TIGRE! TIGRE! Ni Mochar Lubis Salin ni Mauro R.

Avena
Ang buong pulo ay nalalatagan ng gubat, mula sa mabuhanging dalampasigan, kung saan ang tubig na nabubuong mga alon sa malayong Antartika ay humahampas pagkaraan ng mahabang paglalakbay, hanggang sa mga tuktok ng bundok na laging nakukumutan ng ulap. Pabagu-bago ang mukha ng gubat. Sa may dalampasigan, isang latian na hitik sa bakawan ay bumubuo ng sala-salabat ng hadlang. Papasok sa pulo at pataas sa lupa, ang mga puno·t halaman ay patuloy sa pag-iiba-iba, at pag-abot sa dakong loob, ang mga iyo·y naglalakihan at nagtataasan, ang kanilang mga sanga·y nauukitan ng parang lambat na disenyo ng lumot. Hindi pa natatagos ng tao ang kabuuan ng sinaunang gubat, na ang loob ay napakayaman sa buhay. Dito·y di mabilang ang namumugad na mga ligaw na nilalang. Naglipana rin ang maririlag na halaman at nagtatayuang punongkahoy na nakokoronahan ng mga eksotikang orkidarya. Sa loob ng gubat, kayraming ibon at iba·t ibang tsonggo ang malayang namumuhay, samantalang sa ibaba, sa lupa, walang-puknat ang maingat na paghahanap ng makakain ng mga itim na leopardo, elepante, at osong tropikal. Ang mga pampang ng ilog at katabing damuhan ay teritoryo ng mga tapir, rinoseros, ahas, buwaya, at usa. Nagkalat ang mga insekto. Maraming parteng gubat ang nakakatakot. Ang mga ito·y puno ng latian na pinag-aabangan ng nakakamatay na mga panganib, at mga lubak at guwang na dantaon nang naiwang basa at madilim. Mayroon ding magaganda at kaakit-akit na lugar na walang pinag-iba sa mga engkantadong gubat ng mga kuwento. Ang hawan ng mga bahaging ito ng sinaunang gubat, na mayamang naaalpombrahan ng berdeng damo, ay payapa at nakakapagbigay-ginhawa. Kadalasa·y napapalibutan ang mga ito ng mayuyuming puno ng cemera, na pumupuno sa hangin ng masangsang na amoy ng kanilang dagta. Sa gitna ng maririkit na lambak na ito, di maaaring di magkaroon ng mga sapa ng malamig at mala-kristal na tubig, pabula-bula at patila-tilamsik, paawit-awit, at pabulung -bulong. Walang di naakit huminto at magpahinga roon. Sa loob ng gubat ay makatatagpo ng rattan, damar ² isang dagta na ginagamit sa paggawa ng batik - at maraming uri ng mahalagang kahoy. May mga taong noo·y tumira roon, pero nilisan nila iyon noong sila·y magtayo ng mga lunsod at nayon kung saan. Ngayo·y paminsan-minsan na lang silang bumabalik doon, para humanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng paghahakot sa mga produkto ng gubat. Pito sa mga lalaking tulad nila ay isang linggo nang nasa gubat sa panganganap ng damar. Si Pak Haji ang pinakamatanda. Gayong sisenta anyos na siya ay nananatiling malusog at malakas. Matalas pa rin ang kanyang mga mata at tainga. Ang pagahon at paglusong sa bundok, pasan ang mabibigat na kaing ng damar o ratan, pasinghap sa nakakapagpasiglang hangin, ay nagpatibay ng husto sa kanyang katawan. Ipinagmamalaki ni Pak Haji na di niya nararanasan ang mga karamdamang dala ng pagtanda, at sa tanang buhay niya·y di pa siya naratay sa banig. Disinuebe anyos siya nang una niyang iwan ang kanyang nayon at magpasaibang-bayan. Nagpunta siya sa Japan, China, Africa, at India, kung saan niya pinagaralan ang Koran. Limang taon siyang nagtrabaho sa barko, naglakbay sa malalayong daungan ng mga puti at ng kanilang maiingay at groteskong siyudad. Pero tinawag siyang muli sa kanyang nayon. Kaya·t pagkaraan ng dalawampung taong paglalagalag, isang huling biyahe ang kanyang isinagawa sa pilgrimahe sa Mecca upang tupdin ang kanyang obligasyong panrelihiyon. Saka siya umuwi. Ipinagpatuloy niya ang pangangalap ng damar, isang gawaing inumpisahan niya nang trese anyos, ng unang sinamahan ng kanyang ama sa gubat. Matapos niyang matutuhan ang napakaraming bagay sa mundo, lagi niyang sinasabi na kuntento na siya ngayong maging isang hamak na tagakalap ng damar.

Si Wak Katok ay singkuwenta anyos. May malakas at matipuno siyang pangangatawan. Maitim ang kanyang buhok, ang kanyang bigote ay mahaba at makapal at ang kanyang braso·t binti ay namumutok sa buhul-buhol na masel. Ang kanyang mukha ay dinodomina ng buo·t makakapal na labi at makislap at nananagos sa tinging mga mata. Siya·y eksperto sa pencak. Maraming taong naituro niya sa kalalakihan sa nayon ang tradisyunal na paraang ito ng pagtatanggol sa sarili. Si Wak Katok ay iginagalang din bilang mahusay na mangangaso at shaman, o manggagamot. Ang mga batang miyembro ng grupo ay sina Sutan, na beynte-dos anyos lang pero mayroon ng sariling pamilya. Talib, na beynte-siyete anyos at may asawa at tatlong anak; Sanip, na beyntesingko anyos, may asawa at apat na anak; at Buyung, ang pinakabata, na katutungtong lang sa pagkadisinuebe at walang asawa. Ang apat na lalaking ito ay naging estudyante ni Wak Katok sa pencak. Nag-aral din sila ng maharlika sa kanya. Alam nilang darating ang araw na magiging pinuno ng kanilang nayon si Wak Katok, isang lalaking itinuturing na lider ng marami, at karapat-dapat na igalang at parangalan. Kailanma·y di nila pinagdududahan ang kanyang salita o gawa. Lumalabas na si Wak Katok ang puno ng mga mangunguha ng damar. Ang ikapitong miyembro ng grupo ay si Pak Balam, na tulad ni Wak Katok ay singkuwenta anyos. Siya·y di masalita, maliit ang katawan pero gayunma·y masipag magtrabaho. Sa sinasabing pag-aalsa ng mga Komunista noong 1926, siya·y nadakip ng mga Dutch at apat na taong ikinulong sa Tanah Merah. Ang bata at buntis niyang asawa, na sumunod sa kanya sa preso, ay dinapuan doon ng malarya at nakunan. Dahil dito·y hindi na ito muling nakapagdalantao. Naging sakitin ito mula noon, at ang pera ni Pak Balam ay naubos sa mga gamot nito. Magkakasamang lagi ang pitong lalaki sa pangunguha ng damar gayong wala silang pormal na sosyohan at bawat isa·y may layong magbenta ng kanyang makalap. Pero dahil pito sila sa grupo, ang pakiramdam nila·y mas ligtas ang kanilang lagay at mas kaya nila ang kanilang gawain. Sa mata ng kanilang kanayon, sila·y mabubuting tao. Si Wak Katok ay iginagalang sa kanyang galing sa pencak at pagiging mangangaso. Nang siya·y bata pa, napabalita sa nayon ang paggamit niya ng pencak laban sa isang osong humarang sa kanyang daan sa gubat pero bilang shaman, siya·y kinatatakutan. Pabulong lang mabanggit ng mga tao ang tungkol sa kanyang pagiging salamangkero. May usap-usapan na nagagawa niyang makipag-ugnayan sa mga multo at masasamang espiritu. Hinangaan ng mga taganayon si Pak Balam. Itinuturing nila itong isang bayani dahil sa paglaban sa mga Dutch. Alam nila na hindi ito Komunista. Napakarelihiyoso nito ² malayong maging isang Komunista na di naniniwala sa Diyos o sa relihiyon. Lumaban maging sa mga kolonyalista si Pak Balam at ang kanyang mga kaibigan dahil sa pang-aapi ng mga iyon sa taumbayan, na walang-tigil na pinapatawan ng mga bagong buwis at ninanakawan ng kalayaan at sariling dangal. Si Pak Haji ay nirerespeto dahil sa kanyang edad at dahil nakapaglakbay na siya sa Mecca. Gayunman, hindi siya maintindihan ng mga tao. Mula nang bumalik siya sa kanyang pangingibangbayan, naging parang dayuhan na rin siya. Iniwasan niyang makasal, gayong binubuyo siyang magasawa ng kanyang pamilya. Ayaw rin niyang maging pinuno ng nayon. Sa umpisa, pinaratangan siyang mapagmalaki ng mga tao, pero di nagtagal, nasanay na ang mga ito sa kakaiba niyang gawi at di siya pinagtakhan. Mukhang kuntento na si Pak Haji na balewalain ng iba. Sina Sutan, Buyung, Talib at Sanip ay itinuturing na disente at maipagkakapuring mga kabataan, tulad ng karamihan sa mga taganayon. Iginagalang sila sa kanilang kapwa, tapat sila sa kanilang pagdarasal at pagsamba sa moske, at tulad ninuman ay nakikipaghuntahan sa

kanilang mga kaibigan sa mga kapihan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bagong bahay o sa pagpapahusay ng mga daan o patubig. Nakikipagbiruan sila. Mabubuti silang ama, kapatid, at kaibigan. Tumatawa sila, umiiyak, nangangarap, umaasa, nagagalit, nabibigatan ang loob, at nalulungkot tulad ng iba sa nayon. Wala silang iniwan sa ibang tao. Silang karaniwang kabataan. Ngayo·y nasa loob sila ng gubat. Dala ni Wak Katok ang kanyang ripple. Bihira niya itong dalhin kapag nangunguha ng damar. Ginagamit lang niya ito kapag nangangaso na balak niyang gawin ngayon. Dalawang buwan na ang nakararaan, nakakita sila ng isang usa na pumasok sa huma, o kaingin, ni Pak Hitam, hanap ay pagkain. Naghawan ng lupa sa gitna ng gubat si Pak Hitam na pinagtayuan niya ng bahay. Doon nagpapalipas ng gabi ang pitong lalaki kung malapit doon ang pinagkukunan nila ng damar. Luma na ang ripple, pero mahusay itong armas. Gustung-gusto iyon ni Buyung. Nakakaramdam siya ng pagmamalaki kapag nakapatong iyon sa kanyang balikat, pahalinhin kay Wak Katok. Ang ripple at tsapa ng isang lalaki. Ang isang munting punyal, o kaya·y kris, o maigsing espada na nakasukbit sa baywang ay palamuti lamang sa kasuotan ng isang lalaki, pero ang baril sa kanyang balikat ay simbolo ng control na katumbas ay kapangyarihan. Nasisiyahan si Wak katok na ipahiram kay Buyung ang ripple, na inaalagaan nitong mabuti. Tuwing isasauli iyon ni Buyung, iyo·y nalangisan na at nasa mas mahusay na kundisyon kaysa pagkapahiram. Panay ang pahid ni Buyung sa kanyon niyong may masalimuot na disenyo, kaya·t ang bakal na iyon ay kumikinang nang madilim na asul kapag tinatamaan ng liwanag. Ang kamagong niyong puluhan ay nangingintab na itim, madalas na parang pelus. Hindi iyon kakikitaan ng katiting mang alikabok o pulbura. Nag-iipon si Buyung para makabili ng sarili niyang baril, iyong mas makabago. Ang lumang ripple na binabalahan sa bunganga, tulad ng kay Wak Katok, ay mabusising ipanghanting. Una, kailangang ibuhos ang pulbura ng kanyon, saka papiping sasalaksakin ng barilya. Tapos, ang bala ay kailangang ipasok sa kanyon at pataktak na pabababain. Habang ginagawa ang lahat ng ito, ang usa o baboy-damo ay maaring makatakbo na at mawala. Ang baril na sa bunganga binabalahan, kailangang asintado ang gumagamit ² dapat tumama ang unang kalabit. Walang pangalawang tsansa ang mangangaso. May dahilang magmalaki si Buyung sa galing niya sa baril. Minsan, ang inasinta niya ay ang pinakalikod ng tainga ng isang tumatakbong baboy, at doon mismo tumama ang bala. Sa isa pang okasyon, siya at si Wak Katok ² kasama ang ilang lalaki sa nayon ² ay nanghahanting ng isang kawan ng mababangis na baboy-ramo, at sa kaliwang mata ng isang naninibasib sa kanya sumuntok ang kanyang bala. Ipinakita ni Wak Katok ang kanyang kababaang-loob nang sabihing hindi niya madadaig ang pamamaril ni Buyung. Galing kay Wak Katok, iyo·y tunay na malaking papuri, kaya·t kumalat ang reputasyon ni Buyung bilang asintado, bagay na nagbigay sa batang mangangaso ng parang opisyal na katayuan sa nayon. Ang dahila·y ang naunang pahayag ng mga taganayon mismo na walang makapapantay kay Wak Katok sa galing sa papamaril, pangangaso, pagbasa at pag-unawa sa lahat ng uri ng bakas at yapak, at sa pangkahalatang kaalaman sa mga ugali at gawi ng mga nilalang sa gubat. Bata pa si Buyung ay marami na siyang narinig na kuwento tungkol sa katapangan at galing ni Wak Katok. Ayon sa mga istorya, kapag ginusto ni Wak Katok na gamitin ang kanyang mga paraan sa pagtatanggol sa sarili, napapatay niya ang kanyang kalaban na di lumalapat ang alinmang bahagi ng kanyang katawan sa biktima. Sapat nang igalaw niya ang kanyang kamay o paa sa direksyon ng kaaway upang iyon ay bumagsak sa kinatatayuan. Kalat na sa ibang nayon ang reputasyon ni Wak Katok bilang shaman. Magaling siyang

gumamot ng mga karaniwang pasyente, pero natutulungan din niya ang mga nabibiktima ng kulam. Alam niya kung paano pahirapan ang isang tao, paibigin, takutin, igalang, o pasunurin sa utos ng iba. May mga inumin siyang pampaibig para sa lalaki at babae. Ayon sa istorya, isang binatang nahumaling sa isang babaeng may-asawa ang nakiusap kay Wak Katok na gamitan iyon ng mahikanegra para mapaibig din iyon. Nagpakuha raw dito si Wak Katok ng isang hibla ng buhok ng babae, at di nga nagtagal, humingi iyon ng diborsiyo sa esposo. Na iniwan niyon pati na ang kanilang mga anak. Si Wak Katok na may mga lihim na bulong at dasal, o mantra, para sa maluwalhating biyahe. Mayroon siyang mga anting-anting na panlaban sa anumang sandata o sa kamandag ng ahas. Ayon sa mga tao·y nagagawa rin niyang magtagabulag ² gayon kabigat ang kanyang kapangyarihan. Tinatrato ni Buyung na mapalad siya·t naging pupilo ni Wak Katok at napabilang sa mga kasamahan nito sa gubat. Malaki ang pag-asa ni Buyung at ang kanyang mga kaibigan na tuturuan sila ni Wak Katok ng mga mas kagila-gilalas na aspekto ng salamangka. Ang gusto talaga ni Buyung ay matutuhang mabuti ang mantra na pang-akit sa babae. Masama ang tama niya kay Zaitun, ang anak na dalaga ni Wak. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama, at sina Zaitun at Buyung ay magkalaro noong sila·y bata pa. Natatandaan ni Buyung ang maraming pagkakataong walang humpay niyang tutuksuhin si Zaitun hanggang ito·y maiyak. Nang magdose anyos na si Zaitun, iniwasan na siya nito, at bihira na silang magkita. Nagdalaga na ito, at siya nama·y nagbinata, at di na sila maaring magtagpo tulad ng dati. Hindi masabi ni Buyung kung ano talaga ang damdamin sa kanya ni Zaitun. Minsa·y magiliw ito. Kung ito·y nautusang sumaglit sa kanila, may dalang pagkaing niluto ng ina nito, maganda ang ipinapakita nito kung siya·y madatnan sa bahay. Maaliwalas ang mukha na nginingitian siya nito at tatawaging kakak, o kuya, gayong isang taon lang ang tanda niya rito. Kapag ganoon ang pakita ni Zaitun, napapalukso ang puso ni Buyung, di mapakali sa titig na parang di siya nakikita. Kapag nilalapitan niya ito habang kinakausap ang kanyang ina, di siya papansinin nito. Paano niya mahuhuli ang puso ng isang sumpunging babaeng tulad ni Zaitun kung wala ang mga mantra ni Wak Katok. Pero ayaw pang ipaalam ni Wak Katok kay Buyung ang ganoong kabisang karunungan. ´Bata ka pa,µ sabi nito ´at mainit pang masyado ang dugo mo. Baka maloko ka sa lahat ng babae sa nayon. Ang birtud na ito ay para mapangalagaan ang amor propyo ng isang lalaki ² kung pagtawanan ka ng isang babae, o kung talagang gusto mo ang isang babae at ibig mo siyang mapangasawa. Pero uhugin ka pa. Baka gamitin mo ito sa ibang paraan, halimbawa·y panggayuma sa asawa ng may-asawa.µ Minsa·y parang nasisira na ang tuktok ni Buyung sa pag-isip kung mapapaibig niya si Zaitun. Alaala niya ito bawat sandali. Hinahanap-hanap niya ito. Ang mukha nito ay laging nasa harap niya. Maya·t maya·y nakikita niya ito sa kanyang balintataw. Napakaganda nito. Minsa·y lihim niya itong pinanood habang naliligo sa balon ng nayon kasama ang mga kaibigan nito. Ang mahaba nitong buhok na itim ay umalong pababa sa gitna ng likod nito. Balingkinitan ito, ang braso·t binti·y kaakit-akit. Ang balat nito·y maputlang dilaw na bunga ng duku, at ang mga ngipi·y pantay-pantay at makinang na puti. Pula ang mga labi nito, gayong hindi ito ngumunguya na nganga o tabako. May ganoong nakakainis na bisyo ang tiya ni Buyung, kaya·t laging may bakas ng katas ng tabako sa labi nito, sa unan nito, at sa mesa, sa kusina, sa hagdan, sa sala ² sa lahat ng dako. Kapag nakikipag-away ito sa kanyang asawa, iyo·y dinuduraan nito ng nginunguya. Pakikiusapan ito ng kanyang tiyo na tignan kung saan dumudura, pero para itong bingi. Kailanma·y hindi niya papayagang gawin iyon sa kanya ng magiging asawa niya.

Alam ni Buyung na masisiyahan ang kanyang mga magulang na maging manugang si Zaitun. Minsa·y alam niyang pinag-uusapan ng mga iyon ang bagay na ito gayong alam nilang nasa labas lang siya ng kuwarto. Naganap ito isang hapon nang pumunta sa kanila si Zaitun, narinig niyang sabi ng kanyang ama, ´Mabuti siyang bata. Mukhang maganda ang ugali.µ ´Ooµ, tugon ng kanyang ina. ´Mahusay sa mga gawaing bahay. Marunong manahi, at paladasal. Maganda siyang bumasa ng berso mula sa banal na libro. At nakatapos pa ng pagaaral. ´Binata na si Buyung ² disin·webe ² at magaling magtrabahoµ, sabi ng ama niya. ´Ewan ko lang,µ sabi ng kanyang ina. Sa mata nito, may gatas pa sa labi ang anak. Si Buyung ay nasa tama nang gulang. Nakatapos na siya sa iskwelahang publiko, at dalawang beses na niyang nabasa nang buo ang Koran. Kaya na niya ngayong maghanapbuhay. ´Ang totoo, maaareglo natin ang kanilang kasal,µ narinig niyang mungkahi ng kanyang ama. ´Sa tingin mo ba·y gusto siya ni Zaitun?µ ´Lahat ng dalaga sa nayo·y gustong pakasalan si Buyung.µ Natawa ang ama niya. ´Sa mata mo, wala nang gug·wapo pa sa iyong anak.µ Hinintay ni Buyung ang isasagot ng kanyang ina, pero nalipat sa ibang bagay ang usapan, at ang tanong tungkol sa gusto siya ni Zaitun ay naiwang bitin. Alam ni Buyung na gusto siya ng ama ni Zaitun. Tuwing magkikita sila, tinatanong si Buyung tungkol sa kanyang trabaho, sa pag-aaral ng Koran, at iba pa. Minsa·y hiningi nito ang payo ni Buyung tungkol sa pagsasanay ng aso niyang panghanting. Kilala sa tapang ang aso ni Buyung. Patahul-tahol lang ang ibang aso para palabasin ang isang baboy-damo sa pinagtataguan. Hindi ang aso ni Buyung - iyon ang madalas maunang sumalakay. Walang nakakitang tunay na sagabal si Buyung para pakasalan si Zaitun. Kung natitiyak lang niyang iniibig siya nito. Sigurado siya sa isang bagay. Kung hindi nito nararamdaman ang nararamdaman niya rito, hindi niya ito pakakasalan, kahit magkasundo ang kaniya-kaniyang mga magulang. Alam ni Buyung na kadalasa·y pinapakasalan ng isang babae o lalaki ang sinumang pinipili para sa kanya ng kanyang magulang, pero gusto niyang siya ang pumili ng kanyang magiging asawa, at piliin din siya nito. Naiinggit si Buyung sa iba niyang mga kaibigan, tulad ni Sutan. Bukod sa mas magaling ito sa kanya sa pencak, simpatiko pa ito at mahusay dumiskarte sa mga babae. Sa negosyo·y di rin ito pahuhuli. Mayroon itong dalawang palayan, at nagbababa ito ng damar at rattan mula sa bundok para ibenta sa palengke, at paminsan-minsa·y naglalako rin ito ng karne ng kambing at baka. Pero ang mga taong pinakakontento, naisip ni Buyung, ay yaong tulad ni Sanip. Tunay na masayahin si Sanip. Ganado itong magpatawa at magkuwento ng mga katuwa-tuwang istorya. Nagkakandabaluktot sa pagtawa ang nakakarinig ng di mabilang na kuwento niya tungkol sa mga opisyal ng nayon. Kinaiinggitan ni Buyung ang pagkamasayahin ni Sanip, pero di niya maubos maisip kung paano ang isang tulad nito na may asawa na at apat na anak ay parang binata pang walang problema kung umasta. Di ba·t nagdaragdag sa maturidad ng isang tao ang maraming responsibilidad? Sabagay, mabuti na rin kung di iyon dinidibdib. Halimbawa, kung hirap nilang pasukin ang gubat dahil sa lakas ng ulan na nagpapadulas sa daan at bumabasa sa kanila hanggang buto, sasabihin ni Sanip, ´Wala, ¶yan. Pagkapawi ng ulap ay langit.µ Kapag nagreklamo si Sutan sa bigat ng kanyang pasan, sasabihin ni Sanip, ´Huwag ka nang umungol. Isipin mo ¶yong perang pagbebentahan mo n·yan.µ Ibibigay ni Buyung ang lahat makatingin lang ng ganoon sa buhay. Minsan, nang sila·y nanghahanting, gamit ang ripple ni Wak Katok, pinaputukan ni Buyung ang isang usa, pero dumaplis lang ang tama at ang hayop ay nakaalpas. Buong araw na naghahanap ang mga lalaki, pero di nila nakita ang sugatang usa. Panay ang sisi ni Buyung sa

sarili, pero tulad ng inaasahan, tinanong siya ni Sanip, ´Ba·t mo poproblemahin ¶yon? Magkakaanak ang usang iyon ² mas marami kang mahahanting pagdating ng araw.µ Lalong sumama ang loob ng batang mangangaso sa pang-aala ni Sanip, at paangil itong sumagot, ´Pa·no mo nalaman? Posibleng nahuli ¶yon ng tigre.µ ´E ano? Di ¶yon ang katapusan ng lahat ng usa sa gubat. Ang mahalaga,µ pakindat na dagdag nito, ´ay mahusay ka sa pagbaril.µ Natanto noon ni Buyung ang pagiging mapagbigay sa kanya ni Sanip at ng iba niyang mga kaibigan. Laging may dangung-dangung, parang alpa ng mga Hudyo, sa bulsa ni Sanip, at tinutugtog niya tuwina pag may pagkakataon. Maimbeto siyang musikero. Kung gusto niyang magpasaya, kakalabit lang siya ng masiglang himig. Nagagawa niyang kalimutan ng mga lalaki ang kanilang pagkain at saglit pa·y naroon na sila·t nakikisali sa sayawan at kantahan. Pero minsan naririnig sa kanya ay awit na parang nagpapaiyak sa munting musikero. Kadalasa·y tinutugtog niya ang gayong nakakapaghimutok na mga balada kapag sila·y nakaupo sa paligid ng siga sa gitna ng gubat. Si Talib ang unang sumusuko sa pang-akit ng nakakataas-balahibong musika, at naguumpisang kumanta. Sa pagkakataong iyo·y ilalabas naman ni Buyung ang kanyang plawta at silang tatlo·y magsasabayan sa malulungkot na berso. Taas-baba ang mga nota ng dangungdangung, sa saliw ng mapangulilang plawta, habang paawit na inuulit ni Talib ang mga daing at paghihirap ng isang lalaking naghahanap ng karinyo at pag-unawa. Ang maskulado at mukhang mabagsik na si Wak Katok ay di nagawang di mabagbag sa musika. Ang walang ekspresyon niyang mukha ay nagmimistulang mapangarapin, na wari·y naglalakbay ang kanyang diwa. Si Pak Haji ay mauupo roong lunod sa sariling iniisip, pipikit sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ay upos na lamang at limot na. Paikot sa siga na nakaupo ang pito, ang bawat isa·y may kani-kaniyang mga alaala at pagnanasa, at sa paligid nila ay ang gubat, maitim at ga-higante. Tahimik na lalaki si Talib, matangkad at payat at ibang-iba kay Sanip. Sa kanya, ang mundo ² at ang buhay sa kabuuan ² ay midilim at nakakatakot. Lagi siyang binubuwisit ng asawa. Minsan, sabi kay Buyung ni Rancak, ang batang kapatid na babae ni Zaitun, narinig nito si Siti Hasanah, ang asawa ni Talib, na walang hupang pinagagalitan ni Talib, mula umaga hanggang hapon, pero ni minsa·y hindi iyon sumagot at nagsawalang-kibo na lamang. Magkagayunman, mahusay na magkaibigan sina Talib at Sanip at laging magkasama sa lakad. Kapag umuulan habang sila·y magkakasama sa gubat at sila·y sumisilong sa isang kubol na gawa sa dahon ng saging, si Talib ang magsasabi, ´Buong araw tatagal ang lintek na ulang ito!µ Sa masayahing boses, babalikan siya ng ganito ni Sanip, ´S·werte lang ² makapagpapahinga tayo!µ Matatawa ang lahat at mapaparelaks. Minsan, nakakalap sila ng pambihira sa daming damar at hirap na hirap sa kanilang pasan. ´Anong s·werteµ, sabi ni Sanip, habang nagkakandakuba sa paglakad. ´Doble ito sa kadalasan nating nahahakot.µ ´Ha, kundi maanod pagtawid natin sa ilog!µ masaklap na sukli ni Talib. Hindi pasalita si Talib, pero madilim man ang tingin nito sa bagay-bagay, ito·y matapang. Minsan, nanghahanting ang isang taganayon ng baboy-damo. Napaligiran na ito ng mga aso. Kaya nilapitan niya ito para sibatin. Pero nakailag ang baboy paghagis ng sibat, at siya ang sinibasib, di alintana ang nagtatahulang aso. Hindi nagdalawang-isip si Talib. Hawak ang sariling sibat, sinaklolohan niya ang lalaki. Ilang sandali pa, ang nasibat na baboy ay nilapa na ng mga aso. Hanga rin si Buyung sa di-palakibong si Pak Haji. Katamtaman ang taas ng matanda, at

gayong puti na lahat ng buhok nito, iyo·y malago pa. Kaya pa niyang pasanin ang bigat ng damar na kaya ng iba sa kanila, at gayong matipid siyang magsalita, nasisiyahan siyang makinig sa usapan ng iba at makisali sa kanilang tawanan. Kung talagang pipilitin, nagkukuwento siya ng tungkol sa kanyang paglalakbay sa mga gabing nakaupo sila sa tabi ng siga. Ayon sa kanya, nang una niyang lisanin ang nayon, napilitan siyang magtrabahador, magkusinero at maging katulong sa kuwadra sa Sultan ng Johore bago siya magkaroon ng sapat na pera para makapunta sa Singapore. Naging siklista rin siya sa isang sirko. Sumama siyang magbiyahe sa sirko na pag-aari ng isang Intsik, hanggang sa Bangkok. Doo·y napilitan niyang iwan ang kanyang trabaho nang tangkain siyang saksakin, dahil sa matinding pagseselos ng asawa ng mang-aawit na Intsik. ´Palagay ko·y di tama ¶yon,µ tawa ni Pak Haji, ´kaya umalis ako.µ Tapos, nagkusinero siya sa isang barko na naglalayag sa pagitan ng India at Japan. Napamangha ang mga magkakasama sa kanyang mga kuwento ng naglalakihang siyudad, tulad ng Shanghai at Tokyo, at ng daungang tulad ng Maynila, Penang, Rangoon, at Calcutta. Nang sa wakas ay lumunsad siya sa Calcutta, di na siya bumalik sa barko. Imbes, nagpatuloy siya sa Lahore, kung saan niya pinag-aralan ang Islam sa ilalim ng isang guro. Mula sa India , naglakbay siya sa lupa, kasama ang ilang tao, patungo sa Arabia. ´Ilang buwan kaming nasa daanµ, sabi ni Pak Haji. ´Sa pagitan, marami akong sariling lakad na ginawa. Naging katulong ako ng isang salamangkero. Isa siyang malaking Afghana na nakakahiwa ng dila ng isang ibon at muli niya iyong nabubuo. Minsan, pagdaan namin sa isang bayan na bahagi ng kanyang pinagtatanghalan, hinamon siya ng isa ring salamangkero na gawin ang kanyang mahika sa dila ng isang bata. Ayaw niyang mabisto, kaya tinanggap niya ang hamon. Nagkaroon ng palabunutan, at ang Afghaning ito ang natokang mauna. Bago siya nagumpisa, binulungan niya akong bumalik sa aming tulugan at balutin ang aming gamit. Nagbabalot pa lang ako·y bigla siyang sumulpot sa k·warto sinunggaban ang ilang bag at pasigaw na pinasunod ako sa kanya. Di ko alam kung ano ang nangyari pero masama ang kutob ko, kaya dinampot ko ang madadala ko at patakbong sinundan ko siya. Sa dulong likuran namin ay dinig na dinig ko ang hiyawan ng galit ng pulutong. Dagli kaming nakalabas ng s·yudad, papasok sa mabatong mga gulod na pinagtagpuan namin. Hinanap kami ng mga tao hanggang sumapit ang gabi. Pagkatapos, nang tanungin ko ang salamangkero kung ano ang nangyari, bigay-hilig itong tumawa, padukot ng pera sa kanyang bag na pambiyahe. ´Bago ako nag-umpisa, hiniling kong magbayad muna sila. Pagkalikom ko ng pera, mabilis kong hiniwa ang dila ng bata, maliit lang sa dulo nang di ito masaktan. Tapos, sabi ko·y maghintay sila habang kumukuha ako ng gamut, imbes, sa k·warto natin ako tumakbo!µ ´Pero ba·t ka tumakbo?µ tanong ko. ´Dahil hindi ko kayang ibalik sa dati yong dila.µ ´Pano ¶yong bata? Sinong mag-aayos ng kanyang dila?µ ´Di ba may isa pang salamangkero, ¶yong kalaban ko; kaya n·ya ¶yon? Di subukan niya. Kung di niya ¶yon magagawa, gugulpihin siya ng mga tao, at buong lakas siyang tumawa. Wala sa kanilang nakatitiyak kung totoo nga ang mga kuwento ni Pak Haji, pero sino ang makapagsasabi? Pagkatapos ng pilgrimahe sa Mecca, nagtripulante siya sa isang barko para makauwi. Tumigil iyon sa maraming daungan ng Aprikano at Europeo bago bumalik, sa wakas, sa Indonesia. Sinabi niyang sinubukan niyang manirahan sa ibang bansa, pero, lagi ang puso niya·y hinahatak ng nayon. May gayuma sa kanya ang gubat, at iginagalang niya ang lahat ng taong may kinalaman dito. Sinabi niya sa mga kasama na ang mga taong nagtatrabaho sa gubat ay di naiiba sa mga tripulante ng isang barko, gayong, liban dito ay wala nang pagkakapareho ang dagat sa gubat.

´Sumisikat ang mga bituin sa langit sa ibabaw ng tubig, pero walang ingay sa gubat. Dito·y ligid tayo ng naglalakihang puno at mga ligaw na hayop ² ang ila·y mainga·y, ang ila·y tahimik. Malapit tayo sa lupa. Sa barko sa gabi, naroon lamang ay ang hungkag na dilim.µ Papunta sa gubat para manguha ng damar, kailangang iwan ng mga lalaki ang kanilang nayong Air Jemih, na nasa baybayin ng Danau Bantau sa bunganga sa Sungai Air Putih. Papasok sa gubat, pumirme sila sa gilid ng Air Putih, pabaybay dito hanggang marating nila ang bulubundukin. Hindi kayang suungin ng bangka ang malalim at maalimpuyong ilog dahil peligroso ang malalaki nitong bato at matuling agos. Sa maraming patag na lugar, ito ay may malalalim na lubak na puno ng isda. Sa madalas na pangisdaang parte na malapit sa nayon, bihira at maliliit ang isda, pero sa loob ng gubat, madaling makahuli nito sa pamamagitan ng bitag o lambat. Laging sa malapit na mahusay pangisdaang lubak nagkakampo ang pitong lalaki. Makaraang umakyat-manaog buong araw sa bundok sa pangungulekta ng damar, nakakaginhawang maupo sa ibabaw ng isang malaking bato at mangisda. Ang salpok ng tubig sa batuhan, ang mahinang simoy ng hangin sa mga dahon, ang ingay ng mga unggoy na umaalingawngaw tulad ng tunog ng mga tambol - ang mga ito·y sama-samang nagbibigay ng damdamin ng pagkakuntento. Umaabot ng isang linggong paglalakad mula sa Air Jemih hanggang sa gubat ng damar. Ang mga lalaki·y may baong bigas at sili na isinasaksak sa mga kawayang bumbong, kaunting suka, asin, kape, asukal, at palayok para pagsaingan at pagpakuluan ng tubig. Kung di sila nakapagdala ng lambat o mga bitag, nagtatayo sila ng mga kawayang panghuli ng isda sa batuhan. Paminsan-minsa·y nakakahuli sila ng mga kalapating kakahuyan na bumababa sa gilid ng ilog upang maghanap ng pagkain. Kung walang sariwang ulam, nag-iihaw sila ng daing na isda o tapa na dala rin nila mula sa nayon. Masuwerte sila at ang kaingin ni Pak Hitam ay di malayo sa gubat na pinagkukunan nila ng damar. Matanda na si Pak Hitam, halos sisenta anyos na. Sabi ng iba·y mas mukha siyang siyento anyos. Malakas siya, at pambihira ang pagkaitim ng balat. Tulad iyon ng isang Indian. Itim na itim pa rin ang kanyang buhok at lagi siyang nakasuot ng itim na pantalon, kamisadentrong walang manggas, at turban. Walang hindi natatakot sa nakakakita sa kanya. Isa siyang itim na pangitain. Nagkalat ang kuwentong-nayon tungkol sa mga taong birtud ni Pak Hitam. Isa siyang popular na guro ng silat, isang paraan ng pagtanggol sa sarili, at ng okultismo. Takot sa kanya sina Sutan, Talib, Sanip, at Buyung, pero hindi iyon ipinahahalata. May istoryang nagsasabi na kasapakat daw siya ng mga masasamang espitiru, mga diyablo, at ng mga sobrenatural na nilalang na nakakapagkatawang-hayop o tao, o jinn. Siya raw ay protektado ng isang tigreng may tigabulag na nakapagdadala sa kanya sa kung saan niya gusto. Ang sabi·y maraming pagkakataong inilipad siya nito sa banal na lunsod ng Mecca. Ayon sa leyenda, hindi siya tinatablan ng kahit ano. Minsan, sa rebelyon laban sa Dutch noong 1926, pero hindi tinagusan ng kanilang bala ang kanyang katawan. Sa isa pang pagkakataon, ayon din sa istorya, hinabol daw siya ng mga sundalong Dutch at napaligiran sa isang sagingan. Bumuo ng isang bilog ang mga sundalo, at maingat na hinigpitan ang kanilang hanay hanggang ni iskwerel ay di maaring makaaalpas sa pagitan ng kanilang mga paa. Pero bigla na lang nakita ng isa sa kanila sa Pak Hitam na nakasandal sa isang punong saging. Lumundag ang sundalo at pawasiwas sa sableng tinaga siya nito sa leeg. A, pero ang napugutan ay di si Pak Hitam kundi ang puno ng saging! Ilang oras siyang pinaghahanap ng mga sundalo, pero wala silang nakitang bakas ng kanilang mailap na kaaway. Pagkasugpo sa pag-aalsa, matagal na walang naging balita tungkol kay Pak Hitam. Isang araw, basta na lamang siyang lumitaw na puro ari-arian. Isa na siya ngayon sa pinakamayamang lalaki sa nayon. Walang makapagsasabi kung bakit hindi

dumating ang mga Dutch upang siya·y dakpin. Ipinalagay ng mga tao na iyo·y may kinalaman sa kanyang mahika. Sari-sari ang kuwento tungkol sa kung paano siya nagkamana ng yaman. Ayon sa isa, kabilang siya sa isang grupo ng mga dating rebelde na nagtagpo sa gubat at naging mangungulimbat at tulisan. Ayon sa isa pa·y mayroon siyang lihim na minahan ng ginto na magisa lang niyang tinatrabaho upang walang ibang makaalam kung saan ito naroroon. Tunay na may bahid ng ginto ang buhangin ng Air Putih, at kung tag-init, kapag walang gaanong magawa ang mga taganayon, aakyat sila ng ilog para salain iyon, pero mahirap ang gayong gawain at di sigurado ang tubo. Nagkaroon ng balita na minsa·y may kung sinong nakatagpo ng isang malaking piraso ng ginto, pero walang sinumang nakakita niyon. Apat ang naging asawa ni Pak Hitam. Ang sabi ng mga tao, sa buong buhay niya·y mahigit isang daang beses siyang nagpakasal, at sa isang dosena sa bawat pagkakataon. Nagkalat ang kanyang mga anak sa mga kalapit-nayon at ayon sa usap-usapan, di na niya mabilang, o matandaan kung sinu-sino ang mga iyon. Pag-uwi niya minsan sa Batu Putih, pinaratangan niya ang isang kabataan sa pagkilos niyon na parang sa kanya ang bahay ng matanda, at matigas niyang sinabi, ´Sino ka ba? Kung makaarte ka·y bahay ito ng tatay mo.µ Sagot ng bata, ´Bahay nga ito ng aking ama. Ang aking ina ay si Ibu Khadijah.µ Maaaring dahil sa mga ganitong bagay kung bakit mas gusto ni Pak Hitam na buwanang malayo sa kanyang nayon at tumira sa bahay niya sa Bukit Harimau sa gitna ng gubat, tatlong araw ang layo mula sa Batu Putih. Dito·y hindi niya kailangang problemahin ang mga taganayon at ang kanilang walang-tigil na panghihimasok sa kanyang buhay. Kapag pumupunta si Pak Hitam sa kanyang bahay sa gubat lagi niyang dala ang isa sa kanyang papalit-palit na asawa. Kilalang-kilala ng kanyang mga bisita ang mga babaeng isinasama niya. Ang pinakamaganda·t bata ay si Siti Rubiyah, na pinakasalan niya dalawang taon na ang nakararaan, pero hindi pa siya nito nabibigyan ng anak. Sa mga taganayon, ang ibig sabihin niyo·y nawala na ang kanyang birtud. Sa unang taon pa lang ng kanilang kasal, ang bawat isa sa iba niyang mga asawa ay nakapanganak na. Ayon kay kay Sanip, makipagkamay lang ang isang babae, ito·y agad nabubuntis. Gayon kabagsik ang pagkabarako niyon. Kung hindi sila dinadala sa malayo ng kanilang trabaho sa gubat, tuwina·y sinisikap ng pitong lalaking makabalik sa bahay ni Pak Hitam bago dumilim. Pero kung makakulekta sila ng maraming damar nang may kalayuan sa kanyang huma, at matagalan kung sila·y babalik doon, sa gubat na lang sila nagpapalipas ng gabi. Ang bahay ni Pak Hitam ay nakatukod sa matataas na poste. May malawak na beranda sa harap. Ang kusina ay nasa isang sulok nito sa may bintana. Nagtambak ng buhangin sa lapag si Pak Hitam at gumawa ng mga istanteng tabla. May dalawang kalang de-uling sa buhangin at doon nagluluto ang kanyang asawa. Nakabitin sa ibabaw ng mga kalan ang tapang usa at daing na isda, sibuyas, sili at ilang klase ng tuyong hiyerba. Ang beranda·y nahihiwalay sa pinakabahay ng dingding na sawali. Sa likod ng dingding ay may dalawang kuwarto ² ang isa·y tulugan ni Pak Hitam at ng kanyang asawa, at ripleng panghanting, bukod sa ibang bagay. Napasok na minsan ni Buyung ang kuwartong ito, nang ipakuha sa kanya ni Pak Hitam ang riple. Nakita niya roon ang dalawang malaking baul na yari sa itim na kahoy na nalilinyahan ng pampatibay ng tansong kulay berde na sa tanda. Nagtataka si Buyung kung ano ang laman ng baul, pero pareho iyong may mabibigat na kandadong bakal. Naisip niya na maaaring puno ng ginto ang mga ito tulad ng napapabalita sa nayon, pero ipinapalagay niyang isa iyong kabaliwan. Sa isang baul sa isang kaingin sa gubat nagtatago ng ginto si Pak Hitam?

Napakadali iyong nakawin ng sinumang magnasa. Pero, sa kabilang dako, sino ang maglalakasloob? Sa sahig ng beranda laging natutulog ang mga mangunguha ng damar. Kung doon sila nagpapagabi, ipinagluluto sila ng asawa ni Pak Hitam ng kanilang kanin, tokwa, at sari-saring gulay. Nasisiyahan dito ang mga lalaki dahil madalas na naiiba sa kanila ang paghahanda ng pagkain ng babae, at ang bawat asawa ni Pak Hitam ay mahusay magluto. Dinadagdagan nito ang kanilang baon ng gulay mula sa sariling hardin. Ang gustung-gusto nila ay ang murang ube, mais, kamote na iniihaw sa nagbabagang uling. Umagang-umaga·y makikita si Buyung o Sanip sa kusina, abala sa pag-iihaw. O kaya·y kung gabi, bago sila matulog, at habang lahat ay nag-iistoryahan, gusto nilang maupo sa paligid ng parilya habang pinagmamasdan ang pagkaing lumalagitik sa baga. Ang ganitong dibersyon, sampu ng mainit na kape, ay nagpapalipas ng panlalata at pagod ng isang araw na trabahong-kalabaw sa gubat. Sa gabing tulad niyon, ilalabas ni Sanip ang kanyang dangung-dangung at tutugtug sa sarili niyang estilo. Minsan, nang kumanta siya ng tungkol sa isang babaeng iniwan ng asawa, napansin ni Buyung si Siti Rubiyah na tahimik na nagpapahid ng luha sa mata. Gusto nilang lahat ang bata at kaakit-akit na si Siti Rubiyah kung hindi lang siya lokung-loko kay Zaitun, madali sanang mapaibig dito si Buyung. Pero ito·y may-asawa, at si Pak Hitam pa, sapat na iyon para pigilin ni Buyung ang pag-iisip dito, pero aminado siyang maganda ang katawan nito. Ang mga suso nito , gayong maliit, ay tayo at may hubog. Ang mukha nito, sampu ng tuwid na ilong, mamasa-masang mga labi, at bilog na nangingislap na mga mata, at itinatampok na mahabang itim na at nangingintab ² habang ito·y abala sa hardin. Kung naroon ito kapag tanghaling-tapat, ang mga pisngi nito·y namumula, kaya lalo itong nagiging kaakit-akit. Kapag nasa gubat ang apat na kabataang lalaki, di kalapit ang matatanda, si Siti Rubiyah ang kanilang pinag-uusapan. ´Sabihin ko sa inyo, pinasukan ko sana siya kundi si Pak Hitam, ang kanyang asawa,µ sabi ni Talib. ´Ako rin, pero kung siya·y dalaga pa,µ dagdag ni Buyung. ´Kagabi·y napanaginipan ko s·ya,µ sabi ni Sanip. ´Napuna n·yo ba kung pa·no halos lumuwa sa kanyang blusa ang suso tuwing yuyuko s·ya upang hipan an gatong?µ ´Kaninang umaga·y tinulungan ko s·yang magrikit,µ parang tugon na sabi ni Buyung. ´Napuna n·yo ba kung pa·no siya tingnan minsan ni Pak Hitam?µ makahulugang tawa ni Sanip. ´Sa edad n·ya bang iyon?µ may pagkamanghang tanong ni Talib. ´Oo nga, diba napakatanda na n·ya para r·on?µ Ibig malaman ni Buyung. Natawa si Sanip.µPakinggan n·yong magsalita itong si Buyung,µ sabi niya. ´Nakalimutan mo na ba ang kasabihan tungkol sa niyog? Mas marami raw langis na mapipiga sa niyog kaysa buko.µ Napahiyaw sila sa pagtawa. ´Hindi bale ² di kasintalas ni Wak Katok ang mga mata ni Pak Hitam,µ sabad ni Sutan . ´Nakita n·yo ba kung pa·no niya pagmasdan si Siti Rubiyah ¶pag wala si Pak Hitam? Hinuhubaran n·ya ito ng kanyang mga mata, higit pa r·on ang ginagawa niya sa kanyang isip, sabihin ko sa inyo, Sabagay, gusto ko ring gawin ¶yon.µ Nagpalitan sila ng makahulugang tingin. ´Bata o gurang,µ sabi ni Sanip, pag nakakita ng seksing babae ang isang lalaki. Isang bagay lang ang nasa isip niya.µ ´Hindi ako,µ sabi ni Buyung, ´Okey siyang talaga, di ako sintapang n·yo. Takot ako kay Pak

Hitam.µ Natawa kay Buyung ang tatlong may-asawang lalaki.µDi ka pa binyagan at di mo pa naiintidihan. Di ka pa nakakasiping sa isang babae, kundi·y di ka magsasalita nang ganyan. Wala ka pang alam sa bagay na·to,µ kampante silang nagpalitan ng tingin, pahagikgik na tawa kay Buyung na kulang pa ng karanasan. ´Hintayin mong maikama si Zaitun, tapos maiintindihan mo ang lahat,µ sabi ni Sutan , patungo sa direksyon ni Buyung. Namula si Buyung. Alam nila ang tungkol kay Zaitun. Lalong natawa ang mga lalaki nang makita ang pamumula sa mukha ng bata nilang kaibigan. ´Siguro, bago ka sumiping kay Zaitun,µ sabi ni Talib,µ di masamang magpraktis ka muna kay Siti Rubiyah.µ Sa gitna ng alon ng tawanan, sumabad si Sutan, ´ni hindi mo kailangan ang kama.µ ´Gan·on talaga,µ sabi ni Sanip. ´Gusto ng mtatandang lalaki ang batang asawa, at ganoon din ang matatandang babae. Ang nagpapabata sa kanila.µ ´Anak ng ² kahit mag-asawa ng batang babaeng tulad ni Siti Rubiyah. Nakapuna siya ng pagbabago sa kanilang kilos. Lantad masyado ang kanilang kunwa·y kawalang bahala , tuloy, ipinapakita nilang iba ang kanilang nadarama sa kanilang inaasal. Takot si Buyung na maaring napupuna iyon ni Pak Hitam. Pero nitong nakaraang ilang buwan, kadalasa·y may sakit si Pak Hitam at napipirme sa kanyang kuwarto. Binibisita siya roon nina Pak Haji, Pak Katok, at Pak Balam, pero ang mga nakababatang lalaki ay pumapasok lang doon upang magbigay-galang at agad na lumalabas uli. Takot sila kay Pak Hitam at kailanma·y di sila mapakali sa harap nito. Pumapayat si Pak Hitam. Lubog ang kanyang mga mata, at halos puti na lahat ang kanyang bigote·t balbas. Pero itim pa rin ang buhok, at kahit may-sakit, mukha pa rin itong mabalasik at nakakapanduro. May kung anong bagay ang angkin ng matibay na matandang lalaking ito ang nagbibigay-takot sa mga tao. Wala itong iniwan sa isang may-sakit na tigre na kahit masukol ay mabilis pa ring nakapagsasanib at nakamamatay. Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Nakilala mo ba ang mga tauhan batay sa mga katangiang taglay nila? Iba-iba ang kanilang katangian ngunit lahat sila·y may malaking kinalaman kung bakit ginamitan ng ganoong pamagat ang akda. Upang lubusan mong maunawaan ang akda, sikapin mong sagutin nang buong husay ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Huwag kang mag-alala, madali lamang ang mga ito. Makatutulong sa iyo ang pagsunod mo sa mga panutong ibibigay ko.

TATSULOK NA DAIGDIG Ni Natsumi Soseki Salin ni Aurora E. Batnag
Paakyat sa landas ng bundok, nakapag-isip-isip ako. Kapag laging utak ang pinapangibabaw mo, magiging malupit ka, sumagwan ka sa ilog ng emosyon at matatangay ka ng agos. Palayain mo naman ang iyong mga hangarin at di ka mapakali sa iyong pagkakakulong. Hindi kasiya-siyang mamuhay rito, sa daigdig na ito. Habang lumulubha ang pagkayamot,ibig mong tumakas kung saan higit na magaan ang buhay. Pagdating lang sa puntong una mong napag-isip-isip na sadyang mahirap mabuhay kahit malayo na ang narating mo, saka isinisilang ang isang tula, o nalilikha ang isang larawan. Ang mundong ito ay di likha ng Diyos o ng demonyo kundi ng mga karaniwang tao sa ating

paligid; yaong mga nakatira sa tapat o sa kapitbahay, na tinatangay ng pang-araw-araw na agos ng pamumuhay. Maaaring napakahirap mabuhay sa mundong ito na nilikha ng mga karaniwang tao pero may iba pa bang mapupuntahan? Kung mayroon man,tiyak iyon ay isang lupaing ´dipantaoµ, at anong malay natin,baka mas kasumpa-sumpa pa ang mundong iyon kaysa rito? Hindi tayo makatatakas sa daigdig na ito. Samakatuwid, sa hirap ng buhay, wala kang magagawa kung di magpakaginhawa sa taghirap, bagamat maikling panahon lamang ang kaya mong tiisin, upang kahit papaano·y makaya mo ang iyong maikling buhay. Sa puntong ito nagsisimula ang bokasyon ng isang alagad ng sining at dito rin itinatalaga ng langit ang gawain ng isang pintor. Pasalamatan mo ang langit dahil sa mga tao na sa iba·t ibang paraan ng kanilang sining, ay naghahatid ng katiwasayan sa mundo at nagpapataba ng mga puso. Alin sa mundo ang lahat ng alalahanin at problemang nagpapabigat sa buhay sa halip ay ilarawan ang isang daigdig na punung-puno ng biyaya at pagmamahal. Magkakaroon ka ng musika, ng isang larawan, o tula, o iskultura. Hindi lang ito, idaragdag ko pang hindi kailangang magkatotoo ang pananaw na ito. Sapat nang ilarawan sa isip at magkakabuhay ang tula, magkakahimig ang awit. Bago mo pa man isulat ang iyong inisip, mararamdaman mong parang napupuno ang iyong dibdib ng kristal na taginting ng mga kampanilya; at kusang magliliwanag sa iyong mga mata ang lahat ng maningning na kulay, kahit di nagagalaw sa kabalyete ang iyong kanbas na di pa nahahaguran ng pintura. Sapat nang magkaroon ka ng ganitong pananaw sa buhay at ang marumi·t bulgar na mundong ito ay magiging malinis at maganda sa mga mata ng iyong kaluluwa. Maging ang makata na wala pang naisusulat kahit isang taludtod, o ang pintor na walang pintura at wala pang naipipinta kahit isang bahagi ng kanbas, ay makatatagpo ng kaligtasan, at makaaangat sa mga makamundong hangarin at damdamin. Kailanma·t ibig, mapapasok nila ang isang daigdig ng dalisay na kalinisan, at kapag naitapon ang pagkakasakim at pagkamakasarili, ay makapagbubuo ng walang katulad at di mapantayang daigdig. Sa lahat ng ito, higit pa silang maligaya kaysa sa mayayaman at tanyag; kaysa sa sino mang panginoon o prinsipeng nabuhay sa mundong ito; tunay na mas maligaya kaysa sa lahat ng nagtatamasa ng pagmamahal sa bulgar na mundong ito. Pagkaraang mabuhay nang dalawampung taon, napag-isip-isip kong karapat-dapat mamuhay sa mundong ito. Sa edad na beinte-singko, naunawaan ko na tulad ng liwanag at dilim na magkabilang tabi ng iisang bagay, saan man may liwanag ng araw, tiyak na may anino. Ngayon, sa edad na treinta, ganito ang nasasaisip ko: sa kailaliman ng kaligayahan, naroroon ang kalungkutan; at kung lalo kang maligaya, lalo ring matindi ang sakit. Subukin mong ihiwalay sa lungkot ang tuwa at mawawalan ka ng kapit sa buhay. Itabi mo ang mga ito sa isang sulok at guguho ang mundo. Mahalaga ang pera, pero kapag naipon, di ba nagiging problema lamang ito na bumabagabag hanggang sa pagtulog? Ang pag-ibig na nakatutuwa pero kapag nagkapatung-patong ang mga kagalakang ito hahanap-hanapin mo ang mga araw noong di mo pa kilala ang tuwa. Ang mga balikat ng estado, ang Gabinete, ang nagsusuporta ng mga pasanin para sa milyun-milyon, ang mga paa nito; at pabigat sa kanila ang mga sagutin ng gobyerno. Iwasan mong kumain ng napakasarap na bagay, at pakiramdam mo·y may nakaligtaan ka. Kaunti lamang ang kainin mo at pagtindig mo sa mesa, mararamdaman mong gusto mo pang kumain. Kumain ka nang napakarami at pagkaraan ay sasama ang pakiramdam mo. Sa bahaging ito ng paglalakbay ng aking isip, napatapak ang aking kanang paa sa isang

matulis na bato at nadulas ako. Tuluyan na akong bumagsak matapos kong bawiin ang kaliwang paa na bigla kong naisipa sa pagtatangkang mabalanse ang katawan ko. Mabuti na lamang at napaupo ako sa isang malaking bato na may lapad na tatlong piye, kaya ang nangyari lamang ay nakalog ang kahon ng pintura na nakasukbit sa aking balikat. Swerte na lamang at walang nasira. Nang tumayo ako at tumingin sa paligid, napansin ko sa dakong kaliwa ng landas ang isang namumukod na tuktok na korteng baliktad na balde. Nababalutan ito mula ibaba hanggang itaas ng makapal na berdeng puno, na di ko makilala kung cryptomeria o sipres. Sumasalit sa mga dahon ang ilang kumpol ng ligaw na cherry na kulay maputlang pula at dahil sa napakakapal na ulap sa ibabaw tila naglanguyan at naghalo ang mga kulay at imposibleng makita nang malinaw ang mga puwang sa pagitan ng mga puno at sanga. Nasa di kalayuan ang isang kalbong bundok. Namumukod ito sa paligid at parang abot-kamay lamang ang layo. Parang pinalakol ng isang higante ang walang kapunu-punong gilid nito at napakatarik ng batuhang mukha na diretsong pababa sa kapatagang nasa kailaliman. Sa tingin ko·y pulang pino ang nag-iisang punong iyong nasa tuktok. Kitang-kita maging ang mga piraso ng langit na masisilip sa pagitan ng mga sanga. May dalawampung yarda sa dako pa roon, biglang naputol ang landas, pero pagtingala ko, may nakita akong isang pigurang nakabalot ng pulang kumot na pababa sa gilid ng bundok, at naitanong ko sa aking sarili, makarating kaya ako roon kung aakyat ako. Terible ang daang ito. Kung lupa lamang ito, hindi sana ganito katagal lakarin, pero may nakabaong malalaking bato sa daan. Mapapantay mo ang lupa, pero nakausli pa rin ang mga bato. Mapagpipira-piraso mo ang maliliit na bato, pero hindi ang malalaki. Hindi mo maaalis ang mga batong iyon. Ang mga bato ay parang nangungutya at tiwalang-tiwala sa sarili na nakapwestong di masusupil sa tambak ng di patag na lupa. Wala yatang daan dito na di mo muna paghihirapan. Kung gayon, dahil ayaw magparaan ng ating kalabang di mapagbigay, kailangang umakyat tayo o kaya·y ikutan ito. Hindi pa rin madaling lakarin ang lugar na ito kahit hindi ito mabato. Mataas ang magkabilang tabi at may hukay sa gitna ng landas. Ang hukay na ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng heometriya. Tatsulok ito na ang lapad ay may anim na piye, na ang mga gilid ay nagtatagpo sa isang matulis na anggulo, na nasa gitna ng landas. Para kang naglalakad sa ilalim ng ilog sa halip nasa isang landas. Dahil sa simula pa·y di ko na inisip na magmadali, magdahan-dahan lang ako sa paglakad at haharapin ang di mabilang na paliku-liko kapag nanduon na. Sa ibaba ng aking kinatatayuan, biglang umawit ang isang pipit. Ngunit kahit gaano ko pa man titigan ang kapatagan, talagang ni anino ng ibon ay di ko makita; ni hindi ko malaman kung saan ito naroroon. Malinaw kong naririnig ang tinig nito, pero hanggang doon lamang. Dahil malakas at walang tigil ang pag-awit ng ibon, pakiramdam ko·y masiglang nagpaparoo·t parito ang hangin para matakasan ang nakaiinis na kagat ng libu-libong pulgas. Talagang hindi tumigil ang ibong iyon kahit saglit. Para bang hindi ito masisiyahan hangga·t hindi nakaaawit nang husto araw at gabi sa buong nakasisiyang tagsibol; at hindi lamang umawit kundi patuloy na lumipad magpakailanman. Walang dudang doon na mamamatay ang pipit sa itaas ng ulap. Maaring sa pinakaitaas ng kanyang paglipad, mararating ng pipit ang lumulutang na ulap at doo·y lubusang maglalaho hanggang sa tanging boses na lamang ang maiiwan, na ikinukubli ng hangin. Biglang lumiko ang landas sa isang nakausling kanto ng bato. Ang isang bulag ay maaring magtuluy-tuloy hanggang sa bingit, pero naiwasan ko ang peligro at nakuha kong kumanan. Sa ibaba, natanaw ko ang mga rape-blossom na parang alpombrang nakalatag sa kapatagan.

Mapapadpad kaya roon ang isang pipit? ² Hindi. Siguro, naisip ko, lilipad ito mula sa mga ginintuang bukirin. Pagkaraa·y inilarawan ko sa isip ang dalawang pipit, ang isa·y pasisid habang ang isa nama·y paitaas, nagkasalubong sa paglipad. Sa wakas ay naisip kong pasisid man o paitaas o magkasalubong man sa paglipad, malamang magpapatuloy pa rin ang masiglang pag-awit ng pipit. Sa tagsibol, inaantok ang lahat. Nalilimutan ng pusa na manghuli ng daga, at nalilimutan ng tao ang kanilang mga utang. Kung minsan, pati kaluluwa·y nalilimutan nila at sila·y nagmimistulang tuliro. Ngunit nang tanawin ko ang dagat na iyon ng mga rape-blossom, waring natauhan ako. At nang marinig ko ang awit ng pipit, naglaho ang ulap at muli kong natagpuan ang aking kaluluwa. Hindi lamang lalamunan ang umaawit sa pipit, kundi ang kabuuan nito. Sa lahat ng nilalang na maaaring magsatinig sa mga gawain ng kaluluwa, walang sinlakas at buhay na buhay na gaya ng pipit. Tunay itong kaligayahan. Kung nasasaisip mo ito at maaabot mo ang ganitong antas ng kaligayahan, iyon ay tula. Biglang pumasok sa isip ko ang tula ni Shelley tungkol sa pipit. Tinangka kong bigkasin, pero dadalawa o tatlong saknong lang ang naaalala ko. Narito ang ilang taludtod: Lumilingon at tumatanaw Hinahangad ang wala sa kamay: May halong pait Ang pinakamatapat mang halakhak, Pinakamatamis ang awit tungkol sa pinakamatinding sakit. Gaano man kaligaya ang makata, hindi niya maibubuhos sa awit ang kanyang galak tulad ng malaya at walang pakialam na taos-pusong pag-awit ng pipit. Madalas gamitin sa Kanluraning panulaan, at makikita rin sa panulaang Tsino, ang pariralang ´di mabilang na bushel ng kalungkutan.µ Marahil, bushel ang ginagamit sa pagsukat sa lungkot ng makata, samantalang sa kariniwang tao ay ni hindi pa makapupuno ng pint man lamang. Marahil, ngayong napag-isip-isip ko, dahil mas mapagalala ang makata kaysa sa karaniwang tao, mas matalas ang kanyang pakiramdam. Totoong may mga sandaling nakadarama siya ng di masukat na tuwa, pero mas madalas din naman siyang nakadama ng di masukat na lungkot. Dahil dito, dapat munang isaalang-alang na mabuti bago ka magpasiyang maging makata. Dito, pantay-pantay ang landas nang may ilang hakbang. Nasa kanan ang burol na natatakpan ng mga palumpong, at sa kaliwa naman, hanggang sa maaabot ng tanaw ay puro rape-blossom. Sa magkabila, nakatapak ako ng mga dandelion, na may mga dahong parang ngipin ng lagari na nakatayong nagmamalaki upang ipagtanggol ang ginintuang lobo sa gitna. Nakapanghihinayang dahil sa katatanaw ko sa mga rape-blossom ay natapakan ko ang mga dandelion. Pero paglingon ko, nakita kong di nagalaw ang mga ginintuang lobo sa pagitan ng mga nagsasanggalang na dahon. Kaylayang buhay! Binalikan kong muli ang aking iniisip. Siguro, hindi mawawala sa makata ang kalungkutan, pero nang marinig kong umaawit ang pipit, ni katiting na sakit o lungkot ay wala akong naramdaman; at pagtingin ko sa mga rapeblossom, ang tanging alam ko·y lumulukso at sumasayaw ang aking puso. Gayon din ang nadama ko nang makita ang dandelion at ang namumukadkad na cherry, na ngayo·y nawala na sa aking paningin. Doon sa kabundukan, malapit sa kagalakang hatid ng kalikasan, lahat ng makikita mo at maririnig ay nakasisiya. Ito·y galak na di mababawasan ng alinmang hirap. Posibleng manakit ang mga binti mo, o maaring sabihin mong wala kang makaing masarap, pero iyon lang, at wala nang iba.

Bakit kaya ganito? Siguro, dahil pagtingin mo sa tanawin para bang nakatingin ka sa isang larawang binuksan para sa iyo, o kaya·y nagbabasa ka ng tula sa isang iskul. Sarili mo ang buong paligid, pero dahil iyo·y gaya ng larawan o tula, hindi mo naiisipang paunlarin ito, o magkapera sa pamamagitan ng pagtatayo ng riles mula sa siyudad. Wala kang inaalalang anuman sapagkat tanggap mo ang katotohanang walang magagawa ang tanawing ito para busugin ka o kaya·y dagdagan ng kahit kusing ang iyong suweldo, kaya kuntento ka nang pagmasdan na lamang ito. Ito ang malaking pang-akit ng Kalikasan na sa isang kisap-mata, madidisiplina nito ang puso at isip, maisasantbi ang lahat ng paghamak, at ihahatid ang mga ito sa dalisay at walang dungis na daigdig na tula. Sa obhetibong pananaw, masasabing maganda ang pagmamahal ng isang lalaki sa kanyang asawa o sa kanyang mga magulang, at mainam maging tapat at makabayan. Ngunit kapag kasangkot ka na sa mga ito, bubulagin ka ng marahas na agos ng mga kontra at kampi, mga bentaha at disbentaha, at di mo na makikita ang ganda at kinang, at tuluyan nang maglalaho ang tula. Para mapahalagahan ang tula, kailangang lumagay ka sa lugar ng miron na dahil puwedeng lumayo, ay makikita ang tunay na nangyayari. Sa puwestong ito lamang magiging nakasisiya ang isang nobela o dula dahil malaya ka sa mga personal na interes. Makata lamang habang nanonood o nagbabasa, at di ka pa aktuwal na kasangkot. Pagkasabi nito, dapat kong amining karamihan ng mga dula at nobela ay puno ng pagdurusa, at pagluha, kaya kahit miron lamang ay di maaaring di masangkot sa emosyon. Matatagpuan na lamang niya, na sa isang punto ay karamay na siya, at nagdurusa rin, naiinis, nagiging palaaway, at umiiyak. Sa ganitong pagkakataon, ang tanging bentaha sa kanyang puwesto ay ang pagyayaring hindi siya apektado ng ano mang damdamin ng kasakiman o paghahangad ng personal na ganansiya. Ngunit ang kawalan niya ng interes ay nangangahulugang ang ibang mga damdamin niya·y higit pang matindi sa karaniwan. Kaysaklap naman! Sa loob ng mahigit na tatlumpong taon ng pamumuhay sa daigdig na ito, labis na ang nararanasan kong pagdurusa, galit, paglaban, at kalungkutan na di napapawi; at talagang napakahirap kung paulit-ulit na matatambakan ng pampagising sa mga emosyong ito kapag nagpupunta ako sa teatro, o kapag nagbabasa ako ng mga nobela. Ibig ko ng tulang naiiba sa karaniwan, at nag-aangat sa akin, kahit pansamantala, mula sa alikabok at dumi ng pang-arawaraw na buhay; hindi yaong nagpapatindi nang higit sa karaniwan sa aking damdamin. Walang duda, gaano man kadakila, na walang emosyon at iilang nobela ang tiwalag sa konsepto ng tama at mali. Tatak na ng nakararaming mandudula at nobelista ang kawalang kakayahang humakbang palabas sa makamundong ito. Ang mga kalikasang pantao ang sentro ng paksa ng mga Kanluraning makata sa partikular kaya di nila pinapansin ang daigdig ng dalisay na panulaan. Dahil dito, pagdating sa dulo ay mapapahinto sila dahil hindi nila alam kung may matatagpuan pa sa dako pa roon. Kuntento na silang talakayin ang karaniwang itinitindang simpatiya, pag- ibig, katarungan, at kalayaan, na pawang matatagpuan sa pansamantalang palengke na tinatawag nating buhay. Maging ang pinakamatulin sa mga ito ay abalang-abala sa pang-araw-araw na gawain, kaya ni hindi na nagkakapanahong kalimutan ang susunod na pagbabayaran. Hindi kataka-takang nakahinga nang maluwag si Shelley nang marinig niya ang awit ng pipit. Mabuti na lamang at paminsan- minsan, ang mga makatang Silanganin ay nagkakaroon ng

sapat na pagkaunawa upang makapasok sa daigdig ng dalisay na panulaan. Sa ilalim ng halamang-bakod Sa Silangan pumili ako ng krisantemo, At naglakbay ang aking paningin sa mga Burol sa Timog. Dadalawang taludtod, ngunit kapag nabasa mo ang mga ito, lubos mong mamamalayan kung papaanong ganap na nagtagumpay ang makata na makalaya sa mapaniil na mundong ito. Hindi ito tungkol sa babaeng nakasilip sa kabilang bakod; o sa mahal na kaibigang nakatira sa kabilang burol. Ang makata ay nasa ibabaw ng lahat ng ito. Sapagkat natanggal na niya ang lahat ng alalahanin tungkol sa bentaha at disbentaha, tubo at pagkalugi, natamo na niya ang dalisay na takbo ng isip. Nag-iisa, sa gitna ng kawayanan Kinalabit ko ang kuwerdas; At mula sa aking alpa Pumailanlang ang nota. Sa madilim at di dinadaanang landas Tumatanglaw ang buwan sa pagitan ng mga dahon. Sa pagitan ng iilang maikling linyang ito, isang buo at bagong mundo ang malilikha. Ang pagpasok sa mundong ito ay di tulad ng pagpasok sa mundo sa mga popular na nobelang gaya ng Hototogisu at Konjiki Yasha. Para itong pagtulog nang mahimbing at pagtakas sa nakapapagod na mga bapor, tren, karapatan, tungkulin, moral, at kagandahang- asal. Ang uring ito ng tula, na hiwalay sa mundo at sa mga problema nito, ay sing-halaga ng pagtulog upang matagalan natin ang bilis ng pamumuhay sa ikadalawampung dantaon. Gayon man, sa kasamaang palad, lahat ng makabagong makata, kabilang na ang kanilang mga mambabasa, ay labis na nabighani sa mga Kanluraning manunulat kaya hindi makuhang maglakbay sa lupain ng dalisay na tula. Hindi ko talagang propesyon ang pagtula, kaya hindi ko intensiyong mangaral tungkol sa makabagong panulaan, upang mapagbagong-loob ang iba na sumunod sa uri ng pamumuhay nina Wang Wei at Tao Yuan-Ming. Sapat nang sabihing sa aking opinyon, ang inspirasyong natatamo sa kanilang mga akda ay higit pang mabisang panlaban sa mga problema ng makabagong pamumuhay kaysa sa panonood ng sine o pagdalo sa mga sayawan. Bukod dito, para sa akin, ay higit na kasiya-siya ang ganitong uri ng tula kaysa sa Faust o Hamlet. Ito ang tanging dahilan kung bakit pagdating ng tagsibol, mag-isa kong nilalakad ang landas sa bundok, sukbit sa balikat ang aking tripod at kahon ng pintura. Hinahanap-hanap kong makuha mula sa Kalikasan mismo ang kahit na bahagyang atmospera ng daigdig nina Yuan-Ming at Wang Wei; at kahit pansamantala lamang, naglalakad-lakad ako sa lupaing lubusang hiwalay sa mga pandama at emosyon. Ito'y isang kakatwang ugali ko. Mangyari pa, tao lamang ako. Kaya gaano man kahalaga sa amin ang ganitong napakasarap na pagkatiwalag sa mundo, may hanggan kung saan ako makapag-iisa sa isang panahon. Hindi ako naniniwalang maging si Tao Yuan-Ming ay walang tigil na pinagmasdan ang mga Katimugang burol sa loob ng ilang taon. Ni hindi ko mailarawan sa isip si Wang Wei na natutulog sa kanyang pinakamamahal na kawayanan nang walang kulambo. Malamang, ipinagbibili ni Tao sa isang magbubulaklak ang lahat ng krisantemong di na niya kailangan, samantalang naunahan naman ni Wang ang gobyerno sa pagbebenta ng labong sa lokal na pamilihan. Iyan ang uri ng pagkatao ko. Gaano man ako naakit sa pipit at sa mga rape-blossom, mortal pa rin ako at di nagnanais magkamping sa gitna ng kabundukan.

May makikilala ka kahit sa isang lugar na tulad nito; sa isang matandang lalaki na nakapaloob sa likod ang kimono at may bandang nakabuhol sa baba; isang kabataang babaeng nakapaldang pula; kung minsan, may makakasalubong ka pang kabayo na ang mukha ay higit na mahaba kaysa sa tao. May bahid pa rin ng amoy ng mga tao ang hangin kahit dito sa taas na ilang daang piye mula sa kapatagan ng dagat. Hindi yata tamang sabihing "may bahid ", dahil inaakyat ko ang bundok na ito sa pag-asang makapagpalipas ng gabi sa isang otel sa mga mainit na bukal na Nakoi. Depende sa kinaroroonan mo, ang isang bagay ay maaring magmukhang ibang-iba. Minsan, sinabi ni Leonardo da Vinci sa isang estudyante: " Pakinggan mo ang tunog ng kampanang iyon. Iisa lang ang kampana, pero maririnig mo ito sa napakaraming paraan." Dahil sa subhetibo ang paghuhusga natin, maaring magkaiba-iba ang mga opinyon tungkol sa iisang tao, lalaki man o babae. Sa ano't ano man, dahil ang layunin ko sa paglalakbay na ito ay pagtagumpayan ang emosyon, at masdan ang mga bagay-bagay nang walang damdamin tiyak na iba na ang tingin ko sa mga tao ngayon kaysa noong namumuhay pa ako sa piling nila sa isang masikip na klayenon sa magulo at isinumpang siyudad - ang daigdig ng tao. Di man ako maging ganap na obhetibo, kahit papaano, ang damdamin ko'y di dapat maging mas matindi pa kaysa kung ako'y nanonood ng dulang Noh. Kung minsan, maging ang Noh ay nagiging sentimental. Papaano makatitiyak na hindi ka paluluhain ng Shickikiochi o Sumidagawa? Gayon man, tunay na emosyon ang treinta porsiyento ng Noh, at teknik naman ang natitirang sitenta porsiyento nito. Ang husay at pang-akit ng Noh ay hindi dahil mahusay nitong ipinamamalas ang emosyon at ugnayang pantao na parang tunay na buhay kundi dahil humahango ito ng mga pangyayaring pangkaraniwan saka ito dinadamitan ng patung-patong na sining, upang makalikha ng mabagal at halos nakaaantok na modelo ng kaasalan, na di makikita sa tunay na buhay. Ano kaya ang mangyayari, kung habang isinasagawa ko ang maikling paglalakbay na ito, ay ituturing kong bahagi ng dulang Noh ang mga pangyayari, at ang mga taong nakikilala ko ay mga aktor. Dahil tula ang pangunahing layunin ng paglalakbay na ito, ibig kong samantalahin na ang pagkakataon ng pagiging malapit sa kapaligirang Noh sa pamamagitan ng pagtitimpi sa aking mga emosyon hangga't maari, bagamat alam kong hindi ko lubusang maisasantabi ang mga iyon. Ang "Katimugang mga Burol" at mga "Kawayanan", ang pipit at mga rape-blossom ay may taglay na sariling karakter, na ibang-iba sa sangkatauhan. Gayon man, hangga't maari, ibig kong pagmasdan ang mga tao mula sa punto de bista ng dalisay na mundo ng tula. Kay Bassho, kahit ang kabayong umiihi sa tabi ng kanyang unan ay eleganteng paksa ng Hokku. Mula ngayon, ituturing ko na ring bahagi lamang ng pangkahalatang kanbas ng Kalikasan ang lahat ng makita kong magsasaka, negosyante, klerk sa nayon, matandang babae at lalaki. Alam kong naiiba sila sa mga pigura sa isang larawan, dahil bawat isa'y kikilos ayon sa gusto niya. Gayun pa man, sa palagay ko'y bulgar ang pagsusuri ng karaniwang nobelista sa kanilang mga tauhan, ang pagtatangka nilang silipin ang isipan ng mga ito at ang pakikialam sa pang-araw-araw nilang mga problema. Walang halaga sa akin kahit gumagalaw ang mga tao, dahil iisipin kong sila'y gumagalaw sa larawan lamang; at ang mga pigura sa isang larawan, gumalaw man nang gumalaw, ay nakakulong sa dadalawang dimensiyon. Siyempre, kung iisipin mong may tatlong dimensiyon sila, magkakaroon ng kumplikasyon dahil makikita mo na lamang na natutulak ka, at minsan pa, mapipilitan kang pag-isipan ang inyong pagbabanggaan ng mga interes. Maliwanag na imposible para kanino mang nasa sitwasyong ito na tingnan ang mga bagay sa punto de bista ng sining. Mula ngayon, magiging obhetibo ako sa pagmamasid sa lahat ng makikilala ko. Sa ganitong paraan, makaiiwas ako sa ano mang ugnayang emosyonal na maaring mamagitan sa aming dalawa, kaya hindi ako maaapektuhan

gaano man siya kalapit sa akin. Sa maikling salita, para lang akong nakatayo sa harap ng isang larawan , nagmamasid sa masiglang kilos ng mga tauhan dito. Sa layong tatlong piye mula sa kanbas, mahinahon mo itong mapagmamasdan, dahil walang panganib na masasangkot. Sa ibang salita, hindi maaagaw ng sariling interes ang iyong kakayahang mag-iisip kaya maibubuhos mo ang atensiyon sa pagmamasid sa mga galaw ng mga tauhan mula sa artistikong pananaw. Nangangahulugang maibubuhos mo nang husto ang iyong pansin sa paghusga sa kung alin ang maganda at alin ang hindi. Nang makabuo ako ng ganitong konklusyon, napatingala ako at napansin kong nagbabanta ang langit. Pakiramdam ko'y nasa tuktok ko na ang bigat ng ulap. Ngunit halos di ko napansin, biglang kumalat ang ulap at ang buong kalangitan ay naging isang napakagandang dagat ng ulap, na naghuhulog ng masinsing patak ng ulang tagsibol. Nasa pagitan na ako ngayon ng dalawang bundok at malayo ang mga rape-blossom. Hindi ko nga lamang masabi kung gaano na kalayo, dahil napakasinsin ng ulan. Paminsan-minsan, may sumasalit na hangin at nahahawi ang mataas na kurtinang ulap, saka lilitaw sa dakong kanan ang maitim na abuhing gilid ng bundok. Tila may mga kabundukang nakalatag sa kabila ng kapatagan. Sa dakong kaliwa, tanaw ko ang paanan ng isa pang bundok, at kung minsan sa kabila ng parang kurtinang ambon, nabubuo ang tila aninong hugis ng mga punong pino, na nalalabas saglit at muling magtatago. Hindi ko alam kung ulan o ang mga puno ang gumagalaw, o kung ang lahat ng nasasaksihan ko ay bahagi lamang ng panaginip. Ano man iyon, sa tingin ko'y ibang-iba sa karaniwan at napakaganda. Sa dakong ito, di ko inaasahang naging napakaluwag ng daanan; dahil pantay ito, ang paglalakad ay hindi napakasakit sa likod na gaya ng dati. Mabuti naman, dahil hindi ko napaghandaan ang ulan mula sa aking sumbrero nang makarinig ako ng pagkuliling ng mga kampanilya sa layong sampu o labindalawang yarda. Mula sa kadiliman, sumulpot ang anino ng kutsero. "May alam ba kayong matitigilan dito?" "May tea house sa banda roon, mga isang milya ang layo. Basang-basa na kayo, a!" Isang milya pa! Lumingon ako at pinagmasdan ang kutsero na nagmimistulang anino sa isang umaandap na mahiwagang lampara, hanggang sa unti-unting sumanib ang anyo nito sa ulan at lubusang mawala sa paningin. Ang mga patak ng ulan, na kanina'y parang pinung-pinong ipa na tinatangay ng hangin, ay papalaki na ngayon at papahaba, at nakikita ko nang buo ang bawat patak. Basang-basa na ang aking haori at ang ulang bumabasa maging sa aking mga panloob na kasuotan, ay maligamgam na sa init ng aking katawan. Napakakawawa ng pakiramdam ko kaya itinakip ko sa isang mata ang aking sumbrero at binilisan ang paglakad. Kung sa iba mangyayari ito, naisip ko na ang pagkabasa sa ulan na napaliligiran ng di mabilang na patak ng pilak habang naglalakad sa abuhing kalawakan, ay magandang paksa ng isang kahanga-hangang tula. Kapag lubos ko lamang nalimutan ang aking materyal na buhay, at tiningnan ang aking sarili sa isang obhetibong pananaw, saka ko pa lamang maiaakma ang sarili, tulad ng pigura sa larawan sa kagandahan ng Kalikasan sa aking paligid. Sa sandaling mainis ako sa ulan, o mayamot dahil sa pagod na ako sa paglalakad, hindi na ako ang karakter sa isang tula, o ang pigura sa isang larawan, at muli akong mababalik sa dating walang pang-unawa at walang pakiramdam na lalaki sa kalye gaya ng dati. Kung ganoon ay bulag ako sa kagandahan ng nagdaraang ulap; walang pakiramdam sa pagkalagas ng bulaklak o iyak ng ibon, at lalo nang walang pagpapahalaga sa napakagandang larawan ng aking sarili na nag-iisang naglalakad sa kabundunkan isang araw ng tagsibol. Nang una, hinatak ko pababa ang sumbrero at binilisan ko ang paglakad. Nang malaunan, pinagmasdan kong mabuti ang mga paa ko. Sa wakas, talunan at

laylay ang mga balikat, humakbang akong parang kawawang-kawawa. Sa lahat ng dako, inaalog ng hangin ang mga tuktok ng puno, at pinagmamadali ang ulilang naglalakad. Pakiramdam ko'y napalayo na ako nang husto sa sangkatauhan!

LUPAIN NG TAGLAMIG Ni Yasunari Kawabata (Salin ni Rogelio Sicat) ´Noonµ: lipas na ang panahon ng panganib dahil sa mga pagguho ng yelo, dumating na ang panahon ng pag-akyat sa bundok sa kaluntian na tagsibol. Si Shimamura, na nabubuhay sa kawalan ng magawa, ay nakatuklas na kung minsa·y nawawala ang katapatan niya sa sarili, at malimit siyang nagpupuntang mag-isa sa bundok upang mabawi rito ang kung anong bahagi nito. Bumaba siya sa nayon ng mainit na bukal pagkaraan ng pitong araw sa hangganan sa bundok. Nagpatawag siya ng isang geisha. Gayunman, sabi ng katulong na babae na baka okupado ang lahat ng geisha dahil may selebrasyon nang araw na iyon«Ngunit baka sakaling makapunta ang babaeng nakatira sa titser ng musika. Kung minsan, tumutulong ito sa mga pagtitipon ngunit umuuwi na pagkaraan ng dalawa o tatlong sayaw lamang. Nang mag-usisa pa si Shimamura, nagkwento ang katulong tungkol sa babaeng nakatira sa titser: ang titser ng samisen at ng sayaw ay may kasamang isang babae, hindi geisha, ngunit kung minsa·y napapakiusapang tumulong sa malalaking pagtitipon. Dahil walang bata sa bayan na nagsasanay para maging geisha,at dahil karamihan sa mga lokal na geisha ay nasa gulang na ayaw nang sumayaw, mahalaga ang serbisyo ng babae. Hindi siya kailanman dumarating na mag-isa para aliwin ang isang bisita sa otel, ngunit hindi rin naman siya matatawag na baguhan ² sa pangkalahata·y ganito ang ikinuwento ng katulong. Kakatwang istorya, sabi ni Shimamura sa sarili, at ito·y kinalimutan niya. Gayunman, pagkaraan ng may isang oras, dumating ang babaeng nakatira sa titser ng musika, kasama ang katulong. Tumayo si Shimamura. Paalis na ang katulong ngunit tinawag ito ng babae. Nagbigay ang babae ng impresyon ng lubos na kalinisan at kasariwaan. Palagay ni Shimamura ay malinis ito hanggang sa gilit ng mga daliri ng paa.Napakalinis nito kaya naisip niyang baka dinadaya siya ng kanyang matang nasanay sa katitingin sa maagang tagaraw sa kabundukan. May bagay sa pananamit ng babae na nagpapahiwatig ng isang geisha, kahit hindi nito suot ang mahabang saya ng geisha. Sa halip, suot nito ang malambot at pantay-araw na kimono na nagbibigay ng anyong kagalang-galang. Mukhang mamahalin ang obi, hindi bagay sa kimono at lihim siyang nalungkot. Tahimik na lumabas ang katulong nang magsimula silang mag-usap tungkol sa mga bundok. Hindi tiyak ng babae ang pangalan ng bundok na nakikita mula sa otel at dahil hindi ganadong uminom ng alak si Shimamura na maaari niyang maramdaman kung kasama ang isang ordinaryong geisha, sinimulang isalaysay ng babae ang nakaraan nito. Ipinanganak siya sa lupaing ito ng yelo ngunit siya·y kinontrata bilang geisha sa Tokyo. Di nagtagal, nakatagpo siya ng patron na nagbayad ng kanyang mga utang at nag-alok na tutulungan siyang maging titser ng sayaw, ngunit sa kasawiang-palad, namatay ito pagkaraan ng isa·t kalahating taon. Nang dumating sa punto ng kung ano ang nangyari mula noon, bantulot itong magkwento ng kanyang mga sikreto. Sinabi ng babae na siya·y disinwebe anyos. Akala

ni Shimamura ay beinte uno o beinte dos ito at dahil ipinalagay niyang hindi ito nagsisinungaling, ang kaalamang maaga itong tumanda ay nagdulot sa kanya ng bahagyang kapanatagang inaasahan niyang madama sa piling ng isang geisha. Nang simulan nilang pag-usapan ang Kabuki, natuklasan niyang mas maraming alam ang babae tungkol sa mga aktor at estilo kaysa kanya. Nagkwento ang babae na parang sabik sa isang tagapakinig, at di nagtagal, naging panatag ang loob nito na sa wakas ay naglantad dito bilang tagapaghatid ng aliw. At sa pangkalahatan, parang alam nito ang lahat ng dapat malaman tungkol sa mga lalaki. Gayunman, inisip ni Shimamura na ito·y baguhan at pagkaraan ng isang linggo ng pag-akyat sa bundok na wala siyang nakausap kahit isa, natagpuan niya ang sariling naghahanap ng isang kasama. Pakikipagkaibigan, samakatwid at hindi ano pa man ang naramdaman niya sa babae. Lumawak ang naging damdamin niya sa kabundukan upang sakupin pati ang babae. Kauupo pa lamang ng babae nang hilingin niya ritong ikuha siya ng isang geisha. ´Ikuha ka ng geisha?µ ´Alam mo ang ibig kong sabihin.µ ´Hindi ako pumasok dito para utusan ng ganyan.µ Bigla itong tumayo at lumapit sa bintana,namumula ang mukha habang nakatingin sa kabundukan. ´Walang ganyang babae rito.µ ´Huwag mo na akong lokohin.µ ´Iyan ang totoo.µ Mabilis itong bumaling upang humarap sa kanya at pagkaraa·y naupo sa pasimano ng bintana. ´Walang nakakapilit sa geisha na gawin ang ayaw niya. Bahala ang geisha mismo. Serbisyo iyan na hindi maibibigay sa iyo ng otel. Sige, kung gusto mo·y ikaw ang tumawag. Ikaw mismo ang makipag-usap.µ ´Ikaw ang tumawag para sa akin.µ ´Bakit ako ang gusto mong gumawa niyan?µ ´Itinuturing kitang kaibigan. Kaya nga tinatrato kitang mabuti.µ ´At ganito ang ipagagawa mo sa isang kaibigan?µ Gumagaya sa kanyang pamamaraan, ang babae·y tila naging nakakatuwang bata. Ngunit pagkaraan ng ilang saglit, bumulalas ito:µAng galing mo naman at ako pa ang hinilingan mong gumawa ng gayong bagay!µ ´Anong masama? Masyado lang akong lumakas pagkaraan ng isang linggo sa kabundukan, iyan lang. Mali-mali tuloy ang naiisip ko. Ni hindi ako makaupo rito para makipag-usap sa iyo sa paraang gusto ko.µ Tahimik ang babae, nakatingin sa sahig. Umabot na si Shimamura sa puntong alam niyang ipinaparada lamang niya ang kawalanghiyaan ng isang lalaki ngunit mukhang sanay na rin dito ang babae at hindi nasisindak. Tiningnan niya ito. Marahil, ang malantik na pilikmata ng nakababang mata ang nagdudulot sa mukha nito ng init at tukso. Umiling nang bahagya ang babae, at muli, isang mapusyaw na pamumula ang kumalat sa mukha nito. ´Kunin mo ang geisha na gusto mo.µ ´Di ba iyan nga mismo ang hinihingi kong gawin mo? Ngayon lamang ako nakarating dito, at wala akong idea kung sinong geisha ang pinakamaganda.µ ´Ano ba ang maganda sa iyo?µ ´Iyong bata. Hindi ka masyadong magkakamali kapag sila·y bata. At iyong hindi

gaanong madaldal. Malinis at hindi gaanong mabilis. Kung gusto kong may kausap, maaari kitang kausapin,µ ¶Hindi na ako babalik dito.µ ´Huwag kang gaga.µ ´Sabi ko·y hindi na ako babalik. Bakit pa ako babalik?µ ´Di ba sinabi ko na sa iyo na gusto kong magkipagkaibigan sa iyo kaya tintrato kitang mabuti?µ ´Tama na·ng sinabi mo.µ ´Halimbawang sumobra ako sa pakikitungo sa iyo, malamang na bukas lang ay hindi na kita gustong kausapin. Hindi na kita gusto pang makita. Pupunta ako sa bundok upang muling magustuhang makipag-usap sa tao, at iiwan kita para makausap ko. At ikaw mismo, paano ka? Hindi ka maaaring magpakaingat sa mga nagpupunta rito.µ ´Totoo.µ ´Talagang totoo. Isipin mo ang sarili mo. Kung siya·y isang babaeng hindi mo gusto, hindi mo na hahangaring makita pa ako pagkaraan. Mas mabuti para sa kanya kung siya·y babaeng iyong pinili.µ ´Tama na, tama na.µ Biglang bumaling ang babae, ngunit maya-maya·y idinagdag nito: ´Mayroon kang ibig ipakahulugan sa iyong sinabi.µ ´Isang panandaliang relasyon, iyon lang. Walang maganda rito. Alam mo iyan ² hindi nagtatagal.µ ´Totoo. Laging ganyan ang lahat ng nagpupunta rito. Ito·y isang bukal at napaparito ang tao ng isa-dalawang araw at pagkaraa·y aalis na.µ Prangka ang kanyang pananalita ² napakabilis ng kanyang pagbabago. ´Karaniwang mga nagbibiyahe ang naparirito. Bata pa ako pero narinig ko na ang lahat ng usapan. Ang bisitang hindi nagsasabi sa iyo na gusto ka niya, gayong alam mo namang gusto ka - siya ang mas magiliw mong natatandaan. Hindi mo siya malilimutan kahit, matagal ka na niyang iniwan, sabi nila. At siya rin ang nagpapadala ng sulat sa iyo.µ Mula sa pagkakaupo sa pasamano, tumayo ang babae at naupo sa banig sa ibaba nito. Para itong nabubuhay sa nakaraaan,ngunit tila napakalapit din niya kay Shimamura. Taglay ng boses ng babae ang tono ng malapit na damdamin at bahagyang nakonsensya si Shimamura. Parang napakadali niyang napaglalangan ang babae. Gayuman·y hindi siya nagsisinungaling. Para sa kanya·y baguhan ang babaeng ito. Ang kasabikan niya sa isang babae ay hindi iyong mag-uudyok sa kanya na gustuhin ang particular na babaeng ito ² kasabikan iyong kailangang idaos nang walang pananagutan Napakalinis ng babaeng ito. Mula nang ito·y kaniyang makita, inihiwalay na niya ang babaeng ito sa iba pa. Bukod dito, nang pinag-iisipan na niya kung saan pupunta para takasan ang init ng tagaraw, naisip niyang maaari niyang dahilan ang kanyang pamilya sa bukal na ito sa bundok. Sa kabutihang-palad, ang babae ay baguhan. Pwede itong mabuting kasama ng kanyang maybahay. Maaari pa niyang paturuan ng sayaw ang kanyang maybahay upang huwag itong mainip. Medyo seryoso siya rito. Sinabi niyang pakikipagkaibigan lamang ang nararamdaman niya sa babae ngunit may dahilan siya sa paglusong sa mababaw na tubig nang hindi nagpapakabasa. At walang dudang may bagay na katulad ng panggabing salamin sa pangyayaring ito.

Ayaw niyang isipin ang mahabang komplikasyon ng relasyon sa isang babaeng alanganin ang katayuan ngunit bukod dito, nakita niya ang babae na parang hindi totoo, tulad ng mukha ng babae sa panggabing salamin Gayon din ang panlasa niya sa sayaw na Kanluranin, parang hindi totoo. Lumaki siya sa distrito ng komersyo sa Tokyo, at mula sa pagkabata ay pamilyar na pamilyar na siya sa teatro ng Kabuki. Bilang estudyante, nabaling ang kanyang interes sa sayaw na Hapon at sayaw-dula. Hindi nasisiyahan hangga·t hindi niya natututuhan ang lahat ng gusto niyang pag-aralan, nagsaliksik siya sa mga lumang dokumento na pinuntahan ang mga puno ng iba·t ibang eskwelahan ng sayaw at di nagtagal naging kaibigan niya ang mga sumisikat na personalidad sa daigdig ng sayaw at nagsulat ng maaaring tawaging mga pananaliksik at mapanuring sanaysay. Natural lamang kung gayon, na mabuo sa kanya ang malalim na pagtutol sa nahihimbing na matandang tradisyon at sa mga repormador na ang gusto lamang ay bigyang-kasiyahan ang kanilang mga sarili. Nang ipasya na niyang wala nang ibang dapat gawin kundi lubusang ilahok ang sarili sa kilusan ng sayaw at dahil hinihimok siya ng ilan sa mga batang personalidad sa daigdig ng sayaw, bigla siyang lumipat sa sayaw ng Kanluranin. Maaaring masabi na sa kauna-unahang pagkakataon, nagagamit niya ngayon nang husto ang kanyang kaalaman, pagkat ang usapan sa sayaw ay nakatulong upang lalong mapalapit ang babae sa kanya; ngunit possible rin bagaman hindi niya halos namamalayan na tinatrato niya ang babae gaya ng mismong pagtrato niya sa Kanluraning sayaw. Bahagya siyang nagsisi na parang dinaya niya ang babae nang makita niyang ang pambobola ng manlalakbay na aalis bukas ay sumanggi sa isang bagay na malalim at seryoso sa buhay ng babae. Ngunit nagpatuloy siya:µMaaari kong dalhin ang pamilya ko rito at magiging magkakaibigan tayo.µ ´Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin.µ Ngumiti ang babae bumaba ang boses at lumutang ang bahagyang mapaglarong himig ng isang geisha. ´Mas gusto ko pa nga ang gayon. Mas magtatagal kung magiging magkaibigan lamang tayo.µ ´Itatawag mo ako ng iba kung gayon?µ ´Ngayon?µ ´Ngayon.µ ´Pero ano ang masasabi mo sa isang babae e araw na araw?µ ´Kung gabi, napakadelikadong may matirang latak na di gusto ng sinuman.µ ´Akala mo·y mababang klaseng bukal ang bayang ito tulad ng iba. Parang alam mo na pagkakita mo pa lang.µ Naging seryoso na naman ang tono ng babae. Inulit nito nang may diing tulad ng dati na walang babae rito tulad ng kanyang kursunada. Nang ayaw maniwala ni Shimamura,nagsiklab ang babae,at pagkaraa·y umurong ng isang hakbang. Depende sa babae kung

mananatili siya sa gabi o hindi. Kapag nanatili siya nang walang permiso mula sa kanyang bahay, sariling responsibilidad niya iyon. Kung siya·y may permiso, malaki ang responsibilidad ng bahay, anuman ang mangyari. Iyon ang pagkakaiba. ´Buong responsibilidad?µ ´Kung magkakaanak, o magkakaroon ng anumang sakit.µ Bahagyang napangiwi si Shimamura sa kamalian ng kanyang tanong. Sa isang nayon sa bundok, gayuman, ang kasunduan ng geisha at ng kanyang kostumer ay maaari ngang gayon pa kasimple. Sa pangkalahatan, ang bahay na nagmamantini ng geisha ay may kupas na kurtinang nag-aanunsyo na ito·y restawran o inuman ng tsa ngunit isang sulyap lamang sa lumang estilong dumudulas na pinto, na ang mga panel na papel ay nangingitim sa kalumaan, ay sapat na para magsuspetsa ang nagdaraan na kakaunti ang kostumer. Ang tindahang nagbebenta ng kendi o sarisaring gamit pang-araw-araw ay may isang geisha at ang may-ari ay may kapirasong bukid, bukod pa sa tindahan at sa geisha. Marahil, dahil nakatira ang babae sa titser ng musika, tila walang pumupuna sa pangyayaring hindi pa siya lisensiyado bilang geisha ay tumutulong na siya paminsanminsan sa mga pagtitipon. ´Ilang lahat mayroon?µ ´Ilang geisha?µ Labindalawa o labintatlo, palagay ko. ´ Sino ang irerekomenda mo?µ Tumayo si Shimamura upang kulilingin ang katulong. ´Maaari na ba akong umalis?µ ´Huwag. Miwan ka.µ 9 ´Hindi ako maaaring magpaiwan.µ Nangusap ang babae na parang binabawi ang pagkapahiya, ´Aalis na ako. Huwag kang mag-alala. Babalik din ako.µ Nang pumasok ang katulong gayuman, naupo ang babae parang walang nangyari. Makailang itinanong ng katulong kung sinong geisha ang tatawagin, ngunit tumanggi ang babaeng magbigay ng pangalan. Isang tingin lamang sa disiotso anyos na geisha na pinapasok sa kwarto ay naramdaman na ni Shimamura na nawala ang pangangailangan niya sa isang babae. Ang mga kamay nito na makutim sa ilalim ay hindi pa hustong nagkakalaman at may bagay ritong nagpapahiwatig ng isang mabuting batang hindi pa nahuhubog nang husto. Nahirapan si Shimamura na itagong wala na

siyang interes at kunwa·y maginoo niya itong hinarap ngunit hindi niya maiwasang mas tumingin sa sumisibol na kaluntian sa bundok ng likuran nito« Gayunman, nagawa niyang palipasin ang isang oras. Naghahanap ng dahilan para ito·y madispatsa, naalala niyang may pera nga pala siyang ipinatelegrama mula sa Tokyo. Kailangan niyang pumunta sa opisina ng koreo bago ito magsara, sabi niya, at silang dalawa ng geisha ay lumabas ng silid. Ngunit sa pinto ng otel, tinukso siya ng bundok. Matindi ang amoy ng mga bagong sibol na dahon. Patakbo siyang umakyat dito. Pagkaraa·y nagtawa siya nang nagtawa na sarili niya mismo·y hindi niya alam kung ano ang nakakatawa. Pagod na ngunit nasisiyahan, bigla siyang luminga at hinihigpitan ang obi ng kanyang kimono, patakbo at pasugod siyang bumaba sa dalisdis. Dalawang dilaw na paruparo ang lumipad sa kanyang paanan. Paikut-ikot ang mga paruparo at lumipad paitaas sa linya ng hangganan ng bundok, ang dilaw na kulay ay naging puti sa malayo. ´Ano·ng nangyari?µ Nakatayo ang babae sa ilallim ng mga punong cedar. ´Masayangmasaya ka siguro dahil panay ang tawa mo.µ ´Suko na ako.µ Tumalikod ang babae at marahang lumakad sa kulumpon ng mga puno. Tahimik na sumunod si Shimamura. Isang templo ang nasa loob ng kakahuyan. Naupo ang babae sa isang malapad na bato. Sa tabi ay may mga asong nililok sa bato na nilulumot na. ´Laging malamig dito. Malamig ang hangin maski sa kalagitnaan ng tag-araw.µ ´Gano·n ba·ng lahat ang geisha?µ ´Halos magkakatulad sila, palagay ko. Ilan sa medyo may-edad ang nakaaakit kung isa sa kanila ang nagustuhan mo.µ Nakatingin ang babae sa lupa at malamig ang kanyang pagsasalita. Humuhugis sa kanyang leeg ang matingkad na kaluntian ng mga cedar. Tiningala ni Shimamura ang sanga ng mga cedar. ´Tapos na. Naubos na ang lakas ko ² nakakatawa pero totoo.µ Mula sa likod ng malaking bato, tuwid ang katawan ng matataas na cedar, sobra ang taas kaya nakikita lamang ni Shimamura ang mga taluktok kung liliyad siya. ´Nagkamali ako. Nakita kita pagbabang-pagbaba ko mula sa bundok at inisip kong lahat ng geisha ay katulad mo.µ Tumawa siya. Ngayo·y naalala niya ang ideang ibig niyang ilabas agad ang lahat ng lakas ng pitong araw sa kabundukan ay una niyang naisip nang makita niya ang kalinisan ng babaeng ito. Tumitig ang babae sa ilog sa ibaba, malayo sa sikat ng panghapong araw. Medyo hindi nakatitiyak si Shimamura sa kanyang sarili. ´Nalimutan ko pala,µ biglang sabi ng babae, pinipilit pagaanin ang pagsasalita. ´Dinala

ko ang tabako mo. Bumalik ako sa iyong kwarto kani-kanina at nalaman kong umalis ka. Inisip ko kung saan ka maaaring nagpunta at nakita kitang patakbong umaakyat sa bundok. Pinanood kita mula sa bintana Nakakatawa ka. Eto.µ Dinukot nito ang tabako sa manggas ng kimono at nagsindi ng posporo para sa kanya. ´Hindi maganda ang ipinakita ko sa kawawang batang iyon.µ ´Kung tutuusin naman, depende sa bisita kung gusto na niyang paalisin ang geisha.µ Sa katahimikan, umabot sa kanila ang dagundong ng ilog nang may supil na kalambutan. ´Kung hindi rin lang kasimbuti mo, naiisip kong nadaya ako kapag nakita kita pagkaraan.µ ´Huwag mong sabihin sa akin iyan. Ayaw mo lang tanggapin na natalo ka. Gano·n kasimple.µ May pagkutya sa boses ng babae ngunit nagkaroon ng isang bagong uri ng pagtatangi sa kanilang pagitan. Nang maging malinaw kay Shimamura na ang babaeng ito lamang ang gusto niya sa umpisa pa lamang, tulad ng dati·y nagpaikut-ikot pa siya sa pagsasabi nito, nagsimula siyang mapoot sa sarili, at ang babae·y higit na gumanda. May bagay sa mahinahong babaeng ito na tumagos sa kanya matapos siyang tawagin nito sa lilim ng cedar. Bahagyang malungkot, tila naninimdim, ang mataas at manipis na ilong ng babae, ngunit ang buko ng kanyang mga labi ay bumubuka at madulas na sumasara tulad ng isang maliit at magandang sirkulo ng mga linta«Ang gilid ng kanyang mga mata ay hindi umaangat o bumababa. Tila may isang espesyal na dahilan, tuwid itong nakaguhit sa kanyang mukha. May bagay na bahagyang nakatatawa rito ngunit mabining nakalaylay ang maikli at makapal niyang kilay upang pinidong takpan ang guhit. Walang katangi-tangi sa hubog ng kanyang bilog at may bahagyang tulis na mukha. Sa kanyang balat na tila porselana na pinatungan ng mapusyaw na rosas at sa kanyang leeg na tila sa bata pa, hindi pa hustong nagkakalaman ay nangingibabaw ang impresyon ng kalinisan, hindi ng tunay na kagandahan. Ang dibdib niya·y matambok para sa isang babaeng nasanay sa mataas at mahigpit na obi ng isang geisha. ´Naglalabasan na ang mga langaw,µ sabi ng babae na tumayo at pinagpag ang saya ng kanyang kimono. Nag-iisa sa katahimikan, wala silang anumang maisip na sasabihin. Alas diyes na marahil nang gabing iyon. Mula sa bulwagan, malakas na tumawag ang babae kay Shimamura at isang sandali pa, bumagsak ito sa kanyang kwarto na parang may nagsalya. Bumagsak ito sa harap ng mesa. Inihahampas ang lasing na kamay sa anumang nagkataong naroon, nagsalin ito ng isang basong tubig at sunud-sunod na lumagok. Nang gabing iyon, lumabas ang babae upang sumalubong sa ilang manlalakbay na bababa mula sa bundok, mga lalaking naging kaibigan niya noong panahon ng skiing nang nakaraang taglamig. Inimbitahan siya ng mga ito sa otel, na pinagdausan nila ng magulong parti, kompleto hanggang geisha at ito·y nalasing. Pabaling-baling ang ulo nito at tila hindi titigil sa kasasalita. Maya-maya·y natauhan ito. ´Hindi ako dapat narito. Babalik na lang ako. Hahanapin nila ako.µ Sumuray ito palabas sa kwarto. Pagkaraan ng may isang oras, nakarinig si Shimamura ng di pantay na hakbang mula sa mahabang bulwagan, Parang hahapa-hapay ang babae, bumabangga sa dingding, natatalisod sa sahig. ´Shimamura, Shimamura,µ malakas ang tawag ng babae. Hindi ako makakita,

Shimamura.µ Ang tawag na iyon na walang pagtatangkang magkunwari ay hayag na puso ng isang babaeng nagpapatulong sa lalaking itinatangi. Nagitla si Shimamura. Dagli siyang bumangon. Binutas ng daliiri ng babae ang panel na papel, kumapit ito sa balangkas ng pinto at mabigat na napasadlak sa kanya. ´Narito ka,µ sabi ng babae. Yumayakap sa kanya, napaupo ito sa sahig. Sumandal ito sa kanya habang nagsasalita. ´Hindi ako lasing. Sinong may sabing lasing ako? A, ang sakit, ang sakit. Talagang masakit. Alam ko·ng aking ginagawa. Bigyan mo ako ng tubig, gusto ko ng tubig. Pinaghalo ko ang aking ininom, nagkamali ako. Iyon ang pumapasok sa ulo. Masakit. May bote sila ng murang wiski. Pa·no ko malalamang mura iyon?µ Pinunasan nito ng mga kamao ang noo. Biglang-biglang lumakas ang ingay ng ulan sa labas. Tuwing luluwagan ni Shimamura ang kanyang yakap, kahit bahagya lamang, nagmumuntikanang bumagsak ang babae. Mahigpit na nakapulupot ang kanyang braso sa leeg ng babae kaya nagulo ang buhok nito sa kanyang pisngi. Ipinasok niya ang isang kamay sa leeg ng kimono nito. Idinagdag niya ang mga salitang pang-alo ngunit hindi ito sumagot. Parang harang na itiniklop nito ang braso sa ibabaw ng dibdib na kanyang hinihinging luwagan. ´Ano ka ba?µ Mabangis na kinagat ng babae ang sariling braso na parang galit sa pagtanggi nitong humarang. ´Putang ¶na mo, putang ¶na mo. Tamad. Inutil. Inutil. Ano ba·ng nangyayari sa iyo?µ Gulilat na napaurong si Shimamura. May malalim na marka ng ngipin sa braso ng babae. Ngunit hindi na ito tumutol. Nagpapaubaya sa kanyang kamay, nagsimula itong sumulat sa pamamagitan ng dulo ng daliri. Sasabihin nito sa kanya ang mga tao nitong gusto, anang babae. Pagkaraang maisulat ang pangalan ng may dalawampu o tatlumpung actor, isinulat nito, Shimamura, Shimamura,µ nang paulit-ulit. Ang katakam-takam na alon sa ilalim ng palad ni Shimamura ay uminit. ´Ayos na ang lahat.µ Mahinahon ang kanyang boses. ´Ayos na naman ang lahat.µ Nakaramdam siya ng bagay na parang sa isang ina sa babae. Ngunit bumalik na naman ang sakit ng ulo nito. Nag-alumpihit at namilipit ang babae at naupo sa sahig sa sulok ng kwarto ´ayaw maalis. Ayaw maalis. Uuwi ako. Uuwi.µ ´Palagay mo ba·y makakalakad ka nang gayon kalayo? Pakinggan mo·ng ulan.µ ´kung kailanga·y tapak ako uuwi. Gagapang ako hanggang bahay.µ ´at akala mo ba·y hindi delikado iyan? Kung kailangang mong umuwi ihahatid kita.µ Ang otel ay nasa isang burol at matarik ang kalsada. ´Subukan mong luwagan ang damit mo. Mahiga ka sandali nang mapahinga ka bago umuwi.µ ´Hindi, hindi. Ito ang daan. Sanay ako rito.µ Tuwid na naupo ang babae at huminga nang malalim, ngunit malinaw na nahihirapan itong huminga. Para raw itong masusuka, sabi nito at binuksan ang bintana sa likod ngunit hindi makasuka. Tila pinipigil nito ang darili na bumagsak nang namimilipit sa sahig. Maya·t maya·y natatauhan ito. ´Uuwi ako, uuwi ako,µ at di nagtagal ay pasado alas dos na. ´Mahiga ka kapag may nagsasabi sa iyo.µ

´Pero ano·ng gagawin mo?µ Tanong ni Shimamura. ´Mauupo ako rito. Ganito. Kapag bumuti-buti ang pakiramdam ko, uuwi ako. Uuwi ako bago mag-umaga.µ Paluhod itong gumapang at hinila siya. ´Matulog ka na. Huwag mo akong pansinin, sinasabi ko sa iyo.µ Nahiga uli si shimamura. Dumuhapang ang babae sa mesa at muling uminom ng tubig. ´Bangon. Bangon kapag may nagsasabi sa iyong bumangon.µ ´Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko?µ ´sige, matulog ka na.µ ´Alam mo, hindi kita maintindihan.µ Hinatak ni Shimamura ang babae sa kama pagkaraan niyang mahiga. Kalahati ng mukha nito·y nalatalikod, nakakubli sa kanya ngunit hindi nagtagal, marahas nitong ibinaling ang mga labi sa kanya. At pagkaraan, parang nagdedeliryong sinasabi nito ang kanyang sakit, inulit-ulit ng babae, hindi malaman ni Shimamura kung ilang beses: ´Hindi, hindi. Hindi ba sabi mo·y gusto mong magkaibigan tayo?µ Ang halos napakaseryosong tono nito ay nakapagpalamig sa kanyang gana at habang nakikita niya ang pagkulubot ng noo nito sa pagtatangkang kontrolin ang sarili, naisip niyang panindigan ang binitiwang pangako. Ngunit sinabi ng babae: ´Hindi ako magsisisi. Hindi ako kailanman magsisisi. Pero hindi ako ganoong babae. Hindi magtatagal. Hindi ba·t ikaw mismo ang may sabi niyan?µ Halos lito pa ang babae sa alak. :Hindi ko kasalanan ito. Kasalanan mo. Talo ka. Ikaw ang mas mahina. Hindi ako.µ Tila nahihibang na parang nilalabanan ang kaligayahan. Ilang sandaling tumahimik ang babae sa malas ay naubusan ng sasabihin. Pagkaraan, tila ang pagkaalala·y dumating dito mula sa isang sulok ng gunita, nang-uusig ito: ´Nagtatawa ka, ano? Pinagtatawanan mo ako.µ ´Hindi.µ ´Sa sarili mo·y pinagtatawanan mo ako. Kung hindi man ngayo·y pagkaraan. ´Hindi ito makapagsalita sa pag-iyak. Tumalikod ito sa kanya at ibinaon ang mukha sa mga kamay. Ngunit ilang sandali pa·y kalmante na naman ito. Mahinahon at maamo na tila ipinauubaya ang sarili, bigla itong naging masuyo at sinimulang ikwento ang lahat tungkol sa kanyang sarili. Parang nalimutan na nito ang sakit ng ulo. Wala itong sinabi tungkol sa nangyari lamang kanina. ´Aba, salita ako nang salita·y umaga na pala.µ Bahagya itong ngumiti na tila napahiya. Kailangan niyang umalis bago lumiwanag, sabi nito. ´Madilim pa. Pero maagang gumising ang mga tao rito.µ Tuwi-tuwina·y tumatayo ito upang dumungaw. ´Hindi pa nila ako mamumukhaan. At umuulan. Walang lalabas papuntang bukid ngayong umaga.µ Tila bantulot pa itong lumakad bagamat naaaninaw na. kahit umuulan, ang mga hugis ng bundok at mga atip sa dalisdis nito. Nagbalik si Shimamura sa Tokyo nang araw na iyon. ´NATATANDAAN mo ba ang sinabi mo noon? Nagkamali ka. Sino·ng luku-luko ang pupunta sa gayong lugar sa Disyembre.µ Hindi kita tinatawanan.µ Iniangat ng babae ang ulo. Ang pisngi nito, mula mata hanggang tulay ng ilong na dumagan sa kamay ni Shimamura ay namumula sa ilalim ng makapal na polbo. Nagpaalala kay Shimamura ang lamig sa lupain ng yelo ngunit dahil sa kaitiman ng buhok ng babae, may tanging init dito.

Banayad na ngumiti ang babae, tila nasisilaw sa isang matinding liwanag. Marahil nang siya·y ngumiti, nagunita niya ang ´noonµ at pinamula ng mga kataga ni Shimamura ang buong katawan nito. Nang yumuko ang babae, nang may bahagyang katigasan, nakita ni shimamura na pati ang likod nito sa ilalim ng kimono ay matingkad na namumula. Naiiba dahil sa kulay ng buhok, parang hubad na inilatag sa harap niya ang mamasa-masa at nakatutuksong balat. Ang buhok nito·y hindi naman masasabing makapal. Kasintigas ng sa lalaki at nakapusod pataas ayon sa estilo ng buhok ng Haponesa, wala ni isang naligaw na buhok at nagniningning itong tila isang mabigat at maitim na bato. Minasdan ni Shimamura ang buhok at inisip kung ang lamig na labis na gumitla sa kanya ² kailanma·y hindi siya nakahipo ng gayon kalamig na buhok, sabi niya ² ay hindi dahil sa lamig ng taglamig sa lupain ng yelo kundi dahil sa isang bagay sa buhok mismo. Nagsimulang magbilang ang babae sa mga daliri. Ilang sandali itong nagbilang. ´Anong binibilang mo?µ tanong ni Shimamura. Nagpatuloy pa rin ang pagbibilang. ´Noo·y ikadalawampu·t tatlo ng Mayo.µ ´Binibilang mo pala ang araw. Huwag mong kalilimutan, ang Hulyo at Agosto ay dalawang magkasunod na mahahabang buwan.µ ´Ikaisandaan at siyamnapu·t siyam na araw. Exaktong ikaisandaan at siyamnapu·t siyam na araw.µ ´Paano mo natandaang iyo·y ikadalawampu·t tatlo ng Mayo?µ ´Titingnan ko lang ang diary ko.µ ´Nagda-diary ka?µ ´Masarap basahin ang lumang diary. Pero wala akong itinatago kapag sumusulat ako sa aking diary. Kung minsan nga·y nahihiya pa akong basahin ito.µ ´Kailan mo sinimulan?µ ´Noong bago ako magpunta ng Tokyo bilang geisha. Wala akong pera at ang binili ko·y simpleng notebook, na aking ginuhitan«Nang magkaroon ako ng pambili ng diary, hindi na katulad ng dati na napakaingat ko. Sinimulan kong ipagwalang-bahala ang mga bagay. Gano·n din sa pagpapraktis kong sumulat. Dati nagpapraktis muna akong sumulat sa diyaryo bago ko subukin sa mahusay na papel pero ngayon, sa mahusay na papel na mismo ako nagsisimula.µ ´At hindi ka tumigil sa paggawa ng diary?µ ´Oo. Mula noong disisais ako, pero ang pinakamaganda·y ngayong taong ito. Sumusulat ako sa aking diary pagdating ko mula sa isang parti bago mahiga at kapag binasa ko uli, nakikita ko .Ngunit higit pa sa diary, nagulat si Shimamura sa sinabi ng babae na maingat nitong itinatala ang bawat nabasang nobela at maikling kwento mula nang ito·y kinse o disisais anyos. Sampung notebook na ang napuno nito. ´Isinusulat mo rin ang iyong kritisismo?µ ´Hindi ko kailanman kayang gawin iyon. Isinusulat ko lamang ang awtor at ang mga tauhan at kung ano ang relasyon nila sa isa·t isa. Iyon lang.µ ´Pero anong napapala mo? ´Wala.µ ´Pagsasayang lang ng oras.µ ´Pagsasayang lang talaga ng oras,µ masayang tugon nito na parang bale-wala ang gayong pagtanggap. Mataman itong tumitig kay Shimamura, gayunman. Lubos na pagsasayang ng oras. Sa kung anong dahilan, ibig idiin ni Shimamura ang

puntong ito. Ngunit naaakit siya sa babae nang sandaling iyon at naramdaman niyang umaagos sa kanya ang isang katahimikang katulad ng boses ng ulan. Alam niyang para sa babae ay hindi ito pagsasayang ng oras, ngunit kahit gayon ang pagpapasyang ito nga·y pagsasayang ay nagkaroon ng epektong patiningin at dalisayin ang karanasan nito. Ang kwento nito tungkol sa mga nobela ay tila walang kinalaman sa ´panitikanµ sa pangaraw- araw na kahulugan ng salitang ito. Ang tangi nitong karanasan sa pakikipagkaibigan sa mga nakatira sa nayon ay pakikipagpalitan ng mga magasing pambabae at pagkaraa·y mag-isa na lamang itong nagbabasa. Hindi ito gaanong pihikan at kakaunti ang naiintindihan sa panitikan at hinihiram nito maging mga nobela at magasing nakita sa kwarto ng mga panauhin sa otel. Masaya ring nagkwento ang babae ng mga pelikula at dulang hindi nito napanood kailanman. Halatang sa mga nagdaang buwan ay labis itong nasabik sa isang taong makikinig. Nalimutan na kaya nito na isandaan at siyamnapu·t siyam na araw na ang nakaraan, ganitung-ganito ring klase ng usapan ang nagsilbing udyok upang isadlak nito ang sarili kay Shimamura? Muli, natangay ang babae sa kwentuhan at muli ang mga kataga nito·y tila nagpapainit sa sariling katawan. Ngunit ang pagnanasa nito sa lungsod ay nagmistulang isang mapaghanap na pangarap, nababalot ng simpleng pagpapaubaya sa kapalaran at ang himig ng nasayang na panahon ay higit na matingkad kaysa anumang pahiwatig ng matinding pagkabigo ng isang nanirahan doon. Sa sarili·y mtila hindi gaanong malungkot ang babae ngunit sa tingin ni Shimamura, may kakatwang bagay tungkol ditto na nakakaawa. Kung pababayaan niya ang sariling patangay sa isipan ng nasayang na panahon, palagay ni Shimamura ay mahahatak siya sa isang malayong emosyonalismo at masasayang din ang sarili niyang buhay. Ngunit nasa harap niya ngayon ang maliksi, buhay na mukha ng babae, namumula sa hangin ng kabundukan. Ano·t anuman, binago niya ang pagtingin sa babae at natuklasan niya, nakapagtataka, na ang pagiging geisha nito ay lalong nagpahirap sa kanya para maging malaya at bukas dito. Lasing na lasing nang gabing iyon, mabangis na kinagat ng babae ang kamay na dahil sa pamamanhid ay ayaw gumalaw sa kanyang utos. ´Ano ka ba? Putang ¶na mo, putang ¶na mo. Tamad. Inutil. Ano bang nangyayari sa iyo?µ At hindi makatayo, pabiling-biling itong gumulong. ´Hindi ako kailanman magsisisi. Pero hindi ako gayong babae. Hindi ako gayong babae.µ ´Biyaheng hantinggabi papuntang Tokyo.µ Tila namalayan ng babae ang kanyang pagbabantulot, at nangusap ito na parang iyo·y itinataboy. Sa silbato ng tren, tumayo ito. Pahaltak nitong binuksan ang pintong may panel na papel at ang bintanang nasa likod naupo sa pasimano at inihilig ang katawan sa barandilya. Rumaragasang palayo ang tren, ang alingawngaw ay naglaho at naging isang tunog na katulad ng panggabing hangin. Bumaha ang malamig na hangin sa kwarto. Nasisiraan ka ba ng ulo?µ Humakbang din si Shimamura patungo sa bintana. Tahimik sa labas, walang pahiwatig ng hangin. Nang maramdaman ng babae ang paglapit ni Shimamura, yumakap ito sa barandilya. Walang pahiwatig ng kahinaan sa ganitong posisyon. Manapa, sa dilim ng gabi, ito ang pinakamalakas at pinakamahigpit na pag-iwas na maaari niyang gawin. Narito na naman tayo, naisip ni Shimamura. Maitim man ang mga bundol, nang mga sandaling iyo·y maningning ito dahil sa kulay ng

yelo. Kay Shimamura, ang mga bundok ay tila tagusan, tila mapanglaw. Nawala ang kaisahan ng langit at bundok. Sinalat ni Shimamura ang lalamunan ng babae. ´Masisipon ka. Nakita mo nang malamig dito.µ Tinangka niyang hilahin ang babae ngunit ito·y kumapit sa barandilya. ´Uuwi ako.µ Impit ang boses nito. ´Sige, umuwi ka.· ´Bayaan mo muna akong ganito.µ ´Mananaog ako para maligo.µ ´Hindi samahan mo ako rito.µ ´Kung isasara mo ang bintana.µ ´Bayaan mo lang akong ganito.µ Kalahati ng nayon ang nagtatago sa likod ng kulumpon ng cedar sa templo. Sa istasyon ng tren, walang sampung minuto sa taxi, umaandap-andap ang ilaw na parang ito·y naglalamat dahil sa lamig. Ang buhok ng babae, ang salamin ng bintana, ang manggas ng kanyang kimono ² ang lahat ng kanyang hipuin ay malamig. Malamig na kailanma·y hindi pa niya naranasan. Maging ang banig sa kanyang paa ay tila malamig. Humakbang siyang pababa sa banyo. ´Sandali. Sasama ako sa iyo.µ Mabait na sumunod ang babae. Nang inaayos na nito ang mga damit na inihagis ni Shimamura sa sahig sa labas ng banyo, isa pang panauhin, isang lalaki ang pumasok. Yumuko ang babae sa harap ni shimamura at itinago ang mukha. ´Aba, may tao pala.µ Umurong ang lalaki ´Sandali,µ mabilis na tawag ni Shimamura. ´Lilipat kami sa kabilang pinto,µ Dinampot niya ang mga damit at humakbang sa banyo ng babae. Sumunod sa kanya ang babae na parang sila·y mag-asawa. Lumusong si Shimamura sa banyo nang di lumilingon. Naramdaman niyang lumabas ang isang malakas na tawa sa kanyang labi nang malaman niyang kasama niya ito. Inilapit niya ang mukha sa gripo ng mainit na tubig at maingay na nagmumog. PAGKABALIK SA KWARTO, iniangat ng babae ang ulo mula sa unan at itinaas ang buhok sa gilid sa pamamagitan ng maliit na daliri. ´Labis akong pinalulungkot nito,µ anang babae. Iyon lamang ang sinabi nito. Ilang sandaling naisip ni Shimamura na medyo nakadilat ang mata ng babae, ngunit nakita niyang likha ng makapal na pilikmata ang ilusyong iyon. Ang babae na laging hindi mapalagay ay buong gabing hindi nakatulog. Marahil ay ingay ng itinataling obi ang gumising kay Shimamura. ´Ikinalulungkot ko, nagising kita. Pinabayaan na sana kitang matulog. Madilim pa. Tingnan mo ² nakikita mo ba ako?µ Pinatay nito ang ilaw. ´Nakikita mo ba ako? Hindi?µ ´Hindi. Napakadilim pa.µ ´Hindi, hindi. Tingnan mo akong mabuti. Ayan. Nakikita mo na ako?µ Binuksan nito ang bintana. ´Masama ito. Nakikita mo ako. Uuwi na ako.µ Muling nabigla sa lamig ng umaga, iniangat ni Shimamura ang ulo mula sa unan. Kulay pa rin ng gabi ang langit ngunit sa kabundukan, umaga na. ´Pero hindi bale. Hindi gaanong abala ang mga magsasaka sa panahong ito at walang lalabas nang ganito kaaga. Pero palagay mo ba·y may aakyat ngayon sa bundok?µ Kinakausap ng babae ang sarili at lumakad-lakad, nahihila nito ang nakalawit na dulo ng

itinataling obi. Walang dumating na panauhin sa biyaheng alas singko mula sa Tokyo. Wala pang gaanong trabaho ang mga tao sa otel.µ Kahit naitali na ang obi, tumayo ito at umupo at tumayo uli at naglakad-lakad sa kwarto, sa bintana nakatingin. Hindi ito mapakali, tulad ng isang alumpihit na hayop panggabi na natatakot sa pagdating ng umaga. Tila napapaibabawan ng isang kakatwa at may mahikang kabaliwan. Mayamay·y napakaliwanag na sa kwarto kaya nakikita na ni Shimamura ang pula sa pisngi ng babae. Pumako ang kanyang mata sa napakatingkad at nangingislap na kapulahan ito. ´Nagliliyab ang pisngi mo. Ganyan kalamig ngayon.µ ´Hindi ito dahil sa lamig. Tinanggal ko lang ang aking polbo. Magkulubong lamang ako sa kama·y iinit na akong tulad ng isang pugon.µ Lumuhod ang babae sa salaming nasa tabi ng kama. ´Araw na. Uuwi na ako.µ Sinulyapan siya ni Shimamura at dagling itinungo ang tingin. Yelo ang puting nasa kalaliman ng salamin at lumulutang sa gitna nito ang mapula at nangingislap na pisngi ng babae. May hindi mailarawang sariwang kagandahan sa pagkakaiba. Sikat na nga ba ang araw? Mas matindi ngayon ang liwanag ng araw, tila malamig itong nasusunog. Sa harap nito, lalong naging maitim ang buhok ng babae, pinatungan ng matingkad at makislap na pula. MARAHIL, para mapigil ang pagtambak ng yelo ang tubig sa mga banyo ay pinaagos sa paligid ng pader ng otel sa pamamagitan ng isang pansamantalang kanal at sa harap ng entrada, kumalat itong tila isang mababaw na bukal. Isang malaki at itim na aso ang nakatayo sa bato sa tabi ng pinto at dumidila-dila sa tubig. Sa pagtatapos ng taon, ang kalsada·y hindi na makikita dahil sa bagyo ng yelo. Sa pagdalo sa mga parti, kakailanganin ng babae na magsuot ng mataas na botang goma, ng lawlaw na ´pantalong pambundokµ sa ibabaw ng kanyang kimono, magbabalabal ito ng isang kapa at tatakpan ang mukha ng isang belo. Sa panahong iyon, mga sampung talampakan marahil ang kapal ng yelo ² bago mag-umaga·y dinungaw ng babae ang matarik na kalsada sa gulod at ngayon, bumababa na si Shimamura sa kalsada ring ito. Sa mga bukid, nag-i-ski ang mga batang nayon. Nang papasok si Shimamura sa parte ng nayon na kaharap ng haywey, nakarinig siya ng isang tunog na tila mahinang ulan. Sa mga medyo-agwa, mabining kumikislap ang naglawit na piraso ng nagyeyelong tubig. Binabasag ng mga bata ang yelo mula sa kanal at ang mga piraso·y ibinabalibag sa gitna ng kalsada. Pinagkakatuwaan nila ang kislap ng tumatalsik na yelo habang nadudurog. Habang nakatayo sa liwanag ng araw, hindi makapaniwala si Shimamura na gayon kakapal ang yelo. Sandali siyang tumigil para manood. Naririnig ni Shimamura ang kagat ng katam ng karpintero sa isang gawaan ng ski, mga pito o walong pinto pababa sa kalsada. Mga lima o anim na geisha ang nagdadaldalan sa lilim ng kabayong medya-agwa. Sa mga ito, natitiyak ni Shimamura,kabilang ang babae, si Komako ² nalaman niya ang pangalan nito bilang geisha sa isang katulong nang umagang iyon. At totoo nga, naroon ito. Sa malas, napansin siya nito. Inihihiwalay ito ng napakaseryosong mukha sa ibang geisha. Mangyari pang mamumula ito at sana makapagkunwari man lamang itong walang nangyari ²

ngunit bago pa masundan ni Shimamura ang naiisip, nakita niyang namumula na ito hanggang lalamunan. Nag-aapoy din ang mga pisngi ni Shimamura. Mabilis siyang lumampas sa mga geisha ngunit dagli siyang sinundan ni Komako. ´Sandali, ´ habol nito, ´hinihiya mo ako sa paglalakad sa ganitong panahon.µ ´Ipinahiya kita- at akala mo ba·y hindi rin ako napapahiya nariyan kayong lahat para abangan ako? Halos hindi ako makaraan dito. Ganito ba lagi?µ ´Oo, sa ganitong oras. Sa hapon.µ µPero palagay ko·y lalo kang mapapahiya kung ganyang namumula ka·t naghahabol sa akin.µ ´Ano kung mapahiya ako?µ Malinaw at tiyak ang mga salita ngunit namumula na naman ito. Tumigil ito at ipinupulupot ang isang kamay sa isang punong persimmon sa gilid ng kalsada. ´Hinabol kita dahil naisip kong baka maaari kitang imbitahan sa aking bahay.µ ´Malapit ba rito?µ ´Napakalapit.µ ´Pupunta ako kung ipababasa mo sa akin ang iyong diary.µ ´Susunugin ko ang aking diary bago ako mamatay.µ ´Pero hindi ba mayroong may-sakit na lalaki sa inyong bahay?µ ´Paano mo nalaman?µ ´Sinalubong mo siya sa istasyon kahapon. May suot ka pang matingkad na asul. Malapit sa kanya ang upuan ko sa tren. At may kasama siyang babae, napakabait na inaalagaan siya. Asawa ba niya? O isang sumundo para siya·y iuwi? O isang taga-Tokyo? Para talagang siyang ina. Humanga ako.µ ´Bakit hindi mo man lang binabangggit kagabi? Bakit napakatahimik mo?µ May bagay na bumabalisa rito. ´Asawa ba ng lalaki?µ Hindi sumagot si Komako. ´Bakit wala kang sinabi kagabi? Nakapagtataka kang tao.µ Hindi nagustuhan ni Shimamura ang ganitong katalasan. Wala siyang nagawa at walang nangyaring anuman para sa ganitong usapan at iniisip niyang baka may bagay na likas sa babae na itinatago nito at ngayon lumilitaw. Gayunman, nang puntahan siya nito sa ikalawang pagkakataon, tinanggap niyang tinatamaan siya sa isang marupok na bahagi. Ngayong umaga nang sulyapan niya si Komako sa salaming kinakikitaan din ng yelo, mangyari pang nagunita niya ang babaeng nasa bintana ng panggabing tren. Bakit wala siyang sinabing anuman? ´E ano kung meron mang may-sakit na lalaki? Walang sinumang nakakapasok sa kwarto ko.µ Lumusot si Komako sa bukas na bahagi ng isang mababang pader na bato. Sa kanan nila ay may isang maliit na bukid at sa kaliwa naghilera ang mga punong persimmon sa pader na hangganan ng katabing bukid. Tila may hardin ng bulaklak sa harap ng bahay at lumalangoy ang mga pulang larpa sa lawa-lawaang may lotus. Binasag ang yelo sa lawa at

itinambak sa pampang. Matanda na at nabubulok ang bahay tulad ng tuyot nang puno ng isang persimmon. May patse-patse ng yelo sa atip, nakalundo ang mga kilo na alun-along nakaguhit sa medya-agwa. Kulob at malamig ang hangin sa sahig na lupa ng pasilyo. Inakay ni Komako si Shimamura paakyat sa hagdan bago nasanay ang kanyang mata sa dilim. Matatawag nga iyong hagdan pagkat ang kwarto ni Komako ay nasa attic, sa ilalim mismo ng bubong. ´Ang kwartong ito·y dating alagaan ng uod na kinukunan ng seda. Nagulat ka ba?µ ´Maswerte ka ¶ka mo. Sa lakas mong uminon mabuti·t hindi ka nahulog. ´Nahulog na ako. Pero karaniwan kapag sumobra ang naimon ko, gumagapang ako sa kotatsu sa ibaba at doon natutulog.µ Tinatantyang ipinasok nito ang kamay sa kotatsu, pagkaraa·y bumaba upang kumuha ng uling. Luminga-linga si Shimamura sa kakatwang kwarto. Kahit iisa lamang ang mababang bintana, sinasangga ng bagong palit na papel sa pinto ang sikat ng araw. Ang mga dingding ay matiyagang dinikitan ng papel kaya ito·y natulad sa loob ng isang kahong papel. Ngunit kahit dukha ang mga dingding at sahig, wala iyong kadumi-dumi. Sa ilang sandali, naguni-guni ni Shimamura na sa silid na ito tumatagos marahil ang liwanag kay Komako, tulad ng pagtagos nito sa maninipis na balat ng mga uod. Ang kotatso ay natatakpan ng isang makapal na kumot katulad ng magaspang at guhitang telang koton ng karaniwang ´pantalong bundok.µ Luma na ang aparador ngunit ang hilatsa ng kahoy ay pino at tuwid ² naipundar marahil ni komako noong ito·y nasa Tokyo. Paluksong umakyat ng hagdan si Komako, may dalang uling. ´Galing ito sa silid ng maysakit. Huwag kang mag-alala, ang apoy daw ay hindi nagkakalat ng mikrobyo.µ Halos sumagi sa kotatsu ang bagong ayos nitong buhok nang haluin nito ang uling. May tuberculosis sa bituka ang anak ng titser sa musika, aniya at umuwi sa kinagisnang bahay para mamatay. Pero hindi tamang sabihing ito·y ´umuwi sa kinagisnang bahay.µ Ang totoo, ni hindi ito ipinanganak dito. Bahay ito ng kanyang ina. Nagturo ng sayaw ang kanyang ina sa baybayin maging nang ito·y hindi na geisha ngunit inatake ito sa puso noong nasa edad kwarenta at kinakailangang 18 bumalik sa bukal na ito para magpagaling. Ang anak, ang ngayo·y maysakit ay mahilig sa makina maging noong bata pa at nagpaiwan upang magtrabaho sa isang pagawaan ng relo. Hindi nagtagal,

lumipat ito sa Tokyo at nagsimulang mag-aral sa gabi, at hindi ito nakaya ng kanyang katawan. Beinte singko anyos pa lamang ito. Lahat ng ito·y walang anumang isinalaysay ni Komako ngunit wala itong sinabing anuman tungkol sa babaeng nag-uwi ng lalaki at wala rin kung bakit mismo·y nakatira sa bahay na ito. Sa sinabi ni Komako, gayuman, lubos na hindi mapalagay si Shimamura, Nakabitin sa kawalan,. Parang nagsalaysay si Komako sa apat na direksyon. Nang lumabas sa pasilyo si Shimamura, may napansin siyang bagay na mamuti-muti sa sulok ng kanyang mga mata. Kahon ito ng samisen at napuna niyang mas malapad ito at mahaba kaysa nararapat na sukat. Hindi niya mapaniwalaan na nadadala ni Komako ang ganito kahirap dalhing bagay sa mga pagtitipon. Bumukas ang madilim na pinto sa loob ng pasilyo. ´Pwede ko bang tapakan ito, Komako?µ Iyo·y malinaw na boses, napakaganda kaya halos malungkot. Boses iyon ni Yoko, ang boses na tumawag sa station master sa kabila ng makapal na yelo nang gabing nagdaan. ´Sige lang.µ Magaang na tumapak si Yoko sa kahon ng samisen hawak ang isang kristal na orinila. Sa pamilyar na paraan ng pagkausap nito sa station master nang gabing nagdaan at sa paraan ng pagsusuot nito ng ´pantalong bundok,· malinaw na ito·y katutubo sa lupaing ito ng yelo ngunit ang lutang na burda ng obi nito na kalahati·y kita sa ibabaw ng pantalon ay nagpasariwa at nagpasaya sa magaspang na mapulang kayumanggi at itim na guhit ng pantalon. Sa ganito ring dahilan ang mahabang manggas ng lanang kimono nito ay nagkaroon ng isang natatangi at mapanuksong halina. Ang pantalon, na biyak sa ibaba ng tuhod ay humakab sa balakang at ang makapal na telang koton kahit natural na matigas ay tila numipis at lumambot. Pinukulan ni Yoko ng mabilis at matalim na sulyap si Shimamura pagkaraa·y tahimik na humakbang sa lupang sahig at lumabas. Maging nang makaalis na siya ng bahay, binabagabag pa rin si Shimamura ng sulyap na iyon na nagliliyab sa harap mismo ng kanyang noo. Kasinlamig ito ng isang napakalayong liwanag pagkat ang hindi mailarawang kagandahan nito ay nagpasikdo ng kanyang puso nang gabing tumawid sa mukha ng babae sa bintana ng tren at sandaling tinanglawan ito. Muling nagbalik ang impresyon kay Shimamura at kahalo nito ay ang gunita ng isang salaming puno ng yelo at lumulutang ang namumulang pisngi ni Komako sa gitna. Binilisan niya ang lakad. Bilugan at mahaba ang kanyang hita ngunit saklot siya ng isang natatanging sigla habang lumalakad na nakatitig sa mga bundok na labis niyang kinagigiliwan.

Bumilis ang kanyang hakbang kahit ito·y halos hindi niya namamalayan. Laging nakahandang patangay sa gising na pangangarap. Hindi niya mapaniwalaan na ang salaming lumulutang sa panggabing tanawin at ang isa pang salamin na puno ng yelo ay sadyang likha ng tao. Ang mga ito·y bahagi ng kalikasan at bahagi ng isang tila napakalayong daigdig. At ang kwartong nilisan niya ngayon lamang ay naging bahagi na rin ng napakalayong daigdig na iyon. Nagitla sa sarili at nangailangan ng isang bagay na makakapitan, tumigil siya sa harap ng isang bulag na masahista sa tuktok ng burol ´Pwede mo ba akong masahihin?µ ´Sandali. Anong oras na ba?µ Kinipkip ng masahista ang tungkod at pagkadukot sa isang may takip na pambulsang relo sa obi ay kinapa ng kaliwang kamay nito ang oras. ´Alas dos treinta·y 19 singko. May nagpapamasahe sa akin sa makalampas ang istasyon nang alas tres medya. Pero pwede naman siguro akong mahuli.µ ´Ang galing tumingin ng oras,µ ´Walang salamin kaya nakakapa ko ang mga kamay.µ ´Nakakapa mo ang mga numero?µ ´Hindi mga numero.µ Muli nitong inilabas ang relo na yari sa pilak, malaki para sa isang babae at pinitik ang takip. Inilatag nito ang mga daliri sa mukha, ang isa·y sa alas dose at ang isang sa alas sais at ang pangatlo sa gitna sa ala tres. Tumatama rin naman ang pagbasa ko ng oras. Maaaring huli ako nang isang minuto pero hindi ako kailanman pumapaltos nang hanggang dalawang minuto.µ ´Hindi ka ba nadudulas sa kalsada?µ ´Sinusundo ako ng anak kong babae kapag umuulan. Sa gabi, mga tao sa nayon ang minamasahe ko at hindi ako nakakarating nang ganito kalayo. Nagbibiruang lagi ang mga tao sa otel, sabi·y ayaw daw akong palabasin ng asawa ko kung gabi.µ ´Malaki na ba·ng anak mo?µ ´Dose anyos ang panganay kong babae.µ Narating nila ang kwarto ni shimamura at sandali silang natahimik nang magsimula na ang pagmamasahe. Mula sa malayo, umabot sa kanila ang tunog ng isang samisen. ´Sino kaya iyon?µ ´Nahuhulaan mo ba kung sinong geisha sa tunog lang?µ ´Iyong iba. Ang iba·y hindi. Hindi ka dapat magtrabaho. Tingnan mo ang kinis-kinis at ang labu-lambot mo.µ ´Wala akong matigas na masel.µ ´Matigas dito sa may puno ng leeg. Pero tamang-tama ka lang, hindi masyadong mataba,

hindi masyadong payat. Hindi ka umiinom ano?µ ´alam mo kung umiinom?µ ´may tatlo akong kostumer na katulad ng katawan mo.µ ´Karaniwang katawan.µ ´Pero kung hindi ka iinom, hindi mo naman malalaman kung paano mo talaga mapapasarap ang buhay mo ² ang makalimutan ang lahat ng nangyayari.µ ´Umiinom ang asawa mo, ano?µ ´Sobra.µ ´Pero kung sino man iyon hindi siya gaanong mahusay tumugtog.µ ´Mahina talaga.µ ´Noong bata pa ako. Mula noong ako·y walo hanggang maglabingwalo. Labinlimang taon na akong hindi tumutugtog. Mula nang mag-asawa ako.µ Lahat kaya ng bulag ay mukhang mas bata kaysa kanilang itsura? Naisip ni Shimamura. ´Pero kapag natuto ka nang bata pa, hindi mo na malilimutan.µ ´Nasira ang kamay ko sa trabahong ito pero magaling pa ang aking tainga. Hindi ako mapalagay kapag naririnig ko sila. Pero palagay ko·y hindi rin ako kuntento sa sarili kong pagtugtog noong bata pa ako.µ Sandaling nakinig ang masahista. ´Si Fumi siguro sa Izutsuya. Pinakamadaling malaman ang pinakamagaling at pinakamahina.µ ´May magagaling?µ ´Napakagaling ni Komako. Bata pa siya pero alam mo naman hindi masyadong mataas ang pamantayan namin dito sa bundok.µ ´Hindi ko siya talagang kilala. Pero nakasakay sa tren kagabi ang anak ng titser ng musika.µ 20 ´Gumaling na uli?µ ´Mukhang hindi.µ ´Siyanga? Matagal siyang nagkasakit sa Tokyo at sinasabi nilang naging geisha si Komako noong nakaraang tag-araw para makatulong sa pagbabayad sa doktor. Ewan ko kung nakatulong.µ ´Si Komako ba ´ka mo?µ ´May kasunduan pa lamang sila. Pero palagay ko, gumagaan ang kalooban ng isang tao kapag ginawa ang lahat ng makakaya niya.µ ´Kasunduan ba ¶ka mo?µ ´Sabi nila. Ewan ko, pero iyan ang balita,µ Napakakaraniwang bagay ang makarinig ng tsisimis tungkol sa geisha mula sa isang masahista ng bukal ngunit kabaligtaran at lalong nakakagulat ang naging epekto nito; ang pagpasok ni Komako bilang geisha para tulungan ang nobyo niya ay karaniwang kwentong nakaiiyak kaya natagpuan ni Shimamura ang sarili na halos hindi matanggap. Marahil ilang konsiderasyong moral ²

mga kwestiyon kung tama o maling ipagbili ang sarili bilang geisha ² ang nakadagdag sa pagtangi. Iniisip ni Shimamura na gusto niyang halukayin pa ang kasaysayan ni Komako ngunit hindi na nagsalita ang masahista. Kung may kasunduan na ang lalaki at si Komako at kung si Yoko ang bago nitong kalaguyo, at ang lalaki·y malapit nang mamatay ² muli na namang nagbalik kay Shimamura ang expresyong ´nasayang na pagsisikapµ. Kung magiging tapat sa pangako si Komako hanggang wakas at ipagbibili pa nito ang sarili para makabayad lamang sa diktor ² ano pa ba ito kundi na nasayang na pagsisikap? Tatapatin niya si Komako sa katotohanang ito, ipamumukha niya kapag nagkita uli sila, sabi niya sa sarili; gayunman, ang buhay nito·y tila naging mas dalisay ay mas malinis dahil sa bagong pagkaalam nito. Namamalayan ang nakakahiyang panganib sa kanyang manhid na pakiramdam sa kung ano ang huwad at hungkag, nakahigang pinagtuunan ito ng isip ni Shimamura, sinisikap madama ito kahit matagal nang nagpaalam ang masahista. Nanlalamig siya hanggang sa kalaliman ng kanyang sikmura ngunit may nakaiwan sa bintana nang bukas na bukas. Lumatag na ang kulay ng gabi sa lambak ng bundok, maaga itong nalibing sa mga anino. Sa takipsilim na ngayo·y nanganganinag pa sa liwanag ng lumulubog na araw, tila lumalapit ang malayong bundok. Di nagtagal nang ang mga pagitan ng bundok ay nagiging malayo at malapit, mataas at mababa, ang mga anino nito ay nagsimulang lumalim at pumula ang langit sa taluktok ng bundok na mayelo na ngayo·y napapaliguan na lamang ng isang maputlang liwanag. Nangingitim na nakatayo ang mga kulumpon ng cedar sa pampang ng ilog, sa laruang ski, sa paligid ng templo. Tulad ng isang mainit na liwanag, bumuhos si Komako sa hungkag na pagkabalisang bumaba gabay kay Shimamura. May miting sa otel para pag-usupan ang mga plano sa panahon ng pag-iski. Ipinatawag si Komako para sa parti pagkaraan. Pinainit nito ang kamay sa kokatsu, pagkatapos ay maliksing tumayo at sinalat ang pisngi ni Shimamura. ´Maputla ka ngayong gabi. Nakapagtataka.µ Hinila nito ang malambot na laman sa pisngi niya na parang ibig iyong bakbakin. ´Pero ikaw din ang may kasalanan.µ Lasing na nang kaunti si Komako. Nang bumalik mula sa parti, bumagsak ito sa harap ng salamin at halos nakatawa ang kalasingang ipinakita ang mukha nito. ´Wala akong alam doon. 21

Wala. Masakit ang ulo ko. Ang sama ng pakiramdam ko. Masama. Gusto kong uminom. Bigyan mo ako ng tubig.µ Pinagdaop nito sa mukha ang dalawang palad at gumulong nang hindi iniintindi ang maingat na pagkakayos ng kanayang buhok. Mayamaya, bumangon uli ito at sinimulang tanggalin ang makapal na polbo sa pamamagitan ng malamig na krema. Matingkad na pula ang nasa ilalim. Mukhang nasisiyahan ito sa kanyang sarili. Kay shimamura, nakagugulat ang gayon kabilis na paglipas ng kalasingan. Kumikinig ang balikt ni Komako sa lamig. Buong Agosto·y halos muntik na itong bumagsak. Sa matinding nerbiyos, sabi nito kay Shimamura. ´Akala ko·y mababaliw ako. Lagi akong nag-iintindi sa isang bagay na hindi ko alam kung ano. Nakakatakot.Hindi ako mapagkatulog. Nakokontrol ko lamang ang sarili ko kapag pumupunta ako sa isang parti. Kung anu-ano ang napapanaginipan ko at nawalan ako ng ganang kumain. Uupo ako at kung ilang oras na dadagok sa sahig kahit sa kainitan ng araw.µ ´Kailan ka unang naging geisaha?µ ´Noong Hunyo. Inisip ko noong una na pumunta sa Hamamatsu.µ ´Para mag-asawa?µ Tumango si Komako. Hinahabol siya ng lalaki para pakasalan ngunit hindi niya ito magustuhan. Matagal bago siya nakapagdesisyon. ´Pero kung ayaw mo sa kanya, ano ang mahirap sa desisyon.?µ ´Hindi gayon kasimple.µ ´Masarap ang may-asawa?· ´Tumigil ka. Mas malamang na gusto kong malinis at maayos ang lahat ng nasa paligid ko.µ Umungol si Shimamura. ´Alam mo, napakahirap mong kausaping tao.µ ´May relasyon ba kayo ng lalaking taga-Hamamatsu?µ Isinigaw ni Komako ang sagot:µKung mayroon, palagay mo ba·y magdadalawang-isip pa ako? Pero sinabi niyang hangga·t narito ako, hindi niya ako papayagang mag-asawa ng iba. Gagawin niya ang lahat para huwag matuloy.µ ´Pero ano·ng magagawa niya mula sa malayong Hamamatsu? Iyon ba ang inaalala mo?µ Sandaling nag-inat si Komako, nilalasap ang init ng sariling katawan. Nang muli itong magsalita. Kaswal na ang kanyang tono. ´Akala ko·y buntis ako.µ Humagikgik ito. ´Nakakatawa kapag naaalala ko ngayon.µ Namaluktok itong tila isang bata, at pagkaraa·y dalawang kamay na sinunggaban ang leeg ng kimono ni Shimamura. Sa malago nitong pilikmata, muli na namang naisip ni Shimamura na kalahati lamang nakadilat ang mga mata nito. NAKAUPO sa tabi ng painitang-bakal, may isinulat si Komako sa likod ng isang lumang

magasin nang gumising si Shimamura kinabukasan. ´Hindi ako makakauwi ngayon. Bumangon ako nang magdala ng uling ang katulong, pero maliwanag na. Pumapasok na ang araw sa pinto. Nalasing ako nang kaunti kagabi at napasarap ang tulog ko,µ ´Anong oras na?µ ´Alas otso.µ ´Halika, maligo tayo.µ Bumangon si Shimamura. 22 ´Hindi ako pwedeng sumama. Baka may makakita sa akin sa bulwagan.µ Napakaamo na nito ngayon. Nang bumalik si Shimamura mula sa paliligo, inabutan niya si Komako na matiyagang naglilinis ng kwarto, may panyong masining na nakatakip sa ulo. Napakaingat na nitong napunasan ang mga paa ng mesa at ang gilid ng painitang-bakal at ngayo·y hinahalo ang uling ng sanay na kamay nito. Kontentong nakaupo si Shimamura, nagsisigarilyo habang ang paa·y nasa kotatsu. Nang malaglag ang abo sa kanyang sigarilyo, dinampot ito ni Komako sa pamamagitan ng isang panyo at dinalhan siya ng isang ashtray. Napatawa si Shimamura tawang kasinsaya ng umaga. Tumawa rin si Komako. ´Kung may asawa ka, lagi mo sigurong kagagalitan.µ ´Hindi. Pero pagtatawanan ako dahil tinitiklop ko maging maruning damit ko. Hindi ko mapigilan. Talagang ganito ako. ´Sinabing mahuhulaan mo raw ang lahat sa isang babae tingnan mo lamang ang loob ng kanyang aparador.µ ´Kay ganda ng araw.µ Nag-aalmusal sila at bumabaha ang pang-umagang araw sa kwarto. ´Maaga sana akong nakauwi para magpraktis ng samisen. Iba ang tunog sa araw na tulad nito.µ Tumingala si Komako sa kristal na langit. Malambot at krema ang yelo sa malayong bundok parang may belong manipis na usok. Naalala ang sinabi ng masahista, iminungkahi ni Shimamura na sa kwarto na niya magparkatis ng samisen. Si Komako. Dagli itong tumawag sa bahay upang humingi ng kopya ng musika at mapalit na damit. Kung gayo·y may telepono pala sa bahay na nakita niya nang nagdaang araw, naisip ni shimamura. Ang mata ng isa pang babae, si Yoko au lumutang sa kanyang gunita. ´Dadalhin dito ng batang iyon ang iyong musika?µ ´Maaari.µ ´May kasunduan kayo ng anak ng lalaki, di ba?µ ´Aba! kailan mo nasagap iyan?µ ´Kahapon.µ ´Kakatwa ka talaga. Kung nabalitaan mo kahapon,bakit hindi mo sinabi sa akin?µ

Ngunit ang tono nito·y di nagpakita ng katalasang tulad nang araw na nagdaan. Ngayon, may malinis na ngiti lamang sa mukha nito. ´Madaling ungkatin ang bagay na iyon kung hindi kita iginagalang.µ ´Ano ba talaga ang iniisip mo? Kaya ayaw ko sa mga taong galing sa Tokyo.µ ´Binabago mo ang usapan. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.µ ´Hindi ko binabago ang usapan. At pinaniniwalaan mo naman?µ ´Oo. ´Nagsisinungaling ka na naman. Alam kong hindi ka naniniwala.µ ´Katunaya·y hindi ko mapaniwalaan ang lahat. Pero sabi nila·y naging geisha ka para tumulong sa pagbabayad sa doktor.µ ´parang kwento sa isang mumurahing magasin. Pero hindi totoo. Wala kaming kasunduan kailanman. Naiisip lang ng tao na gano·n. Hindi dahil ibig kong tumulong kaninuman kung bakit ako naging geisha. Pero malaki ang utang na loob ko sa kanyang ina at kailangang gawin ko ang aking makakaya.µ ´Matalinghaga kang magsalita.µ ´Sasabihin ko sa iyo ang lahat. Pakalilinawin ko. Para ngang may panahon na inisip ng kanyang ina na magandang idea kung pakakasal kami. Pero inisip lamang niya ito. Hindi niya sinabi 23 kahit kanino. Parang alam lang naming pareho ang nasa isip niya, pero hanggang doon lang. at iyan lamang ang nangyari. ´Magkaibigang magkababata.µ ´Tama. Pero matagal kaming nagkahiwalay. Nang ipadala nila ako sa Tokyo para maging geisha, siya lamang ang naghatid sa akin. Isinulat ko iyon sa pinakaunang pahina ng aking pinakalumang diary.µ ´Kung nagkasama kayong dalawa, kasal na siguro kayo ngayon.µ ´Ewan.µ ´Pakakasal ka sa kanya.· ´Hindi mo siya dapat alalahanin. Hindi magtatagal ay mamamatay na siya.µ ´Pero tama bang lumalabas ka ng bahay kung gabi?µ ´Hindi mo dapat itanong iyan. Paano ako mapipigil ng isang malapit nang mamatay para gawin ang gusto ko?µ Walang maisip si Shimamura. Bakit kaya ni isang salita·y hindi nababanggit ni Komako ang batang si Yoko? At si Yoko, na nag-alaga sa may sakit na lalaki sa tren, maaaring katulad ng pag-aalaga rito ng ina nito noong siya·y musmos pa ² ano ang mararamdaman nito pagpunta sa otel, dala ang pamalit na kung ano ² ng lalaking kasabay na umuwi ni Yoko? Natagpuan ni Shimamura ang sarili na ginugunita ang mga dati niyang malayong

pantasya. ´Komako. Komako.µ Mababa ngunit malinaw ang magandang boses ni Yoko. ´Maraming salamat.µ Lumabas si Komako papunta sa silid-bihisan. ´Ikaw pa mismo ang nagdala. Nabigatan ka siguro. Dagling umalis si Yoko. Nalagot ang pang-itaas na kwerdas ng samisen nang tentatibo itong kalabitin ni Komako. Habang pinapalitan nito ang kwerdas at itinotono ang instrumento, nakita ni Shimamura na may tiyak at tiwala itong salat. Dinampot nito ang makapal na balutan at binuksan iyon sa ibabaw ng kotatsu. Sa loob ay may ordinaryong libro ng mga awit at mga dalawampung piyesa ng musika. Nagtatakang sumulyap si Shimamura sa huli. ´Nagpapraktis ka mula rito?µ ´Kailangan. Walang iba rito na makapagtuturo sa akin.µ ´Iyong babaeng kasama mo sa bahay?· ´Paralisado siya.µ ´Kung nakapagsasalita siya, maaari pa siyang makatulong sa iyo.µ ´Pero hindi siya makapagsalita. Nagagamit pa niya ang kaliwang kamay para ituro ang mga mali sa sayaw, pero naiinis lang siya sa pakikinig sa samisen nang hindi maituro ang tama.µ ´Naiintindihan mo talaga ang musika sa pagbasa ng piyesa?µ ´Naiintindihan ko talaga.µ ´Matutuwa ang ginoong naglathala niyan kapag natuklasan niyang may isang tunay na geisha ² hindi ordinaryong baguhan lamang ² na nagpapraktis sa kanyang kopya sa malayong bundok na ito.µ ´Sa Tokyo, inaasahan nilang sasayaw ako at binigyan nila ako ng mga leksyon sa sayaw. Pero halos wala akong natutuhan sa pagtugtog ng samisen. Kung makakalimutan ko pa ito, wala nang makapagtuturo sa akin. Kaya gumagamit ako ng piyesa.· ´At ang pagkanta?µ 24 ´Ayokong kumanta. Natuto ako ng ilang kanta mula sa aking pagsayaw at nakakaya ko naman pero ang mga bago·y kailangang matutuhan ko sa radyo. Hindi ko alam kung gaano ako katama. Sa aking sariling estilo ² tatawa ka lang, alam ko. Bumibigay ang boses ko kapag kumakanta ako sa isang taong kilala ko. Malakas lamang ang loob ko sa mga estranghero. ´Sandali itong nagmukhang tila mahiyain,pagkaraa·y pumanatag uli at sumulyap kay Shimamura na parang isinesenyas na kumanta na ito. Napahiya si Shimamura. Sa kasamaang palad hindi siya mang-aawit. Sa pangkalahata·y pamilyar siya sa musikang Nagauta ng teatro at sayaw sa Tokyo, at

alam niya ang titik ng karamihan sa mga awit. Pero wala siyang pormal na pagsasanay. Katunayan, iniuugnay niya ang musikang Nagauta hindi sa pribadong pagtatanghal ng isang geisha kundi sa actor na nasa entablado. ´Pinahihirapan ako ng kostumer na ito.µ Kasabay ng mabilis na pagkagat sa pangibabang labi, ikinalang ni Komako ang samisen sa tuhod at nang tila naging ibang tao siya, taimtim niyang binalingan ang mga titik na nasa harap. ´Pinapraktis ko na ang isang ito mula pa noong nakaraang taglagas.µ Humagod ang lamig kay Shimamura. Tila tumaas ang kanyang balahibo hanggang pisngi. Binuksan ng mga unang nota ang isang nananagos na kahungkagan sa kanyang kaibuturan at sa kahungkagang ito·y tumaginting ang tunog ng samisen. Nagitla siya- o manapa·y napaurong siya na parang nasapol ng isang tamang-tamang suntok. Nabalot ng damdaming halos pagsamba, sinasabayan ng mga alon ng pagsumbat sa sarili, walang pananggol parang pinagkaitan ng lakaswalang siyang nagawa kundi patangay sa agos, sa sarap ng pagpapatianod saan man siya gusting dalhin ni Komako. Geishang bundok ito, nasabi ni shimamura sa sarili, wala pang beinte anyos at hindi maaaring gayon siya kagaling. At kahit na nasa isang maliit na kwarto, hindi kaya nito hinahablot ang instrumento na parang nasa entablado? Siya mismo·y natatangay ng sarili niyang emosyon. Sinadya ni Komako na basahin ang mga kataga sa iisang tono, minsa·y bumabagal at minsa·y nilalampasan ang isang napakahirap na pasada; ngunit unti-unti tila ito nilukuban ng isang engkanto. Habang tumataas ang boses nito, nagsimulang makaramdam si Shimamura ng bahagyang pagkatakot. Hanggang saan siya tatangayin ng makapangyarihan at tiyak na himig nito? Bumiling siya at iniunan ang ulo sa isang braso na parang bagot sa naririnig. Para siyang nakawala nang matapos ang awit. A, umiibig sa akin ang babaeng ito«ngunit nayamot siya sa sarili sa ganitong isipin. Tiningala ni Komako ang maliwanag na langit sa ibabaw ng yelo. ´Iba ang tono sa araw na ito.µ Ang tono·y naging kasingyaman at kasintaginting tulad ng ipinahiwatig ng tinuran nito. Iba ang paligid. Walang mga dingding ng teatro. Walang manonood, walang alikabok ng lungsod. Kristal na lumulutang ang mga nota sa malinis na umaga ng tagalamig upang umabot ang tunog sa malayo at nagyeyelong taluktok ng bundok. Kay Shimamura, isang nasayang na pagsisikap ang ganitong paraan ng buhay. Naramdaman din niya rito ang isang pangungulilang nanawagan sa kanya at humihingi ng simpatiya.

Ngunit ang buhay at takbo ng buhay ay walang dudang dumadaloy nang ganito kadakila mula sa samisen nang may panibagong halaga kay Komako mismo. Si shimamura na hindi sanay sa pasikut-sikot na teknik ng samisen at naiintindihan ang emosyon sa tono lamang ang marahil ideal na tagapakinig ni Komako. Nang simulan ni Komako ang pangatlong awit-senswal na kalambutan ng musika marahil ang sanhi ² nawala ang panlalamig at pagtaas ng balahibo ni Shimamura na panatag at matamang nakikinig ay tumitig sa mukha ni Komako. Isang matinding pagkakalapit na pisikal ang lumukob sa kanya. 25 Parang ipinakakahulugan ng makikinis na labi ang isang nagsasayaw na liwanag kahit na ang mga ito·y parang talulot na nakatikom; at kung sa isang saglit ay nababanat ang mga ito gaya ng hinihingi ng pagkanta, mabilis itong tumitikom uli sa isang nakahahalinang maliit na talutot. Ang bighani ng labi ay katulad na katulad ng bighani ng kanyang katawan mismo. Dahil sa mga mata niyang mamasamasa at kumikislap, nagmukha siyang isang batang-batang babae. Wala siyang polbo at sa ningning ng isang geishang lungsod ay sumapi ang kulay ng bundok. Ang kanyang balat, na nagpapahiwatig ng kasariwaan ng isang bagong talop na sibuyas o ng puno ng lila marahil, ay bahagyang namumula hanggang lalamunan. Higit sa lahat ito·y malinis. Matigas at tuwid na nakaupo, tila mas mahinhin siya at mas mukhang dalaga kaysa dati. Ngayon, habang nakatingin sa isang bagong piyesa, kinanta niya ang isang awit na hindi pa niya naisasaulo. Nang matapos ito ay tahimik niyang isinuksok ang pang kalabit sa ilalim ng mga kwerdas at binayaang mapahinga ang sarili sa mas maginhawang posisyon. Ang pagbago niya ng upo·y mabilis na naghatid ng anyong nakakatukso at nanghihikayat. Walang maisip sabihin si Shimamura. Hindi pansin ni Komako kung ano ang palagay niya sa pagtugtog. Parang wala siyang pakialam na nasisiyahan sa kanyang sarili. ´Mahuhulaan mo ba lagi kung sino ang geisha sa tono ng kanyang samisen?µ ´Madali. Wala pa kaming dalawampu rito. Depende iyan sa estilo. Ang pagiging indibidwal ay higit na lumalabas sa ilang estilo kaysa iba.µ Muli nitong dinampot ang samisen at inilipat ang bigat ng katawan kaya ang mga paa·y nakahilig sa isang panig at ang instrumento ay nakapatong sa kalamnan ng binti. ´Ganito ang paghawak kung maliit ka.· Yumuko ito sa samisen na parang napakalaki nito para sa kanya. ´I-ti-im na buhok«µ Nagboboses bata si Komako at parang nag-aaral na kinalabit ang mga nota. ´itim na buhok ba ang una mong natutuhan?µ

´O-oµ Parang batang ipinilig nito ang ulo, walang alinlangang tulad ng ginawa nito noong araw na napakaliit pa niya para mahawakan nang husto ang samisen. HINDI na tinatangkang umuwi ni Komako bago mag-umaga kapag nagpapaiwan ito sa gabi. ´Komako.µ Mula sa bulwagan sa dulo ay tatawag ang dalawng taong gulang na anak na babae ng tagapangasiwa ng otel, ang boses ay tumataas sa punto ng salitang bundok. Silang dalawa·y masayang maglalaro sa kotatsu hanggang sa bago tumanghali at pagkaraa·y sabay silang mananaog para maligo. Pagkagaling sa paliligo, sinuklay ni Komako ang buhok. ´Tuwing makakikita ng geisha ang bata, tumatawag ito, ´Komakoµ sa nakakatawa niyang punto at kapag nakakita siya ng retrato ng iba na lumang estilo ang buhok, si ´Komakoµ rin iyon. Alam ng mga bata kung mahal mo sila. ´Halika, Kimi. Maglaro tayo kina Komako.µ Tumayo si Komako upang umalis, pagkaraa·y tinatamad na naupo sa beranda. ´Mga sabik na taga-Tokyo, nag-i-ski na.µ Ang kwarto·y nakatunghay sa mismong dausdusan ng ski sa paanan. Mula sa kotatsu, sumulyap si Shimamura. Patse-patse na ang yelo sa bundok at lima o anim na taong nakaitim na damit pang-ski ang nagpaikut-ikot sa may pilapil ng bakod. Parang sira ang mga ulo. Banayad ang dalisdis at ang mga pilapil ay hindi pa natatakpan ng yelo. ´Mga estudyante yata. Linggo ba ngayon? Ano·ng mapapala nila?µ ´Magagling din naman sila,µ ani Komako na parang sarili ang kinakausap. ´Laging nagugulat ang mga panauhin dito kapag binabati sila ng isang geisha sa iskihan. Hindi siya nakikilala dahil sunog siya sa tindi ng lamig. Sa gabi, tinatakpan ito ng polbo.µ ´Nagsusuot ka rin ng pang-ski?µ 26 Nagsusuot daw siya ng ´pantalong bundok,µ sabi nito. ´Pero malaking abala ang panahon ngayon ng ski. Malapit na naman. Makikita mo sila sa gabi sa otel, at sasabihin nila magkikita tayo uli kinabukasan habang nag-iski. Dapat sigurong itigil ko na ang pag-iski sa taong ito. Sige, aalis na ako. Halika na, Kim. Uulan ng yelo ngayong gabi. Malamig lagi ang gabi bago umulan ng yelo.µ Lumabas si Shimamura sa beranda. Inaakay ni Komako si Kimi sa matarik na daan sa ibaba ng daudusan ng ski. Hindi umulan ng yelo nang gabing iyon. Bumagyo ng buu-buong yelo na naging ulan. Muling ipinatawag ni Shimamura si Komako nang gabing iyon bago siya umalis. Aliwalas ang gabi at maliwanag ang buwan. Pagdating ng alas onse nanigid ang lamig ngunit nagpumilit si Komako na sila·y maglakad-lakad. Hinatak siya nito mula sa kotatsu. Nagyeyelo ang kalsada. Tahimik na nakahimlay ang nayon sa ilalaim ng malamig na

langit. Itinaas ni Komako ang laylayan ng kimono at ipinaloob ito sa kanyang obi. Kumikislap ang buwan na parang patalim na asul na yelo. ´Pupunta tayo sa istasyon,µ sabi ni Komako. ´Gaga. Mahigit isang milya iyon. Pa·no pa ang pagbalik?µ ´Malapit ka nang bumalik sa Tokyo. Tingnan lang natin ang istasyon. Namamanhid si Shimamura mula sa balikat hanggang pigi. Pagbalik sa kwarto, malungkot na napalupasay si Komako. Yuko ang ulo at ang mga kamay ay malalim na nakapasok sa Kotatsu. Kakatwa, tumanggi itong sumama sa kanya sa paliguan. Nakahanda na ang higaan na ang paa ng kutson ay nakapaloob sa katatsu. Malungkot na nakaupo sa gilid si Komako nang bumalik si Shimamura mula sa paliligo. Walang sinabi si Komako. ´Ano·ng nangyari sa iyo?µ ´Uuwi na nako.µ ´Huwag kang gaga.µ ´Mahiga ka na. Bayaan mong umupo muna ako rito sandali.µ ´Bakit gusto mong umuwi?| ´Hindi ako uuwi. Mauupo lang ako rito hanggang umaga.µ ´Hindi kita maintindihan.µ ´Hindi ako mahirap intindihin.µ ´E. bakit«?µ ´Masama« ang pakiramdam ko.µ Nasiyahan ka ba sa kwentong binasa mo? Nadama mo ba ang naramdaman ng tauhang babae? Kung naunawaan mo ang iyong binasa, sigurado akong masasagutan mo ang mga inihanda kong gawian. KUNG MANGARAP KA NANG MATAGAL (Isinalin ni Ruth Elaynia Mabanglo) KUMATOK SA PINTO si Kwang Meng kahit nakabukas ang pinto at nakikita niya si Boon teik na nakaupo sa sopa at nagbabasa. ´Tuloy, tuloy,µ sabi ni Boon teik na tumayo·t inilahad ang isang kamay. ´Upo ka! Upo ka! Nasa kusina ang misis ko·t tinatapos ang pagluluto ng ating hapunan. ´Me-I!µ tawag nito, ´Narito na si Kwang Meng!µ Lumabas ang asawa nito, kasunod si Anne. ´Me-I, ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng,µ at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing,µPalagay ko·y magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I.µ e r a a l b n e d a y a y Binati ni Kwang Meng ang kabiyak ni Boon Teik. Maraming beses na niya itong nakita noon. Mukhang wala pa itong dalawampu, may maliit na pangangatawan at nakasalaming gaya ni Anne. Talagang namamana pala iyon ng pamilya, naisip niya na natutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne. ´Iiwan muna namin kayong mga lalaki,µ humihingi ng paumanhin si Me-I.

´Pasensiya ka na, Kwang Meng, may gagawin pa kaming mga babae sa kusina, kundi·y hindi tayo makapaghahapunan.µ ´Oo ba,µ sagot ni Kwang Meng. Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisiyahang nagulat siya sa pagkikita nila. Nagpunta na kapagkuwan ang mga babae sa kusinang nasa likod ng flat. ´Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng?µ tanong ni Boon Teik. ´Tama na ang isang beer.µ Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Meng ang mga mata sa buong salas. Simple ngunit may panlasa ang mga gamit doon. Light green ang pin ta ng kuwarto. Nakasabit sa dingding ang ilang print ng Van Gogh at cezannw at batik na gawa ng mga local artists. Palibhasa·y walang ibang nakasanayan kundi dingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang mahabang bookshelf na puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming longplaying records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at gold katerno ng mga cushion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas, isang malaking Japanese paper lampshade na puti ang nakabitin, at nakatayo naman sa isang sulok sa likod ng mga armchair ang isang lampstand na may pulang lampshade. Sa ibabaw ng maliit, makitid at papahabang coffee table ay nakasalansan ang mga magazine, kasama ang isang bowl na Ikebana, ang Japanese-style na pag-aayos ng mga bulaklak. Hindi na-imagine ni Kwang Meng kailanman na mapagaganda at mapaaaliwalas ang isang fl at ng Housing Development Board. Ang bahay nila mismo·y sama-samang kwarto lamang na mauuwian; walang pagtatangkang gawin itong isang lugar na matitirhan. Ang magagawa nga naman ng kaunting pagsisikap!. Interes lamang iyon, ang pangangailangang magkaroon ng interes, isang pangangailangang nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay ang sinuman, naisip niya. Bumalik si Boon Teik na dala na ang mga inumin. ´ Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar n·yo, Boon Teikµ ´Hindi kami gumasta nang malaki riyan,µ sabi ni Boon Teik. Si Me-I ang pumili ng karamihan sa mga furniture naming. Mahilig siyang mamili sa dating C.C.C. Junk Shop sa Newton Road gayundin sa mga tindahan sa Sungei Road na nagbebenta ng mga kung anuanong luma. Alam mo siguro ¶yon, kilala rin iyon bilang Thieves· Market.µ 8 Narinig na ni Kwang Meng ang lugar na iyon, pero wala siyang nabalitaan kundi napakabaho ng mga kanal doon. Tiyak na enterprising si Me-I dahil hindi man lang siya napigil ng mabahong amoy. Aywan niya kung totoo ang balita na noong araw, ipinagbibili roon ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat nila, kaya kapag may isang napagnakawan, nagpupunta na ito sa Thieves· Market umagang-umaga kinabukasan upang mabawi ang ninakaw sa kanya. Siyempre pa·y binibili niya uli ito; ngunit sa mas murang halaga. Doon siguro nito nakuha ang pangalan. Ilang nakapasong halaman na ferns at cacti rin ang nasa salas ni Boon Teik. ´Talagang dapat kong purihin ang panlasa mo. Parang kulungan ng baboy ang bahay namin kung ihahambing dito,µ sabi ni Kwang Meng.

´Pero hindi iyon ang talagang lugar mo! Hintayin mong makapag-asawa ka·t magkaroon ng sarili mong flat. Natitiyak kong magagawa mo roon ang lahat ng gusto mong gawin. Parang kulungan din ng baboy ang bahay ng mga magulang ko, at tumira kami roon hanggang noong bagong ikasal si Me-I. Noong nakatira pa ako roon, hindi ako gumagawa ng kahit ano liban sa mag-ayos ng kwarto ko. Iba na ngayon. Bahay na naming ito.µ ´Maganda talaga ang pagkakaayos mo,µ bati ni Kwang Meng sa pangatlong pagkakataon. ´Sa palagay ko·y napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o tahanan gaya ng buhay, ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon ang dapat maging pakiramdam natin para umayos pati ang sariling buhay natin. Nararamdaman kong hindi ganito ang ginagawa natin ngayon, lalo na tayong mamamayan ng postwar generation. Pasakay- sakay lang tayo, walang direksyon. Sa eskwela, ito ang pinipilit kong ituro sa aking mga estudyante. Mahalagang matutuhan nila ito.µ ´Magiging isang mabuti teacher ka, Boon Teik.µ ´Pinipilit ko. Lahat tayo·y dapat magpumilit. Anuman ang ginagawa natin, dapat natin itong pagbutihin.µ ´Kahit walang kahulugan ang trabahong ginagawa mo?µ tanong ni Kwang Meng. ´Walang bagay na talagang walang kahulugan,µ pagpapalagay ni Boon Teik. Napakalakas ng pagpapalagay na iyon kaya ibig tuloy maniwala ni Kwang Meng, bagaman hindi siya naniniwala. Pero sinabi niya iyon na parang kapani-paniwala, naisip ni Kwang Meng, tulad ng dapat gawin ng isang mabuting guro. Hindi naman talagang ang himig ng awtoridad ang nagdulot doon, kundi ang himig na nagsasaad ng katotohanan. Hinangad ni Kwang Meng na totoo na sana iyon. Ngunit sa halip, sinabi niya, ´Hindi ako lubos na naniniwala. May mga bagay at trabahong talagang walang kahulugan.µ Iniisip niya noon ang sariling trabaho niya. 9 ´Maaaring walang kahulugan iyon sa tingin, pero hindi naman talaga. Depende iyan sa paraan ng pagtanaw mo. Naniniwala akong dapat itong tanawin mula sa malawak na pananaw ng lipunan. Isang social animal ang tao, dapat muna nating tanggapin ito. Nakabilang siya sa isang lipunan, at para makakilos ang lipunan, kinakailangang magkaroon ng iba·t ibang uri ng gawain. Ngunit anumang kategorya o uri ng gawain, nagkakaakma silang lahat na parang isa-isang bahagi ng isang masalimuot na makinarya, gaya ng isang relos halimbawa. Sa gayon, makikita mong mahalaga ang kahit isang maliit na piraso, ang bawat bahagi ng kabuuan.µ ´Siguro nga. Pero hindi ba·t ito rin ang simulaing ginamit ng mga tao noong unang panahon para pangatwiranan ang pangangailangan nilang makapang-alipin? Parang ganito rin ang sinabi ng isang Greek Philosopher, di ba? Hindi ko lang matandaan ang pangalan.µ ´Pero hindi natin tinatanggap ang pang-aalipin ngayon, sabi ni Boon Teik. Tinatawag lang natin ito sa ibang pangalan, pero iyon din. Ang mapilitang gumawa ng mga trabahong walang kahulugan sa lipunan ay parang sapilitang pagpasok sa isang uri ng pang-aalipin.µ ´Hindi naman,µ tutol ni Boon Teik. Dahil walang hilig sa pakikipagtalo, nanatiling tahimik si Kwang Meng. Walang

kabuluhan para sa kanya ang pagtatalo dahil bibihirang tanggapin ng isa ang katwiran ng isa a; bibihirang makumbinsi ang isa at baguhin pagkatapos ang sariling palagay niya, tama man iyon o mali. Hindi, hindi ako maaakit na makipagtalo, pasya niya. Magiging dahilan lang iyon para mainis sa ¶kin si Boon Teik o mainis ako sa kanya; at ayokong mainis kay Boon Teik. ´Dapat mong maunawaang napakakumplikado ng makabagong lipunan; at habang lalong nagiging makabago ang anyo ng lipunan, lalo itong nagiging kumplikado at sopistikado; at sa ganitong uri ng lipunan, napakaraming mahahalagang uri at kategorya ng mga gawaing itinatakda sa tao, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Tunay na ang kalawakan ng pagkakaiba-iba ang nagtatalaga ng antas ng pagkasulong ng isang lipunan.µ Tumigil si Boon Teik, naghihintay marahil na ipagpatuloy ni Kwang Meng ang pakikipagtalo. Dahil sa walang tinanggap na sagot, nagpatuloy si Boon teik, ´Maaaring hindi makatarungan sa tingin itong theory of human function na tagasibak ng kahoy at taga-igib ng tubig. Pero ito ang talagang essence ng demokrasya.µ Hindi ko sinasabing hindi ito tama; hindi ko rin tinututulang maaaring demokratiko ito; ang masasabi ko lang ay napakalungkot nito, sumaisip ni Kwang Meng ngunit hindi ito ipinarinig sa kaibigan. ´Alam kong malungkot ito ngunit hindi ito maaaring tutulan,µ sabi ni Boon Teik na parang nabasa ang nasa isip ni Kwang Meng. ´Pero sa huli, ang talagang problema·y kung 10 paano maipauunawa sa mga tao na sa kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot ng trabaho nila·y mahalaga·t makabuluhan ito sa maayos na pagkilos ng lipunan,µ dagdag ni Boon Teik. ´Pero hindi pa rin ¶yon makapagbibigay sa kanila ng anumang kasiyahan. Hindi pa rin no·n magagawang kawili-wili ang trabaho nila, di ba?µ salag ni Kwang Meng. ´Hindi nga,µ sang-ayon ni Boon Teik. ´Pero kung malalaman nilang makabuluhan ang trabaho nila, kung malalaman nilang may naiaambag iyon, kung makikita nilang nakatutulong sila sa pag-unlad at pagsulong ng lipunan, maaaring makatagpo sila ng kasiyahan sa katotohanang instrumental sila sa pagbabago ng lipunan, kaya magiging mas mainam na lipunan iyon para sa kanilang mga anak, at sa magiging anak ng kanilang mga anak. At kung hindi man kasiyahan ang matagpuan nila, kaunting ginhawa o pampalubagloob man lang.µ ´Paano iyon magagawa, Boon Teik?µ ¶Tungkulin iyan ng ating mga polotiko. Kailangang bigyan nila ng edukasyon ang mga mamamayan upang malaman nila ito.µ ´Hindi ba·t ginagawa na rin iyan ng mga politiko natin?µ ´ Ooµ ´At babahagyang ginhawa ang natatagpuan natin.µ Dumating sa bahaging ito ang mga babae mula sa kusina. Nakahain na ang hapunan. Nakakahawig ng sa kanila ang flat, sa kusina rin inilagay ng mga Lim ang kanilang hapag-kainan, isang maliit na kwadradong apatan ang silya. Ngunit malinis at masaya ang

kitchen-cum-dining roon nila, napipintahan ng lemon yellow. May mga sariwang bulaklak na nakalagay sa bote sa ibabae ng mesa, ilang tangkay ng Golden Shower Orchids. Ilang lutong nonya ang inihanda ni Me-I. Nalaman ni Kwang Meng pagkaraan na ito at si Anne ay buhat sa matandang angkan ng Pernakan, at naroon na sa pook na iyon ang mga ninuno nila nang mahigit isandaang taon. Ang mga Pernakang ito na lalong kilala sa nonya at bilang babae ng matatandang straits-born Chinese na lumuwas sa Malaya at Singapore maraming salinlahi na ang nakalilipas. Sa loob ng mga taon, nakabuo sila ng natatanginganyo ng kulturang bagaman ethnically Chinese ay may ilang impluwensyang Malay sa paraan ng kanilang pagdadamit, pagsasalita at sariling uri ng maaanghang na pagkain. Naiibigang mabuti ni Kwang Meng ang huli, paborito niya ang nonya at laksa mula sa pulo ng Penang, ang nasi lemak o kaning may lasang buko, ang otak-otak, sambal at curry, at ang kuay. Nang gabing iyon, nasi lemak ang niluto ni Me-I. ´Gusto mo bang mga lutong nonya, Meng?µ tanong ni Anne. ´H·mmmmmm! Ang sarap , Me-I,µ pagpupuri ni Kwang Meng. ´Oy, masarap ding magluto si Anne,µ sabi ni Me-I. Namula si Anne. ´Hindi kasing-husay mo,µ nginitian ni Anne ang pinsan. ´Ikaw ang dapat magsabi niyan Kwang Meng,µ sabi ni Boon Teik. ´Kailangang matikman mo ang luto ni Anne.µ ´Tama, sa susunod, si Anne ang paglulutuin namin para sa iyo,µ sabi ni Me-I. Pagkahapunan, bumalik ang mga lalaki sa salas. Nagdala ng dalawang beer si Boon Teik samantalang naiwan para magligpit ang mga babae. Dalawang taon na silang kasal, sabi sa kanya ni Boon Teik. Kaga-graduate lang niya noon ng T.T.C. at kae-enroll ni Me-I bilang estudyante. Nang unang ilang buwan, nakipanirahan sila sa mga magulang ni Boon Teik pero hindi naging mabuti iyon. Wala silang privacy sapagkat napakalaki ng pamilya ng mga magulang niya. May mga tiyuhin, tiyahin, at iba pang nakikita bukod sa talagang pamilya. Hindi talagang angkop iyon para sa pagsisimula ng isang kakakasal ng mag-asawa. Pagkaraa·y sinwerte sila. Nag-aplay sila at nakakuha ng sarili nilang flat. Naging napakasaya nila noon. Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng kanyang kaibigan. Taglay nito ang tahimik na kapanatagan at kaluwagang sumasalamin sa mapayapang kalagayan ng pagsasama ng mag-asawa. Naniniwala siyang ang isang matagumpay na pag-aasawa ay higit na maganda kaysa alinmang bagay. Tunay na isang mainam na bagay ang pagkakaroon ng marital bliss; pero hindi lahat ng pag-aasawa ay nagiging maligaya. Pumasok sa isip niya si Hock Lai at Cecilia iyon, at mas nararamdaman ito ni Hock Lai kaysa kay Cecilia. Ngunit ipinagpatuloy nila ito, buong kasiyahan at buong pagwawalambahala! Napakasaya kahit sa harap ng panganib ! Sa loob ng isang taon, kundi man bago dumating ang isang taon, nambabae si Hock Lai, at sa loob ng ilang taon, makakasanayan ito ni Cecilia, tatanggapin niya ito (´Parang negosyo ito, alam mo namang kailangan kong mag-entertain,µ sasabihin iyon ni Hock Lai), hanggang sa matutuhan nitong magpalipas ng oras sa paglalaro ng mahjong. Nagpatugtog ng isang plaka si Boon Teik. Isang Brahms· symphony iyon, sabi nito, at saka lumabas para kumuha ng marami pang beer. Tumayo si Kwang Meng at tumingintingin sa mahabang bookshelf. Marami-raming collection ng libro si Boon Teik, karamihan, doo·y paperbacks sa literature, history at politics. ´Masyado ka palang palabasa,µ sabi ni Kwang Meng kay Boon Teik nang makabalik

na ito sa silid. ´Oo, enjoy ako sa pagbabasa. Gano·n din si Me-I. Hindi naman kami palalabas, bihira rin kaming dumalo sa mga social functions. Kung minsan, nanonood kami ng sine. Wala rin kaming telebisyon. Parang takot kaming bumili. Nalaman kong nagiging addict doon ang mga tao. Masama iyon sa palagay ko.µ ´Sana marami na rin akong nabasa,µ sabi ni Kwang meng. ´Hindi pa naman huli para magsimula ka, Kwang Meng. Welcome ka para hiramin ang mga libro ko. Kahit anong oras. Tutal, diyan ka lang nakatira sa katabing pinto.µ ´Salamat. Pero tamad na tamad na akong bumasa.µ ´Wala iyon. Mabubuhos ang loob mo kapag nagsimula ka na. Magsimula lang ang dapat; at maiinam na libro lang ang dapat mong basahin. Sa gano·n hindi ka mababagot. Literatura na ang pinakamagandang pagsimulan. Marami kang matututuhan sa literature.µ Agad namang namili ng ilang libro si Boon Teik para kay Kwang Meng. Crime and Punishment ni Dostoyevsky, To Have And To Have Not ni Hemingway, at ang The Maneater of Malgudi ni Narayan. ´Sus, aabutin ako ng siyam-siyam sa pagbabasa niyan!µ sabi ni Kwang Meng. ´Huwag kang magmadali. Hindi mo naman kailangang isauli iyan agad. Unahin mo si Narayan,µ payo ni boon Teik, ´siguradong matatawa ka riyan.µ ´Sinamahan na sila ng mga babae makaraang tapusin ang mga ligpitin sa kusina. Bawat isa sa kanila·y may dalawang maliit na puswelo ng black coffee. ´Hinihiram mo ang ilang libro ni Boon Teik?µ tanong ni Anne. ´Patingin kung alinalin iyan.µ Iniabot dito ni Kwang Meng ang mga libro. ´A, nakakatawa ang isang ito,µ sabi ni Anne na itinataas ang kay Narayan. ´Dapat tayong bumili ng iba pang libro niya,µ sabi ni Me-I sa kanyang asawa. ´Wala akong makita,µ sagot ni Boon Teik. ´Napuntahan ko na ang lahat ng bookshop dito, wala talaga. Sana mayroon ditong magagandang bookshops. Hindi alam iyon ni Kwang Meng. Pero talaga namang hindi pa siya nakapagbasa- basa sa isang bookstore kahit kalian. ´Tapos na ang plaka, Teikµ, sabi ni Me-i. Lumapit si Boon sa record player. ´Huwag ka nang magpatugtog ng bago,µ sabi ng asawa nito. ´Kausapin na lang natin ang ating mga bisita.µ Kaya pinalipas nila ang oras sa paguusap. Nakapagsalita nang mas marami si Kwang Meng kaysa karaniwan niya at hindi niya ito namalayan. Pagkatapos. Gaya ng inaasahan sa kanya ng lahat, nagprisinta si Kwang Meng na maihatid pauwi si anne. Nagpaalam sila kina Boon Teik at Me-I at lumakad sa pasilyo pababa sa hagdanan upang hintayin ang lift pagkaraan. Sa lansangan, malamig at nakakapresko ang hangin. Naging matahimik si Kwang Meng sa oras na ito. Itinuro niiya kay Anne ang kumpol ng mga punongkahoy. ´Rain trees,µ sabi nito. ´Hindi ba matanda na sila·t maganda?µ ´Oo, kung minsan, kumikinang sila kapag maliwanag ang buwan sa gabi.µ ´Gusto ko silang makita kapag maliwanag ang buwan,µ sabi nito. Tumango siya. Sumakay sila sa isang bus papauwi sa bahay ni Anne. Walang laman ang bus. Abala ang konduktor sa pagbibilang ng mga baryang nakatago sa isang malaking bag na may strap na nakabitin sa balikat nito. Pagkaraang makuha ang bayad ng dalawa sa pasahe, hindi na sila pinansin nito. Kapwa sila nag-iisa, magkasama. Nang papauwi na siya pagkaraan, naramdaman niya ang bigat ng mga libro sa kamay

niya. Nagbibigay ng kung anong katiyakan. Isang nakasisiyang gabi iyon para sa kanya, at nakipagkasundo siyang makipaglaro ng badminton kay Boon Teik sa darating na Linggo ng umaga at isasama sa swimming si Anne sa sinusundang Sabado ng hapon. Pagdating ng bahay, himiga siya·t madaling nakatulog. Nagustuhan mo ba ang binasa mo? Di ba kasiya-siya ang ugali ng pangunahing tauhan. Para sa kanya anumang gawain kailangang bigyan importansya ito. Kung naunawaan mo ang iyong binasa, masisiyahan ka sa aking mga inihandang gawain.

Garner Corporation is authorized to issue 1,000,000 shares of $5 par value common stock. During 2008, its first year of operation, the company has the

following stock transactions. Jan. 1 Paid the state $2,000 for incorporation fees. Jan. 15 Issued 500,000 shares of stock at $7 per share. Jan. 30 Attorneys for the company accepted

500 shares of common stock as payment for legal services rendered in helping the company incorporate. The legal services are estimated to have a value of $8,000. July 2 Issued 100,000 shares of stock for

land. The land had an asking price of $900,000. The stock is currently selling on a national exchange at $8 per share. Sept. 5 Purchased 15,000 shares of common stock for the treasury at $10 per share.

Dec. 6 Sold 11,000 shares of the treasury stock at $11 per share.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful