You are on page 1of 10

NOTICE TO THE SCHOOLS

This learning module (LM) was developed by the Private Education Assistance Committee under
the GASTPE Program of the Department of Education. The learning modules were written by the PEAC
Junior High School (JHS) Trainers and were used as exemplars either as a sample for presentation or for
workshop purposes in the JHS In-Service Training (INSET) program for teachers in private schools.

The LM is designed for online learning and can also be used for blended learning and remote
learning modalities. The year indicated on the cover of this LM refers to the year when the LM was used
as an exemplar in the JHS INSET and the year it was written or revised. For instance, 2017 means the LM
was written in SY 2016-2017 and was used in the 2017 Summer JHS INSET. The quarter indicated on the
cover refers to the quarter of the current curriculum guide at the time the LM was written. The most
recently revised LMs were in 2018 and 2019.

The LM is also designed such that it encourages independent and self-regulated learning among
the students and develops their 21st century skills. It is written in such a way that the teacher is
communicating directly to the learner. Participants in the JHS INSET are trained how to unpack the
standards and competencies from the K-12 curriculum guides to identify desired results and design
standards-based assessment and instruction. Hence, the teachers are trained how to write their own
standards-based learning plan.

The parts or stages of this LM include Explore, Firm Up, Deepen and Transfer. It is possible that
some links or online resources in some parts of this LM may no longer be available, thus, teachers are
urged to provide alternative learning resources or reading materials they deem fit for their students which
are aligned with the standards and competencies. Teachers are encouraged to write their own standards-
based learning plan or learning module with respect to attainment of their school’s vision and mission.

The learning modules developed by PEAC are aligned with the K to 12 Basic Education
Curriculum of the Department of Education. Public school teachers may also download and use the
learning modules.

Schools, teachers and students may reproduce the LM so long as such reproduction is limited to
(i) non-commercial, non-profit educational purposes; and to (ii) personal use or a limited audience under
the doctrine of fair use (Section 185, IP Code). They may also share copies of the LM and customize the
learning activities as they see fit so long as these are done for non-commercial, non-profit educational
purposes and limited to personal use or to a limited audience and fall within the limits of fair use. This
document is password-protected to prevent unauthorized processing such as copying and pasting.

Developed by the Private Education Assistance under


The GASPE Program of the Department of Education
Concepcion Holy Cross College, Inc., Tarlac, 2316
MODYUL 1: ANG PROSESO NG PAGBABASA

 Panimula at mga Pokus na mga Tanong

Gaano ba kahalaga sa isang indibidwal ang magkaroon ng kasanayan sa pagbasa? Sa pagbasa


nakukuha ng mga mambasasa ang kaalaman na kanilang nais na maunawaan. Isang masalimuot at
komplikadong gawain ang pagbasa, sapagkat maraminng kasanayan ang nililinang nito at kailangang dito
upang maging epektibo ang pagbabasa, masasabing isa kang mahusay na mambabasa kung naibibigay
ang mga pagpapakahulugan na nais ipaunawa ng mga manunulat.

Masasabing isang mahalagang sangkap sa pagkatuto at pag-unlad ng isang indibidwal ang


pagkamaalam nito sa pagbasa ng iba’t ibang uri ng babasahin, masasabi rin na isa itong hantungan ng
kanilang mas malalim na pagtatasa ng mga kaalaman.

 Saklaw ng Modyul
Sa modyul na ito, mabibigyang-tugon ang mga tanong na nabanggit kapag pinag-aralan mo
ang sumusunod na mga aralin:

Aralin Blg. Pamagat Matutuhan mo ang… Bilang ng


oras/Sesyon
MODYUL 1 ANG PROSESO NG 1. Natutukoy ang kahulugan at
PAGBABASA kabuluhan ng Pagbasa sa
pagunawa ng iba’t ibang
teksto.

2. Naiuugnay ang mga paraan


at teknik sa pagbasa sa
pagkaunawa ng teksto.

3. Nagagamit ang kakayahan sa


pagbasa sa pag-aanalisa ng
iba’t ibang uri ng teksto

 Concept Map ng Modyul

Kapaki-pakinabang ang pagbibigay-pansin mo sa binuong mapa ng mga aralin na pag-aaralan mo sa


modyul na ito.

Pagbasa

Pisyolohikal na Aspekto
Kahalagahan
Teorya ng Pagbasa ng Pagbabasa
ng Pagbasa

Developed by theKognitibong Aspekto


Private Education Assistance under Mga Hakbang sa
The GASPE Program ngof the
Pagbabasa of Education
Department Pagbasa
Concepcion Holy Cross College, Inc., Tarlac, 2316
 Inaasahang mga Kasanayan:

Upang matagumpay na matugunan ang mga aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-unawa,
kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:

1. Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at
pagkaunawa.
2. Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng bumabasa
3. Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili
4. Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga problema.
5. Pagkuha ng pangunahing literal at tuwirang kahulugan ng salita o pagkuha nito ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.
6. Pagkuha ng mga ideya at impormasyon tuwirang sinasabi ng babasahin
7. Pagsasalin ng kaisipan ng awtor sa sariling pagkaunawa ng mambabasa
8. Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa
9. Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang particular na suliranin
10. Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa
a. katangian
b. kabuluhan
c. katumpakan
d. pagkamakatotohanan
11. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan o sa akdang nabasa
a. naibigan o di naibigan sa pananaw ang akda
b. sang-ayon o di-sang-ayon sa kababasang akda
c. makikita ng mga kaispang nakagugulo ng damdamin o kaya’y nakapagpapalubag ng
loob.
12. Paglikha ng sariling kasipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon

 Panimulang Pagtataya

Panahon na upang tuklasin natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa sa modyul
na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos
masagot ang panimulang pagtatayang ito, malalaman mo ang iyong iskor. Pagkatapos masagutan at
maiwasto ang mga ito, isaalang-alang ang mga naging kamalian at tuklasin ang tamang sagot sa mga ito
habang pinag-aaralan ang modyul.

Kung ikaw ay magbabasa ng isang teksto, ano ang prosesong susundain mo upang maunawaan
ang iyong babasahin? Lagyan ng bilang ang patlang ayon sa nais pagkakasunod-sunod. Basahing
mabuti ang mga sumusunod.

_____ 1. Pagtatala ng posibleng katanungan tungkol sa babasahing teksto

_____ 2. Pagbuo ng hinuha

_____ 3. Pagtukoy ng mga salitang hindi pamilyar

_____ 4. Pagtatalakayan

_____ 5. Pag-uugnay ng binasa sa karanasan

_____ 6. Pagbasa sa tekso

_____ 7. Pag-uusap sa pamagat ng teksto

Developed by the Private Education Assistance under


The GASPE Program of the Department of Education
Concepcion Holy Cross College, Inc., Tarlac, 2316
Isang masayang pagbati. Ito ang unang aralin para sa Yunit I. Sisimulan mo ang modyul na ito
sa pamamagitan ng pagsuri sa sariling pananaw at kaalaman kaugnay ng pag- aaralan mo at pagtalakay
sa paksang-aralin, mga halimbawang teksto na magpapatibay sap ag-unawa sa mga tinalakay na
konsepto, at mga gabay na tanong sa pagtalakay sa tekto. Mahalagang isaalang-alang sa bahaging ito
ang mga sumusunod na tanong bilang paghahanda sa iyong sarili sa mga kasunod na gawain: Bakit
mahalagang makapagbasa at matutong bumasa? Paano mo magagamit sa iyong pang-araw-araw at
pangkaraniwang gawain ang pagbabasa? Paano naman makatutulong sa sarili mong pag-unlad ang
pag-aaral kung paano bumasa?

Pagbasa –proseso ng pag-aayos, pagkuha at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng


impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang
maunawaan.
Maituturing na 90 porsiyento ng ating kaalaman ay mula sa ating binasa.

Kahalagahan ng Pagbasa
1. Nagbabasa para sa kaligtasan
2. Pagbasa para makakuha ng impormasyon
3. Para sa mga partikular na pangangailangan
4. Pagbasa para malibang

Teorya ng Pagbasa
1. Bottom-up (tradisyonal na pananaw na mula sa teoryang behaviorism)
-nagsisimula ang karunungan sa tekstong binasa(bottom) patungo sa taong nagbabasa (up)
-tinatawag ding “data-driven/ outside-in”

2. Top-down (hango sa teoryang kognitib/ kognitibo)


-ang tagabasa ay isang aktibong partisipant na dati nang may taglay na kaalaman
-tinatawag ding inside-out
- nagsisimula sa taglay nang karunungan na nailalapat sa tekstong binasa.

3. Schema o Iskima
Ayon kina Pearson at Spiro (1982), ang tao ay may kaniya-kaniyang karanasan at paraan ng pag-
iisip.

Pisyolohikal na Aspekto ng Pagbabasa


1. Fixation- pagtitig n gating mga mata upang kilalanin at intindihin ang teksto

2. Interfixation- paggalaw ng ating mga mata mula kaliwa pakanan o mula itaas pababa na
karaniwang nangyayari habang tayo’y nagbabasa.

3. Return Sweeps- paggalaw ng mga mata mula hanggang sa dulo ng teksto

4. Regression- paggalaw ng mata kapag kailangang balik-balikan at suriin ang ating binabasa.

Kognitibong Aspekto ng Pagbabasa


Ayon sa Organisasyong SEDL, dating kilala bilang The Southwest Educational development Laboratory,
may dalawang pangunahing hakbang sa kognisyon:

1. Pagkilala (decoding)- Kinikilala muna at binibigyang-anyo ang mga simbolong tinututukan ng


ating mga mata.

2. Pag-unawa (comprehension)-habang kinikilala ang mga titik o simbolo ay inuunawa natin ang
ating binabasa.

Developed by the Private Education Assistance under


The GASPE Program of the Department of Education
Concepcion Holy Cross College, Inc., Tarlac, 2316
Mga Hakbang sa Pagbasa

William S. Gray - ama ng Pagbasa


.-naglahad ng apat na hakbang sa pagbabasa

1. Pagkilala- Ito ang proseso ng pagtukoy sa mga nakalimbag na salita o simbolo at kakayahang
mabigkas ang tunog ng mga titik na bumubuo sa bawat salita.

2. Pag-unawa- kakayahang bigyang kahulugan at interpretasiyon ang kaisipang ipinapahayag ng


mga simbolo o ng mga salitang nakalimbag.

3. Reaksiyon- Proseso ng pagpapasiya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng teksto at pagdama


sa kahulugan nito.

4. Pag-uugnay- ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa


kaniyang dati at mga bagong karanasa sa tunay na buhay.

Developed by the Private Education Assistance under


The GASPE Program of the Department of Education
Concepcion Holy Cross College, Inc., Tarlac, 2316
PAGSASANAY 1.1:

A. Punan ng sagot ang blankong espasyo sa gilid.


________________ 1. Prosesong pagtingin, pag-aayos, pagkilala, at pag-unawang anumang uri at anyo
ng impormasyon o ideya nakinakatawan ng mga salita o simbolo.
________________ 2. Ilang porsiyento ang matuturing na ang ating kaalaman ay mula sa ating binasa.
________________ 3. Isang pisyolohikal na proseso ang pagbabasa dahil sangkot ditto ang _______ na
siyang ginagamit natin upang makita, matukoy, at makilala ang mga imahe at simbolo.
________________ 4. Nagkakaroon ng mga pagbabago ng kemikal na dumadaloy sa ating mga ugat
patungosa ________, ang sentro ng ating utak na nagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga
simbolo.
________________ 5. Sa tuwing tayo’y nagbabasa, ang simbolo o imahe ay mga liwanag na tumatama sa
________ ng ating mga mata.
________________ 6. Gumagalaw rin ang mga mata mula sa simula ng binabasa hanggang sa dulong
teksto na tinatawag namang ________.
________________ 7. Ano naman ang tawag kapag napapatitig ang ating mata upang kilalanin at
intindihin ang imahe o simbolo.
________________ 8. Ano naman ang tawag kapag gumagalaw ang ating mata mula kaliwa pakanan o
mula sa itaas pababa nakaraniwang nagyayari habang tayo’y nagbabasa.
________________ 9. Kung minsan naman ay kailangan nating balikbalikan at suriin ang ating binabasa
ito ay tinatawag na?
________________10. Ano ang organisayong gumagawa ng pananaliksik pang edukasyon, na may
dalawang hakbang ang kognisyon.

B. Enumerasyon
Dalawang pangunahing hakbang sa kognisyon
1.
2
Mga Hakbang sa Pagbabasa
1.
2.
3.
4.

C. Sanaysay
ANO ANG KAHALAGAHAN NG WIKA PARA SAYO? (9pts.)

Developed by the Private Education Assistance under


The GASPE Program of the Department of Education
Concepcion Holy Cross College, Inc., Tarlac, 2316
 Katapusang Bahagi ng Paglilipat
Dito nagsisimulang lumawak ang proseso ng pagbabasa. Kapag mayroon tayong nabasang teksto na
makatutulong sa atin ay atin itong sinusunod. Halimbawa, nagbasa tayo ng may kinalaman sa
pagpapaulad ng mabuting pag-uugali, nagustuhan natin ito dahil malinaw ang pagpapaliwang ng
nagsusulat at sa ating palagay ay magiging positibo ang epekto nito sa atin. Sisimulan natin na umugnay
sa nabasa natin at makikita natin ang ating sarili na ginagawang kung ano ang nakasaad sa nabasa natin.
Nasangkot na sa prosesong ito ang pagbabahagi ng ating nabasa. Ang tunay na mambabasa ay handang
ibahagi ang mga kaalamang bunga ng kanyang pagbabasa. Natututo rin tayong hikayatin ang ating mga
kakilala na basahin din ang ating nabasa dahil alam natin na makatutulong

Developed by the Private Education Assistance under


The GASPE Program of the Department of Education
Concepcion Holy Cross College, Inc., Tarlac, 2316
MODYUL 2: Tekstong Impormatibo

 Panimula at mga Pokus na mga Tanong

Gaano ba kahalaga sa isang indibidwal ang magkaroon ng kasanayan sa pagbasa? Sa pagbasa


nakukuha ng mga mambasasa ang kaalaman na kanilang nais na maunawaan. Isang masalimuot at
komplikadong gawain ang pagbasa, sapagkat maraminng kasanayan ang nililinang nito at kailangang dito
upang maging epektibo ang pagbabasa, masasabing isa kang mahusay na mambabasa kung naibibigay
ang mga pagpapakahulugan na nais ipaunawa ng mga manunulat.

Masasabing isang mahalagang sangkap sa pagkatuto at pag-unlad ng isang indibidwal ang


pagkamaalam nito sa pagbasa ng iba’t ibang uri ng babasahin, masasabi rin na isa itong hantungan ng
kanilang mas malalim na pagtatasa ng mga kaalaman.

 Saklaw ng Modyul
Sa modyul na ito, mabibigyang-tugon ang mga tanong na nabanggit kapag pinag-aralan mo
ang sumusunod na mga aralin:

Aralin Blg. Pamagat Matutuhan mo ang… Bilang ng


oras/Sesyon
MODYUL 1 ANG PROSESO NG 4. Natutukoy ang kahulugan at
PAGBABASA kabuluhan ng Pagbasa sa
pagunawa ng iba’t ibang
teksto.

5. Naiuugnay ang mga paraan


at teknik sa pagbasa sa
pagkaunawa ng teksto.

6. Nagagamit ang kakayahan sa


pagbasa sa pag-aanalisa ng
iba’t ibang uri ng teksto

 Concept Map ng Modyul

Kapaki-pakinabang ang pagbibigay-pansin mo sa binuong mapa ng mga aralin na pag-aaralan mo sa


modyul na ito.

 Inaasahang mga Kasanayan:

Upang matagumpay na matugunan ang mga aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-unawa,
kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:

13. Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at
pagkaunawa.
14. Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng bumabasa
15. Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili
16. Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga problema.
17. Pagkuha ng pangunahing literal at tuwirang kahulugan ng salita o pagkuha nito ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.
18. Pagkuha ng mga ideya at impormasyon tuwirang sinasabi ng babasahin
19. Pagsasalin ng kaisipan ng awtor sa sariling pagkaunawa ng mambabasa
20. Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa
21. Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang particular na suliranin
22. Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa

Developed by the Private Education Assistance under


The GASPE Program of the Department of Education
Concepcion Holy Cross College, Inc., Tarlac, 2316
e. katangian
f. kabuluhan
g. katumpakan
h. pagkamakatotohanan
23. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan o sa akdang nabasa
a. naibigan o di naibigan sa pananaw ang akda
b. sang-ayon o di-sang-ayon sa kababasang akda
c. makikita ng mga kaispang nakagugulo ng damdamin o kaya’y nakapagpapalubag ng
loob.
24. Paglikha ng sariling kasipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon

 Panimulang Pagtataya

Developed by the Private Education Assistance under


The GASPE Program of the Department of Education
Concepcion Holy Cross College, Inc., Tarlac, 2316
din ito sa kanila.

Developed by the Private Education Assistance under


The GASPE Program of the Department of Education
Concepcion Holy Cross College, Inc., Tarlac, 2316

You might also like