You are on page 1of 64

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 3
Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean
(SANAYSAY)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Akdang Pampanitikan ng Mediterranean (Sanaysay)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Clarice C. Espelita
Editor: Rhea S. Taboada, Nenita M. Aboniawan, Elena G. Madria,
Delaila G. Cabahug
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD EPS - FILIPINO
Tagaguhit: Clarice C. Espelita
Tagapamahala:
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh, A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mga Kasapi: Mala Epra B. Magnaong, PhD, Chief-CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagalimot Jr., PhD, CESO IV
Elbert R. Francisco, PhD. Chief-CID
Amelia L. Tortola, EdD EPS-FILIPINO
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-manager
Jeny B. Timnal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Department of Education – Division of Bukidnon


Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 088 - 813 - 3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10
Filipino
Unang Markahan – Modyul 3
Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean
(Sanaysay)

KAHON NG KATUGUNAN

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng


mga edukador mula sa mga pampublikong at pribadong paaralan, kolehiyo
at pamantasan.
Hinikayat ang mga guro at iba pang mga pang-edukasyong
stakeholder na mag-email ng kanilang tugon, puna, at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon, action@deped.gov.ph

Pinapahalagahan namin ang inyong mga tugon at mga


rekomendasyon.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

TALAAN NG NILALAMAN
ii
TAKIP NG PAHINA PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
PAUNANG SALITA

Aralin 1- Sanaysay, Mahalagang Bahagi at Elemento ng Sanaysay- Lunes


Alamin 1
Subukin 2
Balikan 4
Tuklasin 4
Suriin 6
Pagyamanin 7
Isaisip 9
Isagawa 9
Tayahin 10
Karagdagang Gawain 12

Aralin 2 – Alegorya ng Yungib - Martes


Alamin 13
Subukin 14
Balikan 16
Tuklasin 17
Suriin 20
Pagyamanin 21
Isaisip 22
Isagawa 23
Tayahin 24
Karagdagang Gawain 26

Aralin 3 – Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag sa Konsepto ng Pananaw -


Miyerkules
Alamin 27
Subukin 28
Balikan 30
Tuklasin 30
Suriin 32
Pagyamanin 33
Isaisip 35
Isagawa 36
Tayahin 37
Karagdagang Gawain 39

Aralin 4 – Ang Ningning at ang Liwanag - Huwebes

iii
Alamin 40
Subukin 41
Balikan 43
Tuklasin 44
Suriin 45
Pagyamanin 45
Isaisip 46
Isagawa 46
Tayahin 47
Karagdagang Gawain 49

Aralin 5 – LINGGUHANG PANGWAKAS NA GAWAIN - Biyernes

Alamin 50
Balikan 50
Tayahin 51
Susi sa Pagwawasto 52
Sanggunian 54

iv
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa Unang Markahan hinggil sa mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean, ang Sanaysay.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay
handang tumulong upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:


Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa
mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa
larangan ng edukasyon na mag e-mail ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan namin ang inyong mga puna at mungkahi.

Para sa Mga Magulang:


Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng
ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang
limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.

Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga


mag-aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

v
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

vi
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan mo ang tungkol sa sanaysay na


nagmula sa Mediterranean nang sa ganoon ay lalawak pa ang iyong kaalaman
hinggil dito lalo na sa Sanaysay na “Alegorya ng Yungib”. Kasabay mo ring
matutuhan sa modyul na ito ang pagsasanib ng gramatika at retorika na nakatuon
sa mga ekspresyon sa pagpapahayag sa konsepto ng pananaw.

Tanggapin mo ang mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon


sa gitna ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan.
Sapat na ito upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong sariling kaparaanan.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

vii
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinuat para pangkaisipan. Ito ay tutulong na


mahasa ang mga mag-aaral sa Sanaysay, Mahahalagang Bahagi ng Sanaysay,
Elemento ng Sanaysay, Alegorya ng Yungib ni Plato na Isinalin sa Filipino ni Willita
A. Enrijo, Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag sa Konsepto ng Pananaw, Ang
Ningning at ang Liwanag, at Lingguhang Pangwakas na Gawain. Ang saklaw ng
modyul na ito ay upang gamitin sa iba’t ibang sitwasyon sa pagkatoto. Ang wikang
ginamit ay kumikilala sa iba’t ibang antas pangkaisipan ng mag-aaral. Ang aralin ay
sumusunod sa batayan ng kurso ngunit ang pagkasunod-sunod ay maaaring maiba
ayon sa aklat na iyong ginagamit.

Ang modyul na ito ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:


 Aralin 1- Sanaysay: Bahagi at Elemento
 Aralin 2- Panitikan: Alegorya ng Yungib
 Aralin 3- Gramatika at Retorika: Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag sa
Konsepto ng Pananaw
 Arain 4- Ang Ningning at ang Liwanag.
 Arain 5- Lingguhang Pangwakas na Gawain

Pagkatapos mong magpag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa napakinggang
impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media. F10PN-Ic-d-64
2. Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda. F10PB-Ic-d-
64
3. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan.
F10Pt-Ic-d-63
4. Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig. F10PD-Ic-d-63
5. Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang nakapaloob sa
binasang akda sa pamamagitan ng brain storming. F10PS-Ic-d-66
6. Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung
pandaigdig. F10PU-Ic-d-66
7. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.
F10WG-Ic-d-59
8. Nasasaliksik ang mahahalagang impormasyon gamit ang silid-aklatan, internet, at
iba pang batis ng mga impormasyon. F10EP-Ia-b-28

viii
Aralin
Sanaysay: Bahagi at Elemento
1
Binabati kita! Ngayon ay nasa huling baitang ka na sa sekondarya at marami
ka nang kaalaman patungkol sa sanaysay na nais mo pang mapayaman.
Nawa ay marami kayong matutuhan at makukuhang impormasyon sa modyul
na ito. Hangad naming mas mapayaman mo pa ang inyong kaalaman sa
impormasyong ibinahagi naming sa modyul na ito.

Alamin

Ang Aralin 1 ng Modyul 3 ay tungkol sa Sanaysay, Bahagi at Elemento ng


Sanaysay. Ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito tutulungan
kang mas mapayabong at mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa
sanaysay.
Sa mga araling iyong mababasa at masusuri, makikita ang nais ihayag ng akda sa
mga mambabasa. Maiuugnay ang sariing karanasan sa akda. Mababatid mo rin na
sa pamamagitan ng akda ang iyong mga kaalaman ay magagamit mo upang
maintindihan mo pa ang iyong sarili.

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


1. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.
F10WG-Ic-d-59
2. Nasasaliksik ang mahahalagang impormasyon gamit ang silid-aklatan,
internet, at iba pang batis ng mga impormasyon. F10EP-Ia-b-28

Mga Tala para sa Guro


Dito ay ilalahad ng guro ang kahulugan ng sanaysay, ang bahagi ng
sanaysay, elemento ng sanaysay at uri ng sanaysay.

1
Subukin

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak


na paksa.
A. dula B. maikling kuwento
C. sanaysay D. tula

2. Elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng


damdamin.
A. damdamin B. himig
C. kaisipan D. tema

3. Bahagi ng sanaysay na dito inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw


ng may-akda.
A. gitna B. kasukdulan
C. panimula D. wakas

4. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at


nangangailangan ng masusing pag-aaral.
A. di-pormal B. nilalaman
C. pormal D. tema

5. Bahagi ng sanaysay na dito nakapaloob ang kabuuan ng sanaysay.


A. gitna B. panimula
C. tema D. wakas

6. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-


araw-araw at personal.
A. di-promal B. panimula
C. pormal D. tema

7. Elemento ng sanaysay na nakakaapekto sa pagkaunawa ng mga


mambabasa.
A. anyo at estruktura B. kaisipan
C. tema D. wika

8. Bahagi ng sanaysay na dito makikita ang pagtatalakay sa mahahalagang


puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay.
A. katawan B. panimula
C. tema D. wakas

2
9. Elemento ng sanaysay na itinuturing ding paksa.
A. anyo at kaisipan B. himig
C. tema D. wika at estilo

10. Ang sanaysay sa Ingles ay tinatawag na __________.


A. essay B. fable
C. speech D. story

11. Uri ng akda na isang piraso ng sulatin na naglalaman ng punto de vista ng


may katha.
A. kuwento B. pabula
C. sanaysay D. talumpati

12. Elemento ng sanaysay na masining na paglalahad na gumagamit ng sariling


himig ang may-akda
A. anyo at estruktura B. larawan ng buhay
C. tema at nilalaman D. wika at estilo

13. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita na “sanay” at ____________.


A. pagkukuwento B. paglalahad
C. pagsasalaysay D. pagtatalumpati

14. Uri ng sanaysay na naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang


mabisang ayos ng pagkasunod-sunod upang lubos na maunawaan ng
mambabasa ang akda.
A. di-pormal B. paksa
C. pormal D. tema

15. Uri ng sanaysay na naglalaman ng nasasaloob at sariling kaisipan lamang


batay sa karanasan ng may-akda.
A. di-pormal B. paksa
C. pormal D. tema

Mahusay! Upang lalo mo pang mapayabong ang


iyong kaalaman sa panitikan, tunghayan natin ang
susunod na aralin. Kung ang parabula ay
naghahayag ng mga aral mula sa Banal na Aklat
,ngayon naman ay tunghayan natin ang isang
akdang nagpahahayag ng mga kaisipan. Handa ka
na ba?

3
Balikan

Maaaring ikaw ay pamilyar na sa sanaysay ngunit kailangan pa ring balikang tanaw


ang iyong natutunan hinggil sa parabula upang mas mapayabong mo pa ang iyong
kaalaman patungkol sa sanaysay.

. Bakit mahalagang pag-aralan ang parabula? Paano natin malalaman na ang isang
akda ay parabula?

Tuklasin

Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Ang salitang
“sanaysay” ay nagmula sa salitang “sanay” at “salaysay.” Kung pagdurugtungin ang
dalawa, puwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o masasabi ng isang
“sanay” o eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay
tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga
impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw. Maaari ring
pagbasehan ang mga pangyayari sa paligid sa pagsulat ng sanaysay.

Ang sanaysay ay mayroong tatlong mahahalagang bahagi o balangkas:

1. PANIMULA – Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o


pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
Nakapaloob din dito na makakapag-isip ang mambabasa kung ipagpapatuloy pa
niya ang pagbabasa.

2. GITNA o KATAWAN – Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang


kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan, o suportahan
ang inilahad na pangunahing kaisipan. Dito din nagpapahayag ng mensahe ang
may-akda.

3. WAKAS – Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang


pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at
katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda. Maaari ring maglagay ang manunuat ng
salitang makakapaghamon sa pag-iisip ng mga mambabasa.

4
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

Tema – Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang tema ay ang sinasabi ng
isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng
temang ito.

Anyo at Estruktura – Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang


sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang
maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa
mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.

Kaisipan – Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.


Halimbawa: Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong kapaligiran.

Wika at Estilo – Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay


nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng
simple, natural, at matapat na mga pahayag.

Larawan ng Buhay – Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay,


masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-akda. Halimbawa:
Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali.
Kontento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga
nagdaraan.

Damdamin – Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang


damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at
kaganapan.

Himig – Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya,


malungkot, mapanudyo at iba pa.

URI NG SANAYSAY
Pormal – ito ay tumatalakay sa isang seryosong paksa at nangangailangan ng
masinsinang pag-aaral at malalim na pang-unawa sa akda.
Di-pormal - ito naman ay tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan at
pang-araw-araw. Binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga
karanasan at mga napapansin sa paligid lamang.

5
Suriin

Ngayong mayroon ka nang karagdagan at panibagong


kaalaman tungkol sa sanaysay, handang handa ka na sa
talakayan.

Ang sanaysay ay sulating gawain na kung saan ito ay kadalasang naglalaman ng


mga pananaw, opinyon o kuro-kuro ng isang awtor o may-akda tungkol sa isang
paksa. Inihahayag ng may-akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa sa
pamamagitan ng pagsusulat at ito rin ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon na ang
ukol nito ay maipabatid ang saloobin sa isang paksa o isyu. Kung sa Ingles pa, ito
tinatawag na essay.

Nahahati sa tatlong bahagi o balangkas ang sanaysay. Mayroon itong panimula,


nakapaloob dito ang pangunahing kaisipan patungkol sa paksa. Sunod na bahagi ng
sanaysay ay ang katawan dito naman makikita ang pagtalakay sa mahahalagang
puntos tungkol sa paksa o tema at nilalaman ng sanaysay. Dito rin pinapaliwanag
nang mabuti ang mahahalagang bagay sa paksa upang lubos na maunawaan ng
mambabasa ang sanaysay. At ang huling bahagi ay ang wakas. Dito naman
sinasara ang talakayan na naganap sa katawan ng sanaysay.

Mayroong anim na elemento ang sanaysay. Ang tema, itinuturing din itong paksa.
Ang anyo at estruktura, dito naman nakapaloob ang pagkasunod-sunod ng
pangyayari. Ang kaisipan, dito nakapaloob ang mga ideya na kaugnay o
nagpapalinaw sa tema. Ang wika at estilo, damdamin at himig.

May tinatawag din tayong uri ng sanaysay. May dalawang uri ng sanaysay. Ito ay
ang pormal at di-pormal. Ang pormal na uri ng sanaysay ay pinag-uusapan dito ay
mga seryosong mga paksa na nagtatagay ng masusing pagsusuri. Isang halimbawa
nito ay pahayagang editoryal. Ang di-pormal ay tumatalakay naman sa mga paksang
karaniwan, personal at pang-araw-araw na kasiya-siya o mapang-aliw para sa
mambabasa.

6
Pagyamanin

GAWAIN 1: Paghanayin mo! Ihanay ang hanay A sa hanay B ayon sa hinihinging


sagot sa bawat pahayag.
HANAY A HANAY B
1. Ang sinasabi ng isang akda tungkol A. anyo at estruktura
sa isang paksa B. damdamin
2. Ang maayos na pagkakasunod-sunod C. di-pormal
ng ideya D. gitna
3. Ideyang nabanggit na kaugnay o E. himig
nagpapalinaw sa tema F. kaisipan
4. Higit na mabuting gumamit ng simple, G. larawan ng buhay
natural, at matapat na mga pahayag H. panimula
5. Masining na paglalahad na gumagamit ng I. pormal
sariling himig ang may-akda J. tema
6. Naipapahayag ng isang magaling na K. wakas
may-akda ang kaniyang L. wika at estilo
7. Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan
ng damdamin
8. Sa bahaging ito madalas inilalahad ang
pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda
9. Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang
karagdagang kaisipan
10. Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan
ng sanaysay

7
GAWAIN 2: Pagtibayin ang Palagay! Batay sa larawan, dugtungan ang pahayag
ng iyong nabuong konsepto, o pananaw gamit ang mga ekspresiyon ng
pagpapahayag.

Kuhang Larawan ni: Clarice Espelita

Sa aking pananaw, ___________________________________________________


________________________________________________________________________

Sa kabilang dako, ____________________________________________________


________________________________________________________________________

Ayon sa, _________________________________________________________


________________________________________________________________________

Sang-ayon sa, _________________________________________________________


________________________________________________________________________

8
Isaisip

GAWAIN 3: Punan Mo! Upang mas lalo pang malinang ang iyong natutuhan,gawin
mo ang bahaging ito. Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang
kaisipan ng araling tinalakay.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang 1._____________ ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Ang salitang
“sanaysay” ay nagmula sa salitang “2._________” at “3.___________.” Kung sa
Ingles pa, ito tinatawag na 4.___________.
May dalawang uri ng sanaysay ito ay ang 5.__________ at 6._____________.
Nahahati sa tatlong bahagi o balangkas ang sanaysay. Ito ay ang 7.____________,
8.___________ at 9.____________. Ang tema, itinuturing din itong
10.____________.

Isagawa

GAWAIN 4: Magsanay sa SANAYSAY: Ngayong mayroon ka ng sapat na


kaalaman patungkol sa sanaysay, mas hahasain pa natin ang iyong kaalaman.

Lumikha ng isang pormal na sanaysay batay sa sumusunod na paksa sa ibaba.


Magsaliksik ng mahahalagang impormasyon gamit ang internet o iba pang batis ng
mga impormasyon na maaari mong maidagdag sa sanaysay na gagawin.
Mga Paksa:
1. Covid-19
2. Droga
3. Teknolohiya

9
Ang iyong mabubuo na sanaysay ay tatayain ayon sa sumusunod na rubric.

Krayterya Puntos Puntos ng Guro

Nilalaman 8

Organisasyon 7

Mekaniks 5

Kabuuan 20

Tayahin

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak


na paksa.
A. dula B. maikling kuwento
C. sanaysay D. tula

2. Elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng


damdamin.
A. damdamin B. himig
C. kaisipan D. tema

3. Bahagi ng sanaysay na dito inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw


ng may-akda.
A. gitna B. kasukdulan
C. panimula D. wakas

4. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at


nangangailangan ng masusing pag-aaral.
A. di-pormal B. nilalaman
C. pormal D. tema

5. Bahagi ng sanaysay na dito nakapaloob ang kabuuan ng sanaysay.


A. gitna B. panimula
C. tema D. wakas

6. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-


araw-araw at personal.
A.di-promal B. panimula
C.pormal D. tema

10
7. Elemento ng sanaysay na nakakaapekto sa pagkaunawa ng mga
mambabasa.
A. anyo at estruktura B. kaisipan
C.tema D. wika

8. Bahagi ng sanaysay na dito makikita ang pagtatalakay sa mahahalagang


puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay.
A. katawan B. panimula
C.tema D. wakas

9. Elemento ng sanaysay na itinuturing ding paksa.


A. anyo at kaisipan B. himig
C. tema D. wika at estilo

10. Ang sanaysay sa Ingles ay tinatawag na __________.


A. essay B. fable
C. speech D. story

11. Uri ng akda na isang piraso ng sulatin na naglalaman ng punto de vista ng


may katha.
A. kuwento B. pabula
C. sanaysay D. talumpati

12. Elemento ng sanaysay na masining na paglalahad na gumagamit ng sariling


himig ang may-akda
A. anyo at estruktura B. larawan ng buhay
C. tema at nilalaman D. wika at estilo

13. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita na “sanay” at ____________.


A. pagkukuwento B. paglalahad
C. pagsasalaysay D. pagtatalumpati

14. Uri ng sanaysay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang


mabisang ayos ng pagkasunod-sunod upang lubos namaunawaan ng
mamababasa ang akda.
A. di-pormal B. paksa
C. pormal D. tema

15. Uri ng sanaysay na naglalaman ng nasasaloob at sariling kaisipan lamang


batay sa karanasan ng may-akda.
A. di-pormal B. paksa
C. pormal D. tema

11
Karagdagang Gawain

Upang lubusan mo pang maunawaan ang kaalamang nakapaloob sa araling ito ng


modyul, magsaliksik, manood at magtala ka ng mga impormasyon tungkol sa
napapanahong isyu sa ating daigdig ang tungkol sa “Covid-19

COVID-19

Napakahusay! Binabati kita. Ngayon ay handa ka na upang


makatuklas ng panibagong aralin.

12
Aralin
Alegorya ng Yungib
2
Sa babasahing sanaysay na isinulat ni Plato, higit mo siyang makikilala na taglay
niyang mataas na karunungan. Masasalamin mo rin ang pilosopiyang pinagbatayan
niya mula sa paksang kaniyang tinalakay sa sanaysay. Gayundin, bigyan mo ng
pansin kung paano nakatutulong ang sanaysay sa pagbuo ng sariling pananaw at
paano ito magagamit upang magkaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng
isang bansa. Ang sanaysay na ito ay salaysay ukol sa dalawang taong nag-uusap:
ang marunong na si Socrates at ang kapatid ni Plato na si Glaucon.

Alamin

Ang aralin 2 ng modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para mahasa ang iyong
pangkaisipan. Saklaw sa araling ito ang pagtatalakay sa akda na pinamagatang
Alegorya ng Yungib ni Plato na isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Ang wikang
ginamit ay kumikilala sa iba’t ibang antas pangkaisipan ng mag-aaral.
Sa pagtatapos ng modyul na ito,ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media. F10PN-Ic-d-
64
2. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan. F10Pt-Ic-d-63
3. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.
F10WG-Ic-d-59

Sisimulan natin ang araling


ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa subukin.

13
Subukin

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. Isang pilosopo na sumulat ng “Alegorya ng Yungib”.


A. Aristotle B. Plato
C. Pythagoras D. Socrates

2. Sa akdang “Alegorya ng Yungib”, sa tingin mo ilang tao ang nag-uusap?


A. dalawa B. isa
C. lima D. tatlo

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang pagmasid?


A. paghirap B. paghumaling
C. pagliyab D. pagmasdan

4. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito, “Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na
akala”.
A. Ang pagtitiis ay makatutulong sa atin upang makaligtas at kung hahayaan
nating maaliw tayo sa mga huwad na mga akala maaari natin itong
maipanganib.
B. Ang taong hindi marunong magtiis ay gustong aliwin ang sarili sapagkat
takot siyang masaktan.
C. Marunong magtiis sa mga bagay-bagay at huwag itong madaliin kaysa
maaliw sa mga huwad na akala.
D. Nagtitiwalang ang lahat ng kasawian ay may pag-asa.

5. Sa pamagat na sanaysay na “ALegorya ng Yungib”, anong kaisipan ang agad


agad na pumapasok sa iyong isipan?
A. pagkabilanggo
B. pagkakaroon ng edukasyon
C. pagkakaroon ng magandang hinaharap
D. paglaban sa karapatan

6. Ano ang kasingkahulugan ng salitang mahumaling?


A. magkagusto B. magliyab
C. magningas D. magsanay

7. Tukuyin ang angkop na paggamit ng pangungusap gamit ang salitang nagliliyab.


A. Nagliliyab ang angking kagandahan ni Flor.
B. Nagliliyab ang kasiyahan ni Sheena.
C. Nagliliyab sa galit si Aliya nang malaman niyang dinaya siya.
D. Nagliliyab sa tuwa si Anna nang siya ay natumba.

14
8. Ang sanaysay na “ALegorya ng Yungib” ay isang ________ na uri ng sanaysay.
A. di-pormal B. pormal
C. walang tema D. walang wakas

9. Ang nag-uusap na tauhan sa sanaysay ay sina ______________________.


A. Aristotle, Sosrates at Glaucon B. Plato, Aristotle at Glaucon
C. Socrates at Glaucon D. Socrates at Plato

10. Ano ang kasalungat ng salitang mahirap?


A. dukha B. maralita
C. mayaman D. pobre

11. Ano ang kasingkahulugan ng salitang mahumaling?


A.madismaya B.magningas
C. magsanay D. magustuhan

12. Ang sumalin sa wikang Filipino ng sanaysay na “Alegorya ng Yungib” ay


si________________.
A. Francisco Baltazar B. Jose Corazon De Jesus
C. Jose P. Rizal D. Willita A. Enrijo

13. Ano ang kasalungat ng salitang nakabilanggo?


A.nakagapos B. nakakadena
C. nakakulong D. nakalaya

14. Ano ang paksa ng “Alegorya ng Yungib”?


A.pagiging bilanggo B. pagiging edukado
C. pagiging malaya D. pagiging matalino

15.Ano ang aral sa “Alegorya ng Yungib”?


A. pagkakakulong ng tao sa yungib
B. pagkaugnay ng tao sa kalikasan
C. pagtatakas ng tao sa pagkakakulong
D. pagtuklas ng tao ng mga bago sa paningin

15
Balikan

Napag-alaman mo sa nakaraang leksiyon ang tungkol sa kahulugan ng


sanaysay,bahagi at elemento ng sanaysay,Ngayon ,upang masukat ang iyong
natutunan punan mo ang hinihiling sa grapiko tugkol sa uri ng sanaysay at ang
katangian nito.

Mga Tala para sa Guro


Sa araling ito, sana ay mapabasa mo sa mga mag-aaral ang
sanaysay. Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa mga gawain.
Ipaunawa sa kanila kung anong dapat nilang gawain sa araling ito.
Para sa reperensiya ng sagot tingnan ang susi ng pagwawasto.

Basahin mo at unawaing mabuti ang


akda.

16
Tuklasin

Ang Alegorya ng
Yungib ni Plato
( Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo )
At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat
mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong
naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan
nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay
nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng
kanilang mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab,
sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay
dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na
pinagtatanghalan ng mga puppet.
Nasilayan ko.
At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na
may dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at
bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin
ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.
Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili nilang
mga anino?
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila
pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na
dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi
niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila
ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?
Tunay nga.
At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa
ibang dako, hindi ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at
may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?
Walang tanong-tanong, ang tugon.
Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng
mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na
magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa
kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang
tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa
sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya
makikita ang dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga
anino lamang.
Pagkatapos isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni
siyang maliwanag na pananaw- ano ang magiging tugon niya? lamang, ngunit
ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na
O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na
dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya

17
mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga
bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?
Malayong katotohanan.
At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang
nararamdamang sakit upang siya’y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang
aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na
nakikita sa kasalukuyan?
Totoo, ang sabi niya.
At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at
bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw,
hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang
kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang
mga bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.
Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.
Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita
niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba
pang bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag
ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang
ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng araw na hatid ng
umaga.
Tiyak.
Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang
repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa
iba pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya.
Tiyak.
At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At ang
gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang
siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.
Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan
tungkol sa kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang
karunungan sa yungib pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na
mapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago at kaawaan na lamang sila?
Tiyak at tumpak.
sa kanila ang mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung
At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sino
ang nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay
para sa kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na
dangal at kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya
babanggitin ang tinuran ni Homer.
“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At matututuhang
tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng
kanilang gawi?
Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga
huwad na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.
At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa pagsukat
sa mga anino kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa
yungib. Sa sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito maging
matatag (may dapat isaalang – alang sa panahon na kakailanganin upang makamit
ang bagong kalagayan ng paningin) hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa

18
kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas
mabuti na hindi na lamang isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na
palayain ang iba at gabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at
dalhin nila sa kamatayan.
Walang tanong, ang sabi niya.
Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong
Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw
ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang
paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na
mundo batay sa mahina kong paniniwala. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos
maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo
ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan
lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na
maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at
katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran
sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata
ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito .
Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka.
At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw
man lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas
ng mundo ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan; magiging
likas ang kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya ay mapagkakatiwalaan.
Oo, tunay na likas.
At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula
sa banal na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa
ng labag sa kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay
kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte
o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging
maunawaan nang ganap ang katarungan.
Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.
Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga
paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa
paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may
pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una
niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang maliwanag na
buhay? O kaya’y maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na
nakasisilaw? At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay
maaawa sa iba, o kung nasa isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa na
nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag, mayroon pang mga dahilan bukod dito
kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula sa itaas ng liwanag
patungo sa yungib.
Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.

19
Suriin

Nasasalamin sa sanaysay na ito ang pagiging malikhain at ang malalim na


pakahulugang mensaheng ikinintal ni Plato sa ating isipan.
Si Plato ay isang pilosopo (Philosopher) na sumulat ng Alegorya ng Yungib na iyong
binasa ay gumising sa atin sa reyalidad ng buhay na tayong mga tao na nandirito sa
mundo ay parang isang tao na nasa loob ng isang yungib o kuweba habang
nakagapos at nakaharap sa dingding.
Nais ni Plato na gumising tayo at palayain ang ating mga sarili sa mga bagay bagay
na gumagapos o kumukulong sa atin na nag-uudyok upang tayo ay malugmok na
lamang sa yungib na ating bilangguan. Nais ni Plato na makita natin ang
katotohanan ng bagay bagay.
Sinasalamin sa Alegorya ng Yungib na mas may mararating ang isang tao kung
hindi niya gagawing bilanggo ang kanyang sarili upang makatuklas ng mga bagay-
bagay o kaalaman na makatutuong sa kanya upang mas yumabong pa ang kanyang
kaalaman at upang mas matuklasan pa niya ang kanyang sarili.
Sa bawat kadiliman na nararanasan ng bawat tao, mayroon pa ring liwanag na
gagabay sa landas na tinatahak ng tao.
Sinulat din ni Plato ang Alegorya ng Yungib upang magturo sa bawat isa sa atin ng
mabuting asal sa mga tao at magbigay ng komento tungkol sa kabutihan at
kasamaan at pagpapalaya sa ating sarili sa mga bagay na bumibilanggo sa atin at
tingnan ang kabilang anggulo ng buhay na kung saan makakamit ang tunay na
kahulugan ng buhay.

Ngayon, upang masukat ang iyong


nalalaman sa sanaysay na binasa ,handa
ka na bang gawin ang nasa
pagyamanin?Simulan mo na.

20
Pagyamanin

GAWAIN 1: Unawain mo! Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. Piliin ang titik
ng pinakaangkop na sagot.
1. Sino ang tinawag ni Plato na “bilanggo” sa Alegorya ng Yungib?
A. mamamayan
B. mga taong nasa loob ng yungib
C. nagkasala sa maling pag-iisip
D. sangkatauhan

2. Nang bumalik sa yungib ang mga eskapo, ayon kay Plato sila ay ________.
A. magbabalik sa labas ng yungib
B. magagalit sa mga taong nasa kuweba
C. masasanay sa mahirap na buhay
D. magtataka sa uri ng pamumuhay

3. Libro:Mambabasa , Yungib:___________
A. kadiliman B. kamangmangan
C. pagkagalit D. kathang-isip

4. Alin sa mga pangungusap na ito ang mensahe ng Alegorya ng Yungib?


A. Ang kabutihan at birtud ay likas sa tao.
B. Ang pagtawa ay isang di kaaya ayang reaksiyon sa pagkahabag.
C. Ang tao ay naiimpluwensiyahan ng kanyang kapaligiran.
D. Wala sa nabanggit.

5. Ang simbolismo ng apoy ay _________.


A. init ng pagtuklas B. kasamaan
C. panandaliang kalayaan D. tukso

Magaling! Ngayon ay bihasang bihasa ka


na. Upang mas masukat pa natin ang
iyong kaalaman, nais kong sagutan mo
ang gawain 2.

21
GAWAIN 2: Talasalitaan
Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng kahon na magkatulad o magkaugnay
ang kahulugan. Gamitin ito sa sariling pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.

nagliliyab pagmasdan wastong pag-iisip mamihasa

pagmasid masanay intelektuwal mahumaling

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Isaisip

GAWAIN 3: Upang masukat ang iyong natutuhan, kompletuhin ang pahayag na


nagpapakita ng konsepto sa binasang Alegorya ng Yungib..Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1.Ayon sa sanaysay na Alegorya ng Yungib, niinanais ni Plato


na_________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

2. Sinasalamin sa Alegorya ng Yungib na mas may mararating ang isang tao kung
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3.Sa bawat kadiliman na nararanasan ng bawat


tao,________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ang galing mo talaga! Ngayon, upang mas


mahasa pa ang iyong kahusayan,gawin mo
ang susunod na hamon. Kaya mo iyan.

22
Isagawa

GAWAIN 3: Suri Sanaysay! Gamit ang grapikong presentasyon, suriin ang


balangkas ng sanaysay na tinalakay.

Ang Alegorya ng Yungib

Tanong Sagot

Paano sinimulan ni Plato ang


kanyang sanaysay?

Ano-ano ang naging pananaw


ni Plato sa tinalakay niyang
paksa?

Paano nagbigay ng
kongklusyon si Plato sa
kanyang sanaysay?

Binabati kita! Ikaw ay bihasang bihasa na sa


pagsusuri ng sanaysay. Nawa’y ang natutuhan
mo sa araling ito ay magagamit mo sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay.

23
Tayahin

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. Isang pilosopo na sumulat ng “Alegorya ng Yungib”.


A. Aristotle B. Plato
C. Pythagoras D. Socrates

2. Sa akdang “Alegorya ng Yungib”, sa tingin mo ilang tao ang nag-uusap?


A. dalawa B. isa
C. lima D. tatlo

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang pagmasid?


A. paghirap B. paghumaling
C. pagliyab D. pagmasdan

4. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito, “Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na
akala”.
A. Ang pagtitiis ay makatutulong sa ating upang makaligtas at kung
hahayaan nating maaliw tayo sa mga huwad na mga akala maaari natin
itong maipanganib.
B. Ang taong hindi marunong magtiis ay gustong aliwin ang sarili Sapagkat
takot siyang masaktan.
C. Marunong magtiis sa mga bagay-bagay at huwag itong madaliin kaysa
maaliw sa mga huwad na akala.
D. Nagtitiwalang ang lahat ng kasawian ay may pag-asa.

5. Sa pamagat na sanaysay na “ALegorya ng Yungib”, anong kaisipan ang agad


agad na pumapasok sa iyong isipan.
A. pagkabilanggo
B.pagkakaroon ng edukasyon
C.pagkakaroon ng magandang hinaharap
D.paglaban sa karapatan

6. Ano ang kasingkahulugan ng salitang mahumaling?


A. magkagusto B. magliyab
C. magningas D. magsanay

7. Tukuyin ang angkop na paggamit ng pangungusap gamit ang salitang nagliliyab.


A. Nagliliyab ang angking kagandahan ni Flor.
B.Nagliliyab ang kasiyahan ni Sheena.
C.Nagliliyab sa galit si Aliya nang malaman niyang dinaya siya.
D.Nagliliyab sa tuwa si Anna nang siya ay natumba.

24
8. Ang sanaysay na “ALegorya ng Yungib” ay isang ________ na uri ng sanaysay.
A. di-pormal B. pormal
C. walang tema D. walang wakas

9. Ang nag-uusap na tauhan sa sanaysay ay sina ______________________.


A. Aristotle, Sosrates at Glaucon B. Plato, Aristotle at Glaucon
C. Socrates at Glaucon D. Socrates at Plato

10. Ano ang kasalungat ng salitang mahirap?


A. dukha B. maralita
C. mayaman D. pobre

11. Ano ang kasingkahulugan ng salitang mahumaling?


A.madismaya B. magningas
C. magsanay D. magustuhan

12. Ang sumalin sa wikang Filipino ng sanaysay na “Alegorya ng Yungib” ay


si________________.
A. Francisco Baltazar B. Jose Corazon De Jesus
C. Jose P. Rizal D. Willita A. Enrijo

13. Ano ang kasalungat ng salitang nakabilanggo?


A.nakagapos B. nakakadena
C. nakakulong D. nakalaya

14. Ano ang paksa ng “Alegorya ng Yungib”?


A.pagiging bilanggo B. pagiging edukado
C. pagiging malaya D. pagiging matalino

15.Ano ang aral sa “Alegorya ng Yungib”?


A. pagkakakulong ng tao sa yungib
B. pagkaugnay ng tao sa kalikasan
C. pagtatakas ng tao sa pagkakakulong
D. pagtuklas ng tao ng mga bago sa paningin

25
Karagdagang Gawain

Upang lubusan mo pang maunawaan ang kaalamang nakapaloob sa araling ito ng


modyul. Sumulat ng isang napapanahong isyu sa alinmang bansa sa
Mediterranean buhat sa mga balita, dokumentaryong pantelebisyon, o video sa
youtube o maging mga pangyayari na iyong nasaksihan sa iyong paligid na
maaaring iugnay sa mga ideyang nakapaloob sa akdang Alegorya ng Yungib.

Napapanahong isyu sa alinmang bansa sa


Mediterranean buhat sa balita, telebisyon,
youtube o nasaksihan sa paligid.

Napakahusay! Binabati kita. Ngayon ay handa ka


na upang makatuklas ng panibagong aralin.

26
Aralin Ekspresyon sa Pagpapahayag sa
3 Konsepto ng Pananaw
Sa puntong ito, pag-aaralan naman natin ang tungkol sa mga ekspresyon sa
pagpapahayag sa konsepto ng pananaw. Maaaring bago pa ito sa iyong pandinig,
ngunit huwag mag-alala sapagkat pag-aaralan natin ang tungkol dito nang sa
ganoon ay mas madaragdagan pa ang iyong kaalaman.

Alamin

Ang aralin 3 ng modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para pangkaisipan. Ito ay


tutulong na mahasa ang mga mag-aaral sa mga ekspresyon sa pagpapahayag sa
konsepto ng pananaw.Saklaw sa araling ito ang pagbibigay ng reaksiyon sa mga
ang mga isyung pandaigdig
Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:
1. Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda.
F10PB-Ic-d-
2. Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig. F10PD-Ic-d-63
3. Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang
nakapaloob sa binasang akda sa pamamagitan ng brain storming. F10PS-Ic-
d-66

Sisimulan natin ang araling


ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa susunod na
mga tanong.

27
Subukin

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Ano ang
tamang ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa aking palagay B.. Sa ganang akin
C. Sa kabilang dako D. Sa paniniwala

2. _______ maraming mga magulang, madali lamang ang trabaho ng isang guro.
A. Inaakala B. Sa paniniwala
C. Sa aking pananaw D. Sa tingin ng

3. ___________ Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa


ng Pilipinas ay Filipino.
A. Alinsunod sa B. Ayon sa
C. Batay sa D. Sang-ayon sa

4. ___________ ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay


isang kayamanan na kahit sino man ay hindi mananakaw nino man.
A. Ayon sa B. Batay sa
C. Sang-ayon sa D. Sa paniniwala ko

5. _____________, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang


pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa krimeng
nagaganap.
A. Akala B. Palagay ko
C. Sa ganang akin D. Sa tingin

6. ___________, mahalagang ipaglaban at ipabatid sa mamamayan “ang


kahalagahan ng pamilya.”
A. Batay sa B.. Palagay ko
C. Sa ganang kaniya D. Sa tingin

7. ____________, masasabing mahalaga ang ganitong hakbangin para sa isang


maunlad na bansa.
A. Sa aking akala B. Sa isang banda
C. Sa palagay ko D. Sa tingin ko

8. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod


niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang
kaniyang karera sa pagboboksing.
A. Ayon sa B. Batay sa
C. Sa tingin ng D. Sa palagay ng

28
9. _____Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga
bata ang paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa
developmental stage pa lamang ang isang bata.
A. Ayon sa B. Batay sa
C. Sa ganang akin D. Sa isang banda

10. ____________ isang kritiko, ang isyung-pangkalikasan ay hindi binibigyan nang


seryosong tuon ng pamahalaan.
A. Akala B. Ayon sa
C. Sa aking akala D. Sa tingin

11.____________ tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling


wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”
A. Ayon sa B. Batay sa
C. Sang-ayon sa D. Sa palagay ng

12. ______________, ang pangunahing suliranin ng mundo ay ang pandemiya na


Covid 19 na lumalaganap sa buong mundo.
A. Batay sa B. Sa ganang akin
C. Sa hinaharap D. Sa kasalukuyan

13. ________, maraming damong-dagat na makikita sa dagat ng Piipinas bagaman


iilan pa lamang sa mga ito ang nalilinang para magkaroon ng kabuluhang
komersiyal.
A. Ayon sa kaniya B. Batay sa
C . Sa aking akala D. Sa isang banda

14. _________, kailangang maging handa at alerto ang mamamayan sa kanilang


paligid upang hindi sila madamay sa anumang kaguluhan.
A. Ayon sa kaniya B. Batay sa
C. Sa ganang akin D. Sa hinaharap

15.___________ pangulo, bawal lumabas ang mga bata at matanda upang hindi
madaling mahawa ng lumalaganap na sakit.
A. Ayon sa B. Sa aking akala
C. Sa hinaharap D. Sa isang bansa

29
Balikan

Maaaring ikaw ay may alam na tungkol sa panibagong aralin ngunit huwag gaanong
kumpiyansa kailangan pa ring magbasa pa at mag-aral ng iba’t ibang ekpresyon sa
pagpapahayag sa konsepto ng pananaw.

Sa araling ito marami kang matututunang ekpresyon sa pagpapahayag. Kaya’t


ihanda ang iyong isipan sa araling ito.

Tuklasin

Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag sa Konsepto ng Pananaw

May mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahi-


watig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at o pananaw?
1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay,
para, sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba
pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng
isang tao.
Halimbawa :
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa
• Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng Commision On
Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga
asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
• Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.
• Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.”

30
• Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang
isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”

b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ ng


• Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay
isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng
isang masaganang ekonomiya.
• Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito
ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
• Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang
nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at
suporta sa kanilang mga anak.
c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
• Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol
sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
• Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya
patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.

d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko


• Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang
pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang
krimen.
• Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang
lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o


pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman, mapapansing di tulad ng
naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw,
nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na
halimbawa:

a. Sa isang banda, Sa kabilang dako


• Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya
sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-
dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.

31
• Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy
malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga
politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.

b. Samantala
• Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais
makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang
kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.

Suriin

Nasasalamin sa paksang tinalakay na kailangan ding pag-aralan ang patungkol sa


mga ekspresiyon sa pagpapahayag sa konsepto ng pananaw sapagkat maaari rin
itong magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay upang maiwasto ang pagbibitiw
ng pangungusap at paglalapat ng naaayon na ekspresiyon sa pakikipag-usap.

Marami sa atin ang kadalasang nagkakamali sa paggamit ng wastong ekpresiyon sa


pagpapahayag ng konsepto kaya’t naaayon lamang na napag-aralan o mapag-
aralan ang ganitong aralin.

Nahahati sa dalawa ang ekpresiyon ng pagpapayahag. Ang una ay ang ekpresiyong


nagpapahayag ng pananaw, dito nakapaloob ang ekpresiyong iniisip, sinasabi o
yaong pinaniniwalaan ng tao at tumitiyak ito sa taong pinagmulan o kung sino ang
pinagmulan ng pananaw. Halimbawa: Ayon sa Department of Health (DOH),
napakabilis ng paglaganap ng virus na kung saan ito ay nakakahawa at
nakamamatay. Kalakip din dito ang paggamit ng ayon, batay, para, sang-ayon, sa
paniniwala at marami pang iba na kung saan ito ay nagpapahayag ng
pinaniniwalaan o iniisip ng tao. Ang ikalawa naman ay ang tinatawag na ekpresiyong
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw. Dito naman
nakapaloob ang pagpapahiwatig ng pangkalahatang pananaw ng isang tao.
Halimbawa: Samantala, mamamayan ang problema kung bakit mas dumarami ang
kaso ng Covid-19 sa bansa dahil sa pagiging pasaway nila. Kalakip naman dito ang
paggamit ng sa isang banda, sa kabiang dako, samantala at iba pa.
Sa paggamit at pagpapahayag ng mga ekspresiyon mangyaring siguraduhin lamang
ang wastong paggamit nito at pakinggan din kung naaayon ba ito sa paglalahad o
pagbitiw ng pangungusap.

32
Pagyamanin

Gawain 1. Punan mo.Punan ng angkop na ekpresyon ang patlang sa bawat bilang


upang makabuo ng kompletong pahayag sa bawat bilang.Isulat ang sagot sa
sagutang papel. Piliin ang sagot sa kahon.

Akala , Ayon sa , Palagay ko , Sa ganang akin , Sa tingin ng


Batay sa , Alinsunod sa , Sa paniniwala ko Sa aking pananaw ,
Pinaniniwalaan ko , Inaakala ng , Sang-ayon sa, Sa ganang kaniya

1. _____________, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang


pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa krimeng
nagaganap.
2.___________, mahalagang ipaglaban at ipabatid sa mamamayan “ang
kahalagahan ng pamilya.”
3._______ maraming mga magulang, madali lamang ang trabaho ng isang guro.
4.___________ Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino.
5.___________ ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay
isang kayamanan na kahit sino man ay hindi mananakaw nino man.
6.___________higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa
lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
7___________ iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR
kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
8.__________Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng Commision On Higher
Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa
ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
9.__________Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.
10.__________ sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya
ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod
at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.”

33
GAWAIN 2: Magagawa ko! Kopyahin ang talata sa sagutang papel at
salungguhitan ang ekspresiyong ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw o ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng
paksa o pananaw.
A. (1) Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago, kaya hindi
katakatakang ang mga pulo sa buong bansa ay tigib ng mga
kayamanang-dagat na maipagkakaloob ng iba’t ibang uri ng
damong-dagat. (2) Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Gabino
C. Trono Jr., isang propesor ng Botanya sa Kolehiyo ng Sining at
Agham ng Unibersidad ng Pilipinas, ipinakita niya ang
pangangailangang linangin ang kayamanang-dagat para
makatulong sa sumusulong na ekonomiya ng Pilipinas. (3) Ayon sa
kaniya, maraming damong-dagat na makikita sa dagat ng Piipinas
bagaman iilan pa lamang sa mga ito ang nalilinang para magkaroon
ng kabuluhang komersiyal.

B. (1) Sa kasalukuyan, ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng


Morocco ay ang isyung pangkalikasan. (2) Ang polusyon sa bansa
ay isang salik na nagpapahirap dito.Ang tubig ay kontaminado ng
dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa dito, ang pagtagas ng
langis ay hindi natugunan nang maayos. (3) Ayon sa isang kritiko,
ang isyung-pangkalikasan ay hindi binibigyan nang seryosong tuon
ng pamahalaan. Sa tingin niya, makatutulong ang pagdaragdag ng
irigasyon o patubig sa kabukiran upang maiwasan ang pagkatuyo ng
mga pananim na sanhi ng pagpigil sa pagdaloy ng kontaminadong
tubig.

C. (1) Ang eksportasyon ng mga kalakal ay may malaking naitutulong sa


pagpasok ng salaping dayuhan o dolyar sa bansa sapagkat
kailangan ng isang bansa ang dolyar upang ang napagbilhan ay
ibibili naman ng kalakal na hindi lokal na naipoprodyus. (2) Ang
pagbili ng kalakal isang bansa mula sa ibang bansa gaya ng langis
at mga kaugnay na produkto ay tinatawag na pag-aangkat o import.
(3) Sa isang banda, masasabing mahalaga ang ganitong hakbangin
para sa isang maunlad na bansa.
D. (1) Ayon sa isang magulang na Pranses, “patuloy siyang
magpoprotesta laban sa panukalang batas tungkol sa pagiging legal
ng kasal ng dalawang taong nagmamahalan na may parehong
kasarian.” Sa ganang kaniya, mahalagang ipaglaban at ipabatid sa
mamamayan “ang kahalagahan ng pamilya.” (2) Kaugnay nito, isa
sa pinakamalaking protesta laban sa “same-sex marriage” ay
naganap nang magsama-sama ang mamamayan mula sa iba’t
ibang probinsiya ng Pransiya. (3) Ang panukalang batas na ito ay
nagbunsod ng samo’t saring karahasan sa bansang Pransiya.
Naghatid din ito ng ingay sa iba pang bansa.

34
Isaisip

GAWAIN 2: Isip-isip!
Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang Konsepto
ng Pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng


Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko

1. _____Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay


na tatlong araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan
kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
2. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa
sunod-sunod niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy
pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.
3. _____Ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga
proyekto ng pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon
ng ilang politiko.
4. _____Department of Social Welfare and Development, mapanganib
din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet game
lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
5. _____mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang
pinakabatang miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng
climate change sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan
sa tamang pangangalaga ng mundo.

35
Isagawa

GAWAIN 3: Ilahad mo!


Gamitin ang sumusunod na salita sa paglalahad ng iyong pananaw tungkol sa
napapanahong isyung pandaigdig na nakasulat sa kahon.
ayon sa sa palagay ko sa kabilang banda
batay sa sa ganang akin sa kabilang dako
sang-ayon sa sa tingin ko samantala

COVID-19 PAGKABILANGGO

Pananaw: Pananaw:
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________

DROGA EDUKASYON

Pananaw: Pananaw:
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________

Binabati kita! Ikaw ay bihasang bihasa na sa pagsusuri


ng sanaysay at sa pagpapahayag ng konsepto. Nawa’y
ang natutuhan mo sa araling ito ay magagamit mo sa
iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

36
Tayahin

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Ano ang
tamang ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa aking palagay B.. Sa ganang akin
C. Sa kabilang dako D. Sa paniniwala

2. _______ maraming mga magulang, madali lamang ang trabaho ng isang guro.
A. Inaakala B. Sa paniniwala
C. Sa aking pananaw D. Sa tingin ng

3. ___________ Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa


ng Pilipinas ay Filipino.
A. Alinsunod sa B. Ayon sa
C. Batay sa D. Sang-ayon sa

4. ___________ ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay


isang kayamanan na kahit sino man ay hindi mananakaw nino man.
A. Ayon sa B. Batay sa
C. Sang-ayon sa D. Sa paniniwala ko

5. _____________, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang


pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa krimeng
nagaganap.
A. Akala B. Palagay ko
C. Sa ganang akin D. Sa tingin

6. ___________, mahalagang ipaglaban at ipabatid sa mamamayan “ang


kahalagahan ng pamilya.”
A. Batay sa B.. Palagay ko
C. Sa ganang kaniya D. Sa tingin

7. ____________, masasabing mahalaga ang ganitong hakbangin para sa isang


maunlad na bansa.
A. Sa aking akala B. Sa isang banda
C. Sa palagay ko D. Sa tingin ko

8. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod


niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang
kaniyang karera sa pagboboksing.
A. Ayon sa B. Batay sa
C. Sa tingin ng D. Sa palagay ng

37
9. _____Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga
bata ang paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa
developmental stage pa lamang ang isang bata.
A. Ayon sa B. Batay sa
C. Sa ganang akin D. Sa isang banda

10. ____________ isang kritiko, ang isyung-pangkalikasan ay hindi binibigyan nang


seryosong tuon ng pamahalaan.
A. Akala B. Ayon sa
C. Sa aking akala D. Sa tingin

11.____________ tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling


wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”
A. Ayon sa B. Batay sa
C. Sang-ayon sa D. Sa palagay ng

12. ______________, ang pangunahing suliranin ng mundo ay ang pandemiya na


Covid 19 na lumalaganap sa buong mundo.
A. Batay sa B. Sa ganang akin
C. Sa hinaharap D. Sa kasalukuyan

13. ________, maraming damong-dagat na makikita sa dagat ng Piipinas bagaman


iilan pa lamang sa mga ito ang nalilinang para magkaroon ng kabuluhang
komersiyal.
A. Ayon sa kaniya B. Batay sa
C . Sa aking akala D. Sa isang banda

14. _________, kailangang maging handa at alerto ang mamamayan sa kanilang


paligid upang hindi sila madamay sa anumang kaguluhan.
A. Ayon sa kaniya B. Batay sa
C. Sa ganang akin D. Sa hinaharap

15.___________ pangulo, bawal lumabas ang mga bata at matanda upang hindi
madaling mahawa ng lumalaganap na sakit.
A. Ayon sa B. Sa aking akala
C. Sa hinaharap D. Sa isang bansa

38
Karagdagang Gawain

Upang lubusan mo pang maunawaan ang kaalamang nakapaloob sa araling


ito ng modyul, bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakatala sa kasunod na
talahanayan. Magbigay ng dalawang kasagutan sa bawat tanong.

Tanong Sagot 1 Sagot 2

Paano
nakatutulong Maaaring sa
ang sanaysay Nakatutulong ang sanaysay sa panimula ay
pamamagitan ng ________________ ________, sa
na magkaroon
______________________________ gitna o katawan
ng kamalayan ______________________________ ay ____ at sa
sa kultura at ______________________________. wakas ay
kaugalian ng _____________.
isang bansa?
Paano Mabisa ang
mabisang Sa pagbuo ng sariling pananaw, pagpapahayag ng
magagamit mabisang magagamit ang mga sariling pananaw
ang mga ekspresiyon sa pagpapahayag sa sa pamamagitan
ekspresiyon pamamagitan ng ________________ ng ____________
sa ______________________________ _______________
pagpapahayag ______________________________ _______________
ng sariling __________________________. __________.
pananaw?

Napakahusay! Binabati kita. Ngayon ay handa


ka na upang makatuklas ng panibagong aralin.

39
Aralin
Ang Ningning at ang Liwanag
4
Mahal kong mag-aaral, binabati kita. Ngayon ay nandito na tayo sa ikaapat na
aralin. Nawa ay mayroon kang mga natutuhan sa mga nagdaang aralin na
magagamit mo sa panibagong aralin na kung saan mas mahahasa pa ang iyong
kaalaman.
Sa puntong ito, ikaw may babasahin na akda na kung saan mayroon kang
makukuhang aral at magtuturo na rin ng magandang asal at malilinang mo rin ang
iyong kaalaman sa iyong mababasang akda.

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa inyo. Sa pamamagitan nito


tutulungan kayong mas lalo pang mabibigyang ng mas malalim na kahulugan at
maintindihan ang nais ipabatid ng isang sanaysay.
Sa mga araling mababasa at masusuri mo, makikita ang nais maipabatid ng akda
sa mga mambabasa. Maiuugnay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa
pansariling karanasan at sa karanasan ng iba na nabatid at nasaksihan mo.
Mapapatunayan mo rin sa pamamagitan ng akda na ang liwanag ay mas mainam na
hanapin natin sa ating sarili kaysa sa ningning na bumubulag sa ating sa maling
landas.
Sinasaklaw ng modyul na ito na kahit na anong uri ng sitwasyon na kinakaharap
natin at madali itong magamit ng mga mag-aaral . Ang mga salitang/lenguwaheng
ginamit ay madali lang maintindihan ng mga mag-aaral. Ang mga leksyon ay inayos
alinsunod sa tamang pagkakasunod-sunod ng kurso. Subalit ang pagkakasunod-
sunod nito ayon sa inyong nabasa ay maaaring magkapalit batay sa textbook na
ginagamit natin ngayon.

Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:

1. Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung


pandaigdig. F10PU-Ic-d-66
2. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.
F10WG-Ic-d-59

40
Subukin

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak


na paksa.
A. dula B. maikling kuwento
C. sanaysay D. tula

2. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Ano ang
tamang ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa aking palagay B. Sa ganang akin
C. Sa kabilang dako D. Sa paniniwala

3. Ang sanaysay na “Ang Ningning at Liwanag” ay isang ___________ na uri ng


sanaysay.
A.di-pormal B. pormal
C. walang tema D. walang wakas

4. Elemento ng sanaysay na itinuturing ding paksa.


A. anyo at kaisipan B. himig
C. tema D. wika at estilo

5. Ang sanaysay sa Ingles ay tinatawag na __________.


A. essay B. fable
C . speech D. story

6. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito, “Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad
na akala”.
A. Ang pagtitiis ay makatutulong sa ating upang makaligtas at kung
hahayaan nating maaliw tayo sa mga huwad na mga akala maaari
natin itong maipanganib.
B. Ang taong hindi marunong magtiis ay gustong aliwin ang sarili
sapagkat takot siyang masaktan.
C. Marunong magtiis sa mga bagay-bagay at huwag itong madaliin kaysa
maaliw sa mga huwad na akala.
D. Nagtitiwalang ang lahat ng kasawian ay may pag-asa.

7. ______________, ang pangunahing suliranin ng mundo ay ang pandemiya


na Covid 19 na lumalaganap sa buong mundo.
A. Batay sa B. Sa ganang akin
C. Sa hinaharap D. Sa kasalukuyan

41
8. Sa akdang “Ang Ningning at Liwanag”, ano ang nakasisira at nakakasilaw sa
mata ng tao?
A. ang hangin B. ang liwanag
C. ang ningning D. ang ulap

9. Ano ang kasingkahulugan ng salitang pagmasid?


A. paghgirap B. paghumaling
C. pagliyab D. pagmasdan

10. _________, kailangang maging handa at alerto ang mamamayan sa kanilang


paligid upang hindi sila madamay sa anumang kaguluhan.
A. Ayon sa kaniya B. Batay sa
C. Sa ganang akin D. Sa hinaharap

11. ___________ pangulo, bawal umabas ang mga bata at matanda upang hindi
madaling mahawa ng lumalaganap na sakit.
A. Ayon sa B. Sa aking akala
C. Sa hinaharap D. Sa isang bansa

12. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita na “sanay” at ____________.


A. pagkukuwento B. paglalahad
C. pagsasalaysay D. pagtatalumpati

13. Uri ng sanaysay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang


mabisang ayos ng pagkasunod-sunod upang ubos namaunawaan ng
mamababasa ang akda.
A. di-pormal B. paksa
C. pormal D. tema

14. Uri ng sanaysay na naglalaman ng nasasaloob at sariling kaisipan lamang


batay sa karanasan ng may-akda.
A. di-pormal B. paksa
C. pormal D. tema

15. Ano ang aral sa akdang “Ang Ningning at Liwanag”?


A. huwag magpasilaw sa ari-arian na maglalagay sa atin sa kasikatan
B. huwag magpasilaw sa liwanag na bubulag sa ating mga mata
C. huwag magpasilaw sa ningning na makapaglilihis sa tamang landas
D. huwag magpasilaw sa yaman na magpapalaki ng ating utak

42
Balikan

Tinalakay natin sa nakaraang leksyon ang tungkol sa ekspresiyon sa pagpapahayag


sa konsepto ng pananaw.
Tinalakay din sa nakaraang leksyon ang tungkol sa Alegorya ng Yunigb na kung
saan nagbigay sa atin ng aral na huwag nating ikulong ang sarili bagkos ay huwag
matakot at dapat palayain ang sarili sa mga bagay na bumibilanggo sa atin na
makatuklas ng mga bagong bagay na maaaring mayroon tayong matutunan at
maaaring mapayabong pa ang kaalaman. Dapat ay palayain ang sarili sa mga bagay
na pilit bumibilanggo sa sari na ikinahahantong ng tao sa pagkasawi o di kaya ay
pagkawala ng tiwala sa sarili maging ang pagiging bilib sa sarili.
Kung gusto mong yumabong ang iyong kaalaman at mas maging mabuting tao,
huwag hayaang ikulong at ikalugmok ang mga bagay na pilit sumisira sa sarili sa
halip ay gamitin ito na lakas upang maharap at mapagtagumpayan ang mga bagay
na ikasisira ng sarili.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga panulong para sa karagdagang kaalaman sa
sanaysay. Ipaunawa sa guro na madaragdagan din ang mga ideya ng
mag-aaral tungkol sa araling ito. Aasahan ng guro na makatulong ito
upang mahasa ang kaalaman ng mag-aaral.

43
Tuklasin

Ang Ningning at Ang Liwanag


(Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay


kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay
bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay nagniningning; ngunit
sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay maraya.
Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.
Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng
maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob
ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw,
marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na
tinataglay ay natatago ang isang sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y
napapangiti, at isasaloob.
Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo
at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang tunay.
Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at
pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng
kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalonglalong
na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop
at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at
ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay
sa dugo ng ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang
maliwanag, ang magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning
pagka’t di natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi
hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katuwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi
mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang
kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at maliwanag
na mapatatanaw sa paningin.
Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng katotohanan
nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng halimbawa
at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998

44
Suriin

Ang mensahe ng ningning at liwanag ay hindi nahihiwalay sa mga pangyayari na


nararanasan ng tao sa kasalukuyan maging noong unang panahon, sapagkat hindi
naman mapagkakaila ng tao na may pagkakataong nasisilaw ang tao sa ningning na
hatid ng kasamaan na humahantong sa kanyang pagkasira.
Mainam pa rin na sa kabila ng ningning na pilit bumubulag sa tao ay dapat hanapin
niya ang liwanag na gagabay sa kanya upang hindi malihis sa daang tuwid at hindi
magdadala sa kanya ng kasawian pagdating ng araw.
Hindi sa lahat ng oras ang ningning ang magdadala sa atin sa taas o aangat sa atin
sa taas bagkos minsan ito din ang nagdadala o humihila sa tao pababa na kung
saan ito pa ang nagiging dahilan ng kanyang kasawian. Kaya huwag magpasilaw sa
ningning na pilit na bumabalot sa sarili na animo ay may magandang maidudulot sa
iyo bagkos ay mas mainam pa rin na hanapin ang liwanag na siyang gagabay at
magdadala at aangat sa iyo baling araw.
Sa kabila ng hirap at pasakit na hatid ng buhay sa tao, huwag mawalan ng pag-asa
sapagkat ang mga hirap na ito at pasakit ay pagsubok lamang upang sa kabila ng
mga pinagdadaanan sa buhay ay matututunan ng tao na hanapin ang liwanag na
gagabay sa kanya at magdadala sa kanya sa tamang landas ng buhay. Kaya huwag
mawalan ng pag-asa sa buhay, sapagkat sa kabila ng lahat ng mga masamang
nararanasan ng tao ay ayroon pa ring liwanag na gagabay. At sa bawat problemang
kinakaharap ng tao ay mayroong solusyon na naghihintay.

Pagyamanin

Sagutin ang mga tanong batay sa iyong natutuhan sa binasang akda.


1. Ano ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay?
2. Isa-isahin ang pagkakaiba ng ningning at liwanag ayon sa sanaysay.
3. Tukuyin ang mga pangyayaring binanggit ng may-akda tungkol sa
kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito.
4. Batay sa nilalaman ng sanaysay, ano ang layunin ni Jacinto sa pagsulat
nito?
5. Suriin ang sanaysay batay sa sumusunod na mga bahagi ng isang
sanaysay.
a. Tema at Nilalaman
b. Anyo at Estruktura
c. Wika at Estilo

45
Isaisip

Piliin sa ibaba ang mga salitang tumutukoy sa larawang nasa kahon. Isulat mo ito
sa mga patlang sa ibaba ng larawan.

1. _________________ 3. __________________ 5. ________________

2. _________________ 4. ____________________ 6. _________________

a. pag-asa b. liwanag c. kalungkutan

d. dilim e. katandaan f. kawalang pag-asa

Isagawa

Magkakaroon ng paligsahan ang inyong dibisyon para sa pagbuo ng photo essay


tungkol sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ng alinman sa mga bansa sa
Mediterranean. Nagkataon naman na isa ka sa mga mag-aaral na nakarating sa isa
sa mga bansa nito dahil sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon na exchange
student. Bumuo ka ng photo essay tungkol sa isang isyu sa bansang pinuntuhan mo.

Batay sa pamunuan na nangangasiwa sa paligsahan, ang photo essay ay tatayain


batay sa sumusunod na pamantayan:
Pamanatayan 5 4 3 2 1
A. Tumalakay sa isang kalagayang panlipunan
B. Pagkilala sa kultura ng bansa
C. Paglalahad ng pananaw o kaisipan
D. Pagsunod sa balangkas ng isang sanaysay
INTERPRETASYON
15 – 20 Napakahusay
10 – 14 Mahusay
6 – 9 Katamtamang husay
1 – 5 Kailangan pa ng pagsasanay

46
Binabati kita! Ikaw ay bihasang-bihasa na sa pagsusuri ng sanaysay at sa
pagpapahayag ng konsepto. Nawa’y ang natutuhan mo sa araling ito ay
magagamit mo sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

Tayahin

Ngayong mayroon ka nang sapat na kaalaman ay susubukin natin ang iyong


kaalaman kung ikaw ay may natutuhan talaga sa pamamagitan ng pagsagot sa
pagtataya sa ibaba.

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak


na paksa?
A. dula B. maikling kuwento
C. sanaysay D. tula

2. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Ano ang
tamang ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa aking palagay B. Sa ganang akin
C. Sa kabilang dako D. Sa paniniwala

3. Ang sanaysay na “Ang Ningning at Liwanag” ay isang ___________ na uri ng


sanaysay
A.di-pormal B. pormal
C. walang tema D. walang wakas

4. Elemento ng sanaysay na itinuturing ding paksa.


A. anyo at kaisipan B. himig
C. tema D. wika at estilo

5. Ang sanaysay sa Ingles ay tinatawag na __________.


A. essay B. fable
C . speech D. story

47
6. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito, “Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad
na akala”.
A. Ang pagtitiis ay makatutulong sa ating upang makaligtas at kung
hahayaan nating maaliw tayo sa mga huwad na mga akala maaari
natin itong maipanganib.
B. Ang taong hindi marunong magtiis ay gustong aliwin ang sarili
sapagkat takot siyang masaktan.
C. Marunong magtiis sa mga bagay-bagay at huwag itong madaliin kaysa
maaliw sa mga huwad na akala.
D. Nagtitiwalang ang lahat ng kasawian ay may pag-asa.

7. ______________, ang pangunahing suliranin ng mundo ay ang pandemiya


na Covid 19 na lumalaganap sa buong mundo.
A. Batay sa B. Sa ganang akin
C. Sa hinaharap D. Sa kasalukuyan

8. Sa akdang “Ang Ningning at Liwanag”, ano ang nakasisira at nakakasilaw sa


mata ng tao?
A. ang hangin B. ang liwanag
C. ang ningning D. ang ulap

9. Ano ang kasingkahulugan ng salitang pagmasid?


A. paghgirap B. paghumaling
C. pagliyab D. pagmasdan

10. _________, kailangang maging handa at alerto ang mamamayan sa kanilang


paligid upang hindi sila madamay sa anumang kaguluhan.
A. Ayon sa kaniya B. Batay sa
C. Sa ganang akin D. Sa hinaharap

11. ___________ pangulo, bawal lumabas ang mga bata at matanda upang hindi
madaling mahawa ng lumalaganap na sakit.
A. Ayon sa B. Sa aking akala
C. Sa hinaharap D. Sa isang bansa

12. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita na “sanay” at ____________.


A. pagkukuwento B. paglalahad
C. pagsasalaysay D. pagtatalumpati

13. Uri ng sanaysay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang


mabisang ayos ng pagkasunod-sunod upang ubos namaunawaan ng
mamababasa ang akda.
A. di-pormal B. paksa
C. pormal D. tema

48
14. Uri ng sanaysay na naglalaman ng nasasaloob at sariling kaisipan lamang
batay sa karanasan ng may-akda.
A. di-pormal B. paksa
C. pormal D. tema

15. Ano ang aral sa akdang “Ang Ningning at Liwanag”?


A. huwag magpasilaw sa ari-arian na maglalagay sa atin sa kasikatan
B. huwag magpasilaw sa liwanag na bubulag sa ating mga mata
C. huwag magpasilaw sa ningning na makapaglilihis sa tamang landas
D. huwag magpasilaw sa yaman na magpapalaki ng ating utak

Karagdagang Gawain

Upang lubusan mo pang maunawaan ang kaalamang nakapaloob sa araling


ito ng modyul, itala ang mga aral na iyong napulot na maibabahagi mo sa
iyong kapwa at magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.

49
Aralin Lingguhang Pangwakas na
5 Gawain

Alamin

Ang araling ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa mga araling nabasa at nasuri
mo, nakita mo na ang nais ipabatid ng akda sa iyo.
Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:
Nasasaliksik ang mahahalagang impormasyon gamit ang silid-aklatan, internet, at
iba pang batis ng mga impormasyon. F10EP-Ia-b-28

Balikan

Ika’y binabati ko sapagkat nalampasan mo na at nasagutan mo nang maayos ang


mga gawain. Sa pangwakas na gawain makikita natin kung may natutuhan ka sa
lingguhang modyul na ito.
Sa unang araw ng modyul ay tinalakay natin ang sanaysay na kung saan ang
sanaysay ay patungkol sa paglalahad ng opinyon o kuro-kuro patungkol sa isang
paksa sa pamamagitan ng pasulat na paglalahad.
Tinalakay din ang tungkol sa bahagi ng sanaysay: ang panimula, katawan at wakas.
Maging elemento ng sanaysay ay nabanggit din sa talakayan.
Sa ikalawang araw ay tinalakay din ang halimbawa ng sanaysay na pinamagatang
Ang Alegorya ng Yungib na kung saan ipinakita na hindi dapat natin ikinukulong ang
ating sarili bagkos ay ating palayain ang sarili sa mga bagay na kumukulong sa atin.
Sa ikatlong araw tinalakay din sa modyul na ito ang ekspresiyon sa pagpapahayag
ng pananaw.
Sa ikaapat na araw naman Ang Ningning at Liwanag na kung saan binuksan ang
isipan na hindi dapat masilaw sa ningning na bumubulag sa atin sa kaayusan at
katiwasayan ng buhay. Nararapat lamang na piliin at hanapin ang liwanag na
gagabay sa tao sa tamang landas.

50
Tayahin

Panuto: Gumawa ng sariling sanaysay batay sa mga paksa na nasa ibaba.


Salungguhitan ang mga ekpresyon ng pagpapahayag ng pananaw na ginamit sa
sanaysay na sinulat. Isulat sa bondpaper ang ginawang sanaysay. (50 puntos)
1. Covid-19
2. K-12

51
Susi sa Pagwawasto

52
53
Sanggunian

Ambat, Vilma C. et al."Panitikang Pandaigdig 10”. Modyul sa Filipino 10, edited by


Florentina S. Grospe, 44-55. Pasig City: Vibal Group Inc.,2015

http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-alegorya-ng-yungib.html?m=

http://philnews.ph/2019/07/29/alegorya-ng-yungib-buod-ayon-kay-plato-at-aristotle/

http://prezi.com/lfl7peuzecm/mga-ekspresyong-nagpapahayag-ng-pananaw/

http://www.coursehero.com/file/p69s6qrd/1-May-mga-ekspresiyong-nagpapahayag-
ng-konsepto-ng-pananaw-Kabilang-dito-ang/

https://www.academia.edu

54
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

55

You might also like