod ko at nagsabi ng mga kung anu-ano para lang maging ayos na pakiramdam ko. Nagtatawanan kami nun kasi may kung anong sinabi si Cheeky ng biglang tumunog yung tiyan ko. Hindi ko pala natapos yung pagkain ko kanina. ―Sis?‖ Tumawa ulit sila nun kaya ako eh namula naman bigla. Nag-abot naman si Vince ng sandwich tapos ayun nginitian ko lang siya. At yun, kumain narin ako, sobrang gutom ko narin kasi. Back to normal na ulit kami pagtapos kong kumain. Nagcontinue na kaagad yung

―business‖ namin at kaya ayun, takbo na ulit ako ng takbo. Yung pinakahuli ko ngang hinabol eh sobrang pasaway, biruin mong pahabulin ba ako sa buong high school building?! Badtrip nga eh. Kaya ayan tuloy, napagod tuloy ako ng di oras. Eh basketball player ba naman ang habulin ko eh. ―Hay, badtrip talaga…‖ Hingal na hingal ako nung mga oras na yun at ramdam na ramdam ko yung pagbeat ng puso ko, ang bilis nga eh, as in. at mas lalo pang bumilis yun kasi… ―Wag niyo kasing pilitin ang ayaw.‖ Si MR. SC President pala. Grabe, nagulat talaga ako nun. Bigla ba naman kasing sumulpot eh. ―Wag ka ngang basta basta lumalabas…baka atakihin ako sa puso niyan eh.‖ Hawak hawak ko yung dibdib ko nun kasi nagulat talaga ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi magugulat eh nanggaling pa siya dun sa may madilim na corner. Nag-shrug lang siya tapos nun eh nilagay yung kamay niya sa pocket niya at naglean dun sa wall. Hmm, ano kayang kelangan nito? Tumingin ako sa kanya tapos nagtaas lang ng kilay ko tapos hindi naman niya ako kinibo kaya ayun, umalis nalang ako. Hay, may pagkaweird talaga yang taong yan. Hindi mo maintindihan kung may kelangan pa ba o kaya wala naman. ―Nasa chem lab siya.‖ Napatingin ako sa kanya. ―Kung hinahanap mo kung saan si Vic, nasa chem lab siya.‖ At pagkatapos niyang sabihin yun eh umalis na siya. Ang weird talaga niya. Bakit niya ako tinutulungan? O baka naman nangloloko lang siya? Sinundan ko naman yung sinabi niya at pumunta sa Chem lab at andoon nga siya. Aba, may mabuti rin palang nagagawa yung Kit na yun. Nagulat si Vic nung makita niyang nahuli ko siya at wala narin siyang magawa nun kasi ang higpit talaga ng hawak ko sa kanya. At sa wakas! Natapos din ang nakamamatay na ―pagpapakasal‖ nila nung nagrequest, hapon narin kaya uwian na namin. Hay, sobrang saya ko talaga at last day na namin bukas. Ang sakit narin ng mga binti ko sa kakahabol ng mga pasaway na tao tulad ni Vic. Unlike kahapon, sabay sabay na kaming umuwi. Hindi na kasi ako dumaan sa art room kasi pagod na talaga ako.

Pagkauwi ko ng bahay eh diretso na ako kaagad sa kwarto ko kasi pagod na pagod na talaga ako. Hindi na nga rin ako nakapag-ym kasi pagkahigang pagkahiga ko palang sa kama ko eh nakatulog na ako kaagad. *****

Teka, bakit ba ang lakas yata ng aircon?! Ano ba yan! Ang lamig lamig naman! Tumayo ako mula sa kama ko, madilim pa nung mga oras na yun kaya hindi ko makita yung dinadaanan ko. Ewan ko kung anong meron pero ang sakit ng ulo ko bigla tapos feeling ko sobrang bigat ng katawan ko. Teka nga, eh hindi naman ako nakakain kagabi eh, bakit ako biglang bumigat? Binuksan ko muna yung ilaw sa kwarto ko tapos hinanap ko na yung remote ng aircon. Oh, eh napakahina nga lang nung temperature na naka-set eh. Tumingin naman ako dun sa electric fan at napansin na nakapatay. Teka nga, bakit ba ang lamig lamig??! Tinignan ko yung orasan, grabe 10 pa lang? Akala ko eh 5 na! Hindi pa pala tapos yung araw!? Ano ba yan… Lumabas muna ako ng kwarto ko kasi bigla akong nauhaw. Pagkababa ko eh nakita ko si Herc na nakaupo sa sala at nakaglue yung mata sa tv. Ewan ko ba diyan sa kapatid ko, may sarili namang tv ayaw dun manood sa kwarto niya. ―Hoy Herc, bakit di ka sa kwarto mo manood? Wag mong sabihin takot ka parin sa mumu?‖ Tinignan niya ako ng masama. ―Nililinis ni manang yung kwarto ko kaya pinalabas ako. Saka hindi ako takot sa mumu no!‖ Hindi raw takot, if I know pag ginulat ko yan eh maiihi yan sa kama niya. Dumiretso na ako dun sa ref namin para kumuha ng maiinom. Nakita ko naman si ate Cass na nakadikit na naman malapit sa telepono. Nung makita niya ako eh bigla ba naman akong irapan. Aba, wala naman akong ginagawa diyan eh, hay nako, ang arte talaga. ―Nagutom ka rin ano? May nalalaman ka pa kasing mag-skip ng meals eh alam naman natin na sobrang takaw mo.‖ Hindi ko na siya pinansin at kinuha nalang yung pitcher. Medyo umikot yung paningin ko tapos bigla naman akong nilamig. Bakit ba ang lakas mag-electric fan nitong si Ate Cass?

―Hoy ate, kung naiinitan ka dun ka sa kwarto mo at mag-aircon ka. Bakit ba ang lakas lakas ng electric fan mo?‖ Tumingin naman siya sa a kin na parang nagtataka at gulat na gulat. Tumayo siya dun sa kinauupuan niya at lumapit tapos nilagay yung kamay sa noo ko. ―Ano ba!‖ ―Nilalagnat ka ah! Hala ka, ano na naman ang ginawa mo at bigla kang nagkasakit? Lagot ka niyan kay Mama!‖ Tinignan ko naman siya ng masama. Ako? nilalagnat? Hinawakan ko naman yung leeg ko nun at tama nga siya, sobrang init ko nga. Hindi ko na masyadong napansin yung mga sumunod na nangyari kasi biglang umikot yung paningin ko. The next thing I know, I blacked out. ***** ―Mama, anong nangyari kay Ate Andy? Nadedz ba siya? Kasi nangyari sa kanya yung mga nangyayari dun sa laro ko sa gameboy pag binabaril ko siya eh. Binaril din ba siya ni Ate Cass?‖ Teka, si Herc yang maingay na yan ah? AT ano daw? Ako? madededz? Hindi yata no! ―Hindi siya nadedz Herc, nilalagnat lang ang ate mo.‖ Naramdaman ko naman na may pumatong sa kama ko tapos nun eh may biglang malikot sa tabi ko. Panigurado si Herc yan. ―Ang pula naman ng mukha ni Ate Andy. Hmf, sigurado nagmake-up yan para magpaganda kay…*imitates Andy‘s voice* Sasha!‖ Aba sumosobra na itong kutong lupa na ito ah! Tinaas ko yung kamay ko tapos binatukan ko siya. Pagtapos nun eh binuksan ko na yung mga mata ko. ―Ang aga aga ang ingay mo. Nakakairita yung boses mo Herc!‖ Kinamot naman ni Herc yung place kung saan ko siya binatukan. Oops, mukhang napalakas yata yung batok ko ah. Tumingin naman ako kay Mama tapos ayun parang masesermonan naman ako nito pero nag-iba kaagad yung emosyon niya sa mukha. Aba, mukhang naawa yata sa akin si mother dearest. ―Aray ate! Hmf, totoo naman eh. Saka, anong maaga? Eh alas tres na po no!‖

What?! Ibig sabihin… ―WAA! Bakit hindi niyo ako ginising! Papasok pa ako!‖ Tatayo na sana ako nun ng bigla akong tinulak ulit ni mama pahiga sa kama ko. ―Hep hep hep! Hindi ka papasok. Gusto mong lumala yang sakit mo? Buti nga eh bumaba na yung lagnat mo. Napag-alala mo tuloy ako pati narin yung ate Cass mo.‖ Teka, are we talking about the same Ate Cass Here? Yung si Cassiopeia Quellisha Ongpauco, ang long time evil sister ko?? Wait a minute, naguguluhan ako. ―Si ate Cass?! As in Ate Cassiopeia Quellisha Ongpauco??!?‖ ―Oo. Paano, sa kanya ka pa nahimatay kagabi. Nagpanic nga siya eh, akala niya kung ano na raw nangyari sa iyo.‖ Whoa, parang hindi yata ako makapaniwala diyan ah. Lumabas narin sina mama at si Herc para daw makapagpahinga ako. Syempre, kelangan ko rin ng energy para next week, lalong lalo pa detention week ko yun. Nabore ako buong maghapon kasi wala akong ginawa kung di manood ng tv at maglaro sa computer ko. Ayaw naman ako pababain ni mama kasi daw baka mabinat ako. Asus, sobra naman siya. Para naman bigla biglang tataas yung temperature ko kapag bumaba ako sa hagdanan. Ang weird talaga ni mama minsan. Nung hapon naman, sobrang tuwa ko kasi bumisita yung barkada. Grabe nga eh, ang ingay nila sobra. More specifically, si Cheeky. Hindi yata naubusan ng kwento ang loka. Akala mo wala ng bukas kung magdadaldal. Pero syempre, dahil matagal tagal ko naring kilala yan, sanay na ako. Mga 6 rin nun nung umalis na sila, actually kelangan pa nga silang pauwiin ni mama eh, paano baka mabinat daw ako. Kaya nung wala na sila eh ayun, bored na naman ako kaya ang ginawa ko eh nag-ym nalang. Nagulat nga ako kasi saktong pagkaonline ko eh sangkatutak kaagad na message at buzz ang narinig ko. At isipin niyo pa, sa iisang tao lang galing iyan ah. cuteboi: hey! <DING> cuteboi: bat di ka ol kahapon?! cuteboi: ano nangyari sa iyo? <DING> O diba? Hindi rin naman masyadong halatang inabangan niya ako diba? Hahah.

sassygirl: whoa, easy lang. cuteboi: hehe, senxa, nag-alala lng.. Natawa naman ako dun. Siya? Nag-alala para sa akin? Eh halos di nga kami magkakilala sa personal eh! Talagang sa chat lang kami friends. Whoa, tignan mo nga naman. sassygirl: nilagnat kxe aq kaya ala aq kahapon. cuteboi: oh, pro uminom ka na ba ng gamot? cuteboi: kumain ka na ba? cuteboi: dapat kain k mrami pra galing ka kaagad cuteboi: wag muna diet.. Hay, ang kulit talaga nitong taong ito. Pero infareness nakakatuwa siya ah. At ayun, nag-usap naman na kami ng matagal. Buti nalang talaga matagal ko ng ginawa yung mga assignments for next week at pwede akong magparelax relax bukas. Hay, ang talino mo talaga Andy. Maaga ako nun pinatulog ni mama para daw gumaling na talaga ako. Exagge nga si mama eh kasi sinat nalang talaga ang meron ako pero kahit ganun, sumunod parin ako. Syempre, para may energy para sa susunod na mga araw. Sobrang aga kong nagising the next day, mga 6 pa nga lang ata nun eh. akala ko nga nung una eh may pasok, buti at pinigilan ako ni manang kung di nakakahiyang pumunta sa school tapos wala naman palang mga studyante, well maliban nalang sa mga nagreremedial. ―Oh, magaling ka na ba talaga?‖ Si papa talaga, huli sa balita. ―Oo naman po. Kagabi pa po pa…‖ Tumawa naman siya nun tapos uminom dun sa tinimpla niyang kape. Hindi nagtagal, nagsibabaan narin ang mga bagong gising na sina Ate Cass at Herc. ―Oi, sa susunod nga na magkakasakit ka eh siguraduhin mo lang na hindi ka mamemerwisyo ng ibang tao ha?‖ Tumingin lang ako kay Ate Cass at bigla kong naisip yung sabi ni mama kagabi. [/I] ―...napag-alala mo tuloy ako pati narin yung ate Cass mo.‖[/I] Napangiti naman ako at tumayo ako dun sa upuan ko at biglang sumugod kay Ate Cass. Niyakap ko siya at yun, kung umarte eh parang germs ako.

―Yuck Andy! Ano bang ginagawa mo?! Wag mo nga akong yakapin.‖ Tinawanan ko siya tapos nun eh lumayo narin. Baka tadyakan pa ako niyan eh. Hmf, si ate talaga, pakipot pa at ayaw aminin na medyo natuwa rin siya sa ginawa ko. Hayaan mo na nga yang babaeng yan Andy baka magkablack eye o kaya baling buto ka pa ng di oras eh. Kumain din naman sila at syempre ako eh nung matapos na eh umakyat nalang. Nagtext naman ako sa mga kabarkada ko at nagyaya. Binigyan na kasi ako ng pera after nilang malaman na nawala yung wallet ko. Syempre, may kasamang sermon yun pero at least hindi na ako pulubi ngayon. Medyo nainis ako kasi nagtext silang lahat na di sila pwede dahil sa mga assignments. Hay, ibig sabihin mag-isa na naman ako? Ganyan naman kasi parati eh kapag nahuhuli sila sa paggawa ng assignment. Ako lang parati ang lumalabas at pupunta lang ako ng playground at magbabantay sa mga batang di ko kilala kahit hindi naman yun ang pakay ko. Nagbihis na ako nun, plain shorts lang saka shirt. Hindi rin naman kasi ganoon kalayuan ang playground sa amin eh. pagkalabas ko ng bahay eh bigla akong nagulat kasi si Vince nag-appear sa harap ko. ―Ei.‖ Hay, si Vince talaga, maasahan mo kahit kelan. Ngumiti ako sa kanya tapos dumiretso na kami sa may playground. Marami ring bata dun saka mga yaya na nagbabantay. Kami ni Vince eh umupo lang dun sa swing at pinanood yung mga bata batuta na nagtatatakbo at nagkakandarapa sa sobrang bilis nilang kumilos. ―Hay, grabe bakit ba kapag weekend eh gusto kong pumunta sa school para pumasok, samantalang kapag may pasok naman eh gusto ko na kaagad magweekend?! Hay buhay! Bakit ba napakakumplikado mo?‖ Tumawa lang si Vince nun at syempre ayun, nagkwentuhan narin kami tungkol sa kung anu-ano. Nakuwento ko pa nga sa kanya yung tungkol kay mr. Cuteboi eh. At ayun, nag-ala tatay effect na naman at naging overprotective. Kung si papa nga eh hindi naggaganyan sa akin, paano pa kaya siya? Hindi narin naman na kami nag-usap pa tungkol dun. Binaling nalang namin yung usapan dun sa upcoming detention week ko. Hay, sobrang banas na banas talaga ako dahil dun at gusto ko pa ngang balikan si Keri eh. Mga hapon din siguro nung makabalik na kami sa bahay. Sakto andoon si mama. Naggrocery kasi siya nung umalis ako sa bahay. Sobrang tagal nga eh kaya niloloko namin siya na binibili niya yung lahat ng nasa supermarket.

―Hindi ko binili lahat no. Ano ba kayo? Dumaan lang ako sa bahay ng kaibigan ko at nagkausap kami at hindi na namalayan ang oras.‖ Uy si mama, defensive. Sabay sabay kaming kumain ng dinner. Ewan ko nga eh, parang nakakapanibago kasi parang ang formal pa ng setting. Nagluto si mama ng roast chicken tapos may mashed potatoe at gravy pa. Teka nga, may occasion ba ngayon? ―Teka mama, anong okasyon at bigla kang naghanda ngayon?‖ Ngumiti si mama ng todo na parang wala ng bukas. Nakakagulat nga eh pero hindi nalang namin masyado inintindi yun. Nakinig nalang kami dun sa explanation niya sa ―engrande‖ naming dinner. ―Well, alam na ito ng papa niyo kasi matagal na namin itong napapag-usapan.‖ Aba, may pasecret pa silang nalalaman ah. For sure naman kasi na malalaman at malalaman din namin yun eh. ―Wag mo sabihin ma na lilipat tayo ng AmericA?!‖ Sobrang panic nung mga mukha namin nun at sabay sabay pa kaming nagsabi ng ―Ayoko nga‖ kay Mama. Si mama naman eh tumawa lang tapos umiling. Whew, muntik na ah. ―Well, gusto lang namin I-announce na…‖ Tumigil si mama tapos tumingin sa akin. Ako naman eh napataas yung kilay ko ng di oras. Pati nga sina Ate Cass at Herc eh, parang gulat na gulat. Teka, ang announcement nila tungkol sa akin?! ―We found a future husband for Andy.‖ Asus yun lang pa-----WHAT?!

Chapter 4 ―You‘re joking right?‖ partner?! What does she mean by that? Arranged marriage!? Hindi pwede yun! Ano ba naman yan! 4th year highschool pa lang ako eh may nakatakda nang ipakasal sa akin! Teka nga, uso pa ba yan?! ―We‘re not joking Andy. Ayaw mo nun, you don‘t have to find someone kasi nakahanap na kami ng suitable boy for you.‖

Are they crazy?! Gusto ko yatang ako mismo yung pipili ng mamahalin ko no! ―Ma naman! Bakit ako? Bakit hindi nalang si Ate Cass? O kaya si Herc? Saka ma, hindi ba napakamodern na natin para sa mga ganyan!?‖ ―Oi wag mo akong damay sa problema mo Andy.‖ ―First of all, hindi pwede si Cass kasi she‘s too old for him. Yung lalaking yun eh ka-age mo lang and you go to the same school. Si Herc naman hindi pwede dahil…well I think it‘s already obvious. Magtigil ka nga diyan Andy, wag mo nang ipasa yung nailaan para sa iyo.‖ Wah! Hindi pwede to! Nakakainis talaga! Ang badtrip naman! ―Ma…please, don‘t ruin my life.‖ Tumingin si mama sa akin na parang nagulat sa sinabi ko. Totoo naman eh. it may sound corny pero I want to find my own happily ever after. Ayokong iba ang magdedecide para sa akin nun. ―It won‘t ruin your life Andy. We know his family at matagal nang magkaibigan ang pamilya natin sa kanila. You really don‘t have to worry about anything.‖ Wait, family friend? Matagal nang friend ng pamilya namin? Hindi kaya si Vince yun?!? Wah, hindi pwede. Hindi ko siya mahal! ―Ma…‖ ―No more arguments Andy.‖ ―Sino ba ang malas na pakakasalan nitong si Andy?‖ Tumingin ako ng masama kay Ate Cass tapos umirap. Hmf, as if naman hindi pa obvious yun. ―We‘ll meet them next Friday.‖ Next Friday? Hindi pwede! Hindi pa tapos detention ko nun. ―We can‘t.‖ Napatingin naman silang lahat sa akin na parang tinubuan ako ng isa pang ulo. ―Detention for two weeks? Remember?‖ and for once in my entire life, naging masaya ako at may detention ako.

―Kelan ba matatapos yang detention mo?‖ Alam kong medyo asar nun si mama, hindi lang dahil sa makakaharang yun sa plans pero dahil sa point na nagkaroon ako ng detention. Hay, ewan. ―Next next Friday. September 14.‖ ―Okay, irereschedule nalang namin dun.‖ Hay, wala parin palang takas. Nag-excuse na ako kasi nawala yung gutom ko. Wala na akong pakielam kahit gaano kasarap pa yung pagkaing pinapalampas ko. Nawalan ako ng gana dahil sa stupid Arranged Marriage na yan. Pagakyat ko sa kwarto ko humiga kaagad ako sa kama. Tinakpan ko ng pillow yung mukha ko saka sumigaw. Argh, nakakaasar talaga. Parang tinanggalan nila ako ng freedom. Naman! Nung dumating yung Sunday, buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Lumabas lang ako nung nagsimba na kami pero pagtapos nun eh nagkulong nalang ulit ako. Nung Monday naman eh maaga akong nagising. Tetext ko na sana si Vince nun ng… ―Ihahatid ka ni manong ngayon Andy.‖ Great, just great. Hindi na ako nakipagtalo kasi sa totoo lang, wala ako sa mood. Siguro hindi pa alam ni Vince yung mga mangyayari kasi hindi man lang siya tumatawag o nagtetext. Hahayaan ko nalang siguro na ganun nalang, malalaman rin naman kasi niya yun pagdating ng September 14 eh. Pagdating ko sa school, nagtaka yung iba kong classmates kasi di ko daw kasabay si Vince. Ang dami ngang nagtanong eh kaya medyo nairita ako. umalis nalang ako ng classroom tapos nun eh naglakad lakad. Matagal pa naman yung bell eh kaya nagmuni muni muna ako sa kung saan saan. Narating ko naman yung art room at hindi ko narin ikinagulat na may bagong painting na naman. This time, may girl na nakasmile at nakaoffer yung kamay. Grabe, ang ganda talaga. ―Oh, andito ka na naman?‖ Napatingin ako dun sa may supplies closet kung saan nasan siya. Grabe, may plano ba talaga siyang patayin ako sa takot? ―Ikaw rin eh.‖ Tumingin lang siya sa akin tapos nagshrug. Naglean siya dun sa wall tapos tumingin dun sa painting na napakaganda.

―Sino kaya siya?‖ Napansin kong nag glance sa akin si Kit pero hindi ko siya nilingon. Diretso lang yung tingin ko dun sa painting kasi gandang ganda talaga ako. ―Bakit ba gustung gusto mo siyang makilala? Hindi ka pa ba satisfied at kada balik mo dito eh may bago siyang painting? Bakit kelangan mo pang malaman kung sino siya?‖ Napatingin naman ako sa kanya. Oh teka, bakit siya naiinis sa akin ngayon? Eh hindi ko naman dinirekta yung tanong ko sa kanya. Hmf, ang weird niya. ―Bakit ba nagagalit ka?‖ Natigilan naman siya nun at parang narealize niya yung ginawa niya. Umiling siya tapos nun eh naghanda ng umalis. Ang weird mo talaga Mr. Kit Tasello. ***** ―Pakidala naman ito sa Chem Lab oh.‖ Chem lab na naman? Hay, mas nakakapagod pa yata itong pinapagawa nila sa akin kesa dun sa pagtakbo takbo ko last week eh. Grabe. Mag-iisang oras na siguro akong gumagawa ng detention ko at sobrang pagod na talaga ako. Oo nga‘t tumatakbo lang rin ako dito sa ginagawa ko pero iba eh. di tulad nung last week na sa first floor lang ako nagtatatakbo eh ngayon sa ginagawa kong ito umaabot ako ng 4th floor. Hay buhay talaga. Umakyat naman ako sa 3rd floor at dinala narin sa chem lab yung pinapadeliver. Okay Andy, don‘t worry kasi last na yang inuutos nila at pwede ka ng umuwi pagtapos niyan. Hay. Kaso nga lang, bigla ko naman naisip na first day ko pa lang to. OMG, 9 more days to go. Hay. Pagtapos kong pumunta ng chem lab eh napaupo naman ako sa sahig. Feeling ko eh nanghina yung buong katawan ko at yung mga paa ko talaga eh ang sakit na. Kelangan ko ng umuwi. Kaya mo yan Andy. Magpasundo ka nalang kay manong para hindi ka na kelangan pa na maglakad o kaya mag-abang ng matagal sa trike. Tumayo na ako at dinaanan na yung mga gamit ko sa classroom namin. Buti nga at same floor lang yung classroom namin at chem lab kung di maiiyak ako kung kelangan ko pang umakyat ng 4th floor. Pagkakuha ko ng gamit eh nilabas ko

kaagad yung phone ko at nagtext na kay mama na ipasundo ako kay Manong. Nag okay naman siya at nagsimula na akong bumaba. Pagdating ko sa 2nd floor eh napalingon ako sa pintuan ng art room. Lumapit ako dun at sumilip sa loob. May bagong painting na naman kaya pumasok ako. Hay, ang cute nga eh kasi this time yung babae eh nakatayo lang at nakasmile. Plain siya pero ang cute talaga ng dating. Napaisip naman ako bigla, siguro lalaki yung painter kasi puro babae yung mga artworks niya eh. Hindi rin malabong mangyari yun kasi kung girl ang painter most likely hindi siya magpapaint ng girl din. Usually guys ang nagpapaint talaga ng mga babae. Tama, guy nga ang nagpaint nito. Mr. Artist, sana makilala kita balang araw. ―Bakit hindi ka pa umuuwi? Tapos na detention mo diba?‖ Okay, buti nalang at medyo nasanay na ako sa pag ganyan niya at hindi narin ako masyadong nagugulat. Tumingin ako sa kanya at nakalean na naman siya sa wall. ―Pauwi na nga ako.‖ At yun, gaya ng sabi ko eh umalis narin ako. Nakita ko na naman yung painting eh kaya solve na ako. Ewan ko nga kung anong milagro meron sa painting na yun kasi biglang nawala yung pagod ko. Hmmm, may magic siguro yung paintings ni Mr. Artist. Pagdating ko sa parking lot eh andoon na kaagad si manong. Mabilis nga siya nagdrive at ilang minuto lang eh nakarating na kami sa bahay. Sakto naman kasi malapit na kami kumain nun kaya inakyat ko na kaagad mga gamit ko at bumaba na ulit. Hindi na ako nakapagpalit kasi baka abutin ako ng pagtawag. Pagbaba ko eh saka naman nagtawag na si mama. Kinonfirm naman ni mama na sa September 14 na daw yung ―meeting‖ namin dun sa ―secret‖ soon-to-be-husband ko. Pagtapos namin magdinner eh agad akong umakyat sa kwarto ko tapos ginawa na mga homeworks ko. Pagtapos nun eh nagonline na ako sa ym at sakto, nagbuzz na naman si mr. Cuteboi. cuteboi: ei sassygirl: ei ka rin cuteboi: msta araw? sassygirl: ayos nmn cuteboi:hehe bti nman kng ganon sassygirl: lam mu, tgl nrin pla tau nguusap nu? Mag-2 weeks narin.. cuteboi: hehe unga no? pro d prn tlga tau mgkaklala sa personal

Oo nga, tama siya. Sa buong 2 weeks naming magkakilala eh walang ni isa pa sa amin ang nagyayang EB. Oo may times na nacurious ako pero syempre hindi magandang tignan sa babae ang siya pa ang nagyayaya. Para narin nagyaya magdate yun no. sassygirl: yah. Tma ka. cuteboi: um, gs2 m magmit? Whoa, teka lang muna. Kami daw? Magmeet?! Whoa… nung una gusto ko talaga pero once you think of it twice…parang nakakatakot. sassygirl: err..kelan nmn? cuteboi: nxt friday Next Friday? Wait, hindi ako pwede. Yun yung day ―ipapakilala‖ ako sa future husband ko a.k.a. Vince. sassygirl: can‘t. bc day cuteboi: ow, ok. E di saka nlng. Hindi narin naman na kami nag-usap pa about dun sa EB thing-y. Inabot rin siguro ng mga 10 pm at hindi parin kami tapos mag-usap. Pinasok pa nga ni papa yung kwarto ko para lang patulugin ako eh at ayun, nagpaalam naman ako sa kanya. Ewan ko ba, minsan kasi naguguluhan ako. pag siya yung kausap ko kahit sobrang walang kwenta ng topic namin eh nagiging interesting siya kahit papaano. Saka hindi talaga kami nauubusan ng pinag-uusapan. Ang Weird talaga. Natulog naman na ako kasi gusto ko rin agahan ang pasok ko bukas. Baka sakali kasing matakasan ko si manong at si mama eh. Wish ko lang naman. ***** ―Hoy, tagal mo ng di nasabay ah. Kakamiss ka na.‖ Itong si Marla talaga, parang 2 weeks lang akong hindi nakasabay sa kanila pauwi eh namiss kaagad ako. ―Miss mo na kaagad ako?‖ Tinawanan lang naman niya ako nun. Yup that‘s right. Friday ngayon. September 14 at ngayon ang pinakadreaded day ko sa buong buhay ko. Paano eh ngayon ko na mami-―meet‖ yung husband-to-be ko. Hay naku, nakakaasar talaga kung tutuusin. Ayoko naman kasing mabago yung friendship namin ni Vince dahil lang

dito. Oo nga pala, hanggang ngayon eh mukhang wala paring alam si Vince tungkol dun sa arranged marriage. Siguro nga napagplanuhan ng parents niya na Isurprise nalang sa kanya yun kahit alam naman natin na hindi magiging magandang surprise yun eh. Siguro isang bagay lang talaga ang nagpasurvive sa akin ngayong araw na ito, yun ang pagiging tapos na ng detention ko! Sa wakas, after 10 days of torture natapos din! Mukhang naawa na sila sa akin nung second week eh kasi kumonti nalang yung pinapagawa. Paano eh nung 1st week ko eh halos magkapilay na ako sa sobrang pagod sa pag-akyat at pagbaba mula 1st to 4th floor. Sinong normal na tao ang hindi mapipilay dun? ―Tara na nga sister. Magcelebrate tayo dahil tapos na ang 2 weeks mo sa impyerno.‖ nilink ni Cheeky yung kamay niya sa akin tapos hinila ako. ―Hindi kasi pwede eh…May… ―family stuff‖ akong kelangan asikasuhin‖ Nung pagkasabing kong ―family stuff‖ eh nilipat ko kaagad yung tingin ko kay Vince. Nakita kong nakangiti lang siya tapos nun eh binaling niya yung tingin niya sa ibang bagay. Alam niya? ―Yikes! At kelan pa napigil ng ―family stuff‖ ang nag-iisang si Andromeda Yzobbelle Ongpaugco?‖ Tumawa naman ako sa kanya. Sana nga pwede ngayon kaso ibang klaseng family stuff ang pumipigil sa akin eh. SOBRANG ibang klase. ―Sorry talaga kaso itong ―family stuff‖ na ito eh hindi katulad ng iba. Text ko nalang siguro kayo kung bukas pwede okay?‖ Tumingin sila sa akin na parang nagsususpetsa pero tumango din. Hay salamat at hindi ko kelangan masyadong I-explain yan. Hinanda ko na yung gamit ko kasi any minute eh baka magtext na si mama at nandiyan na sila sa parking lot. Diretso na kasi kami sa restaurant na pagkikitaan eh. Nagdecide ako na dumaan muna dun sa art room. May bago na naman painting. This time yung babae eh natutulog. Ang cute nga eh, napakapeaceful nung mukha tapos nakasmile pa. Tumingin naman ako sa paligid ko, hmm wala yata si Mr. Mananakot ngayon ah. Sabagay, mag 6 narin at kanina pa kaming 5 dinismiss. Malamang nauwi na yun sa bahay nila. Pero teka nga, bakit ko ba siya hinahanap? Ano namang pakielam ko sa kanya diba? Ilang sandali lang eh nakatanggap na ako ng text tapos nun eh bumaba na ako. Pagdating ko sa parking lot andoon na nga yung kotse.

―Alam kong you‘re not into this plan pero at least man lang diba mag-ayos ka.‖ Tinignan ko naman ng masama si Ate Cass. Kakapasok ko pa nga lang eh mangaasar na. Ayoko ngang mag-ayos. What they see is what they‘re going to get. Bahala na sila kung magustuhan nila ako o hindi. Sana nga hindi eh. Pero I doubt kasi sobrang ganda ng tingin sa akin ng pamilya nina Vince. Hay, buhay. Mabilis lang kaming nakarating dun sa restaurant. Hindi naman kasi ganoon katraffic eh. ginuide kami nung babaeng staff ng restaurant dun sa may table. Pagkakita ko eh wala pa yung family nina Vince. Sabi naman nung babae eh may inasikaso lang daw sa labas kaya ayun. Nag-thank you naman si mama sa kanila tapos nagsettle na kami dun sa table. Grabe, nakakainip naman dito. Mas gusto ko pang nasa bahay nalang at mag-internet kesa lumabas gaya ng ganito eh. Nagslouch nga ako konti eh kaso bigla akong pinalo ni ate Cass. ―Hoy, umayos ka nga!‖ Kaya ayun, umayos naman ako. Hmf, bwisit talaga tong si Ate Cass. Ilang sandali lang eh tumayo si mama pero hindi ko tinignan kung saan sila. For sure naman uupo rin yang mga yan eh bakit kelangan pang lumingon eh diba? ―Oh, at ayan na ba si Andy? Aba, kay gandang bata!‖ Yes, haba ng hair ko ah. Tumawa naman si Mama tapos sinabi pa na kanino pa daw magmamana. ―Oh Andy, ayaw mo bang makilala ang future husband mo?‖ Tumayo ako mula dun sa chair ko pero hindi ko parin sila nililingon. Nilagay ni mama yung kamay niya sa balikat ko tapos nun eh ngumiti. Pagtingin ko dun sa kausap ni mama---wait lang, hindi ito si MRs. Nucena ah! Nanlaki yung mata ko, alam kong may pagkarude yun pero hindi ko napigilan. Sakto naman, nagsalita na yung mama ko. ―Andy, I would like your future in-laws. Mr. And Mrs. Tasello‖ At lalo pang lumaki yung mata ko nun. TASELLO!? ―Masyado naman yatang formal. Tita Kris at Tito Oliver nalang hija. Oh Kit, hindi ka ba babati sa future wife mo?‖ Bigla naman nagpakita si Kit tapos nun eh yung expression niya eh parang naiinis. Tumingin siya sa akin at parang nagulat din. Oh this is just great.

I‘m marrying Mr. SC President! Chapter 5

May nakita akong babaeng lumapit kay Kit tapos umakbay. Tumingin ako dun sa babae, mukha siyang mas matanda kay Kit pero wow, sobrang ganda. ―Hi! I‘m Karla. I‘m Kit‘s older sister.‖ Ngumiti siya sa akin tapos nakipagkamay. At yun, nagpakilala naman kami sa kanila. Si Ate Cass naman eh nakipagchikahan na kay ate Karla. Ewan ko sa kanya, bigla nalang silang nag ―click‖ bigla. Weird. Si Herc naman, well, what do you expect from him? Malamang nag game boy na naman. Binatukan ko nga. Umupo narin naman na kami nun kasi magseserve na sila ng pagkain. To my luck, si Kit pa yung nasa tapat ko, swerte ko no? NOT. Ang tahimik nga niya eh. At yung last time lang na nagsalita siya eh nung nagpakilala siya sa parents ko. And take note, nobela pa nga yung sinabi niya eh… “I‟m Kit.” Oh diba? Pwede nang ipa-publish sa sobrang haba. Masarap naman yung mga pagkain na hinanda. Tama yan Andy, imbis na isipin mong ipapakasal ka na, and take note hindi basta bastang kay Vince di tulad ng akala mo pero worse kay Mr. Kit Tasello pa, eh ikain mo nalang yan. Hay, pero at least ngayon, hindi ko na poproblemahin yung friendship namin ni Vince. ―Oh Andy, Kit, bakit ang tahimik niyo yata?‖ Napatingin ako dun sa mommy ni Kit. Buti pa siya mabait, di tulad nitong lalaking to na moody. Ngumiti naman ako sa kanya. ―Naku tita, nagkakahiyaan lang yang mga yan.‖ Sabi ni Ate Cass. Hmf, sumingit na naman yung epal. Nakakaasar. ―Oo nga naman ma, hayaan mo na sila.‖ Kaya naman pala magkavibes sila ni Ate Cass eh. Nagkakasundo sila. Pero at least itong si Ate Karla eh hindi maarte kung di talagang maiinis na ako kasi may

bago na naman akong makakaaway niyan. Tumingin ako kay Kit tapos napansin na hindi pa niya ginagalaw yung pagkain niya. ―Hindi ka ba kakain?‖ Nagulat siya sa akin tapos tumingin lang. Aba, hindi pa sinagot yung tanong ko at tumingin lang sa baba. Hmf. Ito naman sina mama eh tuwang tuwa. Ang ―cute‖ daw naming dalawa. Ako cute alam ko yun, pero si Kit? I don‘t think so. ―Sabi na nga ba‘t tama lang ang desisyon natin mare eh.‖ ―Oo nga. Bagay na bagay talaga silang dalawa.‖ Bigla naman tumayo si Kit nun tapos ang ikinagulat ko pa eh pumunta siya sa side ko at bigla ba naman daw ba akong hilahin. Umabot kami sa labas ng restaurant. Nasa isang floor ng isang malaking building yung restaurant. Anyways, hinila ako ni Kit papuntang elevator tapos may kung anong pinindot siya dun. ―Teka saan mo ba ako dadalhin?‖ At ayun, hindi na naman siya namansin kaya ako eh naiinis na talaga. Ang ginawa ko? Piningot ko yung tenga niya. ―Aray!‖ ―Hoy kinakausap kita!‖ Tumingin siya ng masama sa akin habang hinihimas niya yung tenga niya. Mukhang napalakas yata pingot ko kasi namula. ―Masakit yun ah!‖ ―Eh kasi naman diba! Kinakausap ka ng maayos tapos iisnabin mo ako.‖ ―Bakit, hindi ka ba marunong maghintay?‖ ―Maghintay? Eh kanina pa nga lang nung tinanong kita dun sa restaurant eh hindi mo ako sinagot! Baka abutin pa tayo ng Apocalypse bago mo masagot mga tanong ko!‖ ―Oi wag ka ngang exagge. ‖ Tinignan ko naman siya ng masama tapos nun eh hindi na ako nakapagsalita kasi

tumunog na yung elevator. Pagkbukas naman nun eh bigla niya ako kaagad hinila dun sa may stairs. Grabe talaga tong lalaking to! Kakaiba! Medyo mahaba rin yung inakyat namin tapos nun eh may pinto sa dulo. Pagbukas niya eh biglang sumalubong sa amin yung hangin. Whoa, nasa taas na pala kami nung building. Pagdating namin dun eh binitawan na niya yung kamay ko tapos pumunta dun sa may railings. Ang ganda dun sa place na yun, nakakarelax. Kaya pala siya nagpunta rito eh. Pero bakit naman kelangan kasama pa ako. Lumapit ako sa kanya tapos dun ako sa may tabi niya pumuwesto. ―Oh ano? May tanong ka pa? ‖ Hmf, ang sungit talaga nitong lalaking to. ―Okay lang sayo yung plano ng parents mo?‖ Tumingin naman siya sa akin na parang nababaliw na ako. ―Ano bang tanong yan? Sino namang normal na tao ang nasa tamang pag-iisip na magugustuhan ang arranged marriage? ‖ ―Well sorry ha! Hindi kasi ako kasing talino mo Mr. SC President!‖ Napikon talaga ako sa kanya nun. Grabe, ang ayos ng tanong ko tapos ganoon siya sasagot! Hoy! Kung sa akin niya nilalabas yung galit niya wag na no! hindi ko rin naman kasi gusto yung mga pangyayari eh! biktima lang rin ako! ―Malamang ayaw ko. High school pa lang tayo at masyado pa tayong bata para pag-isipan ang ganyan no.‖ Tumingin ako sa kanya. Nag-iba yung expression niya sa mukha, mas naging relax ngayon. Pagtapos naman nun eh tumingin siya sa akin. Parang nagsosorry siya or something. Tumingin naman ako sa langit nun tapos naglean sa railings. ―Hay, bakit ba kasi nila ginagawa ito? Alam kong friends yung mama ko at yung mommy mo pero…hindi tama eh.‖ Oo, hindi talaga tama. Kasi sa totoo lanG? Hindi ko naman talaga planong magasawa agad eh kapag tapos na akong mag-aral. Ang plano ko eh magtatrabaho ako hanggang sa ma-reach ko yung top ng carreer ko. Tapos nun eh plano kong libutin ang buong mundo. At pag natapos ko na ang lahat ng iyon, saka lang ako mag-aasawa. Hay, so much for my dreams… ―Wala na tayong magagawa. Andiyan na eh. Ang tanging pwede lang natin gawin eh tanggapin ang mga pangyayari.‖

Ayos rin naman pala tong lalaking to eh. Lalo na kapag matino yung sinasabi niya at hindi niya hinahayaang pangunahan siya ng temper niya. Sana lang marealize niya iyon. Naramdaman ko naman na nag-inat siya tapos bigla siyang sumigaw. Nagulantang tuloy ako bigla. ―AYOKO PANG MAG-ASAWA!‖ Napangiti ako sa kanya tapos nun eh tumingin din ako harap ko. ―GUSTO KO PANG LIBUTIN YUNG BUONG MUNDO!!!‖ Tumingin siya sa akin tapos nginitian ko lang siya. At yun, mukha kaming ewan na nagsisisigaw dun. Wala pa talaga kaming planong bumalik nung mga oras na iyon kaso nga lang… ♪ If I could escape And re-create a place as my own world And I could be your favorite girl Forever, perfectly together Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ♪ ―Hello?‖ ―Andy! Asan ba kayo nagpunta ni Kit? Bumalik na kayo dito at may kelangan pa tayong pag-usapan. Ngayon na okaY?‖ Hindi na ako hinintay ni mama na magsalita pa kasi binaba na niya kaagad. Nagring din naman yung phone ni Kit. For sure mommy niya yan. Cute nga ng ringtone niya eh. [/I] ♫ And I wanna moment to be real, Wanna touch things I dont feel, Wanna hold on and feel I belong. And how can the world want me to change? They're the ones that stay the same. They can't see me, but I'm still here. ♫ [/I] ―hello?‖ Kumunot yung noo ni Kit tapos nun nilayo niya yung phone sa tenga niya. Whoa! Ang lakas ng boses ng mommy niya!

―HOY KRISANTIMO IVANN TASELLO! BUMALIK KA NA NGAYON DITO KUNG DI MALALAGOT KA SA AMIN NG DADDY MO! AT SIGURADUHIN MO LANG NA SAFE YANG MANUGANG KO KUNG DI LAGOT KA SA AMIN AT SA PAMILYA NIYA!‖ Nanlaki yung mata ko habang nakatingin kay Kit. Wait, anong pangalan niya? Kris-Krisantimo Ivann?! Wahahaha! Ambantot ng pangalan! Hindi ko napigilan kasi bigla akong napatawa ng malakas. Ang sama nga ng tingin niya sa akin eh. ―Anong tinatawa tawa mo diyan? Alam ko mabantot yung pangalan ko. Don‘t blame me! Blame my parents!‖ Itong lalaking to talaga, hindi ko naman siya sinisisi eh. Wahahaha, Krisantimo. So nakuha pala niya name niya sa initials niya. Hmm, ayos ah. ―Bakit sinisi ba kita? Anyway, bakit ba yan pangalan mo? I mean, isn‘t that name too old?‖ Yung mga ganyang pangalan kasi eh pang mga lolo noong unang panahon eh. ―I was named after my grandfather okay?! So please, just drop it! And if you dare tell someone else, lagot ka sa akin!‖ At pagtapos nun eh lumakad na siya papasok ulit. ―I promise I won‘t tell a soul…Kris-y.‖ Tumigil siyang maglakad sandali pero nauna parin. Okay fine, it was mean of me to do that pero…sorry, I couldn‘t help it! Hahaha. Hindi naman niya ako completely iniwan. Naghintay siya dun sa may elevator at mukhang inip na inip nga eh. pagdating ko dun eh sumakay kaagad kami dun tapos eh ilang minutes lang eh nakarating na ulit kami sa floor nung restaurant. ―Ma! Andiyan na si ate.‖ mukhang nautusan na guard itong si Herc ah. Ewan ko diyan sa kapatid kong yan, kahit na tutok yung mata sa gameboy na nilalaro eh nalalaman parin kung dadating na yung pinapahintay sa kanya. Ang galing nga eh. Elibs ako sa kanya. Sabay kaming tatlo na pumasok sa restaurant tapos nun eh umupo narin. Naghanda naman sina mama na parang may sasabihin tapos nun eh humarap sa aming dalawa. Seryosong seryoso yung mga mukha nila. Uh-oh. I have a feeling na hindi maganda yang sasabihin nila… *****

―Ahm, manong palagay nalang po niyan dun sa first room pag-akyat niyo sa stairs…‖ Ang busy ng araw namin ngayon. Saturday na pala ngayon. A day matapos yung sobrang kakaibang meeting. Mapapansin mo na maraming taong naglalakad. Grabe eh, mahirap din palang maglipat. Yeah, you heard right. Naglilipat kami ngayon. Actually, not kami, but ako. well, it‘s this stupid plan na naisip nung parents namin ni Kit. Flashback… “Ganito kasi yun Andy, napagplanuhan namin ng tita Kris mo na ikakabuti niyong dalawa ang magstay sa iisang bahay. Para narin get to know each other. Saka para malaman kung I-pupush through pa ba ang engagement niyo.” Nanlaki bigla yung mga mata ko kay mama. Pero, on the other hand, pwede naman palang hindi ituloy tong arranged marriage na ito eh. Ang tanong, paano? “Well, we have all decided na manirahan muna kayo sa isang house malapit sa school for 100 days. After that, saka natin malalaman kung matutuloy pa ba ang lahat lahat. Don‟t worry though, magbibigay parin kami ng maid para sa inyo at syempre, driver. And para hindi na lumayo yung bahay niyo sa school, we bought this nice house just 2 houses away from the school so for sure na hindi na kayo mahihirapan.” Whoa, wait a minute. Titira kami sa iisang bahay for 100 days?!? End of flashback… At yun na nga ang mangyayari. We‘re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I‘m sure, ganun na nga ang mangyayari. ―Thanks po manong. Okay na po.‖ Umalis naman na yung mga naglilipat at ako eh tinignan yung buong bahay. Ayos naman siya. Actually, malaki nga siya kung ang titira lang dun eh 2 tao. May dalawang floors yung bahay tapos may small garden. Wide yung space ng first floor, may living room tapos may isang extra room (siguro nga for the maids). Sa second floor naman eh apat yung kwarto at tatlo naman yung bathroom. Yung 2 rooms eh para sa amin ni Kit (syempre separate) tapos yung extra 2 rooms ay guest room. Separate rin naman yung bathrooms namin. Dapat lang no! ayoko ngang makita ni Kit yung mga underwear ko, nakakahiya yun for sure! Nilabas ko na yung phone ko tapos nagtext kina Cheeky at pinapunta sila dito sa

bahay namin ni Kit. Err, ang weird sabihin. Ilang minutes lang rin eh dumating na yung barkada. Gulat nga sila eh. ―OMG sis, wag mong sabihin na tinakwil ka na ng pamilya mo?!‖ ―Sira! Hindi no. Ito pala ang new home ko…with my, fiance.‖ Natigilan sila tapos napanganga at nanlaki yung mga mata. ―WHAT?‖ ―MAY FIANCE KA HINDI MO MAN LANG SINASABI SA AMIN!?!‖ wah, nakakabingi naman sila! Grabe ah! ―It‘s an arranged marriage okay? It‘s not as if I wanted it to happen!‖ Yeah, ganyan ako, kapag naiinis na eh nag-eenglish. Kaya minsan nga eh napapanosebleed si Cheeky sa akin. ―P-pero…hindi ba masyado pang maaga? High school ka pa lang AndY!‖ Yan naman ang pinakaayaw ko eh. Yung sinesermonan ako kahit alam naman nila na no choice ako. Mas lalo ko lang kasi naiisip na wala na akong choice. At kapag sobrang inis na talaga ako eh… ―Je n'ai aucun choix! (I have no choice!)‖ Lumalabas ang pagka-half-French ko. At syempre, yung mga kabarkada ko eh napanganga, well, maliban nalang kay Vince na naintindihan ako. Diba nga? Pareho kaming laking France. ―EH?!‖ Tumingin ako sa kanila tapos huminga ng malalim. Umupo ako dun sa sofa tapos tumingin sa kanila. ―Wala akong choice guys…this…this setup is the only thing that would probably help me get out of this mess.‖ Lumapit sa akin yung mga friends ko tapos tinapik nila ako sa likod. ―I have to live here for 100 days. At pagtapos lang nun nila malalaman kung ipupush through ba yung engagement namin‖ ―Eh yun naman pala eh! Wag nalang kayong magpansinan nung fiance mo o kaya

magdeal kayo na magtulungan para matapos ang lahat. For sure naman diba na ayaw rin niya?‖ ―Cheeky ano ka ba! Maraming pwedeng mangyari sa 100 days kaya hindi natin malalaman kung effective ba yan o hindi.‖ Yeah, may point si Marla. I admit, marami ngang pwedeng mangyari in 100 days. ―Oh well…I guess I just have to get this thing over with.‖ ―Oo nga pala Andy, hindi mo pa sinasabi sa amin kung sino yung fiance mo.‖ Tumingin ako kay Cheska at napahinga ng malalim. Papatayin ako ni Cheeky nito eh, pero hey! It‘s not my fault nga diba? ―He is---‖ ―Anong ginagawa niyong lahat dito?‖ napalingon silang lahat sa nagsalita at ako naman eh tinuloy ko yung naputol kong sasabihin…

―The one and only Mr. SC President, Kit Tasello.‖

Chapter 6

Nanlaki na naman yung mata nila. Lalong lalo na si Cheeky na tumayo pa mula sa kinauupuan niya. OH boy. ―Yang arrogant guy na yan ang fiance mo!??‖ sabay turo kay Kit. Tumingin lang sa kanya si Kit tapos nun eh naglean dun sa wall. Kit Tasello Fact #1, he likes to lean on walls. Hey, wala rin naman masama kung makilala ko yung fiance ko diba? ―Ano naman sa iyo yun?‖ Kit Tasello Fact # 2, he‘s VERY moody. Tumingin ako kay Kit tapos nun eh kay

Cheeky, uh-oh, I smell trouble. ―Cheeky drop it.‖ Tumingin naman sa akin si cheeky tapos tumango lang. Umupo na ulit siya sa sofa. Oo nga pala, ano palang ginagawa niya rito? Diba dapat bukas pa siya maglilipat? ―Ano palang ginagawa mo rito? Diba bukas ka pa dapat mag-aayos ng gamit?‖ Inalis niya yung pagkakalean dun sa wall tapos nag-fold ng arms at pumuwesto sa may pinto, parang aalis na yata siya. ―Tutulong sana pero mukhang tapos ka na yata.‖ Aww, okay naman pala siya eh kahit papaano. Yung nga lang, he just had to open that big mouth. ―Don‘t get me wrong Andy, pinilit lang ako ng ate at mommy ko dahil yun daw ang ―right‖ thing to do.‖ At pagtapos nun eh umalis na siya. Kit Tasello Fact #3, maginoo pero may pagkabastos. *****

Lumipas narin yung mga araw. Monday na ngayon, September 17, at ito narin yung unang araw na magstay kami sa bahay ―namin‖ ni Kit. After dismissal kasi eh dun na kami kaagad didiretso sa bahay. Ngayon daw kasi ang start ng 100 days contract namin. Sosyal eh no? May contract talaga diba? Pero hindi naman siya nakasulat. Sobra na kung isulat man iyon nina mama. ―Hoy, bakit mukhang ang lalim yata ng iniisip mo ngayon?‖ Tumingin naman ako kay Cheska at ngumiti. Minsan nakukuha narin niya yung ugali ni cheeky. ―Wala, naiisip ko lang yung kung ano ba pwedeng mangyari mamaya. Pag uwian na.‖ Mukhang naguluhan siya sa akin saglit pero nagets din naman niya. ―Aw, first day nga pala ngayon no? Wag mo nang masyadong isipin yun Andy. Siguro naman magiging ayos lang kayo kung hindi kayo magpansinan diba?‖

You know what? May point siya. Bakit ko ba iniisip yun eh for sure naman na hindi ako papansinin nung Kit na yun eh. Kit Tasello Fact #4, he‘s a snub. Ngumiti naman ako kay Cheska tapos nagthank you sa kanya. Naguluhan pa nga siya kung bakit eh, sabi ko wag nalang niya isipin. Nakinig naman na kami nun sa teacher kasi baka kami ipadala pa sa sub-unit head at magkadetention na naman ako. Natapos yung subject at syempre lunch na! Sa wakas! Kanina pa kasi kumukulo yung tiyan ko eh. Palabas na kami ng classroom nun ng may humarang sa akin na mga babae. At dalawa lang sa kanila ang kilala ko. ―Ano na naman kelangan niyo Keri?‖ Tumingin siya kay Cheeky at umirap, pagtapos nun eh sakin naman nabaling yung tingin niya. ―I heard na engaged daw kayo ni Kit.‖ Pagkasabing pagkasabi niya nun eh bigla namang umingay sa loob at labas ng classroom. Hindi pa pala gaanong nakakalabas yung mga classmates ko. Hay, teka nga muna, sinong nagsabi niyan!? Ang bilis naman kumalat ng balita. ―Sino naman nagsabi sa inyo niyan?‖ ―May mga taong nakarinig sa usapan nina Kit.‖ Tao daw, baka mga tsismoso‘t tsismosa. ―Oh. So ano naman ngayon problema niyo?‖ Halatang nainis si Keri dahil yung mata niya eh nag-aapoy sa galit. Wag mong sabihin eh pati si Kit gusto rin niya. Oh what else do you expect Andy? Diba nga lahat ng lalaking makita niyan eh gusto niya. ―Anong gayuma naman ang pinainom mo sa kanya‘t napapayag mo siya?!‖ Ugh, talaga bang may pagka-tanga itong si Keri? ―Are you really that stupid Keri? Malamang hindi kami ang nagplano nun. It‘s called an ARRANGED MARRIAGE. Baka gusto mong idefine ko pa para sa iyo. You know, baka kasi hindi kaya ng utak mo yung BIG words.‖ Tinignan niya ako ng masama tapos nun eh umirap. Isa nalang dudukutin ko na mata nitong bruhang ito.

―We knew it. Alam naman namin na may taste pa naman si Kit at hindi naman siya papatol sa katulad mong b*tch na mukhang kalabaw.‖ Aba, b*tch daw na mukhang kalabaw? Baka gusto niyang maging mukhang kalabaw siya?! ―Look who‘s talking. Sino kaya ang mas b*tch sa atin?‖ Nag-apoy naman yung mga mata nila tapos nun eh mukhang susugod na kaso biglang may nagsalita at sinabing may teacher na parating. Yun naman ang kinakatakutan nila eh, teacher. After nun eh umalis na sila at kami naman eh nakabili narin ng pagkain namin pagkatapos eh dumiretso na kami sa tambayan namin. ―Nakakaasar talaga.‖ ―Ano ka ba sis, ayos lang yan. Kung si Keri at Pau lang naman ang mga magiging kaaway mo eh wala kang dapat na ipag-alala. Eh mukhang mas matalino pa yata ang mga langgam kesa sa mga yun eh.‖ ―Hoy Cheeky sobra ka naman.‖ Napatingin kami kay Marla. Sobrang nagulat kami, si Marla? Ipagtatanggol yung dalawang yun? Whoa! Kaso naiba yung iniisip namin kasi may pinahabol siya. ―Kawawa naman yung mga langgam na icocompare mo sa kanila.‖ At ayun, natawa naman kami tapos kumain nalang kami. ―Oo nga pala Andy, kelan ba tapos niyang kasunduan na iyan?‖ Tumingin ako kay Vince nun. Minark ko na kasi sa calendar nung Saturday kung kelan matatapos eh, nakalimutan ko lang bigla. Ah ayun! Tama nga. ―December 25.‖ ―Aba, saktong Christmas pa ah. Ano yun, christmas gift nyo sa isa‘t isa?‖ Tinawanan lang namin yun tapos nagkwentuhan na ulit sa kung anu-ano pa. Pagtapos nun eh umakyat na kami kasi 5 minutes nalang eh bell na. Nung hapon naman eh puro lesson lang na boring kaya inantok talaga ako buong maghapon. Buti nga at nagkaroon pa kami ng activity kung di, sigurado knock out ako. Nung dismissal naman eh nagpaalam na ako kaagad sa mga kaibigan ko kahit maglolocker pa lang ako. for sure naman kasi na kung sasabay sila sa akin tapos kasama ko pa si Kit eh magkakainitan lang naman. Bago naman ako bumaba hanggang sa gate (dun kasi kami magkikita) eh dumaan muna ako sa art room

and as expected, may bagong painting. Ang cute ng pinaint ni Mr. Artist ngayon. Babae ulit tapos may hawak siyang hose at nakatapat sa sky. Tapos dun sa sky eh may rainbow na naform. Ang cute nga eh, basa yung babae tapos nun eh nakasmile siya, probably because of that rainbow. Napangiti naman ako dun, sobrang carefree nung babae, hmm…sino kaya inspiration ni Mr. Artist sa painting na ito? ―Kaya pala ang tagal mo, andito ka na naman.‖ Tumingin ako sa likod ko at nakalean si Kit sa wall dun sa may pinto. ―Naghintay ka ba ng matagal?‖ ―Hindi. Kanina pa ako nandito. Ano ako tanga? Alam ko namang parati kang nadaan dito eh.‖ Aba, ang taray mo ah! Hmf, matutuwa na sana ako sa kanya kaso nagbago yung isip ko. Humarap na ako sa kanya tapos tumingin ng masama tapos naglakad na paalis. Alam ko namang susunod yan eh kaya ako tuluy tuloy lang. Pagkalabas ko ng gate eh nakatungo lang ako. Naasar talaga ako sa kanya, bakit ba kasi kelangan niya maging ganoon ka moody?! Nakakabanas na kasi minsan eh. hindi mo malaman kung mabait ba siya o ano kasi sobrang sungit naman niya minsan. Hay, daig pa talaga niya ang babaeng may dalaw! Hmf! Nakakaasar. Sabihin ko sa kanya yun para matauhan siya? Tama! Tumingin ako sa likod para sabihin kaso wala siya dun. Wag mong sabihin nagpaiwan siya? Hmf, bahala nga siya sa buhay niya. Gawin niya kung ano yung gusto niya at gagawin ko kung ano yung akin. Ilang sandali lang eh nakarating ako sa bahay. Papaakyat na ako ng kwarto ko nun ng… ―Magwawalk-out ka tapos ikaw tong mahuhuli. Sa susunod nga wag kang magdrama. Nakakairita ka.‖ Napasigaw naman ako nun at napahawak sa dibdib ko muntik pa nga akong mahulog mula sa gitna ng stairs eh buti nalang at nahila niya ako. Ngayon naman eh sobrang lapit namin sa isa‘t isa. Teka nga muna, paano?? ―Paano ka nauna??‖ Grabe, ang lakas ng tibok ng puso ko siguro nga dahil sa takot pero may nagsasabi sa akin na dahil din sa sobrang lapit namin sa isa‘t isa.

―Mag-ingat ka nga! Pag may nangyari sa iyo malalagot ako sa mama mo!‖ Aba ang sungit! Bakit ba? Siya naman may kasalanan na muntik akong mahulog eh. ―Talagang ikaw malalagot kasi ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako muntik na mahulog eh!‖ Natahimik kaming pareho tapos nagkatinginan. Napansin siguro niyang sobrang lapit namin sa isa‘t isa kaya humiwalay siya. Naramdaman ko namang namula yung mukha ako. Naku, nakakahiya ito pag nakita niya ako. baka isipin pa niya eh na-enjoy ko yung pagkakalapit namin! Well, konti lang pero---wait…erase erase! Hindi mo naenjoy yun Andy! Dumiretso na ako sa kwarto ko tapos naglock at naglean dun sa pintuan. Sobrang lakas na talaga ng tibok ng puso ko ngayon. Ewan ko ba, ang gulo gulo eh. Oh baka naman talagang pagod lang ako? Yah, tama nga siguro. Pagod lang ako. itutulog ko nalang to tapos panigurado pag gising ko eh wala na ito. Humiga na ako sa kama, hindi na ako nagpalit muna kasi sandali ko lang naman planong magpahinga eh. Pero hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako ng mahimbing. ***** Hmm…Teka lang, bakit ba ang galaw yata ng kama ko ngayon? Ugh! Nakakaasar naman. Sino ba kasi yung malikot. Tinry kong humarap sa side kaso nga lang parang may nakaharang sa gilid ko. Binuksan ko naman yung mata ko at sinalubong ako ng mukha ni Kit. And take note, sobrang lapit ng mukha niya. ―AHHHH----‖ Tinakpan niya yung bibig ko tapos mukhang inis na inis yung expression niya. Anong ineexpect niya? Babatiin ko siya ng smile matapos niyang magpakita ng, take note, nakapatong sa akin habang nakahiga ako sa kama ko. It‘s not an everyday experience no! ―Wag ka ngang sumigaw. Para ka naman pinagsasamantalahan eh.‖ Nakatakip parin yung kamay niya nun at saka ko lang narealize na wala yata siyang balak umalis sa taas ko kaya tinulak ko siya. Napalakas pa nga yata kasi bigla siyang bumaliktad at nahulog sa kama ko. Serves him right for coming in my room in the first place! ―Aray!‖

―Ano bang ginagawa mo sa kwarto ko at bakit kelangan eh nakapatong ka pa sa akin?! May pagnanasa ka sa akin no?! Aminin mo na Kit!‖ Tumingin siya ng masama sa akin, yung parang may binabalak na mampatay ng tao. Nakakatakot nga eh. ―Wag kang magfeeling Andy. Kaya lang naman ako dito kasi pinapagising ka ni Manang dahil kakain na daw.‖ Hmf, pero kahit na! Bakit kelangan parin na nakapatong siya sa akin no! Hindi porket future husband ko yan eh pwede na niya akong ganunin! ―Pero bakit ka parin pumatong?!‖ ―Hirap mong gisingin eh. Grabe ka, mantika ka matulog tapos ang lakas mo pa maghilik. Para kang hindi babae.‖ Tumayo na siya mula dun sa place niya at dumiretso sa may pintuan. ―Hindi ako naghihilik no!!‖ ―At Paano mo naman malalaman yun eh tulog ka? Sige nga?‖ Natahimik naman ako nun. Pero sure ako na hindi talaga ako naghihilik. Pero teka nga, hindi yun ang pinag-uusapan namin ah bakit nabaling dun yung topic. ―Hoy teka! Hindi mo pa sinasagot tanong ko!‖ Binuksan na niya yung pinto nun, mukhang hindi na naman mamamansin tong bwisit na ito ah. ―Tumayo ka nalang diyan. Gutom na gutom na ako no at wala na akong plano pang maghintay sa iyo kaya dalian mo na.‖ At pagkatapos nun eh umalis na siya. Hmf, sinabi ko bang hintayin niya ako?! Nakakaasar talaga siya. Tumayo na ako dun sa kama tapos nun eh inayos ko lang yung itsura ko, which I think was stupid kasi nakita na naman niya ako na gulu gulo ang hitsura, tapos nun eh lumabas na ako sa kwarto. Nagulat nalang ako ng makita kong andoon parin siya sa may top ng stairs at wala pa yatang planong bumaba. ―Ang bagal mo talaga!‖ At yun, bumaba rin yung loko. Akala ko ba wala siyang balak na hintayin pa ako? Hmm, kakaiba rin siya ah.

Kit Tasello Fact #5, ang hirap niyang intindihin. Chapter 7

The next day, maaga akong nagising. Mga 4 pa nga lang yata nun kaya naisipan kong mag-internet nalang muna. Buti talaga pinalagyan na nina mama ng dsl itong bahay na ito kung naku po, uuwi parin ako sa amin kung ganoon. Syempre, bago ako mag-internet, ginawa ko muna mga morning rituals ko. Naligo narin ako tapos nagsuot lang muna ng pambahay. Nag-online ako sa ym tapos bigla ba naman nagbuzz yung si mr. Cuteboi. Aba ang aga naman yata nitong lokong ito. cuteboi: GOOD MORNING! cuteboi: kamusta? cuteboi: aus k lng ba? <BUZZ> Aba, at ang taas pa ng energy niya ah. Ano kayang nakain nito at alas-4 pa lang ng umaga eh sobra na kung mangulit? sassygirl: aga n10 ah cuteboi: kw rin eh sassygirl: uu nga eh. bt aga mu gcng? cuteboi: la, snay na eh, kaw? sassygirl: e1 bgla nlng aq ngicng eh. At yun, kwentuhan to the highest level kaming dalawa. Pero hindi ko naman namention sa kanya yung new house ko at syempre yung fiance ko. Ewan ko, di ko feel sabihin eh. Saka, siya nga lang yung hindi nakakaalam about dun eh, hayaan na natin na maging ganoon nalang yun. At least there‘s someone out there na hindi ako kinukulit about doon sa ―fiance‖ ko. Mga 5:30 din siguro nung nagpaalam na ako at nagbihis at bumaba narin. Gising na sina manang kaya nagpahanda na ako ng makakain. Ilang sandali lang eh ayos na, simpleng hotdog saka itlog lang naman eh kaya hindi na siya tinagal. Okay, tatawagin ko ba siya o mauuna na ako? Hmm, pero parang kelangan kasi kahapon naman eh tinawag niya ako. Pero napilitan lang siya nun, kaya lang…hayy…kahit na. Ah basta, sige na nga, tatawagin ko na. Umakyat ako dun sa stairs tapos nun eh naglakad hanggang tapat ng kwarto niya.

Kumatok ako pero walang sumagot. Wag mong sabihin tulog pa itong lalaking ito? Kumatok ako ulit and this time, mas malakas pero wala parin eh. Tinwist ko yung knob, aba bukas at pagkatulak na pagkatulak ko sa pintuan eh biglang bumulagta sa akin ang isang Kit Tasello. He seems normal, except for the fact that he‘s half naked with only a towel covering his lower body! Agad naman akong tumalikod at nagtakip pa ng mata. Grabe, namula ako nun ng sobra, mas mapula nga siguro yung mukha ko nung mga oras na iyon kesa sa isang kamatis eh. Worse, sa isang apple. Oh my gosh! Lord bata pa ako, bakit niyo po ako pinakitaan ng ganitong larawan? ―Wag kang OA, ayan oh, nakabihis na ako.‖ Sabi niya nun tapos nilampasan niya ako at dumiretso papuntang stairs. Hmf! Nakakainis talaga siya. Kung gising naman pala siya sana sinabi niya na hindi siya bihis or something! O kaya naman, sana naglock nalang siya! Argh! Badtrip siya! Sumunod naman ako sa kanya nun tapos sabay kaming nag umagahan. Ang tahimik nga naming dalawa eh, para kaming mga hindi nakakasalita. Hmf, sino naman kasi masisisi mo eh kani-kanina lang eh nakita ko siyang half naked. Pagtapos ko kumain eh tumayo ako kaagad. Kinuha ko naman yung gamit ko sa kwarto ko at dali daling bumaba para umalis. Yun nga lang, mukhang nauna na naman siya. How the hell does he do that?! Feeling ko tuloy may sa engkanto tong lalaking to eh! ―Ang bagal mo. Dalian mo nga.‖ ―Kung gusto mong mauna eh di mauna ka na. Hindi naman ako nagpapahintay sa iyo eh.‖ nakakairita na kasi siya eh. oo nga‘t maghihintay siya kaso reklamo naman siya ng reklamo. Feeling ko tuloy nagiging pabigat ako. Hindi naman siya umimik nun at mas lalong hindi siya nauna. Hay naku, ang weird mo talagang tao Kit Tasello. Ah oo nga pala, Kit Tasello Fact #6, mainipin siyang tao. ***** ―Oh, bakit ang pula mo yata ngayon? amf, napansin din pala nila yung kapulahan ko. Ewan ko ba, sa hindi ko malamang kadahilanan eh parating lumilitaw sa isip ko yung hitsura ni Kit kaninang umaga. At everytime na mangyayari yun, namumula ako. ―Ako mapula?‖

Tumingin silang lahat sa akin na parang nagsususpetsa tapos sabay sabay na sinabi ang ―OO!‖. Aray ku, nabasag pa yata ear drums ko sa boses nila. Pasalamat sila‘t lunch ngayon dahil kung may klase eh detention ang abot namin. ―OA kayo ah.‖ ―Oh, ano na naman bang ginawa sa iyo ng Kit Tasello na yun?‖ ―ABA! At bakit siya lang ba ang dahilan para mamula ako? Pwede naman ikaw ah! O kaya si Marla. O kaya si Sasha! Bakit siya pa?‖ ―Kasi one, defensive ka, two, nakatira kayo sa iisang bahay at three, nung dumaan siya eh mas lalo kang namula.‖ Darn, I hate it when they‘re too observant. Nakakaasar. Okay, guilty na kung guilty. Magsasalita na sana ako nun ng biglang… ―HOY KIT! HALIKA NGA DITO!‖ Wah! No cheeky! Wag mong palapitin yung lalaking yan! And of course, too late na ako kasi next thing I know, si Mr. SC president eh nakatayo na sa harap naming magbabarkada. ―May problema ka?‖ Hay, ang sungit talaga niya. Sabagay, sa lahat naman eh masungit talaga yan. Siguro pati sa pamilya niya eh masungit din siya. ―Ano bang ginawa mo dito sa bff namin ha?‖ Tinaasan niya ng kilay sina cheeky tapos tumingin sa akin. At syempre, dahil lumabas na naman yung Freaking Stupid Image na yun sa ulo ko, namula ako. Bad trip. ―Ako? May ginawa? Di ba dapat ang tanong mo eh kung anong ginawa niyang kaibigan mo sa akin?‖ Nagtaasan yung mga kilay nila tapos tumingin sa akin. At yun matapos kong sabihin sa kanila eh eto naging reaction nila… ―ANO?!‖ At saka ang nag-iisang… ―You Go Girl!‖

Nice no? Not! ***** Siguro nga mga natural na chismoso‘t chismosa ang mga tao sa school namin dahil by dismissal eh kalat na kalat na ang balita tungkol dun sa ―pamboboso‖ ko DAW. Ang kapal nga ng iba eh, nang-aaway pa kasi ―nanilip‖ daw ako sa prinsipe nila. Yuck! As if naman sinadya ko yun. Hay, nakakaasar pa. Tapos yung mga kaibigan ko pa eh hindi nakakatulong kasi alam ko namang kating kati na yan na asarin ako eh, nagpipigil lang talaga. Hmf, bahala nga sila. Ang pinakanakakainis naman sa lahat eh yung iba kong classmate na lalaki, medyo nambabastos na kasi sila eh. May mga nagsasabi pa nga na sila nalang daw yung bosohan ko kasi libreng libre lang daw. As if naman no! kaya nga nung uwian eh buwisit na buwisit talaga ako eh. Naglakad ako papuntang art room, sana may bagong paintin kasi yun na lang siguro yung natitirang bagay na magpapakalma sa akin. Naks, anyway, nadiscover ko lang yan nung nagdedetention ako eh na kapag tumitingin ako ng paintings ni Mr. Artist, nawawala pagod ko. Seriously. Pagpasok ko sa loob eh meron ngang bago. May babae na nakasakay sa swing tapos tuwang tuwa pa siya. Hay, napangiti naman ako dun sa painting tapos nun eh umalis narin ako. Baka kasi abutan pa ako ng kung sino sino diyan eh trouble lang yan. Paglabas ko ng art room biglang may mga lalaking lumapit sa akin tapos biglang hinawakan ako magkabilang kamay. ―Hoy ano bang mga problema niyo!? Bitaw nga!‖ For sure taga ibang klase yan kasi hindi sila ganoon kapamilyar sa akin. ―Nabalitaan lang naman namin kasi yung tungkol sa nangyari sa iyo at ng SC president natin.‖ Oh damn, sabi na nga ba trouble yan eh. Wah, tulungan niyo ako! ―OH eh ano naman sa inyo yun?! Bitaw nga!!‖ Tinry kong kumalas kaso nga lang eh ang higpit ng hawak nila, take note, SOBRANG SAKIT pa. ―Maliit lang naman tong hihiligin namin eh. Saka alam naman namin na eenjoyin

mo ito.‖ Yuck! Kadiri. Feeling nila pagnanasahan ko sila! ARGH!! TULONG!! ―Feeling mo naman pagnanasahan ko kayo! Mandiri nga kayo sa sarili niyo eh ang papangit niyo naman!!‖ ―Aba, akala mo kung sino kang maganda ah! Heto sayo!‖ *PAK!* Ouch! Ang sakit nun! Grabe, ang lakas ng sampal niya sa akin. Naramdaman ko tuloy yung mga luha ko na dahan dahan tumulo mula sa mga mata ko. Grabe, ang sakit talaga. ―Palibhasa mga babae lang kaya niyong saktan kaya ganyan kayo!!‖ AT ayun, may isa pang sumampal sa akin. Grabe ang sakit talaga, feeling ko sobrang pula na ng mukha ko. Wah, mama… Nakita kong sasampal ulit yung isa pang lalaki kaya pinikit ko na yung mga mata ko. Wa, kawawa naman mukha ko sa mga sampal niyo, baka masira! Huhuhu. Teka nga, bakit wala pa? Binuksan ko yung mata ko tapos nakita kong tumba na lahat ng mga lalaking nakapalibot sa akin kanina. Tinignan ko kung sino yung nagsave sa akin tapos nagulat ako kasi… ―Ayos ka lang?‖ Mas lalong tumulo yung luha ko ng mga oras na yun. Grabe akala ko katapusan ko na! Wait, exagge, wala yatang namamatay dahil sa sampal pero kahit na! Paano kung hindi lang sampal yung plano nila sa akin. Yumuko ako nun tapos siya eh lumuhod dun sa harap ko. Naramdaman ko nalang bigla yung mga kamay niya sa likod ko. Niyayakap niya na pala ako. Kaya ayun, napahagulgol pa ako lalo. ―Nakakainis ka naman kasi eh! kung hindi sana dahil dun sa nangyari kanina eh di sana hindi ako mapapahamak ng ganito! Ang sama sama mo!‖ Oo alam kong ang sama ng dating ko nun kasi siya na nga yung tumulong sa akin tapos sisisihin ko pa siya. Hinintay ko ngang sabihin niya yun kaso hindi siya nagsalita. Ang tanging mga salitang sinabi lang niya eh ang… ―Sorry, nalate ako ng dating…‖

At hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari. Siguro nga dahil narin sa pagod kaya bigla nalang akong nahimatay. ***** ―Hoy ikaw nga! Magsalita ka! Anong ginawa mo sa bff ko!? HA?! Magsalita ka! Bakit pulang pula mukha niyan? Sige ka! Susumbong kita kay Tita! Ni hindi pa nga kayo mag-asawa eh battered na kaagad yang bff ko!‖ Teka, si Cheeky yun ah. Bakit ba ang ingay nila? Kita na ngang natutulog yung tao eh. Ano ba naman iyan. Binuksan ko yung mata ko at nakitang nakapalibot sa akin yung barkada ko at si Kit. Si KIT! Niligtas pala niya ako… ―Cheeky…‖ Nagsilapitan silang lahat sa akin, well, maliban nalang kay Kit. ―Wah! Ano kayo? Ako unang tinawag! HA!‖ ―Ang ingay mo kasi eh…‖ Natawa naman yung ibang kabarkada ko nun tapos si Cheeky eh kunwari pang nahiya asus. Tapos bigla silang nagtanungan kung kamusta na daw pakiramdam ko o kung anu-ano pa. ―Teka, isa isang tanong lang please?‖ ―Sorry sis ah, nag-alala lang kasi kami ng sobra sa iyo eh. ―Sino ba namang hindi mag-aalala? Eh isang buong araw ka ng hindi gumigising.‖ WHAT?! They‘re joking right? ―Seryoso kayo!?‖ ―Hindi kami magjojoke ng katulad nito Andy. Last na gising ka eh kahapon pa.‖ ―Aw. Anong oras na?‖ ―9 pm na no.‖ Whoa, ibig sabihin hindi ako nakapasok?! Wah, hala naman yan. Tumingin ako kay Kit tapos nakita ko siyang nakatingin rin sa akin. Ang weird nga ng tingin niya eh. Sobrang seryoso talaga. Akala mo mangangain. Joke! Anyway, seryoso

talaga. Nung magsimulang magkwento yung barkada ko eh umalis na siya. Ay, hindi pa pala ako nakakapagthank you sa kanya. Saka nalang siguro. Mga 10 narin siguro umalis sina Cheeky. Buti nga daw wala akong masyado namiss kanina eh kung di…maiiyak talaga ako. Haha. ♪ If I could escape And re-create a place as my own world And I could be your favorite girl Forever, perfectly together Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ♪ Tinignan ko naman kaagad yung phone ko, oh si mama tumatawag? ―HE---‖ ―HOY IKAW BATA KA! ANO ITONG NARINIG KO NA NAPAHAMAK KA RAW?!? SINONG GUMAWA NIYAN SA IYO!? SABIHIN MO! SUSUGURIN KO MGA BAHAY NUNG MGA LOKONG IYON! SISI--‖ Nilayo ko yung cellphone ko mula sa tenga ko, grabe ang sakit nun ah! Sobrang lakas ng boses ni mama! ―Ma--‖ ―---AKALA NILA AH! WALANG MAY KARAPATAN NA SAKTAN ANG ANAK KO!‖ Hay, si mama, pag concerned talaga, umuusok ang ilong at tenga. Naku for sure nagulantang buong bahay namin niyan sa boses niya. May ilan pa siyang sinabi nun pero hindi ko masyadong naintindihan tapos nun eh binabaan na ako ng phone. ―Haiz, tatawag tapos mambababa ng phone.‖ ―Concerned lang yun sa iyo.‖ Anak ng tipaklong! Grabe, mahilig talaga siyang manggulat no? Alam kong ayaw niya sa arranged marriage na ito pero sana naman wala siyang planong patayin ako sa gulat. ―Kanina ka pa diyan?‖ Tumango naman siya tapos naglean sa wall. Na Naman. Hay Andy, di ka na nasanay. Nung sumunod na sandali eh napakatahimik namin. Saka ko lang naman naalala na magthank you.

―Thank you pala, sa pagligtas…‖ Matagal kaming nagkatitigan nun. Akala ko nga hindi siya magsasalita eh kaya naman napayuko lang ako. Kaso nga lang…

*KUROKUROKUROKURO* Chapter 8

Argh! Walang hiyang tiyan naman yan oh! Bakit kelangan ngayon ka pa tumunog!? Namula ako nun tapos hindi ko parin tinataas yung ulo ko kasi sobrang hiya ako at hindi rin naman nakatulong yung bigla niyang pagtawa ng sobrang lakas. Argh! Nakakabanas! ―Oh.‖ May bigla siyang initsa na nasa tupperware. Aba, pagkain! Wow naman sosyal, galing pa talagang tokyo tokyo! Binuksan ko kaagad yun at symepre lumamon na ako. Nakakahiya kung tumunog pa ulit yang bwisit na tiyan ko no! Napansin ko rin naman na nakalean lang siya dun buong time na kumakain ako. ang weird niya talaga, bakit hindi kaya siya umupo? ―Umupo ka kaya.‖ Umiling naman siya nun tapos eh nagcontinue parin na maglean dun sa wall. Hay, ano ba yan may pigsa sa pwet? Tumuloy naman na ako sa pagkain nun, infareness ang sarap talaga! Napansin ko naman na lumakad siya papunta sa chair sa dun sa computer table ko. Sabi na eh, hindi rin makakatiis yan eh. ―Kamusta araw mo?‖ Okay, kaya ko lang naman tinanong yan kasi 1, ang tahimik niya masyado at 2, nabibingi na talaga ako sa katahimikan. ―Boring.‖ Yikes, so kahit pala Sc President ka eh nabobore ka pa sa mga araw sa school. Akala ko kasi..oh well, maraming namamatay sa maling akala.

―Aw. Marami kayong ni-lesson?‖ ―Ewan.‖ Wow naman, nakakamangha yung sagot niya! ―Anong ewan? Ito naman oh, tinatanong ng maayos, sumagot ka rin naman ng maayos.‖ ―Hindi ko alam kung marami kaming ni-lesson kasi hindi naman ako pumasok eh.‖ Napatingin naman ako sa kanya nun at siya eh naghanda ng umalis. Wait, don‘t tell me na hindi siya pumasok dahil lang sa… ―Wait!‖ Tumigil naman siya pero hindi niya ako hinarap. ―S-salamat ulit.‖ okay, sige batukan niyo na ako. Fine! Hindi ko kasi alam kung paano ako rereact dun eh. Malay niyo pa eh sabihin niyan na wag akong magfeeling. ―Wag kang magpasalamat. Utang ko yun sa iyo eh.‖ at pagtapos nun eh umalis na siya. Ano daw?! Utang? Teka nga, naguguluhan ako ah! Hay, no use narin Andy kasi nakaalis na siya. Hay, Andy, ang bagal mo kasi eh. Oo nga pala, may dagdag na naman pala sa listahan ko. Kit Tasello Fact #7, he‘s really full of surprises. Nung sumunod na araw eh pumasok na kami ni Kit. Ang dami ngang nagtanong kung anong nangyari sa akin eh. Kumalat kasi yung balita nung sa nangyari nung isang araw. Actually, sa teachers nakuha ng mga studyante yung balita about dun. Paano, yung nanay ko eh sumugod pala kahapon kaya ayan, yung mga nagtulungan sa akin kahapon eh kick out na. Naglalakad ako nun papuntang art room kasi gusto kong tignan kung may bagong painting ba. Kaso nga lang… *BOOM* Ouch! Ang sakit nun ah! ―Aray…‖ teka, parang pamilyar boses nito ah.

―Myka!‖ At nagulat naman siya kaya biglang napatingin sa akin. Ngumiti siya nung makilala niya ako tapos nun eh tinulungan ko siyang tumayo. ―Ui, ikaw pala Andy. Ayos ka na ba? Narinig ko kasi yung nangyari sa iyo kahapon.‖ ―Kanino mo naman narinig yun?‖ Ano bang tanong yan Andy, malamang sa mga tao taong nakapaligid. ―Kay Kit.‖ Kay KIT?! Whoa, hindi ko inakala na close pala sila ni Kit. ―Close kayo?‖ Tumingin siya sa akin tapos tumango, mukha nga siyang nahihiya eh. Hmm, bakit kaya? ―Ahh, ganoon ba? Heheh, wala lang, akala ko kasi masyadong masungit yun para magkaroon ng kaibigan na babae.‖ Tumawa rin naman siya nun tapos nun eh sabay kaming naglakad. ―Mabait si Kit. Hindi niyo lang siya masyadong kilala kaya nasasabi niyong masungit siya. Sweet rin yan lalo na sa mga close niya. Thoughtful din at sobrang caring.‖ Hmm, parang kakaiba tong pagkakadescribe niya kay Kit ah. ―Aw, hindi kasi halata eh. Matagal na ba kayo magkakilala ni Kit?‖ Namula naman siya bigla dun sa tanong ko. Teka nga, may kutob ako ah. ―Ahh, oo. Noong grade school pa lang kami eh magkaibigan na kami ni Kit.‖ Ahh, kaya naman pala eh. No wonder mukhang in love tong si Myka kay Kit. ―Ahh, kaya nga ba mahal mo siya?‖ Nagulat naman siya dun sa tanong ko at nanlaki yung mata sa akin. Halatang hindi niya ineexpect yung tanong ko kaya naging ganoon yung reaksyon niya. Pero sa ginawa niyang iyon, mas lalong naging obvious. ―Bakit hindi mo sabihin sa kanya yan? Siguro ganoon rin naman nararamdaman niya eh.‖

―Hindi totoo yan.‖ At yumuko siya matapos niyang sabihin yang mga salitang iyan. ―Per---‖ ―Wala kang alam kaya wag ka nang makielam!‖ At pagkatapos nun eh tumakbo na siya paalis. Tama siya Andy. Bakit ka ba nakikielam ng buhay ng may buhay eh hindi mo naman sila ganoon kakilala? Hay, ayan tuloy, mukhang nabawasan ka pa ng kaibigan. Hay buhay. Mabilis lang lumipas yung mga oras. Lesson lang kami nun kasi malapit narin yung 2nd quarter exams. Kaya nga ba buong hapon eh halos mangiyak ngiyak na yung utak ko sa pagtake in ng new lesson. Hay, pasalamat nalang ako siguro na hindi pa yun sumabog kung di…naku po. Dismissal na namin nun at syempre dumaan ako sa art room. As expected, may bagong painting na naman. Yun nga lang, hindi ganoon ka saya ngayon yung babae. Ano kayang nangyari? Hahayz. Pagtapos kong dumaan eh diretso ako sa gate 1 ng school namin. For sure dun naman naghihintay si Kit eh. Pagdating ko naman dun, andoon nga siya, pero hindi siya mag-isa. Kasama niya si Myka. Hmm, makausisa nga… ―—ah…eh oo…‖ ―Ganun ba? Sige pala, baka hinahanap ka na sa inyo. Ingat ka nalang.‖ Ano ba yan si Kit! Hindi man lang ihatid si Myka! GRr, mababatukan ko to mamaya eh. Okay, may new mission ka Andy. It‘s called Match Making! Nung makaalis na si Myka eh bigla naman akong sumulpot. Nagulat nga yata si Kit eh pero syempre, kunwari pang hindi. ―Oh, bakit hindi mo ihatid yun?‖ ―Nge, eh paano ka uuwi? Paano kung nakaabang diyan yung mga lalaki kahapon?‖ Uy, concerned ba siya? UYY! Concerned para sa akin si Mr. Sc President! ―Uyy…concerned.‖ Tinaasan niya ako ng kilay tapos nagsimulang maglakad papaalis. Pagdating niya dun sa may gate eh bigla siyang tumigil at tumingin sa akin. ―Ako? Concerned sa iyo? Hindi no! iniisip ko lang na kapag nabugbog ka eh ako na naman ang peperwisyuhin mo. Dalian mo nga, gutom na ako.‖

Asus, kunwari pa siya. Aminin mo na kasi Kit, crush mo ko at hindi mo ko kayang makitang nasasaktan. Heheh! Ayan na naman ang mga imaginations ko! Gutom narin yata ako! *****

Mabilis din lumipas yung oras. Hindi ko namalayan, Sunday na pala. Day-off ngayon ng katulong at driver namin ibig sabihin kami lang ni Kit dito sa bahay! Hala! Pagkababa ko palang mula sa kwarto ko eh nakita ko kaagad si Kit nasa harap ng TV, mukhang interesadong interesado sa pinapanood niya. Dumiretso naman ako sa may kusina, tama, kelangan kong magplano kung anong kakainin namin para sa tanghalian at hapunan ―EH?!‖ hala naman, bakit walang laman yung ref namin!? ―Anong problema?‖ Tumingin ako sa kanya na parang naluluha pa yung mata ko at nakita ko naman siyang nagulat. ―Huy, Anong problema?‖ ―Kit…mamamatay tayo sa gutom…‖ sumilip siya dun sa ref tapos nun eh natawa bigla. ―Asus, akala ko naman kung ano na. Tara, mamili tayo sa market.‖ At ayun na nga, naghanda kami pareho para umalis at magpuntang market. Since wala yung driver at hindi pa naman kami pwedeng magdrive, nagcommute nalang kami ni Kit. Napagdesisyunan rin namin na sa labas nalang kami kakain ngayong lunch at mamimili nalang kami ng para mamayang hapon. Una kaming nagpunta sa may KFC at yun, kumain narin. At syempre, pagtapos nun eh diretso na kami sa market. Pagdating namin sa supermarket marami rami rin yung tao. Siguro sale ngayon kaya nagkalat ang mga housewife kahit saan ka man tumingin. ―Okey! Anong bibilhin natin?‖ Nakatingin ako kay Kit nun pero tuluy tuloy lang siyang maglakad. Hmf, ang sama talaga nito.

―Kahit ano.‖ ―Um, may gusto ka bang irequest?‖ ―Ikaw na ang bahala.‖ Ang ayos naman ng sagot niya. ―Okay lang ba sa iyo ang fish?‖ ―Okay lang.‖ ―Eh Chicken?‖ ―Okay lang.‖ waaa. Ang hirap naman nitong intindihin! ―Eh Beef?‖ ―Okay lang.‖ Anak ng, ano ba talaga?! Napansin ko naman siyang napatigil dun sa may tapat ng mga gulay. Teka, ano kayang tinitignan nito? ―Ano yan?‖ Mukhang nagulat siya nung bigla akong magsalita pero mabilis lang yun kasi umiling din siya at naglakad na. ―W-wala. Tara dun tayo.‖ Pero hindi ako umalis dun sa kinatatayuan ko. ―Alam mo Kit, kung may gusto ka, sabihin mo lang.‖ Natigilan naman siyang maglakad tapos nilingon niya ako. Mukhang gulat na gulat siya dun sa sinabi ko pero pinipigilan niya yung sarili niya. Yumuko siya nun tapos may binulong pero hindi ko narinig. ―Ano yun?‖ ―G-gusto ko ng…kalabasa. Mahilig kasi ako sa kalabasa.‖ Natahimik kaming dalawa at siya eh nilingon na yung ulo niya sa akin. ―Ahahahah.‖ Wow, hindi ko inexpect na ang isang gaya ni Kit eh mahilig sa kalabasa!

―Sorry ha, hindi ko kasi talaga inexpect yun…‖ Yumuko siya nun tapos naghanda ng maglakad ulit. ―Kaya nga ba ayokong sabihin eh.‖ aba, nagtampo pa yata. Kit Tasello Fact #8, he likes pumpkins. Tumingin ako dun sa mga kalabasa, wow! Ang lalaki pala. ―Sige, kalabasa nalang ang bilhin natin, tutal kelangan din naman nating ng gulay para lumakas tayo diba?‖ Natigilan siya nun at tumingin siya akin ng gulat na gulat. Nginitian ko naman siya tapos kumuha ako ng kalabasa mula dun sa stand tapos nauna na ako sa kanya. Marami kaming nabili. May mga repolyo at kung anu-ano pang gulay. Makakabuti rin kasi sa amin kasi simula nung tumira kami sa bahay namin eh puro chicken, fish at meat nalang ang kinakain namin at walang kasamang gulay. Mabuti na siguro na maiba kahit ngayon lang. Pagdating namin sa bahay eh pagod na pagod kaming pareho. Mabigat rin kasi yung dala namin kaya ang sakit sa likod lalo pa‘t nagcommute lang kaming dalawa. Papunta si Kit nun sa may kusina pero hinarangan ko siya. ―Hindi pwede Kit. Ako ang maghahanda ng hapunan natin ngayon. Maghahanda ako ng napakasarap na dish ng kalabasa. Okay?‖ Kumunot yung noo niya tapos tumango lang siya. Pagkatapos nun eh umakyat na siya ng kwarto niya at dun muna nagstay. Okay, ano na naman bang pumasok sa isipan mo Andy at nasabi mong magluluto ka ng napakasarap na pagkain?! Eh wala ka ngang kaalam alam sa pagluluto ng kalabasa, at ang mas malala pa dun eh,

Hindi ako marunong magluto! Naman, ano ba itong napasukan ko? Chapter 9

Bakit ko ba sinabi sa kanya na kaya kong gawin yun?! Anu ba naman yan Andy, anong plano mo ngayon?

Tumingin ako dun sa kitchen ng mga manuals or cookbook kaso nga lang wala akong nakita. Sinubukan ko namang tawagan si Mama para humingi ng tulong kaso wala daw sa bahay. Ang malas naman Okay Andy, wala ka naman mapapala kung magrereklamo ka kaya magsimula ka nalang! Tama, balatan muna natin yung kalabasa. Kumuha ako ng kutsilyo mula sa lalagyanan at nung tinry kong ipangbalat sa kalabasa eh walang epekto. Hay, ang tigas naman ng balat nitong kalabasa na ito. Kumuha pa ako ng ibang kutsilyo at sinigurado kong mas matalas at mas malaki yun kaya lang… ―ARGH! Ano ka bang kalabasa ka bakit ayaw mo magpabalat?!‖ ―Oi, Andy…ayos ka lang diyan? Kelangan mo ba ng tulong?‖ Darn! Hindi niya pwedeng malaman na wala akong alam sa pagluluto. Dumiretso naman ako kaagad at nagtatakbo paakyat. Tamang tama, kalalabas lang niya ng kwarto. Pinatalikod ko naman siya at tinulak papasok ng kwarto niya. ―Ano ka ba! Sabi ko naman sa iyo diba ako bahala dito?‖ Tumingin siya sa akin ng may pagsususpetsa at tumango lang. Hay, ligtas ka ngayon Andy. ―Pag kailangan mo ng tulong eh tawagin mo lang ako…‖ Tumango naman ako nun at nung sarado na yung pintuan niya eh saka lang ako nakahinga ng maluwag. Muntik na ako dun…buti nalang nakalusot. Bumaba naman ako kaagad. Hindi pa pala tapos problema ko. Hay, ano kayang pwede kong gawin sa iyo para lumambot ka? Alam ko na! Pakukuluan nalang kita. After 30 minutes…

Hay, okay na kaya ito? ―OUCH!‖ Ang bobo mo Andy! Malamang mainit yan eh pakuluan mo ba naman ng 30 minutes eh. Hmf! Nakakaasar naman ito. Awts, sakit talaga ng daliri ko…huhuhu. ―Oi ayos ka lang? Teka anong---eh?‖ Hay, no use, nasilip na niya. Nakita kong tumaas yung dalawa niyang kilay sa

gulat niya. Ganoon ba talaga kalala yung ginawa ko? ―Fine, I admit, wala akong alam na kahit anong pumpkin dish na pwedeng lutuin. Actually, hindi ako marunong magluto. Sige, tumawa ka na.‖ Yumuko lang ako nun at hinihintay yung mapang-asar niyang halakhak pero walang lumabas. Tumingin ako sa kanya at nakita siyang nakangiti sa akin. Whoa, totoo ba itong nakikita ko? ―Bakit hindi ka kaagad nagsabi? Sana natulungan kita…‖ Alam kong pinipigilan lang niya yung tawa niya pero inaappreciate ko yung effort niyang gawin yun. Nginitian ko siya tapos tumingin ako dun sa nilulutuan ko kanina. Hay, sayang lang pala yung kalabasa, hindi man lang nagamit ng maayos, paborito pa man din ito ni Kit. Kukunin ko na sana yung pinaglutuan ko para itapon na yung laman kaso hinawakan niya yung kamay ko. ―Anong ginagawa mo?‖ ―Itatapon ko na ito. Order nalang tayo sa Mcdo or something.‖ ―Ano ka ba? Pwede pa iyan no.‖ nanlaki naman yung mata ko dun sa sinabi niya tapos nun eh nginitian lang niya ako. Teka, bakit ngiti yata siya ng ngiti ngayon? ―Una muna nating gagawin eh balatan ito. Andy, kumuha ka ng kutsilyo tapos chopping board. Maghanda ka narin ng kawali at magpakulo ka ng tubig.‖ sumunod naman ako sa lahat ng inutos niya. Syempre, ano pa bang magagawa ko eh wala naman akong alam sa pagluluto diba? Na-amaze talaga ako sa kanya nung mga oras na iyon. Biruin niyo, may talento rin pala itong lalaking ito sa pagluluto? Sabagay, paborito niya yan at malamang ginusto niyang matutong lutuin yan. Hay, buti pa siya marunong. Samantalang ako eh kababae kong tao wala akong alam diyan. Natapos din kami magluto nun at inihain na namin sa mesa lahat ng pagkain. ―Ang sarap! Paano mo natutunan ito?‖ hindi ko alam kung anong klase yung luto nung kalabasa pero ang sarap talaga. Tumawa lang si Kit sa comment ko at sinabi na nagpaturo daw siya sa lola niya dati nung bata siya. Mahilig daw kasi siyang makitingin sa kusina nila nung maliit pa siya eh. Aba, pang cooking master boy pala itong si mr. SC president ah. Sosyal. Nung matapos kaming kumain eh kanya kanya na kami ng landas. Exagge, well si

Kit eh umakyat na sa kwarto niya. Ako kasi yung nagvolunteer na maghugas syempre kasi siya na yung nagluto. Pagkatapos ko naman maghugas eh naglinis ako ng kusina tapos nagpatay na ng mga ilaw sa baba at syempre, naglock narin ng bahay. Late narin nun nung makaakyat ako ng kwarto ko at makaligo. Pagkabagsak na pagkabagsak ko sa kama eh knock out kaagad ako. ***** ―Oh, kamusta naman ang alone time mo with Mr. SC President?‖ Tumingin ako kay Cheeky at halatang naghahanap na naman ng chismis tong kaibigan ko. ―It‘s not that bad.‖ ―OH?! Eh paano yung meals niyo?‖ ―Umagahan kinain namin yung left overs, lunch, kumain kami sa KFC and dinner, nagluto---‖ ―WHAT?! Nagluto ka?! Cheeky! Check mo nga kung pumasok si Kit!‖ ―Pumasok siya. Nakita namin siya kanina sa SC Office.‖ Aba, exagge naman itong mga ito! ―WILL you let me finish?‖ nagnod lang sila sa akin tapos nakinig ng mabuti. ―Nagluto si Kit.‖ ―Whew,‖ Pinalo ko naman sila pero tinawanan lang nila ako. ―Am I really that bad?‖ Umakbay sa akin si Vince. ―Well, let me put it this way. Last time na nagluto ka para sa barkada eh na food poison kaming lahat.‖ Awts naman. Ang sakit naman nun. Kumalas ako sa akbay ni Vince tapos umupo sa sahig at inakap yung legs ko. ―Ang sama niyo…‖ may luha effect pa ako nun kaso nga lang eh binatukan ni Cheeky ang drama ko. ―Losyang ka, at least sa amin mo na nalaman at hindi sa iba‖

Well, may point naman siya dun. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa nangyari dun sa ―mahiwagang‖ araw ko at yun nga nakwento ko naman na magaling magluto si Kit. Syempre, hindi ko na sinabi yung tungkol sa kalabasa na favorite niya, feeling ko kasi ayaw niyang ipasabi yun. Natapos naman yung araw na yun ng normal lang. Walang masyadong nangyari maliban lang sa lesson at practice para sa varsity. May laban kasi kami sa Friday and this time, makakasama na ako. Kaya nga ba iniiwasan ko ang gulo eh, lalo na yung Keri na iyon. Ganun rin naman ang mga nangyari nung mga sumunod na araw hanggang sa mag Friday. Plain and boring. Ganoon pala ang feeling kapag nagpapaka-good girl ka no? ―May we request everyone to please settle down, the match is about to begin.‖ Nagsimula kaming magwarm up at syempre si Coach eh nagbigay ng few words na pampainspire. Pagkatapos nun eh nagwhistle na yung referee at ayun, nagsimula na yung game. Ang hirap din palang kalaban ng Southside High. Magagaling sila saka ang lalakas nilang magspike. Kaya nga ba nung first set eh natalo kami by 5 points. Nung 2nd set naman eh nakabawi kami kahit papaano. Nalaman na kasi namin yung style nila, I-seset yung bola tapos mukhang spike pero tip pala. Kaya ayun, kami naman nanalo sa kanila. ―Okay, pagod na sila kaya pwede na kayong magpakitang gilas.‖ Ngumiti naman kaming lahat. Ganoon kasi yung tactics namin eh. Papagurin muna namin yung kalaban tapos saka lang kami magsasaya sa paggagawa ng mga kanya kanya naming style. Pagtapos ng 3rd set, kami nanalo. Sobrang hiyawan yung students ng school namin tapos nun eh kaming mga players eh magkakaroon ng celebration. Sosyal nga eh, akala mo naman nanalo na sa championship, pero hayaan mo na. Dumaan muna ako ng locker nun kasi may iuuwi pa akong gamit. Magsisimula na pala akong gumawa ng reviewer kasi next next week na yung exams. Pagkatapos kong kumuha ng gamit eh syempre, dumaan ako ng art room. May bagong painting na naman at… ―No way…‖ Nanlaki yung mata ko kasi dun sa painting eh may babaeng parang nasa kitchen tapos nun eh hawak niya yung kamay niya na mapula tapos naluluha yung mata niya. Wait, parang ganyan ako kahapon ah? Wag mong sabihin…stalker yang Mr.

Artist na iyan!? ―Tara na.‖ ―KIT! Tignan mo oh! Ako yan eh!‖ Gumilid yung ulo ni Kit at parang nagtilt sideways. Tapos nun eh tinignan niya ng maige yung painting. ―Hindi ah. Mas maganda yung nasa painting.‖ at pagkatapos nun eh umalis na siya. Aba! Ang kapal niya! Di hamak na mas maganda ako no! Hmf! Sumunod rin naman ako kaagad sa kanya tapos nun eh ilang sandali lang nakauwi narin kami ng bahay. Dumiretso naman ako kaagad sa taas kasi gagawa pa pala ako ng reviewer ko. Oo nga‘t hindi ako taga-star section pero worth it rin naman kung mag honor ako this year eh. at least may medal pagdating ng graduation diba? Nung natapos ako eh napatingin naman ako dun sa orasan. WAH! 10 na pala? *KUROKUROKURO* At naku! Gutom na pala yung alaga ko sa tiyan ko. Hmf, teka nga, bakit wala man lang tumawag sa akin? Bumaba na ako nun ng kwarto tapos pagtingin ko dun sa dining area eh may isang plato nalang na nakataob dun, that means…ANG SAMA NIYA!! Hindi man lan niya ako inimbitahan na kumain ng hapunan? Umakyat naman ako kaagad at kumatok ng napakalakas dun sa kwarto niya. Ilang sandali lang eh binuksan na niya kaagad yun. ―ANO?‖ ―bakit hindi ka man lang nagtawag na kakain na pala?‖ tinaasan niya ako ng kilay tapos nun eh umirap. Hmf! Ang sungit talaga nito. ―May paa ka naman diba? Bakit? Hindi mo ba kayang bumaba mag-isa at tignan kung kakain na?‖ Nagulat naman ako dun sa inasal niya. Teka nga, may nagawa ba ako sa kanya? Bakit parang mas masungit yata siya ngayon!? Ang ayoko pa naman sa lahat eh yung napaglalabasan ng sama ng loob kahit wala akong kasalanan o ginagawa. ―UGH! Vous êtes incroyable! (You‘re unbelievable!)‖

At pagkatapos nun eh umalis na ako. Hindi ako bumaba para kumain kasi nawalan ako ng gana. Dumiretso ako ng kwarto ko at dun nagmumukmok. ArgH! Nakakabanas siya aH! Wala naman akong ginagawa sa kanya tapos susungitan niya ako ng ganoon? Hmf! Kung may problema siya wag niyang ilabas sa akin yun! Binuksan ko yung stereo ko tapos nagpatugtog ng malakas. *TOK! TOK! TOK!* Hindi ko binuksan yung pinto kasi wala ako sa mood para humarap sa ibang tao. Kumuha ako ng jacket mula sa closet ko tapos nun eh binuksan ko yung window dun sa dulo tapos lumabas ako. Grabe, nakakalula siya pero desidido akong umalis ng bahay. Pagkababa ko sa may 1st floor eh takbo kaagad ako sa may gate at lumabas ng bahay namin. Isang place lang naman ang balak kong puntahan ngayon eh. Yun ang playground. Di katulad dati na ilang minutes lang eh nakakarating na ako dun, ngayon eh kelangan ko pang magtrike. Gabi narin kasi saka nakakatakot naman kung lalakarin ko yun wala pa naman masyadong ilaw sa street namin. Pagdating ko dun eh umupo kaagad ako dun sa swing at nag-isip isip. Ganyan ako pag sobra akong naiinis. Aalis ako ng bahay at pupunta ng playground para makapag-isip. Matagal ko narin kasing ginagawa yun eh. Sanay na sa akin mga parents ko na kahit gabing gabi eh aalis. Alam naman kasi nila kung saan ako hahanapin eh. Hay, ano kayang problema nung Kit na iyon at ganun nalang yung pagtrato niya sa akin kanina? Sure naman ako na wala akong masamang ginagawa sa kanya or anything. Kahit nga sa school eh hindi naman kami nagpapansinan at napakaimpossible naman na magalit siya sa akin ng dahil lang dun sa comment ko tungkol sa painting. Naku kung yun yung dahilan makakatikim siya ng malakas na batok at flying kick. “Miss, bakit parang nag-iisa ka yata?” Napalingon naman ako sa lalaki sa harap ko. Nakaamoy ako ng alak nun kaya natakot ako. Tumayo ako mula dun sa swing at naghandang umalis kaso may humarang sa akin, amoy alak din. “Miss gusto mo sa amin ka muna sumama habang hinihintay mo kasama mo? Sigurado masisiyahan ka kasama namin…” Hinawakan niya ako sa braso pero kumalas ako. ―Ayokong sumama sa inyo!‖ Tatakbo na sana ulit ako kaso nahila ako nung unang lalaking kumausap sa akin.

“Masaya kaming kasama miss, wag kang matakot. Magsasaya tayo ngayong gabi” Pumikit ako nun dahil takot na takot ako. Please sana may makakita sa amin. Mama…Papa…Ate Cass…Herc… Ang higpit ng hawak nila sa akin nun tapos nun eh dinadrag na nila ako dun sa may damuhan sa kabilang side. Ramdam ko na umiiyak na talaga ako nun at tinatry ko paring kumalas pero ang lalakas nila. Cheeky…Vince…Marla…Cheska…Stephen… ―BITAWAN NIYO KO!!‖ …Kit…

―BITAWAN NIYO SIYA!‖ Chapter 10 ―BITAWAN NIYO SIYA!‖ Si…Si Kit… Naramdaman kong bumitaw sa akin yung isang lalaki tapos lumapit kay Kit. Yung nakahawak naman sa akin eh ang higpit at ang sakit kung makahawak. Nakita kong sinuntok ni Kit yung lalaking nauna at tumumba yung mama. Tumayo rin siya kaagad kaya pinaulanan ni Kit ng mga suntok. Nung na knock-out na yung lalaki eh tumakbo si Kit papunta sa amin. Binitawan naman ako nung lalaking nakahawak sa akin tapos ang ikinagulat ko pa eh naglabas siya ng kutsilyo. ―KIT MAG-IINGAT KA!‖ Tumango siya nun tapos nun eh kumuha pa ng isang kahoy sa gilid at pagtapos nun eh nag-iikutan silang dalawa. Yung lalaki naman eh nakakatakot kasi hindi mo malaman kung kelan siya susugod. ―KIT!!‖ Sumugod yung lalaki at nakita kong natamaan niya si Kit sa tagiliran pero pagtapos nun eh napalo ni Kit sa ulo yung lalaki kaya naknock out kaagad. Dali dali naman akong tumakbo papunta kay Kit kasi napaupo siya nun tapos nun eh

natumba siya sa akin. ―Hang on!‖ Tinry ko siyang buhatin kaso hindi ko kinaya. ―Dala mo ba yung phone mo?‖ Tumango siya nun tapos dinukot ko mula sa pocket niya yung phone niya. Nagdial ako ng number namin sa bahay tapos nun eh nung sagutin feeling ko sobrang panic ako nun. Buti nga at naintindihan pa nila yung sinasabi ko. Umiiyak narin kasi ako nun kasi takot na takot ako na baka kung anong mangyari kay Kit. Kasalanan ko ito, dapat hindi nalang ako umalis ng bahay. Dapat hindi nalang ako nagpaapekto at sana tinulog ko nalang yung galit ko. ―Kit please…‖ At yung mga sumunod na nangyari eh nakita kong pumikit yung mga mata ni Kit. ***** ―Hoy, ano tong nabalitaan namin na naospital daw si Kit?‖ Hay, minsan talaga nakakainis kapag mabilis kumalat ang balita. Wednesday na nga pala ngayon at 2 days narin na nasa hospital si Kit. Hindi naman na ganoon kagrabe di tulad nung 1st day niya na hindi pa siya nagigising. Ngayon kasi nagpapahinga nalang siya eh at baka mamaya eh makakauwi na siya. ―Naospital siya nung Monday, nasaksak kasi siya…‖ At ayun, nakwento ko naman sa kanila yung lahat ng pangyayari, nabatukan pa nga ako ni Cheeky kasi daw eh bakit daw gabing gabi na eh nasa labas pa ako tapos wala pa akong kasama. Si Vince naman parang nagdrama pa na dapat daw tinawagan ko man lang siya para daw nasamahan niya ako at hindi pa ako nasangkot sa gulo. Hmf, ang dadami nilang problema. Lumipas naman yung oras. Review week na namin ngayon kasi next week na pala yung exams. Hay, lalo naman tuloy akong naawa kay Kit niyan, isipin niyo, star section pa man din siya tapos nun eh 2 days siyang absent sa review week. Naku, marami rami siyang hahabulin niyan. Nung dismissal naman eh pumunta ako dun sa classroom nila. Nakita ko pa nga si Sasha eh kaya ayun, buo na naman araw ko. ―Myka!‖ buti pala at classmate ni Kit si Myka, sa kanya nalang ako hihiram ng notes para kay Kit. Mabait rin naman ako no, lalo na sa mga taong nagliligtas ng

buhay ko. ―Oh Andy, napadaan ka?‖ ―Ano kasi…eh…Pahiram ng mga notes niyo kahapon saka kanina. Papaxerox ko tapos bibigay ko kay Kit…‖ tumango lang naman siya sa akin nun tapos kinuha yung notebook niya. ―Tara, sabay na tayo.‖ Ngumiti naman ako sa kanya tapos diretso kami sa bookstore namin. Andoon kasi yung xerox machine eh. Pagdating naman namin dun eh binigay kaagad namin yung notebook tapos si Myka eh tinuro yung mga pages. ―Okay na ba siya ngayon?‖ ―Yep. Ngayon nga yung labas niya eh sabi ni Tita Kris.‖ ―Ah…close pala kayo ni Tita Kris?‖ tumaas naman yung kilay ko sa tanong niya? Close? Ewan ko. ―Ewan ko lang. Bakit mo naman natanong?‖ Namula siya nun tapos biglang napayuko. Hmm, something smells so fishy. ―AH, eh kasi hindi siya basta bastang nagpapatawag ng Tita Kris eh. Usually Mrs. Tasello.‖ Oh ganun pala yun? Hindi ko man lang alam. Hay, wala naman kasi sila talagang sinabi masyado sa akin eh. ―Ah, ganun ba? Ewan ko kasi nung nagmeet yung family naming dalawa ni Kit eh sabi niya Tita Kris nalang daw tawag ko sa kanya. Close rin kasi sila ng mama ko kaya siguro ganoon.‖ ―Ah okay, kaya naman pala eh. Oh, tapos na pala.‖ ―Salamat talaga Myka ah. For sure maaappreciate to ni Kit. Nga pala, gusto mong sumama na bumisita?‖ Namula naman siya dun sa sinabi ko. May nasabi ba ako? Hmmm, obvious na talaga na may gusto siya kay Kit at kelangan na talagang simulan ang operation Match Making ko. Tama rin yun para sa end of 100 days eh fiance free na ulit ako! Ang talino mo talaga Andy! ―Sige na, siguradong matutuwa yun.‖

Tumango naman siya tapos sabay kaming pumunta muna ng bahay. Dun kasi namin siya hihintayin eh, alangan naman sa hospital pa eh paano nalang kung magkasalisihan? Sayang gasolina diba? Nagpahanda naman ako kina manang ng makakain namin at dun kami sa baba nagstay ni Myka. Nagkwentuhan pa nga kami at kung anu ano pa. Nalaman ko nga na may isa pa palang kabarkada si Kit, pangalan daw eh Omar. Matagal na pala silang magkakakilala at magkakabarkada. Nakakatuwa nga eh. *BEEP BEEP!* ―Andiyan na sila.‖ Tumayo naman kaming pareho ni Myka tapos nun eh pumunta sa may pintuan. Pagbukas ko eh nakita kong nakaalalay si Ate Karla kay Kit at mukhang kasama pa yata niya yung parents niya. Pagkaupo ni Kit sa may sofa eh kumiss na ako sa parents niya pati kay Ate Karla. ―Magandang hapon po Tita Kris, Tito Oliver, Ate Karla, Kit…‖ Ngumiti naman silang apat kay Myka. Okay, ayos rin pala sa pamilya ni Kit si Myka eh. Bakit kaya hindi nalang siya yung pinair sa kanya? Hmf. Umalis narin nun sina tita kasi may aasikasuhin pa raw kaya ayun, naiwan kaming tatlo nina Kit at Myka. ―Ayos na ba pakiramdam mo Ivann?‖ aba, nice naman. Ivann pala tawag niya sa kanya. Yihee, special. ―Bakit Ivann tawag mo sa akin?‖ nagulat ako sa pagsagot ni Kit sa kanya. Aba, mali na yata yan ah… ―Oi ano ka ba? Concerned yung tao tapos ganyan ka makasagot!‖ natahimik naman si Kit nun tapos si Myka eh yumuko lang. ―Hindi, ayos lang. Ayaw niya talagang tawagin siyang ganun kapag may ibang tao. Ginagamit kasi namin yun kapag kami kami lang nina Omar. Sorry Kit…‖ Ibang tao. Aw, parang natamaan yata ako dun ah. Hay, totoo naman Andy eh, ibang tao ka lang naman talaga sa kanila diba? Saka sila rin, ibang tao lang sa iyo. Anong drama mo ngayon? ―Um, kukuha lang ako ng maiinom niyo.‖ Tumayo na ako nun tapos dumiretso sa kitchen. Sa totoo lang, hindi naman ko talaga planong kumuha ng inumin eh. Plano ko talaga eh yung magkasolohan

yung dalawang yun para makapag-usap sila. Ito yata ang first step ko para sa operation Match Making ko. Nagpatimpla narin ako ng juice nun para hindi halatang umalis lang ako basta basta. Syempre, sabi ko nga diba na kukuha ako ng inumin. Para mas realistic eh tinotoo ko narin. Pagbalik ko naman eh nagulat ako kasi mag-isa nalang dun si Kit. Oh asan na si Myka? ―Saan si Myka?‖ ―Umuwi na.‖ Yikes! Ano na naman kayang ginawa nitong Kit na ito? ―Hay naku Kit. Sinungitan mo na naman siguro.‖ ―Ano naman sa iyo kung ganoon nga?‖ ―Mabait si Myka at friend ko narin siya kaya pwede, wag mo siyang sungitan? Siya na nga tong nagmagandang loob at pinahiram ako ng notes niya para sa iyo eh.‖ ―Hindi naman ako nanghihiram ng notes ah.‖ Hay naku! Ang sungit talaga nitong lalaking ito! Pasalamat nga siya at mahal pa siya ni Myka kung di! Naku! Actually, dapat ako ang pasalamat dun! Hay, wag mo naman akong masyadong pahirapan Kit! ―Alam mo? Kung hindi ka magbabago ng ugali, hindi narin ako magtataka kung sa future eh mag-isa ka nalang.‖ ―Hindi ako mag-iisa.‖ ―Bakit napakasure ka naman diyan?‖ ―You‘re my future wife diba?‖ AT pagtapos nun eh tumayo na siya tapos umalis. Hmf! Nakakaasar naman siya! Idadamay pa niya ako sa kanya! Naku, ayoko nga ng asawang masungit no! In fact, ayoko pa ng asawa! Oh, tignan mo tong bwisit na ito, hindi pa kinuha yung pinaxerox ko! Hoy! 5 piso rin ang nagastos ko diyan no! Umakyat naman ako nun tapos kinatok ko yun pintuan niya. Argh, walang sumagot. Nilakasan ko yung pagkatok ko tapos nun wala parin.

―HOY KIT! Alam kong nandiyan ka!‖ Aba, wala parin. Kinatok ko ulit yung pintuan niya, grabe ang sakit na ng kamay ko ah. ―KIT Ano ba! Buksan mo na to! May bibigay lang ako!‖ Ay ang kulit talaga niya ah! ―KIT NA---‖ ―Sinong kinakausap mo diyan?‖ Ay bubuli! Ano ba yan! Nilingon ko siya tapos nakataas yung kilay niya. Nyak! Wala pala siya sa kwarto niya?! ―Saan ka galing?‖ ―Sa CR. Bakit? Pati ba pag CR ko kelangan kong ipaalam?‖ Sasapukin ko na talaga itong lalaking ito! Konti nalang talaga! Nagpipigil nalang ako. ―Wala naman akong sinasabi ah. Oh Eto, kunin mo na nga. 5 piso rin nagastos ko diyan kaya wag mong itapon lang ng basta basta kung di babatukan talaga kita.‖ hindi ko na hinintay yung sagot niya kasi alam ko naman na lalo lang akong maiinis dun. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at dahil wala akong assignment ngayon eh nagym at nag-internet nalang ako. Hay, matagal na pala akong di nakakapag online no? Tinignan ko kaagad yung mga tao list ko. Sa totoo lang? Pangalan lang naman niya yung hinahanap ko eh. Ewan ko nga kung bakit eh, siguro nga dahil naging close ko rin siya kahit papaano kaya hinahanap ko siya. Nung wala na akong magawa eh pinatay ko na yung PC at naglinis nalang ng katawan. Pagtapos nun eh lumabas ako ng kwarto tapos pumunta sa tapat ng pinto ni Kit. Don‘t get me wrong, gusto ko lang check kung okay na yung pakiramdam niya no. Syempre, nasa konsensya ko yung nangyari sa kanya eh. Kumatok ako pero hindi naman siya sumagot nun. Binuksan ko ng konti yung pinto tapos pagkasilip ko eh nakita kong tulog na pala siya kaya ayun, pumasok na ako. Hmm, ayos din pala tong kwarto ni Kit ah, magkasing laki lang kami ng room. Infairness din, hindi siya marumi o magulo di tulad ng expected na sa mga lalaki.

Lumakad ako papalapit sa kanya tapos napangiti kasi nakita kong nasa side table niya yung pinaxerox ko. ―Hindi raw kelangan...‖ Aba, may nalalaman pa siyang hindi daw kelangan eh gagamitin rin naman pala niya asus. Kit Tasello Fact #9, siya ay pakipot. Nabaling naman yung tingin ko sa kanya nun. Ang peaceful kasi ng mukha niya. Mukha nga siyang anghel eh. hindi mo pag-iisipan na sobrang sungit niya. ―Ano? Naiinlove ka na sa akin no?‖ Nanlaki yung mata ko.

SYET! GISING PA PALA SIYA?!? Chapter 11

Sa dinami dami ba naman ng taong pwedeng ipagkasundo sa akin ni mama eh hindi ko malaman kung bakit ang nag-iisang napakasungit at napakamoody pa na si Kit Tasello ang napili niya. ―Wag ka na ngang mamula, sabi ko naman sa iyo diba na pwede naman na magkacrush ka sa fiance mo. Walang kaso yun.‖ Hay! Ewan ko rin ba! Minsan gusto kong tanungin yun sa nanay ko pero feeling ko eh batok lang ang aabutin ko. Grabe talaga ang nangyari, sobrang nakakahiya! Ewan ko nga kung bakit hindi pa ako nilamon ng lupa eh! Ayaw makisama! Nakakaasar! ―Excuse me lang ha. Wala akong crush sa iyo at NEVER akong magkakacrush sa iyo okay?!‖ Tinawanan lang niya ako nun. Grabe, nawala yung antok na naramdaman ko kanina. Badtrip nga eh. ayan tuloy, andito kami ngayon sa may dining area at umiinom ng mainit na tsokolate. Isa pa yan sa hilig kong gawin kapag naiinis, nahihiya, nagagalit o kaya naman eh namomroblema ako, umiinom ako ng hot chocolate. ―O sige, sabi mo eh…‖ ARGH! Nakakabanas talaga siya! ―Bakit ka ba nasa kwarto ko?‖

―Kasi NAMAN, chineck ko lang kung OKAY ka na kasi nasa KONSENSYA ko yung mga nangyari. OKAY?‖ At ayun, nag-usap lang kami nung mga oras na iyon. Ewan ko ba, kakaiba rin talaga itong si Kit eh. Akalain mo bang ipinresenta niya sa akin na makita ko yung , take note, NAKAKADIRING sugat niya? Tuwang tuwa pa siya kasi may stitches dun at sobrang saya pa niyang kinuwento na gising daw siya nung tinatahi. Ewan ko, mahilig lang siguro talaga siya mambusit ng tao. Nagkataon na nga lang siguro na ako yung favorite niyang bwisitin kaya ayan. Mga 12 narin siguro nun nung nagdesisyon kaming matulog. Kaya nga nung nagising ako ng 5 eh sobrang antok na antok pa ako. Hay, masasabunutan ko talaga yang Kit na yan eh. ***** ―Dali na please? Pahiram na ng notes…‖ ―A-YAW-KO.‖ ―Sige na naman Cheeky! Please?! Best friends tayo diba?‖ ―OO nga pero hindi ko na problema yung wala kang notes kasi tinulugan mo yung klase natin noon!‖ Ay naku naman! Hay, bakit ba kasi kelangan ko matulog nung mga oras na iyon eh? Hay ewan, wala na akong magagawa, nangyari na eh, hindi ko na mababalik yung oras na yun. Hindi narin naman na ako nakipagtalo pa kay Cheeky, for sure kasi palo at batok lang aabutin ko diyan kapag kinulit ko pa. Kaya naman dun ako pumunta dun sa taong hindi ako matatanggihan. ―VINCE!‖ ―Bakit?‖ ―Kasi---‖ ―WAG! Sinasabi ko sayo Vince wag na wag mo yang pahihiramin ng notes kung di malalagot ka sa akin. Sige ka, ikaw rin.‖ Argh! Ang sama talaga ni Cheeky sa akin! Huhuh! Paano na ako nito ngayon? ―Cheeky please! Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin?‖

―Hindi naman sa malaki ang galit ko Andy, pero kelangan mo maging responsible para sa mga ginagawa mo. Hindi pwede yung parati kaming tagatakip o tagasalo kapag may mali kang ginawa.‖ O sige na nga, nangonsensya pa siya. Hay, saan naman kaya ako kukuha ng notes nito? Malamang kapag kay ma‘am ako nanghingi eh sermon lang ang aabutin ko. Hay buhay nga naman! *****

Hirap na hirap akong mag-aral pagdating nung gabi lalo na dun sa subject na kulang yung notes ko. Yun nalang kasi talaga ang hindi ko naaaral kaya bwisit na bwisit na talaga ako. ―Oh.‖ tapos may initsa siyang notebook sa harap ko. Wait, tama ba itong nakikita ko? ―Kit--?‖ ―Nakakainis kasi yung ingay mo kaya ayan, para matahimik ka na.‖ at pagkatapos nun eh umalis na siya. Oh really… Tuwang tuwa naman ako syempre kumpleto na finally yung inaaral ko. Inabot nga ako ng mga 11 nung matapos ako. Oh well, ayos narin yun at least tapos na akong magreview. The next day naman ganoon parin, continuous parin yung pagrereview sa amin ng mga teacher at mga last minute reminders. Monday-Wednesday kasi ang exams namin kaya magiging busy na naman ang weekend ng mga tao ngayon. At dahil last day of relaxation namin tong Friday na ito, pinlano ng barkada na lumabas kami ngayong gabi. Excited nga ako eh kaya nga ba ang hyper ko nung nasa klase palang kami. Napagalitan pa nga ako ng teacher namin at muntik ng mapadala sa sub-unit head pero buti nalang talaga at hindi natuloy, patay ako kay mama kung matuloy man yun. By the end of the day sobrang nagkukulitan na kaming magbabarkada. Halatang hindi kami excited no? Nagplano kami na magkikita nalang kami sa bahay namin (ni Kit) at pagkatapos nun eh diretso mall na kami. Magpapalit pa kasi kami ng damit kasi syempre bawal ipang-mall ang school uniform. Umnuwi muna ako siyempre sa bahay tapos nagpalit na. Andoon na nga si Kit eh at naglalaro pa ng playstation sa may sala. Hmf, may pagka-isip bata rin pala itong lalaking ito.

Pagkababa ko eh andoon parin siya at tutok na tutok yung mata niya sa tv. Umupo lang muna ako dun sa sofa at dun nalang naghintay. Pinanood ko narin kung anu man yung nilalaro ni Kit, Final fantasy pala. Infairness maganda yun ah, natry ko na kasi dati eh nung inagaw ko yung nilalaro ni Herc, masaya naman siya. ―Bakit bihis ka?‖ kung makatanong siya akala mo tatay ah. Napansin rin pala niya kahit na nakaglue yung mata niya sa tv. ―Lalabas kaming magbabarkada, bakit?‖ ―Wala.‖ Hindi man lang niya tatanong kung saan kami pupunta? Malay niya mag-iinuman pala kami or what. Hay naku Andy, nag-expect ka pa eh duh! Wala naman paki yan eh diba? Asus, ikaw talaga. Ilang sandali lang eh dumating narin ang barkada. Ang high nga ni Cheeky eh nakakahilo kasi talon pa siya ng talon pero ayos lang. Napansin ko naman na tumigil yata sa paglalaro si Kit nung dumating na sila. Syempre dahil ayoko naman na istorbohin siya sa paglalaro niya eh nagyaya na akong umalis. ―Tara na guys…‖ ―Hiramin lang muna namin si Andy for this night ah Mr. SC President?‖ ―Ay naku Cheeky, bakit ka pa nagpapaalam eh wala rin naman paki yan? Tara na nga.‖ At yun, nagsilabasan na kami. ―Oi Chester.‖ Aba, first time ko lang yatang may tumawag kay Cheeky na Chester ah. Well, maliban nalang sa parents niya pero…whoa…ano kaya kelangan nito? ―Yes Mr. SC president? Anong problema mo?‖ ―Pag hindi mo binalik yan by 10 pm, magtago ka na.‖ Wait, tama ba itong naririnig ko??

Si KIT binibigyan ako ng curfew?!

Chapter 12

Feeling ko sumakit yung buong legs ko dahil halos maikot yata namin yung buong mall eh. Ganyan kasi kaming magbabarkada lalo na kapag special occasion (oo, special occasion trato namin sa mga ganito) madalas iniikot namin yung buong mall talaga. Ewan ko nga kung paano naging relaxation ito eh. ―Saan tayo sunod?‖ ―Teka, anong oras na ba?‖ Hindi narin siguro kasi namin napansin yung oras. Wala kasi kaming masyadong paki eh syempre nag-eenjoy kasi kami. ―10:15 na. Uy Andy, diba kelangan mo ng umuwi?‖ ―Asus, wag nyong pansinin yung sinabi ni Kit kanina, wala yun no. Kung parents ko nga eh hindi naman ako binibigyan ng curfew, anong karapatan niyang magbigay sa akin diba?‖ medyo nagdalawang isip pa sila nung una nun pero tumango lang. OA naman siguro kung aandar ang pagka SC President ni Kit ng dahil lang dito diba? Haler, wala naman kami sa school eh at wala rin kaming suot na uniform ng MPU so no problem. Tumuloy lang kami sa pag-iikot nung mga oras na yun. Mga 12 na nga siguro kami nakaalis eh. At wala sana kaming planong umalis pa nun kung hindi pinaalala sa amin ng guard na in 30 minutes eh magsasara na yung mall. Medyo natagalan kami kasi wala masyadong taxi at jeep na dumadaan. ―Gosh, ayaw yata tayo pauwiin.‖ napatingin naman kaming lahat kay Cheeky. “Oi” Kinabahan naman kami bigla. Teka, para sa amin ba iyon? Tinulak kami nina Vince at Stephen sa likod nila tapos humarang at tinignan yung paligid. ―Sino yan?‖ “Oi” Lalapit na sana si Vince nun kaso hinawakan ko siya sa braso. ―Vince! Papaano kung may dala siyang knife o baril?‖ Tumingin lang siya sa akin tapos ngumiti. ―Magpakita ka nga!‖ Nawala yung boses tapos akala naman natapos na kaya lang…

―AHHHHHHHHHHH-----KIT?!‖ Nagulat kaming lahat kasi si Kit lang pala yun. ―A-a-anong ginagawa mo dito?! Bakit ka ba nananakot!?!‖ Napatingin ako sa mga kaibigan ko kasi sila rin eh nakahawak sa mga dibdib nila, sigurado dahil sa gulat at biglang nagpakita itong si Kit. Teka, may sa engkanto yata itong lalaking to eh! ―Anong oras na?‖ ―Ano ba yan Kit! Nanggulat ka para lang tanungin kung anong oras na? Bakit, wala bang orasan sa bahay?!‖ Matatawa sana ako nun kaso nung tumingin ako sa mga kaibigan ko eh umiiling sila. Teka, anong meron? ―Di ba sabi ko 10?‖ Nanlaki naman mata ko sa kanya. Teka, sino ba siya para bigyan ako ng curfew? ―Excuse me! Tatay ko nga di ako binibigyan ng curfew eh! Anong karapatan mo na bigyan ako?!‖ Tinaasan niya ako ng kilay tapos nun eh tumingin sa mga kabarkada ko. ―Pasok na sa kotse.‖ Hindi naman nagreklamo yung iba tapos sumunod pero ako eh nakatayo lang sa harap ni Kit. Hmf! Kung sila kinakabahan sa kanya, ako hindi! ―Ang kulit mo alam mo yun?‖ Hindi ko siya pinansin at nag cross arms lang ako at hindi gumagalaw. Nakakainis kaya siya! Oo nga‘t dapat magpasalamat kami kasi makakauwi na kami pero yung parang binibigyan pa niya ako ng curfew at ngayon ganyan siya, hmf! Nakakainis. ―Ayoko pumasok.‖ ―Oh sige, bahala ka.‖ at pagkatapos nun eh pumunta na siya sa kotse. Teka lang! Wag niyang sabihin na iiwan nila ako dito?! *BROOOM* Waaa! Ano ba naman yan! Ikaw kasi Andy eh! huhuhu…nakakaasar, paano pa kaya ako makakauwi. Naramdaman kong medyo napuno ng luha yung mata ko.

Ayokong umiyak pero ewan ko, feeling ko sobrang lonely ko nung mga oras na yun kaya di ko na napigilan. ―Anong iniiyak iyak mo diyan?‖ Napatingin ako sa kanya ng masama tapos siya eh umupo dun sa tabi ko. ―Bakit ka nandito? Umalis na yung kotse diba?‖ ―Sa tingin mo ba talaga iiwan kita ng basta basta dito sa madilim!?‖ ―Oo…‖ nahiya ako sa sinagot ko sa kanya. Hindi ko pa siya talaga ganoon kakilala pero heto ako hinuhusgahan siya ng ganyan. Ang sama mo Andy. Yumuko ako nun tapos nilagay yung mukha ko sa kamay ko. Naramdaman ko naman na nilagay niya yung kamay niya sa balikat ko at umakbay kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa langit kaya ako eh tumignin rin dun. ―Oo nga‘t nilalait kita at sinusungitan. Minsan pinagtritripan at minsan naman eh dinadown kita. Pero isang bagay lang ang mapapangako ko sa iyo…‖ Napatingin ako sa kanya ng diretso tapos nun eh nagulat ako kasi nakatingin sa siya akin. ―At iyon ay ang hinding hindi kita iiwan na mag-isa kahit kelan.‖ *****

Nung buong weekend eh aral mode kaming pareho ni Kit. Natural sa kanya yun kasi running for Valedictorian siya. Ako naman eh naisipan kong magpursigi para proud parents ko kapag dating ng graduation namin. Hindi kami masyadong nakapagpansinan nung mga oras na iyon. One reason nga dahil busy sa pag-aaral and another yung nangyari nung Friday. Ewan ko, bigla nalang kasi ako naging uncomfortable kapag nakikita siya. Para bang nahihiya, gets? Anyway, dumating yung araw ng exams at sobrang nalosyang ako sa kakaisip nung mga oras na iyon. Syempre diba, hindi naman talaga tayo mahilig mag-isip kapag normal na araw lang eh. Oh baka naman ako lang yun? Anyway, tuwang tuwa ako nung dumating ang Wednesday. October 7. Sa wakas! Tapos na ang paghihirap ko. ―OH-KEY!!!!!! Sa wakas!‖ grabe, parang nabawi ko lahat ng nawalang energy ko ng uwian na. ―Tuwang tuwa ka yata…‖

―Syempre naman Vince! Sinong hindi matutuwa eh tapos na exams!‖ natawa lang sa akin si Vince tapos nun eh naglakad na kami. Teka, parang…kulang? ―Saan yung iba?‖ ―Yung kambal eh pinatawag ng parents nila. May gathering yata or something. Si Stephen naman, ayun napilit kong yayain niya lumabas si Marla.‖ ganoon pala, eh di kami lang pala ni Vince ang magcecelebrate ng end of exams ngayon? Yep, yan ang routine pa ng barkada. Syempre dapat may rest day rin kami. ―So tayo lang palang dalawa ngayon?‖ ―Ah…eh…oo‖ Hmmm, magsama kaya kami ng iba? Si Kit kaya? Tama! Tapos isasama niya si Myka! Okay! Tama lang yan para sa first part ng Operation Matchmaking ko! ―Okay lang ba sa iyo kung magsama pa tayo ng 2?‖ tumingin siya sa akin ng parang nagtataka at tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? ―Syempre naman no, okay lang yun. Alam mo naman na malakas ka sa akin eh. Basta ba ikaw lang ang ililibre ko eh.‖ ―Ows!? Ililibre mo ako? Sigurado ka?‖ ―Nasabi ko na eh. Hahah Joke! Oo naman.‖ Ayos! Makakaipon ako nito para sa christmas gifts ko para sa kanila. Hindi rin naman ako excited no? ―Wah Vince! Kaya nga ba mahal na mahal kita eh!‖ at pagtapos nun eh niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi nagtagal eh bumitaw rin naman ako. ―Tara, hanapin na natin yung isasama ko.‖ Napansin ko naman na namumula yata si Vince. Teka, ganoon ba kahigpit yung pagyakap ko sa kanya at nahirapan siyang huminga?! Hala! ―Oi Vince ayos ka lang? Hindi ka ba makahinga?‖ ―A-ayos lang ako.‖ Ngumiti naman siya at okay na sa akin yun. Hinatak ko na siya nun tapos pumunta na kami sa Star class.

―Psst.‖ Halos konti nalang yung mga tao nun kasi for sure yung iba eh nagsiuwian na. Swerte ko nga at nandoon pa sina Kit at Myka. ―Psst! Kit!‖ lumingon naman si Kit tapos nagtaas ng kilay sa akin. Aba, ang sungit talaga nito kahit kelan! Napatingin rin naman sa amin si Myka tapos ngumiti. Hay nako, dapat talaga eh maging sila na para matutong ngumiti yang si Kit. ―Andy andiyan ka pala! Pasok kayo!‖ Pumasok naman kami ni Vince at doon nagstay sa side nila. ―Yayayain sana namin kayong lumabas. Wala lang, parang rest day kung baga.‖ ―Sinu-sino tayo?‖ ―Kayo ni Kit tapos kami ni Andy.‖ ―Oh sig---‖ ―Ayoko nga.‖ Ano bang problema nitong Kit na ito? Kita na nga niyang gusto ni Myka tapos ganyan pa siya! Hay, kelangan siyang pilitin para magwork yung pinaplano ko! ―Ano bang problema mo? Pwede ba kahit isang beses lang eh pagbigyan mo naman yung gusto ng iba at hindi yung puro gusto mo ang nasusunod! Vous êtes si égoïste! (You‘re so selfish!)‖ grabe nakakainis na talaga siya. ―Andy! Vous ne devriez pas dire cela! (You shouldn‘t say that!)‖ Nagtaka naman yung dalawang kaharap namin at nagtaasan yung kilay nila. ―Nasa Pilipinas tayo kaya magtagalog nga kayo!‖ Tumingin kami pareho ni Vince sa kanila tapos nagsorry. Teka nga, bakit kelangan namin magsorry?! ―Fine! Sabi ko ang selfish mo!‖ ―Andy, ayos lang sa akin yun.‖ ―No! It‘s not okay!‖ grabe inis na inis talaga ako nun. Hindi lang dahil sa baka hindi na matuloy yung plano ko pero dahil sa attitude na niya mismo. Hindi na tama yun kasi hindi siya nagiging sensitive sa nararamdaman ng iba. Ang may paki lang siya eh yung para sa ikakabuti ng sarili niya! Oh please don‘t give me that cr*p!

―Kung parati kang magbibigay Myka, kelan siya matututo na mag adjust para sa ibang tao naman? Kelan---‖ ―Hoy, stripes, ang ingay mo. Puro ka naman satsat eh paano tayo makakaalis niyan?‖ Nagulat naman ako dun sa sinabi niya. Sasama siya? Wait, anong tinawag niya sa akin?! ―Anong tinawag mo sa akin?!‖ ―S-T-R-I-P-E-S, Stripes.‖ Anak ng… ―Er, Andy.‖ napatingin ako kay Myka tapos may parang tinuro siya sa may skirt ko. Pagtingin ko eh nanlaki yung mata ko at namula ako bigla. Bukas yung zipper sa side ng skirt ko!

WALANG HIYA! PATTERN YUN NG UNDERWEAR KO! Chapter 13

Nung mga oras na yun eh sobrang winish ko na lamunin na ako ng lupa. Paano ba naman, sa lahat pa ng makakakita ng pattern ng underwear ko eh ang nagiisang mapang-asar na si Kit Tasello pa?! Bwisit. Bakit kasi bumukas bigla yung zipper ng skirt ko eh! ―Andy tara dun oh!‖ Tama talaga yung choice ko na isama silang dalawa. Paano, halatang halata na sobrang saya ni Myka. Ngayon, ang kelangan ko nalang gawin eh batukan yung Kit na iyon para pansinin naman niya yung effort ni Myka. ―Hindi sige kayo muna. May kelangan pa kasi kaming bilhin ni Vince eh. Babalikan nalang namin kayo diyan okay?‖ Siniko ko naman si Vince para umoo at ayun, tumango siya at ngumiti kina Myka. Si Myka rin eh tumango kaya umalis na kami ni Vince. ―Ikaw babae ka, ano na naman itong pinaplano mo?‖ Ngumiti lang ako kay Vince tapos nun eh tumingin sa paligid. ―Bakit? Bawal na ba kitang solohin?‖ Tinawanan naman niya ako nun kaya napatingin ako sa kanya. ―Yeah right.

Pinagsasama mo sina Kit ano?‖ Best friend ko nga itong mokong na ito. Umakbay naman ako sa kanya tapos inexplain yung plano ko. After nun eh pareho kaming nagtatawanan. ―Dun tayo sa rides oh!‖ ―Alam mo ikaw Andy, ang laki laki mo na eh gusto mo parin magrides!‖ ―Excuse me Mr. Vincent Aldo Nucena, people are never too old to have fun.‖ Nagkangitian kaming dalawa at yun, sasama rin pala siya eh. Sumakay kami una sa roller coaster at sobrang nakalog yung buong mundo ko. Paano may mga loops pa iyon at kung anu-ano pang chuvaness. Ayay, nahahawa na talaga ako kay Cheeky. ―Dun tayo.‖ Tinuro niya yung go carts tapos nun eh tumakbo na kami pareho sa may ticket booth tapos ayun. Nag racing pa nga kaming dalawa eh. Syempre hindi ako nagpatalo kaso nga lang, talagang magalig si Vince eh. Pero at least may part dun na naunahan ko siya. ―Ang saya!‖ ―Parati naman natin ginagawa to kasama ng barkada ah, bakit parang kakaiba para sa iyo ngayon?‖ Oo nga naman, pero ewan ko, feeling ko special tong araw na ito. ―Ewan, basta feeling ko sobrang saya ngayon! Tara! Bili tayo ice cream.‖ At ayun, hinatak ko siya papuntang ice cream stand at bumili kami ng favorites namin. Rocky Road para sa akin tapos Strawberry sa kanya. Parang baliktad no? Pero hayaan nalang natin. ―Anong oras na?‖ ―Mag 7 pa lang, bakit?‖ ―Iniisip ko kasi kung ano oras tayo uuwi. May pasok pa bukas. Gulay! Wala akong number nina Myka! Paano natin sila makokontact?‖ ―Tingin ko naman, si Kit ang bahala dun…‖ ―Dapat lang kung di uupakan ko siya.‖ Umupo muna kami sa isang bench dun kasi napagod din kami. ♪ If I could escape

And re-create a place as my own world And I could be your favorite girl Forever, perfectly together Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ♪ Teka, unknown number? Sino kaya ito? ―ASAN KAYO?!‖ grabe, nagulintang naman bigla mundo ko nun! Bakit ba siya naninigaw?! ―Teka nga! Bakit ka ba sumisigaw at paano mo nakuha ang number ko?‖ ―Tumawag ako sa bahay niyo at nagtanong. Sumisigaw ako dahil kanina pa ko kayo hinahanap tapos hindi ko kayo makita!‖ Teka nga, bakit naman niya kami hinahanap? Oh shocks! Wag mong sabihin na hindi man lang niya tinake sa rides or para kumain si Myka?! ―Hinahanap?! Wag mong sabihin hindi mo man lang tinreat si Myka?!?‖ ―Hindi!‖ Aba, masasapok ko tong lalaking ito ah! ―AY NAKO! NAKAKAINIS KA TALAGA! ALAM MO---‖ ―Tinawagan kasi siya kaya kelangan niyang umuwi.‖ ―EH?!‖ ooops, napahiya ako dun ah. ―Hindi ka kasi muna makinig.‖ o siya sige na! Mali na ako! wag na niyang ipamukha pa ano! ―Asan ba kayo?‖ ―Sa may tapat ng Bench, 3rd floor.‖ ―Okay, pupuntahan ko kayo diyan.‖ At yun, binaba rin niya yung phone. Napahinga naman ako ng malalim tapos nun eh tumingin kay Vince. Teka, asan na si Vince?! *Toot Toot* *Toot toot* Tumingin ako sa phone ko, may message. Aba Galing kay Vince. Sender: VAN-TOT Message: Eiz Pot, xri bgla aq nwala. Tmawg c mama at pnauwi aq.

Xri tlga. Bawi nlng aq =)

Hay, wala narin naman ako magagawa eh. Hinintay ko nalang na makarating si Kit tapos nun pagdating niya eh mukhang hingal pa nga siya eh. Teka, san karera nito? ―Pagod na pagod ka ah.‖ ―Sinong di mapapagod eh tumakbo ako!‖ Aba, parang pinalalabas niya na ako pa may kasalanan kung bakit siya tumakbo! Hmf! ―Eh bakit ka ba tumakbo?!‖ ―Tara na nga! Gusto ko na umuwi!‖ tignan mo tong lalaking to, nagtatanong ako eh hindi man lang sinagot! Hinayaan ko nalang siya na I-drag ako kung saan man. Pagkalabas namin eh nagulat ako kasi andoon na yung driver. Aba, handa ah. Nung papauwi kami eh hindi na kami nagpansinan. Actually, siya yung Hindi namamansin. Ewan ko, tinamaan na naman siya ng mood swings niya. Pagdating namin sa bahay eh kanya kanya na kami. Hindi narin kami kumain kasi nabusog kami sa mga snacks na kinain dun. Well, ako nabusog, ewan ko lang kung siya ganun rin. Mga 10 na siguro nung nakapagpahinga ako. Ayos lang yun, for sure bukas eh bibigay lang yung course outline tapos rechecking of papers. ***** ―Class settle down.‖ Masyado na naman maliligalig yung tao kasi nga tapos na exams. Dagdag mo pa yung kakasabi lang ng teacher na next next week daw yung Halloween Festival namin. May pagka-American kasi yung may-ari ng school namin kaya madalas may mga kakaibgang festivals kaming ginagawa. Kung nagtataka kayo at parang ang aga naman yata ng celebration namin ng Halloween, If I‘m not mistaken eh tatapat yun sa 2nd to the last week of october, well ganoon talaga kasi sem break na after nun eh. ―Okay, Since next next week na ang Halloween Festival natin, bibigyan tayo ng time next week para sa mga preparations, decorations, at activities para sa festival.‖

Hay, ganyan naman parati eh. Kahit anong festival eh dapat engrande at kelangan ng mga activities. Last year yung pinakamaganda kasi nagkaroon ng parang food street dun sa fields. Sana nga maulit ngayon eh. ―Mamaya ipopost dun sa board kung anu-ano yung mga activities na pwede niyong salihan. Remember, isa lang ang pwede okay?‖ Umingay naman yung klase nun kasi umalis yung teacher namin, dumating kasi yung unit head at sinabing may meeting daw sila. Wow, super Early Lunch ah. Ibig sabihin 2 hours lunch namin ngayon? Astig. Nanghatak naman na lumabas sina Cheeky, gutom na siguro sila kaya ayun. Pagkabili namin ng pagkain eh dumiretso na kami sa tambayan at ayun, chikahan at kainan na to the max. ―*Ehem* Mayroon daw nagdate kahapon after ng test. *ehem*‖ natawa naman ako kay Marla, obviously kami pinaparinggan niya. ―*Ehem ka rin* balita ko nga eh 2 pairs *ehem ka din* Oo nga naman! Hindi lang naman kami ni Vince ah! Saka teka, hindi yun date no! Namula si Marla at si Stephen tapos natawa kaming lahat. ―Ehem rin kayo. Hindi po date yun. It‘s actually…a plan. Diba Vince?‖ Tumango si Vince nun tapos lalo naman silang tumawa. Asus, hindi na naman sila naniniwala sa akin. Bahala nga sila. After 30 minutes eh umalis na kami dun. Naglakad lakad kami tapos napadpad kami sa may fields. May mga naglalaro nga dun ng soccer eh at ayun, pinanood naman namin. Obvious naman na si Cheeky eh naghahanap ng cute. Hay naku. Habang nagkukuwentuhan sila dun tungkol sa mga guys ako naman eh nilabas ko yung phone ko tapos naglaro ng kung anong meron. Hay, may negative sides rin pala itong mahabang lunch break. *Toot Toot* *Toot Toot* Aba, sino naman tong nakaalala sa akin at nagtext? Sender: Mr. SC President Message: Oi, stripes. ARGH!!!!!!! Nakakabwisit talaga siya! Tumingin ako sa paligid tapos nakita ko siya na nakadungaw doon sa may 2nd floor. Teka, kita ba? Napatingin naman ako sa baba ko, okay wait, hindi naman kita ah?

*Toot Toot* *Toot Toot* Sender: Mr. SC President Message: Don‘t wori, di ka nkktaan

.

Aba, nakakabanas na tong lalaking ito ah! Message: Anong kelangan mu? *Toot Toot* *Toot Toot* Sender: Mr. SC President Message: Ala, Ang nice naman ng dahilan niya na magtext. Siguro unli to kaya may lakas na loob na mangulit. Message: cguro crush m nga aq n? tnetxt m q ng wla dahilan. Ayi! Aminin. Lyk wat u said b4, Pwd nmn mgkacrush sa fiance dba? Haha! *Toot Toot* *Toot Toot* Sender: Mr. SC President Message: Kpal mu Aba, nanlait pa ang loko! At yun, halos 30 minutes kaming nagtetext at puro asaran lang kami. Ang galing no? Meron naman na mas importanteng pwedeng gawin pero ewan ko, ang saya niya asarin eh, dali kasing mapikon! Haha! Mga 5 minutes bago magbell eh umakyat na kami. Dumaan ako ng locker nun kasi may nakalimutan akong kunin. Pinauna ko na naman yung iba kasi for sure maiinip lang sila. ―Hi Andy!‖ ―Ui Max! Musta na?‖

―Heto, ayos naman, ikaw? Musta ka na? Balita ko may future husband ka na daw?‖ Ugh. And it‘s not something that I‘m proud of. ―Oo nga eh.‖ ―Ummm…Andy?‖ ―Ano yun?‖ ―Kung okay lang sana…punta ka naman sa Party nila Mia bukas oh?‖ Hala naman, teka…niyayaya niya ako? ―Ahh…ehh sure. Puro preparation lang naman next week diba?‖ Ngumiti siya nun tapos kinuha pa niya yung kamay ko. ―Thank you Andy!‖ Eh? bakit kelangan niya magthank you? Naks naman, ganoon ba ako ka special? Hahah. Pagtapos nun eh pumunta na ako sa classroom namin at yun, buti nga hindi ako nalate eh. At ayun, gaya ng mga nangyari nung umaga, puro bigayan lang ng mga course outline hanggang magdismissal. Nung uwian naman eh pinatawag kami ni Coach kasi may assigned activity na raw para sa mga nasa Varsity. Bad trip nga eh, ibig sabihin lang nun eh hindi kami sama sama ng barkada sa activities. Sayang naman. Pagtapos nun eh umakyat ulit ako, gusto ko rin kasing tignan yung mga activities kahit na meron na kami. Syempre diba, para alam ko mga bibisitahin kong booth. Halloween Festival Activities 1. Food Street 2. Annual Halloween Play 3. Haunted House 4. The Alice in Wonderland Maze 5. Varsity Booths 6. Band-O-Rama

Aba, mas dumami yata yung mga activities ngayon ah? Sabagay, gustung gusto kasi naman talaga ng mga students yan eh. Maliban sa Christmas at Valentines, ang Halloween Festival ang most awaited event ng mga students ng MPU. ―Oi, stripes.‖ Argh! Bakit ba hindi parin niya kalimutan yun!?!

―Wag nga stripes tawag mo sa akin! Baka gayahin ka pa ng iba diyan eh!‖ Tumawa naman siya nun tapos naglean sa wall. Aba, himala yata‘t walang reklamo siyang naghihintay? Hindi ko naman siya pinaghintay ng sobrang tagal, baka magswing na naman ang mood niyan at maging masungit, ayokong magtake ng risks. Pagkauwi namin eh kumain na kami kaagad, medyo late na kasi nun eh mga mag-6 narin kaya kumain narin kami. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi kay Kit yung tungkol bukas. Teka nga, bakit kelangan kong ipaalam sa kanya? Hay, bahala na nga, para naman at least may nakakaalam kung mag disappear ako bukas. Dumiretso ako sa kwarto niya after kong magbihis ng pajamas tapos nun eh kumatok. Kelangan maingat eh, syempre, alam niyo na. ―Kit!‖ Bumukas naman kaagad yung pinto tapos si Kit eh parang nabad mood naman yata. Hay, bilis talaga ng mood swings nito. ―Ano?‖ ―Bukas hindi ako makakasama umuwi. May pupuntahan pa kasi ako.‖ ―Saan?‖ ―Sa party ni Mia.‖ ―Bakit?‖ teka? Anong bakit? Malamang para magparty! ―Anong bakit?‖ ―Bakit ka pupunta dun?‖ ―Gusto ko eh!‖ ―Toink *pinitik yung forehead ni Andy* wrong answer. Bakit ka pupunta dun?‖ Aba, tama bang pitikin niya pa ako? Saka, ano daW? Wrong answer? Hmf! ―Inimbitahan ako ni Max okay? Masaya ka na?!‖ ang kulit naman kasi nito eh. Parang pulis kung makapagtanong.

―Oh sige basta ba… …kasama ako eh.” Chapter 14

Wait, tama ba itong narinig ko? Sasama daw siya?! ―Oi teka! Bakit ka sasama?‖ ―Gusto ko eh!‖ aba, gaya gaya siya ng sagot ah! ―AT kelan ka pa nahilig sa party aber??‖ ―Bakit? Hindi mo naman ako ganoon kakilala para sabihin na hindi ako mahilig sa party ah?‖ okay Andy, pahiya ka na naman. Sabi ko nga eh, dapat hindi na ako umimik. ―Hindi na kita mapipigilan no?‖ tumango naman siya nun at nakatingin sa akin ng diretso. Hay, pero teka…alam ko na! ―Okay, payag akong kasama ka pero…‖ Lumapit siya ng konti sa akin, sign na interested siya sa sasabihin ko. ―Kelangan kasama si Myka.‖ Grabe, ang talino mo talaga Andy! Tama, ito ang back up plan ko kasi pumalpak yung pagpunta namin sa mall dati. ―Yun lang pala eh.‖ Ngumiti naman ako sa kanya tapos umalis na. Gabi narin kasi nun at kelangan ko ng matulog. Yes, tama pambawi ko to para sa nangyari sa mall. Go Andy, kaya mo yan. Ah, dapat pala magplano ako para hindi pumalpak. Buong gabi naman akong nagplano ng pwedeng gawin para sa operation match making ko. Mga 12 na nga ako nakatulog eh, hindi rin naman ako sobra kung magplano no? Nung umaga naman eh kinailangan pa akong gisingin ni manang. Buti nga siya nanggising sa akin eh at hindi yung Kit na iyon. Pagbaba ko naman eh wala na si Kit. Teka, ang aga naman yata niya pumasok. ―Manang, bakit po hindi niya ako hinintay?‖

―Aba‘y ewan ko sa batang iyon. Ang gulo niya. Sabi niya nung una hihintayin ka niya tapos nun eh umalis nalang bigla. Nakailang ikot pa nga siya diyan sa table kakaisip eh, grabe hinilo ako niyang asawa mo.‖ ―Hini ko pa siya asawa manang, wag kayong magsalita ng ganyan.‖ ngumiti lang siya sa akin tapos ako naman eh kumain na at syempre, diretso na sa school namin. May mga 15 minutes pa siguro ako nun kaya dumaan muna ako sa art room. May bagong painting na naman an bumulagta sa harapan ko. This time yung babae eh nakaupo sa isang desk tapos parang nagsusulat siya ng kung ano. Grabe, ang cute talaga. Hay, buo na naman araw ko. Sumilip ako sa gilid para tignan kung nagtatago ba si Kit, teka nga, bakit ko ba siya hinahanap?! Ano ba naman yan. Lumabas nalang ako nung art room tapos dumiretso sa locker para kumuha ng gamit. Pagdating ko sa classroom eh may 5 minutes pa bago magbell kaya kinausap ko muna mga kabarkada ko tungkol sa party. ―Uy, sama naman kayo mamaya sa party ni Mia oh.‖ ―Sorry Andy, hindi ako pwede eh, ngayon kasi start ng practice namin para sa Annual Halloween play eh. Yung taga theater club kasi required na sumali doon. Sorry talaga.‖ okay, one down ayos lang yan may 4 to go pa. Humarap naman ako kina Cheeky at Cheska, for sure sasama yan, gala kasi yang si Cheeky at kung saan man yan pumunta eh parating sasama si Cheska. ―Sorry dear sister pero hindi rin kami pwede. May family gathering kami mamaya eh.‖ Okay, si Stephen at Vince nalang. ―Sorry Dy, di rin ako pwede eh may practice kasi ang Varsity.‖ ―Sorry Pot.‖ Nakitango lang naman si Vince sa kanya. Hay, pareho nga pala silang varsity. Ibig sabihin, mag-isa lang ako mamaya sa operation ko? Hay, wala akong magagawa. Bakit kasi hindi karin naging busy ngayon Andy?! ―Okay lang guys…basta next time sama na kayo ah?‖ tumango naman sila at ayun, nagbell narin pagkatapos. Dumating yung first period teacher namin tapos inannounce niya na dapat daw kami pumunta sa respective groups namin para sa activity sa halloween festival, kelangan daw kasi namin magmeeting para buo na ang plano for next week. Ayun naman, pumunta naman ako kaagad sa gym at andoon na yung lahat ng

Varsity Volleyball, magkahalong boys and girls. ―Kumpleto na tayo?‖ tumango lang kaming lahat tapos nagnod din si Coach Vicedo. ―Ano bang gusto niyo na booth natin para sa halloween festival?‖ May mga nagtaas ng kamay at kung anu-ano na yung ni-suggest. Yung iba nga eh sobrang common like wedding booth or jail booth pero dahil nga halong babae at lalaki yung nandoon sa gym eh sobrang nagcocollide mga ideas at opinions namin. Kesyo boring daw yung isa at yung isa naman eh walang kwenta. ―Wag kayong magtalo okay? Kulang nalang eh magbatuhan kayo ng bola diyan eh.‖ Nagtigil naman yung mga maiingay tapos feeling ko may idea silang nakuha. ―Coach! Astig idea mo!‖ Tumaas naman yung kilay niya pati nga ako eh nagtaka. Gusto nilang magbatuhan? Ay wait…mukhang nagegets ko sila. ―Bakit hindi nalang tayo gumawa ng paint ball booth! Alam niyo yun? Yung magbabatuhan ng paint ball balloons.‖ Nag-usap usap naman kami. Maganda yung idea and for sure wala naman masasaktan at siguradong mag-eenjoy yung mga tao. ―Oh sige, magplano muna kayo diyan at iinform ko lang yung unit head natin tungkol sa plano ng varsity volleyball. Tony, Linda kayo ang magbantay, babalik din ako kaagad.‖ At yun, umalis si Ma‘am tapos nag-usap pa kami ng tungkol sa gagawin namin. Mga ilang minutes rin siguro kaming nagtalo tungkol sa mga ideas pero after 10 minutes eh nagkaroon rin kami ng solid plan. Bad trip nga lang kasi ako yung pinagreport nila kay Coach nung nakabalik na siya. ―Okay, maganda yang idea niyo at pumayag ang unit head sa booth natin. So ang materials na kekelanganin natin eh iaassign ko na para makabili kayo sa weekends.‖ Binigay ni miss sa amin yung listahan at yung mga pwedeng magdala eh nagvolunteer na. Hindi pa nga nakakakalahati yung araw eh tapos na kaming magplano kaya free time na kami. Binigay na kasi yung whole day para magplano. Nakalimutan ko palang tanong kina Cheeky at Cheska kung anong sasalihan nila. Sila lang naman kasi yung hindi required sa club ang sumali sa isang activity eh. Nag-ikot ikot muna ako mag-isa, hindi pa kasi tapos yung mga pagpaplano ng

ibang groups eh. ―Excuse me miss!‖ Teka, ako ba tinatawag nun? Malay mo hindi baka mapahiya lang ako, nagtuloy nalang akong maglakad tapos nun eh naririnig ko parin siya. Ako yata eh. ―Teka, ano ulit pangalan nito….argh! bwisit…ano yun…something with…bahala na, yung tawag nalang ni Kit sa kanya. Miss STRIPES!‖ Nanlaki yung mata ko. Ako nga! Tae, wag mong sabihin nakikitaan ako. Napatingin naman ako sa baba ng uniform ko, okay, ayos naman siya. Nilingon ko yung lalaking tumatawag sa akin tapos binigyan siya ng masamang tingin. ―Excuse me lang no. Hindi stripes pangalan ko, It‘s Andy.‖ Parang lumiwanag yung mukha niya nun tapos ngumiti siya sa akin. ―Ayun! Andy pala, heheh sorry ha, nakalimutan ko kasi eh. Oo nga pala, ako si Omar, best friend ni Kit. Kaw yung fiance niya diba?‖ Tumingin ako sa kanya at yun, tumango lang. Nawala naman yung inis ko, fine sige palalampasin ko ngayon kasi nakalimutan niya at mukha naman sincere siya. ―Unfortunately, ako nga yun. Bakit mo naman natanong?‖ ―Talaga palang ayaw mo sa kanya no? Heheh, anyway, nakita kasi kita kanina sa gym. Varsity Volleyball ka rin pala.‖ Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero…ayaw ko sa arrangement na ginawa. Basta, yun na yun. Wala na akong magagawa. ―Ahh, ganun ba.‖ hmmm…mapagkakatiwalaan kaya ito sa plano ko? I mean friend siya ni Kit eh, baka bukuhin ako. Alam ko na. ―Oo nga pala, anong tingin mo kina Myka at Kit?‖ ―Sa kanila? Hehe, tingin ko bagay na bagay sila at ayaw lang nilang aminin yun. Si Kit kasi malihim kahit na sa akin at kung magshashare man siya eh mas nauuna kay Myka. Bakit mo natanong? Siguro may binabalak ka ano?‖ ―Actually…yes and I need your help.‖ ngumiti ako sa kanya tapos siya naman eh parang nagtataka sa akin na parang ewan. Nag-usap pa kami ng kung anu ano dun, mga plano at syempre, sinabi ko sa kanya yung plano ko para mamaya. Sasama nga daw siya eh, buti nalang, at least hindi na ako mag-isa at nagpapakahirap. Sabi rin naman niya na hindi niya daw ibabanggit kay Kit yung pinag-usapan namin, dapat lang no kung di makakatikim sa akin yan ng flying kick.

Mga hapon narin nun nung pinayagan na kaming umalis. 4 pm to be exact. Diretso uwi ako kaagad at hindi ko na hinintay si Kit, bakit hindi rin naman niya ako hinintay kanina eh diba? Pagkauwi ko ng bahay eh nagbihis kaagad ako ng jean skirt tapos shirt at sneakers. Hindi kasi ako mahilig sa damit na mahirap gumalaw. Mga 4:30 nun ng nakauwi si Kit, medyo inis nga ako kasi ang sungit na naman niya. ―Hoy dalian mo naman. Ano nga pala sabi ni Myka?‖ ―Pumayag siya. Dun na daw magkikita.‖ ―Anong dun? Sunduin mo siya ano ka!‖ ―Bakit? Marami naman silang driver eh. Saka paano ka? Alam mo naman na accident prone ka at baka pag mag-isa kang pumunta dun eh magkasugat sugat ka sa sobrang clumsy mo.‖ matoutouch na sana ako sa sinabi niya kaso nga lang pinahaba pa niya. Kit Tasello Fact # 10, hari siya ng sablay. ―Hay nako Krisantimo Ivann, think of it this way, it‘s the RIGHT thing to do. Now, pumunta ka na doon at ako eh magpapahatid kay Manong.‖ pinagkatulakan ko siya dun sa may pintuan pagtapos nun eh nakalabas narin siya. Tumingin siya muna sandali sa akin tapos nun eh umalis narin. Hay, kung di siya umalis nun kaagad e baka nasipa ko pa siya. At gaya naman ng sabi ko kanina, nagpahatid na nga ako kay Manong. Tinext ko naman si Omar na pumunta na, hindi kasi alam ni Kit na kasama si Omar kaya hindi ko siya nabanggit. Pagdating ko dun eh sinalubong naman ako ng mga maraming tao. Aba, basta party andoon ang mga taga MPU ah. Well, most of them. Nagsabi naman ako kay manong na magtetext nalang ako kung sakaling uuwi na ako at pinauwi ko na siya. Pagpasok ko naman eh nakita ko na doon si Omar. ―Oh ano? Dumating na ba sila?‖ ―Yup, halata ngang tuwang tuwa si Myka eh.‖ Good, gumagana yung plano ko. Nag high five kami ni Omar tapos nun eh hinanap na naman yung dalawa. Dapat walang makikiextra sa kanila. ―Okay lang ba sa iyo yan AndY?‖ tinaasan ko naman siya ng kilay. Okay ang ano? ―Ang alin?‖

―Ang pagmamatch make mo sa dalawang yun. Kahit saan mo naman kasi tignan eh, fiance ka parin ni Kit.‖ nagulat naman ako sa tanong niya. Okay na okay sa akin to kasi after 100 days at pag in love na si Kit kay Myka eh pwede naming I call off and engagement at free na naman ako. ―Syempre naman okay sa akin to no! Ano ka ba, ayoko pang mag-asawa, sobrang aga pa kasi eh.‖ ―Ganoon ba? Eh naisip mo naman ba kung okay lang kay Kit ito?‖ ―Bakit naman hindi? Eh wala namang meron sa aming dalawa.‖ ―Ewan ko lang Andy ha. Pero kahit sobrang tagal ko ng kilala yan si Kit eh hindi ko parin maintindihan ang mga nararamdaman niya lalo na kapag tungkol sa babae. Hindi tayo nakakasiguro kung wala bang feelings para sa iyo si Kit o meron.‖ Si Kit? Magkakagusto sa akin? After ng mga panlalait, pang-aasar, pangkicriticize niya sa akin? I don‘t think so. ―Asus, wag ka ngang mag-isip ng ganyan. For sure, matutuwa si Kit sa ginagawa natin lalo na kapag sila na ni Myka okay? Ayun sila oh, sundan na natin.‖ Ni-drop naman na ni Omar yung pinag-uusapan namin kanina. Saka, napakaimpossible naman mangyari ng ganoong bagay. Right? “Oo nga‟t nilalait kita at sinusungitan. Minsan pinagtritripan at minsan naman eh dinadown kita. Pero isang bagay lang ang mapapangako ko sa iyo, at iyon ay ang hinding hindi kita iiwan na mag-isa kahit kelan.” Teka, ano ba itong naiisip ko? Si Omar naman kasi eh! Tumingin ako kung nasaan sina Kit at Myka. Masaya sila sa isa‘t isa. Yun ang sure ko at sisiguraduhin kong walang sisira nun. Itaga niyo yan sa bato. Chapter 15

Hindi ko na masyadong pinag-isipan yung mga sinabi ni Omar. I‘m on a mission kaya kelangan concentrated ako. Buong gabi eh parang akong ewan dun na kung saan sina Kit eh dun ako sa malapit sa kanila. May mga times pa nga na muntik akong mahuli eh pero buti nalang nakakalusot ako. Si Omar naman, sa hindi ko malamang dahilan eh bigla nalang naglaho na parang bula. Hindi ko siya hinanap kasi baka makawala sa paningin ko yung dalawa.

Tinext ko naman siya tapos ang nireply lang eh may nakain daw siyang di maganda at umuwi. Okay, ew, gets ko na kung anong ginagawa niya. ―Andy! Nakarating ka!‖ ugh, bwisit naman na Max to oh. Fine, sige siguro time rin para magbreak muna ako. ―Hey Max. Sabi ko sayo diba pupunta ako? Hehe‖ ―Buti talaga…punta tayo dun oh, sa may pool.‖ Pumayag naman ako kasi halos hindi na kami magkarinigan yun sa pwesto namin. Paano, malakas na nga yung music ang lakas pa ng daldalan ng mga tao. Now, tell me, paano kami magkakaintindihan nun diba? Paglabas naman namin sa pool binati kaagad kami ng hangin at ng katahimikan. Pumunta ako dun sa gilid tapos nagtanggal ng sneakers at dinip yung paa ko sa pool. ―Finally, away from the noisy crowd.‖ Natawa naman ako sa kanya. Umupo siya dun sa tabi ko tapos ginaya yung ginagawa ko. Parehas kaming tumingin sa sky. Wow, ang ganda ng stars ngayon ah. ―Andy I have to tell you something…‖ ―Ano yun?‖ humarap ako sa kanya tapos nun eh nagulat ako kasi hinawakan niya yung shoulder ko. Teka, parang…amoy alak siya! ―Max uminom ka ba??‖ ―That‘s not important Andy, ang importante eh yung sasabihin ko.‖ tapos nun eh lumapit pa siya lalo sa akin. Ew, grabe naaamoy ko yung alak mula sa bibig niya. Kadiri ng amoy. ―Bitiwan mo nga ako Max. Nasasaktan ako!‖ pinilit kong kumalas sa pagkakahawak niya kaso sobrang lakas niya. ―Max ano ba!‖ ―I really like you Andy. Gusto kong maging tayo.‖ ―Sorry Max, pero I don‘t feel the same thing, kaya pwede ba, bitiwan mo na ako!‖ nag-iba yung expression niya sa mukha. Yung kaninang gentle eh parang naging galit na hindi mo maintindihan. I suddenly felt scared. ―Ano ba Andy?! Bakit ba ang arte mo!? Magpapakita ka ng affection sa akin tapos nun eh ituturn down mo ako?! Oh please, wala ng hard to get ngayon Andy! ‖

―Kahit kelan Max hindi ako nagshow ng affection sa iyo! Bitaw nga!!‖ Sumigaw ako nun tapos tinawanan lang niya ako. Walang nakakarinig sa amin nung mga oras na iyon kasi ang lakas ng music sa loob. Oh gawd, anong mangyayari sa aking ngayon niyan? Naramdaman ko yung luha na tumulo sa mukha ko at tumawa naman si Max. ―Hindi ka naman masasaktan Andy kung bibigay ka lang eh.‖ at pagtapos nun eh kiniss niya ako sa may neck. Grabe, diring diri ako sa kanya nung mga oras na yun. ―MAX PLEASE!!‖ Nakapikit na ako nun at sobrang tumutulo yung luha ko. Sobrang winish ko ng mga oras na yun na sana nasa bahay nalang ako, dun sa kwarto ko. Kahit magisa man ako basta safe ako. Then I realized, hindi na ako hinahawakan ni Max at parang tumahimik yata. Dumilat ako tapos nun nakita ko si Myka sa tabi ko. ―Andy okay ka lang ba?‖ Tumingin ako kay Myka tapos nagnod, niyakap ko siya ng mahigpit kasi sobrang natakot talaga ako nun. ―I wanna go home.‖ sabi ko habang umiiyak parin. Nakita ko naman si Max na knock-out sa pool at yung mga ibang lalaki eh binuhat siya papuntang side. ―Anong nangyari Myka?‖ ―Nakita ka ni Kit na hinaharass ni Max tapos sumugod kaagad siya at sinuntok si Max. Naknock out nga kaagad eh. Mukhang nasobrahan yata si Max ng inom.‖ Tumingin naman ako kay Kit tapos parang sobrang lalim ng iniisip niya. Grabe, nakakatakot yung mga mata niya kasi para siyang mangpapatay ng tao sa sobrang galit. Kit Tasello Fact #11, he‘s scary when he‘s angry. Napansin naman yata niyang nakatingin ako sa kanya tapos lumapit siya sa akin. Parang kumalma yung expression niya sa mukha, wala kang mapapansin na emosyon. Tapos nun eh humawak siya sa balikat ko. ―Uwi na tayo.‖ Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Tumango lang ako tapos nun eh lumakad na kaming 3 nina Myka paalis. Tinext ni Kit si Manong tapos nun eh si Myka naman sinundo ng driver nila. Hindi ko pinilit si Kit na ihatid si Myka dahil feeling ko hindi ko makakayang mag-isa nung mga oras na iyon.

Pagdating ni manong eh pumasok kaagad kami sa loob, siya sa harap tapos ako naman dun sa likod. Nakaramdam ako ng matinding antok and the next thing I know, nakatulog na pala ako.

*****

―Sino ba yung lalaking yun?‖ si…si Vince yan ah. ―Max yata yung pangalan? Alam niyo yun? Yung nakapartner ni Andy nung 2nd year sa dance.‖ yung…nangyari kagabi. Si…si…Max. Teka, andito ang barkada? Dinilat ko yung mata ko tapos nakita kong nakapalibot sa akin yung mga kaibigan ko. ―Good Afternoon Little Miss Sunshine‖ sabi ni Cheeky na may halong biro. Ngumiti naman ako at medyo umupo habang nakalean sa mga unan ko. ―Bakit lahat kayo andito?‖ ―Aba, Cheeky payag ka dun? Parang tinataboy ata tayo ah.‖ ―Hoy lukaret ka, hindi porket sabi ni Mr. SC President na wag kang bulabugin at guluhin ay ibig sabihin nun eh hindi kita pwedeng bigyan ng Cheeky uppercut punch!‖ tumawa naman kami kasi may pademo demo pang nalalaman si Cheeky. Binatukan ko nga. Okay, Andy-1 Cheeky-0. ―Kamusta na sis?‖ ―Heto, ayos naman. At sana manatiling ganoon yun kaya please, ilayo niyo na si Cheeky sa akin.‖ ―Pagbibigyan kita ngayon Andy kasi on strict orders kami.‖ Strict Orders?! Anong pinagsasabi nitong losyang na to? ―Anong ibig mong sabihin?‖ ―Si Kit kasi kanina eh ang daming sinabi na wag naming gawin bago pumayag na papuntahin kami rito. Si Kuya Cheeky kasi eh, muntik na kami tuloy mapalayas.‖ haha, binuking si Cheeky. ―Hoy! Anong ako? eh siya nga tong akala mo kung sino. Ayaw ba kaming papasukin kasi mag-iingay daw kami.‖

―Actually Cheeky, ikaw lang yung ayaw papasukin.‖ At ayun, tawanan kami. Pero teka, bakit naman ayaw papasukin ni Kit mga kaibigan ko? Matanong ko nga mamaya kapag umalis na sila. Sinamahan naman ako nila buong maghapon para daw hindi ako mabore. Gumawa pa nga sila ng strategy para resbakan si Max eh pero sabi ko wag na kasi feeling ko kawawa na siya dun sa sapak ni Kit. ―Oo nga pala Cheeky, anong group sinalihan niyo??‖ Nag-grin naman yung kambal tapos nagtabi. Aba, may kung anong chuvaness pa silang nalalaman ah. ―Sumali kami sa Alice in wonderland Maze‖ (a/n: kapag bold yung letters tapos brown ibig sabihin sabay sina Cheeky at Cheska, diba kasi pareho silang brown ang font color? Same goes sa lahat ng mga may kapareha…) Eh? Alice in Wonderland maze? ―AS in yung parang nasa mga story books na Alice in Wonderland?!‖ ―Meron pa bang ibang Alice in Wonderland? Well, medyo edited siya pero…SECRET!‖ Aba, may secret pa silang nalalaman ah. Hmm, mukhang interesting yan ah. Bago lang kasi yung Alice in Wonderland maze. Kasi nga diba, marami talagang nadagdag this year since sobrang hit nung Festival last year. ―Sinu-sino kayo dun??‖ ―Hmm, may mga lower year na kasama tapos…basta! Secret nalang! Punta nalang kayo next week para malaman niyo.‖ sabi ni Cheska na bumelat pa sa amin. Hmf, ayan tuloy, excited na ako. Mga 6 narin nun nung umuwi sila, actually, pinaalis sila. Ewan ko ba diyan kay Kit, sinumpong na naman siya ng kasungitan. Ayan tuloy, bored na naman ako, kasalanan niya ito kaya dapat siya ang magentertain sa akin. Umalis ako sa kwarto ko tapos tumingin sa baba kung andoon ba si Kit, aba, wala siya. Bumalik naman ako sa taas tapos nun eh kumatok sa kwarto niya. ―Kit andiyan ka ba?‖ Walang sagot, tulog kaya siya? Naku baka naman naghihintay lang yan katulad

ng dati eh. Ugh, okay buksan mo nalang yung door tapos pumikit ka. Okay, one…two…three! ―Kit??‖ Dinilat ko dahan dahan yung mata ko tapos…nyak! Wala palang tao. Hmf naman oh. Pumasok ako dun sa kwarto niya, grabe ang linis talaga at hindi mo aasahang kwarto ng lalaki. Tumingin ako dun sa side table at may nakitang picture. Aba, sila to nina Omar at Myka ah. Talaga palang matagal na silang best friends. Hay, naku naman, san naman nagpunta yung Kit na iyon? Binuksan ko yung first drawer tapos nun eh may nakita ako na parang notebook. Hmm, si Kit may journal slash diary? Binalik ko nalang sa loob yun, oo nga‘t curious ako pero syempre diba dapat respetuhin yung privacy niya. Sa totoo lang? Ang boring sa kwarto niya. Wala man lang mga cd na makita kung saan saan o kaya naman play station na nakalimutan ligpitin. Lahat nasa ayos. Nakakaasar tuloy. Paalis na sana ako nun ng may nakita akong kuminang sa loob ng drawer. Kinuha ko yun tapos nagulat ako kasi isa siyang bracelet tapos may parang pendant na nakalaylay. Ang mas nakakagulat eh may nakaukit doon sa pendant na pangalan, ang nakalagay eh… ‗Kleo‘. Hmm sino naman kaya yun? Baka past girlfriend ni Kit. ―Sino nagpapasok sa iyo dito?‖ napatalon ako sa gulat kasi biglaan naman siyang nagsalita. ―Ginulat mo naman ako!‖ ―Tinatanong kita, sinong nagpapasok sa iyo dito?‖ Grabe, nakakatakot siya kung makatingin. Buti nga nabaling yung tingin niya sa hawak kong bracelet eh, ay hindi pala mabuti. Lumapit naman siya kaagad sa akin tapos kinuha yung bracelet. ―Sa susunod wag kang makielam ng gamit ng may gamit.‖ Hindi ako makapagsalita nun kasi halata mo na galit talaga siya. Napatingin naman ako dun sa iniwan niyang plastic sa may pintuan. ―Saan ka galing?‖ ―Lumabas ako.‖ Nilapitan ko yung plastic tapos tinignan yung loob. May…ice cream? Aba, at favorite ko pang Double Dutch binili niya ah. Tumingin ako sa kanya pero hindi niya ako tinignan. Napangiti naman ako kasi mukhang nahiya ata siyang I-admit na binilhan niya ako ng ice cream. ―Hindi lang para sa iyo yan, para sa atin yan kaya wag mong uubusin.‖

―Sure, whatever you say.‖ tapos tinry ko talagang pigilin yung pagtawa ko pero napangisi naman ako. Ang cute niya kasing tignan eh. Biruin niyo, marunong rin palang magblush ang taong katulad ni Mr. SC President. ―Oh, bakit ka nagbublush?‖ ―Hindi ako nagbublush! Napagod lang ako.‖ asus, defensive pa oh. Talaga lang ah. ―Pagod? Bakit naman?‖ ―Ang dami mong tanong! Kumain ka na nga dun!‖ Natawa naman ako lalo kasi ayaw niyang nakikita ko siyang nagbublush. Grabe, nakakatuwa siyang tignan. Parang rabbit na hindi makawala mula sa mga humahabol. ―Ikaw? Hindi ka kukuha?‖ ―Mamaya na ako.‖ ―Anong mamaya? Mamaya ubos na to. Favorite ko pa naman to, paano mo nalaman?‖ Mas lalo yata siyang namula. Teka, iniimbistigahan ba niya ako? ―Ikaw ah, nagtanong ka sa iba ano??‖ ―Asa,‖ Tapos nun eh naglakad na siya palabas. Asus, sasama rin pala, nagpakipot pa talaga. Lalakad na sana ako nun kung hindi lang siya tumigil. ―Nagkataon lang na…. …pareho tayo ng favorite.” Chapter 16

Nung Sunday eh pumunta kami sa bahay namin. Nagulat nga ako sa sarili ko kasi namiss ko rin yung Ate kong maarte at yung kapatid ko na sobrang adik sa gameboy. Sila kaya namiss ako?

―Ikaw?! Bakit ka namin mamimiss? Naging peaceful nga itong bahay nung wala ka eh.‖ natawa naman ako kasi expected kong sasabihin ni Ate Cass yun. ―Asus! Ay nako Ate Andy, pakipot lang yan si Ate Cass. Nung mga unang araw mo nga dun eh parating dumadaan sa bahay niyo. Para na nga siyang stalker eh.‖ aba, tignan mo nga naman, namiss pala talaga ako ni evil sister ko. ―Bakit ikaw Herc? Diba nung unang gabing wala si Andy eh umiyak ka at hindi ka pa makatulog?!‖ natouch naman ako. Inawat naman sila ni Mama pagtapos nun kasi nakakahiya daw kina Tita Kris at Tito Oliver. Ewan ko, ayos lang sa akin kasi naenjoy ko yung fact na namiss ako ng evil siblings ko. Hahah, ang sweet. ―Mag-iisang buwan narin pala kayong magkasama ano?‖ Tumango lang kami ni Kit, at syempre, as expected mula kay Kit, hindi siya gaanong nagsalita. Minsan tuloy napapaisip ako, kapag kasama kaya niya si Myka eh madaldal kaya siya? Hmmm, siguro…yan ang dapat bago kong alamin para mas maayos ko yung operation Match Making ko. Mwahahaha. ―Hoy, anong nginingisi ngisi mo diyan?‖ Bigla naman akong napatingin kay Kit, teka, ngumingisi na pala ako. ―Wala, bakit ba?‖ Naku po, mukhang nahahawa na ako sa kasungitan nito. ―Mukha ka kasing nababaliw.‖ ―Inggit ka lang.‖ Tumingin siya sa akin nun at nagtaas ng kilay. ―Bakit naman ako maiinggit sa pag ngisi mo?‖ ―Ewan, basta alam ko inggit ka lang. Hmf.‖ at yun, hindi ko na siya pinansin after nun. Alam ko naman kasing wala ng patutunguhan yung pag-uusapan namin eh saka mas may importante pa akong kelangan na gawin kesa sa pakikipagsungitan diyan kay Kit. For the rest of the day, wala na masyado pang nangyari maliban nalang dun sa pagpapakita ni mama kina Tita Kris at Tito Oliver ng baby pics namin. Grabe, bakit ba hobby ng parents na ipahiya ang kids nila with that stuff? Anyway, mga 8 na kami umuwi. Hindi naman problema para sa amin ni Kit yun kasi malapit lang yung bahay namin dun at syempre, preparation week lang

nitong week na darating. The next day maaga akong pumasok. Ewan ko, feel ko lang kasi na magmaaga na pumasok eh. Dumaan naman ako una sa art room at merong painting dun na bago. Hay, paano kaya nakakapaint ng walang nakakakita itong si Mr. Artist? Kakaiba yung painting ni Mr. Artist ngayon, yung facial expression nung babae eh sobrang seryoso. Parang sobrang concentrated sa ginagawa niya. Tinignan ko naman ng maige yung background tapos napansin na tumutugtog pala siya ng piano. Wow talaga. Umalis na ako after nun at syempre nag-iwan ng gamit sa locker, hindi ko naman kasi kekelanganin lahat ng yan this week eh. ―Hey stripes! Kamusta plano?‖ grabe naman itong si Omar! Nagmana yata kay Kit! Hmf! Nanggugulat na nga, nananawag pang stripes! The heck, why can‘t they forget about that?! ―Please wag mo akong tawaging Stripes?‖ Tumawa naman siya nun tapos tumango lang. ―Okay, I‘m sorry. So, kamusta nga yung plan?‖ ―Ayun, ayos naman. Nagkaroon sila ng matagal na time with each other. Ikaw ha! Iniwan mo ako! Anong klaseng business partner ka?!‖ at ayan na naman siya sa katatawa niya. Hmf, nakakainis na ah. ―Sorry talaga tungkol dun! May nakain lang talaga ako eh.‖ ew, nakakadiring isipin. ―Okay fine.‖ ―So anong next plan mo?‖ ―Next plan?‖ ―Ano ka ba Andy? It‘s the perfect opportunity! Wala masyadong lessons saka next week eh parang free week natin! So ano pang hinihintay mo?‖ Oo nga no, tama siya. Dapat nga magplot ako ng bagong plano. Hmm, alam ko na kung sino kelangan kong hingan ng ideas. Kakausapin ko nalang si Cheeky mamayang dismissal. ―Tutulungan mo parin naman ako diba?‖ ngumiti siya nun tapos umakbay sa akin. Aba, feeling close to ah.

―Syempre naman! I would do anything to make my best friends happy.‖ Wait, parang…iba ang dating nun sa akin ah. Para bang pinaparating niya na hindi masaya si Kit kapag sa akin siya mapupunta. Sa totoo lang, nakakainsulto yun pero alam kong hindi yun yung ibig sabihin ni Omar pero…hay ewan! Wag mo nalang isipin yan Andy at baka makasira pa yan sa plano mo! ―Omar?‖ Napatingin naman kami pareho kay Kit tapos parang yung expression niya eh hindi maipinta. ―Magkakilala kayo?‖ ―Ha? Ah…ehh…oo! Pareho kasi kaming varsity volleyball, diba Andy?‖ ―Oo! Tama.‖ Tumingin lang sa amin si Kit pero yung tingin niya eh parang kakaiba na hindi mo maintindihan. ―Ah sige, mauna na ako sa Gym Omar ah! Dalian mo baka pagalitan ka ni coach.‖ Umalis narin ako after nun pero bago ako tuluyang makaalis eh bigla kong narinig ang… ―Anong ibig sabihin nun Omar?‖ Ano na naman kayang problema niyang Kit na yan? Ganoon ba niya talaga ayaw sa akin na pati mga kaibigan niya ayaw niyang nakikihalubilo sa katulad ko? Nakakainis na siya ah! Pagdating ko naman sa Gym eh andoon na yung mga kasamahan namin at yung iba eh naghahanda na ng mga balloons na may paint sa loob. May iba rin naman na nasa designated place namin (sa Fields) para iayos yung setting namin. ―Andy, dun ka nalang sa Fields tumulong dahil kaya na nila ito.‖ Tumango naman ako at bumaba na papunta ng fields. Grabe, ang wide ng space talaga na gagamitin nain. Paano, sobrang laki rin naman kasi ng MPU eh. Pagdating ko eh tumulong naman ako kaagad sa pagseset up nung place. Marami rami rin kasi kaming gagamitin na props, alam niyo yun, para kasing pang battle style yung game eh at syempre kelangan mo ng mga pangharang and props. Ilang sandali lang din naman eh dumating na si Omar. Tinanong ko siya kung anong nangyari, malay niyo nagsuspetsa si Kit, pero sabi niya wag ko daw isipin yun at wala pang alam si Kit tungkol sa plano nila. Nagtuluy tuloy naman yung pagprepare namin nung buong maghapon. Grabe nga eh, sobrang napagod ako dun as in. Nung break time eh dumaan ako dun sa

place ng nagpreprepare para sa Halloween Play. Tinawag naman nila kaagad si Marla nung nakita ako tapos nun eh lumbas agad yung bruha. ―Tara, lunch tayo!‖ ―Naku sis, hindi ako pwede eh, busy kami sa pag-aayos ng set saka ng mga props. Sorry,‖ Ngumiti naman ako sa kanya at sinabi na wala yun sa akin. Kelangan naman kasi talaga yun eh. Pumunta naman ako sunod dun sa place ng mga kasama sa Alice in Wonderland group, halata mo kahit sa malayo na sobrang busy sila kasi takbo sila ng takbo. Kaya nga ba napag-isipan ko na siguro busy yung twins. Last stop ko yung varsity basketball. ―Ui tara, lunch tayo!‖ ―ahh, eh Pot, sorry ah, hindi kasi kami makakasabay. Marami kasing pinapagawa.‖ Tumango lang ako sa kanila at umalis na. Hay, sino naman kaya makakasama ko ngayong lunch?! ―Stri---este ANDY!‖ Lumingon ako at nakita ko sina Kit, Myka at Omar na palapit. Tama! ―Ui Omar, Myka…Kit.‖ ―May kasabay ka ba?‖ ―Ala nga eh. Umm, okay lang ba kung sumabay ako sa inyo?‖ ―Oo naman!‖ napangiti naman ako nun tapos tumingin kay Kit. Hindi ko maintindihan yung expression niya kung pumapayag ba o hindi. Hay nako… ―Umm, ay wag nalang pala! Uhh, err…kasabay ko pala yung…yung…umm…yung iba sa varsity!‖ Wow Andy, ang galing mong magsinungaling. Not. ―Huh? Eh lumabas yung mga kasama natin sa varsity eh? Wag mo sabihin naiwan ka?‖ Ugh! Naku naman…ano sasabihin ko nito? ―Kung ayaw niya sumabay sa atin Omar, wag mong pilitin.‖

Ngeks, ano ba yan. ―Umm, okay lang ba?‖ Kumunot yung noo niya at parang nagtaka na nagpapaalam ako sa kanya. ―May sinabi ba akong hindi?‖ Okay, good enough. Ngumiti naman ako kina Omar at Myka tapos sabay kaming nagpunta ng canteen. Bumili kami ng makakain at syempre, humanap ng table. Aba, parang ang tagal yata nung last akong kumain sa table dito ah…usually kasi sa tambayan stairs kami. ―Oo nga pala Myka, anong group yung sinalihan mo?‖ ―Sa Band-O-Rama Group ako kasali. Punta ka dun next week ha?‖ ―Oo ba. Punta ka rin sa amin.‖ Nagkangitian pa kami nun tapos nagkuwentuhan tungkol sa mga mangyayari next week. Hindi rin halatang excited kami eh no? ―Ikaw pala Kit, anong group nasalihan mo?‖ ―AH siya? Kasali siya sa Ali---‖ ―Bakit ikaw ang sumasagot? Ikaw ba yung tinanong niya?‖ Napansin kong napahiya si Myka dun kaya nainis naman ako. Binagsak ko yung kamay ko sa table tapos tumayo. May mga tumingin pa nga sa amin nun eh pero hindi ko sila pinansin. ―Bakit ba ang sungit sungit mo kay Myka ah?!‖ Tumingin siya sa akin ng diretso tapos nagtaas ng kilay. Tumayo rin siya at nagtitigan kami ng matagal. ―Wala ka nang pakielam dun.‖ Nakakaasar talaga siya. Akala mo kung sino, porket SC president lang siya. ―Okay lang yun Andy.‖ Ayan naman ang nakakainis eh. Hinahayaan lang nila si Kit na gawin yung gusto niya. Hay nako, kelangan nitong lalaking ito eh taga disiplina sa kanya eh. Hmf! Huminahon naman ako nun tapos umupo ulit. Ganoon rin naman si Kit pero hindi kami nagpansinan. Bahala siya sa buhay niya. Pasalamat nga siya at may gusto sa kanya si Myka eh.

Pagtapos namin kumain eh naglakad lakad muna kami. Si Omar nga eh ang kulit, patawa kasi ng patawa. Halos sumakit nga yung tiyan ko kakatawa eh. Grabe, ewan ko ba dito kay Kit, masaya naman kasama yung barkada niya tapos siya eh parang si Grinch nung ayaw pa niya sa Christmas. ―Uy, kelangan na natin bumalik Omar, tara.‖ Aalis na sana kami nun kaso napansin kong may plano pa yatang sumunod itong si Kit. Hinila ko naman siya sa gilid tapos nakakunot pa noo niya nung nakita ko siya. ―Ano sa tingin mo ginagawa mo?‖ ―Ano na naman nagawa ko?‖ halatang naiirita siya kapag tinatama ko siya o pinapansin ko yung mga mali niya. ―Bakit hindi mo ihatid si Myka sa group niya?‖ ―Bakit ko naman gagawin yun?‖ ―Cause it‘s the right thing to do? Hello?!‖ ―Well hi to you too.‖ tinignan ko siya ng masama tapos nun eh tumango siya. ―Fine. Bakit mo ba ako pinagdidikitan sa kanya?‖ Natigilan naman ako nun. Naku, hindi niya pwedeng malaman na pinagtutulakan ko siya kay Myka. Think Andy, think! ―Hindi sa pinagtutulakan kita kay Myka…‖ Ni-roll niya yung eyes niya tapos tumingin sa akin ng seryoso. ―It‘s more of… ...I‟m pushing you away from me.‖ Chapter 17

Halata mo sa mukha niya na gulat siya dun sa sinabi ko sa kanya. ―I mean…dikit ka kasi ng dikit. Hindi ko tuloy masolo si…er…si Omar.‖

AT mas lalong nagulat siya dun sa sinabi ko. Whoa, galing mo talagang magsinungaling Andy! ―May gusto ka kay Omar?‖ ―Oo, bakit may problema ba?‖ ―Wala.‖ At nagsimula na siya nun maglakad papunta kay Myka, pero nung kalagitnaan eh tumigil siya. ―Mag-ingat ka.‖ At pagtapos nun eh umalis na siya. Teka nga, mag-ingat? Kanino? Kay Omar? Anong ibig niyang sabihin nun? Hay, ang gulo niya talaga! Kit Tasello Fact # 12, he‘s so mysterious. Hindi ko na masyadong pinansin yun at pumunta nalang kay Omar. ―Anong sinabi mo dun at hinatid niya si Myka?‖ ―Wala, sabi ko may gusto ako sa iyo at gusto kong masolo ka.‖ nagkangitian kami tapos nag high five. Pagtapos nun eh bumalik na kami sa group namin at syempre, tumulong na ulit. Ganun yung mga ginawa namin araw araw for the rest of the week. By Wednesday eh natapos rin yung group namin kaya pinayagan kami ng teacher namin na maging free days namin ang remaining two days. Yun nga lang, kelangan namin pumasok at syempre, bawal makigulo sa ibang groups. Wow, some free day no? Okay lang naman sa akin yung ganun kasi nagkaroon kami ni Omar ng time para magplano para sa Kit-Myka match making. Parati nga kaming magkasama nung mga oras na yun kaya nga ba inaasar na kami ng mga kavarsity namin. Pero syempre, sinasabi namin na friends kami kasi yun naman yung totoo. ―Hmm, saan ba natin pwedeng simulan ito?‖ ―Oo nga eh, for sure pa na next week baka ma-assign tayo na taga bantay sa booth natin.‖ ―Alam ko na! Kung gusto mo, sa first day eh mag-volunteer na tayo kay Coach Vicedo para for the rest of the week eh free na tayo. Ano sa tingin mo?‖ Tama siya, para at least marami kaming oras para dun plano namin. Ngumiti

naman ako sa kanya tapos tumango. ―Hoy ANDY!‖ Lumigon ako dun sa tumawag sa akin tapos napangiti. Aba, mukhang kumpleto barkada ah. ―Hoy ikaw! Nawala lang kami ng ilang araw eh nakahanap ka na ng ibang kaberks! I‘m disappointed in you Andy!‖ ano na naman kayang drama nitong losyang na to? ―Sira ka Cheeky. Nga pala, siya si Omar, kasama ko sa Varsity.‖ Nakipagkamay naman sila, nakipagkilala, alam niyo yun? Yung normal things na ginagawa niyo kapag nakikipagkilala. ―Pot, napaaga yata lunch niyo?‖ ―Actually, kahapon pa kasi natapos ng group namin yung booth kaya yung ngayon saka bukas eh free day namin.‖ ―Wow, ang swerte niyo naman.‖ ―Kayo pala? Musta na yung mga ginagawa niyo?‖ ―Well, yung play namin eh siguro matatapos na yung mga props by Friday tapos yung acting…well, by Saturday siguro polished na siya.‖ Nakita ko naman na parang nalungkot si Stephen. Hay, if I know plano niya sana na yayain lumabas itong si Marla. ―Sa inyo Vince?‖ ―Ayos naman yung booth namin‖ Teka nga pala, hindi ko pala natanong sa kanila kung anong booth nila no? ―Ano pala yung booth niyo?‖ Ngumiti sila pareho at tumango sa isa‘t isa. ―Kissing Booth‖ Whoa, kaya pala abot tenga mga ngiti nito ah. ―Marla, payag ka nun, may ibang girlaloo na makakanakaw halik sa papi mo?‖ Namula naman nun si Marla tapos si Stephen eh napangiti. ―Bakit naman hindi? I mean…it‘s just…for the sake of the activity…right?‖

At this time, turn naman ni Stephen na mamula. Ay naku, ang cute talaga nilang dalawa. Halata naman na gusto nila yung isa‘t isa, deny pa sila ng deny. As if naman na hindi namin napapansin eh. Matapos nun eh bumalik narin sina Cheeky sa mga booths nila at kami na naman ni Omar ang naiwan. ―Saya naman kasama ng kabarkada mo.‖ ―Heheh, andiyan kasi si Cheeky eh, siya ang clown ng barkada namin.‖ ―Heheh, pansin ko nga eh.‖ At yun, nagtuloy na kami sa pagplano hanggang sa magbell na ng dismissal. Bago naman ako umuwi eh dumaan ulit ako sa art room para tumingin kung nagpaint ba ng bago si Mr. Artist. Pagpasok ko eh hindi na ako nagulat ng nakita ko ulit yung babaeng madalas nasa painting ni Mr. Artist. Nakasunday dress yung babae tapos nakangiti siya. Napangiti naman ako kasi parang ang unique ng ngiti niya. Parang…nakakapagpagaan ng pakiramdam. Ilang sandali lang rin eh umalis na ako dun at syempre, umuwi na. Pagdating ko sa bahay eh umakyat kaagad ako sa taas para magpalit. Papasok na sana ako ng kwarto ko nung mapansin kong bukas yung pinto ng kwarto ni Kit pero patay yung ilaw. Teka, wala pa siya? ―Manang? Umuwi na po ba si Kit?‖ ―Eh, Hija, hindi pa. Hindi ba kayo nagsabay?‖ That‘s odd. Oh well, siguro may pinuntahan pa siya. Pumasok naman na ako nun sa kwarto ko tapos nagbukas na ng computer. Syempre, ginawa ko na yung mga normal kong ginagawa kapag nag-iinternet, punta sa mga sites at symepre, ym. cuteboi: ei! cuteboi: long tym no chat cuteboi: msta na? Natawa na naman ako sa sunud sunod niyang pagmessage sa akin. Grabe, nakakarindi nga sa tenga eh. sassygirl: hehe aus nmn kaw? cuteboi: gnun dn.

cuteboi: stah araw m? sassygirl: heto, may pgkaborng pro pde nrin cuteboi: ah, aq rin eh. mjo boring. La kxe gnagwa sa skul Hmmm, sabihin kaya niya sa akin yung school niya kapag tinanong ko siya? sassygirl: may tnong aq seo cuteboi: anu un? sassygirl: san ka aral? cuteboi: hmm, hrap sagutin ng tnong m ah. sassygirl: nyay cuteboi: can‟t tell u now. Mybe sum other tym, k lng ba? Hay, sayang naman. Pero malaki ang kutob ko na taga MPU rin tong si mr. Cuteboi. Ewan ko kung bakit pero yun yung nararamdaman ko eh. Matagal tagal rin naman kami nag-usap. Syempre dahil matagal rin namin di nakachat ang isa‘t isa so, parang nagtanungan lang ng mga latest news about one another. Gabi narin nun nung magpaalam na kami sa isa‘t isa. Lumabas naman ako ng kwarto nun kasi nakaramdam ako ng gutom. Pagbaba ko eh 2 plates pa yung nakataob, teka hindi parin ba dumarating yung Kit na yun? ―Manang, wala parin po si Kit?‖ Bigla naman lumabas si Manang mula dun sa kwarto niya tapos umiling lang. ―Ah, eh hija wala parin eh. Hindi ko pa naririnig yung gate na bumukas ulit magmula nung dumating ka.‖ Ang weird naman. Saan naman kaya nagpunta yung lalaking yun. Impossible naman na nasa school pa iyon eh anong oras na? Mag aalas-10 n ng gabi! For sure nagsasara na yung school ngayon. Hmm, ano kayang meron? *RIIIIIIIING* *RIIIIING* Lumapit naman ako sa telepono tapos sinagot ko na. ―Hello?‖ “Umm, hello ito ba si Andy?” ―Ito nga, sino sila?‖ “Andy si Myka to.” ―Oh Myka, napatawag ka?‖ ―Tatanong ko lang sana kung nakauwi na si Kit diyan?‖

―Ha? Hindi pa nga eh. Alam mo ba kung saan siya?‖ ―Umm…kasama ko kasi siya kanina nung uwian..pero umalis na siya. Hinanap ko naman siya pero di ko siya makita. Akala ko umuwi na..hindi pa pala…‖ Teka, si Kit? Nawawala? Sa laki niyang iyon mawawala pa siya? Naku naman, iilang steps nga lang pagitan ng school at ng bahay namin eh mawawala pa siya. Hay, teka…magkasama sila ni Myka kanina, naks, ibang level na ito ah. ―Natanong mo na ba si Omar?‖ ―Oo pero wala daw sa kanila eh. Tumawag rin naman ako sa bahay nila Tita Kris pero wala daw siya doon.‖ Napansin ko naman yung lungkot sa boses ni Myka tapos napasimangot lang ako. Nakakainis naman kasi yung Kit na iyon eh, kung kumilos akala mo walang magaalala sa kanya. Hindi man lang niya inisip yung mga taong may paki sa kanya, gaya nalang ni Myka. ―Hanapin natin siya Myka.‖ ―Sige.‖ Nakapagdesisyon naman kami na Magkita nalang sa harap ng school matapos naming ibaba yung phone. Bumalik ako sa taas at syempre kinuha yung wallet ko at phone ko tapos nagjacket narin, baka kasi malamig sa labas eh. Bago naman ako bumaba eh chineck ko yung kwarto ni Kit, baka kasi andoon siya hindi ko man lang alam. Pero pagtingin ko eh wala siya dun kaya bumaba na ako. Nagpaalam naman ako kaagad kay manang na hahanapin ko lang si Kit tapos nun eh lumarga na ako at pumunta sa tapat ng school. Nagulat pa nga ako kasi mas nauna si Myka sa akin dun eh. Halata mo na nag-aalala talaga siya. ―Andy!‖ Tumakbo ako palapit sa kanya tapos kinomfort siya, umiiyak kasi siya eh. Hay, Kit kapag nakita talaga kita babatukan kita ng sobrang lakas. ―Tara. Saan sa tingin mo siya unang pupunta?‖ Pumara kami ng tricycle tapos nun eh may sinabing place si Myka tapos nun eh nagdrive na si manong trike driver papunta sa sinabi niya. Nagulat nga ako kasi sa may sementeryo siya pumunta eh. ―Sementeryo?‖

―Hindi ko pwedeng sabihin Andy kasi alam kong magagalit si Kit, hayaan nalang natin na siya kusang magsabi nito kapag nakita na natin siya.‖ Naintindihan ko naman siya tapos nun eh inikot na namin yun. Grabe ang lamig nga nung mga oras na yun kaya tumaas balahibo ko, pero hindi naman ako takot sa multo, hindi ko pa naman kasi naeexperience makakita kaya hindi ako takot. Pero si Myka… ―Sure ka Andy okay lang na kumapit ako?‖ Ayun, sobrang higpit ng kapit niya sa akin na parang kapag bumitaw siya eh lalamunin siya ng lupa. ―Ayos lang.‖ Umalis narin kami nun nung hindi namin nakita si Kit. May ilang places pa kaming pinuntahan tulad ng Simbahan, Isang park, at parang isang building na hindi ko naman alam kung anong meron kasi hindi kami pinapasok ng guard. Mga 11:30 na siguro nung nagpasya kaming bumalik nalang sa school. Saka ko naman naalala yung art room. ―I think I know kung saan siya ngayon.‖ Hinila ko si Myka papuntang school. Swerte nga namin at tulog yung guard na nagbabantay sa gate eh kung di, hindi siguro kami makakapasok. Dahan dahan naman kaming umakyat hanggang 2nd floor, syempre nag-ingat narin kami na baka mahuli ng guard na nagra-rounds. Pagdating namin sa 2nd floor eh agad namang tumakbo si Myka papuntang art room. Pagbukas ng pinto eh hindi na namin kinagulat na bukas yung ilaw at may isang Kit Tasello na nakaupo at nakaharap sa isang malaking painting ng babae. ―KIT!‖ Napalingon naman sa amin si Kit at nagtaas pa ng kilay. Aba, masasapok ko talaga tong lalaking ito. Tumakbo si Myka papalapit sa kanya tapos yumakap. Halata mo namang halong gulat at pagtataka yung expression ni Kit sa mukha. ―Akala ko kung ano na nangyari sa iyo.‖Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Hay, ang cute talaga nilang tignan. Bagay na bagay sila. Napansin ko naman na napatingin sa akin si Kit. Siguro nagtataka siya kung bakit ako nandoon. Oo nga no? Bakit nga ba? Papaalis na ako nun nung… ―Andy.‖ Lumingon ako sa kanya tapos nakitang hindi na nakayakap sa kanya si Myka.

Lumapit siya sa akin tapos tumigil nung mga ilang inches nalang ang pagitan namin. Napatingin naman ako sa kanya ng diretso at tinaasan ko siya ng kilay. Ano kaya kelangan nito ngayon? ―Ano…‖ ―Ano?‖ ―Anong…‖ ―Anong?‖ Huminga siya ng malalim at pumikit sandali tapos tumingin sa akin. Nag-iba yung expression niya sa mukha tapos… ―Anong pumasok diyan sa kokote mo at lumabas kayong dalawa lang ni Myka sa ganitong oras?!

Chapter 18

Sunday ngayon, October 21. This coming week na pala yung Halloween Festival ng School namin, for sure busy week na iyon kaya ako eh sinusulit ko na yung pahinga ko dito sa bahay. ―Hija, tawagin mo na si Kit at ng makakain na kayong dalawa‖ ―Hay, manang, kayo nalang po ang tumawag kasi for sure naman eh susungitan lang ako nun.‖ Napasimangot naman sa akin si Manang. ―Hindi parin ba kayo nagbabati?‖ Tumango lang ako sa kanya. Oo, magmula nung matapos namin siyang mahanap ni Myka eh hindi na kami nag-usap ni Kit. Papaano ba naman, ako daw ba ang sisihin dun sa paghahanap namin. Hay nako, bahala siya sa buhay niya. Kung akala niya ako unang magsosorry, well nagkakamali siya dahil wala akong kasalanan. Umalis naman si Manang dun sa harap ko at umakyat na sa kwarto ni Kit para tawagin siya. Nakaglue kasi yung mata ko ngayon sa tv at heto ako,

pinagtiyatiyagaan yung palabas sa Cinema one, hindi ko nga maintindihan yung palabas eh pero wala naman akong ibang magawa. Ilang sandali lang eh bumaba narin si manang kasama si Mr. SC president. Hindi kami nagpansinan kasi halata mo naman na pareho kaming mapride at ayaw mag sorry sa isa‘t isa. Nung nakalampas na siya sa akin eh saka naman ako tumayo at pumunta sa may table. Tahimik kaming kumain non at mapapansin mo ang tension sa pagitan naming dalawa. Nabingi nga ako sobra sa katahimikan na muntikan ko siyang kausapin. Kaya naman tuwang tuwa ako nung biglang nagring yung phone bago ko pa man gawin yun. ―Hello?‖ ―Ei Pot,‖ ―Oh Vince, napatawag ka?‖ ―Wala lang naman.‖ ―Ashu, ang sabihin mo, namiss mo ako no?‖ Tumawa lang siya nun tapos umamin rin. ―Wag ka dadaan sa booth namin ah.‖ Aba, baliktad pa yata yung hinihiling niya. Diba dapat sinasabi niya na dumaan ako sa kanila? ―Bakit naman wag?‖ ―Ah…ehh….ano kasi…eh…‖ ―Ano?‖ ―Ikaw ba gusto mo mahalikan?‖ Ew, oo nga pala. Kissing booth nga pala yung kanila. ―Oo nga pala, muntik ko na makalimutan.‖ Natawa naman siya nun tapos ayun, nagsimula na magsabi ng mga kung anu-ano. Tatagal pa nga sana yung usapan namin kung hindi lang nag ―EHEM!‖ ng malakas yung Kit na yun. Oo nga pala, kumakain pa pala ako. ―Ei Vince sige, una na ako, kakain pa ako eh.‖

―Ow, oh sige Pot. Bon Appétit‖ Binaba ko naman na yung phone at bumalik sa table para kumain. Napatingin ako saglit sa plato ni Kit, teka…hinintay niya ako? Whoa. Tahimik lang kami kumain ulit nun hanggang sa matapos na kami. Mas nauna pa nga ako kasi ang hinihin kumain ni Kit, daig pa ang babae. Tumawag naman si mama maya maya lang. Sabi niya eh pupunta daw sila rito pati raw sina Tita Kris para daw sabay sabay kaming magsimba. Naligo narin naman na ako nun tapos nagbihis na ng pang simba ko. Simple jeans at shirt lang saka sneakers yung suot ko. Paglabas ko eh nakita ko rin si Kit na lumabas. Nasabihan rin pala siya nina Tita Kris. Nagkatinginan kami ng sandali tapos bumaba na ako. Wala akong planong makipagbati ng una kung yun yung iniisip niya. Ilang sandali lang dumating narin sina Mama at yung parents ni Kit. Nag kiss kami siyempre tapos ayun, umalis na kami ng bahay at diresto simbahan na.

***** “…the sign of peace” Hala, eto na yung source ng kaba ko magmula pa nung nasa bahay kami. Kumiss naman ako kina mama, papa, ate Cass, Herc at syempre dun sa parents ni Kit at kay Ate Karla. Nagulat nga ako nung parang nakatingin lang sa akin si Kit nun nung tapos na akong kumiss sa iba. Ewan ko ba, parang kinilig pa nga yata yung parents namin nung nakita nila kaming ―nagkakahiyaan‖ pa daw. Hay, if only they knew na hindi kami nagkakahiyaan kung di nagkakailangan kami. Wait, what‘s the diff? ―Hindi ako magsosorry kung yun ang iniisip mo.‖ Sabi niya sa akin ng mahina. Aba, akala niya siya lang? ―Mas lalong di ako magsosorry, wala naman akong kasalanan eh.‖ At ang kinagulat ko nun eh, ngumiti siya. As in! N-G-I-T-I! Whoa, nanlaki nga yung mata ko nung nakita kong ginawa niya yun eh. AS in, tignan niyo yun? Si Krisantimo Ivann Tasello, nginitian ako matapos ko siyang tarayan?! Can he get any weirder? Lumapit naman ako sa kanya para matapos na yung peace be with you.

―Peace be with you‖ at ayun, beso at layo kaagad sa isa‘t isa. Pagtapos naman ng misa eh dumiretso kami sa mall kasi sabi nung parents ni Kit na since family day naman daw eh bakit hindi daw namin I-spend namin yung kasama sila, you since we‘re a family and everything. Hay. Dun naman kami sa isang Japanese restaurant kumain. Buffet nga siya eh, naku sasaya na naman tiyan ko nito. Marami rami akong nakain nun tapos solve na solve nung pauwi na kami. Nasabihan pa nga ako ni Ate Cass na baka daw sumakit yung tiyan ko pero syempre sabi ko sa kanya, “Ako? Sasakit tiyan? Matibay yata to no!” Pagdating sa bahay eh bagsak yung katawan ko sa sofa.Ewan ko, ang bigat kasi ng tiyan ko eh, mukhang naparami yata nga talaga yung kain ko ng sushi at sashimi. *KUROKUROKURO* ―Oww….‖ Aray! Ang sakit naman ng tiyan ko. Naku po, I hate to say this pero…mukhang tama nga si Ate Cass! Nagulat sa akin si Manang nung magtatatakbo ako nun paakyat at pumasok sa pinakamalapit na CR. Grabe, sobrang sakit talaga ng tiyan ko. ―Hoy anong problema mo? Kung makatakbo ka akala mo may stampede.‖ ―Wag ka magulo---OWWW!‖ ―Hoy! Anong nangyayari sa iyo?‖ May narinig akong boses sa labas pero hindi ko naintindihan yung pinaguusapan nila. Grabe, sobrang sakit talaga as in! parang binubutas yung tiyan ko tapos pinipilipit. Waaa…ang sakit. ―Ayan kasi! Ang takaw mo! Kung makakain ka kanina akala mo wala ng bukas.‖ Hmf! Tama raw bang sermonan ako?! ito na nga ako‘t nagdudusa eh sasamahan pa niya ng panenermon. ―Bilhan mo ko ng gamot Kit!!!!‖ Hindi ko naman siya narinig na sumagot. Siguro nga bumili siya ng gamot. Ilang

sandali lang eh kumatok si manang at parang may binigay na kung anong tea sa akin. Makakatulong daw yun. Grabe ang sakit talaga. ―Manang wala pa po ba si KIT?!‖ ―Naku hija, mukhang natraffic pa yata sila eh.‖ ―Naku naman! Ang sakit talaga!!‖ *Beep Beep!* FINALLY! After 100 years dumating rin sila!

*****

Hay grabe, after 1 hour eh huminahon din yung monster sa tiyan ko. Grabe ang sakit talaga nun. ―Sa susunod kasi wag kang kakain ng sobra sobra!‖ at ayan, 1 hour narin nagsesermon yang lokong yan. Kung di lang ako nanghina eh kanina ko pa nabatukan yang mokong na iyan eh. ―Pwede ba, wag mo na akong sermonan. Hindi pa ba sapat yung sobrang pagdudusa ko kanina?‖ Natigilan naman siya nun at tumingin sa akin na parang tinubuan ako ng isa pang ulo. Pagtapos nun eh bigla siyan tumawa. Oo, si Kit Tasello na sobrang sungit eh tinawanan ako bigla. ―Kung nakita mo sana yung mukha mo kanina, para kang nanganganak.‖ ―Hmf, ano naman alam mo sa mukha ng nanganganak?‖ ―Malamang, sa Health, may pinapanood sa amin dati yung teacher.‖ Tumigin lang ako sa kanya ng masama tapos pumikit. Grabe talaga; that was one hell of an experience! Naramdaman ko namang may biglang malamig sa may mukha ko kaya napadilat ako. Nakita kong may hawak na face towel si Kit tapos pinupunas niya yun sa mukha ko. Teka nga…siya ba talaga yang nasa harap ko? Tumayo siya after nun tapos binuksan yung aircon. Wow ang sarap…

―Matulog ka na kung gusto mo makapasok bukas. Pag nakita kitang tumayo diyan at lumabas ng kwarto mo eh lagot ka sa akin.‖ At pagtapos nun eh lumabas na siya ng kwarto. Wow, he‘s one weird guy, that‘s for sure. Biruin niyo, he managed to threat me and look so concerned all in one sentence. Wow…

Kit Tasello Fact # 13, he really is different. Chapter 19

Nakapagpahinga ako ng maayos nun at syempre hindi ko na sinuway si Mr. SC President. Kaya nga ba nakapasok na ako ngayon eh. Syempre ayoko yatang mamiss ang first day ng Halloween Festival namin no! Kung nakikita niyo lang sana, grabe sobrang bongga nung school namin ngayon. Ang daming designs saka mga booths sa tabi tabi! Tapos yung food street sobrang daming food! Well since natuto na ako sa nangyari kahapon, hindi muna ako masyado kumain, syempre nakakahiya kung sa school pa mangyari sa akin yun diba? Gaya ng napagplanuhan namin ni Omar, kinausap namin si Coach Vicedo at nagvolunteer para sa pagbabantay sa booth ngayon. Pareho nga kaming naassign ni Omar na taga ligpit sa mga mapapag-iwanan ng mga customer eh. Nung umaga eh nagkaroon muna ng parang parade sa labas ng school namin. May mga assigned kasi sa elementary na magdress up ng costume tapos magkakaroon ng contest para sa best in costume. Natawa pa nga ako nun makita ko si Herc na nakapang Hercules eh. Hindi ko na siya inasar pa kasi alam ko naman na hiyang hiya na siya sa ginagawa niya. After naman ng parade eh official na in-open ng may-ari ng school yung Festival Kaya kaming nasa high school department eh punta kaagad sa aming mga booths. ―Hoy Andy! Andito kami ah! Baka sabihin mo di namin support itong booth mo!‖ ngumiti lang naman ako kina Cheeky. For sure naman maeenjoy nila yan. Nung nareach na namin yung maximum number of players eh sinara na namin yung gate tapos nagsimula na yung game. Tuwang tuwa nga ako sa kakapanood sa kanila eh. Si Cheeky grabe, feeling ko wala pang Wednesday eh ubos na yung boses. Paano, kung makatili eh parang wala ng bukas. *SPLAT!*

―UGH! VINCEEEEEEEEEE!!!!‖ tama bang pati staff the booth eh isama?! Pagtingin ko sa mga kabarkada ko eh lahat sila nakaready na ibato sa akin yung paintball, ano pa bang magagawa ko? Eh di ayun! Nagtatakbo ako! Pambihira yan! Maglilinis na nga ako mamaya eh papagurin pa ako ngayon! Hmf! Tuwang tuwa yung unang batch na nagtry. May mga umulit pa nga eh kaya masaya rin kami. Binibigyan kasi ng prize ang best booth/activity tuwing last day ng Halloween Festival namin. Hindi naman ako umaasa na sa amin yun kasi for sure na makukuha yun ng either Haunted Hause, Halloween Play o kaya yung Alice in Wonderland. Pero syempre, nakakatuwa narin isipin na maraming nasisiyahan sa booth namin. Okay na yun para sa akin. Nung lunch time eh sabay kami ni Omar na pumunta sa food street. Bibili lang kasi kami tapos kelangan na ulit bumalik. ―Andy tignan mo oh!‖ sabay turo dun sa kabilang side ng food street. Aba, sina Myka at Kit yun ah! Hmm! Ayos to! Kahit na hindi pa kami gumagawa ng step para sa match making eh may progress na kaagad! Nice! ―Eh parang hindi naman yata tayo kelangan eh.‖ sabi ko ng pabiro kay Omar tapos siya eh natawa lang rin. Pagtapos naming bumili ng pagkain eh bumalik na ulit kami sa booth namin. Sobrang busy ng booth namin hanggang hapon. Akala ko nga hindi na mauubos yung tao eh. Buti nalang by 5:30 eh nagsiuwian na yung mga tao. Dapat lang no! Ano yan, 24 hours ang booth namin? Naku, asa pa. Nakauwi na ako nun ng mga 6:30 kasi naglinis pa kami ni Omar. Hay, buti nalang bukas eh libre na ako! Good luck nalang sa mga ka-varsity ko na turn bukas. Mwahahaha! Bagsak ako sa sofa namin nung dumating ako. Grabe, ang sakit ng likod ko. ―Home Sweet Home.‖ ―Bakit mukha ka yatang sinagasaan ng limang elepante?‖ Minulat ko yung mata ko tapos nakita ko si Kit na sobrang lapit sa akin. Hindi ko na nakayanan na masyadong magreact kasi sobrang pagod ko talaga. Feeling ko tuloy anytime eh makakatulog ako. ―Ang lapit mo naman…usog nga ng konti…‖ sabi ko sa kanya tapos nilagay ko yung kamay ko sa may dibdib niya at tinulak siya ng mahina.

―Bakit? Feeling mo pagtatangkaan kita?‖ hay, Kit, wala na akong energy para makipagtalo pa sa iyo. ―Yeah…sure…‖ Nakapikit pa ako nung mga oras na yun ng maramdaman ko na umalis siya sa harapan ko. Hay finally, nagsawa rin siya sa panggugulo. ―Anong..?‖ naramdaman ko yung daliri niya sa may temples ko tapos nalaman ko nalang na minamasahe pala niya ako. ―Bawal ba pagsilbihan ang future wife ko?‖ ―Huh? Yeah…whatever.‖ narinig ko siyang tumawa. Heck, lalo akong inaantok sa ginagawa niya eh. ―Pagod na pagod ka ah…‖ ―Yeah…‖ ―Pero enjoy mo naman kasi maghapon mong kasama si Omar.‖ hindi siya nagtatanong nung sabihin niya yun. More of, inaaccuse niya ako. ―Hmmm…yeah…‖ grabe…inaantok na talaga ako. konti nalang bibigay na itong mata ko. ―Pero syempre mas enjoy mo kung kasama ako…‖ ―Hmmm…sure…‖ ―Di hamak naman kasi na mas may hitsura ako kesa kay Omar diba?‖ ―Yeah…sure…‖ Grabe, nakakaantok itong masahe ni Kit. *Yawn* ―Kaya nga ba in love na in love ka na sa akin diba?‖ ―Hmmm…ye—ano?‖ Napadilat naman ako bigla. Teka, ano nga ulit pinagsasabi nitong Kit na ito? ―Wala, sabi ko nangangamoy ka na. Maligo ka nga.‖ at pagtapos nun eh tumayo na siya at umalis. Teka, ako nangangamoy?! Asa! Kahit na marami akong ginawa o naarawan mabango parin ako no! ―Ang Kapal mo!‖

The next day maaga ako nagising at sobrang recharged ko. Feeling ko nga nakatulong yung pagmasahe sa akin ni Kit eh pero syempre, hindi ko I-aadmit sa kanya yun. Naku, baka lumaki ulo niya no. ―Good Morning!‖ bati ko sa kabababa palang na si Kit. Halata mo sa mukha niya na nagising na naman siya sa maling side ng kama. Nakakunot yung noo niya tapos yung mata niya eh halatang naiinis. ―Ang aga aga tapos ang ingay mo.‖ ―Ano ka ba naman Kit! Ang ganda ng umaga tapos magsusungit ka diyan.‖ natawa naman ako nun pero siya eh ganoon parin. Hinayaan ko nalang siya tapos nun eh kumain na kami. Mga bandang 7 na nung nakaalis kami ng bahay. Ayos lang naman kasi walang late ngayong week na to. Pwede nga eh 10 kami pumasok pero syempre, hindi ko ginawa yun dahil may mission pa ako. Pagdating ko naman sa school eh marami narin yung tao. Aba, hindi lang pala ako ang maganda ang gising ngayon ah. Grabe, kahit 7 pa lang ng umaga eh ang tataas na kaagad ng energy ng mga tao. ―GOOOOOOD MORNING!!‖ ―Good morning din sa iyo Omar. Aba, mukhang ang ganda yata ng gising mo ah?‖ ―Syempre naman! Nagpahinga yata ako ng maaga para magkaroon ng energy para sa araw na ito no!!‖ sabi na eh, hindi lang ako yung naghanda para sa malaking mission namin ngayong araw na ito. ―Okay!‖ tinaas ko yung kamay ko tapos sinarado ko at nagparang action ng ―aja‖ at ngumiti kay Omar. ―Kaya natin to!‖ Let the fun begin! *****

Mag-iilang oras ko narin siguro sinusundan si Myka. Plano kasi namin ni Omar na pagtagpuin ng landas yung dalawa eh, para naman hindi mukhang set-up lang siya diba? Pero nakakainis rin kasi ang tagal na eh wala paring progress. Nilabas ko yung phone ko nun tapos nagdial ng number. ―Hello Omar? Asan ka?‖

―Andito ako sa may Alice in Wonderland Maze nila Kit. Bakit?‖ ―Niyak! EH kaya pala hindi magkita ang dalawa eh. Si Myka kasi paikot ikot. Si Kit, anong meron sa kanya ngayon?‖ ―Mukhang malabo nga. Nakastation kasi si Kit dito eh. Mukhang mamaya pa siya matatapos.‖ ―Okay, dadalhin ko diyan si Myka.‖ Binaba ko naman na yung phone tapos lumapit ako kay Myka. Syempre, kunwari nagkabungguan lang kami. ―Oh? Myka! Ikaw pala yan.‖ Lumingon naman siya sa akin at ngumiti rin. ―Oh Andy! Anong ginagawa mo rito?‖ ―Wala naman. Nag-iikot ikot lang. Ikaw?‖ ―Ganoon rin. Gusto mo sama tayong mag-ikot?‖ ―Sure! Naku, kanina pa kasi ako naghahanap ng kasama eh. Tara, punta tayo sa Alice in Wonderland Maze. Balita ko maganda roon.‖ hinatak ko naman siya papunta dun sa place nila Kit. Sa kanila kasi na-assign ang buong gym. Yung activity kasi nila ang pinakanangangailangan ng malaking space eh. ―Teka Andy, yung kamay ko.‖ binagalan ko naman yung paglalakad ko tapos nagsorry ako sa kanya. Okay, buti naman at hindi siya nagrefuse na samahan ako. Well, kahit naman sabihin niyang ayaw niya eh hihilahin ko parin siya. Mwahahaha. Pagdating namin dun eh nakita ko kaagad si Omar kaya nagsenyas ako sa kanya. Tumango naman siya at hinanap niya si Kit. Hinatak ko naman si Myka nun papunta sa may ticket booth at bumili kami ng tickets namin. Papasok na sana kaming magkasama kaya lang… ―Ops teka lang. Isa isa lang ang pwede pumasok.‖ ―ANO!?! Hindi pwede yan! Ano bang klaseng rule yan?!‖ ―Yun ang rule namin at walang exceptions yun.‖ ―Pero…pero! Diba the customer is always right?!‖ ―Ano ka ba naman Miss? Simple lang naman yung rule na iyon eh. Para naman hindi kayo magkikita niyang kasama mo.‖

―Kahit na! Dapat magkasama kami! Ano ba namang rule iyan!!‖ ―Sorry ka yun ang rule namin eh. So ano? Papasok ka ba o hindi?! Maraming nakapila oh!‖ aba, ang mainitin naman ng ulo nitong lalaking to! Hmf! ―Sige Andy, mauna ka na. Kita nalang tayo sa exit?‖ Wala na akong magagawa kasi mukhang hindi ko na mapipilit yung lalaking iyon. Hmf. Nagwave nalang ako kay Myka tapos pumasok na ako sa door nila. ―Welcome to Alice in Wonderland. Kelangan mo pong isuot itong costume na ito muna tapos you can go inside na.‖ Aba, at may mga costume pa silang nalalaman ah? Tinignan ko naman yung damit. Whoa! Costume siya talaga dun sa Alice in Wonderland! Grabe, ang astig naman niyan. Pumunta ako dun sa parang dressing room nila tapos sinuot na yung costume. Yung damit ko kanina eh nilagay ko nalang dun sa body bag na dala ko. Paglabas ko eh nakangiti sa akin yung babaeng gumreet sa akin tapos binuksan niya yung isa pang pinto at pumasok na ako.Ang dilim sa loob once nakasara na yung pintuan. Hindi ako makalakad nun kasi syempre diba, baka kung matalisod pa ako at kung sino pang member nila dito ang makakita. Hay…ang tagal naman. Kakatok na sana ako ulit sa pintuan para sabihin may problema yata sa maze nila ng biglang bumukas yung ilaw and then the next thing I knew…

…I was in this new world.

Chapter 20

Nanlaki yung mata ko the moment na nagbukas yung ilaw. Holy…paano nila nagawang I-design ng ganito yung Gym?! Grabe talaga. Kung hindi ka taga MPU at hindi mo alam na gym ito eh aakalain mong nasa parang forest ka. Grabe, ang galing ng pagkakadesign. Yung mga puno eh napakarealistic. Naglakad naman na ako nun tapos nakanganga talaga ako nun. So this is Wonderland eH? ―Oh my gosh! Late na ako! naku naman! I‘m pretty sure she‘ll kill me!‖ Napatingin ako dun sa babaeng nagsalita at bigla akong napanganga. Teka, diba dapat rabbit ito??!? Hindi pa naman ganoon kalabo yung mata ko to see na hindi rabbit ang costume ng nasa harap ko kung di modern jeans tapos shirt. Ang pagkarabbit lang nun babae eh yung bunny ears sa may ulo niya. The heck, iniba nila yung story??? ―Excuse me miss…diba---‖ ―Sorry Can‘t talk! I‘m soooo late!!‖ At tumakbo na siya after nun. Teka, diba dapat hahabulin ko siya? Oh well, kahit hindi siya mukhang Alice in Wonderland…the story must go---OHHHHH!! What the heck?! Kelan pa nagkaroon ng slide sa gym namin!? Kelan pa nagkaroon ng TRAP DOOR sa gym!? Grabe naman, ang galing naman talaga ng gumawa nito. Elibs ako sa kanila sobra.

*OOOMPH!* Hala, madilim na naman. Aray ko, ang sakit naman ng pwet ko! Biruin mo eh napakalakas rin ng bagsak ko kahit na slide man yun no! Paano, tuluy tuloy kasi. Wala man lang stopper. Hay nako. Tumayo na ako nun tapos pinagpag yung damit ko. Pag nasira ito eh hindi ko na kasalanan kasi sila naman yung may gawa eh dahil sa slide na iyon. Nagbukas ulit yung ilaw tapos----What the heck?! I‘m in… ―Hermione Wait up!‖ Hogwarts?! Teka nga…ang weird naman ng Alice in Wonderland nila.

―Excuse me…akala ko Alice in---‖ ―Well, well…If it isn‘t Potter Weaselbee and the mudblood. Oh, you‘ve brought reinforcements too eh? A weird one too!‖ Weird? Did he just say I‘m weird?! ―HOY! I‘m not weird , you stupid little ferret!‖ okay fine, nagbabasa rin naman ako ng Harry Potter kaya alam ko kung ano yung pang-asar nina Hermione sa kanya. Ooops, napaghahalataan na adik. Tumawa naman yung mga tao. Grabe, sobrang realistic talaga nitong ginawa nila. Biruin mo, mismong accent nung characters nakuha nila. ―Oh gosh I‘m late!!‖ ―Teka Mr. Rabbit!‖ napatigil naman yung babae. Oops, did I just say Mr.? ―Excuse me?! Do I look like a Mr. To you?!‖ ―Waah…sorry pero---‖ ―Whatever. I‘m suuuper late na!!‖ At tapos nun eh tumakbo na ulit siya. Ako? Syempre ano pa bang magagawa ko kung di humabol sa kanya. Grabeng Miss Rabbit to, runner ata eh! ―Wait Miss Rab----OOOMPF!‖ Hindi ko na natuloy yung pagtawag ko kasi bigla namang may humatak sa akin na kamay. Now, where the heck did that come from?! At syempre, heto na naman ako sa isang madilim na unknown place, ni hindi ko nga alam kung anong bagong sorpresa ang makikita ko eh. Nag-open bigla yung lights kaya nasilaw ako. ―Wendy! There you are! I‘ve been looking all over for you!!‖ ―Eh? P-P-Peter Pan?!‖ ―Come on Wendy! The lost boys are waiting! We don‘t want them to get cranky now do we?‖ Teka…lumilipad siya?! Whoa! Astig! Hinila niya yung kamay ko tapos nakaladkad naman ako. Teka, hindi ako nakakalipad! Nagulat ako bigla nung bumitaw siya kaya naman bigla akong napaupo. Aray! Magkakabukol yata pwet ko dito.

―I get it now! You need some pixie dust. Come on Tink! Give her some!‖ Bigla naman may lumabas na maliit na parang----wait, tao pa ba yan?! ―Don‘t be selfish now Tink! Wendy needs your pixie dust!‖ Hindi ko sila masyadong napansin kasi sobra naman akong na-amaze dun sa maliit na Tinker Bell. Hindi naman ako siguro nananaginip no? Imposible kasi naramdaman ko yung sakit ng pagbagsak ko eh. ―----Gotcha!‖ Bigla naman ako napatingin kay ―Peter Pan‖ At nakitang hawak niya si Tinker Bell. Inalog niya konti sa akin yung hawak niya tapos nagulat nalang ako kasi may parang glitters na nagshower sa akin and then the next thing I know…I was flying in the air, well may parang tali na nakakabit sa likod ko pero hindi siya ganoon ka kita pero…wow! Ang galing talaga nila. Saludo ako sa gumawa nito. ―Let‘s go Wendy!‖ Tapos hinila naman ako ni ―Peter Pan‖. At yun, hindi ko alam kung saan kami napunta kasi nagulat nalang ako ng biglang dumilim tapos nung bumukas ulit yung ilaw eh ibang scenery na. Napapalibutan kami ng clouds! Grabe, astig naman nito. ―Wendy look out!!‖ Hinila ako nung kasama ko tapos nun eh may biglang parang bolang itim na muntikan na akong tamaan. Whew! That was close! ―I see Captain Hook‘s spotted us already.‖ Pumunta kami dun sa isang fluffy na cloud tapos nagtago. Hinawakan ko naman yung ―clouds‖ tapos natuwa ako kasi parang cotton lang siya sa unan. Grabe, ang cute. ―Wendy!‖ Nagulat ako kasi bigla akong tumilapon tapos nagblack out. Naramdaman kong parang nahuhulog ako, teka wag mong sabihin napigtas yung tali?! WaaaAA!! *OOMPH* Wah, buti naman at malabot itong nalandingan ko kung di…naku bali na yung pelvis ko for sure!

Bumukas naman yung ilaw tapos nakita ko na nasa parang isang forest ako. Yung forest na parang katulad ng sa… ―Snow White! You look hungry, care for an apple?‖ yep, tama nga yung hula ko. This is Snow White all right. Tumingin naman ako dun sa babae at dun sa apple na hawak niya. Teka, diba dapat pangit na witch? Pero bakit parang sobrang ayos naman yata ng hitsura nitong girl na ito? ―come on now Snow White!‖ oo nga pala. Kelangan kong tanggapin yung apple para magcontinue yung story. Kinuha ko naman yung inaabot niya tapos kumagat ako. Wow ang sarap! Ang tamis nung apple infairness. Tumingin ako dun sa evil ―witch‖ pero nawala siya. Instead… ―Gosh late na ako!!‖ ―Miss Rabbit!?!‖ Tumigil siya sa katitingin sa watch niya tapos tumingin sa akin. ―Can‘t talk! I‘m so dead!!‖ At ayun, tumakbo na ulit siya tapos ako eh humabol na ulit sa kanya at iniwan na yung apple dun sa place na iyon. Nakita kong pumasok sa isang pintuan yung si Miss Rabbit tapos siyempre, sumunod ako. ano pa bang magagawa ko diba? Pagpasok ko naman eh madilim dun as expected. Ilang sandali lang eh may naramdaman ako biglang may nailagay sa mukha ko tapos bumukas yung ilaw. Eh? ―Oh Dear Pinocchio. You‘ve been telling lies again now haven‘t you?‖ Siya yung fairy sa pinocchio ah! Whoa…teka, sa akin ba siya nakikipag-usap? That means… ―I‘m not Pinocchio!!‖ Nagulat nalang ako bigla nung maramdaman kong may gumalaw sa may mukha ko. Ilong ko ba yan?! ―See? You‘re lying again. I‘m quite disappointed in you Pinocchio.‖ Hala, paano naman nila nagawa yun?! Ah! Alam ko na! Yung humawak sa mukha ko kanina! Mukhang may nilagay sila sa mukha ko na parang mechanical nose or something. Grabe, ang laki naman

yata ng nagastos ng mga members ng event na ito. ―As punishment, I‘ll be sending you far away from this place!‖ Ni-swish niya yung wand niya tapos may lumabas na parang glitters tapos nagblack out ulit tapos may naramdaman na naman akong humila sa akin. Wow, buti nalang at matibay itong damit na ito kung di, kanina pa siguro ako nakasuot ng underwear ko. Naglanding naman ako sa parang…wait, SAND?! Bumukas yung ilaw tapos…whoa! Nasa parang beach ako tapos---teka nga! Paano sila nakalagay ng tubig dito?! Lalapit na sana ako dun sa water kaso bigla naman may humatak sa akin tapos… ―CAPTAIN JACK?!?‖ ―Well, Hello my dear Elizabeth.‖ Whoa…nawiwindang yata buong mundo ko sa Maze na ito ah! Una ang astig ng designs at backgrounds nila tapos special effects…ngayon, yung cast nila! Wow, this is, by far, the best activity ngayong Halloween Festival. Actually, feeling ko matatalo nito yung mga past best activities eh. ―Elizabeth, be a dear and fetch me my rum.‖ Tapos nun eh tinulak niya ako dun sa kabilang side. Nagulat naman ako kasi biglang bumukas yung parang trap door… oh no…

heto na naman po tayo!! Chapter 21

*THUMP!* Hay, ang sakit na talaga ng pwet ko grabe. Pag-uwi ko eh uupo talaga ako sa ice! Bumukas yung ilaw tapos napatingin ako sa paligid ko at napanganga. ―Hello children. Welcome to my chocolate factory!‖ Si Willy Wonka?! Oh My gosh! Grabe. Teka…parang namumukaan ko yata siya ah.

―Marvin?!‖ Oo tama! Siya yung Marvin mula dun sa Class 5. Kabatch ko tong lokong to! ―What are you saying dear child? My name is Willy Wonka and this is my chocolate factory!‖ Tumigin naman ako sa paligid. Whoa…ang daming chocolates. Ngayon masasabi ko talagang malaki ang nagastos nila para sa pag gawa nito. Astig nila, idol! ―Whatever. Ang galing niyo ah! Paano niyo nagawang gawing ganito yung Gym. Teka, nasa gym pa tayo? Right?‖ Tinawanan naman niya ako nun tapos naglakad paalis. May kasama pa kaming iba na naka-costume para dun sa ibang characters. Andoon nga rin yung babaeng nagbububble gum eh. Galing. Siguro mga 1st year o 2nd year to based on their height. Oh well… Nakinig naman ako dun sa explanation ni Mr. ―Willy Wonka‖ tapos nagmove kami sa isa pang part. May parang waterfalls nga doon eh. Grabe, now how did that get inside the gym?! ―I‘m Late! Super late!‖Tumingin ako sa likot namin at tama nga ako ng hula. Si Miss Rabbit! ―Miss Rabbit Wait!‖ umalis ako sa group namin. Narinig ko pa nga si Marvin na sumigaw eh pero hindi ko pinansin. Sinundan ko si Miss Rabbit tapos pumasok na naman siya sa isang door dun at pagpasok ko eh madilim na naman. May biglang tumunog na music na parang pang mga nagbebenta ng ice cream. Almost katunog siya nung sa Magnolia pero iba. Ang cute nga eh. Ilang sandali lang rin eh bumukas na ulit yung ilaw tapos parang nasa isang tea party ako at yung host eh---teka, kilala ko yan ah! ―Cheeky?! CheskA?!?‖ Nanlaki yung mata ko kasi parehas silang nakapambabaeng costume. Hindi mo malaman kung sino yung si Cheeky o si Cheska. Grabe, astig rin ng costume nila. May isa sa kanila na naka dress na blue tapos blue rin na wig tapos yung isa naman eh pink. Wow, talaga. ―Cheeky? Cheska? What is she talking about dear sisteR?‖ sabi nung isa na nakablue na may babaeng boses. Definitely Cheska. ―I don‘t know my dear sister.‖ sabi naman nung isa na kaboses ni Cheeky. Definitely Cheeky. Tumingin naman silang dalawa sa akin tapos nagtabi. ―I‘m

sorry Miss. But our names are not Cheeky and Cheska.‖ Natawa naman ako dun tapos nakiride nalang rin sa kanila. Hey, this is their maze so wala akong ibang magagawa kung di sumunod. ―What are your names then?‖ Lumapit silang sabay sa akin tapos, ―We‘re Lulu and Lala . The Amazing Twins!‖ Lulu and Lala? Diba dapat Tweedledee at Tweedledum? Ah heck, Hindi naman na yata ito Alice in Wonderland eh! More of a story in WONDERLAND. ―We have a game for you miss!‖ ―What is it?‖ ngumiti sila sa akin at sabay ulit na nagsalita. ―Guess who‘s Lulu and who‘s Lala!‖ Whoa, ang hirap naman nito! Sino ba sa kanila si Lulu in the first place?! Ano ba yan. ―Paano ko naman malalaman eh hindi ko nga kilala kung kanino kina Cheska si Lulu or si Lala?‖ sabi ko sa sarili ko pero mukhang narinig nila kaya tumawa sila. ―Okay then Miss. Guess who we are then, based on who‘s Cheska and who‘s Cheeky!‖ Napasmile naman ako nun tapos tumingin sa kanila. This will be easy. ―Yung nakablue si Cheska and yung nakapink si Cheeky.‖ sabi ko tapos may smug look pa ako sa mukha ko. Ha! Ang galing ko talaga. Tumawa naman yung dalawa tapos biglang sinabi, ―WRONG!‖ Huh? Pero! Lumapit sila sa akin dahan dahan kaya naman napa atras ako. Hindi ko alam kung anong nakaharang sa daan kasi hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin yun. Napalean nalang ako sa parang wall tapos biglang parang nagslide yung wall. Last ko nalang nakita yung dalawa na may hawak na…tape recorder?! Shocks! Naloko ako! nirecord nila yung boses nila para panglinlang! Naramdaman ko na naman na nasa slide ako tapos akala ko nga hindi na matatapos eh pero… *THUMP!* Gawd, seryoso ako, magdamag siguro akong uupo sa ice nito! Tumingin naman ako nun sa paligid ko. Whoa, may mga kung anu-anong bubbles na lumilipad. Teka, are they trying to? ―Ariel! There you are! Flounder and I have been looking for you!‖ tumingin naman ako dun sa nagsasalita tapos---WAHAHAHA.

―Ikaw ba dapat si Sebastian?! sobrang natawa talaga ako kasi hindi siya mukhang crab. Naka parang orange clothes lang siya tapos yung dalawang parang pincer sa kamay niya. ―There no time for jokes now Ariel! We need to go! The King‘s waiting!‖ hinila niya yung kamay ko nun tapos ewan ko kung saan na kami napunta, basta alam ko nalang eh may nakita akong lalaking parang mermaid at hindi na ako matigil sa katatawa. ―Ariel! Is that the right way to greet your father?!!‖ Grabe, hindi talaga ako makatigil sa katatawa nun. AS in, kung nakita niyo lang sana yung guy na iyon…naku, nakakahiya siguro para sa kanya yan kasi maraming tao pa naman ang pumupunta rito. Whoa. ―Late! There‘s not time! I‘m late!‖ nakita ko na naman si Miss Rabbit so syempre, ano pa bang nagawa ko kung sumunod nalang diba? Pumasok siya sa isang door dun tapos nun eh madilim na naman. Pagbukas ng ilaw eh biglang… ―Jasmine! Let‘s go! There‘s no time! Jafar‘s after us!‖ hinila ako nung guy na nagsalita tapos nun eh nagtatakbo kami kung saang pasikot sikot dun sa place na yun. Grabe, iniisip ko talaga kung nasa gym pa ba talaga kami? Hinatak naman ako ni Mr. ―Aladdin‖ tapos nun eh bigla kaming napatigil kasi yung ―Jafar‖ na sinasabi niy eh----SI SASHA?!?! OH MY GOSH! ―There‘s no escape now Aladdin! Now hand over Jasmine!‖ Oo Aladdin! Ibigay mo na ako sa kanya! Dali na please?!? Dali!!! ―I won‘t give her to you Jafar!‖ Bad trip kang Aladdin ka! Bakit ayaw mong makisama?!? Ugh…naman! Tinulak ako nung si Aladdin tapos eh nagsimula silang mag-away. Hindi ko na masyado napanood yung laban nila kasi may humatak na naman sa akin. Ang lakas nga eh kaya napaupo naman ako. Buti malambot yung nilandingan ko. Bumukas ulit yung ilaw tapos napanganga ako. Ang laki nung room tapos sobrang engrade pa. Parang may party na nagaganap. ―Belle.‖ Teka…kilala ko yang boses na iyan ah! Napaharap ko dun sa nagsasalita at nakita si Kit. Whoa, infairness ang gwapo niya sa suot niya. Para siyang nakapang prince na costume. Wow talaga.

Bigla namang may tumugtog na music tapos nakita kong bumaba si Kit mula dun sa parang balcony. Click Here

Pagkababa niya eh pumunta siya kaagad sa akin tapos inoffer yung kamay niya. ―May I have this dance?‖ Tumayo naman ako at syempre, inaccept yun, for the sake of the Maze. Hay, dapat si Myka ang nandito ngayon eh.

♫ The perfect words never crossed my mind, 'cause there was nothing in there but you, I felt every ounce of me screaming out, But the sound was trapped deep in me, ♫ ―Are you happy Belle..‖ napatingin naman ako sa kanya. Nagulat ako sa totoo lang. ―…that you‘re here with me?‖

♫ All I wanted just sped right past me, While I was rooted fast to the earth, I could be stuck here for a thousand years, Without your arms to drag me out, ♫

Ngumiti ako sa kanya nun tapos nag-nod. Yun naman yata yung nangyari sa Beauty and the Beast diba? ―Really? Or do you wish to be with someone else right now?‖

♫ There you are standing right in front of me (x2) All this fear falls away to leave me naked, Hold me close cause I need you to guide me to safety No I won't wait forever(2x) ♫

Napatingin lang ako sa kanya ng diretso. Yung mata niya eh parang may hinahanap. ―What are you trying to say?

―What are YOU trying to say?‖ teka, naguguluhan na ako ah. Tinaasan ko naman siya ng kilay tapos nun eh wala siyang ginawa kung di ngumiti lang.

♫In the confusion and the aftermath, You are my signal fire, The only resolution and the only joy, Is the faint spark of forgiveness in your eyes, There you are standing right in front of me (x2) All this fear falls away to leave me naked, Hold me close cause I need you to guide me to safety, There you are standing right in front of me (x2) All this fear falls away to leave me naked, Hold me close cause I need you to guide me to safety, , ♫ No I won't wait forever(x3)

Hindi naman siya nagsalita pa after nun. Nagulat nalang ako nung lumapit yung mukha niya sa akin tapos biglang sinabi na… ―No, I won‘t wait forever…‖ nagulat naman ako dun at nanlaki yung mata ko. ―Oh dear I‘m really late!‖ napatinign naman ako sa kabilang side at nakitang andoon si miss rabbit. Hindi naman ako makaalis kasi magkahawak parin kami ni Kit. Nakita naman niya na tinitignan ko si Miss Rabbit tapos bumitaw. Tumakbo na ako nun sa may pinuntahan niya at palabas na ako nun ng… ―But if it‘s you I‘m waiting for then I‘m willing to wait…

…even if it means forever.‖ Chapter 22

Paglabas ko dun eh nakita kong nasa parang garden na ako. Napatingin naman ako sa mga nakatayo dun sa may bush. Pinipintahan nila yung white roses ng red. At last! Nakahanap rin ng scene na pang Alice in Wonderland talaga. Yun nga lang, ang iba yung costume nila. Imbis kasi na cards sila eh naka shirt sila tapos nandoon yung sign ng heart or clover. Tinanggal ko na sa isip ko yung last na sinabi ni Kit kasi alam ko naman na part yung ng pagiging si Beast niya. Yeah, tama. Yun nga yun. Impossible naman na may iba pang meaning yun diba? Diba? ―Miss Rabbit wait!!‖ Tapos biglang napatigil ako kasi may nakita akong mga taong paparating. Yan na siguro yung queen. ―YOU! WHAT ARE YOU DOING HERE IN MY PRECIOUS GARDEN?!‖ Teka, parang iba yata yung sinasabi niya ah?! Napatingin naman ako sa queen…yup! Kaya naman pala eh. Yung queen eh walang iba kung di si… ―Keri?! Ikaw yung queen? WAHAHAHA!!‖ halata mong namula siya sa galit tapos nun eh kumuha pa yata ng parang stick dun at handa yata akong paluin kaya naman kumuha rin ako ng akin. We ended up having this weird sword fight. ―I‘m not afraid of you!!‖ ―Neither am I! I‘m the queen and you‘re just a lowly spec of dust in my territory! I can make you vanish anytime I want!!‖ Naglaban pa kami nun tapos nun eh biglang parang may clock tumunog. Yung tunog ng pang mga grandfather clocks. Oh, signal na siguro yun na tapos na yung maze. Nakita ko naman na initsa ni Keri yung stick niya sa isang side tapos nagsimula nang tumakbo palapit sa akin. Okay! That‘s my cue. RUN!

Tumakbo naman ako at minsan eh lumilingon sa likod. Grabe, ang dami siguro ng members dito kasi ang dami nilang humahabol sa akin! Hindi pa kasama yung mga characters kanina no! Feeling ko talaga bibigay na yung paa ko kaya nga ba nung may makita akong ilaw sa end nung tinatakbuhan ko… ―SAFE!‖ Finally! Nakalabas din! Lumingon ako sa likod ko tapos nakita ko na sinarado na nila yung pintuan tapos nun eh nakangiti yung parang student guards nila sa akin. ―Thanks for coming to Alice in Wonderland. We hope that you enjoyed your stay.‖ Sabi nila eh pwede ko daw itago yung damit as a souvenir ko daw. Astig nga eh. Tinuro naman nila yung dressing room kung saan pwede akong magpalit. Syempre no, hindi naman ako tanga para magsuot ng Pang Alice buong araw no. Pagtapos kong magbihis eh lumabas na ako. Grabe, ang saya talaga nun! That was one hell of an experience! ―Hey Andy!‖ Nakita ko naman si Myka na mukhang kakalabas palang. How they managed to have multiple customers at once? I have no freaking idea. ―Myka! Enjoy no?‖ ―Oo sobra as in! Nakakatuwa yung mga Characters nila. Nakita ko pa nga sina Cheska at Cheeky eh. Grabe ang hirap nun. Naloko nila ako dun sa ginawa nila.‖ Napaisip naman ako. Hmm, nakasayaw rin kaya niya si Kit? ―Tapos yung sa beauty and the beast part, and weird nung guy na nakasayaw ko. Panay ang tapak niya sa paa ko. Hindi nga yata marunong sumayaw eh..‖ whoa, sayang naman at hindi niya naabutan. Hay, kung siya siguro napauna ko eh makakasayaw sana silang dalawa. Tanga mo naman Andy! ―Andy? Okay ka lang ba?‖ ―HA? Eh oo! Masyado lang akong na-amaze sa mga special effects at designs nila. Lalo na kay Peter Pan.‖ ―Hehe, oo nga. Pero grabe, nakakapagod din yun! Gusto mong kumain muna? Nagutom kasi ako eh.‖ Tumango lang naman ako sa kanya tapos ayun, nagpunta na kami sa food street at bumili ng makakain namin. Dun kami sa vacant fields nagstay para kumain. Nagtext rin naman ako sa mga kabarkada ko in case na hanapin nila ako.

―Oo nga pala Andy, sasama sa atin sina Omar at Kit.‖ Tumango lang ako sa kanya nun tapos tumingin sa fields. Kahit na sobrang daming activities dun sa may main building eh hindi mo parin mapigilan na may maglaro ng soccer dun. Mostly highschool students lang makikita mo, pero ngayon eh may kasama na yatang mga elementary. ―Yo Myka! Andy!‖ tumingin naman ako kay Omar tapos ngumiti lang. Si Kit, well as expected, blank face lang. Hindi man lang ngumiti or something. ―San ka nga pala kanina Omar? Hindi yata kita nakita?‖ ―Ako? Wala andoon lang ako, palaboy laboy sa food street. Ang dami kasing masasarap eh.‖ Hindi naman ako makasalita nun kasi feeling ko hindi ako part ng group nila at sabit lang ako kaya quiet lang ako nung mga oras na iyon. ―Eh ikaw Kit? Hindi yata kita nakita sa activity niyo?‖ ―Andoon ako. Baka hindi mo lang ako nakita.‖ ―Ah ganoon ba??‖ At ayun, nagkuwentuhan naman na sila pagtapos nun at medyo na-OP naman ako sa kanila. Buti nga at andiyan si Omar na paminsan minsan eh kinakausap ako. Mga 1 o clock narin nun nung kinailangan nang bumalik ni Myka dun sa pwesto nila. Sabi ko naman sa kanya na bukas ulit eh sama kami. Pumayag naman siya nun. Pati si Kit eh umalis na ulit. Ang ayos nga niya eh. buong time na magkasama kami eh ang nasabi lang niya sa akin eh ang napakahabang mga salita na pwedeng makapuno ng dalawang libro. Alam niyo kung ano yun? “Ay,” Ang galing niya talaga no? Sinabi niya yun kasi nakuha niya by mistake yung coke in can ko. Grabe, ang weird talaga niya kahit kelan. Naiwan naman na ako na mag-isa kasi yung si Omar eh mas ginusto pang magpalaboy laboy dun sa food street kesa samahan ako at magplano para sa match making namin. Hindi naman kasi ganoon ka success yung kanina eh kaya kelangan ng back up.

―Grabe, nakakatakot talaga sa Haunted House kanina no?! Sobrang takot ako na napahawak ako kay Leo! Gosh, kilig nga eh!‖ ―OH? Ano naman sabi niya?!‖ ―Wala kinomfort lang niya ako! Oh my gosh besh, feeling ko pwede na akong mamatay nung mga oras na yun!‖ Napangiti naman ako nung marinig ko yung mga nag-uusap. Salamat sa kanila dahil nakaisip na ako ng back up plan ko for tomorrow. Hmm, things will surely get more interesting. Mga 4 na nung nakasama ko ulit yung mga kabarkada ko. Si Marla kasi todo yung pag practice sa kanila. Malaki kasi yung expectation sa group nila kaya ayun. Sina Stephen naman eh, well, mukhang enjoy naman sila sa booth nila eh so wala na sigurong kelangan na explanation. And of course, and twins natin, halata naman na busy sila eh kasi hindi nawalan ng pila sa may Alice in Wonderland. Nakauwi ako nun ng mga 5:30 na kasi sina Cheeky eh nagyaya pa na maglibot muna. Ayun, syempre namiss ko rin naman na sumama sa kabarkada ko kaya pumayag na ako kahit kanina pa nasigaw yung pwet ko sa sobrang sakit. ―OUUUUUUUCH!‖ Grabe, hindi ako makaupo ng maayos kahit sa couch namin. Kelangan ko pang dumapa para lang makapagpahinga. ―MANANG!‖ ―Oh hija! Anong nangyari sa iyo?‖ ―Penge naman pong ice oh. Ang sakit ng pwet ko eh.‖ Agad naman siyang nagpunta sa may kitchen at kumuha ng ice at nagsimulang magchop. ―Anong nangyari sa iyo? Wag mong sabihin sumobra na naman kain mo?‖ ―Hindi no! Sumakit lang yung pwet ko dahil dun sa group niyo!‖ Umupo naman si Kit nun sa single chair tapos nakatingin lang. ―Anong problema mo?‖ ―Reklamo ka ng reklamo eh halata naman na na-enjoy mo.‖

―OO NGA at na-enjoy ko, pero sobrang sakit talaga eh!‖ Wala ba akong ibang makukuha sa week na ito kung di sakit ng katawan? Hay, akala ko pa naman relaxation week to. Excited na tuloy ako na mag sem break. AT least dun, sure na ako na makakapagpahinga ako. Dinilat ko naman yung mata ko at napansin na nakatingin parin si Kit sa akin. ―May kelangan ka?‖ tumayo naman siya mula dun sa chair tapos lumapit sa akin. ―Alam mo----‖ ―Oh hija heto na yung yelo.‖ naku naman si Manang, wrong timing pa. Kinuha ko naman yung yelo sa kanya tapos nilagay na dun sa kung saan masakit. Napansin ko naman na hindi parin umaalis si Kit kaya tinake ko na yung chance na tanungin yung gusto niyang sabihin. ―Ano yung gusto mong sabihin?‖ Parang natauhan siya nung sinabi ko yung tapos umiling naman siya. ―Wala.‖ ―Naku oh! Ito nahiya pa. Ano nga yun?‖ ―Wala nga. Wag ka nga makulet.‖ ―Wushu! Sinong niloko mo. Dali na! Wag ka na mahiya.‖ ―Gusto mo talagang malaman?‖ lumapit naman siya nun kaya napausog ako mula dun sa pwesto ko. ―O-Oo.‖ ―Sigurado ka?‖ ―Oo!‖ Teka! Bakit ba sobrang lapit naman niya yata?! Ano bang binabalak niya?! ―Kit,‖ Grabe, hindi parin siya natigil na lumapit! Ano na gagawin ko nito?! Hindi na ako makausog kasi yung sandalan na ng sofa yung natatamaan ko. Hala! Andy ano na?! ―Alam mo ngayon ko lang nalaman na…‖ Tumitig naman ako sa mata niya. Grabe, kinakabahan na talaga ako. Ang lakas ng kabag ng puso ko as in. feeling ko sasabog na any minute dahil sa sobrang lapit niya.

―Nalaman na?‖ Ang lalim ng tingin niya sa akin, grabe sobra na ito! ―…talaga palang mahilig ka sa Stripes.‖ Chapter 23

EH?! ―A-a-a-anong? SINILIPAN MO AKO NO?!?‖ walang hiyang Kit ito! Paano niya pa malalaman na stripes ulit suot ko kung hindi niya ako sinilipan?! Bwisit SIYA!! ―Hindi kita sinilipan. Ikaw ang nagpakita sa akin.‖ What the heck is he talking about?! Tinignan ko siya ng masama tapos nun eh tumawa naman siya. Tama ba yun?! ―Excuse me lang ah! Pero hinding hindi ko yung gagawin no!‖ ―Yeah…sure.‖ ―Nakakainis ka na alam mo yun?!‖ ―Bakit? Hindi ko naman kasalanan na makita ko yung pattern ng underwear mo nung nahulog ka sa may couch eh.‖ Bigla naman akong natauhan. UGH!! Nakadress pala ako nung mga oras na yun! DARN IT! Tumayo na ako kasi napahiya ako. Grabe, hindi ko alam kung gaano kapula na yung mukha ko. NAKAKAHIYA TALAGA! The next day eh hindi ako ganoon kaaga pumasok. Mga 9 na ako nakapasok kasi late narin ako nakatulog kagabi. Papaano, sobra akong kinulit ni mr. Cuteboi at mukhang walang balak pa yatang patulugin ako. Bwisit na yun. Pagdating ko naman sa school eh kahit na puyat ako eh ang taas ng energy ko. Ngayon ko kasi gagawin yung plan ko para sa Kit-Myka Match Making. Mwahahaha, you‘re so darn smart Andy! ―Myka!!‖ Tamang tama, kasama niya si Kit! This is going to be great! Walang sablay na ito. ―Oh Andy! Late yata dating mo ngayon?‖

―Napuyat kasi ako eh.‖ ―Ah, ganun ba? So saan mo gusto pumunta ngayon?‖ ―Hmm…try naman natin sa Haunted House.‖ ―Ah…ha? Sa Haunted house?‖ Hmm, mukhang takot yata siya ah. Ayos! ―Ayos lang yun! Gusto mo isama mo pa si Kit eh? diba ayos lang sa iyo yun KIT?‖ Tumingin sa akin si Kit tapos tinuro yung sarili niya. Hay, sino pa bang Kit?! Naku naman, ang sarap niya talagang batukan! ―Ayos lang.‖ Yes! My plan is working! Ngumiti naman ako sa kanila tapos hinatak ko na sila papuntang Haunted House. Pagdating namin dun eh marami ring taong nakapila. ―Sorry Po pero kelangan by pair or solo yung mga papasok. Bawal pong tatluhan.‖ Wah! I love this rule! ―Paano na iyan?‖ ―Kayo nalng magkasama tapos ako nalang yung solo.‖ No Kit! You‘re not going to ruin my plan! ―Hindi! Kayo nalang ang magsama. Actually hinihintay ko kasi si ano eh…si Vince. Nagpapahintay kasi siya so kayo na mauna. Susunod nalang ako okay?‖ Tumango naman sila pero si Kit parang nagduda pa. Pero syempre, ano pa bang magagawa niya kung di samahan si Myka sa loob. Wow Andy, ang talino mo talaga. Nung medyo matagal na oras na yung lumipas eh bumili narin ako ng ticket ko at saka pumasok narin sa loob. Ang dilim dun sa place pero hindi naman siya nakakatakot. May ilaw rin naman kasi sa wall kahit papaano eh. Syempre, kung walang ilaw dun eh di malamang nagkadapaan na yung mga customers diba? ―Hmmm…asan na kaya yung dalawang yun? Ahihi! Siguro magkayakap na sila by now.‖ **Andy‟s Mind Theater**

May lalabas na biglang nakakatakot na parang tikbalang tapos mapapasigaw si Myka. “AhhH!” syempre, kasama narin yung pagkapit ni Myka sa arm ni Kit tapos si Kit eh yayakap kay Myka. “Myka…wag kang matakot. Hindi kita pababayaan.” at syempre, itong si Kit eh hihigpitan yung yakap sa takot na takot na si Myka. “Kit pangako iyan ha?!” “Oo, hinding hindi kita bibitawan o iiwan.” Tutuloy na sila dun sa paglalakad tapos mas lalong magiging nakakatakot yung makikita nila kaya mas mapapalapit si Myka kay Kit. “KIT!!” “Wag kang mag-alala, andito lang ako..” At pagdating nila dun sa dulo, sakto sunset na. Magkakatinginan ang dalawa sa isa‟t isa. “Myka.” “Kit…” “Ewan ko kung bakit ngayon ko lang narealize to pero…mahal kita Myka!” At dahan dahang magkakalapit ang mga mukha nila at… **End of Andy‟s Mind Theater** ―AYYY!!! GRABE KINIKILIG NA AKO!‖ Ang ganda talaga ng plano mo Andy! Paniguradong walang sablay na ito! *SOUND OF THUNDER* Huh? Teka, kumukulog?! ―Hindi Andy. Ano ka ba? Effects lang yan parang dun sa Alice in Wonderland. Ang taas ng araw nung pumasok ka dito eh kaya imposibleng may kulog no!‖ *SOUND OF THUNDER* Eeek! Ano ba yan. Pero bakit parang totoong kulog yan? Hindi kaya? No! Impossible! Hindi yan pwedeng mangyari Andy! Imposibleng kumulog ngayon!

*SOUND OF THUNDER* ―AHHH!‖ hindi na ako nakapagpigil. Tumakbo na ako ng nakapikit. Pinakaayaw ko pa naman eh yung kulog. Hindi ko na namalayan kung saan na ako nakarating. Bigla nalang akong napatigil nung may nabunggo ako. “Anong?” ―WAH! PALABASIN NIYO KO DITO!‖ Wala akong paki nung mga oras na yung kung magmukhang hysterical man ako, gusto ko lang talagang makalabas at wag ng marinig yung malakas na kulog. Takot kasi ako sa ganoon eh. May naramdaman naman akong yumakap sa akin tapos parang nililead ako palabas. Saka ko na pasasalamatan yung tumulong kasi masyado akong busy sa pagtatakip ng tenga ko at pagpikit. Hindi ko na nga nakikita yung nilalakaran namin eh. Tumigil kami sa paglalakad tapos napadilat na ako. nasa labas na pala kami. ―Thank----‖ nagulat nalang ako nung makatingala ako kasi… ―Magyayaya ka sa Haunted House tapos takot ka naman pala.‖ Wah!! Nasira ko yata yung moment nila! Oh my gosh! Wag mong sabihin sablay na naman yung plano ko?! NooOOO!!! ―Hindi pwedeeee…‖ napaupo naman ako. Grabe! Nakakainis naman! Nasira tuloy yung plano ko! Waaaa, paano na yung Sunset scene tapos yung Kiss nila?! NAMAN!!! ―Hoy ano ba? Wag ka ngang gumawa ng eksena.‖ Tumingin naman ako sa kanya tapos inerapan siya. ―Saan si Myka?‖ may tinuro naman siya sa kabilang side tapos nakita kong may parang binibili na cotton candy si Myka. Tumayo narin ako nun tapos nagpagpag ng damit. ―Tara dun.‖ Naglakad na ako tapos si Kit eh sumunod lang. Pinuntahan namin kung saan si Myka tapos syempre, napabili narin ng Cotton Candy. Naglakad lakad kami nun tapos ako eh tahimik lang. Si Myka naman eh busy sa pakikipag-usap kay Kit.

Siguro ayos narin yun, at least kahit wala akong ginagawa eh may progress parin silang dalawa. Mukhang kelangan yatang dahan dahanin muna natin ito. ―Kissing Booth! Get your kiss here for only P50!‖ P50 para sa isang kiss?! Okay sana kung yung mga Kiss nila eh mala-Orlando Bloom o di naman kaya eh Brad Pitt. SObra naman yata yung price nila. ―Andy! Wag mong sabihin nagpunta ka dito para sa magpakiss?‖ Binatukan ko nga yung loko. Okay sana kung si Sasha yung nandiyan eh kaso hindi. ―Eww.‖ tumawa naman siya nun tapos nagpaalam narin kasi may kelangan daw siyang gawin. ―Andy gusto mo diyan?‖ ―Ha? Ah eh hindi!‖ Ngumiti naman si Myka. Uh-oh, I don‘t like that look. ―Don‘t worry, libre kita.‖ tapos lumapit na siya dun sa nagbebenta bago ko pa man siya mapigil. Nanlaki yung mata ko kasi biglang tumingin sa amin si Myka tapos yung binayaran niya. May tinawag naman yung guy tapos biglang may matangkad na cute na lumabas. Shocks! Palapit na sila! Naku naman, ayoko naman magpakiss eh kahit na cute man yung guy! WAAAAA! Anong lusot ko dito!?! ―Hi Miss!‖ ―Alam mo Myka? Hindi mo naman talaga kinailangan na gawin ito eh!‖ ―Sige na Andy, sayang naman yung P50.‖ Palapit ng palapit yung lalaki kaya ako naman eh naglakad palayo. Waaah! Asan na yung Vince na yun?! VINCEEE!!! Pigilan mo to!! ―Seriously, Hindi na talaga kelangan! Babayaran nalang kita Myka P50.‖ ―Sige na Miss, isang kiss lang naman eh.‖ Waaa! Mama! Bata pa po ako!! Ang pilit niya talaga. Myka naman pigilan mo siya! ―P-P-Pero bata pa ako!‖

―Ano ka ba? 4th year high school ka na. Hindi ka na bata kaya ayos lang to. Don‘t worry, I‘ll make it memorable.‖ Waaa! Please, someone stop this Kissing Monster!! Huhuhu. *OOOF* Patay, may nabangga pa ako at mukhang natapon pa yung dala niyang inumin! Pagtingin ko naman dun sa natamaan ko eh sakto nagsalita siya… “Ano sa tingin mong ginagawa mo?” Chapter 24

KIT! My savior! Wah! Buti dumating tong lokong ito. Pero teka, umalis pala siya?! Hinawakan naman ni Kit yung magkabilang braso ko tapos nilagay ako sa gilid niya. ―Excuse lang ha, pero binayaran kasi ako para gawin to kaya gusto ko lang matapos tong trabaho ko kaya wag niyo nang patagalin.‖ Nagsimula naman siyang lumapit sa akin tapos kinuha pa niya yung wrist ko pero nagulat nalang ako ng biglang pinalo ni Kit yung kamay niya. ―Wag mo ngang mahawak hawakan ang fiance ko!‖ Whoa! :O teka, sinabi ba niya talaga yun?! Si Krisantimo Ivann Tasello ba talaga yan?! ―Kit, katuwaan lang ito, wag mo namang seryosohin.‖ tumawa tawa pa nun si Myka at ako rin eh nakitawa pero mas mukhang sumama pa yata yung tingin ni Kit. ―Wag kang makielam dito!‖ nakita ko namang tumungo si Myka. Okay, tama na! Dapat nang pigilan si Kit! ―KIT Stop it!!‖ tumingin lang siya sa akin pero tapos nun eh bumalik yung tingin niya dun sa lalaki. Lalapit na sana siya at mukhang susugod pero buti dumating si Vince. ―Anong nangyayari dito?‖ ―Yan kasing mayabang nating SC President. Akala mo kung sino.‖ Tumingin sa akin nun si Vince tapos parang nagtataka pa. Nagshrug naman ako nun tapos tinapik niya sa balikat yung guy.

―Sige pare, bumalik ka na dun.‖ Tumango lang yung lalaki tapos bumalik na dun sa booth nila. Whew! Muntik na yun! Napatingin naman ulit ako kay Myka tapos syempre lumapit ako sa kanya. Umiiyak na pala siya. ―Myka…‖ ―Ayos lang ako Andy…‖ At pagkatapos nun eh tumakbo na siya paalis. Darn it! nakakainis naman! Bakit ba lahat ng plano ko puro palpak?! Humarap ako kay Kit nun. Inis na inis talaga ako sa inaasal niya kay Myka. ―Bakit mo naman siya ginanun?!‖ pero hindi niya ako inimik. Ang ginawa lang niya eh tinalikuran ako tapos iniwan niya ako. ―Andy…‖ ―Nakakainis siya Vince!‖ Maghapon siguro akong nakabuntot kay Vince. Ewan ko ba, isa pa yan sa habit ko eh, kapag inis na inis ako eh mostly bubuntot ako kay Vince. Ewan ko ba, para kasing nacocomfort niya ako kahit na wala siyang ginagawa. Galing niya no? ―Andy ayaw mo pang umuwi?‖ Medyo gabi na nun. 6 pm to be exact at heto parin kami ni Vince sa school. Wala pa kasi talaga ako sa mood para harapin si Kit eh. Nakakainis kasi talaga siya eh. ―Sa inyo muna ako Pot…‖ Tumango naman siya. Okay lang naman sa parents niya yun kasi magkakilala na naman kami eh. Siguro sa bahay namin (nina mama) muna ako matutulog ngayon. Pampalipas oras lang at para lumamig lang yung ulo ko. Pagdating namin sa bahay nina Vince eh bumati lang ako sa parents niya tapos diretso na kami sa kwarto niya. Pagpasok namin eh higa kaagad ako sa kama niya. Hindi rin ako feel at home no? ―Hoy at sino nagsabi na pwede kang humiga diyan?!?‖ ―Bahala ka Vince! Hindi mo ako mapapaalis dito!‖ tapos nagtalukbong ako dun sa comforter niya. Naramdaman ko naman bigla na dumagan siya sa akin. Takte, ang bigat nitong lokong to!

―WAAAAH!!!‖ ―Madali naman akong kausap Andy eh. Okay lang na hindi ka umalis diyan…pero hindi rin ako aalis dito.‖ waaa…mamamatay yata ako dito! Tinanggal ko yung comforter tapos umusog naman si Vince at dun pumwesto sa tabi ko. ―Vince napaparami yata kain mo ah. Ang bigat mo na!‖ *TOINK* Aba, tama bang batukan ako?! Pag ako nabobo lagot sa akin tong lokong to. ―Ikaw nga itong parang tumataba eh.‖ ―Hoy ano ka! Slim to no!‖ tinawanan naman niya ako nun tapos parehas kaming tumahimik. Napaisip naman ako bigla, ang tagal ko narin palang kilala si Vince no? Halos buong buhay ko eh kilala ko na siya. ―Alam mo Vince…‖ ―Hmm?‖ ―Ngayon ko lang narealize na…‖ tapos humarap naman ako sa kanya tapos tumingin ng sobrang seryoso. Nagulat nga siya sa akin eh pero hindi siya umimik. ―Ngayon ko lang narealize na…ang pangit mo palang talaga!‖ Binatukan na naman niya ako. Aba, nakakadalawa na siya ah! ―Aray, nakakadalawa ka na ah!‖ ―Mas pangit ka no! Naghihilik ka pa pag natutulog.‖ ―HOY HindI ako naghihilik AH!!‖ ―At paano mo naman malalaman yun eh tulog ka? Sige nga?‖ teka…bakit parang…parang narinig ko na yata yan? “At Paano mo naman malalaman yun eh tulog ka? Sige nga?” Teka, bakit ko ba siya inaalala? Hmf! Galit ka sa kanya diba Andy?! ―Sir Vince, may tao po sa baba. Hinahanap po kayo.‖ ―Sino naman kaya yun?‖ tumingin sa akin si Vince na parang nagtataka.

―Bakit sa akin ka nakatingin? Malay ko ba kung sinong bisita yan!‖ Parehas naman kami tumayo tapos syempre bumaba narin. ―KIT?!?‖ Oo, si Kit nga. Grabe, anong ginagawa niya rito?! ―Maiwan ko muna kayo. Kukuha lang ako ng inumin. Good luck pot‖ Tumingin lang ako kay Vince nun tapos kay Kit. Hindi parin siya nagsasalita hanggang ngayon. Grabe nga eh, nakakabingi. ―Anong ginagawa mo dito?‖ ―Anong oras na?‖ Hay, ayan na naman siya sa ―anong oras na‖ na sagot niya! Inalis ko yung tingin ko sa kanya at binaling ko dun sa mga pictures ng pamilya ni Vince sa may piano. ―7 pm na. Alam mo Kit kelangan mo na talagang bumili ng relos.‖ hindi naman siya umimik nun. Gawd bakit ba siya ganyan!? ―Kung hindi ka pala uuwi eh di sana nagsabi ka. Pinag-alala mo pa si Manang.‖ hay, yun lang?! Pinuntahan niya ako para sermonan lang ng ganun?! Hindi man lang siya magsasabi na ―Sorry Andy, sa inasal ko. Don‘t worry mag-sosorry din ako kay Myka‖ Ano ba naman yan! Nakakaasar na siya aH! ―Vous êtes si ennuyant! (You‘re so annoying!)‖ at pagtapos nun eh tinalikuran ko na siya. Hay, nakakainis talaga siya! ―Andy,‖ nagulat ako. SA buong time na magkasama kami, ngayon ko lang ulit narinig na tinawag niya ako sa pangalan ko. Sa pagkakaalam ko eh limang beses pa lang niya akong natatawag na Andy, at yung mga time na yun eh either naiinis siya o galit. Ano kayang meron ngayon? Hindi ko siya nilingon pero alam kong andiyan parin siya. ―I‘m sorry.‖ Teka, totoo ba itong naririnig ko?! Si KIT?! The Almighty Kit Tasello slash Mr. SC President eh nagsosorry sa akin?! Nananaginip yata ako? Humarap naman ako sa kanya pero…nakaalis na siya. Darn! ―Andy…‖ ―V-Vince…‖

si Kit ba talaga yun? Baka naman…baka naman mali yung rinig ko? ―Tama ba yung narinig ko Andy? Si Kit nagsorry sa iyo?‖ So maybe I wasn‘t wrong…pero…parang imposibleng mangyari kahit na nangyari na. ―H-hindi ko rin maintindihan Vince.‖ Lumapit naman siya sa akin nun tapos tinapik yung balikat ko. ―Anong plano mo?‖ ―H-Ha? Anong ibig mong sabihin?‖ may…may dapat ba akong planuhin maliban sa pagmamatch make kina Myka at Kit? ―Wala…nevermind.‖ tinaasan ko naman siya ng kilay tapos siya eh nginitian lang ako. Wala namang pagbabago…diba? *****

―Balika ko may LQ kayo ng finace mo ah?‖ ―LQ? Anong LQ yang pinagsasabi mo?‖ ―Asus Andy! Wag ka na magkaila pa. May reliable source kami oh.‖ umakbay naman si Cheeky kay Vince. Hay, sabi na nga ba eh. ―Sorry Pot, nakakatakot si Cheeky eh kapag mapilit. Mukhang mangangain kasi.‖ ―Hoy! Excuse me lang ah! Hindi ako kumakain ng tikbalang no.‖ ―Tikbalang ka diyan!‖ Wala naman sa akin yung pagsabi ni Vince sa kanila. Yun rin naman ang plano kong gawin sooner or later eh. ―SO Ano nga?‖ ―Hindi LQ tawag dun okay?‖ ―Well anong tawag mo dun?‖

Ano nga ba? Plain away? ―Normal na pag-aaway.‖ ―Wushu, eh bakit naman yata ganoon nalang ang reaksyon ni Kit nung hahalikan ka na ni Kenneth?‖ so Kenneth pala pangalan nung makulit na lalaki. ―Aba malay ko. Siya tanungin niyo, wag ako.‖ ―Asus. Malay ka diyan. Ano nga ulit yung sinabi ni Mr. SC President kahapon?‖ ― Ehem…Wag mo ngang mahawak hawakan ang finace ko!‖ Tinignan ko naman sila ng masama pati si Vince. Hmf, masyadong madaldal. ―Ay nako, bahala nga kayo. Isipin niyo ang gusto niyong isipin. Diyan na kayo…iikot muna ako.‖ Tumayo na ko nun at naghandang umalis pero biglang nagsalita si Cheeky… ―Pero alam mo Andy? Feeling ko may tama na yang si Kit sa iyo…‖ At pagtapos nun eh umalis na ako. Hindi. Imposibleng mangyari yun. Hindi pwede. Hindi ako PAPAYAG! ―Hay...‖ Napaupo naman ako dun sa gitna ng daanan. Wala akong pakielam sa mga dumadaan sa akin. Hay…pero paano kung toto nga yung sabi ni Cheeky? Paano kung… ―Hindi! Imposible yun Andy!‖ at bigla naman akong napatayo. Nagulat pa nga yung mga tao sa paligid ko eh. Akala siguro nila e nababaliw na ako. ―Anong impossible stripes?‖ ―Omar naman. Wag mo akong tawaging ganyan okay?!‖ Tumawa naman siya nun tapos sabay kaming naglakad. ―Anong plano?‖ ―Ganun parin. Gagawa ko parin laha---‖ ―Hindi yan ang ibig sabihin ko.‖ Tinaasan ko ng kilay si Omar. Kung hindi iyon…then ano? ―Ano?‖

―Anong plano mo kapag…

… in love nga talaga sa iyo si Kit?

Chapter 25

Nung mga natirang araw eh nagli-lo muna ako at hindi muna ako masyadong gumawa ng mga paraan para magkalapit lalo si Myka. Ewan ko rin sa sarili ko. Perfect opportunity yun pero hindi ko kinuha. Ano na bang problema sa akin?

Bumalik narin naman na ako sa bahay namin (ni Kit). Totoo nga yung sabi ni Kit nag-alala sa akin si manang. Paano eh nung pagkauwi ko eh biglang nagtatatalak ng kung anu-ano tapos ayaw pa akong bitawan. Grabe, isipin niyo ah, overnight lang ako nawala ganyan na kaagad siya. Paano pa kaya kung more than 1 week no? ―Andy…‖ ―Oh Myka, ikaw pala. Musta pala?‖ ―Ayos naman. Ikaw?‖ ―Heto, ayos rin naman.‖ ―Umm Andy, pwede akong humingi ng favor?‖ ―Sure, ano yun?‖ parang nagdalawang isip pa yata si Myka nung mga oras na iyon. ―Pwedeng kausapin mo na si Kit?‖ Eh? Bakit ko naman gagawin yun? ―HA? Ah eh, bakit naman?‖ ―Kahit naman hindi niya ipahalata eh, alam kong nalulungkot siya.‖ ―Ehh…‖ ―Kung inaalala mo yung ginawa niya sa akin, wala na yun. Nagsorry na siya sa akin. Nagulat nga ako kasi normally hindi niya yun ginagawa.‖ Oh ayan naman pala Andy eh, anong problema? Di ba kaya mo naman siya hindi pinapansin eh para lang mag-sorry siya kay Myka. Since nagsorry na siya, bakit hindi ka pa magkipagbati? Anong problema? ―Umm…o sige. Pero----‖ ―Talaga?! Sorang thank you Andy!‖ ―Pero Myka----‖ ―Sige ha! Puntahan ko lang sina Kit at Omar. Hinihintay nila ako eh. Promise mo yun ha Andy!‖ At pagtapos nun eh umalis na siya. ―Pero…paano?‖ *****

―Okay…para sa Student Body‘s Choice ang nanalo ay…‖ Yep, last day na ngayon at awarding narin para sa mga nangyari na activities. Ang galing nga eh, yung pinakamalaking kinita na group eh yung Play. Paano, sobrang mahal talaga nung entrance fee tapos maganda rin yung play na pinresent nila. ―Walang iba kung di ang…Alice in Wonderland Maze!‖ Hindi narin nakakagulat yun. Kasi kahit ako naman eh, yun rin yung binoto ko. Tuwang tuwa yung nag-organize nung maze. Syempre diba, mapili ba naman kayong favorite ng halos lahat ng studyante ng MPU hindi ka pa ba matuwa nun? ―Andy, tignan mo naman kung sino yung kasama nung nag-organize.‖ Tumingin naman ako dun sa tinuro ni Cheeky. Si Kit. ―So?‖ ―Aba! Anong so ka diyan? Loka! Akala ko ba makikipagbati ka na?!‖ ―Oo nga.‖ ―Hay naku Andy, hindi kita maintindihan. Bahala ka nga.‖ Sa totoo lang kasi niyan, hindi ako makatiyempo ng oras. Kung meron man, hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nag-eend up ako na parang tumatakbo o kaya naman umiiwas. Hay, ano kayang mangyayari sa akin nito? Natapos naman na yung awarding. Swerte nga ng group namin kasi kami yung 2nd dun sa Studen‘t body‘s choice. Hindi nila masyadong pinili yung Haunted House kasi mukhang nasobrahan yata sila sa pananakot kaya imbis na maenjoy nila eh natakot sila. ―Andy! Makikigulo kami sa bahay niyo ngayon ah?‖ ―Eh? Wag na! Ano ba naman kayo, mahihirapan lang si manang niyan maglinis.‖ ―Sus, hindi yan! Saka, mukhang hindi lang naman kami ang may planong makigulo eh…tignan mo yun oh…‖ sinundan ko naman yung pagkakaturo ni Marla tapos nakita ko na naglalakad sina Kit, Omar at Myka na magkakasama. ―Oh sige na nga. Pero wag kayong masyado magulo ha?‖ Tumango naman sila at ano pa nga bang magagawa ko?

Pag-uwi namin sa bahay eh nagpakilala muna sila Cheeky kay Myka. Si Omar pa lang kasi yung kilala nila eh kaya ayun. Si Kit naman…well, yung normal parin na Kit na masungit kay Cheeky saka tahimik. ―EHEM! EHEM! EHEM!‖ ―Mukhang may ubo ka Cheeky ah, gusto mo ng strepsils?‖ ―*smacks her forehead* Alam mo Andy, hindi ko alam kung tanga, nagpapakatanga o nagtatanga tangahan ka.‖ Nyay. Ano na naman nagawa ko? ―Makipagbati na kasi! Pinapatagal pa eh.‖ Ow, yun pala gusto nila. Asus, hindi naman kasi nila ako diretsuhin. Tumingin naman ako kay Kit tapos nakita kong nakatingin rin siya. Napangiti naman ako. Actually, napa-grin ako. ―Hindi ako magsosorry sa iyo kung yun ang iniisip mo.‖ Nagulat pa nga sa akin sina Cheeky kasi nga diba, ang alam nila eh makikipagbati ako. Pero hey, hindi nila alam ang way ko ng pakikipagbati diyan kay Kit. ―Bakit, may sinabi ba ako na magsorry ka?‖ at yep, bati na nga kami. Akala namna nung mga kasama namin eh nag-aaway parin kami pero syempre, sabi ko eh wag nalang nilang isipin yun. Nung mga 7 na eh biglang dumating yung mom ni Kit. Nagulat nga kami eh pero syempre, binati naman namin. Natuwa pa nga siya kay Cheeky eh, ewan ko ba, baliktad talaga si Kit at ang nanay niya. ―Ma, bakit po ba kayo nagpunta rito?‖ walang hiyang lalaki yan, pati sa nanay niya eh masungit parin. ―Well isa lang naman ang pinunta ko rito eh. Plano ko kasi na sabihin sa inyo ni Andy na yung daddy mo eh binigyan ng offer na magstay for 4 days sa Subic. Since wala naman kaming gagawin dun eh naisip nalang namin na ibigay sa inyo.‖ Wow naman! Sosyal nun ah! Sa Subic? Eh diba lahat ng bahay dun eh centralized? Astig! ―Kung gusto niyo since medyo marami rin naman yung room doon, isama niyo na yung mga kabarkada niyo..‖ ―You know Tita? Savior ka! Kasi matagal na kaming nagmumukmok nitong

lovable twin sister ko na baka sa bahay lang kami buong sem break!‖ aba! At close na kaagad nito si tita Kris. Bigla ba namang yumakap eh. sosyal talaga to, iba ang hatak ah. ―Eh di mas magaling! Oh siya, mukhang kelangan ko na umalis. Have fun nalang ha? Bye!‖ at pagtapos nun eh umalis na siya. Tumaas naman energy nina Cheeky at excited na raw sila. Syempre, sina Myka rin eh tuwang tuwa. Wait…kasama si Myka so that means…YES!! Tuloy na ulit ang match making ko! Ayos! Mga 8 na siguro nung umuwi silang lahat. Gusto ko pa ngang pilitin si Kit na ihatid si Myka eh kaso nga lang si Omar eh nagprisinta na maghatid. Akala ko ba kampi ko siya? Naku naman, minsan hindi siya nag-iisip. ―Hay! Sem break na!‖ grabe, ang saya ng feeling. Sem break namin tapos pupunta kaming Subic! YES! Ang saya nito! ―Oh eh ano?‖ hindi pa pala siya umaakyat. ―Hindi naman ikaw kausap ko eh!‖ And to my surprise, tumawa siya. Wow, ang weird niya ngayon ah. ―Alam ko.‖ ―HAyy! Kelan daw ba ang alis natin?‖ ―Sa Monday.‖ ―Ganoon? Waa…2 days pa ang kelangan palipasin…‖ ―Mabilis lang yun. Mamimili pa tayo ng pagkain at ng gamit no.‖ Ay oo nga pala no? Hmm, ano kaya? Tama, bibili ako ng bagong bathing suit. Hay, wish ko lang sana na kasama dun si Sasha…pero…ayos narin yun! Kung kasama naman siya eh baka manigas lang ako at hindi ko maenjoy. ―Bukas tayo mamimili kaya gumising ka ng maaga. Wag mong isipin na ako pang manggigising sa iyo.‖ At pagtapos nun eh umalis na siya. Hmf! At sino naman nagsabi na gisingin niya ako aber?! Wala naman akong sinasabi ah!

Hayy…ano kayang mangyayari sa amin niyan? Chapter 26

The next day maaga ako nagising. Paano? Well…

―Hoy gising na!‖ may nalalaman pa siyang hindi raw ako gigisingin eh ano kayang ginagawa niya? ―Heto na babangon na!‖ at syempre, ano pa bang magagawa ko. Nagulantang na yung mundo ko kaya ayun, naligo narin ako at bumaba na kami. Hindi man lang ako pinakain eh, ang sama niya no? Pagdating naman namin sa mall eh dun kami muna sa mga damit tumingin. Actually, hinila ko lang si Kit eh. Hey, may atraso siya sa akin kaya may karapatan akong gawin yun diba? ―Hindi mo ko kelangan hilahin ok?‖ at saka ko naman siya binitawan. Tumingin tingin muna ako dun sa mga damit dun. Ang dami ngang bago eh tapos malavintage yung design niya kaya ako naman, napabili ng 3 shirts. Pagtapos namin dun eh hinila ko si Kit sa may mga swim wear. Hmm, ano kayang pipiliin ko? One piece o two piece? Ah alam ko na. ―Hoy Kit! Tulungan mo ko, anong mas okay, itong once piece na ito o itong two piece?‖ Pagtingin ko naman sa kanya eh natawa ako. Namumula siya! As in, yan na ata ang tinatawag na ultimate blush eh. Biruin niyo, nagagawa pala yun ng isang Kit Tasello? ―Bakit ba ako tinatanong mo diyan?!?‖ hahah, grabe, hiyang hiya talaga siya nung mga oras na iyon. ―Dali na! Pipili ka lang naman eh.‖ ―Wag mo nga akong idamay diyan sa kalokohan mo!!‖ Asus! Ang sungit. ―Fine! Ako nalang pipili.‖ Hay, sana pala si Marla or si Cheeky nalang yung sinama ko. Hmf, walang kwentang shopping partner naman itong Kit na ito eh. ―Yung one piece!‖ Napatingin naman ako sa kanya at napangiti. Ito talagang lokong to, ang hilig magpakipot! Tutulungan rin pala ako, magpapahabol pa! Napansin ko rin naman na mas lalo yatang pumula yung mukha niya. Wow, possible pa pala yun. ―Tara na nga Tomato face.‖ hinila ko na siya papuntang counter tapos binayaran ko na yung binili ko. *KUROKUROKURO*

Ugh, walang hiyang tiyan naman ito oh! ―Hoy stripes, hindi mo ba macontrol yang tiyan mo? Baka naman may alaga kang sawa diyan kaya tunog ng tunog parati!‖ this time, turn ko naman para mag blush. Walang hiyang lalaking to. Siya naman may kasalanan kung bakit nagising yung sawa---este kung bakit tumutunog tiyan ko eh! ―Excuse me tomato face, kaya lang naman tumutunong ito kasi hindi mo ako pinakain ng umagahan! Kaya ngayon, halika ilibre mo ko!‖ ―Hm, sino kayang mas mukhang tomato face sa atin ngayon stripes?‖ at pagtapos nun eh naglakad na siya. Dun kami sa Shakeys pumunta. Umorder naman kami ng pizza tapos syempre, hindi mawawala ang mojo‘s and dip. Wow, mukhang matutuwa ang alaga---este tiyan ko ngayon ah! ―Hoy stripes, hinay hinay lang…alam mo kung anong pwedeng mangyari sa iyo kapag over eating ka na naman.‖ ―Alam ko tomato face!‖ At yun, kumain na kami ng tahimik. Syempre, kapag kakain, galit galit muna. Grabe! Tama talaga yung choice ko na dito kumain! Sarap talaga! “Ang cute naman tignan nung couple na iyon oh! Tignan mo, bagay na bagay sila.” Teka, mukhang kami yata ni Kit ang pinag-uusapan nila. Whoa wait! Couple ba kamo?! “Oo sinabi mo pa. Pareho silang may hitsura kaya bagay na bagay sila no?” Hala naman, mukha na pala kaming couple ngayon?! ―Hoy stripes, wag mong ubusin yang mojo‘s and dip. Bahala ka, ikaw rin. Pero wag mong I-expect na ako mag-aalaga sa iyo sa bahay.‖ “Gosh, wag mong sabihin na kasal sila? Ang babata naman yata nila para maging kasal na.” Namula naman ako nun dahil sa sinabi nila. Grabe sila! Ang lakas nilang makiusisa ah. Nakakainis na. ―Ki----Kit?‖ teka, san na napunta yung lalaking yun?! Tumingin naman ako sa

paligid tapos nakita ko siyang kinakausap yung dalawang babaeng nagtsitsismisan. Mukhang takot na takot nga eh kaya pinuntahan ko na. ―---at hindi ba kayo tinuruan ng mga parents niyo na masama ang pageeavesdrop?!‖ Grabe naman itong lalaking to. Asus, hindi mo naman malalaman yung pinaguusapan nila kung hindi ka rin nag-eavesdrop eh. ―Kit tama na!‖ tumingin naman siya sa akin tapos huminahon narin. Lumingon naman ako dun sa mga babae tapos parang nagbow. ―Pagpasensyahan niyo na po itong kasama ko ale kung natakot niya kayo. Kit, tAra.‖ At hinila ko na si Kit papaalis. Napangiti naman ako sa huling sinabi nila. “Anong tinawag nyia sa atin?! Ale? Mukha na ba tayong Ale ngayon!?” Gosh Andy, matalino ka talaga. ―Sinadya mo yun no? Na tawagin silang Ale?‖ ―Oh? Tingin mo sinadya ko?‖ at nakita ko naman siyang ngumiti. Pagbalik namin sa table namin eh tinapos na namin yung pagkain tapos nagbayad na si Kit. Sunod naming pinuntahan eh yung supermarket para sa pagkain namin. Ang dami ko ngang nabili eh, mga iba‘t ibang junk food like Doritos, Lays, at syempre ang favorite kong Cheetos. ―Ano ba yan Stripes, puro junk food binili mo. Gusto mo yatang magkasakit lahat ng sasama eh.‖ tinaasan ko naman siya ng kilay nun. ―Eh di kumuha ka ng mga gusto mong bilhin. Wala naman pumipigil sa iyo eh.‖ at yun, kung anu-anong gulay na yung kinuha niya. May mga isda, chicken at beef pa nga siyang binili eh, hay naku, siguraduhin lang niyang may magluluto niyan dun. Pagtapos namin mamili eh nagpasundo na kami sa driver at syempre nakauwi narin. Hay! Excited na ako para sa Monday!!

*****

―Kumpleto na ba tayo?‖ naghead count kami tapos nun eh pumasok na kami sa Van nina Vince. Siya kasi yung bahala sa transpo namin kasi yung iba eh wala namang Van na kasing laki nung kanila.

Pumasok na kami sa loob tapos nun eh lumarga na kami. Masaya naman yung trip namin papunta dun, yun nga lang nakakapagod rin. Mga more than 2 hours rin kasi yung biyahe eh, tumagal pa lalo nung makailang stop over kami dahil kay Cheeky. I swear may UTI yata tong kaibigan ko. Pagdating naman namin dun eh manghang mangha kami sa mga bahay. Nakapunta na ako dito dati kaso nga lang eh matagal na iyon tapos yung bahay na pinagtuluyan namin eh hindi kasing laki nito. Wow talaga. ―Wow, mahal siguro ang rental dito no pare?‖ tanong ni Omar kay Kit. ―Siguro nga...‖ May 3 malalaking rooms dun, isang living room, malaking dining, 4 na cr at syempre kitchen. Yung mga pagkain namin eh sinimulan na naming ilagay dun sa kitchen. ―Sino ba magluluto ng lunch natin?‖ nagkatinginan naman kaming lahat nun. ―Wag niyong sabihin si Andy, I‘d rather eat chips kung ganoon.‖ binatukan ko naman si Cheeky. Tama bang ipagkalat na hindi ako marunong magluto? ―Marunong akong magluto.‖ Nagtinginan naman kami kay Myka. Wow, sosyal nitong babaeng to. Tamang tama talaga siya para kay Kit. ―Sige, tulong ako. ‖ ―WAG NA‖ Awts, ang mean naman nila sa akin! Huhu. ―Ano ba kayo! Taga abot lang ng mga gamit no! hindi ako gagalaw ng pagkain, promise.‖ Napahinga naman sila ng malalim tapos nun eh tumango rin. Mga lokong ito, walang tiwala sa akin. Iniwan na muna namin sila ni Myka since magpreprepare pa kami, well siya, ng lunch. ―Ang swerte mo Myka, marunong kang magluto…‖ Tumawa lang naman si Myka tapos nun eh nagtali siya ng buhok at naghugas. Ginaya ko naman siya. Alam ko na, siya ang master at ako naman ang apprentice niya. Tama. ―Alam mo Andy, madali lang naman magluto. Gusto mo turuan kita?‖

Napangiti naman ako at tumango sa kanya. Plano niyang lutuin eh adobo since mahilig daw sina Omar at Kit dun. Teka, akala ko kalabasa paborito ni Kit? Oh well, pwede namang marami ang favorite food eh. ―Andy pakuha ako nung chicken sa may ref.‖ Sumunod naman ako sa kanya tapos pumunta na sa ref. Pagkabukas ko eh nakita ko kaagad yung chicken kaya kinuha ko, isasara ko na sana yung ref nung may nakita ako bigla. ―Kalabasa?‖ napangiti naman ako. Favorite talaga nung mokong na yun ang Kalabasa kasi sigurado akong hindi naman ako yung pumili niyan nung namili kami. Mga 30 minutes rin kaming nagluto nun at syempre, pagtapos nun eh naghanda na kami. For sure gutom na gutom na sila. ―Wow! Ang bango naman niyan!‖ Nagsilapitan naman silang lahat sa may mesa at syempre, umupo narin. ―Andy sigurado ka ba na wala kang nilagay na KAHIt ano dito?‖ Walang hiya to, ang sarap batukan ah. ―Wala nga. Ang kulit mo naman eh.‖ Tapos nun eh kumain narin kami. Buti pala at maraming niluto itong si Myka. Biruin niyo, sobrang lakas pala kumain ng mga to. O baka ,sobrang sarap lang talaga magluto ni Myka? ―Paano pala yung room arrangement?‖ ―Oo nga dude. 3 rooms so ibig sabihin nun 3 each?‖ Nagkatinginan naman kami. Wala naman problema sa grupo ni Kit kasi 3 na sila. ―Hmm, so solve na yung unang grupo, kayo na yun Kit…so tayo yung kelangan maghiwa hiwalay.‖ Hmm, Si Cheeky siguro saka si Cheska okay na na magkasama sila so sino yung isa pa? Ah! Alam ko na. ―Second group sina Cheeky, Cheska at Stephen at ang last eh kaming tatlo nina Marla at Vince.‖ ―Hala! Bakit naman ganoon?!‖ sabi ko na magrereact to eh.

―Kasi po, hindi pwedeng mag-isang kwarto kayo ni Marla kahit pa man may kasama na isa pa.‖ ―Aray naman Andy, wala kang tiwala sa akin?‖ Asus, nagdrama pa itong lokong ito. ―Wala.‖ natawa naman kami nun tapos nagdrama pa lalo si Stephen. ―Icoconsider ko sana kaso naalala ko yung sinabi mo kanina eh…yung wala ka ring tiwala na wala akong nilagay sa pagkain. So, patas na tayo.‖ ―Andy naman, alam mo namang joke lang yun diba…diba??‖ ―Oi stripes, hindi pwede sa amin si Myka. Nag-iisa siyang babae? I switch mo nalang siya diyan sa Kaibigan mo. tapos tinuro niya si Vince. Darn, dagdag point sana yung sa plano ko kaso..hay, bahala na. ―Eh? Stripes?‖ nakakainis naman kasi tong Kit na ito eh! Bakit ba yun tawag niya sa akin?! Hmf! Kung hindi stripes, ―Hoy‖. ―Long story. Pwede ba Kit! Wag mo na akong tawaging stripes!‖ At ayun, naayos rin namin yung room arrangements. Kaming nina Marla at Myka sa isang room, sina Kit, Omar at Vince sa isa pa tapos yung last eh sina Cheeky, Cheska at Stephen. Hindi naman na kami nag-alala kung paano si Cheska kasi andoon naman yung kambal niya eh saka kung may gawin man yang si Stephen, which I think wala naman, eh siguradong maraming sapak makukuha niyan mula kay Cheeky. Nung hapon eh nilagay na namin yung mga gamit namin sa kwarto. Dun sa kwarto namin eh may parang recliner tapos parang queen size na bed. SI Myka eh nagprisinta naman na siya nalang sa recliner tapos kami na ni Marla sa kama, ayos naman sa amin yun. ―Hey Andy, sama ka?‖ ―Saan?‖ ―May Duty Free daw kasing malapit kaya pupunta kami roon. Ano?‖ ―Hindi na. Sige kayo nalang.‖ At pagtapos nun eh umalis na sila. Hindi ko na tinanong kung sino sino yung mga sasama kasi dumiretso nalang ako dun sa may living room at nanood ng tv. May nakita naman akong parang channel na may parang recipe ng kalabasa kaya naman eh tinigil ko doon. Tama, magluluto ako at for sure wala ng sablay to dahil may recipe ako.

Mwahaha! Makikita niyo! Hinding hindi niyo na ako aasarin pa na hindi ako marunong magluto, humanda kayo!

Chapter 27 ―Argh! Darn! Bakit ba kasi hindi ko sinulat yung recipe?!?‖ Grabe, mag 30 minutes narin siguro yung nakakalipas magmula nung magsimula akong magluto. Ang nagagawa ko palang eh palambutin at balatan yung kalabasa. Hay, bad trip naman oh! ―Hmm…toyo ba yun o patis??‖ Patis yata…tama…patis yun. Sige, patis nalang ilalagay ko. At yun, tuwang tuwa ako sa sarili ko kasi nasimulan ko narin yung pagluluto. Hindi ko naman nilahat yung kalabasa. Kalahati lang yung niluto ko para kung may gusto silang ibang luto nun eh may natitira pa. ―Andito na kami!‖ Tinago ko naman kaagad yung niluluto ko. Buti nalang at natapos na ako sa pagluluto kung di naku, mabubuko yung plano ko. ―Anu-ano binili niyo?‖ ―Well itong si Cheeky eh puro mga chocolate ang binili.‖ ―Aba! Nagrereklamo ka? Sige, wag kang makahingi sa akin mamaya ah!‖ ―Ito naman oh..hindi na mabiro.‖ Aba, si mukhang masyado na yatang napapalapit itong si Marla kay Stephen ah. ―Sina Myka naman eh bumili ng maiinom natin para bukas.‖ Well, at least meron sa kanila na bumili ng kelangan talaga. Kung magsalita ako eh no parang hindi rin ako ganoon diba? Wahehe. ―Sige, iinit ko lang yung ulam tapos kain na tayo.‖ Medyo nagpanic naman ako kasi ng diba, sa microwave ko tinago yung kalabasa. ―Ako nalang mag-iinit.‖ tapos nun eh tumakbo na ako bago pa man sila

makapagsalita. Pagdating ko naman dun eh kinuha ko kaagad yung bowl nung kalabasa. Medyo napaso nga ako eh buti hindi ko nabitawan. Tinabi ko muna siya tapos ininit na yung adobo na ulam namin kanina. Whew. ―Andy?‖ ―Uy, bakit?‖ ―Wala naman.‖ Nginitian ko lang siya tapos nung tumunog na yung microwave eh kinuha na ni Myka yung food at pumunta na sa dining area. Ako naman eh kinuha ko narin yung kalabasa na niluto ko at pumunta na roon. Nagkatinginan nga sila sa akin nung pumasok ako eh. Nagulat pa nga sila at may hawak akong ulam. ―Myka sana hindi ka na nagluto pa ng kalabasa. Ang dami pa nito oh.‖ Kumunot naman yung noo niya. ―Hindi ako nagluto niyan...‖ ―Tama siya. Ako nagluto nito.‖ nanlaki naman yung mga mata nila tapos nun eh nagsimulang magsalita sabay sabay. ―Pwede ba, subukan niyo man lang muna bago niyo husgahan?‖ Tumango naman sila, mukhang takot na takot nga eh. Si Kit naman, well normal na walang expression sa mukha. What do you expect? Hindi muna ako kumuha at hinintay ko nalang sila matapos. Si Vince yung unang kumain at… ―*coughs*‖ Sobrang inubo siya. Wah, ganoon ba talaga kapangit nung lasa nung luto ko? :‘( nung nakita nilang nangyari yun kay Vince eh binalik kaagad nila yung mga kinuha nila na kalabasa. ―Hay, bakit ganoon? Sinunod ko lang naman yung sa Tv eh..‖ ―Kung anu mang channel yun malamang makakasuhan sila niyan.‖ napatingin naman ako kay Omar nun tapos nakita kong siniko siya ni Kit. Hay, tama si Omar. O baka naman dahil ako yung nagluto eh kaya ganyan yung lasa. Nagsimula na silang kumain nun ng walang imik. Ako naman eh nawalan ng gana kaya nakaupo lang ako dun at tinititigan yung kalabasa. Nagulat nga ako ng biglang may kamay

na kumuha dun sa bowl. ―Kit?‖ Hindi naman siya umimik nun pero kinain niya lang yung kalabasa. Natouch naman ako dun sa ginawa niya. Alam kong halos masuka suka na siya sa bawat subo pero hindi parin niya tinigilan. Kit Tasello Fact #14, may good side rin pala siya.

******

―Ayos na ba pakiramdam mo?‖ tumingin sa akin si Kit na parang naiirita. ―Mukha ba akong ayos sa iyo?!‖ hay naku! Bwisit na ito. Hindi ko naman siya pinilit na kainin yung kalabasa pero ayun, kinain pa niya at naubos pa niya! Kaya ayan tuloy, sobrang sumasakit yung tiyan niya. Hindi na nga kami nakasama sa may beach eh. Syempre, nakonsensya rin naman ako diba kahit papaano. ―Bakit mo kasi kinain lahat?‖ tumingin siya sa akin ng masama na parang sinasabi, ―Seryoso kang tinatanong mo ko niyan?!‖ tapos nun eh pumikit ulit. ―Sabi ko naman sa iyo diba? Paborito ko ang kalabasa.‖ Napangiti naman ako. Asus, yun lang ba? If I know naawa siya sa akin eh kaya niya inubos yun. ―Yung basurahan!‖ agad ko naman binigay sa kanya yung trash can at ayun, nagsuka siya. Hay, grabe…kapag nakikita ko siyang ganyan eh lalo naman akong naguiguilty. ―Okay lang naman sa akin na walang kumain nun eh. Hindi mo na talaga dapat ginawa yun.‖ ―Masarap naman eh.‖ aba, nanloloko pa ito! Gusto yata nito ng sapok eh! ―Nang-aasar ka yata eh!‖ Tumawa naman siya nun tapos tumahimik rin. Hay, siguro sobrang saya na nilang nagswiswimming sa beach.

―Kung gusto mong sumunod sa kanila ayos lang.‖ Umiling naman ako. ―Hindi, ayos lang.‖ ―Dali na. Ayos lang talaga. Ikaw rin, sayang yung bathing suit na binili mo kung hindi mo rin pala gagamitin.‖ tumayo siya sa pagkakahiga pero tinulak ko siya ng mahina. ―Magpahinga ka na nga lang diyan. Ayos lang sa akin na hindi yun magamit. May pool naman malapit lang dito at anytime eh pwedeng puntahan. Saka may iba pa namang time para magswim eh. Kaya wag ka nang mapilit at magpahinga ka nalang kung di sisipain kita.‖ At yun, hindi narin siya nagpumilit na tumayo. Lumabas naman na ako ng kwarto nun tapos nagulat ako kasi ang bilis namang bumalik nila Cheeky. ―Oh, bakit andito na kayo? Tapos na kayo magswimming?‖ ―Hay nako sis. Napag-isip isip kasi namin na pwede naman sa last day tayo magpunta ng beach eh para sama sama tayo.‖ napangiti naman ako sa kanila. Hay, dahil sa luto mo Andy hindi tuloy kayo makapag-enjoy. Buong umaga eh andoon lang kami sa bahay at naglaro ng baraha. Ang saya nga eh kahit simple lang yung nilalaro namin. Biruin niyo, mismong ungguy ungguyan eh naenjoy namin? Medyo umayos naman yung pakiramdam ni Kit nung hapon kaya nagpasya kami na magswim na kahit sa pool man lang. Masaya rin naman kasi amg night swimming eh. Pagdating naman namin sa may pool eh tuwang tuwa kami kasi solo namin yun. Nagtanggal naman kami kaagad ng damit at syempre nagsitalunan na yung mga lalaki. ―Hoy Andy, anong get up yan? Bakit biglang nag one piece ka yata ngayon? Wag mong sabihin na nagpapakaconservative ka na?‖ napatingin lang naman ako kay Cheeky nun. Teka, wag niyong sabihin ako lang pala yung naka one piecE? Tumingin naman ako sa kanila. Hay, ako nga lang. Kahit si Myka eh naka 2 piece din. Sana pala yung 2 piece nalang pinili ko. ―Wag mo kong sisihin. Hindi naman ako pumili nito eh.‖ ―Niyak? Sino? Lolo mo?‖ At yun, binatukan ko naman siya. ―May lolo bang 15 years old?!‖

―eH? Eh di, sino pumili niyan?‖ ―Ayun oh!‖ tapos tinuro ko naman kung nasaan si Kit. Nakikipagbasaan siya kasama sina Omar at Myka. Napangiti naman ako tapos sumimangot rin. Ano ba itong ginagawa ni Omar?! Lumapit ako sa kanila tapos nun eh hinila si Omar. ―Hoy Omar! Nagpromise ka sa akin na may ituturo ka na dive! Wag mong sabihin nakalimutan mo yun?!‖ Tumingin naman sa akin sina Myka na parang nagtataka. ―Ha? Ah eh---‖ diniinan ko naman yung hawak sa kanya at ayun, nagets rin naman niya kaya umahon na siya at sumama sa akin. ―Finally nagets mo rin?!‖ ―Hihi. Sorry! O siya, tara kelangan magturo ako sa iyo kung di makakahalata si Kit…‖ Tinuruan naman ako ni Omar ng dive. Nakakatuwa nga eh. Back flip siya. Una eh takot na takot ako kasi baka mauntog ako pero nung tumagal eh hindi na nila ako mapigilan. Ang saya kasi eh. Mga 9 na siguro nung bumalik kami sa bahay dun pero hindi pa kami pagod nun kay naglaro muna kami. At anong mahiwagang game ang nilaro namin? ―Okay guys, time for Truth or Dare!‖ Wala namang umangal nun kasi wala rin naman kaming magawa para palipasin yung oras. Mukhang magiging interesting pa nga yun eh kasi think of it as this way…si Kit Tasello eh kasama sa game. Oh diba? Umupo naman kami ng pa-circle tapos nun eh kumuha sila ng bote ng coke na wala ng laman and then the game started. ―Okay, rules. Bawal umayaw sa dare na pinapagawa. Bawal rin magpass sa mga tanong sa iyo. And lastly, walang lalabas. Okay?‖ Syempre pumayag naman kaming lahat. Para rin sa ikakabuti namin yun eh, lalo na yung last rule. Sinimulan na nilang paikutin yung bote tapos tumapat kay…

―Andy, truth or dare?‖ Chapter 28

Nanlaki yung mata ko. Sa dami namin dito sa room na ito eh bakit sa akin pa tumapat yang walang hiyang bote ng coke na yan?! ―Come on Andy, we‘re waiting.‖ sige…ipressure niyo pa ako. Hay naku naman. Ano ba pipiliin ko? Kung truth eh baka kung anu pang itanong nila. Eh kung dare naman…naku! Kung alam niyo lang kung gaano ka wide ang imagination ni Cheeky. So…sige na nga. ―Dare.‖ nakita ko namang ngumiti ng sobrang wide si Cheeky. Uh-oh. ―I dare you to…hmmm, any ideas guys?‖ aba, himala yata at walang maisip tong lukaret na ito. ―Ako meron! I dare you to hug Kit!‖ nanlaki naman yung mata ko kay Marla. Grabe ang imaginations mo ah! ―Hug lang? Bakit hindi na kiss?‖ ―Hep! Bawal bawian.‖ nakakaasar naman. Sa lahat pa ng pwedeng yakapin bakit si Kit pa? Tumingin naman ako sa side nila. Nakuha ni Myka yung attention ko kasi parang ang lungkot niya. Hay nako, babatukan ko itong mga ito eh. Tumayo naman ako nun tapos lumapit kay Kit. As usual, walang emosyon yung mukha niya. Para siyang tuod sa totoo lang. Lumapit naman ako ng dahan dahan sa kanya at mukhang nainip pa yata sila kasi… *THUG!* ―Whoa…sabi namin hug…pero okay narin yung kiss.‖ Napausog naman ako kaagad. ―Hindi kiss yun! Cheek to cheek lang yun!‖

Hindi naman sila naniwala sa akin. Argh nakakainis! Bwisit na Omar yan, kelangan ba talagang manulak?! Tumingin naman ako kay Kit…Whoa.. namumula siya?! ―Whatever sis!‖ Nagtawanan naman sila nun, well maliban sa akin, kay Myka, Kit at…Vince? Bakit parang ang seryoso yata ng mukha niya ngayon? ―Tama na yan. Tapos na diba?‖ tapos nun eh pinaikot na niya yung bote. Teka, wag niyong sabihin may S itong kaibigan ko? (S=Sumpong) Tuluy tuloy naman na yung laro namin. Halos marami nga nagdare eh, feeling ko kasi ayaw nila ng aminan. Ganoon naman kasi parati kapag truth ang pinili mo, siguradong paaaminin ka ng mga magtatanong. Ang pinaka hindi ko makakalimutan na dare eh yung ginawa ni Cheeky. Paano, pinakanta at pinasayaw namin siya nung kanta ng Pussycat Dolls na Don‘t Cha. Grabe, tawa ako ng tawa nun paano, feel na feel talaga niya na parang nagcoconcert siya. Hay, kung nakita niyo lang sana. Naulit naman akong tawagin pero light nalang yung dare sa akin. Ang weird nga eh, pinaubos pa naman yung isang 1.5 litres ng coke sa akin! Grabe, feeling ko nun bondat na bondat ako as in. Sa tagal naman naming naglalaro eh parang sinuswerte yata si Kit kasi kahit isang beses eh hindi tumapat sa kanya yung bote. Ang galing nga eh, pati ba naman bote eh nakikisama sa kanya, bakit kaya sa akin hindi? Hmf! ―Okay last na ito kasi 1 am na.‖ oh? Hindi ko naman napansin. Kaya pala medyo inaantok ako. ―Since last na ito, magiging special ang dare or truth nung mapipili. Okay, game na?‖ tumango naman kaming lahat tapos pinaikot na yung bote. Ang tagal nga tumigil eh as in siguro umabot ng 1 minute. Nung tumigil naman siya napangiti kaming lahat. Sa wakas tumapat ka rin kay Kit! ―So, truth or dare Mr. SC President?‖ ―Dare.‖ aba, matapang. Nag-usap usap naman sina Cheeky nun. Teka, bakit hindi ako kasali? :‘( . Pagtapos nilang magpulong pulong eh humarap na sila tapos nakangiti pa, yung tipong hindi mo mapapagkatiwalaan dahil alam mong may pinaplano. ―Sabi ko naman diba na magiging special ito since last na? So ang

napagdesisyunan namin ay…‖ ―Ikaw Mr. Kit Tasello ay…‖ ―Makukulong sa room kasama si…‖ uh-oh. Mukhang hindi yata maganda ito ah. Please say Myka, please say Myka! ―Miss Andromeda [color=orangeYzobbelle[/color] Ongpauco‖ tell me, may galit ba talaga sila sa akin?! Bigla namang lumapit sa amin sina Omar at Stephen tapos hinawakan kami sa magkabilang braso. ―Hoy ano ba! Wag nga kayong ganyan!‖ pero hindi nila ako pinakinggan. Napatingin naman ako kay Myka at halata na malungkot siya. Darn! Nakakainis naman kasi yung dares nila eh. Pinili nilang kwarto eh yung piangtutuluyan nina Kit tapos nun eh parang tinapon nila kami dun sa loob. Napatumba pa nga ako eh, buti sa kama ako bumagsak. Sinara naman nila kaagad nun yung pinto, hindi ko naman alam kung paano nila kami ilolock dito at ayoko naring malaman. Medyo nakalog pa kasi yung katawan ko kaya nahilo ako. ―Kainis naman sila oh!‖ ―Wag ka nalang maingay pwede?‖ Hmf! Ang sungit naman nito. Umupo naman ako ng maayos sa kama tapos nun eh tumingin kay Kit. Nakahawak siya sa gilid ng ulo niya, parang nga minamassage niya eh. Teka, masakit ba ulo niya? ―Uy, ayos ka lang ba?‖ ―Oo bakit?‖ ―Wala. Masakit ba ulo mo?‖ ―Hindi.‖ ―Sigurado ka? Kasi kung---‖ ―Wag ka nalang magsalita.‖ Aba, ako na nga itong concerned sa kanya tapos siya pa itong magsusungit ng ganyan! Bahala nga siya. Hindi ko na siya pinansin after nun. No use rin naman diba? Kung susungitan lang pala niya ako eh di mas gugustuhin ko nalang na hindi siya kausapin.

Ang tagal naming tahimik nun. Feeling ko nga eh nakatulog na yung kasama ko. Ako naman, sa hindi ko malamang dahilan eh hindi ako makatulog. ♫ There you are standing right in front of me (x2) All this fear falls away to leave me naked, Hold me close cause I need you to guide me to safety No I won't wait forever(2x) ♫ Napatingin naman ako kay Kit. Sa kanya pala yung phone…wait, gising pa pala siya? Akala ko naman ako lang yung hindi makatulog. ―Hello?‖ hmm..sino kaya ang tumatawag sa kanya ng ganitong oraS? Baka si Myka? Yikeee! Sweet naman. ―Oh, Ma, napatawag ka? Gabi na ah?‖ ay…hindi pala. Sayang naman. ―Ha? Hindi. Hindi nga eh. Oo.‖ Lang hiyang lalaki to, hindi man lang mag ―po‖ at ―opo‖ sa sariling nanay. Nagulat naman ako kasi bigla siyang lumapit sa akin tapos inabot yung phone. Tinaasan ko pa nga siya ng kilay eh. ―Kakausapin ka raw.‖ Agad ko namang kinuha yung phone. ―Hello Tita?‖ ―Oh hija! Kamusta naman kayo diyan?‖ ―Ayos naman po. Enjoy naman‖ ―Ahh…mabuti naman. Oh, kamusta naman kayo ni Kit? Nagsusungit parin ba siya sa iyo? ‖ natigilan naman ako. ―HA? Ah eh…minsan pero sanay narin po ako.‖ ―Ahh, ganun ba? Pagpasensyahan mo nalang siya ah? Ganyan kasi talaga yan eh magmula nung----Oo teka lang kausap ko si AndY!‖ Huh? Ano yun? Magmula nung? ―O sige Andy ha. Kelangan ko na ibaba ito. Tinatawag ako ni Tito Oliver mo eh.‖ at ayun, binaba narin niya bago pa man ako nakasagot. Ano kaya yung gusto niyang sabihin? Oh well, malalaman at malalaman ko rin yun. Inabot ko naman kay Kit yung phone tapos nun eh bumalik na sa kama. Grabe hanggang ngayon eh walang pansinan parin. Tumingin naman ako sa relo ko. Hala! 2:30 na pala? Hay, bakit ba hindi pa ako inaantok? Tinry ko naman humiga tapos nun eh nagsimula ng magbilang ng tupa pero wala

rin eh. Hindi parin talaga ako inaantok kaya naman napaupo ulit ako. Nilingon ko naman si Kit at…Aba, buti pa siya tulog. Hay… Kumuha ako ng kumot dun sa parang closet tapos kinumutan ko naman siya. ―Kleo...‖Kleo? Wait, saan ko ba narinig yung pangalan na iyon? Ah alam ko na! Yun pala yung pangalan na nakita ko dun sa bracelet sa kwarto ni Kit. Tumigin naman ako sa kanya tapos nun eh napakunot noo ko. Sino kaya yung si Kleo na yun? ―Kleo...‖ gumalaw galaw siya, parang hindi mapakali. Teka…parang binabangungot yata siya ah? ―Kit gising!‖ ―Kleo wag mo kong iwan…‖ Whoa! , baka naman past girlfriend niya si Kleo? Hmm, matanong nga kay Myka o Omar bukas. ―Kit gising!‖ ―Kleo...‖ ―KIT!‖ ―Kleo!‖ at ayun, nagising rin siya. Pinagpawisan nga siya eh tapos hinihingal pa siya. Para siyang tumakbo ng 1 kilometro. ―Nananaginip ka lang Kit…‖ sabi ko sa kanya tapos tinapik ko yung likod niya. Halata mo ngang nagulat siya sa ginawa ko eh. Biruin niyo, ako, gagawin ko yun sa kanya? Nag-iba yata ihip ng hangin ngayon. Pero ang mas kinagulat ko pa nun eh… ―Kit--‖ ―Please, ngayon lang.‖ niyakap niya ako. Nagulat nga ako eh kasi sobrang higpit talaga ng yakap niya sa akin. Nung una eh hindi ko pa malaman kung anong gagawin ko. Pero napag-isip isip ko na yakapin nalang rin siya. Oo tama, kelangan niya yun nung mga oras na iyon. Nung mga oras na iyon eh nag-iba yung tingin ko sa kanya. Hindi na siya yung Kit Tasello na sobrang kalmado at masungit sa mga tao. Nung mga oras na iyon eh naging isang normal na Kit Tasello siya na may kinakatakutan rin pala. Ilang sandali lang rin eh kumalas narin kami sa pagkakayakap. Nagulat nga ako

kasi sobrang lalim ng tingin niya sa akin, para bang may hinahanap siya na kung ano. Napausog naman ako nun kaso nga lang eh lumapit siya bigla. ―Kit…‖ Pero hindi siya tumigil sa paglapit sa akin. Nanlaki nga yung mata ko eh. Ano bang binabalak nitong lalaking ito?! ―Kit anong…‖ Mukhang hindi naman siya nakikinig. Grabe ano ba ito! Napatigil naman ako kasi tumama na yung likod ko sa may paanan ng kama. Grabe, namamawis ako nun kasi kinakabahan pa ako sa kung anong binabalak ni Kit. WAAA!! Bata pa ako no! Nakaramdam naman ako ng biglang hilo at pagkatapos nun…

(A/N:

)

Chapter 29 ―Andy dalian mo, baka maiwanan nila tayo.‖ Napatingin naman ako kay Vince at tumango. Simula pa nung umaga eh nawawala na ako sa sarili ko. Paano, hindi ko makalimutan yung nangyari kanina. Hiyang hiya nga ako lalo na kay Kit eh. Hello, sino ba namang hindi mahihiya sa nagawa ko eh bigla ko siyang nasukahan? Mukhang nung mga oras na iyon lang lumabas kasi yung coke na ininom ko eh. Pero sa totoo lang, medyo relieved ako na lumabas yun kasi kung hindi eh baka kung ano pa man yung nangyari. Ilang beses rin naman akong nagsorry sa kanya at nagsabing hindi ko sinasadya talaga yun. Ayos lang naman daw yun since hindi mo naman macocontrol kung kelan ka susuka. Grabe. Hapon na pala ngayon. At dahil 2nd to the last day na namin ngayon dito sa subic eh nagpasya kami na pumunta muna dun sa parang forest something nila. Basta yung maraming butterflies. Ang ganda nga eh, yun nga lang, masakit sa paa kasi kanina pa kami lakad ng lakad. ―Andy dali...‖ ―Oo heto na.‖ Ang hirap rin naman kasing maglakad dito kasi maputik siya.

―Vince mauna ka na, pinasukan kasi ng putik yung sneakers ko.‖ nagpumilit pa nga siyang magstay pero syempre hindi ako pumayag kaya ayun, wala rin siyang nagawa kung di mauna na. Hay, sayang naman tong sapatos ko…bago pa man din. ―Hoy.‖ ―AH!!‖ napatumba naman ako bigla. Great! Ngayon ako rin eh puno na ng putik. Swerte ko no? Not! Tumingin naman ako ng masama kay Kit, paano, ako na ngang natumba eh tinawanan pa ako. ―May plano ka talagang patayin ako sa takot no?! Hindi ka man lang ba tutulong diyan?‖ Nung medyo tumigil na siya sa pagtawa eh inabot niya sa akin yung kamay niya. Hinila ko naman siya pababa kaya ayun, nadumihan rin siya. ―Ahahah…‖ ―Magpapatulong ka tapos hihilahin mo ko.‖ Natahimik kami saglit tapos nung makita namin ang isa‘t isa eh napatawa kami ng sobrang lakas. Isipin niyo, ang malinis na si Kit Tasello eh punung puno na ng putik. Wow. Tumayo naman na kami pagtapos nun tapos sumunod na sa trail nung iba. *Tunog ng Mahinang Kulog* Bigla naman akong kinabahan. Please…okay lang na umulan pero sana walang kulog. ―Mukhang uulan yata ah.‖ ―Bilisan na natin.‖ tumango naman siya tapos nun eh nagtuloy na kami. Medyo mapuno na dun sa dinadaanan namin kaya napakaraming tangkay na nakaharang. Muntik na nga akong masugatan eh buti nalang at hindi masyadong matulis yung isang natamaan ko. ―Teka…parang nakadaan na tayo dito ah?‖ Sigurado ako…nakadaan na kami rito. Tumingin naman ako kay Kit pero mukhang wala siyang pakielam. Pinalo ko naman. ―Aray, bakit ka namamalo?‖ kaya naman pala eh. Naka ear phones pala siya at may kung anong pinakikinggan kaya hindi niya ako narinig. ―Paikot ikot lang tayo dito.‖ ―Oo nga eh.‖ Ano ba yan?! Kanina pa niya alam tapos hindi man lang siya

nagsasalita?! Bwisit na ito! ―Nawawala na tayo tapos ganyan ka parin! Ano ka ba naman?!?‖ ―Alam mo, wala namang magagawa yang pagpanic mo eh. Sa tingin mo ba mahahanap nila tayo kapag magpapanic lang tayo?‖ may point rin naman siya. ―Anong gagawin natin ngayon?‖ ―Tawagan mo sila.‖ Oo nga naman. Bakit ba hindi mo man lang naisip yun Andy? Kinuha ko naman yung phone ko dun sa pocket ko tapos pagkatingin ko eh… ―LOW BAT?!?‖ sa lahat naman ng oras na pwedeng ma low bat eh bakit ngayon pa?! ―Phone mo nalang gamitin mo Kit…‖ ―Iniwan ko yung phone ko dun sa bahay eh.‖ wah…pwede na bang magpanic? :‘( ―Paano nila tayo mahahanap nito ngayon :‘( ?‖ *Tunog ng Kulog* Waaah! Mama… :‘( ―Maghintay nalang tayo dito. Pag umalis pa kasi tayo eh baka magkasalisihan or something. For sure naman mapapansin din nila na nawawala tayo eh.‖ Umupo naman siya dun sa ilalim ng isang puno tapos sinuot ulit yung ear phones niya. Ako naman eh dun sa katapat na puno umupo. Niyakap ko nga yung mga binti ko eh kasi natatakot talaga ako. Paano kung lumakas pa yung kulog kanina? *Mas malakas na Kulog* Yan na nga bang sinasabi ko eh! naman. And to make things worse…bigla namang bumagsak yung ulan. Hay, bakit ang malas naman ng araw na ito? Napatingin naman ako kay Kit. Buti pa siya, hindi niya naririnig yung kulog. Waa…sana pala ako rin nagdala ng I-pod. :‘( Niyuko ko nalang yung ulo ko. Sana, makatulog nalang ako tapos… *Mas malakas na Kulog* AHH!! Grabe, nanginig yung buong katawan ko dun…please…sana naman

matapos na yang u---teka…bakit parang hindi na yata ako nababasa? Tumingala ako at nakita si Kit…nilagay niya yung jacket niya sa akin tapos tumabi siya. ―Sana sinabi mo na giniginaw ka.‖ kung yun lang sana yun eh mas okay kaso hindi eh. *Mas malakas na Kulog* Napapikit naman ako tapos nilagay ko yung kamay ko sa tenga ko. Grabe. Please…asan na ba sila? Bakit hindi pa nila kami nahahanap?! ―Takot ka sa kulog?‖ nakita kong seryoso yung pagkakatingin niya sa akin. No point in denying. Tumango naman ako nun tapos bigla naman niyang nilagay yung kamay niya sa balikat ko tapos nilapit niya ako sa kanya. Whoa… ―Bakit hindi ka man lang nagsasabi?‖ tama bang sermonan ako eh kita na ngang takot na takot ako eh. *Mas malakas na Kulog* Pumikit naman ako ulit nun tapos naramdaman kong gumalaw si Kit, and then the next thing I knew…sinuot niya sa akin yung ear phones niya tapos nilakasan niya to the point na hindi ko na naririnig yung nasa paligid. Napangiti naman ako. Click here for the song Napapikit naman ako nun. ―Thank you…Kit.‖ at ang sunod ko nalang nalaman eh nakatulog na ako…

*****

May mga naramdaman akong gumagalaw sa paligid ko. Teka, anong oras na ba? Pagkadilat ko eh bigla bumulagta sa harap ko ang mga mukha ni Cheeky, Cheska, Marla, Stephen at Omar. :O Tinanggal ko naman agad yung ear phones. ―Nahanap niyo na kami!‖ ―SHHH! Sis wag ka maingay…‖ tapos nun eh tinuro niya yung katabi ko. Napatingin naman ako at… :O Natutulog siya. Whoa… ―Kayo ah…ang sweet ng position niyo ah.‖

Tinaasan ko naman ng Kilay si Cheeky tapos nun eh napatingin sa amin. Nanlaki naman yung mata ko. Sobrang lapit ko nga pala sa kanya kaya naman bigla akong napausog. Nakita ko naman na gumalaw galaw si Kit tapos nun eh dumilat na siya. ―Ayan tuloy nagising. Andy naman kasi eh..‖ Tumayo naman kaagad si Kit nun, halata mong inis siya. Syempre naman no, sino bang hindi maiinis kapag nakita mong pinalilibutan ka ng mga tao at pinapanood kang matulog, diba kayo rin maiinis kung ganoon? Anyway, bumalik narin naman na kami sa bahay nun. Nagulat nga ako at mga 8 palang eh. Akala ko mag-uumaga na, yun pala hindi pa pala tapos yung araw. As usual, si Myka ulit yung nagluto. Nung kumakain kami eh nakakagulat na sobrang tahimik yata nung iba. Syempre, dahil isa akong curious na tao eh nagtanong ako. ―Bakit ang tahimik niyo?‖ Nagkatinginan lang sila tapos si Cheeky naman eh sumenyas sa akin. Si…si Vince? Anong problema sa kanya? Tinaas ko yung kilay ko tapos nun eh nag shrug lang sila. Mukhang napansin yata ni Vince na siya yung pinag-uusapan kaya naman eh tumayo siya. Sinundan ko naman siya hanggang kwarto dahil syempre, best friend ko yun eh. ―Vince anong problema?‖ ―Wala…kumain ka nalang dun…‖ Hindi ako umalis kasi alam kong meron. Sa tagal ko ba namang nakilala yan eh, saka kahit siguro ang pinakamanhid na tao sa mundo eh malalaman na may problema nga itong lokong ito. ―At sinong niloko mo?‖ tapos nun eh umupo ako dun sa tabi niya. Hindi naman niya ako nilingon. ―Dun ka nalang Andy…dun sa KANYA.‖ kanya? Huh? Anong pinagsasabi nitong Vince na ito? ―Kanya? Vince anong---‖

―Oh come on Andy, wag mong sabihin na hindi mo alam?‖ Napakunot naman yung noo ko nun. Teka, ano bang problema? ―Hindi ko alam okay? Kaya pwede ba sabihin mo na?‖ umupo naman siya nun, kanina kasi nakahiga siya, tapos humarap sa akin. ―Kanino pa ba? Malaman dun sa fiance mo.‖ ―Anong problema mo kay Kit, Vince? May ginawa ba siya sa iyo?‖ Sa pagkakaalam ko eh wala namang ginagawa si Kit sa kanya eh? Oh baka meron? ―Wala. Kalimutan mo na iyon.‖ Hihiga na sana siya ulit pero hinila ko siya. ―No, ayokong kalimutan. Ano yun?‖ ―Gusto mong malaman talaga?‖ ―O-Oo.‖ Ang lalim ng tingin niya sa akin ng mga oras na iyon. Nakakagulat nga eh kasi sa tagal kong nakilala si Vince eh ngayon ko lang siyang nakita na ganyan. Sobrang seryoso siguro ng nangyari. ―Inaagaw ka niya sa akin!‖ Nagulat naman ako dun at nanlaki mata ko. Ganoon ba talaga nararamdaman ni Vince? Grabe, nakakainis…hindi ko man lang siya inintindi. ―Vince…yun ba ang gumugulo sa iyo?‖ tumango siya nun. Lumapit naman ako sa kanya at yumakap. Halatang nagulat siya nung simula pero yumakap rin. ―Ano ka ba naman Vince…kahit kelan hindi ako maaagaw sa iyo ni Kit.‖ Kumalas naman kami sa pagkakayakap at nakita kong parang gulat na gulat siya. ―Nagegets mo ko?‖ ―Oo naman. Alam mo naman na kahit kelan eh hinding hindi kita pagpapalit.‖ napangiti naman siya nun. ―Promise?‖ asus, ayaw pang maniwala oh. ―Syempre naman Vince. Tinatanong pa ba yan? Alam naman ng lahat na…‖

…ikaw lang ang pinakabest friend ko.”

Chapter 30

―EH?‖ ―Anong eh? diba kaya kalang naman nagmumukmok eh dahil akala mo nawawala na ako bilang best friend mo?‖ ―Ah…oo. Ganun na nga.‖ Napangiti naman ako. Nagpaalam narin ako sa kanya, naramdaman ko kasing kumulo yung tiyan ko eh, gising na naman yung alaga ko. Kinabukasan eh maaga palang eh nagayos na kaagad kami. Mga 6 am yata eh nanggising na yung iba. Syempre, may-aayos pa kami ng gamit at saka magbebeach pa kami kasi last day narin namin yun. Mga 8 siguro nung matapos kami at dumiretso na dun sa beach nila. Pagdating nga namin dun eh excited na excited kaming maligo, paano kokonti lang yung tao. ―Andy tara na!‖ ―Oo! Ang atat mo naman eh.‖ tumawa lang siya nun at syempre tumakbo narin ako papuntang tubig. Grabe, ang sarap nga eh, ang lamig ng tubig tapos malinaw pa. ―Oh anong balita ngayon sis? Anong nangyari sa inyo ni Vince?‖ ―Ayun, sinabi ko sa kanya na wag siyang magselos kay Kit eh.‖ ―OH? Sinabi mo yun sis? Grabe, ang galing mo, eh di tuwang tuwa na si Vince niyan ngayon.‖ ―Oo naman. Saka hello?! Si Kit? Papalit bilang si Vince na pinakabest friend ko? Naku, imposibleng mangyari yan.‖ Nagulat naman ako ng biglang paluin ni Marla yung noo niya, yung para bang may palpak na nangyari. ―Hay nako Andy, akala ko pa naman ayos na.‖ ―Huh? Ano bang pinagsasabi mo diyan?‖ ―Wala. Hay nako…kawawang Vince.‖ Tatanungin ko pa sana siya nun ng biglang may nangbasa sa amin. Sina Stephen

at Vince pala. AT ayun, nagkaroon kami ng water fight. Sobrang saya nga eh. Nung lunch time eh kinain lang namin yung chips na natira sa baon namin. Ayos lang naman yun eh, pwede naman kasi kami mamaya magstop over kapag papauwi na. ―Andy, punta tayo dun oh.‖ hinila naman ako ni Myka dun sa parang kabilang side ng beach. Nagulat nga ako eh kasi pasubo pa naman ako nun ng doritos. Hay, sayang, natapon tuloy. Bumagal naman yung paglalakad ni Myka nung nakalayo kami sa kanila. ―Myka?‖ ―Alam mo kasi Andy…may kelangan akong sabihin sa iyo.‖ Napataas naman kilay ko. Hindi na ako nagsalita at tinuloy naman na ni Myka yung sinasabi niya. ―Wag niyo na ituloy ni Omar yung inyong pagmatch make sa amin ni Kit…‖ nanlaki naman yung mata ko nun. Idedeny ko pa sana dapat kaso napangunahan niya ako. ―Alam kong gusto niyo makatulong sa akin. Kayo ni Omar, I mean. Pero…‖ napatigil siya nun at ang sumunod nalang na alam ko eh umiiyak na pala siya. ―Myka…‖ ―P-P-Pero…siya na mismo ang nagsabi…‖ ―Ano na naman ang ginawa niyang Kit na iyan?‖ Umiling si Myka nun tapos tumingin sa akin at ngumiti ng pilit. ―Oo nga‘t mahal ko siya pero…‖ Huminga naman siya ng malalim nun tapos ngumiti ulit, this time totoong ngiti. ―Isa lang ang hihilingin ko sa iyo Andy…‖ ―Ano yun? Sige sabihin mo…kahit ano gagawin ko. Kung gusto mong pabatukan yung lokong yun sige…gagawin ko.‖ Tumawa naman siya nun tapos umiling. ―Hindi Andy…kahit yun man ang gusto kong gawin hindi yun ang hiling ko.‖ Eh? Ang gulo naman nitong babaeng ito. Tumingin siya sa akin ng sobrang seryoso tapos nun eh hinawakan niya yung braso ko. ―Alagaan mo siya Andy. Wag na wag mo siyang pababayaan okay?‖ Huh? Alagaan? Ako? Aalagaan ang damulag na lalaking yun?! EH?! ―Myka hindi kita maintindihan…‖ ―Basta Andy…maiintindihan mo rin balang araw. Basta yun lang ang hiling ko sa

iyo. Ipangako mo sa akin yan okay? Saka kung pwede sana…‖ lumapit naman siya sa akin nun tapos may binulong at nanlaki yung mata ko. ―Pero Myka!‖ ―Alam mo Andy, mas gugustuhin kong mapunta siya sa iyo kesa sa iba pa.‖ ―Myka…‖ ―Please…‖ Hay, ano pa nga bang magagawa ko? Tumango naman ako nun tapos nagpasalamat siya sa akin at niyakap ako. ―Tara…balik na tayo.‖ anak ng…ang bilis naman makarecover nitong babaeng ito. ―Sige…mauna ka na.‖ at ayun, tumakbo na siya papunta kina Omar at Kit. Hay…ano ba itong pinapasukan ko?!

*****

Nakauwi naman kami ng safe sa bahay, as in yung bahay na malapit sa school. Grabe nga eh, gabi na kami nakarating nun kaya sobrang pagod kami. Kaya nga ba pagkahigang pagkahiga ko palang sa kama eh knockout kaagad ako. The next day, Friday, eh maaga rin akong nagising. Ewan ko ba, mukhang tinopak na naman itong si Kit at bigla namang pumasok sa kwarto ko at… ―Gising na! Hoy Tanghali na! *kalampas ng kaldero*‖ ―Kit naman! Anong oras lang ba?‖ napatingin naman ako kaagad sa alarm clock ko. 7 am?!!? ―Naloloko ka na ba at ginising mo ako ng 7 o clock ng umaga?!‖ Okay sana yung gising lang na ―yugyog‖ type eh..kaso may matching ingay pa ng kaldero. Now, tell me, sinong hindi maiirita dun? ―Nagyaya sina mama sa bahay namin kaya pwede, bumangon ka na diyan?‖ Napabangon naman ako kaagad. Aba, himala yata at sa bahay nila kami pupunta? I mean, sa tagal na nitong arrangement namin eh hindi pa kami actually nakakapunta sa bahay nina Kit. Wow, exciting ito.

Pinalabas ko naman na siya syempre tapos nun eh naligo na ako. Pagkababa ko naman eh nakita ko kaagad si Kit na nakaabang sa may pinto. Aba, ang bilis naman mawala nung mataas na energy niya. Hay, mood swings nga naman oh. ―Ang tagal mo.‖At ayun, sinimangutan ako at lumabas na. Hmf, bahala nga siya sa buhay niya. Matagal tagal rin yung trip namin papunta sa house nila Kit. Paano, traffic narin nung umalis kami tapos may kalayuan din siya. *KUROKUROKURO* Napatingin sa akin si Kit bigla tapos tumawa. Hmf! Loko siya! Paanong hindi tutunog yung tiyan ko eh hindi na naman niya ako pinakain muna bago umalis. May balak ata tong gawin kalansay yung katawan ko eh. At sa wakas! Dumating narin kami after 100 years. ―Hija! Hijo! Buti dumating na kayo. Tara, kakain na. Andoon na sa loob yung pamilya mo Andy, kanina ka pa hinihintay.‖ sabi ni Tita Kris na tuwang tuwa nung makita kami. Pumasok narin naman na kami nun at syempre kumain na. Grabe nga eh, gutom na gutom na talaga ako nun pero syempre dinahan dahan ko. Ayoko na yatang magka LBM ulit no. Matapos namin kumain eh nagbonding naman yung parents namin nina Kit. Magchichikahan lang siguro yang mga yan. Si Ate naman, ayun may sarili ring kachikahan, si ate Karla at syempre, ang pinakalovable *cough* brother ko eh nag gagameboy na naman. Since wala naman akong makausap sa kanila, dahil iniwan ako ni Kit, nag-ikot ikot nalang ako sa bahay nina Kit. Ang ganda pala ng bahay nila, paano, sobrang laki kasi eh. Ang daming kwarto tapos halata mong mamahalin yung mga kasangkapan. Nagtataka tuloy ako bakit ang laki ng bahay nila eh apat lang naman sila sa pamilya. Umakyat ako sa 2nd floor tapos nag-ikot ikot narin. Yung mga rooms nga na napasukan ko eh puro may mga aircon at flat screen na tv. Sosyal talaga. ―Hmmm, what‘s behind door number 1…‖ Ano ba yan, para naman akong nagtotour sa museum. Pagbukas ko ng pinto eh gulat na gulat ako sa nakita ko. Room siya ng babae pero I doubt na kay ate Karla ito kasi yung portrait malapit sa kama eh hindi naman niya kamukha. Kaninong room kaya ito? Tumingin tingin pa ako dun sa loob. Halata mong matagal na siyang hindi

nagagamit. Umikot naman ako dun at syempre tinignan tignan yung mga gamit. May napansin naman akong parang notebook na nakahilata sa may desk kaya nilapitan ko. Hala Andy, ano na nangyari dun sa respect other people‘s privacy? Pagkatingin ko eh nagulat naman ako sa nilalaman nun, …nagpunta kami ni Kit sa may playground ulit ngayon. Ang saya nga eh. May mga cute na batang tuwang tuwa na makita kami. Madalas kasi kaming dalawa na nagpupunta dun tuwing weekends kaya kilala na namin sila. Halata mo naman sa mukha ni Kit na masaya siyang talaga. Bumili kami ng ice cream nun, ang weird nga eh, papaano, si Kit ang pinili eh double dutch samantalang ako eh pinili ko yung chocolate. Kakaiba talaga no? Nilibre naman ni Kit yung mga bata, ang bait talaga nitong----―Sinong nagpapasok sayo dito?!‖ Napatalon ako sa gulat. Pagkatingin ko kay Kit eh halata mong galit na galit siya. Whoa, hindi ko pa siya nakikitang ganyan dati ah? ―Ah…ano kasi…ummm…wala kasi---‖ ―Wala kang magawa kaya napagpasyahan mong makielam sa kwarto ng may kwarto?!‖ Alam kong mali ako un pero hindi naman niya ako dapat sinigawan. Feeling ko kasi sobrang namamaliit ako kapag ginagawa sa akin yun. ―Sorry ha! Hindi ko naman talaga ginustong makielam dito eh! Di bale! Aalis nalang ako!‖ At naglakad na ako nun paalis. Nakita pa nga ako nina mama pero hindi ko sila pinansin. Agad lang akong lumabas ng bahay nina Kit at hindi ko alam kung saan man ako pupunta. Bahala na kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Napatigil naman ako kasi napagod rin ako. Ang bilis ko yatang naglakad. Medyo sumakit pa nga yung tuhod ko kaya yumuko ako para himasin yun. Nung medyo okay na, napatingin naman ako sa paligid ko. Isang playground. Di kaya ito yung sinasabi nung taong nagsulat nung notebook? Pumunta ako sa may swing tapos sumakay. Walang tao nun sa playground kaya medyo tahimik nun. Ang maririnig mo lang talaga eh yung mga kotseng dumadaan.

Nagulat nalang ako bigla ng may mga luha na pumatak sa kamay ko. BAkit ba ako naiiyak? Parang naman hindi ako sanay na masungitan nung lalaking yun. Hay naku naman… “Ate…ate, bakit ka sad?” Napatingin ako sa nagsalita. Isang cute na batang babae. “Sad ka rin ba parang si Kuya?” ―Kuya?‖ “Opo, si kuya na parati napunta dito dati kasi sad siya na wala na si Ate.” Hmm, sino naman kaya yun? ―Ahh…magkaiba naman kami ng problema…‖ “Thammy! Wag mong sabihin nanggugulo ka na naman? Ate sorry ah kung magulo itong kapatid ko…” sabi naman nung batang lalaki na kadarating lang. “Anu ba kuya Thor! Hindi ako nanggugulo. Diba po ate?” Natawa naman ako sa kanila. Ang cute nilang magkapatid. Ano kayang feeling ng magkaroon ng kuya? “Ate wag ka na po sad ah? Pumapangit po kasi ang mga babae kapag parati umiiyak.” Napataas naman kilay ko sa kanya. ―Ganun ba? Kanino mo naman nakuha yan?‖ “Yung sa isa pa po naming ate. Mabait yun at parating ngumingiti.” “Hoy Thammy tara na! Hinahanap na tayo sa bahay.” tumingin naman sa akin yung kapatid niya tapos nag-wave na at umalis. Hay, ang saya siguro maging bata ulit no? Sobrang carefree at wala pa masyadong pinoproblema. Hindi mo kelangan masyadong isipin yung mga ginagawa mo kasi…well…kasi bata ka eh. Yumuko ulit ako nun at nilagay ko yung kamay ko sa may mukha ko. Hinahanap kaya ako nila mama ngayon? For sure hindi yan, sanay naman sila sa akin na umaalis eh saka kaya ko naman sarili ko. Naramdaman ko namang biglang gumalaw yung swing sa tabi ko pero hindi ko siya nilingon. Feeling ko hangin lang o kaya bata lang yun na gustong maglaro.

―Sa susunod nga kung may gagawin kang kung anu-ano eh isipin mo muna. Palibhaasa wala ka kasing pakielam kung nag-aalala yung mga tao sa paligid mo.‖ Napatingin ako sa kanya tapos nun eh nagtaas ng kilay. ―Nag-alala ka sa akin?‖ ―Ano bang pinagsasabi mo?‖ asus, inatake na naman ng pagkasungit. Tsk, tsk. ―Sabi mo kanina…yung mga tao sa paligid ko. Kasama ka na dun diba?‖ napangiti ako kasi bigla naman siyang namula. ―Wag ka nga magsalita ng mga kalokohan. Tara na, hinahanap ka na dun.‖ At ayun, tumayo na siya at naglakad. Ako naman, ano pa bang magagawa ko kung di sumunod nalang diba? ―Asus, pakipot ka pa.‖ binilisan ko naman yung lakad ko hanggang sa makasabay sa kanya. ―If I know may crush ka talaga sa akin eh.‖ tapos inunahan ko na siya. ―Andy.‖ Napatigil naman ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Lakas mo rin mangarap no?‖ HMF! Chapter 31

―Andy dalian mo baka makaalis na si Miss…‖ Monday na ngayon. Back to school na naman kami. Wala masyadong nangyari nung mga lumipas na araw. Buong weekend eh tambay lang kami sa bahay namin ni Kit at lumabas lang kami nun nagsimba, other than that, wala nang nangyari. ―Teka lang Vince, wag mo kong masyadong hatakin!‖ Season na naman kasi ng project. AT dahil mababait kaming studyante at hindi na naman nakinig nung discussion, heto kami ngayon at naghahabol. Panigurado sermon na naman ang abot namin ngayon. Nakarating naman kami dun sa cubicle ng adviser namin. Buti nga at may kasama siyang studyante kaya hindi niya kami nasermonan.

―Since andito narin kayo. Gusto kong ipakilala kayo sa magiging bago niyong classmate.‖ ―Bago? Ma‘am hindi po ba masyadong late na para magkaroon pa kami ng bagong classmate?‖ ―Well actually, may ilang classes lang siyang itatake dito eh tapos nun eh aalis rin siya papuntang US. Parang sit in lang siya.‖ Ngumiti naman kami ni Vince dun sa babaeng sinasabi ni Ma‘am. Halos magkasing tangkad lang kami tapos ang amo ng hitsura niya. In short, mukha siyang mabait. ―Sige, maiwan ko na kayo. Kayo na ang bahala sa kanya ok?‖ Tumango naman kaming pareho tapos nun eh humarap dun sa new girl. ―Hi, ako pala si Andy.‖ inoffer ko yung kamay ko sa kanya tapos tinanggap naman niya. Ganoon rin yung ginawa ni Vince. ―I‘m Katrize. Kat nalang for short.‖ ―Welcome pala dito sa MPU. Kung may mga tanong ka eh wag kang mahihiyang lumapit okay?‖ At ayun, sinamahan na namin siya para makita yung classroom. Magbebell narin naman kasi nun eh. Promise naman namin sa kanya na dismissal nalang namin siya itotour para wala ng sagabal. Mabilis lang naman lumipas yung oras. Hindi ko namalayan na dismissal na pala. Paano, puro bigayan lang ng project at syempre, hinayaan na kami makipagmeet sa kagroup namin. ―Andy hindi ako makakasama sa inyo, may practice pa kasi ang varsity eh.‖ ―Ah ganun? O sige, kaya ko naman siguro na magtour mag-isa.‖ at yun na nga ginawa namin. ―Ito nga pala yung library namin. Masarap tumambay diyan at matulog, aircon kasi.‖ natawa naman sa akin si Kat nun. Ewan ko, parang ang gaan ng loob ko sa kanya hindi tulad ng sa ibang babae na medyo nakakairita. ―Natry mo na?‖ ―Hmm, hindi pa naman.‖ at ayun, kahit mababaw yung pinag-uusapan namin eh tawanan naman kami. ―Oo nga pala Kat, saan school ka galing?‖

―Actually, galing akong London. Last month eh pinauwi ako ng parents ko dito kasi parang reunion daw.‖ ahh…pero bakit sa America na sila at hindi na sa London babalik? ―Hindi na kayo babalik ng London?‖ umiling naman siya nun tapos ngumiti. ―May business kasi na bago yung mom ko sa America so dun na kami.‖ ―Ah, so parang parati kayong lumilipat dahil sa business? Hindi ba mahirap yun sa pag-aaral mo?‖ ―SA pag-aaral wala akong problema kasi may personal tutor ako. Ang problema ko eh yung mga iniiwan kong friends sa mga napupuntahan namin.‖ Nakaramdam naman ako ng awa para sa kanya. Biruin niyo, dahil sa palipat lipat nila ng place eh hindi siya magkaroon ng permanent friend. Naku kung sa akin nangyari yun siguro nagkaroon na ako ng mental breakdown. ―Ang lungkot naman…‖ ―No…‖ nakita ko namang siyang umiling. Anong no? Hindi siya nalulungkot sa lagay na iyon? ―Ayos lang sa akin yun kasi I get to meet different kinds of people.‖ naku, napaka optimistic naman nitong taong ito. ―Wag ka mag-alala Kat.‖ nagulat naman siya sa sinabi ko. Ewan ko nga rin eh. Pati ako nagulat. ―Magiging friend mo ako kahit na lumipat kayo sa America. Promise yan.‖ at inabot ko naman sa kanya yung kamay ko para makipagshake hands. Napangiti ko naman siya nun. Ang sarap talaga ng feeling ng napapasaya mo ang isang tao. Tumuloy naman na kami sa pagtour nun. Pinakita ko sa kanya yung mga computer labs namin, chem lab, physics lab, gym at syempre yung fields. Ang saya nga eh, imbis na napagod kami. Paano, todo laughtrip talaga kami nung mga oras na iyon. ―Grabe, ngayon lang ako nag-enjoy sa pagtotour.‖ ―Ako nga rin eh. Kakaiba kang tour guide Andy.‖ ―San mo gusto next?‖ ―Hmm…time out muna tayo. Tara, kain tayo…ililibre kita.‖ Wow, ang gandang pakinggan sa tenga nun ah. Libre daw? Heheh, napangiti

naman ako at ayun, dumiretso kami sa may canteen. Ang dami nga niyang biniling pagkain eh. Akala mo naman magpapakain siya ng isang basketball team. ―Ang dami nito Kat!‖ ―Hehe, ganun ba? Ayos lang yan. Yung matitira dyan eh ibibigay ko dun sa mga bata dun sa may orphanage.‖ Waw, ang bait talaga nitong babaeng ito. Marami rin kaming natirang pagkain. Grabe naman kasi eh, sobrang dami niya talagang binili. ―Ako na diyan Kat!‖ Kinuha ko yung hawak niyang tray nun tapos naglakad na.

*BAM!!!* Awts! Ang sakit ng pwet ko…darn. ―Andy! Okay ka lang ba?‖ ―Yeah. Sorry, hindi ko kayo nakita.‖ napatingin naman ako dun sa nabunggo ko. Uh-oh. ―UGH!!! LOOK AT WHAT YOU‘VE DONE!! Tignan mo ito!‖ sigaw sa akin ni Keri with matching turo pa dun sa damit niya. ―Kaya nga nagsorry eh diba?‖ ―Sorry? Your sorry won‘t change anything geek!‖ hmf, akala mo naman siya yung natapunan. Magsasalita na sana ulit ako nun ng biglang hinarang ni Kat yung kamay nya sa harap ko. ―Look, Accidents happen okay? Saka hindi lang naman si Andy ang may kasalanan eh. Kayo rin ang hindi tumitingin sa dinaraanan niyo kaya naman hindi niyo siya naiwasan.‖ Nag-usok yung ilong ni Keri nung nakita niya si Kat. ―At sino ka naman ha? Hindi mo ba ako nakikilala?‖ ―My name is Kat, at no, hindi kita kilala at wala rin akong balak kumilala sa taong katulad mo.‖ ―Don‘t you talk to her like that!‖ ―At bakit naman? Sino ba siya? If I know, ordinary student lang rin siya dito katulad ko.‖

―Tara na Pau. Magbabayad kayo sa ginawa niyong ito.‖ Hmf, akala niya matatakot niya kami ng ganoon nalang? As if! Humarap naman sa akin si Kat tapos ngumiti. Nag high five pa nga kami eh. ―Astig mo Kat!‖ ―Nah, hindi ko lang talaga matiis ang mga taong ganoon.‖ At yun, pinagkatuwaan namin yung mga expression ni Keri, paano, akala mo eh sasabog yung mukha niya sa sobrang galit. Tinuloy na namin yung pagtour nun. *Teet Teet! Teet TeeT!* Sender: Mr. SC President Message: Oi, asn k

―Sino yan Andy?‖ ―HA? Wala. Isa lang namang bakulaw na mahilig mangulit.‖ Bakit bakulaw? Well…diba siya si beast sa Alice in Wonderland? Aheheh. Halata mo naman na nagtaka si Kat sa sinabi ko. ß- ganyan kasi hitsura niya ß- heto naman ako. ―Basta, mahabang storya.‖ tumango lang naman siya nun at ako eh nireplyan ko na si Kit. Message: mauna k na uwi. May tour p q na new S2dent. *Teet Teet! Teet TeeT!* Sender: Mr. SC President Message: Dalian mo

Aba, may balak pa yata itong kumag na ito na hintayin ako. May sakit ba siya?

―Tara na.‖ pinakita ko naman sa kanya kung saan pwedeng hanapin yung mga teachers namin. Pagtapos nun eh nag classroom hopping kami. Wala lang, bibisita tapos aalis ulit. Weird no? pero infairness masaya. ―Hay! Nakakapagod naman.‖ ―Gusto mo mawala pagod mo?‖ tumaas yung kilay niya tapos ngumiti lang ako sa kanya at kinuha yung kamay niya. Nasa 4th floor kami nun eh kaya matinding pagtatakbo yung ginawa ko hanggang sa makarating kami ng second floor. ―Art Room?‖ ―Yep.‖ ―Paano naman nito matatanggal yung pagod ko?‖ ―You‘ll see.‖ At pagtapos nun eh hinila ko ulit siya papasok ng art room. As expected, may bagong painting na naman na nakalagay dun. Nasa may playground yung babae tapos para siyang kumakain ng ice cream. Nakasmile siya tapos halata mong sobrang saya niya. Tumingin naman ako kay Kat, ―Nawala pagod mo ano?‖ Hindi niya ako kinibo. Teka, may problema ba? ―Kat?‖ hinawakan ko siya sa magkabilang braso tapos niyugyog ko siya. Bigla naman siyang natauhan. ―Andy, dalhin mo ako sa taong nagpaint niyan.‖ Napansin kong parang naging sobrang seryoso yata siya na kinakabahan. Teka, ano bang meron sa painting na ito? ―Sorry Kat pero hindi ko kilala yung nagpapaint niyan eh…‖ Lumungkot yung mukha niya tapos nun eh tumungo siya. ―Ka--‖ ―Andito ka na naman pala. Diba sabi ko dalian mo?‖ Hay nako, panira tong lokong to. Hindi ba siya tinuruan na kumatok nung bata pa? ―Kit?‖ napatingin ako kay Kat. Teka, kilala niya si Kit? Hindi ko naman siya pinakilala kanina ah? Paano…?

Tinignan ko naman yung expression sa mukha ni Kit. Halata mong gulat na gulat siya. Whoa…wait lang, mukhang meron akong naamoy dito ah. ―Kat…‖

Magkakilala sila?!?

Chapter 32

Pabalik balik yung tingin ko sa kanilang dalawa. Teka, magkakilala pala sila? ―Magkakilala kayo?‖ Mukha naman silang biglang natauhan tapos napatingin sa akin. Whoa, if I didn‘t know any better, feeling ko eh hindi nila naalala na andoon pa pala ako.

―HA? Ah…oo.‖ Coincidence nga naman. ―Talaga? Ang galing naman.‖ ―Tara na.‖ tapos lumapit siya sa akin at hinigit yung kamay ko. ―Teka lang pwede? Kita mo namang may kasama ako eh!‖ ―Umm, sige Andy, okay lang. Mukhang may date pa yata kayo.‖ I smell something REALLY fishy. Mukhang nalungkot yata si Kat sa sinabi niyang yun. Teka, don‘t tell me na baka may something sa kanila ni Kit? ―DATE kamo?! Naku hindi!‖ ―Ayos lang talaga Andy. Pauwi narin ako. Sige. Bye.‖ at nagmadali naman siyang umalis ng art room. What the heck was that about? Nabalik naman ako sa realidad ng bigla akong hatakin ni Kit. ―Ano bang problema mo?!‖ ―Wala.‖ ―Eh bakit ang rude mo kay Kat?! Friend ko siya okay kaya please! Wag mo siyang ganunin!‖ ―Lahat naman friend mo eh.‖ Anong ibig sabihin ng lokong ito? ―Hindi kaya.‖ ―Yeah, whatever.‖ At ayun, naglakad na kami palabas ng school. ―Paano mo nga pala kilala si KaT?‖ ―She‘s just someone I know.‖ ―Talaga lang ah? Eh sa pagtitinginan niyo kanina eh parang she‘s more than someone you know.‖ natigilan naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Teka, bakit siya nakangiti? May nasabi ba akong stupid or something? ―Don‘t tell me na…nagseselos ka?‖ Nanlaki yung mata ko sa kanya. What?! Ako magseselos?! HA! Nagjojoke ba siya? As if!

―Ang kapal mo naman. Bakit ako magseselos? Gusto ba kita?‖ ―Why don‘t YOU answer that question for me.‖ UGH! Nakakainis siya! Kit Tasello Fact #14, he‘s SO arrogant. ―The answer is NO!‖ At alam niyo kung anong reaction ng loko? Tinawanan niya ako! Tama ba yun?! Walang hiya to. Pagkadating naman namin ng bahay eh kumain na kami kaagad at syempre kanya kanyang mundo na ulit pagtapos nun. Ginawa ko naman yung mga assignments ko, buti nga at konti nalang, paano yung iba eh ginawa ko na sa school kasama yung mga matatalino, harhar. Nung matapos naman ako eh nag-online kaagad ako at syempre, ym. cuteboi: hey! sassygirl: hey ka rin. cuteboi: musta? sassygirl: e2, mdyo bad3p. cuteboi: bkt nmn? sassygirl: ung frend q kxe eh. Ang sma ng ugali At ayun, nilabas ko yung pagkainis ko kay Kit sa kanya. Ang weird nga niyang magreact eh. Paano, natatawa daw siya sa problem ko. Tinanong ko naman kung bakit tapos alam niyo kung anong sinabi? cuteboi: figure it out. May nalalaman pa siyang ganyan. Hay naku. Mga 10 na siguro nun nung nagpaalam na ako. Inaantok narin naman ako nung mga oras na yun eh kaya syempre, hindi ko na pipilitin yung sarili ko. Maaga naman rin akong nagising the next day. Hindi ko na nga hinintay si Kit kasi may plano ako para sa araw na yun. At ayun ay ang alamin kung anong meron sa kanila ni Kat. Pagdating ko sa school eh diretso kaagad ako sa class nina Kit. Panigurado andoon na si Myka. Sumilip naman ako dun tapos tumawag sa isa nilang classmate. ―Si Myka?‖

―Hindi mo ba alam? Umalis na ng school si Myka.‖ ―ANO!??‖ nagkatinginan naman yung mga ibang tao sa akin tapos medyo namula ako. Mukhang natakot pa nga yung kausap ko sa akin kaya umalis na ako. Si Myka umalis na ng school? Pero bakit?! ―Yo, stripes.‖ tama, si Omar sigurado alam niya. ―Omar! Totoo bang wala na sa school si Myka?‖ ―HA? Hindi ba siya nagpaalam sa iyo? Nung weekend pa sila umalis. Bago kasi daw nung trip sa Subic eh sinabi sa kanya ng daddy niya na magmimigrate na sila sa Canada. Nakakalungkot nga eh.‖ Whoa…bakit naman ganun? Hindi kaya…hindi naman siguro. Sabi ni Omar eh bago pa kami pumunta ng Subic eh. Ah oo nga pala, may tatanong pa pala ako. ―Omar! Anong alam mo tungkol kay Katrize Orcedo?‖ Halata mo namang gulat si Omar dun sa tinanong ko. ―Si Kat? Paano mo siya nakilala?‖ ―New student. Classmate ko.‖ ―Whoa! Alam na ba ni Kit yun?‖ teka nga, hindi naman nito sinasagot yung tanong ko eh. ―Oo alam na niya. So, care to tell me kung sino siya para kay Kit?‖ Mukhang nagdalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya sa akin yun or what. ―Si Kat ay----‖ ―Andy! Andiyan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap!‖ Argh! Wrong timing naman sila oh. ―Sige una na ako.‖ Hay naku! Nakatakas tuloy. ―Bakit niyo ko hinahanap?‖ ―Wala lang. Nakuwento lang kasi sa amin ni Vince na may bagong friend ka na naman daw.‖ ―Yeah, si Kat. Pakilala ko siya sa inyo mamaya. Classmate natin siya eh.‖ ―Ah si new girl ba?‖

―Yeah, siya nga.‖ ―Mabait ba siya Andy?‖ ―Sobra Cheska. Kung nakasama sana kayo kahapon, grabe.‖ ―I don‘t know Andy…hindi maganda ang vibes ko sa kanya…‖ Aba! At may nalalaman pang vibes tong lukaret na to. ―At kelan pa ba tumama yang vibes mo?‖ Matatawa na sana ako nun kung hindi ko napansin na sumimangot si Marla. ―Ewan ko Andy. Basta mag-iingat ka nalang ha? Hindi ko rin kasi maintindihan eh. Iba kasi ito ngayon eh.‖ Hinayaan nalang namin yung sinasabi ni Marla at syempre, tumuloy na sa classroom. Nung lunch break naman namin eh sumabay sa amin si Kat. Syempre since bago lang siya at kami yung kilala niya, natural kami yung sasama sa kanya. Mukhang nag-iba yata yung isip ni Marla kay Kat nung mga time na yun kasi nagkasundo naman sila nung nagkasama. O baka naman tinatry lang nyang kilalanin si Kat muna? Kung ano man yun, eh di maganda, maiintindihan niya na hindi naman dapat paghinalaan siya. Bago mag-end yung lunch eh nagpaalam ako sa kanila kasi pupunta ako kay Omar. Hindi pa kasi nasasagot yung tanong ko kanina eh. ―Ah oo nga no. Well, si Kat ay…‖ ―Mr. Lavista, saka ka na makipagkita diyan sa girlfriend mo. Bell na kaya pasok. Ikaw rin Miss Ongpauco, bumalik ka na sa classroom niyo.‖ Ano ba yan, panira naman yang TLE teacher na iyan eh. Ano pa bang magagawa ko kung di bumalik nalang rin sa classroom. Hay. Buong hapon naman eh hindi ako mapakali. Hindi ko kasi talaga maalis sa isipan ko kung anong meron kina Kit at Kat. Aba, match pa ang pangalan nila ah. Kit Kat. Diba chocolate yun? Heheh. By dismissal, desidido na talaga akong makausap si Omar. Kahit ano pa mang pang-iistorbo yan eh wala akong pakielam, basta kelangan ko malaman kung sino si Kat para kay Kit.

―Omar! SA tingin ko naman hindi na tayo magugulo dito.‖ tinignan ko si Omar tapos mukhang namumula siya. ―Oh, anong problema mo? ‖ ―Andy…alam mo pwede namang sa ibang place tayo mag-usap eh diba?‖ Tinaasan ko naman siya ng kilay. Anong problema nito? problema dito?‖ ―Ano namang

―Ehem, baka hindi mo nakikita Andy *turo sa kinatatayuan* Girls‘ CR, *turo sa sarili* Boy. Now, ano sa tingin mo ang hindi fit?‖ Natawa naman ako sa kanya. Yun lang pala pinoproblema niya? ―Alam mo Omar, kung sinasagot mo na sana yung tanong ko sayo eh kanina pa tayo nakalabas dito. Besides, the worst possible thing naman na iisipin ng tao kung bakit ka nandito eh may ginagawa tayong, alam mo na.‖ Nanlaki yung mata niya nun kaya ako naman eh napatawa. ―You‘re evil. Really evil.‖ lalo naman akong natawa sa kanya. ―Dalian mo na! Ang dami pang ka ekekan eh.‖ ―Well si Kat ay…‖ Bigla naman bumukas yung pintuan, Ugh, not again? Napatingin kaming dalawa ni Omar dun sa nagbukas. Mukhang gulat na gulat nga yung babae at may lalaki sa CR ng babae. ―Nasa tamang CR ba ako?‖ nakakatuwa naman yung expression niya. Tumango lang ako kasi feeling ko kapag binuka ko bibig ko eh matatawa lang ako. Tinuro naman niya si Omar nun tapos si Omar eh nanlaki yung mata. ―Then…does that mean na… …bakla ka?‖ Chapter 33 ―Worst possible thing pala yun ha?! Ano sa tingin mo yung nangyari kanina?!‖ Hanggang ngayon eh sobrang pikon parin ni Omar at napagkamalan siyang bading. Grabe, tawang tawa nga ako eh pero pinipigilan ko nalang. Baka masampal---este masapak pa ako nito. ―Look sorry na Omar…‖ napatawa naman ako nun kaya ang sama ng tingin niya

sa akin. ―Hay, trouble ka talaga.‖ ―So, dali na, sagutin mo na tanong ko…‖ Tumigil naman kami sa paglalakad tapos itong si Omar, hindi ko alam kung anong meron, pero nagfold arms siya at tumingin ng may pagdududa sa akin. ―Teka nga, matanong ko muna, bakit ba gustung gusto mong malaman kung anong meron sa kanilang dalawa?‖ ―HA? Ah….ehh…curious lang ako.‖ natawa naman siya sa akin. ―Talaga? Yun lang ba talaga Andy?‖ ―Oo nga! Ang kulit naman nito eh.‖ ―Okay fine…Si Kat ay…‖ ♪ If I could escape And re-create a place as my own world And I could be your favorite girl Forever, perfectly together Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ♪ UGH! Nakakaasar naman ito eh! ―Sige, sagutin mo muna yan.‖ panira talaga. ―HELLO?!?‖ ―HOY STRIPES! ASAN KA BA?!‖ ―ANAK NG PITONG TIPAKLONG NAMAN OH! Mamaya ka na tumawag!‖ tapos binabaan ko siya. Humarap naman ako kay Omar nun tapos nagtaas ng kilay. ―Ang mabuti pa eh sa kanya mo nalang itanong…‖ sinundan ko naman yung tinuro niya tapos nakita ko si Kit. Anak ng, nasa likod ko lang pala eh tumawag pa. ―Bakit ka pa tumawag eh andiyan ka lang pala sa likod ko?!‖ ―Nasa baba ako nung tumawag ako. Rinig na rinig ko sigaw mo dun.‖ Inerapan ko naman siya. ―Anong itatanong mo?‖ Huminga naman ako ng malalim. Hay, sa kanya rin pala bagsak ko. ―Ano meron sa inyo ni Kat?‖

―Diba nasagot ko na yang tanong mo?‖ ―Well hindi ako naniniwala sa sagot mo no!‖ ―Ganon?‖ ugh! Pinapainit nitong lalaking ito ang ulo ko eh! Humarap naman ako kay Omar nun. ―Ikaw na kasi magsabi.‖ ―Si Kat ang first love ni Kit.‖ Napatingin naman ako kay Kit nun. Wala siyang kibo o karea reaksyon man lang. Whoa, si Kat ang first love ni Kit? ―Oh.‖ wait, si KAT ang FIRST LOVE ni KIT. ―Ohh..‖ FIRST LOVE… ―OH!!‖ ―Hoy para kang baliw diyan.‖ Tama! Pwede ko silang paglapitin sa isa‘t isa. GREAT! Ngumiti ako kay Omar tapos nagthank you. Hinila ko naman na si Kit nun paalis ng school. ―Teka nga, kaya kong maglakad kaya hindi mo ko kelangan hilahin.‖ Si KAT ang FIRST LOVE ni Kit. Hehe, ibig sabihin nito hindi na ako mahihirapan sa pamimilit kay Kit. Mwahahaha! ―HOY!‖ ―Eh?‖ teka, kinakausap niya pala ako? ―Ano bang nginingisi ngisi mo diyan?‖ ―Wala naman!‖ Diretso uwi na kami sa bahay pagkatapos nun.

*****

Mabilis lumipas yung mga Araw. 2nd week na ng November. Puro mga lesson lang kami, nakakahilo na nga eh kasi ang daming mga bagong lesson. Maikli lang kasi ang 3rd quarter kaya kelangan walang oras na masasayan. ―All volleyball varsity girls, please proceed to the gymnasium.‖

Nag-excuse naman ako sa teacher nun at syempre, pinayagan. Hay, buti naman. Kanina pa ako batong bato dun sa classroom eh. Pagdating ko naman sa gym eh halos makukumpleto narin kami. Ilang sandali lang ang hinintay namin tapos nun eh dumating narin yung iba. ―Okay, pinatawag ko kayo rito kasi iinform ko lang kayo na may game tayo sa darating na sabado.‖ Whoa, ang tagal rin pala nung last game namin no? Naku, sanay pa kaya ako maglaro? ―Kaya naman simula mamaya, bukas at sa Friday eh magkakaroon tayo ng after school practice from 5-7 pm.‖ WA, grabe naman yan. Hindi kaya mapagod kami ng sobra pagdating ng sabado? Pagtapos pa ng ilang reminders eh pinabalik na kami sa rooms namin. Sakto naman, lunch na namin. Pagdating kong classroom eh kinuha ko lang yung wallet ko tapos syempre, umalis na kaming barkada plus 1. ―Dito pala yung tambayan niyo Andy?‖ ―HA? Eh oo.‖ ―Hindi naman kayo nahihirapan kumain diyan?‖ ―Hindi naman, bakit?‖ umiling lang si Kat nun tapos kumain na kami. Pagtapos ng lunch eh ganun ulit ang nangyari. Puro lesson lang talaga, kaya nga ba sobrang saya ko nung magdismissal na. ―Ongpauco, diresto sa Gym ha pagtapos magbihis.‖ darn, oo nga pala. May practice pa pala. Kinuha ko naman yung damit ko sa locker ko tapos nagpalit narin. Nagtext narin naman ako kay Kit para at least hindi na naman siya basta tawag ng tawag. Nagsimula yung practice namin. Puro drills kami nung araw na iyon, sabi kasi ni Coach eh baka nakalimutan na namin maglaro since matagal rin kaming hindi nakapagtrain. Kakapagod nga eh, kung anu anong pagtatakbo at pagtatalon ang pinaggagagawa namin dun. Nung matapos naman kami eh sobrang napahiga ako sa floor ng gym. Hindi lang pala ako, marami pala kami.

―HAY NAKARAOS DIN!‖ ―First day palang yan. May bukas pa at Friday.‖ sumimangot naman yung kasama ko tapos natawa lang ako. ―Sige, una na ako.‖ dumiretso ako sa locker room tapos kinuha yung gamit ko. Sa bahay nalang ako maliligo para at least dun pwede akong magtagal. Grabe, ang sakit ng paa ko. Hindi ba pwedeng magpahulog nalang ako para mas mabilis sa pagbaba? Bruha, eh di natepok ka?! ay oo nga. Sayang naman, wala nang magiging magandang friend yung barkada ko. Wahehe! Kapal no? ―Hoy.‖ ―EEEKKKK!‖ napapikit naman ako tapos nun eh nakarinig ako ng tawa. Teka. Dumilat ako tapos nakita ko si Kit. Bruhong lalaki yan! ―Ang sama mo!‖ sabi ko sa kanya with matching palo sa braso. Asar to, paano nalang kung nahulog ako sa stairs? ―Gabing gabi na eh ang ingay mo parin.‖ ―Paano akong hindi iingay eh nanggugulat ka! Tapos muntik pa ako mahulog.‖ ―Exagge ka. Ang layo mo sa hagdan eh.‖ ―Kahit na ba!‖ Lalakad na sana ako ulit nun ng biglang… ―OW!‖ nice naman, ngayon pa sumakit yung paa ko. ―Ano nangyari sayo?‖ ―Yung paa ko…ang sakit!‖ Umupo naman siya sa gilid ko nun tapos tinignan yung kanang paa ko. Grabe, nakakailang ah, isipin niyo nakashorts pa ako. ―Ipahinga mo lang yan…‖ tapos nun eh tumayo na siya ulit at tumalikod. ―Sakay na.‖

Nanlaki naman yung mata ko. Anong pinagsasabi ng kumag na ito?! ―EH?!‖ ―Hindi ka makakalakad ng maayos niyan kaya dalian mo at sumakay ka na.‖ Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Paano, pagod na ako eh. Ano pa bang magagawa ko? Umangkas naman ako sa likod niya, yung bang piggy back ride. ―Ang bigat mo pala. Ilang pounds ka ba? 300?‖ Pinalo ko naman siya ng napakalakas. ―Hoy excuse me lang ha! 117 lbs. lang ako no!‖ ―Ano ba yan, mas mabigat ka pa nga sa akin eh.‖ ―Ang yabang nito! Bakit ilang lbs. ka ba?!‖ ―120.‖ Aba, at mas mabigat pa raw ako. Pinalo ko nalang siya ulit nun tapos tumawa . ―Nakakadalawa ka na ah. Isa nalang bibitawan kita.‖ ―WAG!!‖ at bigla naman akong napayakap sa kanya ng mahigpit. ―Hoy nasasakal ako! Ano ka ba, hindi kita bibitawan no!‖ nagloose naman ako sa pagkakayakap sa kanya nun. “…kahit kelan..” Nagulat naman ako dun sa sinabi niya. Teka, anong ibig sabihin nun?! Nakarating narin kami sa wakas sa bahay. Binaba naman ako ni Kit dun sa may sofa namin tapos dun siya umupo sa may kabila. ―Hay, para akong bumuhat ng elepante…‖ ―Ang yabang mo talaga!!‖ Nagcross arms ako nun tapos hindi ko siya pinansin kahit na tumawa siya. Syempre, konting emote no, wahaha ang drama ko naman. Naramdaman kong lumapit siya sa akin kasi gumalaw bigla yung sofa. Pagkalingon ko eh napaatras naman ako kasi sobrang lapit niya sa akin. ―May gusto akong sabihin sa iyo kanina pa…‖ Tapos lumapit lalo yung mukha niya sa akin. Teka, ano bang ginagawa nitong

lokong ito?! ―A-A-ano yun?‖

―Ang baho mo na. Maligo ka nga dun.‖ Chapter 34

―Ang yabang mo talaga!‖ at pagtapos nun eh tinulak ko siya. Siya naman eh tumawa lang kahit na nahulog siya sa sahig. ―Bakit? Ano bang ineexpect mong sabihin ko sa iyo?‖ hindi ko siya inimik tapos tumayo lang ako. ―Ano---‖ Hinatak naman niya ako tapos nun eh nahulog ako sa may floor at yung distance namin eh sobrang lapit lang. ―Alam mo…‖ ang seryoso ng tingin niya sa akin. Wait, baka nanloloko lang yan. ―Whatever Kit. Diyan ka na, for sure naman magrereklamo ka na mabaho ako. Oh siya, para matahimik ka, maliligo na ako okay?!‖ hinatak ko yung kamay ko sa pagkakakapit niya tapos nun eh umakyat na. Kung anu man yung gusto niyang sabihin, I have no freaking idea. The next day eh normal lang rin yung mga nangyari. As usual, busy na naman.

Puro lesson at quiz, buti nga at nakakapasa pa ako kahit papaano eh. Kung bagsak siguro ako..nakow, tepok ang abot ko. ―Andy, I-lead mo na sila sa warm up‖ Ang bilis rin ng takbo ng araw na ito. Practice na namin ngayon at sobrang paguran na naman ito kaya kekelanganin ng matinding warm up. Syempre, nagtatakbo na kami nun at nagpractice narin ng mga moves. Special nga itong araw na ito kasi makakalaban namin ang boys team para daw matrain kami ng maayos. ―Andy!‖ ―Oh Omar, bakit…?‖ ―Wala naman. Balita ko sa iba eh kasa kasama mo na si Kat.‖ ―Yeah. Classmate ko kasi siya eh.‖ ―Ano naman tingin mo sa kanya?‖ ―Bait. Masaya kasama. Why?‖ ―AH, ganun ba?‖ teka, bakit parang…may kakaiba sa kinikilos nitong lalaking ito? ―Bakit? Anong meron?‖ ―Wala lang.‖ at pagtapos nun eh umalis na siya. Hay nako, pareho silang magkaibigan…they‘re both so weird! Lalapit na sana ako sa mga kateam ko kaso lang bigla naman ulit nagsalita itong si Omar. ―Mag-ingat ka Andy. Iba siya sa mga iniisip mo.‖ Eh? Ano na naman to? Tinaasan ko siya ng kilay pero nag shrug lang siya. Hay, ang weird ng mga tao. Mga 7 na nung matapos yung training namin. As usual, feeling ko eh kakalas na yung mga buto ko sa sobrang pagod. Pasalamat nga kami at walang nagkakacramps kung di…patay na. *TEET TEET!* *TEET TEET!* Sender: Mr. SC President Message: San ka?

Aba, ano naman kayang kelangan nito? Nireplayan ko naman siya na nasa may gym pa ako. Medyo mabigay rin kasi mga dala ko eh. Note to self, sa susunod eh iuwi muna gamit bago magpractice. Sender: Mr. SC President Message: Dyan k lang. Wag ka aalis.

Aba, at tama raw bang utusan ako? Hay nako, ano kayang drama nitong lalaking ito? Sinunod ko naman siya. Ewan ko ba, baka rin naman may silbi yung pagpapastay niya sa akin dun diba? Or at least, that‘s what I thought. ―Anong petsa na?! Bakit ba niya ako pinaghintay dito!?‖ Hay, banas na banas na talaga ako. Gusto ko na umuwi! Gusto ko na humiga! Gusto ko na maligo! Grabe, nakakaasar naman oh. Lumipas na ang 1 oras at wala paring nangyayari. Baka naman trip lang niya ito? Lalakad na sana ako kasi inip na inip na talaga ako kaso nga lang bigla naman sumulpot itong si Kit. Hay, nice of you to show up! ―Bakit mo ba ako pinagstay dito!?‖ Pero wala siyang imik. Hinawakan lang niya yung kamay ko tapos nun eh hinila niya ako. ―HOY TEKA!‖ pero hindi parin niya ako pinansin. Hatak hatak lang niya ako nung mga oras na yun at napansin kong papunta kaming… ―ART ROOM!?‖ Pagpasok namin dun eh may nakita akong painting ng babae, malungkot siya dito at parang may bata siyang kasama. Hindi ko nakita masyado yung bata kasi nakatalikod siya. Bakit ang lungkot ng painting ngayon? Yung dating punung puno ng sigla eh parang nadrain bigla. ―Bakit mo ba ako dinala dito? Kit, gusto ko na umuwi please. Pagod na ako at----‖ nagulat nalang ako kasi bigla siyang yumakap. Tinry kong kumalas pero mas hinigpitan pa niya. Grabe, nakakahiya, ang baho ko pa naman. ―Five minutes---no, make that 3, basta…sandali lang. Please ngayon lang to, tapos wala na.‖ nanlaki naman mata ko sa kinikilos ni Kit. Teka, may problema ba siya? Anong meron?

Hinayaan ko nalang siya dun sa hinihiling niya. Mukha naman kasing sobrang seryoso eh. Naawa naman ako kasi yung mabangis na Kit Tasello eh parang nawalan ng lakas ng loob. Anong nangyari? ―Salamat.‖ at bigla naman siyang kumalas. Nakatingin lang ako sa kanya nun pero mukhang wala siyang balak na magsalita. Hay, hayaan mo nalang Andy. Malalaman mo rin iyan sa susunod. Tahimik kaming bumaba at umuwi na. Hanggang sa makarating kami ng bahay eh hindi na siya muli umimik. Hindi nga rin siya kumain ng dinner eh kaya ayun, solo lang ako sa dining table. *****

―Para kayong mga hindi nagtraining! Ano yang pinaakita niyo ngayon?! Hindi ko kayo tinanggap sa varsity para maglaro lang ng ganyan!‖ Grabe, nakakatakot talagang magalit si Coach Vicedo. Pero may point din siya, game day na kasi namin ngayon at 2nd set na tapos tambak kami. Pag natalo kami sa set na to eh talo na kami sa game. Hindi rin naman namin masisisi yung sarili namin kasi masakit rin katawan namin saka sobrang galing talaga ng kalaban. ―Sorry Coach…‖ ―Wag kayong magsorry! Dahil kapagnagsorry kayo eh parang sinabi niyo narin na natalo kayo!‖ bumalik na si coach nun sa upuan tapos nagcontinue na ang game. Dapat manalo kami. Dapat…dapat matalo namin sila. Mas naganahan naman yung team namin nun. Ayaw namin kasi ng nagagalit sa amin si Coach. Sa tagal na kasi ng pagsasama namin eh bihira lang talagang magalit si coach kaya kapag nagalit siya, lagot na. Malaki nabawi namin sa second set kaya nagkaroon pa ng 3rd set. Dun talaga sobrang kinabahan na ang team. ―Mine, yours lang tayo…yun lang, makakaya natin yan okay?‖ sabi nung team captain namin. And in the end, nanalo rin kami. Buti nalang talaga. Dun na ako sa school

nagshower di tulad ng dati . Ewan ko, nakakahiya naman kasi kung kakausapin ako ng iba tapos ang baho baho ko na diba? Pagkalabas ko mula shower room eh sinalubong kaagad ako ng isang napakaenergetic na Cheeky. ―Wag ka nga tumalon diyan, nahihilo ako sa iyo niyan eh.‖ ―Ano ka ba sis, dapat nga nagsasaya ka na nanalo kayo. Grabe ah, kala ko talaga eh wala na pag-asa nun…‖ ―Kaw naman, wala kang tiwala sa powers namin.‖ Tumawa naman kami nun tapos eh lumakad na. ―Tara celebrate tayo.‖ ―Nyak, parang yun lang eh celebrate na kaagad. Para naman championship ang napanalunan namin.‖ ―ganon? Sayang, manlilibre pa naman KAMI.‖ Napatingin naman ako kaagad sa kanila at agad agad akong naglakad. ―Tara na. Ang bagal niyo naman maglakad eh. Sa MojoBlend tayo ah?‖ *****

―Bakit ngayon ka lang?‖ grabe naman itong lalaking ito! Akala mo guard kung makabantay. ―Lumabas kaming magbabarkada eh. Bakit ba?‖ ―Anong oras na?‖ I swear, reregaluhan ko talaga itong lalaking ito ng relos. ―Hay nako, eto na naman tayo.‖ Lalakad na sana ako paalis nun ng biglang hinigit niya yung kamay ko. ―Kung nagsasabi ka sana eh di hindi kita tinatanong ng ganito. Sa susunod magtext ka man lang, nag-aalala sina manang at manong eh.‖ at pagtapos nun eh umalis na siya. He‘s SO weird. Okay, so meron rin naman akong kasalanan. Mga 10 na kasi yun nung nakauwi ako. At isipin niyo pa na 5 natapos yung game so kung nagtataka kayo kung anong ginawa namin? Isa lang ang sagot diyan. Cheeky. Basta, kapag kasama mo yang lukaret na yan eh hindi mo na mamamalayan yung oras dahil hindi ka titigil

kakatawa. Umakyat naman na ako sa kwarto ko nun at nagpalit. Syempre napagod rin ako. Ang daming natripan kasi ng barkada eh. Pagkahigang pagkahiga ko eh knock out kaagad ako. Nung sumunod na araw eh late na ako nagising. Medyo nabugnot nga ako nun kasi may mga assignments pa akong hindi nagawa (marami) at syempre hindi mawawala yung… ―ANONG GINAGAWA MO DITO?!? PAANO KA NAKAPASOK?!‖ Chapter 35

Nanlaki yung mata ko nung nakita ko siyang nakaupo dun sa may computer chair ko. Paano siya nakapasok dito?! ―Dumaan ako sa pinto.‖ ―Kanina ka pa?!‖ ―Hindi naman, mga 2 hours ago lang naman.‖ Binatukan ko naman siya ng malakas. Pumasok muna ako sa CR ko nun tapos naghilamos at nagtoothbrush. Sinabay ko narin dun yung panalangin na wala akong ginawang katawa tawa habang tulog ako. Paglabas ko eh andoon parin siya, yun nga lang eh nagcocomputer na siya. ―Omar ano bang pumasok sa isipan mo at pumunta ka dito ng maaga?‖ ―Well, gusto ko kasing sabihin sa iyo na sa this coming Friday na yung birthday ni Kit. Baka naman may gusto kang gawin para diyan sa fiance mo..‖ sinabi niya at hindi parin niya ako nililingon nung mga oras na yun. ―Birthday ni Kit? TalagA?‖ ―Oo, anong plano mo?‖ Bakit ba kapag may tungkol kay Kit eh dapat may plano ako?! ―Wala.‖ at saka naman siya napatingin sa akin na para akong tinubuan ng malaking pimple sa noo.

―Ano ka ba? Anong wala?‖ ―Wala. As in Nothing sa English at Rien naman sa French. Japanese rin sana kaso hindi ako marunong eh.‖ ―Hay nako Andy, alam mo dapat MERON okay? Fiance ka niya kaya kelangan may gawin ka.‖ ―Wow, that sounds reasonable.‖ oh, I so love sarcasm. Ni-roll niya yung mata niya nun tapos nagdadadakdak na kesyo dapat daw eh may gawin ako at kung ano pa man. ―----saka isipin mo, marami na siyang nagawa para sa iyo. Turn mo na para ikaw naman ang may gawin para sa kanya.‖ okay, natamaan ako dun. ―Sige na nga.‖ at yun, pagtapos nun eh umalis na siya. Walang hiya, pinuntahan niya ako para lang gawin yun?! Bakit hindi nalang siya tumawag o kaya magtext nalang diba? Sus, may sira yata ang kokote nun eh. Bumaba naman na ako at nakasalubong ko pa si Kit. Mukhang mali na naman yung gising niya. Weirdo talaga nitong lalaking ito. ―Bakit andito si Omar?‖ Tinignan ko siya na parang nagsasabi na ‗talagang tinatanong mo yan?‘ tapos nun eh nagfold arms ako. ―Bakit di siya tanungin mo?‖ at pagtapos nun eh naglakad na ako. ―Nanliligaw ba siya sa iyo?‖ nanlaki naman yung mata ko dun. Nagbibiro ba siya?! ―Ewan ko sa iyo Kit! Kaibigan mo yun bakit hindi siya kausapin mo. Hay nako.‖ ―Hindi mo sinagot tanong ko.‖ Inerapan ko siya tapos nagbuntong hininga naman ako. Mukhang walang balak itong paalisin ako ng hindi ko nasasagot yung tanong niya ah. ―Hindi po siya nanliligaw okay?!‖ Hinigit ko yung kamay ko nun tapos bumaba na. Grabe, gutom na ako. Sino ba naman ang hindi magugutom eh diba namiss ko na yung breakfast. Wala naman masyadong nangyari nung Sunday na yun. Usual na nagsimba at

syempre, yung katarayan ni Kit eh walang pinagbago.

*****

―May plano ka na ba?‖ napairap naman ako ng di oras. Maghapon rin akong kinukulit nitong Omar na to tungkol kay Kit. Ayaw naman sabihin kung bakit siya ganun. Ewan ko sa kanya. Ang weird niya masyado. Okay na sana kung nung Monday niya lang ginawa yun eh, kaso hindi. Umabot talaga hanggang Wednesday. ―Alam mo bang ikaw ang pinakamakulit na taong nakilala ko?!?‖ ―Seryoso ako Andy.‖ ―Ako rin, seryoso.‖ ―Andy..‖ Umirap naman ako. Hay, ano ba talagang ginawa ko at nagkaroon ako ng ganito kakulit na kakilala? ―Wala akong plano okay?‖ ―How many times do I have to tell you? Kelangan nga meron!‖ ―Alam mo ang gulo mo! I really don‘t get you. Pourquoi est-ce que je dois faire quelque chose? (Why do I have to do something?)‖ ―EH?‖ ―Sorry. Nakakafrustrate ka kasi eh. Sabi ko, bakit ko pa kelangan gumawa ng plano?‖ ―Kasi nga eh…?‖ medyo parang inaavoid niya yung tanong kong yun. Okay, something‘s up. ―Spill.‖ ―Basta, you just have to!‖ Umirap na naman ako. Hay, pati ako nagiging masungit dahil sa pangungulit nito eh. Finold ko yung arms ko tapos tinalikuran ko siya. ―Fine, kung ayaw mong sabihin eh di hindi talaga ako gagawa ng plano.‖ Narinig ko naman siyang nag-sigh. ―FINE.‖ humarap naman ako sa kanya nun

tapos nakinig ng mabuti. Mukha nga siyang hirap na sabihin eh pero hindi ko nalang pinansin. It has to be something kasi hindi naman niya ako sobrang kukulitin kung wala lang diba? ―Cause I don‘t want Kat to get ahead of you.‖ napakunot naman noo ko. Wait, hindi ko siya magets. ―Eh? Bakit naman?‖ ―Kung meron man ding babaeng para sa best friend ko eh gugustuhin ko ng ikaw yun okay?‖ natawa naman ako bigla. Dati si Myka tapos ngayong wala na yung tao eh ako naman? What is this, a joke!? ―Well hate to break it to you pero wala ako talagang plano na makatuluyan si Kit eh. HalleR? Eh di parang nasayang yung effort ko sa pagdidikit sa kanilang dalawa ni Myka.‖ ―Basta, hindi mo siya maiintindihan ngayon.‖ ―Hay bahala ka nga.‖ aalis na sana ako nun kaso bigla naman niyang hinatak yung kamay ko. ―Keep your promise Andy.‖ ―OO!‖ Naglakad naman na ako ng mabilis nung nakakalas na ako sa pagkakahawak niya. Hindi ko talaga maintindihan. What‘s the big deal anyway? Bakit ba ayaw niya kay Kat eh ang bait bait naman niya. Hay. Napatigil naman ako sa paglalakad. Dagdag problema na naman pala. Kelangan ko palang mag-isip ng magagawa para kay Kit. Anak ng tipaklong. BWISIT KA TALAGA OMAR!

*****

Thursday. Hanggang ngayon eh wala parin akong ni isang idea para sa birthday ng ―fiance‖ ko. Naasar na nga talaga ako kasi may mga projects pa akong pinoproblema. Bakit ba hindi pwedeng simpleng ‗Happy birthday‘ at gift lang ang pwede kong gawin? Bakit kelangan talagang MERONG plano or something? Weird.

―Hoy, bakit parang kanina ka pa yata namomroblema diyan? Anong meron?‖ ―Birthday ni Kit bukas, hindi ko alam gagawin ko.‖ nagulat naman ako bigla kasi binatukan ako ni Cheeky. Anong problema nito? ―Eh di surpresahin mo.‖ napakasimple naman kasi nun eh. Pero teka nga, hindi ko naman talaga gustong gawing engrande eh, pwede narin yun. ―Ang talino mo talaga.‖ ―I know.‖ Napangiti naman ako nun tapos inisip ko na yung mga taong isasama ko. Syempre kasama na dun ang barkada, si Omar at si Kat. Siguro tama na sila no? Sa bahay lang naman kasi yun eh. Nung break naman namin eh kinausap ko na sina Cheeky. Sabi ko sila na bahala sa preparations kasi ako na ang magdidistract kay Kit para hindi kami kaagad umuwi. Pumayag naman sila, nung una eh umandar na naman yung machine gun ni Cheeky pero syempre, konting lambing at paawa eh solve na. Si Omar din naman eh kinausap ko na pumunta sa sa bahay bukas after school, nung tinanong niya kung bakit eh sabi ko naman sa kanya na secret ko nalang yun. Ang problema ko nalang eh si Kat. Ewan ko ba, kahit na classmate ko siya eh nahirapan akong hagilapin siya. Paano, kung hindi pinapatawag sa may guidance para sa ―new student‖ orientation thing-y eh madalas inuutusan siya. Hay nako, ang hirap talaga. ―KAT! Ayun nahagilap rin kita sa wakas!‖ ―Oh Andy, bakit?‖ ―Ano kasi, imbitahan kita sa bahay, ano kasi birthday ni Kit bukas.‖ Nahalata kong parang nagtaka yung mukha niya. Oops, hindi ko pa pala nasabi yung condition namint dalawa ni Kit. ―Sa bahay mo siya magcecelebrate ng birthday?‖ ―Umm, ano kasi…‖ ―Oh hindi mo alam? Kawawa ka naman.‖ Pareho kaming napatingin sa likod namin. Usisera talaga itong si Keri. Aba

milagro, wala yung clone niya. ―Pwede ba, wag kang makiusisa sa usapan ng iba. Tsimosa ka talaga.‖ ―Tsk tsk, kawawa ka naman Kat, hindi mo alam yung tungkol KINA Andy at Kit?‖ Tinignan ko siya ng masama. Si Kat naman, halata mong naguguluhan na. ―Ano bang problema mo?‖ ―Hahah, friends ba talaga kayo? Eh simpleng yan hindi man lang niya sinabi sa iyo.‖ ―Bakit ka ba nakikielam ha? May plano akong sabihin sa kanya yun hindi ko lang nahanapan ng oras.‖ ngumiti siya ng nakakaasar tapos nun eh tumingin kay Kat. ―Well, isn‘t this the right time?‖ ―Andy?‖ Teka muna, bakit ba ako nahihirapan sabihin sa kanya? Well one kasi siya yung First Love ni Kit at sure akong si Kit rin yung First Love niya. Oh gosh, baka naman hindi pa matuloy plano ko nito. ―Oh ano? Bakit hindi ka makapagsalita? Bakit? Kelangan mo ng tulong?‖ Tinignan ko siya ng masama. Epal talaga itong babaeng to kahit kelan. Naramdaman ko namang humawak si Kat sa braso ko tapos nakatingin siya at pagtataka ang nakita ko sa mga mata niya. ―Ano kasi...‖ ―Ano yun?‖ ―Wala naman talaga kaming choice nun eh...‖ ―Andy?‖ ―Hindi talaga namin yung ginusto..‖ Grabe ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Feeling ko any minute eh sasabog na siya. ―Well kami ni Kit ay...‖ ―Kung hindi mo masabi ako nalang. I would gladly do it alam mo yun.‖

Tinignan ko siya, konti nalang talaga sasabunutan ko na ito. ―Pwede ba? Hindi ka kasama dito kaya wag kang makiepal.‖ Binalik ko yung pagkakatingin ko kay Kat. ―Ano yun Andy? Ayos lang naman sa akin eh kung ano man yun.‖ Huminga ako ng malalim tapos… “We're betrothed.” Chapter 36

Dumilat ako ng dahan dahan. Pagkasabing pagkasabi ko kasi nun eh pumikit ako. narinig ko pa ngang tumawa ng malakas si Keri eh at pagtapos nun eh umalis na siya. Bruha. ―Sorry kung…ngayon…ngayon ko lang nasabi. Pero honest, wala akong gusto sa kanya.‖ Hindi parin kumikibo nun si Kat kaya medyo kinabahan naman ako pero ilang sandali lang rin eh humarap siya sa akin at ngumiti. ―Talaga?.‖ ―Oo swear. Tutulungan pa nga kita eh kung gusto mo.‖ At lalo namang nagwiden yung ngiti niya sa akin. Whew, buti nalang. Ano ka ngayon Keri? In your face! ―Maraming salamat Andy.‖ at ayun, ayos na ang lahat. Nauna naman akong umalis na sa kanya dahil hindi pa raw tapos yung mga pinapagawa sa kanya. Ako naman eh umuwi kaagad para makapagplano narin ng maayos. Itetext ko pa kasi kina Cheeky yung mga kelangan ayusin eh para hindi hassle pagdating ng bukas. Inabot rin ako nun ng mga gabi sa pagpaplano ko. Buti nga at hindi napansin ni Kit eh kung di, naku po, sira ang surprise. Nung sumunod na araw maaga akong nagising. Hindi ko na hinintay si Kit kasi sabi ko sa barkada na kelangan namin ng solid plan, hindi yung gulo gulo. Pagdating ko naman dun eh hindi na ako nagulat ng makita ko na si Vince at Stephen palang yung nandoon.

―Let me guess, si Cheeky busy pa sa concert niya sa loob ng shower, si Cheska naman eh hindi makaalis dahil dun sa lukaret na yun at si Marla eh tulog pa?‖ ―Memorize mo na ah.‖ hay nako, sanayan lang yan. Kaya kelangan mo talagang sabihin na 1 hour before eh dapat nadoon na sila kasi paniguradong late yang mga yan. ―Ano bang food yung bibilhin?‖ ―Well, tingin ko eh pizza nalang saka ice cream. I doubt naman na gusto niya ng cake eh diba?‖ ―Balloons kaya?‖ ―Batok gusto mo? Ilang taon na ba si Kit? Mag-6?!?‖ Natawa naman sila nun. At ayun, nagplano pa kami ng gagawin para mamaya. Mga 30 minutes before the bell eh dumating na yung Amazing twins at si Sleeping beauty. ―WOW! Ang aga niyo ah! Grabe.‖ inerapan lang ako ni Cheeky at natawa naman ako dun. Tuluy tuloy yung pagpaplano namin hanggang sa magbell na.

***** ―Dali na! Turuan mo muna ako.‖ grabe itong Kit na ito, ang hirap kumbinsihin. Mapilit eh! ―Diba sabi ko naman sa iyo na sa bahay nalang?! grabe naman ito!! ―EHH!! Gusto ko ngayon na!‖ Tinaasan naman ako ni Kit ng kilay tapos kumunot yung noo niya. Sumunod ko nalang nalaman eh tinuruan niya na ako dun sa isang lesson ko na sobrang gets ko naman. ―Ah so ganyan pala yun?‖ ―Grabe ka. Kanina ko pa sinasabi yun sa iyo eh ngayon mo lang nagets?!‖ ―Well sorry ha! Hindi kasi ako kasing talino mo!‖ tinalikuran ko naman siya nun. Tama, pampatagal rin ito. ―Nakakairita ka alam mo yun?‖ tinignan ko siya ng masama tapos umirap. ―Oi Stripes, ano pang gusto mong ipaturo?‖

―Wag na. Naiirita ka na eh diba?‖ Nakita ko naman siyang nag-roll ng eyes tapos lumapit sa akin. ―Dali bago magbago isip ko. Sige ka.‖ Hmf! Kung hindi ko lang talaga kelangan na I-keep ka dito eh kanina pa kita nilayasan. Mga matagal rin siguro kaming nandoon sa classroom. Grabe, ang tagal magprepare nina cheeky ah, ano bang ginagawa nila? ♪ If I could escape And re-create a place as my own world And I could be your favorite girl Forever, perfectly together Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ♪ ―Hello??‖ napansin kong nakatingin sa akin nun si Kit kaya naman tumalikod ako. ―Grabe tagal niyo ah! O siya.‖ Binaba ko narin yung phone tapos nun eh humarap na ulit kay Kit. ―Ay kapagod! Tara uwi na tayo.‖ ―Kanina lang ayaw mo umuwi tapos ngayon…‖ ―Fine! Eh di wag!‖ konting drama rin no. Alam ko namang hindi ako matitiis niyan eh. Wahaha, kafal eh no? ―Nagdrama pa, tara na!‖ Weird niya ah, birthday na birthday eh mas masungit yata siya ngayon. Naglakad narin kami nun, ang bilis nga niya eh. Ano bang meron sa kanya ngayon at parang mas masungit siya compared sa ibang araw? Malakas ba period niya ngayon o menopause na talaga siya? Pagdating namin sa bahay eh inunahan ko naman siya sa may gate. Kumunot yung noo niya pero hindi ko naman siya pinansin. ―Mauuna ka tapos hindi mo man lang bibilisan ang pagbukas. Dalian mo nga!‖ ―Bakit ba ang atat mo? Allergic ka ba sa labas?!‖ Binuksan ko yung gate tapos diretso na kami papuntang front door. Dahan dahan kong binuksan yung pinto tapos… *POP!*

*POP!* ―HAPPY BIR[/color=darkgray]THDAY!‖[/color] Napangiti ako sa kanila tapos nun eh tumingin kay Kit. Nagulat ako kasi hindi man lang siya nakangiti or anything. Mas mukhang…galit pa nga siya. ―Anong ibig sabihin nito?‖ ―Birthday mo ngayon diba? Eh di party para sa iyo.‖ pero hindi parin siya ngumiti. May dapat ba akong malaman? ―BAKIT? SINABI KO BANG MAGPARTY KAYO!?‖ at pagtapos nun eh umakyat na siya. Lahat kami nagulat sa ikinilos niya at natahimik. Napayuko lang ako nun dahil feeling ko akong may kasalanan. ―Andy…‖ ―Andito na ka----teka, anong nangyari dito?‖ inexplain naman nila yung nangyari kanina. ―Sorry Andy.‖ bakit siya magsosorry hindi naman niya kasalanan yun diba? Umiling lang ako pero hinawakan niya yung kamay ko. ―Hindi ko kaagad nasabi sa iyo na…hindi nagcecelebrate ng birthday si Kit….‖ Yun ba? Yun ba ang dahilan kung bakit ganoon nalang siya kung makareact? Bakit…bakit hindi ko alam yun? Napayuko naman ako nun. Ganun ko ba talaga siya hindi kakilala kahit matagal tagal narin kami magkasama? Tumalikod ako sa kanila tapos lumabas ako ng bahay. Tinawag nga nila ako pero hindi ko sila pinansin. Naramdaman ko na ngang sumakit yung paa ko pero hindi ko pinansin yun. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit…bakit parang ang sakit sa akin na wala man lang akong alam sa kanya? Siguro nga dahil parang kaibigan ko narin siya. Pero…parang…iba eh. Parang hindi iyon ang talagang dahilan ko. Parang…parang… Hindi. Hindi pwedeng mangyari yun. Tumingin ako sa paligid ko. Nasa park na ako. Ang layo ng inabot ko at sobrang sakit naman ng paa ko kaya umupo narin ako sa swing. Hay, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Naiinggit ako kay Kat kasi kilala niya si Kit. Oo aaminin ko yun pero bakit yun ang nararamdaman ko? Bakit?

Hindi kaya…?

May nararamdaman ako para sa kanya?

Chapter 37

Hindi. Hindi pwedeng mangyari yun. Napakaimposibleng magkagusto ako sa kanya. Baka…tama! Baka nalulungkot lang ako dahil hindi ko siya ganoon kakilala at parang friend narin ang turing ko sa kanya. Tama, yun nga yun. Imposibleng mangyari talaga yung naisip ko kanina. Dumidilim na pala hindi ko man lang napansin. Oh well, ganoon naman daw talaga diba? Kapag nag-iisip ka eh hindi mo na masyadong napapansin yung mga nasa paligid mo. ―Sabi ko na nga ba andito ka lang eh.‖ Napalingon naman ako kay Vince. Sabi ko nga eh malalaman niyang andito ako eh. Umupo siya dun sa tabi ng swing na inuupuan ko. Mukhang hingal na hingal nga siya eh. ―Pikit.‖ tinignan ko naman siya na parang naloloko. Ganun ba nayugyog ang mundo niya kaya nagkakaganyan siya ngayon? ―Teka ano na bang nangyayari sa iyo?!‖ Tumingin siya sa akin tapos umiling iling na parang hindi makapaniwala sa reaksyon ko. ―Don‘t tell me na nakalimutan mo na?‖ Tinaasan ko naman siya ng kilay tapos nun eh tumawa siya. ―Basta, pikit na.‖ Sinunod ko naman yung sinabi niya tapos nun eh naramdaman kong kinuha niya yung kamay ko. Parang may hawak siyang maliit na jar tapos may naramdaman akong maliit na parang…Stars? ―Bunot ng isa.‖ Sinunod ko na naman ulit yun. Naalala ko na. Dumilat na ako nun tapos nakita kong nakangiti siya sa akin. ―Alala mo pa nung mga bata tayo? Nasa France pa tayo nun. Kapag may problema tayo eh bumubunot lang tayo ng isang star mula

sa jar na ito tapos gagawin natin kung ano man yung nakasulat. At pagtapos nun eh makakalimutan na natin yung problema natin at magiging masaya na ulit tayo.‖ Napangiti ako sa kanya. Ang tagal narin pala nung last naming ginawa ito no? ―Ano nakalagay?‖ Binuklat ko naman yung star tapos binasa. Nanlaki yung mata ko dun sa nakita ko. ―Umm…talaga bang kelangan kong gawin to?!‖ ―Oo naman. It‘s tradition. Bakit ano bang nakalagay??‖ tinry niyang silipin yung papel pero tinago ko kaagad yung papel. ―Umm…pwedeng bunot nalang ulit ako?!‖ ―Ano ka ba? It can‘t be that bad?‖ Nagbuntong hininga ako tapos tumingin sa kanya. ―OH but it is…‖ tinaasan niya ako ng kilay tapos huminga ulit ako ng malalim at binasa yung papel. ―Sabi dito…kelangan ko daw tumakbo habang sinisigaw ang… ‗DARNA!‘,‖ Narinig kong tumawa ng napakalakas si Vince. Hay, not helping! ―Wag ko nalang siya gawin please?‖ ―Nah-uh! Kelangan! It‘s tradition nga diba?‖ ni-roll ko naman yung eyes ko tapos nun eh tumayo na. Gosh, mas gugustuhin ko pang kumain ng dirt kesa gawin ito eh. nakakahiya kaya! Tapos kilala pa ako sa village namin. Hala. ―Sabayan mo ko ha!‖ ―Of course! Paano ko malalaman kung ginawa mo talaga diba?‖ at ayun, natawa na naman siya. Bwisit na ito, akala siguro eh nanonood ng comedy film sa tv. Pumunta naman kami dun sa kalsada tapos andoon siya sa tabi ko. Alam ko na, pipikit nalang ako. ―Ready pot?‖ Tumingin ako sa kanya at tumango. Nagcount down pa siya tapos nun eh pumikit na ako. ―…2…1, GO!‖ At ayun, tumakbo na ako as nagsabi ng, ―DARNA!‖ Okay na sana kung yung sasabihan lang ako na wag ako maingay. Kaso iba ang

nangyari. SOBRANG nakakahiya talaga. Oo hindi nawala yung mga… “Ano ba to, nabaliw?” Normal lang yun sa mga tao pero ikinagulat ko eh yung… “Hoy pirata ka! Ako orig no!” weird? SOBRA! Pero hindi pa yan ang pinakaweird at pinakanakakahiya! Biruin niyo, may taong lumapit sa akin at biglang nag-abot ng bato. At alam niyo kung ano sinabi? “Lumulon ka naba neto?.” hindi ko maintindihan kung ako ba yung mas may topak o siya. Tama nga si Vince. Pagtapos nung nangyari na iyon eh nawala na sa isip ko yung problema ko kahit papaano. Sobrang tawa nga kami ng tawa eh. Feeling ko mababaliw na kami pareho dahil dun sa nagbigay ng bato. Hindi ako umuwi nung gabing yun sa bahay namin ni Kit. Dun ako kina mama nagstay. Nagulat nga sila sa akin eh pero ang dinahilan ko eh namiss ko sila. Totoo naman eh, well, partly. Buong weekend kina mama ako nagstay. Ewan ko ba, hindi ko talaga feel na bumalik muna. Yun nga lang…nalungkot ako. Siguro nga half of me expects na hanapin niya ako. Ang tanong…bakit? ―Andy okay ka lang? Kanina ka pa tinatawag ni Cheeky…‖ Napatingin ako bigla sa kanilang lahat at napansin na nakatingin sila sa akin. ―Ha?‖ ―Hey, ayos ka lang ba Andy? Kanina ka pa ala sa sarili mo eh…‖ natulala lang ako kay Cheeky nun. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko eh. ―Uhh..yeah…‖ siguro nagets narin nila yung point na wala ako sa tamang pagiisip para sumagot sa tanong nila. Ewan ko, ang weird talaga. Hindi naman na nila ako pinansin pa pagtapos nun. Sayang rin kasi sa effort eh dahil ako na mismo ang nagsasabi na wala ako sa sarili ko nung araw na iyon. Nung lunch break namin eh, sa hindi ko malamang dahilan, nauna akong bumaba at hindi ko na sila hinintay. Para bang may ibang force na kumokontrol sa katawan ko na kahit tawagin nila ako eh hindi naman ako tumitigil. Hindi ako dumiretso sa may canteen kung di sa may fields. Hindi dun sa madalas

gamitin, dun sa talagang walang tumatambay kasi mainit. Gusto ko lang kasi mapag-isa nun eh at makapag-isip kahit kaunti lang. ―Yo Andy.‖ umupo siya sa tabi ko nun tapos kumain. Teka, bakit hindi nito kasama si Kit? ―Kung si Kit ang hinahanap mo nasa SC meeting siya.‖ ―Wala naman akong sinasabi eh…‖ ―Actions speak louder than words.‖ binaling ko yung attention ko dun sa mga tao sa malayo. Feeling ko tuloy ang layo ng civilization kapag andito ka. ―Wag mo na siyang problemahin pa Andy.‖ tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. ―At bakit mo naman nasabi yan?‖ ―Obvious naman eh.‖ napabuntong hininga naman ako nun. Ganun ba talaga ako kadaling basahin? ―Give him time. Baka hindi pa siya ready sabihin sa iyo.‖ ―I don‘t care kung hindi niya sabihin.‖ nagsnort naman si Omar tapos parang sarcastic laugh. Sino namang niloko mo Andy? ―Yeah, and yung reason ng pagkatulala mo buong araw eh dahil sa bagong hairstyle ni Miss Cruz.‖ ―May bagong hairstyle si Miss Cruz?!‖ Umiling iling siya sa akin nun. ―You‘ve got it bad. REALLY bad.‖ ―Ewan ko nga eh. nabobother lang talaga ako. Kasi…hindi ko alam.‖ nagpause ako sandali. May sense parin ba yung sinasabi ko? ―Ewan ko kung magegets mo yung nararamdaman ko. I feel very bad about not knowing something about him. Pero hindi ko alam kung bakit. I think it‘s because friend narin ang turing ko sa kanya.‖ ―Hah! I doubt that‖ tinaasan ko siya ng kilay tapos lalo siyang natawa. ―I‘m a good observant Andy at sure ako na hindi lang yun ang dahilan. You‘re probably in the denial stage pero I can assure you…may tama ka na sa kanya.‖ Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ako? may gusto kay Kit?! Guguho muna ang mundo bago mangyari yun. ―Don‘t be silly!‖ pero pati sarili ko eh nagtataka kung yung na nga rin ba talaga ang dahilan. Basta isang bagay lang ang alam ko, I‘m SO confused. ―Kung totoo yang sinasabi mo, then bakit ko gustong ipalapit si Kit kay Kat?‖

―Ayaw mong aminin sa sarili mo na may gusto ka sa kanya kaya you‘re busying yourself with match making. Tignan mo yung kay Myka. Alam mo Andy, the first time you talked to me about them eh alam ko na na may something diyan.‖ tapos tinuro niya yung sa may heart ko. ―You‘re just too darn stubborn to admit kasi mas iniisip mo pa yung magiging benefit mo kapag namatch make mo sila. Maiisip mo na icacancel na yung arranged marriage. Yun ang prati mong nilalagay sa utak mo kaya hindi mo na minsan napapansin yung sinasabi niyan.‖ Teka, si Omar na sobrang kalog pa ba itong kausap ko o isang love doctor na? ―Whoa, slow down Mr. Love doctor.‖ sabi ko pa sa kanya pero ni-roll lang niya eyes niya. ―Tignan mo to, nagseseryoso ako tapos ganyan ka. Sus, mga babae nga naman talaga oh.‖ At pagtapos nun eh tumayo na siya at umalis. Napaisip naman ako nun. Totoo kaya yung sinasabi niya? Hindi eh…sure ako na hindi. I think. No…

I hope.

Chapter 38

Sa bahay na namin ni Kit ako umuwi ngayon. Wala na kasi akong uniform dun sa bahay eh kaya mahirap na. Kung maglipat naman ako eh baka isipin nila na may problema. Ang weird siguro ng feeling na maging invisible no? Andiyan ka nga tapos hindi ka naman pinapansin. Galit pa nga siguro siya sa akin obviously. Hindi nga siya makatagal ng kasama ako sa isang place eh. Paano, nung dumating ako at andoon siya sa may sala eh bigla ba namang umakyat sa kwarto niya. Now tell me, sinong hindi maiinsulto dun?

Hindi ko na siya masyadong pinansin pa at sa kwarto ko nalang ako dumiretso. Wala akong assignment nun kaya nagonline nalang ako. Kelangan na kelangan ko ng mabubuhusan ng sama ng loob. At right timing naman si mr. Cuteboi. cuteboi: Hey. sassygirl: hey.. cuteboi: msta? sassygirl: e2…naguguluhan. cuteboi: oh bakit naman? sassygirl: hai…ewan. Pati ako naweirduhan sa sagot ko. Hindi narin ako nagtaka na no comment siya dun. Pwede ko kaya siyang pagkatiwalaan? sassygirl: can I trust u? cuteboi: of course. sassygirl: okay.. Hindi rin naman niya ako kilala so wala rin magiging problema yun diba? Anyway, sinabi ko sa kanya ng mga lahat ng nangyari. Syempre hindi ako nagbanggit ng names. Hind rin naman niya kasi kilala yung mga taong involved eh. The next day, Friday, wala paring pagbabago. Gusto ko siyang kausapin pero siya na mismo yung lumalayo sa akin. Diba dapat maintindihan naman niya na hindi ko alam na hindi pala siya nagcecelebrate? Sobrang lumipad yung utak ko buong araw. Wala na nga akong maintindihan sa mga tinuturo sa amin eh. Nung uwian, hindi ko na nakayanan kaya umalis ako ng walang nakakaalam. Dumiretso ako dun sa park na hindi pag-iisipan ng iba na pupuntahan ko. Dun sa park sa village nina Kit. Malayo layo rin yun. Kinailangan ko magjeep at trike para makarating dun. Ayos lang, worth it naman kasi walang makakagulo sa akin. Maghapon akong hindi umuwi. Gulung gulo talaga yung isipan ko sa mga nangyayari. Paano hindi magiging ganoon eh ilang araw na rin ang nakakalipas at hindi parin matanggal sa isipan ko yung mga nangyari nung birthday ni Kit. Pakiramdam ko eh total stranger ang dating ko sa kanila. Hindi ko nga maintindihan eh pero nalulungkot ako dahil wala man lang akong alam kay Kit. Pero…bakit nga ba gusto kong meron? Napatingin ako sa paligid ko habang nagsiswing. Walang tao. Napabuntong hininga naman ako tapos tumingin lang sa langit. Siguro pinaghahanap na nila ako ngayon. Hindi kasi ako nagsabi sa barkada ko

or kina mama na dito ang punta ko. Narinig kong tumunog yung cellphone ko pero pinatay ko lang siya. Wala ako sa mood para makipag-usap nung ma oras na iyon. Gusto ko lang, mapag-isa. *****

“uy si Ate oh!” Ano ba naman iyan, ang ingay. Ow, ang sakit ng ulo ko, bakit ba ang tigas ng kama ko ngayon? Ano ba ito, gawa sa bakal? Natauhan naman ako bigla. Hindi naman ako umuwi kanina diba? Dinilat ko yung mata ko, madilim na pero buti nalang may ilaw. Teka, diba sina Thammy at Thor ito? ―Thammy? Thor?‖ “Sabi sayo kuya Thor eh maaalala pa niya tayo.” Napangiti naman ako sa kanila tapos lumapit na sila pareho. Tinanong ko naman kung bakit gabing gabi na at lumabas pa sila. Ang sagot lang nila eh dahil may binili daw sila sa tindahan. “Kaw po Ate? Bakit dito po kayo natutulog? Ala ka po ba bahay?” Napatawa naman ako tapos umiling. ―Meron.‖ “Bakit po dito kayo natutulog?” ―Nakatulog lang ako.‖ “Ah ganun po ba? Sa susunod po ate wag kayo dito matulog. Delikado po dito, baka kidnappin kayo ng masasamang tao.” Nagpaalam narin sila pagtapos nun, syempre gabi narin eh. Ako naman eh nagdesisyon naring umuwi na. Bago naman ako umalis dun eh binuksan ko cellphone ko. Grabe, tadtad sa text message at mga voice mail (yung parang sa answering machine). Tinignan ko muna isa isa yung message, puro kina Cheeky, Vince, Marla, Stephen, Cheska at Kat lang galing. Halos lahat nga eh parepareho lang yung laman. Sunod ko namang pinakinggan yung mga voice messages at gulat ako dahil sa iisang tao lang nanggaling ang mga iyon.

“Hoy, asan ka na?” grabe, matapos ang ilang araw niyang hindi pagpansin sa akin yan ang sasabihin niya? “Hoy, sagutin mo naman tawag ko.” “HOY! BUKSAN MO PHONE MO!” walang hiyang lalaki ito. May balak pa yata akong bingihin. “ANO BA!” nice naman, tumawag siya tapos ganyan lang sasabihin. Hindi rin aksaya no? “Andy…” bakit ganoon, kapag…siya ang nagsasabi ng pangalan ko eh…kakaiba ang nararamdaman ko. “Nag-aalala na si manang sa iyo Andy…” “Umuwi ka na Andy, ngayon na.” “Andy…hindi ka na nakakatawa.” “Andy ano ba…” sa daming beses niya akong natatawag na Andy…grabe I lost count. Yung dating 6 ewan ko na kung ilan na ngayon. “Hoy Andy kapag wala ka pa dito ngayon matakot ka na.” natawa naman ako bigla dun. Sunod kong nalaman, tumutulo yung luha ko…pero, bakit? “Andy pati si Manong alalang alala na sa iyo” “Yung mga kaibigan mo hinahanap ka na sa akin Andy…” “Gutom ka na siguro no? Kumain ka na ba? Ako kasi oo. Sarap nga kinain ko eh. may dessert pa. Uwi ka na para makakain ka narin.” tama bang inggitin daw ako? come to think of it, gutom na nga ako. Andy si Chester nagwawala na dito..babasahin daw diary mo kapag hindi ka pa bumalik.“” “Pahiya siya…ala ka daw pala diary.” natawa naman ako bigla. Anak ng, ano bang pinaggagagawa nila?! “Bumalik ka na kasi. Kapag bumalik ka eh tuturuan kita magluto. Promise rin ng barkada mo na kakain sila ng lulutuin mo. Balik na oh, sige ka isusumbong kita sa magulang mo.” feeling ko ng mga oras na yun nababaliw na ako. Paano, tumatawa ako tapos bigla akong mapapahagulgol.

“Huy…naman baka naman nasa France ka na ulit niyan.” Sira talaga itong lokong to. “Stripes…” “Sasabihin ko kay Sasha na patay na patay ka sa kanya.” teka, how the hell did he know that?! Wag mong sabihin pinagsabi nina Cheeky?! ARGH!!!!! "UMUWI KA NA! ANG DAMING NAGHIHINTAY SAYO!” ouch! “Andy…pati yata ako nag-aalala na…please…umuwi ka na.” natigilan ako dun. Tama ba talaga yung narinig ko? Sobrang lakas na ng pagtulo ng mga luha ko. Ang pinagtataka ko lang eh bakit ako umiiyak? Bakit ako nalulungkot? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit…? ―Finally, nahanap rin kita.‖ napatingin ako dun sa harap ko at nagulat kasi nakatayo si Kit dun na mukhang pagod na pagod pa. ―Kit.‖ lumapit siya sa akin tapos ako eh napayuko lang. Ayokong makita niya akong umiiyak. ―Pasaway ka talaga.‖ hindi ko na talaga napigilan yung sarili ko at napahagulgol na talaga ako. Bakit ba nangyayari sa akin ito? ―Ang sama mo...‖ lumapit lang siya sa akin ng walang imik. Hindi man lang ba siya magsosorry sa ginawa niya? Hindi lang ba siya hihingi ng tawad para sa inasal niya? Hindi man lang ba siya mageexplain sa mga nangyayari? ―Andy...‖ Tinignan ko siya. Seryoso yung mukha niya. Walang bakas ng emosyon. Wala talaga. ―I think it‘s time na...‖ “...ipakilala kita kay Kleo.” Chapter 39

Tumingin lang ako sa kanya nun. Sasabihin niya sa akin kung sino si Kleo? Kinuha niya yung kamay ko tapos nun eh naglakad lakad kami hanggang sa marating namin yung bahay nila.

― Tanong lang…paano mo ko nahanap?‖ kanina pa kasi ako nagtataka eh, hindi ko lang pinapahalata. ―I guessed.‖ wow, lucky guess. Wala parents niya nun kahit gabi na. Ang weird nga eh, ganun ba talaga parati? Umakyat naman kami sa 2nd floor tapos napansin kong papunta kami sa room dati kung saan nabasa ko yung diary. Bumitaw rin siya kaagad sa akin tapos pumunta sa may isang desk at parang may kinuha na frame. Lumapit ulit siya sa akin tapos inabot yung hawak niya. Nanlaki yung mata ko. ―Kit…si Kleo ba eh…ang iyong--?‖ ―Twin Sister.‖ Tinignan ko ulit yung pic. Bakit ba napakapamilyar ng babaeng ito? Saan ko ba siya nakita dati? ―She looks so familiar…‖ ―May isa pa akong ipapakita sa iyo...‖ kinuha niya yung kamay ko tapos dumiretso kami sa isa pang room. Pagpasok namin dun eh napanganga ako ng sobra talaga. Yung laman ng room eh puro canvas tapos may painting. Ito yung mga painting na nakita ko sa art room. Tama! Si Kleo yung babae sa painting! Pero bakit hindi ko man lang napansin na kahawig ni Kit yung babae? Pero teka nga… ―Ikaw si Mr. Artist!?‖ tumango lang siya tapos naglean sa wall. ―Tara, may last stop pa tayo.‖ Pinatawag niya yung driver nila tapos hinatid kami somewhere. Syempre hindi kami magcocomute kasi gabi narin eh. Ilang sandali lang rin eh tumigil na yung kotse. Hey, ito yung cemetery na pinagdalhan sa akin ni Myka dati ah! Hinawakan naman niya yung kamay ko at parang inalalayan ako. Teka, para naman sobrag clumsy ko na hindi ko kayang maglakad mag-isa. ―Umm Kit, kaya ko maglakad mag-isa.‖ Tumingin lang siya sa akin at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak.

Tumigil kami sa isang puntod na maraming may nakalagay na bulaklak. Halata mong kada araw eh napapalitan yun dahil mukhang bago talaga siya. ―Kleostene Tasello. (November 15 1991 - November 15 2003‖ teka, namatay siya nung araw ng birthday nila? Tumingin ako kay Kit at nagulat ako dahil nangingilid na yung luha sa mata niya at halata mo namang pinipigilan niya. Buti siya nakakayanan niya. ―Anong nangyari Kit?‖ ―Naalala mo Andy…nung andoon pa tayo sa Art room at humingi ako ng pabor sa iyo?‖ Yun ba yung time na niyakap niya ako? Tumango naman ako sa kanya at nagpatuloy na siya. ―Nung araw na iyon ang pinakamalaking away namin ni Kleo 4 years ago…‖

Flashback ni Kit “Nakakainis ka naman Kleo eh! Bakit mo ba kelangan pang gawin yun!?!” “Kit alam mo namang ginawa ko yun dahil gusto kong maging masaya ka at alam kong magiging masaya ka kung hindi aalis si Kat.” “Wag ka ngang magdecide para sa akin!” “Pero Kit...” “Nakakainis ka Kleo! Sana hindi nalang kita naging kapatid!!!” End of Flashback Yumuko si Kit at nilapitan ko naman siya. Tinapik ko yung likod niya. ―Dahil sa akin namatay siya…‖ ―Hindi yan totoo Kit!‖ Tumingin siya sa akin at ngumiti pero alam mong pilit lang iyon. ―Totoo Andy…‖ nagbuntong hininga siya at tumingin sa akin ng seryoso. ―Birthday namin nun at hindi parin kami nagbabati kaya hindi kami nagpapansinan. Biglang umalis si Kleo dun sa celebration namin. Alam kong

gusto niyang makipagbati nung mga oras na yun kaya ginusto niyang bumili ng maibibigay para sa akin.‖ ―Kit…‖ ―Nagtaka kami nun dahil tinagal siya. Ang sunod nalang na nalaman namin eh nabundol na pala siya ng kotse sa may kanto, at may bitbit pa siyang ice cream. Nung makita ko siya nung mga oras na iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sinisi ko ang sarili ko. Kung hindi ko sana pinatagal ang away namin then hindi sana siya mamatay…‖ ―Hindi mo kasalanan yun…‖ ―Oo Andy. Kasalanan ko yun. Kasalanan ko ang lahat ng iyon. ‖ Naawa talaga ako sa kanya nun. Sa hindi ko nga malamang dahilan eh napaiyak narin ako kaya napatingin naman sa akin si Kit. Naiinis ako dahil wala akong matinong masabi para magpagaan sa loob niya. Naiinis ako dahil…dahil wala akong magawa. ―Andy…‖ ―S-Sorry Kit…wala akong magawa para mapabuti ang loob mo…‖ nakita ko naman siyang umiling nun tapos hinawakan niya yung kamay ko. ―The point na nandito ka sa tabi ko ngayon eh ayos na para sa akin ang lahat…‖ sa totoo lang eh nagulat talaga ako sa sinabi niya. May bigla akong naramdaman na kakaiba sa loob ko pero hindi ko mawari kung ano yun. Ang alam ko lang, hindi ko pa talaga nararamdaman yun kahit kelan. ―natakot ako, alam mo yun?‖ Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay pero hindi niya ako tinignan. ―Nung mga araw na iniwasan kita, mga araw na hindi tayo nagpansinan…ang tanga ko nung mga oras na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ginawa yun kahit na alam ko namang hindi mo talaga alam na hindi ako nagcecelebrate kapag birthday ko.‖ Magsasalita na sana ako nun kaya lang pinigilan niya ako. ―Natakot ako Andy dahil akala ko mawawala ka katulad ni Kleo.‖ sabi niya at tumingin siya sa akin ng napakaserysoso. ―Kit…‖ ―Lalo na nung nalaman kong hindi ka pa umuuwi.‖ Umakbay siya sa akin at nagulat naman ako dun. Dapat nga kakalas ako pero naisip ko, kelangan niya rin ito ngayon kaya naglean nalang ako sa kanya. Sunod

ko nalang nalaman eh nakatulog na pala ako.

*****

Idinilat ko yung mga mata ko. Teka, nasa kwarto ko ako? Kelan pa ako bumalik dito? Wag mong sabihin na…panaginip ko lang pala ang lahat ng iyon? Bumangon ako dahan dahan. Napatingin naman ako dun sa bear sa may edge ng kama ko. Kanino kaya yun? Lumapit ako tapos tinignan yung tag dun malapit sa tenga niya. Napangiti naman ako dun sa nabasa ko. Peace offering lang… Nga pala, Boggart pangalan nito. Wag mo ibahin. Boggart?! Nyek, ang bantot naman ng pangalan. Hay naku, mana sa nagbigay. Tumayo narin ako nun at nagbanyo na. Saturday pala ngayon, November 24. Isang linggo nalang eh December na. ang bilis talaga ng oras, parang kelan lang eh naging 4th year high school ako tapos ngayon eh malapit na matapos ang 2007. Paglabas ko ng kwarto ko eh ang ingay sobra. Bumaba ako kaagad at nakita sina Cheeky, Cheska, Vince, Marla at Stephen na nasa living room at naglalaro ng playstation…ni Kit. ―HUY! Anong ginagawa niyo?!‖ ―Wag kang hot Andy, may permission kami na maglaro okay?‖ Would you look at that? Si Kit papayagan maglaro ng PLAYSTATION niya ang barkada ko? Wow. ―Ano palang ginagawa niyo rito?‖ ―for your info Little miss sunshine, dito kami natulog. Paano kasi, yung isa diyan umalis ng walang paalam, nag-alala tuloy kami.‖ Wow naman, natouch naman ako dun. Umupo ako dun sa tabi ni Vince at pinanood yung kambal na nagraracing. Para silang mga bata.

―Ayos ka na ba talaga ngayon?‖ Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. ―Ayos talaga.‖ At ayun, todo bonding kami nung araw na yun. Nagtaka naman ako kasi bakit wala si Kit? Don‘t get me wrong or anything…sanay lang kasi ako na nagsusungit siya kapag andito ang barkada ko eh so…ayun na nga. Nung mag 7 naman eh umuwi narin ang barkada. Wala pa nga si Kit nun eh kaya gusto pang magstay ni Vince pero sabi ko ayos lang ako. Andoon naman sina Manong at Manang eh. Hindi kaya Galit parin siya? Hindi naman siguro, nagbigay na nga siya ng peace offering eh diba? Hindi ko na siya masyado pinroblema pa kasi alam ko naman na uuwi yun kung gusto niya diba? Haller! Malaki na siya eh. Ginawa ko na ng maaga yung mga assignment ko para hindi na ako magcram sa Monday. Pagkatapos nun eh syempre nag-online narin ako sa ym. Wala nga masyadong tao eh. Ni si Mr. Cuteboi ala rin, ang boring tuloy ng araw na to.

.Monday.

Monday. Maaga ako pumasok. Wala lang, trip ko lang kasi eh. Maaga kasi ako nagising at since wala naman akong magawa sa bahay eh napagdesisyunan ko ng pumasok nalang. Pagdating ko sa school eh wala pang tao. SOBRANG aga ko nga yata. Oh well, andito na ako eh. Pumunta naman ako sa may 2nd floor at dumiretso sa may Art Room. Ewan ko ba, kahit na alam kong si Kit naman si Mr. Artist eh parang gusto ko parin balik balikan itong room na ito. Parang special na rin kasi ito para sa akin eh. Pagpasok ko naman eh may nakita akong painting. Napanganga ako sa gulat. ―No way...‖ Chapter 40

Am I dreaming? Totoo ba talaga itong nakikita ko? Nilapitan ko yung painting tapos mas lalo akong nagulat. Halu halong emosyon yung mga naramdaman ko. Tuwa, pagtataka at pagkagulat. Grabe, bakit siya magpipinta ng ganito? Nasa canvas sa harap ko eh 2 taong nakatalikod at magkaakbay. Hindi mo makikita yung mga mukha nila pero sigurado akong kami yan nung nasa sementeryo palang kami. Napatingin naman ako sa parang post it dun sa gilid ng canvas. May message? “We must take risks in order for things to happen. Don‟t wait for that important thing for you to disappear before you take action. Life is too short. We must not hide what we truly feel nor live on those „what if‟s? alone‟.” Naks naman. Sosyal naman niyang message na iyan. Ano kayang gusto niyang iparating? Umupo muna ako dun sa harapan ng painting. Kakaiba yung naramdaman ko nung mga oras na yun. Feeling ko bumalik yung hindi ko maintindihang pakiramdam. Lumabas na ulit ako ng art room. Hindi ko na talaga nagugustuhan itong nararamdaman ko. Hindi siya pwede. Hindi. Imposible talaga. Diba? :‘( Pumunta ako sa classroom namin at iniwan yung bag ko dun at lumabas muli. Dumiretso ako sa fields para makapag-isip isip rin naman. Umupo ako dun sa ilalim nung isang malagong puno at isinandal yung ulo ko. Hay, bakit ba ganito? Bakit ba kelangan maging kumplikado ng buhay ko? Oh baka naman ako lang ang gumagawa ng kumplikasyon? Ah ewan! Hindi ko na talaga maintindihan. *****

May naramdaman akong biglang gumalaw sa tabi ko. Teka, anong meron? Dinilat ko yung mata ko tapos medyo nasilaw pa ako kasi ang liwanag na. ANO?! Maliwanag na?! Bigla naman akong napaayos ng upo at tumingin sa paligid. May mga nagsosoccer na mga lalaki dun sa fields. Whew, akala ko lagpas bell na. ―Did you know na naghihilik ka pala?‖ naman, bakit ba lahat nalang nagsasabi na naghihilik ako? Baka nga totoo? No!! impossible!

―Omar?!‖ ngumiti siya sa akin tapos nun eh nag lean. ―Ganda naman ng extension ng bedroom mo. May touch of nature pa. Pati ako nadamay at naging unan.‖ Napatawa lang ako sa kanya nun. Pero teka nga, wala naman siya kanina diyan ah? ―Wala ka naman dito nung nakatulog ako ah?!‖ ―Wala nga. Pero sa tingin mo ba eh hahayaan kitang tulog diyan at defenseless mula sa mga masasamang elemento sa paligid mo?‖ asuuu…may elemento pa siyang nalalaman. If I know ha! ―Yeah sure. Anong oras na?‖ ―It‘s 6:30 a.m. Grabe ka ah. May pagkaearly bird ka pala. Naabutan kita dito eh mag 6 palang. Anong oras ka ba pumasok?‖ ―Dunno, 5:30 yata?‖ Umiling iling naman siya nun tapos pinalo ko lang siya. Sabay naman kami nung umakyat kami papuntang classrooms. Nagkatinginan nga yung mga tao sa amin eh. Naku, mga tsimoso. Naghahanap na naman siguro ng itsitsismis. ―Ge, una na ako.‖ aalis na sana ako nun kaya lang hinigit niya bigla yung kamay ko. ―Hep, ano ka? Ihahatid kita no.‖ ―ngek. As if naman may mangyayari. Wag na no! babalik ka pa dito ulit niyan. Kaya ko na,‖ ―Nope. Hindi ako papayag.‖ napabuntong hininga nalang ako. Ano pa nga bang choice ko? Nagkatinginan sa amin lahat ng taong nadadaanan namin. Yung iba eh maguusap pa, akala siguro hindi maririnig. ―Wag mo nalang silang pansinin.‖ Tumingin naman ako kay Omar at tinaasan siya ng kilay. ―Hindi naman eh.‖ ―Good.‖

Finally, nakarating rin kami sa classroom namin. Umalis narin naman na si Omar nun at ako eh diretso lang sa may upuan ko. ―Andy, nanliligaw pala sa iyo si Omar?‖ bigla naman napatigil sa mga ginagawa nila sina Vince at Marla. ―HINDI NGA?!‖ napatingin pa nga sa amin yung mga kaklase namin pero syempre, dedma lang. bayaan mo sila. ―eH?!? Hindi ah! Ano ba kayo! Kung may manliligaw man lang sa akin eh malamang kayo una makakaalam.‖ ―Saka nga diba mga sis, taken na yang si Andy. Nakaset na ang future niya diba?‖ Napatingin naman ako kay Kat nun at napansin na parang lumungkot yung mukha niya. Kelangan ko talagang ituloy na itong plano ko. Buong araw eh hindi ako nakinig sa teacher. Bait kong bata no? Well, masyado kasi akong busy sa pag-iisip ng plano para sa operation KitKat ko. Syempre, ngayon eh dapat mas maingat na ako. Hindi na pwedeng gawin yung same mistakes nung nagawa ko nung si Myka palang yung minamatch make ko. Umabot na ng dismissal at wala parin akong matinong naisip. Badtrip nga eh, pero ayus lang, siguro itatake ko nalang yung mga chances na nakalahad sa harap ko instead of planning. Minsan kasi talagang sablay mga plano ko eh. ―Yo, Andy.‖ napatingin naman ako dun sa may pintuan at nakita na andoon si Omar. Ano na naman kelangan nito? ―Uy, andiyan ka pala.‖ inayos ko na yung gamit ko tapos tumayo na at lumapit sa kanya. ―Anu kelangan mo?‖ ―Wala lang. nakikisabay lang.‖ Natawa naman ako. Bakit siya sasabay eh mas malapit nga yung stairs sa room nila kesa sa amin na nasa dulo eh. ―Nyak, bakit naman? Mas napalayo ka nga sa stairs niyan eh.‖ ―Wala lang.‖ tapos nag grin naman siya sa akin. Naku, ang weirdo nitong taong ito. Naglakad naman na kami nun. Nagpasama ako sa kanya sa locker kasi may nakalimutan pa akong kunin na gamit ko. ―Pahawak naman oh.‖ tapos inabot ko sa kanya yung bag ko. Hindi kasi ako makakilos ng maayos eh kasi mabigat. Kinuha naman niya yun tapos binuksan ko na yung locker ko. Marami rin akong

kinuha na notebooks at books, bakit ba kasi hindi ko pa ito inuwi nung isang araw eh. ―Oh, akin na. Ayos na.‖ kukunin ko na sana yung bag pero bigla naman niyang nilayo mula sa akin. ―Hep. Ako na magdadala nito. Marami kang dala oh.‖ ―Asus, para namang hindi ko kaya eh. Akin na nga.‖ ―Ayaw.‖ ―Akin na.‖ ―No.‖ ―Akin na.‖ ―No.‖ ―Akin na.‖ ―No.‖ ―Akin na.‖ ―No.‖ UGH!! ANG KULET! ―Dali na Omar..‖ ―Ayaw ko nga eh.‖ ―Bahala ka nga..‖ at pagtapos nun eh naglakad na ako. Hindi niya bibigay bag ko? Fine. Nakaabot rin naman siya sa akin tapos sabay kaming naglakad. Nagdadadaldal pa nga siya dun eh pero syempre dedma ko lang. Galit yata ako diba? ―Huy, pansinin mo naman ako.‖ ―...‖ yeah, that‘s right Andy. Give him the silent treatment. ―Look, hindi naman yata tamang tignan kasi na marami dala mo tapos hindi man lang kita tutulungan so wag ka na magalit okay?‖

Tinignan ko lang siya tapos nagpuppy dog face pa kaya naman natawa ako. Ang pangit niya! Wahahha. ―Wag ka ngang gumanyan. Ang pangit mo eh.‖ ―Ouch naman Stripes! Ako? Pangit? Tagos yun ah!‖ nag-inarte pa siya tapos hawak hawak niya yung dibdib niya. Asus. ―Arte mo!‖ pinalo ko naman siya ng malakas. ―hindi mo lang ako sinaktan emotionally, pati physically! Naku, para kang amazona, ang sakit mo mamalo!‖ Tinawanan ko lang siya nun. Pagkarating namin sa may gate eh napatigil ako sa nakita ko. Nanlaki pa nga yung mata ko eh kasi…ewan. Hindi ko rin maintindihan. ―Oh bakit ka tumigil?‖ nilayo ko yung tingin ko para hindi malaman ni Omar yung dahilan pero too late na. ―Mukhang..mukhang bumabalik yung spark nila ah…‖ Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ito ang nararamdaman ko? Diba nga dapat mas maging masaya pa ako? Bakit…bakit ang sakit? ―Tara…bigyan na natin sila n-ng privacy.‖ feeling ko anytime eh maiiyak ako. Nakakainis talaga. Bakit ba ako nagkakaganito?!

Chapter 41

Hinatid ako ni Omar hanggang bahay. Hindi nga siya nagsalita eh, feeling ko nagets niya kung bakit ako tahimik. Yun nga lang, ako hindi ko gets. Hindi ako kumain nung dinner. Kinatok nga ako ni Manang eh pero hindi ako lumabas. Magdamag akong nakahiga lang sa kwarto ko at nakatingin sa kisame. Ano na bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Diba dapat mas maging masaya pa ako dahil kahit na wala akong ginagawa eh may nangyayari na? Oo tama, dapat masaya ako. Dapat matuwa pa ako dahil after December 25 eh si Kit na mismo ang aayaw sa fixed marriage na ito. *KNOCK KNOCK KNOCK*

―Bukas yan.‖ bumukas yung pinto pero hindi ko nilingon yung tao. Siguro si manang yan at may dala dalang pagkain. narinig kong sumara yung pinto kaya tumingin na ako. Nagulat nga ako kasi nasa tabi ng kama ko si Kit. ―Bakit?‖ ―hindi ka kakain?‖ umiling lang ako nun tapos humiga na ulit. Hindi ko siya narinig na gumalaw pero hindi ko na siya pinansin pa. ―Bakit?‖ ―Wala lang. hindi ako gutom.‖ Naramdaman ko namang tumayo siya. Hay salamat, aalis narin siya. Dinilat ko naman yung mata ko at napasigaw ako kasi bigla nalang siyang nasa harap ko. How the heck did he do that?! ―Why do you always do that?‖ ―Do what?‖ napabuntong hininga lang ako tapos tinulak siya. Umayos naman ako ng upo at umusog sa may mga unan ko at siya naman dun sa may edge ng bed. ―May kelangan ka?‖ ―Kayo ba ni Omar?‖ ni-roll ko naman yung mata ko at huminga ulit ng malalim. Bakit ba parati nalang niya yan tinatanong? ―Sinabi ko naman sayo dati diba na hindi? Bakit ba ang kulit mo?‖ inalis ko yung tingin ko sa kanya. For some unknown reason, hindi ko siya matignan ng diretso. Maybe because whenever I see him, para bang isang dvd player ang utak ko at pinapaulit ulit yung scene na nakita ko kanina. What the heck‘s wrong with me?! ―Bakit kayo magkasama at dala pa niya bag mo?‖ ―Pwede ba Kit, tigilan mo nga ako. Pagod ako okay?‖ hindi na siya nagsalita pa at lumabas narin ng kwarto ko. Tumingin ako dun sa kinauupuan niya kanina at napahinga ng malalim. ―Some risks are just too hard to take…‖ *****

Nung sumunod na araw, hindi na ganoon kaaga ang gising ko. Normal na nga lang siya eh kasi mga mag 6 narin nun. Hindi ko naman nakasabay si Kit kasi mukhang mas nauna na siyang pumasok.

Pagdating ko ng school eh bigla namang bumulaga sakin si Omar. Ang kulit ng lahi nitong lalaking ito. Gusto na naman kasing dalhin yung bag ko kahit na kaya ko naman. Halos wala ngang laman eh tapos kukunin pa niya. Hay naku. Pinagbigyan ko nalang siya dahil alam kong aabutin kami ng siyam-siyam kung makikipagtalo pa ako. Pagkarating ko sa classroom eh tinanong kaagad ako nina Vince kung bakit ko kasabay na naman si Omar. Hay, bakit ba lahat nalang sila iniisip na kami na?! ―¡por la vez última, no somos juntos! (for the last time, we‘re not together!)‖ Napatigil lang sila sa akin nun, lahat except si Vince eh napanganga sa akin. Inexplain naman ni Vince sa kanila yung pangyayari at ako naman eh hindi ko na sila inintindi. Nakakairita kasi eh. Napapadalas naman ang pagsama sa akin ni Omar. Ewan ko nga rin eh, parang may kelangan siya sa akin na ayaw naman niyang sabihin. Minsan naman, gusto kong tanungin kung wala ba siyang sariling barkada at sakin siya sumasabit, take note, hindi sa buong barkada ah, sa akin lang talaga. Hay naku, ewan ko sa kanya. ―Don‘t take this the wrong way Omar ah, pero bakit ka ba laging nasama sa akin nitong mga araw?‖ at sa hindi ko malamang dahilan eh bigla bigla nalang siyang tumawa. ―Wala lang. Gusto ko lang sumama.‖ hay nakow naman oh. ―Bakit? Ala ka bang masamahan?‖ ―Meron naman pero…ewan.‖ wow, ang tino ng sagot niya sobra! Grabe! ―Andy?‖ ―Oh Vince. bakit?‖ lumapit siya sa aming dalawa tapos tumingin kay Omar tapos sa akin. ―Wala lang. Pauwi ka na?‖ ―Yeah.‖ pansin ko naman na hindi parin niya inaalis yung tingin niya kay Omar. Anong meron? ―At ihahatid ko siya.‖ ―Ganun ba?‖ and for the first time, tumingin siya sa akin. ―Ingat.‖

Ang weird din niya ah. Bakit ba lahat ng tao weird ngayon?

*****

Naging parang routine narin namin ni Omar na ihahatid niya ako. Ewan ko ba, nasanay narin ako kaya hindi ko na siya pinipigilan. Alam ko naman kasing magiging walang saysay lang yung kung pigilan ko eh. Nitong mga araw rin eh hindi ako masyado nakakadaan sa art room. Late narin kasi ako minsan nakakapasok eh. Pero ngayon araw na ito, sinigurado kong maaga na. gusto ko rin kasing dumaan sa art room eh. Ang gulo nga rin eh, kahit alam ko na na si Kit ang Artist eh dinadayo ko parin talaga yun. Maybe I‘m used to doing that. ―Whoa…‖ Pagtingin ko dun sa painting eh nagulat talaga ako kasi may 2 tao na naman dun. Isang girl at isang boy pero yung faces nila eh hindi kita. Nakaabot yung kamay nung guy sa girl tapos yung babae eh parang confused. Hindi kaya…? Ako yan? ―Andito ka pala.‖ napatingin naman ako sa kinatatayuan niya at ngumiti. ―Yeah.‖ lumapit siya sa akin at pinagmasdan yung painting. Napangiti pa nga siya eh. ―Si Kit talaga…parati niyang pinipinta yung mga memorable things na nangyayari sa aming dalawa.‖ nangyayari sa kanilang dalawa? So…mali pala ako. ―Ahh, ganun ba?‖ ―Yep. Nasabi ko na ba sayo? Hindi basta basta nagpipinta si Kit ng kung anu ano. Either special talaga yung nasa pic, halimbawa si Kleo, or may special meaning yung painting. Minsan nga ang hirap intindihin nung nasa pic eh.‖ tumango tango lang ako nun. Ang dami pala talagang alam ni Kat kay Kit no? ―Talaga…?‖ ―Honestly speaking Andy, medyo natakot ako nung una kong malaman talaga na engaged kayo ni Kit. Kahit na sinabi mo sa akin na hindi mo siya gusto at tutulungan mo ko sa kanya. ‖ tumigil siya sandali, para bang nagdadalawang isip sa sasabihin niya. ―Alam mo kasi, iba kapag yung mahal mo talaga ang nagsabi

ng ganun eh. Marereassure ka talaga kung sa kanya mismo nanggaling kaya natakot talaga ako. Pero sa nakikita ko ngayon…nawala na yung takot ko. Mahal pa nga niya ako.‖ Nagulat naman ako sa sinabi niya sa akin. Totoo kayang mahal parin siya ni Kit? Oo Andy, hindi malabong mangyari yan. Ngumiti naman ako sa kanya at umalis na. Ang lakas ng pagkabag ng dibdib ko. Feeling ko tuloy sasabog na eh. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganitong bagay? Napatigil ako sa paglalakad at naglean sa wall. Sunod ko nalang malaman, umiiyak na pala ako. Pasalamat ako nun dahil walang tao at walang nakakakita sa mahinang side ko. Napaupo ako nun, niyakap ang mga binti ko at yumuko. Ano na bang nangyayari sa akin? ―Andy?‖ Napatingala ako dun sa nasa harap ko at ngumiti, kahit peke. ―Ikaw pala Omar.‖ ―bakit ka umiiyak? Anong nangyari?‖ umiling lang ako nun tapos yumuko na ulit. Naramdaman ko namang hindi siya umalis at tumabi siya sa akin. Napatingala nalang ako kasi bigla naman siyang umakbay. ―Sabihin mo, baka makatulong ako.‖ Kung ganun nga sana kadali yun eh matagal ko ng ginawa, kaso nga lang…hindi eh. Napakakumplikado nito. Tumigil narin ako sa pag-iyak pagkatapos nun. Sinamahan naman niya ako hanggang sa makarating ako sa classroom. Buti nalang talaga at walang tao nun. Uupo na sana ako nun sa may pwesto ko kaya lang hinila ni Omar yung kamay ko. ―Omar ano---?‖ ―Sumama ka sa akin Andy. Ngayon lang.‖ nanlaki yung mata ko, ano bang pinagsasabi nito? Nakita kong dinrag niya ako papababa ng building namin. Nakasalubong pa nga namin si Kit eh, siya rin mukhang nagtataka pero hindi ko na narinig yung tanong niya dahil mabilis yung paglalakad ni Omar. ―Omar san mo ba ako dadalhin?‖ Pero hindi siya nagsalita. Hanggang sa makalabas na kami ng school eh hila hila parin niya ako. Pumara siya ng jeep tapos sumakay kami.

―Omar ayoko magcutting okay?‖ ―Tumahimik ka nalang okay.‖ bwisit na ito hihilahin niya ako tapos hindi man lang mageexplain sa akin kung anong nangyayari. Umandar na yung jeep. Hawak hawak parin ni Omar yung kamay ko. Tinaasan ko nga siya ng kilay eh pero hindi niya ako pinansin. Asus, para naman makakatakas pa ako nito. Napatingin naman ako sa relos ko, shocks bell na! Ano ba naman yan. ♪ If I could escape And re-create a place as my own world And I could be your favorite girl Forever, perfectly together Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ♪ Sasagutin ko na sana yung phone ko kaya lang biglang kinuha ni Omar at pinatay. Aba lokong to! ―Off-limits ang phone mo ngayon.‖ ―At sinong may sabi?‖ ―Ako.‖ ―Saan mo ba talaga ako dadalhin? Nakauniform pa tayo! Naku, magkakarecord tayo niyan eh!‖ ―Eh di magkarecord. Magkasama naman tayo eh.‖ Pinalo ko siya pero hindi siya umimik. Ang tigas talaga ng ulo nitong lalaking ito! Nakakainis na ah. ―Omar naman!‖ ―Shut up okay? Malapit na tayo.‖ Kung sinasabi ba naman kasi niya sa akin kung saan kami pupunta eh di sana hindi ako nagtatatalak dito. Ilang sandali lang eh pinara niya yung jeep tapos bumaba na kami. Muntik na nga ako madapa eh dahil sa kanya, buti nalang hindi natuloy. ―Dahan dahan nga Omar! Muntik na ako madapa dun ah!!‖ ―Andito na tayo.‖ napatingin naman ako dun sa tinuro niya at nanlaki yung mata

ko. ―Carnival!?‖ nahihibang na ba itong lalaking to?! Chapter 42

―Hinila hila mo ko at pinilit na magcutting classes para lang pumunta sa isang carnival??! Nahihibang ka na ba Omar?!‖ Nginitian lang ako nung loko tapos hinila na naman ako papuntang entrance. Siya nagbayad nung entrance fee naming dalawa. Dapat lang no! sabit lang naman talaga ako dito eh. ―Take this Andy, as your rest day. Away from all your worries.‖ Napatingin lang ako sa kanya tapos tumingin sa paligid. Hindi rin ganoon karami yung tao. Paano, may pasok eh. Lumibot kami ni Omar nun sa mga stalls muna. Syempre, kelangan naming magpalit ng damit diba, ayokong magkarecord nu. Papatayin ako ng nanay ko kung ganun man ang mangyari. Nakabili kami ng damit. Simple white shirt na may logo nung carnival tapos shorts. Ang weird nga namin eh, parehong pareho pa suot namin kaya pinagtitinginan kami nung tao. ―Sabi na sa iyo eh yung blue nalang yung akin eh.‖ ―Sus, wag mo na silang pansinin. Inggit lang sila kasi wala silang makasama na gagawin yung ginagawa natin ngayon.‖ Natawa naman ako dun. Tumuloy na kami papunta dun sa first ride. Pinili namin yung rollercoaster na napakaraming loops. Una nga eh natatakot pa si Omar, akalain mo, siya yung lalaki tapos siya pa yung takot. Naku naman po. Aheheh. ―Hinding hinding hinding hindi ko na talaga sasakyan yung ride na yun!‖ exagge naman ito, ang saya nga eh! Parang babaliktad lahat ng laman loob mo! Waheheh. ―Ano ka ba Omar! Ang saya nga nun eh!‖ ―Masaya?! Masaya ba ang tawag mo sa pagpapaikot ikot sa iyo to the point na halos isuka mo lahat ng nasa loob ng katawan mo?!‖ Pinalo ko lang siya tapos pumunta na kami sa next. Dun kami sa parang bungee jumping na stall. Natawa nga ako dahil kelangan ko talagang hilahin si Omar para lang matry namin yun. Biruin niyo, kumapit pa siya sa poste ah. Pinagtitinginan

na nga kami ng mga tao eh. ―Bwisit ka Andy! Wala ka bang ride na kinakatakutan?!‖ Umiling lang ako tapos siya eh parang napaupo dun sa bench sa tabi namin. ―Well sorry ka! Ako pa kasi ang sinama mo eh.‖ nginitian ko siya tapos nun eh tumabi sa kanya. ―Deal tayo Omar.‖ ―Deal? Anong deal?‖ ―Dapat, by the end of the day eh matapos natin ang lahat ng rides sa carnival dito. LAHAT. As in LAHAT, pati yung mga kiddie rides.‖ Nanlaki yung mata niya sa akin tapos tumayo siya. ―ano? Payag ka?‖ ―Baliw ka alam mo yun?‖ ―Yeah, I know.‖ ―2 down.‖ napatingin ako sa kanya at nakitang nakangiti siya sa akin habang inaabot yung kamay niya. Kinuha ko yung kamay nyia tapos tumakbo na kami papuntang iba pang rides. This is going to be a fun day for sure. *****

―Kapagod!‖ umupo kami sa bench ng sabay. Mag 6 narin nung mga oras na yun at nung time lang na yun kami natapos sa lahat ng rides. When we said all, we meant ALL of it. Yung mga tao nga dun eh pinagtitinginan kami lalo na nung sumakay kami sa tea cups na mga bata talaga yung kasya. Magkaiba nga kami ng teacup ni Omar eh dahil sa laki namin. ―Note to self, wag na wag isama ang isang Andy Ongpauco kapag nagpunta ng carnival.‖ Pinalo ko lang siya nun at nagtawanan kami. ―Thanks Omar.‖ Thank you dahil kahit ngayon lang eh nakalimutan ko yung mga pinoproblema ko. Umalis narin kami nun ng mga 6:30. may pasok pa nga bukas eh, malay ko lang kung anong mangyayari sa akin. Marami sigurong homework at quizzes akong namiss. Hay, pero ayos lang. Worth it naman. Hinatid ako ni Omar hanggang bahay. Hindi na siya pumasok dahil baka gabihin

na siya. Sinoli narin niya sa akin yung phone ko at nagulat ako kasi sangkatutak na miss call at messages yung natanggap ko. Puro kina Vince, Marla, Cheeky, Stephen, Cheska at syempre Kit. Pagpasok ko sa bahay eh nakaabang dun sa may sofa si Kit at nakafold pa yung kamay niya. Mukha siyang galit. ―Saan ka galing?‖ ―Kasama ko si Omar. Nag carnival kami.‖ ―Nagcutting kayo.‖ Napahinga naman ako ng malalim. Patay na, panigurado isusumbong na kami ni Mr. SC president. Hay nako. ―Ganun na nga.‖ tumayo siya mula sa kinauupuan niya at tumigil dun sa harapan ko. Nagulat nga ako ng bigla niyang hawakan yung magkabilang braso ko eh. ―Ano bang problema mo?‖ Seryosong seryoso yung pagtingin niya sa akin kaya nga ba feeling ko tuloy eh nababasa niya yung mga nararamdaman ko. Please Andy, wag ngayon. Wag kang umiyak ngayon. Umakyat ka nalang sa kwarto at dun mo na ilabas lahat ng nararamdaman mo. ―Ano bang nangyayari sayo?‖ Umiling lang ako nun at sinubukan kumalas sa hawak niya kaso mas hinigpitan pa niya yun. ―Kit bitawan mo nga ako. Marami pa akong gagawin. Magtatanong pa ako kina Vince kung ano naging homework saka mga quiz!‖ Bumitaw naman siya tapos naglakad papunta dun sa table at parang may kinuha. Bumalik siya sa harap ko at may inabot. Pagtingin ko dun sa mga papel eh nagulat ako. Ito yung mga notes siguro na namiss ko. May mga listahan rin dun ng mga quizzes at seatworks na hindi ko natake kanina. Napatingin ako kay Kit. Siya ba ang kumuha nito sa mga classmates ko? ―Aakyat na ako…‖ at ayun nga, iniwan ko na siya mag-isa dun. Pagpasok na pagpasok ko naman ng kwarto ko eh bigla nalang tumulo yung luha ko. Ayoko na ng ganito ang nararamdaman ko. Masyadong masakit. Nung una naman hindi siya ganito eh, bakit ngayon? Ano bang nag-iba? Bakit nagkaganito?! Binuksan ko yung pc ko at nagonline sa ym. Isa lang ang taong nalalapitan ko kapag kelangan ko ng makakausap.

sassygirl: r u bc? cuteboi: nope, y? sassygirl: I just nid sum1 2 talk 2. At ayun nilabas ko lahat ng nararamdaman ko. Nakwento ko pa nga sa kanya yung nangyari nung umaga hanggang sa mga nangyari kani-kanina lang. Para nga akong baliw dun kasi habang nagtatype ako eh tumutulo parin yung luha ko. Hay, ano na bang nangyayari sa akin? *****

Nung sumunod na araw, magang maga yung mata ko. Balak ko nga sanang hindi pumasok ulit kaso masyado na akong maraming namimiss sa school at baka hindi ko na mahabol. Mga 6 palang siguro nun nung nakapag-ayos na ako. Umalis naman ako kaagad ng bahay nung tingin ko eh medyo hindi na maga yung mata ko. Wish ko lang wlang makapansin pero parang wala rin akong lusot dun eh. Bahala nalang talaga. ―Andy.‖ napatingin naman ako dun sa gilid ng gate at nakita na nakalean si Vince. Teka, hinihintay niya ako? ―Oh Vince, ikaw pala...‖ lumapit siya sa akin tapos niyakap niya ako. Hay, namiss ko ang best friend ko. ―Magsabi ka naman kung may problema ka. Hindi yung basta basta ka nalang mawawala. Marami kaming nag-aalala sayo Andy,‖ ―Sorry ha…nitong mga araw kasi na to eh gulung gulo lang talaga yung isip ko.‖ ―I-share mo sa amin, malay mo makatulong kami kahit kaunti.‖ Tumango ako sa kanya at ngumiti. Dahil narin siguro sa dami ng naiisip ko na nakalimutan ko na andiyan pa pala yung mga friends ko para saluhin ako kapag hindi ko na kaya. You should never underestimate the power of friendship. ―Tara na?‖ sabay kaming naglakad nun papuntang classroom. Nagulat nga ako kasi andoon na sila eh. Himala yata at maaga pumasok sina Marla ngayon. Natawa naman ako nung isa isa nila akong niyakap. Syempre, hindi ko namang maiwasan na umiyak lalo na sa walang tigil nilang pagsabi sa akin na kahit anong mangyari eh hindi nila ako iiwan sa ere. Medyo nagiging madrama na nga siguro

nun kaya naman bumalik ang dating Cheeky. Ayos naman yung araw ko ngayon. Kahit kelan hindi ako iniwan ng barkada ko. Ewan ko nga eh, minsan may pagkaOA rin pero kahit na nakakairita yung parating may bumubuntot buntot sa iyo eh ayos lang. I felt safe. Hindi naman sumama na sa amin si Kat nung break namin. Siguro nakahanap na siya ng sariling barkada or baka naman kay Kit na siya sumasama ngayon, which is GOOD kasi hindi na ako magpapakahirap na paglapitin pa silang dalawa. Ayos narin siguro yung ganoon diba? Yung lang naman ang mga nangyari buong araw, nothing new, nothing special. Or so I thought. Ang hindi ko alam, it was just the start of another mystery. ―Uy sis blue rose ba yan? Ang ganda naman! Kanino galing?‖ ito ang sumorpresa sa akin pagkabukas ko sa locker ko. Isang blue rose. Kanino kaya galing yun? ―May note ba?‖ ―Wala eh.‖ pero ang pinagtataka ko, paano nabuksan yung locker ko? ―Ang freaky Marla..‖ ―Ngek, bakit naman? If you ask me nga eh, I think it‘s sweet.‖ ―Hindi ka ba nagtataka Marla kung paano nabuksan nung naglagay dito yung locker ko?‖ kumunot naman yung noo niya tapos halata mong nag-iisip siya. ―Now that you‘ve mentioned it, medyo nagtataka rin.‖ Sa hindi ko malamang dahilan eh bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano ka ba Andy, ano bang nakakatakot sa simple blue rose na iyan? Gaya nga ng sabi ni Marla, it‘s sweet. Matuwa ka nalang at may secret admirer ka, kung meron man. ―Kukuha lang kayo ng gamit eh ang tagal pa. Anong meron?‖ Pinakita naman namin ni Marla kina Stephen yung flower at syempre, aside from being amazed eh nagtaka rin sila kung paano nabuksan yung locker ko. Sabay sabay kaming umuwi, syempre ako na ang first stop ngayon. Pagpasok ko ng bahay eh hindi ko parin inaalis yung tingin ko dun sa flower. Hawak hawak ko kasi siya habang naglalakad ako eh. Ewan ko ba, may kakaiba talaga kasi akong nararamdaman dun sa flower na yun eh. *BAM* ―Ouch..‖

―Tumingin ka nga sa dinaraanan mo.‖ napatingin naman ako kay Kit. Bumalik narin yung dating pagkasungit niya. Well, at least yan mas okay na para sa akin. ―Bakit ako lang ba ang hindi nakatingin? Malamang kung nakatingin ka rin eh dapat nakaiwas ka na.‖ ―Eh kung hindi ka sana tulala diyan eh di sana napansin mo na umiwas ako pero umusog ka rin.‖ fine! Sige, panalo siya. Ang daya naman eh. ―Hmf! Bahala ka nga!‖ inerapan ko siya tapos naglakad na papuntang stairs. ―Oi teka…‖ napalingon naman ako sa kanya tapos tinaasan siya ng kilay. May parang pinulot siya sa floor tapos inabot niya sa akin at… “…yung basura mo nakalimutan mo.” the nerve! Chapter 43 Basura?! Ang kapal naman niya! ―Basura ka diyan! Kapal mo ah!‖ Kinuha ko ng mabilisan yung flower tapos umakyat na ako. Grabe nakakabwisit siya ah. Ginawa ko naman kaagad yung mga assigment ko at syempre, nagliwaliw na pagkatapos nun. *TOK TOK TOK* ―Pasok!‖ Bumukas yung pinto at agad naman akong napatingin dun sa pumasok. Hmf, siya lang pala. Ano na naman kelangan niya ngayon? ―Bakit?‖ sabi ko sa kanya, ni hindi ko man lang siya nililingon at patuloy lang akong nagsusulat ng kung anu-ano. ―Sa amin na sumasama si Kat.‖ bigla naman ako napatigil dun sa sinabi niya. Bakit niya sinasabi sa akin ito? ―Ah, ganun ba?‖ ―Hindi na siya nakapagsabi sa inyo kasi madalas daw kayong nawawala kaya pinasabi nalang niya..‖ nawawala? Classmate naman namin siya ah, bakit hindi

niya sabihin sa klase? Ano ba Andy, ayos lang yan. At least magkasama na sila. ―Ah..‖ napatingin naman ako sa kanya at nagtaas ng kilay. ―May kelangan ka pa?‖ ―Kanino galing yan?‖ sabi niya tapos tinuro yung blue na flower. Hmf! Sasabihin niyang basura tapos tatanungin kung kanino galing. Hibang ba siya? ―Hindi ko alam.‖ kumunot yung noo niya nun tapos napahinga siya ng malalim. ―Alam kong nilait ko yan, sorry, pero di nga, kanino nga galing?‖ ―HINDI ko nga ALAM. okaY?‖ ―Then paano mo nakuha yan?‖ ―Yun nga rin pinagtataka namin eh. Paano napasok sa loob ng locker ko..‖ ―Wala ka bang pinagsabihan ng combination mo?‖ ―De susi yung lock ko.‖ nagkatinginan naman kami bigla kasi pareho kaming napabuntong hininga. Teka nga, ano pang ginagawa nitong lalaking to dito? ―May kelangan ka pa ba?‖ ―Bakit ba parang atat ka yatang paalisin ako?‖ parang lang ba? Hindi ba talaga ganun kahalata? ―Kasi po gusto kong matulog na…pwede?‖ Wala na siyang nagawa nun at umalis nalang. Alam kong parang mali yata yung nagawa ko pero ayos narin yun. Makakabuti rin yun para sa akin…I hope.

*****

Araw araw eh nakakatanggap ako ng blue rose. Hindi na sa locker siya nakalagay kung di sa ibang places na. minsan nga eh, iniiwan sa teachers table tapos may pangalan kong nakalagay dun. Nasanay narin ako. Parang normal thing nalang siya kung makakakita ako sa kung saan saan. Nagtaka naman yung mga kaibigan ko kung bakit tinatago ko pa yun eh hindi ko

naman kilala yung nagbigay. Ang sabi ko lang, ang cute kasi ng color eh. Saka syempre, sayang naman, kung ikaw ba na bihirang makatanggap ng flowers eh itatapon mo yung binigay sa iyo? Nuh-uh. ―Hoy babae.‖ Napatingin naman ako kina Cheeky. Oh, bakit sila nakatitig sa akin?! ―Bakit?‖ ―Kanina ka pa tulala diyan ah.‖ ―Huh?‖ ―Anu ba yan. Tama na nga kakaisip dun sa blue rose. Ikaw ah.‖ Tumawa naman sila tapos ako eh nagkunwaring nagtampo pa. After nung break namin pinatawag yung volleyball players. May game na naman kasi kami next week eh, last game namin para sa year 200* tapos ang susunod na eh next year. Ayun, pinagsasabi lang na may training na naman, magkakaroon pa nga daw ng Saturday training dahil bigatin daw talaga yung makakalaban namin. “Salamat talaga Kit!” teka, tama ba narinig ko? Kit daw? Nyek! Ano naman paki ko diba? Pero…pero…sadyang mausisa talaga ako eh. “Ito na siguro ang magiging best present mo para sa akin.” Present? Wait lang, ang pagkakaalam ko eh si Kit hindi basta bastang nagbibigay ng kung anu-ano. Sino naman kaya yang girl na kausap niya? Naku! Sana si Kat nalang yan. Medyo nagtago ako sa corner dahil lumakad malapit sa akin sina Kit. Swerte ko nga at tumigil sila malapit lang, nakita ko naman kung sino kausap niya. ―ikaw ah, naaalala mo pa talaga yung favorites ko ah.‖ Buti nalang talaga. Tinry ko naman tignan yung reaction ni Kit pero, what do I expect? Siya yata ang dakilang taong parating NR (no reaction). ―Si mom ang nagsabi na bigyan kita ng ganyan.‖ Lahat yata ng babaeng involved kay Kit eh kaclose ng mom niya. Wait, ako ba involved talaga sa kanya? ―Ah, si Tita talaga...‖ pansin ko naman na medyo lumungkot pa yata siya nun.

Walang hiya talaga itong Kit na to, kahit kelan laging palpak… Bigla naman akong nakaramdam ng pagkakiliti sa may binti. Tinry kong kamutin pero parang…umalis? Tinignan ko yung binti ko at napalaki naman yung mata ko. Ohmygallywow! I―IIIIIPISSSSSSSSSSSS!!!!!‖ Nagtatatalon ako bigla doon, hindi naman sa takot ako sa ipis, sadyang diring diri lang talaga ako dun. Ang baho kasi tapos crunchy pa pag pinatay mo. Ugh, kadiri. ―Andy?‖ Bwisit! Bwisit na ipis naman yan oh! Nahuli tuloy ako! Darn! ―Ah…ah…Ah…hi Kat! Andiyan pala kayo. Napadaan lang kasi ako dito eh…ano…kasi ano eh…may i-ipis na gumapang sa binti ko…so…ayun…alam niyo na…kadiri eh…diba?‖ nginitian ko sila pero alam kong halata naman nila na nakikiusisa ako. ―Bakit ka nakikinig sa usapan namin?‖ ―Kapal mo rin no?! At ano naman makukuha ko kung makinig ako? Aber??‖Nilagay ko yung kamay ko sa bewang ko tapos tumingin sa kanya, may matching irap pa ng mata. ―Bakit hindi ikaw ang magsagot niyang tanong mo? Halata naman eh. Nakikiusisa ka. Hindi ba tinuro sa iyo na masama gawin yun?‖ ―Sabing hindi nga ako nakikinig eh!‖ Nairita naman ako sa kanya. Pero teka nga, tama naman siya eh! Talaga namang nakikinig ako sa usapan nila. Hay, naku. That‘s pride. ―Talaga lang.‖ ―Kit tama na. Baka napadaan lang talaga si Andy.‖ buti pa si Kat, nagpapauto--este naniwala sa sinasabi ko. ―Kilala ko yan, natural na mausisa yang babaeng yan.‖ tapos dinuro pa niya ako na parang sobrang kilala niya ako. Hmf! ―Hmf! Asus, para namang kilalang kilala mo ako! Hoy Mr. Kit Tasello! Sinasabi ko sayo, hindi mo ako kilala okay?!!‖ umirap na naman ako tapos dinuro rin siya. ―At wag mo nga akong duduruin!‖

―Hindi daw.‖ ang laki talaga ng problema nitong lalaking to. Ugh!! ―Bahala ka! Kung ayaw mo maniwala eh di wag!‖ At pagtapos nun eh syempre, walk out ako. Mahirap narin umalis kapag nagtagal pa ako dun. Alam niyo na, baka lalong maghinala pa. Mabuti na at may nauto--este naniwala na sa akin kahit isa lang sa kanila. ―Yo Stripes‖ Nagulat naman ako kasi bigla bigla siyang susulpot sa harpa ko. May lahi yatang kabute itong lalaking to eh. ―Kaw pala.‖ ―Saan ka?‖ ―Andito sa harap mo.‖ tinaasan niya ako ng kilay tapos nun eh parang yung mukha niya naging mapang-asar. ―Wait lang…wait lang…‖ humawak pa siya sa dibdib niya nun tapos kung anu anong arte ang pinaggagawa. Gusto ko siyang batukan sa totoo lang. ―Ehem…ayan…tatawa na ba ako?‖ Pinalo ko siya sa braso niya. ―Ang sama mo!‖ At tama bang tawanan lang ako? Hmf! ―Kasi naman, kung magjojoke ka eh siguraduhin mong nakakatawa.‖ tinignan ko lang siya ng masama tapos nun nagpeace sign naman. Haha! Takot! ―Uy sige, una na ako. May mga assignments pa kasi kami eh.‖ paalis na sana ako nun ng higitin niya bigla yung kamay ko. ―Ops, teka lang. Sama ako.‖ ―Yoko nga.‖ ―Bakit naman?‖ ―Eh sobrang lapit na nga ng bahay namin dito eh, bakit kelangan pa ng paghahatid?‖ Nagkamot siya ng ulo nun tapos parang humawak sa baba niya. (yung bang style ng nag-iisip) ―Andami mong dala oh.‖ ―So?‖

―Hay naku Andy.‖ sabi niya na may matching palo sa ulo. Sana nga nasaktan siya. Joke! ―Minsan pinagtataka ko kung babae ka ba talaga o lalaki.‖ Aba! Ang yabang nito ah! ―Nyeh.‖ ―Alam mo kasi, ang normal girl gusto pa yung nagpapahatid. Ikaw? Anong gusto mo? Mas gusto mo yung nahihirapan ka. Asus.‖ Nagpamewang naman ako nun tapos tumingin sa kanya ng seryoso. ―Well excuse me for not being that vulnerable!‖ ―Tapos ayan, magagalit ka. Tss.‖ gusto kong batukan itong lalaking to. Nagpipigil lang ako. ―Oh Andy! Andito ka pa pala.‖ napatingin naman ako sa kanya tapos ngumiti. Kasama pa nga niya si Mr. masungit na nakasimangot eh, sinimangutan ko lang rin siya. Napansin rin yata ni Kat na magkasama kami ni Omar kaya nagsimulang mangasar. ―Ikaw Andy ha…hindi ka nagsasabi na Omar ka pala.‖ Nanlaki naman yung mata ko dun. Ako?! Omar?! EWWW!!! Umiling iling naman ako nun tapos natawa lang siya. ―It‘s not like that, swear.‖ Ngumiti lang si Kat. Hay, naku, kanina naniwala siya sa akin, bakit ngayon ayaw na niya? Huhuh, kawawa naman ako. ―Tara, baka gabihin tayo.‖ may balak yata itong ihatid si Kat ah…good for him, mukhang di ko na kelangan pang tumulak ng malakas ah. Papaalis na kami ni Omar nun ng biglang may humila sa kamay ko. ―Bakit?‖ ―Uwi na tayo.‖ eH? Asar naman tong lokong to. Akala ko pa naman hindi na ako mahihirapan. ―Hatid mo na si Kat, ayos lang ako.‖ ―Hindi ko naman tinanong kung ayos ka ah.‖ Nakakabanas na ito ah, bakit ba parang ang bitter niya sa akin?! Dahil lang ba dun sa pakikinig ko sa usapan nila? Hay naku. ―Bye Kat. Tara OMAR.‖ tapos hinila ko yung braso ni Omar. Nakakainis kasi siya eh.

Binilisan ko yung lakad ko nun tapos nung medyo nakalayo na kami eh napatigil narin ako. ―Sorry Omar ah…nadamay ka pa. nakakainis kasi si Kit eh.‖ mabagal lang kami maglakad nun tapos nakayuko lang ako. Ewan ko ba, medyo nalulungkot ako na hindi ko alam. Ang gulo talaga. ―Alam mo yun…may mga times kasi na…ewan ko…naguguluhan ako eh. Hindi ko na masyadong maintindihan yung mga nangyayari ngayon. Lalo na sa sarili ko. Ang gulo talaga. Minsan gusto ko lang mawala lahat ng ito bigla. Yun bang, takasan lahat ng to. Alam ko namang mali yung pagtakas pero minsan, yun nalang yung paraan eh. Gusto kong lumayo. Dun! Sa malayong malayong lugar. Wala akong pakielam kung abutin ako ng ibang galaxy, basta gusto ko sa malayo.‖ hay, pati si Omar speechless narin. ―Magsalita ka nama---‖

―Tara, punta na tayo sa ibang galaxy.‖ Chapter 44

Nanlaki yung mata ko sobra. Akala ko pa naman si Omar yung nahila ko, siya pala. Naku po! ―Ahh…ano…umm…hindi naman para sayo yun eh.‖ grabe, feeling ko talaga sobrang pula na ng mukha ko. Feeling ko nga eh mukha na akong gitna ng siopao. ―Akala ko ba pupunta tayo sa ibang galaxy?‖ fine, sige ipamukha mo pa. Hay nako. Tinignan ko lang siya ng masama. Bwisit naman oh, sa lahat pa ng pasasabihan ko ng problem ko tungkol kay KIT eh kay KIT ko pa nasabi. Asar talaga. I just hope na hindi niya nagets yung sinasabi ko. ―As if naman pwede diba. Tara na nga.‖ binilisan ko na yung paglalakad dahil hiyang hiya na talaga ako. Hanggang sa makarating sa bahay eh hindi ko na siya

pinansin. Grabe talaga. Sana nilamon nalang ako ng lupa. Kasi naman eh, ayaw makisama.

*****

Saturday. Training kami ngayun. Grabe, hindi ako makapaniwala na December na. Ilang weeks nalang eh magpapasko na. Ilang weeks nalang at…alam niyo na. ―Miss Ongpauco ano ba! Bakit wala ka yata sa sarili mo ngayon?!‖ Nagsorry naman ako sa mga kasama ko at kay coach. Tuluy tuloy yung practice. Grabe nga eh, nakakapagod. Papaano, simula 7 ng umaga hanggang 11 ang training namin. Hindi rin naman sadista si coach no? Pero ayos lang, may game narin kasi eh, malapit na. Ang nakakainis nga lang, pati sa class eh busy narin. Paano, exams na namin next week kaya todo habulan na naman ito. The week after kasi nun eh magkakaroon na naman ng parang festival. Basta, another pautot ng may ari ng school. Para daw naman may certain ―bond‖ ang students ng MPU. Pagtapos ng practice nagkayayaan pa kami sa mall. Wala lang, tambay lang. Syempre nakaligo at nakapagpalit narin kami. Hindi rin naman kami ganun kababoy na magmamall tapos amoy pawis na. Lakas ng trip ng mga kasama ko grabe. Todo laughtrip nga kami eh. Paano, may isa silang ginawa na maghehello sa isang stranger tapos akala nung tao eh nasa wow mali siya. Grabe talaga, tawa kami ng tawa after nun. Bonding kami buong araw. Nag-arcades kami, kumain at syempre nung hapon eh napagplanuhang manood ng sine. Hanep, lahat yata kami crush si Captain Jack kaya pirates yung pinanood namin. ―Ako na bibili ng food.‖ ―Naks! Si Andypot kuripot manlilibre!‖ ―Tungaw! Sabi ko ako bibili, hindi ko sinabi ako magbabayad. Sira ka talaga. Bayad niyo oy!‖ ―Akala ko pa naman makakalibre ako niyan!‖ ―Asa pa!‖ nanlilibre rin naman ako, kapag may special occasion talaga.

Pumunta na ako dun sa bilihan ng popcorn. Asar nga sila eh, masyadong nagtake advantage tapos nagpabili ng marami. Hmf, gagantihan ko yang mga yan. Nakapila na ako nun, medyo matagal rin kasi yung nasa harap ko, ang daming inoorder. May balak yatang magpicnic sa sinehan eh. ―Oh talaga?‖Teka, si Kat yun ah! Napatingin naman ako dun sa nagsasalita. Andoon sila sa may entrance ng sinehan at mukhang papasok na. ―Oo nga.‖ if I had known na may ―DATE‖ pala sila dito eh sana hindi nalang ako sumama. ―Hay, buti free ka ngayon. Feeling ko kasi tagal na nating hindi nagkakasama eh..‖ ―Magkasama tayo parati sa school.‖ ―Oo nga pero iba parin yung hang-out talaga...‖ napansin ko namang ngumiti siya na parang nagdadaydream. ―hay, memories..‖ “Miss bibili ka ba o hindi?! bigla naman akong nagulat. Ako na pala. Mukhang nairita nga yung sumunod sa akin eh, paano muntik ko pang malimutan yung pinapabili nila. Hay, ang weird talaga, parang yun lang nabother na ako. Teka, nabother nga ba ako? Ah ewan! Bahal na nga! Pagpasok ko sa loob eh medyo nahirapan pa akong hanapin yung mga kasama ko. Malamang madilim at syempre bawal sumigaw. Buti nga at hindi ako nagkamali eh…kung di..naku po. Laking kahihiyan niyan. ―Tagal mo ah!‖ ―Sorry po! Mahaba pila eh.‖ inabot ko naman sa kanila yung pinabili nila at nanood na. Grabe, ang ―hot‖ talaga ni Johnny Depp. ―Oh my gosh! Ang cute talaga..‖ oh no, wag mong sabihin nasa… ―Sshh, baka pagalitan tayo.‖ harap namin sila. Oh gosh. Pagkaminamalas ka nga naman oh. Hindi ko na enjoy yung movie sa totoo lang. hindi dahil sa hindi ito maganda, I assure you sobrang ganda nung movie talaga, promise, pero dahil narin siya dun sa dalawang taong nasa harap ko. Kilala niyo na siguro sila. Ewan ko nga ba eh

kung bakit ako nagkaganun. Ayun tuloy, yung mga kasama ko eh sobrang saya na nakikipagkwentuhan tungkol sa movie at ako eh hindi makasali kasi hindi ko naintindihan talaga. ―ANDY!‖ ―EH?‖ ―Kanina ka pa tulala diyan ah..‖ ―Aw, sorry..‖ nakita ko silang umiling lang pero hindi ko pinansin. Nag-ikot ikot pa nga kami nun eh. Syempre, nagshopping yung iba at may iba naman nag-arcade. Ako? Ayun, tulala at naguguluhan. Saya kong kasama sa mall no? NOT. ―Huy, sabi ko aalis na kami. Bakit ba parang tulala ka yata ngayon?‖ parang lang ba? ―Ah…ano, may iniisip lang ako.‖ tunmango lang sila tapos yumakap na at umalis. Pinanood ko lang sila hanggang sa makalayo tapos tumalikod na. ―Oh tara---‖ hAla! Ako nalang palang mag-isa ang natitira dito!? Grabe naman yun! Wala pa ako sa mood umuwi nung mga oras na yun kaya umikot nalang muna ako. Wala nga ring saysay yun kasi hindi naman ako tumitingin sa stores. Kung baga, parang ubos oras ko lang yun. Feeling ko kasi nasa bahay sina…well, kilala niyo na. ―Andy?‖ oh goodness, please sana hindi si Kat ito. ―Uy ikaw pala! Sinu kasama mo?‖ Humarap ako sa kanila tapos ngumiti. ―yung mga kateam ko. Kaso umuwi na sila eh.‖ ―Sumama ka nalang muna samin.‖ nagulat naman ako dun. Tumingin ako kay Kat at halata mong nalungkot siya. ―Naku hindi na! pauwi narin ako.‖ ―Tara, medyo pagod narin ako eh.‖ Ugh! Ang hirap naman makapick up nitong lalaking to! Naman eh! ―Ay sige kahit ikot muna sandali. May bibilhin rin kasi ako sa bookstore.‖ Pagtapos nun eh naglakad na ako. Binilisan ko nga lakad ko eh para magkaroon naman sila ng ‗alone time‘.

Pagdating ko sa bookstore eh nag-ikot kaagad ako at nagtago. Sana naman hindi nila ako muna mahanap. Nakita ko naman silang pumasok tapos mukha silang masaya. Napasimangot ako sa hindi ko malamang dahilan. Para bang…ang sakit. Bakit mo ba kasi ginagawa ito Andy? Bakit ka nagpupumilit na ipagsama sila kung ganito rin naman ang nararamdaman mo? Nahihibang ka na talaga! Napalean naman ako sa wall tapos umupo. Ang weird nga ng hitsura ko nun at alam kong pinagtitinginan na ako ng mga dumadaan pero wala akong paki. Niyakap ko yung mga binti ko tapos tumungo. Ito ba talaga ang gusto mo Andy? Ito ba talaga ang kasiyahan na hinahanap mo? Kung ito nga, bakit hindi ka masaya? Bakit ka parating nalulungkot at namomroblema? Bakit? Tumayo ako at umiling. Napatingin nga yung mga tao pero hindi ko sila pinansin. Hindi ko naman sila kilala eh. Ito ang gusto ko. Ito. Lumakad na ako, napabilis pa nga kaya…

*TOINKS* ..siya pa ang nakabunggo ko. ―Sorry.‖ ―nahanap mo na ba yung bibilhin mo? Dali. Gusto ko na umuwi.‖ Umiling lang ako at naglakad na ulit papunta sa malayo sa kanila. Inabot siguro kami ng mga 30 minutes dun kaya sobrang nainis si Kit. ―Ano ba talaga yung kelangan mo?! Mag-30 minutes na tayo dito tapos ikot ka lang ng ikot. May bibilhin ka ba talagA?!‖ ―meron nga!‖ tumingin lang siya sa akin ng may pagsususpetsa tapos ako naman eh napaisip ng plano. Anong lusot mo ngayon AndY? ―Um, sa katunayan, nahanap ko na! umm..eto..‖ ni-stretch ko yung kamay ko tapos kumuha ng kung anong libro dun sa tabi ko. ―Eto! Eto yung kelangan ko.‖ Tinaasan niya ako ng kilay na para bang nahihibang na ako. ―Sigurado ka?‖ Napatingin nga ako pati kay Kat eh pero may parang tinitignan siya dun sa gilid.

―O-oo!‖ ―Okay, care to explain kung bakit kelangan ng isang babae ang…‖ ―..guide sa panliligaw?‖ oh shoot me please! Chapter 45

Napatingin kaagad ako dun sa hawak kong libro. Tae, bakit ba ayaw makisama ng tadhana ngayon?! ―Um, ano…ano kasi, ang totoo kasi niyan…‖ kinakabahan talaga ako nun. Weird nga eh, yung feeling ko nun eh parang yung mga nararamdaman ko kapag alam kong mapapagalitan ako ng teacher. Hindi pa nakatulong yung seryosong tingin nitong lalaking ito. ―ER…ano…hin-hindi naman kasi para sa…ano…sa akin ito eh…oo. Para sa friend ko ito.‖ ―Sabihin mo sa friend mo matuto siya bumili ng sarili niyang gamit.‖ tapos nagwalk out na siya. Whew! Ligtas. Tinawagan ni Kit si manong tapos ilang sandali lang rin eh dumating siya. Hinatid nga namin si Kat, syempre mapilit ako. Nung pauwi naman eh tahimik lang. walang nagsasalita ni isa kaya pinabukas ko na kay manong yung radyo. Asar nga eh, walang magandang song. Kahit saang station eh masagwa yung pinapatugtog. Kung hindi sobrang hardcore metal rock chuvaness eh super senti naman. Hay. Click for the song I wanna tell you baby You're the one that Im thinking of But your heart is still with her And I think she's the one that you love I only want you happy Even if it's not with me Maybe one day You'll open up your eyes and you'll see Teka, ito yung kanta ng MYMP ah? ―Sige manong diyan nalang muna.‖

That I think Im falling Maybe I'm falling for you Yeah I think Im falling Baby Im falling for you From the first time You laid your lips on mine It feels like the smile on my face Will last till the end of time But Im not so sure That you're the one that I should pursue My mind tells me no But my heart only says that it's you Only time will tell The mystery has yet to unfold Who's gonna feel love's warmth And the other left in the cold Yet still I'm falling Maybe im falling for you yeah I think Im falling Baby I'm falling for you That I think Im falling Maybe I'm falling for you yeah I think Im falling Baby Im falling for you Napangiti lang ako pagtapos ng kanta. Teka, natatamaan ba ako?! No, hindi naman siguro.. Nakarating narin naman kami kaagad sa bahay. Diretso ako sa kwarto ko tapos naglock kaagad. Ayaw ko kasi muna makausap si Kit dahil sa totoo lang, sobrang naguguluhan talaga ako ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung seryoso ba talaga itong nararamdaman ko. Humiga ako sa kama tapos tumunganga lang. nagulat naman ako bigla kasi may narinig akong may parang sinisingit sa pinto ko. Pagtingin ko, may papel. Teka, handwriting to ni Kit aH! Anong problema mo? Hay Kit, kung alam mo lang. Ikaw ang problema ko.

Hindi ko binalik yung paper kasi wala naman akong masusulat. May pumasok na naman na isang papel, this time medyo mahaba. Galit ka ba sa akin? Kung oo wag mong ibalik yung papel. Kung hind, ibalik mo. Hindi kita pipilitin kung bakit, basta balik mo lang. Hindi naman talaga ako galit kaya binalik ko yung paper. May mahinang sound akong narinig sa labas at pagtapos nun eh may papel na naman. Grabe, hindi rin siya nagsasayang no? Kung hindi ka galit, bakit mo ako iniiwasan? Huhulaan ko yung sagot, ibalik mo kung mali at kung tama naman, wag mo balik okay? Binalik ko yung paper. Ang weird rin naming dalawa mag-usap no? Problema sa pamilya? At ayun, nagstart siyang manghula. Kung anu-ano na nga yung pinagsusulat niya eh. May nakalagay pa dun, kung problemado daw ba ako sa school o kay Sasha. Hay naku, sino kaya nagsabi sa kanya nun? Tinagal kami sobra kasi puro mali naman mga hula niya. Inabot siguro ng 12 yun (mga 9 kami nakauwi) at hindi parin tumatama yung sagot niya. Problema sa friends? Binalik ko na naman. Hay, mahulaan pa kaya niya? Problema sa akin? Natigilan naman ako. Gusto kong itago pero…pero…hay. Kumuha ako ng ballpen tapos may sinulat sa likod ng papel at binalik. Narinig ko naman siyang nagsalita, something like ‗I give up‘ yata yun. Sunod ko nalang narinig eh sumarado na yung pinto niya. Alam kong hindi niya binasa yung sinulat ko dahil ang akala niya eh hindi ako magrereply sa sinusulat niya dun. Mas okay narin siguro yun. Binuksan ko yung pinto tapos kinuha yung papel. Hindi pa ako ready na aminin eh. Masyado pang mahirap para sa akin. Tinignan ko yung sinulat kong ‗oo‘ dun sa likod at napabuntong hininga. *****

Sunday. Birthday daw ng mom ni Kat. Inimbita nga niya kami ni Kit eh at ayun, napapunta naman kami. Sumama naman yung parents ni Kit. Close pala kasi yung family nila sa isa‘t isa. Yung parents ko naman, busy, may inaasikaso daw kasi. Hay, miss ko na sila. Engrande yung party nila. Dun kasi sila sa may tagaytay tapos yung rest house nila dun eh parang hotel. Kumpleto talaga, may swimming pool, gym, lahat. Ang yaman pala talaga nila. ―UY! Buti naman at nakarating na kayo.‖ Yumakap siya tapos nagkiss naman dun sa parents ni Kit. Wow, close talaga sila no. Umalis naman na ako nun at naglibot. Haha, feel at home? Hindi naman masyado. Nahiya ako kasi ang daming tao kaya humanap nalang ako ng place kung saan wala mayadong nakatambay. Dun naman ako napunta sa may swimming pool. Infareness ang laki talaga. Umaabot yata ng 10 feet yun or more? Ewan, basta malaki siya. Nakakatakot siguro magswim dito, lalo na kapag nasa malalim ka na. Umupo naman ako dun sa gilid tapos binasa ko yung paa ko. Hay, buti pa dito peaceful. ―Bakit andito ka?‖ sabi ko nga peaceful eh diba? Ayaw talaga makisama ng fate. ―Wala. Ayoko dun eh, maraming tao tapos hindi ko pa kilala.‖ Ginaya naman niya yung ginawa ko kanina at nilublob rin yung paa niya sa tubig. Ang awkward sobra ng katahimikan. Feeling ko nga eh mabibingi ako sobra. Argh. ―Saan si KaT?‖ hindi ko na talaga kasi matake yung katahimikan. Nakakabingi. ―Kausap sina mom.‖ grabe, hindi rin siya matipid sa mga sinasabi niya no? Silence. ―Kumain ka na?‖ ―Hindi pa.‖ Silence again. Oh gosh, feeling ko mamamatay ako sa sobrang walang nagsasalita sa aming

dalawa eh. Ay naku. ―Argh! Bakit ba walang nagsasalita sa atin? ‖ Mukhang nagulat pa nga si Kit dun sa outburst ko kaya napatingin bigla sa akin. ―Nagkakailangan?‖ ―Hay, naman. Say anything. Kahit ano, basta wag lang yung matatahimik na naman tayo.‖ natawa lang siya nun. ―Pwede mo naman i-turn down yung in-offer ni Kat eh kung ayaw mo talagang pumunta. Kesa naman yung sa nandito ka tapos wala ka ng ginawa kung di magwish na sana tapos na yung party.‖ AW, sapul ako dun ah. ―Nahihiya ako kay Kat eh...‖ ―Maiintindihan ka naman nun kung i-eexplain mo.‖ Huminga lang ako ng malalim tapos humiga. Take note, nakababad parin paa ko. Panigurado kulu kulubot na ito pag inangat ko. Maliwanag pa nun kaya napapikit naman ako. Ang sarap naman dito, feeling ko any moment makakatulog na ako eh. *SPLASH!* Bigla naman akong napatayo. Walang hiyang Kit yan! Tinignan ko siya ng masama tapos yung mukha niya eh painosente pa. ―Hindi ko sinasadya. Honest, yung tsinelas ko dumulas eh.‖ ―Yeah right...‖ tumayo na ako nun tapos lumapit sa kanya. Siya naman eh nagbackwards. ―Hindi ko nga sinasadya eh.‖ ―Sure‖ Pagtapos nun eh tinulak ko siya tapos tinalikuran ko. Hmf, akala niya ako lang mababasa? Siya rin nu! Aalis na sana asko nun kaso napansin ko, bakit hindi pa siya umaahon? Wag mong sabihin may balak siyang magswimming?! Hinarap ko ulit siya tapos nagulat kasi lumulutang lang yung katawan niya. Gosh! Anong nangyari sa kanya?! Tumakbo kaagad ako palapit tapos sumulong. Hinila ko siya papuntang gilid.

Grabe, sobrang panic talaga ako dahil hindi ko alam gagawin ko. Ano bang nangyari?! Ginawa ko yung CPR sa kanya, wala nga lang kasamang mouth-to-mouth resuscitation. Ilang sandali rin eh nagcough siya ng tubig. Grabe, sobrang tuwa ko nung mangyari yun at niyakap ko siya ng mahigpit. ―Andy..‖ ―I‘m sorry.‖ umiiyak na ako nun. Ramdam ko yung mga mainit na luha kahit na medyo malamig nun dahil nga basa kami. Grabe, hagulgol talaga kung hagulgol. ―Wag kang magsorry..‖ ―No! kasalanan ko. I shouldn‘t have done that. Sorry talaga Kit.‖ hindi ko alam kung bakit ko ginawa pero hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya. Yumakap rin naman siya sa akin at nagstay lang kami ng ganun for a while. Nung kumalas kami eh walang nagsalita sa amin. Pumasok lang kami at nagpaalam na. nagtaka nga yung ibang bisita eh, bakit raw kami ng swimming ng walang attire. Sabi namin, nagbasaan lang. Hindi namin nakasabay yung parents ni Kit na umuwi. Ibang way rin naman sila kaya okay lang na magpalate sila dun. Kami naman kasi yung may pasok eh. Habang pauwi tahimik lang kaming dalawa. Sobrang naguilty talaga ako sa ginawa ko at hindi ko talaga siya malimutan. Pero somehow, dahil sa incident na iyon eh may narealize ako. Tumingin ako kay Kit tapos huminga ng malalim. I think…I might actually…

..love him Chapter 46

―I really think so,‖ ilang days rin ang nakalipas. 1 week to be exact since the incident at ngayon ko lang nasabi sa mga kaibigan ko ang realization ko. Tapos narin yung exams namin at salamat sa Diyos at nakaraos naman ako. Feeling ko naman na papasa ako kasi may mga parts naman dun na sure talaga

akong mapeperfect ko. Parts lang ah, hindi whole exam. Ngayong Monday at Tuesday naman eh walang pasok kasi nagpreprepare yung school para sa 3 day Christmas festival namin. Gusto kasi nila na surprise na nila yun sa mga students kaya teachers and staff lang ang nag-ayos. ―Sigurado ka na ba diyan Andy?‖ Tumango lang ako. I‘m sure. Hindi naman kasi ako ganoon magrereact kung friend lang ang turing ko sa kanya. There must‘ve been something more. At ayun nga, nakuha ko rin siya. ―Just take care of yourself Andy.‖ nagsmile naman ako sa kanila at nag group hug kami. Grabe, namiss ko yung mga ganito. Feeling ko kasi ang tagal na naming hindi nagkakaroon ng parang open forum kung saan lahat ng feelings mo ilalabas mo. Ibig sabihin, no secrets talaga. Kung may sama ka ng loob, sabihin mo. ―So, ibig sabihin ba nun eh titigil ka na sa pagmamatch make mo? ―Why would I?‖ pero sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nga ba ayokong tumigil. May part parin sa akin na gustong makatuluyan ni Kit si Kat. ―Ano ka ba Andy, eh di parang niloko mo ang sarili mo kung gusto mo na siya tapos nilalapit mo parin sa ibang girl‖ ―Hindi yan.‖ I hope. Nag-ikot ikot pa kami nun. Asa mall kasi kami eh. Wala lang, tambay lang. pastarbucks starbucks lang at syempre, christmas shopping narin kahit slight lang. Nabilhan ko naman na kaagad yung family ko ng gift. Yung para sa friends ko siguro eh kapag mag-isa nalang ako. Ayoko ngang makita nila yung bibigay ko sa kanila. Nagbowling pa kami pagtapos ng konting pamimili. Ang saya nga eh, yung natalo eh nanlibre ng ice cream. Muntik na nga ako matalo eh, buti nalang may mas bano pa sa akin. Wahaha joke! Basta ayun, partners kasi kami pagdating sa gutterball eh. ―Better luck next time nalang talaga Marla.‖ Pagtapos namin dun eh nagkayayaan ng umuwi. Si Vince kasi may dala ng transpo kasi siya naman yung may pinakalast na house na madadaanan kaya ayun. Hinatid narin niya kami. Mga 7 siguro nung makauwi ako. Hay, sabi nga nila,

time flies when you‘re having fun. Naligo lang ako nun tapos natulog na. kekelanganin ko kasi ng energy para bukas eh. For sure paguran na naman bukas. *****

―Dali Andy! Mauubusan tayo ng ticket!‖ Ang pagsabi na kakaiba yung pinresent ng teachers sa amin is an understatement. SOBRANG KAKAIBA talaga. Isipin niyo nalang, nagmukhang theme park yung school namin, minus the rides. Yung pool nga namin eh, parang dinesign nila na parang ―lovers‘ tunnel‖, how they managed to do that? I have no freaking idea. ―Wait lang! sina Cheeky ba meron na?.‖ ―Yeah, kanina pa. Tayo nalang hinihintay!‖ Excited nga naman. Paano, nagtayo sila ng parang fun house dun na kakaiba daw sabi ng iba. Siguro parang tulad nung Alice in Wonderland nina Kit at yung haunted house. In short, magkahalo siya. Pagpasok namin eh napangiti kaagad ako. Design palang astig na. Sobrang realistic kasi eh. Alam niyo yung mga haunted mansion type? Well parang ganun yung design dito. ―Andy wag kang lalayo, baka ka mawala.‖ binatukan ko naman siya. ―Ano ako? 5 years old?!?‖ tumuloy na kami ulit nun. Grabe, ang cucute talaga ng mga designs. Napunta kami dun sa part na maraming tao. Ay, kaya naman pala eh. Andito pala yung mga pagkain. hay, no wonder crowded dito. ―Vince kain muna tayo?‖ pero paglingon ko eh wala na si Vince. Hala naman. Tama bang mang-iwan?! Lumakad nalang ako nun. Dumaan sa may sandwitch stand tapos naglakad na ulit. Napunta nga ako sa weird na room eh. Paano, puro kung anu-anong pananakot. Infareness yung dugo mukhang realistic. Hahaha. Sumunod naman na room eh yung parang cute and cuddly room. Paborito ko nay un simula ngayon. Paano, yung room eh punung puno ng bears at parang pilows.

Saya siguro matulog dun. *ALERT SOUND* Hala, ano kaya yun?! Bigla namang may nagsalita sa intercom tapos sinabi na kelangan daw naming umalis. Ano kaya nangyari? May mga ibang tao naman na nagkulitan pa. meron naman mga nagpanic. Hay naku, kakasabi lang kanina na don‘t panic eh. Asus. *Bam!* Ouch! Loko yung taong yun ah! Palibhasa kasi naghaharutan eh! Aray, ku naman. Ang sakit ng pwet ko. Tatayo na sana ako nun ng biglang may nakita akong kamay sa harapan ko. Pagtingala ko… ―Kit?‖ ―Ang lampa mo naman‖ tinago ko yung mukha ko kasi medyo nagblush pa ako nun. Hay nako, asar naman. ―Ang yabang mo!‖ at ayun, tumayo na ako. Sabay naman kaming naglakad papunta dun sa may exit. Si Kit nauna kaya siya na bahala magbukas ng pinto. Nagulat nga ako nung tinitigan lang niya eh. ―A little hint Kit, baka gusto mong hawakan yung knob at i-turn?‖ ―It‘s locked.‖ nanlaki yung mata ko at agad akong pumunta dun. Tinwist ko yung knob, schocks, locked nga! Oh my gosh! ―Waaa! Paano na tayo niyan!? Huhuh, gusto ko pa mabuhay!‖ ―Wag ka nga magpanic. Wala naman naitutulong yan eh.‖ napalean ako sa wall. Hay, kelan pa kaya kami makakalabas nito? *****

―Kit.‖ walang galaw. Ano ba ito, tulog? Tama bang tulugan ako?! ―Kit.‖ ay sus naman oh! ―Kit!‖ ―ANO?!‖ meron siguro siya ngayon. ―Ano pwedeng gawin? Bored na ako eh.‖ tumingin lang siya sa akin na para bang

nahihibang na ako. ―Matulog ka.‖ at ayun. Yumuko ulit siya. Hay, mag iisang oras narin siguro kaming stuck dito at feeling ko eh mamamatay na ako sa sobrang kaboringan. Wala talagang magawa tapos itong si Kit pa eh hindi naman masalita. Tumayo ako nun. Hay, mag-eexplore na nga lang ako kung ayaw niya kong kausapin. Lumakad naman ako at pumasok dun sa isang pintuan. Madilim dun kaya kinuha ko naman yung phone ko para may ilaw. Hay, sayang naman at naputol yung activity na ito, maganda sanang i-explore siya. Ano nga kaya nangyari? Lumakad pa ako nun. Tinatakot ko pa nga sarili ko eh, wala lang, for fun lang. iniisip ko, paano kaya kung biglang may kamay na humawak sa shoul---―EEEEEEK!!!‖ shocks!!! San galing yang kamay na iyan!? Waa! Bata pa ako! Ayoko pa mamatay! ―Kung aalis ka, magsabi ka. Hindi yung basta basta kang tatayo at papasok sa kung saan saan.‖ napatingin ako kay Kit. Teka nga, bakit sobrang lapit niya? Umusog naman ako ng konti. Pasalamat ako at madilim kung di makikita na niya na namumula ako. Hay, ito na nga ba ang ayaw ko eh. ―Wag ka naman manggulat.‖ ―Hindi ako nangguguglat. Kanina pa kita sinusundan no.‖ Kanina pa? eh di nakita niya yung mga pagtawa tawa ko mag-isa? Naku po, baka isipin nito nababaliw na ako. Lumakad na kami nun at nag-explore narin. Marami rami rin kaming kwarto na napuntahan pero hindi nga lang ganoon ka enjoy kasi hindi mo masyado makita yung nasa paligid mo. ―Hay, sana naman i-continue na nila ulit ito.‖ tumingin ako kay Kit, ayun wala parin siyang reaction. Hay, ano ba kelangan kong gawin para magsalita naman ito? Kung ganyan lang rin siya eh di sana nagdala nalang ako ng stick, at least yun pwede ko pang ipang pukpok. 10 minutes.. ―Anong oras kaya nila bubuksan ito?‖ ―Ewan.‖

20 minutes.. ―Nagugutom ka na ba?‖ ―Oo.‖ 30 minutes.. ―Hay, sana buksan na nila ito..‖ ―...‖ Grabe! Nakakainis na itong kasama ah! 30 minutes na ang lumilipas at ang mga sinasabi pa lang niya eh ―oo‖ at ―ewan‖. Ang nice niya ah! Dala na rin ng inis ko eh binilisan ko yung lakad ko. Wala akong pakielam na kung tinatawag niya ako. Nakakaasar kasi eh. Bwisit na--―AHHHHH~!!!‖ wahh!! *BAM!* Ouch…ang sakit ng ulo ko. Anong nangyari? Bakit umiikot yung paligid ko? Bakit…bakit…bakit ako nahihilo? “ANDY!” Si…si Kit yun ah…bakit parang…dalawa yata siya? Huh? Ano bang nangyayari? Bakit niya ako niyuyugyog? “Hihingi ako ng tulong. Kahit anong mangyari, promise mo sa akin wag kang matutulog okay?” ―Kit anong…?‖ Kit…bakit nawawala ka na? “Andy..Andy! ANDY PLEASE!” Napapikit nalang ako bigla and then the next thing I know… I blacked out. Chapter 47

“Kung bakit ba kasi napakaclumsy niyang babaeng yan EH! Teka, si Ate Cass yan ah? Ouch. Ang sakit ng ulo ko. Teka, anong nangyari? Saan na ako? Dahan dahan kong binuksan yung mata ko. Ang daming tao sa paligid. Andoon sina mama, sina Cheeky at sina Kit. ―gising na si Ate!‖ Nakita ko naman silang biglang nagcrowd sa akin. Grabe, ang dami nila! ―Bakit ganyan mga hitsura niyo? Asaan ba ako? Ano bang nangyari sakin?‖ ―Andy nasa hospital ka ngayon. Nadulas ka dun sa loob nung Fun House tapos nauntog ka.‖ Ah, yun. Tama, naaalala ko yun. Teka, totoo kaya yung narinig kong sinabi ni Kit? Oh baka naman naghahallucinate lang ako? Baka…baka nga. Napakaimpossible kasi eh. ―Anong oras na?‖ ―11 ng umaga.‖ nyek, ano ba naman yang mga yan. Bakit hindi nalang sila tumuloy dun sa Festival sa school, sayang naman. ―Bakit hindi kayo magpunta na ng school? Sayang yung festival dun no.‖ tumingin sila sa akin na para bang nahihibang ako. ―Ano ba kayo, okay lang sa akin na iwan niyo muna ako dito. Basta ba magpicture kayo eh.‖ ―Uhm, ano kasi Andy. Tapos na yung festival. Monday na ngayon. December 17.‖ Nanlaki naman yung mata ko. They‘re joking right? Impossibe na mangyari yun! Ibig sabihin 5 araw na akong natutulog?! Weh, hindi nga?! ―You‘re kidding right?‖ Umiling naman sila bigla at ako eh natulala lang. Inabutan ako ni mama ng tubig tapos uminom naman ako. ‗Mukhang gutom ka na yata Andy. Teka, bumibili na si papa mo ng makakain.‖ Tumango lang ako tapos nun eh yung iba tinuloy na yung ginagawa nila. Sina

Cheeky nagtsitsismisan na naman, si Herc, well, anu pa ba? Malamang nag gagameboy na naman. Si ate Cass naman eh busy sa panonood ng tv at si Kit..kasuap niya si Kat. ―Okay ka na ba?‖ Ngumiti lang ako kay Omar tapos tumango. Umupo naman siya dun sa tabi ko tapos tumitig. Anong gimik nito? ―Bakit? May dumi ba ako sa mukha?‖ ―Yeah, dito oh.‖ tapos pinoint niya yung sa may cheeks ko. At syempre ako, pinunasan ko naman. ―Wala na?‖ ―Meron pa eh, nausog lang.‖ tapos nagpoint na naman siya sa ibang place. Medyo nakailang turo rin siya bago ko mapansin na pinagloloko lang niya ako. ―Asar ka! Pinaglololoko mo lang ako eh!‖ ―Wahahah ,I can‘t believe you fell for that!‖ hinampas ko naman siya at napa-aray siya ng sobrang lakas. Yung iba naman napatingin pero hindi na namin pinansin. Dumating naman kaagad si papa at ayun, kainan na kami. Ang sarap nga eh, KFC yung dala niya. Nagkita na naman kami ng paborito kong mashed potatoes at coleslaw. Sa hospital lang ako nagstay nung araw na iyon dahil hindi pa daw ako okay. May mga tests pa raw na kelangan gawin, alam niyo na, para daw macheck kung may blood clot sa brain ko. Ayos lang naman sa akin na dun lang ako, basta ba may ginagawa ako eh. Hindi naman ako nabore kasi andiyan parati yung barkada. Todo laughtrip nga eh to the point na may mga nurse na naiinis na sa ingay namin. Hmf, care ba nila? Masayahin kaming tao eh. Nung Wednesday, December 19, napalabas narin ako sa wakas. Buti nalang hindi ako inabot ng pasko dito, ayoko ngang magspend ng pasko dito no! ―Haii nakauwi din! Miss ko na kwarto ko!‖ ―Ang babaw mo naman..‖ tinignan ko lang siya ng masama tapos umupo ako dun sa sofa. KJ! ―Hay nako! Bakit ba ang KJ mo?!‖

―Ewan ko. Ikaw? Bakit ang babaw mo?‖ Nagkaroon kami ng titigan game at malas ko kasi mas nauna akong napablink. Bwisit. Umakyat nalang ako nun tapos nagliwaliw na sa kwarto ko. Naglaro ako ng kung anu-anong games dun tapos ayun napagod rin ako at natulog nalang. The next day, maaga ako nagising. Mga 9 palang siguro nun eh gising na gising na ako. Dala narin siguro yun ng maaga kong pagtulog kaya ayun. Okay narin yun kasi napagdesisyunan ko na ngayon nalang ako mamimili ng Christmas gift ng mga friends ko. Naligo naman ako kaagad tapos umalis na. Hindi na ako nagpahatid kasi baka magising lang si Kit kapag paalis na ako, ayoko ngang makipagpatintero pa dun para lang makaalis no. Pagdating ko ng mall, wala masyadong tao kaya tinake ko na yung opportunity para magbili bili ng regalo. Una ko namang dinaanan yung bench. Bumili ako ng caps para kina Vince at Stephen tapos shirts naman para kina Kat, Cheska, Cheeky at Marla. Sunod akong dumaan sa blue magic at binilhan si Omar ng parang maliit lang na monkey na may hawak na sign na may nakasulat na ―the best monkey in the world‖. Matuwa kaya siya o mainis? One more to go. Yun pa ang pinakamahirap na hanapan. Hay, ano kayang pwedeng bilhin para sa isang masungit na moody na mahilig sumimangot na Kit Tasello? This is going to be a long day. *****

Oh my gosh! Anong oras na?! mag aapat na oras na akong nag-iikot dito pero wala parin akong makitang gift para dun sa masungit na lalaking yun! Hay naku! Kung bakit ba kasi hindi nalang t-shirt ang ibigay ko sa kanya eh! Asar naman! ♪ If I could escape And re-create a place as my own world And I could be your favorite girl Forever, perfectly together Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ♪ ―Hello?!‖ ―Oh, bakit galit na galit ka yata? Anong nangyari sayo?‖

Asus, si Omar lang pala. ―Heto! Bwisit na bwisit sa kakaisip ng gift ni Mr. Kit Tasello!!‖ ―Eh ano namang nakakabwisit dun?‖ ―Wala kasi akong maisip na bilhin eh!‖ ―Hmm, kasi gusto mo special??‖ natigilan naman ako. Ganoon ba talaga yung gusto ko? ―Isipin mo Andy, hindi ka naman mahihirapan kung hindi special ang gusto mo eh. Kahit nga shirt or cap pwede na kaso hindi. Gusto mo yung talagang ikatutuwa niya.‖ ―H-hindi ah!‖ ―So bakit ka nahihirapan pumili?‖ naman, ayan na naman siya with his questions. Darn. ―Uhh Omar got to go! May kelangan pa pala akong tawagan, sige bye!‖ ―Pero te---‖ at ayun, binaba ko na. Hay, naiinis ako kapag ganun yung mga tinatanong niya dahil hindi ko masagot ng maayos. Hay, ganun nga ba talagA? Sure nung birthday ng mom ni Kat, I thought about the possibility na..yun nga. Pero gulung gulo parin talaga ako. Mas gusto ko parin talaga nung wala akong nararamdaman para sa kanya. Lalo na ngayon na malapit sila ni Kat. Hay Andy, ano ba talagA?! Simple question. Mahal mo ba siya o hinde?! Tumingin ako sa paligid ko saglit and then, something caught my attention. Napangiti ako. I found it. *****

Mag 6 na siguro nun nung makauwi ako. Satisfied naman ako kasi natapos ko yung pamimili ko. Nagpasundo narin ako, syempre, madilim na. nakakatakot narin magcommute no. malay niyo maholdap pa ako at masayang yung magpapagod ko. Pagdating ko sa bahay eh wala daw si Kit. Pumunta daw sa bahay nila. Hmm, baka dun na siya nag-isip na magbalot. Oh well, ayos lang. at least walang manggugulo sa akin.

Inakyat ko naman kaagad yung mga pinamili ko tapos nagpahinga lang saglit. Pahinga meaning gumamit ng computer. Nag-online naman ako sa ym at… ―Oh my gosh.‖ Nanlaki yung mata ko sa offline message na nakita ko. Teka, nananaginip ba ako?! Tell me this is just a joke! Impossible na mangyari ito! Swear!

cuteboi: heya miss andy ongpauco

how the hell did he find out?! Chapter 48

Paano niya nalaman kung sino ako?! Oh gosh, nakakatakot naman ito! Kinabahan talaga ako sobra at sa sobrang takot ko eh nag-offline kaagad ako at lumayo sa pc na para bang masasaktan ako kapag malapit ako dun. It‘s really weird. Paano niya nalaman kung sino ako eh wala naman akong info na makakapagsabi na ako si Andy Ongpauco. Hindi kaya, he‘s someone I know? O kaya naman taga MPU siya? Waa! Ano ba talaga! Niyakap ko yung binti ko tapos tumungo. Nafreak out talaga ako dun. Paano nalang kung stalker pala siya at nanonood lang siya ngayon sa bintana? ―Anong ginagawa mo?‖ Napatingala naman ako at tumingin kay Kit, ang lapit niya sa akin. Siguro dala narin ng emosyon ko eh napayakap ako sa kanya. Nagulat nga siya eh, akala ko tutulak niya ako, pero hindi pala. He did the opposite of what I thought. ―Sorry…‖ sabi ko tapos nag-pull away na ako. Nakakahiya rin no. tumingin lang siya sa akin naman ng seryoso. ―Ano bang meron?‖

―Wala yun, maliit na bagay lang yun, promise.‖ Halata mong nagdududa siya pero hindi nalang niya pinush yung topic. Medyo uncomfortable din ako eh kaya napansin narin niya siguro. Nagstay lang siya dun kahit wala naman kaming ginagawa. Actually buong time na andoon siya eh nakatitig lang kami sa wall o kaya sa sahig. Pero infairness, nawala yung takot ko. Kinabukasan si Kit naman yung umalis. Dumaan ako ng bahay tapos nakigulo lang sa amin. Sa bahay daw kasi nina Kit kami sa Pasko so ang gagawin lang namin is maghanda ng mga pagkain. ilang araw narin pala, pasko na. That means, end na ng 100 days. Ang bilis rin pala no? Ang bilis bilis talaga. Nung Friday naman, nagyaya si Kat na lumabas. Parang despedida party daw kasi yun kasi dun siya sa America magstay para sa Christmas tapos January na ulit ang balik niya. Ayun, imbitado buong barkada pati narin sina Omar at Kit. ―Order lang kayo. Treat ko to.‖ Ang saya saya namin ng gabing yun. Nagclubbing kasi kami eh. Lumabas ang mga talents ng mga magagaling sumayaw. Hindi naman sa pagmamayabang pero..isa na ako dun. Wahaha. Pero totoo, mahilig rin kasi akong sumayaw. Kapag may reunion eh kaming tatlo nina Ate Cass at Herc ang parating may dance number. Expected na parati yun. ―Andy hinay hinay lang!‖ sabi ni Vince pero syempre, may halong biro. ―Wag kang Kj no! Heheh‖ At ayun, sayaw kami ng sayaw hanggang sa mapagod kami. Nung medyo 10 na, umupo na ulit kami tapos naglaro kami ng spin the bottle. Puro nga mga kalokohan yung pinapagawa eh. Grabe. ―Oh si Kat naman!‖ Ngumiti lang si Kat tapos nun tinanong na siya. ―Truth.‖ ―Ako magtatanong diyan…ehem ehem. Okay so..sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?‖ nakita ko namang siniko siya ni Marla tapos tinignan ng masama. Anong ibig sabihin nun? ―the only person who made my heart beat faster and slower at the same time.‖ sabi niya tapos nagpause at tumingin kay Kit. Teka, bakit parang…parang ang sakit yata dito *points at her heart*? Ito ang gusto ko diba? Na magkatuluyan sina Kit at Kat? ―Umm..any r-r-reactions?‖ sabi ni Cheska tapos tinignan siya ng iba naming

kasama. Teka, may dapat ba akong malaman? Tumingin ng malalim si Kit kay Kat. Ouch, ang sakit na talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Feel ko nga anytime eh maiiyak na ako. Darn. ―You‘re the first girl na nagpatibok ng puso ko.‖ nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko narin nakayanan kaya tumayo na ako. ―Excuse lang, kelangan kong mag-CR.‖ alam kong nakatingin sila sa akin pero wala akong paki. Hinintay kong makarating ng CR bago ko nilabas ang lahat ng luhang gustong kumawala kanina. Lumabas rin ang totoo. I knew it was too good to be true. Sana pala hindi ko nalang siya nagustuhan. Sana pala…may iba nalang akong minahal. ―Andy buksan mo to…si Marla to.‖ ―Leave me along muna please. Ayokong makita niyo akong mahina. Ayoko.‖ ―Andy wag mong solohin yang problema mo…‖ Hindi niyo kasi maiintindihan eh. Hindi niyo ako matutulungan. Ang kulit nila at pinilit pa talagang buksan yung pinto. Ayun, napilitan naman ako kasi baka masira pa nila sa kakakatok at kasisipa dun sa pintuan. Pagkapasok nila eh yumakap kaagad sa akin si Marla tapos kinomfort niya ako. Si Vince naman, malungkot lang. ―Andy hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Marami ka pang makikilala diyan.‖ Tumingin lang ako kay Marla nun tapos nakita ko naman na ni-nudge niya si Vince. ―Sabihin mo na kasi.‖ Tinaasan ko naman sila ng kilay. ―sabihin ang ano?‖ Tinignan ni Vince si Marla ng masama. ―This is not the right time Marla.‖ ―Kung hindi ngayon kelan pa?!‖ ―Don‘t force me! Kita na ngang hindi pa handa si Andy sa ganyan eh!‖ Teka, nakakairita na ito ah. They‘re obviously ignoring the question on purpose. ―est-ce que quelqu'un peut me dire que se passe-t-il?! (can someone tell me what‘s going on?!)‖ ―EH?!‖

―Andy please. Wag ngayon. I don‘t think kaya mo pang i-handle ang sasabihin ko. Please, I‘ll tell you some other time, just not now.‖ Nagcross arms ako tapos tinignan ko lang siya. Napahinga naman siya ng malalim. That means I won. ―Je suis dans l'amour avec toi (I‘m in love with you).‖ *****

Ilang days rin ang lumipas since the whole ―confession‖ thing ni Vince. Sabi niya sa akin wala siyang move na gagawin. Ewan ko, naguiguilty naman ako kasi iba mahal ko tapos siya mahal niya ako. Napaisip naman ako, maraming beses akong nagkukuwento tungkol sa kanya tapos mahal na pala niya ako nun? Wow, he‘s one great guy, that‘s for sure. ―Dalian mo stripes asa bahay na sila.‖ sumigaw lang ako ng oo tapos nun eh nagayos na. Tinignan ko yung sarili ko, mukha namang presentable. Bumaba narin ako at pumasok na kami ni Kit sa kotse. Tahimik lang kami nung buong ride. Pinakikinggan lang kung ano yung pinapatugtog. May mga corny nga na kanta eh, meron naman mga tagos na kanta. Ilang sandali lang din eh nakarating na kami sa bahay nina Kit. Tinitigan ko muna yung bahay nila. Kinakabahan ako sa totoo lang. hindi ko kasi alam kung anong mangyayari sunod eh. Ganoon parin ba? O wala na? ―Tatayo ka lang ba diyan o papasok ka?‖ Tinignan ko siya tapos nakaabang na siya dun sa may front door. Nagsimula naman na ako maglakad at huminga ng malalim. This is it. It‘s judgement day.

Chapter 49

―Oh hija! Hijo, andiyan na pala kayo. Pasok. Dali, nagkakainan na kami.‖ yan ang

bati sa amin ni Kit nung mama niya pagkapasok na pagkapasok palang namin. Pansin mo kaagad kapag tumuntong ka sa bahay nila yung Christmas Spirit. Well decorated yung bahay nila tapos may maririnig ka pang music na tumutugtog. Ang saya nila, well, maliban nalang sa katabi kong KJ. Lumapit naman kami dun sa table tapos nakikain narin. Ang sarap nga ng handa eh. May mga menudo, kare kare, chicken, baked mac, fruit salad, basta lahat ng masasarap hinanda na nila. Kumpleto hanggang desert. Naku, mukhang tataba yata ako nito ah. Yaan mo na, minsan minsan lang naman sumapit ang Pasko eh. Harhar. Pagkatapos naman ng kainan, bigayan na ng mga regalo. Ang kulet nga eh, kelangan pa talagang umupo sa gitna tapos dun mo bubuksan regalo mo. Para bang nung mga bata kayo, minus nga lang yung iiyak ka kapag hindi ka nakatanggap ng barbie o kaya naman ninja turtle na action figure. ―Oh, pinakabata mauuna! Herc, come to the ―hot‖ seat.‖ pasaway talaga na magulang itong mga to oh. Marami rami rin natanggap si Herc. Syempre, hindi pa kasama dun yung galing sa mga relatives namin. Bukas pa siguro kami makikicelebrate sa mga yun eh. Anyway, nakatanggap naman siya ng bala ng gameboy mula kina mama. Naku, panigurado hindi na matutulog yan. At ayun, halos lahat kami bigay bala ng gameboy. Yun naman kasi pinakagusto niya eh. Sumunod naman, wa! Ako na pala! Puro envelope lang saka isang shirt mula kay ate Cass ang natanggap ko. Syempre, diba nga ang sabi nila, kapag tumatanda ka hindi na laruan nakukuha mo kung di pera na. Heheh. Napansin ko naman na hindi nag-abot ng gift si Kit. Not that I‘m expecting something pero…hay, nagpakahirap akong maghanap ng para sa kanya tapos siya…wag na nga. Sumunod sa hot seat si Kit. Gaya nung akin, halos ganun rin mga natanggap niya. Syempre, yung akin, kahit ayaw (jokes!), binigay ko yung gift ko. Binulsa nga lang niya yung regalo ko eh. Hindi man lang binuksan. Hmf, ang sama talaga nito. Nyay, anu ba yan, ang childish ko naman yata. Mga 11 na nung nalow-batt na kaming lahat. Dito na kami pinatulog nina Tita Kris kasi delikado nang umuwi pa. nakainom pa naman si Papa at yung driver namin eh umuwi at nagcelebrate din ng pasko kasama ng pamilya niya.

Dun ako pinagstay sa dating kwarto ni Kleo. At first nga eh, akala ko aapela si Kit, hindi naman pala. Syempre, bago ako matulog nagpunta muna ako ng banyo tapos naligo. Humiram narin ako ng damit kay ate Karla kasi wala naman akong nadala. ―Huh? Kanino galing ito?‖ nagulat talaga ako kasi kanina wala naman yang box na yan eh. Tinignan ko naman yung post-it na nakalagay dun sa likod nun tapos binasa. Stripes, Merry X-mas & a Happy New Year Isuot mo kung gusto mo. Itapon mo kung ayaw mo. Basta wag mo lang ito ipamigaysa kahit kanino. Kit Wow, akala ko pa naman kanina wala siyang balak na bigyan ako ng regalo. Binuksan ko naman kaagad yung regalo tapos napanganga pa ako dun sa binigay niya. He gave me a ring? *****

―Ate gising na! pinapagising ka na nina Mama! Dali! May kelangan pa daw pagusapan!‖ bwisit naman na Herc to oh! Anong oras lang ba? Tumingin ako sa side table, 7?! Tumayo na ako nun. Nakina Kit parin pala ako no? humikab naman ako nun at syempre, nagtanggal ng morning glory. Agad ko naman nakita yung singsing na suot ko. Oo nga pala, bigay nga pala ito ni Kit. Tumayo na ako nun at naghilamos at nagtoothbrush. Hindi na ako nakaligo kasi wala naman akong pamalit. Pagkababa ko eh nandoon na sina Kit, tita Kris, tito Oliver, mama at papa. This is it. Umupo ako dun sa katapat na pwesto ni Kit tapos nag good morning lang kina tita at mama. ―I think maliwanag narin sa inyo kung bakit namin kayo kakausapin ngayon.‖ tumango lang kami pareho tapos nun eh nagcontinue na si mama. ―Gusto lang namin kayong bigyan ng freedom of choice kaya ginagawa namin ito. Walang

maling sagot. Kung anong talagang gusto niyo eh yun nalang ang sundin niyo okay?‖ ―Separate namin kayong kakausapin para naman fair. Baka kasi yung isa eh sasang-ayon lang dun sa sasabihin ng kabila.‖ this time si Tita Kris naman yung nagsalita. Humiwalay na kami tapos nun eh dinala ako nina mama sa may living room at si Kit naman dun sa kitchen yata nila. Pinaupo ako nina mama sa may sofa tapos tumingin sa akin ng seryoso. ―Anong gusto mong gawin Andy?‖ Kapag seryoso sila, seryoso talaga sila. Minsan nga nakakatakot na eh. Take now for example. ―Umm…‖ Sinabi ko naman sa kanila yung decision ko tapos tumango lang. Ilang minutes ang nakalipas eh bumalik na kami sa dining table nila. Nagkatinginan yung parents namin tapos nagngitian. ―Mission accomplished mare.‖ At ayun, sinabi nila na tuloy na daw yung ―engagement‖. Lumabas naman ako tapos dumiretso lang dun sa garden nina Kit. May swing dun kaya umupo ako dun para magliwaliw. Nagulat pa nga ako ng makita kong umupo sa katabing swing ko si Kit. ―Bakit ka pumayag?‖ Tinignan ko naman siya at tinaasan ng kilay. Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan sa kanya? ―I have my reasons. Ikaw?‖ ―Same.‖ at ayun, natahimik na kami. Ano na kayang mangyayari ngayon? Paano na si Kat? Paano kung malaman niya yung tungkol sa 100 days condition namin? Paano kung malaman niyang magpupush through ang arrangement? Hay, napakaraming problema. Nakakafrustrate naman ito. Andy naman kasi eh, bakit hindi ka kasi mag-isip muna bago gumawa ng mga desisyon? Ngayon, ayan tuloy hirap na hirap ka. Hay, ano ba ang talagang mas gusto mo? Gusto mo bang magkasama sina Kat at Kit o mas gusto mong maging masaya kasama si Kit? Yun lang naman talaga yun eh. Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. Napabuntong hininga naman ako tapos tumingin lang sa kung saan saan.

Naguguluhan na talaga ako. Alin ba talaga ang mas gusto ko sa dalawa? Alin ba ang mas matimbang? Si Kit at Kat? O Kami? Kung si Kit at Kat, natural magiging mas masaya si Kit. Sinabi na naman niya dati eh, si Kat ang babaeng nagpapatibok ng puso niya. So parang umeextra lang ako sa ginagawa kong ito. Kapag kami naman ang pinili ko, hay, sarili ko lang kasiyahan ang iniintindi ko. Hindi naman ako ganoong tao. ARGH!! Ano ba talagang mas matimbang?! Nakakaasar na ah! Nagkamot ako ng uli dala narin ng pagkayamot ko. Nakakabwiset kasi eh. Halata mo na ngang nagulat si Kit sa kinikilos ko eh. Akala siguro nababaliw na ako. Hmf, bahala siya sa buhay niya. Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Kit, mukhang papasok na siya kaya hindi ko nalang tinignan. ―Andy...‖ Tumingin ako sa kanya tapos nagtaas lang ng kilay. Grabe ah, ang tagal naman niya magsalita. Ano ba ito, nag-iisip o talagang nang-iirita lang? ―Bakit?‖ Aba, at tama daw bang titigan lang niya ako? ―May sasabihin ka ba o wala?‖ Inerapan ko siya nung hindi naman siya nagsalita. Hmf, nang-aaksaya ng oras. Tumingin ulit ako sa kabilang side tapos nun eh nagmuni muni na. ―Andy...‖ Ugh, ayan na naman siya eh. Hindi ko siya tinignan kasi alam kong nang-aasar lang yan. Narinig ko naman na naglakad siya tapos nakahinga narin ako ng malalim.

*Tsup*

―Thanks...‖ Chapter 50

―Babae, bakit kanina ka pa yata nagbublush??‖ Napatingin naman ako sa kanila. Teka, bakit sila lahat nakangiti sa akin?! ―Hindi ah.‖ tapos naconscious naman ako at humawak sa mukha ko. ―Uyy! Ano yan?‖ sabi niya tapos tumuro sa kamay ko. Darn, nakita na. Pinagtitignan nila yung ring tapos ako naman eh tago ng tago nito pero ang kukulit nila eh. Ayaw nilang tantanan eh. ―Wala ito!‖ sabi ko tapos tumayo at nagtatakbo. Ang kuulit talaga nila. Tawanan kami nung napagod na. pagtapos nun eh umorder narin kami ng makakain. Nasa bahay kasi kami ng kambal eh, dito kami magbibigayan ng regalo namin. Ang lalakas nga ng mga trip nila eh, may iba nagbigay muna ng parang ―panlinlang‖ ―Your turn miss Ongpauco‖ at ayun, bigayan sila. Nabatukan ko pa nga si Stephen kasi tama daw bang ibigay sa akin napkin?! As in yung carefree! Nakakatuwa naman yung mga gifts nila. May mga shirts, caps tapos siyempre, ang nagpanganga sa akin na isang necklace. Galing siya kay Vince. Nagkatinginan lang kami nun. Nahiya nga ako eh, paano hindi ko naman mareturn yung feelings niya tapos siya eh andiyan parin, naghihintay.

Lumipas ang mga araw. Hindi na ako nakatira dun sa bahay ―namin‖ ni Kit. Syempre, tapos na naman ang 100 days eh. Yun lang kasi ang parang getting to know period namin. Nung una medyo naiilang pa ako. Siguro nga nasanay ako na may isang moody na lalaking mahilig magsungit tuwing umaga. Pero nung tumagal, ayun, nasanay rin ako. Nitong mga huling araw, kung hindi kami napunta sa bahay ng relatives namin eh dito lang kami sa bahay. Isang special event nalang ang hinihintay. Ang birthday ko. Nung bata ako, masayang masaya ako dahil twice akong nabibigyan ng regalo. Isa sa pasko, at isa sa december 28, o ang araw ng kaarawan ko. Kaya parati akong excited na dumating ang Pasko dahil alam kong kasunod lang nun ang birthday ko. ―Hoy Andy! Bilis bilis nga ng kilos diyan, kita na ngang kelangan maglinis tapos nagpapakaprinsesa ka diyan.‖ tumayo naman ako at agad na tumulong sa paglinis. May general cleaning kasi eh. Para daw mukhang bago at malinis ang bahay pagdating ng new year. Yun lang ang ginawa ko maghapon. Walang kamatayang paglilinis, pagwawalis, pag-aayos ng mga gamit at syempre pag-aalikabok ng mga gamit ko sa kwarto. Sabi nga ng nanay ko eh, mukhang lapitin daw masyado ng dust yung kwarto ko kaya parating marumi. Sabi naman ni ate Cass, na umepal na naman, eh ako lang daw yung dust na nagpapadumi dun. Hmf! As if yung kanya hindi marumi. At pagdating ng gabi, knockout kaagad ako. *****

Good morning! Waa! Grabe. Hindi ako makapaniwala. Birthday ko na!! 16 years old na ako! Matanda na ako!! Waaaa!! Bumangon ako kaagad nun at high na high talaga energy ko. Syempre, naligo narin ako kaagad nun tapos bumaba na. ang saya pa nga ng pagbati ko kina manang eh, akala niya tuloy nasisiraan na ako. ―Hay naku Andy! Ano bang pinaggagagawa mo diyan? Bakit ang ingay mo? Ang aga aga eh!‖ Hmf, ano ba naman yang si Ate Cass. Ni wala mang happy birhtday. Talagang una ang sermon eh ano? ―Bakit ba ang sungit mo ngayon?‖

―EH ano namang paki mo? Saka bakit ba ang taas taas ng energy mo? Ano bang meron?‖ napatingin lang ako sa kanya. Hmmm, baka naman nanloloko lang ito. ―Hindi mo alam? Eh napakaspecial ng araw na ito eh!‖ ―Ano nga?!?‖ ―It only comes once a year.‖ nagkunwaring mag-isip pa siya nun at kung anu anong chuvaness. Naman ate, wag mong sabihin nakalimutan mo nga? ―Sa pagkakaalam ko eh tapos na ang christmas at masyado naman yatang maaga para New Year..ano nga?‖ Nafeel ko nang nangingilid yung luha ko. Ang sakit nun no! sarili mong kapatid hindi alam na birthday mo. Para mo naring sinabi na nakalimutan niyang kapatid ka pa niya. ―Alam mo yun, yung special day sa isang tao.‖ tinaasan niya ako ng kilay tapos nagpamewang. ―Bakit? May ikakasal ba?‖ Napabuntong hininga lang ako. Grabe, nakakadisappoint talaga. ―Sira! Birthday ko ngayon!‖ ―Oh? Talaga?‖ tinignan ko naman siya ng masama pero mukhang hindi siya nagbibiro. Lumapit lang siya at pinat yung ulo ko, ―Wag mo kalimutan maglinis ah. Marami pa dapat gagawin.‖ Yun lang?! ni wala man lang, ―Andy Happy Birthday‖?!? Naman! Nabadtrip naman ako nun kaya bumalik ako sa kwarto ko. Pumasok naman si mama kasi mukhang narinig niya yung pagdadabog ko habang umaakyat. Ang childish no? ―Anong problema Andy? Kung umakyat ka ng hagdan eh parang may stampede.‖ ―Wala ma…si Ate eh, nakakainis!‖ tumingin lang sa akin si mama nun. ―Ano bang ginawa ng ate mo?‖ ―Hindi niya kasi alam na special itong araw na ito para sa akin.‖ ―Special? Bakit, ano bang meron?‖ nagulat naman ako. No, don‘t tell me pati si mama hindi alam?! Gosh naman, ano na bang nangyayari sa mundo? Talaga bang pinilit na makalimutan ng mga close ko yung birthday ko?

―It‘s nothing ma. Don‘t mind it. I just realized anyway na hindi na pala siya ganoon kaspecial…‖ ―Ahh…okay. Well, wag na kayong mag-away ng ate mo. Magbabagong taon na tapos ganyan kayo. Hindi maganda yan okaY?‖ At ayun, lumabas narin si mama. Napahinga lang ako ng malalim nun. Ang sakit, sobrang sakit dito. Alam niyo yun? Mag-eexpect ka tapos wala naman palang makakaalala. Tinignan ko naman phone ko. May mga messages. Kahit papaano eh napangiti ako. Nung binuksan ko na eh medyo nadisappoint pa ako. Mga classmate lang pala na nag-ggm at nagtatanong ng assignment. Hay, talaga bang walang nakaalala sa birthday ko? Tinanggal ko nalang sa isip ko yung sadness at lumabas nalang ako. Pumunta ako sa mga bahay ng kaibigan ko para magyaya kaso nga lang ito ang mga naisagot nila sa akin… ―Di kami pwede eh, dadating relatives. Ano bang meron?‖ ―Ano meron?‖ ―May gagawin pa ako eh..saka nalang.‖ ―Tinatamad akong lumabas ngayon eh…bakit, ano bang meron?‖ Oh diba ang sakit? Kung sino pa yung mga ineexpect mong makaalala eh sila pa yung hindi bumabati. Nung matapos nga akong pumunta kina Vince eh dun ako dumiretso sa park at hindi ko na napigilang umiyak. Naiinis ako na nalulungkot. Grabe kasi eh, sobrang sakit. Feeling ko tuloy puputok yung dibdib ko sa nararamdaman ko ngayon. “psst” Tumingin ako sa paligid. Walang tao. Hala, sino naman kaya yun? Natakot naman ako kasi paulit ulit lang yung sumusutsot. Umalis na ako sa park tapos naglakad na papuntang bahay. Andy,

Umalis lang kami saglit, dun ka muna sa bahay niyo dati ni Kit. Mama Waa! Ano ba yan, hindi man lang sila nagtext or something. Ayun, napalakad naman ako hanggang sa makarating ako sa bahay. Kinuha ko yung spare key namin sa may ilalim ng doormat tapos binuksan na yung pinto. Nagulat ako kasi may biglang pumutok malapit sa akin. Pagtingin ko sa loob… ―Happy Birthday ANDY!‖

Chapter 51

Nanlaki yung mata ko at sumunod ko nalang nalaman, pinagyayayakap na nila ako. Sobrang na-overwhelm talaga ako sa ginawa nila. Sino ba namang hindi diba? After nung mga nangyari nung umaga. Whoa talaga. ―Talaga bang inisip mo na magiging busy kami sa araw ng birthday mo? Oo busy, pero sa pagpaplano ng birthday mo.‖ Grabe, sobrang saya ko talaga nung gabing yun. Tawanan, kulitan, lahat na. dun na nga nagsleep over lahat eh. Well, yung barkada lang, si Kit at si Omar. sina mama kasi umuwi sa amin. Ang saya talaga ng birthday na ito. Para bang, may something special na hindi ko maintindihan. Basta alam ko, masaya ako. Yun na yun. Lumakad muna ako sa may garden. Hindi pa kasi ako inaantok eh kahit mag 11 na. Yung iba, hay nako, sobrang knockout talaga. Hindi ko naman sila masisisi kasi sila rin yung nagpagod para matuloy tong party eh. Thankful na ako para dun. ―Gising ka pa pala.‖ Napatingin naman ako sa likod ko at nakitang naglalakad palapit sa akin si Kit. ―Ikaw rin.‖ Tahimik lang kami nun tapos nakatingin sa sky. Ewan ko ba, kahit ganun hinid ako nabobore. Siguro nga dahil mas gusto kong tahimik lang dahil nakakapagisip isip ako ng maayos. Mas okay narin naman yun.

Napalingon naman ako kay Kit tapos nakitang nakatitig siya sa orasan. Ano kayang ginagawa nito? ―Kung gusto mo nang pumasok okay lang.‖ Umiling lang siya nun at hindi man lang tumingin sa akin. Hmf, bahala siya. Tahimik na naman kami pagtapos nun. Ayun, feeling ko nga makakatulog na ako eh kaya tumayo na ako. Kaya lang hinila ako ni Kit at napaupo na naman ako. Masakit yun ah! ―Saglit lang.‖ Tinaasan ko siya ng kilay tapos nun eh hindi man lang ako nilingon. Saglit lang tapos ngayon eh wala naman siyang sasabihin. ―Dali Kit. Kung may sasabihin ka sabihin mo na. inaantok na ako.‖ ―Wait, twenty seconds nalang.‖ 20 seconds? Ano to countdown? Naghintay naman ako. At after 100 years humarap rin siya sa akin. ―Happy Birthday.‖ ngek!? Yun lang?! ―Yun lang? sana kanina mo pa sinabi yun. Hay naku naman Kit.‖ ―Kung kanina ko yun sinabi eh di, hindi na siya special.‖ Special? Paano naman naging special ang pagbati niya sa akin ng ganitong oras? Anong oras na nga ba? 11:45? Ano naman meron dun? ―At paano naman naging special yung pagbati mo sa akin ngayon?‖ Tumayo siya tapos pinagpag yung damit niya. Wa, tama bang isnabin ako?! Magagalit na sana ako nun ng biglang inabot niya yung kamay niya tapos tinayo rin niya ako. ―According to your birth certificate, you were born on December 28, 19** at exactly 11:45 pm.‖ nanlaki yung mata ko. Kaya ba kanina eh hindi niya ako binabati? Napangiti naman ako nun. May ka-sweet-an rin pala itong lalaking to eh. ―Asus. Tara na nga.‖ at ayun, sabay kaming pumasok sa loob. *****

―Bakit ba kasi kelangan pa nating sunduin yung bruhildang yun eh?‖ pinalo ko naman si Cheeky sa braso kaya napatingin siya sa akin ng masama. ―Wag ka ngang magsalita ng masama tungkol kay Kat.‖ ―Totoo naman eh. I don‘t like her.‖ Hay naku. Feeling ko dahil sa akin kaya ayaw ni Cheeky sa kanya. Well, anyway, choice kong gawin yun kaya hindi dapat nilang ilabas ang galit nila kay Kat. ―Oh, ayan na pala siya eh.‖ Tumingin naman kami sa tinuro ni Vince tapos sinalubong narin si Kat. ―Grabe Andy! Namiss kita! Namiss ko kayo!‖ Yumakap siya sa amin isa isa tapos nung pagdating niya kay Cheeky eh nagmake face si Cheeky habang kayakap niya si Kat. Mababatukan ko tong baklang ito eh. Tinulungan naman na namin siya sa bagahe niya tapos sumakay na kami sa Van nina Vince. ―Buti naman at umabot ka ng walang pasok. Sigurado kung late ka dumating eh marami rami kang hahabulin.‖ ―Yeah, oo nga eh. Pinilit ko pa nga si dad na agahan yung balik ko eh. Syempre, mahirap na sa school tapos syempre, namiss ko kayo. Lalo na si Kit.‖ Ngumiti lang ako nun kahit na alam ko sa sarili kong nasaktan ako. Hay, ang complicated naman kasi nito eh. Nakakaasar. ―Siguradong namiss ka rin nun.‖ at lalo naman ngumiti si Kat. Pagtapos namin hinatid si Kat eh tambay kami sa bahay ni Marla. Wala lang. laro lang ng ps3 niya tapos kulitan at movie marathon. Naka 3 movies na nga kami eh nung maghapon na pero syempre, dahil last day na ito ng christmas break eh sinagad na namin ang pagliliwaliw. Nakailang horror movies rin kami at comedy bago nagrequest ng chick flick kaming girls plus Cheeky. Walang magagawa sina Stephen at Vince, dalawa lang sila eh. Pinili naman namin yung Just like heaven. Ang weird nga eh, kahit mag-iilang beses ko naring napanood yan eh iyak parin ako ng iyak pagdating dun sa nakalimutan nung babae yung guy. Hay, iba talaga ang impact nun sa akin.

Pagdating ng 10 eh nagkayayaan ng umuwi. As usual, sabay kami ni best friend Vince sa paglakad. Kwentuhan parin nga kami kahit na pagod na eh. ―Andy.‖ ―Ano yun?‖ tumigil siya sa harapan ko tapos parang nagdadalawang isip pa kung sasabihin ba niya o hindi. Anong drama nito? ―Wag ka nang gagawa ng mga moves na alam mong masasaktan ka ha?‖ Nagulat naman ako dun sa sinabi niya at hindi nakasagot. ―Umm..‖ ―Ano ka ba Andy, tao ka lang rin. Nasasaktan ka rin kaya wag kang magpakamanhid dahil hindi ka manhid.‖ ―Pero..‖ tinignan niya ako na parang sinasabi na wag ko nang ituloy. Huminga ako ng malalim tapos tumingin ng diretso sa kanya. ―I won‘t do anything stupid.‖ Ngumiti naman siya nun pero may pinahabol ako. ―Kapag sure na ako.‖ this time nagmake face siya. Sobrang kilala na nga niya ako. *****

―All volleyball varsity girls, please proceed to the volleyball court.‖ Wow! Savior ko! Goodness, buti nalang at pinatawag kami. Sobrang antok na antok kasi ako magmula palang nung umaga. Nag-excuse naman ako kaagad sa teacher namin tapos medyo nagmamadali pang umalis ng classroom. Muntikan na nga akong makabangga ng mga taong may dalang libro eh, buti nalang mabilis ang reflexes ko. ―namiss kita sobra.‖ Napatigil ako. Teka, si Kat yun ah? Hay naku Andy! Ayan ka na naman sa pakikiusisa mo. ―Yeah.‖ Si…Kit?

Tumigil ako tapos naglean sa wall. Nasa isang corner siguro sila kaya naririnig ko. ―Ako ba namiss mo?‖ ―Tinatanong pa ba yan?‖ Sa hindi ko malamang dahilan, nasaktan ako dun. Sobrang sakit, sa totoo lang. ―La--‖ Hindi ko na sila pinakinggan pa at dumiretso nalang papuntang court. Sobrang nawala yung sigla ko kanina at feeling ko pa eh maiiyak na ako. Pero syempre, pinigil ko. Ayokong magmukhang kaawa awa. ―Andy! Kanina ka pa namin tinatawag. Ayos ka lang ba?‖ napatingin naman ako kaagad sa kanila tapos tumango. Yung iba eh halatang hindi nakumbinsi pero hindi nalang sila nagtanong. Hindi na ako nakinig dun sa sinabi ni Coach. Sobrang lumilipad yung isip ko nung mga oras na yun at isang bagay lang ang parating nagrereplay sa utak ko. “Ako ba namiss mo?” “Tinatanong pa ba yan?” Bakit kelangan ko pang marinig yun? Bakit kelangan ko pang magstay at makiusisa? Kasalanan mo yan Andy. Masyado ka kasing curious. ―Uy, Andy. Ayos ka lang?‖ Si Omar lang pala. Akala ko kung sino na. Tumango lang ako kahit alam kong hindi totoo yun. Ayoko naman kasing sabihin na hindi at baka kaawaan lang niya ako. ―No, hindi ka okay.‖ napatingin lang ako sa kanya tapos yumuko na. hindi ko na napigilan at napaiyak na talaga ako. ―Ilabas mo lang yan…‖ Maybe I should just…

..forget about him Chapter 52

―Sige maiwan ko muna kayo!‖ ―Per--‖ At umalis na ako at iniwan ko na yung dalawa. Ganyan ang ginagawa ko simula nung araw na yun. Yung araw na napagdesisyunan kong ―kalimutan‖ na siya. At iyon na nga ang nag-iisang way para makalimutan siya. Ang umiwas at ilapit siya kay Kat. Tumigil ako sa pagtakbo nung medyo nahingal na ako. Nakarating na pala ako sa tapat ng art room. Hay, magmula nung nagresume ang klase eh hindi na ako nakakapunta masyado dito. Hindi ko narin kasi makita yung point ng pagbisita ko eh. Feeling ko kasi, imbis na mawala ang pagod ko, baka masaktan lang ako. Malay mo, si Kat na naman yung nasa painting gaya ng sabi niya dati. ―bakit hindi ka pumasok? Wala naman kakain sayo diyan eh.‖ Napatingin ako sa likod ko. Si Omar lang pala. ―Nah, hindi na ako ganoon ka interested eh.‖ At pagtapos nun eh naglakad na ako. Sumabay naman siya sa akin lumakad at nakipagkwentuhan na. ang kulit nga niya eh, patawa ng patawa. Pero nakatulong naman siya, kasi kahit papaano, nakalimutan ko na may problem pala ako. ―Kung ako sayo, lalaban ako.‖ Tinaasan ko siya ng kilay. ―Anong pinagsasabi mo diyan?‖ ―yung sa inyo ni Kit.‖ umiling lang naman ako nun pero siya eh inerapan ako. ―May pinili na siya. Si Kat yun. What‘s the point?‖ ―Bakit, sinabi ba niya sa iyo na si Kat ang pinipili niya? May sinabi ba siya kahit kelan na si Kat ang mas gusto niya? Wala naman diba?‖ ―Obvious kaya!‖ nairita na ako. Ayoko kasi ng masyadong pinagpipilitan ang isang topic eh. Lalo na yung ayaw kong pag-usapan. ―Obvious? Andy, obvious ba kamo?! Eh ano namang alam mo sa mga obvious na bagaY! Yung best friend mo nga na OBVIOUS na may gusto sa iyo eh hindi mo man lang napansin! So you have no right to say na OBVIOU--- ‖

*PAK!*

Nagulat siya sa ginawa ko pero mas lalo siyang nagulat dahil bigla nalang tumulo yung mga luha ko. ―Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan dahil wala ka namang alam!!‖ Tumakbo na ako nun palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko lang makaalis. Wala na akong pakiealam kung mamimiss ko yung ibang klase namin. Sports fest naman namin next week eh. Napatigil ako dahil sumakit yung tuhod ko. Kanina pa kasi ako nagtatatakbo. Napaupo ako dun sa ilalim ng puno. Grabe, ang init ah. Sumandal ako sa trunk ng puno tapos pumikit. Ano na kayang mangyayari ngayon? Makayanan ko kaya ito? ―Ate may nagpapabigay po‖ napatingin lang ako dun sa hawak ng bata at nanlaki yun mata ko. Blue Rose. ―Kanino galing ito? Pwede mo bang ituro sa akin?‖ ―Tara po ate, turo ko sayo‖ Sumama naman ako dun sa grade school na bata at dinala niya ako dun sa may entrance ng school namin. Hingal na hingal nga kami nun kasi ang bilis ng tinakbo namin. ―saan?‖ ―AY, nawala si kuya.‖ Napasimangot lang ako nun. Nagthank you lang ako dun sa bata tapos naglakad na pabalik ng fields. Ilang minutes nalang matatapos narin yung klase. Hay, bakit ba ayaw pa magpakilala ni mr. cuteboi? Bakit? Tinignan ko ulit yung rose. May nakakabit pala na papel. Binuksan ko naman kaagad yun at binasa. ―Andy, malalaman mo rin kung sino ako soon. For now, heto lang ang pwede kong gawin.‖ Sino ka ba kasi? *****

Ilang araw ko ring naging routine yung pag-iwas kay Kit. Tuwing umaga, late akong dadating sa school. Kung baga, mga 2-3 minutes nalang ang natitira bago magbell. Tuwing breaks naman namin eh sa CR lang ako ng girls o di naman kaya sa isang liblib na place sa school. Medyo naguiguilty nga ako kasi hindi ko na nakakasama yung friends ko eh. Buti nalang at naiintindihan nila ako at hindi siya nagagalit sa akin. ―Guys...‖ ―we know.‖ Ngumiti ako sila at nagthank you tapos diretso na ako sa likod ng highschool building. Doon sa may damuhan. Doon ako kumakain ng lunch ko these past few days. Medyo nakakatakot nga eh kasi minsan may mga karpintero pang dumadaan at amoy alak yung iba. (yeah, tanghaling tanghali eh nag-iinuman sila.) pero nasanay narin ako kasi hindi naman na nila ako pinapansin eh. Parang invisible lang ako dun kaya wala na akong problema. ―Alam mo, if you‘re running away, marami pang mas okay na place kesa dito.‖ napatingin ako dun sa nagsalita. Si Omar lang pala. Teka nga, bati na ba kami? Hindi ko siya kinausap dahil sa nagawa niya dati. Lumapit siya sa akin tapos tumabi pero hindi ko parin siya kinikibo. ―About what happened nung isang araw. Sorry na dun okay? Bati na tayo please? ‖ Akala niya ganoon lang kadali yun? Hindi no! ―If you want, dalhin pa kita sa mas malayong lugar kung gusto mong takasan si Kit. ‖ Napatingin naman ako sa kanya nun. ―Baliw ka alam mo yun?‖ ―Oo, alam ko. Baliw nga ako.‖ tapos ngumiti siya ng nakakaloko. Pinalo ko naman siya. Bwisit na yan, nawala tuloy yung pag-emote ko. Hmf. Bahala nga siya. ―Parating open yung offer ko, kung magbago man isip mo, lumapit ka lang sa akin.‖ tinignan ko lang siya. Seryoso ba siya? Umiling lang ako nun tapos kumain na ulit. Sinamahan naman ako ni Omar hanggang sa pabalik ng classroom namin.

The next day, ganun ulit nangyari. Walang pagbabago maliban nalang sa pagsama sa akin ni Omar tuwing tumatakas ako mula sa kanila. Tuluy tuloy lang yun hanggang sa mag Friday. Akala ko nga walang bagong mangyayari eh, meron pala. ―nahihibang ka na talaga ano?!?‖ ―Ano ka ba Andy! Think of it this way, kung sa bahay ka lang, malamang pupuntahan ka nun.‖ tinignan ko lang siya na para bang nababaliw siya. No, hindi pala parang, NABABALIW na nga siya talaga for making that offer. ―Oo nga pero..‖ ―Fine sige, hindi na kita pipilitin. Ikaw bahala.‖ at pagtapos nun eh hindi na siya ulit nangulit tungkol dun sa pag ―run away‖ namin. Nung matapos yung araw eh nagpahuli na naman ako ng labas. Syempre, para sigurado. Dumaan muna ako ng locker kasi may kelangan akong iuwing gamit kasi marami rami rin yung assignment ko. ―Sige, ayos lang sa akin.‖ Teka…Andito pa si Kit?! Wah! Nagmadali akong kumuha ng gamit ko and at the same time eh sobrang iningatan kong hindi makacreate ng ingay. Mahirap na diba. Aalis na sana ako nun ng biglang may narinig ako na boses ng babae. Isang napakafamiliar na boses ng babae. ―Talaga Kit? Yey! Thanks talaga!‖ ―Wala yun.‖ ―Sabi ko na nga ba eh, lahat gagawin mo para sa akin…‖ naglakad na ako nun paalis dahil ayoko na marinig kung anu man yung sasabihin pa ni Kit. Ayokong masaktan ulit. Ayoko na. Pagdating ko sa may entrance ng school namin eh nakita kong nakatayo dun si Omar. Hinintay pala niya ako. ―Yo Andy.‖ lumapit ako sa kanya tapos kinuha naman niya yung dala kong gamit. ―Tara, hatid kita.‖

Lalakad na sana siya paalis nun kaso hinila ko yung arm niya. Nagulat nga siya eh at napataas ang kilay sa akin. ―Omar..‖ “Let‟s run away.” Chapter 53

―Andy asaan ka na ba? Kanina ka pa hinahanap ng parents mo. Sagutin mo naman yung phone mo oh. Marami kaming nag-aalala sayo.‖ Puro mga ganyang messages ang natanggap ko kanina pa. hindi ko kasi nirereplyan sila or tinatawagan ulit. Hay, tama ba talaga ang desisyon kong magrun away? ―Omar..‖ Sabi ko sa kanya habang siya eh nagdadrive. I know, nagtataka kayo kung bakit siya nagdadrive. Ako rin naman eh. pero sinabi niya na 1 year ang tanda niya sa amin and 17 na daw siya at may student license na siya. Loko loko nga itong lalaking ito eh. kelangan kasi may kasamang licensed adult para makadrive. Ang lakas ng loob. Sabi naman niya eh mukha naman daw siya 18 kaya hindi sinisita. ―What?‖ ―I don‘t think I wanna run away anymore..‖ tumingin siya sa akin saglit tapos binaling ulit yung tingin niya sa road. Naramdaman kong dahan dahang bumagal yung kotse tapos nagstop kami sa side ng road. ―Bakit naman? Akala ko ba gusto mo ito?‖ Yumuko ako at huminga ng malalim. ―Yun nga eh. Akala ko rin ito yung gusto ko. I was wrong.‖ ―Grabe Andy, bakit ngayon pa? ang layo na natin.‖ halata mong frustrated siya kasi bigla niyang pinalo yung manibela. ―Sorry..‖ ―I‘m sorry too.‖ bigla akong napatingin sa kanya tapos nagtaas ng kilay. ―I can‘t take you home.‖ At saka naman niya pinaandar yung kotse. Nagulat ako nun kasi ngayon ko lang nakita si Omar na ganito. What is he planning?

―Omar itigil mo yung kotse!‖ ―Andy hindi pwedeng parati eh pabago bago ang desisyon mo! Dapat matuto ka na you have to follow yung una mong desisyon.‖ ―Omar please! Gusto ko nang umuwi!‖ Sobrang hinihila hila ko na yung kamay niya pero hindi siya gumagalaw. Sobrang kinabahan pa ako kasi ang bilis niyang magpatakbo ng kotse. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at napaiyak na ako. ―Please Omar. Alam kong I wasted your time. I‘m sorry. Pero gusto ko na talagang umuwi…‖ tinakpan ko ng kamay ko yung mukha ko tapos umiyak na talaga. Bumagal ulit yung takbo ng kotse and then the next thing I know, nakayakap na si Omar sa akin. ―Don‘t you get it Andy? Hindi mo ba makuha na I‘m trying to teach you a lesson? Gusto ko maging firm ang decisions mo. Gusto ko kapag may gusto kang gawin eh desidido ka. Gusto ko, kapag gusto mo ang isang bagay eh ipaglalaban mo yun.‖ Tumingin ako sa kanya. Yun pala ang gusto niyang ipakita sa akin. ―Now, I‘ll ask you again. Gusto mo ba talagang bumalik?‖ Tumango ako tapos ganun din siya. Humarap na siya nun sa manibela tapos nag u-turn na at nagdrive pabalik. *****

Saying na nagalit yung mom ko would be an understatement. She was beyond furious. Sobra. As in pagdating namin sa bahay, mga 11 pm na kasi nun, eh sinigawan niya talaga kami ni Omar. Hindi naman ako nagsalita kasi tama siya. Mali yung ginawa namin. Alam kong nag-alala lang siya. Kaya nga ba eh 2 weeks grounded ako. Wow, nice. Not. ―Pupunta lang kami kina Tita Kris mo. Sasama ka?‖ Umiling lang ako tapos pinagpatuloy ang pagbabasa. As much as I want to go out of the house, ayoko kung kina Kit lang din. After all, siya yung main reason kung bakit ako nag-run away eh. Di ba? Nung makaalis sila eh nanood lang ako ng tv. Yun lang daw ang pwede kong gawin eh. Manood ng tv saka magcomputer. Ang boring nga eh. Sana pala

sumama nalang ako. Ay, hindi…ayoko pala.

*RIIIIIIIIIIIIING* ―Hello?‖ nagtaka ako kasi walang sumasagot sa kabilang linya. ―Hello? Ano ba, kung wala kang magawa eh wag kang mangdamay ng ibang tao!‖ ibababa ko na sana yung phone kaso may narinig ako. “Hoy Kit ano ba! Tinatawag ka na ni mama! Sino ba yang kausap mo at hindi ka man lang nagsasa----” At pagtapos nun eh nawala na yung linya. Si Kit pala yun?! Pero bakit ayaw niyang magsalita? Anong problema niya? Trip ba niya yung mangwaste ng time ng ibang tao? bakit kung nagsalita ba siya eh sasagutin mo kapag nalaman mong siya yun? You have a point. Baka nga hindi ko na pinakinggan at binaba ko nalang. Umupo naman ako ulit sa sofa tapos pumikit. Sunod ko nalang nalaman eh tulog na ko. *****

Lumipas ang weekend ko ng hindi lumalabas maliban nalang nung nagsimba kami. Nung Monday eh maaga akong pumasok. Wala lang, excited lang kasi akong lumabas ng bahay. Masyado nga yatang maaga kasi wala pa masyadong tao dun. ―Yo Andy.‖ Umupo siya dun sa tabi ko tapos nakita ko naman na nakashades siya. Ngek, ang aga aga, wala pa nga yatang araw eh nakaganyan na siya. ―Anong gimik yan? Wala pa ngang araw tapos nakashades ka.‖ sabi ko sa kanya na patawa tawa pa. ―Ano parusa mo?‖ ―Grounded for 2 weeks. Ikaw?‖ ―Hmm, let me see. No allowance for a week. Grounded for a month. Bawala magdrive. Bawal magmall. Bawal gumamit ng phone. At ang tanging time lang na pwede akong lumabas eh kung magsisimba at papasok sa school.‖ woah, hindi

naman kaya grabe yun? Ako nga eh grounded for 2 weeks lang tapos siya 1 month? Whoa. ―Is it my mom‘s fault?‖ ―Nah. Ganoon lang talaga ako parusahan ng dad ko.‖ Naawa naman ako sa kanya. Oo nga grabe yung ginawa niya pero I think that‘s too much. ―Kulang nalang hindi ka nila papasukin ng school eh.‖ sabi ko sa kanya. ―Yeah, buti nalang talaga hindi natuloy.‖ tinaasan ko siya ng kilay pero huminga lang siya ng malalim. ―It‘s nothing. Sanayan lang yan. Sige Stripes, punta na ako sa room namin. See you later.‖ At pagkalabas niya eh nagsimula ng magdatingan yung mga tao. Dumating naman sina Cheeky at halos lamangan pa yung panenermon sa akin nung nanay ko nung umuwi kami ni Omar. Grabe nga eh, as in parang machine gun yung bibig niya na walang tigil na paglabas ng kung anu-anong maisip niya. ―Nag-alala lang talaga kami sa iyo Andy. Sana naman maintindihan mo kung bakit naging ganoon si Cheeky.‖ Ngumiti lang ako sa kanya. Hay, if I know na magagalit sa akin si Cheeky eh di sana hindi ko nalang yun ginawa. Sa lahat ng ayaw ko eh yung iniignore ako ng kaibigan ko. I feel like a loner. ―Andy, I think for now, wag ka muna sumama kay Omar kasi baka lalong uminit ang ulo ni Cheeky eh. Alam mo na…‖ gusto ko pa sanang pumalag kaso pinigilan nalang ako ni Cheska. Nung lunch break naman sa barkada ko ako sumama. Hindi lang dahil sa ito yung gusto nilang gawin, pero dahil nagtext rin si Omar na hindi daw siya sasama. Ayos lang, eh di may time na ako for my friends. Dun kami sa usual tambayan namin. Ang weird nga eh, yung usual na happy aura eh napalitan ng gloomy aura. Nakakailang talaga. ―Magbati na kayo oh. Hindi kami sanay na ganito kagloomy yung barkada eh.‖ tumingin naman ako kay Cheeky pero siya eh ayaw niya akong lingunin. ―Cheeky naman...sorry na.‖ hinawakan ko pa yung kamay niya pero siya eh sobrang taray effect. ―Pleaseee.‖ sabi ko with matching puppy dog eyes. Please sana effective. ―Wag ka ngang gumanyan. You look like a dog.‖

―That‘s the point!‖ sabi ko sa kanya tapos tumawa naman kami. Hay, buti nalang talaga. Ayun, comfortable na ulit kami sa isa‘t isa. Tawanan na ulit saka kulitan. Akala ko nga lahat eh maayos na pero hindi pa pala. ―Andy dali! Sumama ka! Sina Kit at Omar nag-aaway!‖ sabi ni Kat sa amin. Halata mo ngang hingal na hingal siya eh. Sumama naman kami kaagad sa kanya. Bakit kaya nag-aaway yung dalawang yun? ―---and next time na gumawa ka ng kalokohan, make sure na hindi ka mangdadamay ng iba!!‖ Yan ang naabutan namin. Nagsisigawan sila. Matatawa na sana ako dahil nakashades parin si Omar ngayon, kung di lang seryoso silang dalawa. ―Sabi ko naman sa iyo eh, hindi ko siya pinilit. I didn‘t do anything to force her. Sumama siya sa akin nang hindi nagrereklamo.‖ nakita kong sumara yung kamay ni Kit, halata mong nagpipigil siya ng galit niya. ―you should stop talking now Omar. Hanggang sa nakakapagpigil pa ako.‖ ―Bakit ka ba nagpipigil pa? Why don‘t you fight? Are you scared?‖ at pagtapos nun eh napakabilis ng mga pangyayari, one moment eh nakatayo sa harap ni Omar si Kit and the next eh nagsusuntukan na sila. ―STOP!!‖ sabi ko at pumagitan ako sa kanilang dalawa. Hinila naman ni Vince si Kit at si Stephen naman kay Omar. Tumigil sila sa pagpalag. Nilingon ko si Kit tapos nakita kong parang ang gulat na gulat niya tapos nakatingin pa siya kay Omar. Ako naman eh napatingin rin kay Omar at nanlaki yung mata ko. Impossible naman siguro na magkablack eye kaagad si Omar eh ngayon palang sila nagsuntukan. ―Omar..‖ Lalapit sana ako pero kumawala siya sa hawak ni Stephen. Kinuha niya yung shades niya tapos umalis na siya. Gusto ko sanang habulin siya pero pinigilan ako ni Marla at Stephen. ―You should let him cool down first.‖

Tumango lang ako nun tapos tinignan naman si Kit. Napatingin nga rin siya sa akin pero agad kong iniwas yung tingin ko at umalis na. Boring lang nung sumunod na subject. Puro tungkol na kasi sa sports fest kaya wala masyadong ginagawa. Actually, puro meetings lang with the batch. By batch kasi ang laban eh. pero syempre may handicap ang mga 1st year. Nung matapos yung araw eh tuwang tuwa ako. Pumunta agad ako ng locker para maaga rin makauwi. ―Hey.‖ napatingin ako sa likod ko tapos nakitang nakatayo si Omar dun at nakasuot na naman nung shades niya. ―Hey. Ayos na ba yang gilid ng mata mo?‖ tumango lang siya nun. ―Patingin nga..‖ tinanggal niya yung shades niya tapos nakita ko naman yung malaki niyang pasa. ―Wala yan.‖ tumingin lang ako sa kanya. Grabe, sobrang naaawa ako talaga. ―Alam kong hindi si Kit ang may gawa niyan..‖ mukhang nagulat pa siya sa akin nun dahil nanlaki yung mata niya. ―Care to share?‖ ―Wala lang talaga ito. Sanay na ako so it‘s not new for me.‖ aalis na sana siya nun kaso pinigilan ko siya. ―Hindi normal ang mabugbog Omar.‖ mukhang nainis pa siya sa akin nun kasi napabuntong hininga siya. ―It‘s my dad okay? Hobby niya ang saktan ako kapag naiinis siya. Don‘t worry, I‘m used to it.‖ ―Pero Omar...‖ ―WhaT?! What do you want me to do? Cry?! Ha! Hindi ako ganoon Andy.‖ napayuko lang ako nun. Hindi ko naman business yun eh. bakit ba ako nakikielam? Dakilang pakielamera ka talaga Andy kahit kelan. Nagulat naman ako bigla kasi yumakap siya sa akin. ―Sometimes you just have to learn how to bear with the pain.‖ ―Omar...‖ ―Pero minsan…‖

―…you also have to learn how to let it out.‖ at pagkatapos nun eh dahan dahan kong naramdaman ang pagtulo ng luha niya sa may balikat ko.

Chapter 54

Sinamahan ko si Omar nung mga sumunod na araw. Feeling ko kasi may obligation ako sa kanya as a friend eh. lalo na ngayon na magkaaway sila ni Kit. Ayos lang naman sa barkada as long as kasama parin sila. Start na ng practice ng para sa sports fest. That includes pilian ng games at syempre, pag gawa ng cheer. As usual, yung class A ang gagawa kasi sila naman talaga ang expected na maglead sa amin. May iba nga na umaapila kung bakit sila nalang parati, pero syempre, isipin rin naman nila, kaya ba nilang gumawa ng cheer? Syempre diba mahirap yun. Kahit masakit man aminin eh hindi ganoon kadali para sa isang ordinaryong studyante tulad namin ang magcreate ng cheer. Just let the smart ones do that for us. Magulo nung nagpilian na ng games. May iba kasi na nageexceed ng number of players tapos may iba naman kulang. Pasaway kasi yung iba eh. meron pa na sobrang arte pa. Namely, Pau and Keri. Gusto kasi nila yung sport na hindi makaksira sa ―nail polish‖ nila. Asus, sana hindi nalang sila sumali sa sports fest kung ganoon. Maaga akong natapos sa pagsign up sa game na gusto ko. Basketball ang pinili ko dahil next to volleyball yun ang favorite ko. Ewan ko ba, gusto ko kasi yung mga sports na talagang mapapagod ka. ―Andy, tapos ka na?‖ ―Yep. Ikaw?‖ ―Nope. Hindi pa ako makapili eh. Asar naman kasi yung rule sa mga varsity players eh.‖ ―Ano ka ba, ayos lang yan no. para fair din naman sa ibang batch.‖ ―I think it‘s stupid. Bakit ang school pwede mong irepresent pero sarili mong batch hindi pwede?‖ hay nako, ayan na naman po ang kanyang pagrereason out. Mahilig yan sa ganyan eh. lalo na kung sa tingin niya eh tama siya. Ako naman, parating nababara lang. Hmf, madaya. ―Sige una na ako. Hahanap muna ako ng

decent game para sa akin.‖ At ayun, umalis na siya. Yung iba ko namang mga kabarkada eh namimili parin kaya ako eh natirang nag-iisa na naman. Hay. ―Yo.‖ sabi sa akin ni Omar with matching pat sa ulo. Ano ako aso? ―Tapos ka na?‖ ―Oo. Ikaw?‖ tumango lang ako nun. ―Tara, kain tayo.‖ Nagpaalam naman ako sa kabarkada ko na mauuna na kami sa canteen. Dumiretso naman kami agad dun at kumuha ng table tapos eh bumili na kami ng makakain. Mukhang diet nga itong si Omar kasi sandwich lang yung binili niya. Ako naman eh nagrice ako kasi nagutom ako. Wow, baliktad? Umupo na kami kaagad sa table at nagsimula na kumain. Syempre, hindi mawawala yung pakikipagkwentuhan dun. These past few days, parang ako yung naging takbuhan ni Omar. Kapag may problem siya sa bahay eh sakin niya sinasabi. Kaya naman mas lalo akong nagkaroon ng obligasyon na tulungan siya. ―Nakausap mo na ba yung dad mo?‖ ―What for? Hindi naman siya makikinig eh.‖ ―Wag ka ngang bitter. Kahit ilang beses kang saktan niyan eh dad mo parin siya at anak ka parin niya. So kahit konti man lang eh paniguradong may paki siya sa iyo.‖ sabi ko kaso siya eh umiling iling lang. ―Ayoko nang umasa.‖ and after that, hindi na namin pinag-usapan pa yung topic na yun. Alam ko kasing magiging sobrang awkward na eh. Dumating narin naman yung barkada at ayun, nagkuwentuhan tungkol sa mga sinalihan namin. Si Cheeky at Cheska, dahil hindi sila kasama sa mga sportsinclined people, eh sumali lang sa chess at darts. Yun lang daw kasi ang pinakamadaling pwedeng gawin eh. hindi pa sila magpapagod. Si Marla naman eh sumali ng volleyball. Magaling yan. Tinuruan ko kasi eh. Wahaha, joke lang. magaling talaga yan. At kaya hindi siya sumasali sa varsity eh dahil gusto niyang irepresent yung batch namin. Si Stephen naman eh sumali sa street soccer. Magkasama pala sila ni Vince dun. After ng lunch break eh nagmeet yung batch namin. Pinag-usapan na yung tungkol sa name ng batch, yung design ng shirt at syempre, pinagmeet narin yung mga magkakasama sa mga games.

―Dapat champion ulit tayo ah??‖ ―oo nga! We have to defend our title. Sayang ang 3 years straight win natin kung matatalo tayo this year.‖ Yes, totoo yan. 3 years na kaming nagchampion. Nakakagulat nga eh kasi nung first year, mga baguhan palang kami, eh natalo namin yung seniors. Yun ang pinakamasayang accomplishment ng batch namin nung 1st year. Pagtapos naming magmeet at mag-usap usap eh tumambay nalang ako sa isang tabi at nagbasa nalang. ―Hi Andy.‖ Tumingala naman ako mula sa pagbabasa ko tapos ngumiti sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko. ―Hello.‖ ―Ano yan?‖ ―Ito? The five people you meet in heaven..‖ sabi ko tapos binigay ko sa kanya yung book. ―Maganda ba ito?‖ ―Sabi nila oo. Hindi pa ako sure kasi hindi ko pa natatapos.‖ ―Okay. Sabihin mo nalang kung maganda kung tapos mo na okay?‖ ngumiti lang ako sa kanya. Inabot niya sa akin yung book tapos tinago ko naman. ―Bakit hindi mo kasama si Kit?‖ ―Kasama kasi siya dun sa nag-aayos ng mga players eh.‖ ―Ahh, ganun ba?‖ ngumiti lang siya nun. ―Speaking of Kit, gusto ko lang sana itanong...‖ mukhang naghesitate pa siyang sabihin pero nalabas rin niya. ―Are you two…uhm…engaged na?‖ Napatingin lang ako sa kanya. Nahiya akong sabihin na oo kasi alam kong malulungkot siya. Asar ka talaga Andy. Ano gagawin mo ngayon niyan? ―Uhmm..‖ lumungkot yung mukha niya nun tapos mas lalo naman akong naguilty. Narinig ko siyang nag sniff tapos sunod ko nalang nalaman eh umiiyak na siya. ―Kat..‖

―Don‘t worry about me. Ayos lang ako.‖ tumayo na siya nun tapos nagpunas ng luha. ―G-Good luck sa inyo ni Kit.‖ then she left. Gusto ko sana siyang sundan pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya. Nahiya talaga ako sobra. Feeling ko ang sama sama kong tao. Bakit ko ba siya pinaasa na gagawin kong lahat para lang mapalapit sila ni Kit? Great. Now you lost one friend. Ang galing mo talaga Andy. Naging gloomy yung mood ko nung hapon kasi sobrang nabother ako sa nangyari. Hindi ko na nga masyadong napapansin yung mga nangyayari sa paligid ko eh. buong hapon eh tulala lang ako at sobrang nagsisisi sa nagawa ko kay Kat. ―Pwede ka bang makausap?‖ nagulat ako at napatingala. Kelan pa nakatayo si Kit sa harap ko? Napatingin naman ako sa paligid ko. Whoa, kami nalang yung tao? Gulay naman oh. ―Er..‖ ―Please?‖ Medyo naawa naman ako nun kaya tumango nalang ako. Sumama naman ako sa kanya paakyat ng school rooftop. Kung bakit niya pinili yung rooftop? Dun daw kasi yung place na walang makakaabala sa amin. Tahimik lang kami nun. Hindi naman ako masyadong makatingin at makasalita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa totoo lang kasi, hiyang hiya ako sa mga ginawa ko these past few days. Ayan kasi Andy, gumagawa ng kilos ng hindi man lang nag-iisip. Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin at lumapit. Napausog pa nga ako eh kaso railings na yung natamaan ko kaya wala akong takas. ―Andy.‖ Napatingin ako sa kanya at halata mong gulung gulo na yung isipan niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at niyugyog ako pero wala parin akong imik. ―naguguluhan na ako.‖ tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at ikinagulat ko ang nakita ko. Nasasaktan siya. ―Bakit ka pa pumayag na matuloy ang arranged marriage kung ipagtutulakan mo rin pala ako kay Kat?! Ano ba talaga?!‖ Pinikit ko yung mga mata ko tapos nagbuntong hininga. It‘s time to tell the reason

why. ―Pumayag ako hindi dahil sa gusto ko pero dahil sa kelangan ko.‖ kumunot yung noo niya nun at napabitaw bigla. Tinake ko naman yung opportunity na iyon para lumayo ng konti dahil sobrang lapit namin sa isa‘t isa. Nakakailang kasi. ―Hindi ko maintindihan.‖ Tumalikod ako sa kanya tapos tumingin sa may kalangitan. ―Kaya lang ako pumayag na matuloy iyon dahil kay Myka.‖ Narinig ko siyang parang natawa pero halata mong sarcastic at pilit. ―Ano na naman kinalaman niya dito?‖ Humarap ako sa kanya at tumingin ng seryoso. ―Lahat.‖ Natigilan siya nun at kumunot na naman yung noo niya. ―Dahil siya lang ang natatanging dahilan kung bakit ako pumayag na matuloy ang arranged marriage na ito.‖ ―Paano…‖

Flashback “Basta Andy…maiintindihan mo rin balang araw. Basta yun lang ang hiling ko sa iyo. Ipangako mo sa akin yan okay? Saka kung pwede sana…” lumapit naman siya sa akin nun tapos may binulong at nanlaki yung mata ko. “…ipagpatuloy niyo ang arranged marriage niyo ni Kit. Wag kang aayaw Andy, hayaan mong siya ang magsabi na ayaw na niya. Sa nakikita ko kasi ngayon, sigurado akong may gusto na talaga siya sa iyo at ayoko namang masaktan siyang ulit.” “Pero Myka!” “Please…” End of Flashback ―Naiintindihan mo na ba?‖ tumalikod ako sa kanya. May parte kasi sa akin na nahihiya dahil sa ginawa ko. Naramdaman kong naglakad na siya pero hindi ko nilingon. Ang mga sumunod na nangyari eh nakarinig ako ng malakas na kalabog ng pagsara ng pinto, at dahan dahang tumulo ang mga luha ko. Tumingin ako sa langit at napaisip. Yun ba talaga ang dahilan ko? O baka naman…

…ginagamit ko lang iyon para itago ang tunay na nararamdaman ko?

Chapter 55

To say na I didn‘t feel bad about what I did eh purong kasinungalingan lang. sa totoo pa nga niyan, sa hindi ko malamang dahilan eh ako pa yata yung sobrang nasaktan. Pag-uwi ko tuloy ng bahay eh para akong namatayan. Sobrang lungkot ko at wala akong gana na makipag-usap sa kahit na sinuman. Feeling ko tuloy pasan ko na ang buong mundo. Diretso lang ako sa kwarto ko tapos inaliw ko nalang yung sarili ko sa paggamit ng computer. Hindi ako nag-online sa ym dahil baka nandoon si mr. cuteboi. Ayan Andy, diyan ka magaling. Sa pagtakas. You can‟t always run away Andy. Tandaan mo yan. Sooner or later, you‟d have to face your problems. Huminga lang ako ng malalim tapos umalis sa harap ng pc at humiga sa kama. Hay, bakit ba kasi naging ganito kahirap yung buhay ko eh? *****

Nung mga sumunod na araw, hindi ko na kelangan gumawa ng effort para iwasan si Kit dahil SIYA na mismo ang UMIIWAS sa akin. Ayos narin sa akin yun dahil mas madadalian ang buhay ko. May be it‘s time na nga para KALIMUTAN siya. Todo practice ng mga batch nung preparation week namin. Kaming players eh todo ang training. Syempre, seniors na, we have to give our best kasi last year na namin ito. ―Tapos na practice niyo?‖ ―Yeah, kapagod nga eh.‖ tumabi naman si Vince sa akin habang nag-aayos ako ng gamit ko. ―Kayo? Wala kayong practice?‖ Umiling lang siya nun. Nung matapos akong mag-ayos eh tinulungan na niya ako sa pagdala ng gamit ko. Hay, bakit hindi nalang si Vince yung nagustuhan mo? Tignan mo naman, perfect gentleman. Hindi ka pa inaaway or dinadown. ―Saan pala sila?‖

―Nasa bahay namin.‖ wahah, ang galing naman nun. Biruin niyo, nauna pa ang bisita sa may-ari ng bahay. Saan ka pa? Hindi ako nakapunta sa bahay nila kasi diba nga, grounded parin ako. Mga next week pa yata matatapos yun or something. Basta, sasabihin naman nila eh. Pagkauwi ko eh sa kwarto ko lang ako nagstay. Nagcomputer naman ako kasi feeling ko eh aamagin na ako sa sobrang boring at walang magawa. Pagkaonline ko naman eh sakto, andoon si Mr. cuteboi. <BUZZ!> sassygirl: kelan po kta mkikilala? <i>Cuteboi: soon andy, really soon.</i> At pagkatapos nun eh umalis na siya. Wow, nice naman. Hindi rin namang halata na iniiwasan niya ako. Ayun, wala na naman akong magawa kaya nagfriendster nalang muna ako. Inayos ko yung profile ko at nagview narin ng mga profile ng iba. Nung mga 6 naman eh biglang pumasok si mama sa kwarto. Mag-ayos daw ako dahil may pupuntahan. No choice ako kasi kelangan daw kasama ako kaya ayun. Nagbihis naman ako ng simpleng shirt saka shorts na hanggang tuhod. Mga quarter to 7 nun nung makaalis kami ng bahay. ―Saan po ba tayo pupunta?‖ ―ininvite kasi tayo ni Tita Kris for dinner kaya yan. Since wala naman kayong masyadong ginagawa sa school eh inaccept ko naman.‖ Natahimik lang ako. Wrong move ma. If only alam niya ang nangyayari sa amin ngayon ni Kit. If only talaga. Hindi na ako nagsalita pa dahil sobrang nag-aalala ako para mamaya. Anong magiging kilos ko? Anong magiging kilos niya? Magpapansinan ba kami? ARGH! Huminto na yung kotse tapos bumaba na kami. Dun pala ulit kami sa pinagkainan namin nung unang magharap yung pamilya namin at pormal kaming pinakilala sa isa‘t isa ni Kit. ―Hoy Andy, mag-ayos ka naman. Tignan mo yung mukha mo oh, para kang fountain sa dami ng pawis mo.‖ tinignan ko lang siya ng masama at pinunasan naman yung pawis ko. Bakit, masisisi ko ba sarili ko kung talagang sobrang kabado ako ngayon? Pumunta na kami sa elevator tapos naghintay na bumukas yun. ―Oy Herc, bakit

ba parati mo nang dala yang gameboy mo?‖ ―Ano bang paki mo Ate? Espesyal sa akin to okay?‖ ―ganoon ba? Oh siya, pakasalan mo na.‖ Ginulo ko yung buhok niya nun tapos tinignan niya ako ng masama. Dumila lang siya sa akin tapos ako eh lalo pang ginulo yung buhok niya. ―Ano ba ate! Matagal kong inayos yan!‖ natawa naman ako. Nax, kelan pa nagayos itong lalaking ito? ―Talaga? Nax naman, ang aking kapatid nakahanap na ng suklay.‖ nagkunwari akong inobserve yung buhok niya mula unahan hanggang likod tapos nagcross arms ako. ―Alam mo, mukha kasing walang pinagbago eh. mukha paring toothbrush na pinag-iwanan na ng panahon.‖ ―Ma si Ate oh!!‖ ―Andy naman, wag mo ngang kantyawan yang kapatid mo. Kita mo na ngang napakacute niya ngayon eh? Naku, ang baby ko nagbibinata na.‖ sabi naman ni mama at biglang inakbayan si Herc. Lalo naman akong natawa kasi yung mukha niya hindi mo maipinta. Parang nandidiri na hindi mo maintindihan. ―Oo nga, mukhang nagbibinata na ang Hercy Werky Snoogums Boogums Sweetie Pumpkin Pie natin.‖ at lalong umasim yung mukha niya. Sa sobrang inis nga niya eh hindi na siya namansin at naglaro nalang ng gameboy. *DING* Pagkalabas namin ng elevator eh ginreet naman kami kaagad ni Tito Oliver. Mukhang nagpapahangin siya nun kaya wala siya sa loob. Agad namang lumapit sa kanya si Papa tapos nagkausap narin sila. Kami naman eh diretso lang sa pagpasok sa loob. Sa malayo palang eh tanaw ko na kaagad si Kit at mukhang busy siya sa katetext. Ayos lang, siguro nga ako rin dapat aliwin muna ang sarili ko. Bumati kami kay Tita at syempre kay Ate Karla. Sa loob ko naman eh binati ko rin si Kleo. Si Kit nga lang siguro ang hindi ko binati eh, ayos lang, siya rin naman eh. ―Oh Andy, kamusta naman ang pakikitungo sayo ni Kit ngayong hindi na kayo nakatira sa iisang bahay? Ganoon parin ba?‖ Napatingin lang ako kay tita nun. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang oo o hindi. ―Ahm, ayos lang po.‖ yun, medyo safe answer.

Ngumiti lang siya sa akin tapos ako eh bumalik na sa katetext. Halos hinalungkat ko buong phonebook ko para lang makahanap ng katext kaso nga lang ni isa eh kung hindi nagrereply eh busy at may ginagawa. Sana tuloy hindi na grounded si Omar para at least may ―advicer‖ ako sa mga gagawin ko. ―Andy, pwede kang makausap?‖ napatingin naman ako kay Ate Karla tapos tumango. Mahina lang yung pagkakasabi niya nun kaya walang nakarinig maliban lang sa akin. Tumayo naman ako at dumiretso sa banyo tapos siya eh nakasunod lang sa akin. Pagpasok namin dun eh napalean ako sa wall. Oh gosh, nahahawa na ako. ―Anu yun?‖ ―Uhm..may problema ba kayo ni Kit?‖ ―Er..problema? Wala naman. Bakit?‖ Liar. ―Lately kasi eh parang ang lungkot niya. Hindi siya masyadong nagsasalita at kung hindi dahil pipilitin siyang bumaba nina mama eh hindi siya lalabas ng kwarto.‖ ―Uhmm..bakit naman ako yung tinatanong mo? Bakit hindi po si Kat? Siya naman po kasi usually na kasama niya.‖ tumingin sa akin si Ate Karla na para bang gulat sa sinabi ko. ―I know my brother. Sabihin mo mang bihira siya magshare sa akin eh kilala ko siya enough to know na hindi si Kat ang magiging dahilan ng problem niya ngayon.‖ Napatingin lang ako sa kanya nun at napaisip. Kung hindi si Kat, sino? Wag mong sabihin ako yun dahil parang…parang imposible. at bakit naman yun magiging imposible? Kasi…kasi… ―Pag-isipan mo yan Andy.‖ sabi niya bago siya lumabas ng banyo. Ako naman eh naiwan lang dun, gulung gulo ang isip. Ilang minuto rin siguro akong tumambay dun bago bumalik. Akala nga ni Ate Cass eh nagnumber 2 ako. Yuck, as if naman. Buong dinner eh hindi kami nag-usap ni Kit. Actually, hindi siya nagsasalita kahit sino ang kumausap sa kanya. Ang gagawin lang niya eh tatango o iiling. Tapos kapag iba yung tanong eh magshshrug lang siya. Ang ayos rin niyang kausap no? Feeling ko nga napansin na ng parents namin yung tension eh, hindi lang

sila nagsasalita. Mga gabi narin siguro nung makauwi kami. Pagod nga ako nun, hindi, inaantok na pala. Kaya nga ba pagdating namin sa bahay eh hindi na ako nakapagpalit at knockout kaagad ako nung humiga ako. *****

―Welcome everyone to the annual sports fest!‖ Nagcheer ang lahat matapos magsalita nung emcee namin. Sobrang taas nga ng energy ng mga tao eh. halata mong lahat eh excited maglaro ng favorites sport nila, o di naman kaya eh gumala gala lang sa grounds. Free time lang kasi kami kapag sports fest maliban nalang kung may laro ka. ―Tignan mo yun oh. Grabe, ang lalandi‖ sabay turo ni cheeky dun sa dalawa sa cheerdancers. Namely, Keri and Pau. Totoo naman yung sinabi niya na malalandi, suot palang nila eh halos makita na buong kaluluwa nila. Minsan tuloy gusto kong tanungin kung nagkaroon ba sila ng ―talk‖ with their moms about being conservative. ―I can‘t believe na they‘re actually representing our batch. Tss.‖ napatingin lang ako kay Cheska. Halata mo na naasar siya. Dapat kasi kasama siya diyan, kaso nga lang, kasama na siya sa varsity ng cheerdance na nagrerepresent ng school so bawal na siya. Just like all the other varsity players. ―Oh, easy lang sis. Wag masyadong hot.‖ Hindi na kami masyado nakinig sa program. Pareho lang naman kasi yun every year eh. may lighting of the torch tapos passing ng bola sa mga team captains. Hay, wala talagang pinagbago. After naman nun eh binigyan kami ng 10 minute break bago mag-officially start lahat ng games. Kumain naman kami nun at syempre, namili na ng mga tubig. ―Ei Andy, ano time ba yung game mo?‖ ―Ahm…mga 11 pa eh. Bakit?‖ ―Wala, check lang kung may game kami nun. Sad to say, meron.‖ Napasimangot lang ako nun pero inintindi ko naman. Hayaan mo na yun. Hindi naman nila kasalanan na hindi sila makakapunta eh. Mga 5 minutes siguro nun nang tawagin ako ng team captain namin. May

kelangan daw kasi kaming asikasuhin tungkol sa line up. May problema daw kasi nag-absent yung isa. Hay naku, pasaway. Ayun tuloy, may isang quarter na 4 lang players. Makayanan kayA? Kaya yan! Hindi rin naman natagalan pa ang paghihintay namin. Natapos ng mas maaga yung game sa amin at kami na yung sumunod. Medyo kinabahan ako kasi may rumors daw na gumaling ang 3rd year. You can never underestimate your opponent. Yan ang natutunan ko these past few years. ―Wag maging overconfident guys. Just remember, do our best. Wag kakalimutan yung mga pinractice natin at lalong lalo na, wag magyabang. Game? Seniors on 3…1…2..‖ ―SENIORS!‖ Nakarinig kami ng matinding cheer mula sa audience. Hindi ko inexpect na marami palang manonood. Nagbuzzer na tapos nun pumwesto na kami. Yung center ng both team eh andoon na sa jump ball line and then pumito yung referee. Let the games begin.

Chapter 56

―Yo, winner.‖ nakangiti akong naglakad papunta kay Omar tapos nung nakatayo na ako sa harap niya eh naghigh five kami. Yep, nanalo kami sa first game. Muntik muntikan na nga kaming mabadtrip kasi yung batch ng 2nd year eh sobra kung mang foul. Halata mo talagang sinasadya. ―Musta yung game niyo?‖ soccer ang game ni Omar. Kasama niya dun sina Stephen. ―Talo eh. Magaling yung juniors. Maliliksi sila.‖ ―Di bale, bawi nalang sa next game.‖ at ayun, dumiretso na kami ng canteen para kumain. Wala na akong game ngayong araw na ito kaya libre na akong pumunta sa ibang games. Pagtapos naman namin kumain ni Omar eh dun kami sa may waterpolo event. Dun lang kasi malamig eh. Siyempre, sa swimming pool yun eh. Nagcheer naman kami dun at luckily, panalo yung boys namin. Wish talaga namin

this year eh hakutin lahat ng 1st place. Kasi naman diba, last year nalang namin so yun nalang ang pwede naming maiwan na memory sa school nito galing sa batch namin. Pagtapos namin dun eh diretso kami sa soccer field. Walang seniors na naglalaro kaya umalis naman kami kaagad. Ang bagsak namin? Sa volleyball court. Pagdating namin dun eh nagulat pa ako. Si Kit pala marunong magvolleyball? Wow, unexpected yun ah. ―Andy!‖ Napatingin kami sa side ni Kat tapos dun na umupo. ―Sino leading?‖ ―AS of now, tayo. Magagaling yung Sophies. Biruin mo, halos isang minuto bago makascore ang isang side.‖ wow, ang galing naman. Palaban ang sophies ah. Natapos yung second set tapos kami panalo. Sa third set talaga magkakaalaman kung sino mananalo. Napansin ko naman yung sinabi ni Kat na magaling yung mga sophies. Sobrang tagal talaga bago makascore ang isang side. Minsan pa eh dahil sa error lang nakakascore kaya ayun. ―Oh, san ka pupunta?‖ ―Bili lang ako ng inumin.‖ sabi ko tapos tumayo na ako mula sa kinauupuan namin. Sobrang hirap maglakad nun kasi may mga taong nakaupo sa baba namin. Parang bleachers kasi yung pwesto ng kinauupuan namin kaya ayun. Dahil narin siguro sa busy ako sa pagcheck kung madadapa na ba ako o hindi na hindi ko na napansin na may bola palang parating sa akin. Nakarinig lang ako ng.. ―Andy ilag!‖ …and then I blacked out. *****

Medyo masakit yung ulo ko nung magising ako at puro puti pa nakita ko. Umikot nga yung paningin ko nun at feeling ko tuloy yung 4 na taong nakabantay sa akin eh naging walo.

―Buti naman at gising ka na!‖ Napatingin lang ako kay Cheeky tapos halata mong gumaan yung loob niya. Mukhang nag-alala sila ah. ―Ano bang nangyari?‖ ―Ang alam ko lang eh naglalakad ako pababa ng bleachers tapos nun eh may tumama sa akin.‖ Tumingin pa ako dun sa dalawang tao na kasama namin. Mukhang busy sila sa pag-uusap kaya hindi na ako nagbother na makiextra sa KANILA. ―Sino panalo?‖ ―Yung sophies. Ito kasing si Kit umalis kaagad eh.‖ Ngek, tungaw ba siya? Pero syempre, hindi na ako nagsalita. Feeling ko magkakailangan lang eh. ―Andy. Una na ako, may game pa kasi ako eh.‖ ―Kami rin, baka magtampo sa akin si Stephen. May game kasi sila. Bye Andy.‖At tapos nun eh lumabas na sila. Pumikit naman ako kaagad nun para magpahinga. Nagulat naman ako bigla ng may gumalaw at umupo sa tabi ko. Paglingon ko, SIYA pala. Hindi pa pala siya umaalis. ―Hindi ka manonood sa game ni Kat?‖ tanong ko sa kanya tapos umiling lang siya. Talagang wala siyang balak na kausapin ako no? bahala siya. ―Paabot nun…‖ Sabi ko sa kanya sabay turo dun sa Cany magazine sa may table. Might as well do something kesa naman sa mabingi sa katahimikan no? Nagflip lang ako dun sa mag. Hindi ko siya masyadong binasa kasi may issue na ako na ganoon at matagal ko na siyang nabasa. Luma narin kasi yun eh. mga last year pa siguro siya nilabas. Hindi ko masyadong pinahalata naman pero tumitingin tingin ako sa kanya. Kung wala rin pala siyang gagawin dito eh bakit pa siya nagstay? Pwede naman siya dun sa mga naglalaro at magcheer nalang diba? ―Anong oras na?‖ ha! Hindi niya maiiwasan magsalita nito. Tumingin lang siya sa akin tapos tinuro yung wall clock sa harapan ko. Darn! Labing limang minuto ang lumipas, wala paring nagsasalita. Feeling ko

mapapanis na laway namin sa katahimikan eh. ―Babalik pa kaya sina Marla?‖ Nagshrug lang siya. Another 15 minutes… ―Hindi ka ba nagugutom?‖ Umiling lang siya. And then another 15 minutes… ―Wala ka ba talagang balak kausapin ako??‖ Umiling lang siya ulit. Argh! Nakakaimbyerna na siya ah! Ano bang problema nitong ugok na ito!? Kinuha ko nalang ulit yung magazine tapos nagbasa basa nalang. Siya naman eh tumayo bigla tapos naglakad papaalis. Siguro siya rin eh nabore na kaya aalis na siya. Kinuha ko naman yung phone ko mula sa pocket ko tapos nagtext kina Vince. Sabi ko sa kanila magdala sila ng pagkain kasi nagugutom ako. Nagreply naman na ang kapal ko daw. Pero syempre, hindi rin nila ako matitiis niyan at bibilhan rin nila ako no. Ako pa? Habang naghihintay naman eh naglaro lang ako sa phone ko. Dahil medyo pinalad naman ako ng kaunti at hindi lang ‗snake‘ ang nasa phone ko eh naglaro ako ng ‗bounce‘ o diba? At least yun colored. Medyo nairita pa nga ako nun kasi madalas akong natutusok eh. buti at hindi pa ako napapasigaw kasi kapag concentrate na concentrate talaga ako eh madalas ganoon nangyayari kapag nadededz ako. Natigilan naman ako sa paglalaro nung biglang may nagtext sa akin. Sina Vince. Tinatanong kung anong pagkain ang gusto ko. Sabi ko naman, kahit simpleng chicken burger lang okay na. At ayun, balik naman ako sa paglalaro ko. Si Kit? Ayun, naagnas na. Hindi, joke lang. ayun, nakatulog yata kasi nakalean yung ulo niya sa wall tapos nakayuko pa. Lumapit naman ako ng kaunti sa kanya tapos nun tinignan kung natutulog ba talaga siya. Hindi ko nga masyado kita kasi sobrang yuko talaga kaya kelangan mula sa baba ko tignan. Inayos ko naman yung pagkakaupo ko nun tapos sinilip yung mukha niya. ―Anong sinisilip silip mo diyan?‖

Napausog naman ako at tumama pa yung likod ko sa kama. ―wag ka ngang manggulat!‖ Tinulungan niya akong tumayo tapos humiga ulit ako sa may kama. Bwisit talaga itong lalaking ito. ―Then don‘t sneak up on people.‖ Tinignan ko lang siya ng masama tapos nirub yung likod ko. Grabe, sa may bakal talaga siya tumama. Ang sakit naman! ―Masakit ba?‖ ―Ay hinde! Sobrang sarap ngang tumama yung likod sa BAKAL na supporter ng kama eh!!‖ Tinignan lang niya ako nun tapos humawak siya sa likod ko. Nagulat pa nga ako ng bigla niya akong minasahe. Grabe…may something talaga sa mga kamay nitong lokong to at napakagaling niyang magmasahe. After niya gawin yun eh medyo umayos naman yung likod ko. Hindi na siya masyadong masakit, medyo lang. at ayun, balik to walang usapan mode na naman kami. ―Gutom ka na?‖ napatingin naman ako sa kanya. Aba, himala yata. ―Medyo pero papunta na sina Vince. Binilhan na nila ako ng food.‖ Tumango lang siya. Ay, nakalimutan ko pala na pabilhan si Kit. Kinuha ko yung phone ko nun tapos nagtext na bilhan rin nila si Kit. Pagkatago ko naman sa phone ko eh bigla akong napausog kasi si Kit sobrang lapit sa akin. ―Kit ang lapit mo..‖ ―So?‖ ―Nakakailang..‖ Pero hindi siya tumigil sa paglapit hanggang sa tumama na yung likod ko sa may wall. Shems, wala na akong takas nito. Ano bang binabalak nitong lalaking ito?! ―Napag-isip isip ko..‖ ―A-Ano yun?‖ ―Yung tungkol sa sinabi mo sa akin...‖

Grabe sobrang awkward na talaga ng position namin! Oh earth, lamunin mo na ako please! Sana may pumasok. Sana may lindol! Anything! Basta magkalayo lang kami ni Kit. ―A-anong meron d-dun?‖ at lalo pa siyang lumapit sa akin. Sobrang konting inches nalang yung pagitan naming dalawa. Ano bang binabalak nito?! ―Nakapagdecide na ako na...‖ Tumigil siya saglit tapos tumingin lang ng diretso sa akin. Feeling ko sobrang namumula na ako to the point na mukha na akong gitna ng siopao, worse mukha akong hinog na mansanas. ―I---‖

―Ikaw Andy ah! Hindi mo naman pala kelangan ng pagkain eh! Mukhang busog ka na diyan sa meal mo eh.‖ okay, I wished for anything. Pero sana anything but that! Chapter 57

Hindi ako tinigilan sa pang-aasar nina Marla kahit na makaalis na si Kit nun. Kesyo may ―food‖ na daw ako at sinayang ko lang daw yung pera nila sa pagpapabili ng chicken burger. Mga 4 siguro nung hindi na ako nahilo at lumabas na ako ng clinic. Diretso uwi naman ako kaagad nun kasi syempre, baka kapag kung anong activity pa ang gawin ko eh mahilo ako bigla. Hindi rin madali ang matamaan sa ulo ng bola ng volleyball no. Lalo na yung kakaspike lang. Si Omar ang sumama sa akin nung papauwi na ako. Ayun, nag-usap usap lang kami tungkol sa games kanina na namiss ko. Grabe nga eh, nagulat ako kasi may mga games talaga na ang juniors yung nananalo tapos sophies. As in palaban

talaga sila eh. ―Sige, uwi ka na. Baka magtaka pa sila at hindi ka pa nakakauwi. You‘re still grounded right?‖ tumango lang siya nun tapos nagwave na paalis. Ako naman eh pumasok na sa loob ng bahay. ―Akala ko po grounded ako?‖ tanong ko kay mama kasi inaabot niya sa akin yung phone ko ngayon. ―gusto mo pa ba na grounded ka?‖ umiling lang ako nun tapos nagsmile at naghug kay mama. Tapos nun eh umakyat na ako. Ni-on ko naman yung phone ko pagdating ko sa taas. Sobrang daming messages nga yung pumasok eh. yung mga classmates ko na hindi alam na grounded ako at syempre, yung mga hindi ko pa nababasa na text ng barkada nung kasama ko pa si Omar sa pagrun away. *TEET TEET* *TEET TEET* Inopen ko naman kaagad yung new message. Nagulat ako kasi kay Kit siya galing.

Sender: Mr. SC President Message: Galit ka parin ba?

Ano bang sasabihin ko? Hindi naman ako galit. Hindi ko siya nireplyan. Bahala nalang siya kung ano yung gusto niyang isipin. Nagtext naman siya ulit after nun.

Sender: Mr. SC President Message: If ur worried Bout da thng w/ Myka Ala na q paki dun

Nanlaki naman yung mata ko dun. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko ngayon. Sinasabi ba niya na wala siyang paki kung nagstay ako sa engagement na ito dahil kay Myka? What‘s that supposed to mean? In-off ko na ulit yung phone ko at humiga. Pagtapos nun, dahil narin sa pagod eh nakatulog na ako.

*****

2nd day ng Sports Fest. Gaya nung first, sobrang taas parin ng energy ng mga tao. Mas maraming new events ang magsisimula ngayon gaya ng ibang swimming competition. Yung mga 2 ball at 3 point shoot outs at syempre, ang cheerdance. Yung cheerdance yung pinakahihintay ng lahat. Ang sobrang kalaban kasi namin sa cheerdance eh yung sophies. Sobrang galing nila. Kung talent ang hinahanap mo, talent talaga ang meron sila. Nung 2nd year kasi kami eh nagchampion kami sa cheerdance. Pero last year eh natalo kami nung sophies ngayon. Grabe no? kaya nga ba ngayon eh gustong kunin ng batch namin yung trono. Harhar! ―Andy, andoon na sila sa gym. Magsisimula na yung cheerdance competition.‖ Tumango lang ako kay Vince tapos kinuha ko na yung wallet ko. Pagdating naman namin dun eh ang ingay. Biruin mo, hindi pa nagsisimula yung competition ah. Paano pa kaya kung magstart na? ―May we request everyone to please keep quiet, we are about to begin. ― Sumunod naman yung mga tao tapos nun eh nagstart na. Syempre, the usual prayer, lupang hinirang, at yung opening remarks. ―And now, without any further ado, let‘s all welcome, the freshmen!‖ Hiyawan yung mga freshmen tapos pumasok na yung cheerdancers nila. Ayos lang naman yung performance nila. Tamang tama lang para sa mga unang sabak sa cheerdance. Sumunod naman na nagpresent eh yung Juniors. Marami ngang namangha na lower year kasi may stunts pa silang nalalaman. Pero hindi naman sa pagyayabang pero…mas magaling yung amin. Napanood ko na kasi dati eh, sobra talagang galing. Akala mo professional cheerdancers. Natapos yung juniors at next na yung pinakahihintay na sophies. Sobrang daming nagcheer, ay hindi pala. SOBRANG lakas ng cheers para sa kanila.

Kaming mga seniors naman eh pumalakpak lang rin. To say na hindi sila magaling would be lie. Magaling talaga sila, inaadmit namin yun. Gusto lang namin i-prove na, MAS magaling kami. Natapos sila tapos kami naman. Kung malakas na yung pag cheer nung sophies yung nagperform, well…MAS malakas yung sa amin. Todo tili talaga kaming lahat. ―GO SENIORS!!!!‖ At ayun, nagstart na. Grabe nga eh. intro palang, pamatay na. Tadtad sa stunts, headstands, head spin…basta kung anu ano pa! nakakatuwa nga sa first part eh kasi yung style pa nila eh parang nagstreetdance lang pero pagtapos nun eh naging seryoso na. Wow talaga. ―You may now proceed to your respective games.‖ Hindi parin mawala yung amazement namin kahit na tapos na yung competition. Sa last day pa i-aannounce yung winners kaya mas lalong nakakakaba. ―Andy tara, panoorin natin yung laban ng Juniors.‖ Nagpaalam naman na ako sa friends ko nun tapos diretso kami nung kasama ko sa basketball court. Pagdating namin nun eh napanganga kami sa pagkamangha. Yung 3rd year na nakalaban namin kahapon eh tambak. SOBRANG TAMBAK. To think na nahirapan talaga kami nun kahapon ah. You wanna know the score? 45-2 in favor of the 2nd year. ―Gosh, anong nangyayari sa kanila??‖ Habang pinapanood namin eh dumating naman yung captain namin. Nagulat rin siya nung makita niya yung score board. ―Para silang mga lalaki kung maglaro. They‘re good. No, they‘re GREAT.‖ Hanggang sa matapos yung game eh nakanganga lang kami nun sa galing ng 2nd year. Ang score? 60-4. Grabe talaga. Natakot tuloy ako bigla. Sobrang nagimprove yung skills nila sa paglalaro. Pagkababa naman namin mula sa court eh nakita ko kaagad si Omar na bumibili sa canteen kaya sumama nalang ako. Bumili naman ako ng rice kasi kelangan rin ng energy para mamaya. At syempre, hindi mawawala yung gatorade. Mga 3 nga binili ko eh, para reserve mamaya. For sure ubos yan dahil maraming makikiinom.

―Grabe, nakakapagod.‖ ―May game ba kayo kanina??‖ ―Wala.‖ ―Paano ka napagod??‖ ―Ako kasi yung pinakuha nila ng tubig eh.‖ nyak! Parang yun lang. Nakuwento ko naman sa kanya yung takot ko sa nakita naming laro kanina. Sabi naman niya… ―Sus yun?! Wala yun sa inyo! Kasali ka sa team niyo so walang dapat ipag-alala.‖ matutuwa na sana ako kaso nga lang he just had to open that big mouth of his. ―Ikaw pa, eh parang mas magaling ka pa nga yata maglaro kesa sa lalaki eh. Machong macho ang dating!‖ ―Sapak gusto mo?! Ang yabang mo talaga.‖ nagpeace sign naman siya nun tapos tinawanan ko lang siya. ―Oh Andy, andito pala kayo. Pwede makijoin?‖ Kayo rin. Andito rin pala. Hay, bakit, sa lahat pa ng pwedeng puntahan, bakit dito? ―Uhhh…yeah sure.‖ Tumingin lang sa akin si Omar nun. Para bang sinasabi na, ‗sure ka ba diyan?‘. Tumango lang ako sa kanya tapos nun sina Kit eh umupo na sa may table namin. ―Ano pala game mo Kat?‖ ―Game ko? Street Soccer.‖ ―Ahh..nice naman.‖ At ayun, nagkuwentuhan na kami ng kung anu ano pa. Si Kit, what do you expect? Hindi na naman nagsasalita. Parang hindi siya nagtext kagabi eh no? Well fault ko rin siguro kung bakit hindi siya nagsasalita. Baka akala niya galit pa ako sa kanya. Kahit hindi naman talaga ako nagalit. ―Grabe, excited na ako para dun sa Sports fest dance. Sa dati ko kasing school walang ganito.‖ hindi ko pala namention yung sports fest dance no?

Well simple lang yun. Dance siya na nagaganap sa pinakalast day ng sports fest. Kung baga, parang pagkatapos ng awarding eh magpaparty naman pagdating ng gabi. Parang, yun ang way nila para hindi na magkagalit galit yung mga students. Syempre, hindi mo maiiwasan kasi na hindi sumama ang loob diba? ―Oh? Bakit naman? It‘s nothing special. Parang yung normal dance lang siya eh.‖ napatingin lang sa akin si Kat na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo. ―Wag ka na magtaka Kat. Hindi naman girly itong si Andy eh so hindi niya talaga makikita yung point. Macho nga ito diba?‖ hinampas ko naman siya tapos tumawa lang sila ni Kat. Pagtapos namin kumain eh umalis na kami at nagseparate na. Sina Kat kasi pupunta sa may pool tapos kami naman ni Omar eh dun sa game namin. Pagdating ko sa court eh andoon na yung captain namin. Nagpaalam naman na ako kay Omar tapos nun nakisali na sa warm up nila. ―Eto lang masasabi ko guys, hindi porket freshies yan eh dapat na tayo maging kampante. Remember, hindi pa natin sila nakikitang lumaban so wala pa tayong alam tungkol sa kaya nila. Basta, maglaro kayo na para bang pro ang kalaban niyo, okay?‖ tumango lang kami lahat tapos si captain eh nilagay na yung kamay niya sa gitna. ―Seniors on 3…1…2….‖ ―SENIORS!‖ Pumasok na yung first five, kasama ako dun tapos nagpuntahan na sa pwesto. Pagtapos nun eh nagstart na yung game. Kami unang nakakuha ng bola at nakascore kaagad. Things may be turning out well…

*****

―I think we overestimated them.‖ yun lang ang nasabi ko. Ang current score? 65-5. Ang problema nila? Lahat sila masyadong atat makahawak ng bola. Nanalo kami sa huli. Umiyak pa nga yung iba eh pero hindi naman sila nagalit na natalo. That‘s what I call sportsmanship. ―Grabe, ang galing niyo talaga.‖ nakipaghigh five naman sa akin sina Vince at Stephen. Sina Cheeky eh nag thumbs up lang.

―Oo nga! Sobra! Next time nga laban kayo sa amin!‖ Binatukan ko naman si Stephen. Anong laban namin sa varsity boys?! Naunang umuwi yung barkada ko kesa sa akin. May iiwan kasi ako sa locker ko eh. Pagkabukas ko ng locker eh nagulat ako kasi may blue rose na nahulog. Pinulot ko naman kaagad yun tapos binasa yung nakadikit na note. Malapit mo na akong makilala. See you soon, Andy. -cuteboi Malapit na? Whoa, sa sports fest dance ko kaya siya makikilala? Sana naman. Iniwan ko na yung gamit ko tapos bumaba na. pagdating ko ng 2nd floor eh napatingin lang ako sa art room. Matagal rin pala akong hindi bumibisita dito no? Tumingin ako sa paligid ko tapos lumakad palapit ng pinto. It wouldn‘t hurt to peek right? Medyo open na yung pintuan nun kaya hindi na ako nagkaproblema. Pagbukas ko eh nanlaki yung mata ko sa nakita ko. Hindi dahil sa painting, it was something else. Or better yet, it was nothing. Because Mr. Artist… ..stopped painting.

Chapter 58

Pumasok ako tuluyan sa loob. Yung painting na nandoon eh yung painting pa na dati ko pang nakita. Medyo may alikabok na nga rin yun eh. halata mong matagal nang hindi binibisita itong room na ito. Ang pinagtataka ko lang, bakit? Anong nangyari sa kanya? “Lately kasi eh parang ang lungkot niya. Hindi siya masyadong nagsasalita at kung hindi dahil pipilitin siyang bumaba nina mama eh hindi siya lalabas ng

kwarto.” Tumingin ulit ako sa painting. Napabuntong hininga lang ako. What‘s happening? It‘s like TINKERBELL losing her GLOW. *****

―Andy...ikaw ba babae eh may susuotin na para mamaya?‖ Tumingin lang ako kay Cheeky at nagtaas ng kilay. ―Heller?! Dance na kaya mamaya!‖ ngumiti lang ako sa kanya. ―Tungaw, alam ko‖ Yep, that‘s right. Tapos na ang sports fest. Satisfied naman ako sa results kahit na may mga games kaming hindi napanalunan. Isa na dun ang basketball for girls. Big shocker nga para sa lahat eh. Marami ang nanghinayang, pero ang nakakagulat pa eh kaming players ang hindi nanghinayang. Why? Cause we had fun. Yung game namin with the sophies ang best game na naexperience ko nitong high school. They‘re worth it. Tama lang sa kanila na matawag na CHAMPIONS. Sa ibang larangan naman, cheerdance, kami ang panalo. Sobrang hiyawan kasi parang nakuha ulit namin yung title namin. Sa cheering? Ganun din, kami rin yung champs. Ang nakakagulat para sa iba eh nagsecond sa amin yung freshies. I admit, magaling sila. Akala pa nga namin nung una eh matatalo nila kami. So Ang overall ranking? 1st – Seniors 2nd – Sophies 3rd – Freshies (dahil sa cheering) 4th – Juniors (naglast kasi sila sa cheering) Ang pinakamalungkot lang talaga nitong sports fest eh yung juniors. Pero they didn‘t become bitter. Inaccept nila yung defeat and swore to be better next year. Yan ang tunay na sportsman. ―What‘s the big deal? Parang dance lang yun eh.‖ ―Andy, babae ka ba talagA?‖ tinignan ko lang siya ng masama tapos nun eh nagsalita na ulit siya. ―Alam ng lahat ng babae na ANY dance is not just SOME dance. Hindi mo ba alam na girls should always look at their best. Rule yun.‖

―Tss. That‘s stupid.‖ ―Basta Andy, magshoshopping tayo ngayon. Tara!‖ at ayun, pinaghihila ako nung dalawang shopaholic queens! Hay naku! Sasakit na naman ang paa ko nito eh! Pagdating namin sa mall eh maraming tao. Malamang, Friday eh. diretso naman kami sa may bench tapos naghanap na sila ng mga skirts dun. Casual dance lang naman siya so hindi kailangan ng gowns. ―Hoy! Bakit skirt hinahanap niyo? Pwede namang shorts o kaya pants diba?!‖ ―Shut up ka nalang Andy.‖ awts, nashut up tuloy ako. O siya, sige na nga. Hayaan na ang marunong na maglead. I just hope na ako parin ang Andy Ongpauco na pinalaki ng nanay ko after this shopping spree. After 1 hour… ―Gosh! Hindi pa ba kayo pagod? Ako oo! Gusto ko na umupo! Gusto ko na kumain! Gusto ko na umuwi!!‖ ―You can do that sa dance no! well, except for the umuwi part. Basta, tama na reklamo! We‘re doing you a favor here!!‖ Favor? FAVOR?! Favor na ba ang tawag nila sa pagpudpod ng talampakan ko sa kakahatak nila sa akin? Favor na ba ang tawag nila sa pagsusuot sa akin ng kung anu anong damit na para bang manika ako?! I think not. Natapos rin sila sa kakapili and I ended up having a brown skirt at saka pink na top. ―Tara na, aayusan ka pa namin eh.‖ Wth, hindi pa pala tapos?! My gulay, kelan ba matatapos ito?! Dumiretso kami sa bahay nina Marla. Nandoon daw kasi lahat ng ―kelangang‖ make up. Kung sa bahay naman daw namin eh baka walang magamit at sure akong hindi naman ako pahihiramin ni ate Cass ng ―beloved‖ collection niya. ―Alam mo bruha ka, kelangan mo matuto bumili ng make up. Hindi forever dapat wala kang make-up okay? Paano nalang sa pics? Eh di nagmukha kang maputla niyan!‖ ―Pwede ba? Tama na sermon okay? Let‘s just get this thing over with.‖

At ayun, inayusan narin nila ako. First eh parang kinurl nila yung dulo ng buhok ko tapos may something na nilagay sa may eyelids ko. Aba ewan ko ba kung ano yan, hindi naman ako naggaganyan eh. After 100 years, natapos rin sila. Pagtingin ko sa mirror eh nanlaki lang mata ko. Ako ba talaga yan? ―Maganda no?‖ Napatango lang ako. Ang galing nilang mag-ayos. Hindi siya yung tipo na halos magmukha ka nang clown sa sobrang daming make up. Siya yung tipo na mukha kang tao. No…Presentable na tao. Pagtapos ko eh si Marla naman yung inayusan then after nun, diretso na kami sa school. Ang dami kaagad tao dun. Halata mo na excited silang magparty. Ako naman sa loob loob ko, what‘s the big deal? Pero siguro nga, gaya ng sabi nila, mahilig lang talaga ang tao sa party. Libre food kasi. Wahaha. ―Oh Marla, sino yang recruit niyo?‖ Recruit? Ano bang pinagsasabi nitong si Stephen. ―Tungaw! Si Andy yan!‖ Nakita kong nagulat si Stephen nung sabihin ni Marla yun. Gusto ko nga siyang batukan eh. ―ANDY? IKAW YAN?! WAH! Hindi ka na mukhang amazona!‖ at ayun, nabatukan ko nga. Amazona pala ah! ―Vince! Halika dito!‖ napatingin naman kami kay Vince na mukhang nairita kay Stephen. ―DALI! ANG BAGAL NAMAN!‖ May kausap kasi siya kanina eh kaya ayun. ―Ano bang problema mo? Kita na ngang may kausap eh!‖ ―Pare sino tong nasa harap mo?‖ sumama bigla yung tingin niya kay Stephen. ―Tinawag mo ko para la---‖ Oh, bakit siya natigilan? Anong meron? ―A-AndY?! Ikaw ba yan?!‖ tinignan ko lang siya ng masama. Hmf! Pareho pa sila ni Stephen. Bwisit na ito! ―nakakaasar na kayo!‖ at ayun, lumakad na ako papunta sa sinave nilang table. May mga iba nga na nagtatanong kung new student daw ba ako. Pero pagtapos akong ipakilala eh napapanganga lang sila. Argh, nakakainis naman oh. Para

naring sinabi nila na basta magmake up lang ako eh ibang tao na ako. Darn, I hate that. ―Si ANDY YAN!?‖ hindi ko na nilingon yung nasa likod ko. For sure si Omar yun. Hmf, nakakaasar na. ―Ay nako! Kung hindi niyo rin pala ako makikilala eh di sana hindi na ako nag ganito. Pasama nga Cheska, tatanggalin ko na tong nasa mukha ko.‖ Aalis na sana ako nun kaso hinila ako bigla nina Vince. ―Ano ka ba Andy, take it as a compliment.‖ Compliment ka diyan. Hmf! Hindi na ako tumuloy sa CR at dun nalang kami sa table. Nagsalita yung unit head namin tapos nun eh kainan na. ang sarap nga ng pagkain eh. may mga salad, pasta…basta masarap lahat. ―Andy! Uy, ang ganda mo ngayon ah!‖ ―Ikaw rin Kat…‖ at ayun, nakiupo muna siya sa amin kasi si Kit daw eh may inaasikaso pa na something dun sa program. Siguro nagtatanong pa sila ng mga studyante na pwedeng tumugtog mamaya. Pagtapos ng kainan eh nagpatugtog naman sila ng mga disco music. Ayun. Hataw na hataw sa pagsayaw si Marla, si Cheeky at si Stephen. Grabe sila, pang mga disco talaga eh. ―Yo,‖ umupo naman bigla sa tabi ko si Omar tapos may dala dalang inumin. Inoffer niya sa akin yung isa pero nagsmile lang ako. Hindi naman ako ganun ka uhaw eh. ―Hindi ka sasayaw?‖ ―Maya nalang.‖ tumango siya sa akin. ―Okay, maya nalang rin siguro ako.‖ ―Go..kung gusto mo sayaw ka lang.‖ ―Nah, I‘d rather stay.‖ at ayun, hindi ko na siya pinilit pa. Decision niya yun eh. ―Sorry kung itatanong ko ito ah…pero ano nang meron sa dad mo?‖ Tumingin lang siya sa akin pagtapos nun eh ngumiti. ―nasa states siya ngayon. Kung nandito man siya eh di wala ako ngayon dito.‖ ―Oh.‖

Tahimik lang kami nun at pinapanood yung mga sumasayaw. Minsan nga eh natatawa pa kami kasi may biglang madadapa dito o di naman kaya eh madudulas sa kabila. Ang sama namin no? That‘s life. Nung medyo 9 na eh may biglang umakyat sa stage tapos tinigil yung music. Sina Marla nga eh halata mong nairita. ―Okay everyone, magstart na ang slow music.‖ At ayun, nagsimula naman na nga yung music. Nakita ko pang niyaya ni Stephen si Marla na sumayaw. Aw, ang cute talaga nila. Ako naman eh biglang niyaya ni Omar. Hindi na ako nakatanggi kasi ayaw ko rin naman maging Kj. Nagulat nga ako kasi si Kat eh naiwan dun sa table. Buti nalang at inaya siya ni Vince. Hindi naman siya nagmukhang Loner nun. Asaan kaya yung Kit na yun at bakit niya iniwan si Kat? Hmf, bad talaga. Nung next song, si Stephen naman nakasayaw ko. Ang kulit nga niya eh, niloloko loko pa yung steps, yun tuloy, nagkaapakan kami. Wish ko lang hindi mamaga yung mga paa namin bukas. Then after nun si Vince naman. Seryoso nga yung mukha niya nun eh. Hindi ko tuloy malaman kung ano iniisip nung loko. ―Ang ganda mo talaga ngayon Andy.‖ ―Ewan ko sayo Vince!‖ sabi ko tapos sabay palo. Natawa lang siya nun. ―Seryoso ako.‖ Napatingin lang ako sa mata niya nun at totoo ngang seryoso siya. Napaiwas naman yung tingin ko kasi medyo nailang ako. May something kasi eh. and I think I know. Pagtapos nung sayaw kay Vince eh yung mga ibang classmates ko naman yung nakisayaw sa akin. Ang kukulit nga nila eh. Mga pilyo talaga. May isang beses mag-aagawan pa tapos nun eh wala rin palang makikisayaw pero meron din. Huh? Gulo no? ako rin eh, naguluhan. Let‘s just put it this way. May magyayaya tapos may eextra, tapos magtatalo yung dalawa then magdedecide na wala nalang, pero in the end, meron parin makikisayaw. Gulo talaga eh no? wag nalang natin intindihin. Baka mahilo pa ako ng hindi oras.

By 9:30 siguro nagstart na sila ulit magpatugtog ng disco kaya ako eh umupo na ulit sa table namin. Medyo nagutom rin ako nun kaya kumuha narin ako ng makakain. Hey, bakit ka mahihiya, binayaran mo yan sa tuition eh. Mwahaha. ―Bakit ka nagsosolo diyan?‖ ―Alangan naman dun ako sa dance floor kumain.‖ Tumawa lang siya nun tapos dumekwat pa dun sa kinakain ko. Sama nito! ―Akin yan eh!!‖ ―Ayos lang yan. Para hindi ka tumaba.‖ ―Sira!!‖ at ayun, pinalo ko siya. ―Okay Guys, it‘s already 10 minutes to 10 at malapit na mag-end ang ating party. Magbibigay kami ng last 3 songs para sa inyong lahat and then tapos na. So guys, yung mga gusto niyong yayain kanina pa, yayain niyo na. This is your chance.‖ Nagsitayuan naman yung mga tao tapos pumunta sa dance floor. Si Omar eh sinayaw na naman ako. ―Gusto mo siyang makasayaw?‖ Nagulat ako sa tanong niya bigla tapos napatingin lang sa kanya. ―Huh? Sino naman?‖ ―sino pa ba? Eh di si Kit.‖ ―hindi ah!‖ Tumingin lang siya sa akin nun na para bang sinasabi na wag akong magsinungaling. ―Slight.‖ ―Ok.‖ ngek, yun lang pala. Tss. After namin magsayaw ni Omar eh si Vince naman nakisingit. Si Stephen mukhang susulitin yung last 3 songs kasama si Marla. Si cheeky? Ayun, nakaupo sa table. Wala naman gustong isayaw yang baklitang yan eh. siguro meron kung andito si Orlando Bloom o kaya si Brad Pitt. ―Sino hinahanap mo?‖ ―Tinitignan ko lang kung sino kasayaw ni Kat.‖

―Taga ibang section. Bakit?‖ ―hindi pa siya sinasayaw ni Kit?!‖ ―Nope.‖ walang hiya talaga yung lalaking yung. Hindi man lang isayaw si Kat! Hmf! Natapos yung kanta. Bumalik na ako nun sa table kasi medyo pagod na ako nun. Nakita ko naman si Omar na parang malungkot and at the same time naiirita nung palapit siya sa akin. ―Anong nangyari sa iyo? Mukha kang batang inagawan ng lollipop..‖ ―Sorry Andy ha…‖ ―Sorry? Sorry for what?‖ ―Ayaw kasi pumayag ni Kit eh…‖ Nagulat naman ako dun. Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. to say na hindi ako nasaktan dun sa sinabi niya would be a lie. Oo, inaamin ko, nasaktan nga ako. I hate this feeling. Siguro nga sa sobrang awa narin ni Omar kaya niya ako niyaya ulit sumayaw. Hindi naman ako humindi sa kanya pero kahit nung nagsasayaw kami eh isang tao lang ang nasa isip ko. Kung ayaw niya akong isayaw at least si Kat man lang diba, isayaw niya! Hindi ko na napigilan yung sobrang nararamdaman ko kaya nagpull away ako tapos nagsorry kay Omar. Pagtapos nun eh bumaba na ako at naglakad na papalayo sa area nung party. Nakakaasar siya. Nakakaasar siya. ―Nakakaasar ka!‖ “Sinong nakakaasar?” Chapter 59

Napatingin ako dun sa may gilid ng chapel namin. Nakatayo dun sa may dilim ang nag-iisang Kit Tasello. ―isang taong Kill joy. Anong ginagawa mo rito?‖

Tumingin lang siya sa akin habang ako eh palapit sa kinatatayuan niya. ―May hinintay kasi ako eh.‖ ―Ahh, ganun ba, oh siya hindi na kita aabalahin.‖ aalis na sana ako pero hinila niya yung kamay ko. ―Saan ka pupunta?‖ ―Uuwi na. Bakit?‖ ―Hindi ka pwede umalis‖ Eh ano bang pinagsasabi nitong lalaking ito? ―Huh? Akala ko ba may hinihintay ka? Bakit pa ako makikiextra??‖ baka si Kat lang yang gusto niyang hintayin, ayoko nga makigulo pa. ―Ang sabi ko, may HININTAY ako.‖ Napatingin lang ako sa kanya tapos nagtaas ng kilay. ―Nasa harap ko siya ngayon.‖ Nanlaki yung mata ko nun tapos hinatak niya ako palapit sa kanya. ―May I have this dance?‖ Nagtanong pa siya. Nahatak narin niya ako eh. Tumango lang ako nun tapos nakita kong may kung anong kinalikot siya sa pocket niya. Sunod ko nalang nalaman eh may tumutugtog na. Teka, parang alam ko ito ah. Click here for the song

♫ Looking in your eyes i see a paradise This world that i've found Is too good to be true Standing here beside you Want so much to give you This love in my heart that i'm feeling for you

―Bakit hindi si Kat ang sinasayaw mo?‖ ―Bakit ko siya isasayaw?‖ siguro naisip niya, hindi niya kelangan isayaw si Kat

para pakita na mahal niya ito. Hay, ang swerte rin ni Kat.

♫ Let 'em say we're crazy, i don't care about that Put your hand in my hand baby Don't ever look back Let the world around us just fall apart Baby we can make it if we're heart to heart

―Bakit dito pa?‖ ―Masikip dun. Maraming mausisa.‖ Akala ko pa naman eh kinahihiya niya akong isayaw. Kung yun yung sinabi niya eh baka siguro naiyak na ako. ♫ And we can build this dream together Standing strong forever Nothing's gonna stop us now And if this world runs out of lovers We'll still have each other Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now I'm so glad i found you I'm not gonna lose you Whatever it takes i will stay here with you Take it to the good times See it through the bad times Whatever it takes is what i'm gonna do Let 'em say we're crazy, what do they know Put your arms around me baby Don't ever let go Let the world around us just fall apart Baby we can make it if we're heart to heart And we can build this dream together Standing strong forever Nothing's gonna stop us now And if this world runs out of lovers We'll still have each other Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us Ooh, all that i need is you

All that i ever need And all that i want to do Is hold you forever, ever and ever, hey ―Alam mo ba, ikaw palang ang nag-iisang tao na hindi nagsabi sa akin na, ―SI ANDY BA YAN?!‖ maliban kina Marla at Cheeky. Nakakatawa nga eh.‖ sabi ko habang patawa tawa ako. ―Nakakaasar din at the same time...‖ Tumingin lang siya sa akin nun tapos nun eh tumawa rin. ―Bakit ko naman sasabihin yun? May bago ba?‖ Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maoffend or what. Ang alam ko lang eh natahimik lang ako bigla. Yung sinabi niya, may double meaning yun. I just don‘t know kung ano yung ibig sabihin niya. ―Ewan ko rin sa kanila eh. Maybe meron kasi ganun mga reaction nila. Maybe wala naman, kasi…well, ganyan reaction mo.‖

♫ And we can build this dream together Standing strong forever Nothing's gonna stop us now And if this world runs out of lovers We'll still have each other Nothing's gonna stop us Nothing's gonna stop us, whoa Nothing's gonna stop us now, oh no Hey baby, i know, hey baby, nothing's gonna stop us Hey baby, woo, nothing, hey baby Nothing's gonna stop us now yeah ♫

Pagtapos nung kanta eh hindi parin kami kumawala sa pagkalapit namin. Ewan ko ba, parang ayoko rin bumitaw eh. Kinuha niya ulit yung phone niya tapos may pinatugtog na naman. Alam ko rin tong song na ito! Click here for the Song

♫ We'll do it all Everything On our own We don't need Anything Or anyone

―May plano ka yatang patugtugin lahat ng songs sa cellphone mo ah.‖ sabi ko pa na may halong biro. ―Pwede rin‖ tinignan ko siya pero hindi siya kumibo. Anong plano nito?

♫ If I lay here If I just lay here Would you lie with me And just forget the world I don't quite know How to say, how I feel Those three words 'l say too much But not enough

―Nasabi mo sa akin dati na may gusto ka kay Omar.‖ nagulat naman ako dun sa sinabi niya. Naaalala pa niya yun? ―Oh tapos?‖ ―Nung una hindi ako naniwala.‖ nagulat naman ako. Talaga? Akala ko dati eh naniwala siya nun. ―Pero sa nakikita ko ngayon…naniniwala na ako.‖ Hindi lang ako makaimik. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi yun totoo at siya yung gusto ko pero parang may unknown force na pumipigil sa akin. Maybe I‘m not supposed to tell him. Maybe…maybe we‘re not supposed to be together.

♫ If I lay here If I just lay here Would you lie with me

And just forget the world Forget what we're told Before we get too old Show me a garden That's bursting into life

―Tagal ng song na yan ah.‖ ―Bakit? Gusto mo na umuwi?‖ ―Hindi naman.‖ at ayun, katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa.

♫ Let's waste time Chasing cars Around our heads I need your grace To remind me To find my own

―Kamusta pala kayo ni Kat?‖ kinagat ko nun yung labi ko kasi hindi ako handa sa kung ano mang sasabihin niya. Bakit ko tinanong? I just had to know. ―Ayos naman. Bakit?‖ ―Wala. Mukha kasing hindi kayo nagpapansinan eh. Hindi mo siya sinayaw kanina.‖ ―Araw araw kaming magkasama. Kulang nalang pati weekends pumunta siya sa amin. I think I need the break.‖ Wag mong sabihin nagsasawa na siya? Hindi pwede yan. ―Ahh. Kung mahal mo ang isang tao eh hindi mo siya pagsasawaan.‖ ―Alam ko. May sinabi ba akong nagsasawa na ako?‖ Ouch, tagos yun ah. Umiling lang ako. Feeling ko kasi kapag nagsalita pa ako eh

baka manginig pa yung boses ko. Isipin pa nito affected ako kahit totoo.

♫ if I lay here If I just lay here Would you lie with me And just forget the world Forget what we're told Before we get too old Show me a garden That's bursting into life

―Sino nag-ayos sayo?‖ ―Sina Marla, bakit?‖ ―Wala.‖ wow, ang nice naman ng sagot niya.

♫ All that I am All that I ever was Is here in your perfect eyes They're all I can see I don't know where Confused about how is well Just know that these things will never Change for us at all If I lay here If I just lay here Would you lie with me And just forget the world ♫

Pagkatapos nung kanta eh bumitaw na kami sa isa‘t isa. Umupo lang kami dun sa tabi nun kasi medyo nakakapagod ring tumayo. ―Suot mo pa pala yan.‖ Napatingin ako sa kanya. Akala ko kung ano yung tinutukoy niya, yung singsing lang pala.

―Nasanay eh.‖ Sabi ko naman tapos sabay takip dun sa may finger na may singsing. Tahimik parin after nun. Ewan ko ba, wala kasi akong masabi pero ayaw ko namang umalis. Mali ito, dapat umalis na ako. Baka…baka kung ano pa ang maramdaman ko…baka…ano pa ang magawa ko. ―Sige, una na pala ako.‖ tumayo na ako nun at naghandang umalis. ―Andy.‖ tumingin lang ako sa kanya pero mukhang wala naman siyang sasabihin kaya naglakad na ako. ―With or without make up, you still look the same.‖ nung mga oras na iyon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Ang weird ko din, kanina yan ang gusto kong marinig sa iba. Pero nung narinig ko na, para bang ayoko na. Hay. ―You‘re still…‖ Napatingin ako ulit sa kanya tapos nagulat na nasa tapat ko lang siya. “..the same beautiful Andy I know.” at pagkatapos nun eh umalis na siya. Chapter 60

―MISS ONGPAUCO!‖ Napatayo ako bigla. Grabe, nagulat ako dun ah! ―Yes ma‘am?‖ ―Hay naku Miss Ongpauco! Kanina pa kita tinatawag. Isa nalang talaga at papapuntahin na kita sa sub-unit head.‖ Tumango lang ako nun tapos pinasagutan niya sa akin yung nasa board. Grabe, nitong mga huling araw eh sobrang naglilipad lipad yung isip ko. Bakit? Well, I think alam niyo naman kung bakit eh diba? Para sa mga hindi nakakaalam, well clue. It has something to do with what Kit said. Ewan ko ba, sobrang nabother lang kasi talaga ako dun to the point na nawawala na ako sa sarili ko. Pagbalik ko sa upuan eh sinundot naman ako ni Vince. Problema nito?

―Panay ang lipad ng isip ah. Anong nangyari?‖ Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko naman pwedeng ikwento na ikinatuwa ko yung sinabi ni Kit dahil nga diba…may gusto rin siya sa akin. Hindi naman tama yun na dun ka pa sa may gusto rin sayo magshashare tungkol sa ibang tao na natitipuhan mo. ―Wala lang. Masaya lang.‖ At hindi na niya ako tinanong pa pagkatapos nun. Nung magbell naman eh nauna akong lumabas sa barkada ko. May nakalimutan kasi akong ipasa kanina kaya ayan, wish ko lang hindi ako masermonan. Talagang nagtatakbo na ako nun. Hindi ko na nga napansin yung mga bumubunggo sa akin eh, actually, mga nabubunggo ko pala. ―Mahal kita Kit.‖ Napatigil talaga ako nun nung marinig ko yun. Heto na naman ako, nakikiusisa. And for sure, masasaktan na naman pagkatapos. Hay Andy, hindi ka na natuto. ―Hindi mo ba ako mahal?‖ Nagkaroon ng katahimikan. Parang walang balak sumagot si Kit. Narinig ko namang naglakad paalis si Kat pero mukhang natigilan siya. ―Kung hindi Kit, ngayon palang sabihin mo na. Wag mo naman akong pagmukhaing tanga…‖ Humihikbi na si Kat nun. Bad talaga yang Kit na yan! Yun ba talaga ang iniisip mo? Na masama si Kit? I think not. What‘s that supposed to mean? Diba masama naman talaga yang ginagawa niya? oo nga, pero masaya ka dahil hindi niya mahal si Kat. Yun nga ba talagA? Hindi! Hindi ako ganoong tao. Hindi ko ikinatutuwa ang kalungkutan ng iba. ―Kit..‖ May narinig akong footsteps nun tapos biglang napatigil. Ano na kayang ginagawa nila? Iniwan kaya ni Kit si Kat? Naku, hindi naman sana, siguro.

―Mahal rin kita---‖ Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil alam ko na ang kasunod nun. Tumakbo ako papalayo, hindi alam kung saan pupunta. Ang sakit, sobrang sakit. Bakit ganun siya? Kaya niyang iparamdam sa isang tao na sobrang special niya one day and then the next, kaya niyang bawiin lahat ng iyon. Ang sama niya. Sobrang sama. Wala siyang kasing sama. ―And---?‖ Napayakap ako dun sa nagsalita. Hindi ko lang talaga kasi mapigilan eh. Sobrang sakit. Walang kasing sakit. ―Anong nangyari?‖ ―Mahal niya si Kat…inamin na niya. Mahal niya si Kat.‖ kasalanan mo naman ang lahat ng ito eh, bakit ka ngayon nagkakaganyan? Hindi ba ikaw naman ang dahilan kung bakit nagkalapit sina Kit? Hindi ba ikaw lang rin ang dahilan kung bakit bumalik ang pagtitinginan nila sa isa‘t isa? ―Baka naman mali ang pagkakaintindi mo,‖ ―Hindi. Kung dati ganoon ang mga nangyayari ngayon hindi. Narinig ko mismo mula sa kanya. Sinabi niya kay Kat na mahal niya siya. Nagtapat siya.‖ tumingin ako sa kausap ko. ―Nagtapat siya kay Kat, Cheska.‖ Pinat niya yung likod ko nun tapos yumakap lang ulit ako. Grabe, kung alam ko sana noon na ganito kasakit ang mararamdaman ko eh di sana hindi ko nalang tinuloy yung mga planong iyon. Tanga kasi ako eh. Masyado kong dineny sa sarili kong may pagtingin ako sa kanya kaya heto ngayon, ako yung todong nasasaktan. Hay, at least ngayon, may one reason ako para maging masaya. Congratulations Andy, nagawa mo ang gusto mong gawin. Napagmatchmake mo sina Kit at Kat and you succeeded. Now tell me, are you really happy?

*****

―Ayaw niyang kumausap ng kahit na sino eh. Tinry na namin kanina pa…‖

―Hoy bruha! Ano ba! Magdamag ka nalang ba magmumukmok diyan?!‖ Tinignan ko lang si Cheeky at ngumiti ng pilit. Kahit makarating ako sa bahaey eh wala akong gana. Parang nawala lahat ng emosyon ko, ang natira lang eh lungkot. Ano ka ba Andy! Dapat nga eh magpakasaya ka pa! diba nga? Mission accomplished. ―Iwan niyo nalang ako...‖ ―No.‖ ―Cheeky...‖ ―Hinde! You have to face the consequences ng actions mo Andy. You can‘t hide forever.‖ Ilang araw rin siguro akong hindi pumasok. Dalawa? Tatlo? Hindi, mga apat siguro. Hindi ko rin alam, hindi ko naman kasi namamalayan eh. ―Pero---‖ ―Walang pero pero.‖ Tinayo nila ako nun mula sa kama tapos sina Marla eh sinamahan ako sa CR. Anong pinaplano nitong mga to? ―Anong ginagawa mo?‖ ―Lalabas tayo ngayon.‖ ―Lalabas? Saan naman tayo pupunta?‖ ―Kahit saan, basta tumino lang ulit yang pag-iisip mo.‖ natahimik nalang ako kasi hinanapan na niya ako ng damit nun. Simpleng shirt at jeans lang tapos lumabas na kami, Si Stephen yung may dala ng transpo. Hindi ko alam kung saan kami balak ipadala nung lalaking yun, no, AKO lang pala yung binabalak nilang dalhin somewhere. Pagstop nung kotse at pagkababa namin eh napanganga lang ako.

Bakit kami andito?!

Chapter 61 ―Anong ginagawa natin dito?‖ sabi ko sa kanila pero mukhang wala pa yata silang balak na pansinin ako. Naglakad lang sila nun hanggang sa makarating sila dun sa may parang upuan sa dulo. Ako naman eh tinignan ko lang sila. Wala ba silang balak na magexplain? ―naaalala ko pa ito. Grabe, tagal din nating hindi nagpunta dito no?‖ ―Oo nga eh, akala ko pa noon eh puno lang ng bad memories itong place na ito. Hindi pala…‖ Ngumiti ako sa kanila tapos lumapit at umupo narin. Ang daming memories dito ng barkada namin. Dito nagstart ang barkada namin. Sa munting playground na ito. ―Naaalala ko pa nun, kami palang talaga ni Andy nun yung magbest friend, tapos nakilala namin si Stephen…‖ Oo nga, naalala ko narin… Flashback… Mga grade 1 siguro kami nun. Hindi pa kami sanay ni Vince sa environment dito sa Pilipinas. Kakalipat palang kasi namin eh kaya ayun, medyo hirap kaming magadjust. Nung mga time na yon, talagang wala kaming kinakausap na ibang kaklase namin maliban lang sa isa‟t isa. And take note, french pa language namin nun. “Vince, je n'aime pas cet endroit. C'est si sale et les odeurs de personnes comme le détritus (Vince, I don‟t like this place. It's so dirty and the people smells like trash).” Oo, pasaway na bata ako nun. Medyo may pagkamaldita kasi ako nun. “Ne pas dire cet Andy. C'est moyen (Don‟t say that Andy. That‟s mean.)” at si Vince naman yung natural na mabait. Tahimik lang kaming nakaupo nun sa may swing nang biglang may bola na tumalbog sa harap namin. Muntikan pa nga akong tamaan nun kaya napasigaw ako. “Ay sorry! Natamaan ka ba?” isang napakadungis na bata ang lumapit sa amin nun. Nung hahawakan niya ako eh lumayo ako. Feeling ko kasi punung puno siya

ng germs. “Andy!” “Mais il est si sale ! (But he‟s so dirty!).” “Ano raw sabi nila?” sabi niya nun sa kasama niyang bata na madungis rin. “hindi ko alam eh! hindi naman ako marunong ng alien language!” “Bobo! Hindi alien language yan!” “Hindi ako bobo! Saka, paano mo naman malalaman na hindi? Nakarinig ka na ba?” Mukhang napaisip siya dun sa tanong sa kanya nung kaibigan niya tapos nagkamot ng ulo. “Basta alam ko hindi!” humarap naman siya sa amin nun tapos inabot yung kamay niya. “Ako pala si Stephen. Sorry kanina ah, muntik ka na matamaan ng bola. Para makabawi, makikipagkaibigan ako sa iyo.” Tinitigan ko lang nun yung kamay niya dahil puno ng putik at kung anu ano pang dumi. Napansin nga yata niya yun tapos bigla niyang pinunas sa polo niya. “Hehe!” …End of Flashback Grabe, hanggang ngayon eh natatawa parin ako kapag naiisip ko yun. Simula ng araw na iyon eh naging magkaibigan na kami ni Stephen nun. May mga time pa nga na nagselos si Vince kasi akala niya na mas best friend ko raw si Stephen, pero syempre, dahil bata pa kami nun eh nagkabati rin naman. ―Ang tagal na nun no? Pero parang kelan lang nangyari..‖ Oo nga. Parang kelan lang eh nagsimula yung barkada namin. ―Sino sumunod nun?‖ ―Ako. Heheh, grabe, sobrang alalang alala ko pa yun. First time kong makilala nun si Stephen. Crush ko nga siya nun eh kasi ang pilyo niya. Tapos nagalit pa ako kay Andy kasi akala ko may gusto sa kanya si Stephen.‖ Tignan mo nga naman. Talagang kahit nung bata pa eh meant to be na sila. ―Inaway mo nga ako nun eh. Tapos nagtaka pa ako sa iyo nun kasi hindi naman kita kilala. Kelan yun? Grade 4 yata or grade 3?‖

Flashback… Naglalaro kami nina Vince at Stephen nun sa playground. Weird ko rin nung bata no? imbis na barbie doll ang nilalaro ko eh nakikipaglaro ako sa mga lalaki at sa may putikan pa. “Taya!” “Andy ang daya mo! Bawal yan! Bawal mo tayain gamit tsinelas yung kalaban mo!” “Bleh! Inggit ka lang kasi hindi mo kaagad naisip yun!” At syempre, dahil mga bata kami nun eh nagkakapaluan pa kami. Si Vince naman yung taga awat sa amin nun. “Hoy tama na yan. Wag kayo mag-away!!” sabi niya tapos pumagitan sa amin. Tumigil rin naman kami nun tapos nagtawanan lang. “Kanina ko pa napapansin yung babaeng yun ah. Tingin siya ng tingin sa atin…” Tumingin naman kami sa tinuro ni Vince tapos may nakitang babaeng nakadress na pink, slippers na pink, may bag na pink, headband na pink at manika na hawak hawak.. Para siya yung barbie doll na hindi ko nakuha nung bata ako, except for the part na siya eh humihinga. Nilapitan ko siya tapos ningitian. Siya naman eh tinignan lang ako na para bang baliw ako. “Hi! Gusto mo sumali sa amin?” Tinignan niya lang ako tapos parang tumayo siya at hinimas himas yung buhok ng manika niya. “Ayokong makipaglaro sa inyo! Madudungis kayo!” Syempre naoffend ako nun. Ikaw ba namang masabihan na madungis eh diba? “Bahala ka. Ikaw rin, masaya pa naman itong nilalaro namin.” “Masaya? Eh panglalaking laro yan eh. siguro lalaki ka ano? Sabi ng mommy ko, ang mga lalaki lang ang naglalaro sa may putikan at ang mga babae eh barbie ang nilalaro.” Nainis naman ako pero hindi nalang ako nagsalita. Iniwan ko nalang siya dun

tapos maluha luha pa akong bumalik sa mga kaibigan ko. Yun ang first time na may umaway sa akin talaga ng wala akong ginagawa. …End of Flashback ―Kami pala talagang last na sumali no?‖ ―Anong kayo? Ikaw lang. si Cheska eh matagal na namin nakilala. Mas matagal pa kesa sa iyo.‖ Natawa lang naman sila nun. Grabe, iba rin pala talaga kami nun no? sobrang carefree pa talaga. ―Narerealize mo ba Andy kung bakit namin ito ginagawa?‖ Tumingin lang ako sa kanila tapos umiling. Yun nga rin pinagtataka ko eh. ―Marami nang pinagdaanan ang barkada natin Andy. Corny man ito sa pandinig niyo pero totoo. Sa lungkot at ligaya, tayo na yung magkakasama. Diba nga, promise pa natin noon, walang iwanan?‖ Tumango lang ako nun. ―gusto lang namin iparating sa iyo Andy na kahit ano man yang problema mo, pwede mo naman siyang i-share sa amin eh.‖ Napatingin lang ako. ―Andy alam naming masakit ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero wag mo naman kalimutan na andito parin kami parati para sa iyo. Hinding hindi ka namin iiwan sa ere.‖ Naiyak naman ako nun tapos niyakap ko sila. ―Saka ano ka ba Andy! SA dami ba naman nating problemang naovercome, sa tingin mo ito hindi? Asus!‖ sabi ni Cheeky sabay batok sa akin. Natawa lang ako nun. Naggroup hug kami nun tapos next ko ng nalaman eh umiiyak na rin sina Marla at Cheska. Siguro nga sa sobrang problema ko rin na nakalimutan kong may mga tao pa pala na hinding hindi ako iiwan kahit na anong mangyari. Mga taong kahit iwanan na ako ng buong mundo eh sila parin ang matitira diyan sa tabi ko. Mga kaibigan ko. Chapter 62 Masasabi ko na nitong huling araw eh mas naging strong ang bond ng barkada namin. Hindi nila ako iniwan kahit kelan. Siguro nga mas okay narin yun kasi at least kahit papaano, nakayanan kong tumayo ulit at tanggapin ang mga nangyayari ngayon. Yun nalang siguro ang best, for now.

―Yo, Andy.‖ ―Ikaw pala. bakit?‖ Umupo siya dun sa tapat ko. Nasa may gym kami ngayon, practice kasi ng volleyball. Next week na kasi championship. ―Wala lang, nangangamusta lang.‖ Nginitian ko naman siya habang nag-aayos ng knee pads. ―Wala na kayong laban?‖ Bihira ko nalang kasi talaga makitang nagpapractice yung varsity ng boys eh. ―Wala na. Sad to say, nasa 3rd place lang tayo. Sa boys division.‖ ―Ahh, ayos lang yan.‖ inayos ko naman yung suot ko nun tapos tumayo na. ―Ah, sige pala. Practice na kami eh.‖ ―Andy saglit.‖ nilingon ko naman siya. ―Bukas, kelangan kitang kausapin.‖ ―For what?‖ ―Basta..‖ O-K. Ang weird niya. Tumango lang ako sa kanya tapos nun eh nakijoin na sa practice namin. Todo training talaga kami hanggang gabi nun. Paguran kung paguran talaga. Gusto kasi namin maging champion eh. for 3 years kasi eh 2nd lang kami. This year, gusto naming baguhin. Pagtapos ng practice naligo naman ako kaagad. Grabe, feeling ko masyadong nabugbog ang katawan ko. Sino ba namang hindi mabubugbog, eh magrecieve ka ba namang ng 5 spikes sunud sunod tapos kapag hindi mo nasalo eh magpupush ups ka o kaya maglalaps ka. Wow, pamatay talaga. Pagkaayos ko ng gamit eh lumabas na ako ng court. Medyo natakot pa nga ako nun kasi gabi na. magpapasundo pa pala ako kay manong. Kinuha ko naman phone ko nun tapos nagtext na. ―AHHHHH!!!‖ napatalon talaga ako nun kasi may bigla ba namang lumabas mula sa may madilim na part! Pagkatingin ko…anak ng tipaklong naman oh! Si Kit lang pala!

Wait, si Kit?! Anong ginagawa niya dito? ―Ang lakas mo tumili.‖ ―Bwisit ka! Tinakot mo ko!‖ pinalo ko siya nun tapos siya eh ngumiti lang. Napahinga lang ako ng malalim nun tapos naglakad na ulit. ―Saan ka?‖ ―Malamang uuwi na!‖ ―Bakit ang sungit mo?‖ ―Kasi nanggugulat ka!‖ ―Ganoon ba?‖ Bwisit na ito ah! Ang kulit! ―Ano ba kelangan mo?‖ ―Ihahatid kita‖ Nilagay ko naman yung kamay ko sa harap niya para patigilin siya sa paglalakad. ―No thanks. May sundo ako.‖ nagulat nga ako kasi bigla lang siyang napatingin sa kamay ko. Tinignan ko rin naman yung tinitignan niya tapos saka ko lang narealize, yung ring. Hindi ko pala suot. Tinago ko kaagad naman yung kamay ko sa likod ko tapos naglakad na. Hindi na niya ako sinundan pa pagkatapos nun. Mabuti narin yun. I think.

***** The next day maaga ako nagising. Ewan ko ba, excited rin siguro ako dun sa sinasabi ni Omar na may kelangan siyang sabihin. Weird nga eh. Maaga naman akong nakapasok ng school at pinuntahan kaagad siya sa room niya. Hindi rin halatang atat no? Pagdating ko naman dun eh wala pa siya. Bumalik nalang ako sa room namin tapos nakipagchikahan nalang sa classmates ko.Hanggang sa magbell eh hindi ko parin nakakausap si Omar. Ano na kaya nangyari dun? Lumilipad isip ko nung klase. Partly worried kung anong meron kay Omar at partly naman excited dun sa kung ano man yung sasabihin niyang iyon. By lunch time, ako nga siguro yung pinakaunang lumabas. Diretso naman ako sa

classroom nila. ―Ikaw Andy ha. Kanina ka pa pabalik balik dito.‖ Aba, nang-asar pa ang loko. ―AY nako. Asan nga kasi?‖ ―Ewan ko rin eh. Hindi kasi siya pumasok kanina. Masyado naman yatang late na para maghalf day siya. Siguro absent.‖ ganun? Nagthank you lang ako sa kanya tapos dumiretso dun sa canteen. Nagtaka talaga ako. Sabi niya may kelangan siyang sabihin pero mag-aabsent lang pala siya. Naku naman, ano ibig sabihin nun?! Hindi ko na siya masyadong pinroblema pa. baka maimbyerna lang ako kapag masyado kong inisip eh. Siguro mamaya ko nalang aalamin. Mabilis lang lumipas yung oras. Puro activity kasi eh tapos syempre, gawaan na ng mga project. Ang saya rin no? Not. Nung dismissal eh tuwang tuwa ako kasi tapos na ang pagpapahirap sa amin. Saka syempre, malalaaman ko narin kung anong nangyari kay Omar. Tatawagan ko na siya dapat nang bigla kong maalala na grounded parin pala siya at yung punishment niya eh sa Friday pa matatapos. Lumapit naman ako sa ibang friends niya sa class at nagtanong kung saan bahay niya. Alam niyo kung anong sagot? ―Bakit? Aakyat ka ng ligaw? Sorry, hindi ko alam eh. Tanong mo nalang kay Kit..‖ kung hindi yan eh ganito ang sasabihin nila. ―Si Kit tanungin mo. Kaibigan niya yun diba?‖ So ang labas, no choice rin pala ako. Hinanap ko naman kaagad si Kit nun at syempre, saan ko pa siya matatagpuan? Eh di sa may SC office. Nakita ko pa ngang nakaabang rin si Kat sa labas eh. Ang sakit nga eh pero syempre, tinry ko nalang na dedmahin. ―Anong ginagawa mo rito?‖ Mukhang gulat na gulat pa yata siya na makita ako. Ganoon ba talaga ako kadalang na hanapin siya? Oh, oo nga pala. INIIWASAN ko pala siya. ―Tanong ko lang sana kung saan nakatira si Omar?‖ Halata mong nagulat siya nun pero tinry niyang itago. ―Bakit?‖

―May sasabihin daw kasi siya dapat sa akin eh pero hindi siya pumasok. Nagalala lang ako.‖ tumango lang siya nun, yung mukha niya walang kareareaction. Kumuha siya ng papel tapos nagsimulang magsulat. Pagtapos nun eh inabot niya sa akin yun. Nagthank you naman ako sa kanya tapos ngumiti lang kay Kat. Agad naman akong umalis na at nagpahatid dun sa driver namin. Medyo malayo layo rin siya kaya inabot kami ng 30 minutes bago makarating dun. *ding dong* May sumagot naman kaagad at sabi sandali lang daw. Ilang sandali lang eh bumukas na yung pintuan. “Ano po yun?” ―Ahm, si Omar po?‖ “Ay, si ser Omar? Ano pong kelangan niyo sa kanya?” ―May tatanong lang ako..‖ “teka lang hu ma‟am ah.” May parang tinawag pa siyang kasamahan niya tapos pumasok sa loob. Mga ilang minuto rin siguro akong nakatayo dun bago nila ako papasukin. “Pakiantay nalang po dito si ma‟am.” ―Ma‘am? Eh si Omar---‖ pero hindi na ako nakatapos magsalita kasi bigla nang umalis yung babae. Wow, nice one. Ang laki rin ng bahay nina Omar. Mansyon nga eh. feeling ko tuloy yung tawagan nila dito eh senyorito at senyorita. ―Ikaw ba yung naghahanap sa anak ko?‖ Yikes! Nanay pal niya yung ma‘am na sinasabi. Tumayo naman ako tapos tumango lang. pagkababa nung babae eh nginitian lang ako tapos pinaupo ako. ―Kaibigan ka ba ni Omar?‖ ―Ahm…opo.‖ nag-alinlangan pang magsalita yung mama niya tapos tumingin pa sa gilid. Para bang iniisip na may nakabantay sa amin.

―Sorry hija ha…nagpagsabihan kasi ako ng asawa ko na bawal makipagkita sa kahit na sino si Omar. Siguro sa Friday mo pa siya makakausap.‖ Nagulat naman ako dun. Ibig sabihin ba nun eh bawal rin pumsok si Omar?! Grabe naman yun! That‘s too much! ―Karugtong po ba yan ng punishment niya? Sana naman po bawas bawasan. Alam ko naman pong grabe yung nagawa niya pero I think that‘s too much.‖ Ngumiti lang sa akin yung babae tapos humawak sa kamay ko. ―Kung ako lang sana ang masusunod sa pamamahay na ito eh matagal ko nang ginawa iyan. Kaso hindi…‖ Tumango lang ako nun. Ganito pala kahigpit sa bahay nina Omar. ―Ano po bang nagawa niya at nagalit po yung dad niya?‖ ―Nalaman kasi ng mga kasosyo ng daddy niya yung nangyari sa inyo. Sobrang nagalit ang asawa ko. Pangalawa si Omar sa kanilang 3 magkakapatid. Puro lalaki pa man din. Yung pinakamatanda eh graduate na at may sariling malagong business. Yung mas bata naman eh parating honor. Kaya parating pinepressure ng asawa ko si Omar.‖ ―Ang hirap pala ng kalagayan niya ngayon...‖ May bigla naman kaming narinig na kotse sa labas at mukhang naalarma pa yung mommy ni Omar. ―Sige hija, mauna ka na. Baka pagalitan kasi ulit si Omar.‖ tumango lang ako nun tapos dun na ako sa likod pinalabas. Baka kasi mahuli ako ng dad ni Omar eh. nakakatakot talaga. Dahan dahan pa akong naglalakad nun, patingin tingin kung andiyan yung tatay. Siguro nga dahil sa sobrang concentrate ko eh hindi ko na napansin yung tao sa likod ko. Nalaman ko lang na meron nang… *OOOOOMPH* “Anong ginagawa mo rito?” Chapter 63

“Anong ginagawa mo rito?” Napapikit tuloy ako nun kasi natatakot ako sa magiging hitsura ng tatay niya. Baka mamaya galit na galit pala.

―Huy, ano bang kalokohan yan?‖ Napadilat naman ako nun. Si Omar! Yumakap ako sa kanya ng mahigpit tapos napausog pa yata siya. Pagkahiwalay namin eh saka ko lang napansin yung bago niyang pasa sa mukha. ―Gawa ba niya yan?‖ Tumango lang siya nun tapos naglakad na kami palabas. ―Anong ginagawa mo rito? Bakit ka pumunta?‖ ―eh diba sabi mo may sasabihin kang importante?‖ Kumunot yung noo niya nun, para bang nakalimutan pa na sinabi niya yun sa akin. ―SA Friday ko nalang sasabihin. Dali, umalis ka na. baka mahuli ka pa rito.‖ Tumango lang ako tpaos nagbabaye na sa kanya. Paglabas na paglabas ko ng gate eh saka lang ako nakahinga ng malalim. Grabe, nakakatakot talaga yung dad niya, and to think na hindi ko pa siya namemeet personally.

*****

Ilang araw rin siguro akong wala sa sarili. Madalas, palipad lipad ang isip. Nasanay narin naman sa akin yung mga tao, parang mas normal pa nga raw yung ganitong Andy kesa sa dati. Yun kasi ang madalas na nilang nakikita eh. ―Ngayon na papasok ulit si Omar diba?‖ Tumango lang ako at ngumiti. Syempre, masaya ako para sa kanya dahil tapos na parusa niya. Sobrang nagulat talaga ako nun na kahit pagpunta ng school eh pinagbawalan siya. Grabe no? Puro AVR lang kami nitong umaga. Saya nga eh, parati sa aircon at imax, minus the popcorn nga lang. pagdating ng lunch eh ako na yata yung pinakaunang lumabas ng room and this time, nasa labas rin si Omar. ―Huuuuy…kamusta?‖ ―Eto, ayos na. Sa wakas.‖ natawa lang kami nun tapos hinintay na namin yung

barkada ko. Nung nakumpleto na kami eh pumunta na kaagad kami s amay cafeteria. Gutom na kasi eh. Dahil hindi normal na araw ito eh dun kami long table umupo. (long table as in pinagdugtong na 2 short). Nakipagtarayan pa nga si Cheeky para lang makuha yung table na iyon eh. tawa nga kami ng tawa eh, akala namin mananapal pa siya, buti nalang hindi. Bumili naman kami kaagad ng food namin nun tapos balik sa table. Kuwentuhan lang naman saka kulitan yung trip namin. Isang beses nga eh, kasi sadyang mga pilyong tao kami, eh namamato kami ng mga styro sa kabilang table. Wala naman nagalit, hindi naman kasi napupunta sa may pagkain nila eh. ―Alis lang ako saglit, babalik rin ako.‖ ano na naman kayang gimik nito? Hindi pa nga pala niya nasasabi sa akin yung gusto niyang sabihin! Ay naku, ano naman kaya yun? ―Andy, pansin ko lang. ikaw ba eh may gusto diyan kay Omar?‖ Nanlaki naman yung mata ko dun. Ako?! Magkakagusto kay Omar?! Hindi no! ―Nah, friend material yang si Omar.‖ ―Oh? Tingin kasi namin may special sa inyo eh.‖ ―Weh..wala kaya.‖ totoo naman eh. best friend lang tingin ko dun sa lalaking yun. Saka diba, alangan naman iwan ko pa siya ngayon na medyo magulo yung sitwasyon niya sa tatay niya. Ang sama ko namang kaibigan kapag ganoon. ―Wala lang. naisip lang kasi namin na ayos lang naman si Omar eh. Saka, kung siya yung way na pagmomove on mo, eh di okay narin yun para sa amin.‖ move on? Sa totoo lang? hindi ko pa naisip yang bagay na iyan. Feeling ko kasi…hindi ko parin kaya eh. Ngumiti lang ako sa kanila. Alam ko namang concern lang ulit yang mga yan. Naiintindihan ko naman sila kasi kung kay Marla at Cheska rin ito mangyari eh ganoon rin naman ang iisipin at gagawin ko. Medyo nagtaka naman kami kasi bakit parang ang tagal yata ni Omar. Ano ba ginawa nun? ―Ang tagal naman nun..‖ ―Baka naman nagnumber 2.‖ ―Hay naku Stephen, kung magnunumber 2 yun eh di malamang nanghingi siya ng tissue. Asus,‖ Tumawa lang si Stephen kasi alam naman niyang pahiya siya. Hay itong

dalawang to talaga oh. ”Ate may nagpapabigay po” Napatingin naman ako sa bata tapos nagulat nang may hawak siyang blue rose. Napatayo ako bigla tapos lumapit. ―Kanino galing yan?‖ sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin. May lumapit uling bata sa akin, this time babae naman. Ganun din ang ginagawa niya at kapag tatanungin ko kung sino sila eh ngingiti lang rin sila sa akin. ”Ate, sabi po ni Kuya eh umakyat ka daw po sa may rooftop, dun mo po siya makikita.” Agad naman akong nagpasama kina Vince at nagtatakbo kami papuntang rooftop. At habang tumatakbo eh ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Makikilala ko na ba talaga siya? Paano kung kakilala ko lang pala siya? Paano kung he‘s not what I expect him to be? Pero teka nga, ano bang ineexpect mong maging siya? Tinuloy ko nalang yung pagtakbo. Sobrang tagal nga eh kasi ilang floor ba naman ang inakyat namin para lang makarating dun sa rooftop. ―Andy, dahan dahan lang.‖ Hindi ako nakinig. In fact, mas binilisan ko pa ang takbo ko. ―huy Andy..‖ Konti nalang… ―Huy, baka naman mapilay ka niyan!‖ Ilang steps nalang… ―Andy!‖ At ayun! Nakarating din kami. Dahan dahan pa akong naglakad nun kasi napagod ako. Inikot ko naman yung buong rooftop at nakita sa may dulo na may lalaking nakatayo at nakatalikod sa amin. Pagharap niya eh nanlaki lang yung mata ko at napanganga. “Hello Sassygirl Andy.”

Chapter 64

―You‘ve got to be kidding me.‖ Ilang beses ko narin sigurong nasabi yan pero hanggang ngayon eh hindi parin ako makarecover sa state of shock na kinalalagyan ko. Sino ba namang hindi mashoshock? Eh ang nag-iisang mr. cuteboi at si Omar lang naman! Diba? Shocker talaga. ―Ang kulit mo rin no??‖ ―Eh kasi naman eh!‖ Tawa lang sila ng tawa nun. Nagkuwento naman si Omar kung paano niya nakuha yung ym id ko. At gaya nga ng sabi niya eh nag guess lang daw talaga siya. Sobrang bored daw kasi niya tapos yung pinapanood pa niya noon eh yung ‗My Sassy Girl‘ na film. Oh diba? Nice naman. Pagkauwi ko ng bahay nun eh diretso lang ako sa kwarto. Gawa assignemts, tapos tulog. Yan ang usual na routine ko ngayon eh. ewan ko ba, para bang nawalan nalang ako ng mood na gumawa ng anything fun lately. The next day, Saturday, plano ko lang sa bahay buong araw. Wala lang, tinatamad kasi ako nun lumabas eh. Nung Sunday naman eh cram sa paggawa ng mga homework at project and ang only time lang na lumabas kami eh nung nagsimba. Laking pasalamat ko nga eh kasi hindi na nagyaya yung parents ni Kit na kumain sa labas. Mahirap narin diba? Nung Monday maaga akong pumasok. Wala pa nga masyadong tao nun sa school eh. feeling ko nga ako lang saka mga guards yung nandoon. Ano pa bang magagawa ko? Since medyo matapang ako eh nagexplore nalang muna ako sa mga classrooms. *BAM!* Ouch! Sapul ah!

Napatingin ako dun sa nakabangga ko tapos si…si Kit pala. Halata mo naman sa mukha niya na nagulat rin siya. Ang tagal naming nagkatitigan nun. Feeling ko mga lampas 1 minute pa. ang weird pa dun eh nung natauhan siya… Bigla nalang siyang umalis. Hindi man lang niya ako tinulungan tumayo, o kinausap. Bakit ka pa ba umaasa Andy? Yan naman ang gusto mo diba? Napabuntong hininga lang ako tapos bumalik nalang sa room namin. At least dun, safe ako. Walang Kit na makakasalubong. Buong araw eh naapektuhan yung mood ko. Ewan ko ba, ang weird ko ring tao eh. gusto ko na iwasan siya pero kapag iniiwasan na niya ako eh nalulungkot ako. Weird no? ―May problema ka ano?‖ Tumingin lang ako sa kanya. Ayokong magsinungaling kaya tumango lang ako. ―Siya na naman ba?‖ ―Oo…‖ ―Alam mo Andy…kung nasasaktan ka na sa ginagawa mo, itigil mo na…‖ ―Pero---‖ ―Walang pero pero…‖ Hindi naman kasi ganoon kadali yun eh.

*****

Habang tumatagal, mas lalo akong nahihirapan na umiwas. Para bang nananadya ang tadhana at kung saan sulok man ako magtago eh andoon parin sila. Minsan nga gusto ko nalang magabsent eh. o di naman kaya eh lumipat nalang sa ibang school. Pero hindi pwede eh.

―Kamusta ang buhay ng parating tumatakas?‖ Tumingin lang ako kay Omar nun. ―Mahirap.‖ ―Mahirap pala eh, bakit mo ginagawa?‖ Yan ang isa sa mga tanong na kahit kelan eh hindi ko masagot. ―Kung alam ko lang sana yung sagot eh...‖ ―Alam mo yung sagot..‖ ―Ngek, eh kung ala---‖ ―Hindi mo lang iniintindi.‖ sabi niya sa akin tapos iniwan na niya ako kasi nagbell na. Hindi ako makaconcentrate buong araw. Punung puno ng kung anu ano yung nasa isip ko. Feeling ko tuloy sasabog nalang yun bigla dahil sa sobrang bumabagabag dito. Hay, bakit ba naging kumplikado masyado ng buhay ko? Hindi siya kumplikado. Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. Ay nako, pati ba naman konsensya ko?! Naman! Ilang weeks ko rin inendure na parating ganoon. Iiwas ako, tatakbo o di naman kaya eh magkukunwaring hindi naapektuhan. Alam ko sa loob loob ko nun, nasasaktan na ako. Pero may pagkatanga rin ako eh. oo, inaamin ko, tanga na ako. Dahan dahan akong naglakad papunta sa katabi ng kwarto ko. Bihira lang talaga ako pumunta dito. Kung baga, once in a blue moon. Hindi naman, exagge naman. Kapag may pinapahanap ko kaya pinapatawag na siya eh saka lang ako pupunta. Saka, bakit naman ako pupunta diba? Eh di nagkaroon ng world war III sa bahay namin. Pero exception itong araw na ito. ―Ate?‖ ―Ano? Ano na namang problema mo?‖ kita niyo na? lalapit palang ako eh para na siyang tigre na naka attack position. lumapit ako sa kanya at umupo dun sa paanan ng kama niya. ―May itatanong sana ako eh…‖ Napansin siguro ni Ate Cass yung pagkalungkot ko kaya nawala yung pagkainis sa boses niya. ―Ano yun?‖

―Ate, anong gagawin mo, kapag may kaibigan ka na pinagpromisan mo na tutulungan mo sa mahal niya, tapos nun eh na-inlove---hindi, narealize mo na matagal mo na palang gusto yung mahal niya?‖ ―Wag mong sabihin may pinag-aagawan kayo ni Marla?‖ Umiling lang ako nun. ―Hindi si Marla ate…‖ ―Ah, yung new friend mo.‖ Nagulat ako. Paano niyang nalaman? ―Ako yung tipo ng tao Andy na hindi basta bastang nagpaparaya kaya syempre, papaglaban ko yung nararamdaman ko.‖ ―Ganoon ba?‖ ―Pero magkaiba tayo Andy.‖ Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sasabat na sana ako kaso pinigilan niya ako. ―Ikaw naman Andy, yung tipo ng tao na kahit sobrang nasasaktan na eh handa parin magparaya. Iniisip mo muna yung kapakanan ng iba kesa sa sarili mong kaligayahan.‖ Teka, ganoon ba talaga ako? Kaya ba ako nagkakaganito eh dahil totoo yung sinasabi ni ate Cass? ―Hindi maganda yan Andy. Kelangan mong baguhin yang attitude na iyan. Kelangan mo rin namang pagbigyan yung sarili mo kahit paminsan minsan lang. Tao ka lang rin Andy, at lahat ng tao eh napapagod rin kahit sabihin mo mang malakas sila.‖ Naramdaman ko naman yung mga luha kong tumulo. Tama siya. Tama lahat ng sinabi niya. Pagod na nga ako. Pagod na pagod. ―Kelangan Andy matuto kang ipaglaban ang kasiyahan mo dahil hindi mo alam, balang araw baka maging malungkot ka nalang at parating iniisip na, ‗paano kaya kung ginawa ko iyon?‘. Magkakaroon ka ng maraming regrets Andy.‖ Napahinga naman ako ng malalim. Grabe na, sobrang naapektuhan ako sa sinasabi ni Ate Cass. Sobrang sakit, lalo na dito *points at her heart*. ―Pero paano kung may masasaktan akong tao?‖ ―You can‘t please everybody Andy. Kahit anong desisyon naman ang gawin mo eh may masasaktan ka parin.‖ Ano ba talagang dapat kong gawin? Ano? ―ate…‖ tumingin ako kay Ate Cass. Napansin kong punung puno ng pagkaawa

yung mga mata niya. ―Halika nga dito.‖ At agad naman akong yumakap ng mahigpit sa kanya. ―Tama na Andy. Sobra ka nang nasasaktan. Isipin mo naman ang sarili mo.‖ ―Ate nakakapagod rin…sobrang pagod na pagod na ako.‖ ―Well alam mo na ang dapat mong gawin Andy….‖ Napatingin naman ako sa kanya at nginitian niya ako. ―Pagbigyan mo naman ito. *turo sa puso ni Andy*.‖ Pumikit naman ako nun tapos sumandal lang. Ano na ba talagang gagawin ko? Chapter 65 Mga ilang araw rin akong napag-isip isip sa mga bagay bagay at isang paraan lang ang naiisip ko para mahinto na itong problema ko. Siguro nga, yun na ang dapat kong gawin. Dapat naman kasi dati ko pa siya ginawa. Masyado lang kasi akong…takot. Friday ang araw ngaon. January 25. Ito na yung araw na..kelangan kong gawin… ―iyon‖. Sana makayanan ko. Sinimulan ko yung araw ko ng tama. Hindi ko inasar yung kapatid ko at mas lalong hindi ako nakipagtalo kay Ate. Iyan pa, ang laki ng tinulong niyan sa akin eh. feeling ko mas naging close na kami ngayon. ―Ew. May muta ka pa oh.‖ Yep, definitely became closer. Dati rati mas malalang pang-aasar pa eh. pero ngayon, natatawa nalang ako. ―Ate.‖ tumigil naman siya sa paglalakad. Halata sa mukha niya yung pagkairita. ―Ano? Malalate na ako oh.‖ ―Salamat.‖ tapos umirap lang siya at naglakad na paalis. Ako naman eh nakangiti parin dun na parang tanga. Start the day right, yan ang motto ko ngayon. Nagulat naman ako ng biglang tumigil si Ate tapos biglang ngumiti sa akin. Mas lalo naman akong natuwa nun. Good actions bring good karma.

*****

Maaga rin akong nakarating sa school nun. Lahat nga ng mga classmate ko eh napansin na bakit daw sobrang saya ko naman ngayon. Ang sabi ko lang… ―Masyadong maganda ang araw para maging malungkot.‖ Weird? Ayos lang. Tuluy tuloy yun, hanggang sa maglunch eh sobrang wide parin ng ngiti ko. Medyo nakakangawit na nga eh pero ayos lang. siguro kung may award man na most smiles in a day eh panalo na ako. Feeling ko nga eh yung mga ibang tao eh nawiweirduhan na talaga sa akin. Nung isang time kasi eh, akala siguro hindi ko nakita, bigla ba namang sumenyas dun sa kasama niya na para daw bang may tulilig ako. Pero syempre, dahil good mood ako eh hindi ko nalang pinansin. ―Ang ganda ng mood mo ngayon ah.‖ ―Oo nga, kanina ka pa nakangiti. Hindi ka ba napapagod?‖ Umiling lang ako tapos mas ngumiti. ―Ano bang meron at bakit parang kung makangiti ka eh parang wala nang bukas?‖ ―Ano ba kayo, dapat maging masaya nalang kayo dahil ganito ako. Ano mas gusto niyo? Ito o yung parating problemado? Diba ito?‖ tumango lang sila nun tapos diretso na kami ng cafeteria. Malamang nag-aantay na dun sina Cheeky. Pinauna na kasi namin sila dahil may dadaanan pa kaming tatlo nina Vince. ―Grabe ang tagal niyo ha.‖ At ayun, kumain na kami. Nung kalagitnaan nga ng kainan namin eh nakisalo na si Omar sa amin. Nung mga 15 minutes nalang siguro eh umalis yung barkada. May aasikasuhin pa daw sila. Ako naman dahil tinatamad pa akong maglakad eh nagstay nalang. Sinamahan naman ako ni Omar. ―Bakit hindi ka na sumasama kay Kit?‖ ―Ako? Sasama dun?‖ obviously, hindi pa sila nagkakaayos mula dun sa unang away nila. ―Mukhang malabo. Dalawang reason lang naman ang meron ako kung bakit ayaw ko na sumama eh.‖ ―Ano naman yun?‖

―One, magkaaway kami ni kit. Sino namang may matinong pag-iisip ang makikisama dun sa nakaaway mo diba?‖ sabi niya na may matching hand gestures pa. Asus. ―And two, ayoko kay Kat.‖ Nagulat naman ako dun. Ayaw niya kay Kat? ―Ayaw mo sa kanya? Bakit naman?‖ ―Hmmm…wala lang.‖ binatukan ko naman siya nun. Pwede ba yun? Ayaw mo sa isang tao kasi wala lang?! Naloloko na ba siya? ―Asa, ano nga?‖ ―May nangyari kasi dati sa barkada namin before concerning Kat.‖ At syempre, dahil may pagkachismosa ako eh lumapit naman ako. ―Ano yun?‖ Natawa naman siya bigla. Aba, tama ba yun? ―Ang chismosa talaga nito oh.‖ pinalo ko lang siya kahit na totoo. Syempre, ako lang pwedeng magsabi nun. Harhar! ―Dali na.‖ ―Well ganito kasi yun, diba ala mo naman na si Kat ang first love ni Kit?‖ Tumango lang ako. Syempre…medyo, nakaka..alam niyo na… ―Well, hindi ko nasabi sa iyo dati na…‖ “…ako yung first boyfriend ni Kat.” Chapter 66

Teka, tama ba yung rinig ko? Si Omar ang first boyfriend ni Kat?! Paanong nangyari yun?! ―Wait, hindi ko siya magets. Paano nangyari yun?‖ ―Mas una kong kilala si Kat. Bago ko pa nga siguro maging kabarkada sina Kit eh kilala ko na yung babaeng yun. ‖ nagpause siya saglit tapos halata mo parang naiinis siya sa kinukuwento niya. color=brown] ―naging kami ni Kat nun for 2-3 months. Ewan ko, feeling ko fling ko lang yun eh. hindi ko naman kasi siya mahal

nun. Siguro nga napilitan lang ako kasi yung mga kaibigan niya eh kinukulit ako nun na ligawan ko raw siya so ayun. For experience narin siguro eh niligawan ko siya.‖[/color] Wow, ngayon ko lang nalaman ito ah. ―siguro mga magthird month palang kami nun nung makilala namin si Kit at Myka. Hindi nga kami nagpakilala na kami eh. ewan ko kung bakit pero sabi ni Kat wag daw.‖ nakita ko namang nagclose yung fist niya nun bigla. ―Then nung third month na namin eh nalaman kong may something sa kanila ni Kit. Si Myka nagsabi sa akin nun. Sobrang inis nga ako eh. Hindi dahil sa yung girlfriend ko eh nakikipaglandian sa iba, trust me, I didn‘t really care back then. Nagalit ako kasi nagiging good friends na kami ni Kit nun at naasar ako dahil dun.‖ ―Sinabi mo ba kay Kit yun??‖ ―Yun ang pagkakamali ko. Hindi ko sinabi kay Kit yung totoo. Natakot kasi ako nun na kapag sinabi ko na yung first love niya eh girlfriend ko eh baka magkaaway kaming dalawa.‖ Grabe pala yun. Mas grabe na si Kat ang dahilan ng lahat ng yun. To think na akala mo nung una eh sobrang bait na mala-santo pa si Kat..yun pala…wala siyang sinasanto. ―I never thought that kayang gawin ni Kat yun…‖ Nagulat naman ako ng biglang tumingin si Omar sa akin na para bang nahihibang na ako. ―You‘re really saying that? Eh yung ginagawa niya sayo iyo ngayon eh parang ganun din eh! She‘s an evil manipulating monster na nagcocontrol sa taong nakapaligid sa kanya para kaawaan siya kahit naman ang totoo eh siya talaga yung kontrabida.‖ ―Don‘t say that, malay mo nagbago na siya…‖ ―Nagbago AndY? Nagbago ba kamo? Eh sa tingin mo anong ginagawa niya sa inyo ni Kit ngayon?‖ Napasimangot nalang ako. Ayokong isipan ng masama si Kat. Hindi ako ganoong tao. ―We don‘t know Omar kaya wag nalang tayo magsalita ng masama.‖ ―Bahala ka Andy.‖ Bumalik na kami sa mga classroom namin nun. Sa nalaman ko kani kanina eh parang nawala bigla yung glow ko ngayong araw. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin ni Kat yun. Pero sino nga ba naman ako para magsalita diba? Eh mas matagal nang kilala ni Omar si Kat. Hay, ang gulo naman.

Nung sunod na subject namin eh nagmeeting lang kami para sa class play namin. Ang saya nga ng tatanghalin namin eh, yung story ng King Arthur. Excited na nga ako eh, maganda kasi yung story na yun. ―Okay Guys, pilian tayo ng characters. Yung main lang muna at yung mga significant. Depende narin kasi sa scriptwriter natin yun kung may idadagdag. So for now, stick to King Arthur, Guinevere, Lancelot, Merlin at Mordred tayo.‖ paliwanag naman samin ng president namin a.k.a. Cheeky. Kahit na maloko yang baklang yan eh responsible yan no. ―Okay nominate or suggest na kayo ng mga gusto niyong gumanap.‖ Nagtaasaan naman yung mga kamay nila at sangkatutak na suggestions yung sinabi nila. May mga iba pa nga na nagsabi na baliktarin daw namin. Gawin daw namin na yung boys yung gaganap na girls at yung girls yung gaganap na boys. Yun na sana talaga gagawin namin kaso nga lang sabi ng teacher namin eh serious play daw ito tapos contest narin laban sa mga kabatch namin. ―Okay, yung matinong suggestion naman ngayon.‖ ―Bakit hindi nalang si Andy si Guinevere?‖ nanlaki naman mata ko nun tapos tinignan ko yung nagsabi. ―Hoy asa ka! Anong ako?! Ayoko nga!‖ ―Mas bagay si Andy. Nakita niyo naman yung hitsura niya nung dance diba? Diba pang mukhang Guinevere yun??‖ grabe, ang sarap namang pagsasapakin nitong mga classmate ko. Ako?! Guinevere?! Hindi pwede! Hindi kayA! NO DEAL! ―Nahihibang na ba kayo?! Dapat nga si Marla nalang ang Guinevere!!‖ may nakisang-ayon naman sa akin nun kaya nagsmug look ako. ―Okay, botohan tayo. Ang pagpipilian eh si Andy at si Marla. Once lang pwede bumoto okay? Tinuan niyo rin ha! Pag may nagloko babatukan ko kayo. ‖ Nagsimula naman silang magbotohan. Nung sinabi yung pangalan ni Marla eh ako pa yata ang pinakaunang nagtaas ng kamay. Pagtingin ko sa likod…*GULP* Uh-oh. ―Sorry Andy, ikaw talaga ang gusto nila eh. So now, si Andy ang Guinevere. Sino si Arthur, Lancelot, Mordred at Merlin? ‖ Badtrip na mga classmate naman ito oh. Ang lalakas mangtrip! Hmf! Nagkabotohan pa ulit sila nun at ito ang kinalabasan.

King Arthur – Vince Guinevere – Ako (>.<) Lancelot – Jarell Merlin – Stephen Mordred – Andrew Hay, kung pwede lang sanang papalitan yung role ko eh, kaso ang titigas ng ulo nila. Ayaw nila akong payagan. :‘( kawawa naman ako. Pagtapos ng subject na yun eh madugong math naman ang sumunod. Grabe, may quiz nga kami nun eh, feeling ko talaga eh dumugo utak ko dahil dun. Hay, hindi kasi mutual ang nararamdaman ko para sa math eh. Ako lang kasi yung may gusto. Pero ang math, ayaw sa akin. Huhuhu. Break Time namin eh hinanap ko si Kit. May gusto lang kasi talaga akong linawin para maayos na ang lahat. Dumiretso naman ako sa classroom nila pero wala siya dun, ang sabi daw eh pumunta sa SC office kaya naman diretso punta ako dun. Medyo maraming tao nun sa hallway kaya tinagal ako. At sa wakas! After 100 years nakarating rin ako sa tapat ng office nila. Mukhang may meeting nga eh kasi nakasarado yung pinto. Kumatok naman ako nun kasi hindi naman maganda kung bigla bigla nalang akong papasok diba? Walang sumagot nung una kaya tinuloy ko parin. Ay naku, may tao pa ba kaya sa loob? Baka naman sa ibang place yung meeting nila? ―Aly, tapos na ba yung meeting niyo?‖ ―Yung meeting? Oo, kanina pa tapos bakit??‖ ―Sarado yung pinto eh. Si Kit nakita mo?‖ ―Siya yata yung pinakahuling lumabas. Sige pasok ka nalang, wala naman sigurong tao. Iwan mo nalang sa desk ni Kit yung kung ano man kelangan mo.‖ Tumango nalang ako tapos ngumiti sa kanya. Since may permission naman ako mula sa SC Vice President eh siguro naman wala nang magagalit sa akin. Pagpasok ko eh medyo madilim pa nun. Yung curtains kasi nila eh nakatakip tapos yung ilaw eh nakapatay. Hinanap ko naman yung switch sa dilim kaya ayun, kumapa kapa ako nun sa may wall. ―Anong ginagawa mo?‖ hala! Andito pala si Kit! Naku naman ,ano ba naman

kasing ginagawa nitong lokong to sa dilim eh! Sasagot na sana ako nun kaso biglang may nagsalita. May kasama siya. Kilala ko pa. ―Bakit ba ang cold mo sa akin ngayon? Nasasaktan ako Kit. Nung dance hindi mo man lang ako sinayaw ni isang beses…‖ ―May inasikaso ako, sinabi ko naman sa iyo yun diba?‖ ―Oo nga pero..hindi man lang kita nakasayaw…‖ ―Yun lang ba? Anytime naman pwedeng sumayaw eh.‖ Hindi na ako nagstay pa nun dahil sobrang lakas ng heartbeat ko. Dahan dahan akong naglakad nun kaso biglang may nasagi ako kaya umingay. ―Sino yan!?‖ At pagkatapos nun eh tumakbo na ako. Kasabay ng pagtakbo ko eh ang pagtulo ng luha ko. Dumiretso ako nun sa Cr at nagkulong. May mga tao pa nga na kumakatok eh, if I know mga chismoso at chismosa lang yan na gustong makielam. Hindi ko na sila pinansin at nagstay nalang dun. Narinig ko yung bell pero hindi parin ako tumatayo. Kinuha ko nalang yung phone ko tapos nagtext kay Vince para sabihin na hindi maganda yung pakiramdam ko at siya na bahala magsabi sa teacher. Grabe, sobra talaga yung naramdaman ko kanina. Ang kinalala pa nun, bakit sa dilim pa nila kelangang mag-usap? Hay, siguro nga…ayaw nilang maabala. Kaya nga rin siguro hindi nila pinapansin yung kumakatok. Busy sila sa isa‘t isa.

*****

Mga 2nd to the last subject na siguro nung bumalik ako. Dumaan pa ako nun ng clinic kasi masakit yung ulo ko at hindi ako makahinga. Siguro dala narin ng emosyon yun kaya nangyari yun. Nahalata ng iba na umiyak ako. Namaga kasi yung mata ko eh, hindi na ako nakapaghilamos kasi nahihiya na ako magpalate pa. ―Anong nangyari sa iyo Andy? Kanina ang saya saya mo…‖

Umiling lang ako nun. Ayokong pag-usapan muna dahil alam kong maiiyak lang ulit ako. Pagkatapos ng klase eh nag-ayos lang ako ng gamit. Medyo matamlay parin nga ako nun eh pero tinry ko best ko. May business pa kasi akong kelangan tapusin. ―Andy, ayos ka lang ba?‖ Umiling ako nun tapos naglakad na papuntang locker, kaya lang hinarangan nila ako. ―Andy naman, akala ko ba tapos na tayo dito sa hindi mo pagshare ng problema mo?‖ sabi sa akin ni Cheska. ―Not now please. May kelangan pa akong tapusin.‖ ―Pero And---‖ ―Hayaan mo siya Stephen‖ napatingin lang ako kay Cheeky nun. Ngumiti ako kahit slight lang tapos siya eh tumango lang. Pagdating ko sa may locker eh iniwan ko na kaagad yung gamit ko dun. Pagtapos nun eh dumiretso ako sa classroom nina Kit. Siguro nga naawa na ang tadhana sa akin at for once eh nakiside naman siya sa akin. Si Kit lang ang natira dun sa classroom tapos mukhang may inaayos lang. ―Anong ginagawa mo dito?‖ ―Kelangan kitang kausapin.‖ Tumaas yung kilay niya pero sinenyasan ko lang siya na sundan ako. Nakita ko namang niligpit na niya yung gamit niya tapos naglakad narin kasunod ko. Dumiretso ako dun sa papuntang rooftop. Dun nalang kasi ang pinakaunang place na naisip ko. Ayos narin siguro dun. Para pag hindi ko nakayanan, tatalon kaagad ako. Joke lang. Pagdating naman namin dun eh diretso lang ang lakad ko tapos tumigil lang ako pagdating dun sa tapat ng railings. color=blue] ―Ano yun?‖[/color] ―Nakapagdesisyon na ako Kit…‖ ―Desisyon? Anong desisyon?‖ kumunot yung noo niya.

―I‘m saying g-goodbye.‖ talagang pinilit ko yun sarili ko na wag umiyak kaya tumalikod narin ako. ―yun ba talaga ang gusto mo?‖ tumango lang ako, hindi ko na kayang magsalita pa dahil alam ko any moment eh tutulo na yung mga luha ko. Bakit ko ba ginagawa ito? Bakit ko ba pinapahirapan yung sarili ko? ―As you wish.‖ At pagtapos nun eh lumakad na siya papalayo and at that moment… He stepped out of my life.

Chapter 67

Isang araw siguro akong nagkulong sa kwarto ko nun. Maybe more. Basta alam ko lang, after nung encounter with Kit eh parang nawalan na ako ng buhay. Para bang ayoko nang lumabas, ayoko nang makipag-usap sa iba. ―Andy, hindi mo parin ba kayang pumasok?‖ Tumingin lang ako kay Mama. Sobrang naging supportive niya nung mga huling araw. Pinayagan niya muna akong makapagpahinga mula sa mga hinaharap ko sa school. Grabe nga eh, akala ko talaga nung una eh pipilitin niya akong pumasok hindi pala. ―Feeling ko ma, kapag pumasok ako eh anytime pwede akong magbreak down.‖ Totoo yan. Minsan sa isang araw, bigla nalang akong maiiyak. Nakakaasar nga eh, bakit ba kasi nahantong sa ganito ito? Sana hindi ko nalang nakilala si Kit. Sana, iba nalang ang minahal ko. ―Bibisita raw sina Vince mamaya…pinapasabi nila.‖ ―Thanks ma.‖ ngumiti lang sa akin si mama nun tapos niyakap ako. ―Alagaan mo sarili mo Andy…‖ Tumango lang ako nun tapos siya eh lumabas na ng kwarto. Buong araw naman eh sa kwarto ko lang ako. Lalabas lang ako kapag gutom ako. Alam kong mali yung ginagawa ko, na sinisira ko yung buhay ko, pero hindi ko pa talaga kaya.

*****

―Kamusta ka na?‖ ―Medyo hindi parin okay.‖ ―Gusto ko lang paalam sa iyo Andy, hindi na ikaw yung Guinevere. Si Marla nalang. Naintindihan naman ng iba yun so walang problema.‖ Ngumiti naman ako kay Cheeky at nagthank you. Ilang sandali lang rin eh dumatin na sina Marla at Stephen kasama si Omar. ―Grabe Andy, mukha kang kinuhanan ng napakaraming dugo...‖ ―Hello rin sa iyo Omar..‖ umupo siya nun sa tabi ko tapos tumingin lang na parang awang awa sa akin. ―Don‘t look at me like that..‖ Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang naging awkward bigla kasi sobrang tahimik. Buti nalang at nagsalita na si Cheeky at nabasag na yung katahimikan.

*****

5 days na akong absent. Hanggang ngayon hindi parin ako makatayo ulit. Naiinis na nga ako sa sarili ko eh. kung bakit ba kasi hinayaan ko siyang umabot sa ganito. Siguro nga tanga na ako para gawin yun. ―Ate, kakain na daw.‖ Tinignan ko lang si Herc na hawak hawak yung gameboy niya at umupo sa tabi ko. ―Hindi ako kakain Herc, pasabi nalang kay Mama..‖ sabi ko sa kanya tapos pumikit na. Hindi ko naman naramdaman na gumalaw siya kaya tinignan ko ulit siya. Nagulat nga ako kasi nakaextend yung kamay niya tapos parang inaabot niya sa akin yung gameboy niya. Anong gimik nito? ―Sayo muna to.‖ hinawakan ko naman yung gameboy niya at tinaasan siya ng kilay. Eh dati nga halos magpatayan kami para lang mahiram ko ito tapos ngayon…? ―Baka sakali lang na bumalik yung dating Ate Andy ko…‖

Nangilid naman yung luha ko nun at hindi ko narin napigilan yung sarili ko kaya yumakap nalang ako sa kanya habang umiiyak. Hindi ko talaga inakala na si Herc eh magiging ganito yung reaksyon. Akala ko wala siyang magiging kinalaman pero pati pala siya nasasaktan narin. ―S-Salamat Herc. Sorry ha…pati ikaw naapektuhan sa pagiging ganito ko...‖ Yumakap lang siya ng mas mahigpit nun tapos ako naman eh lalo lang napaiyak. Ilang sandali lang rin eh kumalas na kami tapos natawa sa hitsura ng isa‘t isa. ―Alagaan mo yan Ate ah…‖ ―Ito naman, para naman may buhay itong gameboy mo...‖ Tumawa lang kami pareho nun tapos naglakad na siya papuntang pinto. ―Herc…thank you.‖ Ngumiti lang siya sa akin bago lumabas na ng tuluyan. Nung sumunod na araw eh maaga akong gumising. Napagdesisyunan ko na. Tama na ang pagtatago. Dapat nang bumalik ang dating masiglang Andy. Nagulat sa akin si Manang nun nung bumaba ako at nakasuot na ng uniform namin. Hindi nalang siya umimik nun kahit na obvious na gusto niya akong tanungin. Hindi ko na hinintay na magising sina Ate Cass at Herc at nauna na akong pumasok. Nagtext narin ako sa mga kaibigan ko na papasok ako ngayon. Pinakaunang nagreply naman si Vince at tinanong kung sigurado daw ba ako. Pagpasok ko ng school eh may konting tao na. yung mga kabatch ko nga na kilala ako eh nagtanong pa kung anong nangyari sa akin. Akala nga daw nila eh naospital ako or something, sabi ko lang eh may nangyari. Period. ―Andy! Buti naman at nakapasok ka na ulit.‖ ―Oo nga eh. Ang dami ko nga rin sigurong namiss no?‖ ―Medyo marami rami rin. Pero maswerte ka dahil nagkaroon ng 3 days na puro practice lang. Yung play kasi ng mga 4th year na gagawing contest eh papanoorin ng outsider so gusto ng teachers presentable.‖ Wow, kapag sinuswerte ka nga naman oh. 2 days worth ng lessons lang pala ang hahabulin ko. Kaya yan.

―Sige ha, mauna na ako.‖ nagpaalam na ako tapos umakyat na papuntang classroom. Maybe coming back is not so bad after all. ―Andy? Uy!! Pumasok ka na pala!‖ Or not. Nagpilit lang akong ngumiti nun nung yumakap siya. ―Grabe, hindi ka nagparamdam. Namiss kita.‖ Ngumiti lang ako nun. Hindi ako makatingin ng diretso kasi nasa likod lang niya si Kit. ―Ano bang nangyari?‖ ―HA? Ano kasi…ahmm…personal siya eh..‖ ―Ahh, ganun ba? Basta Andy, kapag kelangan mo ng kausap or tulong, andito lang ako okay? Wag kang maghehesitate na lumapit sa akin ha?‖ ―Ah…sure.‖ Umalis na sila nun. Si Kit hindi man lang umimik. What do you expect Andy? Dumiretso nalang ako sa classroom nun tapos umupo. Kaya mo yan Andy. Kaya mong magsurvive sa araw na ito. Aja.

*****

―Yung mga bayad niyo para sa field trip bukas wag niyong kakalimutan okay?‖ Field Trip? Anong field trip?! Magtataas na sana ako ng kamay nun kaso hinawakan ako ni Vince tapos nakangiti lang siya. ―Kami na nagbayad ng para sa iyo.‖ ―Talaga? Salamat.‖ ayun, nagbigay ng mga reminders yung adviser namin. Kesyo bawal daw magdala ng mga mamahaling gadgets dahil baka daw mawala yun. At kung matigas ang ulo mo talaga eh ikaw na ang bahala sa buhay mo kapag may nangyari. Tuwang tuwa naman yung buong klase namin nung biglang namention na may Falls kaming pupuntahan. Ibig sabihin nun eh may swimming! Sosyal diba?

―Wag niyong kakalimutan mga snacks niyo ha? Baka naman pagbiyahe eh dumaing kayong gutom na kayo.‖ hay si Miss talaga, todo sermon. Palibhasa kasi siya yung naiimbyerna kapag may nagkakaproblema sa section namin eh. Pagkabell nun eh tayuan kaagad yung mga tao. Panigurado yung iba diyan eh lalabas at maglalaro lang ng DOTA o di kaya eh magmamall. As for me? Bibili nalang ako ng food para bukas. Hindi ko na nahintay yung barkada ko kasi may gagawin pa pala sila. Palibhasa kasi nakabili na sila ng snacks nila kaya hindi na ako masasamahan. Hay, ayos lang. Papahatid nalang ako hanggang mall tapos pasundo nalang ulit. Yeah, tama. Umuwi muna ako nun syempre bago ako dumiretso ng mall. Bawal kasi ang suot mo yung iyong uniform kapag gumala ka. Ayoko rin naman magtake ng risk, baka sabunin ako ng nanay ko. Nakarating na ako nun ng mga 4:30 na. traffic rin kasi eh, bibilisan ko nalang para maaga aga rin akong makakauwi mamaya. Hindi na ako nagwaste ng time at dumiretso nalang ako sa may supermarket. The usual junk foods, soft drinks at kung anu anong candy mga pinagbibili ko. Bumili narin ako ng mga gamot para kung mayroon mang mangyari bukas eh handa na ako. Syempre, may pagkagirl scout rin yata ito no. Siguro nga busy ako sa kakatiningin sa mga food habang naglalakad kaya hindi ko na napansin na… *OOOMPH* ―Sorry!‖ Anong ginagawa niya dito?!

Chapter 68

Natulala lang ako. Sa lahat naman ng pwedeng makasalubong sa mall, bakit siya pa? Nagkatinginan lang kami nun. Hindi ko nga alam ang gagawin ko eh, papansinin ko ba siya o hindi? Kapag pinansin ko siya, baka naman isnabin niya ako. Hay, bahala na nga. ―Excuse me...‖ sabi ko lang tapos dumaan na ako. Umusog naman siya nun pero hindi man lang siya nagsasalita. Siguro nga…mas okay narin yun kahit papaano.

Just ignore him. Umikot pa ako nun para maghanap ng masarap na pagkain. Ang dami ko talagang nabili after nun. Wish ko lang kaya ko tong buhatin habang naghihintay kay Manong. Pagtapos kong bayaran yung pinamili ko eh lumabas na ako ng supermarket. Syempre, ayoko nang makasalubong pa ulit si Kit no. Tinext ko naman kaagad si Manong nun. Kaya lang.. Sender: Manong Message: Sori hija, hindi kta masusundo Nagpahatd ang mama m sa May makati. Great. Paano ako uuwi nito ngayon? Lumabas na ako ng mall tapos… ―You have got to be kidding me!‖ *Tunog ng Kulog* Eeek! Waaa, bakit naman sa lahat ng araw eh ngayon pa?! wag mong sabihin masastranded ako ngayon dito?! Hindi pwede!!!! *Tunog ng Kulog* Darn! Naman oh, bakit ba ayaw makisama sa akin ng panahon?! Lumakad ako tapos humanap ng place na kung saan pwede akong pumara ng jeep. Sad to say, isang place lang meron. Yun pa sa walang shade. Hay, sana pala nagdala nalang ako ng payong. Bwisit naman oh. Hinigpitan ko yung hawak ko dun sa plastic ng pinamili ko tapos naghanda nang tumakbo. Okay, on the count of three. ―1…2…3----!‖ *Tunong ng Kulog* ―EEEK!!!‖

*BEEP BEEP!!!!* *OOMPH!* ―Ano ka ba!? May balak ka bang magpakamatay?!!‖ Natulala lang ako nun kay Kit. Hinila niya ako nun kaya lahat ng dala ko eh biglang tumilapon. Ang mas malala pa noon eh nakapatong siya sa akin. Gumalaw naman ako nun para umalis na siya pero parang ang ayaw pa niya. Ang sama nga ng tingin niya sa akin eh. Hello?! Umuulan po Mister Tasello baka naman gusto mo nang sumiliong?! “Tignan mo tong mga batang to oh, sa gita pa ng daan naglalambingan! Naku! Kung ako ang nanay niyang babaeng yan eh pingot ang abot niyan sa akin.” Namula ako nun at napansin kong si Kit rin. Umalis na siya sa taas ko tapos tumulong sa pagpupulot ng mga pinamili ko. Sumilong naman kami kaagad kasi biglang lumakas yung ulan. Hay, ano nang mangyayari niyan ngayon?! ―Thanks…‖ sabi ko sa kanya bago ako naglakad na. nagulat naman ako kasi nung biglang pag-alis ko dun sa may silong eh walang ulan na tumatama sa akin. Tumingin ako sa may likod ko, si Kit…pinapayungan niya ako. ―Pag may nangyari sa iyo, obligasyon ko yun. Ako ang huling kasama mo kaya ako ang masisisi.‖ yun lang pala. Akala ko pa naman…hay naku Andy! Wag ka na nga. Hindi na ako umimik nun. Sa loob loob ko eh medyo ilang ako and at the same time eh natutuwa. Nitong araw ko nalang ulit nakasama si Kit. Ang weird no? hayaan niyo na ako. Sa ganitong paraan ko nalang naman kasi siya pwedeng makasama eh. ―Ihahatid mo ko?‖ Tumingin lang siya sa akin nun na para bang naiirita siya. Feeling ko gusto niya akong batukan sa pagtanong nun. Sabi ko nga eh, ihahatid niya ako. Medyo matagal tagal rin kaming naghintay bago kami makapara ng jeep. Ginaw na ginaw na nga kami pareho eh pero si Kit nanginginig na talaga. Medyo ayos naman yung papunta sa amin. Buti nalang hindi na masyadong traffic at within 15 minutes eh nakapunta na kami sa may tapat ng subdivision namin at nakasakay na ng trike.

Napansin ko naman, dahil magkadikit na kami, eh ang tahimik lang niya tapos nakayuko pa siya. Nung makarating nga kami sa bahay eh kinailangan ko pang sikuhin siya para lang magising. Aba, talagang nakatulog eh no? Pumasok naman kami kaagad sa bahay nun. Si Manang nga eh nanermon pa, bakit daw kami nagpaulan. ―manang sina ate po?‖ ―Ay hija yung ate mo eh nasa bahay ng kaklase niya. Si Herc naman eh sumama sa mama mo at yung papa mo eh wala pa. mukhang natraffic yata.‖ Tumango lang ako tapos nagpagawa na ng mainit na inumin. Bumalik naman ako nun sa sala tapos nakita lang si Kit, tulog na naman. May balak pa kaya itong umuwi? Ilang sandali lang eh dala na ni Manang yung tray na may mainit na inumin. Sinundot ko naman si Kit at agad siyang nagising. Inabutan ko siya ng tasa tapos siya eh tumango lang. I think yun ang way niya nang pagsabi na thank you. Pagkaubos naman niya nun eh tumayo na siya tapos kinuha yung gamit niya. Ako naman eh pinaayos na kay manang yung pinaginuman namin tapos nagpaalam na sa kanya. Wala na sana akong plano na samahan siya kung hindi lang siya… *BOOOOG* “KIT!!” nahimatay.

Chapter 69

―Kelangan ko nang umuwi.‖ yan ang pinakaunang sinabi ni Kit nung magising siya bigla. Hindi siya yung kagaya ng normal na tao na magtatanong pa kung nasaan siya at kung bakit siya naroon. Well come to think of it, hindi rin naman normal si Kit eh. he‘s one extraordinary person. ―Hindi pa pwede. Ang taas taas ng lagnat mo.‖ sabi ko naman sa kanya tapos tinulak ko siya pahiga. Hindi naman siya nakaimik kasi mahina pa yung katawan niya nung mga oras na iyon. ―Anong Oras na?‖ sabi niya bago niya inumin yung inabot kong gamot.

―8 palang ng gabi. 2 hours ka palang natutulog.‖ Tumingin lang siya sa akin nun na para bang may kakaiba sa akin. Meron nga ba? ―Bakit ganyan tingin mo?‖ ―Bakit mo ako inalagaan?‖ Sabi niya na nakakunot pa yung noo. Ano bang klaseng tanong yan? ―Obligasyon kita Kit. Ako yung huling kasama mo bago may mangyari sa iyo. Malamang ako yung masisisi.‖ at sa hindi ko malamang dahilan eh bigla siyang tumawa. May topak ba itong lalaking ito o baka eto lang epekto kapag nababasa siya? ―Asan sina tita?‖ ―Wala pa nga eh. baka daw gabihin sila. Dito na raw kita patulugin dahil yung parents mo eh wala rin sa bahay niyo. Yung ate mo naman eh hindi ka pwedeng sunduin dahil nasa manila pa raw siya.‖ ―Yung driver?‖ ―Kasama nung parents mo.‖ ang weird ng feeling ko bigla. Para bang wala man lang nangyari sa aming kung ano. Parang, back to normal. Nung nagsisimula palang kaming makilala ang isa‘t isa. Sana nga ganoon nalang. Humiga lang siya ulit nun tapos tuming rin sa paligid niya. Ewan ko ba kung anong pinaghahanap nitong lalaking ito sa kwarto ko. Ano kayang problema nito? ―Magulo parin kwarto mo. Burara ka parin.‖ Pinalo ko naman siya nun. Ang sama nito! ―Oo na. hindi kasi ako OC katulad mo no.‖ Ngumiti lang siya nun tapos ako rin. Hay, ang tagal ko ring hindi ngumingiti ng ganito. ―Andy,‖ Tinignan ko lang siya nun. Yung mukha niya eh seryosong seryoso. ―Did you really want to say goodbye?‖ Nagulat ako sa tinanong niya. Hindi ko nga alam yung sasabihin ko eh. nahihiya naman akong sabihin na no kasi baka isipin niya eh baliw ako at bakit ko pa ginawa yun.

―Maybe. Ewan ko, naguguluhan rin ako eh.‖ ―I didn‘t.‖ Napatingin lang ako sa kanya nun. Bakit siya pumayag? ―Siguro, we can still be…good friends. Ang awkward kasi kapag nag-iiwasan tayo.‖ ―Ikaw naman ang unang umiwas eh.‖ Yeah, totoo yun. Ako nga. Tanga kasi ako eh. Bumaba naman ako nun para kumuha ng makakain niya. Nagutom na kasi ang mahal na prinsipe. Paano ko nalaman? Kumulo yung tiyan niya. Harhar, akala niya ako lang ang nagaganun? Siya rin pala eh! pagkabalik ko sa taas eh laking inis ko lang kasi si Mr. Kit Tasello ay tinulugan ako. Nilapag ko nalang sa may desk ko yung pagkain niya. Bahala na siyang kumain niyan kapag magising siya. Lumabas naman na ako ng kwarto pagkatapos nun, well after kong patayin yung ilaw at nagglance for the last time that day kay Kit. Dun lang ako sa kwarto nina mama natulog. May sofabed kasi sila dun eh kaya dun nalang ako pumuwesto. Bago naman ako matulog eh napangiti lang ako sa mga nangyayari. Well at least ngayon, nag-uusap na kami. Diba?

*****

The next day, maaga akong nagising. Excited? OO! Nag-ayos naman kaagad ako ng gamit. Hindi kasi ako nakaayos nung gabi eh. nawala nalang sa isip ko. ―Gising ka na pala.‖ ―Yeah.‖ sabi niya bago siya humikab. Nagcontinue naman akong mag-ayos ng gamit ko nun tapos siya eh pinanood lang ako. Nasa sala kasi kami nun eh. Nagulat naman kami nang biglang bumaba si Mama. Oh, ang aga yata?

―Kit yung gamit mo dinala na kagabi. Andoon o, sa may table.‖ tumango lang si Kit tapos nagthank you at lumapit sa gamit niya. Si mama naman eh lumapit sa akin tapos nag-abot ng 1000. ―Thank you ma!‖ Pagtapos nun eh naligo na ako. Si Kit eh sa cr na sa may kwarto ni Herc naligo. Mga 5:40 siguro nun nung natapos na kami at sabay na kaming pumunta ng school. ―Oh Andy?‖ Marami ring nagulat, sa barkada ko, na magkasama kami ni Kit. Syempre diba, sino ba namang hindi magugulat eh kelan lang eh nag-iiwasan kami tapos ngayon eh sabay kaming pumasok. ―I‘ll explain later.‖ nakita ko naman na si Kit eh nilapitan ni Kat, mukhang nagalala nga si Kat eh. paano, panay ang hawak sa kamay ni Kit. Sila na kaya? Mga quarter to six eh tinipon yung section namin. Bad news, nahati daw yung section namin kasi kulang yung bus. Ang dami ngang nagreklamo eh. paano, may plano pa naman kasi kami. Wala narin kaming nagawa. Nagbunutan nalang kung saang bus kami mapupunta. Dun nga ako napunta sa bus nina Omar eh. buti nalang, at least may kasama ako diba? May ibang classmates rin naman akong makakasama dun, yun nga lang, wala sa mga kabarkada ko ang nakapareho ko. Ang daya nga eh, sina Cheeky, Cheska at Vince eh magkasama tapos sina Stephen at Marla. Nakakainis no? ako lang talaga yung nahiwalay. Hmf! Bad trip. ―Sabay kayong pumasok kanina ah.‖ Napatingin lang ako kay Omar nun. ―Yeah. Medyo ayos narin kahit papaano. Nagdecide kami na manatiling good friends. Sayang rin kasi yun diba?‖ Tumango lang siya nun tapos tumingin sa kabilang side. May tumawag kasi sa kanya. Ako naman eh dahil andon sa may window seat eh dinungaw ko nalang yung mga tao sa labas. Mukhang nagkakagulo pa nga sila nun kasi ang daming late na dumating. Hay, pasaway talaga. Yung bus namin yung pinakaunang nakaalis kasi pinakaunang nakumpleto yung section nina Omar plus yung kaming tatlong magkakaklase.

Ang kukulit ng mga classmate ni Omar. As in, may mga iba nagpapasa pasahan ng pagkain at yung iba naman eh container ang pinapasa. Kelangan daw lagyan nung mga madadaanan. Ang nice nga eh, talagang share share sila sa lahat. Parang one big happy family. ―Di bale, malapit na ang first stop. Magkikita na ulit kayo ng barkada mo.‖ Napangiti lang naman ako nun. Paano naman niya nalaman? ―Paano mo nalaman na iyon iniisip ko?‖ ―Sometimes you just have to be sensitive enough to know what your partner is feeling. Hindi kelangan parati sasabihin sa iyo. Dapat ikaw naman ang magkusang umalam.‖ tumingin siya sa akin ng diretso tapos ngumiti. At gaya nga ng sabi ni Omar eh dumating narin kami sa first stop. Medyo nadelay nga yung mga last bus na umalis eh pero hindi naman ganoon katagal. dun kami sa parang museum nagpunta. Ang nice nga dun eh. puro mga lumang gamit lang nandoon kaya kelangan sobrang maingat kami sa mga kilos namin. Malay mo, baka isang hawak lang namin dun eh masira na agad. Naglolokohan naman kami dun. Paano may isang guard kasi na matanda narin so parang sinasabi namin na tamang tama siya para sa museum na yun. Wah, ang sama namin. Pagtapos namin dun eh bumalik na kami sa bus. Next stop daw namin eh dun sa isang parang picnic grove or something. May pupuntahan daw kasi kami dun tapos sa picnic grove na kami maglulunch. ―Wala tayong stop over? Paano na yan? Wala akong lunch. ‖ medyo nagpanic na ako nun. Syempre naman diba, alangan naman junk food lang kainin ko buong araw. ―Hati nalang tayo sa lunch ko. 2 sets kasi yun eh.‖ Nagthank you naman ako sa kanya. Savior talaga itong lokong to. Pagkarating namin dun sa may picnic grove eh umikot ikot kami sa parang may garden dun. Ang cute nga eh, ang daming flowers tapos nagliliparan yung mga butterflies. Sosyal talaga. ―Okay guys, pwede na kayong kumain. Basta paalala lang, wag kayong mag-iiwan ng mga kalat okay?‖ Agad naman kaming pumunta ni Omar sa side nina Cheeky. Nagulat nga ako na

pati sina Kat sasama sa amin pero ayos lang. Pumili lang kami ng parang mahabang table dun tapos dun na kami parang nagpicnic. ―Wala kang baon?‖ ―Bibigay daw ni Omar sa akin yung extra niya. ‖ ―Aw, ang sweet naman nun!‖ ―Nyeh, sweet ka diyan. ‖ At ayun, kumain narin kami at nagkuwentuhan. Himala nga at parang walang mga alitan na nangyari eh. si Omar at Kit nag-uusap na ulit. Pero hindi kind ng paguusap na yung mga pang mga close na nangtitrip lang. yung usap nila eh yun parang…normal conversation lang. ―uy guys laro tayo truth or dare!‖ ―Ngek! Yan na naman? Sawa na ako diyan eh.‖ ―Okay, alam ko na. para mas masaya. The Dare game nalang ang gagawin natin. Pero lalagyan ng twist. Dapat yung mga dare eh may halong truth. Kunwari, magtatapat sa crush nung tao. Ganun. So ano game ba kayo??‖ naku kapag ito talagang si Cheeky ang nag-isip ng game eh talagang may thrill. Nagsimula naman kami tapos pinaikot na yung walang laman na bote ng coke. Unang natapatan nga eh si Stephen. Anong pinagawa? Pinaamin siya kung sino sa barkada namin ang naging pinakaunang crush niya. At dahil wala nang related dare na maihahalo dun eh yun nalang yung pinagawa. At alam niyo kung sino sinabi niya? ―Yung babaeng ayaw makipagshake hands sa akin nung mga bata kami kasi madungis daw yung kamay ko.‖ Nagulat naman ako dun. Nagkaroon nga ng parang intriga pa eh pero wala lang yun. Sus, solid Marla na yan eh. Sunod na natapatan eh si Vince. Ang pinagawa sa kanya eh guluhin daw yung buhok ng tao na kasama namin na ayaw niya dati. Hindi narin naging surprise sa amin yun nung ginulo niya yung buhok ni Omar. Malamang nung nagrun away kami eh sobrang nainis siya kay Omar. ―Oh, balik na para matagal tayong makastay sa falls!‖ ―Last na.‖ at ayun, pinaikot nila yung bote tapos tumapat siya kay Omar.

―Okay Omar, ano ang pinakagusto mong gawin ngayon. Pwedeng pagtatapat, basta ano?‖ ―Naman, sa lahat pa talaga eh bakit yan?‖ ―Dali na! wag kang KJ.‖ ―Sige na nga.‖ tumayo naman siya nun sa gitna. Nagulat nga kami kasi bigla siyang lumapit kay Kit. Teka, wag mong sabihin na bagkla itong si Omar na to?! ―Kit, hihingin ko yung permiso mo. Gusto ko sanang…‖ oh my gulay! Bakla nga siya!

―…ligawan si Andy. Okay lang naman sa iyo yun diba?‖

Teka, ano daw?!

Chapter 70

Natulala talaga ako nun kasi biglang tumingin sa akin silang lahat. Teka, tama ba yung rinig ko? LIGAW DAW?! ―Bakit ka sa akin humihingi ng paalam?‖ napatingin lang ako kay Kit nun. Awts, masakit yun ah. Parang ibig sabihin nun, wala talaga siyang paki. Face it Andy, yun talaga ang totoo. ―Eh kasi diba? Engaged kayo.‖ Tumingin lang sa akin nun si Kit pero iniwas ko yung tingin ko. ―Bakit hindi siya tanungin mo?‖ ―Bilisan niyo. Akyat na ng bus!‖ Laking tuwa ko nang sabihin yan nung teacher dahil nagkaroon ako ng reason para magwalk out. Agad akong pumunta dun sa bus ng section ni Omar tapos umupo dun sa pwesto namin. Nilabas ko naman yung jacket ko tapos nagtalukbong. Sunod nalang na nangyari eh tumulo na yung mga luha ko. ―Andy.‖ Hindi ko siya kinibo. Kinalabit pa nga niya ako ng ilang beses pero wala parin. Ayoko munang magpakita.

Siguro napagod ako nun sa kakaiyak kaya sunod ko nalang nalaman eh nakatulog na pala ako. *****

―Wag nga kayong magulo. Baka magising!‖ may naramdaman akong biglang gumalaw sa gilid ko. ―Sige subukan mong mambato, sasapakin talaga kita!‖ Nakarinig naman ako ng tawanan sunod nun tapos naramdaman kong parang may mga bumaba. Tinanggal ko yung jacket ko tapos tumingin sa paligid. Kami nalang ni Omar yung nasa bus. ―Gising ka na pala. Nasa baba na sila.‖ ―bakit hindi mo ko ginising?‖ ―Para ka kasing pagod eh. ayoko namang masira yung tulog mo.‖ Hay, how can you hate this guy? Ngumiti lang ako nun tapos aalis na sana kaso hinarang niya yung kamay niya. ―Ibig sabihin ba niyan eh bati na tayo?‖ ―Ayaw mo?‖ ―Gusto.‖ tapos naggrin naman siya bigla. Sabay na kaming bumaba nun. Dala namin yung mga bag namin kasi syempre para pamalit mamaya pagkatapos magswimming. Bababa na sana ako nun nang biglang nagsalita si Omar. ―So, may sagot ka na ba?‖ ―Sagot? Anong sagot? Nagtanong ka ba?‖ ―Oo naman.‖ Ano bang pinagsasabi nitong lalaking to? ―Anong tinanong mo?‖ ―Kung pwede ba kitang ligawan.‖

Bigla naman akong namula nun. Siya? Liligawan ako? Akala ko nga joke joke lang yun eh. ―Seryoso ka?!?‖ ―Oo naman.‖ ―Ahmm…pwedeng pag-isipan ko muna??‖ ―Take your time.‖ at pagtapos nun eh dumiretso na kami dun sa may falls. Pagdating nga namin dun eh ang daming mga nagbabasaan. Muntik na nga akong madulas eh, buti nalang nasalo ako ni Omar. Sumama naman kami kaagad kina Cheeky pagtapos naming iwanan yung phone namin sa bag. At ayun, basaan to the max. ang lamig nga nung tubig eh. Grabe talaga, parang may yelo as in. Nakisali rin naman sa amin si Kat. si Kit kasi hindi siya nagswimming kasi diba, galing lang sa lagnat so baka bumalik. Nagmumukmok nga si Kat eh, kesyo madaya daw si Kit. Gusto ko namang sabihin, ano bang gusto niya, magswimming si Kit tapos magkakasakit o hindi magswimming tapos healthy si Kit? Hay, dun talaga ako naasar sa kanya. Parang sarili lang niya iniisip niya. Nung medyo napagod ako eh umupo lang ako dun malapit kay Kit. Siya kasi nagbabantay ng mga bag namin. Inabutan naman niya ako ng towel tapos nagthank you lang ako sa kanya. ―Pumayag ka?‖ ―Pumayag? Pumayag saan??‖ ―Na ligawan ka ni Omar??‖ Whoa, curious siya? Hindi nga? ―bakit mo naman natanong?‖ ―Wala, masama??‖ ―Hindi naman.‖ ―Yun naman pala eh‖ hay naku Kit, ang gulo mo talaga! ―So Ano nga? Pumayag ka??‖ Tumingin lang ako sa kanya nun. Bakit ba curious siya?

Huminga ako ng malalim muna. Ewan ko nga kung bakit ang hirap sabihin eh. ―Sabi ko I‘ll think about it.‖ ―Pero may possibility ba??‖ ―Ewan ko lang..‖ ―Anong ewan mo? Diba dapat alam mo yan??‖ Teka nga muna, bakit ba niya ako pinipilit na sabihin?! Ano bang problema nito? ―Bakit mo ba ako pinipilit na sabihin?!‖Natigilan nga siya nun at parang narealize niya na yun nga ginagawa niya. ―So ano nga?‖ argh! Naman o! akala ko pa naman tatantanan na niya ako! Hmf! Bad trip to ah! Tumayo nalang ako at naglakad paalis. Tinatawag pa nga niya ako nun pero wala akong pakielam. Ang kulit niya eh! Pumunta naman ako dun sa parang cave sa likod nung falls tapos umupo. Pinanood ko lang mula dun yung mga tao. Nakakatuwa nga sila eh, nagbabasaan sila tapos naghihilahan. Wish ko lang walang maaksidente sa kanila no? ―Oi.‖ tell me, talaga bang walang balak ito na tantanan ako?! ―Ano?‖ ―Ano nga?‖ Nakakairita na talaga siya! Tinignan ko siya ng masama tapos siya eh umupo lang sa tabi ko. ―Bakit ba gusto mong malaman?‖ ―Kasi…‖ ―Kasi…?‖ ―Kasi ano…‖ ―Kasi ano…?‖ Tumingin lang siya sa akin nun na para bang sinasabi na wag ko nang tanungin. Hindi ko yun pinansin at tinignan lang siya.

―Kasi nag-aalala ako para sa iyo!‖ Nanlaki naman yung mata ko nun. Weh, hindi nga? ―Bakit ka naman mag-aalala?‖ ―Diba nga sabi ko sa iyo dati, mag-ingat ka kay Omar.‖ Mag-ingat? Eh bakit? Ano bang meron kay Omar? Masamang tao ba siya? ―Bakit? Ano bang ginawa niya?‖ ―Naging sila ni Kat nun tapos niloko niya at pinagpalit si Kat.‖ nanlaki naman ako nun. Binaligtad ni Kat yung kwento kay Kit?! Pero teka muna, paano ako makakasiguro kung si Omar ba talaga ang nagsasabi ng totoo? Waaa! Naguguluhan na ako. ―Hindi ganoong tao si Omar.‖ ―At papaano ka naman nakakasiguro ha?‖ ―Basta alam ko hindi siya ganoon!‖ sabi ko ng malakas. Napapikit pa nga ako nun eh. si Kit eh tumahimik lang. Alam ko nga ba talaga? Ilang sandali lang rin eh nagtawag na yung mga teachers at umalis na kami ni Kit dun nang hindi man lang kinakausap ang isa‘t isa. Sa bus trip eh tahimik lang ako. Medyo pagod rin ako nun at syempre, inaantok narin. Si omar nga eh inoffer na yung buong seat namin para makahiga ako or kahit makaayos ng pwesto. Dun nalang daw siya sa may gitnang seat. Syempre, nagthank you naman ako sa kanya nun. Gulung gulo talaga isipan ko nun. Hindi ko alam kung sino na ang paniniwalaan ko sa kanila. Mga gabi na kami nakabalik sa school. Sinundo naman ako kaagad ng driver namin at in no time eh nakarating na kami sa bahay. Grabe nga eh, pagod na pagod kasi ako eh. kaya nga ba pagbagsak ko sa may kama eh knockout kaagad ako. *****

―Andy dalian mo! Pinapatawag ka ni miss!‖ Napatingala lang ako mula dun sa ginagawa ko at tumango. 1 week narin ang lumipas magmula nung field trip namin. February na ngayon, malapit na ang Valentine‘s Day at yung Valentine‘s Ball. Kung bakit siya big deal? Well ganito lang yun… ―Miss bakit po?‖ ―Andy, kelangan niyong sumayaw sa opening ng Valentine‘s Ball. Ikaw ulit yung napili ng coach niyo na magrepresent sa Varsity volleyball girls‖ Yan, iyan ang dahilan. Kaya nga ba isa sa most hated events ng school namin ang Valentine‘s Ball eh. Paano, parati nalang ako yung pinipiling representative. Panigurado pupunuin na naman ni Mama ng make up ang mukha ko niyan at magiging barbie doll na naman ako sa kakasukat ng iba‘t ibang formal dress. ―Miss wala po parin ba silang balak na palitan ako?‖ ―Wala namang sinasabi si Coach Vicedo.‖ Tumango lang ako nun at parang nagpaawang face. Ayoko talagang maging representative. Hindi ba pwedeng mag-absent nalang ako? ―And don‘t even think of being absent okay?‖

Sabi ko nga eh. Chapter 71

―Andy would you please stop moving?! Kaya hindi tayo matapos tapos dito eh!‖ Tumigil naman ako sa kakagalaw nun. Ayoko ngang mabatukan no. 1 week rin ang lumipas. Puro mga lesson kami at syempre, preparation para sa ―Ball‖. Heto nga ako ngayon eh, hinahanapan ng gown para bukas ng gabi. Nakakainis nga eh, hanggang ngayon talaga eh hindi ko magets kung bakit kelangan parating maganda ang babae kapag may mga ball or dances. Hindi ba pwedeng magjeans at shirt nalang kami? Presentable parin naman yung diba? ―Finally! Natapos rin tayo!‖ umupo naman sila ni Marla dun sa sofa na nasa tapat ko tapos pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Mukha nga nila akong kakainin eh. feeling ko tuloy may something ―wrong‖ about me.

―Bagay talaga sa iyo ang white Andy.‖ Simple lang yung suot ko. Parang mahaba lang siya na white dress tapos spaghetti strap siya. hindi kasi ako masyadong into detailed clothes kaya plain lang talaga yung kinuha namin. ―Pwede ko na ba siyang tanggalin??‖ Tinawag na nila nun yung saleslady tapos pinabalot na yung damit. Pagtapos namin dun sa store na iyon eh kumain kami ng shakey‘s. nakasalubong pa nga namin yung ibang kabatch namin na naglalast minute shopping din. Mga 7 siguro nun nung makauwi ako sa bahay. Ang sakit nga ng paa ko eh, parang tinapakan ng elepante. Pagkahigang pagkahiga ko eh knockout naman kaagad ako. Sino namang hindi diba?

*****

―Miss Ongpauco, I forgot to tell you, kelangan may partner ka kasi sasayaw kayo ng waltz sa opening.‖ What the heck?! Ang nice naman nila! Sasabihin nila sa akin yan kung kelan 5 hours away nalang yung dance! ―Pero ma‘am! Paano pa ako hahanap ng partner niyan?‖ ―Oh I forgot, yung partner mo eh dapat isa sa mga representatives.‖ Naman oh! Sinong yayayain ko niyan!? Nakasimangot akong pumunta nun sa may gym kasi may meeting yung mga representatives. May awards din kasi yung dance na iyon eh like best dressed saka Mr. and Ms. Valentine. ―Cholo, may partner ka na ba?‖ ―Para sa sayaw? Oo eh. Bakit ikaw ba wala pa?‖ Umiling lang ako nun at mas lalong sumimangot. ―Kanina lang kasi sinabi sa akin.‖ ―Ahh…pero balita ko si Kit daw wala pang partner. Siguro kayo nalang.‖

Si Kit? Partner ko? Hindi kaya maging awkward yun lalo na para kay Kat? Pero kung sabagay, alangan naman wala akong partner diba? Lumapit ako nun kay Kit na may parang inaasikasong kung ano. Tumingala naman kaagad siya nung nasa harap na niya ako at nagtaas pa siya ng kilay. ―Wala ka pa raw partner? Pwede tayo nalang? Wala kasi ako eh..‖ ―Do I have a choice?‖ Hmf! Sungit! ―Hay nako Kit, ang sungit mo parin talaga.‖ Pagkatapos nun eh umalis na ako at nakihalubilo nalang sa ibang kasama namin. For the rest of the day eh pinractice nalang namin yung sayaw. Madali lang siya kasi naituro na siya sa amin before, second year ata yun or third nung inintroduce sa amin ang waltz. Mga 5 eh pinauwi na kami para makapagpahinga at syempre, makapag freshen up. Hinatak naman ako kaagad nina Marla papunta sa kanila at saka ako inayusan. Simple lang ang inayos nila sa akin, powder at lip gloss lang. hindi ko na raw kasi kelangan nung para sa cheeks kasi mapula na ako. By 6 pm eh sabay sabay na kaming pumunta sa school. Mukhang marami nga yung mas maaga sa amin kasi marami raming tao narin yung nadatnan namin. Diretso naman ako sa side ng representatives tapos hinanap ko si Kit. Napanganga nga ako nung makita ko siya. Nope, hindi dahil sa gwapo siya nung mga oras na iyon pero dahil sa… ―Oh my gosh andy!!! Kamusta na???‖ Si Myka! Bumalik siya! Naghug naman kami nun tapos nag-usap. Pati nga nung dumating si Omar eh nagulat siya and at the same time eh natuwa lang. ―Umuwi ka pala, hindi ka man lang nagsabi..‖ ―Gusto ko kasi kayong sorpresahin eh.‖ ―Ayun kamusta na?‖ ―Heto, ayos naman. Ikaw? I mean…kayo pala?‖ Tinaasan ko naman siya ng kilay. ―Anong kami??‖

―Asus, nagkunwari pang hindi alam. Kayo ni Kit! Duh!‖ Natigilan lang ako nun. Anong sasabihin ko? Na wala nang pag-asa? Na mayroon nang iba? Sinuwerte ako nun kasi yung sagot eh biglang dumating. ―Myka? Ikaw ba yan? Oh my gosh!‖ nakita kong nagulat si Myka at nakita niya si Kat. hindi ba siya happy? Eh diba friends sila? ―K-Kat! Kelan ka pa dito?‖ ―Mag-iilang months narin. Grabe Myka, I missed you!‖ Napansin ko naman na kakaiba yung expression ni Myka. Para bang, siya eh hindi niya namiss si Kat. Okay, there‘s gotta be something. ―May we request everybody to please settle down, we‘re about to begin.‖ Yung mga representatives eh pumunta na dun sa may gilid tapos naghanda na. Pagkatapos magsettle down ng mga tao eh nagsimula na yung sayaw. Madali lang naman yung ginawa namin. Siguro nga advantage na yung alam mo yung sayaw. Nagulat nga ako dahil seryoso palang magsayaw itong si Kit. Yung mukha niya kasi eh, hindi man lang siya nakasmile. Naka-usual straight face siya hanggang sa matapos yung dance. Weird? Nope. I‘d rather call it, Kit. Pagtapos nung sayaw eh nagpatutog na ng mga party music at syempre, nagsayawan na ang mga taong mahihilig sa ganun. Ako naman eh parang lumot na hindi umalis sa upuan ko. ―Andy, may gusto ka bang inumin?‖ I forgot to mention, pinayagan kong manligaw si Omar sa akin. I know it‘s wrong pero siguro matututunan ko rin siyang magustuhan. ―juice nalang..‖ Nagpaalam naman siya nun na kukuha lang siya at ako eh syempre tumango lang. pagkaalis na pagkaalis niya eh biglang umupo si Myka sa tabi ko. Kakaiba nga yung expression ng mukha niya eh, para bang nagtataka. ―Okay spill. May something sa inyo ni Omar.‖

―Ahm..nanliligaw siya sa akin..‖ nanlaki yung mata niya nun at kulang nalang eh ibuga niya sa akin yung ininom niya. ―WHAT?! Paano na si Kit niyan?!‖ ―He‘s with Kat.‖ sabi ko tapos tumungo lang. ―Ano bang pinaggagagawa niyo nung wala ako!? Don‘t tell me cancelled na yung arrangement?!‖ Come to think of it, hindi pa talaga siya tapos formally. Wala pang napapagusapan yung parents namin na hindi na siya itutuloy. ―I don‘t know.‖ ―My gosh Andy, ano bang nangyari? Bakit bumalik si Kat? bakit pinopormahan ka ni Omar? Bakit nagkaganito ang lahat?!‖ ―It‘s all my fault. Ginawa ko yung pagmamatchmake kina Kat and Kit. And I succeeded.‖ Nakita kong nag-iba yung expression niya sa mukha. From being annoyed eh parang nakakita ako ng awa dun. ―Andy…‖ ―It‘s okay. Yun naman ang gusto niya eh.‖ ―Okay, I refuse to believe na yun ang gusto ni Kit. Impossible! Nung umalis ako dito eh alam ko at sure ako na ikaw ang mahal niya!‖ Huminga lang ako ng malalim tapos umiling. Dumating naman si Omar nun kaya tumigil na kami sa pag-uusap. Nagsimula narin yung slow dance kaya niyaya na ako ni Omar. Tumingin ako nun sa paligid ko, unlike last time, sinasayaw ni Kit si Kat ngayon. May improvement. ―You‘re looking at them again.‖ Nagulat ako at napatingin kay Omar nung sinabi niya iyon. ―I—gusto ko lang icheck kung sinasayaw ni Kit si Kat…you know, assurance na may progress ang relationship nila.‖ ―You know you‘re not good with lying.‖

―I‘m sorry.‖ ―It‘s okay. Alam ko namang siya ang mahal mo noon pa eh.‖ Ano ba yan, ang dami namang taong nasasaktan dahil sa akin. ―Punta lang ako sa CR...‖ tumango lang siya sa akin at ako naman eh binilisan ko yung lakad ko. Pagdating ko sa loob eh naghilamos kaagad ako. Sobrang gulung gulo na ako sa mga pangyayari. Ayoko na ng ganito. Kung pwede lang sana na mag-give up eh…kaso hindi. This game will only end with a game over. Pagkalabas ko sa CR eh nagulat ako ng biglang nakalean sa may wall si Kit. Lalampasan ko na siya sana nun kung hindi lang niya hinila yung kamay ko. What‘s his problem? ―Ano?‖ ―We‘re going to dance.‖ wow, hindi rin naman siya masyadong demanding no? slight lang. Ano pa bang magagawa ko nun kundi sumayaw nalang. Ang weird nga ng feeling eh, para kaming pinapanood ng kung sino. ―Bakit nininerbyos ka?‖ ―Ako? Hindi ah!‖ ―Yeah, sure.‖ ―Nagbago si Myka no? Parang mas naging makulit siya at hindi na siya yung shy type na tao.‖ ―Yeah,‖ Tinignan ko lang siya nun, walang nagbago sa expression niya. Straight na straight parin. ―Anong…ginawa mo dun sa singsing?‖ Nagulat naman ako sa tanong niya. Out of nowhere talaga eh. ―Um…I threw it away.‖ ―Ah..okay‖

At pagtapos nun eh hindi na siya ulit nakisayaw sa akin. Actually, hindi na siya sumayaw after nun. Last ko nalang siya nakita eh mga 10 siguro at palabas na siya ng gym. Nung bandang 11 eh hinatid na ako ni Omar sa bahay. Actually, nagpahatid ako. Pagod na kasi ako nun eh. Hindi naman nagsalita si Omar. Medyo natakot na ako nun eh, mas okay kung nagsalita nalang siya kesa sa hindi. At least alam ko naiisip niya diba? Nagpalit naman ako kaagad pagdating ko tapos humiga lang sa kama at tumunganga. Hinawakan ko yung chain ng necklace ko tapos nilabas yun. Tinignan ko yung maliit na ring na nakasabit dun tapos nagbuntong hininga. Throw it away? I don‘t think I can. Chapter 72

Nung Sunday eh bumisita si Myka sa akin. Gusto kasi niya malaman yung full story kung anong nangyari sa amin ni Kit pagtapos niyang umalis. Ako naman eh todo kwento lang sa kanya. ―Let me get this straight…after I left eh dumating si Kat tapos napansin mong may something sila kaya pinagmatchmake mo na naman kahit alam mong mahal mo na si Kit?‖ Tumango lang ako nun. ―My Gosh Andy, how stupid can you get?‖ Grabe, nagbago nga siya. Nagkaroon siya ng attitude. Pero at least ngayon, palaban na siya diba? ―Hay, ano pa bang magagawa ko? Nangyari na eh.‖ ―Wala, wala ka nang magagawa…‖ Tumungo lang ako nun. Okay, not helping. ―Pero ako meron‖ What‘s she up to now? *****

Nung sumunod na araw eh maaga akong nakapasok. Mga 6:30 palang siguro eh nasa school na ako. Buti nalang pala dahil may assignment pa pala akong hindi

nagagawa. Nakakopya naman ako nun sa classmate ko. Wahaha, sabi nga nila, dapat i-share ang blessings. Late na nun dumating yung barkada kaya hindi na kami nakichika chika. Si Myka naman eh nakisit in dun sa dati niyang section. Vacation daw kasi sila dun kaya ayan. Swerte nga nila eh pero hindi daw siya aabot ng graduation namin. Sayang nga eh. Wala masyadong nangyari nung umaga. The usual lessons lang. ang boring nga eh, siguro walang subject akong hindi natulugan. As in! dagdag mo pa yung fact na ang sarap ng feeling nung aircon, grabe, nakakaantok talaga. Pagdating ng lunch eh sobrang tuwa ko. Kanina pa kasi naggugrumble yung tiyan ko eh. mukhang gutom na yung alaga ko. Diretso naman kaming barkada plus 2 (Omar at Myka) sa may canteen. Bili ng food at syempre, upo sa may tambayan. ―Tanong lang, bakit hindi niyo samahan si Kit?‖ ―Hindi naman sa ayaw namin siyang samahan. Ayaw namin kasama yung sinasamahan niya. Gets?‖ Tumango lang ako nun tapos kumain nalang. Ayoko nalang magsalita at baka kung ano pa lumabas mula sa bibig ko, baka maregret ko pa yun. Umalis naman si Myka nun sandali, sabi eh may kakausapin lang. Nagulat nga ako nung pagbalik niya eh kasama na niya si Kit. Ang mas nakakagulat pa doon eh hindi kasama ni Kit si Kat. ―Andy oh, dun muna kayo.‖ tinaasan ko siya ng kilay. Anong pinaplano nito? ―Bakit?‖ ―Tara na.‖ napatingin lang ako sa kanya tapos sumunod naman. Malay ko ba kung may sasabihin pala ito o wala. Lumakad naman kami nun sa may hallway. Buti nga at walang mga taong nakakalat eh, ibig sabihin eh walang mga usisero at usisera. Ang weird nga kasama ni Kit eh. naglalakad lang talaga kami the whole time. Ni isa eh hindi man lang nagsasalita. Ano bang pakay nito at bakit pa niya ako tinawag? Wag mong sabihin na patagalang walang magsasalita, I admit mananalo na siya nun. ―Bakit mo ba ako sinama dito?‖

Halata mong gulat yung mukha niya nun at napausog pa. ―Ikaw nga itong may sasabihin sa akin eh. Ano ba yun?‖ ―Sasabihin?! Anong sasabihin? Eh ikaw itong nanghila eh.‖ ―Aba, eh ang sabi lang sa akin ni Myka eh may sasabihin ka raw na importante.‖ Natigilan naman kami pareho. Si MYKA TALAGA! Naku naman oh. Sumunod ko nalang nalaman eh tumatawa na kaming dalawa. ―Naloko tayo nun ah.‖ ―Oo nga eh. Pero bakit niya ito ginagawa?‖ Napaisip namana ko nun. Hmm, I think I have an idea. ―Weird talaga nun. Nag-iba talaga eh no.‖Hindi naman siya umimik nun. Nice naman ,tama daw bang isnabin ako? Nung wala na talaga siyang sinasabi eh nagpaalam na ako sa kanya. Wala rin naman kasing mararating itong usapan na ito eh. Actually, hindi naman kami naguusap eh. Nagulat naman ako nang biglang hatakin niya yung kamay ko. Akala ko nga eh may sasabihin siya pero wala pala. Hindi kasi siya nakaharap eh. nakatingin lang siya sa kung saan tapos hawak hawak niya yung kamay ko. Ang weird talaga nito. Ano na namang pakulo ito? ―Kit yung kamay ko.‖ pero hindi niya ako pinapansin. Ang ginawa lang niya eh tumungo tapos hinigpitan yung hawak niya. ―Sorry‖ Sorry? Bakit siya nagsosorry? May nagawa ba siya? Ano? ―Sorry sa lahat.‖ Teka, hindi ko siya maintindihan. Bakit ba siya nagsosorry? ―H-hindi kita magets. B-Bakit ka nagsosorry?‖ nagulat nalang ako dahil umiiyak na pala ako. Lalo namang humigpit yung hawak niya. Feeling ko nga mababali na yung mga daliri ko eh pero wala na akong pakielam nun. ―Sorry sa lahat ng nagawa ko.‖

Mas lalong tumulo yung luha ko nun, hindi pa nakatulong yung paghawak niya sa kamay ko dahil mas lalo pa akong nalulungkot nun. ―Kit..‖ ―Sorry sa lahat ng mga magagawa ko.‖ Magagawa? Ibig sabihin ba eh may pinaplano siyang gawin? Naguguluhan na talaga ako.. Nagulat naman ako nun nang bigla na siyang tumayo tapos binitawan yung kamay ko at umalis. *****

―Miss Ongpauco please answer the problem on the board‖ Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad ng parang walang buhay papuntang harap. Ilang weeks narin siguro ang nakakalipas magmula nung nangyari yung thing with Kit at isa lang ang pinakahalatang effect ng pangyayaring iyon. Iniiwasan niya ako. At first akala ko eh sobrang busy lang siya kasi naghahanda na sila sa mga kelangan para sa graduation at grad ball. Pero yun pala eh hindi ganoon. Napansin ko nugn mga 2nd week eh talagang umiiwas na siya. Paanong hindi ko mahahalata, eh parang kating kati siya kapag andito ako. Hindi pa nga ako nakakalapit eh umaalis na kaagad siya. Pagbalik ko sa upuan ko eh agad naman akong tinignan ni Vince. Alam ko yung look na yun. Yun yung look na nagsasabi na ―may problem ka ba?‖. Umiling lang ako nun kahit alam kong obvious naman na lie lang yun. Nung lunch break namin eh the usual lang yung ginawa namin. Bili ng food sa cafeteria tapos punta sa may tambayan. ―Andy, ayos ka lang ba?‖ tumango lang ako pero halata mo naman sa mukha ni Omar na nagduda siya. ―Medyo..‖ ―Siya na naman ba?‖ Tumingin lang ako sa kanya at napabuntong hininga. Wala naring saysay kung idedeny ko pa kaya tumango nalang ako. Nagulat naman ako ng bigla niyang

hilahin yung kamay ko. Nakasalubong pa nga namin yung barkada ko pero sumenyas lang siya. Saan naman kaya ako dadalhin nito?! Napabilis yung lakad namin at pagtapos nun eh tumakbo na kami. Grabe nga eh, napagod ako nun. Nung tumigil kami eh saka ko lang napansin na nasa may rooftop na pala kami. Bumitaw naman nun si Omar tapos naglakad papunta sa may railings. ―SANA MATAPOS NA YUNG PROBLEMA NI ANDY!!!‖ Nagulat ako nun and at the same time eh natouch dun sa sinabi niya. Nakaramdam naman ako ng déjà vu. Nangyari na ito dati diba? “AYOKO PANG MAG-ASAWA!” Napangiti ako sa kanya tapos nun eh tumingin din ako harap ko. “GUSTO KO PANG LIBUTIN YUNG BUONG MUNDO!!!” Nung maalala ko naman yung eh biglang tumulo yung luha ko. Dati eh parang wala lang sa amin ito, hindi mo inexpect na ganito yung magiging resulta. Pero ngayon…hay, maaayos pa ba ito? ―Iwan muna kita dito. Pasok ka nalang kapag handa ka na.‖ Ngumiti lang ako sa kanya tapos tumango. Siya naman eh pumasok na sa loob. Lumapit ako dun sa may railings tapos tuming sa may baba. Ang lawak ng school namin, grabe kung kelan last year na eh saka ko lang napansin. Weird no? Napatingin naman ako sa sky tapos pumikit. Nilagay ko yung kamay ko sa may tabi ng bibig ko, yung tipong kapag sumisigaw tapos huminga ng malalim. ―KIT!!! Ano na bang nangyayari sa atin? Bakit tayo nagkakaganito? Gusto ko nang mabalik yung dati! Nung mga oras na masaya pa tayo at hindi nag-iiwasan! Sana mabalik yung dati kung saan wala pa tayong inaalala masyado!‖ Naramdaman ko naman yung luha kong tumulo nun pero wala akong pakielam. ―KIT!! NAKAKAINIS KA! Diba nagpromise ka sa akin nun!! Nakalimutan mo na ba? Gusto mong ipaalala ko sa iyo?!‖ “Oo nga‟t nilalait kita at sinusungitan. Minsan pinagtritripan at minsan naman eh dinadown kita. Pero isang bagay lang ang mapapangako ko sa iyo…”

Napatingin ako sa kanya ng diretso tapos nun eh nagulat ako kasi nakatingin sa siya akin. “At iyon ay ang hinding hindi kita iiwan na mag-isa kahit kelan.” ―ANG DAYA MO NAMAN EH! Diba promise mo sa akin na hinding hindi mo ko iiwan mag-isa?! Nakakainis ka talaga!‖ napayuko ako nun saglit dahil mas lalong lumakas yung pag-iyak ko. ―KIT!!! Ano na ba itong pinaggagawa mo sa akin?! Bakit ganito nalang kasakit yung nararamdaman ko??‖ huminga ako ng malalim nun dahil sobrang hagulgol talaga ako. ―KIT!! Miss na Kita!! Nakakainis ka naman eh! ang lapit lapit na nga natin sa isa‘t isa pero parang isang galaxy ang layo natin!!‖ natawa naman ako bigla kasi may naalala ako. ―DIBA SABI MO NOON SASAMAHAN MO AKO SA IBANG GALAXY!?‖ Tumingin ako sa langit nun tapos sa fields ng school namin at binuhos na ang lahat ng boses ko sa pinakahuling isisigaw ko. ―KRISANTIMO IVANN TASELLO…!‖ ―MAHAL NA MAHAL KITA!!‖ panalo ka na. :‘( :‘( hindi ko na kaya itong larong ginagawa natin. Ayoko nang umiwas pa. sobrang sakit na talaga. :‘( :‘( :‘( Chapter 73

Nung mga sumunod na araw eh iginugol ko nalang yung oras ko sa pag-aaral at pagtatrain sa volleyball. Malapit na kasi ang championship, ilang weeks nalang eh lalaban na kami. Matatamaan pa nga nun yung araw ng grad ball namin eh. buti nalang sa umaga yun. Naging maayos naman para sa akin na maging busy ako. At least kahit papaano, natanggal siya sa isipan ko. Siguro nga mas okay narin talaga ito, para makamove on narin ako. Kung makayanan ko. ―Huy Andy…nagmumukhang nerd ka na niyan ngayon ah.‖ ―Ang sama nito! Gusto ko lang pumasa no...‖ ―Pero iba parin yung sobra sobrang pag-aaral…‖ Tumingin lang ako sa kanila nun. Lahat nga sila nakatingin sa akin eh.

―May we request all the volleyball players to please proceed to the volleyball court.‖ Buti nalang at tinawag kami. Wala na siguro akong masasabi sa kanila kung nagstay pa ako. Nagsign lang ako na aalis na tapos dumiretso na papuntang volleyball court. Pagdating ko naman dun eh nakatipon na silang lahat. Syempre, nakaramdam naman ako ng kaunting hiya. ―Okay, alam niyo namang malapit na ang championship diba? Alam niyo na ibig sabihin nun.‖ yep, ibig sabihin nun eh back to practice na naman po tayo niyan. ―Coach! Ano po bang kalaban natin?‖ ―St. Thomas ang kalaban natin.‖ nagkatinginan kaming lahat. St. Thomas? Eh yun ang nagchampion for ilang years narin. Magagaling sila. At kung may time man na natalo namin sila eh yun ay dahil sa nasprain yung best player nila. ―Wag kayong mawalan ng lakas ng loob. Basta ba magtrain kayo eh kayang kaya niyong manalo.‖ Napangiti naman kaming lahat nun at tumango lang. pinabalik narin kami nun ni Coach sa klase namin. Lesson lang kami maghapon, syempre, naghahabol narin kasi malapit na exams namin. Start of march na kasi yung exams eh kaya ayun, medyo kelangan na talagang maghabol. Nung last period eh wala yung teacher namin kaya pinapunta lang kami sa library. Ang corny nga eh, hindi tuloy kami makapagdaldalan. Masungit kasi yung librarian dun eh, konting ingay lang eh umuusok na yung ilong sa galit. ―Vince..‖ ―Bakit?‖ ―Sina Marla?‖ ―Ha?‖ Medyo nilakasan ko naman yung boses ko nun. ―SINA MARLA?‖ Kumunot lang noo niya nun tapos nagtaas ng kilay. ―SINA MARLA?!‖ ―Miss Ongpauco! Shouting is not allowed in the library! DETENTION!‖ Nyak!? Diba dapat warning lang muna yun bago detention?! Darn it!

Tumingin naman ako kay Vince, yung mukha niya eh may halong awa. Napahinga nalang ako ng malalim tapos bumaba at dumiretso sa unit head. Kelangan ko kasing kumuha ng form para dun sa detention thingy. Pagdating ko naman dun eh nagulat ako kasi nandoon si Kit at parang tumatambay lang siya. Ano yan cutting? Nilampasan ko lang siya tapos humingi nung form mula dun sa secretary at syempre, bumalik nalang sa classroom namin. Nagulat nga ako nun kasi biglang may nakalagay dun sa board namin. Joke ba ito? Andy, I love you Baka si Omar siguro yan. Minsan kasi hindi mo malaman kung anong napasok sa isip nun. Lumapit naman ako sa board nun tapos binura na. syempre, ayokong pagkaguluhan pa yan ng mga classmate namin no. Ilang sandali lang rin eh dumating na yung classmates ko. Syempre, uwian na para sa kanila. Ako? Detention nga diba? Buti nalang at hindi siya 1 week kung di, naku po! Sasabunin ako ng nanay ko. Pagdating ko dun sa classroom ng mga nagdedetention eh hindi na ako nagulat ng may mga nakita akong guys mostly from our batch. Sila yung mga tinatawag ng teachers na ―suki‖ sa detention. Hindi na yata natututo eh. mukhang enjoy pa sila na may detention sila. Naku. ―Oh Andy, andito ka pala. Anong ginawa mo at nabigyan ka ng detention?‖ ―Napasigaw sa library. Ikaw?‖ tumawa naman siya nun. ―Ako? Ayun, the usual. Nagalit na naman yung teacher kasi nilagyan ko ng paste yung upuan niya.‖ natawa lang ako nun. Oo nga masama pero, nakakatawa rin kasi eh. ―Nasa verge na ba ng menopausal stage si Miss Torres? Mukhang ang maiiritahin niya ngayon ah.‖ ―Nanibago ka pa. Parati namang ganoon yun eh diba?‖ ―Ah, oo nga pala. Ehehe.‖ natigilan naman siya sa pagsasaltia kasi biglang bumukas yung pinto. ―Well would you look at that? Nagkakaroon rin pala ng detention ang SC president.‖ Nagulat ako sa sinabi niya tapos nun eh napatingin sa may pinto. Tama nga siya. Andoon nga si Kit tapos may hawak rin siyang form. Pati nga yung teacher na

nagbabantay eh nagulat rin. Sino ba namang hindi diba? Mukhang lahat ng tao sa detention room eh natigilan talaga nung makita siya. Lahat nakatitig lang habang papunta siya sa may chair sa kabilang dulo nung kinauupuan ko. Nagsalita na yung teacher nung saktong 4:30. Hinati naman kami sa 4 groups. Mayroong mga maglilinis ng CR, classrooms, cafeteria at tutulong sa library. Swerte namin dahil sa library kami napunta. At least dun, aircon. Yun nga lang, kagroup ko si Kit. Dumiretso naman kami kaagad sa library para maaga matapos. Hindi narin kami nag-ingay kasi baka pumutok na naman yung malabulkang bunganga ni Miss Torres. Mabilis lang kaming natapos kasi hindi naman ganoon karami yung mga misplaced books. Nung mga 5 eh pinalabas na kaming lahat kasi magsasara na daw ang library. Diretso naman ako nun sa detention room para kunin yung gamit ko at para makauwi na. ―Oi.‖ Napatingin lang ako sa kanya, nagulat ako eh. biruin mo, kinakausap niya ako. ―Bakit?‖ Lumapit siya sa akin nun tapos umupo dun sa table na katabi ko. Buti nalang wala na masyadong tao kung di baka kung ano pa isipin nila. ―Kelan championship?‖ Nyak! Akala ko naman kung ano na. yun lang pala. ―Ikaw, SC president pero hindi mo alam, tsk tsk‖ natahimik lang siya nun. Ay naku, ikaw naman Andy. Nagtatry na ngang makipag-usap sa iyo tapos babarahin mo pa. ―umaga po ng grad ball..‖ ―Panalo na kayo kaagad niyan, daig mo pa lalaki kapag pumalo eh.‖ ―Ang sama mo! Hindi naman ako ganoon kalakas pumalo no! hay naku kayo talaga. Parati niyo nalang akong inaasar na para bang amazona. Wala naman akong ginagawa sa inyo, ni hindi ko nga kayo inaasar tapos ganyan----‖ nagtatatalak ako nun pero pabiro lang yun. Nagulat naman ako kasi bigla niya akong kinut. ―Sasagutin mo ba si Omar?‖

Nanlaki mata ko sa kanya nung mga oras na iyon. Bakit naman niya biglang tinatanong yan ngayon? Sa lahat ng oras bakit ngayon pa? ―Ahm, bakit mo naman natanong?‖ ―Curious lang ako.‖ ―Ahh..‖ Tumingin lang ako sa kanya nun tapos umiwas rin ng tingin. ―Hindi ko alam…‖ Alam kong ang sama ko sa dating na iyon. Syempre diba, parang ang labas nun eh pinapaasa ko lang si omar. Believe me, ayokong mangyari yun. Pero yun na nga eh, parang nangyayari na. sa ayaw man at sa gusto ko, si Kit parin talaga ang mahal ko. ―Sagutin mo siya.‖ Napatingin ako kaagad sa kanya nun. ―Bakit parang ngayon yata eh pinagpipilitan mo siya sa akin samantalang noon eh sabi mo na mag-iingat ako sa kanya?‖ Nagshrug lang siya nun tapos tumingin sa labas. Ano bang problema nitong lalaking to? Ang gulo niya! ―Mukha naman kayong masaya ngayon eh.‖ Ganoon. O baka naman dahil gusto lang niya na hindi na sila maabala ni Myka sa pagpapalapit sa aming dalawA? ―Masaya? Talaga?‖ Kumunot naman yung noo niya nun at napatingin sa akin. ―Oo, masaya. Saka…‖ ―Saka?‖ ―Naaalagaan ka ni Omar ngayon. Hindi ka niya napapaiyak. Hindi ka niya nasasaktan. Mas okay na yun para sa akin.‖ Teka, if I‘m not mistaken, parang…nag-aalala siya para sa akin? ―Kit..‖ tumayo na siya nun tapos naglakad paalis. Pagdating niya sa may pinto eh tumigil siya at lumingon sa akin. This time, yung mata niya eh sobrang lungkot. ―Pakisabi nalang sa kanya na…‖ mukhang nagdalawang isip pa siya dun sa sinasabi niyang yun bago niya itinuloy. ―pinapasa na ni Karding kay Andong ang pag-aalaga kay Belle. Sana wag niyang paiyakin ito kahit kelan dahil napakaimportante ni Belle para kay Karding.‖ at

pagkatapos nun eh umalis na siya. Hindi ko na siya natanong pa pagkatapos nun kasi umalis na siya kaagad. Ako naman eh umuwi narin. Hindi nga lang masyadong naalis sa isipan ko yung mga sinabi niya. Naguluhan ako dun sa sinabi niya. Karding? Andong? Belle? Anong ibig sabihin nun?

Chapter 74

―Sinabi niya yun?!‖ Nagulintang naman ako dito sa kasama ko. Yung mga tao nga noon eh nakatingin na sa amin kasi ang lakas ng boses niya. Naglalakad kami nun papuntang fields para makapag-aral. One week nalang kasi eh exams na so parang review week namin ngayon. ―For the third time Omar, oo! Sinabi niya yun. Maiba nga tayo, ano bang ibig sabihin nun?‖ Napatigil naman siya nun at nilagay yung dalawang daliri niya sa may baba niya. Para bang may kung anong iniisip siya. ―Ibig sabihin, ginigive up na ni Karding si Belle…hay…‖ Tinaasan ko siya ng kilay. Wow! That helped a lot. NOT. ―Grabe ha, naintindihan ko nga.‖ Nag grin lang siya nun na para bang tungaw. Anong problema nito? ―So ibig sabihin nun eh kay Mimay na mapupunta si Karding?‖ Ni-roll ko yung eyes ko sa kanya. ―Hindi nga kita maintindihan tapos tatanungin mo ko!‖ ―Patanong naman oh?‖ ―Bahala kayo! Hindi ko naman kayo maintindihan eh. kayo nalang kaya magusap?‖

At ayun, nakahanap rin kami ng pwesto tapos dun na nagstart mag-aral. Tulungan nga kami eh kasi may mga notes ako na wala siya at meron namang ako yung wala. Ilang sandali lang rin eh dumating na yung barkada at nagkaroon na kami ng group study. Syempre, graduating, gusto namin maganda makikita sa report card.

*****

Lumipas ang mga araw. Puro habol ng lessons at review lang ang mga nangyayari. Nakakapagod nga eh, to think na nagtatraining pa kami nang lagay na yan. Tapos pagtapos ng exams eh graduation practice naman sa umaga at training sa hapon. Waaaaa! Feeling ko anytime bibigay na katawan ko eh. ―Oh, bakit hindi mo kainin yang pagkain mo?‖ ―Eeeh, kadiri eh. ang lapot ng sabaw tapos yung tubig lasang buko.‖ ―Kung bakit ba naman kasi iyan ang inorder mo eh diba?‖ ―Sorry po! Hindi ko naman alam ganito magiging hitsura nito eh...‖ in the end, binigay nalang sa akin ni Vince yung kalahati ng inorder niya. Actually, 2 set ng lunch ang inorder niya so walang problema. Kung bakit 2? May alaga kasing bulate sa tiyan iyan eh. feeling ko nga sawa na eh hindi na bulate. ―Andy, ano nang progress sa inyo ni Omar?‖ Napaubo naman ako ng di oras dun. Yung mga nasa tapat ko nga eh, namely Stephen at Cheeky, eh napausog. Natatakot kasi na maduraan ko sila. ―Progress ba kamo Cheska? Para namang may nangyayari sa aming something eh no?‖ ―I mean, sasagutin mo ba siya?‖ natawa lang kami nun. Ayun naman pala eh, kasi hindi masyadong nililinaw. ―Ahmm…siguro.‖ ―Ouch, ang sakit nun.‖ Sakit? Eh buti nga at may possibility na sagutin ko eh diba?

―Kaya nga siguro eh. ibig sabihin may possibility. Anong ouch dun?‖ ―Andy hindi mo kasi alam na kaming mga lalaki, kapag ―siguro‖ ang sagot ng babae sa amin eh masakit na yun dahil nagdadalawang isip siya at hindi siya sigurado kung may feelings ba siya para sa iyo o wala.‖ Naks naman tong best friend ko, at kelan pa siya naging love doctor aber? ―Ganun ba yun?‖ ―Oo naman.‖ ―Pero kung iisipin niyo, si Omar eh parang hindi siya yung mga normal na manliligaw na sobrang pagpapamper sa babae. Parang..wala lang. para ngang hindi siya nanliligaw eh.‖ ―Alam mo Andy, napansin ko rin yun. Talaga bang nanliligaw siya sa iyo?‖ Nagshrug lang ako kasi pati ako eh hindi ko alam ang sagot sa tanong nila. Nanliligaw nga ba siya? Pagkabell nun eh bumalik na kaagad kami ng classroom. Buti nga at hindi pa kami nalate eh. nung next subjects naman namin eh walang ginawa masyado. The usual review lang at bigayan ng pointers at handouts. Nakakainis nga eh, kung kelan exams eh saka lang sila magbibigay ng hand out. Mas okay sana kung dati pa para at least nababasa na namin at hindi yung isahang pagmememorize ang gagawin namin. Nung matapos yung klase eh nagbihis na kaagad ako. Late narin kasi kami pinalabas eh kaya ayun, naghaharurot ako sa katatakbo papuntang cr. Syempre, kapag nalate kasi ako ng practice baka magpush ups ako or maglaps. Ayoko rin naman malate kasi never pa akong nalate sa mga practices namin. ―Uy Vince! Pabili naman ng tubig oh, dalawang malaki..‖ inabot ko naman kaagad sa kanya yung pera. ―Thanks!‖ at pagtapos nun eh tumakbo na ako papuntang gym namin. Pagdating ko dun eh nagstart na yung mga drills na pinapagawa. Kaya ayun, mag-isa akong tumakbo sa may track. Medyo nahilo hilo nga ako nun eh, dala narin siguro ng pagod at pagkauhaw. San na kaya si Vince? Nakaka-3 na ikot na siguro ako nung umikot yung paniging ko. Grabe, sobrang nahilo talaga ako nun. Bumagal nga yung takbo ko eh, feeling ko talaga anytime eh magcocollapse na ako.

Tumigil ako nun sa pagtakbo tapos agad na pumunta sa gilid para hindi matumba. Grabe, uhaw na uhaw na talaga ako nun at feeling ko eh anytime pwede na akong mawalan ng malay. ―T-tubig..‖ Napatingin ako sa may harap ko, konti nalang makikita na nila ako. Konting konti nalang talaga. Kayanin mo yan Andy…wag kang bibitiw… Ilang steps nalang siguro eh nakarating na ako dun sa may pababa, yun nga lang, mukhang hindi na talaga nakayanan ng tuhod ko. Akala ko nung una mahuhulog na talaga ako. Akala ko talaga katapusan ko na. hindi pa pala kasi… ―Anong nangyari sa iyo!? Bakit ka namumutla?!?‖ nasalo niya ako. *****

―KIT?!‖ yan ang una kong nasabi nung magising ako. Paano ba naman eh ang lapit lapit ng mukha niya sa akin. Sinong hindi magugulat dun? Tumingin ako sa paligid ko, nasa clinic na pala ako. Dinala niya siguro ako dito, siya kasi ang nakasalo sa akin eh. ―Anong oras na?‖ Hindi niya ako sinagot nun kaya tinignan ko naman siya. Mukhang galit siya. Teka, may nagawa ba akong masama? ―Ano bang pinag-iisip mo at pupunta ka ng practice nang hindi man lang nilalagyan ng laman yang tiyan mo!?!?!‖ nagulat talaga ako nun dahil hinawakan pa niya ng mahigpit yung magkabilang braso ko. Napapikit nga ako kasi ang sakit talaga ng hawak niya. ―Kit ano ba! Nasasaktan ako!‖ ―Talaga bang gusto mong saktan ang sarili mo ha?!!‖ Tinignan ko naman siya ng masama nun tapos kumalas ako, talagang kinailangan ko ng matinding lakas para gawin yun. ―ANO BANG PAKIELAM MO HA?!‖ Natigilan siya nun tapos napausog at bumitaw lang sa akin. Yung mata niya eh nanlaki talaga at parang takang taka siya kung anu ba yung mga pinagsasabi ko. ―Ano bang alam mo tungkol sa akin Kit?! Ano bang alam mo kung nasasaktan na

ba ako o hindi?!‖ Mukha na siguro kaming ewan dun. Paano ba naman kasi, ako eh nakayuko at umiiyak tapos siya eh nakatingin lang sa akin. ―Andy..‖ ―Wala kang karapatan Kit.‖ tumingala ako nun at tinignan siya ng diretso. ―Wala kang karapatan sabihin yun dahil kahit ikaw eh sinasaktan mo ako!‖ Nakita ko siyang yumuko at nanginig yung kamay niya na nakasara. Nagulat nalang ako dahil nung tumingala siya eh dahan dahang tumutulo yung luha niya. ―Akala mo lang ba na ikaw ang nasasaktan?! Hindi AndY! Pareho lang tayong nasasaktan sa mga nangyayari ngayon!‖ natahimik lang ako nun. Anong ibig niyang sabihin? Bakit siya nasasaktan? Wala namang umaagaw kay Kat sa kanya ah? ―Paano ka masasaktan Kit eh hindi naman nawala sa iyo si Kat?!‖ ―Pwede ba Andy! Tigilan mo na nga ang pagpupumilit mo na si Kat o kung sino pa man ang mahal ko!‖ Nanlaki yung mata ko nung sabihin niya yun. Kung ganoon, para saan pa yung mga tiniis ko? Para saan pa yung mga iniyak ko kung hindi naman pala niya mahal ngayon si Kat? Yumuko ako nun at napaiyak pa lalo. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa puntong ito. ―Kaya nga ba kay Omar nalang kita ipinapaubaya…dahil alam kong sa kanya ka sasaya. Dahil alam kong hindi ka niya sasaktan…dahil alam kong…‖ Pinaubaya? Ibig sabihin nun…? “pinapasa na ni Karding kay Andong ang pag-aalaga kay Belle. Sana wag niyang paiyakin ito kahit kelan dahil napakaimportante ni Belle para kay Karding.” Lalong tumulo yung luha ko nung mga oras na iyon. Sobrang hindi na nga ako makahinga masyado nun eh pero hindi ko pinapahalata. Hindi ako pwedeng mahimatay ngayon. Hindi…kelangan…kelangan kong marinig ang gusto niyang sabihin…kelangan! ―Kit..‖ umikot na yung paningin ko nun. Tumingala ako para magkaroon ng konting hangin pero hindi na talaga ako makahinga. Huli ko nalang narinig eh… “siya lang ang makakabigay ng pagmamahal na kahit kelan eh hindi ko maipakita

para sa iyo...kahit gaano ko pa gustuhin na ipakita sa iyo yun.” Panaginip lang ba yun? O totoo? Chapter 75

Pagdilat ng mga mata ko eh tumingin kaagad ako sa gilid ko. Napasimangot ako kasi walang tao na nakaupo dun. Umalis na siya. Totoo ba yung mga nangyari kahapon? O baka naman guni guni ko lang yun? Hindi, imposibleng maging guni guni yun…ramdam ko ang sakit nung mga oras na yun eh. Narinig kong bumukas ang pintuan kaya napatingin ako. Si Omar lang pala. ―Kamusta?‖ ―Eto, medyo okay na kahit papaano.‖ Umupo siya dun sa tabi ko tapos nilapag yung dala niyang pagkain. Saturday na nun. 2 days na akong nasa hospital. Pinalipat kasi ako nina mama nung malaman nilang hindi ako nakahinga eh. akala nila may kung anong meron na sa akin. Over nga sila magreact eh, pero siguro nga ganoon nalang ang magiging reaksyon mo kapag nagkaganoon ang anak mo. ―Nagkausap na kayo ni Kit?‖ tinaasan ko naman ng kilay si Omar. Teka nga, may hindi tama ah. ―Maliban dun sa clinic, hindi.‖ tumango lang siya nun. ―Teka nga Omar, diba ang normal na nanliligaw eh magseselos pa? eh bakit parang ikaw yata eh gusto mong magkalapit kami ni Kit? Tama ba ang naiisip ko ngayon?‖ Napangiti lang si Omar nun tapos nagkamot ng ulo. ―Huwag mo sanang masamain ito Andy ha? Pero kaya ko lang naman nagawa na ligawan ka eh para pumalag na si Kit. Yun nga lang, kabaliktaran yung ginawa niya. Pinaubaya ka niya sa akin.‖ ngumiti lang ako kay Omar tapos nagpasalamat. Nag-usap pa kami ni Omar nun hanggang sa makarating sina Mama. Ngayon rin kasi ako lalabas eh. ayos narin naman daw kasi ang kalagayan ko eh. Saka, magaaral pa ako no. Sa Monday-Wednesday na kasi ang exams namin. Mahirap na. Nung Sunday eh pumunta sa amin yung barkada, si Omar at si Myka. Gusto kasi nila na maggroup study kami. Mas effective daw kasi sabi ni Myka. So syempre kami, sunod nalang. Malay mo tama.

Hindi na kami nakalabas nun. Syempre, may one day narin kasing nasayang kaya heto, aral mode na talaga. Finals na eh. Monday. Sobrang kabado ako nun. Feeling ko kasi hindi ako masyadong nakaaral. Yung mga kaibigan ko nge eh todo yung pagpapakalma sa akin. Nagsimula yung test namin. English. Ayos naman siya, except dun sa part na may kelangan kaming idiscuss na period. Grabe nga eh, feeling ko eh umiiyak na yung utak ko kasi talagang ang hirap alalahanin yung mga nangyari. Nung mga sumunod na test naman eh okay lang. nakayanan naman kahit papaano. Buti nga eh, kung di, naku po! Ganoon lang rin naman nangyari nung mga sumunod na araw. Sa awa ng diyos eh pinagbigyan niya akong makayanan ang exams namin! Wooo! Praise the Lord talaga. ―Ano? San tayo ngayon?‖ ―Saan pa ba? Malamang sa mall.‖ sabi ko nun kay Vince na patawa tawa pa. Nagtaka naman ako bigla nung hindi tumawa sina Cheeky sa sinabi ko. Teka nga, may ibang plano ba? ―Actually Andy, may iba tayong agenda ngayon.‖ tinaasan ko naman sila ng kilay. Ibang agenda? Ano na naman kaya yang pakana nilang yan? ―care to share?‖ ―Hintayin nalang muna natin si Myka. Parating na yun.‖ Okay, ano na naman kaya itong gagawin nila? Wish ko lang walang mangyari sa amin ngayon ah. Ilang sandali lang rin eh dumatin na si Myka. ―Ano? Ready na ba kayo?‖ ―Ready? Ready for what?‖ Ngumiti lang silang lahat sa akin tapos nagulat nalang ako bigla nung kunin ni Vince at Stephen yung kamay ko tapos si Omar naman eh tinulak ako. Hala! Anong mga pinaplano nito!? Don‘t tell me, kinikidnap nila ako?! Sinakay nila ako nun sa Van ni Vince tapos piniringan. Takte naman oh, ano bang gimik ito!?

Naramdaman ko namang umandar yung sasakyan tapos nag-usap usap naman sila ng kung anu ano. Ang tagal ko rin sigurong nakapiring nun. At sa sobrang bored ko eh nakatulog nalang ako bigla.

*****

―Andy gising…‖ Dumilat naman ako nun tapos bigla akong nasilaw. Tinanggal na pala nila yung blindfold. Ni-rub ko naman ng konti yung mata ko tapos naadjust narin sa liwanag. Pagtingin ko sa paligid ko eh napataas naman yung kilay ko. Anong ginagawa namin dito?! ―Teka nga, anong ginagawa natin dito?‖ ―We‘re here to clear things a bit..‖ Nagdoorbell naman sila nun tapos ilang sandali lang eh lumabas yung maid. “Sinu ho sila?” ―Mga kaibigan kami ng amo mo...Sabihin mo andito si Myka at Omar.‖ Tumango naman yung katulong nila tapos pumasok sa loob at may kinausap. Pagtapos nun eh pinapasok na kami hanggang living room. Ang tagal rin siguro namin naghintay dun. Dinalan pa nga kami ng juice nung katulong eh bago bumaba yung hinihintay namin. ―Myka? Omar? Anong ginagawa niyo rito?‖ sabi ni Kat nung pababa siya mula sa hagdan nila. Nagulat pa nga siya nung makita niya yung barkada namin eh. ―May party ba? Bakit lahat yata kayo napasugod dito?‖ Tumingin naman ako kina Myka nun. ―Yun nga rin ang gusto kong malaman eh.‖ pinatuloy naman kami ni Kat dun sa may garden nila tapos dinalan kami ng merienda. ―So, anong meron?‖ Wala kaagad nagsalita sa amin nun. Ni-nudge naman ni Omar si Myka nun tapos parang natauhan siya bigla.

―Gusto ka kasi namin kausapin Kat..‖ ―Tungkol saan naman?‖ Sabi niya na nakangiti pa nun. Si Omar naman eh halata mong naiirita sa mga nangyayari. Kelangan ko pa ngang hawakan yung braso niya eh. para kasing anytime susugod. Ano kayang problema nito? ―Alam mo naman kung bakit Kat eh. wag ka nang magkaila.‖ ―Anong ibig mong sabihin Omar? Hindi kita maintindihan.‖ ―PWEDE BA TIGIL TIGIL---‖ ―Omar. Hindi tayo nagpunta dito para manggulo okay?‖ huminahon naman siya nun tapos umupo ulit. Napatayo kasi siya kanina eh. dumiretso naman yung tingin ni Myka kat Kat tapos ang seryoso pa ng tingin niya. ―Alam mo na ang ibig naming sabihin. Tungkol ito kay Kit.‖ Nagulat nalang ako nun at napatingin kay Myka. Pumunta kami dito dahil kay Kit? Bakit? May nangyari ba sa kanya? Sa kanila ni Kat? “Pwede ba Andy! Tigilan mo na nga ang pagpupumilit mo na si Kat o kung sino pa man ang mahal ko!” Teka nga, bakit ko ba yan naiisip ngayon?! Naman oh! ―I‘m sorry pero hindi ko alam. Anong tungkol kay Kit?‖ ―Kung hindi mo alam, then let me refresh you.‖ sobrang seryoso yung mukha ni Myka nun. Mukha nga siyang mataray eh. grabe, nakakatakot talaga. ―Inagaw mo si Kit kay Andy.‖ Halata mong nagulat yung expression ni Kat. actually, pati ako eh halata sa mukha ko na gulat na gulat ako sa sinabi ni Myka. ―Inagaw? Ano ba yang pinagsasabi niyo?‖ makikipag-agree na sana ako nun kung hindi lang tinuloy ni Kat yung sinabi niya. ―Kit never belonged to Andy. Hindi ba Andy?‖ Hindi ako makapagsalita nun. Totoo ba yun? Na kahit kelan eh never naging akin si Kit? Maybe totoo nga. ―Kaya lang naman kayo nagkakilala eh dahil sa arrangement niyong dalawa. Kung hindi dahil sa parents niyo eh hindi naman talaga kayo magkakaroon ng

chance na makilala ang isa‘t isa.‖ tumingin sa akin nun si Kat na parang mapangasar na tingin. ―Hindi ba Andy? If it weren‘t for your parents, hindi naman talaga kayo magkakagusto sa isa‘t isa eh. unlike sa conditon naming dalawa.‖ Hindi na talaga ako nakaimik nun. Tama siya. Hindi katulad nila ni Kit na kusa silang nagkagusto sa isa‘t isa, kami eh talagang napilitan lang. napilitan na kilalanin ang isa‘t isa at maging close. Napayuko lang ako nun. Si Kat talaga ang may karapatan kay Kit. Hindi ako. ―Andy kahit ano pang sabihin niya, ikaw ang mahal ni Kit.‖ Napatingin naman ako kay Myka nun. Ako ang mahal ni Kit. Talaga? “siya lang ang makakabigay ng pagmamahal na kahit kelan eh hindi ko maipakita para sa iyo...kahit gaano ko pa gustuhin na ipakita sa iyo yun.” Ang pagsabi ba niya ng ganyan eh parang sinasabi niyang mahal niya ako? ―Talaga? Kung mahal ka niya, bakit niya kinancel ang arrangement niyo?‖ Nagulat naman ako dun. Itinigil niya ang arrangement? Kelan pa?! Umiling iling ako nun kasi hindi talaga ako makapaniwala. Bakit nga niya gagawin yun kung mahal niya ako hindi ba? ―Ayaw mong maniwala? Go ahead, tawagan mo ang parents mo. I‘m sure they know.‖ tumingin lang ako sa barkada ko. Halata mong pati sila eh nagulat dun sa sinabi ni Kat. pati nga sina Omar at Myka eh, walang imik. Kinuha ko naman yung receiver ng phone tapos nagdial ng numero. Ilang rings ang lumipas at nasagot kaagad ni mama yung phone. ―Hello ma?‖ ―Oh Andy. Napatawag ka? Asan ka ngayon? Na kina Cheeky ba kayo?‖ ―Hindi po ma. Nasa bahay po ako ng---kaklase ko.‖ hindi ko nasabing kaibigan dahil…hindi ko na sure kung kaibigan ko pa ba talaga si Kat sa nakita ko ngayon. ―Bakit na napatawag?‖ ―Ma may tatanong lang sana ako sa iyo. Sana po sabihin niyo yung totoo…‖ ―Oh, ano ba yun? Bakit parang ang seryoso mo yata?‖

Huminga ako ng malalim nun at napapikit. Handa ka ba Andy para dun sa isasagot ng mama mo? ―Totoo ba ma na…ipinatigil na ni Kit ang arrangement?‖ hindi ako dumilat nun at sobrang hiniling ko na ang sabihin ng mama ko eh… “Bakit naman gagawin ni Kit yun??” Ang lakas ng tibok ng puso ko nun. Rinig na rinig ko talaga. Ang tagal rin kasing hindi nagsalita nung mama ko eh. ―Ma?‖ May ilang sandaling katahimikan bago siya muling magsalita. Kasabay nun eh ang pagtulo ng luha ko. “Patawad Andy at hindi ko kaagad nasabi sa iyo. Masyado ka kasing malungkot noon at ayaw ko nang dagdagan pa yung problema mo.” :‘(:‘(

Chapter 76

―Andy sorry, sana pala hindi nalang namin ginawa yun…‖ Umiling lang ako nun tapos pinunasan yung luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Sobrang sakit kasi lahat ng sinabi ni Kat eh totoo. Ni isang bagay eh hindi ko makontra dahil wala naman talaga akong laban sa kanya eh. Hanggang ngayon eh paulit ulit parin sa isip ko yung mga sinabi ni Mama kanina sa bahay ni Kat. “Sinubukan pa siyang pigilan ng mga magulang niya pero mukhang desisdido talaga siya nun. Patawad talaga Andy. Sana noon pa eh sinabi ko na para hindi ka nahihirapan ngayon.” Pumikit nalang ulit ako nun at hiniling na sana panaginip lang itong lahat at maya maya eh magigising na ako. *****

Nung mga sumunod na araw, graduation practice kami sa umaga at varsity training sa gabi. Hindi na ako masyadong nagreklamo nung mga oras na yun kasi mas nakatulong narin siya para sa akin kahit papaano. At least sa mga oras na iyon eh nakakalimutan ko yung mga problemang hinaharap ko. Second week ng practice namin ngayon. 2 weeks nalang siguro eh graduate na kami. Bye bye MPU na at hello to college life. Nung una eh takot talaga ako nun magcollege. Sino ba namang hindi diba? Syempre, malayo ka na sa bahay mo at hindi mo alam, baka hindi pa kayo magkakasamang magbabarkada. Pero sabi naman nina Cheeky, kahit gaano pa man daw kami magkalayo eh hindi daw mawawala yung samahan namin. ―Okay, sa ngayon eh pwede kayong pumalakpak for your batchmates. Pero sa saktong graduation eh bawal na ha?‖ Oo nga pala, ngayon na pala sasabihin yung mga bests sa iba‘t ibang subject at syempre yung magiging valedictorian at kung sinu sino pang awardees mula sa batch namin. ―For Math, we have...‖ nilabas ni miss yung glasses niya tapos tinignan ng maige yung papel. ―Mr. Tasello.‖ Hindi narin shocker para sa amin yun. Matalino naman talaga kasi siya eh. ―For Science we have…Mr. Martinez.‖ wala naman yatang makakakuha ng award na yan mula kay Sasha eh. Napatingin lang ako kay Sasha nun at natawa sa sarili ko. Hanggang ngayon eh hindi ko maimagine kung bakit ko ba siya naging crush. Siguro nga tama sina Marla nung sinabi nila na nabulag ako nung magkagusto ako kay Sasha. No offense naman sa kanya pero…mukhang mas mahal pa niya ang science sa kahit na sino. Sure naging crush nga niya si Pau pero…hay mahabang storya. ―For English and Filipino…‖ wow sosyal, dalawa ang nakakuha. Naks naman niyan. ―We have Mr. Oliveros‖ todo palakpak talaga kami nung banggitin yung pangalan ni Cheeky. Biruin niyo? Nakakuha pa ng, not only one but TWO awards ang bruha? Naks naman. ―For CCF we have…Miss Sanchez.‖ at tuluy tuloy na nilang sinabi yung mga awardees. Yung ibang subjects eh nakuha nung ibang mga namention na. Like TLE para kay Sasha ulit at yung Computer para kay Kit. Sa AP naman eh nakuha nung isang kabatch namin na taga star section. And last but not the least, P.E. ―For best in P.E. boys we have Mr. Lavista.‖ tignan mo nga naman oh. Sinuwerte

pa ang loko. ―And for the girls we have…Miss Ongpauco.‖ Natulala talaga ako nung marinig ko yung pangalan ko nun. Tinulak pa talaga ako ng katabi ko nun para umakyat sa may stage. Gusto ko ngang tanungin sa kanila nun eh, seryoso ba sila? Pinagstay lang muna kami nun sa stage para sa pinakahihintay na announcement. Yung valedictorian, salutatorian at first honorable mention. ―Okay ang ating first honorable mention ay si Miss…‖ naku naman itong si miss oh, may pathrill thrill pang nalalaman. ―Andy Ongpauco.‖ Weh?! Hindi nga?! Napanganga ako nun at nanlaki yung mata ko sa kanila. Ako?! Honorable mention?! Nagjojoke ba sila?! ―Seryoso kayo?!‖ pati nga ata yung teachers eh nagulat nung sinabi ko yun. ―Why miss Ongpauco? Ayaw mo?‖ Umiling ako nun tapos saka ko lang narealize na mali pala naging reaction ko. ―I mean, gusto!‖ Sineparate nila ako mula sa subject awardees tapos hinintay nalang namin yung valedictorian and Salutatorian. Asus, if I know eh si Kit ang valedictorian tapos si Sasha ang salutatorian. Obvious naman eh. hindi na kasi tinatanong yan. ―So Para sa salutatorian natin…we have…Mr. Kit Tasello.‖ teka nga muna! Ano na bang nangyayari? Bakit ganito yung results? Gaya nung pinagawa sa akin kanina eh tumayo lang rin si Kit sa may tabi ko. Medyo ilang nga ako nun pero tinry kong hindi magpaapekto. Grabe talaga, ang weird ng mga nangyayari ngayon. ―And finally, ang ating valedictorian ay si…‖ may iba pang naghiyawan nun. Si Sasha na siguro yan. Wala na kasi si Kit eh so siguro siya na yung 1st. ―Mister Chester Oliveros!‖ Napasigaw kaming magkakabarkada nun kaya napatingin sa amin yung mga tao. Oh my gosh! Totoo ba ito?! Si Cheeky ang valedictorian!? Natalo niya si Sasha at Kit?! Holy Macaroni! Hindi nga?! *****

―Congrats talaga sa inyo Andy at Cheeky! Grabe, ang galing niyo talaga!‖ Nagcheers kami at ininom yung coke in can na inorder namin. Nasa may bahay kami ngayon ni Marla at heto, nagcecelebrate. ―Si Cheeky kamo. Biruin mo, natalo niya sa pagiging valedictorian si Kit!‖ Napangiti lang kami nun eh. sabi ko na nga ba eh, matalino talaga itong best friend ko eh. tamad lang minsan. ―Pero Ikaw Andy! Natalo mo si Sasha!‖ Yun lang talaga ang hindi ko mapaniwalaan. Biruin mo, ang best subject niya is Science tapos ako eh P.E. lang tapos hindi pa siya yung 1st honorable mention? Grabe talaga eh. ―Pero isn‘t it weird? Diba dapat siya ang 1st honorable kasi science ang best subject niya?‖ ―hindi lang naman ang best subject mo ang basehan ng pagiging honorable mention o kung anu pa man eh.‖ ―Whoa, si Cheeky kinareer ang pagiging smart guy! Baka hindi na kita mareach niyan ah! Aheheh.‖ Binatukan lang naman ni Cheeky si Stephen nun. Pagtapos naman nun eh tuluy tuloy na sa kasiyahan ang barkada. Nagkantahan pa nga kami nun eh, kahit na yung pusa sa kabilang bahay eh mangiyak ngiyak na kasi wala ni isa sa amin ang gifted sa pagkanta. Siguro inabot kami ng gabi dun kina Marla. Ayos lang naman kasi hindi naman kelangan maaga ang pasok namin bukas. Practice nalang kasi talaga so half day lang siya. Yun nga lang, ako eh may training pa. Hay, pasaway talaga. The next day medyo mag-7 na ako nagising. Buti nalang talaga at 10 pa pasok namin. Naligo naman na ako kaagad nun at inayos yung mga gamit ko, notebook, ballpen at syempre, pamalit para sa training. Mga quarter to 8 siguro nung pumasok ako. Ewan ko nga kung bakit eh. feel ko lang pumasok ng maaga. Hindi naman ako mag-isa sa school kasi nandoon si Omar. Nagulat nga ako eh kasi naabutan ko pa siya na nakaupo dun sa may garden, at may suot syang shades.

―Omar?‖ ―Uy.‖ Naghigh five kami nun tapos umupo ako sa tabi niya. ―Anong nangyari na naman?‖ ―pasalubong sakin ng tatay ko.‖ sabi naman niya tapos tinuro niya yung may right eye niya at tumawa. Hinawakan ko naman yung gilid ng mukha niya tapos napasimangot. Bakit ba kelangan bugbugin siya ng dad niya? Ano bang nagawa niya? ―May ginawa ka ba?‖ ―Wala, I was just minding my own business tapos ayun, bigla siyang nagreklamo na kesyo sobrang lakas ko raw magpatugtog sa bahay at ang kalat ko daw.‖ ―Anong sabi ng mom mo?‖ ―Wala naman siyang magagawa eh. Dad‘s like the ―Law‖ in our house. Kahit anong sabihin niya o gawin eh parating tama dapat.‖ oo nga pala, nasabi pala ng mom niya na kung pwede lang daw sana niya pigilan ang asawa niya. Hay, grabe talaga. ―Andy? Omar? Ang aga niyo yata ngayon?‖ Napatingin naman kami ni Omar sa may harap namin. Si Kat pala at si Kit. Napansin ko naman kaagad na biglang sumara yung fist ni Omar tapos halata mong nanginginig siya sa inis. ―Ahh…yeah.‖ ―Kayo ha…nagdadate siguro kayo no?‖ Iiling na sana dapat ako nun kaso biglang hinawakan ni Omar yung kamay ko tapos sumabat siya. ―Oo, nagdadate kami. Matagal ko rin kasing hindi nakasama si Andy eh. Eh kayo? Bakit maaga kayo?‖ ―Si Kit kasi eh..nagpapasama dito.‖ napatingin lang ako kay Kit at nagulat kasi parang siya eh nagulat sa sinabi ni Kat. mabilis lang rin naman nawala yung expression niyang yun at back to being emotionless na naman yung mukha niya. ―Ah ganun ba? Kelan niya sinabi yan sa iyo? Sa panaginip mo?‖ halata mong nainis yung expression ni Kat sa sinabi ni Omar tapos pinalitan kaagad niya yun ng ―Fake‖ na ngiti.

―Anong ibig mong sabihin Omar??‖ ―Mahilig ka naman gumawa ng sarili mong kwento diba? Dun ka naman expert eh. Parati---‖ *PAK!* Nanlaki yung mata ko nun kasi biglang sinapak ni Kit, OO ni Kit, si Omar. Tumalsik na yung shades na suot ni Omar at nakita mo yung malaki niyang black eye. ―Kung wala kang masasabing matino, itikom mo nalang yang bibig mo.‖ Hinawakan niya yung kamay ni Kat nun at lumakad na silang paalis. Kami naman ni Omar eh tulala lang sa nagawa ni Kit. Parang first time ko lang yatang nakitang ipinagtanggol niya si Kat. Medyo malayo na sila nun nang biglang tumingin sa direksyon namin si Kit.

―At para sa iyong kaalaman, I did ask her to come with me.‖ At pagtapos nun eh umalis na sila ng tuluyan. Chapter 77 ―And now please welcome Chester Oliveros for the valedictory address.‖ umakyat naman nun si Cheeky sa stage at kukunin na sana yung mic kaso nga lang biglang nagsalita ulit si Miss Herrera. ―Mr. Valenzuela! Sinabi ba naming tumayo ka? Hay nako! Kanina pa kayong mga bata kayo ah! Hindi na talaga tayo matatapos nito.‖ Nagwhine naman yung ibang batchmates namin. 2 days nalang ‗til our graduation at heto parin, puro kalokohan parin ang ginagawa nung kabatch ko. Nakakainis na nga kasi paulit ulit nalang talaga kami araw araw. Ang sarap talagang batukan eh. Umulit na naman si miss nun sa pagannounce tapos natapos rin yung blocking, sa wakas. Pinauwi naman na kaagad kami nun kasi sobrang tadtad narin ang pagpapractice namin. Yung varsity girls naman eh hindi na muna pinagtraining para daw makapagpahinga naman kahit konti. ―Grabe, nakakahilo yun ah. Paulit ulit nalang tayo.‖ nakiagree naman kami nun

kay Cheska kasi talagang nakakahilo. Mainit na nga tapos paulit ulit pa yung ginagawa namin. Buti nga at hindi nila kami binababad sa araw ngayon eh di tulad nung dati na talagang sa open field nila hinohold yung graduation. Diretso uwi lang ako nun kasi gusto ko ring magpahinga nung mga oras na yun. Syempre pagod. Habang naglalakad naman ako nun pauwi eh napatingin lang ako bigla sa dati naming bahay. Namiss ko rin yun kaya pumasok ako dun at dun nalang siguro magpapahina. Tumawag naman ako sa bahay para ipaalam kina mama, ayos lang naman daw sa kanila as long as wala akong guguluhin dun. Asus, as if naman. Nung tinignan ko talaga yung paligid ko eh sobrang daming memories na bumalik sa akin. From the time na first akong makapasok sa bahay na ito, hanggang dun sa time na umalis na kami. Naalala ko pa nga nun yung mga Kit Tasello Facts ko eh. yun nga lang, nakalimutan ko na kung ano yung pinakalast kong Kit Tasello Fact. Umakyat naman ako kaagad sa kwarto ko nun tapos humiga sa kama. Naweirduhan ako ng konti kasi walang alikabok sa kwarto ko. Siguro nililinis parin siya nina manang. Napatingala lang ako nung mga oras na yun at napaisip isip. Sa dinami dami ng nangyari sa amin, sino ba namang mag-iisip na mangyayari pala itong nangyayari ngayon sa amin? Grabe, life sure is unexpected. Pumikit naman ako nun and in no time, nakatulog na ako.

*****

Madilim nun nung nagising ako bigla. Pagtingin ko naman sa orasan ko eh mag10 na pala ng gabi. Tinignan ko kaagad yung phone ko kung may messages. Puro galing kay Mama, tinatanong kasi nila kung dito daw ba ako matutulog or what. Sabi ko eh uuwi rin ako kasi wala namang pagkain dito. Tumayo naman ako kaagad nun. Nag-unat unat ng kaunti tapos inayos na yung pinaghigaan ko. Pinatay ko narin yung aircon nun at syempre, lumabas na. ―Anong ginagawa mo dito?‖

Nagulat talaga ako nang biglang bumulaga yung mukha ni Kit sa tapat ko. Galing rin siyang kwarto niya tapos halata mong bagong gising lang. paano nangyari yun? Nandito kami sa isang bahay nang hindi man lang namamalayan na kasama namin ang isa‘t isa. Wow. Weird. ―Natulog lang ako saglit. Ikaw anong ginagawa mo rito?‖ ―Same.‖ Lumakad naman na ako nun pababa kasi ayoko nang umuwi ng masyadong gabi. Nagulat ako nang malaman kong sinusundan pala niya ako. ―Bakit ka nakasunod?‖ ―Saan ka pupunta?‖ ―uuwi na.‖ ―May sundo ka?‖ ―Wala. Maglalakad.‖ bakit ba napakaraming tanong nito? ―Nahihibang ka na ba? Maglalakad ka tapos alas-10 na ng gabi??‖ ―Kesa naman dito ako matulog. Wala namang pagkain dito.‖ parang nag-isip pa siya sandali nun tapos tumingin naman sa akin. ―Ihahatid kita.‖ ―Naku wag na no! kaya ko naman eh.‖ Inunahan niya akong lumabas nun tapos tumigil saglit nung nasa may pinto na kami. ―I‘m not asking you. I‘m telling you.‖ Aba, ang taray ng bruhong to. Ano pa bang magagawa ko kung di payagan nalang siya diba? Tahimik lang kaming naglakad nun. Sobrang nakakabingi nga yung katahimikan eh. kung subukan ko namang kausapin siya eh kakarampot lang ang sinasagot niya. ―Grabe ang lamig...‖ Pinagkaskas ko na yung dalawang palad ko nung mga oras na yun pero nilalamig ako. Paano, ang hangin kasi tapos galing pa akong aircon. Oh diba? Saan ka pa? Nagulat nalang ako bigla kasi inabot niya sa akin yung jacket niya. Tinaasan ko

pa nga siya ng kilay pero wala siyang ginawa. Nakastay lang yung kamay niyang nakaextend na ganun. Tinanggap ko naman kasi feeling ko eh walang balak yun na ibaba yung kamay niya, kawawa naman. At syempre, kasi ginaw na ginaw na talaga ako. ―Kamusta na kayo ni Omar?‖ Nagshrug lang ako nun. Minsan kapag tinatanong sa akin yan eh natatawa nalang ako. ―Ayos lang...‖ ―Hindi ka niya inaaway?‖ ―Bakit naman niya ako aawayin?‖ At ayun, mukhang nabara si Kit at hindi na muli nagsalita. Great Andy. Siya na nga yung gumawa ng effort tapos ganyan ka pa. Asus, anong mapapala mo niyan ngayon? Tumahimik na naman ang paligid. Sobrang gusto ko na talagang makauwi nun kasi feeling ko eh aamagin na ako sa sobrang tahimik ng kasama ko. Pero dahil hindi naman pabor sa gusto ko ang tadhana eh mukhang mas pinatagal pa nito yung paglalakad namin. ―Kayo ni Kat…kamusta?‖ alam kong naiinis siya na pinagpipilitan ko si Kat sa kanya. Pero yun ang nakikita ko. Anong magagawa ko? ―Maayos din naman.‖ Napatingin lang nga ako sa kanya nang sabihin niya sa akin yan eh. Siguro nga, tinanggap na niya yung fact na halos lahat eh ineexpect na maging sila ni Kat. ―Si Omar ba…binubugbog parin ng dad niya?‖ napangiti naman ako slight nun. May paki parin pala itong Kit na ito para sa kaibigan niya. Nagpapakipot lang talaga. ―Yeah...‖ ―Sinabi ko naman sa kanya dati na ireport niya yun eh.‖ ―Bakit daw ayaw niya?‖ ―Kahit anong mangyari daw, kahit sobrang saktan siya ng tatay niya eh mahal parin niya ito.‖ Naawa naman ako sa kanya. Sana lang narerealize na dad niya yung mga sakripisyo na ginagawa ni Omar.

―Nga pala…saan si Myka ngayon?‖ ―May inaasikaso daw siya eh ngayon kaya hindi nakakabisita. Pero sabi niya eh makakapunta naman daw siya sa grad ball..‖ ―AH, buti naman. Kelad daw ba alis niya?‖ ―Next week na yata.‖ Tumango lang ako nun tapos natahimik na naman kaming dalawa. Grabe, matagal pa ba bago makarating sa bahay? Siguro naawa narin ang tadhana sa akin at matapos ang ilang sandali eh nakarating rin kami. ―Sige, hanggang dito nalang…ingat.‖ Tumalikod na ako nun at handa nang pumasok ng biglang hinarap niya ako sa kanya. Ang mas kinagulat ko pa dun eh niyakap niya ako. ―Ingatan mo sarili mo.‖ Nakaramdam naman ako ng matinding lungkot nun tapos sunod ko nalang nalaman eh tumutulo na yung luha ko. Hinigpitan niya lalo yung yakap niya nun at may binulong sa akin tapos saka agad agad na bumitaw. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko tapos kiniss niya ako sa may noo at saka lang umalis. Kung hindi pa siguro ako tinawag ng kapatid ko eh siguro hindi na ako naalis sa pwestong iyon. Mukhang ewan na nga ako dun eh, nakatulala habang umiiyak. Siguro kung may nakakita sa akin eh iisipin nila na may topak na ako. Talagang tumatak ang isang salitang binulong niya sa akin kanina. Alam kong matagal tagal na naman bago ko malimutan ang pagsabi niya sa akin ng… “Goodbye.” Chapter 78

Siguro nga paraan narin niya yung ng pagsabi sa akin na si Kat na ang pinipili niya. Hindi narin naman ako nagulat pa nun, siguro nga, somewhat expected ko na na mangyari yun. Pero hindi ko parin maipapagkaila na nasaktan ako nun. Mga

ilang oras rin siguro akong umiyak nun sa bahay. Grabe no? ang galing talaga ng timing niya eh. saktong 2 days before the graduation. Ayan tuloy, hindi na ako masyadong makakaconcentrate. Last day na ngayon ng pagiging 4th year student ko. Oo, bukas na yung graduation at pati narin yung championship. Nakakakaba nga eh. syempre, gusto rin naming seniors na kasama sa varsity na at least, bago kami umalis ng school eh manalo muna kami o kaya maging champion. ―Oh Andy, hindi ka ba sasama kina Cheeky? Ngayon sila mamimili ng damit para sa grad ball niyo diba?‖ Tumingin lang ako sa mama ko tapos umiling lang. ―Hindi nga po ako pupunta diba?‖ Naisip isip ko rin naman kasi kahit papaano. Hindi ko narin kasi naman nakita yung point ng pagpunta ko dun eh. para sa akin, parang wala lang ang grad ball slash prom o kung ano pa man ang gusto nilang itawag dun. Sure sinasabi nila na last night mo na yun para makasama mga batchmates mo pero sa kuhanan ng card eh magkakakitaan parin naman kayo eh. ―Ikaw nga, kaya ba hindi ka pupunta diyan sa grad ball niyo eh dahil kay Kit?‖ Tinignan ko lang si Mama nun at umiling. Well, partly siya yung reason pero tinatamad lang talaga akong pumunta. Tinigilan rin naman ako ni mama sa mga tanong niya tapos ako eh bumalik na sa pagbabasa ko ng libro. Buong umaga siguro akong nandoon sa sala na nagbabasa. Tatayo lang ako kung magugutom o kaya mauuhaw. Sabi nga ni Herc eh, inaagawan ko daw siya sa pwesto niya. Usually kasi siya ang nakaglue sa sala kasi naglalaro siya ng kabit niya na PS3. ―Eeeh…ate naman eh…bakit hindi ka nalang dun sa kwarto mo magbasa…hindi naman magbabago yan kapag lumipat ka ng pwesto eh..‖ ―Hay nako Herc. Sabi ngang ayoko lumipat eh. bakit hindi ka nalang dun sa asawa mong gameboy at bukas ka nalang maglaro ng ps3? Wala naman ako buong umaga eh…‖ Bakasyon na nga pala nila ngayon. Swerte nga eh. gusto ko narin siguro magbakasyon. Para malayo na mula sa mga problema ko ngayon. ―Eehhh gusto ko ngayon maglaro eh..saka pupunta pa yung mga kaibigan ko.‖ Naawa naman ako sa kanya at umalis narin dun. Sabi pa nga ni mama eh himala daw na napakiusapan ako ng kapatid ko. Sabi ko lang eh people change. Hindi

ba? Dun naman ako sa kwarto namin nagstay hanggang maglulunch na. kung hindi pa nga ako tinawag ng katulong eh baka dun lang ako sa kwarto. Ewan ko ba, hindi ko lang talaga feel na lumabas nitong araw na ito. Pagkababa ko naman eh nakarinig ako ng ingay pero hindi ko na tinignan. Hawak hawak ko parin kasi yung libro ko at saka alam ko namang barkada lang yan ni Herc so wala narin akong paki kung bakit sila nag-iingay. Uupo na sana nun ako sa may table namin at kakain nang biglang may pumalo sa akin sa braso. Pagtingin ko eh sina Cheeky pala. ―Bruha ka. Ganoon ka ba bumati ng kaibigan?‖ ―anong ginagawa niyo rito? Akala ko ba nagshopping kayo?‖ ―MAGshoshopping palang at dapat kasama ka.‖ Ngeeeh…ano naman gagawin ko dun? Wala naman akong kelangan bilhin eh. ―Asus, tutunganga lang ako sa mall no!‖ ―bakit ka naman tutunganga eh bibili tayo ng dress para sa iyo.‖ ―Para saan pa eh hindi rin naman ako pupunta ng prom!‖ Halata mo nun na nagulat sila dun sa naging sagot ko. Hindi ko pa naman kasi talaga nasasabi sa kanila yung plan kong hindi umattend eh. ―bakit naman? Sayang no!‖ ―Wala lang…tinatamad lang ako.‖ ―Tinatamad ka o ayaw mong pumunta kasi andoon sila?‖ Nagshrug nalang ako kasi ayoko nang sagutin yung tanong na iyan. In the end, sila rin yung nanalo na isama ako sa pagshoshopping nila pero tuloy parin yung plano ko na hindi pumunta. Ayos lang daw sa kanila yun kung yun daw ba talaga ang ikakasaya ko. Nung dumating kami sa mall eh dun kaagad sa bilihan ng mga gown dumiretso si Marla, Cheeky at Cheska. Halata mong excited na talaga sila eh. kami naman ni Stephen at Vince eh nakasunod lang. ang weird nga eh, dati rati nung si Ate Cass yung napapanood kong excited magprom eh naiinggit ako. Ngayong turn ko naman eh heto ako at ayaw naman pumunta. Napakaweird talaga eh no?

―Maganda ba?‖ ―mas bagay ang pink sa iyo.‖ ―Oh? Sige itatanong ko kung may ganito na pink…‖ Umalis naman siya nun at lumapit dun sa saleslady. ―Ikaw ba Andy eh seryoso kang hindi ka pupunta?‖ ―Yeah…saka isipin mo, pagod kami nung oras na yun. Dire-diretso kasi eh. Graduation sa umaga tapos championship sa tanghali tapos prom? Mas gugustuhin ko na sigurong magpahinga..‖ ―Seryoso Andy, talaga bang iyan ang dahilan o si Kit?‖ Napahinga lang ako ng malalim. Ano pa bang magagawa ko kung di sagutin nalang yung tanong nila. ―Ayoko nang isipin yun kasi nagpaalam na siya.‖ ―Nagpaalam?! Anong ibig mong sabihin?‖ ―Nagpaalam. Nag goodbye na. meaning, pinipili niya si Kat.‖ ―Ikaw naman kasi Andy eh. Hindi mo pa kasi sabihin ang nararamdaman mo para sa kanya. Ayan tuloy, pareho kayong nasasaktan. Pareho kayong tumatakbo mula sa isa‘t isa.‖ Napabuntong hininga nalang ako at yumuko. Kung simple lang sana ang mga bagay bagay eh di sana masaya kami. Kaso nga lang, hindi eh. Tinigil na nila yung pagtanong kasi siguro napansin nila na nabobother na ako. Hinintay nalang namin matapos sina Cheska at Marla at saka kami kumain na.

*****

―Alfredo Santos Avilla.‖ Hanggang ngayon eh hindi parin ako makapaniwala na graduation na. in a few minutes, eh certified alumni na kaming lahat. Grabe nga eh, parang kahapon lang eh unang tapak namin di to sa high school tapos ngayon, nagtatapos na ang lahat. Panibagong environment na naman. Panibagong friends pero syempre, hindi parin mawawala ang dati.

―And now, may we call on Mr. Chester Oliveros for the valedictory address.‖ Pumalakpak kaming lahat nun. Umakyat naman kaagad siya ng stage nun tapos nakipagkamay dun sa teacher sa podium. Tumingin siya sa mga kabatch namin at nagsmile sa mga parents. ―They require me to speak in english but I‘m don‘t want to.‖ Nagulat naman kaming lahat sa kanya. Anong nangyari bigla at bakit parang naghahanap pa yata ng gulo ito? ―Sa tingin ko po eh mas magkakaintindihan tayo at hindi magiging ganoon ka-boring kung hindi pormal ang pakikipag-usap ko sa inyo.‖ May iba naman na nagtinginan kasi iniisip nila kung anong nangyari sa utak ng valedictorian namin. Ako nga rin eh, napaisip. Sa totoo lang kasi, wala ito sa plano. ―Kasi diba isipin niyo ito, parang mawawalan ng saysay ang pamamaalam at pagpapasalamat kung isasaulo natin ito. Mas okay kung on the spot siyang ginawa para bukal talaga sa puso.‖ tumingin siya nun sa principal namin at dun sa may-ari ng school. Nagulat pa nga kami kasi tumango lang sila at nginitian si Cheeky. ―Well first of all, ano nga bang dapat kong sabihin? Ayoko naman kasi yung napakaformal na speech. Mamaya tulugan niyo lang ako eh. Actually, nung sinabi nilang valedictorian ako eh hindi ko naman talagang inexpect na iyon ang mangyayari. Sa totoo lang, si Mr. SC President talaga at si Ner—este Sasha ang unang pumasok sa isip ko. So ang tanong, bakit ako? Maraming beses ko rin sigurong pinag-isipan yang mga yan. Alam niyo yun? Kasi diba, iisipin mo na may mas deserving pa kesa sa iyo so magtataka ka talaga kung bakit sa lahat lahat eh ikaw pa ang napili. Pero sabi nga nila, wag tatanggihan ang grasya kaya ayun. Matagal tagal narin siguro akong nag-aaral dito sa MPU. Siguro more than 3 years narin kung bibilangin. Marami raming lesson din naman akong natutunan, hindi lang sa academics pero pati narin lessons about life. Ang pinakamahalagang natutunan ko naman eh yung kung paano mo mapapahalagahan ang ―friendship‖. Ang pagkakaibigan eh hindi nababase kung ano ang kaya niyong gawin para sa isa‘t isa. Ito ay nababase kung gaano niyo kakilala ang isa‘t isa at kung alam niyong pakahalagahan sila. Hindi sukatan ng pagiging isang mabuting kaibigan at panglilibre tuwing lunch breaks o kaya kapag kayo ay gumagala. Ang isang kaibigan ay yung taong iyong tinutulungan ka sa iyong problema. Yung taong kilalang kilala ka na at tanggap niya kung sino ka man talaga. Siya yung taong hinding hindi ka iiwan sa ere kapag lahat ng tao eh iniwan ka na.

Pero bakit nga ba ako naglelecture dito sa harap niyo tungkol sa pagkakaibigan? Siguro naman kasi alam na niyong lahat ang meaning nun so parang na labas eh nagsayang lang ako ng laway. Hay, Cheeky talaga.‖ Natawa naman kami nun kasi from serious eh bigla siyang magloloko ng ganyan. Cheeky talaga. Nagulat pa nga kami nun nung bigla niyang kinuha yung mic at tinanggal mula sa stand. At talagang pasaway na bakla yan, tama bang umupo sa edge ng stage?! ―May kwento ako sa inyo. Noon unang panahon---wait ang corny. Okay, nung panahon na sumiklab ang Meteor Garden, nung panahon na uso pa ang pagpapaka Dao Ming Si at Hua Zhe Lei, may isang lalaki *ehem* na sa sobrang bored eh kinausap ang kanyang katabing babae.‖ Meteor Garden? First year yata kami nun ah! ―Pinalo niya yung babae sa braso kasi gusto niyang makipagkilala. Oo alam ko, weird no? tama daw ba yun? Basta, yun ang ginawa ng bida eh. wag na kayong makielam. Kwento ko to eh.‖ loko talaga to. ―Nagkausap sila nun at naging magkachikahan. By the end of the period eh siguro halos mapuno na ng pasa ang braso ng babae dahil sa walang humpay na kapapalo nung lalaki. Syempre, yung lalaki naman eh nagkaroon ng awa at hinayaan nang makapahinga ang babae at hindi na sumama maglunch. Besides, kasama naman niya ang twin sister niyang maganda.‖ aba, parang pamilyar itong story na ito ah. ―Habang sila ay kumakain, nakaramdam ng pagiging ―lonely‖ si lalaki at nalungkot. Nagulat pa nga siya kasi yung babaeng binugbog niya nung 1st period eh lumapit sa kanya at sa kambal niya tapos niyaya silang makikain sa kanila. Sumama naman sila nun at magmula noon eh hindi na sila nagkahiwalay pa.‖ natawa talaga ako dun and at the same time, medyo naluha luha narin. ―siguro naman by now eh alam niyo nakwento tungkol sa akin yun at hindi narin siguro kayo magtataka pa kung sino yung babae. 4 years narin siguro mula nung nangyari yun pero sobrang alalang alala ko pa yung mga nangyari noon. Siguro nga, ganun talaga kapag sobrang espesyal ng nangyari sa iyo. Hindi mo talaga malilimutan kahit kelan.‖ napatingin naman ako sa iba pa naming kaibigan. siguro nga habang nakikinig kami dun sa pagkukuwento ni Cheeky eh maluha luha na kami nun. Grabe kasi eh, isipin mo, ang tagal narin pala naming magkakaibigan and to think na sobrang dami narin naming pinagdaanan at lahat yun eh nalagpasan namin. Wow talaga. ―Oh pano, hindi ko na to patatagalin pa. congrats nalang sa inyong lahat. And always remember, makakilala man tayo ng new friends, wag natin parin kalimutan yung mga naging TRUE friends natin. That‘s all. Good morning.‖

Pumalakpak naman yung iba nun tapos natawa pa kasi nagbow pa si Cheeky na para bang sumali siya sa isang talumpati. Binigay naman na yung mga awards and then the next thing I know… ―Congratulations MPU batch 200*-200*‖ Nagtalunan yung ibang batchmates namin tapos kinanta na uyng graduation song. Yung iba nga eh nakihalu halo na at sumama na sa mga barkada nila. Grabe, naiyak talaga kami nun. Pano ba namang hindi ka maiiyak eh may ganitong line sa grad song niyo.. Ito na ang pagkakataon Walang masasayang na panahon Mananatili ka sa puso ko kailanman Para sa yo ako‟y lalaban, ako‟y lalaban Grabe talaga. Kahit na yung kanta eh parang pang mga lovers eh pwedeng pwede siyang pang mga magkaibigan eh. Mas maaga sa expected time kami natapos kaya nagkaroon pa kami ng time para kumain sa labas. Kaming pamilya I mean. For sure naman pupunta kaagad ng parlor sina Marla kaya hindi nila mapapanood game ko. Ayos lang naman sa akin yun. Kumain kami sa all you can eat japanese restaurant. Grabe nga eh, dami ko nakain. Feeling ko tuloy eh bumigat ako ng 10 pounds. Nakakatuwa nga dun kasi may parang gift sila sa mga bagong graduate. May stuff toy tapos libreng cake. Ang galing talaga. Nung mga 1 eh bumalik na ulit kami ng school. Dun kasi kami manggagaling bago dumiretso sa school kung saan magaganap yung championship. ―Oh ano na?‖ ―Wala pa yung bus eh. mamaya pa daw ng konti yung dating.‖Naghintay naman kami nun tapos in no time eh dumating na kaagad yung bus. Mabilis lang kami nakarating dun sa school. Malapit lang kasi eh kaya ayun, mga 10 minutes lang siguro eh nandoon na kami. Masasabi ko lang talaga nung mga oras na iyon eh sobrang daming nanonood. As in! puunung puno yata yung gym nila eh. puro mga supporters ng school na iyon.

Nagpalit na kami ng jersey namin tapos nagwarm up narin. Mga after 10 minutes eh nagwhistle na yung referee and then the game began. Nung una eh medyo pa-easy easy lang kasi hindi pa ganoon kagaling yung mga pumasok. Medyo madali nga lang nun kaya nanalo pa kami. Ang saya nga eh. pero pagdating nun second set, dumating na yung captain nung team. Grabe talaga yung labanan nun. Kung hindi madadapa eh magkakabungguan talaga kami dahil sa mga receives nila tapos pamatay pa yung mga spike niya. AS in whoa talaga. Hindi narin kami nagulat nung nanalo sila nung second set. ―Pagod na kayo? Akala ko bagusto niyong manalo? Paano kayo mananalo kung pagod na kayo?‖ ―Hindi pa kami pagod coach!‖ ―Then ipakita niyong hindi pa!‖ Nagstart yung third set. Sobrang higpit talaga ng labanan. Mga aabutin siguro ng more than a minute bago makascore ang one side. Nakakakaba talaga siya lalo na kung kayo yung naglalaro nung mga oras na yun. Parang kaunting pagkakamali may cause the defeat of the team. ―In yan!!‖ muntikan na talagang hindi masave yun. Buti nalang talaga mabilis reflexes nung kateam ko. Nakailang Deuce din siguro kami bago nalaman ang winner. Sobrang pagod na pagod talaga kami nun at mangiyak ngiyak talaga kami. ―And our 200* champion is, Maximillian Pacifico University!‖ Nagtalunan talaga kami nun sa tuwa dahil naachieve namin yung goal namin. Super saya talaga. Pagkauwi namin sa school eh yung ibang girls eh diretso kaagad dun sa C.R. At naligo. Mag 6 narin yun at panigurado nagsastart na ang prom kaya sila eh todo sa pagtatakbo. Patawa tawa lang ako nun habang nanonood sa kanila na naglalagayan ng make up. Lumabas narin ako after nun kasi wala naman akong naitutulong. Nagulat nga ako kasi biglang may tumawag ng pangalan ko. Pagtingin ko naman sa likod ko eh nanlaki talaga yung mata ko. ―Pwede ba kitang makausap?‖ Teka, anong ginagawa ni Kat dito!? Hindi ba dapat nasa prom siya?

Chapter 79 ―Pwede ba kitang makausap?‖Teka, anong ginagawa ni Kat dito!? Hindi ba dapat nasa prom siya? ―Uh, sure.‖ naglakad naman siya nun tapos ako eh sumunod lang sa kanya. Dumiretso kami dun sa may fields tapos tumigil lang siya nang nakatalikod sa akin. ―Bakit wala ka sa prom?‖ ―Wala na akong dahilan para pumunta pa doon.‖ nagulat naman ako at nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Humarap siya sa akin nun tapos tumingin ng diretso. ―Alam kong naguguluhan ka at kaya ako nandito eh para linawin na ang lahat.‖ ―linawin? Anong ibig mong sabihin?‖ ―Mahal ka ni Kit. Sobrang mahal.‖ Natawa naman ako bigla nang sabihin niya iyon. Weird ko no? seryoso tapos tatawanan ko. ―Nagpaalam na siya sa akin. Ikaw ang pinipili niya.‖ ―Makinig ka Andy. I WANTED him to do that kaya niya ginawa yun. Hindi mo ba napapansin? Ako ang lahat ng may kagagawan kung bakit kayo nagkakaganyan ni Kit. Ako ang dahilan kung bakit siya nahihirapan. Ako ang dahilan kung bakit kayo nasasaktan. Ako ang nagseseparate sa inyong dalawa. Ako ang masama. Ako ang kontrabida. Ako ang dapat nang mawala.‖ Nagulat ako sa sinabi niya. Biruin niyo, sinong may kayang umamin ng ganyan? ―Akala ko talaga nung pagbalik ko dito eh babalik yung nararamdaman ni Kit para sa akin. Akala ko eh babalik sa dati ang lahat. Hindi pala. Andiyan ka kasi eh. Ikaw ang harang sa pagbabalikan namin ni Kit kaya nainis ako sa iyo nun kahit hindi halata.‖ napayuko lang ako nun. Grabe. ―Yung mga oras na nakikita mong magkasama kami ni Kit at may naririnig ka na sinasabi niya? Planado ko yun. Yung mga time na nahuhuli mo kami na magkasamang kaming dalawa lang, ako may pakana nun. Nung nakita mo kami sa sinehan na magkasama, alam kong andoon karin. Ako ang nagplano na manood kami kasi gusto kong makita mo kaming masaya para lumayo ka na.‖ ―Pero Kat---‖ ―hayaan mo nalang muna ako matapos Andy. Gusto ko na kasi mabuhos ang lahat.‖ tumango lang ako nun tapos siya eh huminga lang ng malalim. ―Alam kong imposible nang patawarin mo pa ako dahil sa mga nagawa ko. Honestly speaking Andy, nung dumating ako dito, hindi ko talaga alam na

magiging kaagaw kita kay Kit. To tell you the truth, ginusto ko talagang maging kaibigan ka nung una palang kitang makilala. Yun nga lang, may hindrance.‖ tumalikod lang siya ulit nung mga oras na iyon. ―Sana mapatawad mo ako Andy. Sa lahat ng ginawa ko. Sana patawarin mo ko sa mga masamang naidulot ko sa inyo ni Kit. Sobrang sorry talaga..‖ ―Kat..‖ ―Ikaw ang mahal niya. Hindi ako. Siya na mismo ang nagsabi sa akin nun. Na hindi na niya ako muling kayang mahalin dahil ikaw ang nasa puso niya. Ikaw lang Andy at hindi ako.‖ narinig ko naman siyang umiyak ng konti pero agad niyang pinunasan yng mga luha niya at humarap sa akin. ―Mamaya na yung flight ko papuntang America. Doon na talaga ako magsastay for good. Hindi ko nalang alam kung makakabalik pa ba ako dito. Maybe sa future, in 10 years or so pero hindi siguro this year.‖ ―Pero Kat hindi mo naman kelangan umalis...‖ ―I need to and I want to. Maybe sa paglayo sa inyo eh makayanan kong hindi na kayo saktan pa.‖ Lumapit siya sa akin nun tapos may inabot bigla na box. Tinaas ko naman kilay ko nun tapos siya eh natawa lang. ―Para sa iyo lahat ng iyan. Kung ayaw mo parin maniwala na mahal ka niya, baka yan mapapaniwala ka na..‖ Binuksan ko naman kaagad yung box at nanlaki talaga yung mata ko sa laman. Sa loob ng box eh sobrang daming letters, pictures, may bracelet, necklace at kung anu-ano pa. may roses pa nga dun sa loob na lanta na eh. Bumunot naman ako ng isa dun tapos binasa. Tumulo kaagad yung luha ko nung mabasa ko yun. Ang weird nga kasi tumatawa ako habang umiiyak. Oi, Ano ba yan. Hindi naman talaga ako magaling gumawa nito eh. Would you even think na isang Kit Tasello eh magnanais na magsulat ng ganito? I don‟t think so. Ang weird nga no? Well, people always change. Sometimes for the Better. Miski hindi man ako ganito kung ayos lang. Pero tandaan mo parin ito, ikaw ang may kasalanan nito. Grabe, nakakasuka talaga yung mga ganitong cheesy na bagay. Anyway, hindi ko naman talaga ito sinulat para sabihing nasusuka na ako sa pagkacheesy ng pagsulat sa isang tao sa taong gusto niya. OO, maflatter ka na. gusto nga kita. Pero wag lumaki ang ulo ha? Alam ko namang mas nauna kang magkagusto sa akin. Sumagot lang ako sa paanyaya mo. My mom was even happy nung mahuli niya akong sinusulat nito eh. Iyan ha, pati pride ko nilunok ko

na dahil lang sa iyo. Come to think of it, worth it ka ba talaga? Ang sagot? OO. So hanggang dito nalang siguro ito. Feeling ko kasi kapag hinabaan ko pa eh baka makatulog ka na. hindi naman kasi talaga ako magaling sa mga ganito eh so eend ko na dito. Oo nga pala, Happy Valentine‟s Day ulit. Sana nagustuhan mo ito kahit medyo corny. Gusto mo naman diba? Hehe…naninigurado lang. Anyway. Bye. Kit. Grabe talaga iyong lalaking iyon. Susulat na nga lang eh magulo at masungit parin. Pero infairness, natuwa ako sa hidden message niya na ―Would you be my valentine?‖. Tumingin ako kay Kat nun tapos nakangiti lang siya. ―Yang buong box na yan eh dapat talaga ibibigay niya ng Valentine‘s day. Kaso nga lang eh hindi niya nagawa dahil pinigilan ko siya. Ang sama ko talaga.‖ ―Nagawa mo yun dahil nagmahal ka...‖ ―Pero mali parin iyon. Hindi tama na manakit ako ng iba para sa sarili kong kaligayahan.‖ tumingin lang siya sa akin nun tapos dun sa orasan niya. ―Paano, kelangan ko nang umalis. Good luck nalang sa inyo ni Kit. Saka Andy…‖ ―Ano yun?‖ ―Sana talaga mapatawad mo ako. Kung bibigyan siguro ako ng 2nd chance, sana nga naging kaibigan talaga kita.‖ Napangiti lang ako nun tapos tumango. Lumakad na siya nun habang ako eh nakatayo lang. saka lang nagsink in lahat at na late reaction naman ako kaya ayun, napatakbo ako ng di oras. Buti nga at hindi pa masyadong nakakaalis yung car nila eh. ―Kat!‖ Lumigon ulit siya sa akin tapos nagtaas ng kilay habang nakadungaw mula sa kotse. ―Hindi pa huli ang lahat! Pwede pa tayo maging magkaibigan. Let‘s start over! Sumulat ka ha!‖ ngumiti lang siya nun tapos pinatakbo na yung kotse nila. Ako naman eh humabol lang ng konti tapos nagwave ng nagwave sa kanya tapos tumigil nung medyo nahingal na ako. Bumalik na ako nun sa may mga kasama ko tapos nakangiti narin ako habang hawak hawak yung box. Naweirduhan nga sila sa akin kasi bakit daw ganoon

nalang yung ngiti ko. Sabi ko, masaya lang ako. ―Dahil ba sa box na iyan? Patingin naman oh.‖ ―Hindi pwede eh!‖ ―Sige na! damot nito oh.‖ tumawa lang ako nun tapos bumelat sa kanila. Mga matagal tagal rin siguro akong nakipag-agawan sa kanila bago nila ako tinigilan kasi napansin nilang nasisira na mga make-up nila. ―Dalian niyo naman, hindi pa ba kayo tapos?!‖ Tumingin lang sila sa akin at parang nagtaas ng kilay at sabay sabay na sinabi ang… ―Bakit ka nagmamadali, sasama ka ba?‖ Tumawa lang ako nun tapos nagsenyas na sa kanila. ―Ano ba kayo? Tinatanong pa ba yan?‖ “Syempre naman no! prom night yata natin to!” Chapter 80

―Seryoso ka talagang yan lang ang susuotin mo?! Ayaw mong magpalit?‖ umiling lang ako sa kanila at ngumiti. Magpapalit? Ayoko nga! Ang unique nga ng suot ko eh. Saan ka ba nakakita ng babaeng pupunta ng prom ng naka jersey jacket, pants at chucks? Oh diba? ―Makulit rin kayo eh no?‖ ―Naninigurado lang Andy. Malay mo, nalimutan mo lang or something…‖ ―Sure ako.‖ Nung buong trip eh todo chikahan yung team mates ko. Grabe nga eh, puro mga boys pa topic nila. Laking pasalamat ko nalang talaga nang makarating na kami sa hotel. Nung bumaba kami eh saka lang ako nakaramdam ng hiya. Sobrang ganda kasi talaga ng suot nila tapos ako eh nakajeans at jacket lang? Si Andy Ongpauco lang yata ang ganyan. Pumasok na kami nun pero ako eh dumiretso muna sa CR. Nagpaalam pa kasi ako kay Mama. Natawa pa nga siya eh, sabi niya nagpapakipot lang daw ako. Sabi

ko, sobrang unexpected lang talaga kaya ako pumunta. Nag-offer pa nga siya na dalhan ako ng gown pero sabi ko ayos lang at wag nalang. Sunod ko namang kinontact eh yung sina Cheeky. Napatili pa nga sila nung malaman nilang nandito ako and in no time eh sobrang takbuhan sina Marla at Cheska. Grabe ah, ang bibilis nila. ―niyak, anong gimik yan? Bakit ganyan suot mo?‖ ―Walang time mag-ayos eh.‖ ―Ayusan ka namin.‖ ―Nah. Ayos na ako ng ganito.‖ Sabay sabay naman kaming pumasok nun sa loob. Lahat talaga ng makakita sa akin eh napapanganga dahil sa napaka ―engrandeng‖ suot ko. Not. Basta lahat sila eh nagtataka kung nababaliw na ba ako o kung ano mang trip meron ako. ―Whoa, as far as I can remember, wala yatang prom na nagpapasuot ng casual wear.‖ Pinalo ko lang siya nun tapos binalitaan ko na sila about dun sa mga nangyari kanina. Syempre, happy naman sila para sa akin dahil maayos narin finally. Sana. ―Yo! Andy, yan na ba ang bagong ―in‖ na gown?‖ natawa tawa pa ako nun nung dumating si Omar at si Myka. Si Myka eh pinayagan na makisama kasi nag-aral naman siya sa MPU. ―Grabe, isang Andy ongpauco lang talaga ang kilala kong magsusuot ng ganyan.‖ Napangiti lang ako. Kinuhanan naman ako ng food ni Vince tapos ayun, kumain kami. Sina Marla naman, ano pa ba? Malamang nagsayawan sa dance floor. ―Ew! Nakakadiri naman yan. Ang laking kahihiyan para sa ating mga babae.‖Whoa, buhay pa pala tong kontrabidang ito. ―Oo nga eh, tignan mo naman, napakawalang taste. Nakakadiri. Baka isipin pa ng iba na ang mga MPU girls eh jologs.‖ Natawa lang ako sa mga pang-aasar nila. Ewan ko ba, kahit anong gawin kasi ng ibang tao eh hindi mawala wala yung ngiti ko. ―Kung ako kahihiyan, paano pa kaya kayo? Mukha kayong kabayo na may makeup na pang clown.‖ nag-usok yung mga tenga at ilong nila tapos umalis na silang

pareho. Ang bilis naman nilang maasar. Asus. Umalis narin sila nun tapos naiwan na ulit ako mag-isa sa table kasi sumayaw narin yung iba naming kasama. Tumingin lang ako ng tumingin sa tao sa paligid. Sobrang saya nila nung mga oras na yun kaya napangiti rin ako. Mali pala ako. WORTH IT naman palang pumunta sa prom dahil gaya nga ng sabi nila, it MIGHT be the last time na makikita mo yung kabatch mo. Hindi mo na kasi alam kung kelan ulit kayo magkikita eh, syempre, college na nga. ―Huy, wag ka namang maging lumot diyan at tara sayaw tayo dun!‖ Ayoko talaga sumayaw nung mga oras na yun pero nahila na ako nina Cheeky. Hindi talaga ako mahilig sa mga musis na lively yung pagsasayaw pero ayun, napilitan narin. Nangblackmail kasi itong baklita na ito eh. Nung medyo tumagal tagal eh nagplay naman sila ng slow music kaya bumalik na kami. Well, maliban nalang kina Stephen at Marla saka Omar at Myka. Inasar pa nga namin yung dalawa na baka magkadevelopan sila pero ang sabi nila eh malabo daw. Best friend lang ang tingin nila sa isa‘t isa. ―Andy.‖ Tumingin ako nun kay Vince tapos nakalahad yung palad niya sa harap ko. Tinanggap ko naman yun tapos lumakad na kami papuntang dance floor. ―Masaya ka na ba ngayon Andy?‖ ―Hmm, medyo. May unfinished business pa kasi ako kaya hindi ko pa talaga masasabi na masaya na.‖ ―well kelan mo ba tatapusin yung ―unfinished‖ business mo?‖Napaisip naman ako nun. Kelan ko nga ba kakausapin si Kit? ―Well you better think fast.‖ tinaasan ko siya ng kilay tapos nginitian niya ako at nagwink. Lumapit siya sa akin hanggang sa naging katapat niya yung tenga ko. ―‗Cause here comes your unfinished business.‖ Nagulat talaga ako sa kanya nung sinabi niya yun at nanlaki yung mata ko. Nagpull away siya nun at iniwan ako sa dance floor. Sobrang nailang akong tumalikod kasi andoon nga si Kit. Syempre, medyo nahihiya pa talaga ako nung mga oras na yun. Lumingon lang ako nung tinap na niya yung shoulder ko. ―May I have this dance?‖ Tumango lang ako nun tapos pumosisyon na kaming dalawa. Sobrang ilang ako nun to the point na hindi ko na talaga siya matignan sa mata. Nagulat naman ako

bigla kasi hinawakan niya yung chin ko tapos hinarap niya ako sa kanya. Wala paring nagsasalita nun kahit nagkatinginan kami. Huminga ako ng malalim para kunin yung lakas ko tapos saka nagsalita. ―Andy/Kit‖ ―You go first‖ ―Sige ako na mauuna‖ ―O sige ikaw na‖ Natawa kami pareho nun. Ang kulit kasi talaga eh. ―Sige ikaw na..‖ ngumiti lang siya sa akin nun tapos huminga rin ng malalim. ―Hindi ako magsosorry, if that‘s what you‘re expecting.‖ natawa talaga ako ng sobra nun tapos siya rin eh napagrin lang sa akin. Nakakamiss rin yung ganyan. ―eto seryoso na. I‘m sorry for everything. Dahil sa akin nasaktan ka. Dahil sa akin nahirapan ka. I know I promised before na kahit kelan hindi kita iiwan pero hindi ko natupad yun.‖ naalala rin pala niya yun. ―Siguro nga tama sila na promises are meant to be broken pero ayokong mangyari yun. As much as possible, gusto kong tuparin ang mga promises ko. Lalo na yung sayo.‖ napangiti lang ako nun. ―Hindi lang ikaw yung may kasalanan Kit. Dapat nga ako talaga yung nagsosorry kasi I pushed you away from me. Oo, tanga na kung tanga. Tama nga si Ate cass, masyado ko kasing inisip yung feelings ng iba to the point na wala na akong pakielam kung masaktan ako. Pero I forgot one thing. Nakalimutan ko na I can‘t please everybody.‖ ―Well, pareho tayong dapat magsorry.‖ ngumiti lang kami nun and then bati na kami. ―May question nga lang na bumagabag sa akin..‖ ―Ano yun?‖ ―Why did you cancel the engagement?‖ Kumunot yung noo niya nun na para bang nagtataka siya kung bakit tinatanong ko pa iyon. ―Akala ko yun ang gusto mo.‖ well siguro nga ganoon talaga maiisip niya sa mga kilos na pinapakita ko. ―I‘m sorry.‖ ―Hindi mo kelangan magsorry. Ako naman ang may kasalanan kung bakit mo

naisip yun eh.‖ ―Eh ikaw, bakit mo tinapon yung ring?‖ Ngumiti ako sa kanya tapos umiling. Nagtaka naman siya at nagtaas ng kilay. ―I didn‘t.‖ pagtapos nun eh nilabas ko yung necklace ko kung saan nakakabit yung ring tapos pinakita sa kanya. Tinanggal niya mula sa neck ko yung kwintas tapos inalis niya dun yung ring at isinuot sa finger ko. Nung natapos yung song eh sabay kaming bumalik papuntang table namin. Humiyaw pa nga yung barkada kasi tuwa sila at bati na kami. Yung mga mukha naman ni Keri at Pau eh hindi maipinta. Asus, akala mo naman involved sila dito noon pa. May ilang ulit pa kaming sumayaw nung gabing iyon. Siguro nga masyado akong namiss nitong lokong ito kaya ayaw niya akong ipasayaw sa iba maliban nalang kina Stephen, Omar, Vince at Cheeky. Possessive eh no? Palapit na ng palapit ang pagtatapos ng prom. Isa lang talaga ang masasabi ko. Napakasaya ko ngayon. Alam niyo naman na kung bakit eh diba? Hindi na siguro kelangan tanungin pa iyon. Nung second to the last song na eh sumayaw ulit kami ni Kit. Nakakadeja vu nga eh kasi ang pinatugtog ay… Click here for the song[/url

The perfect words never crossed my mind,

Yung first song na sumayaw kami ni Kit. 'cause there was nothing in there but you, I felt every ounce of me screaming out, But the sound was trapped deep in me, All I wanted just sped right past me, While I was rooted fast to the earth, I could be stuck here for a thousand years, Without your arms to drag me out,

―Are you happy Belle, that you‘re here with me?‖ ngumiti ako sa kanya nun. Nung first time niyang sinabi niya sa akin yan eh I answered for the sake of the activity. Pero ngayon… ―Yes Karding. I‘m very happy.‖ mas naging wide yung ngiti namin sa isa‘t isa nung mga oras na iyon. ―You figured it out.‖ ―Oo, medyo tinagal nga lang para magets ko pero nagets ko. And gusto lang pasabi ni Belle kay Karding na sa susunod na ipamimigay niya si Belle eh siguraduhin niya munang nagpaalam siya kay Belle.‖ ―Masusunod.‖ Natawa lang ako nun sa kanya tapos tumuloy kami sa pagsayaw. ―May I ask, bakit Karding, Belle, Mimay at Andong?‖ Tumawa siya nung oras na yun, as in tawa talaga. Napatingin pa nga yung mga tao sa amin nun dahil naweirduhan sila sa amin. ―Tawag sa akin nung lola ko nung bata ako eh Karding. Remember, I was named after my grandfather?‖ yeah, I remember, Krisantimo. ―Andong naman para kay Omar kasi…well yung first name kasi nung lokong yun eh Alderino tapos yun daw ang pang-asar sa kanya ng mga pinsan niya nung maliit pa siya.‖ ―Hindi ko alam yun ah. Alderino pala ang first name ni Omar…‖ napaisip talaga ako nun ng matagal. There you are standing right in front of me (x2) All this fear falls away to leave me naked, Hold me close cause I need you to guide me to safety No I won't wait forever(2x) In the confusion and the aftermath, You are my signal fire, The only resolution and the only joy, Is the faint spark of forgiveness in your eyes,[/i

―Eh paano naman yung Mimay at Belle?‖ ay wait, parang gets ko na yung Belle! Belle dahil sa beauty and the beast? ―Dahil ba sa beauty and the beast yung Belle?‖

Tumawa siya nun at umiling. ―Not quite.‖ hmmm hindi? So bakit belle? ―First let me explain kung bakit Mimay. Simple lang. 2nd name ni Kat ay Mae tapos nung magkakasama pa kami before eh ang tawag namin sa kanya eh ―My May‖ kaso mali daw ang pronounciation namin ng Mae niya so naiba. Ginawa nalang naming Mimay para at least yung name niya eh tama pronounciation.‖ Ahh…nice naman ng mga origin ng pangalan nila. Kakaiba talaga. ―Bakit Belle?‖ ―Andromeda YzobBELLE Ongpauco.‖ Whoa, hindi ko naisip yun ah. Grabe naman. Sa second name ko pala nakuha yun. There you are standing right in front of me (x2) All this fear falls away to leave me naked, Hold me close cause I need you to guide me to safety, There you are standing right in front of me (x2) All this fear falls away to leave me naked, Hold me close cause I need you to guide me to safety, No I won't wait forever(x3)

Tinuloy tuloy na namin yung pagsasayaw hanggang sa last song. Syempre, sulitin narin diba? Napatingin naman ako sa paligid ko tapos nakitang may mga nakatingin parin sa amin. Mukha siguro akong tanga dun sa harap ng lahat dahil ang suot ko eh jacket at jeans. Pero ano bang paki ko sa kanila? Masaya ako ngayon dahil finally, ayos na kami ni Kit. Finally, we can be together. ―Ang daming nakatingin.‖ ―Kinahihiya mo ko no?‖ Ngumiti siya sa akin. ―Bakit naman kita ikakahiya?‖ ―Kasi prom na prom tapos shirt at jeans lang ang suot ko.‖ Mas lalo naman siyang ngumiti sa akin nun. ―Nakatingin sila kasi naiingit sila sa atin, hindi dahil sa hindi ka nakagown.‖

Natawa naman ako nun tapos yumakap narin sa kanya. Kahit naman na nakatingin sila sa akin dahil sa suot ko eh wala parin akong paki. Kasi sa totoo lang? para sa akin, prom is not about what you wear and what you look like… ―Ano sa French ang I love you??‖ ―Je t'aime. Bakit?‖ ―I love you too Miss Andy Ongpauco.‖ napangiti lang ako sa kanya nun.

It‟s about all the good and bad memories that you are leaving behind. Epilogue

―Mama!‖ ―Ikaw talaga, nagpapawis ka na naman.‖ ―Mama asaan po si papa?‖ ―Padating na yun..‖ Ooooooops, wait lang. Time out muna. Alam ko kung ano mga iniisip niyo. Iniisip niyo na kasal na kami ni Kit at heto, may chikiting na kami. Well the answer is no. hindi pa po kami kasal. Actually, hindi pa nga pwede eh. Kung maitatanong niyo kung sinong bulilit ang tumatawag sa akin ng mama, well yan ang anak ni ate Karla. Yep, you heard it right. At kaya naman mama ang tawag sa akin eh dahil yun ang gustong ipatawag ni Kit sa aming dalawa. Sosyal siya eh no? Kung nagtataka kayo kung bakit andito pa ako eh tapos na ang story ko..well gusto ko lang ikuwento sa inyo kung ano ang mga nangyari sa amin after how many years narin. Si Ate Cass eh graduate na siya. Nagtatrabaho na nga siya eh. nursing ang napili niyang course at in two months eh baka pumunta na siya ng America. Si Herc naman, ayun! 1st year high school na. natakot nga daw siya nung first day niya eh, kasi paano ba naman daw, pagkaguluhan daw ba siya ng babae. Naaalala ko pa nga yung mukha niya at yung mga sinabi niya nung pagkauwi niya after ng

first day of school niya.

“Grabe ate! Ganoon nalang pala ang epekto ng puberty sa mga babae! Nakakatakot talaga! Grabe sila kung mangstalk! Kahit yung mga tissue paper na tinatapon ko eh hinihingi nila!!” “Hoy, pasalamat ka nga at nagkakaroon ka ng chance na magkaroon ng social life! Hindi yung umiikot yang mundo mo sa gameboy at ps3.” “Hay nako Andy, hindi mo lang alam, may girlfriend na yang si Herc no! Anu nga ulit yung pangalan nun? Si Chin Chin ba?!!” Pinalo naman ni Herc si ate Cass tapos kami eh natawa lang. “Kadiri yun! Yun yung babaeng parati tulo sipon eh tapos kung mamawis pa akala mo wala ng bukas.” “Wag kang ganyan. Malay mo next year magclick kayo.” Ilang araw rin namin siguro siyang pinag-aasar tungkol dun at siya naman eh nainis rin kaya tinigilan na namin. Sina mama at papa eh ganoon parin. Happy parin sila. Bakit naman hindi eh diba? Sa tagal ba naman ng pagsasama nila eh masira pa kaya yun? Tss. Paminsan minsan naman eh bumabalik sila ng France, wala lang, parang vacation lang daw kasi namiss na talaga namin yun. Kelan ba kami last na pumunta nun? Gradeschool pa yata siguro ako eh. Sa mga kaibigan ko naman? Ayun! Lahat sila maloloko at makukulit parin gaya ng dati. Wala talagang pinagbago. Sina Cheeky at Cheska eh nagseparate schools narin. Gusto na kasi nilang matutunan what it‘s like na hindi makikilala yung isa dahil sa kanyang kambal. You get the point right? At heto pa, nagpeperform narin ang dalawa sa theater. Nakakatuwa nga eh. Si Marla at Stephen naman eh ayun, sila parin hanggang ngayon. Madalas nga silang magbangayan eh pero yung biru biro lang. subukan lang nila, masasapak ko yung dalawang yan. Si Vince naman nakahanap na ng babaeng nagpapatibok ng puso niya. Sino? Si Myka of course! Ang galing no? nakakatuwa nga sila eh, nagclick talaga sila. At first nga eh hindi alam ng barkada na naging close pala yung dalawa nung stay ni Myka dito pero yun pala eh nagtetext text sila sa isa‘t isa. Tapos ngayon eh si

Vince eh may planong lumipat sa America para sundan si Myka. Aww, ain‘t that sweet? Si Omar ang masasabi kong may pinakamalaking pagbabago after ng highschool. Not in terms of his attitude, pero sa buhay niya sa house nila. He finally talked to his dad and ayun, nagkaayos sila. Sabi nga niya eh, sana daw pala dati pa niya ginawa yun para maagang nagkaayos ang relationship nilang dalawa. Pero sabi ko naman, it‘s never too late to start over diba? Ayun, nagiging maayos na ang lahat para sa kanya. May contact parin kami ni Kat sa isa‘t isa. Gaya nga ng sabi ko, we‘ll start over. Naging friends naman kami at shinishare niya talaga sa akin lahat ng mga naeexperience niya dun sa kanila. Nakakatuwa nga eh kasi ultimong mga lalaking cute eh kinukwento sa akin. Kaya nga minsan eh naiirita si Kit kasi may times pa na padadalhan ako ni Kat ng pics nung guys. Kami naman eh natatawa lang sa kanya. As for Kit? May kelangan pa bang ikuwento? Wala naman kasi siyang pinagbago eh. ganoon parin talaga, sobrang sungit at sobrang moody. Minsan nga eh mang-aasar tapos kapag gumanti ka eh maiinis sa iyo. Weird? Well, sanayan lang yan. After all, kapag mahal mo ang tao, tanggap mo siya kung sino siya at kung ano man siya. ―Ikaw, iniispoil mo na naman yang si Maya.‖ ―Papa!‖ tumakbo naman si Maya papunta kay Kit tapos si Kit eh binuhat lang yung bata. ―Spoil ka diyan, eh ikaw nga yung bili ng bili ng gamit at laruan para sa kanya eh. yung ate mo narin ang nagsabi.‖ ―Sige na ako na naman mali..‖ hay, heto na naman po tayo sa kanyang mood swings. ―Bakit ba ang sungit mo nalang parati sa akin?‖ ―Ako masungit? Eh ikaw nga itong parating nagnanag sa akin eh!‖ nagitinginan lang kami nun tapos tumawa. ―Happy 100th day Kit.‖ ―Happy 100th day Andy.‖ Napasmile lang ako nung oras na iyon. Ang weird namin magcelebrate ng 100th day namin no? nagsusungitan kami. Well, we‘re one weird couple anyway so, hayaan mo na!

You all might wonder, bakit namin sinicelebrate ang 100th day namin eh technically hindi naman talaga namin ika-100th day? Well ganito lan yun, every september 17 – december 25 eh sinicelebrate namin yan. Why? Alam niyo na yun! Yun yung mga araw na nagstay kami sa iisang bahay at nainlove sa isa‘t isa. It‘s weird nga eh. kasi we don‘t celebrate yung mga monthsary at anniversary.

*****

―Bakit ka nagmumuni muni diyan?‖ ngumiti lang ako kay Kit at siya naman eh umupo dun sa swing sa tabi ko. Nasa park kami ngayon, wala lang, pabisi bisita lang. ―Wala lang.‖ Tumahimik kaming dalawa nun tapos tumingin sa sky. ―Kit sa tingin mo, kung hindi tayo pinagkasundo ng parents natin, may pag-asa kayang magkagusto tayo sa isa‘t isa?‖ Napatawa lang siya nun. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Hoy seryoso ako! Tinignan ko siya ng masama tapos lalo pa siyang tumawa. Nagulat nalang ako nang biglang may ilabas siya mula sa pocket niya tapos---teka, ito yung! ―Bakit nasayo ito?‖ Ito yung wallet na nawala ko dati. Do you remember? ―Remember the day, kelan ba yun, mga June palang yata nun eh, nasa labas ka ng classroom niyo tapos nung dumating si Sasha eh bigla kang natuwa. Tinaasan kita ng kilay nun tapos agad ka namang pumasok. Naiwan mo to sa labas nun.‖ Ohh…kaya pala hindi ko na nahanap yung wallet ko. Nasa kanya lang pala. ―Pero bakit hindi mo nalang isinoli?‖ ―Ewan ko nga rin eh. nung mga oras na iyon dapat isasauli ko siya sa iyo. Pero something stopped me. Naalala mo dati, nagtaka ka kung bakit alam ko na gusto mo si Sasha? It‘s because of your wallet.‖ oh, ganun pala yun. ―So kahit hindi man tayo ipakilala ng parents natin sa isa‘t isa eh there‘s still this big possibility na magkagusto tayo sa isa‘t isa. Does that answer your question now?‖

―So that means, plano talaga ng Destiny na pagsalubungin ang landas natin.‖ ngumiti lang ako nun pero umiling siya. Ano na naman? ―It‘s not Destiny nor Kismet that tells us whom we should love. Tayo lang mismo ang nakakaalam nun sa sarili natin.‖ Medyo naguluhan pa ako nun nung una pero somehow, naintindihan ko rin. Tama nga siya, we are the ones who control our lives, not Destiny. Destiny is just in the mind kaya hindi nito kayang patuparin ang isang bagay. Nasa sa atin parin talaga ang desisyon hanggang sa huli. O siya. Dito na natin tatapusing ang lahat. Pero hindi naman talaga siya mag-eend dito dahil pagkatapos nito eh may bagong kabanata na naman kaming haharapin. Paulit ulit lang yan. Dahil ang kwento ng buhay natin, hindi natatapos. Salamat sa pagsubaybay sa storya ng aking buhay. Hanggang sa muli!

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful