LOVE’S MAGIC Jenna Kaye Roa Teaser HINDI patahimikin si Allegra ng sulat mula sa amang matagal niyang hindi

nakasama kaya bumalik siya ng Pilipinas, umaasang makahahanap na sa wakas ng kasagutan sa maraming naipong mga tanong sa likod ng pagkakawatak-watak ng kanilang pamilya. Dinatnan niya ang isang sakiting ama, at isang gwapong estrangherong namamahala sa kanilang hasyenda. Pero isang tingin kay Miguel at alam niyang higit pa ito sa isang magsasaka. Habang nabubuksan ang misteryo nito, tumitindi rin ang sekswal na tensyon sa pagitan nilang dalawa, nagpapapansin, tumutukso. At habang unti-unti niyang natutuklasan ang misteryo sa kanyang masalimuot na nakaraan, si Miguel lamang ang nakaalalay, ang lagi niyang nakakapitan, ang tangi niyang nasasandalan...

LOVE’S MAGIC Jenna Kaye Roa

Prologue “KAILAN PA, Clothilde? Kailan pa?!” sigaw nang galit na tinig ng Papa ni Allegra. “Sinabi ko na sa ‘yo, hindi ko binalak maiwang mag-isa kasama s’ya sa lugar na iyon, Hector! Kailan ka ba maniniwala?” sagot ng kanyang Mama. “Kapag napatunayan kong meron kayong relasyon, so help me God, pareho ko kayong mapapatay, Clothilde!” Nangangatal ang pitong taong gulang na si Allegra habang nakasilip sa maliit na siwang sa pinto ng kanyang kwarto. Malakas ang hangin sa labas ng bahay at nagising siya dahil sa mga kulog. Pero sa pagtakbo niya sa kwarto ng kanyang mga magulang, inabutan niya ang mga itong nagsisigawan. She wanted them to stop but she did not know how! Muli, kumulog. Malapit, malakas, at napayuko ang bata habang hawak ang magkabila niyang ulo na para bang maitataboy niya ang ingay kung hindi niya iyon maririnig. She couldn’t go to her parents now, they get angrier with each other when they see she could see them. Nagsisisihan ang mga ito lalo and the more they wouldn’t stop!
2

Pero saan siya tatakbo? She did not want to stay in her room. Nakakatakot talaga ang mga kidlat kapag nag-iisa ka lamang. Kanino siya pupunta? Si George! Tumingin ang bata sa labas ng bintana. Malapit lang ang kubo. Siguro bago dumating ang mga kidlat naroroon na siya. Mapapagalitan siya nito dahil gabi na at masama pa ang panahon pero sandali lang iyon. He would sing to her, make her drink his delicious hot chocolate. He would take care of her. He would make her fears go away. Yes, she would go to George. Napapitlag ang bata nang may kumalabog sa kwarto ng mga magulang at iyon, higit sa lahat, ang nagtulak sa kanyang muling lumabas ng kwarto para magtungo sa hagdan kung saan, bahagyang nangangatal dahil sa lamig ng gabi, ay mbilis siyang siyang bumaba. Nakarating siya sa madilim na unang palapag. Sabi ni George, kapag halos magkasunod na ang kulog at kidlat, malapit na raw ang unos. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung aabutan siya niyon habang wala pa siya sa bahay nito! Tumakbo siya sa kusina. Itinulak ng bata ang pinto palabas sa likod-bakuran at sinalubong siya nang malakas na hangin na may kasamang ambon. Paglabas niya ng pinto, biglang lumakas ang ulan at nabasa ang kanyang pajamas.

3

Hindi siya makaalis sa kanyang kinasisiksikan dahil tatamaan siya ng kidlat gaya nang pagtama niyon sa puno noong isang taon. Tarantang inisip ng bata kung anong kanyang gagawin. Namalayan na lamang niya na nakasiksik siya sa gilid ng dingding at isang malaking paso nang matapos iyon. Tinakpan niya ang ulo dahil alam na niya ang kasunod. Narito na ang unos. She couldn’t make it to George’s house now! Pero hindi siya makakilos. Hindi pinapatay ni George ang lampara nito sa gabi. Nakita pa niya ang malalaking mga patak ng ulang bumabagsak sa ibabaw ng tubig sa loob ng pool bago muling kumulog nang malakas. Nabubuhayan na ang bata ng loob. Nakasiksik doon. nangangatal. She knew that his lamp would be burning. she would get to George! Kaya iniyuko ng bata ang kanyang ulo at nagsimula siyang tumakbo. It would burn her alive! 4 . Lalo siyang naging determinadong talunin ang unos. Napaupo siya sa tiles noong sumabog na nga ang liwanag sa paligid na parang biglang naging araw ang gabi. Doon ay matatanaw na ang kubo ni George.Tumiim ang mga bagang ni Allegra. umuungot sa takot. Napairit na siya. Pero biglang kumulog at napadikit ang bata sa sementadong wall ng bahay. umiiyak nang malakas sa takot. Whatever happens. Binaybay niya ang gilid ng bahay hanggang sa makarating siya sa may pool malapit na sa hardin.

Ang sigaw ng kanyang Mama. ang lalaking nagbukas ng pinto ng kusina at pumasok sa loob! Yakap ni Allegra ang sarili habang naririnig niya ang mga sigawan sa taas. Direkta siyang nasa baba ng bintana ng mga ito. “Nababaliw ka na. 5 . Nabuhayan siya ng loob.George. naririnig niya ang iyak ng kanyang Mama. Si George! Pero hindi kay George ang likod ng lalaking papalayo. “Hector!” “Si Allegra!” Dahil sa lakas ng ulan. Malakas na malakas. hindi niya narinig ang mga yabag na dumaraan sa kanyang harapan pwera noong makita niya ang anino. George. Hector! Ahh!” “Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito! Anak ko ba si Allegra? Anak ko ba?!” Natakpan niyang muli ang kanyang mga teynga at umirit siya para wala na siyang marinig... Ang parang pagputok ng kung anong nawasak sa taas ng bintana. Naririnig pa rin niya ang galit na tinig ng kanyang Papa. Napairit na naman si Allegra nang magkasabay na halos na kumulog at kumidlat. naririnig mo ba sila? Naririnig mo ba sila? Please come here! Make them stop! Sa pagitan ng mga kulog at kidlat. at nakakasilaw ang sumabog na liwanag. nakakabingi.

6 . nagpakawala na naman ng isang napakalakas na irit si Allegra...Bumagsak ang lalaki sa kanyang harapan kasabay ng nagpatakang mga piraso ng kahoy at kapis. At nang makita ang dugo mula sa nabasag nitong bungong humahalo sa tubig ulan sa tiled floor.

Nahahati ang mukha sa isang napakaluwang na ngiti. She’s home! 7 . Marahan siyang napatawa sa alaala ng iba pang mga naiimbento nilang kwento ni George habang nakahiga sa damuhan sa ilalim ng lilim ng mga puno ng acacia sa labas ng kubo nito. Ni hindi niya namalayang nabuksan na niya ang pinto ng kotse. Noong bata pa siya. Ngayong nararamdaman na niya ang kasiyahang ito. tinatanaw nang may pagmamahal ang isa sa pinakamahalagang landmark ng probinsyang labing walong taon rin niyang hindi nauwian—ang maberde at majestic na Mt. Hindi halos niya makontrol ang emosyong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Halcon na humahati sa Oriental at Occidental Mindoro. hindi na niya tatanungin pa ang sarili. hinubad niya ang dark glasses na suot at humugot siya nang malalim na buntunghininga.Chapter One MALUGOD ANG MGA MATANG tumanaw sa labas ng tinted window ng rented car si Allegra. lagi niyang nai-imagine na likod iyon ng isang malaking heganteng libong taon nang natutulog sa ilalim ng sikat ng araw. ang balahibo sa katawan ay ang maberdeng mga punong tumubo roon.

“Like a hundred dozen times?” natatawa nitong sabi habang nakangising humahalukipkip sa pagkakasandal sa gilid ng sasakyan.” Napatingin siya rito. “So. Noong umalis siya ng kanyang Mama. “Don’t worry.” sabi nito sa kanya sa nang-aalong tinig. aren’t you?” untag ng tinig ng kaibigan niyang si Terry. Sinamahan muna siya nito bago ito magtungo sa Nueva Ecija. That’ll be crazy. naririnig pa rin niya sa kanyang ulo ang matinding pag-aaway ng mga ito noong huling mga gabi niya sa Hacienda Allegra.At umalpas ang masayang damdamin mula sa kanyang bibig bilang isang masayang tawa. agad na nag-aalala. isn’t it beautiful? ‘di ba? Exactly like I’ve told you. “You are happy. Hindi na nag-reconcile ang kanyang mga magulang hanggang sa kamatayan ng kanyang Mama at hanggang ngayon. naging bestfriend niya sa Boston at may mga kamag-anak na madalas dalawin dito sa Pilipinas.” nagmamalaki niyang sabi. Pilipino rin ito. siya lang ang tanging nakalingos sa likod habang tumatakbo ang sasakyang maglalayo sa kanilang mag-ina mula sa hacienda. But he did not even come out of the house to 8 . “Look at that. makikita mo na ang Papa mo at si George. “I don’t think they’re gonna throw you out when you get there.” May dahilan kung bakit nagpasama siya kay Terry. C’mon. Her father might not be happy to see her. it’s gonna be fine.

Her mother never talked about her father since they left. “You told me. sayang naman ang punta natin dito.” “Terry. Baka manghina pa ang loob mo.” Tumawa na rin siya.” anito. didn’t you?” marahang untag ng tinig nito sa kanyang tabi.stop us. “so you can accept delicious Kael’s proposal. you read the letter.” 9 . Remember?” “Bakit nga ba?” “Because you need to move on. “Hey.. ano kaya kung—“ “No. “It was a long time ago at hindi na nasundan pa... “Yep. we’ve been through this before. Nakatanaw pa rin siya sa malayo pero ni hindi na niya nakikita ang ganda. kung matatakot ka. “Halika na. I must remind you why you’re doing this.” Pinandilatan siya nito. ang pait sa dibdib nito. “I don’t think he ever changed his mind about inviting you over. Those first years away from home was miserable for both of them. He did not even come out to get me back. Naramdaman niya ang hawak ni Terry sa balikat niya. sa kanya dahil nakikita niya ang paghihirap nito. Terry was talking about a letter her father sent her but she hadn’t read until her mother’s death. And—“ pilya itong ngumiti. “Never forget delicious Kael.” Ngumisi ito.” paalala rin niya rito..

“Happy for my short skirt. “Malayo pa ba ‘yon?” tanong nito noong binubuksan nito ang pinto sa tabi ng passenger’s seat. Allegra had a boyfriend who’s mad about vintage sports cars in the States and he’d somehow rubbed some of it on her.” natatawa na namang sabi ni Terry. A Porsche.. suddenly wondering why she’d worn it. For all she knew.” sagot niya habang tinitingnan ang puti niyang mini-skirt.” “Sinabi mo!” Nagtawanan na naman sila. more like. Pansamantala niyang nakalimutan ang kanyang kaba nang makilala ang model ng car. her father could be conservative. “See? They’re happy for you.Sabay na silang bumalik sa sasakyan. that’s a. a 911 T Targa!” “What? Where? Oh.. Sa kotseng nagdaraan sa highway. “Whatever.” tumatawa niyang sabi. kumaway sa kanila sa bukas na mga bintana ang tatlong maiingay na mga lalaking sakay niyon. Ang mga lalaki talaga kahit saan pare-pareho ang likaw ng bituka. “May isang oras pa siguro. “Hey. 1972 model.” sagot naman niya sa may driver’s seat. Pasakay na sila sa kotse nang makuha ang atensyon ni Allegra ng isang paparating na sasakyan. isa lang iyon sa mga weird nitong inclinations and 10 . Unfortunately.” “A vintage Porsche. Siya ang magmamaneho.

” Sinundan nila ng tingin ang sports car. Kinakabahan siyang tumawa.. Nilalamon nang mahahaba nitong mga kalis ang distansya mula sa pinaradahan ng sasakyan nito patungo sa kanila. And he was frowning like hell. It’s top was down.” Tumigil ang lalaki sa tabi ng bintana at nagsalita ito sa seryosong tinig. “Troy’s friend has one just like that. kaya lang blue. has broad shoulders. speaking of delicious.” ani Terry. “Nagpapakamatay ba kayo?” 11 . Nagtataka silang nagkatinginan ni Terry noong pumarada ang sasakyan sa likod ng kanilang kotse. It looks good. nice legs on faded jeans. Sinundan pa niya iyon ng tingin—the driver this time—hanggang sa meron na yatang crick sa kanyang leeg.. bug’s eye. and whoa.” “Whatever. “Are we in trouble?” kinakabahan na ring tanong ni Terry.she broke up with him eventually. huh? Great bod. That’s red. “Uuuuuuhh. Great-looking driver.. He’s tall.. Halatang repainted na ang sasakyan pero malinis at makinis ang pagkaka-restore niyon. Bumaba ang driver mula sa kabilang sasakyan. Hindi accurate ang description ni Terry––he’s hot. “I don’t know. Nakita niya ang pag-U-turn ng sports car sa rearview at nagtataka niyang pinanood ang pagbalik niyon. itim ang bumper.

Either maka-cause kayo ng accident sa ibang sasakyan o kayo mismo ang masabitan. The stare’s not bad. He didn’t look guilty but his look did tell something else. Pumarada ba sila sa bawal na space? May nagawa ba silang road violation? Maybe he’s a cop not in uniform. Confident ang loko. “You’re parking on a very dangerous curve. He was admiring what he could see and he wasn’t ashamed of letting her see that. Except she noticed he that was looking down at her exposed thighs. Hindi pa siya nakakita nang ganoon kalamlam tumitig na mga mata ng isang lalaki. Jerk. tumayo lang ito nang tuwid sa tabi ng bintana. isa pa sa natutunan niya sa kanyang dating boyfriend.” “It does?” tanong niya. Pero sa halip na mapahiya noong nahuli niya ang tingin nito. bahagyang naaalarma nang maisip na may ilang minuto na rin silang nakaparada roon at ilang malalalaki at mabibilis na mga sasakyan na ang nagdaan. 12 . too. Accidents happen here all the time. He could be right. Nagda-drive na ba ng sports car ang mga pulis dito sa Pilipinas ngayon? “M-May problema ba?” Baka naman kung sinong nagmamayabang lang? Sports cars did that to people.Nahirapan siyang sumagot dahil hindi niya alam kung bakit ito galit.

” aniya. Nagkatinginan silang muli ni Terry at nagkibit ng kanilang mga balikat. “Nice meeting you. hindi ko alam na hazardous ang curve na ‘to. Nag-init ang mga pisngi niya habang natatawa. “Thanks for the concern.” sabi nito sabay abot ng kamay. Just flew from the States. Terry. Bye.” “Bye. Humakbang ito ng isa paurong habang tumatango. Terry!” “Hi!” bati rin ni Terry rito. Inilabas niya ang kamay niya sa bintana at nakipagkamay dito. may nag-iisip na ekspresyon sa mukha. Terry. Hmm.. “My name’s Miguel. So sorry.. “It’s nice meeting you.” Matapos ang isa pang tango ay pumihit na ito at nagbalik sa sasakyan nito. I won’t forget.” Sumilip si Miguel sa bintana at kinawayan si Terry. “Hi. And this is my friend here.?” “Yes.” anito sa kaibigan niya. then. Remember. “Don’t you think he’s sexy?” ani Terry sa kanya. But they were both giggling like girls noong nasa daan na sila patungo sa kanilang destinasyon. getting there. stranger. “Newly arrived? Your accents—“ “Yes. this curve. “Allegra.” sabi niya sa seductive na tinig. “Kung alam ko lang na dito lang pala sa 13 . Miguel. ngiting ngiti pero kinikilig siyang pinandilatan noong hindi na ito kita ni Miguel.Reluctant itong ngumiti.

Bigla.” “Alam mo namang kahit papa’no.” “Ikaw na lang sana ang humingi. “Oh. It’s Miguel’ car.” sabi niya. Biglang tumuro si Terry noong may mapansin ito sa mirror.island n’yo makakakita ng gan’on ka-georgeous na hunk. marunong pa rin akong magpakipot. “No. Nakikinikinita pa niya ang malalalim na mga biloy sa magkabilang pisngi ng mabagang na mukha ng lalaki. Then she saw the sign on the right side of the road at tuluyan nang namatay ang ngiti sa kanyang mga labi. ‘di ba?” Hindi na siya sumagot. Sabay pa silang nagbuntunghiningang dalawa ni Terry sa panghihinayang. noon pa kita kinulit umuwi rito!” Nagtawanan na naman sila. at their back. She really should be thinking about her father. Mayamaya ay ino-overtake na ng Porshe nito ang kanilang kotse at kumaway pa ito sa kanila bago ito lumampas..” “Pero sayang. he’s not interested in me. gone. look!” Napatingin din siya sa rearview.. That man had been too good-looking. hindi na siya makatawa. 14 . Then he was getting. he made her forget about her nervousness in seeing her father again after eighteen years. “He didn’t even get my number. HACIENDA ALLEGRA. getting.

Pinabagal niya ang kotse at iniliko niya iyon sa service road. 15 . Saka siya humugot nang malalim na buntunghininga at umusal ng munting dasal nang paghingi ng gabay.1 kilometer from this point At bumalik ang kabog sa dibdib niya.

Your reunion won’t be in private!” nadidismayang sabi ni Terry. nasa unang termino ng pagiging governor ang kanyang Papa. Nakabukas nang maluwang ang dambuhalang mga gates na bakal ng hacienda at sa magkabilang gilid ay nakatayo ang ilan sa mga trabahador na parang naroroon para sumalubong sa kung sino mang VIP na darating. 16 . Her father was too busy.Chapter Two NANG MAKARATING SILA sa entrada ng hasyenda. “Bakit parang fiesta rito?” nagtatakang tanong ni Terry. Alam niyang iyon ang pinag-ugatan ng away ng kanyang mga magulang. ang sagwa. “Hayan kasi. Siguro kahit matagal na niyang iniwan ang politics marami pa rin siyang kakilalang pulitiko. Baka may bisita si Papa. nakabibingi na sa kanyang pandinig ang mga tibok ng kanyang puso. She’d resented being taken away from her quiet moments to deal with people she didn’t really know or even cared about.” Noong umalis sila ng Mama niya sa hasyenda. and her mother wasn’t the people type. “Ay. “Hindi ko alam.

“Anak ko ba si Allegra? Anak ko ba?!” Sumikdo ang dibdib niya sa alaala.” giit ni Terry. Siguro raw natrauma siya noong gabing inabutan siya ng unos sa labas ng bahay kaya nakalimot siya. “Whatever happens. ‘di ba. malinaw na malinaw pa rin sa kanyang isipan. She’d been too scared of what her father would say if she would ask permission. may nakasabit na mahabang banner na hindi pa malinaw sa distansyang iyon kung anong nakasulat. for the brain to protect its host from grave emotional trauma. sana nakapaghanda ang Papa mo. Marami siyang nakalimutan pero iyon. sabi mo. Kung pinasabi mong darating ka gaya ng suggestion ni Tita Venus. Sana nga lamang pati iyong maliit na alaalang iyon nakalimutan din niya. Ayon sa psychiatrist na sumuri sa kanya noong bata pa siya.pasurpre-surpresa ka pa.” sisi nito. Sa harapang balkonahe. Hindi rin ba nakaka-trauma iyong marinig mong tinatanong ng iyong ama kung anak ka niya? Natatanaw na nila ang mainhouse sa dulo ng mahabang driveway. “How about if we––“ kinakabahan niyang panimula. Kung naririto na siya wala na siyang choice kundi harapin ang kinatatakutan niya. as long as you know the 17 . She still couldn’t remember and noone was asking her to. he said. It’s a way. “We’re staying on. nagkaroon siya ng tinatawag na selective amnesia.

NOONG IPARADA niya ang kotse sa harapan ng bahay. Welcome Home.. Allegra darling.” Nagbuntunghininga siya nang malalim. yumuko ito para sambutin siya ng mga kamay nito.. halos magkandarapa na siya sa pagbaba. at nagyakap silang dalawa nang mahigpit.. ALLEGRA RIOS VALDEZ!!! “Tita Venus talaga!” sabay pa nilang sigaw ni Terry.score... God. look!” She was already looking and she could see what Terry was talking about. Umalpas ang magkasabay na tawa at iyak mula sa kanyang bibig habang nababasa ang nakasulat sa banner. you can move on with your life? Malalaman mo na kung anong dapat mong i-prioritize. “Yeah. But how she’d missed him! Kumawala ang damdaming iyon noong mapatunayan niyang gusto pa talaga siya nitong makita! “Papa!” “Allegra!” Bumagsak siya sa harapan nito.. Isang mestisong matandang lalaki ang tinakbo niya. parehong lumuluha.” “Oh my. na parang nakalimutan ang matagal na panahong hindi sila nagkasama at ang pait na dala niyon sa kanilang dalawa. 18 . He was seated on a wheelchair and he looked older than what she remembered.

Bob. Namatay ang Mama niya sa atake sa puso last year at mula noong nawala ito lalong sumidhi ang pananabik ni Allegrang umuwi sa Pilipinas para makita ang kanyang ama. Allegra has almost forgotten how it’s like to be surrounded by people who did everything for you. Terry was grinning like crazy as she observed everything. Things culminated to the point when she knew she must go home when her stepfather. Sa States. silang dalawa lamang ng old maid na si Tita Venus ang magkatulong sa lahat ng gawaing bahay. unthinkable ang maghire ng maid. sinabing alam 19 . Binasa niya ang sulat kung saan inimbitahan siya ng kanyang papang bumalik sa Pilipinas para muling makita ito at ang haciendang pinangalan sa isang lolang pinagkunan nito ng kanyang pangalan And now she’s here. Nasa hapagkainan sila sa maluwang na komedor ng mga sandaling iyon at paikot-ikot naman ang mga tauhan sa pagsisilbi sa kanila. walang maid-maid. Maging noong nagsasarili na siya sa Boston. Natagpuan daw nito iyon sa belongings ng kanyang Mama.KUMALMA RIN ang mga emosyong dinala ng madamdamin nilang reunion. Kinumusta siya nito. in answer to that very brief letter. Her mother lived in New York and had a few boyfriends before she finally settled with kind Uncle Bob and had two children. visited her with her half-sisters to give her the letter.

She wanted to be sure you’ll be properly welcomed. Noong nagpaplano siyang umuwi hindi niya naisip ang posibilidad na titira siya rito. At si Kael? Oh. Iha. But we can tackle that one at a time. “Angina. I’m okay. Marami akong gustong sabihin sa ‘yo.nitong pinalalaki siyang maayos ng kanyang Tita Venus. “Alam mo naman ang tita mo. may dahilan na para muli kong alagaan ang sarili ko. He’s almost sixty yet he looked ten years older. “What happened to you. Her life was in the States. Hindi nakaligtas sa kanya na mula noong dumating siya hindi pa ito tumatayo mula sa wheelchair. she wasn’t that serious about him. Ang boses nitong buo sa kanyang alaala ay mahina at paos ngayon. She’d thought of moving on. Ang problema. Lahat gusto n’on nasa lugar. really moving on with her life once she’d made peace with her past 20 .” Nag-aalala siyang nakatingin dito.” sinasabi ng Papa niya. Marami tayong kailangang pagusapan. kaya ba niyang itanong lahat ng mga iyon? Would she have time? Tatlong buwan lang ang kanyang bakasyon sa Pilipinas at hindi pa niya iyon nasasabi rito. papa? Anong sakit mo?” hindi na rin niya natiis itanong. Now that you’re here. Ngumiti ito. alright?” Pinilit niyang ngumiti rin. Marami rin siyang gustong tanungin. “She can’t help but tell me. ang career niya naroroon. Oh.

. imagine that? Parang FBI..and with her father and Terry teased her about the handsome businessman because he was the most eligible among her suitors.” sabi ni Terry. Hindi ba masarap ang pagkain?” “Oh no. Pero kaya ba niya itong iwang mag-isa rito ngayong nalaman niyang ganito ang kalagayan nito? What would that make of her if she could? Ano ba siyang klase ng anak? “Eat. “Yes. “Oh.” Nagbalik ang sigla sa tinig nito. You should have been here when I was still governor. yes..” “So sa Calapan Pier pa lang. Nagkatinginan silang dalawa. Bumaling ang papa niya sa mga nakakalat sa paligid. they’re fine!” sambit niya agad dahil tumingin sa kanya ang mga maids sa paligid. I wasn’t that powerful anymore. “Nas’an si Miguel?” tanong nito sa mga ito. hindi kayo nakita ng mga taong pinatao ni Miguel sa Pier. 21 . “Wow. Iha. But.” “Miguel?” sabay nilang ulit ni Terry.” Tumawa ang kanyang Papa. “Tito. nagulat po ako n’ung sinabi n’yong meron pang mga look-outs kayong pinakalat para malaman kung nasa island na kami. “But these food’s okay for about ten people––hindi ko po kayang ubusin lahat!” Nagtawanan sa paligid ng mesa. no. “Unfortunately. alam n’yo nang dumating na kami?” excited pa ring tanong ni Terry..

“I’m here.” sagot ng kanyang ama.” sagot ng isang baritonong tinig sa kanyang likod. 22 . Kahit sa States. Nasa tabi siya ng wheelchair ng kanyang ama at humiwalay si Terry sa kanila para makipagkwentuhan kay Miguel sa kabilang tabi ng railing. Nakita niya itong kaswal na nakasandal sa frame ng pinto papasok sa komedor. She still found him the sexiest hunk she’d ever seen anywhere. At ang nakakahiya. naisip niya habang namimilog ang mga mata kay Terry. “SO YOU work here?” narinig niyang tuwang tanong ng traydor na si Terry noong nasa veranda na sila para magpahangin pagkatapos nilang kumain. Binitin pa siya nito. nakahalukipkip pa habang may bahagyang ngisi sa gwapo nitong mukha. That’s why he’d left them as if he didn’t care if they would see each other again. Pa?” Natigilan ito. Gulat siyang napalingos dito. “Miguel manages the hacienda. So that’s why he didn’t ask for her number. “The hacienda? S’an si George? Oo nga pala. halatang halata siguro nito ang atraksyon niya rito. Sa wakas ay lumingos siya. And she felt betrayed by her own heart when it skipped at the sight. Nagtaka siya. bakit hindi siya sumalubong sa ‘kin. He knew something she didn’t.

“I didn’t even get to say goodbye. “Allegra... He left us barely five months ago. “Kamamatay lang ni George. ahm.” Nag-aalala itong sumulyap kay Miguel.. he’s.. Her mother..” Napatitig siya rito nang matagal. “Did he leave?” tanong niya. “Patay na si George?” tanong niya sa napakahinang tinig. Marahan siyang tumango. Iha. nanghihinayang na hindi niya ito makikita.” sabi niya. We tried to rush him to the hospital pero huli na.” paglalahad nito. “S’an s’ya pumunta? Namiss ko rin siya.” Napatitig siya dito.. “Yes. gone.. iha.“Pa?” “Si George? He’s. “H-How?” “Heart attack..” 23 . naaaresto ang ngiti sa kanyang mga labi. dead on arrival ang prognosis ng doctors.. Ang posibilidad na hindi na niya makikita si George kailanman ay nakapagpalumo sa kanya nang sobra-sobra. He’s.. Hindi na s’ya naibalik.. She thought she heard wrong. it’s not just that he left.” Napalunok siya. Pero nagpatuloy ito sa malungkot na tinig. Mahirap tanggapin ang kanyang narinig. Iha. now George.” “Iha.

Iha. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. agad siyang lumiko sa gilid ng bahay para magtago sa nakikisimpatyang mga mata ng mga nasa paligid. Umiling siyang parang wala sa sarili. “Can I take a w-walk?” tanong niya sa ama. “Of course.Pinilit niyang ngumiti sa kabila nang mabilis nang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. “Gusto mong samahan kita?” mahinang tanong ni Terry noong nagdaan siya sa pagmamadaling makarating sa hagdan. Pagkababa sa hagdan.” anito sa tinig na puno ng pagaalala. 24 .

Chapter Three NATAGPUAN NI Allegra ang lumang hardin. Para na rin niya itong naging pangalawang ama. ang closeness niya sa matandang lalaking iyon. tumawa sa panonood habang nagsasayaw siya. Ito ang nagturo sa kanyang umimbento ng kanta at ibirit iyon sa abot ng kanyang makakaya. na walang sawang nakinig sa mga kwento niya. Walang katao-tao roon. nagsabi sa kanyang wala na pala ito? Bakit hindi man lang niya naramdaman? Was George thinking of her before he died? Mahirap ipaliwanag maliban siguro kay Terry. Bakit wala man lang tumawag sa kanya. lalo na tungkol sa kanyang mga pangarap. Tumungo siya sa pinakasulok at doon umiyak habang umuupo sa damuhan. at matiyagang nakinig kapag dumadaldal siya nang kung anu-ano. Ito ang unang naglagay ng lapis sa kanyang kamay at nagturo sa kanyang gumuhit. Ito ang nakinig sa mga walang saysay at maliliit na problema ng isang batang walang malay 25 .

.. She’s an interior decorator in an established firm in the States. “George. Bumuntunghininga siya at nagmulat. Isa itong mabait na kaibigan. Hindi na niya gustong maulit na muling may mawala sa kanya nang wala man lang siyang kalaban-laban.sa mundo. sinilip ang maaliwalas na kalangitan sa pagitan ng mga butas ng mga dahon ng malagong mga puno. Saka siya humiga sa damuhan.” Muling humaplos sa kanya ang hangin at muli siyang napapikit. Hindi alam ni Allegra kung gaano katagal siyang umiyak. Kailangan siya ng kanyang Papa. saka tumingin sa taas. She would have to put that on hold for a while. ini-imagine na ang hanging iyon ay kamay ni George na mapagmahal na humahaplos sa kanya. 26 . Namalayan na lamang niya ang maaliwalas na haplos ng hangin sa kanyang basang mukha. at iyon ang dahilan kung bakit minahal niya si George. ANG PAGKAMATAY ng kanyang Mama at sumunod si George ang dahilan kung bakit biglang nagdesisyon si Allegra na manatili sa tabi ng kanyang Papa.. “Wherever you are.. I hope you’re really happy.” mahina niyang bulong sa tinig na napaos sa kanyang pag-iyak. And she felt betrayed because he did not even wait for her.

Sino bang taong kilala niya ang pinakamapagmahal sa mga kamag-anak nitong naiwan dito sa Pilipinas kundi ang babaeng iyon na? Bigla’y gustung gusto niyang makausap si Terry. “M-May ahas dito?” 27 . “Nasa malayo ako. She wasn’t alone. Nakasandal si Miguel sa isang puno sa malapit. Lumapit lang ako noong bigla kang tumahimik kasi baka kung ano nang nangyari sa ‘yo. Sa paglingos para pagpagin ang tuyong damong dumikit sa kanyang likod.” protesta nito na parang nagtake offense na ni naisip niyang gagawin nito iyon. “Quite a while. Bumangon siya sa damuhan. I’ll have you know that your father sent me to be sure noone else disturbs you. Malulungkot marahil si Terry. lalo na sa mga bushes na malapit sa kanyang kinahihigaan. I’m glad to see you haven’t been bitten by a snake or something. Kumunot ang kanyang noo nang maalala ang kasalanan nito sa kanya. “How long have you been there?” Nagkibit ito ng mga balikat saka balewalang sumagot.” Takot siyang tumingin sa paligid. pero maging ito hindi makakapagsabing mali ang kanyang desisyon.Tita Venus would understand. But before you think I came here to have a peek at your very private moment. natigilan si Allegra.” “Pinanood mo ako kaninang––“ “Of course not.

“Marami sa ganitong mga lugar.” Nagbalik dito ang tingin niya. Nanunudyong umangat ang isa nitong kilay. hindi na niya maitago ang inis niya.” Muling nag-init ang kanyang mukha sa pinaalala nito. “Baka nga buong hasyenda. “Are you sure?” “You know what.” Sa kanyang pagkaasiwa. Pero kung meron man sa malapit. hindi ko naiwasang hindi ka marinig. “Ikaw––“ “H’wag kang magalit. wala akong panahong makipaglaro sa ‘yo. I have something to tell you about George. Akala niya isa nga itong stranger! “Bahala ka sa buhay mo.” “Hindi ako umiyak nang gan’on kalakas!” protesta niya habang nag-iinit ang buo niyang mukha. This time. Not fair! That was an unguarded moment. I didn’t get that impression when we were in the highway.” sabi niya habang nagsisimula nang tumayo. stranger. “Funny. Sa kinatatayuan ko kanina.” Patayo na siya nang pinigil siya ng hawak nito sa kamay niya. “Don’t go.” Nagdududa siyang tumingin dito. malamang na natakot na ‘yon at gumapang palayo kanina pa matapos marinig ang malakas mong palahaw. narinig ka. parang invited na naupo ito sa damuhan malapit sa kanya. “Really?” 28 .

It disarmed her. Tungkol sa ‘yo noong bata ka pa. of course. Tungkol sa mga accomplishments mo sa school sa states. Hindi mo ba alam? No. “I was with him for almost a year before he passed away. This will just take a minute. “Proud na proud sa ‘yo si George. “How did he know?” “Regular na sumusulat ang iyong tiya sa iyong ama. you wouldn’t. Seryoso na ito. the way his confident devil-may-care look in the highway did when they first met there. It might make you feel better.” Napatitig siya rito. I promise.” “H-He was?” 29 .” sabi nito bago siya makasagot. Nagbalik siya sa komportableng pagkakaupo sa damuhan. at direkta ang titig nito sa kanyang mukha. Wala na iyong insolenteng ngisi sa mukha nito o anumang trace ng pagbibiro.” May nagdaang marahang ngiti sa mga labi nito. And should she be worried? “Tungkol saan?” tanong niya. Binitiwan nito ang kamay niya noong nahalata nito marahil na hindi na siya aalis. “Maraming bagay. na parang naaalala nito ang isang George na pareho ng kanyang naaalala.“Really.” Nagulat siya. At nadagdagan ang kanyang pagkaasiwa. This man could affect her in ways she has never felt in any other men she’d met. Palagi ka niyang kinukwento.

Na kahit kailan daw hindi na naging gaya nang dati ang hasyenda mula noong mawala ka.” sabi nito sa tinig na sabay na nagbibiro pero paos sa emosyon. Noong... Like a proud mother hen.Tumango ito. 30 .” Napahawak siya sa kanyang bibig..” Pinalo niya ang dibdib nito ng isa niyang kamay.” “Oh George.. kung hindi na siya aabot sa ospital. at na maging matatag ka. “But if you really want to cry again. sabihin ko sa ‘yong na-miss ka n’ya. “I told you that to make you feel better.. But in the next instant. I wanted to tell you he was sure that you would come back. baka mapahagulhol na naman siya. noong gabing namatay siya. Akala niya naiiyak na niya lahat kanina pero kung hindi niya pipigilan ang kanyang sarili.. Very. ayaw pa n’yang mamatay kasi baka daw magalit ka.” Tuluyan na nga siyang napaiyak. asiwa siya nitong niyakap. “Sabi n’ya. “He told you that?” “Yes. dala ka niya sa kanyang alaala. “Yes. Sabi n’ya. Anyway. he was worried about you. Na saanman daw siya naroroon.” Nag-init na naman ang kanyang mga mata kasabay ng pagbabara ng kanyang lalamunan.

you’ve cried all over me already. Naalala na naman kasi niya ang ginawa niyo sa highway. “Pasensya na sa shirt mo.” Pumihit siya para umalis.” sabi nito sa marahang tinig habang hinahagod nito ang kanyang likod. “But I’m basically a stranger. Goodbye.” At dahil sa tawag ng pangangailangan. Allegra. nabasa ko. walang problema if you still wanna flirt. Nagbuntunghininga ito. You’ll find that I’m always at your disposal. “A guy’s gotta do what a guy’s gotta do.” sambit niya. “Thanks for everything.” protesta nito. “Kasama na ba r’on ‘yung pabayaan akong makipag-flirt sa ‘yo while making me believe that you’re a stranger kanina sa highway?” hindi niya napigilang isisi. umiyak ka na. “Isa pa. “Hey. “I’m really sorry.” sabi niya rito noong ibinabalik na niya ang panyo. PANYO NI Miguel ang kanyang ginamit para pahirin ang kanyang mga luha.” “I’d rather let’s make you remain that way. sumandal siya rito at sa balikat nito umiyak.” Napaangat ang kanyang kilay.“Sige na nga. Stranger pa rin?” tawag nito sa kunwa’y dismayadong tinig. 31 .” “That’s okay. “T-Thank you.” sabi nito sa kanya.

isn’t it? I’m really sorry. I heard Tito telling Miguel to look for you. Minsan. “It’s just. red nose and lips––at nakita ito lahat ng Miguel na iyon habang tinatarayan niya ito kanina! “Where did you go? Kanina pa sana kita gustong sundan pero hindi ko alam kung saan ka hahanapin. by the way.” dagdag nito sa kaswal na tinig. nagpatuloy siya sa paglabas ng hardin hanggang sa pakiramdam niya.” sabi niya. madaya. Umaliwalas ang mukha nito noong makita siya. puffy eyes.Kahit na-guilty. hindi na kinikiliti ang kanyang likod ng alam niyang sumusunod nitong tingin.. “Nakita ka ba n’ya?” Tiningnan niya ito at hindi na niya kailangang magsalita.” “I-I’m sorry. it was all a shock.” Naaawa siya nitong tiningnan... Running mascara.. PALABAS NA sana ang nag-aalalang si Terry para hanapin siya noong dumating siya sa kwarto. This is a terrible day for you. biglang nakadama ng pagod habang lumalapit sa kama at pabagsak na nahiga roon. Tumawa ito nang malakas. “It was. 32 . “Thank God! Bakit ang tagal mo? Are you alright? You look terrible!” Nagulat siya at napadiretso tuloy sa luma niyang dresser para mapatda nang makita ang kanyang hitsura. Hay. ganyan yata talaga ang buhay.

Hindi ko na talaga s’ya gusto. nakakahiya!” “It doesn’t matter. Saka niya isinara ang pinto ng banyo. “Hmm. kabig ng dibdib.” sabi niya sa determinadong tinig. Terry. You can have him if you want him. lokohin mo ang lelong mong panot. You’re such a poor liar. I’m not interested in him anymore. “Sure ka d’yan. 33 .” At bumangon na siya sa kama para magtungo sa banyo. “Oo!” sagot niya. Sabi nga nila.“Nakita ka n’yang ganyan? My God. tulak ng bibig. ha?” sunod ng tinig nito. darling.” “Shut up.

Nakabihis itong parang kakain sila sa labas––green long sleeves and slacks hugging his tall and lanky body. “You could blame me forever but I couldn’t just let you go there without being sure someone’s looking out for you. the body of a model.Chapter Four NANG GABING IYON. nasabi na kasi ng Papa niya na kasalo nila ito sa dinner. with his hair combed sleekly away from his 34 . Nasiyahan ito nang malamang maganda ang resulta ng reunion nilang mag-ama at tinawanan lamang ang paninisi niya tungkol sa pangunguna nitong sabihin sa kanyang Papa na darating siya. nakausap ni Allegra ang kanyang Tita Venus sa telepono. I cannot forgive myself if something happens!” She wasn’t surprised when they found Miguel waiting for them in the dining room. Siniko siya ni Terry nang makita nito ang bihis na bihis na lalaking naghihintay sa komedor noong pumasok sila roon. Hindi ito naka-casual.

siya na muna ang bahalang magpasyal sa inyo sa hasyenda bukas. he was irresistible. Na medyo mahirap gawin dahil umupo ang lekat sa upuang katapat niya. Did he know what he was doing? Sinasadya ba nito? Lalo siyang nainis dito. Nahihirapan siyang labanan ang tuksong tumitig sa mukha nito.” mahinang bulong ni Terry sa natatawang tinig. “I was just telling Miguel that since I can’t go around with you. Sinermunan niya ang sarili hanggang sa makarating siya sa kanyang uupuan sa mesa. Kapag naka-pormal. 35 . Dahil sa ibang tao sa paligid. obserbahan ang bawat ekspresyong nagdaraan doon habang umiikot ang conversation sa mesa. Nakaka-devastate ang kagwapuhan nito kapag nakakaswal lamang. When her father monopolized the conversation. Nagthank you pa siya. He caught her staring. kahit isang beses. “Now that’s the man I’d want to bring home to Mama. Nag-init ang kanyang pisngi lalo na nang makitang ngumiti ito sa kanilang direksyon. saka nagdesisyong hindi na ito pansinin sa buong dinner.” sabi sa kanya ng kanyang Papa.handsome face. Pero naunahan siya nito roon at pinaghila siya nito ng silya. dito nito itinutok ang pansin nito at ni hindi man lang ito tumingin sa kanya. polite niyang tinanggap ang gentlemanly gesture.

“Ah. Gaya nga ng sinabi ko kanina kay Miguel.” “Iha.” sabi niya agad. Siya ang personal nurse ko and she sometimes do things for me sa office.” Sinipa niya ito sa ilalim ng mesa.” sambit naman ni Terry sa kanyang tabi. Nahuli niyang nakatingin ito sa kanya at nangingisi. “Don’t worry.. “Nagkataon kasing may kailangan siyang puntahan sa Manila kaya lumuwas siya kahapon. Pero mas gusto ko sanang mag-enjoy ka muna sa unang mga araw mo rito. Alam nitong lihim siyang naiinis at halatang kinatutuwa nito iyon. “Ho?” “Oh goody. “Sino nga pala ang tumitingin sa inyo? May doktor ba kayo? Wala ba tayong nurse dito sa bahay na pwedeng tumingin sa inyo?” “You haven’t met Brenda. kilalanin mong muli ang mga kababayan mo. “Thank you. Sabik na rin silang makita ka..” sabi ng kanyang ama. “Tomorrow.” At nagbalik sa pagsu-supervise ni Miguel sa lahat ng mga lakad niya ang usapan. What’s worse.” sabi ng kanyang ama. ako nang mag-aalaga sa inyo. He was probably secretly laughing at her expense.” nakangiting sabi ng kanyang ama. 36 . Kapag wala siya. he knew she didn’t like it. Maglibot ka sa hacienda. si Miguel ang tumitingin sa akin. Papa?” sabi niya sa attempt na maiba ang usapan. ‘kala mo.Napatingin siya sa ama. “Excited na akong mamasyal dito sa hasyenda n’yo.

gusto niyang isipin ko pa ring malakas pa rin siya kahit hinang hina na siya.Masarap ang pagkain at iyon lang ang dahilan kung bakit nag-enjoy siya sa dinner. Unfortunately.” sabi niya. Pwede bang lampasan mo muna ang inis mo d’un sa tao at unawain mo ang Papa mo? I’m sure he asked Miguel kasi someone has to help carry him to his bed.” “Don’t be ridiculous. Malamig na para rito ang lumabas pa sa veranda. naniniwala rin itong iyon ang nararapat niyang gawin. halata mang gusto pa nitong makipagkwentuhan ay halata ring pagod na ito. Syempre. “Meron na palang ibang anak-anakan si Papa. My father didn’t want me to take care of him when he contacted cancer. kahit papaano nahihiya din ‘yon sa ‘yo. I don’t think Tito wanted you to see him in his weak physical state. when they got there.” 37 . pinayagan siya ng kanyang ama na ipagtulak ito ng wheelchair pabalik sa salas. Kaya mo ba ‘yon?” Natigilan siya. Agad din itong nagpaalam pero sa halip na sa kanya magpahatid sa kwarto nito. Pagkatapos niyon. si Miguel ang tinawag nito at dito ito nagpatulak ng wheelchair. Nasabi na niya kay Terry ang kanyang lihim na balak at sinabi man nitong mamimiss siya nito. “Mukhang hindi naman pala gaanong importante kung tumigil ako rito. Masama ang kanyang loob noong lumabas sila ni Terry sa veranda. “Isa pa. For some reason.

” Kumunot muli ang kanyang noo. Namatay sa cancer ang ama ni Terry noong nasa college pa lamang sila. ‘di ba?” Nagbuntunghininga siya nang malalim. Cook his food o kaya. Sumimangot siya. “Do other things for him na lang.” “Hindi mayabang si Miguel. Bakit hindi ko naisip ‘yon? Praning ako ngayon. Nahihiya siya na naalala pa tuloy nito iyon. You’re wasting your chance!” “Anong chance? Gwapo din naman si Kael. ang pogi-pogi ni Miguel at hindi mo matiis na hindi siya pansinin kaya ka nawi-windang. “Ewan ko ba. That way. you’ll still feel that you’re helping him in some way. ‘no? You know how hard it is to find a man like that these days. “Hmm. Hay naku. hindi na siya makakawala pa. “I’d like to know him better. If you’ll just get to know him––“ “And you do?” sarkastika niyang tanong. Intact pang pride n’ya. ipasyal mo siya sa labas and talk with him a lot. kung ako nga lang ang pinansin niya in the first place. Aminin mo na kasi. “Ang mayabang na ‘yon? Who cares?” “I do.” natatawa nitong tudyo.Nagi-guilty siya bigla.” nangangarap nitong sabi. Binuka niya ang bibig niya pero hindi niya naituloy ang sasabihin dahil noon lumabas ang devil 38 . Hindi pa mayabang.

oh no. “Kanina. Gusto mong manood?” “Right now? Wow! Why not?” Pwedeng artista si Terry.. Kahit siguro sinabi ni Miguel na samahan nito itong tumalon sa bangin.” Sandaling nagdaan ang asiwang katahimikan.” agaran namang sagot ng babae sa matamis na tinig. naalala mo ‘yung sinabi mo kanina na gusto mong maka-experience ng real farm life bago ka umalis?” “Yes. Hindi yata niya naaalalang nasabi iyon ni Terry. “Allegra’s scared of 39 . “One of the cows is about to deliver a calf right now.” Binalingan siya ni Terry...” Bumagsak ang mukha nito.sa veranda. Tumawag na ang beterinaryo. Pagkatapos ay muling nagsalita si Miguel.. Pagkatapos ay naasiwa ito. Nakangiti ito agad sa kanila pero inirapan niya ito. ano ka ba?” sabi naman ni Terry. George. “Enjoyed dinner?” “Very. “It’s almost time. “Terry. dito sa veranda. tatalon ito makasama lang ang lalaki. “Kailan ‘yon?” hindi naman niya napigilang itanong.” sagot ni Terry. Kay Terry ito dumiretso. “Will you. Farm life! Calf delivery! Eh manganganak ngang doggy tinatakbuhan ng babae! Sumulyap si Miguel sa relos nito. “Kaninang nagkukwentuhan kami bago nasabi sa ‘yo ng Papa mo ang tungkol kay.

She’s––“ 40 . Takot nga siya sa dugo pero hindi iyon ang dahilan kung bakit maaari ngang namumutla siya ng mga sandaling iyon. ‘Di ba?” Naramdaman niya ang titig sa kanya ni Miguel at lalo siyang nainis. Prick her finger with a pin and she’ll faint. even thinking it and she’s gone. “Believe me. kung hindi ito titigil. inosenteng inosenteng nakatitig sa kanya ang mga mata. ‘Di ba.” sabi nito sa lalaki. she’ll faint. Takot nga siya sa dugo and everything pero hindi na nito iyon kailangang isampay sa harap ng mga mata ni Miguel! “That’s exaggerated.” “She wouldn’t tell why. she doesn’t need to go. “So takot ka talaga sa dugo?” tanong ni Miguel. “The delivery’s done inside an enclosed barn so there’s nothing to worry about kung sa labas ka maghihintay. Look at her now and she’s turning pale. Allegra darling?” alalang-alalang sabi sa kanya ni Terry. “Anything to do with it— sight.” Gusto niya itong sipain.” ani Terry sa deliberate na pag-arteng parang ang inilalahad nito ay ang greatest tragedy na nangyari since nineeleven. “I told you.” “Oh.blood. it might sound pathetic but it’s true. Namumutla siguro siya dahil nakakaisip siya ng murder! Of her bestfriend. smell.

“Ayoko namang masolo mo ang experience. who’s to stop Miguel? Nakakaasiwang isipin na kung alam ni Terry. hindi siya agad nakahalata.. And Terry knew. Then she caught what she was thinking and she froze. Saka naupo sa backseat. Tinapunan siya nito ng triumphant na tingin matapos itong alalayan ni Miguel na makaupo sa frontseat at inirapan niya ito. Ano bang nangyayari sa kanya? Tumingin siya sa labas habang nagda-drive na sila patungo sa kanilang pupuntahan at ipinapaliwanag ni Miguel kay Terry ang mga ginagawa sa pagpapaanak ng baka harapan. what? Nawalan siya ng sense sa ginagawa nito. mahahalata rin nito.. 41 . And she’s been too. Na hindi nito masosolo si Miguel gaya nang pakay nito. Kasi kung nagagawa man niyang lokohin ang sarili. And if she could.” sabad niya bigla rito. That’s why she knew exactly how to play her.“Sasama ako. Sumama siya kasi bigla siyang nagselos––ayaw niyang masolo ni Terry si Miguel.” pagdadahilan pa niya bago siya naunang bumaba ng veranda patungo sa jeep na nakaparada doon. iniisip na hindi siya nito naisahan. ang gusto nito talaga ay sumama siya. Naisahan nga siya ni Terry. si Terry ay hindi.

Allegra had never felt so vulnerable. Paano ba niya maaalis ito? 42 .

sandaling nagpaalam sa kanila si Miguel para magpalit ng suot.” sambit na lang niya noong tumahimik na ang baka. She barely noticed his leaving. This time. she was genuinely worried. ‘Di ba sabi mo bata ka pa naman noong madalas kang himatayin kapag nakakakita ka ng dugo?” “Y-Yes. “I’m sorry! Akala ko kasi na-overcome mo na ‘yon. “Maybe you should just stay in the jeep?” anito. 43 . Paano namang hindi. of course. Pagkatapos ay agad ding napapitlag noong umulit na naman iyon. Malapit lang daw ang bahay nito roon at hindi raw ito magtatagal. Sinamaan niya ito ng tingin na nagsasabing ito ang may kasalanan nang lahat ng ito.Chapter Five PAGDATING NILA ROON. sa pinaradahan pa lamang nila naririnig na nila ang atungal ng manganganak na baka? “Are you okay?” tanong sa kanya ni Terry matapos nitong makitang napakapit siya sa pinto nang mahigpit matapos ang isang malakas-lakas na atungal ng pobreng baka. though. It came loud and clear to her friend.

44 . Saka pinagalitan ang sarili dahil kahit sinasabi niya iyon. ‘di ba? I’m not about to rob you of the experience. dagdag pa akong alalahanin sa baka. go.” “Mag-isa?” “Believe me.” Atubili itong sumama kay Miguel na mukhang napilitan na ring tumungo sa barn dahil may lumabas at tumawag dito.” “Pero Allegra––“ Pinandilatan na niya ito.” Nang magbalik si Miguel.” aniya matapos ng isang buntunghininga.” Napakagat-labi ito sa patama niya. Kahit hindi na. “Go and watch it. putting up a brave face for Miguel’ penetrating stare. I’ll just stay here. “Sabi mo gusto mong makaranas ng farm life. I don’t really mind. Dito na lang ako. mas okay ako ritong mag-isa kaysa kasama n’yo sa loob. dahilan kung bakit siya na-guilty din kaagad “Look. Kapag hinimatay ako r’on. sinabi rito ni Terry ang problema. “I’ll be back. lihim niyang sabi rito. “Mabuti pa nga.Nagbuntunghininga siya nang malalim habang walang pag-aatubiling tumatango. “Bumalik na lang kaya kami sa bahay?” “Don’t be ridiculous. “Terry darling. hindi siya talaga adverse sa idea na abalahin nito ang sarili nito para sa kanya.” sambit niya.” sabi nito sa kanya bago ito tumalikod.

Muli siyang nagbuntunghininga noong nag-iisa na siya sa jeep.” “Shut up. Gustuhin man niyang mapanood ang panganganak ng baka. Terry.” Kumaway pa sa kanya si Terry bago ito tuluyang pumasok sa barn pagdating ng mga ito sa bukas na mga pinto niyon. Hindi niya alam kung saan nagmula ang takot basta meron na lang siya niyon. She suddenly froze then dropped like a log on the ground. The first time she ever fainted was when she saw someone’s finger oozing with blood in the school playground on the first year she went to school in the states. With her fear of blood. A series of that prompted Tita Venus to bring her to a shrink.“Sabi nga nila. Tingin niya.” sambit niya nang sinabi rin niya rito noong tinudyo siya nito niyon ng araw na iyon din lamang. Basta may bukol na lang siyang malaki sa ulo noong nagkamalay siya. at least. Damn it. too. kabig ng dibdib. tulak ng bibig. Ni hindi na nga niya alam na hinimatay siya. Saka siya napabuntunghininga. “Now. Okay lang naman talaga sa kanyang tumigil dito sa labas kaysa sumama sa loob. Then he threw her another glance before they finally went inside. it helped a little. I’m talkin’ to myself. darling. You’re such a poor liar. hindi talaga niya kayang makakita o makaamoy ng dugo. kasi natulungan siya 45 . Naiwan si Miguel kausap ang isang lalaki.

She didn’t know where it came from. Sa parehong mga pagbisita sa pshychiatrist ding iyon na-established ang kanyang amnesia. bumaba siya roon. as much as she could she would push it away. After every experience. Buhay kasi ang ilaw sa loob kaya kitang kita ang outline nito. Hindi kasi niya maiwasang hindi maramdaman na nasasaktan ito at naawa tuloy siya rito! Napatingin siya sa barn noong makita niya ang pamilyar na shape ni Miguel habang palabas ito roon. mas safe siya rito sa sasakyan. hindi kasing nakakaistorbo sa takot niya sa dugo kasi wala iyong naaapektuhan maliban sa. iyon nga. pulang pulang dugo sa tiles.nitong i-manage ang takot na iyon kahit hindi man iyon tuluyang nawala. Hindi katulad ng takot niya sa dugo. 46 . Kaya hangga’t maaari. That other affliction. nangingiwi niyang naisip. Always the same. She just wished that cow wouldn’t cry so loud. meron siyang hindi maalala. It became manageable as she grew up––as long as she could see no blood. May dala itong thermos at isang mug sa dalawang kamay. no nightmare. umiiwas siya sa anumang bagay o pangyayari kung saan makakaranas siyang makakita ng dugo. Kaya ang totoo. nagkaka-nightmare siya. It didn’t bother her in the least. Nang makarating ito sa sasakyan.

“Sabrina?” Tumingin ito sa kanya. “I’ll stay here for a few more minutes..” nangingiti nitong pagpapatuloy habang kampanteng sumasandal sa gilid ng hood. malinis ito. Napatingin siya rito. There’s a lotion in my dashboard for mosquitoes. “Talaga ‘tong si Sabrina. one horse from another. one cow from another. Okay lang ako rito. wala akong alam sa farm life. “H’wag kang mag-alala.” sabi nito noong makitang nakamata siya sa mug.” nangingiti nitong sabi. I don’t know one goat from another.” Ibinaba nito ang mug sa ibabaw ng front hood ng sasakyan at nagsalin ito ng kape roon. hindi agad makaimik. Mabuti na lang hindi kailangang kilalanin bawat manok. “Si George ang nag-suggest na pangalanan ko na lang daw para makilala ko.” “Baka lamigin ka at lamukin. if you want.” Hindi siya makapaniwalang napatitig dito. “Noong bagong dating pa lang ako rito. Here’s coffee.” “What are you thinking then?” Nagkibit siya ng balikat. “I’m not thinking that.” 47 . So I did.. one carabao from another.” “I don’t––“ Napapitlag siya noong umatungal muli ang baka.“You really don’t have to do this. “Anyway. Alam kong busy ka sa loob.

really. Bukas. Mas matibay at serviceable. in everything. I had fun with the plumbing. Para hindi masayang ang stay ko. Namalayan ko na lang ang dami ko nang ginagawa. however she loathed to admit it. Mas mukha itong model sa isang centerfold. bakit ka naparito?” “Kamag-anak ako ni George and I visited him. “Of course not. Sabi ni George may knack daw ako sa trabaho rito. that’s how Sabrina became Sabrina. I’m an engineer by profession. “Then why did you stay?” curious pa rin niyang tanong. “I got caught. I helped your father with the plans of constructing. Pakiramdam pa nga niya minsan mas gusto nitong isiping they didn’t exist. Do I look like a farm boy to you?” Hindi niya iyon sinagot sa risk na bumalik ang yabang nito. civil. “Wait a minute.” Nagulat siya. Alam niyang may mga kamaganak na naiwan si George sa Manila noong sumama ito sa Papa niya rito para maging right-hand nito. Mas 48 . “Anyway. You mean you didn’t come here for the job?” Umiling ito. Makikita mo ‘yung mga bagong pinatayong mga warehouse ng Papa mo saka ‘yung mga bagong kulungan ng mga hayop.Napakunot ang kanyang noo.” “Kung gan’on.. ililibot ko kayo ni Terry rito.. But he rarely talked about them.

Alalangalala si George sa kanya ‘yun pala. He was very weak. That time..” Hindi niya napigilang mapangiti. he was so sure you’ll come back at hindi siya nakapagpaalam sa ‘yo. “Papa will be fine now. siya ang mauuna. “Nangako kasi ako kay George na tutulungan ko ang Papa mo until he’s recovered. As if he really cared.” sagot nito. It was quick..” “It didn’t last... did he suffer?” “Your father or George?” marahan nitong tanong.” “Why did you stay kahit. Para may kasama ka. She felt a little awkward with the shared silence kasi ang kasalo niya roon ay ang lalaking ito na supposed to be. There was no taunt in it. kare-recover lang ng ama mo mula sa isang mild coronary. “Did he..” Ilang sandali silang natahimik. “Minsan nagpapasalamat pa ako na nagawa naming makapag-usap.komplikado kasi kaysa plumbing sa ordinaryong mga bahay at buildings.. only sympathy.. I think he’d hurt more emotionally kasi.” Sumulyap ito sa kanya. “Kung iiyak ka. ngayon na habang naririto pa ako. Bahagyang nag-init ang kanyang mukha dahil sa pagkaipit sa nag-uuntugang mga bato. 49 . Pero si George.. kahit wala na si George?” May malungkot na ngiti sa mga labi nito noong sumagot. kinaiinisan niya nang sobra.

” Nag-init na naman ang mukha niya. “Imagine? Dalawang bisiro! At nakita ko talaga kung paano sila lumabas. And she was able to survive from then on nang hindi sumisigaw para humingi ng tulong. Somehow.” “Will you be alright? Sumigaw ka lang kung hindi mo na kaya. “I’ll be fine. Iiwan muna kita.Naasiwa na naman siya. Nakahinga siya nang maluwag para kay Sabrina. “She’s given birth to twins!” Natawa siya. naging manageable na ang takot. Base sa mga atungal na narinig niya nitong nakaraang oras ramdam na ramdam yata niya ang paghihirap nito na parang siya ang nanganganak! Tumatakbong lumabas si Terry mula sa loob.” “Okay. noong maramdaman niya iyon. Dinampot niya ang mug at humigop ng kape at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. nakasenyas sa kanya ang dalawang daliri. Muling umatungal si Sabrina at nakadama na naman siya ng awa sa baka. Tumango ito bago ito tumalikod at naglakad pabalik sa barn. “Excuse me. it was over. Tumingin ito sa kanya habang tumatayo nang tuwid mula sa pagkakasandal sa hood ng jeep. Napalingos sila sa barn dahil may tumawag na naman dito. 50 . “Really? That’s great!” Nakarating ito sa kanya.” giit niya. SA WAKAS.

And they did! Aren’t they great?!” Hindi siya makapaniwalang napamata rito. “They named the first-born after me—Emillia. sabi ko sa kanila pangalanan nilang Barbie. Nag-uusap ang dalawa nang parehong nakangiti hanggang sa tuluyan nang makalapit ang mga ito sa kanila ni Terry. gusto kang makilala ni Billy. Billy. “They did! Really! You think I’m joking?” Nakaangat ang isang kilay na pinili niyang hindi na mag-comment. “Allegra. Isusulat ko lahat ng detalye sa blog ko!” Tumingin ito sa thermos at sa walang lamang mug.” ismarte niyang sagot habang napapatingin sa likod nito kung saan isa-isa nang naglalabasan ang ilan sa mga tauhang nag-asiste sa pagpapaanak sa baka. palapit na nang palapit sina Miguel at isang lalaking may hinuhubad na apron mula sa beywang nito.Kumpleto na ang bakasyon ko rito sa hasyenda n’yo hindi pa man tayo nagsisimula. “Anong ginawa mo rito habang nasa loob ako?” “Nagbilang ng bituin habang umiinom ng kape. Must be the veterinarian. ang resident veterinarian natin dito. Humagalpak ito ng tawa. “Have they given the bisiros names?” tanong niya nang hindi talaga nag-e-expect ng sagot. this is Allegra. Mula sa barn. 51 . ‘Yung second.” Tumigil sa harapan nila ang dalawang lalaki at nagulat siya nang makita niyang bata pa pala ito.

kumakalat. Always the same just that one second before she looses it.. “Allegra?” Pero sobra na siyang nabibingi ng mga sandaling iyon ng ugong sa kanyang magkabilang mga teynga.. It took just one drop of red blood at pakiramdam niya nakakita na siya ng isang ilog ng dugo. I’d rather not offer my hand right now. bumulusok.. at nakita ang isang malaking patak ng dugo sa parteng hita ng suot nitong jeans. too. “It’s nice to meet you. Muli. Billy. “It’s good to meet you. Umikot ang paligid.” sabi naman niya rito. actually. Saka siya nahulog. hindi sinasadyang napatingin siya sa damit nito. Nahihiya itong ngumiti sa kanya.” sabi nito. Nag-aalala ang tinig ni Miguel noong tinawag siya nito. 52 . Allegra.” Tumawa sina Miguel at Terry. though. At ni hindi niya alam kung ano nang nangyari pagkatapos.. “Siguro. sumasama sa tubig. “Uh-oh.” narinig niyang sabi ni Terry mula sa malayo.malapit lang sa edad ni Miguel. Bigla’y nakakabingi ang tibok ng puso niya sa kanyang mga teynga at pinagpapawisan siya nang malamig. At may hitsura. next time na lang. tumatapon ang pulang pulang dugo sa puting tiles. Tapos.

actually. maraming dugo sa puting tiles sa sahig. “Allegra?” tawag sa kanya ng nag-aalalang tinig ni Miguel. naririnig niya ang mangiyak-ngiyak na tawag ni Terry sa pangalan niya. Hindi lang iyon ang nararamdaman niya. Pangko siya ni Miguel at ibinababa siya nito sa kung anong malambot na bagay sa loob ng isang hindi pamilyar na lugar noong magmulat siya ng kanyang mga mata. And that man was dead. Pumikit siyang muli pero napamulat agad noong bumandera sa kanyang isip iyong nakita niya kanina isang segundo bago siya mawalan ng malay. Nangatal siya. Saka siya umungol. Saan nagmula ang huling imaheng iyon? Hindi niya alam kung saan iyon nanggaling. “Thank God!” sambit ni Terry. Napahingal siya noong maamoy niya ang matapang na amoy ng White Flower oil. Nakadarama siya ng sindak na hindi niya alam kung saan nagmula. Amoy ng dugo. nakalululang amoy ng dugo. Dugo.NANG MAGBALIK ang malay ni Allegra. That man just came out of nowhere. 53 .” sagot niya habang pinakikiramdaman ang sarili. At nakahandusay na katawan ng isang lalaki. Nakatayo ito sa tabi ng sofa at ito ang may hawak sa botelya habang sa kabila ay ang bulak na pinaaamoy nito sa kanya. Dati naman dugo lang sa puting tiles. “How do you feel?” “A little woozy.

“Yes. Inilibot niya ang tingin niya sa paligid. “No!” Napatingin siya rito.Gaya ng imaheng iyon na hindi rin niya alam kung saan nanggaling? It must me just a figment of her wild imagination. meron na siyang mga napapansin––ang intricate na buhol ng abakang nakadisenyo sa dingding ng kusina.” anito sa marahang tinig. “Halika. Tatlong mug ng kape ang nainom niya habang naghihintay siya sa labas ng barn kanina.” daing niya. “I need to go to the bathroom. nag-iinit ang mukha.” Maagap siyang inalalayan ng kaibigan habang binibigyan sila ng direksyon ni Miguel patungo sa banyo. ang bilog na dining set na ang mga gilid ay nililok at na-varnish-an ng maingat at mapagmahal na mga kamay. Ano bang nangyayari sa kanya? Nagsimula siyang bumangon. 54 . Itinakbo kita rito kasi ito ang pinakamalapit. “Hanggang sa labas lang. ang mga cupboards na gawa sa pinakinis na kahoy at pamilyar dahil nasaksihan niya noong bata pa siya noong ginagawa pa lang iyon ni George. sasamahan kita sa banyo. “H’wag ka munang bumangon kung hindi mo pa kaya.” sabi nito. “Or would you rather Terry go with you?” Napatango siya.” sabi nito. Pinigil siya ng kamay nito sa kanyang balikat.” sabi nito. “Where am I?” “In my house. Pero bago pa man sila makarating sa banyo.

“Oh.” sabi niya rito sa nang-a-assure na tinig. Tumingin siya rito. was. “This is. It just caught me at a very unexpected moment. George’s house. noong lagi pa siyang nagpapalipas ng oras sa loob ng kusinang ito at umiinom nang mainit.” “I’d rather it not catch you at whatever other kinds of moments.. Hindi ko naman alam na gan’on pa rin kagrabe ang takot mo!” “I’m okay. “George’s house. At hindi pa bumabalik.” sobrang guilty nitong sabi. marami pa siyang makikitang magpapaalala sa kanya ng kahapon.. nakatingin sa kanya na parang iniisip na kasabay ng pagkahimatay niya ay nahimatay din ang sense niya. Agad niyang inasikaso ang sarili at agad na nakadama ng relief pagkatapos. “I’m sorry.. “Ha?” tanong naman ni Terry. Mabuti na lamang at hindi na masyadong nangangatog ang kanyang mga tuhod.” sambit niya. I even use your fear of blood to make you come. malinamnam na tsokolate. 55 .. Then she thought about the house.” “Kaya ko na.” sabi niya rito noong nasa pinto na sila ng banyo.Alam niyang kung ililibot niya ang tingin niya sa paligid. “Ako ang may kasalanan kung bakit ka sumama. oh-key? Tinakot mo ako!” Pumasok na siya ng banyo.

Terry drools 56 . maybe. nagawang bisitahin ang matanda. Because that would be bad. Comforted him. Nakatitig siya sa salamin at inamin niya sa kanyang sarili na malaking puntos para kay Miguel nang malaman niyang kadugo ito ni George. Matapos tingnan ang mukha niya at matuwa na this time. Hinihimatay ito kapag meron itong anxiety attack. Kung dito ipinagkatiwala ni George ang Papa niya bago ito mamatay.Kung kamag-anak ni George si Miguel. “Allegra? Ano nang nangyayari sa ‘yo d’yan? Are you okay? Have you fainted again?” “I’m okay!” sagot niya. walang galos o bukol sa kanyang ulo. Imagine. Anong relasyon nito kay George? He seemed to really like the old man. siguro nga tama lang na dito ito tumira sa bahay nito. talked with him. Nagko-contemplate siya kung pagtitiwalaan din niya ito nang nag-aalalang kumatok sa kanya si Terry. lumabas na siya bago pa atakehin ng anxiety si Terry. then George must have trusted him so well. Mabuti pa ito. Biglang hindi na siya ganoon kairitado sa lalaki. Biglang nagbalik ang curiosity niya rito. Halatang naging close ang dalawa bago mamatay si George. he seemed really fond of him. ini-adjust pa nito ang propesyon nito para makasama si George nang matagal? And he was with him before he’d died.

Naamoy niya agad ang mabangong amoy ng nilalagang tsokolate. Nothing would beat that in the world. 57 .” “The first time I saw this house.. dinadayo mo raw lagi ang tsokolate niya noong bata pa siya. Sabi ni George. Muntik na akong himatayin noong sinabi sa ‘kin ni Tito Hector na nasa will ni George na sa ‘kin ibigay ang bahay na ito in case. “Okay.” Nagbuntunghininga siya habang namamatay ang kanyang ngiti. hanggang teynga ang kanyang ngiti. Napangiti rin ito. in this kitchen. merong surpresa para sa kanila. did I miss something here? What happened between you two noong busy ako sa pagngawa kasabay ni Sabrina? Ha?” Gulat siyang napatingin dito at nakapameywang pa ito. Nakatalikod sa kanila si Miguel. guys.” sagot niya. Mas gusto kong kasama s’ya rito. “I spent many happy memories in this house. I loved it. nagluluto sa stove.” “Yes. eager na umuupo sa isang silya sa bilog na mesa..” Ilang sandaling katahimikan ang nagdaan bago iyon binasag ng nagdududang tinig ni Terry.” “I don’t know. “You’re very lucky. Noong humarap ito sa kanila. Tambay ako rito noon. “I thought that would make you feel better.when she faints at hindi siya nito patatawarin kapag nakita iyon ni Miguel! Noong lumabas sila ng kusina.

58 .Tumawa silang dalawa nang malakas ni Miguel.

” sabi naman ng kanyang Papa. Sa papa naman niya ito yumuko para magmano. ha?” “Oo ba. Noong maghiwalay sila. Hindi kasi masusunod ang plano nilang magkita after three months dahil nga sa kanyang desisyon na so far. paalis 59 . ito pa lamang ang nakakaalam.” Bahagyang nag-init ang kanyang mga pisngi sa habilin ni Terry sa binata. Sa nagdaang isang linggo. Babalik po ako?” “Be sure to come back. Iha.” sabi ni Terry matapos ang hindi nila matapos-tapos na paalaman.” Yumakap ito kay Miguel. Tumatawa itong yumakap sa kanya. “Alagaan mo ang kaibigan ko. pareho silang tumawa dahil pareho na naman silang naluluha. “I miss you na agad hindi pa ako umaalis!” Nag-init ang mga mata ni Allegra sa sinabi nito. “I had fun here. Tito.Chapter Six “I HAVE TO GO. Sa buong linggong iyon din ay wala nang ginawa ang babae kundi tudyuhin silang dalawa sa maraming paraang naiisip nito! Matamis ang ngiti ng kaibigan niya sa kanya. naging parang masayang barkada silang tatlo habang inililibot sila ng binata at ipinapasyal sa hasyenda. “You’re always welcome here.

Noong natatanaw na lang nila ito sa malayo. Yumuko siya sa pinto at sinilip ang may edad na driver. At sa gitna ng mga kaway at maingay na last minute goodbyes. “Ha? Um. magbabasa-basa lang muna. “Sino kayang unang mauubusan ng kwento sa dalawa?” Tumawa siya. binuhay ng driver ang sasakyan at nag-drive ang mga ito paalis. nagsalita si Miguel.” nakangising sambit ng may-edad na lalaki. Sa wakas. “I know!” Madaldal din kasi si Mang Ponce. “Mang Ponce. Ibabalik na nito ang car sa rental at magko-commute na lamang ang driver pauwi. Ma’am. Ipagda-drive si Terry ng driver ng kanyang Papa hanggang Maynila kung saan naman ito susunduin ng mga kamag-anak nito sa ibang sasakyan.” sabi niya habang pilit itinatago ang kanyang 60 . ingatan n’yo pong kaibigan ko. ho?” “Areglado. nawala na sa paningin nila ang rented car. bago ito pumasok sa pinto ng rented car na binuksan para rito ni Miguel. Bumaling sa kanyang ama sa wheelchair si Allegra pero nasa likod na nito si Brenda at napatayo na lang siya roon habang ipinipihit na ng babae ang wheelchair para ipasok ang amo nito sa loob ng bahay. “What’s your plan for today?” kaswal na tanong sa kanya ni Miguel.na lamang ay nanunudyo pa.

Biglang parang ang luwang at napakatahimik ng kanyang maghapon ngayong wala na ito. But her father seemed happy with Brenda’s service so she kept quiet. hindi raw pwede ang karne. Tama na raw muna iyong konting araw sa umaga. Now. “Ikaw pa?” Pumarada ang jeep na madalas nitong gamitin sa paglilibot sa hasyenda para gawin ang mga gawain sakay ang madalas nitong kasamang si Mang Simon. Kung may gusto kang bilhin sa Calapan. you can go with me. “May mga gusto nga sana akong bilhin. kung hindi ako masyadong makakaabala sa ‘yo.” narinig niyang sabi nito. 61 .pagkadismaya. kukuha na lamang siya ng ibang nurse. kahit para lamang bumili ng ilang grocery items. There’s something about her attitude that’s slowly irritating her. “I’m taking the car to be washed this afternoon. Sinusundo na nito ang lalaki. lalo niya itong na-miss. why not?” Ngumisi ito. madali raw itong mapapagod. nahihirapan na siyang makasama lagi ang kanyang ama. When she cooked for him.. When she wanted to bring him his medicine. Binalikan niya ng tingin ang direksyon kung saan nawala ang kotseng sinasakyan ng kaibigan at ng mga sandaling iyon. a few hours would him would be fine. Kung papatol siya rito. Napatingin siya rito. When she wanted to take him out. kaya daw ito h-in-ire para gawin ang trabahong iyon.. Since that woman came back.

“Hi!” agad niyang bati rito. ang kabisera ng Oriental Mindoro. naalala niya ang balak niyang mag-research sa Internet para sa mga recipees na bagay sa taong may sakit sa puso. ikaw ang kailangan ko.” 62 . “May kailangan ka?” Nahihiya itong ngumiti. na nakatayo sa labas ng bukas na pinto. NAGPI-PRINT NA si Allegra ng recipees. Tanghali na ito sa mga duties nito. for one. Habang nasa salas. “Hi.” Nagulat siya. “What can I do for you?” “Patawarin ako. Kahit ang pagbabasa parang kinatatamaran na rin niya. Kumaway na lang siya sa lalaki noong nagda-drive na ang jeep palayo habang nakangiti itong nakatingin sa kanya. Tumalikod siya at pumasok sa bahay na lalong nararamdaman ang iniwang katahimikan ni Terry. Dahil sa nangyari n’ung first night mo rito. Pwede pala niyang i-grocery ang ingredients niyon mamaya kapag nagtungo na sila ni Miguel sa Calapan. At doon siya nagdiretso. “Okay.” Tumalikod ito para sumakay sa passenger’s seat sa front. Kinukuha niya sa printer ang huling pahina nang masulyapan niya si Billy. Actually.“Mga three PM?” anito. Tumayo siya at lumigid sa mesa. ang veterinarian. “Ako?” sabi niya habang iniipit ang print-outs sa isang folder.

“Tapos ka na ba sa office. “May pinapa-file kasi ang father n’yo. S’an mo nakuha ang mga ‘to?” “Ah. Naisip ko na ring okay na rin ‘yan kasi ‘di ba. I like them.” sambit niya. 63 .” “Yes. Sabi ko.” sagot niya.. kaaalis lang ng kaibigan mo? Para naman kahit papaano. “For you. kahit na ano.” napangiti siya. Hindi mo naman alam ang takot ko sa gan’on. alam ko na kasi nasabi nila noong naiwan ka sa labas. “You really don’t have to do this. May hawak itong ilang stems ng sunflower.” Nagugulat niyang tinanggap ang mga bulaklak..” “Actually. Relieved itong tumawa.“Ahh. pinabili ko lang sa assistant ko kaninang umagang galing siya sa Calapan. “Okay. “Wala ‘yon. Kaya nga hinubad ko na ang apron ko noong palapit na kami sa ‘yo. ‘Yan ang binili. Sabay silang napalingos kay Brenda. but thanks.” May tumikhim. ma-cheer up ka.” sambit na lang niya. “That’s good to hear.” “Thank you. alam mo nang nangyari. Miss Fuentabella?” tanong nito sa walang emosyong tinig.” “You’re forgiven. hindi ko napansin ang mantsa sa pants ko at.” Saka nito inilabas ang isang kamay na noon lang niya napansing nakatago sa likod nito. ‘Yun nga lang.

“Hi, B-Brenda,” bati ni Billy dito sa tinig na konsiderableng naging mas mahiyain kaysa bati nito sa kanya kanina. And of course, she smelled something, lalo na noong tinanguan lamang ito ni Brenda bago ito nagexcuse, pumasok sa opisina, at sinara ang pinto niyon sa likod nito. Noong tumingin siya kay Billy, parang bumagsak yata ang mga balikat nito. Lihim siyang napangiti. “Why don’t you come for lunch?” alok niya sa lalaki. “Unless of course, may iba kang plans? Tiyak na tahimik na kami mamaya kasi wala na si Terry–– ako lang, si Papa, at si Brenda ang magkakasama.” “Really? I mean, okay lang?” taranta nitong sabi. “I mean, I don’t want to––“ “Of course, you’re not. Gusto ko rin sanang makasagap ng balita tungkol sa mga hayupan ni Papa. Just... filter the gory details, though. Okay?” Sandali nitong nakalimutan ang pagiging mahiyain noong natutuwa itong tumango. “Okay! Salamat.” “You’ll be here?” paniniguro niya. “Oo.” Noong umalis na ito, pumasok siyang muli sa opisina. Inabutan niyang may ipinapasok na folder si Brenda sa isang bureau. “Brenda?” Lumingos ito sa kanya. “Ano po ‘yon, Ma’am?”
64

“This are for you, mula kay Billy. Just to brighten your days daw,” sabi niya. For once, nakakita siya ng ekspresyong hindi binantayan sa mukha nito. Halatang nagulat ito. Pero halata ring hindi nainis o anumang hindi positive. Hindi agad nakaimik na tinanggap nito ang mga bulaklak mula sa kanya. “Akala ko kanina, para sa ‘yo ito,” sabi nito habang bahagyang namumula ang napupulbuhang mga pisngi. “Hindi, pinabibigay lang sa ‘kin. I invited him for lunch.” “G-Gan’on ba?” anito, halatang hindi alam ang sasabihin. “Pupunta na ako sa kitchen. May mga recipees akong gustong i-try para kay Papa. Baka available ang ingredients kahit sa isang recipee.” Tanda na nabibigla pa rin ito noong wala itong ginawa kundi tumango sa kanyang pagpapaalam. At lihim na may ngiti sa mga labi, lumabas siya ng pinto. LUNCH WASN’T what she’d call a success to her impulsive cupid-playing capabilities. Noong kaharap na muli si Brenda, naumid ang dila ni Billy kahit binalaan niya itong ibinigay niya ang mga sunflowers sa dalagang nurse. Actually, hindi naman naumid. Kapag lang titingin ito kay Brenda, biglang nagbubuhol ang dila nito so he’s not even trying. Buong lunch wala itong sinabi kundi ang kalagayan ng mga hayop na
65

tinitingnan nito, na hindi naman talaga conducive pag-usapan kapag nasa harap ng hapag-kainan. Kaya sa huli, hindi na ito masyadong nagsasalita. Wala siyang nagawa kundi ang bumuntunghininga noong yuko ang ulo na nagpaalam ito agad hindi pa man tapos ang dessert at mabilis na tumalilis. Hindi niya alam na nakahalata ang kanyang Papa pwera noong nagpasama ito sa kanya sa veranda at tinanong niya ito. Si Brenda, agad ding nawala matapos nitong mapainom ang pasyente nito ng gamot. “It’s my fault. Nahalata kong she likes your nurse, and I gave her the flowers he gave me.” “Binigyan ka ng flowers ni Billy?” “Yes. Sunflowers. Para mag-sorry sa nangyari last week.” “Anong nangyari last week?” nakakunot ang noo nitong tanong. Ikinwento niya rito ang nangyari hanggang sa dinala siya ni Miguel sa bahay ni George at sa huli ay nag-enjoy sila nina Terry sa tsokolate sa kusina. Kung inakala man niyang masisiyahan ito sa magaang pinagtapusan ng nakakahiyang experience niyang iyon, nanatili ang kunot sa noo nito. “Kung gan’on, nagbalik ang takot mo sa dugo?” Nagtataka siyang napatitig dito. “It never left. I just managed to handle it. Papa, hindi ko alam na you know about it.”
66

” “I never did get to ask you why I was left to believe you have no communication with tita. “Of course. “I mean. I know. She hoped the way her pulse was racing wasn’t showing on her face as she answered his smile. Your tita gets me abreast to important things that’re happening to you sa States.” Tumingin ito sa kanya. Pero noong mga sandaling iyon.. didn’t anyone ever think I’d like to know something like that?” Pinilit niyang alisin ang tampo sa tinig habang nagsasalita. Agad niyang nakalimutan ang kanyang itatanong noong makita niya ito. We all thought it was for the best.Nagbuntunghininga ito. jeans at green sneakers––he’s the 67 . “I told you––“ “Her sense of organization. But what about me? Bakit ako na-stranded sa gitna? Why was I made to feel like it’s partly my fault why it happened?” Tumitig ito sa kanya. Iha. Sobra kang na-trauma noong bata ka pa sa away namin ng Mama mo kaya she decided it’s best you don’t have contact with both of us.. may pait at usig ng konsensya sa mga mata na hindi nito nagawang maitago.” “You think it was best for me also?” tanong niya rito. But. I know. Wala namang extra-ordinary sa suot nitong black na Playboy t-shirt. mag-ama tayo. “I’m sorry. tumigil ang jeep ni Miguel sa harapan ng bahay at bumaba ito. Nagkaroon kayo ng sobrang laking gap ni Mama at hindi na kayo nag-reconcile.

” Napatitig siya rito. Natakot siya sa dugo and she fainted. May gusto akong ipakita sa ‘yo.” Tumango ang matanda.” “May meeting kami ng Papa mo.” “Gan’on ba?” Tumingin siya sa Papa niya. It’s important. Sa. It was a small incident.” Humiwalay siya sa mga ito sa salas at sa sandaling hindi na siya nakikita ng mga ito ay nagka-spring ang kanyang mga paa sa kanyang paglalakad patungo sa kanyang kwarto sa paghahanda sa lakad nila nito. Bago itong ligo. He looked irresistably huggable. halata sa buhok nitong basa at cologne na naamoy niya noong malapit na ito. Iho.” “If it has anything to do with blood. I’m going to fetch the car and we’re gone.” 68 . you must tell me. “I don’t understand. she’s very aware of it. “Iiwan ko na muna kayo.one who’d made it extra-ordinary by wearing it. “Push me to the study. really. “WHY DIDN’T you tell me about the incident last week?” Nagtatakang napatingin si Miguel kay Tito Hector. After that. “What incident?” “Noong nag-faint si Allegra?” “Ahh. “Bakit ang aga naman yata?” tanong niya. “Hindi pa ako ready. unang unang lakad nilang magkasama na walang ibang kasama.

Nagbuntunghininga ang matanda.” Hindi na niya naiwasang hindi mag-alala. “Tell me. You can help me. At sa sumunod na oras. pinagtapat sa kanya ng matanda ang lahat. “What is it. ang pagbagsak ng mga balikat nito. Kapansinpansin bigla para kay Miguel ang pagod at kawalan sa mga mata nito.” he urgently told him.” Tumingin ito sa kanya. I can’t help but think she might be in danger. Tumayo siya at naupo sa isang silyang mas malapit sa wheelchair nito. “Ipaliliwanag ko sa ‘yo ngayon kung bakit ko hiniling sa ‘yo na bantayan si Allegra sa lahat ng oras na wala siya rito sa bahay.” Kumabog ang kanyang dibdib sa kanyang narinig. 69 . Miguel. “Hinahabol ako ng panahon. Tito? May dapat ba akong malaman?” “Yes.

Nagbuntunghininga siya at nag-settle sa isang maong na mini-skirt and a casual top. Isang simpleng dangling teardrop stones ang sinuot niyang earings at isang relos na may manipis na strap ang sinuot niyang accessories saka niya i-p-in-onytail ang kanyang mahaba. Pero may pagaalala pa rin siyang nararamdaman na baka hindi niya makuha ang effect na nagawa sa kanya ni Miguel noong bumaba siya suot ang kanyang sneakers. tuwid at makapal na buhok. 70 . desisyon na lamang niya. Hinanap niya ang ama para magpaalam. Matapos mag-spray ng cologne. Oh well. she could split for a few minutes and buy whatever clothes she could in the small mall where they were shopping. “What is it?” tanong niya sa babae noong makitang bahagyang nakakunot ang noo nito. pero ayon kay Brenda tulog na ang matanda sa kwarto nito.Chapter Seven IT WASN’T FUN choosing what clothes to wear to their trip to Calapan for Allegra. there’s no reason to think she wasn’t ready. Alam niyang nasuot na niya lahat ng mga damit na baon niya sa araw-araw mula noong dumating sila ni Terry at nakita na iyon lahat ni Miguel.

” Tumango siya. Maybe she has been too hasty in her first assumptions about the woman.” Tumitig siya rito.” sagot nito. “Pupunta ako sa Calapan with Miguel. mukhang distracted pa rin. okay?” “Okay. ipapabili ka ba? Food or anything you need?” Nag-focus sa kanya ang mga mata nito na parang kinagulat nito na mag-aabala siya para rito. She hesitated still in moving away.” anito. 71 . Parang mas pagod lang siya ngayon kaysa dati. “Okay. Mukhang sineseryoso nito nang higit sa lahat ang trabaho nito sa kanyang Papa. Baka naman iyong masyado niyang paguungkat tungkol sa nakaraan kanina ang dahilan kung bakit ito nagkaganoon? Nag-aalala. “Wala. Nag-alala siya agad. Oobserbahan ko na lang siya nang mabuti. yumuko siya at hinalikan ito sa noo bago siya lumabas ng kwarto. Mahimbing ang tulog nito.. “May. Nagbuntunghininga siya sa guilt. “Hindi pa kailangan sa tingin ko.. “Wala. “Should we be worried? Tatawag ba ako ng doktor?” Umiling itong muli.Bahagya itong umiling. “You have my phone. Pero salamat na rin.” sabi niya rito. call me right away if there’s a problem.” Sandali siyang sumilip sa kwarto ng ama bago siya lumabas para hintayin ang pagbalik ni Miguel.

Habang naglalakad. They both loved to swim. Ang kanyang Papa at Mama. Sa neglect na nakita niya roon. Siguro nga. Noong hindi pa ito pumapasok sa politika. mas madalas na sa pool na iyon sila nagpapalipas ng mga hapon. muli siyang nakadama nang hindi maipaliwanag na kaba. He wouldn’t touch it. Umiling lang ito at sinabing nagdadala ang wing na iyon para rito ng malulungkot na mga alaala. hindi niya maiwasang maramdaman iyon tuwing mapapatingin siya roon kapag nagdaraan siya sa malapit. Mula noong bumalik siya rito. Ewan ba niya. naalala niya. Nag-aalala pa rin siya para sa kanyang ama at gusto niyang mapag-isa. Minsan na niyang naitanong sa matanda kung bakit hindi na nito inasikaso ang parteng iyon ng bahay gayong nakikita ang positibong pinagbago ng iba pang buildings sa buong hasyenda.Nagtungo siya sa hardin para doon hintayin si Miguel dahil may mga tao sa veranda. napapabuntunghininga niyang naisip habang tuluyan nang pumapasok sa hardin. hindi niya naiwasang hindi mapasulyap sa lumang wing ng bahay kung saan located ang mga lumang quarters. Sa grounds ng wing na iyon naroroon ang lumang swimming pool ng kanyang Mama. Naupo siya sa bench malapit sa mga rose bushes noong nasa hardin na siya at doon unti-unti 72 . Weird.

his laugh. Kahit isang linggo pa lamang ang tagal ng pagkikilala nila. No man has ever affected her this way. kiniliti na siya niyon sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. hindi niya gusto ang pakiramdam na merong isang taong nakakapagpahina ng depensa niya sa kanyang sarili. She didn’t want to be too hasty. 73 . Noong una. sila lang ni Miguel. Nahihiya siya sa kanyang sarili. She felt vulnerable when she’s with him. his voice. she felt. Then his smile. maybe they could try and get set for an earlier date. Sa simula pa. He’s different than all the men she’d met.niyang naramdaman ang kalma. hindi niya nagustuhan iyon. Like she wasn’t in control. Noong naririto pa si Terry. for that something she felt she could have as a gift–– kung ito na nga ba ang lalaking iyon na nakatakdang magbigay niyon sa kanya. Mostly it was the way he looked at her. But she was willing to risk that. She loved hearing him laugh. nakita na niya iyon. Nalipat kay Miguel ang kanyang isip. sa kanilang pamamasyal. Malapit na ang regular check up ng kanyang Papa. she couldn’t help but wonder how it would be like when she’s gone and they would be left alone. Noong una. Iiwasan na lamang niyang magtanong nang magtanong hanggang sa malakas na ito talaga. at siguro Pilipinang dugo niya ang nagtutulak sa kanyang pilit itago ang kanyang nararamdaman.

“May problema ba sa hasyenda?” sa wakas ay hindi na niya natiis itanong. Sumulyap ito sa kanya. He just looked distracted for some reason.” Hindi malayo sa driveway ang puntod ni George at natuwa siya noong makita niyang sa loob 74 . Kontrolado nito ang manibela. Nagbuntunghininga siya. They rode his car with it’s top on and at moderate speed. “S’an tayo pupunta?” “Kay George. The steady sound of the engine should have calmed her but she couldn’t seat easy because she couldn’t help noticing the worry on his face everytime he gets quiet.” Agad itong ngumiti. He didn’t change clothes or anything. if that’s okay with you?” “Oo naman. Napansin niya agad na may bago rito. Why did you ask?” “You look worried. Thirty minutes on the road and the car slowed. “Hindi tungkol sa hasyenda.HINANAP SIYA ni Miguel noong magbalik ito at hindi na sila nag-aksaya ng panahon sa pagalis. “O-Okay.” Sumulyap ito sa kanya. Anyway.” Nagpatuloy ang byahe. “Wala. Nakita niya ang bukas na mga gates ng isang cemetery at napatuwid ang kanyang likod. may balak sana muna akong daanan before we get to Calapan.

higit ka pa sa lahat ng bulaklak sa mundo. “Ikaw ang dinala ko. “I didn’t even get to bring flowers. “Well. reluctant at first. Parehong tahimik na naglakad sila.. nagaatubili. Magkatabi silang tumayo sa harapan ng marmol na nitso.ng family musoleum ipinalibing ng kanyang ama ang matanda. Pero sa sumunod na sandali ay hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil saka nag-produce ng panyo ang kabilang kamay. pabalik sa kotse nito.” nasambit niya habang mabilis na namamasa ang mga mata sa luha. he has one. in case. He moved. Gulat na napatingin siya rito.” aniya. HINDI SILA nagtagal sa musoleo.” “Oh. “I didn’t know George has a son. noong binuksan nito ang pinto sa tabi ng passenger’s seat para sa kanya. 75 .” Pinahid niya ang luha saka sila yumuko at nagusal ng mahinang dasal. magkatabi. Miguel.” anito nang hindi tumitingin sa kanya.” sabi niya habang natutulala roon.” Natawa siya habang tinatanggap iyon.. you know. “Kay George.” sambit nito. “Dalawa na ang dala ko. “Thanks. Hindi man ito Fuentabella para na rin nila itong kapamilya.. Nakangiti ito.

nakangiti niyang tinitigan ang gwapo nitong mukha.” anito sa mahinang tinig.. I didn’t know he has one. siya sa sirkumstansya. Hindi niya kailanman sinabi. but she’d felt it. Isang saglit lang itong nag-hesitate. ito. dumikit na sa kanya ang hinala. Hindi niya alam kung sino sa kanila ang nangangailangan ng comfort. “Yes. Ngumiti ito sa kanya.” sabi niya rito. You have his eyes. hindi magawang itanong ang mga tanong sa kanyang isip. They did not need to talk. Who could better understand each other than the two of them “I-I’m sorry. Namalayan na lamang niya na yakap siya nito. Pareho silang anak ni George. I thought I’ll never find him. sa dugo. Mula nang mabasa niya ang inscription sa lapida ng nitso ni George. Nang maghiwalay sila.“Is he you?” muli niyang tanong habang bumibigat ang dibdib sa bilis ng tibok ng kanyang puso. the sharing of something they both needed and also could give only to each other. “Because he never knew until I came.. “I should have known the first time I saw you.” anito. pero nahigit pa rin niya ang hininga sa pagkabigla nang marinig ang sagot nito. Napahawak siya rito.” 76 . In loving memory of his son.

Umungol ito sa pagpoprotesta at nagtaka siya. “Bakit?” “And I thought the reason why you can’t take your eyes off me was because you liked my eyes.” Nag-init ang kanyang mukha. “I can’t?” nakaangat ang isang kilay niyang tanong. Nakangisi ito, iyong pamilyar na ngisi sa mukha nito noong una silang magkita, noong nahuli niya itong nakatingin sa mga hita niya sa loob ng kotse. “You are so impossible!” nasambit niya habang umiiling at tuluyan nang kumakalas sa hawak ng mga bisig nito. Sumakay na siya sa kotse bago pa ito magsalita nang anumang salita na magdadagdag ng kulay sa kanyang mukha. Hindi na kasing tahimik ng una nilang byahe ang pagpapatuloy niyon. Hindi actually sa hindi tahimik, pero may excitement sa tensyon na namamagitan sa kanila lalo na’t mapapasulyap sila sa isa’t isa. There’s a certain kind of physical awareness, iyong klase na nagpapatibok ng puso at nagbibigay nang hindi maipaliwanag na saya. Nakarating sila sa Calapan at dinala nito ang kotse sa service area ng isang car shop saka nila nilakad ang maikling distansya mula roon patungo sa Citimart. Sa grocery sa first floor sila unang nag-spend ng oras at namili siya ng stock sa kitchen na nasa listahang kanyang dala at ilang personal items. Naglagay din siya ng pambabaeng cologne at
77

lipstick sa cart para kay Brenda kahit hindi niya alam kung kailan niya ibibigay iyon. Siguro kapag hindi na ito masyadong stiff pagdating sa kanya. Miguel bought things for himself and his kitchen, too. Ito ang natoka sa pagpila sa cashier at iniwan niya ang card niya rito bago siya nagpaalam para umakyat sa department store sa taas. She bought things as fast as she could–– additional underwear, cotton shirts, shorts, accessories––and was paying for them when he found her. “Nasa parking lot na ang kotse. Kain muna tayo bago tayo umuwi?” “Sige.” Ilan ang nakamata sa Porsche noong lumabas sila sa parking lot at may ilang lalaki pa nga ang hindi nakatiis magtanong tungkol sa vintage car kay Miguel kaya medyo naantala ang kanilang pag-alis. “Pasensya ka na,” anito noong nasa daan na sila. “Marami talagang car enthusiasts kahit saan.” “I know. Where did you get this?” “My grandfather bought this shortly before I was born,” anito, “so kasing tanda ko lang ang kotseng ito. He gave this to me as a gift when I turned twenty-one.” “Ikaw ang nagme-maintain nito?” aniya habang nakatingin sa modernong accessories sa dashboard na, definitely, hindi singtanda ng car. “With the restoration ang everything. Hindi na original ang wheels and this,” tinapik nito ang
78

manibela, “and of course, ‘yang DVD player and this panel.” Tinuro nito ang panel kung saan naroroon ang speedometer and other things, puro digital na. “Next thing I’ll change siguro is the key ignition. Kailangang i-update ang security kasi attractive sa ilang car thieves ang ganitong kotse.” Nakarating sila sa isang fastfood restaurant at doon sila kumain. Nagulat ito nang matuklasang hindi siya clueless pagdating sa mga vintage cars noong magtanong pa siya rito tungkol sa kotse. “Nagkar’on kasi ako ng boyfriend na mahilig sa sportscars, lalo na ‘yung vintage,” aniya. “His friend got one just like yours, kaya lang blue tapos hindi kasing ganda ng restoration nang sa ‘yo.” “Siguro kasi nagpasa-pasa na sa ilang owners. Ang akin kasi, lolo ko lang at ako ang naging mayari tapos hindi naaksidente kahit kailan ‘yung kotse. The boyfriend, present or past?” Nasurpresa sa tanong na napatingin siya rito. Pero sa plate nito ito nakatingin na parang ang tinanong ay tungkol lamang sa weather. “Nagkar’on,” ulit niya. “I believe that’s past?” Sinulyapan siya nito nang nakangisi at napailing na lamang siya. Gusto niyang magtanong tungkol sa pamilya nito pero nag-atubili siya. The fact that he was George’s son still boggled her. Idagdag pa roon iyong sinabi nito, na akala daw nito hindi na nito matatagpuan ang ama. Alam niyang hindi siya nagkakamali sa hinalang komplikado ang naging
79

Would he hold his woman the same way? Nag-iinit ang mukha na ibinaling niya sa labas ang kanyang tingin at sinermunan ang kanyang sarili tungkol sa pagiging kalmado at paglilinis nang maruming isipan.sitwasyon ng mga ito bukod pa iyong mga naging impresyon niya sa pagiging secretive ni George tungkol sa nakaraan nito. MADILIM NA noong ipasok ni Miguel ang kotse nito sa gates ng hasyenda. Agad silang sinalubong ng mga maids noong iparada nito ang kotse sa harapan ng veranda para dalhin ang kanyang mga pinamili sa kusina. But how calm could he get. He drove faster but the way he managed the road impressed her. when he’s with his woman? She liked the way he held the wheels. Lumipas ang sandali at muli. hindi niya naiwasang hindi makaisip ng kapilyahan habang palihim itong sinusulyapan. 80 . At higit sa lahat. matapos nilang kumain. It was getting dark. napansin na niya na ang lalaking kalmado sa pagmamaneho ay kalmado rin sa ibang bagay. hindi mahigpit o masyadong maluwag. nagbyahe na sila pabalik. hindi niya alam kung mag-iintrude siya sa isang napaka-personal na bagay kung magtatanong siya rito tungkol doon. Sanay sa mga kaibigang lalaking may sariling sasakyan.

Iha.Noong pumasok sila sa loob ng bahay. “Na-miss ko kayo sa dinner. Naawa siya sa ama dahil na-realized niya na ang sagot niya sa suhestyon nito ay napakaimportante rito. pero nakangiti. Tapos may sinabi ang kanyang ama na naramdaman niyang hinihintay lang nitong sabihin pagkatapos nitong masabi iyon. Nagkape sila sa komedor pagkatapos niyon. nakita niyang nasa mukha nito ang tensyon at bitin ang hiningang paghihintay. Alam mo namang nag-iisa lang kitang anak. Walang ibang magmamana nito kundi ikaw. “Pa. Pinadaan niya ang ilang sandali ng tensyonadong katahimikan bago siya nagsalita. “Evening. It wasn’t fair to make him wait even for one second. She was glad to see that he looked revived after his sleep.” Napaangat ang kanyang mga kilay sa narinig.” aniya matapos humalik sa pisngi nito. You might change your mind on staying here. habang naririto ka pa sa hasyenda.” anito. “Allegra. hiling ko sana na subukan mong matutunan lahat nang maaari mong matutunan sa pagma-manage nito. Pa.” Noong tumingin siya rito. unang araw ko pa lang nagdesisyon na akong dito na tumigil kasama mo. I’ve changed my mind already. I’ve told Terry para maasikaso n’ya ang gamit ko sa apartment 81 . naghihintay ang kanyang Papa sa salas. kaswal na nagkwentuhan. “Actually.

“’Kala n’yo ba matitiis ko kayo?” naiiyak niyang sambit. ay may maluwang na ngisi sa mukha. Wala itong maiimik sa kaligayahan.. “Allegra! That’s.namin sa Boston and I’m going to tell Tita. habang si Miguel naman. 82 . sa tingin niya rito. that’s great!” Tumayo siya mula sa kanyang silya para lumapit dito at yakapin ito. How would you––“ But her father was already laughing his answer..

” nakangisi nitong sabi. His eyes were telling her he found something disagreeable with it. nag-init ang mukha niya sa titig nito at sa pagbaba ng tinig nito. 83 . una hindi bagay ang naka-shorts lang sa trabaho dito. Baka sa halip na halaman ang mataga.Chapter Eight HINDI NAG-AKSAYA NG PANAHON si Miguel.” “Miguel!” “We’d rather not risk it.. baka magalusan ka lamang o kaya mangati sa mga papasukin nating halamanan.” This time. Umakyat siya at nagpalit ng jeans bago muling bumaba. sumakay sila sa jeep at nagsimula na sila sa kanilang “trabaho”. “What?” tanong niya dahil nakatingin ito sa suot niyang shorts. Nakamata ito sa kanya noong bumaba siya ng hagdan... Pangalawa. Satisfied na sa suot niya. Kinabukasan din ay isinama siya nito sa mga gawain nito sa hasyenda.. “Well. “What?” “Mahihirapang mag-concentrate sa trabaho ang mga tauhan natin kapag nakakita sila ng legs na gaya nang sa ‘yo. Una silang bumisita sa manggahan dahil kailangan nitong kausapin ang mga tumatao roon tungkol sa pataba sa lupa at nalalapit na harvest. Iyon nga lang duda niya hindi dahil sa paghanga.

may iba pa. Excited niyang inisa-isa rito ang mga natuklasan niya sa sarili niyang pagtatanong. At tumigil ang mga ito sa pagtatrabaho habang patingin-tingin sa kanya. Halos ganoon din ang nangyari.” Nagtungo rin sila sa rambutanan na berde pa ang mga bunga. Mayamaya lamang ay nasa jeep na sila.Bumaba sila at kinausap nito ang tatlong lalaking nagbabantay roon habang nakikinig siya. Nagtatanong din ang mga ito tungkol sa kanya at noong sinabi niyang nagpaplano siyang manatili roon. 84 . Pero hindi lang ang tatlong iyon ang naroroon. They were eager to answer her questions. Muli ay napansin niya ang napansin na rin nila ni Terry dati. Nakaka-enjoy din naman kasing kausapin ang mga ito dahil mas marami siyang nalalaman kaysa tungkol lamang sa mga pataba. “Thank you. “You’re a good student. sa kalamansian at sa lansonesan na wala pa sa season. Noong lumapit si Miguel para tawagin siya. going beyond the books.” natutuwa nitong sabi. hindi naitago ng mga ito ang tuwa. Hindi na bago ito sa kanya kasi sa pamamasyal nila ni Terry ganito rin ang madalas mangyari. Hindi nakatiis na lumapit siya sa nakangiting mga kababaihan at matatandang nakatayo o nagsiupuan sa loob ng kubo sa ilalim ng lilim ng isang matandang puno ng mangga at nakipagkwentuhan sa mga ito. She reluctantly went with him.

“Alam mo bang kanina pa ako nangangasim sa mga manggang ‘yon?” “Then sa sapa tayo.” Sumulyap siya rito. hindi nakatiis si Allegrang lumapit sa sapa at ilubog ang kanyang mga paa sa malamig na tubig. “Naaalala mo ‘yung sapang sinabi ko sa inyo noon ni Terry na hindi natin nabisita kasi mas gusto niya sa ilog?” “Yes. Noong bumisita sila sa palayan kung saan nagsasalo-salo sa isang masarap na merienda ang mga nagsasaka. Isipin nila competition nila ako sa ‘yo. “Baka magselos ang mga admirers mo. nagtakbuhan ang mga bata sa pagsalubong rito noong bumaba ito sa jeep. NANG MAKABABA sila. Tumawa lang ito.” sagot niya agad habang sunud-sunod ang pagtango. “Malapit tayo r’on.” natatawa nitong sabi.Malaki ang tiwala at respeto ng mga tauhan kay Miguel. Gusto mong bumaba muna tayo at kainin itong manggang pabaon sa ‘tin nina Ka Igme? Para magpahangin na rin.” tudyo niya noong pabalik na sila sa jeep. Hinubad niya ang 85 . Ibinalik niya sa daan ang tingin niya habang nangingiti. “Okay ka lang?” tanong ni Miguel sa kanya noong nasa jeep na silang muli at nina-navigate nila ang isang mabakong daan. At ilang dalagita ang nakurot ng mga ina dahil kinilig nang makita ang binata. And she rather thought they liked him a lot.

Do you have to make me suffer? “C’mon. Nagkataon namang nakalingos na siya rito. at ang malinis na tubo ng balahibo mula sa dibdib nito pababa sa. “Pwede tayong maligo kung gusto mo. saka tuluyan nang umupo sa isang tuyong bato at hinila pa ang laylayan ng kanyang jeans pataas. Oh my God. “Oh. a beautiful hunk was taking his clothes off behind her back. “Pero wala akong dalang swimsuit!” sabi niya.kanyang sneakers at sinunod ang hilig. this is heaven!” nasambit niya.” natatawa nitong tudyo. ang flat na torso. 86 . Tarantang ibinalik niya ang namimilog niyang mga mata sa tubig nang tinitiis na hindi mapahawak sa dibdib kung saan nagdarambol na ng mga sandaling iyon ang kanyang puso. Napakaaliwalas sa kakahuyan at walang kapalit ang malinis na hanging nagsimulang tumuyo sa pawis niyang nagmula sa halos dalawang oras din nilang pagbisita sa hasyenda. Napanganga siya nang makita ang magandang hubog ng katawan nito.” anito habang naglalatag ng isang lumang rolyo ng makapal na basahan sa isang patag na parte ng pampang at inilalapag doon ang tupperware ng mangga. “Kailangan pa ba ‘yon?” Tumayo ito nang tuwid saka sinimulang talupin ang t-shirt nito mula sa katawan nito...

hindi rin nga niya kayang manood lang dito habang naliligo ito. O.. nahubad na rin nito ang jeans nito at patungo na ito sa tubig. “This is my favorite part of the hacienda and I’m always here everyday.. “Lagi akong may baon.“P-Pero wala tayong tuwalya. She was wearing the gym bra’s elastic panty briefs. walang problema. “Wasn’t that tempting enough?” natatawa nitong tanong sabay turo sa malinis at napakalinaw na tubig. “Sabagay. Ganti-ganti lang.” “Alright.” aniya. Sunod 87 . not shorts. Ang totoo.” masigla nitong sabi sa tinig na palapit nang palapit. Further look told her he was wearing boxers. You make it sound so tempting.” sisi niya habang tumatayo. Tumalikod ito at lihim siyang napangiti. Good thing she was wearing an elastic gym bra inside her shirt.” Tumayo siya at sinimulan rin niyang hubarin ang kanyang t-shirt. C’mon. not bikinis. Presumably. Nakahinga siya nang maluwag.” wala sa sarili niyang protesta. samahan mo ako. “Wait. ‘no? Sinipa niya ang kanyang sneakers sunod ay hinubad niya ang kanyang jeans. you’ll love the water. C’mon!” Lumapag sa tabi niya ang sneakers-free at malinis nitong mga paa. “Don’t be a spoil-sport.

” “Tara. ‘di ba?” Tumawa siya matapos ang echo ng sigaw nito sa sapa. kung sa tubig o sa companionship. Tumawa siyang muli.niyang hinubad ang kanyang wristwatch dahil hindi iyon pwedeng mabasa. “Huuuuuuuuhh!!! Ang sarap. she was beginning to get excited about swimming with him. umultaw ang nakangisi nitong mukha sa surface saka ito sumigaw na parang bata. She really enjoyed the water and their light banter. “Ang sarap!” “Oh. Nang makarating sila sa hanggang dibdib. Deep within her. Naglaro 88 . Nauna ito sa kanya sa parteng gitna na malalim-lalim. Dumating sa puntong hindi niya alam kung saan siya mas nag-eenjoy. Lagi kaming sa beach o kaya sa pool sa States!” “I told you you’ll enjoy this!” anito sa nakakatuksong paanyaya. Saka siya tumabi rito. Ang lamig ng tubig.” Inalalayan siya nitong makababa sa batuhan patungo sa tubig. Pinalipas nila ang sumunod na mga sandali sa paglangoy nang pabalik-balik. nagsimula na rin siyang lumangoy. “I haven’t done this for a long time––I mean a really long time! I mean. maligo sa creek. ang sarap sa mainit niyang balat. Lumusong sila sa tubig at agad siyang nakadama nang ginhawa sa lamig niyon. yes!” segunda nito. “I’m ready.

nagsabuyan ng tubig at naging tapakan niya ang balikat nito minsan bago siya nag-dive nang pabaliktad sa tubig. Mainit ang palad nito sa balat niya sa ilalim ng tubig. Naiba ang dahilan ng bilis ng tibok ng puso niya at nabitin ang kanyang paghinga. Noong umultaw silang muli. as the laughter died down. yakap siya nito. that almost familiar awareness was back. She knew that he was going to kiss her the next second that his head slowly lowered to hers. Alam din niya kasabay niyon na kahit nakasalalay pa ang kanyang buhay. Pero sabay silang may narinig na ingay mula sa direksyon ng daan sa kabila ng mga puno at sa halip 89 . Umakyat silang muli sa bato at nagtulakan hanggang sa mahulog sa baba. Bumagsak sa kanyang mga labi ang titig nito. Umakyat ito sa isang mataas na bato para magdive sa tubig. Isang beses muli ng tulakang iyon at bumagsak sila sa tubig nang sabay. at nasa mga mata nito iyong pagbabagong nararamdaman niya. hindi siya iiwas. Suddenly. Pumupuno sa sapa ang kanilang parang mga batang tawanan. at pareho silang tumatawa na namang parang mga timang. Hinawi niya ang buhok niyang humarang sa kanyang mukha at tinulungan siya nito.sila at naghilahan ng mga paa. He looked as if he was suffering the same way that she was. Unti-unting namatay ang kanilang mga tawa. at ginaya niya ito.

Pakiramdam ni Allegra nalulunod noong lumalim ang halik at halos malula siya sa mariing pagkakapikit ng kanyang mga mata. he resumed what he was about to do before they were interrupted. at nagsimula na ring uminit ang kanyang katawan. Malamig ang mga labi nito. his lips withrew from hers. pero mainit ang bibig. Dahan-dahang bumaling ang kanilang mga ulo paharap sa isa’t isa at sa magkadikit nilang mga dibdib. Nagsimulang humagod sa kanyang katawan ang katawan nito sa marahang paraan sa ilalim ng tubig. Then she became aware that her body was plastered to his. She suddenly missed them. “A passing farmer. “Allegra. maybe..” mahina nitong bulong sa kanyang pangalan. nararamdaman niya ang nag-uunahang mga tibok ng kanilang mga puso. Yumakap siya rito kasabay nang pagsapo ng mga palad nito sa kanyang likod. Tunog ng kabayo. hinila siya nito. isang daglit pataas.” Nagdaan ang ingay hanggang sa mawala iyon. mula sa kanilang mga dibdib hanggang sa mga hita nila sa lalim ng tubig. “W-What was that?” tanong niya.na matuloy ang halik. But before the kiss really got feverish. Bumaba ang ulo nito. And in the next moment. sunod ay pababa. at nagtago sila sa likod ng bato. at naramdaman niya ang mga labi nito sa ibabaw ng kanyang mga labi. Walang namuong protesta mula sa kanyang bibig.. Of 90 .

Nakabibingi ang mga tibok ng kanilang mga puso. Napangiti siya. And then he was back. “Miguel!” Pero sa ikatlong pagkakataon. his tongue suddenly licked her lips as if it was a lollipop. Muli itong lumayo at bumuka ang kanyang bibig para mahabol niya ang kanyang hininga. isang pangangailangang parehong matamis at mapait. mabagal nitong ginawa iyon na parang isang espesyal na treat ang kanyang mga labi na masarap para rito at inuuntiunti. Natunaw siya sa yakap nito. nang mainit nitong 91 . dumulas pababa sa kanyang leeg at sinundan ang kanyang shoulder blades. Muli nito iyong inulit. sinundan ang kanyang panga. Pumulupot ang kanyang mga bisig sa batok nito at sa pag-init at paglalim pa ng halik. Saka ito muling umangat sa kanya para sunod na kilitiin ang kanyang teynga ng mainit nitong mga labi. mabilis ang lukso ng kanyang dugo.all things. It was the best kiss of her life. at napahagikhik siya. probing and urgent and passionate as he kissed her senseless. bumaba ang mga labi nito. At habang namamangha siya rito. Hinuli ng mga labi nito ang ibaba niyang labi at sinipsip. Itinaboy ng maalab na halik ang anumang hiyang maaari niyang maramdaman sa pagtugon dito. May tumugong pagnanasa sa kaibuturan niya. his tongue inside. tuluyan niyang nakalimutan ang anumang maaaring maalala sa labas ng kanilang mundo ng pagnanasa.

hinuli nito ang kanyang mga kamay at pinatakan nang tig-isang halik ang kanyang mga palad.” anito. But he was grinning like crazy. “I know. “Halika. Pero sumama siya rito noong. Nang muling magtagpo ang kanilang mga mata.” sabi nito. kung saan 92 . Oh. marahang hinila ang kanyang buhok. pareho silang humihingal. combing her wet hair with his fingers. Nakita niya ang nilalagnat na pagnanasa sa malalalamlam nitong mga mata bago siya nito muling hinalikan. Kainin na natin ‘yung mangga. Before his kiss could get her into another frenzy. he knew he has her. para halikan muli ang kanyang mga labi. Her breath was in stitches. she couldn’t stop the smile on her lips as he possessively pried her away from the rock to hold her again. hinawakan niya ang magkabila nitong ulo at kumawala siya sa halik nito. hawak ang kanyang kamay. Saka nito hinawakan ang likod ng kanyang ulo. Nangangatal at nanghihina ang katawan niya noong sumandal siya rito.hininga. Ni hindi na niya naalala ang mangga. the brute. Alam ba nito ang mangyayari noong isinama siya nito rito? Nevertheless. “Miguel!” May marahang ngiti sa mga labi. hinila siya nito para muli siyang maglangoy pabalik sa kabilang pampang. That alarmed her.

93 .siya nito inalalayang makaakyat sa batuhan patungo sa tuwalyang naghihintay sa kanila sa nakalatag na makapal na basahan.

And lazy. “I don’t really know that. Pero ang pandinig niya ay nasa kahapon pa niya gustong malaman at itanong mula rito. Napangiti rin siya.” sabi niya kapagdaka.” natatawa nitong sabi. She felt drowsy and contented. He’s American. 94 .Chapter Nine “IF MY LESSON everyday will end up like this. mag-e-enjoy din akong magtrabaho. parehong aware na pareho nilang iniisip ang kanilang mga ama. with freckles and everything. he’ll kill me.” “My stepfather is a great guy. nakapikit.” Nagmulat siya ng kanyang mga mata at nakita ang maaliwalas at asul na asul na kalangitan. “Pareho nga pala tayo ng experience. He treated me well. “No wonder nawiwili ka rito sa hasyenda. “Lumaki tayong walang father. But I knew since I was young na hindi siya ang tunay kong ama. “If your father knew I’m giving you extra lessons. Samantalang ako.” pabiro niyang sabi habang nakahiga na sa rug matapos nilang kumain ng mangga. Will he?” Sandali silang natahimik. at nagpapatuyo sila sa maaliwalas na hangin bago sila magbihis.” Magkatabi silang nakahiga. mestisong Spanish at Filipino.

Mayaman sina Mama at si George. Binugbog siya ng mga bodyguards ng lolo ko and he was left almost dead. I was five when my grandfather and grandmother persuaded my mother to let them raise me. She was taken to the States and that’s were she found out. For a while he couldn’t find job anywhere. Noong time na ‘yon. So hindi ma-accept nina Grandpa ang relasyon nila. Walang way para maipaalam n’ya kay George ang tungkol sa ‘kin. hindi ko narinig na c-in-ontradict ‘yon ni Mama so I never believed him. pinagtapat sa ‘kin ni Mama ang lahat. “It was George who’d supplied his story when I came here.” “How did you find out about George?” curious niyang tanong.” Bumaling ang ulo nito 95 . Patay na kasi ang lolo ko kay George noon. namatay daw sa isang car accident while driving for them. she didn’t know where to find him. D’on na nga ako pinanganak. “Three years ago. sa burol ng lolo ko. pa’no ka––“ “Hindi nila alam pareho na buntis na si Mama noon. She told me that she eloped with George when she was eighteen and was forcibly taken from him a month later. Sabi kasi ni lolo matagal na raw patay ang ama ko pero kahit kailan. anak ng dating driver na pinag-aaral lamang ni Grandpa. Sa kanila na ako nagbinata.“I was born in the States and the first time I ever visited Manila was when I was three. powerless pa si Mama to do anything.” “Kung pinaghiwalay sila.

. telling him who I am and asking if he’d let me visit him. Binigay n’ya sa ‘kin ang address na ito. “Pinahanap ko agad siya sa isang P. mula noong makuha ko ang buo niyang pangalan sa Mama ko.. bakit pa siya mag-aalala kung mabuhay siya o hindi?” “I know that part na. Dito siya binigyan ng trabaho ni Papa. And we met for the very first time.” sabi naman niya. Sabi n’ya hindi niya alam na meron s’yang anak at he told me. 96 . So I went here. Hinoholdap raw si Tito Hector at tinulungan niya ito nang walang pakialam kung malagay ang sarili niya sa peligro.” “He must have been so happy. “That’s when he and your father met one night. “So I sent George a letter. George has been paying his taxes diligently since more than five years ago and that’s how his records were found. He thought he lost everything so.” nasambit niya bago niya mapigilan ang kanyang sarili. “Isinama si George ni Papa rito sa hasyenda after he was released from the hospital at dito na siya nagpagaling. My father felt really indepted to him.. Ikakasal na kasi sila noon ni Mama at kung hindi siya nailigtas ni George.. sana wala ako.sa kanya.” Nagbuntunghininga itong muli bago nagpatuloy.I. Mabilis siyang sumagot.” Tumango si Miguel habang ibinabalik ang tingin sa langit. He’d found him at once. that he couldn’t wait to meet m-me.

magkabarkadang hindi mapaghiwahiwalay.” “I know the feeling exactly. I’ve plotted the next five years of my life with him. Working together. Then he was just gone and I’m.. He was old and I can’t leave him. you know. and then the months afterwards.. we’re always together. Inabot niya ang kamay nito at pinisil sa kanyang hawak. laughing.. I was starting to look for work near here when he.. nag-resign ako. We spent the next days together. “Before I met George I can’t seem to know what I’ll do with my life and when I finally met him. Pakiramdam ko kasi kulang ang pagkatao ko bilang isang anak kung hindi ko man lang siya maaalagaan. and I knew it was him. we were like. sabi ko sa sarili 97 . I lived here with him during the next months until Christmas. Everyday. “I think he was. bahala na basta parte pa rin s’ya ng buhay ko.. doing pranks to each other. talking. After that. He was okay with that. hindi ko pa rin masabi kung ‘yon na nga ba ang gusto ko. In fact. Kahit anong planong gawin ko sa buhay ko... si Papa. Noong paparito pa lang kami... Sa sobrang sabik kong makasama siya I took a long leave from my family’s firm and stayed here with him for a year. I have to see him. suspended.. Eventually. somewhere. I have to know. Something’s always holding me back.Napatingin ito sa kanya saka ngumiti sa kabila nang nangingislap na mga mata.” He passed away.

“Kahit ba kailan. “Not with all of my previous plans. I have never felt so at peace with myself. “You knew about it?” Tumango ito. Isa na lang ang problema ko. It’s something she only talked about with Terry and Tita Venus. I can go from there. Sobra siyang naging komportable sa kanilang kwentuhan. hindi na niya sinabi iyon sa kahit sino. if ever it happens again. you know. Your father asked me about your fainting incident. “Yes.ko kahit anong outcome ng visit ko. Pinagbilin din n’ya sa ‘kin na bantayan kita. Kasi hindi ka niya mababantayan. She became Allegra Amnesiac because of that.” “Are you moving on?” Napangiti siya sa tanong. Simula noon. I can at least move on.” The moment she’d said it. Pero alam mo ba. Would he think her a freak? Isang beses siyang nagkamali at sinabi iyon sa isang kaklase.” 98 . nakalimutan niyang bantayan ang kanyang sarili. Lahat nang ‘yon suspended kasi nga I’m staying here. hindi ka na nakaalala?” Gulat na nagbalik dito ang tingin niya.” “Ano naman ‘yon?” “’Yung amnesia ko. Nag-alala kasi siya. naasiwa siya. Kinakabahan siyang tumingin dito. Sinabi niyang konektado ‘yon sa nangyari sa ‘yo n’ung bata ka pa.

Nilalamig siya at pinagpapawisan nang malapot. Even when she wanted to deny it. She was scared. nakikita niya kahit nakamulat siya ang dugo sa tiles. It’s almost lunch. “What is it?” “It’s probably just a product of my imagination. “Pa’no magkakar’on ng koneksyon ang takot ko sa dugo sa amnesia ko?” May pag-aalala sa mga mata nitong nakatitig sa kanya. At ang lalaki. “Wala ka ba talagang naaalalang kahit ano?” tanong nito.. let’s get dressed at bumalik na tayo sa hasyenda. ang lalaking walang buhay na nakita niya noong huli siyang hinimatay.” Nagbuntunghininga ito at tumagilid ito sa higaan. “Yeah. Hindi niya magawang maipikit ang kanyang mga mata dahil magiging mas malinaw iyon. I get this way when I talk about my fear of blood.” 99 . “KaKasi nga takot na takot ako sa dugo?” At sinabi niya rito ang kanyang madalas na makita tuwing hihimatayin siya. May nabasa marahil sa kanyang mukha si Miguel. Saka nito hinaplos ang kanyang pisngi at ang kanyang bisig.Napakunot ang kanyang noo sa sinabi nito. at iyong huli.. “You look scared. at kumunot ang noo nito.” anito sa nag-aalalang tinig pagkatapos.” sabi niya sa hesitant na tinig. Kailangan ko ring kausapin ang iyong papa. “Mabuti pa.

” Nagbihis sila. “Will you trust me and tell me anything else that you’ll see regarding this. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang suklay nito at inirolyo nitong muli ang basahan. this blood on tiles. 100 . “Alright. I’ll tell you anything else that’ll pop up. bumaling ito sa kanya.. Nag-drive sila pauwi sa bahay.” anito. “Mas maganda kung hindi ka nag-iisa sa pagdadala. Ayokong nakikitang natatakot ka. Sabay silang napalingos noong bago sila sumakay sa sasakyan nang may marinig silang ingay na bumagsak sa malapit.” Nagtataka siyang napatitig dito. “Okay.She felt better.” “T-Thank you. Allegra? I want to help.” Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan. Pero gawa lamang iyon ng bumagsak na tuyong branch ng isang puno.” Nagbuntunghininga siya sa reaksyon ng pakiramdam na parang natutunaw ang kanyang puso. mag-shower at magbihis para sa lunch. Inalalayan siya ni Miguel sa pagsakay sa sasakyan at sumakay ito sa kabila.” “Good. ngumingiti.. Bago nito binuhay ang engine ng jeep. saka binitiwan ang kanyang kamay at ini-start ang jeep. May kinakausap ito sa phone matapos niyang magpaalam rito para umakyat. HINANAP AGAD ni Miguel ang kanyang ama noong dumating sila sa bahay. “You must know that I care. I care a lot.

“Hi.” anito. eh. Bago siya makarating sa kwarto. Nang magbalik 101 . I have something for you. Baka naligaw o kung anong nangyari sa may dala? Wala akong nakitang tao.“Mang Horacio? Malapit kayo sa sapa.” “Wait. Miss Fuentabella. Nagulat ito.” Nakarating siya sa ikalawang palapag at noon lang niya hinayaang lumitaw ang pinipigil niyang ngiti sa kanyang mga labi..” Pinihit niya ang seradura ng pinto ng kanyang bedroom at mabilis siyang pumasok sa loob.. “Hi!” masigla niyang bati rito. “Pwede bang tawagin mo na lang akong Allegra? Naaasiwa ako sa Miss Fuentabella. naging malamlam ang mga mata nito at uminit habang pinagsasaluhan nila ang tinginang iyon. nakita niyang lumabas sa ginagamit nitong bedroom si Brenda. nag-angat ng tingin sa kanya si Miguel at kahit may kausap. I’m never good with formality. Hindi pa ito ngumiti sa kanya kahit kailan. Habang umaakyat sa hagdan. bago makarating sa sapa. hindi ba? Pwedeng paki-check? May napansin kasi akong kabayong nanginginain sa may damuhan malapit d’on? Oho. Alam niyang ang iniisip nito ay ang pinagsaluhan nila sa ilog. pero mas nagulat siya noong reluctant itong ngumiti. Allegra.” “G-Gan’on ba? Sige. Pretty naman pala si Brenda kapag ngumingiti kasi nawawala iyong kaistriktahan sa features nito.

siya sa labas, dala na niya iyong cologne at lipstick na binili niya para rito. “I bought this yesterday para sa ‘yo. I just thought... I mean... I hope you don’t mind. You’re pretty. I think pink will do a whole lot more to your face.” Napangiti ito. “Hindi ako mahilig sa pink. Pero... thank you.” Isang asiwang sandali ang nagdaan matapos nitong matanggap ang kanyang regalo. Tapos, bigla itong nagsalita. “Nag-serve sa military ang tatay ko. Kaibigan s’yang matalik ng iyong ama. Noong nag-retiro siya, governor pa si Sir at s’ya ang isa sa personal niyang bodyguards.” Nagulat siya. “I didn’t know that.” “Well, that’s why I didn’t like pink. Actually, I must have liked it before kaya lang, istrikto si Itay at ayaw niyang... hindi siya... you know.” That explained a whole lot. Kaya naman pala mukha itong istrikto, unapproachable. Pero sa simula lang pala iyon. “Narinig kong dito ka na raw titira?” “Yes,” sagot niya habang sunud-sunod na tumatango. “Tuwang tuwa si Sir. Malaki ang maitutulong n’on sa kanya. Matagal na matagal ka na n’yang hinihintay.”

102

Napabuntunghininga siya nang malalim. “Yes, I know that now. If I only knew that before sana noon pa ako umuwi.” Ngumiti itong muli. Hindi na ito nagtanong o kinakitaan ng pagtataka, na ibig sabihin marami na itong alam tungkol sa nangyayari sa household. “Sige. Tsetsekin ko pa’ng pagkain ng matanda. Salamat ulit.” “You’re welcome.” Lumampas ito at pumasok siya sa kanyang kwarto. She felt a whole lot better. In fact, she’d never remembered feeling this good in her entire life. Kung naramdaman man niya ito, marahil, matagal na matagal na matagal na. Pumasok siya sa banyo at naligo nang kumakanta. LUNCH HAS been businesslike, ang usapan tungkol sa hacienda ng kanyang Papa at ni Miguel ang pumuno sa hapagkainan nang higit pa kaysa ibang bagay. Pero hindi pa rin naiwasan ang makahulugan nilang ngitian ni Miguel kapag busy ang kanilang mga kasama sa pagkain at walang maids na umaaligid sa paligid. May kailangang gawin sa ibang parte ng hasyenda si Miguel at nagdecide siyang sa study manatili sa hapong iyon para maging pamilyar naman siya sa mga records ng hacienda sa office. Pumasok na siya sa study kausap pa man ni Miguel ang kanyang ama. Pero pumuslit ito bago umalis para magpaalam sa kanya.
103

“Kung may maisip kang puntahan, call me sa phone ko. Sasamahan kita.” “Parang personal bodyguard, ah,” nanunudyo niyang sabi. “No,” anito. Saka ito lumapit. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. “Ibinilin ka nga sa ‘kin ng ama mo. But I like to be with you,” sabi pa nito sa mahinang tinig bago yumuko at hinalikan siya sa kanyang bibig. Hindi pa rin kumakalma ang kanyang pintig kahit noong nakaalis na ito. Napahawak siya roon. In love na yata siya. Saka siya naiiling na nagtrabaho. Sa kalagitnaan ng pag-aaral ng mga titles ng land assets ng kanyang ama, naalala niya si Terry. Tinawagan niya ang kaibigan para kumustahin ito. “Bruha, ngayon lang ako naalala! How’s everything there? Si Miguel?” Binigyan niya ito ng update ng mga bago sa hasyenda, pero hindi niya agad masabi rito ang development sa pagitan nilang dalawa ni Miguel. Nahihiya pa siya. Lumapit siya sa bintana at tumanaw sa labas, at napangiti nang makitang naglalakad sa may hardin sina Billy at Brenda, mahinang nag-uusap, at may mahiyain na namang ngiti sa mga labi ni Billy. Si Brenda, may pink na lipstick sa mga labi. “Speaking of romance,” singit niya sa kalagitnaan ng sermon ni Terry sa kanya raw

104

kabagalan sa romance department concerning Miguel. na parang sure na sure siyang may naging masamang karanasan ka sa dugo kaya ka nagkagan’on. Meron nga naman s’yang kinalaman d’on.” At kinwento niya rito ang tungkol sa pagbibigay sa kanya ng bulaklak ng lalaki. etcetera. “Hindi naman weird si Billy. He’s so curious about your fear of blood. Bagay sila!” Mahina siyang napatawa. maybe he was just concerned because of what happened to me n’ung gabi.” 105 . Tanong siya nang tanong. gan’on ba? Nawirduhan lang ako sa kanya kasi lahat ng detalye tinatanong niya. “Ang weird na veterinarian at ang weird nurse? That’s easy. “Kelan naman ‘yon?” “The next day agad. Nakasalubong ko siya sa hardin and he started asking questions.” “Mahiyain na sobrang matanong. “Ah. etcetera. eh.” “Yeah. Eh ‘di ba mahiyain nga? Kung hindi sya mahiyain sana hindi ako nawirduhan. Mahiyain lang. Kung ano raw naging experience mo n’ung bata ka pa at sobra kang na-trauma sa dugo. Sobra siyang makulit. “Alam mo bang I tried playing cupid here?” “Kanino naman?” “Kay Billy at Brenda.” Napakunot ang kanyang noo.” sambit niya.

That’s what I thought na lang. Na-distract siguro noong biglang sumulpot si Brenda.“Must be the doctor in him. 106 . sobrang curious. too. The man was clearly smitten with her.” pagdadahilan na lamang niya. nakalimutan na rin niya sina Billy at Brenda.” Natapos ang kanilang kumustahan ni Terry at nang magbalik na siya sa kanyang pagtatrabaho. Pero hindi niya maiwasang maisip kung bakit hindi siya ang tinanong ni Billy tungkol doon noong binigyan siya nito ng bulaklak. “Must be. Mukhang hindi lang sila ni Miguel ang magpapatingkad ng kulay ng mga bulaklak sa hacienda these days.

at siguro nagustuhan ang kanyang pag-aasikaso rito. Wala ‘yon. dahilan kung bakit nagdesisyon siyang hindi iyon ang huling pagkakataon na gagawin niya iyon. “Pa. Nagbuntunghininga siya... Inimbento lang siguro 107 . there’s nothing to worry about. Iyon ang dahilan kung bakit sumama siya noong itinulak na ni Brenda ang wheelchair nito sa kwarto. Pero noong inaayos na niya ang kumot ay nakangiti na ito. “Pa.Chapter Ten NANG GABING IYON. relieved. about that man I saw in my head. But it happened too many times for her not to worry. “Yes. did Miguel tell you about.” sabi nito. naging kapansinpansin kay Allegra ang pagkabagabag sa mukha ng kanyang ama noong nasa hapag-kainan na sila. It was awkward at first. maraming protesta ang matanda. Ilang beses niya itong napansing nag-aalalang nakatingin sa kanya pero agad din itong ngingiti na parang nagsasabing hindi niya kailangang mag-alala. last time I fainted?” tanong niya rito noong lumabas na si Brenda sa kwarto matapos nilang pagtulungang maihiga at maayos sa higaan ang kanyang papa.

okay? Kung may pupuntahan ka. “Just.‘yon ng isip ko mula sa horror flicks na napanood ko. Lalo na kung bibiglain ito. Ang problema.. nag-aalala. But she has no intention to do that.. He’ll take care of you. She was forbidden to watch anything with blood in it. Hinaplos niya ang pisngi nito. nagsisimula na siyang abalahin ng kanyang nakita.” Lihim siyang napangiti. Iniwan niya itong nagbabasa sa kwarto.. something she liked but no father would. “Sige po. horror man o action flicks. Pero siya ang hindi agad nakatulog ng gabing iyon. pasama ka kay Miguel. And she suddenly remembered.” Nagpaalaman na sila matapos niyang ibigay dito ang Bible na pinaabot nito. Tita Venus would check and would cover her eyes on parts of action films that were really good and where 108 . Kasi. Her father would know in due time. there were no horror flicks. ipinaalala iyon ng pagtatanong ni Miguel at pag-aalala ng kanyang ama.. Kung alam lang nito kung paano siya alagaan ni Miguel. She had convinced herself it must be a product of her imagination and she’d tried to forget it.” Nakatitig ito sa kanya. always stay with somebody.

” “Then stay in your room. bago siya nag-decide na kailangan niya nang makakausap tungkol sa mga nakita niya sa panaginip niya. I-I can’t go down. I had this nightmare and it’s.. Kung ganoon. Isa lang ang taong pumasok sa isip niya. puno iyon ng pag-aalala. It’s. Nabaon niya ang kanyang pagkabagabag sa kanyang pagtulog at nanaginip na naman siya nang masama. I’m coming. Alam mo bang hindi lang ako sa dugo takot? I’m also very afraid of the dark. I’m sorry.” “Miguel. Okay?” 109 .. “Allegra? What is it?” “Pasensya ka na kung naistorbo kita. Kailangan ko nang makakausap. Ang horror. He answered on the sixth ring. M-Madilim kasi sa labas. Kahit buhay ang dalawang lampara sa magkabila ng kanyang kama–– hindi siya natutulog kahit saan nang walang ilaw–– ilang sandali siyang nahiga roon. I need to talk to someone. humihingal at umiiyak. I’m on my way. absolutely forbidden talaga.. it’s about that man again.. saan niya nahugot ang imaheng iyon na naimbento lang ng imahinasyon niya? NAGISING NA pawisang pawisan at takot na takot si Allegra. Bagong gising man ang tinig nito. Inabot niya ang cellphone niya at tinawagan ito matapos tingnan ang oras sa luminiscent wall clock sa tapat ng kama. Si Miguel.she might see blood.” “Wait for me.

“O-Okay. Pero ang rescue niya ngayon ay malayo––a garden and a field away. MIGUEL CAME through the window.” Nang ibaba niya ang cellphone. “Well. please. umalpas sa kanyang bibig ang mga salita na parang baha sa isang dam na nasira. Lumapit ito agad sa kama at niyakap siya nito. Hindi bale nang may mag-isip nang masama tungkol sa pagtungo nito sa kwarto niya. Miguel. I’m really scared. Umakyat ito sa isang malapit na puno. She desperately needed someone with her at that moment. nagtulay sa isang branch at umangkas sa barandilya para makapasok sa loob. She has never had that dream before.” And she told him.Nangangatal ang kanyang buntunghininga. gaya noong bata pa siya.” nag-aalala nitong sabi. She still felt so scared. “Bilisan mo. “You’re trembling.. ni hindi siya makakilos sa bed.. Ni hindi siya makabangon para kumuha ng roba. At least.” Hinagod nito ang kanyang likod. noon nasa malapit lang si Tita Venus. yeah.” Wala siyang nagawa kundi ang maghintay na lamang sa kanyang kama. but she was feeling better already. tuwing binabangungot siya. “Tell me what happened. 110 . Habang hinuhubad nito ang mga sapatos nito at humihiga ito sa kanyang tabi para ikulong siyang muli sa maluwag nitong yakap.

At umalpas ang pinakanakakatakot sa mga iniisip niya.. Humigpit ang yakap nito sa kanya. She looked for cover and then.. a dream.” Gulat siyang nag-angat nang tingin dito.. and she was still seven years old. may pumutok sa taas. I think it’s real!” Nagbuntunghininga ito nang malalim. I don’t think it’s just.. “H-He was staring at me and blood was flowing from a big wound on his temple. mulat ang mga matang nakatitig sa kanya at walang buhay.. Sobrang dilim at malakas ang ulan sa labas at lagi siyang nagigitla sa malalakas na mga kulog at pabugso-bugsong pagkidlat. “Now that you’re remembering. Or a figment of my.. “What do you mean?” 111 .. pumasok sa bahay at kumidlat muli. my imagination. there’s nothing you can do but to face it. “Allegra. Then that man was on the tiles at her feet. It was. Then this man came out of nowhere.She was scared.” Matagal siya nitong niyakap hanggang sa kumalma muli ang kanyang pangangatal. “J-Miguel..” nagbuhol ang kanyang paghinga dahil tumatakas na naman ang mga hagulhol. matagal. suddenly. He head was almost disfigured from the fall. duguan... Nag-aaway ang kanyang mga magulang at bumaba siya ng bahay para tumakbo kay George. Mayamaya ay nagsalita ito sa marahang tinig. Tutulungan kita.

But he was right. “Aminado si tito na hindi niya nabibigyan ng panahon ang kanyang asawa dahil sa pagiging sobra 112 . However much she wanted not to believe it. Tama ka. He met your parents on one of those social gatherings when your father was still in Politics. naiimbita ang iyong ina sa ibang parties na hindi siya kasama.” “J-Miguel.” Ilang sandali siyang shock na napatitig dito. Sa simula pa man nagpakita na siya ng interes sa ‘yong ina. Magaling na ang amnesia mo. you don’t mean––“ “Yes. Matapos ang isa muling nangangatal na buntunghininga.. alam niyang nagsasabi ito ng totoo. It has been haunting her for years. “ARMANDO CUSTODIO was a businessman. hindi figment ng imagination mo ang nakita mo sa panaginip mo. Masyadong busy si Tito noon at minsan. Tama rin ito sa sinabi nitong kailangan niyang harapin ang kanyang kinatatakutan. You can remember. a man in love with your mother. That man was Armando Custodio. she knew it in her heart.“Tito told me everything.. Mahiga ka. ibinagsak niya ang kanyang ulo sa mga unan. Sasabihin ko ang nalalaman ko. o ang nakikita mo tuwing nakakakita ka ng dugo. That’s how your mother and Armando became friends. and he’s everywhere they go. It has got to stop. At nakinig siya sa marahan nitong tinig habang inilalahad nito sa kaya ang lahat.

Talks ended in big fights. Kung posible pa. and your father was already carrying quite a heavy load because he knew he wasn’t giving more time to your mother. hindi pumayag ang iyong ama. Armando appeared. Kahit pinipilit iwasan ng ina mo si Armando. lalo itong gumagawa ng paraan para magkita sila lagi. Nagawa nitong makatakas papasok sa hacienda at nakaakyat ito sa bahay noong makalingat ang iyong ama. naging mas pursigido siya sa kanyang panliligaw.niyang abala sa kanyang trabaho and that placed a heavy toll on their marriage. she agreed to let him help her. By that time. she was quite miserable. because your father could not make her happy and he could. Pero bago tuluyang masira ang marriage. nagdesisyon si Tita na iwasan na si Armando. Of course. “On one of those big fights. ilalayo sa ama mo. “Ang problema. He would do things to make your father jealous.. Hindi na iyon nilinaw ng mother mo bago kayo umalis. hindi sumuko ang lalaking ‘yon. Umamin din daw ang mother mo na naging tempting para sa kanya ang binibigay na atensyon ni Armando. hindi na sure si tito. “Things got worse.. That was tempting to your mother. He must have figured the storm could mask his 113 . It was that night you remembered. Lalo silang nag-away. Hanggang sa hiniling ng iyong ina na maghiwalay na lamang sila. At siguro. at lagi nitong sinasabi na kukunin siya nito.

“Oh my God.” “I remembered bits and pieces afterwards.. I remembered him telling my mother na hindi kami pwedeng makausap ng mga imbestigador o nang kahit sino.. Your mother might have changed her mind at the last minute.taking your mother away. And you know what happened afterwards. may nakakita sa kanilang naguusap sa isang private na lugar nang hapong iyon at galit na galit siya. that he couldn’t let her go to prison.” Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Itinaboy kami ni Papa. fell from the window. They were fighting when Armando came.. sobra siyang nagselos. 114 . Tapos nangyari na nga ‘yon and their marriage couldn’t be saved by anything..... Tito tried to cover everything up because he couldn’t let your mother go to jail.. I remembered him telling her that.” Napapikit siyang muli. Kaya pala hindi kaya ni Mamang makasama ako nang matagal. “I can’t believe this.” “Oh my God…” Nagbuntunghininga nang malalim si Miguel. Matindi ang kanyang hinala na may balak umalis ang iyong ina noong gabing iyon dahil pinauwi niya ang mga maids.” “I’m sorry. Ang problema. your mother struggled and she pushed him and he.. Tumakas ang iyong ina at isinama ka n’ya. “Sabi ng ama mo.. that poor man. Ang hindi nito inasahan ay ang pag-uwi ng father mo nang maaga. pinapunta kami sa America.

” “It still feels wrong to me.” “There were consequences to doing what shouldn’t be done.” “Kaya iniwan niya ako kay Tita. “I think so. iyon ang naging konsekwensya sa kanyang ginawa. ‘yung ginawa naming pagtakas.. did tricks. kasi ayaw n’yang maalala ko ang nangyari. Hindi gusto nang lahat ang nangyari.” nauunawaan na niyang sabi. manipulated circumstances to destroy her marriage. She also wouldn’t let him get near you. Things were bad enough. Hindi na tumakbo sa sunod na halalan ang iyong ama at sinubukan niyang makipag-reconcile sa ‘yong ina. Pagkatapos niyon tumahimik na ang gulo. she said. He only left his old parents. Pero ni hindi sinagot ng iyong ina ang mga sulat niya at mga tawag.. Yes. Armando pursued a married woman. Hindi gusto ng iyong ina ang nangyari sa kanya.Hindi siguro siya pinatahimik ng kanyang konsensya.” Tumingin siya rito. and making you remember the trauma that time would make things worse for you. Kaya hindi s’ya lagi bumibisita. Paano naman ang pamilya ni Armando. “Lagi akong nanaginip nang masama noong bata pa ako nang hindi ko 115 . Sadly. ang mga taong nagmamahal sa kanya? What did they do?” “Nagsampa sila ng kaso pero pumayag sila sa areglo dahil walang matibay na ebidensyang magsasabing hindi aksidente ang nangyari.

at siniil siya nito ng halik. I don’t think the years has been good to him. hindi na magiging kasing worse nang dati ang pag-alala. agad siyang nakatulog. too. my parents. inangat ang kanyang baba.” “Ngayong alam ko na ang totoo.” mahina niyang sabi habang sumisiksik sa yakap nito. Nang mag-angat ito ng ulo. At tumugon siya sa halik nito nang walang hesitasyon. And he spent eighteen years away from his wife and daughter.nalalaman na mas bangungot ang nangyayari sa paligid ko.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi.” bulong nito sa kanya.” Nagbuntunghininga ito nang malalim at hinaplos nito ang kanyang buhok. Dito lang ako. “Thank you for being here. “I hope the nightmares will stop for you. nabuhay ang init. siguro kahit papaano. At napapalibutan niyon at nang komportable nitong presensya.” Humigpit ang yakap nito. “I don’t know what I’ll do if you’re not here. They must have suffered more than I did. Magkayakap sa ilalim ng comforter. Dala nila ang kamiserablehan sa kanilang mga puso everytime.” “He never married. 116 . masuyo ang titig nito sa kanyang mukha. All I have were occasional bouts of fear when I see blood. They must have been miserable. “Sleep.” “You’ll have to talk to your father about that. I’ll go before the sun rises.

Pero bago siya makalayo.” Isinenyas nito ang puno. Itinutok nito ang baril sa kanya. Pagkatapos. Isang ingay mula sa bagay na inilabas nito mula sa bulsa ng jacket nito. At umasa siya na mula ng mga sandaling iyon ay maaayos na ang lahat. may narinig siya na nakapagpalamig ng kanyang dugo. napangiti pa siya nang makita niya si Miguel. “What?” gulat na naman niyang tanong.MALAPIT NANG magbukang-liwayway noong iwan ni Miguel si Allegra. Nagulat siya nang makilala ito sa tama ng liwanag mula sa bintana ni Allegra. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Lumabas siya sa bintana at bumaba siya sa puno para maglakad pabalik sa bahay niya. 117 . “Better wake her up again. payapa ang magandang mukha sa liwanag ng mga lampara. Or else. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito. nakasalubong siya ng isang anino sa dilim. NAALIMPUNGATAN SI Allegra sa mahinang yugyog sa kanyang balikat. “Naaalala na ba n’ya ang lahat?” tanong nito. she’ll have another dead body to remember. “Billy?” Hindi ito nakangiti. At walang nagawa si Miguel kundi sumunod. pinauuna siya sa pagakyat.

Napatingin siya kay Miguel na nakatutok pa rin ang mga mata kay Billy. I’m an illegitimate son. ibig sabihin nito. “But I have to.But she knew right away that something was wrong. saka nagbuntunghininga.” Napaawang ang kanyang bibig sa pagkabigla. Lalo na noong makita niya si Billy sa may bintana.. “’Yon ang palayaw na binigay sa ‘kin ng aking ama. Billy?” tanong niya rito. Allegra.” ulit nito. may hawak na baril na nakatutok sa kanilang dalawa. “Nasa puno ako. “He told me.. ang aking ama.. 118 . Napabalikwas siya sa kama. And he has been a good father to me when I was young. nakakaalala ka na nga?” tanong nito sa kanya. so don’t think I’m not serious. Naupo sa tabi niya si Miguel at takot siyang napakapit dito. Pero pinayagan niyang malagay ang kanyang pangalan sa birth certificate ko.” sabi ng lalaki habang lumalapit ito. at least. So help me God. “Billy? Miguel? Anong––“ “I don’t want to do this. “Billy. “Kung gan’on.” anito sa kanya matapos nitong reluctant na iiwas ang tingin sa baril na hawak ng ninenerbyos na lalaki..” “S-Sinong sinasabi mo?” “Si Armando Custodio.” “Bakit ka may hawak na baril? Anong. nakikinig sa inyo. I will do everything to know the truth.

” “Better yet. na bumagsak ang panga.” At itinutok nito ang baril sa kanya. Billy. makalabit mo ang gatilyo. I practiced with it. suot ang isang manipis na pantulog at mas manipis na roba.” Napalingos silang tatlo. “Miguel! No!” Sa gulo. Gusto mo ba talagang pumatay nang walang saysay?” “S-Sinong may sabi sa ‘yo na papatay ako nang walang saysay? Isa pa. Nangatal sa takot si Allegra. may hawak na baril na nakatutok kay Billy. “Wala akong nagawa noon pero may magagawa na ako ngayon para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama. at si Billy naman ang namilog ang mga mata nang makita kung sino ang nag-utos. walang basta nakapansin sa mahinang pagbukas ng pinto sa kanilang likod.But I can’t hear everything so you better tell me. kung sinong pumatay sa ama ko. I planned this. she will tell you without the gun. Nagulat na lang sila nang may kalmadong magsalita.” sabi ni Miguel sa lalaki. I will shoot if you resist me. Billy. Si Brenda.” kinakabahan pa ring sabi ni Billy. So you better not distract me. 119 .” anito.. “Baka magkamali ka. “Ibaba mo ang baril. “Then you’ll shoot through me. Pero lalo na noong kumilos si Miguel para iharang ang katawan sa kanya. I know how to use this gun..

120 .“Brenda?” sabi nito sa manghang manghang tinig. Ang problema. pumutok iyon. At bumagsak ito sa sahig sapo ang paang tinamaan ng bala ng sarili nitong baril. saka ibinaba ang baril na parang nawawala sa sarili.

” Naguguluhan itong tumingin sa kanya.Chapter Eleven MABILIS NA KUMILOS si Miguel.” 121 . “You’re father’s a powerful man. pagtakpan ang lahat. Relieved itong tumingin sa namamawis na mukha ni Billy.” Napailing ito. “Makakalakad ka pa. It was an accident. Kaya niyang itago ang lahat. And when my mother did it she had no intention of doing it. “Bakit hindi na ako nagtakang mababaril mo ang sarili mong paa?” Namula nang pulang pula si Billy. Hindi sila sasaktan ni Billy pwera na lamang kung magkakamali ito. natutulala pa sa nangyari. All you have to do is introduce yourself and ask.” giit nito. “H-Hindi mo naman kailangang tutukan pa ako ng baril. “Pero hindi si Papa ang pumatay sa ama mo. kinuha ang baril mula kay Billy habang si Brenda naman ay agad ding lumapit para tingnan ang sugat ng lalaking umaaringking sa sakit habang nakahiga sa sahig. lalo na ang sarili niyang kasalanan. Lumapit siya rito. Hindi ko itatago sa ‘yo ang totoo. Pero ang nakikita niya ay ang alam niyang nakikita ni Brenda.

Umiling siya.Hindi ito makapaniwalang napatitig sa kanya. hindi ito makapaniwalang napailing. Tingin niya wala sa konsentrasyon si Billy na makinig ng mga sandaling iyon habang hindi nito maialis ang titig sa babaeng nagpapabuhol lagi ng dila nito. Nakinig si Billy nang tahimik sa hinahanap nitong katotohanan at nang masabi nilang mag-ama ang kailangang sabihin. Ipinagtapat niya kay Billy ang lahat.” She did not need to. Pero nagbabalik na noon si Brenda sa kwarto dala ang first aid kit nito. sinabi rin nito ang mga hindi pa niya alam. Si Miguel naman ang kumalma sa nagkakagulo ring mga maids sa bahay. 122 . Lumabas siya ng kwarto matapos makapagsuot ng roba para tunguhin ang amang nagising sa gulo. ang mga hindi na sakop ng kanyang naaalala. Noong makabawi sa pagkabigla ang kanyang Papa. “Lahat ng intensyon nasa ama mo para gawin n’ya ang kanyang ginawa!” sabi nito. at sandali siyang tumabi. Kalahating oras pagkatapos. tinulungan ni Miguel makababa ng bahay si Billy na nakabenda ang isang paa at lahat sila ay nagsasama-sama sa salas habang umiinom nang mainit na kape. “Sasabihin ko sa ‘yo lahat pagkatapos malapatan ng lunas ni Brenda ang sugat mo. lalo na’t ang nasabing babae ay suot pa rin ang napakaseksi nitong lingerie.

.. kung hindi ko inuna ang pangarap ko. And I don’t know.” “Hindi sinadya ni Clothilde ang kanyang ginawa. kung nabigyan ko ng panahon ang asawa ko. Hindi ko kayang tumahimik na lamang nang walang ginagawa.. sumuko. Kung.“All these years I’ve believed na kayo ang pumatay kay Daddy. but I’m sure if she’d known about you. for something she never intended on doing. saka ito pumikit at minasahe ang mga sentido nito. hihingi siya nang tawad kaya ako na lang ang hihingi n’on para sa kanya.. Sana mapatawad mo ang Mama ko sa nagawa niya sa ‘yo. Nakulong siya sa ibang klase ng piitan. Billy...” Tumingin sa kanya si Billy. Mabuting tao si Daddy. too. Billy. “Humihingi din ako ng tawad sa parte ko sa pangyayari. I don’t think he’d let her go to prison. Lahat sila. “She lost her husband and she lost me. Hindi ako matahimik. the way he’d pursued my wife. Iyon ang hinala ng iba pang mga kamag-anak ni Daddy pero wala silang ginawa. your father that well pero kung ako ang tatanungin. hindi sana nagkaroon ng dahilan para mangyari ang mga pangyayari hanggang sa dumating ang 123 . She’d gone now so she couldn’t ask for your forgiveness.” sabi niya sa mahinang tinig. She’s as much horrified with it and she has suffered. Nag-angat ito ng tingin nang magsalita ang kanyang Papa.” “Higit pa sa makulong sa piitan ang pinagdaanan ni Mama.

I made your mother unhappy. pushed her to ask for your father’s help.” sabi naman ng binata. Naiiyak na rin siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay nito. I’m married to her. “Papa.lahat sa gabing iyon. I did not listen to her.” “No. and I’m her husband. Gan’on din si Billy. pero ang pagkakamali ko ang nagbunsod sa kanya na gawin iyon. He loved your mother and he wanted to make her happy––against all odds. okay? Hindi lang tayong lahat ang naging biktima ng mga pangyayari. I pushed her to become miserable.” “May gusto lang akong malaman. Suot na nitong muli ang walang kulay nitong damit na de-collar at conservative ang tabas.” “I-I just wanted to know the truth. “I should have made my family my first priority.” Naluluhang sabi ng kanyang ama. 124 . It was all my fault.” singit ng tinig ni Brenda matapos dumaan ang asiwang katahimikan.” “Papa. He wouldn’t have any reason to feel he has to rescue her. he wouldn’t be here that night. Kung hindi nangyari iyon. Siguro maling sinubukan siyang agawin ni Armando kahit kasal na siya sa iba. “Wala akong ibang hinihingi.. ang katotohanan lang ang kailangan ko. bumawi na lang tayo kay Billy. Allegra.. I should be ashamed because it’s something I can’t say for myself!” Natakpan niya ang kanyang bibig habang nakikita ang paghihirap sa mukha nito.

Nagsalo-salo sila sa isang agahan na maaaring tahimik at uncomfortable na hindi gaya nang dati. I. PINAHANDA NG papa niya ang isang guestroom sa baba kung saan pansamantalang titigil si Billy habang ginagamot at pinagagaling ni Brenda ang sugat nito––sa mga gamot na pang-tao. mukhang malinaw na at maayos na ang lahat. Sa kabila ng salas kung saan nakaupo si Miguel.” Napangiti siya. I mean.. nangingiti rin ito. “Siguruhin mong nagsasabi ka nang totoo. pero para kay Allegra. ibang usapan na ‘yung sa ‘ting dalawa. 125 .. Nakatitig si Brenda kay Billy. you.. doing it all by myself.Who would guess that inside that. pero namulang lalo ang mukha nitong parang sili. At napabuntunghininga siya. namumula na naman ang mukha.” Hindi nakaimik si Billy. Sa wakas. pagkatapos ay sinulyapan nito ang paa ng lalaki. or else gagaling ‘yang paa mo sa gamot sa kabayo. inspite of herself. iyon ang umaga na simula nang isang bagong kabanata sa buhay ng lahat. Nagsettle na ang gulo sa bahay. Nakangiti silang nagkatitigan ni Miguel. “Of course not! I eavesdropped and asked questions. she might be wearing something hot? “Kasama ba ako sa ginamit mo para malaman mo ang sinasabi mong katotohanan?” Asiwang tumingin dito si Billy.

nagtungo sa study ang kanyang ama. “Marami akong plano.” bulong nito matapos ang matagal na halik.Pagkatapos ng umagahan. “If you’re ready. “’Like that. Nalulula pa siya at wala siyang nagawa kundi tumango at bahagyang pumayag. halaman at lumot. Si Billy naman ay sinamahan ni Brenda sa kwarto nito para check-in ang sugat nito at painumin ito ng gamot. Think you can make a plan to construct a poolhouse sa kabila?” tanong niya rito. Nagbuntunghininga siya habang nakatingin sa parte ng tiles ng pool na natatakpan ng lupa. Ngumiti ito sa tingin niya. Gusto mong marinig lahat?” Nakadama siya nang mainit na pakiramdam sa kanyang dibdib dahil sa titig nito. hindi pa rin iyon maalis-alis lalo na tuwing mapapasulyap ito sa babae. “Why not? Ngayon na?” Bumubuntunghiningang hinila siya nito at niyakap. “I have a plan to have more time for this. Nadaanan nila ang kanto ng bahay kung saan tanaw ang hindi pa nare-renovate na lumang wing. Lumabas naman silang dalawa ni Miguel at naglakad-lakad patungo sa hardin. Namumula pa rin si Billy.” 126 .” sagot niya bago bumaba ang ulo nito para gawaran siya ng isa na naman sa makatunaw-tuhod nitong mga halik. “I think that wing should be abolished.” “Let’s see if I am.

.” “Plan to marry?” kumakabog ang dibdib niyang tanong. “Ready for what.” Saka siya nito muling hinapit sa yakap nito para siilin siyang muli nang maalab na halik. -END 127 . too. “That’s good. that.“I have a plan to tell your father about us. exactly?” tanong niya.” Napaangat ang kanyang mga mata rito. and my mother. kung handa ka na.” sabi nito.. “I’m coming to that. Pero sa’n d’on ‘yung part na ‘I love you’?” Napangisi ito. “You don’t think we’re ready for that?” nagaalala nitong tanong. “Most of all. Sandali siyang nag-isip. “To be engaged.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful